MANABAT: [Recording starts] Para daw po sa paglaya ni Pemberton na ‘ika nga ay hinihintay na lamang daw po ang pormal na paglaya po niya, although may motion pa naman ang kampo ng Laude. Bilang dating counsel ng pamilya Laude, ano hong naramdaman ninyo noong sinabi po ng Korte na palayain na si Pemberton?
SEC. ROQUE: Eh, hindi po makatarungan iyan ‘no. Pinatay po ni Pemberton si Laude na parang animal. Nilublob ang ulo sa inidoro hanggang malunod tapos binalian pa ng leeg. Hindi po tama na iyang karumal-dumal na krimen na iyan ay mapaparusahan lamang ng limang taong pagkakakulong. Anyway, kagaya ng sinabi mo, mayroon pang motion for reconsideration, tatlo po ang punto diyan.
Unang-una, ay paano naman magkakaroon ng allowance for good conduct iyan eh nandoon siya sa ginintuang hawla. Iyong allowance po for good conduct, unang-una binibigay upon recommendation ng Bureau of Corrections, eh wala namang ganiyang rekomendasyon ang kahit sino, kasi ang tagakulong naman niya diyan sa Aguinaldo ay hindi taga-Bureau of Corrections, so sino ang nagrekomenda, bakit ang korte eh motu proprio ay gumalaw? Eh dapat mayroong rekomendasyon, dahil hindi naman alam ng hukuman kung ano talaga ang naging asta ni Pemberton diyan.
Pangalawa bakit allowance for good conduct na nag-iisa siya ano, eh binibigay lang iyan kapag maraming mga preso para mas lalong makontrol noong mga otoridad iyong mga nakakulong, pero kung nag-iisa ka, bakit mayroong allowance for good conduct?
At siyempre ang huling punto ng kampo ni Laude, eh bakit pati iyong panahon na siya ay nakakulong na habang nililitis siya ay binigyan siya ng allowance for good conduct? Eh samantalang iyong panahon na iyon, hindi po siya nakakulong sa hurisdiksiyon ng Pilipinas, nakakulong siya sa hurisdiksiyon ng mga Amerikano. Bakit magbibigay ng allowance for good conduct, eh samantalang ang may hawak sa kaniya noong habang siya ay nililitis na mahigit-kumulang isang taon ay mga Amerikano?
MANABAT: Secretary sa inyo po bang pagkaalala sa history po sa kasaysayan na first time ba na ganitong naging kabilis ang pagbibigay po ng release or order para malaya ang isang inmate na dayuhan na ang pagsisilbihan po dapat niyang sentensiya ay sampung taon?
SEC. ROQUE: Well sa akin po, talagang masama pong precedent ito. Kasi ang pinapadala nating mensahe, kapag ikaw ay Amerikano at pinatay mo na parang animal ang Pilipino, eh halos hindi ka mapaparusahan. At mantakin mo ha, hindi talaga natin alam kung nakulong iyang si Pemberton, walang nakakita sa loob niyan sa Aguinaldo, at sigurado ako kung nandoon man siya, hindi siya nag-iisa napakadaming sundalong Pilipino at Amerikano ang nakakahalubilo niya dahil ang laki-laki ng complex na ginawa nila para sa isang tao lamang. Ang eskplanasyon nila sa akin dati, nasa air conditioned van, pero kung titingnan mo ngayon kung saan nakakulong si Pemberton ay isang buong complex. So ano ba namang pagkakakulong iyan na ang dami-dami niyang kausap, ang laki-laki po ng kaniyang iniikutan – hindi po makatarungan!
MANABAT: Opo, Secretary doon po ba sa pagkakataon na naikulong si Pemberton sa Kampo Aguinaldo, may instance or pagkakataon po ba na ipinakita man lamang sa inyo or nakita ninyo na talagang siya ay nandodoon?
SEC. ROQUE: Wala po. Ni minsan hindi namin naaninuhan iyang si Pemberton na iyan.
MANABAT: Secretary, mayroon po ba kayong nakikitang pagkahalintulad doon sa naging kaso naman ni Lance Corporal Daniel Smith dito po sa kaso ni Pemberton?
SEC. ROQUE: Well, at least itong si Pemberton nakulong, si Daniel Smith ay hindi na nakulong, dahil nakipag-ayos na nga. Ang kaso naman kasi rape, so pupuwedeng ayusin talaga. Pero ito naman homicide, hindi naman puwedeng ayusin. Dapat sana binigyan siya ng maximum na kaniyang sentensiya o kaya ng minimum. Kasi hindi naman umabot ng minimum eh! 6 years to 10 years iyan, eh 5 years pa lang, hindi pa niya nakukumpleto iyong 6 years man lang at isang buwang short of ikaanim na taon niya oh. So, sa akin po, baka ang mensaheng pinararating natin eh, kahit gaano mong karumal-dumal patayin ang Pilipino kapag ikaw ay Amerikano, hindi ka masyado talagang mapaparusahan, mali po iyan.
MANABAT: Opo, bale sa ngayon po ang hihintayin na lang natin ay ang magiging resulta or decision ng court doon sa motion for reconsideration noong natitirang abogado ng pamilya Laude.
SEC. ROQUE: Tama po iyan.
MANABAT: Secretary, sa ibang isyu na lamang po. Maigsi lamang, kailan na ini-expect ulit na mag-aanunsiyo ng panibagong assessment ang Presidente sa COVID pandemic po natin?
SEC. ROQUE: Isang buwan po ang ginawang classification, para sa buong buwan ng Setyembre, bagama’t tingnan po natin kung mayroong mga magiging anunsiyo sa a-kinse. Pero one month po iyan.
MANABAT: Opo, ang Presidente po ay kumusta na po ba?
SEC. ROQUE: Okay naman po, kahapon po nag-attend po siya ng isang virtual diplomatic conference na pinamumunuan po ng King of Jordan at mamaya po sa press briefing bibigyan namin kayo ng blow by blow account kung ano ang nangyari doon sa tinatawag na [unclear].
MANABAT: Secretary sa ngayon po, ganoon pa rin ang set-up sa Presidente na wala hong kung sino man ang basta-bastang pupuwedeng makalapit sa kaniya?
SEC. ROQUE: Opo. Mayroon pong distansiya talaga. Ini-ensure po nila na mayroong at least dalawang metrong distansiya doon sa mga lumalapit kay Presidente.
MANABAT: Secretary Harry maraming salamat po sa oras po ninyo. Magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po, maraming salamat po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)