Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Lala Roque and Orly Trinidad – Super Balita sa Tanghali, DZBB



LALA ROQUE: Sir, nabanggit na po kanina, nag-flash report na po, humiling na po ang Pangulo sa DBM ng budget. Pero paano po ba iyong goal ng ating pamahalaan parang dati pa rin po, ang maaring ibigay na ayuda sa ating mga kababayang maapektuhan ng ECQ.

ORLY TRINIDAD: Magandang tanghali muna, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Orly at Lala. Well, inaasahan natin na kapareho iyan noong ibinahagi noong huling ECQ at saka iyong ibinigay din sa mga mamamayan ng Iloilo at saka ng Cagayan De Oro at Gingoog. So P1,000 kada tao hanggang maximum of four. Now, ang hinihingi ko lang talaga ay kumpirmasyon, pero nakausap ko naman po si Secretary Wendel Avisado at ang sabi niya sa akin, hahanapan at hahanapan natin iyan, dahil ang Presidente hindi pumapayag na mag-ECQ na walang ayuda sa mga mamamayan.

ORLY TRINIDAD: Sa ngayon, hindi pa tiyak kung magkano ang pinag-uusapan natin dito, individual or family. Ang sigurado lang, kailangang hanapan iyan bago mag-August 6?

SEC. ROQUE: Opo, opo. Kaya nga po minabuti na rin natin na magkaroon ng panahon para paghahanda sa lahat, sa gobyerno, sa mga mamamayan, sa mga negosyong maaapektuhan.

ORLY TRINIDAD: All right. Iyong mga religious gathering. Kanina sa report ay hinikayat na online muna. Papaano po ba ito kung saka-sakali, mayroon talagang mga religious gathering daw na na-schedule na? At paano ba ang kanilang magiging pagtupad po rito alinsunod na rin sa mga mangyayari this coming August, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga po ang sinabi ko eh mula ngayon hanggang a-singko ng Agosto GCQ tayo with heightened and additional restriction. Isa na po iyong sa pagbabawal sa mga gatherings talaga, kasama na po iyong mga religious gatherings.

ORLY TRINIDAD: So walang kompromiso dito ha, kapag sinabing online, lahat po, kung anuman iyan lalo na kung may mga anniversary pa?

SEC. ROQUE: Opo, lahat po ng mga na-schedule kinakailangan na po iyang ma-cancel.

ORLY TRINIDAD: All right. Sa sector po ng mga manggagawa, iyong iba naman ay puwede naman, lalo’t mayroon namang sinasabing puwede silang lumabas dahil sila ay mga Authorized Person Outside of Residence o mga APOR? Mayroon po bang additional directive o mga pinag-uusapan lalo na siguro doon sa mga gagamiting transportasyon, iyong mga kumpanya na kung pupuwede lang ay mag-provide ng shuttle service?

LALA ROQUE: Dati kasi may service noong ECQ?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, mula ngayon hanggang a-singko, eh status quo naman tayo pagdating sa transportasyon. Hintayin na lang po natin ang anunsiyo para sa mangyayari sa ECQ. Kasi alam po ninyo dalawang ECQ na nagkaroon tayo, noong una wala po talagang transportasyon at iyong pangalawa, mayroon. Pero hayaan na po muna nating magdesisyon ang DOTr at ang mga LTO, LTFRB tungkol dito. May panahon naman po tayo ng paghahanda, so, hindi muna kailangang sagutin iyan. Basta ngayon po, hanggang a-singko ay mayroon naman po tayong pampublikong transportasyon.

ORLY TRINIDAD: May posibilidad kaya na hindi tayo maghigpit sa transport sector? Ibig sabihin nandiyan din po iyong mga regular na nakikita po natin ngayon. Lamang, iyong mga pasahero talagang doon magkakaroon ng pagpapatupad ng istrikto na kung hindi sila puwedeng lumabas, hindi sila makakalabas?

SEC. ROQUE: Orly, ang ginagawa po natin ay preemptive strike. So sa totoo lang, bagama’t wala pang anunsiyo ang DOTr dito, tingin po magkakaroon talaga ng pagbawas sa transportasyon kagaya noong unang-unang ECQ na pinatupad natin.

LALA ROQUE: Okay. So, kung paano po iyong scenario natin noong dating ECQ like iyong QR code doon sa mga APOR noon, balik po iyon, iyong mga seniors natin bawal po uling lumabas pagdating po ng ECQ – balik po tayo talaga sa dati?

SEC. ROQUE: Balik po sa dati. Dahil iyon naman po talaga ang guidelines ng ECQ ‘no. Pero anyway, may isang linggo pa po tayong maghahanda, so ayaw ko munang magsalita ng tapos dahil nga dito nga sa palugit na isang linggong ito ay paplanuhin natin.

ORLY TRINIDAD: Paplantsahin lahat. Lalo na iyong border restriction muli. Iyong mga Rizal province to Metro Manila, ganoon?

SEC. ROQUE: Opo. In fact, mayroon na po tayong border restrictions ngayon, kasi na-anunsiyo na natin iyong mga non-essential travels to and from Metro Manila Plus ay pinagbabawal na after naanunsiyo natin iyan.

LALA ROQUE: Okay, kasama rin po sa ianunsiyo ninyo iyong mga malls, kasi natatandaan ko noong ECQ bawal eh.

ORLY TRINIDAD: Iyong grocery lang at saka drug store.

LALA ROQUE: Oo, halos bawal lahat. Kasi ang alam ko mayroon din ngayon iyong Unified ID system nasa loob sila ng mga malls. So, pati po iyong mga iyon maaantala muna pagdating ng ECQ sa August 6 to 20?

SEC. ROQUE: Oo, pero alam ninyo isang linggo pa iyan eh. Kaya nga ayaw ko munang sagutin. Sinasagot ko muna eh, hanggang ngayon hanggang a-singko. Bukas pa po ang mga malls, dahil nga po ang ginagawa natin, hindi lang naghahanda, binibigyan natin ng pagkakataon na magtrabaho iyong pinakamaraming mga kababayan natin bago tayo mag-lockdown. So, kaya nga po, kapag sinabi kong sarado na ang malls ngayon pa lang, eh hindi po totoo iyan. Bukas pa rin po ang mga malls, dahil gusto nating mabigyan ng hanapbuhay ang pinakamarami. Ang ipinagbabawal lang po simula bukas iyong al Fresco at saka indoor dining.

LALA ROQUE: Okay. Ito po, sa mga magpapa-book, sa mga OFWs natin? Papaano po iyong pagdating na ng ECQ? Bawal po muna tayong tumanggap ng mga papasok sa ating bansa mula sa ibang bansa po, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi po, never nating ipinagbawal ang international travels sa ECQ. Ang ipinagbabawal po sa ECQ iyong domestic travel.

ORLY TRINIDAD: Well, at least mayroon pa tayong ilang araw para mapaghandaan kung anuman iyong mga pinal na mga ipaiiral na mga panuntunan, Secretary?

SEC. ROQUE: Oo, isang linggo pa po iyan. Dahil mayroon pa naman tayong pagkakataon, dahil kakaunti pa lang naman po ang gumagamit ng ating healthcare facilities at saka pinagbibigyan talaga natin ang ating mga kababayang maghanapbuhay pa.

LALA ROQUE: Oo at saka ang tiyak po diyan, tuloy pa rin naman po ang bakunahan kahit nasa ECQ tayo.

SEC. ROQUE: Kahit ano pong mangyari eh, kasama nga po iyan sa kondisyones na sinabi ng mga Mayors na two weeks, tapos tuluy-tuloy naman ang bakuna. In fact, pabibilisin natin, dahil mukhang mapagbibigyan iyong hinihiling nilang numero ng bakuna. Pero kagaya ng sinasabi ko, August 6 pa po iyan. Huwag muna tayong magsalita ng tapos.

ORLY TRINIDAD: Ang mahalaga iyong binanggit ninyo, huwag mag-panic buying. Iyong iba po tulad natin, hanggang panic lang tayo, iyong iba siguro may kakayahan pang mag-buying. Secretary, puwede ba akong lumihis ng kaunti, isang tanong lang? Parang nabigla tayong lahat na mayroon pala tayong panauhin mula Amerika at hindi basta-bastang panauhin, Defense Secretary pa, si Secretary Lloyd Austin? Hindi ko lang alam, pero ako personally parang oh, darating pala iyan. Usually kasi kapag ganito may mga prior arrangement and announcement, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Nagkaroon naman po ng prior announcement iyon. Kinumpirma ko po iyan sa aking press briefing at sinabi ko ang petsa ng kanilang pagpupulong ng Presidente na naganap kahapon nga.

ORLY TRINIDAD: Oo, all right. Doon sa mga gustong malaman at maaaring may mga, ngayon pa lamang ay may haka-haka na, dahil ang resulta ay iyong pagbabalik ng VFA muli na sa tingin siguro ng Pangulo iyon ay mahalaga, iyon po ay nasa kaniyang prerogative. Pero iyong mga maaaring mag-insinuate na baka may kapalit, baka mayroong mga hiningi na puwedeng ibigay. May mga ganoon bang dapat na, may basehan po ba iyong mga ganoong maaring haka-haka, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, lahat po ng desisyon ng Presidente, bagama’t ay mayroong mga isyu ng pakikipagkaibigan, ay sang-ayon po sa pang-national na interest. Iyang ganiyang decision po ay dahil sa tingin ng Presidente, iyan po ay makakabuti sa interest ng mga Pilipino sa ngayon.

ORLY TRINIDAD: All right, Secretary. Secretary, iyon lamang po. Iyon sigurong ilang mga tanong namin ay pahintulutan ninyong itawag na lang po muli namin sa inyo para po sa ibang pagkakataon, Secretary. Salamat po.

LALA ROQUE: Salamat po.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat Orly at Lala.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center