Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Mela Lesmoras (PTV – Balita Ngayon)



LESMORAS: Spox, kumusta po si Pangulong Duterte ngayon? Baka po may schedule siya or may ka-meeting siya? Mayroon po ba, sir?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, ang alam ko ay mayroon siyang mga private meetings na magaganap ngayong hapon, at ang susunod na pagpupulong po ay sa Lunes. Ito po ay magiging full Cabinet meeting sa Lunes, alas kuwatro ng hapon.

LESMORAS: Opo. Spox, speaking of that Cabinet meeting, kasi marami tayong kababayang lagi naman po ang concern ay itong COVID-19. Anu-ano po kaya ang agenda dito? At papaano po ito makakatulong itong Cabinet meeting natin para ibayo pang mapaigting ang COVID-19 response ng pamahalaan?

SEC. ROQUE: Well, nagkaroon po kasi ng briefing si Secretary Dominguez at saka si Secretary Chua tungkol doon sa epekto ng pandemya sa ekonomiya. At ipinakita nila na dahil nga sa pandemya, humina ang ekonomiya na nagresulta sa mas maraming nagugutom at mas maraming mga bata na malnourished.

So ang kanilang solusyon ay buksan pa nang mas bukas ang ating ekonomiya dahil kaya na naman natin na mabuhay na naririyan, sa kabila ng COVID-19. Kinakailangan lang ay mag-mask, maghugas at umiwas. Kaya iyan po ang pag-uusapan, kung paano pa pupuwedeng magbuksan ang ekonomiya nang sa ganoon ay masagip natin sa kahirapan ang napakarami nating mga kababayan.

LESMORAS: Opo. Sir, may mga nagtatanong lang din kasi since COVID-19 solutions iyong ating pag-uusapan, may tiyansa po kayang maimbitahan ang iba pang personalidad na may mga inilalatag na mungkahi kontra COVID-19 tulad ni Vice President Leni Robredo since marami po siyang suggestions on health, education at iba pang isyu? At sinabi rin ni Senador Imee Marcos na dapat may kasamang ordinary housewife sa IATF para makonsidera ang plight nila lalo na start na rin ang classes ngayon pandemic.

SEC. ROQUE: Well, kay VP Leni Robredo po ‘no, siya ay Pangalawang Pangulo pero hindi po siya miyembro ng Gabinete kaya hindi po siya maiimbita sa Cabinet meeting. At saka sinasabi ko naman po na lahat ng suhestiyon niya ay pinakikinggan natin kaya lang, wala pong bago. Kung mayroon po siyang bagong suhestiyon, I’m sure ikukonsidera po iyan.

At lahat naman po ng Cabinet members, pagpunta doon sa pagpupulong na iyon ay dala-dala ang sentimiyento hindi lang ang kanilang mga personal, kung hindi ang sentimiyento ng taumbayan. Kaya nga po ang pag-uusapan, “O paano na ang gagawin natin, marami nang naghihirap dahil sa pinakamahabang lockdown natin. Kaya na ba natin na bigyan ng lunas iyong mga matinding magkakasakit o iyong mga severe or critically ill dahil sa COVID-19 para mabuksan ang ekonomiya,” at iyan po ang bibigyan ng kasagutan.

LESMORAS: Opo. Sa isang latest report, sir, ng WHO, sinabi nila na COVID-19 vaccine may be ready by year end. Ano po ang masasabi ninyo rito? At I understand na natalakay din naman ito ni Pangulong Duterte mismo. Pero ang tanong ng ating mga kababayan, may budget on-hand na po kaya tayo in case nga na talagang magkaroon na by year end?

SEC. ROQUE: Ay, naitabi na po natin ang budget para sa pagbili ng vaccine. Alam na natin ang mekanismo, PITC ang bibili po niyan at ang magpi-finance po ay ang Landbank at and DBP. At bibili po tayo ng dosage, dalawang dosage para sa 20 million na pinakamahirap nating mga kababayan; mauuna po ang mga mahihirap.

LESMORAS: Opo. On transportation issue naman, Secretary Roque. May IATF update na po kaya doon sa sinabi nga rin natin noong Monday na pinag-aaralan iyong 70% public transport capacity? Or if ever man, sir, may mga grupo na humihiling na kung hindi man itaas ang capacity, bakit daw po hindi na lang dagdagan pa iyong mga pinapayagang tumatakbo sa kalsada to accommodate passengers?

SEC. ROQUE: Isa po iyan sa pag-uusapan sa Cabinet meeting, so ayaw ko na pong pangunahan iyong magiging outcome ng Cabinet meeting on Monday.

LESMORAS: Opo. At panghuling usapin na lang, Spox, bilang ito po ang pinakamainit din ngayon, iyong mga usapin sa Kamara. Ano po ang masasabi ninyo sa latest development? At marami rin pong mga kababayan natin ang nalulungkot at pumupuna na imbes daw nga na mag-focus sa COVID-19 at sa 2021 budget ay may ganitong scenario sa House Speakership. Ano po ang masasabi ng Palasyo rito?

SEC. ROQUE: Hands off po ang Palasyo diyan. That’s a purely internal affair of the House of Representatives. Ang hiling lang ng Presidente ay huwag maantala po ang pagpasa ng budget. At nagagalak naman po kami na naipasa na on second reading ang budget sa Mababang Kapulungan.

LESMORAS: Opo. Sabi lang, sir, ni Senate President Tito Sotto, hindi sila dapat sisihin kung sakaling ma-delay ang pagpasa ng budget sa nangyayari sa Kamara. Ano po ang masasabi ninyo rito?

SEC. ROQUE: Tingin ko naman ay walang sisihan na mangyayari kasi pupuwede naman magpatuloy po ang Senado ng pagdinig nila sa budget bill kasi na-originate na po iyan sa House. Hindi naman po requirement na dapat matapos ng House bago makagalaw ang Senado. Ang requirement lang ng Saligang Batas, it must originate from the House. And dahil naipasa na nga po sa second reading, iyan po ay pruweba na nag-originate na po iyan sa House, puwede po iyong full blown deliberation maski po naka-break ang Kongreso.

LESMORAS: Opo. Pero, sir, magkakaroon pa kaya ng pulong ulit si Pangulong Duterte kina Congressman Lord Allan Velasco at House Speaker Cayetano?

SEC. ROQUE: Siguro wala na, nasabi na niya ang lahat ng dapat niyang sabihin sa parehong partido. Ang kaniyang hiling: Huwag i-hostage ang budget; kinakailangan natin itong COVID-19 budget na ito.

LESMORAS: Opo. Sir, bago lang tayo magtapos, kani-kanina kasi ay nakita ng ating mga kababayan at ikinalugod ang inyong latest Facebook post. Kayo na mismo ang nag-post ng mga memes, ano po ang masasabi ninyo sa ating creative Pinoys? At hindi po ba tayo na-offend? Sa atin po ba ay okay lang iyong mga ganito?

SEC. ROQUE: Hindi po. Sa panahon ng pandemya ay natutuwa ako na kahit papaano ay mayroon tayong kontribusyon para maaliw ang ating mga kababayan.

LESMORAS: Opo. May favorite po ba kayo sa mga memes na pinost ninyo, sir?

SEC. ROQUE: Well, mas maganda iyong kasama ko iyong mga Avengers. [Laughs] Ang aking pangarap. Kamukha rin ako ng mga Avengers; kasing katawan ng mga Avengers.

LESMORAS: Naku, actually, sir, marami rin po ang mga nagpapasalamat kasi kailangan natin ng light moments din ngayong pandemya.

SEC. ROQUE: Opo. Kailangan talaga natin na magkaroon ng kaunting aliw, dahil alam naman ninyo ang mensahe ng Presidente: “Bagama’t nandiyan ang COVID-19, kaya po nating mabuhay in spite and despite, pag-ingatan lang ang ating mga buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.”

LESMORAS: Opo. At iyan po si Presidential Spokesperson Harry Roque. Maraming salamat po, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang hapon po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)