FAILON: Sec. Harry, good morning sir and welcome on board.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Manong Ted at magandang umaga buong Pilipinas.
FAILON: Okay, again, sir. Just basically, ano ba ang kaibahan ng GCQ doon sa Modified ECQ?
SEC. ROQUE: Siguro simulan natin nang nasa ECQ pa rin tayo, bagama’t ito ay modified. Ang ginawa lang po natin ay binuksan natin ang mas maraming industriya. Dahil sa katunayan at sa katotohanan na hindi naman natin kaya na buhayin ang lahat ng mga mamamayan natin sa pamamagitan ng ayuda so, kinakailangan unti-unti natin, dahan-dahan nating buksan ang ating ekonomiya. At sa aking estima, siguro mga nadoble natin iyong mga industriya na pupuwede nang mag-operate sa mga lugar na ECQ. Pero huwag po tayong magkamali, naka-enhanced quarantine pa rin tayo, bagama’t modified nga po ang tawag natin dito.
FAILON: Okay, so basically po, sa Modified ECQ stay at home pa rin. Puwede kang limitadong lumabas sa mga palakad-lakad at kaunting exercises. Iyong pagtitipon po ay highly restricted. When you say highly restricted, papaano po ito sir, ito ba ay maaari kang tumawag ng meeting ng inyong mga Board of Directors ng subdivision ninyo, homeowners ninyo, paano po kaya ito?
SEC. ROQUE: Well, ang nakasulat po sa guidelines, hanggang limang tao pupuwede. Pero kung meeting lang naman po ng homeowners po iyan eh lahat naman po tayo nagbi-video conferencing, puwede na rin sigurong video conferencing. Ibig sabihin kung pupuwedeng stay at home po, stay at home pa rin.
FAILON: Okay, at wala pa rin pong public transport, iyan po ang klaro, okay.
SEC. ROQUE: Klaro po iyan, dahil lahat po iyong industriya na bubuksan, dapat sila magbigay ng shuttle, puwede iyong pag-aari na nila o pupuwede silang; kapag umupa kukuha po ng special permit sa LTFRB.
FAILON: Opo, sa Metro Manila under Modified ECQ wala pa ring magbubukas na mall?
SEC. ROQUE: Well, ang mall po, dati naman pong bukas para doon sa mg supermarkets, para po sa mga botika, sa mga bangko, so, para doon lang po. Ang mas maraming bubuksan po na mall ay iyong mga establishments sa malls ay mga sa GCQ area.
FAILON: Ayon, para lang po klaro, kasi mga taga-Metro Manila, baka akala ho ninyo bukas maaari na kayong lumabas ng bahay at magpunta sa mall para sa mga sinasabing essential na mga pangangailangan natin. Kagaya po ng – example essential, ano po ba ito – so, kumbaga si misis ay may mga pamahid sa mukha na paubos na, importante, importante sa kaniya iyon eh, baka sa inyo hindi eh kay misis importante iyon, tama naubos na. Puwede ba akong pumunta sa tindahan nito kung wala sa mga botika, hindi ba may mga specialty shop iyan – wala pa rin pong ganoon ano po, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko po. Mas marami pong ngayon ay bukas sa modified ECQ. Nandiyan na po iyong mga manufacturing ng beverages, iyong electrical machinery, wood products, textiles, tobacco products, paper, rubber and plastic, [unclear], metallic products, computer, electronic and optical products, medical equipment, machinery and equipment, pati po iyong bentahan ng mga kotse. Pero iyong mga non-essential po talaga ay nililimitahan pa rin, kasi remain at home pa rin po ang ating sistema.
FAILON: Okay, para po sa ilang detalye, saan po maaaring makapagtanong, anong website ang maaaring puntahan po ng mga negosyante, mga consumers natin para lang ho makasiguro po tayo?
SEC. ROQUE: Well, mayroon po namang web page ang Office of the Presidential Spokesperson, mayroon din pong web page ang PCOO. So iyan naman po ay widely visited po ng ating mga kababayan at nandiyan po lahat iyong mga listahan ng mga industriya, whether be in category 1, category 2 or category 3 – dahil ako po mismo ay talagang palagi po akong nagkokodigo. Well, alam ninyo, ito po dadagdagan ko lang po, iyong sa mga shops sa mall, puwede na rin po ang publishing and printing, puwede na rin po iyong mga film, music and TV production, iyong mga employment agency po, dahil pupuwede na nga po iyong mga OFWs natin na umalis muli, ay magbubukas na rin po iyan. So, madami po talaga at ito nga po ay dahil ay—ito pong mga hardware stores, clothing accessories, bukas na rin po iyan sa ECQ ‘no.
FAILON: Sa Modified ECQ.
SEC. ROQUE: Ang limitasyon lang po non-leisure and hindi allowed sa ating mga malls. Hayaan na po ninyo akong basahin ito, sa malls: Iyong mga dining restaurant, iyong mga restaurant bawal pa rin ang dine-in. Pero puwede talaga iyong take out at saka pupuwede po iyong drive-thru. Tapos iyong hardware store, iyong clothing and accessories, bukas na po iyan. Iyong mall based frontline services, hardware, bookstores and other office supplies, daily care supplies, pet foods, flower, jewelry, novelty at saka perfume shops bukas na rin po iyan sa ating mga malls at mga toy stores pero hindi pa rin pupuwede iyong mga playground and amusement area.
Hinahanap po dito iyong sinasabi ninyo na pamahid sa mukha, tingin ko naman po dahil hindi naman siya matao at siya ay nasa mall, mukhang pupuwede na po siya, dahil ang clothing and accessories dahilan ang mga dermatological clinics naman po ay pupuwede na rin at iyong mga iba pang related industries ay sakop din po ng guidelines ng ating DTI.
FAILON: And that is modified ECQ, binabanggit ninyo ha?
SEC. ROQUE: Modified ECQ po itong aking nabasa ngayon.
FAILON: So, kasama na po diyan ang pagbubukas o ng mga barber shops, right?
SEC. ROQUE: Ay nako, alam mo, Manong Ted, iyan ang pinakamasalimuot na usapin sa ECQ. May mga ilang mga miyembro ng Gabinete na in close to tear sa debate diyan sa barber shop na iyan. Pero naging pinal na desisyon, hindi pa po muna papayagan ang mga barbero at saka mga beauty salon sa Modified ECQ. Bagama’t sa GCQ eh, patuloy po ang pag-review ng DTI. So, medyo kaniya-kaniya na muna tayong gupit talaga. Pero alam mo po kung talagang i-estimate ko ang oras na binuhos dito sa mga barbero na nagpapakitang mahal natin ang mga barbero at ang mga beauty parlor workers, siguro hindi bababa sa sampung oras ang ginugol sa diskusyon at debate dito sa mga barbero at mga beauty shop.
FAILON: Kasi nga po ngayon, mayroon na pong—di ba ating napapanuod at nakikita na mga barbero naggugupit naka-face mask, naka-face shield naman sila. Naka-face shield hindi po ba at talaga namang nakabalot din. So, sabi nga kung pinapayagan po, you know, example optical services, ito po ba bukas na ngayon, dental services na po ba ito?
SEC. ROQUE: Bukas po lahat iyan. Pero pati po naman sila, mga medical and allied medical profession, so marunong po talaga silang mag-ingat sa sarili, iyong iba pa nga, gagamit pa nga iyan ng PPEs. Pero ang mga barbero po kasi – siguro iyon ang naging dahilan kung bakit nanaig po iyong kampo na huwag munang buksan – ay hindi naman po sila trained kung paano talaga magprotekta sa kanilang mga sarili.
FAILON: Okay, so itong mga barbershops, mga beauty salons na ito, modified ECQ, GCQ hindi pa rin puwede?
SEC. ROQUE: Well, sa GCQ po, DTI is still reviewing. So ibig sabihin hindi pa rin po pupuwede – talagang masalimuot po iyong usaping barbero.
FAILON: Okay, doon po sa pinag-uusapan na construction ano po, Sec., maaari na pong makapagbukas iyong mga private po na mga construction, mga nagpapagawa po ng bahay, mga mayroon pong pinapagawang building, pero lang po, may panuntunan, ‘ika ninyo – doon po ba 50% din ang workforce dapat?
SEC. ROQUE: Well, hindi lang po ganoon. Kung hindi, kinakailangan iyong mga malakihang projects po ay mag-provide ng barracks doon sa kanilang construction site at kinakailangan mag-testing po sila for COVID din – iyong mga malakihang proyekto at mga priority projects na inaprubahan po ng DPWH. So, nasa palatuntunan din po ang paggamit ng PPEs sa mga construction workers at saka iyong pagkakaroon ng safety officer doon sa lugar po ng pinagtatrabahuhan.
Lilinawin ko lang po sa MECQ iyong tanong po ninyo sa akin dati, iyong mga home construction hindi pa po allowed iyan sa MECQ. In fact, ang ina-allow lang po natin iyong malawakang proyekto ng gobyerno at pribado lalung-lalo na iyong priority projects sa ilalim ng BBB. Pero iyong home construction po, marami naman pong miyembro ng Gabinete na maraming home construction, hindi pa rin po iyan allowed sa MECQ.
FAILON: Okay. So kung sa ngayon po sir, sa Modified ECQ ay maaari na pong pumunta ng mga manggagawa doon sa mga magbubukas na mga allowed na uri ng serbisyo po at produkto, paano po iyong usapin ng ID system dito? Iyong mga checkpoint, saan-saan po ito, kasi baka magkaroon na naman dito ng kalituhan po at friction.
SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko po dahil ECQ pa rin, mayroon pa ring checkpoint iyan, at saka iyong mga curfews ipagpapatuloy pa rin po iyan, dahil iyan naman po ay nakabase sa mga ordinansa. Ang mga checkpoints nga lang po inaasahan nating magiging mas maluwag sila. Talagang dati na namang hindi dapat hinaharang ang cargo at saka mga supply ng pagkain. Pero sa ngayon po siguro talagang titingnan nila iyong employment ID para masigurado na kasama sila doon sa industriya na nagbukas na.
Pero marami na po iyang nagbukas, halos kung masasabi nga natin, napakalawak na, na ang importante na lang nating tandaan kung ano iyong mga ipinagbabawal, iyong mga negative bits na tinatawag.
At uulitin ko po kung a itong mga negative bits na talaga na hanggang ngayon po ay hindi pa pinapayagan: Iyong mga gym, fitness studios, sports facilities, entertainment industries, mga sinehan, mga teatro, mga bar; iyong kid amusement industry, iyong library sa archives, museum and cultural centers; iyong mga tourist destination, hindi pa rin po pupuwede iyan; mga travel agencies, tour operators, reservations service at iyong mga personal care services – iyong mga massage parlors, sauna, facial care, waxing, etcetera, talagang hindi pa po iyan allowed.
FAILON: Sir, can you clarify po, please Secretary, iyon pong statement na self-employed Filipinos may make their own IDs para makabiyahe for work-related reason.
SEC. ROQUE: Well, talagang may mga negosyo naman po talaga na pinapayagan nang mag-operate basta kasama sila sa listahan. Eh siguro po bukod doon sa ID na gagawin nilang sarili, kumuha pa sila ng iba, magdala pa sila ng payroll nila kung hindi paniniwalaan iyong ID nila. Makiusap din tayo, huwag naman pong abusuhin, kasi ito po naman ay para sa kapakanan, benefit/interest ng lahat, dahil nga habang walang bakuna, walang sakit eh dapat naghihinay-hinay pa rin.
So magdala rin po kayo, kung hindi kayo paniniwalaan dahil kayo ay pirmado ninyo iyong ID at iyan naman ay part of your own experience, hindi kapani-paniwala, tingnan po kung ano pa iyong puwedeng dalhin. Puwede siguro iyong resibo ng kuryente na nagpapakita na mayroon kang negosyo, pupuwede sigurong bank statement para lang po ma-convince iyong nagma-man ng checkpoint, kung hindi sila ma-convince.
FAILON: Sir, ngayon po napakaimportante, ang filing po ng income tax. Doon po sa ITR filing, may challenge po kasi obligado ang magdala sa BIR ng mga dokumento mo, kung ito ay mga personal income tax. Mayroon pong mga accounting firm na may mga empleyado dapat na po itong maglakad na po sila ngayon ng mga dokumentong ito. Sila po ba ay kasama, maaaring payagan itong mga ganitong uri po ng trabaho daw – ito po sa ating text line ngayon – iyong mga accounting firm?
SEC. ROQUE: Kasama na po sila – legal and accounting firms. Dahil ina-anticipate natin iyong na-postpone na filing ng income tax returns. At ang ating hinihiling lang kung pupuwede po 50% work from home, 50% work onsite. Pero kasama na po sila, kasama rin ang other financial services na dati-rati sa ECQ hindi pupuwede. Iyong mga management consultancy firm, iyong mga architecture, engineering activities at saka iyong scientific and research and development kasama na rin po iyan. Iyong mga ad agencies po kasama na rin sa MECQ, computer programming, pero nabasa ko na po iyan kanina.
FAILON: Okay, kailan daw po malalaman ng mga lugar na nag-appeal na ma-ECQ pa rin sila – MECQ, na sila po ay aprubado na, for example Bulacan o Pampanga. Kasi daw po bukas, kung wala pang desisyon today sila po ay GCQ pa rin muna?
SEC. ROQUE: Well, mamaya po mayroon pang pagpupulong po ang IATF. At inaasahan ko po na aaktuhan naman ng IATF itong mga apilang ito. Pero kung hindi po umabot, dahil alam po ninyo talagang halos talagang otso hanggang dose oras naman po ang pagpupulong ng IATF, kung hindi po iyan umabot, mayroon na namang meeting sa Lunes, dahil ang meetings ay Monday, Wednesday and Friday.
FAILON: Okay, sir ngayon po sa ginawa naming research nga po ito, papaano naman po iyong 6.1 million na mga low income families na magta-transition from ECQ to GCQ. Kailan po mareresolba kung sila ba ay tatanggap ng SAP second tranche?
SEC. ROQUE: Alam mo ang duda ko napanuod ka ni Presidente noong isang programa na nag-usap tayo. Kasi tumawag, nagkausap kami ngayong araw na ito – past midnight. At ang sabi nga niya, inaatasan na niya na pag-aralan ng economic team kung pupuwedeng bigyan ng second tranche na ayuda ang lahat, meaning 23 million Filipinos. Siyempre problema po ito kung saan kukunin, ang una niyang sinabi sa akin, sabihan si Secretary Wendel Avisado ng DBM. Ang ginamit po niyang salita, tuliin – tuliin ng mabuti iyong mga budget ng mga line agencies para malaman kung ano iyong pondo na puwedeng ma-realign at ang gusto talaga ni Presidente bagama’t pinag-aaralan pa ay mabigyan na ng ayuda ang lahat ng 23 million, whether be it ECQ or GCQ.
Pangalawa, pinarating din po niya sa Kongreso, tulungan po ninyo ang ating Presidente kung paano niya mabibigyan ng ayuda ang lahat na 23 million.
At pangatlo, nabanggit pa nga niya na magsisimula na siyang magbenta ng mga propriyedad ng gobyerno at mayroon pa siyang isang nasabing property, ayaw ko munang isapubliko ‘no. Pero sabi niya, iyon siguro ang sisimulan nating ibenta para maibigay sa ayuda.
Pero lahat naman po ito ay pinag-aaralan at apila rin ng ating Presidente sa Kongreso – tulungan siya. Pero bago muna siya humingi ng supplemental budget, titingnan muna niya sa DBM kung magkano iyong mari-realign.
Alam po ninyo napakalaki noong halagang involved dito, kasi ang binigay po ng Kongreso ay P205 billion. Ito po ay para lamang sa 18 million. Pero dahil ang dami ngang nagreklamo na hindi sila nakatanggap at kailangan nila, nagdesisyon ang Presidente na lahat bigyan. So, naging naunang desisyon ng IATF, ilimita itong ayuda sa first tranche at kung sa first tranche ay magbibigay ka ng between P5,000 to P8,000 sa almost 23 million, 22.9 million, iyan po ay P133.1 billion na. Eh ang binigay lang po ng Kongreso ay P205 billion.
Ibig sabihin iyong natitirang pondo ay maibibigay na lang po doon sa mga nakatira sa MECQ na 8.2 million plus3.3 million or 11.5 million. Pero kung maski ililimita natin iyong second tranche sa mga ECQ areas, iyan po ay P210.7 billion na at 5 billion short na do sa budget na binigay ng Kongreso.
Kung itutuloy po iyong kagustuhan ni Presidente na lahat ay bigyan na ng ayuda, ibig sabihin ang kakailanganin po natin talaga ay P257.7 billion. So, clearly po, we are P51 billion short kung lahat po sila ay bigyan ng ayuda. Sa ang marching order niya kay Secretary Wendel Avisado, tuliin na kung magkano talaga ang mari-realign sa Kongreso, tulungan ninyo akong maghanap ng pondo. At kung hindi po talaga, magbebenta na siya.
FAILON: Opo, tamang-tama po iyan, kasunod po ninyo Secretary ay si Secretary Avisado ang aking kakausapin na tungkol po sa pangangailangan.
SEC. ROQUE: Ah hindi pa po alam ni Secretary Wendel Avisado, dahil kanina pa po ako nagpapa-interview tatawagan ko po siya para sabihin. Iyan nga po ang order ni Presidente, tuliin na niya nang todo, pakisabi kay Sec. Wendel, tuliin na niya ng todo.
FAILON: Hindi po kasi din po mayroon na ngayon kaisipan at panukala nga mismong galing kay former DBM Secretary na ngayon po ay central Bank Governor Ben Diokno, na kailangan ng supplemental budget, iyon din po ang ating gustong malaman po. Mayroon po bang nabanggit si Presidente sa pangangailangan?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga po, ang panawagan din niya, panawagan sa Kongreso na tulungan siya na kung gustong bigyan lahat ng ayuda ay tulungan siya na hanapan ng pondo ito naman po kasi ay parang nagsalita na rin ata si Senate President Tito Sotto na kung puwede bigyan na ng ayuda lahat iyong mga nasa green area, except ng mga nasa green area, so lahat ng nasa yellow area. So, ngayon nga po ang nangyari lahat tayo yellow areas na. Pero siguro sinasabi ni Senate President, iyong sa second tranche lahat noong mga nasa original yellow area pa rin, pero problema pa rin pa nga din iyon, kasi we are P51 billion short of what We Heal As One Act give.
FAILON: So, Sec talagang malaking tulong din po iyong atin din pong pakikipag-usap kahapon kay SP Tito Sotto, kasi nga napagtanto rin niya iyong sabi nga niya, iyong sana nga iyong wisdom eh, you have been a Congressman, the intent more than the letter of the law, the intent noong kanilang naipasa ngang batas para po matulungan ang 18 million plus, ngayon po ng 5 million pa, na pinakamahirap na pamilya sa atin pong bansa, Secretary?
SEC. ROQUE: Iyon tingin ko ang naging problema, kasi nga mali iyong pinagbasehan kung ilan talaga iyong pinakamahihirap, dahil 2015 na census pa. Kaya unang-una nagkaroon ng decision si Presidente bigyan ang lahat, iyong 23 million, kaya nga lang iyon nga po, saan natin kukunin iyong P51 billion, maghahanap po tayo ng P51 billion.
FAILON: Okay, kami po ay katuwang ninyo sa paghahanap niyan Sec. Mamaya kausapin ko si Sec Avisado rin po Salamat, Sec.
SEC. ROQUE: Pakisabi na rin po kay Sec kung mauna kayong tumawag sa kaniya kaysa sa akin, iyan po ang bilin ni Presidente as of midnight mga 12:15, sabihin kay Sec. Wendel tuliin nang todo.
FAILON: Magtutuli ah, salamat po, Sec. Mabuhay po, we will be keeping in touch, Secretary.
SEC. ROQUE: Ay maraming salamat po, magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)