LESMORAS: Magandang araw po sa ating lahat. At sa puntong ito ay makakasama natin si Presidential Spokesperson Harry Roque para magbigay pa ng karagdagang detalye hinggil nga sa naging anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang planong pagtakbo sa pagka-bise presidente. Secretary Roque, kayo na po ang mismong magsabi sa ating mga kababayan, ano po ba iyong detalye nito at paano po kaya kapag nagpasyang tumakbo ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte? Ano po ang gagawin ng Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, I will quote the words of the President kasi sinulat ko po iyan as he was speaking, “Kung tatakbo si Mayor Sara, Bong will not run for President. If Sara runs, out na rin ako because of delicadeza. Hindi pupuwedeng dalawa kami diyan.” So iyon po ang mga binanggit na salita ni Presidente. Iyong ipinakita po ay iyong mga sinabi ni Presidente kung hindi na nga po tatakbo si Mayor Sara. But, I think ang naging mensahe ni Presidente, it’s the call of Mayor Sara Duterte. If she runs, then Senator Bong Go and he will not run.
LESMORAS: Opo. And, Secretary Roque, kailan kaya—siyempre ang ating mga kababayan lalo ang kanilang mga supporters ay nag-aabang, kailan kaya, more or less, malalaman iyong pinal na mangyayari ukol dito?
SEC. ROQUE: Na kay Mayor Sara na po iyan. But in the words of the President, if Mayor Sara decides to run, then she will be the candidate; at dahil nga po sa delicadeza, wala pong pag-asa ang Duterte-Duterte ticket.
LESMORAS: Opo. At panghuli na lamang, Secretary Roque, ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, siyempre iyong iba nag-aalala din, tuluy-tuloy iyong COVID-19 response ng ating pamahalaan? Ano po ang assurance ninyo sa kanila ngayon nga na nalalapit na rin itong filing of candidacy, election period?
SEC. ROQUE: Well, tuluy-tuloy po ang ating pagbabakuna, tuluy-tuloy po iyong ating pag-eengganyo sa lahat na mag Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegrate. So ibig sabihin po, bagama’t hindi natin mapo-postpone ang eleksiyon dahil iyan po ay nakaukit sa ating Saligang Batas, tuluy-tuloy rin po ang ating mga COVID response. At ang pangako nga po natin, gagawin natin ang lahat para ma-achieve natin ang population protection by December of this year.
LESMORAS: Okay. Maraming, maraming salamat po. Iyan ay si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang araw, sir.
SEC. ROQUE: Magandang araw po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)