Interview

Interview with Secretary Martin Andanar and Acting Presidential Spokesperson by Weng Salvacion and Joel Reyes Zobel – DZBB



JOEL REYES ZOBEL: Secretary, good morning. Live ka sa Super Radyo, DZBB sa GTV.

WENG SALVACION: Good morning po.

SEC. ANDANAR: Hello! Good morning, Weng at Joel. Good morning sa lahat ng mga nanunood at nakikinig ng DZBB.

JOEL REYES ZOBEL: Secretary, ano ba ang basehan ng 200 pesos? Saan ba hinugot ng Department of Finance po iyan? At bakit 200 pesos po ang napiling dagdag na ayuda?

SEC. ANDANAR: Ang sinabi po kasi ni Secretary Dominguez, it is what we can afford as of today. So, obviously, kung ano po iyong kaya lang ng kaban ng bayan ay iyon lang ang maibibigay natin, kasi kung susobra naman tayo doon ay mangungutang na naman tayo.

JOEL REYES ZOBEL: Wala tayong pagkukunan, ano ha.

SEC. ANDANAR: Tama po.

JOEL REYES ZOBEL: Pero ang sinasabi po kasi—para na lang limos ‘no, dalawandaang piso, ano ba ang mararating nito. Paano ba ibibigay ito? Ito ba ay idadagdag doon—kung ang isang pamilya ay nakakatanggap ng P1,400—

WENG SALVACION: Pantawid Pamilyang Pilipino.

JOEL REYES ZOBEL: Idadagdag ba iyon, Secretary, o ibibigay ba ito ng bulto? Kasi kung 200 multiplied by 12 months is 2,400, malaki din iyong 2,40o.

WENG SALVACION: Kung isang bigayan.

JOEL REYES ZOBEL: Isang bigayan. Paano ba ibibigay iyan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang DSWD, sila iyong namimigay ng 4Ps. So sila iyong pinakamagandang tanungin kung paano ibibigay. Pero ang mahalaga po dito ay kung matatandaan po ng ating mga kababayan, nakalagay po unconditional cash transfer. So wala pong kondisyon, basta iyong bottom 50% ng ating mga mahihirap na kababayan, household ay makakatanggap. That is about 12 million individuals, Weng at Joel, na makakatanggap ng 200,000 [sic] pesos a month on top of the 4Ps. Now, ano po ba iyong 4Ps?—

JOEL REYES ZOBEL: Secretary, linawin natin ha, 200 pesos a month. Baka mag-abono po kayo, 200,000 – P200 po. Sige po.

SEC. ANDANAR: P200 a month. Ito po ay on top of the 4Ps na naibibigay po doon sa ating mga beneficiaries ng Pantawid Pamilya Program. Ilan po ba iyong nakakatanggap ng 4Ps sa buong bansa natin? As of February 28, 2022, nasa mga 4.2 million households po ang nakakatanggap ng 4Ps at para po malaman lang ng mga kababayan natin, Joel at Weng, ito po ay 6,000 a year or 500 per month per household for health and nutrition expenses at P3,000 for one school year or 10 months or P300 per month per child for educational expenses – iyon po iyong 4Ps – dadagdagan po natin ng P200 na ayuda po dahil dito sa inflation at dahil po dito sa pagtaas ng presyo ng langis.

WENG SALVACION: So malinaw, Secretary Andanar, na ang makakatanggap ng additional P200 ay iyong beneficiaries na rin po ng 4Ps, hindi na lalagpas doon, hindi na madadagdagan iyong beneficiaries na iyon?

SEC. ANDANAR: Opo. Ito po iyong tinatawag na 50% bottom, ito po iyong mga mahihirap po talaga na mga kababayan natin.

WENG SALVACION: All right. So kailan po mag-start itong pagdagdag ng P200 doon sa 4Ps na natatanggap ng ating mga benepisyaryo?

SEC. ANDANAR: Once po na ma-download na iyong pera na nagkakahalaga ng P33 billion ay ibibigay na po talaga ay at ang target po at this month ay masimulan na po.

WENG SALVACION: March, so bago magtapos ang March, matatanggap ito ng mga benepisyaryo. Mayroon na po tayong siguradong pondo, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Mayroon na po, mayroon na pong pondo dito, kaya nga po ay very conservative iyong ating economic cluster sa pagbigay nito. Kailangan ay sigurado po talaga na mayroon tayong pondo.

WENG SALVACION: All right, nagrereklamo po iyong iba, masyado daw maliit, limos nga daw po iyong P200. Although sabihin, idadagdag doon sa P1,400 kada buwan sa ilalim po ng 4Ps, pero hindi po napapag-aralan, napapag-usapan kung kakayanin ng pondo ng gobyerno, puwedeng madagdagan iyong P200, Secretary, or asking too much po iyon?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Weng, ito po ay nagdidepende doon sa pagtaas ng presyo ng langis. Kasi ang paliwanag po ng economic cluster sa bawat dolyar na tumataas ang presyo ng langis, so halimbawa naging $125 per barrel, ay mayroon din pong kaakibat na pagtaas ng VAT at ng excise tax. Tapos iyong kikitain po doon ay madadagdag po para doon naman sa pondo na ibibigay ng ating gobyerno para sa ating mga kababayan na maghihirap. So depende po iyan.

Habang tumataas po iyong presyo ng langis, habang tumataas po iyong presyo ng per liter ng langis ay tumataas din po iyong VAT at saka excise tax. Kaya sabi nga po ng ating economic cluster na it’s better to just get it from VAT ano, from VAT increase, kaysa ating i-suspend itong excise tax. Ang paliwanag po kasi nila ay 50% ng ating consumers ng langis ay iyon pong belonging to the top 10 class of our society which means iyong mga mayayaman.

ZOBEL: Okay, medyo marami raw pong apektado, hindi lang po itong bottom 50 ‘no ng ating populasyon ang apektado po dito sa pagtaas ng presyo ng langis kung hindi pati ang middle class. Ang middle class, ito ho iyong kuhanan natin ng pondo. Dito tayo kumukuha ng pera eh ‘di ba, Weng. Automatic iyan ang nagbabayad ng buwis. Bago pa man matanggap iyong kanilang suweldo ay bawas na ng buwis at direktang napupunta sa pamahalaan iyan. Kaya lang it is a slowly dying class ‘no, Weng. Talagang nauubos na ang middle class eh.

SALVACION: Kasi?

ZOBEL: Dahil nga doon sa—

SALVACION: Wala na eh!

ZOBEL: Ang sinasabi nga nila, ang panawagan nila, kung babawasan nila o tatanggalin nang bahagya iyong ating excise tax na panandali, temporarily, ay baka makaagapay sa kanila itong problema sa pagtaas po ng presyo. Ano pa ba ang pupuwede nating gawin para matulungan naman iyong ating, sinasabi nga nila, masama man pakinggan, “milking cow” ng pamahalaan – ang middle class? Ano ba ang pupuwedeng gawin para sila ay maibsan naman? Baka mapadagdag iyong ating bottom 50 dahil iyong middle class po natin ay unti-unti na pong nahihirapan?

SEC. ANDANAR: Tama ka, Joel. Ang problema lang ho talaga ay hindi natin maibibigay lahat ng gusto nating ibigay dahil nga sa kakapusan ng pondo. Now, papaano natin matutulungan iyong middle class? Unahin ko muna na iyong makakatanggap po ng 200 pesos ay iyon po iyong minimum wage earners at iyong pababa, iyong lower 50 nga ng ating lipunan.

Now, mayroon pong suhestiyon ang NEDA at ang Department of Finance na mga pamamaraan para matulungan po iyong ating middle class. Isa ho diyan ay iyong pagpapalawig ng ating work from home. Kasi kapag nag-work from home po tayo ay siyempre mababawasan iyong gastos natin sa pasahe at iyong binibili natin ng pagkain doon sa kung saan tayo nagtatrabaho, pati iyong oras – iyon po iyong number one.

Number two ay iyong binanggit po ni Secretary Chua na puwede nating ibalik iyong four-day work week and instead of eight hours ay gagawin po nang ten hours.

Talagang nakakalungkot ho talaga, Joel, apektado ho talaga ang middleclass pero we have to face reality also na mayroon pong hangganan ang pondo ng ating gobyerno, kumbaga ang balon nga natutuyo ‘di ba, parang ganoon.

ROWENA SALVACION: Isa rin po sa—napapag-uusapan po ba sa economic cluster iyong pagbabawas ng incentive doon sa malalaking negosyo. Kasi Joel—‘di ba Secretary Andanar, maraming tax incentives sa malalaking korporasyon eh, pati po sa malalaking negosyo, baka puwedeng bawasan naman iyon kasi total malaki naman silang mga negosyo, ibaba naman natin sa mas nangangailangan na sector.

SECRETARY ANDANAR: Weng, napakadaming suhestiyon na magaganda pero napakadami ding realities that we have to live with, halimbawa na lamang ang ating, ang ekonomiya ng buong mundo at hindi po exempted ang ating bansa ay nakabase doon sa tinatawag na credit rating. Iyong credit po natin ngayon all-time high BBB+ at A- diyan sa Japan at BBB+ doon sa Fitch, doon sa Standard now napakahirap pong kunin niyan pero nakuha po natin iyan at isa ho sa mga basehan na nakuha natin iyan ay dahil sa ating mga fiscal at ating mga monetary policies. At iyon nga iyong kasama diyan sa mga polisiya na iyan ay iyong pag-approve natin ng TRAIN Law, ng CREATE Law at iyong CREATE Law na nagbibigay ng more incentives para sa mga namumuhunan sa ating bansa na hirap tayong i-invite dito pero sila po ay namuhunan dahil nga dito sa batas na ito.

Talagang babalansehin ho talaga natin, Weng, and the reality talaga hindi tayo major oil producing at hindi talaga tayo oil producing country, mayroon man tayong gaas pero kapos pa rin po.

ROWENA SALVACION: Totoo naman iyon. Kaya lang—okay balikan ko lang iyong four-day work week, last question ko ito Joel, ano. Ito po ba ay magiging policy na ng gobyerno or at least kahit man lang sa hanay ng pamahalaan natin sa ating burukrasya at doon sa private sector hindi siya mandatory but voluntary doon sa mga kumpanya, Secretary?

SECRETARY ANDANAR: Ito po ay rekomendasyon, ito’y suggestion para po maibsan iyong posibleng negative effect or iyong talagang, ano na ito e hindi na maiiwasang negative effect na pagtaas ng presyo ng krudo kaya mayroon pong mga binibigay ang ating economic cluster at hindi lang ho iyan mayroon pa ho iyong binibigay ng ating Department of Agriculture at iyong Department of Labor and Employment mayroon pong mga suggestions at lahat naman ito ay pinag-aaralan ng Presidente, lahat naman ng mga suhestiyon ng mga dalubhasa, mga congressman, mga senador at iyong mga ekonomista ay pinapakinggan ng ating Presidente at ito po ay ipinapaliwanag doon sa maliit na Cabinet meeting tuwing Monday.

JOEL ZOBEL: Okay. So, kailangan ho natin malalaman kung ito’y magiging polisiya kung saka-sakaling ito’y aaprubahan o hindi aaprubahan ni Presidente?

SECRETARY ANDANAR: Malalaman po natin ito ngayong darating na Lunes pero ang mahalaga ho ay sinabi naman ni Presidente Duterte kay Secretary Sonny Dominguez after he explained, after the Secretary of Finance gave his recommendation na that is our policy kung ano iyong magiging desisyon ng economic cluster dahil iyon naman ang kanilang forte, ayun ang polisiya ng ating gobyerno.

JOEL ZOBEL: Okay. Secretary, mag-ingat ka ha, salamat sa oras mo ha and good morning to you.

ROWENA SALVACION: Thank you.

SECRETARY ANDANAR: Good morning, Joel. Good morning, Weng. Mabuhay kayong lahat!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center