SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pilipinas. Ito po ang Team Philippines vs. COVID-19. Kapapasok lang po na balita: Nag-isyu po ang ating Presidente ng isang memorandum na naka-address po kay Secretary Menardo Guevarra ng Department of Justice na bumuo po ng task force para po imbestigahan ang mga anomalya dito sa PhilHealth.
Sang-ayon po sa memorandum ng ating Presidente na kakaisyu lang ngayon lang po, kinakailangan po bumuo ng task force na kabibilangan po ng Ombudsman, ng Commission on Audit, ng Civil Service Commission, ng Office of the Executive Secretary, kasama na po si Usec. Quitain at iba pang ahensiya pa gaya ng PACC, para po mag-imbestiga, maglitis, mag-suspend, mag-conduct ng lifestyle check at ipakulong ang lahat ng magnanakaw diyan sa PhilHealth.
Dati-rati po, paulit-ulit nag-iimbestiga ang Kamara at ang Senado, wala pong nangyayari kasi wala pong kapangyarihan ng preventive suspension. Ngayon po, ang imbestigasyon na ito ay kasama na po ang preventive suspension.
So mga kababayan, huwag po kayong mag-alala, nakinig po ang ating Presidente at umakto bagama’t wala pa pong mapapatunayan sa lalong mabilis na panahon, mayroon naman pong preventive suspension na mapangalagaan ang kaban ng PhilHealth.
Now, umpisahan na rin po natin ngayon ang ating briefing. Tulad po ng inaasahan, bumagsak po ang ating ekonomiya. GDP growth drops by 16.5% during the second quarter of 2020. Alam naman po natin na ito po’y resulta ‘no dahil doon sa ECQ at MECQ kung saan nagsara po ang buong bansa at maraming negosyo ang nalimitahan ang galaw at pati na rin po ang galaw ng mga tao.
Hindi lamang po Pilipinas ang humaharap sa ganitong sitwasyon. Makikita po natin sa table na sa unang semestre ng taon, ang mga bansang tulad ng Indonesia, Thailand, China, Malaysia po at Singapore sa Asya, Estados Unidos, Pransiya, España, Italya, Mexico ay nagkaroon din ng contraction o inaasahang magkaroon ng contraction. Ngunit hindi po ito dahilan para naman tayo ay panghinaan ng loob ‘no; mas kilala na po natin ang anyo ng COVID-19 kumpara noong Marso, alam na natin kung paano ito kumakalat, alam na rin natin kung paano ito maiiwasan. Kinakailangan po tuloy lang ang ating buhay. Tulad nang madalas kong sinasabi sa ating press briefing, sasayawan po natin ito. Kinakailangan po pag-ingatan natin ang ating buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.
Sabi nga po ng ating Presidente, we must facilitate the country’s economic recovery. Ito po ang kaniyang mensahe noong ikalimang State of the Nation Address niya. Kasama po sa ating economic recovery plan ang pagpapasa ng Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Act at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises or CREATE Act. Makakasama po natin mamaya si NEDA Director General Secretary Karl Chua para mas detalyado ang usapang ito.
Kasama na rin po sa ating gagawin at sa ating istratehiya ang recalibrated budget para sa susunod na taon. Ito po ay naka-angklo sa administration’s key priorities para po tayo ay maka-recover sa COVID-19. Ang malaking alokasyon ng budget ay papunta sa social service sectors kasama na ang implementasyon ng Universal Health Care Act at pagbili po ng bakuna laban sa COVID-19.
Nagsimula na rin po ang operasyon ng ating Build, Build, Build projects subject to health and safety protocols. Ilan lang po ito sa mga istratehiya na ating ginagawa upang muling manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya.
Pumunta naman po tayo dito sa balitang naunahan na raw po ng Pilipinas ang Indonesia bilang Southeast Asia’s COVID-19 hotspot, ito po ay matapos magtala ang Pilipinas ng 119,460 cases kumpara sa 118,753 ng mga kaso sa Indonesia.
Alam ninyo po, tapatan: Bagama’t ayaw nating makita itong mga numerong ito, eh itong mga numero naman po ay resulta nang mas pinaigting na nating mga testing. Dati-rati po ay iisa lang ang laboratoryo natin, ngayon po ay mayroon na tayong in excess of 100 laboratories; at ang ating mga tests ngayon na ginagawa ay umabot na po tayo sa total na 1,643,539 tests or an average of 28,938 tests per day.
May mga nagsasabi na masama daw itong pigura dahil tayo na nga raw po ang pinakamataas – hindi naman po ganoon. Ang ibig sabihin lang nito, alam na natin kung nasaan iyong kalaban nating COVID-19. At ngayong alam na natin kung nasaan na ang COVID-19, pupuwede na po natin silang ma-isolate, pupuwede na nating ma-trace iyong mga nakahalubilo nila, at pupuwede na natin silang gamutin.
At samantala, tayo po ay gumagawa nang mas marami pang mga isolation centers dahil alam natin na iyong mga walang kwarto, walang sariling banyo ay hindi po pupuwedeng mag-home stay lamang ‘no; kinakailangang ilagay sa isolation facilities.
Wika nga po ni Donald Trump, para doon sa mga gustong makikita nang mas mababang figures, itigil ang testing. Pero hindi po ganiyan ang polisiya natin. Ang polisiya po natin: Lalo pa natin paiigtingin ang testing dahil nais nating malaman kung nasaan ang COVID-19 nang sa ganoon, sila po ay ma-isolate at ma-trace ang nakahalubilo at gumaling.
Ikumpara nga po natin ngayon ang testing na ginagawa sa Indonesia ‘no. Sa parehas na petsa, as of August 4, according to Our World in Data, iyong Indonesia raw po tested around 908,000 lamang or an average of 14,921 per day within the last seven days. At kung titingnan natin ang populasyon ng dalawang bansa, ang tests na ating isinagawa na po relative to our population size is 1.5%, ikumpara ninyo naman po sa 0.34% ng Indonesia. Ibig sabihin po, dahil mas maigting ang ating pagti-test, hindi po totoo na mas maraming kaso tayo kaysa sa Indonesia – hindi lang nalalaman ng mga Indonesian kung sinu-sino iyong mga umiikot na mayroon na pong sakit; at least tayo po, alam natin kung sino na po sila.
Kaya po dapat na tingnan natin ang buong konteksto ng isang bagay. Mahalaga po na ang ating mga desisyon ay ayon sa datos at siyensiya.
Uulitin ko po: kahit po ang mas maigting na testing ay nagreresulta sa mas malaking numero, hindi po natin ititigil iyan dahil diyan po natin malalaman kung nasaan ang kalaban na COVID-19.
Pag-usapan naman po natin ang Oplan Kalinga isolation hotels. Ito po iyong mga hotels na ginagamit na natin para ma-isolate iyong ating mga positibo dahil nga po hindi dapat manatili sa kanilang mga tahanan. Ayon po sa National Task Force, as of August 5, mayroon na po tayong 17 operational hotels at mayroon na rin po tayong 1,542 COVID plus patients na na-isolate sa mga hotel na ito.
So panawagan ko po doon sa mga positibo na asymptomatic at mild, libreng hotel po kayo, libreng pakain, libreng sundo, mayroon pang graduation matapos ang 14 days.
Now, ngayon po ay mayroon na tayong 1,170 currently admitted sa mga isolation hotels, 372 naman po ang nailipat na o nai-discharge na. Kaya naman po, hindi po kayo dapat matakot mag-isolate dahil ngayon po ay hotel na po ang ginagamit natin para sa inyo.
Mabuting balita naman po tayo matapos ang litanyang hindi masyadong magandang balita. Opisyal na inilunsad na po natin kahapon ang One Hospital Command Care sa pamumuno po ni Usec. Bong Vega. Mayroon na po tayong centralized hub na mag-uugnay sa lahat ng hospital at health care facility sa National Capital Region. Dahil dito, magkakaroon ng real time situational awareness on hospital capacity and availability of medical personnel.
Napakalaki po ng magagawa ng command center: Mapapadali po ang referral ng mga pasyente sa iba’t ibang ospital at mas masisiguro na natin na may sapat tayong hospital beds para sa mga COVID-19 patients. Maiiwasan na po ang punuan ng mga ospital. Bakit po? Kasi ang One Command Center, alam niya kung ano iyong mga available na mga kama whether be it ward, isolation or ICU. So kung ang isang pasyente ay pumunta sa isang ospital, puno na ang ICU, tatawag lang po sila sa One Hospital Command Center, sasabihan sila kung saan mayroong bakanteng ICU. Sa ganitong paraan, pinagsama-sama natin iyong kakayahan ng lahat ng mga ospital para alam natin kung saan ipapadala po ang mga nagkakasakit sa atin.
Isa pa pong mabuting balita: Opisyal na nagsimula na rin po kahapon ang Coordinated Operation to Defeat Epidemic or CODE. Ito po ang localized granular response ng DOH sa COVID-19 kung saan nakatutok sa pasyente at komunidad. Ito po ay ginawa na rin doon sa Mumbai sa isang urban poor area kung saan nagbahay-bahay po ang mga health officials at hinanap kung sino iyong mga symptomatics. Matapos po nilang makuha iyong mga symptomatics, sila po ay sinubject na sa PCR tests, at kung positibo, madalian po silang in-isolate at ginamot.
So kasama po sa key components ng code na tinatawag ay ang community engagement activities to promote preventive behaviors; active case-finding – house-to-house na nga po ang gagamitin; PCR testing po for symptomatic patients – libre po iyan; at iyong pag-apply po noong Oplan Kalinga for those needing quarantine and isolation. So kung ma-confirm po na talagang positibo, ilalagay na sila sa isolation facility.
Makakasama po natin mamaya si DOH Usec. Vergeire, kung may katanungan kayo sa code team ng DOH.
Now, mayroon po kaming inihandang video sa ginawang contact tracing sa Baguio. Noong Sabado po, nakipagpanayam kami kay Mayor Magalong at panoorin po natin itong video kung saan in-explain niya kung paano talaga ginagawa ng Baguio City ang kanilang tracing. Please roll the video now… [VTR]
So, dapat 30 to 37 ang kokontakin nilang nagkaroon ng close contact. Now iyong 30 to 37 na close contact nila ay lahat sina-subject to PCR testing para malaman kung sino sa kanila ang nagpositibo. Kung negatibo, sinasabihan pa rin sila na kung pupuwede mag-isolate.
Now, hindi na po sila gumagastos ng additional na mga manpower para dito, ginagamit na po nila ang kanilang kapulisan at ang kanilang mga healthworkers. [VTR]
Ayon kay Mayor Magalong, epektibo po iyong 30 to 37 na kino-contact trace kada positibong kaso sa Baguio dahil hindi naman po ganoon kadami ang kanilang kaso ng COVID-19. Pero dito po sa Metro Manila, bagama’t gagamitin natin iyong model ni Mayor Magalong, ang pagkakaintindi ko po, ang minimum na gagawin nang contact tracing kada isang positibong kaso ay sampu po. Pero ibig sabihin iyong sampung iyon, isa-subject din po to PCR testing.
Magpunta naman tayo po sa balitang IATF ‘no. Inaprubahan po ng IATF ang hiling ng DSWD na mag-operate at full operational capacity ang kanilang partner financial service providers para matiyak na hindi maaantala ang pamimigay ng SAP o ayuda sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ. Kaugnay nito, ang lahat ng mga empleyado ng mga nasabing financial service-providers ay pinapayagang gumalaw, umikot o bumiyahe para magampanan ang kanilang tungkulin.
Pangalawa, ang mga benepisyaryo po ng SAP ay pinapayagan ang limited movement para makuha ang kanilang mga ayuda.
Naratipika rin kahapon ng DOH-DOLE-DTI Joint Supplemental Guidelines on Minimum Health Protocols in the Workplace. Ididetalye po natin iyan sa susunod nating press briefing.
COVID-19 update naman po tayo. Mayroon po tayong 50,473 active cases ng COVID-19 pero sa numerong ito, 90.9% naman po ay mild at 7.8% naman po ay asymptomatic; 0.8% lang po ang severe at 0.5% lang po ang kritikal. At ito nga po iyong pinaghahandaan natin, iyong 1.5% na kritikal at seryosong kaso ang pinaghahandaan natin na dapat mayroon silang hospital bed or ICU bed na pupuntahan kung kinakailangan nila.
Mabuting balita rin po, patuloy po ang pagtaas ng ating mga recoveries. Mayroon na po tayong 66,837 na na-report na gumaling. Ibig sabihin po, mas marami ngayon ang gumaling kaysa sa mga active cases. Samantalang kahapon ay may dalawampu’t walo po na nai-report na namatay, sumatotal ng mga namatay na po ay 2,150 deaths. Nakikiramay po kami sa kanilang pamilya at sa mga mahal sa buhay.
Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Joining us first on the line is NEDA Director General Karl Chua. Sec., pag-usapan po natin kung paano tayo makakabangon sa gitna ng pandemya. Kasama rin po natin maya-maya si Usec. Vergeire, kung kayo ay mayroong katanungan at kasama rin po natin si Cavite Governor Jonvic Remulla para naman isiwalat niya ang mga ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Probinsiya ng Cavite.
Sec. Chua, the floor is yours.
NEDA SEC. CHUA: Magandang tanghali po, Sec. Harry. Naririnig ninyo po ako?
SEC. ROQUE: Opo. Go ahead, dinig na dinig po.
NEDA SEC. CHUA: Magandang tanghali po sa mga nakikinig. Ang tatalakayin ko po ngayon ay, una po, ang kalagayan ng ating ekonomiya at ang tugon po natin o ang ating recovery program. Mayroon po akong PowerPoint na sana i-flash din po.
Iyong unang gusto ko pong sabihin ay naging prayoridad natin sa unang tatlong buwan simula noong March 16, 2020 ang pagbalanse ng ating prayoridad tungo sa saving lives from COVID. At dahil dito at dahil sa mga ginawa po natin sa Enhanced Community Quarantine period, iyong ating testing nag-peak at 35,111. Iyong testing capacity natin umabot na po iyan sa more than 64,000 per day.
We averted according to, sa mga models ng ating mga eksperto, 59,000 to 171,000 deaths. Iyong death rate po natin nababaan from 17% to 3.5% at iyong total number of cases na projected po na naiwasan po natin ay nagri-range mula 1.3 to 3.5 million cases. At iyong importante po dito iyong sa peak day o iyong maximum impact po ng virus, iyong projection po kasi kung wala tayong ginawa, kung walang ECQ ay aabot sa 68,000. So imposible naman na kakayanin po ng ating mga hospital ang 68,000.
So ito po iyong benefit, sa left side, ng pag-impose natin ng ECQ because it was the decision of the government to prioritize saving lives from COVID. Pero sa lahat ng desisyon po, wala po namang perfect decision na balanse po na hati ang both sides. Iyong cost naman ang tingnan po natin at as a result of the ECQ, we shut down 75% of the economy. So ibig sabihin po, iyong first quarter nag-contract po iyong ating GDP by .7% – ibig sabihin bumaba kumpara sa last year.
Tapos in the second quarter, iyong lumabas po iyong datos po ng Philippine Statistics Authority, ito ay nag-contract nang further by 16.5%. Iyong unemployment rate natin umakyat ito to 17.7%, ibig sabihin po 7 million ang nawalan po ng trabaho. So ito po iyong ating cost benefit analysis.
In the next slide po, ito po iyong takbo ng ating ekonomiya. On average po, nakikita ninyo po dito around 5, 6 or 7 percent po iyong ating GDP growth per quarter. Pero iyong pumasok po tayo sa 2020, ito ay bumagsak by .7% and then bumagsak pa further by 16.5%, – ito po ang consequence ng ECQ. At ang detalye po nito sa second quarter, we recorded one of the lowest GDP levels, nag-contract ito by 16.5%, kaya minus 16.5%.
Iyong mga breakdown nito, paliwanag ko lang, iyong household consumption bumagsak ito ng 15.5% pero dahil ang gobyerno po ay handa pong tumulong through Bayanihan I at sa mga iba’t ibang programa natin ay nakabawi po ang government consumption. Nag-grow po or nag-increase siya by 22.1%.
Iyong next part po ng GDP, kung aalamin po natin iyong breakdown, ito ay investment, bumagsak ito by 53.5% kasi nagsara po iyong mga business, hindi po sila puwedeng mag-construct or mag-continue ng kanilang investment. Iyong exports natin po natin negative din, pati na rin po iyong import, ito po ay dulot ng ating ECQ. Pero gaya po ng sinabi ko, ang prayoridad natin is to save lives.
Another way to look at the GDP ay iyong supply side, kung mapapansin po ninyo na ang GDP, puwede po i-breakdown ito into agriculture, industry, manufacturing and services. Ang maganda po dito iyong ating agriculture sector ay positive growth, 1.6%, ito ay katumbas more or less ng population growth, ibig sabihin, we are able to supply enough food for the people at lumabas po inyong inflation rate two days ago, mababa rin po ang food inflation. At ito ay—ang dahilan po dito ay tuluy-tuloy po iyong production in agriculture, iyong supply chain po, hindi po natin hinarang. Pero inyong industry, manufacturing and services, sila po ay medyo hindi maganda talaga iyong naging resulta, kasi negative lahat po ng growth nila.
Ngayon, ang tugon po ng gobyerno ay iyong ating four pillar strategy to fight COVID. At nakikita po ninyo sa slide na ito from March until June, we allocated a total of 655 billion pesos. P596 billion under pillar 1, is to support the vulnerable groups. At 59 billion ay nasa pillar 2, which is to help the healthcare sector to fight COVID. Kasama na rin dito iyong ating Social Amelioration Program for the poorest 80 million low income households and iyong ating Small Business Wage Subsidy, wherein 3.1 million workers were able to get between P5 to P8,000 for two months. So ito po iyong halimbawa ng tugon ng gobyerno during the emergency stage.
Ngayon po, pagpasok po natin ng second quarter, lalo na po iyong June sa GCQ period, nakita po ninyo na ang ating manufacturing bumagsak nga po siya pero nakabawi nang kaunti, nag-U-turn na if you look at the right-hand corner. Nagyu-U-turn na po iyong ating manufacturing, hindi na po ganyan kalala iyong decline. Ito ay pansin din po sa ating exports, iyong next slide po, nag-U turn din po iyong exports. Ang maganda po dito, iyong exports to China – and China is one of the biggest trading partners – positive na po iyan as of June. So, what we are seeing here is a gradual recovery.
Iyong imports din po natin ay nagri-recover na, you also see the U turn sa bandang kanan. Iyong import po kasi mahalaga iyan, kasi we are importing a lot of capital equipment lalo na po for the Build, Build, Build program; mahalaga rin po iyan kasi 70% of our import is for consumption. So we are hoping in the coming months na babalik na po ito sa positive territory.
Ngayon po, nahirapan po talaga ang buong mundo sa pag-fight against COVID. Ang maganda po dito iyong ating ekonomiya, nagsimula po ito pagpasok natin ng 2020 with a very strong fundamental. Iyong ating GDP growth in last four years ay 6.6%, prior to COVID, maaabot natin iyong upper middle-income country. Our inflation is low and stable, malaking tulong po ang rice tariffication kasi P10 per kilo cheaper ang bigas natin kumpara sa two years ago bago mag-rice tariffication.
We have one of the strongest fiscal positions in our entire history. Our Build, Build, Build program is responsible for a significant decline in our poverty, unemployment and underemployment rate at recognized po ang ating prudent and responsible fiscal policy and macroeconomic management globally with investment grade rating from BBB+ to A-. Iyan po iyong dahilan kung bakit confident po kami na kahit hirap po tayo ngayon ay makakabawi po tayo.
Now, ang sitwasyon ngayon ay nalaman po natin na we have to be living with the virus. A few months ago, ang naisip po natin, siguro six months lang po iyong COVID tulad ng SARS. Pero ang consensus po ng buong mundo lalo na po iyong ating mga eksperto ay iyong virus is not going to go away easily and we will live with it for a longer period of time, habang hinihintay po natin iyong vaccine.
And isang news report ng Nikkei Asian Review ay nagsabi na 70% of countries or 126 out of 188 countries are increasingly seeing more infections. Ibig sabihin, they are on their second or third wave. Even countries that have been successful earlier ay nakikita po nila na hindi po ito madaling masolusyunan, iyong virus. So this will be a drawn out struggle, we are actually in a marathon ‘no, rather than a sprint so dapat pag-isipan po natin nang mabuti kung ano po iyong tamang tugon natin para hindi mawalan ng resources next year or the year after kung lalo pang magtagal ang problema.
So ngayon po, sabi po ni Tomas Pueyo, isang eksperto, na we are basically … we have to dance with this virus. Noong ginawa po natin iyong ECQ, we were in the hammer stage. Dahil sa ginawa po natin in the first 100 days under the ECQ and MECQ, we were able to bring down the total number of cases. Ngayon po ay nasa dance stage na tayo, ito po iyong nakikita ninyong up-down, up-down sa right side, iyong green graph, wherein we will have to dance with the virus. Kung dumadami po iyong infection, we will have to quarantine and close down the economy as we are doing now under MECQ.
Ang maganda po dito, kung gagamitin po natin ang next two weeks in the best way possible to prepare the healthcare system, then the earlier we can open the economy. Kapag bumaba po iyong cases, we can gradually open; kapag dumami po iyong case, we will have to also have some form of a closure. So ito po iyong situation natin, we have to rebalance.
Our priority now is not just saving lives from COVID, it is saving lives from both COVID and other factors. Ano po iyong other factors? Ito po iyong iba pang mga sakit tulad ng cancer, diabetes, dengue at iyong gutom din, kaya binabalanse po natin nang maayos.
Ang isa pa pong kailangan nating ibalanse ay iyong short-term goal and long-term goal. Marami pong nagsasabi lalo na po iyong mga businessmen na kailangang buksan iyong ekonomiya. Pero kung marami naman po ang magkakasakit at mamamatay, hindi rin po natin makakamit iyong magandang takbo ng ating ekonomiya. That is why we have to balance. We have to take two steps forward and sometimes we have to learn to take one step back. So, ito po iyong kalagayan po natin na kailangan po balanse.
Ngayon po, ano po ang tugon natin sa problema natin ngayon? Tatlo po ang ating components sa recovery program: Ang una po ay iyong Bayanihan II; ang pangalawa ay iyong Build, Build, Build program; at iyong pangatlo ay iyong 2021 budget.
Ang focus ko po ngayon ay ang latest development sa Bayanihan II or iyong Bayanihan to Recover as One. Ang sitwasyon po ng Bayanihan II ay approved na po ng House of Representatives on second reading two days ago; iyong Senate naman po, last week na-approve na niya on third reading. So, ang alam po namin base sa schedule ay ia-approve na po ng House of Representatives sa Lunes at magkakaroon po ng bicameral.
Ang magandang balita po dito ay marami po tayong nakalaan na tulong para sa, una, healthcare system; pangalawa, enhanced tracing, testing [garbled] ng mamamayan na [garbled] magkasakit po sila handa pong tumulong ang ating hospital system. Then that will restore consumer confidence, they will go out, they will buy, they will spend and that will help the economy recover.
Malaking tulong din po ang ibibigay po natin sa public transport, kasi kailangan din namang magtrabaho. Kung bukas iyong ekonomiya, pero iyong public transport ay hindi fully open, hindi po rin effective iyon. Pero kailangan po nating gawin ito in the safest possible manner. Mayroon din po tayong nakalaan na tulong para sa mga critically affected sectors and workers in ECQ areas. And finally, we are going to provide capital infusion to the government financial institutions so that they can lend more especially to the small businesses.
So, ito po iyong laman ng Bayanihan II. Ito ay available in both the House and the Senate version. Ang idinagdag po ng House sa Bayanihan II version nila ay iyong guide or ARISE provision. Ito ay para bigyan po ng equity support ang mga strategically but distressed firms na kailangan po natin para iyong ekonomiya po natin ay lumago in the coming years.
Iyong isa pang pasok po ng House ay iyong FIST provisions. Ang nilalaman nito ay iyong to allow the banks to dispose of their bad loans and assets. Kasi kung hindi po nila ma-dispose iyan, wala po silang pondo para tulungan ang iba pang mga businesses na kailangan ng tulong. So, by allowing them to dispose their bad loans and assets, they can free up more capital to lend their business.
Kasama rin dito iyong pag-guarantee ng PhilGuarantee ng micro, small and medium enterprise loans. Kasi alam po natin na iyong bangko ay risk averse, ibig sabihin, unlike before mas maingat po sila magpautang. Pero kung bibigyan po natin ng guarantee ang utang ay mas marami po iyong matutulungan.
At lahat na ito, in the medium term ay iyong pag-update po natin ng Philippine Development Plan 2017-2022. Ang priority natin ay Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay pa rin. Pero ang secondary focus po natin is how to make the Philippines a healthy and resilient one. So, malapit na pong ilabas ng NEDA iyong ating updated Philippine Development Report.
At huli po, ang mensahe na gusto kong iparating, we are in an unprecedented crisis, first time in maybe a hundred years, kailangan po tayong magtulungan. Kami po sa economic team handa po kaming tumulong at rest assured we will do and work hard to ensure that our economic recovery will be the main focus of our work.
Pero sana po lahat po tayo magtulungan, our decision or our choice to follow the minimum health standards will spell the difference between getting sick or being healthy, between living and dying and between economic recovery and decline.
So, iyan lang po. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Okay. Si Sec. Chua will join us also for the open forum. Pero bago ko po ibigay ang floor kay Gov. Jonvic Remulla, uulitin ko lang po ang ating breaking news.
Nag-issue po ng memorandum ang ating Presidente para kay Sec. Meynard Guevarra na bumuo po ng Task Force para mag-investigate, prosecute, suspend, mag-conduct ng lifestyle check at ipakulong ang mga buwayang kurakot sa PhilHealth. Itong task force pong ito ay sang-ayon po sa naging sangguni ni Sen. Bong Go na chairman ng committee on health ng ating Senado.
So, pupunta naman po tayo kay Gov. Jonvic na kasama namin live dito po sa Wil Tower.
Gov., sa part 2 ng National Action Plan eh mas malaki pong papel ang ibinibigay ngayon sa lokal na pamahalaan. Dahil ang ating istratehiya na nga para mabuksan ang ating ekonomiya ay granular, localized lockdown at saka iyong pagpapaigting ng ating testing, tracing at treatment.
Ano pong mga hakbang ang ginagawa ninyo diyan sa maunlad na probinsiya ng Cavite para dito po sa dalawnag bagay na ito – localized granular lockdown at itong intensified T3?
GOV. REMULLA: Maraming salamat, Sec. Harry. Alam ninyo, si Secretary ay matagal ko nang kaibigan. Siya ay kamukha ng aking kapatid na si Boying. Sila ang magkaibigan noong law school at sila po ay nagkapalitan ng mukha habang sila ay nag-aaral.
Para sa report lang po sa nangyayari sa Cavite. Fake news po na ako ay lumalaban sa gobyerno dahil hindi kami nagkakatugma ng pananaw tungkol sa tamang pagpapatakbo dito sa krisis. Ito po ay kasing fake ng buhok ng aking katabi. Huwag po kayong maniniwala na humihiwalay po ako.
Ang number of cases na positive po ay 756 active cases sa Cavite and 64% ng aming mga kama sa mga ospital ay occupied. 79% ng mga ICU beds ay occupied at ang aming fatality rate ay pareho rin sa national average.
Nagko-concentrate ang lalawigan ngayon ay ang para sa educational plan na ginagawa namin para sa school year 2020-2021. Ang aming project po nitong susunod na buwan ay ila-launch po namin ang free WiFi program para sa lahat ng mga estudyanteng pampubliko ng ating lalawigan. Ito po ay unlimited para sa ating mga estudyante, ngunit para sa mga educational applications lamang. Ito po ay libre, ito po ay gastos ng ating lalawigan at ito po ay gagamitin rin para sa kontra-COVID.
Pagdating po naman tulungan para sa national government ay sumasang-ayon po kami sa kanilang sinasabi. Kung hindi naman kami nagtutugma, ako po naman ay nakikisama. Mahirap naman po na ako ay gobernador na sinasabi ko lagi na sumunod sa patakaran pero pagdating ng araw ako naman ang matigas ang ulo eh ‘di lalong titigas ang ulo ng mga taga-Cavite. Kaya kung anuman ang sinabi sa amin ng nakakataas, kami po ay sumusunod at nakikisama.
Ang Cavite po ay on the way to recovery. Bumababa po ang aming transmission cases at kung mapapansin ninyo po sa lahat ng lalawigan na nakapaligid sa Metro Manila, ang pinakamababa po na growth rate ng COVID ay doon po sa Cavite. Kaya nandito po ako ngayon para magsabi na ang Cavite po, ang inyong lingkod po ay nakikiisa sa ating Pangulo at nakikiisa sa IATF kung anuman ang kanilang mga patakaran.
Salamat po.
SEC. ROQUE: Well, napansin ninyo po, talagang malapit na kaibigan ko ho itong si Gov. Jonvic. Iyong sinabi niya po na kamukha ko si Cong. Remulla, well, alam ninyo po, sabi ng mga taga-Cavite noong kami ay umiikot during kampanya, kami daw po ni Gov. Jonvic ang magkamukha pero nagpipilit po si Cong. Remulla na kami naman daw po ang magkamukha. Pero sa akin po, kakampihan ko po iyong mga taga-Cavite, kami po ni Gov. Jonvic ang magkamukha maski hindi po niya inaamin ngayon. Anyway, sa dating panahon po bago magkaroon ng ECQ, kasing katawan din po kami ni Gov. Jonvic.
Now, tawagin na po natin ang ating mga reporters—
GOV. REMULLA: Puwede bang magtanong? Puwede bang magtanong, Harry?
SEC. ROQUE: Anong itatanong mo?
GOV. REMULLA: Kasi may balita sa Quezon City na iyong ostrich daw na nakawala ay alaga mo? Totoo ba iyon?
SEC. ROQUE: Ano?
GOV. REMULLA: Iyong ostrich na nakawala sa Quezon City ay alaga mo?
SEC. ROQUE: Hindi po.
GOV. REMULLA: Kasi dati dolphin lang ang hilig mo eh ngayon daw naging ostrich.
SEC. ROQUE: Hindi po. Ngayon po mayroon na rin po akong mga baka at mayroon na rin po akong mga baboy pero hindi po akin iyong ostrich. Pero kung ipapaampon po sa aking ng may-ari iyong ostrich, aampunin ko po.
GOV. REMULLA: Okay. Kinaklaro ko lang, kinaklaro ko lang.
SEC. ROQUE: Okay. First question po. Triciah Terada, CNN Philippines.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon po and good afternoon to Governor and to Sec. Karl and kay USec. Vergeire po.
Secretary, doon lang po – since you mentioned that we had this breaking news that the President is ordering Sec. Guevarra to create a task force to investigate anomalies in PhilHealth, we presume nakarating na po kay Pangulo itong mga alegasyon and revelations sa Senate hearing about PhilHealth. We’re interested to know, Secretary, ano po iyong naging initial na reaction ng Pangulo? Is he surprised po? Is this something that the President is learning just now or something that somehow, he knows already in the past, sir?
SEC. ROQUE: From the wordings po of the memorandum, mukhang exasperated na po ang Presidente. Kasi napakadami na pong imbestigasyon na ginawa ng Kamara at ng Senado dito sa PhilHealth pero wala pa rin pong nangyayari diyan sa PhilHealth. Kaya minabuti na niya na itong sa memorandum niya, eh binigyan niya ng kapangyarihan hindi lamang para mag-imbestiga, hindi lang para maglitis kung hindi para mag-impose ng preventive suspension doon sa lahat ng mga naimbestigahan sa PhilHealth.
Hindi pa po kasi nangyayari ito at habang nananatili po diyan iyong mga iniimbestigahan eh mayroon din silang mga pagkakataon na pakialaman ang mga ebidensiya, itago ang mga ebidensiya kung hindi ito sirain. So, tingin ko as a lawyer, si Presidente is exasperated. Gusto na niyang matigil talaga itong kurapsyon sa PhilHealth at gusto na niya na talagang may ngipin itong task force na binuo niya.
At pansinin ninyo po ang composition po nito hindi lamang po si Department of Justice Sec. Meynard Guevarra na mamumuno nito, kasama na rin po dito ang Office of the Ombudsman, ang [signal disruption] Commission, iyong Commission on Audit, ang PACC at iyong itinalaga niyang Usec. ng Office of the Special Assistant to the President na si Usec. Quitain ay kasama rin po sa imbestigasyon na ito.
So, this is not an ordinary investigation, they will in fact exercise the power of preventive suspension and lifestyle check. So, ang mensahe po sa mga buwaya ng PhilHealth, ‘Tapos na po ang maliligayang araw ninyo diyan. Goodbye.’
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, there’s this…of course, Secretary, we’re expecting heads to roll at the same time, sir—
SEC. ROQUE: Kasama po natin si Usec. Vergeire, so kung mayroon po tayong katanungan kay Usec. Vergeire, nandiyan po siya.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, so we’re expecting heads to roll and at the same time, sir—sabay-sabay ko na iyong mga question about PhilHealth. There’s this common sentiment na bakit daw po ganito iyong sitwasyon, ordinary sentiment na like for example, napabalita in the past few months na may nakulong dahil sa pagnanakaw ng dalawang lata ng [signal disruption] and kapag small time na magnanakaw, grabe daw po iyong parusa and panghihiyang dinaranas. Samantala, iyong mga big time na nagnanakaw, let’s say corrupt officials, [signal disruption] mukhang ini-enjoy lang po nila iyong buhay and they seem to get away with what they’re doing. How is the Palace wish to respond to this? And at the same time, sir, ano po iyong plano ng government doon sa allegation na posibleng ma-bankrupt iyong PhilHealth by next year?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, I don’t think that’s a fair statement. Early on sa administrasyon ni Presidente, ang unang-una niyang tinanggal ay iyong aktibo sa kaniyang kampaniya ‘no na naging kalihim ng Department of Interior and Local Government. Tinanggal din niya iyong kaniyang opisyal na tagapagsalita noong kampaniya sa National Irrigation Administration. Napakadami ko na pong sinabi na tinanggal. Mayroon siyang tinanggal sa SSS. Nagalit pa sa akin iyong tinanggal niya sa SSS, akala nila ako ang nagsasalita, gaya ng sinasabi ni General Morales na I don’t speak for the President ‘no. So marami na po iyang mga opisyales dahil ang pangako naman po ng Presidente, zero tolerance sa korapsyon.
Kaya nga po uulitin ko, noong dini-dispute ako ng mga PhilHealth na wala raw akong authority na magsalita para sa Presidente, ito na po ang patunay: Nagkakaisa po kami ni Presidente bilang kaniyang tagapagsalita, zero tolerance to corruption. Huwag po kayong magkakamali.
So that’s not a fair question I think dahil hindi po nato-tolerate ni Presidente ang korapsyon. Kapag nakakarating sa kaniya – ‘sibak, sibak, sibak!’ At napakadami ko na pong naanunsiyo na sibak. Ang feeling ko po, executioner na ako ng mga taong gobyerno, taga-anunsiyo na kung sino na naman ang sisibakin. And I will be delighted to announce in due course kung sino ang sususpindihin at kung sino ang sisibakin sa PhilHealth. That would be the most delightful experience in my career as Presidential Spokesperson.
Pangalawa po, iyong tanong ninyo ay—anong iyong tanong na pangalawa, Trish? Sorry, na-carried away ako doon sa una mong tanong ha.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: How does the Palace wish to respond naman po doon sa allegation na posibleng ma-bankrupt daw po iyong PhilHealth in the next year? Ano po iyong magiging [garbled] to avoid this po?
SEC. ROQUE: Well, bilang pangunahing awtor po sa Mababang Kapulungan ng Universal Health Care, hindi po mangyayari iyan. Eventually, PhilHealth is guaranteed by government. Kung hindi po sapat, gobyerno po talaga ang magdadagdag ng budget sa PhilHealth galing po sa kaban ng taumbayan. Bagama’t kinakailangan po natin diyan sa PhilHealth ay mga taong mangangalaga nang mabuti ng pera ng kaban ng bayan lalung-lalo na iyong kontribusyon ng mga miyembro niya at iyong mga subsidy na ibinibigay ng national government. Hindi po natin papayagang mabangkarote ang PhilHealth kahit ano po ang mangyari.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, may I go to [garbled]
SEC. ROQUE: Garbled, hindi namin marinig, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Spox, may I please go to Usec. Vergeire po?
SEC. ROQUE: Usec. Vergeire, question is for you.
USEC. VERGEIRE: Yes, sir.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, ma’am. Good afternoon po. Ma’am, follow up lang po kanina doon sa press conference ng DOH. Iyong doon po sa ating CODE na gagawin, ilang tao po or ilang Filipinos iyong target po nating ma-check for symptoms under MECQ? And doon lang po siguro sa medyo finer details, literally, ma’am, tama po ba, mangangatok ng bahay itong ating mga health teams po to find out kung sino po itong mga symptomatic cases po?
USEC. VERGEIRE: Yes, thank you for that question, Trish. Para mas maliwanag sa lahat: Hindi tayo nagta-target ng tao because hindi pa nga natin alam kung sino sa kanila iyong may symptoms, sino sa kanila iyong exposed. What we are targeting are the clusters of… or areas with clustering of infection. At dito sa next two weeks, may na-identify na tayo na sampung barangay dito sa National Capital Region na pupuntahan ng ating CODE teams kasama ang ating National Task Force at saka ang ating Secretary at iba pang Gabinete ‘no na kasama nila, ibang member agencies ng IATF.
Ang ating gagawin dito is, as we have said, we are adopting the Dharavi model in Mumbai kung saan nagbahay-bahay sila, kumatok sila, nag-imbestiga sila or nag-ask sila ng questions. It’s like they’re tracing people who have symptoms in the barangay, what they are doing when they have symptoms, and also checking sino iyong mga exposed ‘no. Hindi lang iyong talagang may sintomas ang hahanapin natin, hahanapin din natin iyong mga close contacts nitong mga exposed na ito para bigyan sila ng advice na kailangan isolated sila.
We will also check the status ng compliance natin dito as home quarantine na sinasabi natin. Kasi nga we have observed that a lot of our positive individuals who are staying at home are not really compliant ‘no with this single bedroom, single CR and no vulnerable population at home.
So iyan iyong mga gagawin and, of course, we’ll do extensive contact tracing and swabbing of those who are eligible to be swabbed kapag pinuntahan diyan sa area.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: [OFF MIC] Usec. And thank you, Secretary Roque. Salamat po.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Secretary Roque. Ang first question galing po kay Arianne Merez ng ABS-CBN, follow up po ito about PhilHealth. Has the President spoken to General Morales regarding the alleged corruption sa PhilHealth? And ano raw po ang reaksiyon ni Presidente to the PhilHealth corruption controversy?
SEC. ROQUE: [OFF MIC] …na po, binuo na po ng Presidente itong task force na ito na mayroon pong ngipin ‘no dahil mayroon siyang power to investigate, prosecute, suspend and punish. Well, ang punish po siyempre ay matapos po magkaroon ng paglilitis sa hukuman.
USEC. IGNACIO: Secretary, kung nakausap na daw po ni Presidente si General Morales?
SEC. ROQUE: Moot and academic na po. Ang Presidente po ngayon ay mas concerned doon sa pangangalap ng katotohanan. At siguro po dahil ang ginawa na nga po niya ay isang legal remedy, wala na pong dahilan naman para pa kausapin pa si General Morales.
General Morales and the rest of PhilHealth will be given their day in the Task Force. Their positions will be heard and all the evidence will be processed by this body composed of the DOJ Secretary, the Ombudsman, the COA, Civil Service Commission, PACC and Usec. Quitain.
USEC. IGNACIO: Secretary, question for Secretary Karl Chua. Dalawa po iyong tanong ni Arianne Merez for Secretary Chua. With the reversion daw po to MECQ of Metro Manila and nearby provinces, how much of the economy is left working? And can you describe the impact of this to the economy?
SEC. CHUA: Thank you po sa tanong. Iyong una po, iyong nasa full ECQ pa tayo, mga 25% lang po ng economy iyong bukas. Ngayon po, iyong pumunta po tayo sa GCQ and iyong ibang lugar po ng ating bansa ay MGQ, 75%. Ang sitwasyon po natin ngayon, bumalik po tayo sa mga 50%, that is the MECQ in Metro Manila and surrounding provinces plus GCQ elsewhere. So medyo bumaba po iyong percent ng ekonomiya na bukas.
Ang implication po nito in the short term it will, of course, have an impact on our economic growth. Pero ang mahalaga dito, kung hindi po kasi natin tugunan iyong mga kulang pa sa ating health care system and our response, then this problem will prolong itself. So ang maganda ngayon ay give this 2-week period a chance so that we can strengthen the healthcare system, address the concerns of our healthcare workers so that we can sustain our recovery kaysa naman wala po tayong ginawa at marami pang ma-infect or magkasakit. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Iyong second question niya, Secretary Karl: Earlier forecast says, third quarter GDP will be better than second quarter. Do you think the two-week MECQ will have a significant impact on third quarter GDP and how?
SEC. CHUA: Kung iyong ating MECQ ay ma-contain po natin in the next two weeks and we can improve our healthcare system, then this will actually be good for the economy overall, not immediate but in the near term. Gaya po ng sinabi ko, if we did nothing right now and continue po iyong ating GCQ while the healthcare system is in dire need of more help, then hindi po sustainable ang ating economic recovery. That’s why I think it is better that we take one step back so that we can take two steps forward next time so that mas sustainable iyong ating recovery pa. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karl Chua.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Pia Rañada of Rappler, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sir. Sir, does the creation of the PhilHealth Task Force mean Duterte has lost trust in CEO Ricardo Morales? And what will be Morales’ status while the probe is ongoing?
SEC. ROQUE: [Garbled] that to the Task Force dahil ang Task Force po ay may power to suspend individuals ‘no. I’m sure with the high profile membership consisting no less of the Secretary of Justice, the Ombudsman, COA Chair and CSC Chair that they know how to use the power of preventive suspension correctly ‘no. So let’s just say the President deferred to these agencies and deferred to their appreciation of evidence on whether or not to suspend anyone, preventively, in the course of the investigation.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, second question. You said earlier it’s not true that the Philippines has more COVID cases than Indonesia just because Indonesia does not test as much. While it might be true that Indonesia isn’t testing as much, what’s your basis for saying the Philippines really does have less cases when our testing is also not yet as widespread as it should be?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam how to answer that. Basta ang malinaw lang po sa akin, ang Indonesia po with almost more or less the same cases as us, has 1/3 of the actual testing that we have conducted on our people ‘no. So iyon po ang aking basis for saying na hindi naman talaga totoo at conclusive na mas marami na tayong kaso dito sa Pilipinas compared to Indonesia, mas marami lang tayong kaso na nalalaman na dito sa Pilipinas dahil nga po three times ang ating testing more compared to the testing done by Indonesia.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, my last question is for NEDA Chief Karl Chua. This is from our business reporter Ralph Rivas. Finance Secretary Dominguez said yesterday that the 2-week MECQ was not part of the plan and was unanticipated. So as Acting Head of the state planning agency sir, how can you ensure that this revert to a stricter lockdown will be effective given that this decision was abrupt and not planned?
NEDA SEC. CHUA: Well, thank you for the question. First of all, we have to be cognizant of the fact that this virus is not going to go away easily. In fact, when we first announced our macroeconomic framework in May, looking at the data as of March, what we have assumed there was a 6-month period similar to SARS. And that was the consensus also at that time that you can impose a strong quarantine so that you can manage the virus and that you can recover sooner and that was what many countries saw when they did their quarantines.
The reality today, and this is what more countries are and more experts are realizing and telling us, is that the virus is going to stay for a longer period of time and that the vaccine will take some time to reach us. Although we are very ready, as Secretary Dominguez mentioned, we are ready to finance vaccines for the poorest 20 million.
In terms of the growth estimates, we have factored that already. We are looking at the situation wherein we have to dance with the virus, we take two steps forward, one step backward when needed and when we prepared the revised macroeconomic framework, we have already incorporated that. This is a health issue primarily so we have to address the bottom line issue which is on the health side. And that is why we agreed to have this 2-week period so that we can address that. So that when we are able to do so, the economic recovery and confidence will come back better.
If we don’t do this, then as the case rise, then I don’t think the economy and the productivity of the country will be any better. So that is where we are, so we are doing this rebalancing and we have to address the health problems squarely before we can see better recovery. Thank you.
SEC. ROQUE: Yes. Thank you very much, Pia. Thank you, Sec.
Usec. Rocky now, please.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, question from Tina Mendez of Philippine Star: Please share details of the talk between US Secretary of State Mike Pompeo and Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin. What specific concerns did Secretary Pompeo discuss on our shared interest in the South China Sea? “The US-Philippine alliance is vital to a free and open Indo-Pacific,” Pompeo said. Ano po ang bagong commitment ng ating bansa kaugnay dito?
SEC. ROQUE: I cannot respond po because I was not privy to the discussion. I defer to Secretary Locsin. Please ask Secretary Locsin.
USEC. IGNACIO: May dalawang tanong po si Louell Requilman of Banat Pilipinas News, mula po ito sa Davao: DSWD announced recently na 14.1 million lang po ang bibigyan nila ng SAP second tranche after cleansing the list of beneficiaries. It includes 3.2 million na lang po sa waitlisted instead of 5 million. Hindi po ba dapat humanap ang DSWD ng ipapalit sa mga inalis nilang hindi qualified lalo na sa mga waitlisted? Kasi klaro naman daw po ang instruction from the President to include 5 million waitlisted considering na marami pa talagang hindi napili ng DSWD na mga mahihirap. ‘Di ba may fund allocated naman daw po for the 18 million, so dapat po ba palitan nila iyong mga inalis nila sa listahan?
SEC. ROQUE: Tama po iyan, hind po imposibleng mangyari iyan dahil ang Bayanihan: We Heal as One Act po ay malinaw ‘no, na kinakailangan mabigay ng ayuda dalawang beses sa 18 million beneficiaries at dapat po punuan ng DSWD iyong natitira pang beneficiaries under the second tranche of SAP. Pero iaanunsiyo po natin kung anong magiging ng DSWD diyan but they are bound to comply with the law to give the ayuda, the second ayuda sa 18 million beneficiaries.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya: Financial service providers chosen by DSWD and BSP are charging P50 daw po as transaction fee na ibabawas sa makukuhang ayuda ng mga benepisyaryo. Hindi po ba masyado itong malaki as service fee considering na millions of beneficiary na po ang kakaltasan ng tig-P50 at marami na sana ang madadagdag sa mabibili ng ating mga kababayan sa halagang ito?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong sagot diyan. Hindi ko po alam kung magkano talaga magpa-remit kung ikaw ay magpapa-remit using these business entities. Pero I think ang DSWD naman po took steps to ensure na pinakamababang rate po itong ibabawas sa mga beneficiaries ng ayuda.
Thank you, Usec. We go to Joseph Morong of GMA, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, good morning po. First question please kay Usec. Vergeire muna. Hi, ma’am. Good morning po. Ma’am, August 4 naging effective iyong MECQ. At this point, are we able to quantify iyong effect ng MECQ in terms of the number of cases? And after two weeks, what standards are we going to use to say na may silbi naman iyong ginawang MECQ?
USEC. VERGEIRE: Yes, Joseph, good afternoon. Hindi pa natin masasabi ngayon kung nagkaroon na tayo ng epekto dito sa isinagawa natin na MECQ o paghihigpit uli nitong community quarantine measures natin. Makikita natin iyan after 2 to 3 weeks because we all know that the incubation period of the disease is about 14 days, so kailangan hintayin natin iyan kung may mga bago pang kaso na papasok.
So what would be the measures or indicators of success or even achievement, kung anuman sa nagawa natin for these two weeks na sinabi natin na time-out at nag-employ tayo ng mga bagong istratehiya? Unang-una, gusto nating makita ‘no, it’s an indication na tama iyong nagawa natin ‘pag nakita natin na mayroon na tayong higher awareness sa community and compliance to the minimum health standards. Isa iyan sa pinaka-objective while we are going down, for us to be able to really educate and inform the community of the importance of these minimum health standards.
Pangalawa, kapag nakita na natin ano, may indicators kaming itinalaga, halimbawa, doon sa barangay na pupuntahan namin, dapat 95% noong close contacts na-trace. Dapat 100% ng lahat ng may symptoms doon sa barangay na pinuntahan ay na-identify at nabigyan ng isolation facility kung hindi man siya puwede doon sa bahay. Dapat iyong mga 100% din na may referral nga tayo doon sa temporary treatment and monitoring facility and then of course iyong 100% pa rin iyong close contacts na quarantine.
Kasi ngayon, alam ninyo, gusto lang naming ipagbigay-alam, marami po doon sa mga close contacts or those exposed to this disease are still not being isolated. And that is one of the things that we would like to emphasize kaya kami bababa at ipagbibigay-alam na ang initial step natin lahat ay para mag-isolate muna tayo. Kapag po makakapag-test po tayo, magti-test tayo; pero sigurado na tayo, kung ma-isolate na natin ang mga tao.
And of course, with regard to testing, we are looking at about 5% of this whole population in that barangay would be able to be tested, because they were identified either as a close contact or they were symptomatic. And of course, ang last na rin naman, 100% na kailangang ma-ospital ay dapat madala sa ospital at ma-admit.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, just a short follow-up. I don’t know if you can disclose iyong mga barangay. Is this concentrated in one city? And can you give us a picture of the prevalence of COVID, ilan iyong mga cases po doon kaya medyo naka-focus po tayo?
USEC. VERGEIRE: It was not really the number of cases, but it was the presence of clustering in these areas. So when we say there is clustering, puwedeng sa isang bahay may dalawang tao na nagkaroon at higit pa o puwede kaya sa isang munisipyo, may dalawang barangay na nagkaroon at higit pa. So we base it on the identified clusters.
Dito ngayon sa National Capital Region, mayroon tayong sampu na barangay na uumpisahan sa iba’t ibang mga cities dito sa area natin, dito sa Metro Manila. We’ll just provide in the Viber group itong listahan ng sampung area. It’s okay naman to disclose this because we are asking the help from all sectors of society to help us in this pooled strategy – pumunta sa baba, tulungan po ninyo kami na mag-educate, tulungan po ninyo kaming mag-brief, magpunta sa bahay-bahay para po mas ma-address po natin itong situation na ito.
JOSEPH MORONG/GMA7: Can I go to Secretary Karl Chua please? Sec, you mentioned na may nawalan na 7 million na mga Pilipino—nawalan ng trabaho 7 million noong second quarter sa ating bansa. How are we going to give iyong mga jobs nila back to them?
SEC. CHUA: Sorry po, I did not hear. Can you say it again po?
JOSEPH MORONG/GMA7: Papaano sila magkakaroon ulit ng trabaho?
SEC. CHUA: I can’t fully get—-
SEC. ROQUE: Well, anyway, hindi nagkakarinigan. Pero, Joseph, ang ating gagawin nga po ay mayroon tayong ipa-pass na Bayanihan We Heal as One 2, kung saan tayo po ay magbibigay ng napakadaming mga pautang at suporta para sa mga maliliit na mga negosyo para magkaroon po ng hanapbuhay iyong mga nawalan ng trabaho.
At bukod pa po diyan ay ang gobyerno din po sa pamamagitan ng DOLE ay magkakaroon po ng mga hakbang para i-link up po iyong mga nangangailangan ng labor doon sa mga naghahanap ng trabaho ‘no. At siyempre po dahil patuloy po ang Build, Build, Build, inaasahan po natin na marami rin ang magkakatrabaho dahil po diyan sa Build, Build, Build.
JOSEPH MORONG/GMA7: Last question para po sa inyo, sir. Kahapon ka-text ko si Secretary Mon and sinabi niya iyong sa proposal nila iri-require na iyong mga face shields sa mga matataong lugar and especially sa public transportation. Kasama ba iyan, sir, doon sa mga officially ay in-approve ng IATF? Meaning, that we are requiring face shields in public transportation or anywhere else that the government thinks it’s possible, sir?
And off tangent question, sir, iyon bang mga visa ng mga fiancé(e) – maraming nagko-comment lang – are we going to allow fiancé(e) visa to enter the Philippines?
SEC. ROQUE: Anyway, sa una mong tanong, ‘no. Nag-anunsyo po ang DOTr na ginawa po nilang mandatory ang wearing of face mask and face shields sa mga pampublikong transportasyon. Sa IATF po ang naaprubahan ay iyong highly recommended ang pagsusuot po ng face shields everywhere else ‘no. Pero it is within the jurisdiction of DOTr to require the wearing of face shields in public transportation. So, Kinakailangan po sundin po natin iyan.
Ngayon, iyong next question mo, has something to do with the visa. Anong klaseng visa po iyan?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa fiancé(e) visa. Right now, ang pinapayagan natin is iyong mga foreigners na may parang … a long-standing visa to enter the Philippines. And apparently, iyong sector ng ating society na mga fiancé(e) visa holders abroad, hindi makapasok sa Pilipinas kasi nga iyong ating restrictions. So can we allow them to enter on a fiancé(e) visa, parang ganoon?
SEC. ROQUE: Hihingan ko po ng linaw iyan sa DFA kasi ang fiancé(e) visa po may not qualify as long stay visa. But I will verify with the Department of Foreign Affairs. I’ll text you the response. Thank you, Joseph. We go now to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Mylene Alfonso of Bulgar: Maaari po bang payagan daw ng IATF ang mga e-bike na gamitin as personal service bukod po sa motorcycle at E-scooter? Ang problema nga lang po, hinuhuli daw po ito ng LGUs kagaya sa Caloocan City dahil ang katuwiran, ginagamit na pamasada na mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod dahil tutol dito ang Toda. Pero sana po kung mapapatunayan daw po na private naman ay huwag na nilang hulihin, lalo na kung ginagamit ng mga tao as essentials kung mamimili ng kanilang basic needs lalo na ngayong mahirap ang public transportation.
SEC. ROQUE: Siguro si Governor Remulla, bilang Gobernador, can answer that.
GOV. REMULLA: Hindi po ako IATF pero sa amin po, basta sa main highway, iyong mga three wheeled vehicles na e-trike ay hindi talaga pinapayagan. Pero kung nasa secondary roads, pinapayagan iyan as long as may quarantine pass at necessary silang pumunta katulad sa markets, sa pharmacy at mga banks.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa tila hindi pagpabor ni Senator Imee Marcos sa mandatory na pagsusuot ng face shield bilang dagdag proteksyon kontra COVID? Para po sa Senador, dagdag pahirap at gastos po ito sa mga kababayan. Sa halip daw po na pambili ng noodles mapupunta sa face shield. Hindi daw po ba sapat ang physical distancing at pagsusuot ng face mask, mayroon pang barrier para maprotektahan ang sarili laban sa COVID? Kung hindi naman daw po mababago ang kautusan na mandatory na pagsusuot ng face shield ay makakabuti raw po na ibigay ito ng libre sa mga mamamayan.
SEC. ROQUE: Well, ito po ay ni-require at ginawang mandatory sa mga pampublikong transportasyon; hindi pa naman po ito requirement na isuot all the time, kahit saan. So ang basehan po ng DOTr, siyensiya po, napatunayan po na mas makakatulong po na maiwasan ang paghawa sa COVID-19 kapag mayroon pong face shield sa mga pampublikong sasakyan bukod pa po sa face mask.
USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Francis Wakefield ng Daily Tribune. Ang una pong tanong ni Francis ay nasagot na ninyo about PhilHealth, basahin ko lang po iyong first part na sinabi niya dito, iyong reaksiyon daw po ni … Senator Panfilo Lacson criticized President Duterte once again regarding daw po sa corruption that is hitting PhilHealth. He said the President should go through the transcript of the Senate hearing on alleged irregularities in the agency.
Ang second question po ni Francis Wakefield: Where is the President right now and when is his next address taking place? Puwede kaming makahingi ng schedule niya after this week and next week?
SEC. ROQUE: Unang-una po doon sa sinabi ni Senator Lacson, pagbigyan po muna natin na gumana itong binuong task force ng ating Presidente dahil napakalaki naman po ng ngipin na binigay ni Presidente sa Trask force na ito. Ang sabi ko nga po, it’s a matter of time bago natin ianunsiyo kung sino ang masususpinde, kung sino ang masisibak. So hayaan na muna natin na umusad iyong proseso at saka iyong task force na binuo ng ating Presidente. Ang susunod pong broadcast natin ay sa siyudad ng Davao. Magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente, kasama po ang piling ilang mga miyembro ng IATF sa araw ng Lunes. Pero sa Lunes po, dito pa rin tayo sa Wil Tower, sa Tuesday po ang Press Briefing natin will be from Davao City.
Thank you, Usec. Joyce Balancio please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon po, Secretary Roque. May nai-interview kaninang umaga sa doctors to barrios regarding nga po dito sa gusto ng Department of Health na i-transfer po iyong ilan sa ating mga medical frontliners sa ibang probinsiya at sila ay maging substitute team dito po sa Metro Manila, voluntary naman ito. Pero marami po sa kanila ay talagang ayaw po, Secretary, dahil mayroon silang pangamba. Una, iyong mga maiiwanan nila na mga pasyente nila; at pangalawa po, sila din po kasi ang assigned sa mga LSI. So binabantayan po nila iyon. And pangatlo, baka po sila daw iyong maging carrier ng COVID-19 once bumalik sila sa mga probinsiya. So, given these concerns of our medical frontliners sa mga probinsiya, how can we encourage them to volunteer for transfer sa Metro Manila and are we confident right now that we will be able to recruit enough medical frontliners? For Secretary and also kay Usec. Vergeire. Thank you po.
SEC. ROQUE: Oo, well, sa akin naman po bagama’t ako ay isang abogado ‘no kapag ikaw po ay professional, alam mo naman po ang gagawin mo. Bilang isang doktor, bilang isang medical professional, ang trabaho po nila ay magsalba ng buhay at naniniwala naman po ako na magiging tapat sa sinumpaang katungkulan ang ating mga frontliners. Usec. Vergeire, perhaps you can add?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. We are having this dialogue, continuous coordination with the doctors to the barrios regarding this deployment that we are recommending. Of course, this is voluntary. But we are expecting, katulad po ng sinabi ni Secretary Harry Roque, kami po ay mga doktor at kami po ay nagtatrabaho sa gobyerno, may mga sinumpaan po kaming tungkulin at isa po diyan ay itaguyod po namin ang kalusugan ng ating bayan. So, sana po ay we are heeding that and giving that call to our doctors to the barrios na sana isipin po natin iyong paglilingkod natin hindi lang po para sa inyong lugar diyan kung hindi para sa buong bansa dahil kailangan po namin kayo ngayon.
Pangalawa po, hindi po namin sila pababayaan kung sakali po na tayo ay magdi-deploy. Tayo naman po ay magkakaroon ng mga safety measures para hindi sila manghahawa at hindi rin sila makakapanghawa. Mayroon po tayong mga safety protocols for that, for example, if they are coming from an area na may community transmission, hindi naman namin sila agad ipagdu-duty o idi-deploy. Kailangan mayroon muna silang quarantine for how many days, they will be tested para po malaman natin at hindi rin sila makakapanghawa.
Pangatlo, kung anuman po ang iiwanan ninyong mga obligasyon diyan sa mga specific areas ninyo, hindi po pababayaan ng gobyerno na walang papalit sa inyo dahil alam naman po namin na kailangan din po ng doktor diyan sa mga areas na panggagalingan ninyo.
[Garbled] kaunting rotation, magkakaroon ng kaunting pagtutulungan. Pero we are assuring na, especially to our local officials, na kapag umalis po ang mga doktor at na-deploy sila sa ibang lugar, iyang mga doctors to the barrios mayroon naman po tayong ihahandang mga kapalit na healthcare workers para hindi naman mapapabayaan ang lugar ninyo.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you po, Usec. Vergeire. May second question po ay what changes are we expecting to implement po sa work places? Kasi sabi nga po ni Secretary Galvez, they have noted the several grave violations po in observance of minimum health standards sa work place particularly po iyong mga common areas kagaya po ng canteen at smoking areas. Ano po iyong ipatutupad natin, kasi ito daw po ay natukoy na bilang critical areas for COVID-19 transmission?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Actually, kahapon po nagkaroon naman ng recommendations na galing po sa DOH, galing DOLE, galing po sa DTI para po sa mga work places na ito. We have issued our initial protocol kung saan minimum health standards have to be enforced at iyon naman po ang atin lang naibigay at kasama po diyan, mayroon tayong administrative and engineering controls.
Doon po sa ating pagkakaamyenda nitong joint order galing po sa DOLE and DTI, dito po binanggit na kailangan my mga safety officers ang bawat kumpanya, ang bawat manufacturing plant. So kailangan po itong safety officers na ito, sila po ang nag-i-enforce ng compliance sa minimum health standard. So, katulad ng naobserbahan po ni Secretary Galvez ng National Task Force na nag-congregate ang mga tao doon sa mga canteen, sa mga smoking areas, kailangan mayroong mga alternative work arrangements; flexible po ang oras; hindi puwedeng sabay-sabay; may mga minimum or limitasyon ng mga tao na maaaring magpunta sa mga ganiyang lugar upang maiwasan ang impeksiyon. So we take note of these observations. Katulad po ng sabi ko kanina doon sa media forum namin, ito po ay ipagbibigay-alam po natin doon po sa unit natin para makapag-coordinate tayo sa DOLE, sa DTI para po mas magkaroon tayo ng stronger na protocol para po sa mga ganitong lugar.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po from me. Secretary Roque and kay NEDA Secretary. An economist from Ateneo de Manila said in an interview this morning, a lot of jobs that includes lay-offs kagaya na lang po nang nangyari sa ABS-CBN, it has contributed a lot to the GDP contraction at ito nga pong pagbagsak ng ekonomiya. Now, do we recognize this, sir? And can we say given the statement of the economist that ill-timed ito pong non-renewal of franchise ng ABS-CBN when the country is facing the COVID-19 pandemic?
SEC. CHUA: Well, iyong ating economic performance is due to major health crisis and we are addressing that squarely through three manners as I mentioned. Iyong una po ay iyong quick passage po ng Bayanihan II. Within that Bayanihan II, there is a range of 140 to 162 billion fiscal support to the most affected sectors. Mayroon po diyan pupunta sa healthcare system, sa testing and contact tracing; mayroon din po sa cash for work, social assistance, tourism, transport, education, agriculture; and then there is also a 50 billion peso that will be capital infusion to our Government Financial Institution.
There is a leverage ratio and there is a way to have regulatory relief para iyong reach po nila ay ma-multiply several times. In fact, iyong aming estimate na total package that we are presenting, including the multiplier effect, is worth 995 billion peso and that is the amount of the fiscal plus the financial and monetary stimulus that we are preparing, hopefully approve in the soonest possible time to address all the concerns of the economy being affected by the ECQ.
Apart from that, mayroon po tayong Build, Build, Build program that we re-started as early as June. And in fact, iyong pinakita pong datos ng PSA, even with contraction in April and May, we were able to accelerate fully in June kaya po iyong contractions is just -.0.9%. And finally, as I mentioned, we have the 2021 budget which is almost 10% higher and a big part of that is to pursue iyong ating infrastructure program which is the highest multiplier effect. So we are prepared to address the concerns that have been raised as a result of our ECQ. But the priority really is to address iyong health concerns because that is really how we can get the economy moving. Thank you.
SEC. ROQUE: Bibitaw na po si Sec. Karl at 1:15 dahil mayroon siyang prior appointment. So kung mayroon pong mga tanong pa para kay Sec. Karl Chua, you can ask them in the next two minutes.
JOYCE BALANCIO: Sir, iyong question ko lang po kanina. Do you think nga po, given nga na iyong massive lay-offs ng ABS-CBN employees that have attributed to GDP, so you think it’s ill-timed that the franchise of the network was not renewed when the country was facing a pandemic?
SEC. CHUA: What I can say here is that there is a process and the franchise is given by Congress and that has been decided. What I (overlapping voices)
SEC. ROQUE: (0verlapping voices) job lost figures, but as Secretary Karl Chua said, ang talagang problema po natin iyong pandemya na naging dahilan ng nagsara ang mga negosyo at marami pong nawalan ng hanapbuhay.
Thank you very much, Joyce. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question pa rin po kay Francis Wakefield: Mr. Cardema’s appointment daw po as new NYC Commissioner drew criticism online and questioned by youth groups and netizens. Ano raw po ang reaksiyon ng Palasyo?
SEC. ROQUE: Hindi ko naintindihan iyong question eh. Ano iyong question again, another time please.
USEC. IGNACIO: Sir, si Mr. Cardema ay na-appoint po ulit as new NYC Commissioner drew criticism daw po sa online and kinuwestiyon daw po ng youth groups at netizens iyong appointment po niya as Commissioner ng NYC.
SEC. ROQUE: Ang mga presidential appointments po ay the sole and exclusive prerogative of the President. Sang-ayon po sa Saligang Batas ay wala po kahit sinong pupuwedeng magkuwestiyon sa mga ganiyang appointment, nasa pleasure na po iyan ng Presidente.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose para po kay Usec. Vergeire. Usec., ito po ang tanong ni Kris Jose: Kailangan po bang magpa-anti-flu and anti-pneumonia vaccine ang isang tao bilang proteksiyon sa COVID-19 habang hinihintay po ang gamot o bakuna laban sa virus? And ano daw po ang masasabi ninyo na na-overtake na po ng Pilipinas ang Indonesia bilang Southeast Asia’s COVID-19 hotspot?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ang unang tanong ‘no iyong tungkol sa bakuna. Gusto ko lang klaruhin ano, ang pagbabakuna natin for this anti-flu shot at saka iyong sa pneumonia ay makakatulong sa resistensiya ng tao pero hindi ito makakatulong sa pag-prevent kung ikaw ay magkaka-COVID or hindi. Kailangan klaro po iyan ano. Because there are still other organisms that may cause flu, that may cause pneumonia, at itong mga bakuna available ngayon ay maaari naman pong ibigay iyan sa ating mga kababayan just to prevent these other forms of pneumonia or flu pero hindi po ito makakatulong sa pag-prevent na kayo ay magkaka-COVID. So gusto lang pong klaruhin iyan.
Pangalawa, iyon pong sinasabi na kinukumpara po tayo ‘no sa ibang Southeast Asian nations na sinasabi ay pinakamataas na daw po tayo. Gusto ko lang pong bigyan-linaw at gusto ko lang na ang ating mga kababayan should interpret and analyze cautiously. Opo, puwede po tayong magkumpara at mag-benchmark when it comes to total numbers. Nakikita naman po talaga na mataas ang mga numero natin. Pero kailangan po kapag tayo ay nag-a-analyze, you have to put it in context.
Ang iba’t ibang bansa po sa Southeast Asia, iba-iba ho ang populasyon natin. Comparing to the Philippines, iba ang population ng Indonesia, iba ang population ng Singapore, also they have a different health system compared to the Philippines. So kung sakali po na kinukumpara natin ang ating sarili sa ibang bansa, kailangan maintindihan lang po natin itong mga components ng isang populasyon na ganito.
For example po, ang Singapore po, ang kanilang populasyon ay mas maliit kaysa sa Pilipinas. Kapag kinumpyut po natin ang kanilang cases by thousands ‘no per million population, makikita po natin ang Singapore ay mayroon na hong siyang about 9,000 cases per million population compared to the Philippines which only has 1,000 per million population. So ganoon po ‘no. Marami ho tayong puwedeng tingnan. Kapag tayo ay nag-a-analyze, kailangan very cautious ho tayo. We can always benchmark of course, but we have to interpret it cautiously kasi magkakaiba nga po ang sistema, magkakaiba ang populasyon.
Pangalawa, kung tayo man po ay nandiyan, katulad ng sabi ni Secretary Roque, isa po sa mga kadahilanan kung bakit mataas po ang ating mga kasong naitatala ay dahil nag-expand po tayo ng kapasidad for testing. Meaning, hindi lang po symptomatic ang nati-test natin ngayon, we can also test and we are also testing those people who are asymptomatic, had been in close contact or at high risk.
So talagang nakakapagtala po tayo nang mas madami na nadi-detect natin even in communities, and we are at now 1.6 million of the population that has been tested already. And that is really, I think, highest in Southeast Asia kapag pinagkumpara din natin sa ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Usec. Vergeire. Ang tanong naman po mula kay Sam Medenilla para po kay Secretary Roque. Secretary, kung may update na daw po ang Palace kung ilang LGUs ang naka-comply at hindi naka-comply sa deadline na binigay ni Presidente Duterte to submit updates on their action for permit applications this week for the construction of communication towers?
SEC. ROQUE: Wala pa po ‘no kasi nag-expire po iyong 72 hours nila on Wednesday. Pero I’m sure kinakalap na po ngayon ang datos ng DILG. Sa Cavite, Governor, nakapag-comply ba ho kayo doon sa 72 hours na lahat ng mga applications sa konseho para sa mga telecom players ay naaprubahan?
GOV. REMULLA: Halos kumpleto naman kami sa telco eh. I think hindi problema iyon sa province dahil ang mga munisipiyo namin ay almost 80% covered na ng mga telco. Cavite is a very dense province so hindi problema sa amin iyon. I think mas malaking problema sa mga mas malalayong LGU kaysa Cavite.
SEC. ROQUE: Okay. Next question, please. Thank you, Gov.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod po niyang tanong ay para kay … sana kay Secretary Karl Chua. Kung hindi na po natin siya kasama, babasahin ko na lang po. Tanong din ni Virgil Lopez for Secretary Karl, iyong second naman po ni Virgil ay nasagot ninyo na po, Secretary, about PhilHealth. Ang sabi niya dito: Senator Lacson said the Palace should take drastic measures to address reports of corruption in PhilHealth.
And iyong susunod pa rin tanong ni Virgil ay para po rin sana kay Secretary Karl Chua. Ito po iyong tanong naman ni Melo Acuña: Ano daw po ang direktiba ni Pangulong Duterte, Secretary, hingil sa kalagayan ng mga Filipino sa Beirut? Magkakaroon po ba ng quick reaction team mula sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Well, nakikipag-ugnayan po talaga ang DFA sa ating embahada sa Lebanon. At ang mandato po natin, pangalagaan po ang buhay ng ating mga kababayan. Lahat po nang nais umuwi ay hahanapan po natin ng paraan para makauwi.
USEC. IGNACIO: Ang susunod naman pong tanong ay mula kay Genalyn Kabiling pero tanong po sana kay Secretary Karl Chua. Ito naman po iyong susunod niyang tanong, follow up po doon kay Mr. Cardema: Why did the President bring back Ronald Cardema as NYC Commissioner? Will he reconsider the appointment after some youth groups criticized the recycling of Cardema and described him as a fake youth leader?
SEC. ROQUE: Hindi po kinakailangan na i-justify ng Presidente ang kaniyang mga appointments. That is his sole, exclusive prerogative.
USEC. IGNACIO: Iyong tanong naman po ni Sandra Aguinaldo ng GMA 7 ay nasagot na po ni Usec. Vergeire about iyong Indonesia’s population is 273.5 million for 2020, yet we have more COVID cases than them. How does DOH view latest reports that we are number one na po in Southeast Asia in COVID cases and fourth in the world in terms of new cases reported daily?
Iyong tanong din naman po ni Vanz Fernandez ay may kinalaman po doon sa face shield na nasagot ninyo na rin po, Secretary.
Ang susunod pong tanong from Met Sanding-Minion ng DZAR for Usec. Vergeire. Itanong po daw namin kung ano po ang masasabi ng DOH regarding doon sa [unclear] na gamot daw po ito sa COVID, Usec.?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Lahat naman po ng mga gamot o di kaya ay mga ibang mga supplements na sinasabi ay gamot for COVID has to undergo a regulatory process. Dumadaan iyan sa Food and Drug Administration para makita natin anong kailangan rin [garbled]. So gusto lang ho naming magbigay-babala sa ating mga kababayan na kung sakaling may iniinom po kayo para sa sinasabi pang-COVID, kailangan lang po ay rehistrado ng FDA.
At lagi ho nating tandaan, wala pang nadidiskubre na may ebidensiya na sapat na gamot sa COVID-19 o di kaya ay wala pa rin hong bakuna na may ebidensiyang sapat na masasabing panlaban sa COVID-19. So kung anuman po iyong nasa market natin ngayon, kailangan lang pong dumaan sa Food and Drug Administration para po magkaroon ng evaluation at mairehistro po iyan. Atin lang pong pinapaalalahanan ang ating mga kababayan nga po na mag-ingat po sa pag-consume ng mga ganitong gamot lalung-lalo na po kung hindi po ito registered ng FDA.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Vergeire. Secretary Roque, may dalawa na lang po kayong tanong dito. Tanong po ni Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government modify economic recovery plan following the country’s plunge into recession? Do you think the 140 billion stimulus package is enough?
SEC. ROQUE: Well, iyong ating Bayanihan II po, isa lang po iyan sa pamamaraan para tayo ay makabangon. Gagamitin din po natin iyong 2021 budget ‘no para po diyan sa objective na iyan ‘no. So magkakaroon din po ng stimulus feature ang 2021 budget.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz, Pilipino Mirror para daw po kay Usec. Vergeire. Usec. Vergeire, ito po ang tanong ni Evelyn Quiroz: In an interview, sinabi ninyo po na ang clinical trial na Japanese anti-viral flu drug Avigan ay sisimulan sa August 10. Kindly elaborate on this. Kailangan pa po ba ng approval ng FDA bago ito isagawa?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So kaninang umaga po in-interview ako sa Unang Hirit at tinanong tungkol dito sa Avigan drug at itong clinical trial na ito. Sinabi ko po na August 10 po ay mag-uumpisa. Kanina po [garbled] kami galing po sa ating team na gumagawa po ng mga proseso for this trial at ang sabi po iyong aming mga document for this trial ay pina-finalize pa. So it might not happen on August 10 dahil po inaayos pa but very soon, definitely magsta-start tayo.
Nandito na po iyong mga gamot, this was donated by the Japanese government. This is for 100 patients. Iyon pong ating clinical trial protocol ay sumailalim na po sa FDA, nabigyan na tayo ng clearance pati po ng [garbled]. We’re just waiting for the final arrangement, at umpisahan na po natin ang trial ng Avigan drug dito po sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Vergeire. Secretary Roque, may pahabol lang pong tanong si Mylene Alfonso ng Bulgar. Kunin ko daw po iyong reaksiyon ninyo sa sinabi ni Senator Imee Marcos na hindi dapat gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield at ipasuot na lang ito sa mga may kayang bumili o kaya ay magpamigay na lang ng libre ang DOTr.
SEC. ROQUE: Oo. Nasagot na po natin iyan kanina. Maraming salamat po ‘no. So thank you very much, Usec. Rocky. Maraming salamat kay Secretary Karl Chua. Maraming salamat kay Usec. Vergeire. Siguro close statement from Gov. Jonvic.
Ah, umiinit po ang usaping kamukha. Ang sabi po ni Atty. Jay Layug, mas guwapo daw po kaysa sa inyo si Cong. Remulla.
GOV. REMULLA: [Laughs] Dalawa kasing congressman iyan – Congressman Boying at Congressman Gilbert pero pumapayag naman ako na mas guwapo sa akin si Boying. Lamang naman sa akin ng mga tatlong paligo iyon. Ang talagang dapat basehan kung tayong dalawa ang magkamukha, Harry, at doon ay dati mo pang sinasabi na tayo ay magkamukha. Siguro taumbayan na ang hahatol kung talagang totoo ang sinasabi mo.
SEC. ROQUE: Pero ang sabi po ng mga taga-Cavite, kapag humaharap daw ako kay Gov. Jonvic, parang nakaharap daw ako sa salamin.
So ngayon naman po, dahil tayo po ay nasa Wil Tower, ladies and gentlemen, Pilipinas, Mr. Willie Revillame. Thank you very much po for hosting us
MR. REVILLAME: Okay. Magandang hapon po, Pilipinas. Magandang hapon ho. First time ko na lumabas ng channel sa GMA. Pasensiya na ho kayo, PTV-4 naman ito at paglilingkod naman ito sa ating mga kababayan. Magandang hapon, hindi ako pulitiko pero nandito ho ako para, una, magtanong bilang isang mamamayang Pilipino.
Uunahin ko na si Gov. Remulla ‘no. Governor, noong dumating itong lockdown, nag-open ka ng SM, nag-open ka ng mga malls and then bigla mong sinara. Bakit naging ganoon ang desisyon mo sa buhay?
GOV. REMULLA: Nag-issue kasi ako ng quarantine pass para sa lahat ng mga residente. Noong nagpa-investigate ako, iyong mga guwardiya ng SM, lahat ng mga mall ay imbes na i-check iyong [signal cut]. So ang nangyari noong Saturday/Sunday na iyon, naging parang pasyalan ng buong bayan ang mall at ang sigurado ko tataas ang transmission noong virus kaya pinasara ko muna. Binigyan ko ng guidelines and after two days binuksan na naman.
MR. REVILLAME: Which is I think iyon ang tamang ginagawa. Kasi ang importante I think is iyong proteksiyon sa bawat mamamayan. Ang laging sinasabi ng pulitiko – ito bilang isang mamamayang Pilipino – kayo, nangangako kayo kasi nagkakampanya ako dati puro pangako para sa bayan. Palagay ko ang dapat unahin iyong mamamayan, kasi ang mamamayan ang nagpapatakbo ng bayan. Papaano mabubuhay ang isang bayan kung ang mamamayan natin hindi natin aalagaan?
Secretary Roque, puwede ba kitang tanungin?
SEC. ROQUE: Sige, pero mamaya tatanungin din kita.
MR. REVILLAME: Tanungan tayo. Isang tanong, isang sagot.
SEC. ROQUE: Okay, go.
MR. REVILLAME: Ang tanong ko naman sa iyo ito: Saan papunta ang katulad naming mga Pilipino? Ito ang tanong ko sa pamahalaan ninyo: Papaano ang mga jeepney drivers na umiiyak, namamalimos, OFWs, iyong mga kababayang isang kahig, isang tukang mga Pilipino? Papaano mabubuhay ito ngayon sa pinagdadaanan natin?
SEC. ROQUE: Talagang napakasakit po ng nangyari sa atin dito sa pandemya ng COVID-19 na hindi po talaga natin [signal cut]. [Signal cut] po tayo, ginagamit po natin ang kaban ng bayan, sa ganitong paraan po para matulungan ang lahat na makabangon. Unang-una po nagbigay po tayo ng mga ayuda dahil alam natin na habang walang hanapbuhay kinakailangan makakain pa rin at alam natin po hindi sapat iyan.
Pero ngayon po, unti-unti na po tayong nagbubukas, unti-unti na po tayong nagsasabi na taumbayan, kinakailangan po mabuhay tayo na naririyan ang COVID-19. Kinakailangan po ingatan po natin ang kalusugan para tayo po ay makapagbalik hanapbuhay.
MR. REVILLAME: Tama, lagi iyon ang sinasabi ninyo eh. Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa mga nakakataas sa buhay? Lagi na lang bang gobyerno ang aasahan natin? Marami naman ding kababayan natin na [garbled] ang Presidente. Hindi ba puwedeng lagi siya [garbled] sisihin? Gobyerno na lang ang aasahan? Sure, mayroon naman ding mga tao diyan [garbled]. Ako’y pinagpala at ako ay blessed dahil [garbled] na nakakatulong, iyong Tutok to Win.
Nakakadugo ng puso kapag nakikita mo iyong mga namamalimos na jeepney driver, doon nakatira, iyong sa OFWs natin. Ako ay isang mamamayan na pinagpala na nabanggit ko sa iyo dati na gusto kong tumulong.
SEC. ROQUE: Opo.
MR. REVILLAME: Ngayon gusto kong—sa sarili kong pinag-ipunan ‘no dahil ako naman po ay may trabaho ngayon at siyempre napakahirap. Gusto kong tumulong una doon sa mga jeepney drivers ‘no.
SEC. ROQUE: Okay…
MR. REVILLAME: Sa tingin ko, ito ang mga unang nangangailangan. Nakita ko iyong sa Maynila, hirap na hirap. Nakita ko iyong sa Quezon City… iyong ano ‘no, I am willing to give sa akin pong naipon. Hindi naman ‘to pagmamayabang ‘no, ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwede lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na ito ibibigay ko, hindi magandang tingnan. Siguro sa inyo na lang.
Ang balak ko ay magbigay ng 5 million, limang milyon ngayon sa araw na ito at handa ako at ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na. Hindi ko lang alam kung papaano ibibigay. Una Maynila, Quezon City… I think iyong mga namamalimos pinapahanap ko iyan—
GOV. REMULLA: Cavite, Cavite…
MR. REVILLAME: Ah, Cavite mayaman iyan. Mayaman sa sugpo iyan at sa talaba. So…
GOV. REMULLA: Baka nalimutan mo, Kuya Willie, ang Cavite.
MR. REVILLAME: Sabi ko—tinanong kita kanina. Sabi mo, hindi kaya pa naman namin [laughs]. O huwag kang magsinungaling, tinanong ko siya: “Kamusta ang buhay sa Cavite?” “Kaya pa naman namin.” At least honest.
Mayroon akong tseke dito ‘no para alam ng tao, hinanda ko ‘to – 5 million para sa mga jeepney drivers. Ngayon ito ho pangako ko, hindi ho ito pagbubuhat ng bangko dahil sobrang hong pinagpala ako dahil I think sa industriya ako lang naman iyong may trabaho ngayon na live. So—and then 5 million ngayon, next month magbibigay ulit ako ng 5 million para doon ho sa mga taong talagang nangangailangan. Kung kakayanin kong monthly ito, sasabihin ko kay Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Wow! Maraming salamat po ‘no. On behalf of iyong mga magbebenepisyo po dito sa donasyon ninyo. Ang sa akin naman po tatanggapin ko ito pero iti-turnover po natin sa DSWD at sa DOTr, mayroon po talaga silang sistema ng ayuda na binibigay sa mga jeepney driver. Sisiguraduhin po natin na ang lahat ng ibibigay ninyo na 5 million ngayon, makakarating po sa mga jeepney drivers.
GOV. REMULLA: Kuya Willie puwede bang magtanong? Kasi hindi lang naman ikaw ang may trabaho nang live ngayon, pati si Harry Roque may trabaho ring live…
SEC. ROQUE: [Laughs]
MR. REVILLAME: Saka ikaw din. Saka ikaw din naman…
GOV. REMULLA: Wala akong live na show eh.
SEC. ROQUE: Teka muna, teka muna. Wala akong commercial ‘no sa press briefing [signal cut]…
MR. REVILLAME: Ito pa isa, sa ating mga kababayan nabasa ko iyong nangyari sa Beirut. Ito para kapag tutulong ka, lubus-lubusin mo na. Iyong apat na pamilya po na naulila, I’m willing to give P100,000 each sa mga kababayan natin. Nagdudugo ang puso ko sa ating mga kababayan. I’m so blessed, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin, ako po ay may programa na nagbibigay din ng tulong.
Basta hangga’t kaya kong tumulong, kasama ko naman ang GMA-7 diyan at gagawin ko. Iyong apat pong pamilyang naulila, kokontakin namin kayo. Kanino ko ho ba ibibigay? Papaano ba iyon?
SEC. ROQUE: [Garbled] doon sa apat na nasawi sa Lebanon. Maraming, maraming salamat—
MR. REVILLAME: Hindi, gusto kong ibigay mo na. Kasi gusto ko iabot sa kaniya [garbled]…
SEC. ROQUE: [Garbled] iyong P400,000 po na ibibigay ninyo, P100,000 each sa OWWA. Payable to OWWA po.
MR. REVILLAME: OWWA? OWWA ‘to…
SEC. ROQUE: Mga kababayan, maraming salamat po kay Mr. Willie Revillame, hindi lang po sa kaniyang donasyon kung hindi dahil inampon po natin siya—kami, inampon po niya kami habang wala po kaming—
MR. REVILLAME: Inampon ko kayo [laughs]. Teka mga kababayan, nagkakagulo na ho dito. Sa sobrang dami ng problema mga kababayan, hindi na alam ng Spokesperson [laughs].
SEC. ROQUE: Inampon po niya kami habang sarado po ang NEB dahil marami po ang nagkakasakit at marami in isolation. Nakapagpatuloy po tayo ng broadcast dahil po kay Kuya Wil the past weeks. Maraming salamat po.
MR. REVILLAME: Anytime. Importante ho iyong maintindihan at malaman ninyo ang impormasyon galing sa atin pong mahal na Pangulo at sa Spokesperson. Ako, sobrang bilib kapag nakakuha si Secretary Roque, isang text ko lang tumatawag na: “Anong maitutulong ko, Willie?” Ganiyan po ang isang Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Maraming, maraming salamat po—iyong tseke? [laughs] Sa ngalan po ng inyong Presidente, Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing napakadami pong masamang balita ngayon pero ang mabuting balita po, babangon po tayo dahil tayo po ay mga Pilipino.
MR. REVILLAME: Mga kababayan, kaya natin iyan. Kaya natin iyan. So mga kababayan ha, totoo po ito ha. Secretary, kung kaya ko bang magbigay next month uli…
SEC. ROQUE: O sige po. Maraming, maraming salamat.
MR. REVILLAME: Governor, hindi ka ba natatamaan? Nagbibigay ako ng tseke?
GOV. REMULLA: Ha? Eh ang suweldo ko po eh P150,000 a month, baka hindi ho—
MR. REVILLAME: Naku, bibigyan na rin kita ng tseke [laughs].
SEC. ROQUE: Hindi po, maraming pera iyan. May binentang lupa iyan [laughs]. Alam ko po kung saan iyong binenta niyang lupa.
MR. REVILLAME: Ito iyong PTV-4 at siyempre ito ang istasyon ng bawat Pilipino.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat din po sa Tutok to Wi n dahil sila po ay tumulong sa ating broadcast at kasama rin po natin ang mga [garbled] force ng PTV-4. Maraming, maraming salamat po sa inyo.
MR. REVILLAME: Mabuhay ang mga Pilipino. Mabuhay tayong lahat.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)