ALVIN BALTAZAR/RP: Magandang tanghali, MPC. We have Chief Presidential Legal Counsel and Spokesperson Atty. Salvador Panelo. Good afternoon, sir.
SEC. PANELO: Good afternoon in these perilous times. Ready.
ALVIN BALTAZAR/RP: Ready for questions, sir?
SEC. PANELO: Yes.
IAN CRUZ/GMA7: Hi, sir. Good afternoon. Sir, kung mauobserbahan natin ano, may social distancing ang mga reporters, pero ang mga crew natin ay tila hindi—
SEC. PANELO: Cameraman, hindi.
IAN CRUZ/GMA7: Oo nga hindi. So parang ganiyan din po ang nangyayari sa labas. Sinasabi may social distancing sa loob ng mga tren and yet doon sa baba, marami ang nakapila, nagkakaroon ng convergence ang mga tao.
SEC. PANELO: Kumpulan, nagkakakumpulan. Yes, nakita ko iyan.
IAN CRUZ/GMA7: So, papano po natin iyan masusolusyunan?
SEC. PANELO: Pag-uusapan namin iyan mamaya. At siguro, we will have to strictly enforce the protocols.
IAN CRUZ/GMA7: Ganiyan din po ang nangyayari sa mga border checkpoints natin—
SEC. PANELO: Exactly! Iyan ay na-monitor lahat namin iyan, and that will be part of the discussion mamaya.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, anong malaking announcement ng Pangulo mamaya?
SEC. PANELO: That will depend on the presentation ng various agency sa kaniya mamaya. We will meet at 2 P.M.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, aside doon sa implementation ng social distancing particularly doon sa public transport, ano pa po iyong mga concerns na maaaring talakayin doon sa IATF meeting later?
SEC. PANELO: Marami, like iyong mga testing kits, kailangan natin ng maraming ganoon. The good news is mayroon na tayong darating na 20,000 na gagawin para doon sa testing kits. Another good news is mayroong isang pharmaceutical company offering its place para magkaroon ng mabilis na processing ng manufacturing. And ADB, per Secretary Sonny Dominguez, is giving us a grant of three million dollars para dito sa labanan sa COVID-19; apart from the one o two billion pesos na ibibigay ng PAGCOR, 400 million kukunin sa PCSO.
Mayroon ding hinahanda si Secretary of Labor Bello doon sa mga no work, no pay. Kung maapektuhan sila, niri-ready niya na bibigyan natin ng financial assistance. Marami tayong pini-prepare. Iyong sa pagkain, ready rin ang social services natin.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, what about the possibility of maybe expanding the community quarantine to other areas, cities near Metro Manila? May nabanggit po si House Speaker Alan Peter Cayetano that they support iyong community quarantine sa greater Metro Manila area and not just Metro Manila per se.
SEC. PANELO: Lahat iyan will be under consideration. Ilalagay natin lahat iyan sa lamesa; pag-uusapan lahat iyan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, during your interview sa DZMM, you said na possible pong pag-isipan ni President Duterte iyong implementation ng total lockdown if ever na hindi po bumaba iyong cases dito. So how big is the possibility of President Duterte maybe declaring a lockdown po in Metro Manila and in other places here in the Philippines?
SEC. PANELO: Depende iyan sa pag-uusapan mamaya kung ano ang assessment ni Presidente. Si Secretary Año ay iyan din nirerekomenda; iyan din ang nirerekomenda ko. Because this is a matter of national survival, we have to be resigned to that fact. This is a matter of life and death. The only way to stop this is for us to help ourselves. Kailangan tayo na mismo ang tutulong sa sarili natin kasi tayo ang may dala, ang carrier eh. Tayong humahawa sa mga kasama natin at sila ang humahawa sa atin.
So sa aking pananaw, kailangan talagang i-restrict na natin ang movements, otherwise talagang kakalat ito nang kakalat.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, aside from you and Secretary Año, sino pa pong mga Cabinet officials ang supportive sa lockdown?
SEC. PANELO: Maraming sumusuporta sa ano… pero depende, we will give it to the President. The President will consider everything, evaluate. Siya ang magdi-decide.
GENALYN KABILING/MLA BULLETIN: Sir, nabanggit ninyo kahapon na the government may look for a place to put all the coronavirus cases into one place. May update na ba kayo, which place, which hospital probably?
SEC. PANELO: Wala, idi-discuss din iyan. We are recommending that there should only one place where we can put all those confirmed cases. Ganoon din iyong mga mino-monitor, para dalawa lang ma-isolate natin lahat iyong mga pinagbibigyan natin ng pansin, kung ito nga ay confirmed o hindi.
Ang problema kasi natin, the way things are developing, baka maubusan tayo ng ospital na paglalagayan; and not only that, we are exposing out health workers to the same infection. Kung limitado lang iyong… kung dalawang lugar lang ang lalagyan natin, eh medyo mako-control natin. Right now, hindi eh, lahat. Kapag nawalan tayo ng mga health workers, may problema na tayo.
In Italy, may nagbigay ng … isang Pilipino, very concerned, doon daw pinipili na lang kung sino ang gagamutin nila at iyong iba pinapabayaan na nilang mamatay. Ganoon katindi ang problema natin. So, we really have to do something for ourselves. Kaya iyong—I’m being bashed now in media, because I made a statement noong I was talking with Chona, about the… wala namang mamamatay sa gutom.
Alam po ninyo kasi, noong tinanong ako ni Chona ng Inquirer, eh marami raw kasi nagrereklamong mga workers dahil naaabala sila doon sa checkpoint. Kaya ang sabi ko—kasi ang sabi raw nila mamamatay sila sa gutom. When I said that, ang ibig ko pong sabihin doon – kasi ine-exaggerate nila iyong problema ng hindi pagpasok eh – eh hindi naman talaga tayo mamamatay sa gutom, mas mamamatay tayo sa virus eh immediate pa. Dahil tayo naman eh, nakahanda naman ang gobyernong tumulong. Hindi tayo mamamatay sa gutom. That’s precisely we are there to assist; not only that, we have extended families. Mayroon tayong mga pamilya na tutulong din sa atin sa panahon ng kagipitan, mayroon tayong mga friendly neighbors. Mayroon din tayong suweldo noong nakaraan. So hindi naman problema iyon.
Iyon ho ang ibig kong sabihin na mas matindi iyong panganib na nakaamba sa atin ngayon.
GENALYN KABILING/MLA BULLETIN: Sir, sa possibility of enhanced quarantine in Metro Manila. Sir, consider n’yo rin ba iyong threshold level noong cases, na 140 na as of yesterday?
SEC. PANELO: As I said, lahat iyon iku-consider ni Presidente. That is why tinawag niya lahat iyong mga stakeholders para mapakinggan niya lahat ng mga assessment nitong dalawang araw. Kahapon, hindi masyadong problematic kasi walang pasok. Pero ngayong araw na ito, three million ang pumasok, nagkaroon tayo ng problema. Nakita natin how those being checked – nagbabaan lahat, siyempre kumpulan silang lahat doon, magkakatabi silang lahat doon. Nakita din natin iyong mga jeepney, hindi rin sinusunod; iyong mga bus, may mga nakatayo pa rin. Kaya we really have to assess kung effective iyong ginagawa nating ganitong uri ng very … hindi strict na implementasyon.
GENALYN KABILING/MLA BULLETIN: Sir, on the sufficiency of funds, magkano bale iyong funds exactly for testing kits and other protection of health workers—
SEC. PANELO: Wala tayong problema sa funds. Gaya ng sinabi na ni Secretary Dominguez, we have sufficient funds. Ganoon din ang sinasabi ni Secretary Wendel [Avisado], mayroon tayong pera. Kaya nga nanawagan ako kahapon kasi mayroong mga organizations na humihingi ng pondo para daw sa distribution o production ng testing kits na ginawa ni Dr. Raul [Destura]. Eh alam po ninyo, maganda ang layunin pero ang dating sa tao – ang dami kong natanggap na text at ang daming tawag sa telepono – na parang hindi raw handa ang gobyerno, dahil bakit humihingi ng donasyon. Eh iyon namang mga humihingi ng donasyon, mga legitimate, gaya ng sa UP Medical Foundation, eh para sa kanila po iyon na gusto nilang tumulong. Pero definitely mayroong pera ang gobyerno. Itong mga grupo ng UP, gusto nilang tumulong sa atin kaya humihingi rin sila in addition doon sa ginagawa na ng gobyerno.
GENALYN KABILING/MLA BULLETIN: Sir, magkano lang iyong funds for the testing kits iyong ibibigay ng gobyerno?
SEC. PANELO: Ah hindi. Walang problema, kung ano ang kailangan nila Secretary Boy Dela Peña – because he is the one in charge there – ibibigay natin.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, when you say you will recommend to have a total lockdown, meaning tatanggalin lahat ng exemption including the workers, iyong mga cargo? Iyon po ba iyong gusto nating mangyari na i-recommend kay Presidente?
SEC. PANELO: Ang tinitingnan ni Secretary Año and other members of the Cabinet, iyong ginawa sa Korea. Korea kasi nag-total lockdown sila roon at na-arrest nila, naging zero casualty sila. So, iyon ang ipiprisinta kay Presidente: Ang mga puwedeng gagawin at gagawin pa. So regardless of the suggestion, it will be the President who will be assessing it and evaluating it, at siya ang magbibigay ng kaukulang anunsyo kung ano ang dapat gawin ng gobyernong ito.
MARICEL HALILI/TV5: Kasi ngayon, sir, ang ilan po doon sa mga concerns, ang pinakanahihirapan ay iyon pong poorest of the poor. Kasi iyong mga middle class naman, they have their savings, nakapag-stock. Pero siyempre iyong mga isang kahig, isang tuka, iyon ang medyo hirap. So how do we plan to address that, sir?
SEC. PANELO: Ayun ay mayroon na tayong—hindi ba sinabi nga ni Secretary Bello, mayroon na tayong programa doon. May programa tayo sa mga mahihirap, iyong mga ‘kung hindi ka magtrabaho, walang suweldo.’ Mayroon tayo doon, may programa na si Secretary Bello doon.
MARICEL HALILI/TV5: How about, sir, the food supply?
SEC. PANELO: Hindi natin ihihinto ang pagpasok ng food supply kasi mahalaga iyon eh and most likely siguro hindi dapat saraduhan ang mga groceries, ang palengke; kailangan nakabukas pa rin iyon.
MARICEL HALILI/TV5: Even on a lockdown, sir?
SEC. PANELO: Yeah, I think even in Macau, hindi nila sinarado iyon eh. Ang isinarado nila, buong establishments, offices, banks. Pero iyong food supply, hindi nila kinut (cut) iyon eh.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, ano lang po iyong masasabi ninyo doon sa mga nagki-criticize na instead of military or iyong mga pulis iyong nagbabantay doon sa mga boundary, dapat ini-improve na lang iyong mga medical capacity natin, iyong health system natin?
SEC. PANELO: Naku! Eh ang unang gagawin nga ng militar at saka ng mga pulis ay ipatupad iyong social distancing at saka restriction on travel. Kahit na anong gawin mong preparasyon sa medical, kung tayo mismong mga tao ay hindi nagko-cooperate sa isa’t-isa, wala rin iyon.
Tandaan ninyo, even—iyong mga nagpapa-test, hindi ba nag-test negative? Negative ka lang ngayong araw na ito. ‘Pag ikaw ay lumabas, sinabing negative ka, pero napunta ka doon sa isang infected or exposed, eh mayroon ka na naman.
Kaya talagang kailangan pumirmi tayo sa bahay. In Macau, that’s what they did – hindi talaga lumabas ng bahay.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, do you also plan—or I mean, the government, mayroon ba silang plano na mag-provide din ng mga free rides to the workers following what happened earlier na parang nagkasiksikan din iyong mga trabahante na papasok ng Manila?
SEC. PANELO: Yes, parang iyong—I remember, hindi ba noong nagkaroon ng strike mayroon, tayong mga sasakyan para madala iyong mga workers. Mayroon naman tayo eh.
Kaya lahat iyon nga ay pag-uusapan mamaya kasi nakita na natin iyong mga problema eh – kung anong dapat gawin; anong maaari pang gawin; anong maaari pang gawin; anong maaari pang ipatupad; ano pang kailangang mejora na gawin natin.
Kasi the main point is, we have to stop the virus. And the only way to stop that is to stop ourselves kasi tayo ang may dala eh, walang iba eh.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang. May we have your statement about doon sa biglang shoot-up ng cases na from 111 ay naging 140 and 11 deaths.
SEC. PANELO: Iyon nga… Iyon nga ang dapat na i-consider natin kasi iyong tinatawag nilang spread ay exponentially. Iyong isa, hahawa sa isa na hahawa sa apat, iyong apat … ganun! Ganoon talaga ang mangyayari. So, we really have to stop that. Iyan ang nagiging problema natin. Eh noong nag-uwian iyong mga taga-rito sa mga probinsiya, ayun! Kaya mayroon na sa Camarines Sur, mayroon na sa—saan pa ba iyon? Sa Iloilo.
Talagang kailangang i-restrict na natin ang mga sarili natin. Kailangan magsakripisyo tayo sapagka’t ang sakripisyo natin hindi lang naman para sa ating buhay kung hindi sa ating miyembro ng pamilya at mga kaibigan natin at mga kasama natin.
MARICEL HALILI/TV5: [OFF MIC] Thank you, sir.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat, Maricel. Anjo, Alexis, tanggap na tayo ng—
SEC. PANELO: Basta ang mahalaga, si Presidente ay worried na worried siya sa nangyayari kaya ginagawa niya ang lahat upang talagang patayin itong virus na ito, itigil ito. Kaya kita ninyo, kahit na dapat nasa Davao siya noong dalawang eh nandito siya, pumirmi siya. Nakipag-usap lang sa lahat ng mga sektor para ma-monitor niya kung anong nangyayari.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat, Secretary. Anjo, Alexis, Joyce, Viber question lang tayo sandali.
From Bella Cariaso: Nasaan na daw po iyong ipinangakong facemask? Even vitamins wala na ring mabili, from Bella Cariaso.
SEC. PANELO: Iyong mask, ang alam ko nag-order na tayo nang marami noon. The last time I heard, may mga dumating. Eh marami kasi… marami kasi rin ang nangangailangan eh, pero nag-oorder pa rin tayo. Iyong mga vitamins naman, may mga pharmaceutical na umaalok; at siguro tatanggapin natin lahat ng alok.
Mayroon nga palang—marami kasi akong nabasa how to destroy or contain, to kill the virus. You know, even without me knowing it—ako kasi mahilig sa saging ‘no, tapos may nakita ako sa internet iyong saging pala magandang panlaban daw, eh ako kain nang kain araw-araw ng saging.
Number two, naging ugali ko na mag-gargle ng salt water. ‘Pag nakakaramdam lang ako ng kaunting sipon, nag-ga-gargle ako. Sabi ni Dr. Duque, puwede rin daw iyon, okay daw iyon kasi ang una raw na pinupuntahan ng virus iyong throat natin eh. Ang delikado, ‘pag iyon ay pumasok sa lungs. Pero kung nandoon pa lang – a few days lang naman daw naka-standby iyan – eh pinapatay na natin. Pati daw iyong pag-gargle ng Listerine nakakatulong, eh siguro gawin na natin ito lahat.
But constantly, we should have to wash our hands. Kanina hindi ako sumakay ng elevator kasi magpipindot ako, naglakad lang ako papunta rito. Hanggang ngayon, I am not touching any surface kasi mayroon din doon sa lahat eh. So kailangan tayo na mismo gagawa ng mga steps to protect ourselves so that we can protect our neighbors. Pati nga iyong ibinibigay sa akin na envelope, ayaw ko nang hawakan eh. Kumbaga, maging maingat na lang tayo.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, isa pang Viber question from Henry Uri. Baka raw puwedeng pakilinaw kung bakit kayo naka-mask. May problema po raw ba kayo sa throat?
SEC. PANELO: Wala, wala akong problema sa—pero napapansin ninyo napapa-ubo ako. Wala naman akong ano pero ayaw ko nang ‘pag umubo ka, sabi ng mga doktor ‘pag umubo kailangan takpan mo,’ so at least ‘pag umubo ako – hindi pa naman ako umuubo mula kanina – eh walang tatamaan ng virus na lumalabas sa bibig ko. Kumbaga, preemptive lahat ang gawin natin, wala namang mawawala sa atin.
Lalo na iyong—pinapakinggan ko iyong speech ng isang Singaporean. Ang pinaka-effective daw not to be infected is washing our hands constantly, which I do. Napakadali lang namang gawin iyon eh, every now and then. And then huwag ninyong hahawakan ang mukha ninyo, kasi tayong lahat may tendency humawak eh. Kahit anong ginagawa natin, napapahawak tayo sa mukha tapos tatamaan iyong mata natin, iyong bibig natin. Iyong mga ganoon… maging conscious ka lang. Ang sabi nga ng speaker, “Even as I speak, unconsciously I was already holding my face,” kaya tawanan ang audience niya. Kumbaga, maging conscious tayong lahat.
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: Sir, good afternoon po! Sir, kanina isa sa mga observations doon sa mga borders, sir, our authorities are not properly equipped. They don’t have mask or even thermal scanners for those, you know, to check the temperature of those coming inside Metro Manila. Sir, is this a matter of delay lang ba or magpo-procure pa tayo ng necessary equipment for that?
SEC. PANELO: Na-delay lang iyong mga materyales na—kasi nga ang daming kailangan eh. If you notice, kahapon halos wala eh. Pero ngayon, mayroon na akong mga nakitang naka-maskara, naka-gloves. So lahat sila will be wearing that as soon as the supply arrives.
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: By the end of the day iyon ang goal, sir: To cover all those manning the borders?
SEC. PANELO: Tingnan natin kasi marami eh!
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: And, sir, another lawmaker is appealing to the Executive to impose policy of regulatory forbearance, sir—
SEC. PANELO: Regulatory what?
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: Forbearance, sir. To stop the deadline, sir, for all the requirements, sir. Iyong mga deadlines, sir – payments of credit cards, mga housing loans… What’s the Executive’s stand—
SEC. PANELO: Palagay ko magandang ano iyon… mungkahi. And I think on their own, itong mga creditors, dapat tingnan nila ang sitwasyon ng bansa ngayon. On their own, they should do that. The government can impose that pero huwag na silang maghintay doon para… kumbaga, bayanihan tayo lahat ngayon.
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: Last na, sir. Sir, si Cong. Joey Salceda is also proposing one week work stoppage kasi ang observation niya, sir, clearly what is happening right now with the community quarantine is not working kasi iyon nga, sir, mayroon kayong mga clustering of stranded passengers sa borders. Is that one of the options?
SEC. PANELO: Eh lahat nga iyan ay iko-consider natin. Eh, hindi ba total lockdown nga ang isa sa mga options eh. Tingnan natin lahat, lahat ilalagay iyan sa mesa, kay Presidente and then we will discuss and then the President will decide and decisively he will.
ANJO ALIMARIO/CNN PHILIPPINES: Thank you, sir.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Secretary, while we are having problems with facemask and then here comes DFA Secretary Locsin saying some of the protective equipment including facemasks are stuck in the Bureau of Customs. Nakatengga lang siya doon, hindi siya gumagalaw, hindi siya nare-release. Sinabi ito ni Secretary Locsin sa kaniyang—
SEC. PANELO: And then we will—we are now calling the Commissioner of Customs to release it immediately kung iyan lang ang problema. Baka mayroon lang requirement silang hinihintay pero we will urge him to facilitate the release of these supplies.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Kasi nabanggit ninyo iyong China daw concerned, iyong ibang items perishable, ‘pag wala daw clearance hindi siya gagalaw, maii-stuck siya doon. Okay. Isa na lang clarification, Secretary. You mentioned about a total lockdown. Ang kaklaruhin ko lang po, how is it different from iyong existing “community quarantine” na nangyayari ngayon?
SEC. PANELO: Eh kung ang magiging model mo ay Macau, ang total lockdown would be closing of all establishments. It would mean also walang pasok lahat. Kumbaga, lahat kayo nasa bahay.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: But there are certain exemptions?
SEC. PANELO: Ng alin?
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: May exemptions ba?
SEC. PANELO: Ay, hindi ko alam ano—
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Sinabi ninyo kanina iyong food?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung anong—actually, hindi ko nga alam kung magkakaroon ng total lockdown, iyon lang ang gusto ng iba. Titingnan natin, depende nga eh. We will have to study, evaluate, and the President will decide.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: But I suppose iyong mga vital supplies exempted—
SEC. PANELO: Pero definitely iyong entry ng food, hindi natin pipigilan iyon. Iyon ang mahalaga eh.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, work stoppage kasama po doon sa total lock—
SEC. PANELO: Most likely kasama iyon. Siguro iyong mga groceries, open pa rin iyon dahil kailangan din ng tao. Ang magiging problema lang, kailangan isa lang ang pupunta roon.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay. Salamat po, Sec.
SEC. PANELO: Kasi kung puro lahat na naman pupunta eh ‘di ganun na naman iyon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, ang Presidential Security Group naglabas ng official statement today saying that no touch policy to the President is strictly enforced. This time susunod na po ba si PRRD given na ito na iyong circumstances ng COVID-19 sa—
SEC. PANELO: Well, ang gagawin natin mamaya, we should be six meters away from the President during the meeting.
JOYCE BALANCIO/DZMM: But if the President insists on shaking hands with Cabinet members, papayagan pa ba iyon? Susunod ba siya?
SEC. PANELO: Hindi, alam mo kung malayo hindi na—si Presidente naman kapag pupunta sa upuan niya, dadaanan niya, kumakamay siya. Pero kung …dati nang ganiyan kalayo, diretso siya sa upuan niya, wala iyon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So kahit gusto niya, he will be prevented from doing so?
SEC. PANELO: At saka kami mismo, “Mr. President.”
JOYCE BALANCIO/DZMM: Kayo na po mismo.
SEC. PANELO: Oo, lalayo na kami for his security and safety.
JOYCE BALANCIO/DZMM: And then, sir, kanina din may press conference ang Department of Agriculture. Apparently, may isa pa tayong problema – Bird Flu. Mayroon na rin pong case dito sa Philippines. And sabi ng DA, there could be possible human transmission. Is the government ready to address this alongside the COVID-19?
SEC. PANELO: Yes, lahat iyan ng mga problema natin, naka-establish ang mga protocols natin diyan. Dahil iyan namang swine problem na iyan eh, ilang linggo na iyan eh.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, Bird Flu, another—
SEC. PANELO: Kahit na anong klaseng problema, ready tayo diyan eh. Pinaghandaan na natin lahat iyan. Wala tayong choice kung hindi salubungin natin at gawan natin ng paraan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So kahit sabay-sabay na, sir, we have ASF, Bird Flu, COVID, kaya—
SEC. PANELO: Oo, alangan namang wala tayong gagawin. Siyempre lahat iyan… kumbaga, sinusubukan tayo ng tadhana, we have to rise to the challenge of the times.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Can we guarantee, sir, na this will not be a bigger problem like COVID, iyong Bird Flu?
SEC. PANELO: Lahat iyan, we will address the situation.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, marami na pong mga Cabinet officials ang nag-COVID test and then naging negative po. Kung tama po ako, sinabi ninyo po kanina na negative pero kapag nakihalubilo sa iba, posibleng maging positive.
SEC. PANELO: Correct! That is precisely why they are continuing the 14-day quarantine kasi hindi ka nakakasiguro eh. Ngayon okay ka; paglabas mo, mayroon na naman.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, kayo po, sinabi ninyo na healthy naman kayo, gumagamit kayo niyan. Para lang po masiguro na fit and healthy po kayo sa pagsi-serve po, willing po ba kayong magpa-COVID test po?
SEC. PANELO: Ang sabi ng mga doktor, huwag kang magpa-COVID test nang wala ka namang nararamdaman. Kasi inaagawan mo lang iyong dapat na i-test eh. Eh ngayon nga, nakaabang, kumbaga priority. Kung wala ka namang nararamdaman, mag-self quarantine ka lang.
KRIS JOSE/REMATE: So, sir, masasabi ninyo po sa amin na wala po kayong nararamdaman and healthy po kayo?
SEC. PANELO: Ah wala. Definitely, wala kasi maingat nga ako eh. Kahit na iyong pagpa-interview… noong ini-interview ako ng CNN, biglang paglabas ko there was a hoard of millennials na gustong magpa-selfie, hindi ako nagpa-selfie na katabi nila. Sabi ko, ‘Selfie lang ako pero sa likod ninyo ako, one meter away,’ and payag naman sila. Kailangan talagang gawin mo na rin ang iyong dapat mong gawin eh.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pia, bago sa’yo, Viber question muna. Secretary—
SEC. PANELO: Iyong ngang sa mga ano … by the way, hindi ba ang daming pinto rito? Ako, ayaw kong magbukas ng door knob nang walang tissue paper ang kamay ko. Kasi nandoon lahat nga eh. Ito nga ayaw kong hawakan eh. Kita mo, lumalayo ako sa mikropono.
We have to be very conscious because we are protecting not only ourselves but iyong ating kasama.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, from Philippine Daily Inquirer. Kay Leila Salaverria: There are reports that some medical staffs have been placed under quarantine, while other hospital staffs are overworked. Does the government plan to bring in more health workers from outside Metro Manila or implement emergency hiring of health workers? What are its plans to augment or support the health workers?
SEC. PANELO: Eh lahat nga iyan, kasama na iyan lahat sa pag-uusapan mamaya, kung ano ang dapat nating gawin. Dahil talagang may nai-expose na mga health workers whether we like it or not. Talagang kasama iyan sa pag-uusapan kung anong dapat gawin natin diyan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, paki-explain naman po: Ano po iyong pinagkaiba ng ‘enhanced community quarantine’ sa ‘community quarantine’ na ini-implement ngayon, sir?
SEC. PANELO: Hindi ko yata alam iyong ‘enhanced.’ Saan ba galing iyong enhanced?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kayo, sir, sabi ninyo.
SEC. PANELO: Baka ibig lang sabihin mahigpit, mas mahigpit. Gaya ngayon, may quarantine nga tayo pero hindi natin nai-implement iyong social distancing.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Doon sa lockdown proposal, sir. Could you clarify kasi dalawang bansa iyong sinabi ninyo, sir—
SEC. PANELO: Ano, ano?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Iyong lockdown proposal. Ano po bang model ang tinitingnan po natin? Model ng South Korea or Macau, because you said South Korea kanina.
SEC. PANELO: Iyong Macau … Macau yata ang—kasi zero casualty ang Macau eh. Ang Korea, hindi naman zero casualty eh. Forty-five days na yata silang walang confirmed case. Iyon din ang inaano ni Secretary Año. At saka ang feeling ni Secretary Año, he was telling me last night, marami siyang nakausap na mga kababayan natin, eh mukhang gusto nilang magpa-lockdown sa bahay nila; ayaw na nilang lumabas. In fact, may mga workers – kanina nagmu-monitor ako – na ayaw pumasok, pinipilit ng employer. Eh takot na takot siyang lumabas. Eh tinanong ako, “Anong gagawin ko?” Sabi ko, “Huwag kang pumasok. Bahala na kami sa employer ninyo, kakausapin namin.” Kasi buhay mo ang nakataya eh.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Another question, sir. Sir, at what point will President Duterte call for help from China? Kasi nabanggit niya po iyon noong last public pronouncement niya.
SEC. PANELO: I don’t know kung legit iyong nabasa ko kanina na mayroon nang dumating kanina na mga experts from China. May nabasa ako kanina eh sa internet. Pero anyway, they are offering their help basta lang magsalita lang raw tayo.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Nabanggit po ni President Duterte na sumulat sa kaniya si President Xi Jinping.
SEC. PANELO: Yes.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Could you tell us the contents of the letter, sir? Anong klaseng tulong—
SEC. PANELO: Iyon na nga, siyempre nag-i-express siya ng sympathy sa nangyayari sa atin; vice versa, ganoon din naman si Presidente. At sinabi ni President Xi, ‘kung anuman ang kailangan mo just let me know at tutulong kami sa inyo.’ Sabi naman ni Presidente, ‘Thank you. Sana hindi makaabot kami diyan; kaya namin sa ngayon. Pero kung makarating kami diyan, eh gagawin ko,’ sabi niya kay Ambassador.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So at what point, sir, iyong reckoning?
SEC. PANELO: Hindi nga natin—alam mo depende siguro eh. It’s the President’s call. Siguro kapag nakita ni Presidente na talagang kailangan na eh talagang hihingi na tayo ng tulong.
You must remember that there is a call from the UN Secretary General, lahat tayo, all countries must be cooperating with each other. It should be a united fight against this deadly disease, which means that we’ll be helping each other in terms of funds and equipment, lahat, and technology. Kumbaga, worldwide ang tinatamaan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last na lang. Sir, are you considering holding virtual presscon?
SEC. PANELO: Lahat iyan i-consider natin. In fact, ginagawa na nga ng mga studio iyan, hindi ba? Iyong guest, nag-Skype na. Huwag na nga iyong Skype, okay na iyong boses lang ang naririnig, okay na iyon.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, sir, isa iyon sa tinitingnan ninyo—
SEC. PANELO: I was hoping nga, mayroon ditong ano eh, mayroong mirror dito, naka—pero wala pala. Pero okay na rin iyang distancing natin, social distancing.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero in the meantime, sir, itong ganitong klaseng set-up muna or are you looking at—
SEC. PANELO: Ako, ang suggestion ko ay iyon na, iyong sinasabi mo. Oo, ganoon na lang tayo.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Maraming salamat, Pia. MPC, tanggap muna tayo ng dalawang Viber questions ha. From Haydee Sampang: Secretary, mayroon daw pong mga UV Express sa Novaliches na—
SEC. PANELO: Ano, ano?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Mayroon daw pong mga UV Express sa Novaliches na dobleng pasahe ang singil kasi lugi daw sila sa biyahe dahil limited ang allowed number of passengers. Ano po ang aksyon ng gobyerno sa ganitong klase ng reklamo ng mga commuters?
SEC. PANELO: Gagawan natin ng paraan iyan. Hindi pupuwede iyong we will take advantage of the situation. Lahat tayo dapat magsakripisyo. Kaya nananawagan tayo doon sa mga drivers na ganoon, eh huwag ninyo namang pahirapan iyong mga pasahero ninyo.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Another Viber question from Rosalie Coz: Secretary, ano pong posisyon ng Malacañang sa mga panukalang ito para po maging assured ang pakiramdam ng mga manggagawa at maliliit na negosyante na lubhang maapektuhan ng quarantine: Financial support kagaya ng pagri-release nang maaga ng 13-month pay, moratorium sa rental fee, pagpapaliban ng one month bill payment sa mga basic utilities gaya ng kuryente at tubig?
SEC. PANELO: Lahat ho iyan ay ilalagay natin sa lamesa mamaya. At si Secretary Bello, mayroon na siyang prinipara na sistema para tugunan ang ganiyang mga kalakaran.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, isa na lang po. Kay Acer, sir: Vital industries like power are dependent on reliable flow of people and equipment. Once such facility is the Malampaya offshore gas platform where we have at least 59 countrymen working there at any given time. The Metro Manila lockdown including lockdowns in airports in Palawan will have serious impact on their operations. What measures are there to make sure operations of industries like this are not hampered?
SEC. PANELO: Eh siyempre mayroon tayong skeletal force niyan. Hindi naman pupuwedeng iyong mga basic na kailangan natin ay titigilan natin.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, isa na lang. Sir, paano daw po iyong mga contractual at job orders na apektado na mga nasa government? Salamat po.
SEC. PANELO: Hindi ba sabi nga ni Secretary Bello, mayroon siyang ginagawang sistema para tugunan iyong ganiyang kalakaran.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: MPC, wala na? Maraming salamat, Chief Presidential Legal Counsel and Spokesperson Salvador Panelo.
SEC. PANELO: Thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)