SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
Muling humarap sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang regular Talk to the People address.
Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay sa pagtaas ng fuel price: Una, ang pag-retain ang fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN Law, dahil ang pagsuspinde nito ay magri-reduce ng government revenues ng 105.9 billion pesos na magpupondo sa mga programa ng pamahalaan.
At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng dalawandaang piso bawat household to the bottom 50% of Filipino households.
Sinusugan naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang rekomendasyon ng Department of Finance ukol sa targeted relief para sa vulnerable sectors.
Samantala, ini-report ng Department of Energy (DOE) ang mga short-term steps para matugunan ang oil problem. Kasama na rito ang limang bilyong Pantawid Pasada, mahigit isang bilyong fuel discount sa mga magsasaka at mga mangingisda ng Department of Agriculture.
On the long-term, the DOE is proposing to Congress the amendment of the Oil Deregulation Act and the TRAIN Law, building the Philippine strategic petroleum reserve, and implementing the Energy Efficiency and Conservation Act.
On the part of the Department of Trade and Industry, ito ang kanilang naging tugon on increasing fuel prices: Ipinagpapatuloy ng DTI ang pagtulong sa micro-enterprises sa pamamagitan ng Livelihood Seeding Program o LSP. Nasa dalawampung libo ang LSP target natin ngayong buwan ng Marso. Ganito rin ang ating target sa Abril at sa Mayo.
Samantala, nagbigay ng rekomendasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panukala na 24 billion pesos na wage subsidy para sa isang milyong minimum wage workers.
Ini-report naman ng Department of Transportation (DOTR) ang implementation ng 6,500 pesos fuel subsidy program, mamaya ay makakasama natin si LTFRB Executive Director Kristina Cassion para pag-usapan ito.
Sa isyu ng e-sabong, ini-report ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo ang kanilang compliance sa memorandum ng Executive Secretary dated March 8, 2022. Kabilang dito ang imbestigasyon ng e-sabong licensees, kung saan dalawang e-sabong operators ang nasuspinde, ang installation ng CCTV cameras at compliance with regulatory frameworks tulad ng player registration among others.
Sa balitang IATF. Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagsasailalim sa Alert Level 1 ng Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas epektibo ngayong araw, March 16, 2022, hanggang katapusan ng buwan, March 31, 2022.
Naka-flash sa inyong screen ang apatnapu’t pitong lugar na nasa Alert Level 1. Basahin natin ito isa-isa:
For Luzon — Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga
Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan
Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, at Quirino
Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales
Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City
Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon
Region V: Naga City at Catanduanes
For Visayas – Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City
Region VII: Cebu City at Siquijor
Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City
For Mindanao – Region IX: Zamboanga City
Region X: Cagayan De Oro City at Camiguin
Region XI: Davao City
Caraga: Butuan City.
Samantala, ang mga lugar na hindi ko nabanggit ay nasa ilalim ng Alert Level 2. Naka-flash ang mga ito sa inyong screen.
Sa usaping bakuna naman: Dumating po sa bansa noong Lunes ng gabi, March 14, 2022, ang mahigit 868,000 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng World Bank. Ito ay gagamitin sa mga may edad dose anyos pataas. As of March 15, 2022, nasa mahigit 70 million na ang naka-first dose habang nasa halos 65 million na ang naka-complete dose o fully vaccinated, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Habang nasa mahigit 11 million ang naka-booster shots. Over-all, nasa mahigit 139 million na ang total doses administered.
Wala talagang napag-iiwanan sa pagbabakuna, kahit mga inmates ng Bureau Of Corrections ay kasama sa mabibigyan ng COVID-19 vaccine. Nasa 27,633 na inmates na ang fully vaccinated, habang nasa isanlibo ang mabibigyan ng second dose ng AstraZeneca vaccine ngayong Sabado, March 19.
Kaya inuulit po namin: Ligtas, epektibo at libre ang bakuna. Tara na at magpabakuna at magpa-booster! Ang pagkuha ng booster ay parang pag-recharge ng baterya ng inyong cellphone. Nauubos ang baterya ng cellphone kapag naka-on, pero hindi ibig sabihin ay hindi na ito magagamit. Kailangan lang mag-recharge. Ganiyan din ang COVID-19 vaccine. Humihina ang immunity paglipas ng ilang buwan kaya kailangan ng additional shot or booster.
On other matters: Good news po sa ating mga kababayan na may disabilities. Nilagdaan ng Pangulo noong Biyernes, March 11, 2022, ang Republic Act 11650, isa na namang Duterte legacy. Sa unang pagkakataon, binigyang prayoridad ang learners with disabilities. Mina-mandato ng batas na ito ang DepEd na maglagay at least one inclusive learning resource center for learners with disabilities. Dahil sa batas na ito, mabibigyan ng quality, accessible at inclusive education ang learners with disabilities.
Samantala, binabati namin ang mga awtoridad sa kanilang matagumpay na operasyon kung saan na-intercept kahapon ang tinatayang sampung bilyon pisong halaga ng shabu sa Quezon Province na binanggit din ni Secretary Eduardo Año sa Talk to the People, ang laban kontra-droga ay isang mahalagang Duterte legacy. As of January 31, 2022, nasa mahigit animnapu’t tatlong bilyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng ating mga awtoridad.
Bago po tayo magtungo sa mga tanong ng ating mga kaibigan sa MPC, kausapin muna natin ang ating mga resource person. Unahin na natin si LTFRB Executive Director Kristina Cassion. Ilan na po ang nakakatanggap ng 6,500 subsidy at kailan po natin aasahang matatapos ang distribution? Magandang tanghali po sa inyo, ma’am.
LTFRB EXECUTIVE DIRECTOR KRISTINA CASSION: Magandang tanghali po Secretary, kababayan ko galing sa Caraga po. Magandang hapon din po sa lahat ng mga nanunood ngayon. Let me share po muna my screen for the update ng ating fuel subsidy. Ayun po.
For our fuel subsidy program po mayroon po tayong approved budget po under the GAA 2022 na P2.5-B. Ang atin pong beneficiaries po nito ay iyong mga public utility buses, public utility jeepneys, UV Express, taxi, shuttle service to transport, iyong mga TNVS din po, tricycles and delivery service because expanded na po ang coverage natin for GAA 2022. So, ganito po iyong allocation po natin based sa tinatawag natin na hierarchy of most public transport, ridership and fuel consumption.
So, si LTFRB po na modes ay P1.75-B po ang allocation po natin; and under po ng DILG ito po iyong mga tricycles natin ay P625-M po iyong ating allocation; and for under DTI naman po iyong delivery services ay P125-M po. [Audio cut] Iyon po.
Under po ng LTFRB po, iyong budget share po niya is 70% at ito po P1.75-B na may total beneficiaries po tayo na 264,443 units po na makakatanggap po ng P6,500 per unit.
At ito po iyong game distribution schedule natin ng mga units under the LTFRB po:
Iyong initial beneficiaries po natin na 68,023 have already been forwarded sa Land Bank as of March 15 for crediting of the amount subsidy. So, nag-start na po, sinimulan po ng Land Bank kahapon iyong crediting po ng ating mga fuel subsidy sa mga existing na mga card holders kaya mayroon na pong mga natanggap po simula kahapon. Nauna po iyong mga PUJ po na mayroon na pong mga cards under the PPP po at inaasahan po natin magtuluy-tuloy ang daily crediting ng mga ito sa mga may existing na cards hanggang Friday po this week. The remaining beneficiaries po for crediting and card production and distribution is ongoing naman po at ang target completion po is within the month naman po.
For the DILG and DTI na sakop po ay ongoing po iyong ating preparations of list to be submitted from DILG and DTI. So, iyong mga LGUs po na nasa kanila naman po iyong regulatory powers po sa mga tricycles, please coordinate po with the DILG for the list naman po. Ang mode of payment po nito ay via electronic wallet or over the counter. Iyong actual amount per beneficiary naman po ay depende on the number of the beneficiaries na nasa listahan based on budget allocation at iyong crediting naman po ng amount na ito ay within the week upon the receipt po natin ng mga listahan po from the Land Bank po.
So, to repeat lang po ano, iyong mga unang nakatanggap na po ay iyong mga PUJ pero iyong mga bus operators naman po natin, today din po iyong start ng crediting ng mga accounts nila. And for the other modes po na kailangan ng card printing, we expect the cards to be ready for distribution naman next week.
Iyong mga taxis, TNVs, UV Express na wala pang card based po sa database ng LTFRB kailangan nating i-check din po iyong mga legitimate natin na mga CTC holders, may database naman po tayo niyan at gagawan sila ng account naman po sa Land Bank para ma-issue na iyong kanilang mga cards. So, once na ready na po iyong mga cards ay magpo-post ang LTFRB sa website at sa ating Facebook page at abisuhan natin iyong mga beneficiaries natin na puwede na nilang i-claim po dahil po may processing time po iyong Land Bank for card printing, we expect po na the cards will be ready starting next week po.
So, iyon po iyong ating update in terms po doon sa fuel subsidy program natin.
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON MARTIN ANDANAR: Daghang salamat sa imong oras, Executive Director Kristina Cassion. Standby lang sa ka diha. Standby muna at baka mayroong mga tanong ang ating mga kasamahan sa media.
At bigyang-daan natin si Undersecretary Vergeire ng Department of Health. Marami po ang nagtatanong, ma’am, bakit po nasa Alert Level 1 ang Metro Manila. Marami kasi ang umaasa na maging Alert Level Zero na ito. Please go ahead.
DOH USEC. MARIA ROSARIO VERGEIRE: Maraming salamat po, Secretary Andanar. Magandang hapon po sa inyong lahat at pati na rin po kay LTFRB Tina Cassion, Executive Director and of course, Usec. Rocky.
Wala po akong hinandang presentasyon pero gusto ko lang hong ipaliwanag sa ating mga kababayan, unang-una, iyong Alert Level Zero po is not a formal term and not an official term yet for the IATF and the government. Kapag pinag-usapan po natin iyong susunod na level pagkatapos ng Alert Level 1 iyan po ay pag-uusapan na hindi per area but for the country already. Ibig sabihin ang kasunod na po ng Alert Level 1 ay makita natin na mag-Alert Level 1 na ang lahat ng areas sa ating bansa – all provinces, highly urbanized cities and independent component cities – would be seen or would be deescalated already to Alert Level 1. Kaya hindi po basta NCR lang ay naging Alert Level at you know, bababa pa sa Alert Level 1.
Alert Level 1 is the lowest na atin po sa Alert Level System kung saan we have 100% capacity already, manageable po ang kaso. Ang rason po kung bakit hindi po tayo bumababa pa beyond Alert Level 1 is because may kaso pa rin naman po tayo. Hindi pa rin naman po tayo nawawalan ng kaso at sa katunayan dito po sa NCR, we are still averaging about 162 cases per day dito po sa National Capital Region.
So, hindi pa rin ho natin tinatanggal ang Alert Level 1, magpapatuloy po ito hanggang sa makita po natin na ang buong Pilipinas, lahat ng areas makita po natin na dumating na tayo doon sa Alert Level 1 status ng lahat. Ibig sabihin, vaccination coverage-wise naka-achieve na po lahat ng areas sa Pilipinas ng target nila, ang atin pong mga kaso ay manageable at ang atin pong mga deaths ay kakaunti. Ang utilization po sa ospital ay manageable, ibig sabihin ay less than 50%.
So, kapag nakita na ho natin iyan sa buong Pilipinas, maaari na po tayong mag-usap nang further easing of restrictions and refocusing of our resources kung saan maaari na po tayong mag-aral at maipakita kung kailangan pa natin ng dedicated beds ba ng COVID-19 sa ospital, kailangan pa ba natin ng quarantine facilities sa ating local governments, kailangan pa ba natin ng surveillance for testing o iyon na lang pong tinatawag nating sentinel surveillance.
So, all of these changes will be effected kapag dumating po tayo doon sa punto na sinabi ko na kapag lahat na po ng areas sa ating bansa ay dumating sa Alert Level 1.
Over to you, Secretary.
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON MARTIN ANDANAR: Maraming salamat, Undersecretary Vergeire.
Now I will turn it over to Undersecretary Rocky Ignacio, na marami pang questions para kay Ma’am Usec. Vergeire at sa ating LTRFB Executive Director Kristina Cassion.
Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Martin.
Iyong follow up question na lang po muna unahin ko mula kay Racquel Bayan ng PBS pero halos pareho rin po sila ng tanong ni MJ Blancaflor: Tungkol po sa approval ni President Duterte ng pagbibigay ng 200 pesos per month doon po sa poorest household for a year. Do we have a timeline or target date na po and as to when we will start distributing this particular targeted subsidy?
Same question o similar question with MJ Blancaflor ng Daily Tribune: To clarify daw po, did the President approve the DOF recommendation to return the excise tax on oil and to use revenues to provide ayuda of 200 pesos per month per family annually to the bottom 50% of Filipinos household? If yes, kailan ito aasahang maibibigay? At sinu-sino po ang mabibigyan nito?
SEC. ANDANAR: Yes. Ito po ay inaprubahan ni Presidente kagabi at babasahin ko po ang transcript sa Talk to the People. Sabi po ni Secretary Dominguez, “And this is sustainable, this is something that we can sustain. This is something we can afford as of this time. So I hope that, Mr. President, you will support this recommendation.” And the President answers, “Okay.” Secretary Dominguez replies, “Thank you.” At sabi po ni Pangulong Duterte, “Anything from [unclear] eh sige po. Iyon po ang policy ng Executive Department. Now, salamat for the enlightened picture.”
Kung kailan po ito maibibigay, hintayin muna natin lumabas ang guidelines po ng Department of Budget and Management. Nakasulat naman sa budget circular kung DSWD o LGU ang mangangasiwa. Kung DSWD, mayroon silang listahan o tinatawag na masterlist na kanilang ginagamit o ginamit noong SAP distribution. Rocky?
USEC. IGNACIO: Thank you. Susunod pong tanong mula kay Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Paano naman daw po iyong middle class, wala bang subsidy na ipagkakaloob sa kanila na ramdam na ramdam din po iyong mataas na presyo ng langis?
SEC. ANDANAR: Naintindihan po natin iyan pero unawain po natin na hindi lahat ay mabibigyan. Unahin po muna natin iyong most vulnerable sector at ang most vulnerable o iyong most affected ay ang mahihirap nating kababayan at iyong mga minimum wage earners.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Susunod na tanong mula kay Karen Villanda ng PTV para po kay LTFRB Executive Director Cassion. Hindi ko lang po alam kung nabanggit ninyo na ito sa inyong presentation pero basahin ko na po, Director: As per LTFRB ay isusunod na ang service contracting. Mas pinalawak ba ito at paano ang proseso para makasama ang mga tsuper sa programa?
LTFRB EXEC. DIRECTOR CASSION: Yes po, ‘no. Yes, isusunod na po natin iyong ating service contracting program po kasi these are part of sinasabi natin na basket of solutions po as a cushioning po natin doon sa mga—to cushion the effect of the fuel prices po ‘no sa ating mga stakeholders particular na ang ating mga operators at mga drivers.
Expanded na rin po iyong ating coverage po nito kasi noong nakaraang implementation po natin sa Phase 2 ay hindi po nakapag-onboard lahat po ng mga PUJ at iyong ibang mga UV Express po ‘no because of the limited funding. Three billion lang po iyong ating pondo noong 2021 pero ngayon po na seven billion na po iyong ating pondo ay we ensured po ‘no maisasama natin iyong ating mga PUJ at iba pang mga—iyong UV Express po at iba pang mga modes po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Jinky Baticados ng IBC-13: Palace reaction po, Secretary Martin, sa pag-endorso ng isang mataas na opisyal mula sa PDP-Laban kay Vice President Leni sa pagkapangulo kasabay ng pagsasabing ito lang po ang natatanging kandidato na maaaring pasok sa standards ni Pangulong Duterte – lawyer, decisive at compassionate?
SEC. ANDANAR: Thank you, Jinky. Pero disclaimer lang na ako po ay hindi official member ng PDP-Laban kaya hindi ako ang pinaka-credible na sumagot diyan. Pero be that as it may, I understand that that is the personal choice of my good friend, Eastern Samar Governor Ben Evardone.
At hindi po natin tiyak kung iyan po ang official stand ng PDP-Laban and the officers of PDP-Laban. Specifically, Secretary Al Cusi would be in the best position to answer that. Now, for the President’s part, PRRD remains to support no one in the presidential race unless there is a compelling reason.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Unahin ko na lang iyong follow up question, Sec. Martin, ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Inaprubahan din ba ng Pangulo ang panukalang 4-day work week ng NEDA? Nakikita ba ng Malacañang na doable ito? Hindi ba ito taliwas sa sinabi ng ilang opisyal na mas mabuting bumalik na sa trabaho ang mga empleyado dahil makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya at sa muling pagsigla ng mga negosyo?
SEC. ANDANAR: Iyan po ay under consideration ng ating Pangulo. Mayroon pong ilang panukala ang NEDA at kasama na nga po diyan ang nabanggit ninyo na 4-day work week at mayroon din po iyong extension ng work from home. At ito pong mga panukalang ito ay in case na tumaas pa nang husto ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
USEC. IGNACIO: Mula po kay Jinky Baticados ng IBC 13, para po kay Usec. Vergeire: Usec. Vergeire, nagtatanong daw po ang ilan nating mga kababayan na pauwi mula sa ibang bansa – ito po iyong ating mga balikbayan – kung kinakailangan pa raw po na i-RT-PCR test o antigen [test] ang mga batang dala nila na four years old below? Also, kung makakapasok sa bansa ang nagpositibo sa COVID-19 pero tapos na po iyong kanilang quarantine? They are on the road to recovery at nakuha nila iyong lahat ng requirements kagaya ng doctor’s certificate at fit to travel na dapat dalhin. Kaso po raw, positibo rin ang resulta ng kanilang RT-PCR test a day before the travel. Papayagan ba sila to enter and what should they do?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una po, para po doon sa mga bata na pauwi dito sa atin, it depends on each country. Kung pinapayagang i-test ang bata kapag magpi-pre-departure sila. Like for example, sa Hong Kong, hindi po nila talaga sina-swab ang mga kabataang three years old and below. Sa ibang bansa naman, five years old and below, hindi po nila pinapayagang ma-RT-PCR ang mga bata, o ma-swab for this kind of purposes.
Dito po sa Pilipinas, less than five years old, hindi rin po natin hinahanapan. Mayroon pong resolusyon ang IATF na sinasabi kung ano po ang vaccination status ng kanilang mga magulang pagpasok nila dito sa ating bansa, iyon din po ang susundin. So kung fully vaccinated ang mga magulang, hindi na kailangang mag-quarantine; iyong test na lang ng mga magulang ang kanilang gagamitin.
As to the second question naman po: Opo, papapasukin po kayo ng bansa basta dala ninyo po iyong required na documents katulad ng medical certificate na sinasabi na kayo po ay nakatapos ng inyong isolation period, at saka kayo po ay wala nang sintomas at iyong date po at saka iyong test ninyo noong una kayong naging positibo. Kapag nagkaroon kayo ng positive pa rin na 48 hours ‘no pre-departure, kailangan po ito po ay masuring maigi ‘no pagdating dito. Kasi maaari po that within the last 30 days, kayo ay nagkasakit, pagdating ninyo dito ay positive pa rin ng 48 hours pre-departure, may doktor po tayo na nakatalaga diyan from BOQ to assess your status if indeed talagang remnant lang iyan ng virus o kailangan ninyo po talagang mag-isolate pa further. But definitely, papapasukin po kayo kung dala ninyo po ang kabuuan ng mga dokumentong niri-require po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Secretary Martin, from Miguel Aguana ng GMA News: What can the Palace say about the allegations of COMELEC Commissioner Aimee Neri that she received 10 million from Herbert Colangco to allegedly fix his robbery case at the SC? Senator Drilon has asked for her resignation to save the President and the poll body from embarrassment. Drilon also pointed out that many offices she had been appointed to and suggests that she has a backer.
SEC. ANDANAR: The appointment of Commission on Elections Commissioner Aimee Neri is a presidential prerogative. The Commissioner is the personal choice of the President, having served as the President’s lawyer in the genders office in Davao. Dumaan po sa vetting process ang kanyang appointment. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.
From Caroline Bonquin ng CNN Philippines para po kay USec. Vergeire: USec. Vergeire, are there any updates daw po on the plan to provide a second booster or fourth vaccine to select population?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no. So, alam naman natin nakapaglabas po ang Vaccine Expert Panel ng mga rekomendasyon ukol sa fourth doses o iyong tinatawag na second booster para sa piling populasyon dito sa ating bansa, katulad po ng immunocompromised individuals at sa mga senior citizens, ito po ngayon ay pinag-aaralan ng ating all experts group. Pero ang pinakaimportante po kasi ay ma-amend muna ang Emergency Use Authority for this fourth doses. So DOH pagkatapos pong makapag-usap with the all experts group, mag-a-apply po ang DOH for an amended EUA so that we can be able to do this fourth doses.
So, sa ngayon po pinag-aaralang mabuti at kapag nakapagtapos na po ng pag-uusap tayo po ay a-apply ng amended EUA for the fourth doses for our senior citizens and immunocompromised individuals.
USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Vergeire.
For Secretary Martin from Daphnie Galvez ng Inquirer: What did the President mean when he said, ‘huwag anuhin iyan,’ pertaining to e-sabong operation. Ang full quote po ito: ‘Ang appeal po lang sa mga congressman, huwag na lang ninyo anuhin iyan, kumikita iyan, walang nakikinabang diyan except PAGCOR.” Did he mean he wants lawmakers to stop meddling and calling for the suspension of e-sabong?
SEC. ANDANAR: Ang ibig sabihin po ng Presidente ay huwag magpadalus-dalos sa pagsuspinde ng hindi napag-aaralan ng kabuuan. Now, binanggit halimbawa ni PAGCOR Chairwoman Domingo ang kinikita ng e-sabong at ang naitutulong nito sa ekonomiya and this has to be factored in as well. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Ace Romero ng Philippine Star: What action would Malacañang take in relation to the reported incursions in the Philippine Rise as revealed by the National Security Council?
SEC. ANDANAR: Pagdating po naman sa Philippine Rise, the Department of Foreign Affairs will take the necessary course of action which is to file a diplomatic protest. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Sa isang panayam sinabi mo na may iendorsong presidential bet si Pangulong Duterte. Ikukonsidera ba ni Pangulong Duterte ang pagiging anti-Marcos activist ni Nanay Soling, na kanyang ina, sa pagpili ng manok sa presidential elections?
SEC. ANDANAR: Thank you, Rose for the question. Iyong panayam kasi na iyon ay fast talk ng isang pahayagan – Politiko – it’s a fast talk na kailangan mong sagutin. Ang sagot mo ay nasa A, E, I, O, U, kailangan mong sagutin. So, hindi naman iyon ang sagot talaga ng Pangulo, kung hindi iyon ay sa ganang akin lamang doon sa larong fast talk. Kaya lumabas doon iyong letter O at letter U.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol din pong tanong si AC Nicholls ng CNN Philippines at saka si Sam Medenilla ng business Mirror: Did the President also approve the proposal of the DOLE to provide a three-month subsidy to a million affected workers amid rise in fuel prices?
SEC. ANDANAR: Iyan din po ay under consideration at pag-aaralan pa ng husto, kailangan balansehin ng husto ang lahat ng mga suhestiyon ng iba’t ibang departamento tulad ng Department of Labor. Pero ganoon pa man, since ito ay na-recommend na sa Talk to the People or mini cabinet meeting kagabi, ito ay pag-aaralan for the next few days. Tingnan natin kung mapag-uusapan ito sa susunod na Talk to the People.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang Secretary. Iyong kay Sam Medenilla: Ano po ang naging aksiyon ni President Duterte sa proposal ng DOLE for wage subsidy and reappointment of members of the NWPC and Regional Wage Boards?
SEC. ANDANAR: Iyan din po ay ni-report kagabi, sapagka’t hindi po makakaaksiyon ang DOLE kapag wala po iyong mga opisyal diyan at iyan naman ay naka-direct kay Executive Secretary Bingbong Medialdea. So titingnan natin kung ano ang magiging aksiyon ng Office of the Executive Secretary.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Martin, USec. Vergeire and Director Cassion. Salamat MPC.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Undersecretary Rocky Ignacio. At congratulations ha, two years anniversary ng Laging Handa. At kausap ko kanina iyong mga kasamahan natin sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, sila Boss German, sila Boss Bob. Congratulations po sa ating lahat. Maraming salamat po, USec. Rocky Ignacio. Mabuhay ka!
LTFRB Executive Director Kristina Cassion, ma’am, maayong hapon kanimu. Daghan salamat sa imong oras; si Undersecretary Vergeire ng DOH at members ng Malacañang Press Corps. Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone.
Tandaan: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito, kaya natin ang anumang pagsubok.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center