CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali po, pasensiya na sa technical issues at medyo na-delay po tayo ngayong press briefing ngayong tanghali. Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps. Ngayong araw ang day 5 ng ating “No Vax No Ride Policy” na ating ipinapatupad habang nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Kaugnay nga ng paghihigpit sa mobility ng hindi bakunado, nanawagan kami sa publiko na huwag magpaniwala sa mga kumakalat na balita tungkol sa sinasabing COVID-19 vaccination exemption cards na maari daw pong gamitin ng hindi bakunado para ma-exempt sa stay at home orders at para makasakay sa pampublikong sasakyan. Hindi po totoo, wala pong ganoon!
No document like this is being issued by government, kung may mga taong mag-aalok sa inyo ng ganitong card agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sa inyong lugar at isuplong ang ganitong gawain. Puwede rin pong tumawag sa hotline 8888 para isumbong ang ipinagbabawal na gawaing ito na maliban sa peke hindi po ito nakakatulong sa ating laban kontra COVID-19.
Imbis na maghanap ng COVID-19 vaccination exemption cards; ito ang alok sa inyo ng inyong pamahalaan, libreng bakuna kontra COVID-19, dito ka na sa totoo dito ka na sa ligtas epektibo at libreng bakuna anuman ang brand ng mga ito.
Moving forward, nagpulong po ang Inter Agency Task Force or IATF kahapon at ito ang ilan sa kanilang mga naging decision at action:
- Mula ngayong araw January 21, 2022 hanggang katapusan ng Enero 2022 nasa Alert Level 4 na ang mga sumusunod na lugar, ang Kalinga, Ifugao, at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region. Pati na rin po ang probinsiya ng Northern Samar sa Eastern Visayas.
- Itinaas na rin ng IATF sa Alert Level 3 ang mga sumusunod na lugar. Sa Luzon, ang Apayao, Puerto Princesa City at Masbate.
- Sa Visayas naman ang Siquijor,
- At sa Mindanao ang Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region IX, ang Lanao Del Norte sa Region X, ang Davao De Oro at Davao Oriental sa Region XI, North Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat sa Region XII, Surigao Del Norte sa Caraga Region
- At Maguindanao at Basilan sa BARMM.
We urge all those who reside in these areas to please follow the protocols of your corresponding alert levels at sa ating mga kababayang nasa mas mababang alert level classifications manatiling panatag ngunit huwag maging kampante. You can help keep the number of COVID cases low in your areas by continuing to be vigilant. Wear your mask properly, wash your hands, avoid crowded areas with little ventilation and most importantly please get vaccinated.
In order to urgently address the rising utilization rates and the increasing COVID-19 case data, inatasan po ng IATF ang mga regional IATF or Inter-agency Task Forces at ang Department of the Interior and Local Government at ang mga center for health development ng Department of Health na gawin ang mga sumusunod:
- Una, i-assess at bantayan ang bilang ng mga kaso at hospital matrix para masiguro ang agarang pagtugon;
- Pangalawa, tugunan ang mababang percentage ng dedicated beds for COVID-19 sa pamamagitan ng pagdagdag ng human resources for health at pagpapataas ng hospital authorized bed capacities or ABCs;
- Pangatlo, ang agarang pagpapaluwag ng pasilidad sa mga hospital, sa mga eligible naman na suma-ilalim sa home isolation, ito po iyong mga pasyenteng may mild symptoms at asymptomatic;
- Pang-apat, ang pagpapatayo ng mga functional local government unit emergency operation center at triage areas para matiyak na ang mga kaso ay naa-assess ng maayos na nairi-refer at nababantayan ;
- At panlima, ang pagpapalakas ng mga LGU at community access at preference for home cares services sa mga mild at asymptomatic cases.
Samantala, pinapayagan na din ng IATF ang pagpasok sa Pilipinas ng international arriving Pilipino passengers na gumaling sa COVID-19 pero nagpupositibo pa rin sa kanilang required pre-departure RT-PCR test. Kailangan lamang nilang magprisenta ng mga sumusunod: again, ito iyong gumaling na sa COVID-19 na Pilipino internationally arriving Pilipino passengers.
- Una, iyong positive RT-PCR Test taken within 48 hours prior to the date or time of departure from country or port of origin.
- Pangalawa, iyong medical certificate issued by a licensed physician kung saan nakasaad na nakumpleto na ng pasahero ang mandatory isolation period at ng hindi na siya nakakahawa at pinapayagan na siya ng kanyang free movement maging ang kanyang pagbiyahe.
- Pangatlo, iyong positive RT-PCR test taken not earlier than 10 days but not later than 30 days prior to the date and time of departure from country or port of origin. Pagdating po ng Pilipinas kailangan nilang suma-ilalim sa facility based quarantine applicable to them based on the classification of the country, territory or jurisdiction of origin at ng kanilang vaccination status.
Kung fully vaccinated at galing sa green list countries, territories or jurisdiction kailangan nilang mag-facility based quarantine prescribed for yellow list countries territories or jurisdiction for fully vaccinated arriving passengers.
Pumunta po tayo sa usaping bakuna, matagumpay na nai-roll out kahapon January 20, ang Resbakuna sa Botika. Kaugnay nito, lubos ang ating pagpapasalamat sa mga botika at clinic networks na nakilahok para lalo po nating mailapit sa mamamayan ang pagbabakuna. Naka-flash po sa inyong screen ang mga larawan kuha sa day 1 ng Resbakuna sa Botika.
Inaasahan natin na tatangkilikin din ang Day 2 at sa susunod na linggo ay magru-roll out po tayo ng vaccination services sa mas marami pang outlets.
I understand that Rose Pharmacy will also join the program once it rolls out in Visayas and Mindanao.
Government would continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people. Matapos mailunsad ang Resbakuna sa Botika, magkakaroon naman po tayo ng “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive,” kasama ang Department of Transportation at ang Metropolitan Manila Development Authority or MMDA.
Ang programang ito ay sadyang ihahandog natin para sa mga transport workers at mga commuter, ito ay isasagawa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange or PITX mula Lunes January 24, 2022 at tatagal ng 5 araw hanggang January 28, 2022. Nasa 500 AstraZeneca vaccine doses bawat araw ang naka-allot para dito, bukas po ito sa mga walk-ins at ang registration ay gagawin on sites. Sa mga susunod na araw din po ay ilulunsad na rin ng DOTr ang vaccination sites sa mga istasyon ng Tren, mga pantalan at maging sa toll ways.
Nasa 500 AstraZeneca vaccine doses bawat araw ang naka-allot para dito. Bukas po ito sa mga walk-ins at ang registration ay gagawing onsite. Sa mga susunod na araw din po ay ilulunsad na rin ng DOTr ang vaccination sites sa mga istasyon ng tren; mga pantalan at maging sa tollways.
Samantala, nasa mahigit 56.8 million na ang fully vaccinated sa Pilipinas as of January 20, 2022 ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, habang mahigit 65 million naman ang nakatanggap na ng at least one dose.
Nasa 122,321,531 naman ang total vaccines administered sa bansa kabilang na rito ang 5.87 million na booster shots as of January 20, 2022.
We are encouraged by the recent survey that shows a steadily decline in vaccine hesitancy and skepticism among our people. Sa naunang survey na isinagawa ng SWS noong May 2021, 33% po ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna. Noong June 2021, nasa 21% po ang nagsabi na hindi sila magpapabakuna. Noong September of 2021, bumaba pa lalo ito sa 18%. Ngayon po, ayon sa pinakabagong survey ng SWS na ginawa from December 12 – December 16, 2021, nasa 8% na lamang po ang ayaw magpabakuna – 8%.
Malinaw po na habang dumadami ang nagpapabakuna at nakikita ng ating mga kababayan na mabisa at ligtas ang mga ito, anumang brand ito, bumababa po ang tinatawag na vaccine hesitancy. Malaking bagay din po ang pagkalat ng tamang impormasyon ukol dito kaya nagpapasalamat po tayo sa ating mga kaibigan sa media for helping us put the word out.
Kaunti na lang po, even on a personal level, kung may kilala po kayo na ayaw magpabakuna, kausapin po ninyo. You could end up saving that person’s life. Samahan po ninyo ang inyong pamahalaan sa pagligtas ng buhay.
COVID-19 update naman.
Ayon sa January 20, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health:
Nasa 31,173 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Sa bilang na it0 nananatiling mataas ang mild at asymptomatic na nasa 98.3%.
Nasa 43.3% ang ating positivity rate, habang nasa 90.1% naman ang porsyento ng mga gumaling at halos tatlong milyon na ang naka-recover.
Malungkot naman naming ibinabalita sa inyo na kahapon ay mayroong 110 ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Our fatality rate is currently 1.6%, this is lower than the 2% global average.
Samantala, nasa 51% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang nasa 58% naman sa buong bansa. 47% ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang 51% sa buong bansa. 58% ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 54% sa buong bansa. 29% ang utilized ventilators sa Metro Manila, at 24% sa buong bansa.
Muli po nating ipinapaabot ang paalala sa ating mga kababayan: Kung kayo po ay asymptomatic o may mild symptoms na nararamdaman, mas mabuting manatili kayo sa inyong mga tahanan at doon mag-isolate, kung may sarili kayong kuwarto at may sariling banyo at kung maayos naman ang bentilasyon.
Kung kailangan naman pong kumonsulta o mayroon kayong gustong itanong sa mga doktor, gamitin po natin ang teleconsult at telemedicine. Makakakuha kayo ng payong medikal nang hindi kayo umaalis sa inyong pamamahay.
Sa ibang usapin naman po tayo.
Pinirmahan po ng Department of Transportation ang single largest rail contract nito pong Lunes, January 17. Ito ay ang kontrata para sa first 380 kilometers ng PNR Bicol Project mula Banlic, Calamba sa lalawigan ng Laguna hanggang Daraga, Albay sa Bicol.
Matagal na itong hinihintay ng ating mga kababayan. Itatawid nito ang 38 na bayan at lungsod, apat na lalawigan at dalawang rehiyon. Inaasahan na nasa mahigit 5,000 na direktang trabaho kada taon ang malilikha during the construction of PNR Bicol.
Paiiksiin nito ang biyahe sa pagitan ng Metro Manila at Bicol mula sa kasalukuyang 12 oras by road sa apat na oras na lamang. Kaya kung gusto po ninyong makita ang Bulkang Mayon, ang biyahe sa tren papunta doon ay malapit na nating maihahambing sa pag-akyat ng bagyo.
On a lighter note, we are pleased to announce the ‘Resbakuna Kasangga ng Bida Bakunado Panalo’ grand draw winners.
Unahin po natin ang third prize winners na nanalo ng P100,000 bawat isa. Iyan po ay sina:
Edlyn Garcia
Roshell De Roma
Stefan Rodricks
Anthony Bandola
Roxane Villamil
Polly Ong
Venessa Tomogsoc
Glenda Gascon
Norman Delostrico
Jesusa Jacinto
Congrats po sa ating ten winners!
Ang nanalo naman ng P500,000 para sa ating second price ay si Willy Ace Vergara. Congratulations, Sir!
Bago po natin i-announce ang ating grand prize winner, nagpapasalamat po tayo sa Department of Health, sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, sa National Task Force Against COVID-19 at Philippine Disaster Resilience Foundation sa napakagandang proyektong ito. Ligtas at protektado ka na, nanalo ka pa!
At dahil diyan, ang nanalo ng P1 million, ang ating grand prize winner at bagong milyonaryo ay si Camille Calanoc.
Congratulations po sa inyo, sa lahat ng mga winners.
Dito po nagtatapos ang ating opening statement. Guests po natin ngayong araw sina Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health at Undersecretary Artemio Tuazon Jr., ng Department of Transportation. Unahin muna po natin si Usec. Rosette.
Usec. Rosette, bakit po inilagay sa Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao, Mt. Province at Northern Samar, at kumustahin po natin ang mga numero sa National Capital Region at iba pang mga probinsiya. Usec. Rosette?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec. Nograles. Hindi po tayo nag-prepare ng numbers para sa statistics ngayon ngunit gusto lang ho nating ipaalam sa ating mga local governments bagama’t po na nakikita nating tumataas ang mga kaso sa inyong mga lugar, atin pong alalahanin iyong atin pong healthcare system capacity.
So, in these areas that we have recommended for escalation to Alert Level Number 4 bagama’t mataas na po talaga ang kanilang mga kaso, ang kanila pong healthcare utilization ay pumalo na po more than 70%.
Now, there are areas also in the country na pumalo na rin po to more than 70% ang kanilang mga healthcare utilization pero hindi po natin in-escalate. So, bakit po ba? Dahil tinitingnan din ho natin kung magkano naman or how much they have allocated the number of beds for their ICUs and their wards.
So, dito po sa mga na-escalate natin, katulad po ng Northern Samar bagama’t nakita na ho natin na talagang napupuno na po sila, nakita rin ho natin that they have been able to allocate already almost 80% of their capacity to COVID. So, nakikita po natin na medyo nahihirapan na po ang mga lugar na ito that’s why the decision to escalate them compared to the other areas na katulad po ng ibang areas nagsi-seventy percent, 73% sa ICU allocation at utilization po nila, ngunit iyong kanila pong allocated beds ay nasa 30% or less than 50% pa lang. Kaya po ito binibigyan pa natin ng panahon ang ating mga local governments with less than 50% allocated beds for COVID-19 para mabigyan pa rin po nang mas maraming kama ang COVID-19 to better prepare kung tataas pa nang husto ang mga kaso dito po sa mga areas na ito.
So iyon lamang po, CabSec. Mayroon ho kaming hinandang maikling presentasyon, ito po ay ukol sa pagsuot po ng mask para ipaalala lang po sa ating mga kababayan kung paano ang tamang pagsuot ng mask at kung gaano kaimportante ang pagsusuot ng mask sa panahong ito.
So bagaman nananatiling mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw, batid po ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagsunod nating lahat sa minimum public health standards para maiwasan po ang pagkakahawaan at pagkalat ng virus.
Maliban po sa pagpi-physical distancing, paghuhugas ng kamay at pag-iiwas sa pagpunta sa matataong lugar, ang pagsusuot po ng face mask ay isa pa ring paraan para maabot ang maximum protection laban sa COVID-19. At dahil po diyan, hatid po ng Kagawaran para sa kaalaman ng publiko ang iba’t ibang tagubilin natin sa tamang pagsusuot ng face mask.
Maging mapili po tayo sa susuotin nating face mask dahil dito natin mas masisiguro ang ating kaligtasan lalo na kung hindi po natin naiiwasang lumabas at makihalubilo sa tao. Minumungkahi po ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga sumusunod na uri ng mask para sa maximum filtration. Nirirekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan ang medical-grade surgical mask, samantala mas nirirekomenda ng Kagawaran ang double masking or filtration o ang pagsusuot po ng surgical mask sa ilalim ng cloth mask o iyong mask na gawa sa tela. So kapag sinuot po natin ang surgical mask, maari po nating takpan ito ng isa pang layer and that would be our cloth mask para po appropriately fit sa ating mukha ang ating surgical mask. Habang atin naman pong nirirekomenda ang paggamit ng K95 at N95 mask para sa maximum protection laban sa COVID-19.
Hindi po sapat ang pagsusuot nang tamang uri ng mask, kinakailangan tama at fitted ang ating pagsusuot nito. Narito naman po ang paliwanag ng Kagawaran sa kung anu-ano ang antas ng risk sa pamamaraan ng pagsusuot ng mask. Pinakamababa o lowest ang risk ng pagkalat at pagkakahawa ng virus kung fitted K95 at N95 mask ang suot. Ngunit nagbibigay din po kami ng abiso na kung maaari naman po maireserba po natin itong mga ganitong klaseng mask para sa ating health care workers para ‘pag dumating po ang punto na nagkaka-shortage, nari-reserve po natin ang mga ganitong highly technical mask para sa kanila.
Lower risk naman po kung fitted ang pagdu-double masking, low risk kung fitted na surgical mask, moderate risk naman po ang ating makukuha kung fitted na cloth mask o mask na gawa sa tela ang ating suot. High risk po tayo kung maluwag ang pagkakasuot natin ng mask katulad noon pong nailagay lang po natin at nakatakip sa bibig, hindi nakatakip ang ilong o ‘di kaya po ito po ay nakasuot ngunit maluwag na maluwag naman po ang fit sa ating mukha. At pinakamataas po at high risk kung hindi po tayo magsusuot ng mask. Kaya pinapaalalahanan po natin ang lahat na magsuot ng mask lalung-lalo na kung tayo po ay lalabas at makikihalubilo sa mga taong hindi ninyo naman kasama sa bahay.
Maliban po sa tamang uri at tamang paraan ng pagsusuot ng face mask, kinakailangan regular din po ang pagpapalit nito. Nakadepende po sa uri ng mask na sinusuot ang oras o araw ng pagpapalit ng mask. Narito po ang rekomendasyon ng Kagawaran ukol dito:
- Ang mga surgical mask ay maaring gamitin hanggang anim na oras lamang. Makalampas dito, kinakailangan na po natin itong palitan o kaya itapon. Kaya kung buong araw po kayong nasa labas, halimbawa nasa opisina o kaya kung saan mang pook ng trabaho, siguraduhin po na mayroon kayong baon na pampalit ng inyong mask.
- Ang reusable cloth mask o mga mask na gawa sa tela ay dapat po nilalabhan pagkatapos gamitin. Kaya kung cloth mask po ang inyong sinusuot, dapat din po nating siguraduhin na mayroon po tayong pampalit at may maisusuot tayo kinabukasan habang pinapatuyo pa ho natin ang ating nilabhang mask.
- Panghuli, ang N95 mask naman ay dapat nang palitan kung ito po ay napunit na, kung ito ay maluwag na o kung ito ay nabasa. Kung ito ang mask na inyong ginagamit, siguraduhin lamang po na kayo ay mayroong stock nito para po sa regular na inyong pagpapalit.
Para naman po sa slide na ito, alamin po natin ang ilan sa mga tamang impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mask:
- Una, kinakailangan naka-cover po sa lahat ng oras ang ating ilong at bibig ng ating suot na mask para po masiguro natin ang ating proteksiyon.
- Pangalawa, hindi dahil wala po tayong nararamdamang sintomas ay wala tayong COVID-19. Atin pong alalahanin na maari po tayong asymptomatic o hindi pa ho lumalabas ang ating sintomas kung tayo man ay may dalang virus. Kaya naman pinapaalalahanan po natin ang lahat, magsuot po tayo ng mask para tayo po ay mas maging protektado.
- Panghuli po, wala pong ebidensiya sa mga pag-aaral na ang mask ay nakakababa ng oxygen levels kaya po huwag po tayong matakot at mag-alinlangan sa pagsusuot natin ng face mask.
Bago ko po ito tapusin, nais po naming ipaalala sa lahat para maiwasan po ang pagkalat at ang pagmu-mutate ng virus:
- Hinihikayat po natin ang lahat ng ating kababayan na mag-double mask upang ma-maximize ang filtration at ang proteksiyon.
- Atin din pong siguraduhin hindi maluwag at tama ang fit ng mask na atin pong susuotin. Suotin po natin ang tamang uri ng mask at siguraduhin po nating walang parte ng ating bibig o ‘di kaya ilong ang nakalabas o hindi natatakpan.
- Panghuli, tandaan po natin na dapat nating ugaliing regular ang pagpapalit ng mask lalo na po kung ito po ay punit na o sira na o basa na, hindi na po tama ang sukat o ‘di kaya ay maluwag na.
- Panatilihin po nating malinis ang sinusuot na mask at tama ang ating pagsusuot dito sa lahat ng oras para sa maximum protection laban sa banta ng COVID-19.
- Bukod po sa pagsusuot ng mask, sundin po natin ang iba pang minimum public health standards upang tayo ay maging ligtas. Hindi lamang po ito para sa ating mga sarili ngunit para rin po sa ating mga pamilya at sa mga taong nakapaligid sa atin.
Maraming salamat po and over to you, CabSec!
CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Rosette at tumungo naman po tayo kay Usec. Ochie Tuazon ng Department of Transportation. Dagdag paglilinaw lang po sa mga polisiya ng DOTr pagdating sa ‘no vax, no ride’ implementation. Usec. Ochie…
DOTR USEC. TUAZON: Magandang hapon po CabSec Karlo at sa lahat po ng ating kababayan na nanunood po ngayong hapon na ito. Ang nais po namin sana ay maipaliwanag kung ano po ang nilalaman ng ating ‘no vax, no ride’ policy as well po as masagot po namin iyong ating mga katanungan ng ating mga kababayan tungkol dito.
Ang atin pong ‘no vax, no ride’ policy po ay pinirmahan po ni Secretary Art Tugade noon pong January 11 at kinabukasan po, ito po ay na-publish na po sa newspaper of general circulation po kaya po noong araw na pong iyon ay naging effective na nga po ito. Pero pinag-utos po ni Secretary Tugade na dahil po para mabigyan ng pagkakataon ang ating mga mamamayan na mapaghandaan po itong polisiyang ‘to, ang full implementation lang po ng ating ‘no vax, no ride’ policy ay noong January 17 o noong Lunes po.
Ngayon lilinawin po namin, ang ‘no vax, no ride’ policy po ng DOTr ay effective lang po dito sa National Capital Region at during the time lang po ng Alert Level 3 o mas mataas.
Ngayon po ay sasagutin po natin ang mga katanungan natin tungkol dito po sa ating ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr. Ano po ba talaga ang layunin ng ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr sa pampublikong transportasyon? Ang hangarin po at layunin ng ating ‘no vax, no ride’ policy ay para proteksiyunan po ang lahat ng ating mamamayan – kasama na po rito iyong bakunado at hindi iyong bakunado.
Ngayon sa pampublikong transportasyon po, ang DOTr po ay naatasan na mag-provide ng safe public transport system for our citizens. Kaya nga po itong polisiya na ito ay inilabas po ng DOTr para po proteksiyunan kasi nakita na po natin na ang mga hindi bakunado po ang karamihan po na tinatamaan ng COVID ngayon at mahigit po nobenta porsiyento sa mga hindi bakunado ang namamatay dahil sila po ‘yung tinatamaan ng severe o critical cases ng ating COVID.
Ano po ba ang ‘No Vax, No Ride’ policy? Ito po ba ay permanente na ipatutupad sa Metro Manila? Hindi po! Katulad po ng nasabi ko kanina, ang ‘No Vaxx, No Ride’ policy po ng DOTr ay ipatutupad lang sa National Capital Region habang ito ay napapailalim sa Alert Level 3 o sa mas mataas, 4 or 5.
Ang ‘No Vax, No Ride’ policy ba ay ipatutupad sa buong Pilipinas? Hindi po! Ang atin pong ‘No Vax, No Ride’ policy ay kasalukuyan lang pong ipinatutupad dito sa NCR dahil po sa mga inilabas na rin po na ordinansa ng ating mga local government units dito sa NCR na naglilimita po ng paglabas at paggalaw ng mga taong hindi bakunado within the NCR. So, ang atin pong ‘No Vax, No Ride’ policy ay implementasyon lang po ng mga resolusyon at ordinansa po ng ating mga LGUs sa NCR.
Lahat ba ng unvaccinated ay hindi papasakayin sa public transportation sa ilalim ng ‘No Vax, No Ride’ policy? Hindi rin po! Ang ating ‘No Vax, No Ride’ policy po ay hind absolute. May dalawang klase po ng mamamayan ang papayagan pa ring makasakay sa pampublikong transportasyon maski na po sila ay hindi bakunado.
Ang una po rito ay iyong ating mga mamamayan na hindi pupuwedeng bakunahan dahil sa medical reasons po, iyong may mga comorbidities at hindi po papayagan na mabakunahan pa hanggang ngayon. Kailangan po lang ipakita nila ang kanilang medical certificate na isinasaad na hindi sila puwedeng tumanggap ng bakuna at dapat ito po ay pirmado ng kanilang doktor at nandoon din po ang numero ng kanilang doktor para ma-validate po ito.
Ang pangalawa pong klase ng mamamayan na papayagan ay iyong ating mga mamamayan na lumalabas po para sa ating pag-access po o pagkuha ng ating basic necessities at services katulad po ng pagkain, tubig, iyong mga pumapasok po sa trabaho. Ito po ay papayagan pa ring makasakay po, ipakita lang po nila iyong kanilang company ID o hind kaya po iyong certificate of employment nila para sila po ay pasakayin.
Kasama ba ang unvaccinated essential workers sa mga exempted sa ‘No Vax, No Ride’?’’ Opo. Katulad na po ng nauna ko ng sinabi, ang ating mga manggagawa na papasok po sa kanilang mga trabaho ay papayagan pong makasakay sa ating pampublikong sasakyan maski na po hindi sila bakunado pero kailangan po iyong industriya na kanilang pinapasukan ay kasama po doon sa mga industriya na pinapayagan pong mag-operate under Alert Level 3 sa kasalukuyan. Katulad ng sabi ko rin po, ipapakita lang po nila ang kanilang company ID or certificate of employment para po sila ay payagang makasakay.
Ito po ang ating mga industriya na pinapayagan pong mag-operate under Alert Level 3: Kasama na po diyan iyong ating mga sinehan; iyong ating mga venues para sa meetings; incentives conferences; iyong mga social events po natin katulad ng mga kasal, mga party; iyong limited face-to-face classes po para lang po sa ating kolehiyo at saka technical vocation education; iyong ating mga licensure exams; iyong mga tourists attractions po natin; iyong mga amusement parks; iyong recreational venues; iyong ating mga religious gatherings po katulad ng mga misa; iyong ating personal care services katulad po ng ating mga barberya, mga parlor; iyong ating dine-in services, iyong ating mga restaurants; iyong mga film, music and television production po; at iyong fitness studios natin na may non-contact exercise; and sports.
Ito naman po iyong ating mga industriya na hindi pa po pinapayagan mag-operate ngayong Alert Level 3: Wala pa rin po tayong face-to-face classes for basic education. Iyon pong ating contact sports except those na under bubble type set-up na pinayagan na po ng IATF; iyong atin pong funfairs, ito po iyong alam natin iyong tinatawag natin pong mga peryahan and kid amusement industries; ang ating mga karaoke, clubs, concert hall, theaters ay bawal pa rin po; ang ating casinos, horse racing; cockfighting at iyong iba natin pang mga ganito pong klaseng industriya ay hindi pa rin po pinapayagan unless nga po ay ito ay payagan na ng IATF or ng Office of the President; ang atin pong pagsasama-sama o social gatherings ng mga tao na hindi po magkakasama sa isang household ay bawal pa rin po.
Ano po ba ang legal na basehan ng ‘No Vax, No Ride’ policy? Ang ‘No Vax, No Ride’ policy po katulad po ng nasasabi namin ay implementasyon lang po ng mga ordinansa ng mga LGU na kasama po sa Metro Manila at tulad na rin po ng resolusyon na inilabas po ng MMDA. Ang pagbabawal po ng pagsakay at paglabas po ng mga hindi bakunadong tao sa kanilang mga residences ay isinasaad po dito sa mga LGU ordinances na po ito pati na rin po doon sa MMDA Resolution.
Ayon po mismo kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang exercise po na ito ay isang legal at valid na exercise po ng police power ng ating mga LGU at kaya po ito ay valid at legal.
Ang ‘No Vax, No Ride’ policy ba ay discriminatory at lumalabag sa Republic Act 11525? Hindi po! Ang pagpapatupad po natin ng ‘No Vax, No Ride’ policy ay isa lang pong pagpapatupad ng ating health protocols sa atin at base na rin nga po sa mga ordinansa ng LGU. Nakasaad po dito na ang nililimitahan po lang ay ang paggamit ng pampublikong transportasyon. Hindi natin po nililimitahan ang paglabas po ng mga tao, iyon lang pong paggamit ng pampublikong transportasyon.
Gusto lang po ng Department of Transportation na mabigyan ang lahat ng ating mamamayan ng ligtas na pampublikong transportasyon para manatili pong nag-o-operate ang ating public transportation kasi po kapag tayo po ay nagkaroon ng surge o ng spikes or nagkaroon ng transmission sa ating pampublikong transportasyon, mapipilitan po kaming isara ito ang mahihirapan po ay ang karamihan ng ating mga mamamayan na gumagamit po ng public transportation. Ayaw po namin ito sa DOTr at iniiwasan po naming mangyari ito kaya naglabas po kami ng ganitong polisiya.
Kung fully vaccinated, hard copy lang ba ng vaccination card ang tatanggapin bilang pruweba para makasakay sa public transportation? Hindi po! Ang atin pong mga enforcers at ating mga operator at driver ay nasabihan na po na tanggapin po iyong tinatawag nating soft copy o iyong digital copy po ng ating mga vaccination card. Puwede ninyo po itong kunan ng litrato sa inyong cellphone at ito po ay ipakita sa ating mga driver, sa ating mga operator or sa ating mga enforcers na nagtsi-check po.
Tatanggapin po nila ito at kayo po ay papayagan na sumakay sa ating public transportation. Siguraduhin ninyo lang po na kasama po nitong ating vaccination card ay may dala po tayong valid ID para mapatunayan lang po na kayo po iyong nakalagay na pangalan sa ating vaccination card.
Mayroon bang multa o parusa ang mga pasaherong hindi nakakapagpakita ng vaccination card? Under po sa ating Department Order, ang inaatasan po na magpatupad ng ‘No Vax, No Ride’ policy ay ang ating mga operator at driver ng pampublikong sasakyan. Sila po ang may karampatang parusa sa violation pong ito. Sa atin pong mga operator kapag sila po ay nahuli, mayroon po silang multa na magmumula sa P5,000 hanggang sa P15,000 sa pangatlong pag-violate po nila at kung tataas pa rito iyong violation nila, maaari pong masuspinde o kaya ay totally ma-revoke po iyong kanilang prangkisa.
Sa atin naman pong mga mamamayan na magba-violate dito, ang mapapataw na parusa sa kanila ay sang-ayon po sa mga ordinansa ng ating LGU kung saan po ang bawat LGU po ay naglabas ng ordinansa na kung saan nakasaad po iyong parusa sa mga violations nito.
Doon sa mga mamamayan po natin, kababayan natin na gumagamit o sumusubok gumamit po ng ating mga pekeng vaccination card ay sana po ay huwag na nating gawin ito. Una po, itong ating polisiya ay para sa kapakanan at proteksiyon po ng bawat lahat at tulad po ng nasabi ni CabSec kanina po, may karampatang parusa po itong mga ito kasama na rin doon po iyong ating kulong under the Revised Penal Code po, falsification of public document.
Uulitin ko po iyong sinabi ni CabSec. Karlo kanina, wala pong inilalabas na valid na vaccination exemption card. Hindi po tatanggapin ito ng ating mga nagtsi-check na mga enforcers pati na rin po ng ating mga driver at operators ng sasakyan.
Ito po ang ating mga litrato ng ating mga enforcers na nagtsi-check po ng ating mga vaccination card sa ating mga pampublikong sasakyan. Ang atin pong pagtsi-check or pag-e-enforce po nitong polisiya ng ‘No Vax, No Ride’ ay pinagtulungan po ng DOTr, ng i-ACT, ng LTFRB, ng LTO, ng PNP, ng HPG, ng MMDA, at saka ng Philippine Coast Guard.
Bilang panghuli po, gusto po naming ulitin iyong kanina pong announcement ni CabSec Karlo na ang DOTr po ay magkakaroon po ng isang vaccination drive sa ating Parañaque Integrated Terminal Exchange, sa PITX po sa Parañaque mula po sa January 24 hanggang 28. Mayroon po tayong 500 bakuna na libre kada araw po na puwede pong makuha kung gusto ninyong magpabakuna. Ito po ay libre at puwede po kayong mag-walk-in lang sa PITX for registration.
Sana po ay ang lahat ng ating mamamayan na hindi pa bakunado ay kunin po itong opportunity na ito para mabakunahan po at para sa proteksiyon po natin lahat ito. Ito po ay ipinag-utos ni Secretary Art Tugade na gawin namin para makatulong sa pagpapabakuna ng karamihan o lahat ng ating mamamayan sa NCR. Alinsunod na rin po dito, ipinag-utos po rin ni Secretary Tugade na magbukas na rin po kami ng mga vaccination area sa mga puerto, sa airport po, sa iba pa pong terminal ng pampublikong sasakyan, sa atin pong mga istasyon ng tren at pati na rin po sa ating expressways po ay hahanap po kami ng lugar at magbubukas na rin po kami ng mga vaccination centers dito.
Sa tingin ko po iyon na po ang ating huling slide at maraming salamat po at sana po ay naipaliwanag naming mabuti at nasagot ang inyong mga katanungan dito tungkol sa atin pong ‘No Vax, No Ride’ policy ng DOTr.
Thank you very much CabSec. Karlo.
CABSEC. NOGRALES: Maraming salamat sa iyo. Usec. Ochie. Please stay onboard for questions from the media at ganoon din kay Undersecretary Vergeire. USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Good afternoon Secretary Karlo, kay Usec. Vergeire and kay Usec. Tuazon.
Unang tanong po mula kay Catherine Gonzales ng Inquirer.net for Usec. Vergeire: The Chief Scientist of the World Health Organization says there is no evidence that healthy children and adolescents need COVID-19 booster shots. Are we adopting this here in the country? Will the government provide boosters for healthy children and adolescents?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So again, good afternoon to all of you.
Opo, nakikinig tayo at ina-adopt naman natin ang mga policy statements ng WHO. And sa katunayan, talagang wala pa hong kumpletong ebidensiya sa ngayon para makapagbigay tayo ng boosters para po sa ating mga nakakabata ‘no na mamamayan ng Pilipinas – adolescents and the children. So sa ngayon kaya wala pa rin po tayong emergency use authority para diyan dahil wala pa nga hong completed evidence so we will wait until there is completed evidence. Evolving naman po lahat at kapag mayroon na po at nakapagbigay na rin nang tamang rekomendasyon ang ating mga eksperto, atin pong ibibigay ang boosters para sa nakakabata.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Catherine Gonzales pa rin po ng Inquirer.net, to Usec. Vergeire: Is there an approved antigen test kit in the Philippines that can detect the Omicron variant? If yes, ano daw pong brand? There is a company that claims that their antigen test kit can detect Omicron.
DOH USEC. VERGEIRE: Well, there are a lot of evidences that we need to collect and analyze so that we can say that really this antigen test apparently ‘no, iyong sinasabi diyan sa article na ‘yan ay makaka-detect. Mayroon ho tayo ngayon dito sa Pilipinas ‘no, the [unclear] kung saan nakikita ho natin iyong ating S-gene drop ‘no, ito po ‘yung characteristic kasi ng Omicron; ito po ay ginagamit natin just to screen, kasi kailangan pa rin po natin ng whole genome sequencing once we are able to undertake ‘no this process.
So halimbawa isang individual may suspetsa tayo at positibo naman, we go through this process pero whole genome sequencing pa rin po ang final natin na proseso. So thought it best na para po sa ating efficiency sa gobyerno, whole genome sequencing na lang – we do not use the screening process anymore since ang dami-dami na ho nating kaso ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Vergeire. Sec. Karlo, ang susunod na magtatanong via Zoom si Mela Lesmoras ng PTV.
CABSEC NOGRALES: Yes, thank you. Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi, good afternoon Secretary Nograles at sa ating mga panauhin. Secretary Nograles, I have two questions lang po. Unahin ko lang po iyong sa alert level system. Sa ating discussion po ba sa IATF kahapon, natalakay rin po ba iyong sitwasyon sa NCR; at kung sa mga probinsya may mga lugar na tumataas pa, sa NCR kaya saan iyong path po natin?
CABSEC NOGRALES: Yes, tinitingnan naman natin lahat ‘no. So for NCR as reported earlier, nasa moderate pa naman iyong ating bed utilization kaya hindi pa siya nagbi-breach noong threshold natin para doon ma-escalate to Alert Level 4. Kaya nga po iyong IATF has decided on Kalinga, Northern Samar, Mountain Province and Ifugao kasi nag-breach na po siya noong bed utilization na more than 71% tapos mataas din po iyong two-week growth rate niya pati mataas din po iyong ADAR.
May ibang lugar din kaming tinitingnan gaya noong sinabi kanina ni Usec. Rosette na although nag-breach na siya doon sa bed utilization rate, may chance po kasi na iyong dedicated beds doon sa mga lugar na iyon ay puwede pa naman palawakin pa. At ‘pag pinalawak nila iyon at ito ‘yung pakikipag-ugnayan natin doon sa mga lugar na iyon ‘no, nakikipag-ugnayan na po ang IATF, ang NTF, ang DOH na kung pataasin nila iyong percentage of dedicated beds for COVID doon sa kanilang authorized bed capacities eh hindi na siya magbi-breach doon sa Alert Level 4 category dahil nga po mababa na nga, down to less than 71% iyong bed utilization.
So ito ‘yung minu-monitor natin ngayon but if hindi nila kayang gawin or mas lalo pang tumaas between today, tomorrow and the next days… gaya ng sinabi namin, we will not hesitate to escalate the Alert Level 4 kung kinakailangan; so lahat ito minu-monitor po natin.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuli na lang, CabSec Nograles. Tungkol lang po doon sa bumababang vaccine hesitancy sa bansa at tumataas naman na vaccination rate. Sa tingin ninyo po ba senyales ito na effective talaga iyong strategies ng gobyerno lalo na iyong way of encouraging people ni Pangulong Duterte na kahit may ilang bumabatikos na parang nananakot, ganiyan… sa tingin ninyo po ba ito iyong mainly na dahilan kaya tumataas iyong vaccination rate and bumababa iyong vaccine hesitancy sa bansa?
CABSEC NOGRALES: Senyales ito nang matagumpay nating pagtutulungan, tayong lahat ‘no. Kayo na nasa media na nagbibigay nang tamang impormasyon and then of course government making sure na nandiyan iyong supply sa lahat ng regions at ginagawa po natin ang lahat ng hakbang para maging accessible po ang bakuna sa lahat ng areas dito sa ating bansa and of course ang taumbayan.
Kaya nga po ang panawagan namin sa lahat is kung may kilala po kayo na hesitant pa, may kaibigan kayo o kamag-anak kayo, let’s take it upon ourselves, initiative na lang po natin na kausapin natin sila, kumbinsihin natin sila.
Kasi konti na lang, 8% na po ‘yan – 8% na lang po ang hindi pa kumbinsido. At itong 8% kayang-kaya na nating kumbinsihin ‘yan kung tayong lahat ay magtutulungan. So ‘yan po ‘yung aming panawagan and this is something na lahat po tayo ay kailangan magkaisa tayo dito.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Salamat po Secretary Nograles at sa ating mga panauhin.
CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela; back to you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. From Jeff Canoy ng ABS-CBN for Usec. Vergeire: Ano daw po ang puwedeng gawin ng regions to prepare for a surge in COVID-19 cases?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So dito po sa tanong na ito, kapareho pa rin po noong ginawa natin sa National Capital Region and as what CabSec has presented a while ago, it has been resolved in IATF na lahat po ng ating regional task forces, pati po ‘yung regional directors ng bawat ahensiya, inuutusan po na mai-prepare na po ang ating local governments sa bawat rehiyon to prepare.
- Unang-una ang kailangan nating tingnan iyong atin pong kapasidad sa ating mga ospital. Kailangan po nakahanda ang ating mga ospital, we are having this steep rise or increase in the number of cases so dapat lahat po ng ospital both public and private should allocate at least 30% for private and 50% for public of their hospital beds for COVID-19.
- Kailangan na rin pong mag-stockpile ng ating mga kinakailangang gamot para po sa pagma-manage ng ating mga COVID-19 cases.
- Pangatlo po, kailangan iyong community interventions po natin ay maipataas ang antas – iyong ating Prevention, Detection, Isolation, Testing and Treatment – kailangan po maiayos po natin sa bawat komunidad.
- At panghuli at pinakaimportante, kailangan pong pataasin po natin ang antas ng pagbabakuna sa lahat ng atin pong mga regions so that everybody can get protected. Nakita na po natin ang epekto ng bakuna, ang proteksiyon nito laban sa COVID-19 at sa Omicron situation na mayroon tayo ngayon. So itaas po natin ang antas ng pagbabakuna sa bawat lugar na mayroon po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. From Jeff Canoy pa rin po for Usec. Vergeire: Paano po i-address iyong mga kakulangan ng health care workers sa regional hospitals dahil sa mga nagpa-positive?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Primarily kaya po tayo nag-shift ng ating policies for quarantine and isolation and even testing ay dahil nga po nagkakaroon po tayo ng kakulangan ng ating health care workers sa ating mga ospital at saka mga komunidad. This is not so that walang siyensya dito, ginawa natin iyan because we were backed by science and we can really shorten the quarantine and isolation. So sa ginawa po natin na ‘yan, maari po nating mapaikli ang ating mga kinu-quarantine or ina-isolate, hindi masyadong mawawalan ng tao sa ating mga facilities.
Aside from that, national government agencies are now helping ‘no itong mga facilities natin. Nakahingi na po ng tulong si Secretary Duque and Secretary Galvez sa atin pong mga uniformed personnel kung saan last week po nag-umpisa na ang deployment sa ibang mga piling ospital sa Metro Manila pati na rin po sa ating local government units para makatulong po ang ating mga health care personnel ng uniformed sectors natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire.
Sec. Karlo, tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: How does Malacañang view the refusal of PAO Chief Acosta to get vaccinated?
CABSEC NOGRALES: Nagsalita na po si Secretary Meynard Guevarra ng DOJ tungkol po sa isyu na iyan with a reminder na kailangang sumunod sa mga protocols para sa unvaccinated. At si Secretary Duque naman, ang ating Secretary of Health, ay nagbigay na rin po ng professional advice o payo bilang isang doktor. Mula kay Secretary Duque ay mayroon na rin siyang ibinigay na professional advice.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Leila Salaverria: Sec. Karlo, what does Malacañang think of the idea of requiring government personnel at least to get vaccinated against COVID-19?
CABSEC NOGRALES: Pinagtutulungan naman namin sa pamahalaan na ang lahat ng mga workers, whether government or private, dapat po magpabakuna na because it is for the safety of everyone in the workplace, whether government or the private sector. Kaya ang ginagawa po ng inyong pamahalaan is to ensure that ang access po to vaccination eh maging madali na lamang at iyong pagkukumbinsi natin sa ating mga workers na magpabakuna na. In the same manner, we have to protect also the workplace kaya nandoon ang lahat ng mga protocols and procedures kung paano manatili na maganda iyong workplace in terms of ventilation, paano maging safe siya na kailangan may mga safety officers.
And then of course, iyong protocols din for the unvaccinated which is kailangan iyong RT-PCR test and then of course kung kailangan onsite ang worker, and then as much as possible kung hindi naman na kailangan na mag-report onsite especially for unvaccinated, kung mag-alternative work arrangements na lamang to protect the unvaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Neil Jerome Morales ng Reuters for Usec. Vergeire: May we ask for updates daw po on the delivery of the 30 million Novavax doses we signed to buyback in January 2021? When will delivery start? Given the delays in the delivery, would you say it is too little, too late already for the arrival of the Novavax? Also, will there be other Novavax purchase on top of these 30 million doses?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. So, unang-una, wala naman tayong na-miss na opportunity. We were waiting for Novavax to submit their completed requirements sa Food and Drug Administration natin. Unfortunately, Novavax po ang hindi nakapagsumite ng appropriate na requirements para dito kung saan tayo po ay naghintay naman kasi may nauna na po tayong negosasyon with them and kailangan lang po talaga magkaroon sila ng EUA.
Noong hindi pa natuloy iyan, tayo naman po ay pinalad dito sa ating bansa na nagtuluy-tuloy na ang ating mga supplies na dumating sa ating bansa. So, wala ho tayong na-miss na opportunity, wala rin ho tayong na-miss na mga doses dahil hindi man natuloy yong Novavax at the start, mayroon naman pong mga ibang bakuna na nakuha ang ating bansa at sa ngayon nga extra ‘no, sobra-sobra ang supplies natin.
So, ito pong sa Novavax, sa ngayon, mayroon ho tayong pag-uusap na ginagawa pa rin at tinutuloy natin and by next week nga po, mayroon pong scheduled meeting with them. So, titingnan natin. But again, let me just reiterate wala ho tayong na-miss na opportunity, we’ve done our part. Iyon lang pong sa supplier and manufacturers talaga they were not able to complete their documents on time.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Sec. Karlo, from MJ Blancaflor ng Daily Tribune, about po ito sa pag-escalate ng four provinces to Alert Level 4, ang follow-up question niya: Did the national government informed concerned LGUs before announcing it? Hindi po ba sila nabigla considering that ngayon din po ang start ng implementation nito?
CABSEC NOGRALES: Ye, they were informed. May pakikipag-ugnayan, active na pakikipag-ugnayan po ang DILG natin at ang Department of Health sa mga lalawigan at mga siyudad at kabilang diyan, siyempre iyong in-escalate natin to Alert Level 4 ‘no. Kaya nga po in-announce natin kahapon although previous to that mayroon na pong pakikipag-ugnayan with Kalinga, with Northern Samar and with Mt. Province and with Ifugao.
Ngayon, mayroon tayong mga binabantayan na mga lugar na nakikipag-ugnayan rin po tayo sa kanila. Ito po iyong nakabantay po tayo na mga lugar, iyong Bataan. Iloilo City, Ormoc City, Naga City, Dagupan City, Western Samar, Tacloban City, Biliran at Zamboanga del Sur.
At iyong mga ibang lugar din, we’re also consistently monitoring them, advising them. We are triggering now or we are now pushing the Regional IATFs to also help us and the regional task forces also to help us in monitoring iyong dedicated beds. Kagaya ng sinabi ni Usec. Vergeire, kailangan pataasin natin ang dedicated beds for COVID para hindi na tumama doon sa threshold na 71% ang bed utilization and that’s one of the areas or that’s one of the points na pinu-push po natin sa mga LGUs ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Karlo, iyong minu-monitor na mga provinces na nabanggit na posibleng ilagay sa Alert Level 4?
CABSEC NOGRALES: If they increase their dedicated COVID beds then they will stay in Alert Level 3, but kung mag-breach sila ng threshold then no choice po tayo kung hindi i-escalate ang mga iyan. That’s why actively, we are coordinating with them, the respective LGUs, na tingnan nila iyong mga metrics nila at alam naman po ng mga Regional IATFs, alam naman ng ating mga DOH Regional Offices, alam na rin ng mga DILG Regional Offices ang mga assignment nila sa pakikipag-ugnayan diyan sa mga lalawigan at mga siyudad na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni MJ Blancaflor for USec. Vergeire: Base daw po sa data ng DOH kahapon, only a third of the nationwide COVID case count ang na-report sa Metro Manila. Hindi daw po tulad ng dati na halos kalahati ng nationwide tally ay nasa NCR. Does it mean that the capital region has already reached the peak of the surge?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. So, base po dito sa obserbasyon na ito, atin naman pong sinasabi na, oo, bumabagal po ang pagtaas ng mga kaso. Mayroon po tayong nakikita na parang nagpa-plateau dito sa National Capital Region.
But we do not only look at the number of cases kapag po tayo ay nag-aanalisa ng ating sitwasyon, tinitingnan pa rin po natin ang iba ho nating mga metrics na ginagamit. Katulad po ng positivity rate, bagama’t bumababa po ang mga kaso/numero, nakikita pa rin po natin na ubod nang taas ng positivity rate natin sa NCR.
Kailangan din po nating ikonsidera ang ating mga limitasyon sa panahon ng Omicron na ito kung saan marami po sa ating mga kababayan gumagamit ng antigen test, kung saan marami sa ating mga kababayan hindi na nagpapa-test at nagpapa-isolate na rin. Kaya po kami nag-iingat po kami sa pagdideklara ng pagbaba ng kaso. Gusto ho natin pag-aralan muna natin nang mas maigi, makita po natin na talagang bumababa ang trends together with the other factors that we consider at saka po tayo magsasabi.
Ang bottom line pa rin naman po, let us not get complacent, pareho pa rin po dapat ang ating ginagawang proteksiyon sa ating sarili at sa ating pamilya. Kung saka-sakaling bumababa talaga ang kaso dahil po sa basis ng analysis natin, mas maganda po iyan sa atin, pero protection for ourselves should still continue.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong follow-up po ni Red Mendoza ng Manila Times eh halos pareho po sila ng tanong ni MJ Blancaflor for Usec. Vergeire.
Sec. Karlo, from Ivan Mayrina ng GMA News: Palace reaction daw po sa statement ni Professor Solita Monsod na: “The next President is inheriting a country which has lost its moral compass and is undergoing an educational crisis, health crisis, economic crisis, with the poor bearing the brunt of all these.”
CABSEC NOGRALES: The next President will be inheriting an administration kung saan iyong predecessor niya, ibig sabihin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, is the highest most trusted official in terms of Pulse Asia Survey showing he’s the most approved national leader in the Philippines with score of 72%.
Ang ii-inherit din po ay isang bansa kung saan ang GDP growth natin ay 7.1% noong third quarter of 2021 and ang prediction po ng mga respected institutions tulad ng Asian Development Bank ay 5.1% ang magiging growth rate ng Pilipinas for 2021 and expected 6% growth rate in 2022. Wherein the ADB even was quoted as saying the Philippines’ economy has shown impressive resilience wherein despite this battle against COVID-19, iyong unemployment rate po natin ay bumababa na, nasa 6.5% base sa November PSA numbers na pinalabas ng Philippines Statistics Authority. Ang employment po natin ay nagpi-pickup na to 93.5% employment rate in November of 2021.
Ang Department of Education has shown that mataas ang bilang ng mga enrolled sa basic education compared to last school year, tumaas pa ang enrolment sa DepEd nitong school year na ito. And the next president will inherit a country and take over—the new administration will take over a country kung saan we hope and expect sa pagtutulungan ng lahat na 90 million Filipinos would have been fully vaccinated by the end of the term of President Rodrigo Roa Duterte.
Our hunger rates have declined. In fact the global hunger index has put the Philippines in a… with the score of 16.8 ang global hunger index natin compared to 25 in year 2000; 20.4 in 2006; and 20.5 in 2012. So previously based on the global hunger index, we were suffering from severe hunger index. Napababa po natin despite the pandemic, this is the global hunger index, at 16.8 puts us at moderate level – from serious to moderate – despite the ongoing pandemic. So iyan po iyong mai-inherit ng bagong administration.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. From Red Mendoza ng Manila Times: Usec. Vergeire, marami po ang nagkukumpara sa kalinga kits ng DOH at sa ibang LGU noting na ang ibang kalinga kits ay mayroong thermometer, pulse oximeter and additional na gamot sa mga naghu-home quarantine. Ano daw po ang masasabi ng DOH sa comparison ng kalinga kits sa iba pang mga home care kits na ibinibigay ng ibang organization?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una, gusto ho naming magpasalamat sa lahat ng local governments na sumunod dito po sa ating pag-i-issue out ng mga home care kits para sa ating mga kababayan. At kami naman po ay nagpapasalamat sa mga organisasyon at ibang mga local governments na talagang mas tinaasan pa ho nila ang antas ng mga components o mga laman ng kits na mayroon tayo.
So ito naman po ay isang pasimula ng Department of Health, actually ka-partner po natin dito ang WHO at saka ibang pribadong sektor na talagang voluntarily ay tumulong sa atin para makapagbigay tayo nito dahil alam natin kailangang-kailangan ng ating kababayan. So we thank the local governments and other organizations for following suit ‘no in this issuance of home care kits na mas madami ang laman.
Pero gusto ko rin hong magbigay ng babala. Gusto ko lang hong magsabi sa ating local governments and other organizations, alam ko po intensiyon po natin lahat makatulong sa ating mga kababayan. Pero kapag nagbigay tayo ng home care kits, huwag ho tayong maglalagay ng mga prescription medications dahil baka po ito ay mas magkaroon ng harm sa ating mga kababayan rather than giving them that benefit.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Usec. Vergeire, inaakusahan ni former Representative Jonathan Dela Cruz na umano’y monopolyo umano sa bidding ng PCV o bakuna sa pulmonya. Inaakusahan niya na ang Pfizer daw po ay kumu-corner sa bidding sa pamamagitan ng pagbaba nito ng presyo by as much as half. Sinabi rin po ni Dela Cruz na ‘di umano ay ginigisa ang gobyerno sa sariling mantika. Ano daw po ang masasabi ninyo dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky ano, unang-una natanggap na ho namin iyong copy ng complaint nitong alleged person na ito na sinasabi nga po itong mga detalye ‘no. Unang-una, gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan, lahat po ng procurement ng Department of Health goes through the process of iyong RA 9184 natin. So batay po sa batas, kung ano ang prosesong nakasaad, iyon po ang ating pinatutupad.
Pangalawa, may another safeguard po tayo – mayroon ho tayong Health Technology Assessment Council na iyan po ay minandato ng Universal Health Care Law at mayroon ho tayong rekomendasyon galing sa HTAC bago po tayo nag-undertake ng procurement for the year 2020 until the current time. Iyon pong sinasaad doon sa complaint niya na 2012, mayroon din pong rekomendasyon ang ating executive council sa pharma po, iyong Formulary Executive Council para po dito sa mga pagbili ‘no o kung anuman po ang dapat na technical specifications sa bakunang binibili natin.
So again I just like to reiterate, we went through the process abiding by all legal standards at kung anuman po ang kaniyang hinahain na complaint, titingnan ho natin para masagot po namin na mas maayos.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Llanesca Panti ng GMA News, Sec. Karlo: A House resolution was filed seeking probe on IATF resolution supposedly violating rights by restricting movement for the unvaccinated. How would you respond to concerns that restricting mobility of unvaccinated is in violation of their rights?
CABSEC NOGRALES: Nagsalita na po si Secretary Meynard Guevarra ng Department of Justice tungkol dito and I think it was in one of the—na-quote nga ni Usec. Ochie doon sa kaniyang presentation ‘no, and if I may: “The Secretary of Justice said that the state has the power to regulate the movement of the unvaccinated in the interest of public health or public safety for the benefit not only of the vaccinated but also for the benefit of the unvaccinated.” And I also like to add lamang po that the means being employed is reasonably necessary, it’s not unduly oppressive and there are exceptions also.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. Sunod po niyang tanong: Bakit daw po ang mga batas na napirmahan noong December 10 last year ay tatlong linggo o isang buwan ang lumipas bago daw po ni-release?
CABSEC NOGRALES: May vetting process kasi na dinadaanan ang mga batas from the time that it is sent to Malacañang from Congress, bini-vet po ‘yan bago dalhin kay Pangulong Duterte. And then upon signing, then there’s another vetting process wherein through that vetting process, ini-issue or pina-publish na rin po namin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Karlo. Tanong po mula kay Lei Alviz ng GMA News. Iyong una pong tanong niya para kay Usec. Vergeire, nasagot na po ni Usec. Vergeire, about doon sa case sa NCR at iyong mga lugar na minu-monitor nasabi na rin po ni Sec. Karlo.
Ang second question niya: Usec. Vergeire, nakikita na ba ang epekto ng low vaccination rate ng isang lugar sa health care system nila sa gitna ng pagtaas ng mga kaso?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Lei, ‘no. So I think this has been proven already. Best example nating lahat would be NCR. Nakita ho natin kung gaano kadami ang kaso natin, it’s more than 4 to 6 times more cases compared to the Delta experience. Pero ang kaibahan po natin ngayon, noong nagdi-Delta tayo, punung-puno ang mga ospital, ang dami pong severe and critical; ngayon po, talagang kahit na halos tumaas na nang husto ang mga kaso, ang atin pong mga ICU beds, ang mga severe and critical ay hindi tumataas – and that is because we have high vaccination coverage.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Sec. Karlo, tanong po ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo sa suggestion ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gradual na pag-alis ng quarantine restrictions oras na bumaba ang kaso ng Omicron variant at ang pagkakaroon ng home-based quarantine sa halip na facility-based quarantine?
CABSEC NOGRALES: I have not read the suggestions made by PA Joey Concepcion yet ‘no. Is he talking about international arriving passengers?
USEC. IGNACIO: Wala pong nakalagay sa tanong ni…
CABSEC NOGRALES: Okay. But in any case, lahat naman po ‘yan, lahat ng mga suggestions naman po ay pinag-aaralan natin sa IATF ‘no. Then of course tinitingnan din po natin iyong mga ginagawang practices ng other countries, we benchmark also with the practices of other countries. But we are also mindful na dapat—it’s not a ‘one size-fits all’ for all countries, kailangan tingnan mo kasi iyong konteksto ‘no noong bansa, ang bawat bansa may sariling konteksto ‘yan, bawat bansa ay may sariling circumstances.
So bagama’t magbi-benchmark tayo or we try to observe and see anong ginagawa ng iba’t ibang mga bansa sa buong mundo, we have to put it in our country’s context ‘no, sa konteksto ng ating bansa at siyempre base rin po sa mga suggestions/recommendations ng mga health experts natin, because at the end of the day, it would be wiser also for us to base our decision on our health experts, on our scientists, our mathematicians, our statisticians ‘no – so lahat based on science and data.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Prince Golez ng Abante: Reaksiyon daw po doon sa pag-adopt ng Cusi-led wing of PDP-Laban kay Davao City Mayor Sara Duterte as its vice presidential bet.
CABSEC NOGRALES: Ano ‘yung ano… pag-adopt nila?
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong pag-adopt daw po ng Cusi-led wing of PDP-Laban kay Davao City Mayor Sara Duterte as its vice presidential bet.
CABSEC NOGRALES: Well, if mayroon pong decision ang PDP-Laban, it will be issued by PDP-Laban in one announcement.
USEC. IGNACIO: Opo. Last na lang po ni Prince Golez: Kung mayroon daw pong Talk to the People na naka-sched ang Pangulo mamaya?
CABSEC NOGRALES: Wala pong naka-sched. Presumably mga Monday ang next Talk to the People. But walang schedule for today.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you Sec. Karlo, Usec. Vergeire and Usec. Tuazon. MPC, salamat.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat Usec. Rocky and thank you din po kay Usec. Rosette Vergeire at Usec. Ochie Tuazon.
Mga kababayan, hindi pa po tapos ang laban na ito. The COVID-19 pandemic is nowhere near over. Ito ang babala ng World Health Organization or WHO sa gitna ng banta ng Omicron variant. At dahil na rin sa banta ng posibleng pag-usbong ng mga bagong variant, ayon kay WHO Director General Tedros Ghebreyesus, and I quote: “No country is out of the woods yet as many remain unvaccinated which puts them at higher risk.”
Habang narito ang panganib sa buhay at kalusugan, patuloy tayong mag-mask nang tama, palaging maghugas ng kamay, magbukas ng mga bintana para sa bentilasyon, umiwas sa masisikip na lugar at maraming tao at higit sa lahat magpabakuna at magpa-booster shots na.
Hindi pa tapos ang ating laban pero sa patuloy na kooperasyon ng bawat isa, sa awa ng Poong Maykapal, atin po itong mapagtatagumpayan. Kailangan lang nating magtulungan.
Maraming salamat po. Ingat parati at happy weekend po!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center