CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
Kumalat kamakailan ang isang lumang video clip kung saan sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sapat na ang dalawang doses ng bakuna ng COVID-19, ipinakalat ito ng ilang mga grupong taliwas ang paniniwala sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan. Ilagay po natin ito sa tamang konteksto: Sinabi ito ng Pangulo noong Setyembre nang nakaraang taon, September 2021, kung saan nasa 21 million pa lamang ang fully vaccinated sa bansa. Ang prayoridad natin sa panahon na iyon ay mapataas ang bilang ng naturukan ng dalawang doses at ito nga ang ating objective noon; hindi pa naaaprubahan ang pag-administer ng booster doses noon.
Nguni’t malayo na ang pagkakaiba ng sitwasyon natin ngayon sa konteksto ng bakunahan sa ating bansa noong Setyembre. Una, marami na tayong bakuna; pangalawa, inaprubahan na ng pamahalaan ang paggamit ng booster doses sa mga fully vaccinated bilang pagsunod sa rekomendasyon ng ating mga health experts.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagbigay-diin noong Disyembre hinggil sa halaga ng booster shots lalo na para sa pagkontrol ng pagkalat ng nakakahawang Omicron variant.
So we reiterate our call for the public to be wary of information regarding COVID-19 that does not come from credible sources.
Makinig po tayo sa mga medical expert, hindi sa mga Marites; ipasa po natin ang mga update mula sa lehitimong media at government channels, hindi ang tsismis mula sa kung sinu-sino.
Matagal na po nating sinabi: Information is power and accurate information regarding COVID-19 gives us the power to take the necessary measures to protect ourselves against this virus. Sa kabilang banda naman, disinformation/wrong information weakens us.
Kumbaga sa giyera, kung mali ang impormasyon mo tungkol sa kaaway mo, hindi rin tama ang iyong paghahanda laban dito. Muli, sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon, magtulungan po tayong magligtas ng buhay.
Sa mga nagtatanong: Bakit kailangan ng booster shots or magpa-booster; hindi pa ba sapat ang two doses?
Mga kababayan, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika, epektibo ang bakuna para maprotektahan tayo sa malubhang sakit, pagkakaratay sa ospital and of course, deaths. Pero ang pagiging epektibo ng bakuna ay bumababa habang tumatagal, kaya kailangan natin ng COVID-19 booster shots; proteksyon din ang booster shots laban sa umuusbong na bagong variants, lalo na laban sa Omicron variant na mabilis makahawa.
Kung inyong matatandaan, higit 72.16 million boosters for adult population ang ating target sa 2022 bilang bahagi ng pagpapatupad ng ating National Vaccination Program. Kasama rin sa ating target ang 12.74 million menor de edad na nasa edad dose hanggang disisiete anyos na makakatanggap ng primaries at boosters, at 15.56 million na mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa na makakatanggap ng primaries at boosters.
Mamaya ay makakasama natin si Dra. Lulu Bravo, ang Convenor of the Vaccine Study Group ng UP National Institutes of Health and Executive Director of the Philippine Foundation for Vaccination para pagusapan ito.
Sa ngayon, nasa mahigit 6,492,213 Pilipinong nakatanggap na ng boosters, as of January 24, 2022.
Samantala, nagpulong kagabi ang Pangulo kasama ang mga piling miyembro ng Gabinete para sa Regular Monday Talk to the People Address. Ito po ang ilan sa mga salient points: Ini-report ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Pilipinas ngayon ay nasa high-risk classification mula sa napakataas na critical risk classification. Bagama’t mayroong nakikitang pagbaba ng bilang ng kaso sa Metro Manila, makikita naman ang pagtaas ng case trends sa Visayas at Mindanao. Dahil sa gumagandang datos sa NCR, tatalakayin sa IATF kung handa na bang ma-de-escalate ang Metro Manila sa Alert Level 2. Pag-aaralan po ito ng IATF, at asahan ninyong may lalabas na desisyon bago matapos ang buwan ng Enero.
Samantala, iniulat ni Food and Drug Administration (FDA) Officer-in-Charge Oscar Gutierrez na mayroong dalawang brand ng home self-administered antigen test kits na inaprubahan ng FDA. Kaugnay nito, pinaalalahanan ng FDA na ang self-testing ay isa lang sa mga hakbang para maprotektahan ang ating mga sarili. Tanging FDA-certified testing kits lamang po ang bilhin at gamitin!
Nasa 86 antigen test kits na ang tinanggal ng mga awtoridad sa merkado dahil hindi nila naabot ang RITM performance evaluation or hindi sila rehistrado at iba pang kadahilanan.
Nagpahayag naman si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na handa na ang Proposed Rollout Strategy for the Administration of COVID-19 Vaccines para sa mga batang may edad na lima hanggang labing-isa; iyan po iyong 5 to 11 years old. Ito po ay sisimulan na sa February 4, 2022. Phased approach po ito, kung saan ang Phase 1 ay isasagawa muna sa NCR.
Samantala, inisa-isa ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga uri ng in-person campaign na ipinagbabawal sa panahon ng kampanya. Kasama na rito ang pagpasok sa private dwelling sa house-to-house campaigning. Bawal din po ang crowding; pakikipag-kamay; pagyayakap; paghahalik; pati na arm-in-arm o anumang gawaing may physical contact. Bawal din po ang selfies at pagpapakuha ng litrato na may close proximity at ang pagbibigay ng pagkain o inumin sa panahon ng kampanya. Hindi rin pinapayagan ang mga ito sa mga caucus, mga meeting, convention, rally at miting de avance.
Samantala, sa Talk to the People kagabi, nagbigay ng update si National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad na mayroon pa pong 339,000 individuals pa rin ang nasa evacuation centers dahil sa Bagyong Odette. Dahil dito, hinimok ni President Duterte ang mga ahensya na magsagawa ng COVID-19 vaccination sa evacuation centers sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.
Kasama rin sa puwedeng bakunahan sa rural areas, ayon sa Pangulo, ang mga miyembro ng New People’s Army. Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo na magbalik-loob na at sumuko ang mga miyembro ng NPA.
Sa usaping bakuna pa rin: Nasa mahigit 57.5-M na ang fully vaccinated habang nasa mahigit 65.4-M ang naturukan ng first dose. Nasa 123,866,249 naman ang total vaccines administered as of January 24, 2022, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard.
Ito naman po ang latest report sa vaccination rollout sa mga drug stores at medical clinics: As of January 24, 2022 – 6:00 PM, ito po ang Day 4 of implementation. Nasa 2,626 po ang total doses administered; 912 dito ay Sinovac booster doses habang nasa 1,714 ang AstraZeneca booster doses. At tulad ng binanggit ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, magsisimula na rin sila ng COVID-19 vaccination sa mga botika sa Baguio City. Bukas na po ito. Tomorrow we will begin the vaccination of booster shots sa mga botika in Baguio.
Isa ding paraan para lalo pang mapalapit sa mamamayan ang pagbabakuna ay ang paglalagay ng vaccination sites sa MRT-3 stations tulad ng sa Cubao, Shaw Boulevard, Boni at Ayala na siya namang ipinanukala at kasalukuyang pinaghahandaan ng Department of Transportation sa pangunguna ni Secretary Arthur Tugade.
Pumunta naman po tayo sa COVID-19 update ayon sa January 24, 2022 Covid-19 case bulletin ng DOH: Nasa 24, 938 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Sa bilang na ito, nanatiling mataas ang mild at asymptomatic na nasa 98.2%. Nasa 40.6% ang ating positivity rate, habang nasa 90.8% or 90.8% naman ang porsiyento ng mga gumaling at nasa mahigit 3.1 million na po ang naka-recover.
Malungkot naman naming binabalita sa inyo na kahapon ay mayroong 47 ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Our fatality rate is currently at 1.55%. This is lower than the 2% global average.
Samantala, sa estado ng ating mga ospital: Nasa 47% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang nasa 51% naman sa buong bansa; 46% ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang nasa 52% sa buong bansa; 50% ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 52% sa buong bansa; 27% ang utilized ventilator sa Metro Manila at 25% sa buong bansa.
In other news: The Standard Chartered Bank raised its economic growth outlook for the Philippines to 7.5% for 2022. This growth outlook is within the 7% to 9% range set by the Development Budget Coordination Committee or DBCC for 2022.
Samantala, mga kababayan ngayong araw, January 25, ay ginugunita natin ang kabayanihan ng SAF 44 at ang sakripisyo ng ating uniformed personnel para sa patuloy na kapayapaan at seguridad na ating tinatamasa. Kung inyong matatandaan, nilagdaan ng ating Pangulo ang Presidential Proclamation No. 164 noong 2017, kung saan tuwing January 25 ng bawat taon ay ginugunita natin bilang National Day of Remembrance.
Dito po nagtatapos ang ating opening statement.
Bago tayo pumunta sa open forum ay kasama natin ngayon at kausapin muna natin si Dr. Lulu Bravo. Dr. Bravo, bakit po mahalaga ang magpa-booster? May mga kababayan po tayong nagsasabi na sapat na ang two doses? Ano po ang masasabi ninyo doon sa konteksto na kailangan din pong magpa-booster? At kumustahin din po sana namin ang paghahanda natin sa pediatric vaccination for children age 5 to 11 years old? Dr. Lulu?
DR. BRAVO: Thank you very much Secretary Nograles. Actually, if I may share my screen, I have a very nice presentation here about what is really going on now. Kasi sinabi mo nga kanina na parang natakot sila na mag-booster. But if you now look at this very, very nice presentation from Eric Topol, and was publish just 3 days ago or 2 days ago January 23 showing that if you just used 2 doses of the vaccines, the vaccine effectiveness for Pfizer and for Astra and even for Moderna will go down from a high 90% in the beginning. In 6 months, the vaccine effectiveness will go down to only 50%. However, if you now give a 3rd dose the vaccine effectiveness will again go up to as much as 80, 90%.
SEC. NOGRALES: Yes, go ahead Doc. Lulu, we’re seeing the slides now.
DOC. BRAVO: Ok, let’s see. This is a very recent publication.
SEC. NOGRALES: There are some technical problems with the slides now.
DOC. BRAVO: All right. It is a very nice graph of what happens when you just give 2 doses. After 6 months, the effectiveness goes down. The diseases, the COVID cumulatively increases in incidence, dumadami ulit ang COVID. But with the 3rd dose that is being seen and this is being given all around the world – mayroon sa Qatar, mayroon sa UK, mayroon sa ibang parte ng mundo – and I just wanted to show that because this is evidence enough that a 3rd dose, a booster dose could really improve. Mai-improve po natin ang dami ng ating efficacy at can I do that now. Let me see, I will try it again this time.
SEC. NOGRALES: Yes.
DOC. BRAVO: Okay. It does not go to the slide show but you see this one, right?
SEC. NOGRALES: Yes, we can see that one. Go ahead, Doc.
DOC. BRAVO: When I go to the slide show it does not want to go I guess. But if you can see this and it is very clear here as you can see.
After 6 months ito iyong Green – Astra; itong Blue, this is Pfizer; and the yellow one is Moderna. After 6 months, you know, those 2 doses actually gets the effectiveness down to only 44, 60 and 70 from a high of 90. Now you give a third dose, okay, and you show that actually it goes up now again to 95 and 93%, and this overtime. That is the reason why here at six months, two weeks since the booster, you know the effectiveness goes up. And this is also true in many studies that have been shown in UK, in Qatar, CDC. You know the amount of percentage of efficacy is actually going up and the cumulative number, ito po iyong number of cases ‘no. Iyong blue one, ito po iyong three doses, mas mababa na ang number of cases, kapag nabigyan ng three doses compared to the two doses, ito po iyong red line, mas marami pong COVID ang nakikita.
Cumulative, dito po iyon, cumulative incidents of COVID and this is true for both Pfizer and also for Moderna vaccine – Two doses versus three doses.
Ito naman po ang nakita noon sa UK na pag-two doses lang ang effectiveness ay 44%, three doses tumaas po sa 88% at in less than three months 88 and then less than—if more than three months na po, nasa average of 83% ang vaccine effectiveness at iyan po ay evidence din sa Kaiser, California, sa CDC, nakita po ninyo ito iyong mga percentage na kapag nagbigay po ng three doses ay tumataas ng 90%.
Okay, so ano pa iyong mapapakita ko dito na medyo—nabigla lang ako, kasi kakatawag lang ninyo sa akin, so hindi ko pa masyadong nakita lahat. Pero ito po iyong masasabi ko, dahil ito po ay kaka-publish lang at ito nga nakita ninyo iyong vaccine effectiveness.
Kung ang titingnan po natin ay iyong Delta at Omicron na tumama na sa ating bansa, kung kayo po ay nabigyan ng bakuna, iyong sa Delta po, ito pong blue, makikita po ninyo, 81% kapag after six months, pero kapag nabigyan po ng third dose, tumaas sa 94% sa Delta, okay.
Iyong Omicron naman, kung kayo po ay nabigyan ng dalawang dose, bumaba po sa 57% ang effectiveness, pero kung kayo po ay nakatanggap ng third dose, tumaas po sa 90% kung ang tatama sa inyo ay Omicron.
So, iyan po ay isang ebidensiya na talagang iyong third dose will be a good way to fight the cumulative numbers; pero ganoon pa man po ang sinasabi natin, itong Omicron nakita nating mayroon siyang immune escape. Kung ang inyo pong nakuha ay iyong mga bakuna na dati ay talagang very effective para sa Alpha, Beta at Gamma and even the Delta kung third dose. Ngayon po nakikita natin na kung dalawang dose pa lang po kayo, malamang po magkaroon pa rin kayo ng sakit di ba. Kasi bumaba sa 57%.
Pero ang makikita natin naging mild po ang sakit na tumatama doon sa mga nabakunahan ng two doses lang, di ho ba. So, malamang po na ito ang sinasabi nitong Omicron and true enough nakikita po natin na talagang ito iyong nakita ko na kapag nakita po natin itong iba’t ibang klase ng sakit, ito po iyong Omicron pula, nakita po ninyo itong asul, Delta na napakataas, mas mataas po ang surge at kung makikita po natin ay mahaba rin iyong kanyang duration ng pagkakaroon ng sakit; whereas sa Omicron, sa mundo po, sa UK, sa South Africa, maski na po nagkaroon ng surge sa Omicron ang nakita po ay mabilis dumating, mabilis ding nawala at mild lang po.
Iyong pinaghandaan nilang mga ospital, pinaghandaan nila na magkakaroon ng maraming sakit dahil po bakunado na ang almost 60% ng kanilang populasyon ng two doses at least ay nakapagtulong po iyon para hindi dumami ang nagkakasakit. At iyon po ang isang napakaganda ring pangitain na ang Omicron po kung tumama man sa atin nakita po na kapag kayo ay nagkaroon ng Omicron ay maaari po maprotektahan din iyong mga dating Delta or Alpha, Beta nagiging immune na rin po dito sa mga susunod na posibleng Omicron. Mas malamang na safe or medyo hindi po severe.
So, over to you. That is my answer for the booster. We need the booster and I think even if you do not have the booster right away, dalawang bakuna po ay maganda pa rin, dahil parang iyong tigre – sabi nga ni Dr. Edsel eh – kapag mayroon na kayong booster, iyong COVID imbes na maging tigre, nagiging kuting na lang. Tuwang-tuwa ako doon sa analogy na iyon.
CABSEC NOGRALES: Thank you so much, Dr. Lulu. Please stay on board para sa mga questions mula sa media especially with regard to booster shots. So we will now go to USec. Rocky para sa mga katanungan mula sa miyembro ng MPC.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Sec. Karlo, kay Dr. Lulu Bravo at siyempre sa Malacañang Press Corps.
Unang tanong po from Ace Romero ng Philippine Star: May we get Malacañang’s reaction to the concerned doctors and citizens of the Philippines which criticized what it said was discriminatory, segregationist and unconstitutional measures proposed by the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases, namely, allowing public and private establishment to validly refuse entry or deny service to individuals who remain to be unvaccinated or are merely partially vaccinated; encouraging local government units to issue orders or ordinances requiring proof of vaccination before individuals and/or entities may undertake or qualify for certain activities; enjoining all government agencies to implement measures prioritizing fully vaccinated individuals availing of government programs and services.
CABSEC NOGRALES: Okay. I will ask Dr. Lulu to elaborate on the importance ‘no of protecting the unvaccinated. But before I turn it over to Dr. Lulu who is a medical expert by the way, we’d like to reiterate lamang ‘no na itong mga hakbang na ginagawa ng mga LGUs pati ng IATF pati na rin Pangulo is to protect the unvaccinated – iyan po ‘yung layunin, iyan ‘yung hangarin natin, iyan po ‘yung objective natin.
Sa lahat ng mga inilalabas na mga ordinansa pati mga resolutions na pinapalabas ng IATF at sa lahat ng mga direktiba na sinasabi ni Pangulo – it is to protect the unvaccinated – na all the records, all the data information and all the health experts will tell us that iyong unvaccinated po ang most vulnerable lalo na po ‘yung unvaccinated na senior citizens at lalo na nga po ‘yung mga unvaccinated na with comorbidities.
At nagsalita na nga rin po si Secretary Guevarra ng ating Department of Justice that the state has the power to regulate the movement of the unvaccinated persons in the interest of public health and public safety, for the benefit not only of the vaccinated but also most especially for the unvaccinated.
So, Dr. Lulu, would you like to add to that, iyong importance of vaccinating the general public?
DR. BRAVO: Well, alam ninyo po, Secretary, noong araw pa ho marami na talagang nagdi-disagree na ang individual health can actually be overcome by public health. Sapagkat tayo po bilang doktor ay madalas tayo tumitingin, naggagamot ng mga individuals pero iyong mga public health people, doon po sila nakatutok sa pangkalahatang kalusugan. Dito po nagkakaroon ng problema, kapag ang sinabi ninyo mas importante ang individual health/individual rights, ‘di ho ba, kaysa sa pangkalahatan.
Sapagkat kung kayo po ay nasa public health and ito po ang isang napakaimportante sa public health – we save lives, millions at a time. Whereas kung gusto ninyo pong sabihin na kayo po ay doktor na tumitingin lang, naggagamot paisa-isa, padalawa-dalawa, nasa clinic kayo, ang inyong focus ay doon lang sa pasyente ninyo, aba eh pag-aralan po natin sapagkat okay nga po, makakapagligtas kayo ng isa o dalawang buhay kung kayo ay nakatutok lang doon pero iyong public health po millions of lives ang ating tinututukan.
Kaya po iyong sinasabi natin na, ‘Ay naku, mas mahalaga na hindi tayo magbigay ng ganitong mandatos at hayaan ninyo na lang na magsama-sama ulit iyong vaccinated at unvaccinated,’ eh malaki po ang maaaring maging epekto doon sa mamamayan kasi mas marami po ang mamamatay kung sakali at iyong mga hindi bakunado ay lumabas at magkaroon ng ganitong outbreak.
So ako naman po bilang isang ano rin, doktor – pediatrician nga po ako 45 years – sa mula’t mula pa ang mga bata binibigyan natin ng bakuna, 1974 po noong unang magkaroon ng mass immunization ang mga bata dito sa Pilipinas. At mula po noon ay bumaba na ang numero ng mga batang namamatay sa tigdas, sa diphtheria, sa tetanus, sa polio, sa meningitis, sa pagtatae – napakaganda po iyon at iyon po ay dahil sa mga bakuna.
Kaya nga sinasabi ko po ngayon, hindi kailangang matakot na ang mga bata ay babakunahan kasi limampung taon na pong nagbabakuna ang ating Filipinos, mga Pilipino sa mga bata.
At nakita ninyo naman, inuna iyong matatanda. Bakit po inuna ang matatanda? Sapagkat iyon pong matatanda kagaya ko elderly, iyon pong may mga comorbidity, altapresyon, matataba – obesity ha, napakalaking risk factor ‘yan para magkaroon ng severe COVID – o iyon pong may diabetes, sakit sa bato, sakit sa atay… iyan po ng mga ‘yan ang magkakaroon nang masidhing sakit maski sila ay bakunado.
Hindi po porke’t nabakunahan sila ay hahayaan ninyo na silang makihalubilo pa rin sapagkat immunocompromised po or mayroon pong abnormality sa kanilang immune system upang sila ay kailangan pa ring protektahan.
Kaya nga po iyong ating IATF at iyong ating mga rekomendasyon na pinagsasama-sama po ng mga eksperto ay upang pangalagaan iyong mga talagang vulnerable population. Ganoon po tayo, tayong mga eksperto sa public health, sa mga microbiology, infectious disease – ang atin pong mga rekomendasyon na pinagsasama-sama ay hindi po nababase lang sa isang opinyon o sa isang expert opinion. Importante po na nagtutulung-tulong tayo.
Ganiyan din po sa public health, hindi po porke mayroon kayong nakitang isang nagkaroon ng adverse event, sasabihin na po noong mga anti-vaxxer, “Ah, huwag kayong magbakuna kasi mayroon akong nakita na nagkaroon ng adverse event.” Hindi po nangyayari ‘yan sapagkat sa pag-aaral po sa bakuna at dalawandaan at tatlumpung taon na po ang bakuna, pinag-aaralan pong mabuti kung ano ang maaring maging solusyon, kung mayroon po tayong nakitang risk or may nakitang adverse event; iyan po ay dinidiskubre upang mabigyan agad ng lunas.
So hindi po tayo dapat mag-alala na kung mayroon man pong magkaroon ng adverse event kagaya noong anaphylaxis, nagkaroon ng allergy or nagkaroon po ng myocarditis, mild lang naman sa Pfizer ‘di ba or magkaroon ng Guillain-Barre or magkaroon ng tinatawag nating mga neuritis – iyon po ay tinitingnan, ina-anticipate at binibigyan ng gamot. Pero hindi po ibig sabihin noon hindi na tayo magbabakuna.
Sorry, mahaba ang answer ko ha. Pero alam mo sa bakuna, hindi simple ang sagot diyan eh. Mahirap talagang i-simplify sapagkat malaki ang—complex ang bakuna. Napakaraming mga tao akala nila simple lang ang bakuna, hindi po, marami po tayong pinag-aaralan diyan. Over to you, Secretary.
CABSEC NOGRALES: Thank you, Doc. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Thank you, Dr. Lulu Bravo.
Ang second pong question mula kay Ivan Mayrina ng GMA-7: Requesting daw po Palace reaction on Senator Lacson’s statement on drug war. Sabi niya sa DZBB Ikaw Na Ba, kulang o kapos ang anti-illegal drugs ng administration, na-focus masyado sa law enforcement. Sayang daw kasi ang taas ng mandate ng Pangulo, overwhelming popularity, unprecedented, kayang-kayang iparesolba within the rule of law without the PNP having to resort to extrajudicial means. Napakalawak nitong problema at dapat holistic ang approach, ‘di ito makukuha sa Tokhang, ‘di mari-resolve sa EJK.
CABSEC NOGRALES: Unang-una, ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po iyan. Bawal ang any extra-judicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang gumawa ng ganoon ay ipo-prosecute natin at kahit doon sa Department of Justice at sa NBI ay mayroon na pong umuusad ang wheels of justice natin against anybody accused of any EJK killings.
Pangalawa po, wala pong sinayang si Pangulong Duterte dito sa laban against illegal drugs and the facts will speak for themselves. Kung makikita po natin from July 2016 to November of 2021, we have seized more than P74 billion worth of illegal drugs, destroyed them as well as mga laboratory equipment and other equipment and paraphernalia ng illegal drugs; 23,686 barangays all over the country have been cleared from illegal drugs, cleared na po iyan, wala na pong illegal drugs doon sa mga barangay na iyon and the government continues its campaign against illegal drugs doon sa mga un-cleared barangays pa at as often as possible, sa the Talk to the People address ni Pangulo ay pinapa-report niya si Secretary Ed Año ng DILG tungkol sa mga accomplishment ng DILG at ng ating kapulisan against illegal drugs. So, hindi po nasayang iyong pagkakataon at patuloy pa rin po ang ating malawakang campaign against illegal drugs here in the country.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula kay Consuelo Marquez ng GMA News Online: Request daw po ng Malacañang reaction on Vice President Robredo’s statement. She said sa isang interview that there are lapses in government’s pandemic response and adds that the OVP tries to fill-in the gaps?
CABSEC NOGRALES: Siguro ang the best na sagot diyan would be from a third party. Tingnan natin iyong sagot ng WHO, iyong kanilang pinaka-representative dito sa ating bansa, si Dr. Rabindra Abeyasinghe na sinabi niya that the Philippines has done a good job in terms of our response against COVID-19. Sinabi niya na ang bansang Pilipinas ay isang middle income country, hindi tayo iyong tinatawag na first world type of country, middle income po tayo, pero tingnan natin ang mga resulta.
Iyong fatality rate po ng ating bansa ay among the lowest. Comparatively lower than many and most countries out there despite iyong limited capacities natin and despite us being a middle-income country. While other countries have completely shot their borders, tayo po ay nagpapasok ng ating mga Filipino overseas, we welcome them home. Iyong ating vaccination drive po natin is 57,514,283 individuals fully vaccinated. At marami pa po tayong mga tagumpay sa laban against COVID-19. And patuloy ang ating panawagan sa lahat ng gustong tumulong, lahat ng nakakatulong, lahat ng gustong umambag, magtulungan po tayo dahil simula’t sapol dito sa laban against dito sa laban against COVID-19 hindi lamang po ito nakaatang sa balikat ng ating pamahalaan kung hindi ito ay laban ng bawat Pilipino.
So, dapat lahat po tayo magtulungan dito. Private, public, government, non-government, public sector, private sector, NGOs lahat po. Hindi po ito solo-solo, lahat po dapat tayo magtulungan, dahil tayong lahat, mga kababayan, ang kalaban natin dito ay ang COVID-19. At ito iyong panahon kung saan lahat dapat tayo ay doon ang focus natin against COVID-19.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. Ang susunod pong magtatanong ay si Mela Lesmoras ng PTV via Zoom.
MELA LESMORAS/PTV: Good afternoon po, Secretary Nograles, Dr. Bravo at Usec. Rocky. Secretary Nograles follow up lang po sa Talk to the People statement ni Pangulong Duterte partikular na tungkol sa Mindanao na sabi niya nagkakaroon ng resistance sa vaccination. Paano po kaya ito susolusyunan ng pamahalaan lalo na at nagkakaroon ng pagtaas ng cases sa Mindanao? Kailangan na rin kaya ng ‘no vax, no labas’ policy sa Mindanao?
CABSEC NOGRALES: Iyong statement ni Pangulo na sinabi niya kagabi ay nasa konteksto po ng pagbibigay-diin ng halaga ng ating mga local leaders ‘no. Sa ating mga local government units, sa ating mga governors, mayors and even down to the barangay kapitan and barangay officials ‘no na malaki po ang ambag at ang influence ng ating mga local leaders. So, whether it’s Luzon, Visayas or even in Mindanao or even in the BARMM area, it’s really iyong mga leaders natin, mga local leaders natin, government leaders natin who have a big, big role to play sa pagkumbinsi sa kanilang mga constituents, sa ating mga kababayan na magpabakuna.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. And regarding naman po sa ating mga health care workers. I understand parang hindi pa po ito masyadong nadi-discuss sa ating mga briefing. Pero may statement po ba ang Malacañang tungkol naman sa pagri-release ng additional funding para sa special Risk Allowance ng mga health care workers? Paano po kaya ito makakatulong sa ating mga health care workers na talagang sila pa rin iyong ating frontliners sa paglaban sa COVID-19?
CABSEC NOGRALES: Yes, of course si Pangulong Duterte, lagi naman niyang sinasabi kung ano ang dapat nating ibigay sa mga health care workers natin ay dapat nating ibigay. Pero sa pagkakaalam ko po ay ito po ay tinatalakay na at sinasapinal na po ng ating Kongreso. Mayroon na pong mga panukala na ipinasa diyan sa ating Kongreso, sa House of Representatives at maging sa Senado ay ito ay pinag-uusapan. Ang mahalaga lamang nating tandaan is siyempre kailangan po, importante po iyong source of funds, na ma-identify po talaga natin ang source of funding at saan kukunin iyong pondo para diyan.
But in terms of giving iyong, kumbaga iyong allowances na nararapat sa ating mga health care workers ay of course suportado ito ni Pangulong Duterte, dahil nauunawaan at alam niya kung gaano kaimportante siyempre ang ating mga health care workers dito sa laban na ito at dapat po natin silang bigyan ng mga nararapat na mga allowance.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Panghuli na lamang po, Secretary Nograles, tanong lang mula sa aking kasamahan sa PTV na si Daniel Manalastas: May mga medical groups daw po na na patuloy na nananawagan kay Pangulong Duterte na i-veto na iyong Vape Bill. At sabi pa nila, this Vape Bill will actually break the vow you made to Filipino people to fight addiction and what will happen is it will increase addiction to cigarettes and alcohol and illicit drugs. Ano raw po ang masasabi dito ng Malacañang?
CABSEC NOGRALES: Well, as with any bill or measure from Congress, dumadaan po ito sa vetting process. So, hayaan na lang po natin na ma-vet ito ng maigi. And ultimately, after the vetting process ay ibibigay naman ito kay Pangulong Duterte for his final decision.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Maraming salamat po, Secretary Nograles, kay Dr. Bravo at kay Usec. Rocky.
CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela. Back to you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you. Sec. Karlo.
Tanong po mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Mayroon na ba tayong guidelines para sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year at kailan po ito posibleng ilabas?
CABSEC NOGRALES: Mayroon po tayong IATF meeting sa Thursday at ito po ay isa sa pag-usapan namin. May guidelines naman po, nandiyan naman iyong mga guidelines, iyong regular guidelines for alert level.
But siguro kung may mga karagdagang reminders or strategies or even communication na kailangan nating gawin to remind the public ‘no, then maaari itong ipalabas ng IATF or ng ating government communication channels.
But as I know it, some local government units are already going the extra mile and being, kumbaga, through their own initiative, coming up with their own ordinances or resolutions as well para ma-control ang movement, ma-restrict at ma-remind ang ating mga kababayan about what they can, they should and should not do especially sa upcoming na Chinese New Year.
So as I know it, ang Manila City, I believe, has come up with an issuance. And siguro iyong ibang mga siyudad din at local government units ay magkakaroon din ng kanilang mga issuances bilang pagbantay at to ensure na hindi magkaroon ng mga super spreader events sa Chinese New Year.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Cresilyn Catarong: Reaction daw po sa statement ng apat na presidential aspirants regarding sa pagiging bukas ng mga ito sa peace talk sa CPP-NPA-NDF kapag naluklok sa posisyon. Patuloy ba ang paninindigan ng administrasyong Duterte na wakasan ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte? Any comment din sa sinabi ng isang former NPA patungkol sa naturang peace talks. Sabi niya, and I quote, “Their agenda is to establish and grab political power and they can only do that by armed. They are recruiting and creating political support for the NPA. Armas pa rin ang solusyon nila.”
CABSEC NOGRALES: Ang latest issuance ni Pangulong Duterte regarding that matter is Executive Order #70 which also created the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ‘no. So under EO 70, among the lines of effort ng EO 70 is iyong tinatawag na localized peace engagement or LPE ‘no that has two tracks. Iyong first track is community consultations, problem solving sessions; and the second one is local peace dialogues ‘no.
So dito sa first track na ito, kasama dito iyong enrolling of surrenderees under the Retooled Community Support Program or RCSP. At naging matagumpay po tayo diyan dahil marami na pong mga nagsu-surrender sa lahat ng regions. In all regions, under the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict, halos linggu-linggo, buwan-buwan, marami na pong nagsu-surrender at nagbabalik-loob sa ating pamahalaan, sa ating gobyerno.
At sa second track naman, ito iyong local peace dialogue. Ang kausap naman dito ay iyong mga tinatawag na kumander ng mga NPA, and this also leads to enrolment and more surrenderees. So ito po iyong ating mga LPE initiatives or localized peace engagements that have been very effective on the ground.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na tanong niya, Sec. Karlo: Ibinisto ng NTF-ELCAC na ang tunay daw po na layunin ng pagpasa ng Kamara de Representantes sa Human Rights Defenders Bill ay huling baraha na ng CPP-NPA-NDF. Sinabi ni Undersecretary Severo Catura, NTF-ELCAC Spokesperson, na ang naturang panukala, I quote, “Does not defend real human rights defenders but only allows pretenders to advance a context that perpetuates falsehood and deceit.” Dagdag pa nito, I quote, “It is totally against the grain of what human rights principles are being set in place.” Ano po ang position ng Malacañang patungkol sa naturang panukala?
CABSEC NOGRALES: Tandaan po natin na ang pinaka-chair ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict is none other than President Rodrigo Roa Duterte himself. So siya po talaga ang nagtsi-chair niyan at siya iyong very active din po dito sa lahat ng mga gawain ng NTF-ELCAC.
At gaya ng sinabi ko kanina, naging matagumpay po iyong NTF-ELCAC at ang mga Regional Task Force ELCAC sa pagbibigay ng maraming opportunities for many of the former rebels, mga rebelde dati, na magbalik-loob. Naging isa sa mga matagumpay din iyong ECLIP program ‘no ng NTF-ELCAC kung saan kasama rin sa second track natin, ng localized peace engagements. At dahil nga doon, marami na rin pong mga former rebels hindi lamang nagbalik-loob kung hindi nabibigyan po ng mga benepisyo under the ECLIP. Ito iyong sinabi kagabi ni Pangulo na mga libreng pabahay, libreng kabuhayan, libreng hanapbuhay, libreng skills training. At iyan po ay ipagpapatuloy po ni Pangulong Duterte hanggang sa katapusan ng kaniyang termino.
Sana iyong next Pangulo, sinuman iyon, ay kaniya ring ipagpatuloy itong naging matagumpay na accomplishments ng NTF-ELCAC. Marami na po ang nagbalik-loob sa pamahalaan; marami na pong nagbalik-loob sa gobyerno. At marami …lahat ng mga nagbalik-loob ay nabibigyan po ng tamang suporta, tulong, assistance, kabuhayan, libreng pabahay mula kay Pangulong Duterte na siya ang Chair ng ating NTF-ELCAC.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Now that the FDA has approved two self-administered test kits, what are the government’s plans for this, if any? Will it provide these test kits for free to certain members of the public like in other countries? How will the government ensure that these test kits will be accessible to the public?
CABSEC NOGRALES: Well, right now, as report by FDA OIC Gutierrez, there are two that have been approved but hindi lang mananatiling dalawa iyan; may 31 pa po na applications that were sent by FDA to RITM for them to pass the requirements. And then, kung pumasa naman sila sa RITM ay bibigyan na sila ng approval ng FDA.
With that being the case, magkakaroon nang mas maraming choices ang ating mga kababayan which will ensure not just choices but also accessibility ‘no sa ating public and again, as of the moment, that’s one tool ‘no, isang tool lang iyon, iyong testing. At least may mga choices at options na po ang general public, makaka-access na po sila ng kanilang self-administered home kit para additional na iyon sa arsenal natin sa testing while RT-PCR is still there and we will still do responsible testing gamit iyong RT-PCR. Iyong antigen also has its uses at mayroon na pong mga guidelines ang IATF sa tamang paggamit ng antigen which is supposed to be administered or utilized by our healthcare workers.
Itong self-administered antigen kits ay pumasa po because puwede siyang gamitin for home use. So dagdagan na naman po iyan sa mga options ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Does the IATF expect any hesitancy on the part of parents to have five- to eleven-year-old children vaccinated? And how does it plan to convince parents to have their children vaccinated? Tanong na rin po kay Dr. Lulu Bravo.
CABSEC NOGRALES: Yes, maybe I’ll turn it over to Dr. Lulu because she’s the health expert and also a pediatrician at we’re talking here about five- to 11-year-old and their parents. Dr. Lulu, how do you address iyong vaccine hesitancy daw or do we expect vaccine hesitancy among parents of five to eleven years old?
- LULU BRAVO: This is actually a problem or an issue that we have been dealing with since we started the COVID and the history of our vaccine hesitancy goes back more than three years ago with Dengvaxia and all that.
Because in 1990 when Secretary Flavier was the Secretary of Health, our vaccine confidence, ang atin pong trust sa vaccine ay 101%. I can tell you that because when Secretary Flavier was doing all the national immunization days every April, if you remember iyon pong buhay na noon at marami na po kayong natatandaan, ang Pilipinas po ang may pinakamataas na vaccine coverage among childhood immunization.
Wala pong nagtanong man lang sa atin, wala pong lumbas na vaccine hesitancy that time. Nangyari lang po ito noong nagkaroon nga tayo ng vaccine ng Dengue na nagkaroon ng kontrobersiya at nagkaroon po ng ganitong pagkakataon na nagtanungan na bakit ganoon, bakit ganoon.
Pero ang masasabi po natin dahil po tayo ay vaccine trialist for such a long time, 35 years na po akong vaccine trialist, and in fact to tell you honestly kalalabas lang noong aming bagong successful COVID vaccine trial sa Lancet, Secretary Nograles. I’m really proud of that na mayroon na po tayong bakuna na puwedeng magamit sa Pilipinas kung makakakuha ng EUA dahil ginawa na po ito sa Pilipinas at maganda ang efficacy.
Sa mga bata po, ginagawa na rin ang pananaliksik para sa mga batang edad mula limang taon pababa. Hindi pa nga tayo nag-uumpisa doon sa sinasabi nating five to eleven, gumagawa na rin po ng mga pananaliksik sa mga batang between three years and six months to five years.
Ibig sabihin po noon, kaming mga gumagawa ng pananaliksik hindi lamang po dito sa Pilipinas at maganda po ang ating bansa sa mga ekspertong gumagawa ng pananaliksik, [dahil] maganda po ang naging outcome ng ating mga vaccine trials. Kaya po hindi dapat mawala ang tiwala ng mga tao sa vaccination. Kung kayo lang po ay makikinig sa mga tunay na eksperto at hindi po doon sa tinatawag nating mga infodemics or mga naninira at mga nagwawalang-bahala doon sa ating pagbabakuna.
Kasi diyan po talaga makikita kung sino ang dapat paniwalaan sapagkat mahirap po sabihin, “Papaano mo maaalis ang vaccine hesitancy even sa mga bata?” Iyan po ay depende sa makikita nating mga scientific data na naaayon po iyan sa science. Hindi po dapat mga—Ano bang masasabi ko? Sorry ha, pero minsan kasi ginagamit ang pulitika sa bakuna eh hindi po dapat iyan sapagkat ang science po, ang tunay na datos na makikita sa pananaliksik, iyon po ang batayan kung papaano tayo magiging progreso sa ating pagbabakuna.
At iyon po talaga ang aking masasabing basehan kung papaano natin makukumbinsi.
Huwag po tayong maniwala sa mga “quack”, sa mga doktor na nagkukunwaring magaling sila. Nakapagpagawa na ba sila ng tunay na vaccine trial? Nasaan po ang kanilang credibility para sabihin na ang bakuna ay nakakamatay kung hindi naman po sila nag-aral tungkol sa bakuna. Ang dapat pong paniwalaan ay iyon po talagang taun-taon na ang ginugol para sa pag-aaral ng bakuna; gumawa ng mga tunay na vaccine trial; at hindi po naniniwala sa sabi-sabi lang.
Ako po ay naniniwala na darating ang panahon na iyon pong mga nagsasabi ng mga maling impormasyon ay talagang magiging extinct kasi iyan din po ang nakita natin sa ating 230 taon ng pagbabakuna. 1798 nang ang unang bakuna laban sa smallpox ay gamitin at nawala po ang smallpox after 200 years. Iyan po ang history ng bakuna. Ang nawawala po sa mundo ay iyong mga ‘quack’, iyong mga nagpo-promote ng maling akala. Pero iyong tunay po na talagang nagdedepende sa science, sa nakikitang pananaliksik na naaayon sa standard procedure, iyan po ang dapat paniwalaan.
Over to you.
USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Lulu Bravo.
Secretary Karlo, ang sunod pong tanong ni Leila Salaverria: What does the Palace plan to do, if any, about the increasing cyber scam cases in the country? The latest involved Landbank, and the victims are teachers.
CABSEC. NOGRALES: I believe nagsalita na po ang Landbank tungkol sa isyu na iyon at patuloy po iyong ating reminders at panawagan sa ating mga kababayan na huwag po tayong magbukas ng mga suspicious emails or mga links. Huwag po tayong mag-share ng ating mga account numbers at names kahit kanino at kahit mga personal information po natin. So, kinakailangan lang po talagang paulit-ulit na ma-remind ang ating mga kababayan tungkol diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ay mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Magkano kaya ang government budget allocated for the procurement of COVID-19 vaccine for five to eleven years old at ilang doses po kaya ito?
CABSEC. NOGRALES: Iyong plano po natin para sa five to eleven years old, 13.5 million doses po ayon kay Secretary Charlie Galvez at iyan po ay kasama na po sa budget na inilaan for the procurement of mga vaccines.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: May na-appoint na po kaya si President Duterte na new COMELEC commissioner who will be replacing retiring commissioners next week?
CABSEC. NOGRALES: Wala pa pong advice from the Palace, but obviously the President understands the importance of appointing the new COMELEC commissioners immediately after the end of term itong mga present COMELEC commissioners at iyong chair, especially with the upcoming elections. So, alam naman ni Pangulo iyong importance ng immediately appointing. But so far, no word from the President yet as kung sino, so let’s just wait until further announcement.
USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: Napirmahan na po kaya ni President Duterte ang issuance to increase the sickness benefit from ECC from ten thousand to thirty thousand pesos?
CABSEC. NOGRALES: No issuance yet from the Palace.
USEC. IGNACIO: From MJ Blancaflor ng Daily Tribune: The President said in his Talk to the People which aired this morning that he will soon talk about the candidates and maybe what’s wrong with them na dapat daw pong malaman ng tao. How did the President know the supposed issues about the Palace hopefuls and how credible are these infos?
CABSEC. NOGRALES: Well, sinabi naman ni Pangulo kagabi na siyempre as President, he has wide array of sources of information. Bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, siyempre marami po siyang mga sources, vetted intel reports and other various sources at his disposal bilang Pangulo. So, abangan na lang po natin si Pangulo sa mga further pronouncement niya about that.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Why is the President daw po keen on naming a presidential aspirant who is too corrupt when he can just order an investigation to make the said aspirant liable, at papaano po makakasiguro ang taumbayan that the President has the interest of the public in mind and not just to attack aspirants who may have angered him?
CABSEC. NOGRALES: Sinabi rin ni Pangulo kagabi that it is his obligation to the people. But ultimately, alam naman ni Pangulo na bagamat obligasyon niya bilang Pangulo to inform the people, it is the people’s choice.
Kagaya nga ng sinabi ni Pangulo, it’s up to you, nasa sa inyo iyon pero obligasyon niya po bilang Pangulo na sabihin sa taumbayan ang kaniyang mga nalalaman at nasa taumbayan na po iyon kung anong gagawin doon sa information na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. From Cherry Light of SMNI News: Para sa mga OFW o returning overseas Filipinos na tumatakas daw po sa quarantine facility, ano ang naging aksiyon ng pamahalaan dito? Ilan na ba ang naiulat na may ganitong klase ng pagtakas pati na rin sa mga OFW?
CABSEC NOGRALES: Kaya nga po si Pangulong Duterte ay kaniyang iniutos kay DILG Secretary Año to make sure na mayroon po tayong mga PNP personnel na naka-deploy sa lahat ng mga quarantine and isolation facilities natin at kasama at kabilang po diyan iyong facilities that are housing and quarantining iyong mga returning OFs natin ‘no. So dahil nga po diyan ay maiiwasan, number one, ang sinasabi ngang report ‘di umano na mga alegasyon na may mga tumatakas daw – daw kuno ‘no – which is again being investigated also by DOJ, by NBI currently. Pero para to make sure na walang ganoong klaseng pangyayari ay may naka-deploy na po na mga PNP personnel sa ating mga isolation and quarantine facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong ay mula po kay Rose Novenario ng Hataw: Nagpadala po ng liham ang IBC-13 employees union kay Pangulong Duterte dahil sa mga umano’y iregularidad ng mga opisyal ng state-run TV network tulad ng paghahakot ‘di umano ng kabarkada at pinapasahod nang malalaking halaga kahit lugi ang IBC-13. Ano po ang gagawing hakbang ng Palasyo sa tila walang-katapusang problema sa IBC-13 lalo na’t patapos na ang administrasyong Duterte at paano daw po mapapanagot ang mga inirireklamong opisyal kung ang PCOO umano ay wala ring ginagawang hakbang upang masolusyunan ito?
CABSEC NOGRALES: Mayroon naman po ‘no at undergoing—nasa proseso naman po, may proseso ang PCOO ‘no. Under kasi ang IBC-13 sa PCOO so ipaubaya na po natin ‘yan sa proseso ng PCOO which again iyong head ng PCOO is si Secretary Martin Andanar and we have total and utmost confidence ‘no in Secretary Andanar in leading the PCOO and kung anuman ang prosesong idadaan, investigation na dadaan diyan sa PCOO tungkol sa mga issues, concerns, iyong mga accusations na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Rose Novenario doon sa naging tanong ni Mela Lesmoras: Ano daw ang nangyari sa vax info campaign na inilunsad noon ng PIA?
CABSEC NOGRALES: Siguro iyong PIA iyong atin tatanungin diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong, mula kay Ace Romero ng Philippine Star: What is keeping the President from filling in the vacancies in the Supreme Court? When will he make the appointments?
CABSEC NOGRALES: May vetting process po ‘yan ‘no from the shortlist ng JBC. ‘Pag nakarating na po sa Malacañang ‘yan ay may vetting process po iyan then ultimately the President will make the decision. So hintayin na lang po natin ang announcement mula kay Pangulo or mula sa Malacañang Palace.
USEC. IGNACIO: Opo. From Llanesca Panti ng GMA News Online: Can you clarify what the President said about IP and Muslim communities prohibiting COVID-19 vaccination? Sinu-sino itong communities na ito and how is the government addressing this?
CABSEC NOGRALES: Again as I mentioned earlier, I think when the President mentioned that, it was in the context of emphasizing the influence – na malaking impluwensiya ng ating mga local government units and local leaders, government leaders in convincing their respective constituents ‘no. Kasi siyempre kailangan makita natin ‘yan sa konteksto ng kultura, sa konteksto noong… pinaka-local context na naiintindihan at nauunawaan ng ating mga local leaders, mga LGUs, governors, mayors and even down to the barangay kapitan. So sa konteksto ng local issues, concerns, cultures, traditions… malaki po ang influence ng ating mga local leaders in convincing their constituents to get vaccinated.
USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV-5: Ano po ang direktiba ng Malacañang sa sunud-sunod na pagkawala ng ilang individual sa mga sabungan? Some feared that they may have been killed.
CABSEC NOGRALES: Iyong investigations niyan will obviously start first from the police ‘no. So dito iyan sa mga local police and kung kinakailangan ng tulong mula sa NBI at sa DOJ ay agad-agad naman po magsu-support ‘no, willing sumupport ang NBI to aid any investigation and we also have our CIDG can also help the local police as well in investigating itong mga ganitong mga pangyayari.
So we are monitoring the situation through the local police at kung kinakailangan mag-step-in po ng NBI or even si Secretary Ed Año through the CIDG or anuman ang magiging desisyon ni Sec. Ed Año tungkol diyan is abangan na lang po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol pong tanong ni Prince Golez ng Abante at Politiko, follow up question po sa tanong ni MJ Blancaflor: It can be recalled that President Duterte last month said his administration will be neutral during the 2022 elections. So, bakit magsasalita na siya about candidates in the race for president?
CABSEC NOGRALES: Again sabi nga ni Pangulo na may mga nalalaman siya, may mga information siya na I think he believes it’s his responsibility at the very least to share the information to the people ‘no. Kasi siyempre nasa taumbayan sa darating na eleksiyon ang desisyon at in any decision to be made by any person lalung-lalo ng ating mga kababayang Pilipino, it has to be a decision kung saan fully aware ang ating mga kababayan ‘no. Hindi tayo basta-basta puwedeng magdesisyon kung half aware lang tayo or quarter aware. We have to have all of the information in our hands when we make decisions like these.
Kaya sabi ni Pangulo bilang Pangulo ng bansa at may mga nalalaman siya, importante para sa kaniya—in fact ang ginamit niyang salita is ‘obligasyon niya sa taumbayan’ na ilabas itong mga impormasyon na ito, ibigay sa taumbayan at taumbayan na po ang humusga. Knowing what he knows eh kayo na po ang bahala – iyan po ang pinakamensahe ni Pangulong Duterte.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Karlo Nograles. Thank you, Dr. Lulu Bravo. And thank you, Malacañang Press Corps.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky at siyempre kay Dr. Lulu Bravo – thank you so much for being our guest this afternoon.
Mga kababayan, ilang araw nang naoobserbahan ang sunud-sunod na pagbaba sa bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila – bunga ito nang malawak na vaccination coverage ng NCR. And this would not have been possible kung wala po ang pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga mamamayang kusang nagpaturok, ganoon din ang pakikipagkapit-bisig sa national government, sa mga pamahalaang lokal at mga organisasyon sa ating pag-rollout nitong bakunahan.
However, habang kumukonti ang new infections sa Metro Manila, tumataas naman po ang mga bagong kaso sa labas ng NCR. Bagama’t bumababa ang mga kaso sa Metro Manila, nais nating balaan ang buong bansa – hindi ito nangangahulugan na malapit nang matapos ang banta ng COVID-19 Omicron o ano pa mang variant sa Pilipinas. Binibigyan natin ng diin ito dahil marami pa ring mga lugar sa labas ng NCR ang nananatiling mababa pa po ang vaccine coverage. Ibig lamang sabihin, hindi pa po panahon para maging kampante.
Patuloy tayong mag-mask nang tama; palaging maghugas ng kamay; magbukas ng mga bintana para sa bentilasyon; umiwas sa masisikip na lugar at maraming tao; at higit sa lahat, magpabakuna na po at magpa-booster shots na. Tandaan natin, walang ligtas hangga’t hindi lahat ay ligtas. No one is safe until everyone is safe. The sooner we get vaccinated, the sooner we can beat COVID and overcome the challenges brought about by this pandemic.
Mga kababayan, ipagpasalamat po natin sa panalangin ang ating mga tagumpay sa labang ito. Patuloy pa rin po ang ating panawagan, kailangan nating magtulungan.
Maraming salamat po.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center