SEC. ROQUE: [OFF MIC] …press briefing kung saan masasaksihan natin mamaya ang pangalawang pirmahan ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan para bumili po ng AstraZeneca. Makasaysayan po itong mapapanood natin mamaya ‘no.
Pero mamaya po ay makakasama natin si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, para pag-usapan ang donasyon ng pribadong sektor ng mga bakuna sa pamahalaan.
Maririnig din po natin mamaya ang mensahe ng ating Presidente na nagpapasalamat siya sa pribadong sektor sa kanilang tulong dito sa pagbili ng bakuna.
Muling humarap po kagabi ang Presidente sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the Nation Address. Sinabi ng Pangulo na ang mga bakunang manggagaling sa Tsina [unclear] sa mga bakunang mula Amerika at Europa. Tabla lang ang sabi ng ating Presidente. Pagtiyak ng Pangulo, wala pong mababakuna o gagamiting pagbakuna sa ating mga mamamayan na hindi po napatunayang Safe, Sure at Secure; SSS kumbaga – Safe, Sure and Secure. At kung may bulilyaso sa mga napiling bakuna, eh siya na po talaga ang tatanggap ng responsibilidad.
Tama nga naman po ‘no, oras na maaprubahan ng ating Food and Drug Administration ang mga bakuna, tabla-tabla na po sila; equal footing po silang lahat. Pare-pareho silang ligtas at mayroon pong talab.
Dagdag pa ni Presidente, hindi pipilitin ang sinuman para tumanggap ng ibinibigay na libreng bakuna ng gobyerno. Ang mga lokal na pamahalaan na nagdesisyon na magsarili, may pera sila, ayon sa Pangulo, sila ang mamimili ng kanilang bakuna. Ngunit kailangan itong dumaan sa screening ng national government ‘no dahil ito ang nakasaad sa batas. Kaya hindi totoo po na mayroon tayong pinapaburan na bakuna ‘no. Sa katunayan po, wala talagang favoritism. Ang importante po: Lahat ng bakuna na ating gagamitin, napatunayan na ng FDA na ligtas at epektibo. Ang pinag-uusapan lang po, aling bakuna ang makakarating sa lalong mabilis na panahon dito po sa Pilipinas.
Gaya nga po ng aking nasabi na noong mga nauna nating press briefing, nagkataon lang po na dahil mayroon tayong espesyal na relasyon siguro sa Tsina ay napagbigyan tayo at darating ng Pebrero ang Sinovac dito sa Pilipinas.
Bakit ba ho importanteng dumating ang bakuna sa Pebrero at hindi sa Hulyo kung saan una nating inaasahan ang delivery ng mga western vaccines?
Eh ito na nga po ang katotohanan: Nakapasok na sa Pilipinas ang new variant ng COVID-19!
Sabi po ng dalubhasang Dr. Wong – ang prediksyon niya – itong bagong variant ay 56% more infectious than the ordinary COVID-19 strain. So kung ngayon po ay mayroon tayong 2,600 average na kaso ng COVID-19, ang 50% po, ibig sabihin niyan, kalahati ay madadagdag sa figure na iyan ‘no. So two six… aabot po iyan ng mga 4,000 daily cases kung hindi po ako nagkakamali ‘no. Eh kung imu-multiply din po iyan sa isang buwan, napakalaking numero po iyan. Eh samantalang bakit tayo tatanggi sa limang milyon na Sinovac na mga bakuna na pupuwedeng labanan pati po itong mas nakakahawa na bagong virus strain ng COVID-19.
Now, bukod pa po dito, inulat po kagabi ng ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, na nagpirmahan na rin po siya with the Serum Institute of India. Hindi lang po iyong lokal na serum na vaccine galing sa India ang makukuha natin diyan, pati po iyong mga markang AstraZeneca kasi gagawin din po iyan sa India ‘no. At bukod pa po rito ay nakapagpirmahan na rin po siya sa AstraZeneca at siyempre po sa Sinovac. At bukod pa po rito ay nasa final stage of negotiation na siya with Pfizer, Janssen, Moderna at Gamaleya.
Ang mabuting balita po ‘no, bagama’t hindi ko masasabi kung ilang eksakto ay makakatanggap na rin daw tayo ng ilang bakuna galing sa Pfizer as early as February. Pero hindi lang po ako at liberty para sabihin kung ilan. Alam ko po, hindi gaanong karami ang matatanggap natin, pero sa Pebrero ay hindi lang po 50,000 Sinovac ang gagamitin natin, mayroon na rin po tayong ilang Pfizer na magagamit. Patunay lang po iyan na hindi tayo pumapabor kahit anong brand. Kung alin ang makakarating sa Pilipinas sa lalong mabilis na panahon, iyan po ang kukunin natin dahil pinagnanais po ng Presidente masalba po tayo sa pagkakasakit. Kung pupuwedeng maiwasan na magkaroon ng COVID-19 ang mga Pilipino sa lalong mabilis na panahon, bakit naman po hindi.
Sa oposisyon at kritiko, kahapon ay naglabasan na ang mga eksperto ‘kuno’ pero para tirahan po ang administrasyon ‘no. At sinasabi nga nila, may favoritism daw at hindi daw po epektibo itong Sinovac vaccine. Nguni’t ang kanilang pagsasaya ay panandalian lamang. Ano pong katotohanan? Sinabi ko rin po kahapon sa press briefing na sa Turkey, matapos po ang clinical trial doon, nasa 91.25 po ang efficacy rate ng Sinovac. Ganito rin po ang napatunayang efficacy rate ng Sinovac sa Indonesia.
Kahapon, inaprubahan na nga po ng Turkey ang emergency use ng Sinovac sa kanilang bansa, at mismong kanilang health minister ang unang nagpaturok ng Sinovac sa kaniyang bansang Turkey. Sisimulan nila bukas, Biyernes, ang kanilang national vaccination drive gamit ang Sinovac. Limampung milyong doses ang kinuha ng bansang Turkey mula sa Sinovac, at dalawampung milyon dito ay darating sa katapusan ng buwan ng Enero.
Global news din po kahapon ‘no na nagpabakuna na ang Presidente ng Indonesia Joko Widodo, kahapon ‘no – pinuno ng Indonesia na mayroong populasyon na 300 million mahigit-kumulang – gamit po ang Sinovac para simulan ang pinakamalaking COVID-19 vaccination program sa Southeast Asia. Thirty million doses ng Sinovac ang inaasahan ng Indonesia na darating ngayong first quarter at 122.5 million doses ng nasabing Chinese vaccine ay darating sa kanila by January 22.
Ano pong significance na ginagamit na sa Indonesia ang Sinovac? Alam ninyo po sa mga clinical trials, importante na magamit iyong bakuna sa kaparehong ethnicity kasi nga po iyong genetic make-up. Eh ang Pilipino at mga Indonesians po, pareho tayong Malay ‘no. So kung napatunayang 91.25 effective po ang bakuna sa Indonesia na kapuwa Malay natin, baka ganoon din po ang magiging resulta kapag nagbakuna tayo dito sa Pilipinas.
Siyempre po may mga tanong, bakit daw sa Brazil ay 50 point something lang ang efficacy ng [technical problem] at sa mga Asyano itong bakunang Sinovac. Pero mamaya po kasama rin natin si Dr. Salvaña para i-explain kung ano iyong 50% efficacy. Pero sa ngayon po, sapat na sabihin ko na iyong 50%, ang ibig sabihin lang po noon ay iyong tinurukan, mayroong 50% chance na hindi mahahawa ng COVID-19. Pero mayroon ding 78 chance iyong taong iyon na nabakuna na hindi na kinakailangang magpunta ng doktor maski siya’y magkasakit. Ibig sabihin, mild or asymptomatic; at 100% ang hindi siya kinakailangang magpa-hospital kasi mayroon na nga siyang proteksyon sa malalang kaso ng COVID-19.
Now, itinanggi rin noong Martes ng dalawang milyong—binanggit ko rin noong Martes na dalawang milyong Sinovac vaccine ang kinuha ng bansang Thailand. At tulad ng sa Pilipinas, darating ito sa kanila sa susunod na buwan ng Pebrero kaya on track tayo pagdating sa vaccine rollout.
At habang maingay sa Pilipinas ang kumukontra sa Sinovac vaccine, ang Pharmaniaga ng bansang Malaysia ay pumirma ng kasunduan itong Martes lamang sa Sinovac para sa pagbili ng 14 million doses of COVID-19 vaccine na inaasahan na ready for distribution sa Malaysia sa katapusan ng buwan ng Marso. At sa Malaysia mismo, magma-manufacture ang Sinovac.
Samantala, ang Singapore ay pumirma na rin ng advanced purchase agreement with Sinovac. Bagaman sinabi ng Malaysia at Singapore na pag-aaaralan nila nang mabuti ang Sinovac, tulad din ng gagawin ng ating sariling FDA bago ito payagang magamit dito sa Pilipinas.
Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Pero bago po tayo pumunta sa tanong ng mga MPC at saka para doon sa ating panauhin na si Dr. Edsel Salvaña, personal ko pong pinasasalamatan ang lahat po ng ating mga kababayan sa inyong tiwala at suporta na inyong binigay sa akin bilang ‘Most Approved Member of the Cabinet.’ Sa totoo lang po, hindi ko po inaasahan iyan dahil ang oposisyon, siyempre po ako ang tagapagsalita ni Presidente, ako palagi ang binabanatan. So noong nakita ko po iyong survey, hindi nga po ako makapaniwala at narinig ko lang po iyang survey na iyan. Kasi noong last Tuesday, may nagtanong kung ano ang opinion ko doon sa pinakamataas na approval rating daw po si Secretary Duque. Doon ko lang po pinahanap iyang survey na iyan at tiyempo naman po, kagabi ko lang po natanggap iyong official survey results ng Pulse Asia. I am humbled po and at the same time, thankful, dahil ang mga Pilipino ay hindi po naniniwala sa mga naninira sa administrasyon ng ating Presidente.
Now, tinitiyak ko po ang patuloy nating pagbibigay ng tama, napapanahon at maasahang impormasyon tungkol sa Pangulo at ang kaniyang administrasyon. At doon sa mga hindi po matanggap ang aking pananalita, pasensiya na po, diretso po akong magsalita – walang palamuti, walang paliguy-ligoy – I say it as it is. At maraming salamat po sa ating mga kababayan na tinatanggap ako for who I am.
Makakasama po natin ngayon si Dr. Edsel Salvaña, Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng National Institute for Health ng University of the Philippines-Manila at DOH-Technical Advisory Group member. Dr. Salvaña, my schoolmate and kapuwa faculty member sa UP. Doc, pakilinaw nga ba ho, nakakabahala ba itong 50% efficacy rate ng Sinovac sa Brazil at bakit nagkaiba po iyong efficacy rate sa Turkey at saka sa Indonesia ng parehong 91.25. Dr. Salvaña, para mawala po iyong pagdududa ng ating mga kababayan sa paggamit ng Sinovac, please explain, dahil kayo po ay tunay na eksperto at hindi po self-proclaimed expert on vaccines. The floor is yours, Dr. Salvaña.
DR. SALVAÑA: Magandang haponSpokesperson Harry. Magandang hapon sa lahat ng nakikinig at nanunood. Ang importunate po nating intindihin, emergency po tayo ngayon, kaya iyong mga vaccines po natin na clinical trials mabilisan po talaga iyong pagkilos nila. Hindi po minadali – mabilisan, dahil gumagawa po sila ng paraan na gamitin po natin iyong mga alam natin f0r the last 17 years they have been already developing vaccines, for iyong SARS una, tapos iyong sa MERS, tapos ni-repurpose lang po nila iyong mga vaccines na gagamitin para dito sa SARS-COV2 o iyong sa COVID-19.
So, para doon sa emergency use po kasi, ang sinet na minimum efficacy ng WHO na sa tingin nila will be a useful vaccine is 50% po talaga. So any vaccine that prevents 50% of disease, whether it’s mild, moderate or severe, is potentially a useful vaccine. Bakit? Ikumpara po natin sa influenza vaccine, ang ating flu vaccine ay 30 to 70% effective po for preventing clinical disease. Pero 82% po siya effective at preventing you from ending up in the ICU from influenza. So, hindi lang po ibig sabihin na 50%, 30% or 70% na nakaka-prevent ng disease na hindi siya magagamit, dahil isipin ninyo, you will prevent 82% of people na nagkaroon ng trangkaso para malagay sa intensive care units.
So ganoon po iyong nangyayari po dito, na iyong minimum po na 50% is for general disease. So, sabihin natin, iyong COVID may iba na nagkakaroon ng parang ubo, sipon lang; iyong 80% and 20% mayroong mas severe na disease. So, kasama po doon sa 50% na mapi-prevent, iyong mild, moderate at severe. And then noong tiningnan po nila iyong datos nila, lalung-lalo na doon sa Brazil, nakita nila na iyong mga taong nagkaroon, iyong 50%, so 50% hindi nagkaroon, iyong 50% na nagkaroon, mild mostly iyong kanilang disease. At noong kinumpara nila doon sa mga hindi nabakunahan, wala po talagang naospital na with severe disease doon.
So, iyon po talaga iyong importante na tingnan po natin iyong bakuna, hindi lang doon sa general efficacy rate na sinasabi nila, kung hindi iyong propensity to prevent severe disease. Kasi kung ang COVID, parang sipon lang, eh wala talaga tayong problema. Eh kung ginamit mo ang isang bakuna kahit sabihin mong 50% siya na it prevents disease, any disease, mild or severe, pero if it prevents a 100% of your severe disease eh di iyong COVID-19 ginawa na lang natin siyang parang sipon; puwede pa rin siyang makahawa. Pero kung mahawa ka, pero may bakuna ka na, chances are hindi ka talaga magkakaroon ng severe COVID and that is why it’s very, very useful po.
SEC. ROQUE: Okay. Bakit po nagkakaiba iyong efficacy rate ng kaparehong bakuna na gawa ng Sinovac sa Turkey, Indonesia at Brazil? Dahil sa Turkey at sa Indonesia po, 91.25 ang efficacy rate. May kinalaman ba ho talaga iyong genetic make-up ng populasyon? At ano po iyong relevance nga na sa Indonesia na kalapit-bansa natin at kapuwa Malay ang mga tao ay 91.25% ang efficacy rate nila sa clinical trials?
DR. SALVAÑA: Actually, genetics is possible, pero kailangan po talaga natin din tingnan iyong target populations nila. Alam naman natin doon sa Brazil po, again we need to see more data, pero ang indication po ginamit po ito sa frontliners na high risk po talaga. At kung mga doctor iyan, so natural, kapag sinabi mo may ubo ka ba, may sipon ka, alam po nila kung ano iyon. Pero kung mas general population iyong titingnan mo, mas low risk, mas mababa iyong chance na magkaroon ng COVID.
So those kinds of differences can matter po in terms of the effect of the vaccine. Brazil also has the most severe epidemic po na nakikita nila. And also iyong isa pang sinabi nila doon sa Brazil is iyong dosing, kasi dalawang dose po ito, ang nakita nila is iyong one dose, and then after two weeks, another dose, might not be so effective. Pero may isang sub-group po na one dose and then after three weeks and it was 20% more, ibig sabihin 70% effective doon sa ginawa mong first dose and the second dose after three weeks. So kailangan po nating tingnan itong mga differences na ito, kaya nga po mayroon tayong vaccine experts panel na susuri sa mga bagay na ito at hindi po natin gagamitin ang mga bakunang ito until pumasa po sila doon sa ating mga experts na kaya po talagang suyurin iyong data para siguraduhin po natin kung mabuti o makakasama po ang isang bakuna.
SEC. ROQUE: Doc, huling tanong galing sa akin. Kung mabigyan na po ng EUA ang Sinovac, kayo ba ho, bilang isang dalubhasa, bilang isang doctor, ay magpapaturok ng Sinovac?
DR. SALVAÑA: [OFF MIC] … na po dito. So, depe-depende rin po iyan kasi. Lalo na ako doctor po ako or iyong ating mga vulnerable populations, mas mataas po talaga iyong risk namin na mahawa at lalo na magkaroon ng severe disease. So, if it passes muster, kahit anong bakuna man ngayon, Sinovac or Pfizer – ngayon kakalabas lang po na may EUA na – kung ano po iyong unang makarating dito dahil, ang risk ko po ay mataas, tatanggapin ko po iyon. Pero doon sa mga hindi naman ganoon kataas ang risk, puwede po silang maghintay kung gusto nila, kung mati-take po nila. Wala naman po talagang pinipilit. You do have a choice whether you get vaccinated or not.
The most important thing is alam po ninyo iyong risk ninyo na magkaroon ng problema kung hindi po ninyo tanggapin iyong darating. Ako po alam ko nag-aalaga po ako ng COVID patient harap-harapan. So sa akin kung may dumating na bakuna at pumasa po siya sa ating mga dalubhasang vaccine experts panel at bigyan ng ating FDA ng Emergency Use Authorization, wala po akong problemang magpaturok ano pa mang bakuna iyon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Salvaña. I’m sure maraming tanong ang mga kasama natin sa media. Simulan na po natin ang ating open forum, Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque.
Question from Jinky Baticados ng IBC-13: The President said last night po uunahin na mapapabakunahan ang mga kawawa at saka walang kapasidad na bumili ng bakuna. Kasama rin sa uunahin ang mga teachers at mga health workers. Sabi noon ng Pangulo, siya daw po ang unang magpapaturok but last night sinabi niya na magpapahuli sila. If in case may matirang bakuna, iyon daw po ang ipatuturok niya. So hindi na mangyayari na unang magpapaturok ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Hindi pa po iyan sigurado ‘no. Sinabi po niya iyon kagabi dahil ang mensahe niya dapat mauna talaga ang mga dukha, ang mga mahirap na mabigyan ng proteksiyon. And to emphasize that point ang sabi nga niya, “Tayong mga nasa Gabinete, huli na tayo.”
Pero kung talagang kinakailangan na mauna ang Presidente para magkaroon ng kumpiyansa ang taumbayan, hindi ko naman po sinasabing imposibleng mangyari pa rin iyon dahil sinabi nga niya noon na mauuna siyang magpabakuna.
Pero kahapon po ang emphasis lang niya, huwag po kayong mag-alala gagamitin natin ang kaban ng taumbayan, hindi po ibibenta ang mga bakuna para masiguro na ang mga mahihirap, ang mga dukha, ang nakakarami sa ating lipunan ang mauunang mababakunahan.
USEC. IGNACIO: Iyong second question niya: Malacañang reaction daw po sa sinabi ni BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na magiging coinless society na ang Pilipinas sa 2025.
SEC. ROQUE: We welcome this po ‘no, dahil ang isang karanasan natin sa COVID-19 ay kinakailangang maging cashless society na nga po tayo. We welcome the statement of Governor Diokno na by 2023 eh 50% ng ating transactions will already be cashless. Nagsimula na po iyan doon sa aming siyudad ng Baguio, napakadami na pong gumagamit ng cashless transactions at alam naman natin iyong paghawak ng pera, isa po iyan napatunayan ng pamamaraan kung paano kumakalat ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Trish Terada please, CNN Philippines.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, maybe you can just elaborate on this ‘no. Why does the President favor iyong Chinese vaccines over the European and American or the rest of the vaccines?
SEC. ROQUE: Uulitin ko po ‘no, wala tayong favoritism. Nagkataong hindi tayo masuplayan ng Pfizer kasi nabili na nga po lahat ng—iyong mga mayayamang bansa nabili na iyong available stock ng Pfizer. Mayroon po tayong makukuha na kaunti at ngayon nga po, mamayang hapon magpipirmahan para sa 15 million more doses ng AstraZeneca pero hindi po darating iyan hanggang July.
Ang importante kay Presidente sa lalong mabilis na panahon mabigyan na ng proteksiyon ang pinakamaraming mga mamamayan natin.
Eh ngayon po nakakuha tayo ng 5 million na bakuna galing sa Sinovac. Basta maaprubahan po iyan ng FDA tabla po iyan pagdating sa kaligtasan at pagiging epektibo kasama po ng mga brands na galing sa mga western companies.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, by any chance, did you have a on-the-side discussion with the President? Nakausap ninyo po ba siya personally if he will be willing to be vaccinated with Sinovac? Kasi sir ‘di ba ang Pangulo technically magka-classify naman po siya under the priority being a senior citizen. Is the Cabinet keen on convincing the President na mauna bilang sa nabanggit nga rin po na effective siya na communication tool in convincing the public?
SEC. ROQUE: Napakadaming beses na pong sinabi ng Pangulo na willing siyang magpabakuna sa Chinese, sa Russian vaccine at noong mga panahon na nga iyon to prove na point, nais niyang mauna. So I guess yes ang sagot sa inyo, hindi naman po out the question na magpapauna siyang magbabakuna kung talagang kinakailangan na palakasin iyong kumpiyansa ng ating mga taumbayan ‘no. Pero ang mensahe niya kahapon, kaya nga po natin ginagamit ang kaban ng taumbayan, kinakailangan iyong nakakaraming mga mahirap ang mauna na maisalba sa danger na magkasakit ng COVID-19.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: [Off mic] ‘pag nag-aaral kung ano iyong dapat na bakunang tanggapin ng Pangulo. Is the process ongoing? May sumisilip na po ba kung ano iyong perfect or fit for the President?
SEC. ROQUE: Hindi na po dapat pag-aralan iyan dahil dumaan na po iyan sa panel of experts, sa NITAG pati po sa HTAC. ‘Pag naaprubahan po iyan ng FDA, lahat po talaga ng mga bakuna tabla nga po iyan – iyan ang salitang ginamit ng Presidente – tabla iyan pagdating doon sa pagiging ligtas at pagiging epektibo.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: [Off mic] as an advice or maybe a criticism on your remark about po doon sa pamimihikan or pamimili ng bakuna. Let me quote him, he said: “[unclear] has no place in a pandemic situation, instead of building people’s confidence by starting [unclear] higher efficacy vaccine and accomplish its needed purpose to tell them that they can’t be choosy is definitely not a smart information campaign to promote mass inoculation.” How do you respond to this, sir?
SEC. ROQUE: Well gaya ng sinabi ko po, nagpapasalamat ako sa taumbayan dahil sa latest survey ng Pulse Asia, ako daw ang pinaka-pinagtitiwalaan ng ating mga sambayanan. At ako naman po ang style ko, diretso po akong magsalita, walang paliguy-ligoy, walang palamuti.
Talaga pong nag-uunahan ang buong mundo sa mga bakuna so tatanggapin natin ang unang makapasok sa Pilipinas provided napatunayan na ng FDA na this is safe and this is effective.
Pero gaya ng aking sinabi, hindi naman ibig sabihin na palibhasa papasok na ang Sinovac sa Pebrero, titigil na tayo ng effort na makaangkat pa ng ibang bakuna galing sa ibang mga manufacturers ‘no. I’m not at liberty to announce kung ilan po pero mayroon pong kaunting papasok din ng Pfizer pagdating ng Pebrero.
So pagdating po ng Pebrero, hindi lang 50,000 Sinovac ang available, mayroon na rin pong papasok na galing sa Pfizer at hindi rin po imposible na by February baka mayroon na rin tayong maangkat galing po sa Gamaleya ng Russia. So iyong 50,000, iyan po siguradong papasok ng Pebrero pero mas malaki pa po posible ang numero.
Pero doon sa mga nagsasabi na hindi daw ako nagbi-build ng kumpiyansa, naku po kung nanunood kayo ng press briefing natin, maaga pa lamang tayo na po ang nag-feature ng mga iba’t ibang aktor kasama po iyong mga cold storage facilities, iyong mga pag-aaral sa mga bakuna dahil importante nga po maintindihan ng lahat na ano itong mga bakunang ito, ano iyong prosesong pinagdadaanan nila bago maaprubahan ng gobyerno para gamitin ng taumbayan, ibig sabihin po prayoridad po natin na mag-build nga po ng kumpiyansa sa hanay ng ating mga kababayan.
Siguro po nagkakaiba tayo ng mga style. Pero sa akin naman po, habang suportado ng ating mga kababayan, hindi po tayo magbabago – diretsong salita, katunayan lamang, walang palamuti, walang paliguy-ligoy.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, since the discovery of the new variant in a returning Filipino from UAE ‘no, is the government keen on banning travel to and from UAE?
SEC. ROQUE: Well alam ninyo po ‘no, that will be upon the joint recommendation of the DOH and the DFA. And because of this discovery, chances are yes, there will be travel restrictions imposed on the UAE. Antayin na lang po natin ang pormal na desisyon ng ating Presidente which will be forthcoming very soon.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Leila Salaverria of Inquirer: How does Malacañang respond to calls from some senators daw po for the administration to rethink its preference for Sinovac and cancel the deal to purchase this since it has a lower reported efficacy rate and has not even applied for EUA in the country yet?
SEC. ROQUE: Unang-una, hindi po natin gagamitin ang Sinovac kung wala pong EUA so out of the question po iyon. Pangalawa, there’s nothing to rethink po kasi nga ginagawa natin ang lahat ng hakbang para makarating sa lalong mabilis na panahon ang kahit anong bakuna na mapapatunayang ligtas at epektibo ng ating FDA. At ang Sinovac lang po ngayon ang sigurado ‘no; pero iyong kasiguraduhan na gagamitin iyan, nakadepende pa rin po iyan sa FDA kung bibigyan ng approval.
So iyong pagnanais po ng Presidente na magbigay-proteksiyon sa limang milyong kababayan natin dahil mga limang milyon ang maaangkat natin by June sa Sinovac, hindi po maling desisyon iyan – iyan po ay tamang desisyon at in-explain na po iyan ni Dr. Salvaña na even at its worst, at 50% efficacy, ibig sabihin niyon 78% ay magkakasakit pero hindi sila kinakailangang pumunta sa doktor dahil mild at asymptomatic at 100% hindi naman po kinakailangang ma-ospital. Hindi po nagkamali ang gobyerno, ang Presidente sa ganitong desisyon dahil importante po masalba ang buhay ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Is the Palace concerned that many Filipinos might opt out of getting the Sinovac vaccine and will choose to wait for another brand to be available instead?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo, hindi! Sa mga medical frontliners, sa medical frontliners, kagaya po ng sinabi ni Dr. Salvaña, dahil sila ang pinaka-at risk. Basta nandiyan po ang approval ng FDA na iyan ay ligtas at epektibo, hindi po sila nagdadalawang-isip na magpabakuna. Pagdating naman po doon sa next priority natin, mga senior citizen, ganiyan din po iyan. Ang mga senior citizen, ay naku, hindi po sila tumanda na walang pinagkatandaan. Alam po nila na sila ang pinaka-prone dito sa sakit na ito at tiwala po ako na magtitiwala sila na kapag binigyan ng seal of approval ng FDA, iyan po ay ligtas na gamitin sa kanila.
Lilinawin ko lang po, iyong Sinovac naunang nabigyan po iyan ng limited use sa China for senior citizens, so ang unang license po ng Sinovac sa Tsina ay para sa matatanda eh bakit mag-aalinlangan ang mga matatanda, eh sa Tsina nga mismo, iyan lang ang aprubado para sa mga matatanda – noong una! So sa tingin ko po, itong ginagawa natin na pagpapaliwanag, bagama’t hinahaluan ng pulitika po ng mga kritiko ng administrasyon ay maiintindihan naman po ng taumbayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno ‘no. Sinisiguro na ang pinakamaraming Pilipino ay mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19 sa panahon na pumasok na nga po ang new variant na ang kaniyang pagiging nakakahawa ay mas matindi at 56% more.
USEC. IGNACIO: Third question po ni Leila: How can fifth class municipalities be prioritized for the vaccines? Do they have to have a high number of COVID cases and if they don’t, does it mean that they will just have to wait to get vaccines from the national government until all priority areas have been covered?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo ang prayoridad, dalawa po iyan – geographical at sector. Kung ikaw ay fifth class municipality, pero napakataas naman ang attack rate mo mapapasama po kayo sa prayoridad. Pero unfortunately nga po, hindi naman dadating ang 110 million na bakuna at the same time, maski po doon sa COVAX facility na inaasahan nating magkakaroon tayo ng 22 million galing po sa apat na pharmaceuticals, kasama na ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna at Novavax at hindi po iyan darating ng isang bulto. Darating po iyan paunti-unti, mga 100,000 a month. So hindi po lahat talaga mababakunahan at the same time, kaya mayroon tayong order of priority.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta tayo kay Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Nagkaroon po ng pagkakadiskubre sa UK variant dito sa Quezon City sa isang taga-Quezon City. Magtatapos po bukas iyong temporary ban sa pagpasok ng mga maglalakbay mula sa 27 bansa. Hindi po kaya layunin ng pamahalaan na magkaroon ng extension ito until the end of the month?
SEC. ROQUE: Ang desisyon po ng Presidente, noong siya po ay nag-impose ng travel restrictions, it is subject to extension by the IATF. At sabihin na lang po natin, na bukas pa po o mamayang hapon ang meeting ng IATF, mamayang hapon pala ano. Ang number in the agenda is whether or not to extend the travel restrictions. Ang aking payo po doon sa mga nagpaplanong magbiyahe sa bansang covered ng travel restriction, iyong mga dayuhan ay huwag na po ninyong ituloy, dahil iyong naunang travel restrictions na in-impose po ng Presidente ay subject po to extension iyan upon approval of the IATF at number one in the agenda po iyan. So huwag na kayong bumili ng ticket kung manggagaling kayo diyan sa mga lugar na iyan at hindi kayo Filipino at darating kayo on or about the 15th of January.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary, mayroon pong mga kumakalat sa social media na naghahambing ng presyo ng mga bakuna at mayroon din pong balita mula sa Jakarta na nabili ng Indonesia iyong Sinovac worth 200,000 Rupiah or 683 pesos per dose. Ano po kaya ang special price na nakuha natin mula sa Tsina para sa mga bakunang ito?
SEC. ROQUE: I am not at liberty, pero I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi po pinakamahal ang Sinovac. Alam ninyo kasi ang Tsina, hindi po iyan kapitalistang bansa, komunista iyan. So their prices are not driven by market forces, pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price, at I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac, paninira lang po ng oposisyon iyan. In fact, hindi rin po siyang pangalawang pinakamahal na bakuna na aangkatin natin. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po siya out of six brands – so, it is in the mid-range. So, wala pong katuturan iyang mga nginangawa ng mga kritiko na nakapamahal daw ng Sinovac.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mayroon pong briefing kanina tungkol sa edukasyon, iyong PBEd at nagsabi sila na kailangang magkaroon ng innovations. Ano po kaya ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan upang makatugon ang mga kabataan sa pangangailangan ng edukasyon? Would there be specific programs, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, tuluy-tuloy naman po iyong ating blended learning process na pinapatupad ngayon. At kaya nga po minamadali natin itong bakuna para sa lalong mabilis na panahon, eh makabalik na tayo doon sa mga normal na kinilala natin, bago tayo putaktihin nitong COVID-19.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po Secretary. Thank you, have a nice day!
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Ang susunod ay si Usec. Rocky again, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Nabanggit na po ng DOH na nakapasok na nga daw iyong bagong variant ng COVID-19 sa bansa na bitbit ng isang Pilipino. Posible daw kaya na instead na travel restriction ang ipatupad ng pamahalaan ay total ban na po sa 33 na bansa, hindi lang sa mga dayuhan, kung hindi sa mga kapuwa Pilipino para na rin po sa pag-iingat ng lahat?
SEC. ROQUE: Nanindigan na po ang Presidente: Walang Pilipino na pupuwedeng mapigilang umuwi, because that is the right to travel, recognized already in jurisprudence laid down by the Philippines Supreme Court,” karapatang pantao po iyan ng lahat ng Pilipino. Kaya lang gagawa tayo ng hakbang para maprotektahan naman ang ating populasyon laban dito sa bagong strain kasama na po diyan iyong absolute 14-day quarantine.
USEC. IGNACIO: Second question po niya ay pareho ng tanong ni Jinky Baticados ng channel 13. Question form Pia Gutierrez of ABS-CBN: Why was UAE not included in the list of countries with travel restrictions to prevent the entry of the new COVID variant?
SEC. ROQUE: Kasi hindi lang po tayo nagri-rely sa media report, kinakailangan mayroon na po talagang confirmation iyan from international agencies kasama na po diyan iyong WHO.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: What policies will the government impose now that the new COVID variant is already here in the country? Are we looking at new lock downs?
SEC. ROQUE: Unang hakbang po natin, pinaaga po natin ang pagbabakuna. Bago pa po dumating ang mga western brands, although sinabi ko, ang Pfizer may kaunti na rin pong darating ng Pebrero, siniguro natin na at least 5 million vaccines can be used by our people kasi po mas mabilis makahawa itong new variant. So bibigyan natin ng proteksiyon ang pinakamababa, limang milyong mga Pilipino, between now and June at pagdating ng July mas maraming proteksiyon pa po ang mabibigay natin. Ang ating objective 50 to 70 million for the year of 2021. Now, iyong pagdating naman po sa mga quarantine restrictions, nakadepende po iyan principally doon sa two week attack rate at saka doon po sa critical care capacity ng bansa. Pero ngayon po, marami pa pong mga kama na available sa ICU, sa ward beds at sa ating mga isolation facilities.
USEC. IGNACIO: Question ni Pia: Will the IATF extend travel restrictions beyond January 15?
SEC. ROQUE: Pag-uusapan po iyan mamayang hapon, pero ayaw ko pong pangunahan, but with this developments, tingin ko po alam na ninyo ang kasagutan diyan. But let’s just wait for the official decision of the IATF. Mamayang hapon din po iyan and I will break it in the news as soon as it is approved.
JOSEPH MORNG/GMA7: Sir, iyon munang sa community quarantine. Just for the record, ‘no. As of now, are we considering tightening community quarantines and do you think that the new COVID variant that we have found yesterday or couple of days ago will have an effect on the number of cases that we have?
SEC. ROQUE: Hindi pa po magbabago ang ating quarantine classification dahil monthly po na pinagdidesisyunan iyan ng IATF at nakadepende po iyan sa datos ‘no – iyong two week attack rate at saka iyong critical care capacity.
May posibilidad po dahil mas nakakahawa itong new variant, mas madaming magkakasakit. Pero kung hindi naman po sila magpapa-hospital dahil mild lang iyan ay may posibilidad na hindi rin po magbabago ang quarantine classification. Tingnan na lang po natin ang pangyayari, pero sa ngayon po, patuloy po ang panawagan ng ating Presidente: Mask, Hugas at Iwas.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Can I go to the vaccines now, just a very short questions. You mentioned that Sinovac is the third most expensive, ano iyong one and two?
SEC. ROQUE: Antayin na lang po natin ‘no dahil—alam ninyo po, ang problema talaga ni Sec. Galvez at kaya naman hindi nasasagot nang lantaran iyong mga tanong ay may mga confidentiality clause po talaga iyan. At parating na po ngayon si Sec. Galvez dito sa ating pagpupulong ‘no. Kasama po sa mga considered as confidential information iyong halaga at iyong quantity. Iyan po talaga ang limitation ni Secretary Galvez.
Eh ako naman, dahil tayo ay abogado, I can state generalities without violating ‘no – may mga pamamaraan din lang naman iyan. Pero dahil the cost is one of those covered by confidentiality, as of now, I can say, Sinovac will not be the most expensive; it is probably going to be the third most—well, third from the most expensive.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Well, generalities din naman iyong sinabi ninyo, sir, na number three siya so bakit hindi pa iyong one and two?
SEC. ROQUE: Well, I think na-publish na naman iyong mga data ‘no na ang pinaka-expensive at least, alam na natin kung ano iyong pinaka-expensive ‘no. Pero matagal pa rin po ang pagdating ng pinaka-expensive, and I think ang pinaka-expensive—General Galvez, can I say? No, ayaw pa ni General Galvez to say which is the most expensive. So let’s respect that kasi siya iyong pumipirma, baka siya iyong makulong kapag na-violate ang confidentiality agreement.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, you’ve done a very extensive research on the benefits of Sinovac. Do you have the same information as far as the other vaccines are concerned, for example, Pfizer, AstraZeneca, Moderna, that we are also getting?
SEC. ROQUE: Well, in due course, ang plano namin dito sa press briefing, to build confidence. Lahat po iyang mga bakuna na iyan, as soon as they arrive, ay sasabihin po natin sa taumbayan kung anong datos. Kasama po iyan sa aming over-all plan.
Okay, thank you, Joseph. Punta na tayo kay Usec. Rocky.
JOSEPH MORONG/GMA 7: That’s my third question. I’m entitled to four, right?
SEC. ROQUE: Go ahead. Mayroon ka pa ba? Go, Joseph, last question.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, the Chinese Foreign Minister is due to arrive tomorrow, mayroon ba siyang special gift? And with all things being equal—
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ‘no. Sana mayroon, but I leave that to the Department of Foreign Affairs kasi sila po ang counterpart ‘no – Secretary Locsin ang counterpart ng Chinese foreign minister.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, between Pfizer and Sinovac, which would you choose?
SEC. ROQUE: Which is what?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Between Pfizer and Sinovac, all things being equal – may FDA sila, EUA, available sila, costly medyo pareho – which one would you choose for yourself?
SEC. ROQUE: Personally, I go by what Dr. Lulu Bravo said, safe po ang inactivated. Kasi ang inactivated technology, ginagamit natin iyong patay na virus and it has been in use for 260 years. So if I could choose, ay wala naman po talagang preference iyan, I will choose the two Chinese brands because inactivated po sila. Pero iyan po ay personal na desisyon ko lamang. Pero siyempre po, hindi tayo makakapili.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, sir. Thank you for your time.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Alan Nuwal of PNA. Secretary, iyong first question niya, same question with… katulad po ng kay Joseph Morong na tungkol sa Sinovac cost.
For Doc. Salvaña daw po: Can you explain how the various vaccines were produced and work if they differ from one another?
DR. SALVAÑA: Yeah, so actually interesting iyong mga questions nga about the different vaccines. Actually we have that data for the vaccines that are approved.
So ang Moderna is 94% clinical effectiveness and a hundred percent effective in preventing severe disease. Iyong Pfizer is 95% clinically effective but only 89% effective for preventing severe disease.
Now, these numbers can change once you roll it out. But what I’m saying is that we have to take a look at all these numbers ‘di ba. Iyong 100% severe disease prevention, pero mas mataas iyong kaniyang clinical efficacy, is there any kind of value in that. And so that’s why mayroon po talaga tayong vaccine experts panel who will decide on this. And then kagaya rin po ng sinabi ni Spox Harry, what is more appropriate for people, mayroong inactivated vaccine kasi like some of the Chinese ones; mayroon din ibang klase. Iyong Moderna at iyong Pfizer ay mRNA vaccines. In other words, it’s a genetic material ng virus in mRNA pero hindi siya puwedeng pumasok doon sa DNA kasi wala naman tayong enzymes na magpapasok ng RNA to DNA sa atin.
But—and then, last one is that … are also being considered right now ay iyong may tinatawag na live non-replicating vector, ito po ay iyong mga cold viruses, mga adenoviruses na may laman na similar genetic materials to the COVID-19, and these are introduced to cause an antibody response.
So the bottom line is, for instance, kung ako, mayroon akong problem with my immune system na puwede akong … iyong tinatawag na immuno compromised, siguro I would stay away from the live vaccines. Ano ba iyong live vaccines natin? Iyong Astra is live, and also the Gamaleya is live. Iyon nga… so iba-iba po talaga iyong mga epekto niyan and kaya nga kinakailangan po talaga mga eksperto iyong magsuri niyan at ilagay po kanino angkop ito, kanino puwede.
And of course, pinaka-last point dito is ang pinag-uusapan po natin is Emergency Use Authorization which means na bagama’t mayroon tayong preliminary data that these vaccines are very effective, kulang pa po iyong ating safety follow up. Normally, dapat ang safety follow up niyan is one year. Pero two months pa lang, in-allow na ng WHO, in-allow na ng US FDA and other countries na gamitin pero doon sa mga mataas po talaga iyong risk. Pero kasi kung mababa naman iyong risk mo, mas maganda po talaga siguro na maghintay nang konti para mas makita po natin talaga iyong tunay na datos. It’s really for those who are in imminent danger kaya nga po ang tawag sa kaniya ay Emergency Use Authorization at hindi po siya iyong tinatawag na Certificate of Product Registration which is iyong ginagawa po talaga sa regular drugs.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Doc Salvaña. For Secretary Roque, question from Tina Mendez of Philippine Star: Mai-extend po ba iyong travel restrictions sa 33 countries? May report na po ba ang local transmission mula sa unang kaso ng UK variant ng COVID-19 na taga-Kamuning, Quezon City, Sec. Roque?
SEC. ROQUE: Okay, gaya ng sinabi ko po, pag-uusapan po iyan mamaya ng IATF. And I promise to inform everyone kung ano ang magiging desisyon ng IATF as soon as it is agreed upon this afternoon.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla—
SEC. ROQUE: Wala pa pong balita ng local transmission. Pinanood ko po iyong DOH press briefing, at wala pong nasabing local transmission ng bagong variant.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla: Nakita na po kaya ni President Duterte ang recommendation ng NTC regarding telcos? May desisyon na po kaya siya if he will sanction any of the said companies for possible poor service?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po na nakarating na sa kaniya ang report na iyan at tingin ko naman po ay mayroong desisyon na pero dahil nga po special itong ating press briefing, hindi ko na po nahimay-himay iyong naging report ng NTC. Sa Lunes po, pangako ko na hihimay-himayin natin iyan.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May na-sanction na po kaya ang NTC na ISP due to violations sa Anti-Child Pornography Law? If yes, anong companies po ang covered nito at ano po ang naging penalty sa kanila?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko po, sang-ayon po sa cyber law act natin, mayroon po tayong power to take down iyong mga sites na nagpu-promote ng ganiyang mga bagay-bagay ‘no. Kung naalala ninyo po, ako iyong isa sa nag-argue diyan sa kaso laban sa cybercrime act. Ang napanalo lang po natin ay iyong punto na hindi pupuwedeng i-take down na walang court order. So ngayon po, marami na pong na-take down ang ating pamahalaan na mga sites na covered na criminal acts under the cybercrimes law. At I understand, from the experience and accounts of law enforcement agencies, abbreviated po iyong procedure para makakuha ng court order to take down. So epektibo naman po iyong batas at iyong desisyon ng ating Korte Suprema.
USEC. IGNACIO: Opo. Third question po niya: Nakapaglabas na din po kaya si President Duterte ng new issuance regarding sa mechanically deboned meat tariff?
SEC. ROQUE: Wala pa po ‘no. Same status pa rin po – approved in the Cabinet-level TRM.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong naman po ni Rosalie Coz: Follow up lang po doon sa restriction sa UAE, bakit hindi daw po nasama—may possibility na maisama since sinasabi na galing doon iyong isang UK variant na nakapasok sa Pilipinas? Kung sakali pong isasama ang UAE sa travel ban, kakayanin po bang i-accommodate sa mga quarantine [facilities] ang mga uuwing OFWs?
SEC. ROQUE: Well, asked and answered iyon first part. Pagdating po doon sa quarantine facilities, siyempre po paghahandaan natin iyong 14-day quarantine ng mga Pilipino na uuwi from UAE.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Jo Montemayor: Since hindi kasama nga po ang minors sa mababakunahan, ang ibig bang sabihin ay matatagalan bago mag-face-to-face classes?
SEC. ROQUE: Well, kung mawawala naman po iyong transmission sa adult population, eh that will also reduce the risk para makuha ng mga kabataan ang sakit na iyan. Pero I’m not in a position to actually give a definitive answer diyan dahil depende po iyan sa mga darating pang datos dahil magsisimula pa lang tayo ng ating vaccination program.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, last question na lang po mula kay Celerina Monte: May panawagan daw po iyong mga ilang foreign businessmen, especially those coming from countries with travel restrictions, na i-allow sila and their staff to go back here in the Philippines after they spent their holiday vacation abroad – example, Japanese. Will their call be granted?
SEC. ROQUE: Nasa IATF po iyan kung palalawakin pa iyong scope ng travel restrictions ‘no. So I cannot answer that now but I commiserate with them ‘no.
Okay. Since that is our last question now, kanina sinabi ko po narito tayo sa RFM Corporation para po sa tinatawag na ‘A Dose of Hope’ initiative kung saan ang pribadong sektor, ang lokal na pamahalaan at ang ating National Task Force on COVID-19 na pinangungunahan ni Secretary Galvez ay nagkapit-bisig para makabili ng 15 million more doses of AstraZeneca. Panoorin po muna natin ang isang video tungkol dito sa ‘A Dose of Hope’ project.
[VIDEO PRESENTATION]
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)