SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Simulan naman natin sa ilang mga good news. Inaasahang mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ng ating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ang memorandum order kung saan more than 15% limit on advance payment para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 ay papayagan na. Dahil po dito sa MO na ito ay makakabayad na po ng advance payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna.
Inaasahan din pong mapipirmahan ang certification of urgency ng mga nakabinbin na indemnification bill. Ang kopya ng mga nasabing dokumento ay aming ipu-provide sa mga miyembro ng MPC kapag mayroon na po kaming kopya.
Pero linawin po muna natin: Ano ba itong indemnification bill na ito? Unang-una, ano ang katotohanan – wala pa pong mga commercial use authorization ang kahit anong bakuna. Ibig sabihin, nasa Emergency Use Authorization lang po tayo. At dahil nasa Emergency Use Authorization, hindi pa talaga tayo sigurado kung ano ang magiging side effects ng mga bakuna kaya kinakailangan magkaroon ng no-fault indemnification. How does it work? Magkakaroon po tayo ng pondo, at ang suggestion at inaprubahan na ni Secretary Dominguez ay 500 million. At itong 500 million, diyan natin kukunin po lahat ng danyos na hihingiin ng mga tao na diumano ay nagkaroon ng side effect dahil po sa mga bakuna.
Bakit po ‘no-fault’ ang tawag diyan? No-fault po kasi sa ating batas, bago ka makakuha ng danyos, kinakailangan mayroong fault or negligence, pagkakamali or pagpapabaya. Pero hindi na po kinakailangan pruwebahan ang kapabayaan or ang pagkakamali; basta mayroon kang pinakitang side effect, bayad kaagad. Sa ganitong paraan ay magagamit po natin ang mga bakuna na alam natin sa ngayon po ay ligtas at epektibo.
Eh bakit naman tayo mag-aantay hanggang magkakaroon ng commercial use authorization eh nandiyan na nga po iyong mga bagong variant na mas nakakahawa at mas nakakamatay. So ang ibig sabihin nito, gamitin na natin ang mga bakunang ito maski EUA pa lamang dahil sila po ay epektibo naman na dahilan para maiwasan o hindi magkasakit ang ating mga kababayan. At kung mayroon side effect, may pondo naman po tayong pagkukunan para bigyan ng danyos ang mga taong posibleng magkaroon ng side effect na hindi na kinakailangan pumunta pa sa korte.
So inaasahan po natin na kapag nalagdaan na itong indemnity agreement ay magkakaroon po ng kumpiyansa ang taumbayan kasi kapag sila ay nadanyos, hindi na sila maghihirap sa pagkaso-kaso. Alam naman natin, napakatagal ng mga kaso-kaso sa Pilipinas ‘no. Bayad agad kung mayroon talaga silang mga side effects. At siyempre po, sa mga vaccine manufacturers naman, kampante rin sila na naiintindihan ng lahat na EUA pa lamang ang hawak nila at hindi dapat sila maidemanda kung mayroong mga side effects na biglang lumabas. I hope that is clear po ‘no.
Now, naglabas po ng statement din ang COVAX, ito po iyong facility na sinisigurado na lahat ng bansa, mayaman o mahirap, ay magkakaroon ng bakuna. Ano po itong statement na nilabas nila itong Martes lamang, 16 ng Pebrero? Well, dito po nilatag ang criteria o mga kinakailangan para ma-deliver po ang allocation ng mga bakuna. Alam na po natin na naantala nga po iyong pagdadating ng naunang Pfizer pero dito po sa impormasyon na ito ay lumalabas, talaga naman pong naantala ang buong COVAX Facility ‘no, hindi lang po iyong mga deliveries na inaasahan natin dito sa ating bayan na Pilipinas.
Una, kinakailangan magbigay ang lahat ng facility participants ng national regulatory authorization para sa mga bakuna – check na po tayo diyan dahil mayroon na tayong EUA para sa Pfizer at saka sa AstraZeneca.
Pangalawa, lahat ng facility participants ay kinakailangang pumirma ng indemnity agreement sa mga manufacturers – check na rin po tayo diyan dahil naisumite na po ni Secretary Galvez iyong ating indemnity agreement na hindi nga natin pananagutin ang mga kumpaniya at ngayon po ay mayroon pa nga tayong certification of urgency na batas na po ang nagsasabi na iyong mga mayroong side effects ay kukunin na ang kanilang danyos doon sa pondo na ibinigay ng ating bayan.
Pangatlo, kailangan ng advance market commitment or AMC eligible economies na magsumite ng national deployment and vaccination plans sa COVID-19 partners platform na ni-review at validate ng COVAX – check na rin po tayo riyan dahil matagal na po nating naisumite iyong ating vaccine rollout plan. At dahil dito naman po ay binigyan nga po tayo ng mahigit pang five million na AstraZeneca at 115,000 na Pfizer.
Now, babasahin ko lang po kung ano iyong nakasulat dito sa COVAX interim distribution forecast para po doon sa ating AstraZeneca: Delivery is estimated to begin as of late February.
Now, para naman po sa Pfizer na naantala rin, ang nakasulat po dito ay ito po ‘no, nakasulat dito is—well, ang sabi nga po dito na baka nga po magkaroon ng pagkaantala pag-deliver ng Pfizer dahil nga po doon sa requirement na sub-zero transportation at logistics ng Pfizer. So nagbigay naman po sila ng abiso na talagang baka ma-delay po.
Pero gaya ng ating timetable pa rin, inaasahan pa rin po natin na within the month of July at least darating itong COVAX Facility na ito.
Now, pangalawang bagay po na nais kong i-emphasize ‘no, bagama’t sinabi ko po na talagang parating na rin ang Sinovac. Ang Sinovac naman po na donated ng Tsina ay nais muna nilang antayin iyong EUA bago iparating sa ating bansa iyong kanilang donated na Sinovac. So kapag hindi po lumabas ang EUA eh baka po maantala rin ang pagdating ng 600,000 na Sinovac pero mas mabuti na po talaga na nandiyan na iyong EUA para sigurado na pagdating ay gamit kaagad. At malaman na rin natin ‘no, kung hindi talaga pumasa naman sa EUA ng ating FDA ay malaman na rin natin para alam natin kung magagamit o hindi.
Okay, matapos po ang ating usaping bakuna at kasama po natin ngayon siyempre walang iba kung hindi si Vaccine Czar Carlito Galvez para magbigay ng karagdagan pang mga mabuting balita. Pangako ko po, nagkaroon po kami ng pre-press briefing conference at marami pa pong mabuting balita ang ating Vaccine Czar Carlito Galvez. Sandali lang po ‘no, tapusin muna natin itong ating mga presentasyon.
Pumunta muna tayo naman po sa usaping Visiting Forces Agreement. Alam ninyo po, nasabi ko na kahapon, unang-una, hindi po lahat ng tratado ay kapareho ng kasunduan na pinapasok natin sa mga iba’t ibang bansa. Tanging tratado lang po ang kinakailangan magkaroon ng Senate concurrence.
Ano ba ho ang tratado na kinakailangan bigyan ng concurrence ng Senado? Ito po iyong sang-ayon sa kaso ng Eastern Trading at iyong Intellectual Property Association of the Philippines ay ang mga tratado kung saan bumubuo po ng panibagong national policy. Iyong mga hindi naman bumubuo ng bagong national policy ay hindi na po kinakailangan ng concurrence ng Senado.
Pangalawa, ano ba ho talaga ang Visiting Forces Agreement; ito ba ay tratado o ito ba ay kasunduan? Noong kaso po kasi ng Bayan Muna vs. Zamora, ang sabi ng korte, huwag na nating pag-usapan kung ito ay tratado na binigyan ng concurrence ng US Senate kasi sapat na nang sinabi ni then Ambassador Hubbard na ito ay isang kasunduan na igagalang ng Amerika. So hindi siya nag-rule ‘no kung kinakailangan nga ba ng Senate concurrence iyong VFA sa panig ng mga Amerikano.
Pero doon sa pangalawang kaso na ako mismo ang tumayong abogado para kay dating Senate Presidente Jovito Salonga, ang sabi na ng Korte Suprema, ang VFA ay hindi tratado; ito ay isang implementing agreement at ang tunay na tratado diyan ay iyong Mutual Defense Treaty na binigyan ng concurrence ng kaparehong Philippine at saka US Senate.
Now, iyong kontrobersiya na nilabas po ni Senator Lacson ay kung tama ba iyong sinabi ni Presidente na tanging Presidente lamang ang arkitekto ng foreign policy. Well, malinaw na malinaw po gaya ng sinag ng araw na talagang Presidente lang po ang arkitekto ng foreign policy. Mayroon bang katungkulan kahit ano ang Senado pagdating naman dito sa foreign relations? Mayroon po pero limitado po ito sa pagpasok sa mga tratado. Ang pagpasok po sa tratado ay hindi po iyan kabuuan ng foreign policy. Ang mga tratado po ay instrumento lamang ng foreign policy at limitadong-limitado ang papel ng mga policymakers dahil limitado po iyan doon sa probisyon ng ating Saligang Batas na bago maging epektibo ang isang tratado sa ating bansa bilang isang batas, kinakailangan magbigay ng concurrence ang US Senate.
Ang tanong, eh dahil matagal na nagsabi si Presidente na nais na niya na tumiwalag sa VFA: Kinakailangan din bang magbigay ng concurrence ang Senado? Well, ako po ay nanindigan, bago po ako bumalik for the second time around bilang spox, na hindi po kailangan. Panoorin po natin iyong aking testimonya sa Senado noong nakalipas na taon 2020.
[VTR]
SEC. ROQUE: Okay. Sana po ay naging malinaw iyong aking eksplenasyon noong mga panahon na iyon sa Senado.
Samantala, pag-usapan naman natin iyong tinatawag na minimum access volume dahil ibinalita na po ng DA na naghihintay na ng lagda ng Presidente iyong mas mataas na minimum access volume kung saan mag-aangkat po tayo ng mga baboy galing po sa abroad.
Ang minimum access volume po ay tumutukoy doon sa dami or quantity ng isang produkto na agrikultural para ma-import po sa mas mababang taripa. Ito po ay kabahagi ng ating commitment doon sa tinatawag na World Trade Organization.
Ano ba ho itong World Trade Organization? Well, ito po ay isang kasunduan para nga po ma-facilitate iyong pangangalakal sa parte ng iba’t-ibang mga bansa. Ang general rule po sa WTO, dapat hindi na maging hadlang ang mga taripa at saka iyong mga non-tariff barriers sa kalakalan dahil ang assumption po nila, mas maraming kalakal mas magiging benepisyo sa mga ekonomiya ng iba’t-ibang bansa.
Pero po, sa WTO, mayroon po silang exception na kinikilala at ito po iyong mga produktong agrikultural dahil alam nila po sensitibo po ito dahil karamihan ng mga bansa ay nakasalalay pa rin sa agrikultura para sa kanilang ekonomiya. Kaya nga po binibigyan tayo ng pagkakataon na limitahan ang pagpasok ng mga imported na mga agricultural products para mabigyan ng proteksiyon ang ating mga agricultural workers dito sa Pilipinas.
Iyong MAV na tinatawag, ito po ay exception to exception kung saan bagamat nililimita natin ang pagpasok ng mga imported agricultural products kagaya ng baboy eh pupuwede naman nating taasan iyong mga papapasukin nating mga baboy na mayroong mas mababang taripa kapag nangangailangan talaga tayo ng supply. At iyan nga po ang nangyayari ngayon dahil nga po sinalanta ng ASF ang ating mga alagang baboy lalung-lalo na dito sa Luzon eh, kinakailangan nating mag-angkat para po mapababa ang presyo ng mga baboy.
Noong nakalipas na taon po, mayroon po tayong 54,000 metric tons na MAV. Well, ngayon po naghihintay sa lagda ng Presidente ang MAV na mas marami po, kung hindi po ako nagkakamali it is around 400,000 metric tons.
Pumunta naman tayo sa COVID update natin. Unang-una po, ito ang ating world rankings by country sang-ayon po sa World Health Organization at Johns Hopkins as of February 18, 2021.
Ang mga total cases po natin, number 31 po tayo sa buong mundo. Sa active cases natin, number 41 po tayo sa ating mundo. Ito po, mas mabuting balita: Sa cases per one million population, bumaba po ang ating ranking, tayo po ngayon ay nasa number 135, dati po kung hindi ako nagkakamali ay 133 at 134; at sa ating case fatality rate na 2.1 bumaba rin po tayo. Dati po 66, ngayon po ay number 67 na tayo sa buong mundo.
Mayroon po tayong 29,814 na mga aktibong kaso ayon sa February 17, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 94% ay mild at asymptomatic; parehas na nasa 2.6 ang kritikal at 2.6 ang severe. Higit kalahating milyon or 512,033 ang kabuuang bilang ng mga gumaling 0r 92.5% recovery rate. Samantala, malungkot nating ibinabalita na nasa 11,577 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami. Nasa 2.09% nga po ang ating fatality rate.
Sa ibang mga bagay. Naku po! Iko-correct ko lang po si dating Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kaniyang artikulo ngayon pong araw sa Philippine Daily Inquirer. Ang sabi po niya ay 100% daw po ng mga bakunang inangkat ng mga pribadong kumpanya ay ido-donate sa gobyerno. Hindi po totoo ito. Ang mga pribadong sektor na pumasok po sa tripartite agreement, 50% po ang ido-donate nila sa gobyerno, 50% ay gagamitin nila sa kanilang mga empleyado. Kinakailangan lang pong ituwid ito dahil baka naman ibig sabihin eh masyado naman nating ginagamit ang ating mga pribadong kumpanya na hindi naman po totoo. Para sa kaalaman lang po ng lahat.
Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon pero bago po tayo pumunta sa ating open forum, mayroon po tayong dalawang panauhin. Unahin na po natin ngayon si Secretary Charlie Galvez dahil iuugnay po muna natin ito doon sa usaping bakuna na nai-report ko na rin kanina ‘no. Secretary Charlie Galvez, NTF chief implementer and vaccine czar, sir, sabi ni Presidente dalawang beses isang linggo tayo magkasama. Magkasama tayo sa Davao, magkasama tayo ngayon, naka-dalawang beses na tayo itong linggong ito. Sir, ano pong mga mas mabuti pang balita natin tungkol sa bakuna? The floor is yours, sir.
SEC. GALVEZ: Opo. Maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating mga nanunood sa ngayon. I will just share few slides.
Sa ngalan po ng National Task Force Against COVID-19, isang magandang araw po sa ating lahat. At ngayon po ay may mga magandang balita po tayo na ipapamahagi sa ating mga mamamayan.
Unang-una po, iyong magandang balita po ay pinirmahan na po ng ating mahal na Pangulo ang pagsertipika ng panukalang batas as urgent. Nag-usap po kami kanina, kasama po si Senator Bong Go at magandang balita po na talagang napirmahan na po niya iyong mga Senate bill na nakikita natin na makakatulong po sa atin.
Nais din naming magpasalamat sa mga miyembro ng Senado at sa Mababang Kapulungan na napakalaking suporta na kanilang ibinigay sa ating National Vaccine Program. Nandoon po kami kahapon, nagkaroon po ng interpellation at kami po ang sumusuporta po kay Senator Angara at nagpapasalamat po kami na napakaganda po ng mga rekomendasyon para sa mga amendments na ano po na bill.
Sa kasalukuyan binabalangkas ng Senate Bill 2057 at House Bill 8648 na naglalayong mapadali ang pag-angkat ng ating mga lokal na pamahalaan sa mga bakuna para sa kanilang mga nasasakupan. Sa ilalim ng panukalang batas na ito, magkakaroon ng kapangyarihan ang ating mga lokal na pamahalaan para mag-angkat ng bakuna with the tripartite agreement or multilateral agreement that we will be having.
Nakapaloob din sa panukalang batas ang probisyon tungkol sa indemnity fund na mananagot kung sakaling magkaroon ng adverse effect sa bakuna. Ito po ay nagbibigay ng tinatawag nating kumpiyansa sa ating mga manufacturers na iyong tinatawag nating mga indemnity ay sasakupin po ating pamahalaan.
At inaprubahan na rin po iyong hinihintay na memorandum order for the LGU to procure and make advance payment, ito po napakaganda pong balita po ito at naibalita na po sa amin ni ES na puwede na po nating ipahayag na baka po ngayong hapon kapag dumating po signed memorandum ay ipapalabas na po ng ating mahal na Executive Secretary Medialdea ang atin pong memorandum order. At ito po ay napakagandang balita lalung-lalo na ngayon po ay malapit na po iyong advance payment natin sa AstraZeneca.
Nais ko din pong ipaalam sa mga kababayan na on track po tayo sa pagpapatupad ng ating National Vaccine Roadmap na naglalayong bakunahan ang ating target na 70 million na Pilipino at magkaroon tayo ng herd immunity.
Ito po ang ating 2021 vaccine roll-out plan. Para po sa first quarter, dahil nakita po natin na limitado at nakita natin na sinasabi nga ng UN na limang bansa lamang ang nagbabakuna ng more than 75%. Kaya po nakita po natin sa ating first quarter, normally ang talagang inaasahan po natin dito ay ang COVAX initial allocation na more or less 3 to 5 million at saka iyong delivery po ng Sinovac – for just in case magkaroon po ng EUA – na more or less iyong 600,000 plus iyong 1 million this coming March. Kaya po ang ating ipaprayoridad po dito ay iyong preservation ng ating health care system at saka iyong protection ng vulnerable sector at saka mga government frontliners.
Sa second quarter naman po ang priority natin ay proteksyunan natin ang mga institusyon at saka iyong mga poor communities at saka iyong mga economic frontliners. Inaasahan po natin na makakatanggap po tayo ng mga more or less 9.29 million does from COVAX. And also mayroon tayong mga delivery na more or less mayroon tayong delivery sa Novavax at sa ibang mga vaccine na more or less 10 to 15 million.
Ang talaga pong massive roll out po natin, Sir Harry, ay doon po sa third quarter, dito po darating po more or less mga 30 to 50 million doses na galing po sa AstraZeneca, Novavax, J&J and kung magkaroon po tayo sa Pfizer and also iyong other… iyong Sinovac at other vaccines na puwede pong pumasok kapag nagkaroon na po sila ng EUA.
So inaasahan po natin na iyong 30 to 50 million ay darating po this third quarter saka fourth quarter. Binibigyang diin po natin na we are on track, ayon sa ating timeline. At sabi nga po ng ating mahal na Pangulo na talagang sa National Vaccination Program na ito ay lahat po ay babakunahan, wala pong maiwan, wala pong iwanan. Maraming salamat po. Back to you, Sir Harry!
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Charlie Galvez. Kasama din po natin si Department of Education Secretary Liling Briones. Dahil inaasahan po natin na pag-uusapan muli po sa Cabinet meeting sa Lunes ang pilot, limited face to face schooling ng ating mga kabataan.
Siguro alamin natin, Ma’am Liling ano ba ho ang standing ng Pilipinas relative to the whole world, ilan na ba ho talaga ang mga nagpi-face to face at talaga bang nahuhuli na tayo sa ating pagbabalik eskuwelahan. The floor is your, Secretary Liling Briones.
Of course, naiintindihan ko po, you don’t to preempt the discussion on this matter on Monday but just to give us an idea po kung nasaan na ang Pilipinas comparing us with the rest of the world. Ma’am Briones the floor is yours.
SEC. BRIONES: Yes. Good morning, Spox. Good morning fellow Cabinet member, Charlie Galvez. And good morning to the members of the Malacañang Press Corps. Salamat na binigyan ninyo kami ng pagkakataon na ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa edukasyon.
Ang tanong ni Spox ay ano na ang estado ng Pilipinas relative to the rest of the world. Ang sabi ng UNICEF sa atin na nag-meeting kami this week, tayo na lang ang naiiwan sa, halimbawa sa Asia, sa South East Asia na hindi pa bumalik sa face to face.
Pero itong face to face, iba’t ibang mga bansa, contextualized, mayroong iba isang oras sa isang linggo, mayroong iba naman dalawang araw, depende kung ano ang sitwasyon. Pero tayo na lang na talagang hindi pa natin pinapayagan ang face to face dahil nga ang nangyari ay paglabas ng UK variant, siyempre nag-worry ang Presidente na baka may epekto ito sa ating mga eskuwelahan.
Ngayon, noong December 14, Spox, nagprisenta kami ng plano na kung mayroon tayong mga agam-agam mabuti siguro na i-pilot muna natin, dahil sa buong mundo naman, nakikita natin na karamihan ng mga bansa talagang nagbubukas na sila ng mga schools nila limited or in whatever form, hindi naman na pure talaga na face to face depende sa sitwasyon.
So, noong December 14 nag-present kami ng ideya na bakit hindi natin i-pilot. Ang ginawa namin nag-survey kami sa lahat ng rehiyon, tiningnan namin kung aling mga rehiyon, ilang mga eskuwelahan ang puwedeng gawan ng ating pilot study. Ang lumabas sa pilot study natin ay aabot ng more than 1,000 schools our of 61,000 na puwedeng subukan natin ang face to face, but contextualized, hindi iyong mayroon tayong one size fits all, dahil iba’t iba ang kundisyon.
So, iyong proposal natin, in-approve naman ng Presidente at saka sinuporta din ng Cabinet in the December 14 meeting. Pero ang nangyari on December 26, ang pag-iisip at paningin ng Presidente ay nag-agam-agam siya dahil nga sa pag-emerge ng UK variant. So sabi niya i-defer muna natin; dinefer naman namin. But in the meantime, Spox, naghahanda kami sa baka dadating ang panahon na i-lift na ni President ang deferment ng pilot studies natin na ito.
So as of now, sabi namin i-tighten pero ang conditions are very, very stringent. Una, kailangan pumayag ang local governments na maggawa ng face to face sa kanilang teritoryo, dahil teritoryo nila iyon at saka malaki ang investment ng mga local governments sa ating eskuwelahan. So kailangan may consent and that automatically at that time, Spox, eliminated NCR, kasi ang classification ng NCR hindi naman sila MGCQ, so hindi namin sila mapasama, kasi sabi namin sundin lahat ng mga precautions ng Department of Health; so, one, consent ng local government.
Pangalawa, kailangan may written consent ng parents. Kasi nag-survey kami Spox ng over a million participants, kinomplete [completed] namin iyang survey yesterday, may mga parents na hindi pa rin nila lubos ma-gets o makita kung ano ang puwedeng advantage kung magkaroon tayo ng face to face. So, iyon ang ginawa namin na hindi namin isinama ang NCR sa listahan ng 1,000 schools. Eh nagbago na ang panahon, dahil ang IATF medyo ano na ang paningin sa mga NCR local governments.
So kailangan na consent ng parents dahil kung minsan nakikita natin na kung may mangyayari baka sisihin ang DepEd o kung sino ang sisisihin, so kailangang papayag ang parents.
Ang pangatlong kundisyon na sinabi namin, iyong facilities naming. Hindi naman lahat ng facilities ng Department of Education ay perpekto para sa pilot study. So ang sabi namin, iyong mga schools na physically malapit sila sa isang health facility, may tubig, may supply ng gamot, etc., iyon ang papayagan namin na mag-pilot face-to-face. Pero iyan depende talaga, ang pinaka-bottom line namin is the assessment of the IATF and the Department of Health.
Pang-apat na kundisyon na sinabi namin, alam namin sa pag-aaral, we have been tracking since last year – hindi lamang sa survey but iyon talagang studies na ginagawa sa iba’t ibang bansa, sa mga journals, medical journals – kung ano ba talaga ang epekto ng COVID-19 sa mga bata. Saan sila nakakapulot ng germ na iyan, ng virus na iyan? At nakikita namin na ang isang posibilidad ay transportation. So sabi rin namin na iyong lahat ng services relative to education like transportation, like canteens, iyong food, etc., kailangan ma-secure natin na malinis. Baka hindi sila makakuha ng germ sa school o sa home nila pero kung sa transport naman sila makapulot ng mga germs, ganoon din, kalat din ang mangyayari.
So apat iyong kundisyon namin na ini-impose. In the light of the deferment, sabi namin mukhang nagbabago na ang panahon. Nakikita na natin nakayanan natin iyong UK variant at saka iyong ibang variant, at gumaganda iyong ating mga numero sa pag-handle ng COVID. At saka kitang-kita sa mga pag-aaral na not necessarily ang mga bata ang source ng infection, like in families. Pinag-aralan namin iyong iilang mga bata na natatamaan ng COVID ay mukhang hindi galing sa school, kasi wala namang school!
So naisip namin, without preempting the President dahil kaniyang desisyon ito, i-update namin siya kung ano na ang sitwasyon ngayon dahil, one, nandiyan na si NCR, kailangang tanungin ang NCR; pangalawa, nakita na natin na medyo nakayanan natin iyong mga iba’t ibang variants; pangatlo, ito ang pinakamahalaga, lumalabas na ngayon, maraming pag-aaral kasi sabi natin masama sa bata na pupunta sa eskuwelahan, Spox, pero maraming mga pag-aaral na may mga psychosocial impacts iyong katagalan pananatili ng bata sa bahay at saka may risks din involved. Naglalabasan na iyong mga pag-aaral ngayon, so gusto rin natin na maibsan iyon.
Sa paningin ko, this is personal on my part, pero medyo na-confirm sa aming survey – more than a million participants – na ang pinakamalakas, matindi na supporter ng face-to-face, Spox at saka Sec. Galvez, ay ang mga learners themselves, kasi ang tinanong namin ang mga bata, ang mga parents at saka teachers. So nakita namin na sa mga batang nag-participate, more than 50% gustung-gusto nila ang face-to-face dahil sila ang magbi-benefit nito. Sila ang magmi-miss ng teacher, miss nila ang classmate nila, miss nila ang school. At ako, nakakatanggap ako ng feedback ng mga bata na gusto nila talagang teacher ang magturo sa kanila; gusto nila talaga iyong atmosphere ng school. So iyon ang gagawin namin, Spox, i-update namin ang Presidente. Bigyan namin siya ng at least four policy choices dahil kaniyang desisyon ito na magiging basehan ng kaniyang desisyon sa meeting ng Gabinete.
Maraming salamat, Spox.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Liling Briones. Alam ninyo po, ako ay bumalik sa pagtuturo ng International Law itong semestreng nakalipas, online, hirap na hirap po ako talaga magturo online. At siyempre po, hirap din iyong mga naging estudyante na mag-aral na online ‘no.
So let’s hope po na magkakaroon ng pagkakataon na tayo ay bumalik dahil ang Presidente naman mismo ang nagsasabi, pag-ingatan po natin ang ating mga buhay hindi lang po para sa ating hanapbuhay kung hindi para na rin sa ating mga pag-aaral.
Now, pumunta na po tayo sa ating open forum. Simulan po natin kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Question from Leila Salaverria of Inquirer: Has Malacañang studied the police operation and mass arrest of Manobo students at the University of San Carlos Retreat House in Cebu? And what is its impression of the incident which police claimed was a rescue but which USC officials said was unnecessary as they were being cared for? Does the Palace believe this was actually a rescue operation?
SEC. ROQUE: Leila, ang problema sa mga aktuwal na mga pangyayari doon sa mga malayong lugar gaya ng Cebu eh pinauubaya na po natin iyan sa ating mga kapulisan ‘no. This is a police investigation, let them do their investigation and I understand na mayroon na rin pong mga kasong naisampa ang mga kapulisan for illegal detention among others ‘no.
So hayaan na po natin umusad iyong proseso ng imbestigasyon at iyong proseso ng katarungan ‘no. ‘Antayin na lang po natin kung anong sasabihin ng mga hukom natin tungkol dito sa insidenteng ito.
USEC. IGNACIO: May second question po siya: Does Malacañang approve of this kind of operation? How does it respond to claims that the incident was purely harassment? Does it see any lapses in the operation?
SEC. ROQUE: Iyan po ay nasa kamay na ng ating hukuman at mga awtoridad, ‘antayin na lang po natin na sila ang magdesisyon. It’s a finding of fact po and a finding of law at napakahirap pong magkomento dahil wala naman po tayong investigative powers. Let’s leave it to our police and let’s leave it to our courts.
Thank you, Usec. Punta tayo kay Mela Lesmoras.
MELA LESMORAS/PTV4: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon din po kila Secretary Briones and Secretary Galvez. My first question is for you, Secretary Roque, and puwede rin po kay Secretary Galvez.
Given the updates po sa vaccination program na nailatag natin ngayong araw, last week na po ng February next week, are we expecting po na halos magkakasabay-sabay o magkakasunud-sunod iyong pagdating ng mga bakuna mula sa Pfizer, AstraZeneca and Sinovac next week? And if ever, sir, paano po kaya natin ‘to iha-handle kung magkakasunud-sunod man?
SEC. ROQUE: I will defer to Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, ang definite pa lang po natin na mari-receive ay iyong Sinovac pagka nagkaroon po ng EUA. Iyong sa ating COVAX Facility po hanggang sa ngayon ay wala po tayong definite date. Pero well prepared po tayo kasi mayroon po tayong kausap na mga third party provider at saka iyong RITM, well prepared po sila sa kanilang mga… tinatawag nating mga cold storage po.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Galvez, follow up question lang po. Kasi alam naman natin iyong mga sunud-sunod na naging simulation exercises po natin ay talagang naka-design for Pfizer vaccines. If ever po ba na Sinovac talaga iyong mauuna at gagamitin sa bansa, magkakaroon po ba tayo nang separate simulation exercises para naman sa Sinovac?
SEC. GALVEZ: Iyong sa simulation po natin, hindi lang po sa Pfizer po iyon kasi ang ano po natin, ang capacity po ng ating mga storage ay magkakasama. In fact, ang ano po, iyon pong mga LGU po natin ay prepared din na iyong kanilang mga storage ay mayroon pong 2 to 8 at mayroong -20 at saka -17. So iyong simulations po natin na ginagawa sa national at saka sa local, it covers all, iyong different types of vaccine po.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you so much, Secretary Galvez. Back to Secretary Roque lang po. Sa isang pahayag ng Metro Manila Council, sinasabi nila na mas nagwagi iyong pagdi-declare nga, pagrirekomenda ng MGCQ sa Metro Manila come March. Ano pong masasabi rito ng Malacañang at may latest communication na po ba ang IATF at MMC?
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat ‘no. Bago kita sagutin, nais ko lang i-address iyong isang punto na nilabas ng aking kapatid sa kulay pero mas maganda po siya – siya ang beauty, ako ang beast – si Mayor Abby Binay ‘no. Ma’am, actually po, nakaupo po sa IATF ang ating MMDA at kami naman po sa IATF ay umaasa na ang mga naaaprubahang mga resolusyon ng IATF ay napagbibigay-alam po ng MMDA sa mga mayor.
Paumanhin po kung nagugulat kayo sa mga announcements pero ang buong akala po namin talaga ay naipararating po sa inyo ng MMDA iyong mga nangyayari sa IATF.
Hayaan ninyo po ‘no, siguro gagawa na ako ng mga hakbang na para iyong opisina ko mismo can directly communicate with all the mayors ‘no nang wala pong gulatan.
Now, pagdating naman po doon sa suporta para sa MGCQ, nagpapasalamat po kami. Ito po’y hindi naman po desisyon na hindi po nakabase sa siyensya at sa riyalidad. Ang totoo po, mas marami nang nagugutom, mas marami na pong namamatay sa mga kadahilanan na iba po sa COVID-19. Tama po, dapat pa rin tayong mag-ingat sa COVID-19. Pero ang sinasabi nga po natin, dapat mabuksan na ang ekonomiya, pag-ingatan ang mga buhay para sa hanapbuhay pero hindi po tayo magpapabaya. Hindi po tayo papayag na hindi na natin ipapatupad ang maigting na mask, hugas at iwas.
At titingnan po natin kung ano magiging desisyon ng ating Presidente pagdating ng Lunes dahil itong rekomendasyon pong ito ay isa rin sa mga bagay na idi-discuss po doon sa Cabinet meeting.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Last question na lang, Secretary Roque. By saying that, ibig sabihin po ba sa Lunes at magdideklara na rin or para lang sa kaalaman ng ating mga kababayan, kailan po kaya idideklara iyong bagong quarantine classifications for March?
SEC. ROQUE: Well, pag-uusapan pa rin po iyan ‘no kasi alam ninyo naman dinideklara natin po iyan pagka tapos na ang isang buwan ‘no at papasok na iyong buwan na susunod. So hayaan ninyo munang pag-usapan at hindi ko po alam kung mag-aanunsiyo kaagad pero ako po mismo ay in favor of following kung ano iyong mga precedent na ginagawa sa IATF. Kahit anong desisyon sa Lunes, ako personally, pabor po na tingnan pa rin ang two-week attack rate at saka iyong hospital care capacity ‘no bago magdeklara nang panibagong quarantine classifications. Sa akin po, importante pa rin po ang analytics at ang datos.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque and Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Thank you po. Yes, Usec. Rocky. Balik tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary paumanhin lang po ‘no, medyo bumabagsak po kasi iyong internet ko sa area ko so hindi ko po alam kung ito po ay nasagot na maski ni Secretary Galvez.
From Vivienne Gulla of ABS-CBN, for Secretary Galvez: May we get daw po an update on the status of the indemnification agreements with Pfizer and AstraZeneca? Have they signed it? Have we received a definite date for vaccine delivery yet? If not, what could be dragging the signing?
SEC. GALVEZ: Nakita na po natin na nag-announce na rin po ang WHO na talagang sa kanila iyong mayroong delay. And sa atin po, napirmahan na po natin iyong indemnification agreement for the COVAX and also for the different manufacturers. Ang ano po natin, iyong talagang kailangan lang po natin iyong AstraZeneca at saka po iyong Pfizer, magbigay po sila nang separate indemnification agreement. Kasi ano po iyon eh, sa ating COVAX Facility, dalawa po iyong tinatawag nating indemnification agreement for sa COVAX iyon ang generic and then mayroon po tayong mga specific indemnification clause na pipirmahan po ng both manufacturer at saka iyong Philippine government.
Napirmahan na po ng tatlong secretaries, kami po ni Sec. Duque, Sec. Dominguez at saka ako po, napirmahan na po namin last week pa po iyong ating indemnification agreement last Saturday. And then iyong AstraZeneca napirmahan po namin this week noong nandoon po kami sa Davao.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Vivienne Gulla: The Department of Health said the country needs 50,000 vaccinators to inoculate priority sectors against the COVID-19 virus. Do we have enough manpower for this? If it took two months to train 4,000 vaccinators, is there enough time to train 50,000 vaccinators before the arrival of COVID-19 vaccines?
SEC. GALVEZ: May time pa naman po siguro tayo makapag-train dahil ang nakita po natin, iyong ating mga vaccine hindi naman po sabay-sabay darating. At ngayong first quarter at saka second quarter, ang darating po ay humigit-kumulang po na mga 5 to 10 million, iyon po kayang-kaya po natin po iyon. At saka po ang nakita po natin, nagbigay na po tayo ng directives sa ating mga LGU to prepare iyong mga vaccination sites, to include iyong mobilization noong mga vaccination centers at saka iyong recruitment and training of the vaccinators.
So iyon po ang ano po natin ngayon, nakita po namin kaya naman po. Kausap lang po natin si Usec. Cabotaje at ang ating LGU at saka iyong ating national, puwede po tayong magkaroon ng tinatawag na reinforcing people na puwedeng magtulong doon po sa ating mga vaccination centers. Iyon po pinapalaam namin na iyong ating mga vaccinations, hindi naman po iyan talagang simultaneous. Ang ano po niyan is may kaniya-kaniya po na tinatawag nating tranches at iyan po ay one after the other na puwede tayong mag-reinforce doon sa ibang mga place na nagkakaroon nang massive vaccination.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Sec at Usec. Melo Acuña please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary. My first question is for you. Very familiar po kayo sa VFA, sa EDCA at maging sa Mutual Defense Treaty. Kailan po ba tayo puwedeng maningil sa mga Amerikano at ano ang kanilang nararapat bayaran? Nababalita rin kasi na nagpu-provide din sila ng intelligence information or data tulad ng naganap sa Marawi sa pamamagitan ng kanilang high-tech weaponry. Kailan po tayo puwedeng maningil?
SEC. ROQUE: Well, sa akin po tama ang timing ng sinabi ng Presidente na they have to pay up now. Kasi nga po, nauna na iyong kaniyang desisyon na nais na niyang tumiwalag diyan sa VFA. Kung gusto nilang magpatuloy iyong VFA, eh ngayon na po ang pagkakataon dahil kinakailangan magkaroon ng bagong pirmahan at siguro pupuwede ng isama kung magkano ang ibabayad nila kung mayroon nga silang ibabayad. Kung wala, okay lang din naman po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, iwan na muna natin iyon. Para kay Secretary Briones po. Secretary, magandang tanghali po.
SEC. BRIONES: Magandang tanghali. It’s good to see you virtually.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, sa wakas. Magtatanong lang po ako, nabanggit kasi ninyo na mayroong epekto iyong hindi pagpasok ng mga bata sa mga paaralan. Sa ibang bansa, may mga report na rin po sa international television na apektado ang kanilang pag-iisip. Dito po ba sa Pilipinas mayroon din kayong natanggap na impormasyon kung ano ang nangyari sa kanilang kalusugan, sa kaisipan, dahilan sa lockdown?
SEC. BRIONES: Mayroon din tayong mga pag-aaral niyan. Pero, halimbawa, iyong mental health issues, hindi naman iyan absolute line of expertise. Kaya kinukonsulta namin ang mga psychological association, mga psychiatrist, sila ang nagbibigay sa amin ng briefing kung ano ang nangyayari sa mga bata. At saka alam naman natin, maski walang study, kung ang ten years old ay 11 years old na siya babalik sa school, ang mga hinahanap niyang pag-aaral ay mag-iiba na at saka iba na rin iyong mundo niya. Kaya mag-delay tayo, it’s time magdi-delay tayo, naiiwan talaga tayo sa knowledge, sa speed ng pagbabago ng knowledge at saka naiiwan din tayo ng ibang bansa. Kasi alam ko, kasi mino-monitor din namin na sa ibang bansa, ano na sila, nasa examination level na, nagmo-move on na to college or university iyong mga bata. Tayo nandito pa, nagdidebate pa rin tayo at saka hindi pa tayo magkasundo sa opening ng classes. So kailangan talagang mag-catch up tayo para handa naman iyong ating mga bata.
So, minu-monitor namin lahat ng pag-aaral. Lalo na sa medical site ‘no, journals binabantayan namin, mga researches. At saka iyong tendency, halimbawa, na sasabihin na kung may mga mental health issues, may discomfort of transitioning ay ibi-blame kaagad sa module, ibi-blame kaagad sa DepEd. Mismo ang psychological associations nagwa-warning na hindi iyan tamang paningin na ibi-blame natin sa isang libro ang behavior ng isang bata kasi maraming issues that are involved, at inaamin naman namin na hindi namin iyan expertise kaya humihingi kami ng payo sa mga eksperto talaga.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, mabuti po kung ganoon. Are you satisfied with the kind of internet service that we have?
SEC. BRIONES: Inaamin din naman natin, niri-recognize natin na talagang hindi supisyente iyan. Halimbawa, ngayong maraming donations ng mga gadgets, etc., iyong gusto namin priority ay iyong mga so-called ‘last mile’ schools, iyong mga maliliit na eskuwelahan, etc. Unfortunately, itong maliliit na eskuwelahan, walang kuryente so hindi namin lahat sila mabibigyan. So, that is really an issue, which the department is not responsible for, but we recognize it as a problem. Kaya nga we resort to television; we resort also to radio at saka iyong sinasabi namin na ang papel ng parents talagang lumalawak because they have to work closely with the teachers. Ang papel ng teachers ay lumalawak also kasi dahil sa kakulangan ng teknolohiya at this time. Iyong mga nangangailangan, iyon naman ang hindi madaling maabot – sa mga islands, mountains, mga ganoon na gusto naming bigyan ng mga gadgets, eh kung walang kuryente, kung walang connectivity then nag-iisip din kami ng ibang paraan like radio, television; and we have done that.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, thank you very much. For Secretary Galvez, maikling-maikling tanong lang po. Kung iyon pong binigay na authority ay Emergency Use Authorization lamang instead of the malawakang pahintulot mula sa FDA, ano po ang gagawin natin kung may mga dumating nang bakuna na wala pa tayong kaukulang permiso mula FDA? Isasauli po ba natin, iho-hold po ba natin itong mga bakunang ito, Secretary?
SEC. GALVEZ: Ang napag-usapan po natin kanina sa FDA at saka po ng ating Secretary of Health na wala pong darating na bakuna habang wala pa pong EUA. So iyon po ang policy po natin, is kailangan mauna po munang ilabas iyong Emergency Use Authorization bago po magkaroon po ng shipment.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Maraming salamat po, Secretary. Thank you, Secretary Harry. Good afternoon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Llanesca Panti of GMA News Online: Is there a need for the President to certify Indemnification Law as urgent now, given that such measure is required by manufacturers for them to deliver the COVID-19 vaccine supply to us?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng aking nabalita po kanina, inaasahan po natin ngayong araw na ito na mailalabas na po natin iyong pirmadong certification of urgency. So, the question actually has become moot. Hindi ko lang makumpirma kung talagang pirmado na because the long-standing policy of my office is kinakailangan namin iyong papel. Ang papel po ay napirmahan sa Davao at ang alam ko po talaga it should briefly be signed today. So, as soon as makakuha man lang kami ng scanned copy po, we will post a certified true copy of the document, pero iyon po talaga iyong polisiya ng opisina ko. But I can confirm that definitely today po mapipirmahan iyan kung hindi pa talaga napirmahan.
USEC. IGNACIO: Question for Secretary Briones, from Luis Erespe ng PTV: The DepEd is reported to have plans to shorten the two months summer break of students into two weeks and to extend the school year. Matutuloy po ba ito and ano iyong nakikitang dahilan ng DepEd bakit importanteng maipatupad ito?
SEC. BRIONES: Pinag-usapan namin iyan kahapon sa aming ManCom at saka sa ExeCom. Dahil ang demand ng mga bata ay iyong sinasabi nilang academic ease, ito related ito sa mga requirements sa klase, sa mga homework etcetera. Kaya ang tanong ko nga sa opisyal ko, if we extend vacation will it make their assignments easier, kasi ang focus nila is really the content ng mga feedback na binibigay sa atin ng mga bata relative to the demand for academic ease.
At saka alam naman natin na kung i-extend natin ang bakasyon, we have nearly six months kung saan ang mga bata hindi pumapasok at saka ngayon lumalabas na iyong mga pag-aaral, iyong mga opinyon na kung ano ang epekto nito sa mga bata na hindi sila pumapasok. At sila mismo nagsasabi na gusto na nilang pumasok.
So, we are very careful in calibrating itong bakasyon kasi nakabakasyon na sila ng anim na buwan, magdagdag na naman tayo ng bakasyon. So, sabi namin makakatulong ba iyan? Ako ang nagsabi, makakatulong ba iyan sa academic ease? Kung iyan ay makakatulong dahil hingi nila iyong academic ease, tumahimik na iyong academic freeze na hindi na nila pinu-pursue iyong pag-close ng classes, eh gagawin namin pero siguro hindi sobrang haba dahil nakikita na natin kung ano ang epekto ng sobrang habang bakasyon sa teacher, sa parents at saka sa mga learners. The thing is to make learning really relevant and hindi natin masyadong pahirapan ang bata sa pag-transition niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong naman po ni Dante Amento UNTV: Ano po ang ginagawa at plano ng DepEd dahil mahalaga ang child socialization secondary to learning, sa mga edad na lima hanggang pitong taong gulang? Ano ang paghahanda ng DepEd, parents and preschool dito?
DEPED SEC. BRIONES: Ang paghahanda na ginagawa nga natin ay iyong sinasabi natin na limited and piloted face-to-face para sa mga bata ‘no. Depende iyan kasi iyong iba it will work in high school; may iba, it will work sa lower grades. Pero ang importante ay lahat ay gagawin natin; wala tayong one size fits all na lahat pareho will be marching to the same drum – hindi ganoon. At saka depende also sa assessment ng ating IATF at saka Department of Health.
Although, lumalabas iyong mga study na ang danger sa children na magiging transmitter of disease ay medyo naibsan na iyong worry na iyan. Last year pa na-track na namin iyan eh, sinabi na namin last year pa iyan sa mga pag-aaral na binabantayan namin na siguro hindi natin maano iyong mga bata. But this leads to the question of ano, i-vaccinate ba natin—ito iyong gustong itanong ni Secretary Galvez at saka DOH, anong age natin i-vaccinate ang mga bata, kung i-vaccinate man? Fifteen-sixteen, sixteen-seventeen, etc., kasi right now, hindi natin sinasama ang mga bata. Siguro iyon ang question na konektado doon.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Briones.
SEC. IGNACIO: We’ll go to Trish Terada of CNN Philippines, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox. And good afternoon po to Secretary Briones and to Secretary Galvez. Sir, first, two questions for you or for Secretary Galvez ‘no. So at the rate that we are going right now, is a February rollout still doable? Is it still possible or realistically, March na po ba iyong peg natin for the rollout?
SEC. GALVEZ: Realistically, puwede pa, possible pa po iyong February. But most likely talaga, ang ano po natin iyong sa COVAX, titingnan po natin kasi iyong requirement, sa kanila po talaga manggagaling iyon. At nakita natin na nagkaroon din ng delay ang rollout worldwide iyong COVAX.
But definitely, if just in case ay magkaroon po ng EUA iyong iba po na mado-donate at saka po iyong darating sa procurement po natin ay puwede pa po, possible pa po ang February.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sirs, how do you intend to respond doon po sa mga Filipinos na naniningil na at this point? Because kung matatandaan po natin, for the longest time, the President has always said na bakuna ang pag-asa talaga nating lahat, yet wala pa rin daw po ngayon. I remember si Vice President Leni Robredo also raised na naunahan pa raw po tayo ng Bangladesh.
SEC. GALVEZ: Well, iyong sa Bangladesh po kasi, ano iyon eh donation po ng kanilang neighbor na India. Iyon nga po ang inaano natin kasi hindi po natin puwede po kasi pong ipabakuna iyong mga donations kung wala pong EUA. So ang ano po natin, nakita po natin ang may EUA lang po rito sa atin ay ang AstraZeneca at saka iyong Pfizer. Ang inaasahan po natin talaga ay iyong COVAX dahil po iyon ang mayroong tinatawag nating mga deliveries na pending na ibibigay po sa atin.
Sa ngayon po, ang ano natin, on track pa rin naman po iyong ano po natin. At sinasabi nga po natin na because of the global supply, iyong mga tinatawag natin iyong mga western pharmaceuticals ay kinaptyur [captured] ng mga mayayamang bansa. Kaya po ang limitation po natin talaga iyong [unclear] natin, iyong mga developing countries they worked already with the Russian and the Chinese vaccines. So iyon po ang tinitingnan po natin, binabalanse po natin kasi iyong nakita natin, ang mga Pilipino ay medyo mayroong tinatawag tayong pre-occupied or tinatawag nating biased na towards ano, na ang gusto nating kunin ay iyong western vaccine.
Iyon nga po ang sinasabi ng ating mahal na Presidente, we should live with reality that talagang iyong western vaccine ay talagang nakuha na po. So more or less, iyong western vaccine, makukuha na po natin iyan third quarter to fourth quarter.
SEC. ROQUE: Trish, if I may add ‘no. Alam ninyo iyong donasyon natin talaga galing sa Tsina na 600,000, gaya ng sabi ni Secretary Galvez, that is still subject po ‘no to the issuance of EUA. And I have received information that unless the EUA is delivered today, baka pati po iyong delivery sa 23rd ay maantala. Sinasabi ko lang po ito para kwentas klaras ‘no. Kasi siyempre po, kailangan nilang to make arrangements pa para sa shipment ng Sinovac.
So just to manage expectations dahil inaantay po natin iyong EUA ng Sinovac, kinakailangan po lumabas ngayong araw; kung hindi po, baka hindi rin po makarating ng bente-tres.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, sir. Sir, may I please go to Secretary Liling?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, ma’am! Good afternoon. Ma’am, I’d just like to ask about your general outlook for school year 2021-2022? And do you see that ito pong long-time study from home set-up natin will impact especially the younger children in the coming years in terms of learning?
DEPED SEC. BRIONES: This is exactly why we are tracking and we are assessing the effect of prolonged closure of schools or prolonged absence of face-to-face. Dahil alam naman natin, niri-recognize natin na ang face-to-face aspect ay importanteng bahagi sa blended learning. You cannot talk about blended learning without considering also face-to-face.
However, we had to face this threat and which the President had to decide on. So kaya tinitingnan natin and you are asking me kung ano ang tingin ko sa 2021, sa palagay ko at the rate that we are already get… I mean, having more control over our battle against COVID, talagang mag-impact iyan sa education because iyong fear ng mga parents.
Ang survey namin nagpapakita na gustung-gusto ng face-to-face ng mga bata, ang parents ang medyo undecided. Mayroong significant portion sa kanila na undecided. Ang teachers din, gusto din nila kasi nakikita nila talaga iyong pangangailangan ng face-to-face no matter how limited, maski isang oras o dalawang oras, isang araw, tatlong araw, ganoon, ganoon.
So, I believe that things will be better because we are better at handling the issue of COVID. And we are better also, I believe, in opening the economy. Kasi ang impact ng pagbulusok ng ating ekonomiya, napakatindi sa education lalo na sa private school enrolment at saka sa enrolment ng Alternative Learning Systems natin. Halos 75% ang nawala because nawalan ng trabaho iyong ating mga nagpapadala ng … pumapasok sa ALS at saka iyong nagpapadala ng anak nila sa private sector.
So I believe that things will be so much better at saka we can respond faster even as at the same time we are also monitoring what is happening in other countries. Kasi sa ibang bansa, nasa ano na sila, exam stage. Nagbabakasyon na sila ngayon, halimbawa in one country ‘no.
So we have a lot of catching up to do. Remember, other countries opened in June; we opened in October. So kapag sabihin mong i-extend mo iyong vacation, we have to balance also the impact of another series of no classes and so on when the children are asking for academic ease. So sabi ko, responsive ba sa academic ease iyong pag-i-extend natin ng vacation. So these things have to be balanced but also contextualized.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, ma’am. Thank you also to Secretary Roque and Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Thank you, Sec Briones. Back to Usec. Rocky, please. Usec. Rocky? Nawala po yata si Usec. Rocky. Sino ang susunod na tatawagin natin. Joseph Morong—ayun, si Usec. Rocky. Go ahead, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque. Question from Jinky Baticados ng IBC-13.
SEC. ROQUE: Okay, lang. Go ahead, please. Question from Jinky Baticados. Okay, nawala. Sige, ayusin muna natin ang linya, Usec. Rocky ha. Punta muna tayo kay Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. Secretary Galvez, good afternoon. Secretary Liling, how are you? Good afternoon po.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, I think I can go to Secretary Galvez first and then I’ll go back to you, sir. Sec. Charlie, good afternoon, sir.
SEC. GALVEZ: Good afternoon, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, medyo may kind of difference lang kayo ni Secretary Roque with as far as the certification of urgency for the bills are concerned but I understand as you’ve mentioned also kanina na nakausap ninyo po personally si PRRD and ang sabi po niya, as far as the certificates are concerned, is that he is going to sign it. Tama po ba?
SEC. GALVEZ: Nag-usap po kami kanina, nagkaroon po kami ng conference at sinabi po ni Senator Bong Go na napirmahan na po iyong certification of urgency at saka po iyong memo. At kaya po ipinapadala po ito ngayon para at least mapirmahan po ng ating Executive Secretary. So, sa ngayon po iyon nga po ang ibinigay ko na information, kasi po kanina lang po kami nag-usap before po iyong meeting namin kanina.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, patulong ako doon sa schedule ninyo as far as iyon pong back and forth natin sa Pfizer and AstraZeneca. I’ll do away with COVAX aspect, I’ll focus on the Pfizer and AstraZeneca. Ang sinasabi po ng gobyerno natin, ninyo po ngayon is that nakapag-submit na po tayo at nakapirma tayo doon sa indemnification agreement with Pfizer and AstraZeneca. Naibigay na po natin iyon, sir ‘no? Ang sinasabi po noong indemnification agreement natin as you said in the previous is, wala silang pananagutan. Ngayon, sir, hinihintay natin iyong reply nila. What kind of response are we waiting from Pfizer and AstraZeneca? Iyon muna, sir?
SEC. GALVEZ: Sa AstraZeneca, mayroon na po tayong tripartite agreement na kasama po sa tripartite agreement iyong ating indemnification agreement. So, no problem po tayo sa AstraZeneca, ang sa atin lang po iyong sa Pfizer. Kinausap na namin po iyong country manager, ang kailangan po talaga magkaroon kami ng bilateral agreement on the indemnification clause. That’s why we were pushing na magkaroon na iyong tinawag na iyong aming kontrata iyong head of terms ay matapos na po namin iyon para at least magkaroon na po tayo ng linaw at magkaroon na po ng agreement iyong mga terms na gusto ng Pfizer.
Para po sa kaalaman ng lahat, noong unang negotiation po namin, hindi po iyan hinihingi ng Pfizer, just only now kaya medyo nabigla po kami dahil kasi ang naghahanap lang po ng tinatawag nating indemnity clause na talagang medyo mahigpit, iyong Johnsons & Johnsons. That’s why noong nagkaroon po tayo ng panahon sa Senado, sinabi po namin sa mga senador na importante po iyong indemnification clause to include iyong magkaroon ng allocation ng indemnity fund para magkaroon po ng confidence iyong lahat ng vaccine makers.
Kaya po noong nagkaroon po tayo ng mga meetings with the Senate and the Congress, happy po sila dahil kasi nakita nila mayroon tayong indemnification in terms na magkaroon tayo ng adverse event or in case of death na magkaroon po. Sa ngayon po kasi ang ano lang natin, ang ating tinatawag nating administrative sa indemnity is iyong sa hospitalization with the Universal Health Care system with the PhilHealth. So, ngayon covered na po pati iyong tinatawag nating death at saka po iyong severe cases.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, clarification. So, Pfizer, ang hinihintay natin iyong kanilang parang counter proposal, tama ba?
SEC. GALVEZ: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. And wala pang response, sir? Wala pang sagot ang Pfizer?
SEC. GALVEZ: Wala pa pong sagot. Ang sabi po nila it would take time for their lawyers, kasi ito po iyong medyo complications eh. Iba po iyong lawyers ng Pfizer sa bilateral arrangement po natin at iba rin po ang Pfizer lawyers doon po sa COVAX lawyers. And sometimes, hindi po nag-uusap po iyong dalawa pong iyan kasi independent po sila. Kaya iyon ang medyo nahihirapan po kami kasi we assume na iyong Pfizer kapag ano po alam po nila iyong kanilang mga activity but I was informed na iba po iyong trabaho na [unclear] at iba rin po iyong tinatawag nating COVAX Pfizer Facility.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, ano ba, kalimutan na muna natin iyong Pfizer for February kapag ganiyan?
SEC. GALVEZ: Actually, we are still negotiating even ngayon nga magkakaroon kami ng meeting din with Pfizer Global. Pina-arrange po iyan ng ating mahal na Ambassador Romualdez. We will talk maybe mga four o’clock tomorrow morning.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, AstraZeneca, sabi ninyo, sir, plantsado na but what is keeping them from delivery? May EUL na siya sa WHO, mayroon na siyang EUA sa atin but wala pang commitment on the date.
SEC. GALVEZ: Ito iyong complication natin sa tinatawag nating global manufacturing. Iyong nakausap natin, itong manufacturer na ito, Thailand; iyong sa COVAX na magpo-produce sa atin is South Korea. So, iyon ang medyo may complications kasi iba iyong AstraZeneca South Korea na nagha-handle, iba rin itong nandito sa Thailand na ano natin.
So, mayroon din po tayong AstraZeneca na tinatawag natin dito sa Serum Institute of India. Ito ang pinakamalaki, ito iyong nini-negotiate natin na magkaroon tayo ng early procurement. And I believed, iyon ang may complication kasi they are working on a different manufacturing system and at the same time, iyong COVAX, iba-iba iyong mga manufacturing sources na pinanggagalingan nila.
Dapat malaman ng mga tao na mayroong mga complications at saka mahirap iyong arrangement kasi iyong arrangement natin initially is with AstraZeneca Philippines, iyong manufacturing niya is Thailand. Then ngayon ang nangyayari iyong sa COVAX ang magsu-support sa atin is South Korea but ang ready na puwedeng sumuporta sa atin is itong Serum Institute of India which is hindi nila ina-allow na iyon ang mag-ano. Iyon ang mag—kaya iyon po ang naisip po natin na [indistinct] dahil ready na po [indistinct].
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir—
SEC. GALVEZ: So, ganoon po ang complication kasi iyong Serum Institute of India, ibang area po ang kaniyang susuportahan. Ang akala nga namin po ang magsusuporta sa amin itong iyong sa Thailand considering na malapit nga po ang Thailand, iyong South Korea po ang magbibigay sa atin. So, doon nagkakaroon ng complication.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. So, right now, sir, COVAX – ang ibinibigay sa atin South Korea manufacturer ng AstraZeneca.
SEC. GALVEZ: AstraZeneca, yes.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Pero bakit mabagal iyon, sir?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita natin kasi, ang ating initial arrangement na ang pagkakaalam natin ang magbibigay sa atin is AstraZeneca-Philippines. So, ang alam natin noong nakita natin na ganoon pala ang ano, we were just informed just a few days ago. So, iyon ang naging complications. So, ang ibig sabihin, it is a supply issue.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, last question on your part. Sinabi ninyo naman sir na iyong Sinovac hindi ito dadating sa bansa nang walang EUA and as much as FDA has said as much. Sir, doon sa indemnification bill, ang hinihingi ng mga vaccine manufacturers indemnification law. I mean, a mechanism in a law, correct?
SEC. GALVEZ: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. So, sir—and Secretary Roque, I’ll segue to you with this question also. Kasi po binasa ko iyong House Bill 8648 and Senate Bill Number… the one you mentioned na siner—ano ito… 2057. Okay.
So 2057, sir, mayroon po diyan na indemnification clause pero wala po iyong mas matapang na no fault clause, meaning stating very clearly that vaccine manufacturers will not have any liability. Iyong sa House Bill, sir, totally wala iyong ganoong indemnity clause. Question, sir, is as presented, do you think that will satisfy the conditions of the vaccine manufacturers? Question for you and also for Secretary Roque as I end this.
SEC. GALVEZ: I think iyong sa ano, sa sinasabi ko nga sa atin, mayroon tayong bilateral agreement. Doon sa bilateral agreement talagang [indistinct] talaga, specific. Ang importante lang talaga doon sa Senate Bill 2057 noong hearing po namin ay mayroon talagang allocated for ano… for at least mayroon tayong tinatawag na bet requirement.
Example sa adverse effect, ang nakita natin mayroon tayong mga minor at saka mga severe at saka mga sa death. Normally, iyong ating Universal Health Care through PhilHealth, ang covered lang nila po is iyong talagang minimal adverse effect but noong makita na namin iyong mga manufacturers – we have already negotiated with some – masaya po sila na iyong ano, iyong mako-covered na pati iyong adverse effect that would cause death.
So, iyon ang maganda na it will satisfy the requirements considering that they will not be sued for that liability.
JOSEPH MORONG/GMA7: Secretary Roque, same question as stated—
SEC. ROQUE: Okay. Alam mo, it’s rather technical but itong mga no-fault schemes ay nagsimula po iyan, believe it or not ‘no, sa larangan ng maritime pollution. ‘Pag may pollution po kasi kinakailangan pera kaagad para malinis. So nagkaroon po sila ng no-fault compensation fund kung saan agad-agaran makakakuha ka ng pondo without having to show kung sino talaga ang mayroong fault or negligence para magamit kaagad iyong pera paglinis lalung-lalo na ng oil spill ‘no. At kapalit po niyang pagtanggap ng kompensasyon na without having to establish fault or negligence, eh mayroon pong limitation on liability.
Now ang ultimate po na proteksiyon sa mga vaccine manufacturers is pursuant to the law, kapag sila’y kumuha po ng kompensasyon galing po doon sa pondo na ibibigay ng gobyerno eh pipirma po sila ng waiver and quitclaim. Iyan po ay condition para makatanggap sila noong benepisyo sa indemnification law. So that does not have to be provided in the law itself but I am sure the quitclaim and waiver of quitclaim will be a precondition for receiving the compensation from the compensation fund.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last Thursday naman, does the Malacañang or does the President have a problem with what the vaccine manufacturers want na ligtas sila sa mga kaso for any adverse effects? May problema ba si Presidente doon?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po dahil EUA naman po ang ibinigay na authorization sa mga bakuna, naintindihan po natin na wala pa tayong tinatawag na Commercial Use Authorization ‘no. Kapag mayroon pong Commercial Use Authorization, ibig sabihin tapos na lahat ang proseso pati po iyong pagbibigay ng follow up services sa mga nabakunahan ‘no. So doon po ang punto na magkakaroon sila ng liability pero sa ngayon po mayroon po tayong health emergency sa buong mundo, kinakailangan natin ng bakuna na sang-ayon sa mga eksperto ay ligtas at epektibo at kaya nga po pumapayag tayo na mag-issue ng mga Emergency Use Authorization. Kaya nga po ang tawag ay ‘emergency use’ lamang po, malayo pa po tayo para sa Commercial Use Authorization.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time Secretary Charlie, Secretary Liling.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Next question again from Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Jinky Baticados ng IBC-13. Palace reaction daw po on dismissal … Senator De Lima’s one of her drug cases. Tinitingnan daw ng kampo nito na tagumpay ito kontra sa Pangulong Duterte.
Ang follow up naman po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN ay ito daw po ay proof na itong—is the acquittal of Senator De Lima proof that the government is persecuting her?
SEC. ROQUE: Wala po kaming reaksiyon diyan kasi nakakulong pa rin siya at siya’y nakakulong pa rin kasi mayroon pa siyang dalawang kaso. So bakit po siya magsi-celebrate eh nandoon pa rin siya sa selda niya? Iyon lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod naman pong tanong ay nasagot na ni Secretary Briones, about face-to-face. Tanong ni Ian Cruz nasagot na rin po ni Secretary Galvez about sa 50,000 vaccinators. Ang tanong pa rin ni Jaehwa Bernardo ng ABS-CBN News nasagot na po ni Secretary Briones, about doon sa possibility na extending the school calendar. Ganoon din po iyong tanong ni Arra Perez ng ABS-CBN about face-to-face.
And for Secretary Galvez, tanong po ni Pia Gutierrez: Did the government not foresee the need for special dead space syringe in the vaccination campaign? Why wasn’t this ordered last year?
SEC. GALVEZ: Hindi po tayo puwedeng mag-order po ng syringe po na iyan kung wala pa po tayong definite na arrangement with Pfizer. Kasi iyong Pfizer lang po ang gumagamit po niyan at ang arrangement po namin sa Pfizer is sila po ang magpu-produce, isasama na po iyon sa price po ng vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Question for Secretary Roque, tanong ni Chino Gascon ng GMA News: Kumukontra daw po ang Metro Manila Council sa gusto ng Palasyo na buksan ang mga sinehan at iba pang negosyo. Susunod ba ang Palasyo sa hiling nila? Secretary…
SEC. ROQUE: Pinakikinggan po ang lahat ‘no at ang IATF naman po ay whole-of-nation approach. Hindi lang po mga dalubhasa at eksperto sa larangan ng kalusugan ang nakaupo diyan, nandiyan din po iyong mga dalubhasa sa larangan ng ekonomiya ‘no. So magtiwala naman po tayo sa ating IATF dahil mayroon din pong nakaupong mga representante na galing po sa hanay ng mga lokal na opisyales iyan. Nakaupo po diyan iyong ULAP President kung hindi po ako nagkakamali ‘no na si Governor Cua at nakaupo din po diyan iyong sarili nating MMDA.
So kinakailangan po talaga kapit-bisig, lahat naman po tayo ay nais pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mamamayan pero lahat tayo ninanais din na mabawasan iyong hanay ng mga nagugutom lalung-lalo na po na ang industriya ng pelikula ay 13 billion po iyan dati ‘no. At napakadami pong mga mamamayan na nakasalalay din sa industriya ng paggagawa ng mga pelikula.
Okay? So wala na pong tanong, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Mayroon pa pong tanong, pahabol ni Ace Romero: A Florida-based company conducting satellite imagery analysis has released a report showing what seems to be a movement and structural changes on Mischief Reef in the West Philippine Sea. Some said it can lead to further construction operations in Panganiban Reef. What is Malacañang’s take on this and what will be the government’s action on the development?
SEC. ROQUE: Hinahayaan po natin muna ang DND na mag-verify niyan dahil iyan po ay report lang sa peryodiko at hahayaan natin ang DFA na gumawa ng dapat na mga hakbang tungkol diyan. But I cannot comment on something that is not yet verified.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Meg Adonis ng Philippine Daily Inquirer, nasagot na po ni Secretary Briones, about iyong summer break na ma-shorten. Pati rin po iyong, a survey conducted by Secure Movement found that 54% of students say distance learning in the country had negative effects. And tanong naman po ni Maricel Halili, natanong na rin po about face-to-face.
Si Alvin Baltazar, Secretary: Do we expect MGCQ next month now that majority of the members of the Metro Manila Council have agreed to implement MGCQ in NCR in March? As per Navotas Mayor Tiangco, ito na daw po ang magiging position paper nila which would be presented sa IATF. Base po ito sa naging botohan ng NCR, 9 mayors daw po favored MGCQ; walo ang voted for GCQ.
SEC. ROQUE: Well, nagpapasalamat po tayo sa ating mga alkalde ‘no. Uulitin ko lang po, lahat po tayo talaga pinangangalagaan ang kalusugan pero kinakailangan po nating pangalagaan din iyong hanay ng mga nagugutom na dahil po sa pandemyang ito.
Okay. So maraming salamat sa lahat po ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat po kay Secretary Liling Briones at Secretary Charlie Galvez. Maraming salamat, Usec. Rocky, pero panahon na para magkaroon ng balita po ang PTV-4.
So sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Pilipinas, nakapag-antay na tayo ng isang taon para sa bakuna. Konting tulog na lang po, ‘antayin na rin po natin ang pagdating ng bakuna. Samantala po, ipagpatuloy natin ang MASK, HUGAS at IWAS.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center