SEC. ROQUE: Aprubado na po ng Presidente ang classification para sa buwan ng Marso ‘no. Mananatili po sa General Community Quarantine or GCQ classification ang National Capital Region, Baguio City at Davao City. Kasama rin po sa GCQ ang Batangas, ilang lugar sa Cordillera Administrative Region kagaya po ng Apayao, Kalinga at Mt. Province sa Luzon. Mag-dyi-GCQ rin po ang Tacloban City sa Visayas; Iligan City at Lanao del Sur sa Mindanao.
Lahat ng mga lugar na hindi po natin nabanggit ay nasa Modified General Community Quarantine.
Naaprubahan din po ng inyong IATF kahapon ang uniformed travel protocols ng lahat ng local government units. Ang Department of the Interior and Local Government ang siyang gumawa ng uniformed travel protocols sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines at League of Cities of the Philippines.
Ito ang ilan sa mga salient provisions ng nasabing protocol ‘no:
Hindi na po required na sumailalim sa COVID-19 testing ang isang biyahero liban na lang kung ang LGU of destination ay humihingi ng testing bago ang biyahe. Ang testing ay limitado lang po sa RT-PCR test.
Hindi na rin po required na mag-quarantine ang biyahero liban na lang kung sila ay nagpakita ng sintomas pagdating sa LGU of destination.
Patuloy na ang pagpapatupad ng mahigpit na minimum public health standards tulad ng physical distancing, hand hygiene, cough etiquette at pagsuot ng face mask at face shields.
Mahigpit din po na ipatutupad ang clinical at exposure assessment sa lahat ng ports of entry at exits, samantalang ang health assessment ng mga pasahero ay mandatory upon entry in the port/terminal at exit sa point of destination.
Pagdating naman po sa kinakailangan na dokumento, hindi na po required ang travel authority na galing sa Joint Task Force COVID Shield at health certificate.
Ang mga APORs or Authorized Persons Outside of Residence na nagtatrabaho sa gobyerno ay kinakailangang magpakita ng ID, travel order at travel itinerary. Kailangan din nilang makapasa sa symptom-screening sa ports of entry and exit.
Samantala ang Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ng Department of Science and Technology ang magiging one-stop-shop application communication para sa mga biyahero.
Ang StaySafe.ph system ay gagamitin naman para maging primary contact tracing system. Ang iba pang existing contact tracing applications tulad ng Traze App ay kinakailangang mag-integrate sa StaySafe.ph system.
Pumunta naman tayo sa mga puerto at terminals ‘no. Kailangan may sapat silang quarantine at isolation facilities ‘no. Lahat ng ports and terminals ay kinakailangan magkaroon ng referral system kung saan ang mga biyaherong may sintomas ay pupuwedeng ilipat sa quarantine or isolation facilities kung saan ang mag-aasikaso sa kanila ay ang Bureau of Quarantine sa mga paliparan or local heath officials para sa LGUs.
Lahat naman po ng mga bus sa Metro Manila na biyaheng probinsiya ay kinakailangang gumamit ng integrated terminal exchange bilang central hub for transportation. Walang bus company at public transport ang pinapayagang gumamit ng private terminals.
Ang mga LGUs po ay pupuwede ring magbigay ng transportation sa lahat ng biyahero na magta-transit mula sa isang LGU papunta sa isa pang LGU in case of arrivals sa air at seaports papunta sa kanilang end-point destination.
Titiyakin ng DILG, Department of Health, Department of Tourism, Department of Transportation, DOST at Philippine National Police pati na rin ng LGUs ang maayos na pagpapatupad ng mga nasabing protocols.
Nagpapasalamat po kami sa lahat po ng ating lokal na opisyal dahil kapag mayroon po tayong common procedure ay mas mapapabilis po ang pagbiyahe sa loob ng Pilipinas.
Inaprubahan din po ng IATF ang rekumendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group or NITAG at DOH Technical Advisory Group na gamitin ang Sinovac for health care workers.
Sinabi nga sa briefing ng DOH kasama ang NITAG kahapon na ligtas ang bakuna na Sinovac. Ito ay safe vaccine at mapapakinabangan or beneficial ito sa health care workers. Dagdag pa ng DOH, binibigyan ang health care workers ng pagkakataong pumili ng bakunang nais nila. Walang sapilitan. Walang mahuhuli sa pila. Walang mawawala sa pila.
Ang pagbabago po sa ating protocol: Kung ayaw po ng health care worker ang Sinovac, pupuwede po siyang tumanggi at hindi mawawala iyong kaniyang prayoridad kapag dumating na iyong bakunang gusto niya – pero pang-health care workers lang po iyan ha. Sa lahat po, kinakailangan pa rin talaga kung ano ang naririyan ay tatanggapin natin, kung ayaw naman po ay wala talagang sapilitan.
Kaugnay pa rin sa bakuna, excited na kami dahil bukas ay darating na po ang bakuna. Personal pong sasalubungin ng ating Presidente kasama ang inyong abang lingkod at si Senator Bong Go at iba pang miyembro ng Gabinete ang unang batch ng COVID-19 vaccines na galing mula Tsina. Ito ay mangyayari bandang ala singko ng hapon, sa araw po ng Linggo at magkakaroon po tayo ng espesyal na press briefing ‘no para ma-cover po itong event na ito.
Sa ibang mga bagay, pinulong po kagabi ni Presidente sa Malacañang sina PNP Chief Debold Sinas, PDEA Director General Wilkins Villanueva, DOJ Secretary Menardo Guevarra, NBI Director Antonio Pagatpat kasama ang inyong abang lingkod at si Senator Bong Go kaugnay ng PNP-PDEA shooting incident. Ipinaliwanag ng Pangulo kung bakit inatasan niya ang National Bureau of Investigation o NBI na manguna sa imbestigasyon. Gusto ng Presidente na magkaroon ng impartial investigation para maiwasan ang malilikot na mga mag-isip at para rin sa peace of mind ng mga biktima na patas ang imbestigasyon. Kung maalala ninyo po, si PDEA DG Villanueva kasama ng iba pang mga matataas na opisyales ng PDEA ay galing rin po sa ating kapulisan or sa hanay ng PNP.
Well dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Mayroon po tayong ilang mga minuto para po sa ilang tanong ng ating Malacañang Press Corps. Sige po, mayroon ba hong mga katanungan?
MODERATOR: Yes po, Secretary. Ito po ang unang katanungan po natin na mula kay Bella Cariaso ng Daily Tribune. Ang tanong po niya: Marami pong mga healthworkers ang ayaw magpabakuna sa Sinovac dahil nga sa issue ng efficacy at sabi nila Pfizer ang dahilan kaya sila nagpa-register dahil ito iyong original nga na darating sa bansa. Ano daw po ang reaksiyon ng Palace at kung hindi sila magpapabakuna, pareho po ba ang rule na magiging huli daw po sila sa listahan, Secretary?
SEC. ROQUE: Well unang-una po ‘no, iyong pagiging epektibo po ng Sinovac, na-explain na po iyan ng mga doktor gaya ng ating PGH Director ‘no, si Dr. Gap Legaspi. At mayroon pa rin pong mga ibang mga doktor na nagsabi na ang ibig sabihin ng 50% efficacy rate, iyong kalahati na pupuwedeng magkasakit eh 78% of them or 80% mild at asymptomatic lang pero lahat po ng nabakunahan, 100% of them hindi na po sila mahuhospital. At in-explain nga po ni Dr. Salvaña na dahil iyang 50% effectivity ay ibig sabihing siguradong hindi ka na magkakasakit nang seryoso para ika’y mahospital, iyan po ay talagang epektibong bakuna.
Pero kung ayaw po talaga ng healthcare worker, ang rule po pupuwede siyang tumanggi at ‘pag dumating na iyong kaniyang gustong bakuna eh hindi naman po mawawala iyong kaniyang prayoridad. Pero ito po ay limitado sa healthcare worker lamang dahil nga po sa naging EUA na na-issue ng ating Food and Drug Administration.
MODERATOR: Secretary, ang susunod at panghuling katanungan naman mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Kailan at saan po magpapaturok ng bakuna ang mga Cabinet members na nag-volunteer na maunang magpa-inject para daw po sa vaccine confidence?
SEC. ROQUE: Inuuna po natin muna ang ating mga healthcare workers. Dahil sa pag-aaral, mas makakabigay po talaga ng kumpiyansa sa ating taumbayan kung makita nila ang kanilang mga healthcare workers na naunahang mabakunahan.
MODERATOR: Maraming salamat po Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga Pilipinas.
MODERATOR: Thank you po, Secretary.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center