Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Naging napakatagumpay po ng Day 1 ng ating National COVID-19 Vaccination Program kung saan lahat po ay nagdiwang ‘no, may iba pa nga pong naiyak sa tuwa lalo na po sa PGH noong nakita nilang nagpapabakuna si Dr. Gap Legaspi. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating pag-rollout ng mga bakuna.

Maligaya po ang ating mga medical frontliners kasi nga po nagkaroon sila ng peace of mind na bagama’t sila po ay exposed dito sa Corona 19 virus ay mayroon na silang proteksiyon ngayon.

Tingnan po natin ang ilang mga larawan ng nangyari kahapon ‘no: ito po ay mga larawan galing sa Philippine General Hospital, sa Lung Center of the Philippines, sa Tala Hospital, sa Philippine National Police General Hospital, sa V. Luna Medical Center, sa Veterans Memorial Medical Center.

Mayroon po talagang nag-alangan sa umpisa pero nakita naman ninyo ang nangyari kahapon ‘no. Sa PGH, animnapu (60) lang po ang nagpalista pero doble po ang nabakunahan – 128, mahigit pa sa doble po ang nabakunahan.

Anyway, ang total ng mga nabakunahan po sa PGH ay 128; sa Tala 85; sa Lung Center, bente (20); sa Veterans Memorial, 353; sa V. Luna, 60; sa PNP General Hospital, 110. Ang sumatotal po ng nabakunahan kahapon ay 756.

Nanggaling na po sa mga doktor kung nabakunahan na sa COVID-19 maski na po ito ay Sinovac ang dating kinatatakutan na virus ay magiging ordinaryong sipon na lamang. Iyan po ay nanggaling nga sa ating mga doktor ‘no.

Si Dr. Salvaña ang sabi po niya iyong 51% efficacy sa mga health workers – dahil ito lang naman po ang clinical trial na talagang tumutok sa health workers – ang ibig sabihin lang noon ay iyong 50% na pupuwedeng magkasakit ay parang ordinaryong sipon lang; wala naman pong seryosong magkakasakit, at definitely, hindi na sila mahu-hospital. Kaya nga po naging excited po ang ating mga doktor dahil nabigyan natin sila, gaya ng aking sinabi na kahit papaano, peace of mind na protektado na sila, hindi sila mamamatay habang ginagamot iyong mga nagkakasakit sa atin.

Ito naman po ang pagbabakunang nangyayari po ngayon. Dapat po nasa Pasay ako dahil ako po ang Big Brother, pasensiya na po ‘no, mayroon po talagang mga hindi inaasahang mga events na sumusulpot at hindi po tayo nakarating. Pero, Mayor Calixto, pupunta po ako diyan dahil alam ko po mayroon tayong panandaliang spike, at dadalhin ko naman po iyong mga pinangako po ng ating national government na inanunsiyo kagabi ‘no. Sabi po kagabi ni Secretary Duque, mas marami raw pong mga bakuna ang ipadadala sa Pasay dahil nga po sa mga nangyayaring spike. Ako na po ang magdi-deliver dahil hindi po ako nakarating sa pagbabakunang nangyayari ngayon sa Pasay General Hospital. Sorry po, but I will make up for it.

Mayroon din po tayong mga pagbabakunang nangyayari po ngayon sa Maynila ‘no, ito po ay sa Sta. Ana Hospital. At mayroon po rin tayong nangyayaring pagbabakuna ngayon sa Marikina at iba pang mga lugar sa NCR.

Now, nagbigay po kagabi ng kaniyang regular Talk to the People Address ang ating Presidente ‘no. Ito po iyong mga ilan sa mga mahahalagang bagay na sinabi ng ating Pangulo:

  • Inaprubahan po ng Pangulo ang rekumendasyon na sibakin sa puwesto ang dating ambahador ng Pilipinas sa Brazil dahil sa kaniyang pananakit sa kababayan nating kasambahay.
  • Bukod pa po sa pagsisibak, forfeited po ang kaniyang mga retirement benefits at hinding-hindi na po siya makakabalik sa serbisyo sa gobyerno.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin niya pero hayan po, iyan ang kaniyang parusa sa kaniyang pagmamalupit sa kaniyang kasambahay. Malapit po ang puso ng ating Presidente sa maliliit at nawa ay magsilbi itong aral na tratuhin ang bawat tao – matanda, bata, lalake, babae, mahirap, mayaman, kasambahay, katrabaho – nang tama at pantay-pantay. Sibakization na po ang dati nating ambahador to Brazil.

  • Nagpasalamat din po muli kagabi ang ating Pangulo kay Chinese President Xi Jinping dahil sa tulong nitong nakuha ng Pilipinas ang first batch of COVID-19 vaccines.  At base sa report ng ating Vaccine Czar, Secretary Charlie Galvez, tumaas ang demand ng Sinovac vaccine matapos mabakunahan ang ating mga medical frontliners.

Ito po ang schedule ng ating pagbabakuna ngayong araw ‘no. Diyan po sa Pasay City General Hospital, sa Amang Rodriguez Medical Center, sa Pasay City General Hospital, sa Taguig-Pateros District Hospital, sa Sta. Ana Hospital, sa Philippine Airforce General Hospital kung saan naruroon po ngayon si Secretary Duque, sa Manila Naval Hospital, sa Army General Hospital, at sa Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital dito po sa Camp Aguinaldo.

Bukas po ay magdi-deliver po at magru-rollout sa St. Luke’s Medical Center – Global and Quezon City; sa Thursday po, sa Huwebes, ay naroon po kami sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu para magsimula ng rollout sa Visayas; at sa Biyernes po ay nandoon po kami sa Southern Philippines Medical Center Davao City para din po magsimula ng rollout sa Mindanao naman.

Okay, pumunta naman po tayo sa alokasyon. Sa alokasyon po ay makikita ninyo po na sa NCR, mayroon po tayong 130,742 na vaccines na allocated; sa Region IV-A po, mayroon tayong 1,156—at basahin ninyo na lang po ang mga ospital ‘no na nakasulat po sa screen ninyo; sa Region III, mayroon po tayong 11,537; sa Cordillera, mayroon po tayong 3,279. Ang total po sa NCR at Luzon ay 146,673.

Pumunta naman po tayo sa Visayas—mayroon pa rin po pala sa NCR Luzon ‘no. Sa Region I, 7,092; sa Region II, 4,994, plus iyong alokasyon po ng PGH. Sa Region VI-B, mayroon po tayong 1,562; sa 17,995.

Tapos sa Visayas po: Sa Region VI, mayroon tayong 8,438; sa Region VII, mayroon po tayong 13,923; sa Region VIII po, mayroon tayong 3,935. Sumatotal sa Visayas ay 26,296.

At sa Mindanao naman po: Sa Region IX, mayroon tayong 3,417; sa Region X, mayroon tayong 7,239; sa Region XI, mayroon tayong 8,004; sa Region XII, mayroon tayong 8,705; sa Caraga, mayroon tayong 3,044; sa BARMM, mayroon po tayong 940. Ang sumatotal ay 24,642.

All in all po, ang sumatotal natin ay two hundred fifteen thousand mahigit-kumulang… at six hundred – 215,606. Ang dahilan po nito ay nais nating magkaroon tayo ng konting back-up supply para mapapadala natin doon sa iba’t ibang lugar na kakailanganin po itong mga bakuna.

Okay, at panghuli, inuulit po natin ang nabanggit na natin kagabi, bilang pangunahing may akda ng Universal Health Care Law, ang unang panukalang ating isinulong ‘no sa unang araw ng Kongreso noong 17th Congress, hindi po minamandato ng Universal Health Care Law na kailangang sumailalim sa pagsusuri o review ang mga bakuna ng Health Technical Assessment Council – mali na naman po si VP Leni at kung sinuman ang kaniyang naging adviser. Kung kami po ay laging handa, mayroon pong mga laging mali.

At para malaman na mali na naman sila, ito po ang Section 34 ng ating isinulong na Universal Health Care Law: “The Health Technology Assessment shall be institutionalized as fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the Department of Health and PhilHealth.”

Mamaya po, kasama natin din ngayon ang aking naging mentor at tutor sa pagsusulong ng Universal Health Care, si Magsaysay awardee Dr. Ernesto Domingo para pag-usapan kung ano ba talaga ang mandato ng Health Technology Assessment at kung talagang pupuwede ng Health Technology Assessment Committee, na i-veto ang mga bakunang naaprubahan na ng Food and Drug Administration.

Punta po tayo sa COVID-19 update natin. Ito po ang world rankings by country ayon sa World Health Organizations at Johns Hopkins as of March 2, 2021. Number 31 pa rin po tayo sa total cases; Number 41 po tayo ngayon sa active cases, bumaba po tayo from 39 noong huling tayo ay nag-ulat ng world rankings. Ang cases po natin ay nananatili tayong 135 sa buong daigdig at ang case fatality rate natin bahagyang tumaas po tayo, naging 2.1 po ang case fatality rate at tayo po ngayon ay from number 67 eh umakyat sa number 65.

Sa mga kaso naman po sa Pilipinas, mayroon tayong 31,708 na mga aktibong kaso, ito po ay sang-ayon sa March 1 datos ng DOH. Sa aktibong mga kaso, 94.3% po ay mild at asymptomatic; nasa 2.5% ang kritikal at 2.3% ang severe.

Higit kalahating milyon or 534,351 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling or 92.4% recovery rate. Samantala, nalulungkot po kaming ibalita na mayroon na pong 12,322 na nabawian ng buhay dahil po sa coronavirus.

Okay. Bago po tayo magtapos ‘no, iha-highlight ko lang po itong mga datos na nanggaling po sa DOH. Unang-una, sa NCR po, tumaas po ang mga kaso sa Pasay, Malabon at Navotas at ngayon po ay classified sila as critical risk kung titingnan po natin iyong health care utilization rate; iyong two-week growth rate; at saka iyong average daily attack rate for NCR.

So, kinakailangan po talagang paigtingin natin ang ‘Mask, Hugas, Iwas’; kinakailangan paigtingin po ang mga localized lockdown dito sa mga lugar na ito at titingnan po natin. Sabi nga po kagabi dahil po sa spike sa Pasay baka mabigyan pa ng extra po na bakuna para po sa sa mga health care workers ng Pasay.

Nagkaroon din po ng kaunting pagtaas dito po sa Cordillera Administrative Region. Ito naman po ang dahilan kung bakit nasa GCQ pa rin sila sa Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga and Mountain Province. Safe pa naman po ang health care utilization rate sa lahat ng mga lugar dito sa CAR bagama’t ang Ifugao po ngayon ay nasa moderate health care utilization rate.

At pagdating naman po sa Region VII, patuloy po ang pagtaas ng mga kaso sa Region VII at ito po nga ngayon ay mas mataas pa kaysa doon sa pinakamataas na naitala noong July 2020. Bagama’t ang mabuting balita po iyong health care utilization rate ng Region VII ay nasa safe zone pa maliban na lang po sa Lapu-Lapu City, sa Mandaue City at saka sa Cebu City na ngayon po ay nasa moderate risk.

Ito po iyong national nating health care utilization rate. Makikita ninyo naman na unlike iyong dati eh wala pa pong rehiyon na talagang nasa moderate risk na ‘no. Ang pinakamalapit po ngayon ay ang Region VII, iyan po ay 48%. Pagkatapos po niyan ay iyong NCR, nasa 39%, and Region XI at 37%, pero wala pa naman po sa moderate.

Mayroon lang pong siyudad sa loob ng Metro Manila na tumataas iyong health care utilization rate pero alam naman natin sa Metro Manila pupuwede naman silang pumunta sa ibang ospital na nasa Metro Manila. Pero safe pa po tayo pagdating po sa health care utilization rate.

Okay. Makakasama po natin ngayon, NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon na nagpabakuna na. Malalaman natin kung kaya na niyang mag-Mandarin matapos ang bakuna. Kasama rin po natin ang UP-Manila Professor Emeritus and Executive Director of Philippine Foundation for Vaccination Lulu Bravo. Kailangan po mag-lecture ulit si Professor Bravo sa kaniyang mga estudyanteng doktor na parang mali yata ang tingin dito sa bakunang Sinovac.

Kasama rin po natin si chief of Adult Infectious Disease and Tropical Medicine Unit of San Lazaro Hospital, Dr. Rontgene Solante, nang maintindihan ng taumbayan bakit importante ang Sinovac Vaccine at bakit importanteng magpabakuna na ngayon at hindi na dapat maghintay ng iba pang mga klaseng mga bakuna?

At kagaya ng aking sinabi, kasama rin po natin ang aking mentor at tutor sa Universal Health Care, Magsaysay awardee Dr. Ernesto Domingo para din lektyuran ang kaniyang mga estudyante na nagsasabing hindi daw sila magpapabakuna bilang mga doktor hanggang hindi ma-approve ng HTAC na tinatawag, ang paggamit ng Sinovac.

So, kumuha po tayong ng hindi lang mga dalubhasa, kinuha din po natin ang mga teachers ng ilang mga doktor na tila ayaw pang magpabakuna gamit po ang Sinovac. Okay, Secretary Vince, magandang umaga. Ni hao at kumusta na po kayo ngayon? Secretary Vince Dizon? Hindi pa pala ready si Secretary Vince Dizon ‘no.

Sige, puntahan na po muna natin, siguro mabilis—

SEC. DIZON:   Spox, nandito na po ako.

SEC. ROQUE:   Yes, ni hao.

SEC. DIZON:   Magandang hapon po, Spox. Magandang hapon.

SEC. ROQUE:   Kumusta na po kayo? Mayroon ba kayong side effect na nararamdaman? Maligaya ba kayo? Mayroon ba kayong alinlangan? Ano ba ho ang feeling ng isang ordinaryong mamamayan, bagamat kayo po ay Secretary Vince Dizon, matapos kayong mabakunahan ng Sinovac Vaccine?

SEC. DIZON:   Unang-una po, napaka-okay po ngayon. Wala pong nararamdaman, walang lagnat, wala pong pananakit ng katawan, walang pananakit ng braso, wala pong allergy. Awa po ng Diyos, very normal po. In fact, Spox, gusto ko lang sanang i-report na ngayong araw na ito dalawang ospital na po ang aking napuntahan. Kanina po kasama ni Mayor Vico Sotto sa Pasig, nag-launch na rin po tayo ng ating vaccination program doon at tuwang-tuwa

po ang mga health care workers sa Pasig General Hospital kaninang umaga dahil nag-umpisa na po ang ating vaccination program. At ngayon po katatapos lang po, nagsimula na po ang vaccination program dito sa Philippine Army, sa pamumuno po ni General Faustino, siya po ang unang-unang binakunahan at excited na excited na rin po ang ating mga kasundaluhan. Kaya ano po, it’s a week of hope, Spox, for the entire country.

SEC. ROQUE:   Okay. Maraming salamat, Secretary Vince Dizon. Puntahan naman po natin si Dr. Lulu Bravo. Ma’am, kayo po iyong chairman ng Adverse Effect of Vaccines. Ano pong report ninyo? Gaano po karami iyong reklamo na nagkaroon ng adverse effect at mayroon bang dapat ikabahala so far, dahil sa mga adverse effects na naiulat dito po sa Sinovac Vaccine? Dr. Lulu Bravo, the floor is yours.

DR. BRAVO: Hello! Thank you very much, Secretary Roque. So far, nakikinig lang ako sa news, naghihintay kami, hindi pa tapos. Wala pa kaming meeting tungkol sa mayroon mang nag-adverse event yesterday. All I can see is the news na mukhang hindi nagkaroon ng magandang kundisyon – sa Veterans ba iyon yesterday? That’s all I know. But what I am eager to share with our people is the fact that adverse events are being looked into. The National Adverse Event Committee is ready now, I think, to be able to give the deployment plan.

In fact, if I could share my screen there is a deployment plan here that we have and this is the one I’d like to share with you.

SEC. ROQUE:   Go ahead, Ma’am, please.

DR. BRAVO: Ito ba nakikita ninyo? Ito lang naman ang gusto kong ipakita sa inyo na deployment plan natin sa national AEFI that all the vaccinees will be able to have a reporting of any adverse event, and then makikita po na in place na iyan at ang ating mga komite—actually, I’m so proud of my committee, talagang binubuska nila kung ano ang dapat tingnan kung talagang mayroon bang mangyayari na related to the vaccine. Kasi importante iyan eh na makita natin at mai-report natin para maganda ang kumpiyansa ng ating mga kababayan.

Alam mo, I have been working on vaccines for almost the entire career of my life ‘di ba, 40 years na akong nasa vaccinology. And to me, as an infectious disease, science and public health, as an infectious disease, should always prevail. Kasi ang nakikita ko sometimes parang politics and prejudice. I hate to say this ha, pero hindi yata dapat ganoon. Politics, prejudice, that should not be the case. We should all base our decisions, our things on science and definitely public health.

Vaccination, I believe ever since is a public health issue. It is not just for us alone, para sa sarili natin, kasi ‘di ba sabi nga and I’m sure Gene Solante is here, this is really for the public. This is really for our own salvation from this pandemic, lalo na 100 years tayong hindi nagpandemya; ngayon may pandemya.

Despite the fact na mayroon na tayong iyong inyong hugas, iwas, distansiya, I think this is really essential. But we still need the vaccines to be able to get out of this pandemic. Iyong AEFI, if I can still share some of my slides here, ito gagawin namin iyan, di ba. Kapag mayroon adverse event titingnan natin kung mayroon talagang related to the vaccine or is it related doon sa quality noong vaccine kasi importante rin iyan na makita natin. Hindi naman porke’t nagkaroon ka ng fever eh eksakto galing lang iyan sa vaccine. It can be medyo mali iyong ginawang manufacturing kaya’t tsini-check iyan.

Tapos iyong mga nagbabakuna, dapat maingat din, hindi sila magkakaroon bulilyaso doon sa pag-iineksiyon, dapat ano din sila, trained hindi ba. And then iyong nakita ko kahapon sometimes mayroong nahihimatay or nagpi-faint hindi dahil sa bakuna, pero dahil sa anxious sila or natakot sila, iyon ang tinatawag nating immunization anxiety related reaction.

So, itong mga ito dapat nakikita natin at madidesisyunan noong National AEFI kahit papaano tayo gagawa ng paraan para mai-restore natin ang public trust. Kasi talagang iyon ang importante, we have to learn from our what, you know, I cannot help it, pero ang dami nating nagkaroon ng takot dahil doon sa Dengvaxia na nangyari.

Alam mo ang bakuna, hindi dapat makakamatay. Iyan ang unang-unang ginagawa ng clinical trials, ipakita na walang real harm na nagagawa ang bakuna.

And so that is it, I need to make sure that the people will really have that confidence that vaccines are safe and effective. Thank you very much.

SEC. ROQUE:  Ma’am, may isa lang po akong tanong. Ang ating FDA po, sabi nila not recommended for healthcare workers and senior citizen. Pero alam po ninyo noong ako po ay nagtuturo sa UP, extensive po talaga ang ating exposure sa international community   dahil ako po ay larangan ng international law at kayo naman po ay larangan ng vaccinology na talagang it goes beyond national borders. Ano po ang pagkakaalam ninyo, iyong mga kasama po ba ninyong vaccinologists na seniors na rin ay pinayagang magturok sa ibang lugar na gumagamit ng Sinovac?

DR.  BRAVO:   Actually, Secretary, sa totoo lang, nag-volunteer nga ako. I am 71. Sabi ko nga kung puwede, I will be the first elderly to get the vaccine. Marami akong mga vaccinologists na doctor sa Brazil at saka ngayon sa Hong Kong, of course sa India at saka sa Thailand na kumuha ng Sinovac as an inactivated vaccine. And you know, this is the one, the best vaccine is the one that will be offered to you na mayroon kang, at least nga sabi natin, ano ba iyong 50 to 70% that was the initial WHO requirement ‘di ba. And besides, these are for health workers, iyong nakita mo naman sa Brazil. Eh sa Brazil nga, ilan ang in-order nga, I don’t know minsan napupulitika rin yata iyong sa Brazil. Pero definitely, I guess, you know marami akong mga vaccine trialist there na nakakuha na rin ng Sinovac and they are happy about it. Kasi sabi nga nila, medyo halos very minimal ang side effect. Hindi nga halos naramdaman   di ba sabi kahapon ni Dr. Eric Domingo, sabi niya hindi niya naramdaman iyong sakit, wala ngang pain, grabe. Iyong mga takot sa needle oh, sabi iyong sakit ng injection, wala.

SEC. ROQUE:  Ma’am, suki ko naman kayo ‘no. Baka dapat sabay na tayong magpabakuna – you are senior, I have comorbidities ‘no. Pero handa din po ako, ayaw lang din akong payagan din at hindi na po ako nakikipag-away sa kanila ‘no. Tatanggapin ko na lang kung ano ang sabihin nila. Pero kung papayagan na tayo, sabay tayo, ma’am ha?

Okay, kasama rin po natin and hepe po ng Infectious Disease and Tropical Medicine Unit ng San Lazaro Hospital, Dr. Rontgene Solante. Sir, maraming mga doktor na nagreklamo ‘no, they deserve the best vaccine and, of course, ang preference nila ay western vaccine. Sir, what is the science behind what vaccine health workers should get for themselves? The floor is yours, Dr. Solante.

DR. SOLANTE: Okay. So I think ipaliwanag pa rin natin na this is an approved vaccine by our regulatory authority. And ang crucial kasi ngayon is that we don’t have any available vaccine at this point in time. And then that 50% is something that we look forward as if you are here in the Philippines, in which the attack rate is not as high as that during the trial was conducted in Brazil, then it might have a better efficacy here in the Philippines. That is why the NITAG felt that it should be the vaccine can also be approved for healthcare workers.

Pangalawa, the other benefit of getting the vaccines especially the healthcare workers is also preventing the moderate to severe infection. And I think that’s the better part of getting this vaccine, because not getting hospitalized and at the same time still being able to   work is really important. Nakikita naman natin na during the first quarter or second quarter of the pandemic last year, ang daming namamatay na mga healthcare workers and, in fact, that was the reason also na medyo natatakot ang mga healthcare workers pumapasok sa mga hospitals. But with this vaccine and I think, isa sa nakita ko dito in that particular trial, when they increased the interval from the first dose to the second dose, instead of the 14 days to 4 weeks, medyo tumataas, umaangat ang immunogenicity. So I am banking on that with this vaccine, if this will be rolled out to the Philippines we may have a better protection compared doon sa nakikita sa Brazilian study.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Dr. Solante. Ma’am Lulu Bravo, alam naman po ninyo ako masunurin po ako sa eksperto. Noong sinabi ninyo na hindi lang kinakailangan na mask, hugas, iwas, dapat may bakuna na rin, pinalitan ko po kaagad ang aking nasa entablado instantly, dahil you are my boss. Ngayon po: MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA. We will call this the Dr. Bravo Signage. Thank you, ma’am.

DR. BRAVO:   Oh my God, importante po talaga iyan magsama-sama lahat iyang prinsipyo na iyan and that is based on Science – Science and public health, and hopefully not politics and prejudice.

SEC. ROQUE:  Tuwang-tuwa rin po ngayon ang inyo pong kasama rin po sa UP College of Medicine and ating Magsaysay Awardee, Dr. Ernie Domingo. Although, ma’am, I think you should be the next Magsaysay Awardee for Medicine at dapat siguro innominate kayo ni Dr. Ernesto Domingo.

Sir, may mentor on Universal Health Care, may ilan po kayong mga estudyante na nagsasabi na bago ibigay sa mga doktor ang Sinovac ay kinakailangan aprubahan daw ng Health Technical Assessment Committee sang-ayon po sa ating Universal Health Care Law.

Sir, pakibigyan naman po ng advice iyong ilang mga estudyante ninyo na naniniwala na dapat may HTAC approval bago ibigay sa doktor ang Sinovac. The floor is yours, Dr. Domingo.

DR. DOMINGO: To answer specifically, Sec, ‘yung iyong question – No! My answer is you don’t need the HTAC to go over this for the vaccine to be given. So I agree, the rollout, you should continue. So that is my position. But in fairness, Mr. Secretary, since you are principal player in the UHC Law, you will remember that our UHC group felt very strongly about the inclusion of a body which we call HTAC in the law and we were successful in that. And in fact, the HTAC, I think is organized, but the law says for 5 years it will be under the DOH, eventually its life will be with the Department of Science and Technology.

Why is this very important? Let me just make a preliminary statement so that there will be some coherence in what I will say. When we talk about technology, whether your audience is a doctor or layman, what is conjured in their mind when you say technology is about diagnostic and therapeutic instruments, gadget, equipment and lab test. While that is true under the concept of UHC, there is an expanded definition of technology. Technology should not only include what I mentioned, it must be expanded to include health services, health care intervention and even health policy especially if these three is going to be recommended for adoption on a national level, like immunization.

So, let’s go back to the problem on hand, the vaccine. The science of the vaccine as Dr. Bravo and Solante has said has been well worked up. It’s all there! We know what it’s supposed to do, what it can do, what you have to be aware of and so on and so forth. And there are many international bodies including the WHO, the CDC in Atlanta, the National Institute of Health, the National Health System in England that says, yes, we can use it under the following condition.

Now it comes to our place and our own FDA said, yes, you can use it. I do not see any reason why it should be subjected to HTAC discussion. But supposed the situation is something like this, supposing I say the Philippine government is now going to support, pay for the routine examination of all those above 50 years old and the examination will be colonoscopy every 5 to 10 years, that is a different story. Now you probably have to go to the HTAC because ang daming implication noon. So, I will not mention it anymore. Those are the kinds of issues that HTAC should handle.

Just to conclude, there are so many drugs being developed on a yearly basis. These are subjected to the same rigor of science as demanded by the agencies that will license their use. The studies are published in reference journals for everybody to see. Supposing you have a new drug for cancer, let’s say, of the liver that is superior to the drug that you have been using and it has already passed the required scientific rigor of research. And then you introduce it to a country and say, “Oh this is going to be available in your country.” Their local FDA look over the data and say, “Yes. Okay, puwede ninyo nang i-market.” Why are you going to subject it to HTAC examination? For what further reason? What further benefit?

So I think that is the same kind of reasoning I’m proposing why I don’t think we should submit this, the vaccine from China to HTAC discussion. Thank you, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Domingo. In fact, natatandaan ko pa po iyong araw na nagkaroon tayo ng committee hearing at sinabi ninyo rin po ito ‘no, na ang HTAC is not to second guess and not to sit in judgment of the judgment of the FDA kung safe or effective ang gamot. Pero kung mayroong mga procedures na ibibigay ang gobyerno kagaya ng libreng—ewan ko po, iyong sinabi ninyo—

DR. DOMINGO: Yeah. Yes, yes.

SEC. ROQUE: —to ensure na hindi naman masasayang ang pondo ng gobyerno sa mga procedure na hindi naman necessary – diyan po ang poder ng HTAC. Tama po ‘no?

DR. DOMINGO: Absolutely correct.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po. Marami tayong mga katanungan po galing sa ating mga kasama. At mga kasama sa Malacañang Press Corps, anything medicine related, I have the true experts to answer your questions. Usec. Rocky, let’s begin.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary at sa ating mga guests. Hindi ko lang po alam kung nabanggit ninyo na ito dahil hindi ko pa narinig, Secretary, sumunod lang po ako sa briefing.

Tanong po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online. Iyong assessment ninyo daw po sa unang araw ng pambansang pagbabakuna ng Sinovac sa mga medical workers at ilang opisyal na ng pamahalaan? Ready na ba kayo magpabakuna ngayong araw?

SEC. ROQUE: Napakatagumpay po noong nangyari. At least doon sa PGH po kung nasaan ako, dahil nga mayroong naunang alinlangan, mayroon silang survey na ginawa. Ang sabi nila hanggang sitenta lang pero ang nagpabakuna po mahigit pa 120 ‘no na mas doble pa ‘no, mahigit pa sa doble noong in-expect nila.

At ngayon po buong araw silang nagpapabakuna ngayon sa PGH at inaasahan natin na baka magkulang pa iyong initial allocation na ibinigay sa PGH na 1,000 plus sang-ayon na rin po doon sa survey na kinuha ng ospital ‘no kung ilan ang gustong magpabakuna. Huwag po kayong mag-alala, kung kinakailangan pa nang mas marami, padadalhan po kayo nang mas marami. Kaya nga po mayroon tayong buffer stock na mga around 30,000 vaccines ‘no. So napakatagumay po niyan.

Now ako po, gusto ko talagang magpabakuna kaya lang po ‘eto nga po ‘no, mayroon pong tinatawag na iNITAG [Interim National Immunization Technical Advisory Group] at tatapatin ko po kayo, kami po sa IATF ay nag-propose ng mga singkuwenta na mga bakuna ireserba para doon sa tinatawag nating influencers ‘no nang mapaigting natin ang ating vaccine confidence; hindi po sumang-ayon ang iNITAG.

Ako po’y sumusunod naman bagama’t kahapon nagmabuting-loob ang PGH, kung gusto mo bibigay na lang namin sa’yo ‘no at naghanda na po ako. Kaya lang news came to me na talagang matindi iyong pagtutol ng iNITAG na magpaturok ang hindi mga medical frontliners. So to avoid controversy hindi na po ako nagtuloy – at ang totoo naman po naubusan sila kahapon kasi akala nga nila 60 lang, 128 ang nagpabakuna ‘no.

So anyway, mabuti na rin po iyon kasi otherwise, ngayon aawayin ako noong mga advisory group ‘no. So anyway, susunod na lang po ako diyan para wala nang away, okay. ‘Pag pupuwede na, susunod na ako diyan at sabi ko nga kung pupuwede na baka kay Dr. Lulu Bravo ako o kay Dr. Ernesto Domingo sumabay ‘no dahil mukhang sasabay ako sa kanila because of my co-morbidities.

Sino po ang nabakunahan? Dalawa lang po at ito po ay dahil sinabi talaga ni Presidente bakunahan sila – ito po si Chief Implementer Carlito Galvez at si Deputy Chief Implementer Vince Dizon. Ayaw pa po sana pero – anyway I might as well say the truth ‘no – talagang si Presidente po nagsabi at least itong dalawang ito kinakailangan mabakunahan dahil of course we need to walk the talk.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang second question po niya: Reaksiyon sa panawagan ng ilang senador sa Malacañang na ikonsidera daw po at bawiin ang anunsiyong special working holidays ang November 2, December 24 at December 31st.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, iyan ay dahil po sa advice ng economic team. Napakatagal na po natin nakabakasyon. [laughs] Halos isang taon na tayong nagbakasyon dahil sa COVID-19.

Siguro naman po ngayong nandito na ang bakuna, hayaan naman nating maka-recover tayo for lost time ‘no.

Pero tingnan po natin kung anong mangyayari, nothing is etched in stone naman po. Tingnan natin baka naman dahil may bakuna na eh makabalik na tayo sa dati at baka hindi na natin kinakailangan maghabol pa ‘no. Pero let us have faith po on our economic team at saka ang katotohanan napakatagal na po nating nakabakasyon; iyong iba nga nawalan ng trabaho at gusto nang magtrabaho ‘no. So let’s leave it at that po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta tayo kay Mela Lesmoras, please, PTV-4.

MELA LESMORAS/PTV4: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Follow up lang po muna, my first question. Follow up po doon sa ating assessment sa vaccination day 1. Ibig sabihin po ba ng ‘napakatagumpay’, we are satisfied doon sa mga nangyari? And bukod po doon sa mga [garbled] ano po iyong mga nakikita ninyo nang [garbled] improve?

SEC. ROQUE: Well, as I said ‘no, despite iyong mga hesitancy ng mga medical frontliners, marami and iyong numero ng nagpabakuna exceeded our expectations. Consistent po ito doon sa mga pag-aaral na sinabi na ang mga Pilipino talaga, makita lang nilang mauna iyong iba eh susunod. Doon po sa PGH talagang umiyak iyong mga ilang mga medical frontliners natin noong nakita nilang nagpabakuna si Dr. Gap Legaspi ‘no.

Eh hindi naman po pupuwede dahil siguro may crush sila kay Dr. Legaspi ‘no kundi they were really moved by the fact na sa wakas eh mayroon nang pag-asa tayo sa COVID-19 at mayroon nang solusyon sa COVID-19. And I think this has been repeated in other hospitals and will be repeated in the other hospitals kung saan po tayo nagpapabakuna ngayong araw na ito.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Secretary Roque, my second question lang po. Naiuulat iyong pagtaas ng cases and even South African variant na-detect na rin sa Pilipinas. Ano pong masasabi ninyo rito; at dahil dito sir, may chance kaya na imbes na mapagaan iyong quarantine classifications ay maghigpit pa tayo?

SEC. ROQUE: Well, ang pakiusap nga po natin maski mayroon nang bakuna, eh mask, hugas, iwas at bakuna. Ngayong nandiyan na ang bakuna, bakit naman tayo hihindi lalo na ang mayroon nang mga bagong variants at lalo na kung ikaw po ay isang medical frontliner.

So it does make sense po na mag-antay pa ng bakuna na hindi naririyan samantalang nandiyan na iyong proteksiyon po ng bakuna na available at puwede nang kunin ‘no.

Now, binabantayan po talaga natin, pero alam ninyo naman ang ating quarantine classification ang kinukonsidera iyong two-week attack rate, iyong average daily attack rate at pinakaimportante iyong healthcare utilization rate. Hindi po natin madi-deny na talagang habang nandiyan ang COVID, talagang mas maraming mahahawa. Ang importante, nasa posisyon tayo na bigyan ng medical attention at tulong iyong mga nangangailangan. At kaya po talagang ang determinative ultimately is iyong healthcare utilization rate natin.

Next question, please. May isa ka pang question, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. My final question na lang po, Secretary Roque. Ngayon pong linggong ito, ano po kaya iyong mga inaasahan pa nating mga activities ni Pangulong Duterte; at inaasahan po kaya natin na magkakaroon din siya ng pag-iikot sa mga vaccination sites ngayong linggo?

SEC. ROQUE: Well, bukas po, Wednesday, mayroong full Cabinet meeting. So—and bukod po diyan, he’s on standby to also be at the airport to receive the delivery of the COVAX vaccine AstraZeneca kung kailan po ito mangyayari ‘no. So kahapon po nagbigay siya ng order matapos ang Talk to the People, sabihin lang sa kaniya kung kailan darating at sasalubong din po siya. Uuwi siya ng Maynila kung siya’y nasa Davao at sasalubong din siya sa AstraZeneca. Dahil kung dumating, kinakailangan pasalamatan din natin ang WHO at ang gobyerno po ng Inglatera dahil talagang itong papasok po at darating na COVAX Facility allocation ng AstraZeneca ay dahil po sa intercession ni Ambassador Pruce ng United Kingdom.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Aileen Taliping ng Abante Tonite: May concern daw po ang mga magulang sa ilang private schools partikular daw po sa Tondo, Maynila kasi niri-require iyong mga estudyante nila na 12 years old na mag-personal appearance sa school para sa graduation pictorial nila. Nangangamba daw po ang mga magulang sa banta ng COVID-19 kaya nais nilang malaman kung may coordination ba sa IATF ang mga private school para daw po makalabas ng bahay ang mga batang edad dose anyos para sa kanilang pictorials sa school?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po ‘no, talagang nakakabahala iyang report na iyan kasi hindi pa po natin pinapayagan lumabas ng bahay ang mga 12 years old. So ito po’y pinarating na namin sa Department of Education at sila po ay mag-iimbestiga na. At kung ito po ay mapapayagan, pero hindi nga po siguradong mapapayagan dahil bawal pang lumabas ang mga 12 years old ay dapat po sumunod sa minimum health standards.

Pero hayaan na po nating gumalaw ang Department of Education at ‘antayin na lang po natin kung ano magiging desisyon ng Department of Education dahil nga po the IATF policy is 12-year-olds must still stay home.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Usec. Punta tayo kay Joseph Morong, please, of GMA-7.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good morning. Sir, can I go first to Secretary Vince kung available siya?

SEC. ROQUE: Good morning. Certainly, go ahead please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sec. Vince, how are you? Sir, parang wala.

SEC. ROQUE: Secretary Vince? Okay, sino pang gusto mong tanungin next habang—

JOSEPH MORONG/GMA7: Kayo muna, sir. Sir, you mentioned na 50 influencers. Sino itong nasa isip ninyo, sir, and was this approved?

SEC. ROQUE:  Hindi nga po na-approve, kasama ako doon sa listahan ng 50, pero hindi kami na-approve. So, ngayon we need to get specific approvals for those na hindi medical frontliners na matuturukan. So ngayon po tatlo lang pala ang naturukan – Si Sec. Galvez, si Sec. Vince at saka is Chairman Abalos.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Pero sino rin iyong prinopose ninyo, sir, na 50? 

SEC. ROQUE:  Madami, kasama ako doon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Mga individuals ba iyan, sir?

SEC. ROQUE:  Marami pong taong gobyerno, siyempre kasama na rin diyan ang Presidente, siyempre nandiyan iyong mga kalihim. May ilang mga kongresista, may mga senador, mayroong mga media personalities. Pati nga movie personalities mayroon sana, kaya lang hindi po na-approve. So ang talagang emphasis nila, kung ano ang mayroon, ibigay muna sa medical frontliners – at hindi na po kami nag-argue. The only exception being iyong tatlo po – Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon and Chairman Abalos.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, doon naman sa travel because I have been receiving questions. ‘Di ba sabi natin, mayroon na tayong uniform travel policy na, number one, wala nang PCR na iri-require; and number two, wala ng quarantine if you don’t have a symptom. But I think on the ground, iyong mga LGU still requires quarantine. So, that’s the first ‘A’ question. Letter B is, how about international travelers, sir? If they go here, they are vaccinated in the US or in the UK and they go here, are they still required for the quarantine on the context of this new uniform travel policy that we have released?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, Joseph, iyong uniform rules natin is intended for domestic travel only. So the protocol for international travel remains the same, kung saan kinakailangang mag-quarantine, on the 6th day, mag-PCR and then of the 7th day, kung negative, puwedeng lumabas but must continue home quarantine in coordination with the local government unit.

Now, iyong rules naman natin for domestic travel, hindi po natin tinanggalan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na mag-require pa rin ng PCR test kung gusto nila. So nandoon pa rin po iyon na puwede silang mag-require ng PCR test and iyong quarantine are only for those with symptoms.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ah, kapag walang symptoms, ligtas na, sir?

SEC. ROQUE:  Oo, kasi mayroon silang examination, symptomatic assessment sa mga port of entry.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I saw na si Sec. Vince. But just last one question for you. Sir, yesterday, the President, he had a statement on Vice President Robredo and if I may just read en toto and then you can tell me what he meant by that. Sir, this is the start of the quote, “Iyan ang mahirap sa iyo,” this is the President talking, “You want to be relevant and you know sometimes you make an idiotic stance. Iyong mga ganoon, they deserve the best, anak ng***. Bakit nga ba, I would give them the worst. Mamatay ka na, hindi ko iwanan iyong mga frontliners and you do not need to really be redundant about it.” What does the President mean by that statement?

SEC. ROQUE:  Well, what he said remains. But the context is because, precisely Dr. Domingo is here, kung ayaw ninyong maniwala sa principal author ng batas which is me, maniwala kayo doon sa aking mentor. Ang sabi kasi ni Vice President, kinakailangan aprubahan muna ng HTAC bago ibigay sa mga doktor. And, of course, the President said, I read the law myself, very clearly flashed in the screen again the law, recommendatory po iyang HTAC at kagaya nga po ng sinabi ni Dr. Domingo eh hindi po iyan intended to second guess the FDA. Kaya lang kung ano iyong programang ibibigay natin, ng gobyerno to make sure na hindi masasayang ang salapi ng taumbayan, iyon po iyong konteksto. Kasi ang latest declaration ni VP ay kinakailangan, mirroring and echoing obviously an adviser of hers, na nagsasabi na kinakailangan HTAC approval before ibigay sa mga doktor.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, in plain English, ibig sabihin, iyong HTAC recommendation does not speak of whether the vaccine is efficacious and safe?

SEC. ROQUE: Bilang author, pangunahing author ng Universal Health Care Law, ang lengguwahe at ang intensiyon ay ang HTAC ay hindi mandatory ang kanilang approval bago magamit ang bakuna. It is recommendatory at out of the questions po during the time of a pandemic na magri-require ka ng stage 4 trial. Kasi po alinsunod doon sa recommendatory powers ng HTAC, may mga prinsipyo na ini-enumerate. At kasama po diyan iyong dapat dumaan sa stage 4 trials ang kahit anong bakuna na bibilhin ng gobyerno. Eh kung ia-apply po ninyo iyan, wala na po tayong bakunang magagamit dahil wala pa pong bakuna na nasa stage 4. Maybe si Dr. Bravo can confirm po na wala pang bakuna na nasa stage 4 against COVID -19. Dr. Bravo?

DR. BRAVO:  Wala, actually wala pa ngang natatapos na phase 3. Ang ibig sabihin ng phase 4 ay iyong nabigyan na ng certificate of product registration at ready to be placed into the market, puwede nang ibenta sa publiko at doon gagawa ng phase 4, meaning post-marketing surveillance. Iyon ‘yun, wala pa noon.

JOSEPH MORONG/GMA7:   Sir, can I go to Sec. Vince. I think he is setting up already.

SEC. ROQUE:  Go ahead please.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Secretary Vince, just two questions for you. In terms of the allocation, si Spox Roque has already given the numbers. But for March lang, sir, I would like to concentrate sa March. How many vaccines are we expecting this March and what vaccines are these?

SEC. DIZON:  Okay. So, Joseph, I am not fully aware of the latest figuresBut according to Secretary Galvez, which I think Sec. Roque has already said, we are expecting the AstraZeneca vaccines from COVAX in March. So, that is a minimum of the 525,000 that was supposedly going to arrive yesterday. Pero mayroong slight delay because of some delivery issues sa COVAX.

JOSEPH MORONG/GMA7:  No updated delivery schedule, sir? 

SEC. DIZON:  I will leave it up to the Vaccine Czar, Joseph, pasensiya na. I don’t want to throw in numbers that are not certain.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Iyong almost one million na Sinovac, March din iyon?

SEC. DIZON:  Yes, I think that has also been announced already, the one million Sinovac to be purchased by March. As to when in March it will arrive, again, we will wait for the final delivery date.

JOSEPH MORONG/GMA7:  How about the Pfizer na 117,000 o wala na talaga iyong Pfizer na iyon?

SEC. DIZON:  Hindi naman sa wala na, but there is no certain delivery date yet.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, so at least 1.5 AstraZeneca and Sinovac for March.

SEC. DIZON:  Yes, at least.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right, sir. Sir, thank you for your time. I know you are very busy person right now. Sir, Secretary Roque. Thank you regards to Dr. Bravo and all the doctors.

SEC. ROQUE:  Thank you, Joseph. Let’s go back to Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  From Jam Punzalan of ABS-CBN: Ano pong step are we taking to halt the South African COVID-19 variant? Six cases of which were confirmed today by the Department of Health.

SEC. ROQUE:   Dr. Solante, perhaps you can answer this question.

DR. SOLANTE:   I think we still have to continue the minimum health protocol and we have to implement it really religiously now that we have the more highly transmissible South African variant. And I think the point here is that the amount of work that we will be doing for the contact tracing will be very crucial, especially for those who have been exposed to this South African variant. And I think one of the reasons why that they are now increasing the presence of vaccines in Pasay, because once you have this risk of increased transmissibility then you always have a lot of cases that will be reported in the next few days.  So very crucial and contact tracing and maintaining the minimum health protocol in those areas.

USEC. IGNACIO:  Second question po niya, Secretary Roque, nasagot na ninyo, about iyong November 2, December 24 and 31 Special Working days. Ang third question po niya:  Did we have any update on the Palace’ study of whether President Rodrigo Duterte could use Sinopharm COVID-19 vaccine?

SEC. ROQUE:  Thank you for the last question. Moot and academic na po iyang tanong na iyan because maghihintay po si Presidente ng EUA dahil nabalita ko nga po kahapon na mayroon na pong nag-apply for the EUA of Sinopharm. So, maghihintay na lang po siya ng approval ng Sinopharm.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Good afternoon, Mr. Secretary, nice to see you again. Tumataas po iyong bilang ng may COVID sa nakalipas na ilang araw. Ito po ba ay dahilan sa hindi pagsunod sa rekomendasyon ng pamahalaan na ‘Mask, Hugas, Iwas’ at kumilala ng social distancing. Have we failed in the messaging?

SEC. ROQUE:  I don’t think so because the surveys have indicated that Filipinos po follow the minimum health standards. So talagang iyong mga pag-aaral, mga survey, talagang sumusunod naman po tayo sa mask, hugas, iwas at ngayon po ay sana sumunod din doon sa bakuna ‘no.

Pero I think combination iyan, talaga naman pong nari-report na na naririyan na ang UK variant. Wala pa pong kumpirmasyon na mayroon ng community transmission. Pero kung babasahin ninyo po iyong mga scientific and medical journals, eh sinasabi nila, pini-predict na nga nila that the UK variant may be the dominant variant. At iyan po dapat ang ating paghandaan, kaya nga po napakaimportante pa rin ng mask, hugas, iwas; at gaya nga po sabi ni Dra. Bravo, bakuna! Ganiyan po kaimportante ang bakuna dahil itong Sinovac naman po, napatunayan na epektibo siya laban sa mga bagong variants.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para po sa inyo at kay Secretary Dizon ang susunod na tanong. May mga bakuna nang darating pero hindi po kaya magkulang naman ang mga hiringgilya at karayom upang madala ang bakunang ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa? Nangyari po ito sa Estados Unidos. Do we have ample supply of needles and syringes in the Philippines?

SEC. ROQUE: Nandiyan ba si Sec. Dizon? Ang alam ko po, itong Sinovac at saka ang Sinopharm, may sariling hiringgilya na po sila. Now, hindi ko po alam iyong mga ibang bakuna ‘no. Secretary Dizon?

Next question muna habang hindi natin makontak si—pero as far as Sinovac and Sinopharm—

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Nakakatuwa po iyong Resolution # 101 ng IATF na puwede nang maglakbay. Subali’t ano po kaya ang sasakyan sapagka’t limitado pa rin ang operasyon ng mga bus sa iba’t ibang bahagi ng bansa? Mayroong mga biyahe mula sa Davao, Samar at Leyte, pero wala namang biyahe mula sa Bicol at Quezon Province. Ano po kaya ang balik dito ng IATF? Salamat po.

SEC. ROQUE:  Alam mo, napakadami pong mga pagbubukas na nakasalalay po dito sa ating rollout ng bakuna. So antayin lang po natin, ubusin man lang natin itong dumating na 600,000 at sana po ay maubos din iyong darating na 500 plus thousand na AstraZeneca. At tingin ko, kapag protektado na iyong ating mga health workers, mas magiging malaki ang kumpiyansa natin na lalo pang magbukas ng ekonomiya. At sinabi naman po ni Presidente iyan – mag-rollout lang tayo, mas magkakaroon tayo nang mas malaking kumpiyansa. Importante po siyempre na mabigyan ng proteksiyon ang mga frontliners kasi sila ang mag-aalaga sa atin kung tayo ay magkakasakit.

So kung matapos lang natin iyong 3.4 million na medical frontlines, napakalaking kumpiyansa na po ang magkakaroon tayo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Opo. Nakita ko na po si Secretary Dizon, nasa linya na rin.

SEC. ROQUE: Go ahead, Sec. Vince.

SEC. DIZON:  Sir Melo, good afternoon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon po. Iyon pong mga hiringgilya at karayom, sasapat po ba? Naitanong ko po kay Secretary Roque, but you may have another point of view dahil may darating pa tayong mga bakuna from other countries.

SEC. DIZON: Sapat po ‘no. Pinaghandaan na po iyan nung mga nakaraang buwan. Nakasiguro tayo na supisyente iyong ating mga karayom, iyong mga syringes, iyong iba’t iba pang mga ancillary na supply na kailangan natin para sa pagbabakuna; so kumpleto po tayo diyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Ano na po ang mangyayari ngayon doon sa mga quarantine facilities na itinayo ng ating pamahalaan? Marami po akong nakikita nito sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at kahit sa labas ng Metro Manila. Kung wala na po tayong mga kababayang maka-quarantine, ano na po ang mangyayari sa mga facilities na ito?

SEC. DIZON: Unang-una po, pinag-uusapan po natin ngayon with DPWH and the local government units na maaaring gawing dagdag na vaccination centers iyong iba. Pero hindi muna natin ginagawa iyon dahil naghahanda pa rin tayo just in case na may pagtaas sa mga kaso. So mabuting handa tayo kaysa kailanganin natin sila later on tapos kinonvert [convert] na natin sila.

Later on, itong mga facilities na ito ay puwede ring gamitin ng mga local government units, ng mga probinsiya para gawing mga evacuation centers. So marami pong paggagamitan itong mga ito. Pero sa ngayon, as is muna tayo; binabantayan natin ang mga kaso. Pero puwede nating gamitin either as additional vaccination centers or kapag natapos na iyon at nakalampas na tayo dito sa pandemyang hinaharap natin ay puwede silang gamiting mga evacuation centers.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po. Thank you very much, Secretary. Secretary Harry, thank you very much.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Sir Melo. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Punta uli tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Question from Mav Gonzales ng GMA News: Anong provision daw po sa indemnification ang pinapatanggal ng Pfizer at bakit daw po? May remedy pa po ba tayong puwedeng gawin since napirmahan na rin po ni President Duterte itong COVID-19 Vaccination Program Act?

SEC. ROQUE: Well, wala po akong alam diyan dahil wala akong contact kay Pfizer. Hindi ko po alam kung may information si Secretary Vince Dizon. But the President has taken the position that we are proud of this law and this is the law that we hope will give confidence to all vaccine manufacturers to sell to us. Pero parang napakahirap isipin that we can do more beyond what is provided in the law.

So Secretary Dizon, baka mayroon kayong personal information about this matter?

SEC. DIZON: Tama po si Spox Harry. At nagpapasalamat tayong muli sa ating Kongreso – sa House of Representatives at saka sa Senado – at siyempre sa ating Pangulo na napasa at napirmahan po agad-agad ang napakaimportanteng batas na ito. Pareho po ang position natin, ni Secretary Galvez at ni Secretary Roque, na supisyente na po itong batas na ito para sa iba’t ibang manufacturers ng vaccines.

SEC. ROQUE: Alam mo, pupuntahan ko uli si Dra. Bravo. Ma’am, ang batas natin ngayon ay nagsasabi na mayroon tayong 500 million para magbayad ng danyos sa lahat ng magkakaroon ng side effects sa kahit anong bakuna na ginagamit natin ngayon habang ito ay emergency use… covered by Emergency Use Authorization.

Ang lengguwahe ng batas po, ang isang exception na walang pananagutan ang mga developers ng bakuna ay in case of grave or gross negligence. Ang sabi ko nga po, borrowing the language of Venus Raj, “major, major negligence.”

Ano po ang karanasan sa ibang bansa? Unang-una, kinakailangan ba iyong ibang bansa na magkaroon ng ganitong batas; at pati ba ho iyong major, major negligence, grave negligence ay dapat ma-cover na hindi sila pupuwedeng mademanda? What do you know po as a vaccinologist?

DR. LULU BRAVO: Well, you know, before 1987, I think—I’m not so sure, but it was in the 80s, maraming nangyayaring nagki-claim ng, you know, indemnification at ang US, walang batas noon. Iyong tinatawag na Vaccine Adverse Event Safety Law na ginawa noong 1987—kaya alam mo noon, iyong mga manufacturing ng bakuna, nawala; parang wala nang gustong gumawa ng bakuna at that time.

And then ang US, nagkaroon sila ng ganiyang law, lumabas iyan sa US na only if, you know, mayroong ka talagang evidence na talagang negligence, iyong ganoon, kaya ka lang mabibigyan ng… you know, sasagutin mo, magiging responsable ka. Kaya mula noon, 1980s, nag-umpisa na ulit gumawa ang mga kumpaniya ng bakuna.

This was a very … it was milestone law sa US. At ngayon nakita mo naman, itong sa atin, medyo hindi pa naman huli ang lahat. I think it will also be kind of important for us to realize ano ba talaga ang kahulugan ng mayroong nang nag-iimbestiga na tunay ‘di ba. Kaya iyon nga ang sa totoo lang, iyon ang nag-volunteer akong sumali doon sa dami ng experts natin na nasa iba’t ibang komite, napakaimportante iyong tinatawag nating adverse event following immunization. Ano ba talaga ang makikita mong nangyari na maii-relate mo doon sa bakuna? Kasi importante iyon for indemnification. Kahapon nga iyong komite ko ha, nagtrabaho nang husto para nga makita papaano natin mapapagdugtung-dugtong ito para ang ating mga mamamayan ay mabigyan naman talaga sila ng tiwala na at kompidensiya na ginagawa natin ang ating mga expertise, ginagamit natin iyong ating expertise para bigyan sila ng tamang kahulugan kung ano ang adverse event na nangyayari kapag ikaw ay nabakunahan.

Kasi alam mo, adverse event means anything na nangyari pagkatapos mong mabakunahan. And alam naman natin, hindi lahat iyon. Karaniwan eh kung sakali, ano ba talaga, mahirap ipruweba iyon kasi lahat ng tao gustong sabihin, “Oh nabakunahan ako tapos ngayon namatay ako,” namatay siya or nagkaroon siya ng ganitong sakit, ng ganitong sakit. Eh dapat iimbestigahan mo talaga kung iyon talaga ay mairi-relate mo sa bakuna at iyon ang isa sa mga gagawin natin.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po—

DR. BRAVO: Para magkaroon tayo ng magandang indemnification at talagang may hustisya ang bawat may mangyayari na talagang masasabi natin related to the vaccine. Napakahalaga niyan!

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Dr. Bravo. If I’m not mistaken, parang ang sagot ninyo po, iyon nga po ‘no, mananagot lang ang mga developers ng vaccine kapag major, major negligence or grave negligence and not for any other kind of negligence.

Okay. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Yes. Question from Ace Romero: DOH said it has not received an application for EUA for Sinopharm. Please clarify your announcement yesterday and what was the basis for that?

SEC. DIZON:   DOH does not receive applications for EUA, it is the FDA at I shared na po sa ating head’s up Viber group iyong confirmation na naka-file na po ang Sinopharm at mayroon na pong sagot ang FDA doon sa filing kahapon and I can post it later for your information if you want.

USEC. IGNACIO:   Question from Lei Alviz ng GMA News for Dr. Solante po: Base sa mga pag-aaral, may pagkakaiba po sa sintomas ang sakit na dulot ng UK variant at South African variant. Ano po ang implikasyon nito sa vaccine efficacy?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, wala pa tayong konkretong data na magkaiba ang clinical presentation ng mga bagong variants na ito. So in general, it’s still the same as what the old variant has. The only difference here as of now na na-establish talaga is the increase in the risk of transmissibility.

Now, the implication of these new variants in the vaccine, iyon ang tinututukan ngayon ng mga vaccine companies. In fact, there are vaccine companies that are already testing its efficacy against this new variant. But for now, it is not yet a concern here in the Philippines because itong mga pumapasok na variants kaunti pa lang and that’s the reason why we really have to enhance the rollout, so that time will come na hindi tayo maabutan din ng maraming variant ng ganitong klase na, will also lessen the efficacy of this vaccine.

USEC. IGNACIO:   Opo, salamat po. Secretary, iyong question ni Pia Gutierrez at ni Prince Golez ng Abante ay nasagot ninyo na po. From Joanna Villaviray: The chief of the FDA and the MMDA were both vaccinated yesterday, why were they given an exemption from the NITAG decision to limit the vaccination to medical frontliners?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, dahil si Director Domingo siya ay nag-approve. Again ‘no, iyong epekto po ng pagbabakuna niya inaasahan natin na magbo-boost po iyan ng kumpiyansa dahil hindi naman siya mag-a-approve nang hindi niya gagamitin sa kaniyang pagkatao ‘no.

At siyempre, si Mayor Abalos, representative po for all our mayors na handa na ring magpabakuna. Nagpapahingi nga po kami ng paumanhin dahil napakaraming mayors na umaasa na ngayon po ay mababakunahan sila para ma-boost iyong confidence ng kanilang mga constituents. But we have 3.4 million medical frontliners po at ang talagang desisyon po eh iyong paunang nakukuha natin ibigay po natin sa mga medical frontliners.

Again, the President would like to ask for the understanding of our mayors, kasi talagang iyan po ang naging desisyon. Ako naman po, it makes sense dahil kakaunti pa lang naman ang dumarating, ibigay na natin sa lahat ng mga frontliners at ang aking panawagan naman po sa mga frontliners eh ayan po, narinig ninyo na po si Dra. Bravo, si Dr. Solante, si Dr. Domingo. Eh, ito po iyong mga tinitingalang mga ekspertong mga doktor sa kanilang mga larangan. So, sana po let’s take advantage of the fact na mayroon na pong bakuna na magbibigay ng proteksiyon kaysa wala po.

USEC. IGNACIO:   Okay. Question from Haydee Sampang: May mga LGU pa rin po na hindi nag-a-adopt ng uniform travel protocol set by the IATF under Resolution 101 kagaya ng La Union LGU na mahaba pa rin po ang listahan ng requirements kagaya ng travel authority and medical certificate kahit para sa leisure travel kaya dumadaing ang mga resort owner na matumal pa rin po ang turismo sa kanilang lugar dahil hindi pa binabago ng kanilang LGU iyon pong alituntunin para sa mga papasok sa kanilang probinsiya?

SEC. ROQUE:  Sa tingin ko po dahil kaka-approve lang eh kinakailangan bigyan lang natin ng notice ang mga lokal na pamahalaan. At nagtitiwala po kami na ang DILG ay magkakaroon po ng pagkakataon na ipakalat itong bagong impormasyon at siyempre po na makiusap sa ating mga lokal na pamahalaan na ipatupad na po itong uniform rules of travel.

USEC. IGNACIO:   Question from Tina Panganiban-Perez ng GMA News: May reaction po ba ang Palasyo sa CA decision on the petition for certiorari, prohibition and injunction filed by ex-Sen. Trillanes? Excerpt from the decision reads: The petition is granted, the assailed orders of September 25, 2018 and December 18, 2018 having been issued by the respondent court that no longer had jurisdiction on a dismissed criminal action and that it acted with grave abuse of discretion are set aside and vacated.

SEC. ROQUE:  Wala po akong idea kung ano iyang kaso na iyan, so wala akong reaksiyon. Baka iyan naman po iyong dati pang amnesty, iyong patuloy pa rin siyang pinananagot despite the amnesty. Pero wala po talaga akong alam, so I cannot comment on it po. Hindi ko po alam kung anong kaso iyan.

USEC. IGNACIO:   Question from Tuesday Niu ng DZBB: Ano daw po ang agenda sa gagawing full Cabinet meeting sa Wednesday?

SEC. ROQUE:  Wala pa po akong notice of the agenda ‘no. Confidential din po pati iyong agenda, so, nalalaman lang namin on the day itself.

USEC. IGNACIO:   Opo. May pahabol pong question si Joseph Morong kung nasa linya pa daw po siya.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Hi, sir!

SEC. ROQUE:  Yes, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Thank you for the bonus round. Thank you, Queenie. Sir, just for transparency’s sake ‘no. Iyon pong na-mention ninyo na mga 50 influencers, can you mention some of them, maybe more prominent names?

SEC. ROQUE:  Wala eh… Wala pa kasing listahan na 50. Ang hinihingi lang sana namin iyong IATF meeting, at least give us 50 shots for influencers pero wala po kaming isinumiteng mga pangalan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay. Sige, sir. Thank you.

SEC. ROQUE:  Okay, thank you. Isa pa, Melo Acuña?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you, Secretary at salamat kay Usec. Queenie. Nabanggit po ni Secretary Galvez na mayroong kahilingan ang St. Luke’s na magkaroon din sila ng Sinovac at magkakaroon ng mini-rollout na 5,000 para sa St. Luke’s Global at St. Luke’s Quezon City. Mayroon pong reaction iyong isa nating manunood, ano raw po ang dahilan at bibigyan ang St. Luke’s samantalang mas maraming medical frontliners sa mas mahihirap na lugar eh may kakayahan daw po naman ang mga taga-St. Luke’s? Iyon ang tanong. Salamat po.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, iyong availability ng vaccine wala pong kinalaman iyan sa kakayahan dahil hindi pa po nabibili sa kahit anong merkado ang mga bakuna. Pangalawa po, talagang nasa priority din po ang private hospitals. Nasa 8th priority po sila bagamat doon po sa protocol nga, uunahin nga itong mga COVID-referral hospitals.

Pero dahil nais iparating ang mensahe na lahat naman po ng frontliners ay binibigyan ng priority, humingi at nag-agree naman po na bigyan at sumang-ayon po ang Presidente dito. Hindi lang po ito desisyon ni Secretary Galvez but one expressly approved by the President last night. Hindi ko po alam kung napasama iyan sa broadcast but he also approved of it at ang sabi nga niya, mabuti iyan para makita nila na hindi lang mga pampublikong doktor ang pumapayag sa Sinovac kung hindi pati iyong mga pribadong doktor na rin.

Okay?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Salamat po, thank you.

USEC. IGNACIO:   Secretary, may question pa po. Question from Ace Romero: What is Malacañang’s directive on the South African COVID variant which has been detected in the Philippines?

SEC. ROQUE:  Well, patuloy naman po tayong nagpapaigting ng pagpapatupad ng ating health protocol at patuloy pa rin po iyong ating protocols sa mga papasok ng bansa na kinakailangan ang facility quarantine hanggang pang-anim na araw kung saan bibigyan sila ng COVID test. At kung sila ay positibo, ipapadala pa rin ang sample nila sa Genomic Center para malaman kung anong COVID ito.

Now, okay so since wala na pong questions siguro indulge me but I want Dr. Ernesto Domingo to have the last words.

Sir, mayroon ba kayong last words of advice sa ating mga health professionals na nag-aagam-agam pa na magpaturok using Sinovac? The floor is yours, Dr. Domingo.

Dr. Domingo, walang audio po. Paki on lang iyong audio.

DR. DOMINGO: Hello—

SEC. ROQUE: Yes, Dr. Domingo, by way of ending our press briefing today, your words of wisdom to the medical frontliner na nag-aagam-agam pa at ayaw pang magpaturok sa Sinovac. Sir, the floor is yours.

​DOMINGO: Secretary, kahapon pinagalitan ko ang aking pamangkin na nurse sa PGH dahil ayaw daw niyang magpaturok. Nagalit ako talaga, sabi ko magpaturok ka. Ang dahilan doon is kung tayo ay hindi maniniwala sa ating mga authority/doktor na hindi naman iisa, na ubod nang dami, sa ating mga institusyon gaya ng FDA, sa international institution gaya ng WHO at ng mga malalaking institusyon gaya ng National Institute of Health sa Amerika, CDC… sino pa ang dapat nating paniwalaan?

Ang COVID, ang kapalit ng hindi pagbabakuna ay maraming pagkamatay, pagbagsak ng ekonomiya. Kahit tayo very, very careful sa ating gagawin, mayroong mga pagkakataon na isasantabi natin muna ito dahil iyong benefit na makukuha mo ay talagang mas malaki doon sa mga sinasabi noong possible na hindi naman napu-prove na mangyayari. So I hope tayong lahat magpapabakuna.

Ako ready anytime kaya lang ayaw akong bakunahan kagaya mo Secretary dahil ako raw ay matanda na. Pero the moment mayroon iyong ina-allow sa over 65, mag-uuna ako doon, magmamadali ako. Makikiaway ako kung kinakailangan para mabakunahan ako at ang aking misis. Iyan ho ang gustong kong sabihin sa kanila. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po for your words of wisdom. Ladies and gentlemen, that was Magsaysay Awardee for Medicine, Dr. Ernesto Domingo.

Maraming salamat po sa lahat ng ating naging panauhin: Secretary Vince Dizon; the future Magsaysay Awardee, Dr. Lulu Bravo; the future Magsaysay Awardee, Dr. Rontgene Solante; and of course, the real Magsaysay Awardee, Dr. Ernesto Domingo.

Mga kababayan ‘no, tama po ang sabi ni Dr. Bravo, naaprubahan na po iyan ng mga eksperto na ligtas at epektibo at wala nang dahilan kung bakit ang ating mga medical frontliners, dahil nakakaintindi sila ng siyensya, ay hindi po magpaturok. Ang tanging dahilan lang na naiisip ni Doktora ay iyong tinatawag nating politika at saka prejudice.

Pero sa panahon po talaga ng pandemya, kinikilala po natin ang impluwensiya ng ating mga health frontliners, kayo po talaga ang magbibigay ng kumpiyansa sa buong sambayanang Pilipino na magpabakuna. Sana po dinggin natin ang tawag ng tungkulin.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox nagsasabi – MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA! Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)