Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas ‘no.

Ngayong araw, a-beinte dos ng Marso ang simula ng dalawang linggong additional restrictions sa Metro Manila at kalapit na probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na ngayon din po ay nasa ilalim ng General Community Quarantine, tatagal ito hanggang a-kuwatro ng Abril.

Kaugnay nito, na-finalize na po ng Department of Trade and Industry ang mga negosyo at industriyang pupuwede at hindi pupuwede.

Isa pong paglilinaw: Tuloy po ang operasyon ng mga gyms at fitness centers sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at 75% capacity subject sa safety protocols and minimum public health standards. Uulitin ko po ah, ang mga gym po sa Metro Manila at sa Laguna, Cavite, Bulacan ay pupuwede pong magbukas hanggang 75%.

Pero ang mga ito po ay nakadepende rin sa inyong lokal na pamahalaan, kung sila’y naglalabas ng ordinansa na nagsususpinde nito tulad ng Lungsod Quezon na wala munang gyms, fitness centers at spas.

Pinayagan ang outdoor dining; hindi muna pupuwedeng kumain o magkape sa loob ng mga malls. Mag-delivery or take out muna sa mga indoor dine-in restaurants, cafes at establishments.

Kung outdoor or al fresco dining, kailangan lamang mayroong acrylic or similar dividers, dalawang tao kada mesa na may tamang seating arrangements or one seat apart at iba pang engineering and administrative control.

Tatandaan lamang na nasa maximum 50% venue capacity ang outdoor dine in restaurants, cafes at personal care services. Kasama po ang mga spas sa personal care services. Sa paglilinaw din po, pupuwede mga spas at 50% capacity. Pero wala pa rin po munang makapag-aaral sa mga driving schools.

Bawal rin muna ang mga sinehan; hindi rin pupuwede makapaglaro ng video and interactive game arcades. Hindi muna makakapunta sa libraries, archives, museums at cultural centers. Limited social events sa mga accredited establishments na naaprubahan ng DOT at limited tourist attractions except open air tourist attractions. Pansamantalang sinususpinde ang mga ito nang dalawang linggo.

Suspendido rin po ang operasyon ng mga sabong at sabungan kasama iyong mga nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine. Pero gaya po ng aking sinabi, iyong e-sabong po ay nasa hurisdiksiyon ng PAGCOR. Ang mga ito po ay dati nang nabanggit sa IATF Resolution No. 103.

Datos at siyensya po ang naging basehan ng inyong IATF at ng ating Presidente ng pag-i-impose nitong mga karagdagang restrictions.

Isa pa pong paglilinaw ha, puwede na pong bumili ng bakuna ang lahat ng pribadong kumpanya kasama ang cigarette companies ayon ho sa Amended Implementing Rules and Regulations ng RA No. 11525 or the COVID-19 Vaccination Law subject pa rin po sa tripartite agreement kasama ng pribadong sektor.

Hindi po pupuwedeng mawala ang tripartite agreement kasi bagama’t pupuwede na pong bumili ang lahat ng kumpanya ng bakuna para sa kanilang mga empleyado, eh wala pa po tayong mga commercially available na mga bakuna. Lahat po ng mga bakuna sa ngayon ay sakop lamang ng Emergency Use Authorization kaya kinakailangan pa rin po na pumasok ang gobyerno sa pagbili ng mga bakunang ito sa pamamagitan nga po ng tripartite agreement.

Tingnan natin po ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of March 20, 2021. Makikita ninyo po na nalampasan na natin iyong peak na nakita natin noong Agosto ‘no at karamihan po ng mga kasong ito ay nanggagaling talaga sa Metro Manila at Region IV-A.

Nakikita naman natin dito sa susunod na slide ang new confirmed cases per day, by report date ‘no – January to March, Philippines, as of March 20, 2021.

So nakapag-report po tayo ng 5,646 new cases per day – 3.5 times higher ang mga new cases this March kung ikukumpara po noong Enero.

Ang susunod na slide naman po ay ang—makikita po natin na ang NCR po ay mayroon na rin pong bagong peak ‘no sa weekly cases by date of onset of illness ‘no.

Ano ba ho ang nagda-drive nitong surge na ito ‘no? Tingnan natin po ang infographics na ito ‘no. Unang-una iyong ating R-0 na tinatawag ‘no, iyong average number of persons po na makaka-infect ‘no. At ano ba ho iyong mga kadahilanan kung bakit tumaas ang R-0 ‘no.

Well unang-una po, iyong ating mga bagong variants nandiyan na po sila. Tapos mayroon din po tayong datos na mababa po iyong ating masking compliance. At nagkakaroon din po tayo ng mga super spreader events, gatherings at saka mga poor ventilation. At siyempre po, mayroon na rin po tayong reduced surveillance, reduced contact tracing at delayed testing. So iyan po ang babawiin natin muli dito sa susunod na dalawang linggo.

Puntahan naman po natin ang ating COVID-19 bed and equipment utilization rate mula April 2020 hanggang March 14, 2021, makikita po natin ang pagtaas ng trend for utilization rate. Ang ‘red’ po ay iyong ICU, ang ‘blue’ po ay iyong ating isolation bed, ang ‘yellow’ iyong ating COVID-19 positive ward beds ‘no, at iyong ‘light blue’ ay ang ating mechanical ventilators.

So sa susunod na slide ay makikita naman ang increase in ICU utilization rate sa metropolitan Manila. Makikita po natin na umaabot na tayo sa 70% dito po sa Metro Manila. So nasa critical po tayo ‘no pero hindi pa naman po red zone ‘yan ‘no.

Now usaping bakuna po tayong muli – as of 20 March 2021, 6 P.M., nasa mahigit tatlongdaang libo or 336,656 na po ang nabakunaha sa 1,623 vaccination sites sa buong bansa. Nasa 1,105,600 out of 1,125,600 doses or 98.2% ng bakuna naman po ang napamahagi na.

COVID-19 update naman po tayo ngayon: Mayroong report kahapon na 7,757 na mga bagong kaso ayon sa March 21 case bulletin ng DOH. Nananatiling napakataas po ng bilang ng mga gumagaling, nasa 577,754 po ang mga gumagaling; samantalang 12,968 ang mga namatay; maliit rin po ang ating case fatality rate at 1.95%. Gayun pa man, nakikiramay po tayo sa mga namatayan. Sa mga aktibong kaso, 97.3% po ang mild at asymptomatic; 1% ang critical at 1.1 po ang severe.

Tingnan naman po natin ang critical care utilization rate sa buong Pilipinas, kanina po sa Metro Manila lang. Pero sa buong Pilipinas 53% po ng ICU beds ang na-utilize na; sa isolation beds, 39% pa lang po ang na-utilize; sa ward beds, 38% pa lang po ang nayu-utilize; at sa ventilators ay 31% pa lang po ang nayu-utilize.

Diyan po nagtatapos ang ating presentasyon ‘no Makakasama po natin ngayong araw ay unang-una po, si Dr. Edsel Salvaña ng UP-PGH at Head din po siya ng UP Molecular Lab; kasama rin po natin si MMDA Chairman Benhur Abalos; at kasama po natin ang ating PNP OIC, si General Guillermo Eleazar.

So unahin ko po muna si Dr. Salvaña. Doc, ano ba ho ang siyensya doon sa mga hakbang na pinatupad natin ngayong araw na ito kasama na po diyan iyong travel bubble, iyong pagbabawal sa kahit anong mass gatherings maliban po sa KBL na hanggang sampung tao lamang, iyong pag-iengganyo ng pagsusuot ng mask maski nasa bahay kung may kasamang elderly at mga vulnerbles at saka iyong pagdi-discourage po ‘no ng pagbibisita sa mga tahanan ng ibang mga pamilya? Paki-explain lang po ang siyensya sa mga bagay-bagay na ito kasama na rin po iyong pagpapasara ng ilang mga establisyimento kasama na po ang pagbabawal sa dine in restaurants. The floor is yours, Dr. Salvaña.

DR. SALVAÑA: Maraming salamat po, spox. Magandang umaga sa lahat—magandang hapon na pala, twelve o’ clock.

Iyong siyensya po talaga dito sa ating mga measures ay we are trying to decrease iyong tinatawag na mobility ng mga tao kasi iyong virus naman po wala naman po iyong paa, hindi naman siya nakakagalaw. Ang nakaka-increase ng infection rate po talaga ay kapag ang mga tao ay gumagalaw going different cases.

Ang pinaka-drastic na po na nagawa natin sa pag-prevent ng mobility ng tao ay iyong mga ginawa natin na pag-lockdown dati. Ito po talaga iyong effective para ma-decrease ang number of cases bagamat ang total lockdown is really very devastating nga po sa ating ekonomiya at iyong mahirap po talagang mag-total lockdown ulit.

Marami na po tayong natutunan since one year ago. Alam po natin ang mask, ang face shield, gumagana po. And nakita naman natin iyong, we were actually anticipating a surge after December pero even though tumaas iyong mobility ng mga tao noong December, mukhang nakayanan naman, hindi naman tayo nag-surge ng January, February.

Iyong nangyayari po na nakikita natin baka po may kinalaman iyong ating mga bagong variant but at the same time po iyong patuloy po ng pagluwag natin ng economy of course, nagkakaroon po talaga ng mas maraming movement.

And so ang ginagawa po natin ngayon is what we’re trying to balance is we will try to decrease the amount of movement but not as drastic naman as a full lockdown dahil alam naman po natin na marami pong nahihirapan at iyong economy po natin ay nagkaroon ng problema.

So, we’re trying to balance it out and itong temporary na ginagawa po natin is really an attempt para mag-decrease po iyong ating number of cases to a manageable level at para makahinga po ang ating mga ospital dahil iyong mga ospital po kapag napuno po iyan wala ng kama para sa mga severe cases, doon po tayo nagkakaroon ng excess deaths.

Sa ngayon po, okay naman po ang ating pag-alaga sa mga severe cases. Nabubuhay po natin pero pinakas-importante po diyan dapat may kama sa ospital para maalagaan natin nang maayos.

SEC. ROQUE: Doc, alam ko sinabi ninyo na ito sa mga ibang pagkakataon pero bakit po mas handa tayo ngayon alagaan ang magkakasakit nang seryoso?

DR. SALVAÑA: Well, since one year po, marami na pong pag-aaral na nakita natin kung ano po iyong mga gamot na gumagana. So, unang-una po dito iyong dexamethasone, iyong ating steroids na ginagamit po namin sa mga serial cases lamang. Hindi po ito dapat gamitin sa mga mild cases kasi mas lalong nagkakaproblema iyong immune system. Sa severe cases po, it can decrease the risk of death by 1/3.

Tapos iyong tinatawag na gamit na remdesivir bagamat hindi siya nakakapag-decrease masyado ng death, iyong recovery rate mas mabilis po from fifteen days nagiging ten days for moderate to severe COVID.

And then iyong pinkabago po na pruweba, iyong tinatawag na tocilizumab in combination with the steroids po. Maganda po talaga iyong epekto niyan, nakakapagpababa ng mga namamatay.

Marami pa pong ibang gamot na pinag-aaralan hanggang ngayon bagamat mayroon rin po kasing mga kumakalat na hindi naman po talaga proven, mag-iingat po tayo dito. Sundin po natin ang mga sinasabi ng ating medical societies at ng FDA.

SEC. ROQUE: Well, diretsuhin ko lang po kayo ‘no. Mayroon isang gamot sa aso na hindi umano ay epektibo raw sa COVID-19. Bilang isang eksperto po sa infectious disease, ano ba ho itong gamot na ito at dapat bang kuhanin ng taumbayan ito?

DR. SALVAÑA: Well, itong tinatawag po na ivermectin, parasitologist rin po ako eh, so ginagamit namin iyan sa mga bulate. So, ano po it’s a well known drug sa bulate pero sa virus po hindi pa po klaro iyong ebidensiya. Mixed po iyong ating ebidensiya at may mga kumakalat nga po, ginamit nila ito sa Peru, mukhang bumaba iyong number of cases pero sa bawat Peru po, mayroong Brazil. Iyong Brazil po, isa sila sa pinakamalakas na gumamit ng ivermectin eh 2,000 sa isang araw ang namamatay sa kanila and more than 60,000 cases.

So, sa pag-aaral po ngayon, mayroon pa naman na ongoing studies pero iyong preponderance ng evidence mukhang very minimal if ever any effect at iyong kinakabahan po tayo, paggamit ng mga unlicensed na ganitong gamot aside from the fact na baka fake iyong iniinom nila, baka kasi kung may partial activity ito sa vius, ito pa lalo iyong mag-drive ng emergence ng itong mga ating variants and mutation.

So, we really discourage the use of this lalung-lalo na dahil hindi po siya FDA approved para sa kahit anong viral infection at iyong manufacturer na mismo, iyong Merck, sinabi po nila huwag ninyo pong gagamitin para sa pag-treat ng taong may COVID-19 po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Salvaña. Please join us for our open forum. Puntahan natin si chairman Benhur Abalos. Sir, alam ko po kayong mga mayor ang nauna na na nag-impose ng 10-5 curfew at pinalawak na natin ang sakop ng curfew kasama na po iyong apat na probinsiya. Ang tanong ko lang po, kumusta po ang reaksyon ng ating mga mayor doon sa mga karagdagang restrictions at mayroon pa ba silang nakikitang mas tingin nila na mas mahigpit pang mga restrictions na dapat ipatupad? The floor is yours, chairman Benhur Abalos.

MMDA CHAIR ABALOS: Thank you, spokesperson Harry ‘no, Unang-una, nagpapasalamat ho kami na ito’y ipinasa ng IATF ‘no at ito’y masusing pinag-aralan talaga. Siguro halos apat na oras sa pagdedebate at hindi lamang iyon pati sa mga alkalde apat na oras din at bago nga ho namin ito’y napag-usapan eh nakakailang meeting kami sa iba’t-ibang eksperto.

Pero ang laking bagay po ay itong tinatawag na nilakihan po ang rehiyon ng Metro Manila na isinama nga rin po ang Cavite, Laguna, Bulacan, at ang mga ibang lugar po ano, sapagkat alam ninyo, maski gamutin po natin ang Metro, karamihan po ng workers ay nasa kapitbahay lang, labas-pasok lang kaya ang laking bagay po na talaga ang borders ay nilakihan at nagkaroon ng buffer.

Gayunpaman, ay iniigtingan po ng mga alkalde of course iyong curfew ‘no at saka stringent measures ng contact tracing, ng testing, and of course, ito pong isolation at pinaka-importante po at hanggang ngayon ginagawa po nila iyong tinatawag na granular lockdowns.

Sinimulan po ito, spokesperson, noong Monday, so titingnan po natin siguro ang effect nito another seven days pa po pero for the mean time, the mayors if you welcomed this new resolution of the IATF at paiigtingin pa po nila ang pag-iimplementa ng mga protocols at of course mga protocols and mga remedies po.

SEC. ROQUE: Mayroon po kasing nagsasabi Chairman, iyong mga pekeng eksperto, dapat daw ECQ. Ano ba ho ang damdamin ng mga Mayors tungkol dito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ganito lang p0 Spokesperson. Noong last year po kasi, tama po si Dr. Edsel, halos peak na po tayo ulit ‘no. At iyon pong last year ay napababa naman dito po sa Kalakhang Maynila, napababa naman using the same things.

Tama si Dr. Edsel, mayroon tayo ngayong bagong teknolohiya, mga bagong gamot, pero ang importante lang po dito nanggaling na po iyong mga Mayor doon eh na-experience na po nila ito. So ginagawa lang po nila iyong dapat na gawin. Ang nakakapagtaka lang talaga ‘no, iyong surge napakabilis, hindi po namin ini-expect ito, this is really—nag uusap-usap ang mga Mayor, iyong nangyari sa Pasay kung maalala ninyo this was February 22, biglang bumilis na lang hanggang kumalat, napakabilis eh.

Kaya itong mga restrictions na ito—mga Katoliko rin po kami ang pamilya hanggang sa ano, at nakikisa po kami na for the meantime talaga iyong mga misa muna, iyong mga religious activities, Pabasa baka puwedeng virtual na lang na ginagawa ngayon at nakikiisa naman ang simbahan dito at nauunawaan po nila. So these kinds of steps pagsama-samahin talaga pong tingin po namin this will be effective sa Kalakhang Maynila.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Chairman Abalos, puntahan naman natin si PNP OIC General Eleazar. Sir, naku nasa kamay po ninyo ang pagpapatupad nitong pagbabawal sa paglabas at pagpasok sa Metro Manila at sa mga karatig na probinsya. Ano pong mga hakbang na ginagawa ng PNP ngayon at malaki ba itong pagsubok na parang mas malawak ngayon ang coverage ng ating travel bubble kumbaga. General Eleazar, the floor is yours.

GEN. ELEAZAR: Yes, magandang hapon po sa ating lahat. Hayaan po ninyong ipaliwanag ko iyong konsepto ng pagpapatupad ng PNP sa mga bagong guidelines sa based dito po sa IATF Resolution Number 104. Ito pong ating NCR consisting of 17 cities and one municipality ay considered to be an area or a territory just like any other province or highly urbanized areas.

But with this new guidelines na ibinigay sa atin ay ine-expand po natin ito sa sinasabi natin na NCR plus na isinama natin iyong mga contagious provinces of Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna. So naging isang area na po ito ngayon and ginawa po natin kagaya ng binanggit nga ni Sec. Harry na ginawa natin itong isang bubble. Ang atin pong purpose dito is to isolate this particular NCR plus from the rest of Luzon or country.

So ito po ay sine-separate natin doon sa mga iba-ibang probinsiya like Pampanga and Nueva Ecija in the case of Bulacan. At doon po sa Rizal iyong Quezon. Sa Cavite naman nandiyan iyong Batangas at sa Laguna naman itong Batangas at Quezon.

At base nga po sa ating direktiba sa ating mga kapulisan ano po ang gusto nating gawin dito. Hindi natin papayagan na iyong mga nasa loob ng bubble ay makakalabas at iyung mga mga nasa labas naman ay dapat hindi makapasok, except siyempre doon sa mga exemption na tinatawag nating mga APOR na puwedeng mag-cross.

So, with our directive to our unit commanders, iyon pong perimeter natin, iyong mga boundary na iyan, boundary ng Bulacan with Pampanga and Nueva Ecija; boundary of Rizal with Quezon; boundary of Cavite with Batangas; Laguna with Batangas and Quezon iyan po ay naglagay tayo ng mga quarantine control points na kung saan ingress and the egress, ito po na mga major thoroughfares eh mayroon po tayong mga checkpoints diyan.

But just the same, even doon sa mga trail o ibang lusutan ay nagbigay tayo ng direktiba sa ating mga chiefs of police na bantayan nila iyon, para hindi sila makalusot.

Ngayon, ano naman po ang gagawin noong ibang mga checkpoint natin sa loob, like for example sa NCR, kasi ang NCR eh, eh in effect nasa gitna na siya ng bubble. Mayroon pa rin po tayong mga quarantine control points na possibly puwedeng at random magtse-check pero hindi nila para i-restrict ang movement ng ating mga kababayan kung hindi siguraduhin na sila ay tumutupad doon sa bagong alituntunin ng IATF at the same time sumusunod doon sa minimum health protocol.

So, tandaan po natin na within the bubble the movement is not restricted. It is only when crossing the border na iyon ang ating babantayan at base nga sa pahayag ni Secretary Roque eh ito po iyong mga APOR na puwedeng mag-cross doon sa mga boundary na ito na lagi nating pinag-uusapan.

So dati po mayroon tayong travel authority, pero iyong travel authority dahil nga para iyon sa locally stranded individual, more than one year na tayo, wala na po tayo noon. At saka ngayon, it’s either you are APOR on non-APOR in the case of this bubble. If you are non-APOR stay lang po kayo diyan, huwag kayong pumasok sa ating NCR plus o huwag kayong lumabas ng NCR plus, iyon po iyong ating tatandaan. At within the bubble naman, nandiyan ang ating pulis upang mag-ikot at iyon pong napaguusapan natin na mga guidelines na ibinigay ninyo, iyon po ang ating ipatutupad.

SEC. ROQUE: Maraming salamat General Eleazar. Malinaw na malinaw po iyan. Okay, simulan na po natin ang ating open forum, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.

Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon daw po sa ulat na posible ‘di umanong humingi ng timeout ang Philippine General Hospital kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ramdam na po kasi ng mga healthworkers ang pagod at pagsipa ng kaso sa NCR at may ilang healthworkers na rin daw ng mga ospital ang tinamaan po ng sakit. Sa tingin po ninyo, napapanahon ang paghiling ng mga healthworkers na time out muna? Umapela na rin po ang PGH sa ibang ospital na sila na muna ang tumanggap ng mga non-COVID diagnosis dahil hindi na anila kaya pang ituon ang kanilang serbisyo sa mga hindi COVID-19 patients.

SEC. ROQUE: Well naintindihan po natin ang kalagayan ngayon ng PGH dahil ito pong PGH talaga ay isa sa talagang pinakamalaki ‘no na COVID referral hospitals natin. At ang ginagawa naman po natin, nag-u-augment din po ang DOH ng mga healthworkers, tayo po’y kumukuha ng mga healthworkers sa mga karatig na lugar ng Metro Manila para magrelyebo rin po ‘no doon sa mga hospital na talaga naman pong pagod na pagod na ‘no.

So mayroon na po tayong leksiyon na natutunan doon sa pagsimula po ng taon noong tayo po’y nagkaroon ng peak ng mga kaso at mayroon naman po tayong mga hakbang na gagawin ‘no para maiwasan iyong masyadong pagkapagod po ng ating mga health frontliners. Pero at the same time po sa ngayon, nagpapasalamat pa rin po tayo sa ating mga frontliners, talagang sila po talaga ang mga bagong bayani.

USEC. IGNACIO: And second question po niya: Ano po ang reaksiyon ninyo sa rekomendasyon ng OCTA Research Group na unahin ang Metro Manila at ilan pang kalapit na mga lugar sa pagpapabakuna kontra Coronavirus Disease 2019? Ito po ay sa harap na rin nang dumarami ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na po sa NCR.

SEC. ROQUE: Wala pong inconsistent sa sinasabi ng OCTA doon sa ating National Vaccination Deployment Plan, mayroon po tayong sectoral kaya po inuuna natin ang lahat po ng ating mga health frontliners ‘no sa buong Pilipinas. Pero matapos po iyan ay mayroon po talaga tayong geographic at iyong geographic ay iyong mga areas na kung saan matataas nga po ang kaso ng COVID. So inaasahan po natin na talagang ipatutupad naman po itong National Vaccination Deployment Plan kung saan mabibigyan po talaga ng prayoridad iyong mga epicenters ng COVID-19 kasama na po ang Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Reaksiyon din po sa isiniwalat ni Senator Imee Marcos na hinaharang ‘di umano ng DOH at ng NTF ang ilang mala-higanteng kumpanya na makabili ng sarili nitong bakuna. Kung iisipin daw po ay iyong 50% daw po na bibilhin ng mga giant companies na bakuna ay idu-donate ng mga ito sa gobyerno.

SEC. ROQUE: Actually kahapon o iyong huling press briefing po sinagot ko na po iyan. Sinabi ko draft lang naman iyon at ang sisiguraduhin natin eh mapatupad kung ano iyong mas nakakabuti sa ating bayan at sa panahon ng pandemya, siyempre mas maraming bakuna ay mas mabuti. At nadinggin naman po ang mga protesta hindi lang po na galing sa mga kumpanyang ito, tobacco at mga milk companies kundi sa publiko na rin, at naamyendahan na po iyong draft IRR noong batas na binuo ng Kongreso para nga makapag-angkat ng bakuna ang private sectors so tinanggal na po iyan. So wala na pong ganiyang probisyon sa proposed IRR noong national vaccination law natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary ang susunod na magtatanong, si Triciah Terada ng CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon Spox and to our guests. Sir, first question. This whole NCR Plus bubble, a lot say that it looks like and it sounds like a lockdown. But you already said, sir, that this is not a lockdown, very much different from a lockdown. But many still asks, is it because wala na raw po ng pera pang-ayuda kaya hindi natin ‘to matawag na lockdown? And just to end the questions about the lockdown, sir, is it out of the options already na hindi na tayo ever magkakaroon ng lockdown because our economy is incapable of catering to a lockdown?

SEC. ROQUE: Well bukas po iimbitahin natin si Secretary Karl Chua dahil si Secretary Karl Chua po ay nagprisenta noong cause-benefit analysis ‘no kung tayo po’y magkakaroon ng ECQ or MECQ. Talaga po ang karanasan natin mas marami po ang nagugutom, mas marami ang namatay sa ibang mga kadahilanan kaysa sa COVID-19 kung ipagpapatuloy po natin ang economic lockdown.

So ang ginawa po natin instead ni-limit po natin ang mobility pero at the same time hinahayaan nating bukas ang ekonomiya nang tayo po ay makapaghanapbuhay lahat ‘no. At ang anyo naman po ng COVID-19 ay maski ikaw ay tamaan, gaya ko asymptomatic, pupuwede pa ring magtrabaho huwag lang sana manghawa ng iba; so puwedeng magtrabaho in isolation ‘no.

So iyon po ‘no, hindi naman po sa kawalan ng ayuda ‘yan. Kung talagang kinakailangan, nothing is etched in stone, kung talagang kinakailangan at ito’y hindi maging sapat eh baka konsiderasyon pa rin iyan. Pero sa ngayon po, talagang kinikilala na natin ang problema ng pagkagutom na magriresulta kapag sinarado po natin ang ekonomiya. So pigilan natin ang mobility pero hayaan nating maghanapbuhay ang lahat.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Spox, can I add?

SEC. ROQUE: Yes. Si Chairman Abalos…

MMDA CHAIRMAN ABALOS: I would just like to add ‘no that mayroon pa rin pong lockdown but these are just granular lockdowns which the mayors still is more effective because in a way ‘no, iyon ang clustering of cases ang nalilimitahan mo, bibigyan pa ng ayuda ‘yan ng gobyerno through the mayors and of course the healthy population can still go to work – and this where you calibrate the health with the economy. It’s still being done, the lockdowns, but it’s on a micro level, granular. Tingin namin mas effective po ito.

SEC. ROQUE: Alam mo hindi lang naman Pilipinas ang nag-i-implement, Chairman at saka Trish, ng granular ‘no. Sa buong mundo iniiwasan na rin talaga nila iyong naging total lockdown na lahat tayo ay gumawa ‘no at ngayon po talagang tinututukan iyong granular. Ganiyan din po ang ginagawa ngayon ng Indonesia at kung hindi po ako nagkakamali sa France at ilang lugar ng Spain, granular din po ang kanilang lockdown. So tama po si Chairman Abalos, tuloy pa rin naman po ang ating lockdowns, ginawa lang nating granular and localized.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir, some businesses are asking, magkakaroon daw po ba ng ayuda because as I understand restricted iyong movement so technically magkakaroon daw ng impact sa kanilang income since walang masyadong customers, at least iyong foot traffic is lesser. Will there be aid for business in any form, maybe a loan, a moratorium on payments or cash aid?

SEC. ROQUE: Tuluy-tuloy naman po iyong ating mga supports lalung-lalo na sa small and medium enterprises ‘no. Mayroon nga po tayong government-owned corporation, iyong Small and Medium Corporation na talagang nagpapautang pa rin at lahat po ng ahensiya ay patuloy pa rin iyong mga pagbibigay. Ang DOLE po natin patuloy iyong pagbibigay ng TUPAD dahil ang dami pong nawalan ng trabaho maski ang ginagawa natin ngayon ay hindi natin sinasarado ang industriya para nga makapagpatuloy na magtrabaho iyong mayroon pang mga trabaho, eh talagang record high din po iyong mga walang trabaho.

So wala pong tigil ‘yan pero in terms of iyong sinasabi mong ayuda na gaya ng binigay natin sa ECQ, dahil hindi naman po natin pinipigil magtrabaho ang ating mga kababayan eh hindi na po tayo dapat magbigay ng ganoong ayuda dahil puwede pong maghanapbuhay ang lahat. Pero I understand iyong mga local governments po, iyong mga subject to localized and granular, nagbibigay po rin sila ng ayuda.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Thank you, Spox. Spox my next question may be answered by you or by Dr. Salvaña. Ito po bang nakikita nating pagdami ng cases, are we still able to track which variants are present among the people who tested positive? Is it mainly affected already by the new variants?

SEC. ROQUE: Dr. Salvaña…

DR. SALVAÑA: Spox, can I answer? Yeah. So we’re continuing iyong tracking natin through the Philippine Genome Center and we’re running about 750… we’re running 750 samples per week. And ang nakikita naman natin is iyon nga, mayroong variants na pumapasok but at the same time the old viruses are still there, sabay-sabay sila lahat lumalaki.

So in other places kasi, ang bilis ng replacement ng old viruses with the new variant. Iyong sa atin, you may have heard iyong sa 150 na samples, parang ad hoc samples iyon eh sa Metro Manila but that’s not a nationally representative sample.

But overall, the number has gone up siguro from 5 to about 8 percent total variants. So slow pa rin iyong pag-increase but it is increasing but what’s driving this is not just the variant – the variants probably do contribute but a big part of it is still the same old virus which is still very contagious.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Doc. Sir may last question would be for General Eleazar po.

SEC. ROQUE: Go ahead please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon General Eleazar. Kasi Sir, a lot of people are asking, of course sabi nga po di ba ID iyong requirement to verify iyong doon sa mga checkpoints. But how can the people know, Sir, kung ano iyong valid apprehension? In the first place, Sir, kung halimbawa hindi ka dapat lumabas, nakita kang nasa labas, will there be any apprehension or pagsita lang po, sasabihan lang na bumalik ka. And if there will be any apprehension, paano po ba iyong magiging process nito, dadalhin ka po ba sa kulungan or in a separate facility?

GEN. ELEAZAR: Thank you, Triciah. By the way kung titingnan natin ha, within the bubble or even outside the bubble ay kakaunti na lang iyong ating mga unauthorized person. Kaya nga basically ang mga tinitingnan lang natin diyan is not necessarily the movement eh, kung hindi iyong mga unauthorized lang, matanda siya o masyadong bata or hindi nagsusuot ng mga protective gear na kailangan natin. So, basically even though ang instruction natin nga is naka-more one year na tayo, dapat wala ng paalala, pero still nandoon pa naman iyong ating maximum tolerance sa kanila.

And for most of them ay talagang base sa ordinansa na talagang halos lahat naman, we are talking about Metro Manila, na mayroon nang ordinansa sa paglabag nitong mga guidelines na ito ay una nagmumulta sila. Nakikinabang na ang ating LGU eh hindi pa natin kinukulong siya. Doon sa mga susunod, community service and after that saka kinukulong. Kaya po titingnan natin mas napakarami iyong ating pinagmumulta lang kaysa sa ating kinukulong. At idagdag ko rin na dito nga sa atin, particularly in Metro Manila, wala nang restriction actually ang ating movement, lalo na ngayon na in-expand pa natin siya doon sa NCR plus, kung saan hindi na dapat tayo nagtsi-check doon sa boundary ng NCR, hinahayaan na natin at iyon ay ipinauubaya natin ngayon doon sa outer perimeter para siguraduhin na walang lalabas at walang papasok na mga unauthorized within and outside the bubble area.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, than you Sir, so no arrest, malinaw po, no arrest will happen.

GEN. ELEAZAR: Well, usually, idagdag ko lang Triciah na ang arrest is nangyayari doon kung mayroong ibang mga kasamang ibang mga offense like for example eh pumalag, at the same time mayroon tayong ibang violation na nakuha. But basically on the minimum, on initial violation of the observance of this physical distancing, and wearing of mask and shield, more on caution ang binibigay natin diyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Very clear Sir. Sir, thank you very much, Sir and thank you very much Spox and to all our guests.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish, back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, question from Red Mendoza ng Manila Times for Dr. Salvaña: With more than 100 samples of variants discover in the latest Genome Sequencing batch, do you see possible community transmission of the variants in the country.

DR. SALVAÑA: Iyong 150 na iyon, again adhoc iyon eh, kasi kumbaga idinagdag iyon on top of the usual weekly samples that we test, kasi we wanted to see iyong spread nga noong variant. Most likely ganoon na nga po, kasi we are seeing a sustained transmission of these variants. But ang ano kasi it’s always delayed eh. Kasi kapag sinasabi mong community transmission, you have to have evidence na hindi mo na ma-trace iyong clusters. A lot of the clusters can still be traced lalo na doon sa South African variant, but you know this is after sequencing. The best thing to do right now, iyong evidence is, its point towards community transmission: Is it sustained community transmission? We are not sure.

But we have to act like it. Kasi mas importante na nag-o-over compensate tayo rather than mag-a-undercompensate tayo. For us, it’s more of an academic exercise whether there’s a community transmission or not. The important action point is really to act like it’s there and we need to keep it low, kasi alam naman natin kapag maging dominant iyong ating variant, magtataas talaga iyong infection rate at mas tataas talaga iyong mortality.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: What can say you say about the variant that was discovered in France na hindi daw po nadi-detect ng RT-PCR test pero nakikita ng sintomas which cause the death of some individuals there? Dapat na po ba tayong mag-worry about this variant?

DR. SALVAÑA: Well, unang-una actually that is news report ‘no, and we, mga scientist, we are trying to figure out exactly what they did. Iba-iba kasi iyong kits natin, we don’t just test for RT-PCR, hindi lang isang piyesa ng virus ang tinitingnan natin, we usually look for two or three.

So iba-iba iyong kits, and how we constructs them and again the kits can also be adjusted, wala namang problema rin iyon. So, sa ngayon, very cautious kami diyan kasi unang-una it’s just a small number and number two we are not even sure what they are talking about in terms of what is one gene, two genes or mayroon ba doon sa eight na hindi natsi-check baka 100 naman iyong nag-positive, so baka it’s just a loss of efficiency. So, I am very, very wary about saying something about this, kasi I am sticking to the information and alam naman natin na ang dami talagang fake news. Pero there might be an element of truth to it, but it’s probably not the whole picture. So, I would rather wait for more data at this time.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Salvaña. Secretary ang susunod na magtatanong ay si Maricel Halili ng TV 5.

SEC. ROQUE: Go ahead, Maricel.

MARICEL HALILI/TV 5: Hi Secretary, magandang hapon po sa inyo and good afternoon to our guests. Sir, first question. How much reduction on COVID cases does the government expect through this new restriction na ipinapatupad po natin? Gaano kadami iyong target natin?

SEC. ROQUE: Well, doon po sa briefing ng DOH, ang target natin minimum 25% reduction, but we are hoping for more. Kaya nga po dinadaan na rin natin sa pakiusap. Bagama’t hindi po kayo pinagbabawalan na lumabas sa inyong mga tahanan sa loob ng NCR plus bubble, sana po kung hindi naman kinakailangang lumabas, eh manatili na lang po sa ating mga tahanan. Kasi ang nais natin is mas malaki pa sa 25% po ang mabawas sa mga kaso. Kasi at 7,999 eh 25% eh malaki-laki pa rin iyan ano kung we become successful. But of course we are realistic, it will not happen overnight naman, so ang pakiusap po bawas po talaga ang ating galaw.

MARICEL HALILI/TV 5: Secretary, iyong 25% reduction, this is already a na manageable number for the government?

SEC. ROQUE: Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan. So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin ng mapababa natin ang numero.

MARICEL HALILI/TV 5: Sir, clarification lang po pagdating po doon sa purchase ng bakuna, because some private companies or iyong mga employers, medyo nagkakaroon daw sila ng confusion, they don’t know if 50% of the vaccines that they purchased should be donated to the government? Is this part of the agreement between the government and the private sector na automatic kapag pumasok sila ng tripartite, automatic 50% iyong sa government or is this purely voluntary?

SEC. ROQUE: Napansin ko po iyan, napansin ko po iyan na sa batas wala pong provision na 50% ido-donate, pero sa tripartite agreement po nakasulat po iyan. So sa tingin ko po kung ang gagamitin pong dokumento ay ang tripartite agreement, eh mayroon pa rin pong donasyon sa gobyerno, but I could be wrong, kasi pupuwede na maamyendahan iyong tripartite agreement, iyong model form as a result of the passage of the law. So, abangan na lang po natin. Bukas po kasama natin si Vaccine Czar Carlito Galvez at siguro siya po ang makakapagsabi kung patuloy pa rin ang donasyon sa gobyerno.

MARICEL HALILI/TV 5: Okay Sir, kasi for AstraZeneca definitely may 50% po iyong private sector ano po?

SEC. ROQUE: Narinig ko kasi iyong tripartite agreement na iyon. Kung hindi po magbabago ang form, eh tuloy po iyong 50%. But because the law, did away with the donation, ilalagay yata sa IRR, let’s seek clarification from the vaccine Czar himself tomorrow.

MARICEL HALILI/TV 5: Sir, panghuli na lamang po iyon pong schedule ni Presidente. I understand sabi po ninyo most of his activities naman sa Malacañang. But following the restriction, does it mean that he cancelled all his out of town events in the next two weeks and where does the President plan to spend his holy week, mag-stay din po ba siya sa Malacañang or is he going back to Davao?

SEC. ROQUE: Well sa ngayon po ang mga schedule niya po ay naririto sa Maynila. Mayroon po siyang schedule na uuwi sandali sa Davao pero next week po balik po siya sa Metro Manila. As to where he will spend holy week, hindi po naka-indicate pa sa kalendaryo, ang huling tingin ko po ay nasa Metro Manila po siya next week. At atat na atat na din po ako by next week tapos na iyong aking quarantine. So makaka-attend na rin po ako ng talk to the people sa Monday next week at makikita ko na rin si Presidente.

MARICEL HALILI/TV 5: Sorry, nagpa-reswab na po kayo and are you still staying at the quarantine site or pinayagan kayo na makauwi sa bahay?

SEC. ROQUE: Nawalan ng tubig po sa quarantine hotel. Lumipat po ako, hindi po ako nasa bahay ko because my wife has comorbidities, nanghiram po ako ng bakanteng bahay where I am quarantining.

Tatapusin po natin iyong minimum ten-day quarantine dahil asymptomatic po tayo. But we hope to join the President next Monday because that would already be the 15th day pero magre-reswab pa rin dahil iyan po ang requirement ng Malacañang.

MARICEL HALILI/TV 5: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you po. Next question, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para po kay Dr. Edsel Salvaña: You were quoted as saying that “the best use of Sinovac for now is general public with moderate risk exposure and not high-risk exposure like with frontline COVID workers because we know that it will work at 91% efficacy.” Why is government promoting Sinovac when it is not suited for frontline work, shouldn’t the frontliners be prioritized first?

DR. SALVAÑA: Yes po. That’s an old Facebook post po noong lumabas initially iyong FDA approval na EUA. Since din dahil nga wala pa po tayong ibang bakuna and ang nakita naman po natin even for health care workers 100% po iyong protection for severe disease and alam naman po natin iyong clear and present danger natin ngayon are our health care workers lalo na dito sa surge.

So, iyong naging issue lang naman po talaga was initially iyong sinabi ng FDA na medyo mababa iyong efficacy against mild although wala rin namang ganoong provisions sa ibang bansa na nag-approve na ng Sinovac. So, TAG po at NITAG nag-usap-usap po especially in light na there is an acute vaccine shortage then it is important that we offer whatever protection we can to the health care workers. May choice naman rin po sila, they never lost their place in line.

Pero kasama kasi ako doon sa frontliners and I’d rather be protected. I am so happy I got it kasi ngayon I am taking care of about ten COVID patients na positive po and I got my vaccine three weeks ago, mayroon na pong proteksyon ako sa severe aside from the fact that I’m using my PPE.

So, iyong lumang pahayag na iyon, that’s assuming may iba tayong vaccine, the problem is there is an acute shortage so we will use what we can use to protect our health care workers as much as possible po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Salvaña. Question from Jam Punzalan from ABS-CBN for Secretary Roque: With NCR plus under tighter quarantine, how soon does the government expect to curb the coronavirus surge?

SEC. ROQUE: Well, inaasahan nga po natin na magiging epektibo ito at mapapababa iyong mga numero. Sa ngayon po talaga hanggang hindi natin natatapos ang pagbabakuna eh magpapatuloy po ang pandemya. Pero hinihingi natin ang kooperasyon ng lahat po at alam naman po natin, nakiki-cooperate ang lahat, nagkaroon lang talaga ng mga bagong variants na naging dahilan kung bakit mas nakakahawa iyan ‘no. Pero dahil nga mas nakakahawa sila, dapat mas maigting ngayon iyong ating mask, hugas, iwas, at bakuna.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Aside from a diplomatic protest, what are we doing to drive away Chinese militia ships in the West Philippine Sea?

SEC. ROQUE: Well, sa international law po, iyan po talaga ang dapat nating gawin, mag-file ng diplomatic protest. Hintayin po muna natin kung anong isasagot ng Tsina diyan dahil nagkaroon ng protesta kinakailangan namang magbigay sila ng kasagutan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtanong, si Pia Ranada ng Rappler.

PIA RANADA/RAPPLER: Hello? Secretary, can you hear me?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

PIA RANADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, you mentioned earlier na may target po tayo to reduce daily new cases by 25% at least. Sir, is this the only basis to decide whether or not to extend the GCQ? Meaning if you reach this goal we will already stop the stricter GCQ? And how about sir iyong health care utilization rate, are we also aiming to reduce the health care utilization rate before we can decide whether or not to extend this stricter GCQ?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po kasi kapag napababa natin iyong total infection rate—statistically kasi 1-2% lang naman iyong kinakailangan pumunta sa ospital. So by reducing the total rate, nire-reduce din natin iyong percentage na kinakailangan magpagamot sa ospital at iyon nga po iyong ini-aim natin ‘no na mapababa iyong mga kinakailangan mag-ospital at hindi umabot doon sa punto na mao-overwhelm ang ating mga ospital.

So, ang tanong mo is ito lang ba iyong konsiderasyon? Well, out of many considerations po ‘no. Siyempre po, iyong cost-benefit analysis na ginawa ni Secretary Karl Chua was also taken into consideration na baka naman iyong 13,000 at 12,000 na namamatay ay nakakalimutan na natin na hundreds of thousands na ang posibleng mamamatay sa iba’t-iba pang dahilan at hindi lang COVID.

At saka iyong mga napakataas na hunger rate na natin and unemployment rate kung magsasara pa tayo ng ating ekonomiya.

So, what I’m saying is hindi lang po iyon ang tinitingnan, pati po iyong epekto sa ekonomiya, iyong social cost sa ating mga kababayan, lahat po iyan ikinokonsidera kaya nga po entire nation approach ang ginagawa ng IATF.

PIA RANADA/RAPPLER: So sir, are we going to wait for certain utilization rate and hospitals to be reached na dapat bumaba siya ulit to 40% for example kasi right now it’ nearing 70%? So, is that also a consideration that we will wait for it to get to a certain level before considering the extension of this GCQ, at what rate sir would be consider cutting it already?

SEC. ROQUE: Part of the formula ‘no na kapag umabot na sa danger level eh talagang drastic actions will have to be taken. Pero unlike before kasi Pia, we have added ICU beds, we’ve added TTMFs, iyong mga isolation facilities where I stayed in fact, and we are building even more.

In QI now, we are adding about 150 ICU beds and we are resuming the operation of Nayong Filipino. Ngayon kasi mga 150 lang naha-handle nila, we want to make it 500 again at iyong mga dating naisara na natin dahil kakaunti na iyong kaso, iyong mga Ninoy Aquino Stadium, lahat po iyan bubuksan po natin ulit.

So, ang ini-expect po natin dahil mas marami na tayong facilities ngayon, mas matagal pong mapupuno iyong ating mga ospital at mga TTMFs.

PIA RANADA/RAPPLER: Sir, question for General Eleazar. Sir, it seems sir na iyong tourism allowed naman siya po within the bubble. So, for example, if Metro Manila residents want to go to Tagaytay for tourism, is that allowed? And what if they bring their kids or elderly citizens, allowed po ba sila to go through the checkpoints? Paano po iyong mangyayari doon?

PNP GEN. ELEAZAR: Yes. Within the bubble siya so walang problema iyon, allowed siya and mayroon namang mga guidelines na inilabas ang ating Department of Tourism regarding doon sa mga bata at matatanda kung kasama sila, pati na rin sa reservation and iba ang protocol ng hotel na accredited na pupuntahan.

So tandaan po natin, ang hindi lang pupuwede is… for example, eh lalabas ka ng bubble natin para pumunta doon. Pero iyon nga, maraming nagtatanong, galing ka dito sa Metro Manila, pumunta ka staycation ka sa Tagaytay, puwede po iyon. Puwede rin sa Laguna at puwede rin sa Bulacan; pero kung ikaw po ay nasa from Manila at pupunta ka ng Boracay, iyon ang magiging problema natin dahil kasama iyong non-essential pati na rin iyong tourism sa ganitong usapin.

PIA RANADA/RAPPLER: Okay. And sir for MMDA chairperson Benhur Abalos. Sir, ano po iyong basis natin for not allowing kids to do outdoor exercise when the elderly naman can; bakit may differentiation between kids and elderly when before wala naman po?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, actually ‘no, iyong sa kids pinag-usapan nang husto iyan kasama iyong mga doctors ‘no, iyon nga, iyong sinasabi ng UNICEF about the kids. Pero they are more vulnerable at this point in time. They’re very much vulnerable kaya napag-usapan na lang na as far as the kids are concerned ililimita na, isasama na lang muna sila sa eighteen and below. Anyway, it’s just weeks, Pia, just two weeks.

PIA RANADA/RAPPLER: Okay. Sir, last question for Spox Harry. Sir, the private sector companies are asking is there a way that the government is making it faster for them to reach a tripartite deal with government kasi sabi ninyo nga po they are required to strike a deal with vaccine makers with the government but their contention is it might be slow to involve the government. So, is there a way to maybe fast track this like a dedicated office to make sure na reaching a tripartite deal is faster than before?

SEC. ROQUE: In fact, government is facilitating it ‘no because it’s a—of course, in the best interest of everyone, that we are able to require as many and as soon as possible. Sa totoo lang po, sa simula kasi only AstraZeneca agreed to enter into that tripartite agreement pero ngayon po, mukhang pumapayag na rin ang Gamaleya, mukhang pumapayag na rin po ang Sinovac kaya pina-facilitate po talaga natin iyong mga tripartite agreements na iyan. Pero ang katotohanan po, sa simula you could not enter into a tripartite agreement with Pfizer, it was only AstraZeneca.

PIA RANADA/RAPPLER: So sir, which office in the government do they approach in order to start this process of reaching a tripartite deal?

SEC. ROQUE: It’s still the Chief Vaccine Czar, Secretary Galvez and the Department of Health.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Next question, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for MMDA Chairperson Benhur Abalos: The 17 Mayors daw po of Metro Manila recently agreed to implement a common curfew to suppress spike in coronavirus infections in the metropolis. Are there other measures in the planning stages to be implemented to help prevent the spread of the virus?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Nakatutok po kami ngayon sa massive testing, pagkatapos massive contact tracing ‘no, ito ho talaga iigtingan ng husto and of course iyong isolation. Sa ngayon po ay 81% na ang sa isolation so we must hit really buffer kaya naghahanap pa ho kami ng mga hotels ‘no. We are preparing for this, and of course coordinated granular lockdowns. Siguro naman habang ginagawa namin ito, titingnan rin po namin iyong ibang mga activities na pinapayagan ngayon ‘no, titingnan po natin how to control this. But right now titingnan din namin iyong mga policies about the public markets ‘no, just in case po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Is there any unanimous choice of brand ng vaccine ang mga Metro Mayors?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Wala naman po eh, wala naman po. Kung ano na lang po ang dumating, okay na po sa lahat iyon.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: May canvass po ba na ginawa ang mga Metro Mayors in so far as their choice of vaccines na bibilhin, tungkol sa vaccine procurement po.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, nag-usap-usap naman ang mga mayors, tama nga si Spokesperson Harry, there is a acute global shortage po kaya kung ano na lang po mauna. Although ang pagkakaalam ko, ang tripartite na pinirmahan hindi lang ng Metro Manila Mayors pero lahat ng mayors sa buong bansa ay ang AstraZeneca and they’re expected to be delivered, if I’m not mistaking, sometime June or July po.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Sir. Secretary, ang susunod pong magtatanong ay si Joseph Morong ng GMA News.

SEC. ROQUE: Go ahead, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon. How are you? Good afternoon General Eleazar and Chairman Abalos. Sir, can I go to you first?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Iyon pong kahapon, iyong bubble, iyong NCR Plus at saka iyong bubble, it’s a little bit maybe confusing for the public. So help me simplify it, Sir, iyong concept ‘no na parang if you have something to remember about the bubble – in terms of movement, in terms of who can move and not move, in terms of the protocols that they have to follow – what is that one thing that they can remember when they try to think whether they can move under the concept of the bubble?

SEC. ROQUE: Bawal lumabas, bawal pumasok sa Metro Manila at apat na probinsya kung hindi essential travel. Essential, unang-una hanapbuhay or health emergency o iyong mga nagbibiyahe.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, okay, iyon pong term na essential worker although we understand it both ‘no – iyong essential workers, those are pinayagan noong last year na ECQ – but explain it in maybe plain English. Sino iyong essential worker now that we are talking about the bubble?

SEC. ROQUE: Lahat po ng nagtatrabaho, lahat po sila essential workers na iyon, dahil ang limitado lang naman po iyong mga sinara nating mga negosyo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. So klaro, Sir. So lahat ng gumagalaw ngayon to work, we can move within the bubble. Yeah?

SEC. ROQUE: Wala pong problema. Tama po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Within and across kasi APOR eh?

SEC. ROQUE: Within the bubble lang po and oo, puwede rin po na tumawid doon sa karatig kung doon po ang trabaho o doon sila naninirahan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. I just do away with maybe two questions kasi ni-raise, maliit lang naman na question. Iyong mga LSIs Sir, they are in Metro Manila and they want to return to the province. Can they do that?

SEC. ROQUE: Joseph, wala na pong LSI kasi matagal na nating tinanggal iyong restrictions para makauwi sila. Kaya po naubos na ang LSI, kasi free na po ang inter-zonal travel natin ‘no, wala nang restrictions. In fact pati ang mga provincial buses ay gumagana na rin po.

Nagha-hang ka, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Uuwi po ako halimbawa ng Lucena…

SEC. ROQUE: Wait, wait. Ang Lucena, ang problema kasi sa Lucena it’s outside of the bubble ‘no. Joseph ang Lucena, iyong probinsya mo is outside of the bubble so hindi ka makakauwi unless it’s essential.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero kung halimbawa, Sir, ang situation is I’m from Metro Manila and I have to go back to my province, for example Lucena or halimbawa Pampanga, puwede iyon?

SEC. ROQUE: Pero saan ka nakatira, iyon ang essential.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sa probinsiya outside of the bubble. May ginawa lang ako sa Metro Manila.

SEC. ROQUE: Walang problema. Kaya nga po [garbled] natin iyong kumbaga inter-zonal travel sa mga nagtatrabaho na nakatira sa lugar na nasa labas ng bubble.

JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong tatawid lang, sir, ng bubble – for example Pampanga to… ano bang hindi kasama? To Bicol. Galing ako ng Pampanga, pupunta ako ng Bicol, tatawid ako ng bubble, puwede iyon sir ‘no?

SEC. ROQUE: Pupuwede po iyong kung nagtatrabaho po kayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, can I go to General Eleazar, please, because it’s related to the bubble concept. Ha, sir?

SEC. ROQUE: Sabi ko kay General Eleazar kung mali ako, please correct me [laughs].

JOSEPH MORONG/GMA7: Maganda iyong graphics ninyo, Sir. Thank you very much for that. But question Sir is that, now that you have a bubble, it’s obviously medyo parang ang laking bahagi niyan and mayroon kayong naka-outline na red. Can you tell us where the checkpoints are? How many are these and ano iyong dapat i-expect ng ating mga kababayan when they are in this red lines? Ilan po iyong checkpoints and where are these located, sir?

GENERAL ELEAZAR: Yes. Joseph basically iyang nakikita natin na red, iyan iyong boundary natin and pinauubaya natin doon sa mga unit commanders na lahat ng mga ingress at saka egress binabantayan nila iyan. So basically the report that we receive is around 20 iyong ating na-setup. Ito ngayon iyong mga identified na, sabihin natin main thoroughfare. Pero we know, like for example Rizal in Quezon, actually wala sila diyan na main thoroughfare pero puwedeng may mga trail diyan. So pinauubaya na sa Chief of Police na siguraduhin na hindi magku-cross sila.

So ito ngayon is kung titingnan natin, sa ngayon mas maalwan nga kung tutuusin sa ating kapulisan lalo na sa NCRPO in particular, dahil ngayon hindi na sila magbabantay to restrict or restrain the movement ng ating mga kababayan sa loob ng Metro Manila lalo na kung lalabas sila ng NCR dahil in essence allowed na sila doon. So kailangan lang ang tsini-check natin doon is kung nag-o-observe sila ng mga protocol at sila ba ay nag-o-observe doon sa mga bagong guideline natin ngayon. So the unit commanders in the ground can always add deployment in the different quarantine control points na nakikita natin diyan sa red perimeter or boundary na iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero sir ang objective sir noong red perimeter na iyan is sasalain iyong mga non-APOR ‘di ba? So if you are an APOR at mayroong checkpoints, what do you need to show Sir, in an operational question?

GENERAL ELEAZAR: Yes. Basically it’s just ID lang. Mula naman noon hanggang ngayon ID lang kailangan natin. Naglagay tayo kanina ng listahan noong mga APOR, ito iyong binanggit dati ni Secretary Harry na APOR kung magku-cross ka. So it’s either you are APOR or you are non-APOR. If you are non-APOR, hindi ka papasok doon. Of course kasama na diyan iyong mga authorized humanitarian pati na rin iyong traveling for medical and humanitarian reasons. So on that particular aspect, APOR sila.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, thank you for your explanation. Pero Sir, sorry indulge me ‘no. Can you give me at least maybe one or two examples where we have the checkpoints para iyong mga tao natin can expect? For example if you’re going from, ano ba iyong kanina, Laguna to anong kasunod niya, Batangas? Mayroon ba, Secretary, sa SLEX for example na checkpoint doon?

GENERAL ELEAZAR: Well basically, ito Bulacan for example, Bulacan to Pampanga kasi boundary iyan. Nandiyan tayo sa San Miguel, Bulacan to Gapan, Nueva Ecija. Kung titingnan natin—basta kapag lalabas ka ng mga Bulacan, may boundary iyan ng Pampanga so definitely iyong boundary na iyon mayroon tayong checkpoint doon. Bulacan, pupunta kayo sa boundary ng Nueva Ecija doon sa Gapan, mayroon pa rin siya.

In the case of Cavite, ang boundary kasi natin diyan is Batangas. So doon, may checkpoint doon. In the case of Laguna, Batangas and Quezon. So i-expect mo na lahat ng lusutan, hindi naman natin kailangan isa-isahin iyan pero ang tandaan ng ating mga kababayan – once na lalabas ka o papasok dito sa boundary na ito, asahan ninyo na mayroon quarantine control points.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, Sir. Thank you for it. Secretary Roque, I think my question may be answered by you and also si Chairman Abalos. Sir okay, so right now we have this two-week sacrifice ulit ‘no for the public to restrain our movement. But I heard si Chairman Abalos say na parang iyong explosion, if I can use that term of the cases, was also a surprise for the mayors. So number one question is: What are the government’s next step along these lines? Ibig sabihin, have we identified the areas where there is a concentration of COVID transmissions? And number two: What efforts are we doing to contain that because the bottomline is that we have to contain the spread, correct Sir? The question may be answered by Chairman Abalos or Spokesperson.

SEC. ROQUE: Siguro let me just add something na hindi pa nababanggit ni Chairman Abalos. But alam na kasi natin kung nasaan iyong clustering ng cases, nagpapatupad din tayo ng CODE. Iyong CODE eh pag pupunta sa mga bahay-bahay at paghahanap noong mga mamamayan na mayroong mga sintomas. Ang gagawin natin sa mga sintomas, iti-test natin iyan at ia-isolate na natin ‘no. Hindi na tayo mag-hihintay na ang tao pa ang magpapa-test sa kanilang mga sarili. Sa akin, isa itong very effective na pamamaraan para nga ma-contain itong pagkalat ng sakit kasi it’s a proactive ng paghahanap ng mga kababayan natin na mayroon mga sintomas. Perhaps si Chairman Abalos could add for more.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well sa mga nakikinig po ngayon, sa ating mga kababayan. Isipin lang po natin, hindi lang p0 sa Pilipinas nangyayari na ito. Nangyayari ito sa ibang bansa, sa France, of course sa Italy, sa Czech Republic, sa Estonia, sa Hungary, nangyayari talaga ito paminsa-minsan nagsu-surge ng ganit0. Pero ang importante ay of course iyong kahandaan dito eh kaya nga ang maganda rito in place na kaagad—if you will recall how this all started. It was February 22 eh, kasi noong February 22, kaya tanda ko po iyon, iyon iyong date na botohan kami na luluwagan na namin eh. Naalala ko po iyon, ang baba na ng kaso, lahat. Tapos out of nowhere, lumabas itong kaso sa Pasay, it was—at first parang unti-until ang, bandang huli dumodoble na siya until eventually iyong kapitbahay niya naapektuhan. So it was just of nowhere, hanggang sa ngayon nga nakita natin iyong mga data talagang alarming, hanggang tumaas po siya.

But what is important and it should also be emphasized, nangyari na rin ito last year, so it’s the same things na ginagawa ng mga alkalde ngayon, although they have learned now, hindi na kamukha noong lockdown noong araw na talagang halos buong lungsod, lockdown ‘no.

So ang ginagawa ngayon pinipili na lang natin, pinipili na lang natin ng sa ganoon ay makalabas naman iyong healthy population and at the same time, if you recall last year nagkagulo sa boundaries, iyong mga taga-Rizal sa boundaries pumapasok dalawang milyon sa ibang lugar, kaya nilakihan ito.

Well, sa tingin ko lang kung talagang lumaki pa rin ito, mas hihigpitan na rin po iyong mga granular lockdowns, talagang lalakihan na iyong mga lockdowns. Kasi sa ngayon street, kalye, bahay, barangay, pinakamalaki na barangay. I think I have a list of 91 granular lockdowns na ginawa sa buong Kalakhang Maynila, pina-compile ko lahat eh, iyong from the beginning hanggang ngayon. Pero kung mangyayari talaga ito, iigtingan na lang iyong granular lockdowns.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong 91 po ninyo na granular lockdowns, this is the present number?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Hindi po, compiled na po ito since nag-ano po kami, if I am not mistaken noong Monday, mula nung nagsimula ang ano po namin noong Monday na nag-curfew. This is all of Metro Manila.

JOSEPH MORONG/GMA7: But would you be able, sir, to share iyong present number natin, maybe the reckoning point would be February 22 when we had an increase in the numbers, because if we are going to identify the areas that need to be contained. Can we answer that question sir na we know the areas that needed to be contained?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well yes, iyon po kasing February 22, Joseph, it’s started with really Pasay eh. So karamihan ng lockdowns were at Pasay at that time, hanggang sa lumaki nga ng lumaki. I think after Pasay, it was Navotas or even Malabon at that time. Pero ang maganda ngayon, dahil nga na-lockdown—and we will see the result of this, give us about siguro mga two weeks iyan eh, from that time na inano po namin noong Monday, makikita na natin at sana naman gumanda-ganda na po ang resulta rito.

JOSEPH MORONG/GMA7: In how many days, sir, may two weeks’ time we will see a different—

MMDA CHAIRMAN ABALOS: We started this granular lockdowns noong Monday po, last Monday. So, that’s ilang araw na po, 7 days. So siguro 7 more days, baka magkaroon ng kaunting magandang resulta na po ito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir thank you for your time; Secretary Roque, can I have two mini questions?

SEC. ROQUE: Ano po iyon?

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, mayroon pong lumabas over the weekend na iyon pong mga LGUs such as the Governors, the Mayors and then the Barangay Captains will be included in the priority?

SEC. ROQUE: Totoo po iyan. I confirmed that.

JOSEPH MORONG/GMA7: But they will still be number what… number 4 or they will jump the line?

SEC. ROQUE: A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila sa A priority.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero sir, they will have to stick with the present rankings, alam naman natin na nasa A4 sila, pero doon—ibig sabihin ang point is they will not jump the line ‘no?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, hindi naman po nasa A4 po sila.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa donation ng mga private companies. Can we do away with the donation, ibig sabihin they can enter into a tripartite agreement but remove the requirement for private companies to donate 50%?

SEC. ROQUE: Iyan po iyong aking lilinawin bukas kay Secretary Galvez, kasi nga po iyong ating form ng tripartite agreement na mayroong donasyon, predated passage of the law. So ngayon po, iyong law does not mention any donations. So tatanungin po natin bukas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir thank you for your time, General Eleazar and Chairman Abalos. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Next question, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Question Secretary from Rose Novenario of Hataw: Tinatanong po ng Alliance ng Health Workers kung saan napunta ang 785.96 billion pesos or 16.2 billion US dollars total loans ng administrasyong Duterte upang labanan ang COVID-19 dahil 55.82 billion pesos or 1.15 billion US dollars lamang ang inilaan para sa hospital equipment, medical needs ang vaccination?

SEC. ROQUE: Well, Filipino po sila, I will give them the breakdown, but not now, kasi hindi ko po nakuha iyong question ahead of time, siyempre hindi ko naman memoryado lahat iyan. Pero lilinawin ko lang po ‘no, 72 point something billion po iyong pambili ng bakuna at iyong mga Inutang po natin diretso pong ibabayad iyan sa mga manufacturers, hindi po iyan dadaan sa gobyerno.

So huwag po kayong mag-alala wala pong opportunity for graft pagdating doon sa mga inuutang natin para sa bakuna. Pakiusap ko nga po uli, iyong mga factual questions na ganito, if you want an answer right away, sana po i-submit po ninyo ahead of time. Kinakailangan ko lang naman iyong mga factual questions na ganito.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Bakit po tila walang transparency kung paano ginasta ang Bayanihan 1 and 2 at isang taon na ang pandemya ay limitado pa rin ang Personal Protective Equipment, hospitals remain under staffed and COVID-19 infection among health workers has not stopped?

SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan, regular pong naka-post sa webpage ng ating DBM itong mga halagang ito and all they have to do is go to the net. Pero ang tingin ko po, iyong pagtatanong ng mga question na ito eh intended nga to sow doubt sa ginagawa ng gobyerno; huwag po kayong mag-aalala fully transparent po tayo.

Lahat po ng mga question ninyo kung binigay ninyo sa akin ahead of time, ibibigay ko po sa inyo ang sagot. Pero hindi po ako walking encyclopedia at hindi ko memoryado iyang mga iyan.

USEC. IGNACIO: Question pa rin po mula kay Rose Novenario. Para po kay General Eleazar: Is border control for NCR plus the proper term in implementing boundary restrictions?

GEN. ELEAZAR: Still po quarantine control points pa rin ang tawag natin doon. At puwede naman tayong magkaroon ng quarantine control points even inside the bubble, pero iyong kanilang task po is iba na. Kasi along the boundary ang ating task doon is siguraduhin na hindi papasok iyong galing sa labas, pupunta ng bubble, at iyong nasa loob naman is lalabas.

But within the bubble, ang purpose naman noong mga quarantine control points natin is to see to it na iyong mga nasa labas ay talagang allowed na nasa labas at the same time they are observing the minimum health protocols.

SEC. ROQUE: Usec. paki-forward iyong mga questions na sabi kong sasagutin ko bukas ‘no para makuha namin iyong data sa DBM.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Llanesca Panti of GMA News online: How much of our 72 billion budget for COVID-19 has been spent for buying vaccines for our health workers. Also what are COVID-19 vaccine brands and their corresponding doses that the government paid for to inoculate health workers?

SEC. ROQUE: Ang nababayaran pa lang po natin iyong 1 million na Sinovac natin, pero hindi pa po full payment iyon ‘no, 15% pa lang po kapag na-deliver at saka natin babayaran ng full. Kaya po wala pa tayong ibang nababayaran, ang mga dumating ay mga donasyon ‘no at so far po iyong mga inaasahan din natin ay sa pamamagitan po ng tripartite agreement, iyong tripartite agreements po na pinasok ng pribadong sektor at ng mga LGUs bayad na po lahat iyan, pero hindi po natin ginamit iyong utang natin na pre-approved na ibabayad sa mga manufacturers.

So iyong tripartite ng private sector, kasama na po iyong bagong Moderna; iyong tripartite ng mga LGUs ang pagkakaalam ko po ay fully paid na iyan; tapos iyong sa Sinovac na 1 million.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong matatanong, Secretary, ay si Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Go ahead Pia.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir good afternoon. Sir kanina sa interview sa ANC, si Usec. Vega he confirmed that there are reports na mayroong mga non-health workers jumping the vaccination line. May information ba tayo dito who are these people and what are we doing to address this?

SEC. ROQUE: Well, una po kasi mayroon lang talagang hindi pagkakaintindihan na wala ng such thing as influencers, kaya may ibang mga opisyales po na nagpataturok. Pero since then po, ako mismo I have not received any such reports. But I do not doubt Usec. Vega. So I would rather that you ask Usec. Vega kung sino po iyong mga iyon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, pero won’t this affect the country’s allocation of vaccine under the COVAX Facility?

SEC. ROQUE: Well, kung de minimis baka hindi po. Pero kung maramihan po iyan, eh ang WHO na rin ang nagsabi, dapat masunod iyong ating priority list at una po talaga ang mga healthworkers muna.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, speaking of priority list, nabanggit ninyo, kinonfirm ninyo iyong local chief executives. What about government officials like you? Hindi ba consideration, Sir, na marami sa inyo iyong nagpupositibo na rin at dahil ito ay dahil sa paggawa ninyo ng inyong trabaho?

SEC. ROQUE: Well I think not all government officials will have priority. In fact doon kami sa B, matapos iyong unang priority ‘no. Pero sa general population, there will be priority for government workers ‘no. Pero sa ngayon po, hindi pa po kasama ang lahat. At tama po kayo, sa aking opisina at mga 25 lang po kami, mayroon pang isang nagpositibo ngayong araw, so apat na po kaming positibo ‘no. Hindi ko po alam kung ilan talaga iyong sa PCOO ‘no pero kasama rin po iyong PTV. Pero tama po kayo, napakadaming mga kawani ng gobyerno na.

Pero kami naman po, patuloy pa rin ang serbisyo. Inaasahan ko po na makakabalik ako sa Thursday matapos ang aking quarantine sa NEB. Pero dahil nga po kakapasok lang ng balita na may isa na naman kaming kasamahan na nagpositibo, baka online pa rin po tayo dahil kinakailangan i-disinfect iyong aming opisina sa NEB. Pero tama po kayo at pinag-aaralan naman po siguro iyan ng ating mga miyembro ng NITAG kasi mayroon talagang mga taong frontliners within government service na hindi ‘health’ at kasama po iyong opisina namin ‘no dahil we provide information at this critical time of a pandemic.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, another question. May mga LGUs outside the bubble implementing their own version of quarantine, Sec. For example iyong Pampanga which is under MGCQ pero na-announce kanina na it is imposing household lockdowns, province-wide. Allowed ba ito Sir or kailangan may approval ng IATF lahat?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyong specific na resort na ginawa ng Pampanga pero talaga naman pong may kapangyarihan ang mga governors na mag-order ng stricter quarantine classification doon sa mga component cities and municipalities nila, at iyong mga municipalities naman, mayroon din silang kapangyarihan na magdeklara ng localized lockdown. May ganiyan po silang kapangyarihan in coordination with the regional IATF.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, Sir. Sir, last question na lang. Iyong Batangas sir marami daw nagtatanong, eh bakit hindi daw sila sinama sa bubble eh under naman sila sa GCQ?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo kasi iba iyong datos ng Batangas. Ang datos ng Batangas matagal na talaga silang dapat nag-MGCQ kaya lang hindi rin sila gumagawa ng request dahil naniniwala sila na they would rather be on the safe side. Pero iyong datos po ng Batangas justifies already MGCQ at saka hindi po siya talaga adjacent to Metro Manila. So ang adjacent lang po iyong mga karatig na probinsiya talaga in-include sa bubble dahil there is Cavite in between Manila and Batangas so hindi na po siya isinama.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, Sir. Sir, iyong question po kay General Eleazar. Sir, we have reports on the ground na may mga checkpoints within the bubble na nagku-cause daw po ng traffic. Like for example doon sa Tondo area, sa Batasan-San Mateo Road, hindi po ba parang mas mapanganib ito dahil dagdag interaction between motorists and civilians din?

GENERAL ELEAZAR: Thank you, Pia. Na-monitor ko rin kanina iyan at agad na tumawag ako sa Operations Officer ng NCRPO as well as the Provincial Director of Rizal. Kasi nga nakita natin na nagku-conduct pa sila ng checkpoint doon as if nasa border sila ng ating bubble area. Where in fact boundary iyon ng NCR and Rizal na ngayon ay iisa na. So pina-correct natin iyan and this will hold through sa lahat ng areas na nasa loob ng bubble.

Uulitin natin na within the bubble, hindi na natin iri-restrict ang travel noong ating mga kababayan. Iyan ay tulong na rin natin doon sa ating paglago or pagbuhay muli ng ekonomiya. At uulitin natin, it is only doon sa outer perimeter of boundary noong ating bubble area kung saan tayo magsasagawa ng pagririkisa ng mga taong papasok at lalabas ng ating bubble area.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, Sir. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, question mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Roque po: Bakit iyong checkpoints especially daw po sa Marcos Highway puro motor lang ang hinaharang. Hindi ba dapat iyong kotse kasi iyon ang mas prone sa paglabag ng social distancing? Kasi ‘di ba the law applies to all, otherwise none at all? Dapat pati mga auto tsini-checkpoint, hindi motor lang. Ang laki daw po ng kinakain na oras sa checkpoint.

SEC. ROQUE: Siguro si General Eleazar can answer. I hope you don’t mind Evelyn ‘no.

GENERAL ELEAZAR: Opo. Iyan po ay common observation pero lahat po naman puwede nating i-check at that will not prevent our police officers to check. In fact kaya nasabi ko nga, even though kahit po nasa loob ng bubble, puwede ring gawin iyan kung kinakailangan. Kaya nga lang po ang laging sinasabi natin sa mga supervisors o unit commanders na huwag dapat magki-create ng traffic unless talagang kinakailangan. Kaya po iyong ginagawa natin even though para sa mga motorsiklo, check and go – ini-stop natin and niri-release sila. But we will remind our personnel to do that.

Actually nakikita po kasi natin sa mga motor is mas madali silang ma-check at mas madaling makita visibly. But nakita rin naman natin na tsini-check din naman po ng ating mga quarantine control points iyong ating mga 4-wheel vehicle. It so happen lang na mas maraming motorsiklo kaya mas marami sila na napapara.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na tanong, Secretary, mula kay Llanesca Panti ng GMA News: China’s vessels in West Philippine, what do you make of China’s repeated incursions in the West Philippine Sea when they are supposed to be our friend?

SEC. ROQUE: Well, naprotesta na po iyan ng ating Department of Foreign Affairs matapos makumpirma ni National Security Adviser Esperon iyong mga barkong iyan. Hinahayaan ko muna po sa kanila dahil nakatutok po muna tayo dito sa COVID.

USEC. IGNACIO: Question from Jonah Villaviray ng Asahi Manila, mga clarification lang po ito, Secretary, tungkol sa travel sa GCQ bubble sa NCR: Only essential travel is allowed inside these LGUs and across the boundaries. If you live in NCR and you book a hotel/resort, stay in Laguna, will you be allowed to travel there? What about for hotels/resorts in your own LGU? Can you proceed with your resort stay in Rizal if you are a resident of the province? Marami na po ang nakapag-book ng biyahe this Holy Week.

SEC. ROQUE: Basta nasa loob po ng bubble, wala po iyan problema. Iyong mga mag-i-staycation dito po sa Metro Manila, allowed pa rin po iyan pero bawal po ang seniors, bawal po ang mga bata. Pero ito po iyong staycation sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Question para po kay General Eleazar galing po kay Pol Montibon of SMNI: Kumusta po daw ang ugnayan ninyo sa AFP matapos ninyong ipag-utos ang manhunt operations laban sa communist-terrorist group sa nangyaring pananambang sa mga kasamahan ninyo sa Camarines Norte?

GENERAL ELEAZAR: Napakaganda po ng ating koordinasyon sa kanila. In fact ay galing po ako doon kahapon para bisitahin and in consultation with our Chief PNP General Debold Sinas ay nagkaroon kami ng koordinasyon po ng ating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, General Cirilito Sobejana. At iyong atin pong Brigade Commander ay kasama-sama po ng ating Provincial Director and Regional Director para po magsagawa ng follow up operation.

Habang tuloy naman po iyong ating pakikipag-ugnayan ng ating mga kapulisan doon sa barangay upang isulong natin iyong atin pong ELCAC program na kung saan eh palakasin natin iyong ugnayan ng komunidad ng ating mga pulis at militar pati na rin po iyong ating local government unit para po magkaroon ng economic development at hindi na mangyari iyong karahasan na nangyari na nakita natin noong nakaraang araw.

USEC. IGNACIO: From Dreo Calonzo for Secretary Roque, tungkol ito po sa Julian Felipe Reef. Ang tanong po niya: What’s the government’s next move on this? Do you see this escalating to a similar situation as the 2012 Scarborough standoff?

SEC. ROQUE: I don’t think so po dahil mayroon po tayong malapit na pagkakaibigan. Lahat naman po ay napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan at magkapit-bahay.

USEC. IGNACIO: Question from Joee Guilas ng PTV: Okay lang ba na pumapasok ang pribadong sektor sa kampanya ng gobyerno lalo pa at hot ngayon ang issue ng mga private companies na bumibili ng sarili nilang bakuna? Ang tinutukoy po niya dito iyong vaccination program, Secretary.

SEC. ROQUE: Nasa batas na po iyan so rerespetuhin po natin iyong polisiya ng Kongreso.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News: What counts essential travel?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyon – iyong mga APORs, iyong mga naghahanapbuhay [garbled].

USEC. IGNACIO: From Leila Salaverria, regarding po sa private companies’ procurement of vaccine. Ibig sabihin daw po Spox Roque, mean tatanggalin na sa draft order iyong provision against tobacco, alcohol companies and the like, procuring COVID vaccines?

SEC. ROQUE: Natanggal na po iyon, all companies can buy vaccines for their employees now.

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula po kay Ace Romero: You mention reduced surveillance and contact tracing and delayed testing as among the factors that led to the surge. What lapses were committed and who should be blamed?

SEC. ROQUE: Well, huwag na po tayong magsisihan. Ang ating StaySafe app po talagang fully operational na. Lahat po ng lokal na pamahalaan ay gagamitin ang StaySafe app at pinapaigting na rin po natin ang contact tracing. Hindi pa rin natin maaabot iyong thirty plus na sinasabi ni Mayor Magalong pero pinaiigting na po natin iyan. Pinakabago talaga iyong CODE, iyong pagbahay-bahay actively seeking individuals na mayroon pong mga sintomas.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Ace Romero: Will the Palace ask the parties responsible to explain?

SEC. ROQUE: Well, hindi na po siguro dahil natuto na po tayo at ngayon po talaga ang leksyon po sa lahat, hindi po ibig sabihin na palibhasa napababa na natin ay tayo po ay we will relax our caution kumbaga ‘no. So, kinakailangan po talaga bagamat nakakapagod talaga iyan, naiintindihan ko naman eh, we are always on our best behavior at palagi po tayong mask, hugas, iwas, at bakuna.

USEC. IGNACIO: When we say daw po the goal is 25% reduction, that’s 25% of what? Ano po iyong reference point?

SEC. ROQUE: Well, kung ano po iyong mga numero natin nais nating mapababa by 25%. So, from the peak kailangan pong mapababa pa natin iyan pero it’s a moving average naman po iyan kasi hindi po iyan fixed. Kaya average nga po iyon.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza of Business World for Secretary Roque: Several senators were alarmed by the draft administrative order regarding po doon sa in conflict with public health—

SEC. ROQUE: Asked and answered na po iyan. Lahat puwede nang bumili.

USEC. IGNACIO: Second question po: Should we expect more travel corridors in the future? Ito na po ba ang bagong strategy ng gobyerno to balance health and economy amid a fresh spike in coronavirus infections?

SEC. ROQUE: Well, kasama pa rin po ang mga granular at localized lockdowns.

USEC. IGNACIO: For General Eleazar: Ano po ang gagawin ng PNP sa mga bibiyahe na hindi pasok sa essential work? Who determines what is an essential work?

PNP GEN. ELEAZAR: Kagaya po ng nabanggit kanina ni Secretary Harry, alam po natin kung ano iyong mga essential workers na puwedeng mag-cross. So, kung sila po’y hindi kasama doon, so sila po ay non-APOR, meaning hindi po natin sila ia-allow na pumasok sa bubble area o lumabas ng bubble area.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, susunod pong magtatanong si Melo Acuña.

SEC. ROQUE: Opo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon po, Secretary! Magandang hapon po. Nabanggit po ni Dr. Henry Lim Bon Liong, pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na umaasa silang makakabawi iyong gross domestic product magkakaroon ng growth sa third quarter pero sa pagkakaroon ng ganitong bagong approach, paghihigpit ng dalawang linggo, baka raw po maantala ito ng isa pang quarter. Ano po ang inyong pananaw?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ano kasi hindi natin isinara ang ating ekonomiya, napakakaunti po iyong mga negosyong ipinasara natin nang dalawang linggo. So, ito nga po iyong kumbaga hindi naman compromise but ito iyong perfect balance between iyong pagpapabagal ng numero ng COVID-19 at iyong pangangalaga ng kabuhayan ng ating mga kababayan – localized granular lockdown kasama po itong travel bubble at iyong matinding pakiusap na manatili po sa mga tahanan kung hindi naman kinakailangan lumabas.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Tungkol po doon sa donasyon ng pribadong sektor sa pamahalaan, mayroon po bang paraan para malaman kung saan mapupunta iyong ido-donate na mga bakuna ng mga kasama doon sa tripartite agreement?

SEC. ROQUE: Mapupunta po iyan doon sa ating publiko at susundin po natin iyong order of priority.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Mayroon pong mananagot kung sakali? Baka kasi may magduda na kung saan makakarating iyong bakuna.

SEC. ROQUE: Ay, wala po dahil lahat po iyan ay subject to strict inventory. Pagpasok pa lang po ng Customs alam na natin kung magkano ang pumasok at saan po dinala.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Mabuti po kung ganoon. Nabanggit po ninyo na makakasama ang DILG sa pagbabahay-bahay sa mga tao upang malaman kung sino ang may sintomas at kung sino ang mangangailangan ng gamot at quarantine. Ano po ang approach ninyo sa mga taong walang bahay na nasa lansangan; ano po ang gagawin ng pamahalaan?

SEC. ROQUE: Ganoon din po. Kung talagang mayroong sintomas, ite-test at ia-isolate po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Para kay General Eleazar po. Magandang hapon, General Eleazar!

PNP GEN. ELEAZAR: Magandang hapon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Malaman lamang kung tumaas po ba iyong bilang ng krimen against property and against persons sa nakalipas na isang taon na nagkaroon tayo ng lockdown at ngayon pong nagsimula tayo ng panibagong paghihigpit kumbaga, mayroon po ba kayong nakikinita-kinitang pagbabago sa datos?

PNP GEN. ELEAZAR: Opo, bumaba po ang krimen natin. Actually, continuous pong mino-monitor natin iyon at nakita natin nga ito pong period na nasa lockdown tayo, one year na compared doon sa a year before that ay malaki po ang pagbaba niya.

Well, logically dahil nga po nagkaroon tayo ng restriction sa travel and movement ng ating mga kababayan pero aside from that ay dahil nga po tayo ay nagbabantay eh mayroon po tayong mga checkpoints and other interventions na nakatulong upang bumaba ang ating krimen.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po kung ganoon. Para kay Secretary Roque para po bukas siguro po maaari ninyo kaming bahagian kung anong naging performance ng LandBank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at ng Small Business Corporation sa kanilang pagtulong sa micro, small and medium enterprises sapagkat po ito ay binanggit ni Mr. Jeffrey Ng ng UP School of Economics Alumni Associations sa Tapatan sa Aristocrat kanina.

Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Oo. Thank you for the advance information. At si Liz, Liz is watching po and Liz will take down kung ano iyong requested information ninyo together with iyong dalawang tanong na sinabi kanina ni Usec. Rocky ‘no for tomorrow.

At ikaw iyong nagtanong tungkol doon sa e-sabong, nakausap ko po kanina si Chairman Andrea Domingo, kinonfirm po niya na may hursdiksyon ang PAGCOR ngayon sa pamamagitan ng isang memorandum na inisyu po ni Executive Secretary sa mga e-sabong. At ang sabi po niya, ang e-sabong po wala daw tao po doon sa mga studio ng e-sabong. Iyon po ang nakalap kong impormasyon kay Chairman Domingo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Wala pong violation sa PD 1602 na illegal gambling?

SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaalam ko po kasi may kapangyrihan po ang PAGCOR at itong pagkakaroon ng hurisdiksyon eh bago lang po ito pursuant to a memorandum issued by the Executive Secretary dahil ang sabong talaga ito po iyong nasa hurisdiksyon ng mga local government units.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po sa update. Thank you! I wish you well. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po. Maraming salamat, Melo. Okay! Marami pa bang questions?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Kaunti na lang po, bibilisan ko na lang po, From Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN para po kay General Eleazar: Paki clarify lang daw po, kailangan pa ba daw ng rapidpass kapag lalabas iyong APOR sa travel bubble tulad ng inisyu dati na rapidpass na ikakabit sa mga windshield ng mga sasakyan?

GEN. ELEAZAR: Unang-una po, iyong rapid pass na inisyu noon ay within Metro Manila, pati nagtsi-check sa kaniya. Now, na expanded na po iyong ating area, eh labas na ng Metro Manila iyon, so within Metro Manila at saka paglabas ng papunta po doon sa other areas of the bubble, hindi mo na kailangan ng anumang, hindi na kayo itse-check doon kasi nga within the bubble ka. So doon po sa ating mga boundary ng bubble mismo ay wala po tayo doon na rapid pass na pang-test doon sa mga dadaan doon at hindi naman po sila part ng rapid pass system natin, unless eventually mag-decide po muli ang IATF na i-allow tayo na magsagawa ng additional enrollment noong rapid pass. So sa ngayon uultin po natin at napakasimple naman – ID lang po, basic ID lang ang katapat ng ating mga essential worker na ang travel nila ay work related.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque, mula kay Leila Salaverria: You mentioned po the reason for the surge in COVID cases to what do you attribute the reduced surveillance reduced contact tracing and delayed testing? Did the government also relaxed its implementation of these programs?

SEC. ROQUE: Sinabi nga po ng ilang mga personalidad na, nagkaroon po kasi talaga tayo ng vaccine confidence. Kumbaga after one year na pagod na pagod na tayo, eh umasa tayo dahil nandiyan ang bakuna, eh parang pupuwede ng huwag masyadong maghigpit. Pero ang natutunan na po natin ng leksiyon, kinakailangan talaga we must be on the guard all the time against COVID-19. At although hindi rin natin completely sinisisi ang ating mga kababayan dahil naiintindihan natin na iyong pagkalat ay dahil din sa pagpasok noong mga new variants. Pero hindi natin makakaila na dahil nga nandiyan na iyong marami talagang nagsabi, ay salamat nandiyan na iyong bakuna. Pero iyon nga po, habang hindi pa tayo nabakunahan lahat – mask, hugas at iwas.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Henry Ur ng DZRH: Paano po masisiguro na ang asymptomatic na galing sa NCR going to Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna or vice versa ay hindi makahawa kung puwedeng gumala within the area kahit non-essential. Hindi ba makakadagdag pa lalo sa isang probinsiyang kasama sa NCR plus na mababa ang kaso kung papayagang makapasok sa lugar nila ang maski sinong galing sa NCR?

SEC. ROQUE: Well kaya nga po ang ating pakiusap, kung hindi naman po essential, huwag na pong lumabas ng tahanan. Pero ngayon po dinadaanan po natin ang pakiusap. Huwag na sanang dumating sa punto na dadaanin na natin ito sa ibang pamamaraan bukod sa pakikiusap. At Henry, sinagot kita knowing akalain na iyong joke mo pala, akala ko totoo doon sa pagdating sa change oil na iyan. So uulitin ko ang sagot ko, kapag Batangas, hindi na pupuwedeng mag-change oil at sa mga nagbabantay, siguraduhin na talagang nagtsi-change oil.

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary may clarification lang po si Trish Terada ng CNN Philippines: Is staycation essential, why its allowed po?

SEC. ROQUE: Hindi naman po kasi lalabas ng bubble iyan. Sa loob lang po iyan ng bubble. Ini-engganyo pa rin po natin ang negosyo sa loob ng bubble.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Haydee Sampang: May talk to the people po ba tonight?

SEC. ROQUE: Mayroon po, I will be joining via zoom again.

USEC. IGNACIO: Secretary, nais lang po naming ipaabot iyong pakikiramay sa pagpanaw ng tatay, ama ni Assistant Secretary Queenie Rodulfo.

SEC. ROQUE: Opo, kami rin po ay nakikiramay sa pamilya si Assistant Secretary Queenie. Nakikiramay po at kung ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo sa panahon na ganito eh sabihin lang po sa atin.

Okay, since wala na po tayong tanong, maraming salamat sa ating mga naging panauhin. Nandiyan po si Chairman Abalos, si PNP-OIC Eleazar, si Dr. Salvaña at maraming salamat din Usec. Rocky. Maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing Pilipinas talaga pong naiintindihan namin na pagod na tayong lahat, pero iyong kalaban po natin, wala pong pakialam kung tayo ay napapagod, patuloy po siya na talagang nakakahawa. So habang hindi pa po tayo nabakunahan, kaunting tiis na lamang po, malapit na at nandiyan na ang bakuna. Kinakailangan po mask, hugas, iwas at bakuna.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)