USEC. IGNACIO: Okay, nagpapatuloy po ang ating paghahatid serbisyo at impormasyon. Makakasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Unti-unti, dahan-dahan, hinay-hinay… iyan po ang mga gagawin nating hakbang para matapos ang ating tinatawag na mga community quarantine.
At para sagutin ang mga tanong ng ating mga kasama sa media, kasama ko po ngayon si Secretary Carlito Galvez, siya po ang National Task Force COVID-19 Chief Implementer; Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense; Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government; at, Secretary Francisco Duque ng Department of Health.
Ano ho ba ang ating overall na plano laban sa COVID-19? Makikita ninyo po iyong sinasabi nating unti-unti – nagsimula tayo sa ECQ, gagawin nating Modified ECQ papunta sa GCQ at susunod po ang Modified GCQ bago po tayo magkaroon ng new normal. Wala na po iyong ating normal na nalaman noong mga panahon bago mag-COVID-19 dahil habang wala pa pong bakuna, habang wala pang gamot sa COVID-19, magkakaroon na po tayo new normal.
Ang istratehiya natin: Test, hanapin ang kalaban sa pamamagitan ng test; trace, kinakailangan hanapin iyong mga tao na nagkaroon ng contact sa isang tao na positibo sa COVID-19; at gamutin ang mga tao na mayroong COVID-19.
Ang ating istratehiya po, iyong tinatawag nating National Action Plan sa COVID-19. Unang-una, nandiyan po iyong prevention, iyong minimum health standards na idi-discuss po sa atin ni Secretary Duque mamaya. Nandiyan nga po iyong detection sa pamamagitan ng testing at ginagamit po natin ang parehong PCR test sa pamamagitan ng mga swabs at iyong rapid anti-body test na tinatawag. At importante nga po iyong tracing, hanapin iyong mga tao na naka-contact sa may sakit at ang sabi nga po ni Secretary of Finance, gagamitin natin iyong ilang mga walang trabaho ngayon para ma-trace iyong nagkaroon ng contact sa mga positibong mga tao.
Tapos po kinakailangan natin i-isolate, isolate po natin iyong mga positibo sa ating mga isolation facilities, iyong ating mga We Heal as One. Pupuwede rin naman pong home self isolation para doon sa mga mild na mga kaso at asymptomatic at kinakailangan po magkaroon tayo ng community protocol para po sa mga positibo.
Siyempre po obligasyon ng estado, gagamutin natin ang mga naging biktima ng COVID-19: Pupuwede pong mangyari iyan o gawin iyan sa bahay, pupuwede sa ating mga We Heal as One facilities, at pupuwede rin po iyan sa mga pampubliko o mga pribadong ospital; At dahil nga po importante ang kalusugan ng ating mga frontliners, mayroon po tayong Central PPE Procurement. Matapos mapagaling natin ang mga mayroong COVID-19, kinakailangan i-reintegrate po natin sila sa ating lipunan at matapos po iyan, tatanggapin na po natin ang new normal dahil iba na po talaga ang mga magiging buhay natin.
Ano ho ba iyong tinatawag nating minimum standards at every step – Well iyong ating mga safety protocols: Kinakailangan may polisiya na no mask, no entry; Kinakailangan frequent sanitation and hand washing; iwasan ang paghawak po ng mga surfaces at ng ating mga mukha; at magkaroon ng stricter protocol for high risk occupations industries and spaces.
Social distancing po, at least one meter apart. Magkakaroon po tayo ng reconfiguration ng ating mga work spaces. Magkakaroon po tayo ng markers kung saan dapat tumayo ang ating mga kababayan sa public spaces and no work po kung mayroong mga sintomas.
At kinakailangan magkaroon din po tayo ng return to work protocols para sa mga pribadong mga kumpanya. Kung pupuwede po, gawin nating work-from-home ang default at matapos po iyong pagtrabaho onsite will be the exception. Iyong mga magpapatrabaho po onsite, kinakailangan magbigay ng sariling mga shuttle services ‘no, at kung pupuwede talagang kinakailangan lahat po ng mga nag-e-empleyo ay magbigay ng anti-body testing sa kanilang mga manggagawa to be confirmed sa pamamagitan po ng PCR testing.
Iyong ating transition po from ECQ to GCQ? – Kapag tayo po ay nasa ECQ, lahat tayo stay at home. Ngayong mayroon na tayong Modified ECQ, stay at home pa rin po tayo 100%; at kapag mayroon na pong GCQ, stay at home pa rin iyong mga vulnerable, iyong ating mga seniors at iyong mga transmitters – iyong ating mga kabataan.
Paano naman po ang exercise? – Ito po mabuting balita, maraming nagtatanong: Sa ECQ, hindi po allowed ang ehersisyo sa labas ng ating mga pamamahay pero sa Modified ECQ eh pupuwede pong limited outdoor exercise allowed. Kasama po ng outdoor walk, iyong paglalakad, jogging, pagtakbo, bisikleta pero kinakailangan mayroon pong safety protocols gaya ng pagsusuot ng masks at 2-meter distancing. At siyempre po kapag GCQ na, eh pupuwede po iyong limited contact sports gaya ng golf at tennis. Maraming matutuwa po diyan pero sa GCQ po iyon ha, uulitin ko, hindi pa po sa Modified ECQ.
Paano naman iyong mga pagpupulong? – Well sa ECQ po, hindi pa rin po iyan allowed. Sa Modified ECQ – highly restricted. Ang pinakamarami pong puwedeng magpulong, lima lamang. Pero sa GCQ, restricted pa rin po ang mga numero na puwedeng magpulong, hanggang sampu lamang.
Ano naman po iyong pag-travel? – Sa ECQ wala pa po tayong pampublikong transportasyon, wala tayong flights, walang domestic at mayroon tayong limited international flights. Sa Modified ECQ wala pa rin pong pampublikong transportation, wala pa rin po tayong domestic flights at limited pa rin ang ating international flights. Kontrolado pa rin po ang mga papasok na travel, ito po ay limitado sa ating mga OFWs at mga returning Filipinos. Bagama’t pupuwede pong mag-biking and non-motorized transport na ini-encourage natin. Wala pa pong inter-island travel.
Sa GCQ, magkakaroon na po ng public transport pero mayroon pong strict safe distancing at magkakaroon na po ng inter-island travel from GCQ to GCQ, provided, there will be safety protocols.
Mga eskuwelahan, sa ECQ po sarado; sa Modified ECQ, sarado pa rin; sa GCQ, skeletal workforce po to process iyong mga requirements para sa mga estudyante at saka para po magprepara sa graduation at magprepara sa susunod na semestre.
Ang mga tao pong nagtatrabaho sa gobyerno, ito po maraming tanong din: Sa ECQ, skeletal onsite and others po, work-from-home. Mayroon na pong guidelines na in-issue ang ating Civil Service Commission diyan. Sa Modified ECQ, pareho pa rin po, skeletal workforce pa rin ang mga taong gobyerno at kinakailangan work-from-home pa rin sang-ayon po sa Civil Service circular.
Sa GCQ, well magkakaroon po tayo ng alternative work arrangements. Kinakailangan nga siguro masunod iyong 40 hours of work pero may mga possibility na magkakaroon po tayo ng 4-day workweek.
Now, ano ho ba iyong mga different phases as we move from ECQ to Modified ECQ at GCQ? Well sa populasyon po: Sa ECQ, lahat ng tao nasa bahay. Sa Modified ECQ, lahat ng tao pa rin po ay nasa bahay. Sa GCQ, iyong mga vulnerable, iyong mga seniors at ang mga transmitters – ang kabataan, sa bahay pa rin po.
Tapos sa public transportation, well ito po: Sa ECQ, wala pong public transportation maliban lamang sa mga shuttles para sa frontliners. Sa Modified ECQ, wala pa rin pong public transportation pero puwede po na mag-deploy ng mga shuttle buses iyong mga industriya na ina-allow na magtrabaho at saka subject din po sa exceptions na ibibigay ng DILG tungkol dito. Ang mga public shuttle po eh dapat ibigay ng mga kumpanya. Kung pagmamay-ari po ng kumpanya, wala nang kinakailangan na permit sa LTFRB, pero kung sila po ay uupa ng shuttle, kinakailangang kumuha ng permit sa LTFRB.
SEC. ROQUE: Sa GCQ po, pupuwede na iyong mga tren, pupuwede na mga bus, mga jeepney, taxi, TNVS, tricycle at public shuttle pero limited po ito, ang capacity kinakailangan 50% at ang jeepney po ia-allow lang po iyan kung walang mga bus dahil harapan nga po ang mga jeepney pero kinakailangan din po mayroong pagsuot ng mga masks at kinakailangan pa rin iyong strict minimum health standards.
Sa transportasyon pa rin: Sa ECQ, company shuttle nga po, sinabi ko na iyan; sa modified ECQ, pareho po; at sa GCQ, pupuwede naman talaga iyong mga private shuttle. Iyong mga pribadong sasakyan pupuwede po iyan sa ECQ pero para po iyan makapasok iyong mga nagtatrabaho sa mga industriyang pinapayagang mag-operate at ganiyan din po ang rules sa Modified ECQ; bagamat papayagan na po siya sa GCQ.
Ang mga biskleta, hindi pa rin po pupuwede sa ECQ; pupuwede na sa Modified ECQ at sa GCQ. Mga motorsiklo, hindi po pupuwede sa ECQ; pupuwede na po sa MECQ pero dapat isa lang ang pasahero at pupuwede rin po sa GCQ. Ang scooter, hindi po pupuwede sa ECQ; isang tao po pupuwede sa MECQ at puwede na po sa GCQ.
Ito po, ano ba ho iyong mga guidelines pagdating sa construction na umiiral sa Modified ECQ?
Noong Sabado po inanunsyo natin na sa ECQ ay pupuwede na iyong mga importanteng infrastructure project na related sa COVID; na mga proyekto na tinatawag nating climate mitigating projects gaya ng mga flood control; at iyong mga Build, Build, Build Projects at kasama na po iyong mga PPP Projects, iyong mga Public-Private Partnerships.
Sa ilalim po ng ECQ, mas dumami po ang mga proyekto na papayagan. Pupuwede na po ang lahat ng pampublikong mga proyekto ng DPWH at pupuwede rin po ang mga pribadong mga proyekto pero kinakailangan sumunod po sila sa minimum standards na inisyu po ng DPWH. Ano ba ho itong mga standards na ito?
Unang-una, kinakailangan ang magtatrabaho ay between ages 21 to 59. Bawal ang kabataan, bawal po ang mga seniors at kinakailangan walang preexisting health conditions. Kinakailangan i-testing po ang mga manggagawa bago sila pagtrabahuin at kinakailangan doon po sila patirahin sa site ng proyekto at kinakailangan po ng quarantine passes sa lahat po ng onsite employees.
Habang sila naman ay nagtatrabaho kinakailangan magkaroon ng one-meter safe distancing ang ating mga nagtatrabaho; araw-araw silang magdi-disinfect; kinakailangang bawasan iyong paglabas sa construction area; kinakailangan magkaroon ng mandated quarantine para sa lahat ng mga bumabalik sa kanilang lugar na pinagtatrabahuan galing sa labas; iyong mga delivery at mga disposal po ay kinakailangan ma-handle ng ibang team o separate team, dapat mag-provide ang contractor ng PPEs para sa lahat; and magkakaroon po tayo ng safety officer to ensure compliance sa mga guidelines na ito.
Ito na po, ano na iyong mga industriya na pinapayagan sa ECQ, sa Modified ECQ, at sa GCQ?
Sa lahat po iyan, allowed itong tinatawag nating Category I. Ano ho ba iyan? Agriculture; forestry and fisheries; manufacturing of essential goods gaya ng pagkain and beverages, hygiene, medicine and vitamins, medical products, pet food, feeds and fertilizers; iyong mga hospital siyempre, mga clinics, mga dermatological, dental, optometric and eye, ear, nose and throat; iyong essential retail, mga groceries, markets and drugstores, laundry shops, food preparation and water refilling, takeout and delivery only; logistics service providers, cargo handling, warehousing, trucking and shipping line, and delivery services.
Lahat po iyan allowed kahit ECQ, Modified ECQ, or GCQ – Category I.
Kasama rin po sa Category I iyong utilities, power, energy, water, telecoms, aircon, water collection/supply; waste management, sewerage except po iyong septic tank emptying but including pest control, garbage collection; repair and installation of machinery and equipment; telecommunication companies; energy companies; gasoline stations; construction workers accredited by the DPWH to work on facilities for healthcare and for risk reduction; manufacturing companies and suppliers of products necessary for construction; and media establishments.
Category II, ito po iyong mga mayroon na pong mga distinction.
Iyong Category II po iyong mga negosyo gaya ng beverage, iyong alcoholic drinks; electrical machinery; wood products; furniture; non-metallic products; textiles; wearing apparels; tobacco products; paper and paper products; rubber and plastic products; coke and refined petroleum products; other non-metallic mineral products; computer; electronic; and optical products; electrical equipment; machinery and equipment; motor vehicles; trailers and semi-trailers; other transport equipment and others – bawal po sa ECQ.
Pero sa Modified ECQ, itong mga industriya na binasa ko po ay pupuwede na. At siyempre po dahil puwede na sila sa Modified ECQ, puwede rin sila sa GCQ.
Iyong semento at steel eh pupuwede naman po iyan sa ECQ pero kinakailangan 50% work from home, 50% work on site. Ngayon po sa Modified ECQ at sa GCQ pupuwede na po iyan; iyong mining ang quarrying pupuwede po iyan sa lahat ng zona; iyong electronic commerce companies, pupuwede na po iyan sa lahat ng quarantine; iyong postal, courier, and delivery service sa lahat po ng quarantine areas puwede po iyan; iyong export-oriented companies, pupuwede rin; at iyong real estate activities pupuwede lang po sa ECQ at Modified ECQ ang leasing pero ang pagbebenta pupuwede na po sa GCQ area.
Huwag po kayong mag-alala, ipapaikot po namin itong power point presentation na ito para mayroon kayong guide.
Sa susunod na category po, Category II pa rin. Iyong public and private construction projects that are essential, well ngayon po allowed na po siya dahil naamyendahan na nga iyong ating guidelines, so allowed na siya sa ECQ, allowed na po siya sa Modified ECQ pero dapat iyong mga small scale projects ay hindi pa rin allowed.
So ito iyong mga major projects ang ina-allow lang po at allowed na po siya sa GCQ:
Iyong repair of computers; personal and household goods allowed po sa lahat ng quarantine areas; housing service activities allowed po sa lahat ng quarantine areas; iyong office administration and other support, hindi po siya allowed sa ECQ pero ngayon allowed na po siya sa Modified ECQ pero kung pupuwede po, 50% on site, 50% work at home, pero allowed na po siya sa GCQ.
Iyong special accommodation for healthcare workers, OFWs, workers in permitted sectors, and non-OFWS, ibig sabihin po iyong mga rooms sa hotel eh pupuwede po siya sa ECQ, sa Modified ECQ at GCQ pero hindi po siya pupuwedeng magbukas for tourism. Para lang po sa mga healthcare workers, OFWs, at mga manggagawa.
Now, iyong mga accommodation for guests, well, 50% lang po sila ina-allow pero mayroon pong qualification. Allowed lang po iyan sa long term booking for as long as mayroon silang booking effective May 1 dito lang po sa Luzon.
Siyempre naman po iyong funeral and embalming services allowed po sila pero wala pong funeral parlors kasi hindi pa rin po allowed ang lamay sa ECQ at sa Modified ECQ. Allowed po ang lamay sa GCQ.
Ang mga vet clinics, allowed po sila pero 50% sa ECQ and Modified ECQ, puwede na silang mag-100% sa GCQ.
Ang Security and Investigative activities, 50% sa ECQ, 50% din sa Modified ECQ, allowed po sila sa GCQ.
Category II pa rin po: Iyong mga BPOs, iyong work from home, onsite, or near site accommodation or point-to-point shuttles. Ibig sabihin, 50% pa rin ini-encourage natin sila na work from home pero kung mayroong magtatrabaho kinakailangan mayroong shuttle service o hindi kaya malapit ang tirahan. Allowed po iyan sa ECQ, allowed po sa Modified ECQ, allowed po sa GCQ.
Mga bangko, allowed po sila sa lahat ng quarantine; iyong capital markets po, allowed po sila sa lahat ng quarantine areas; iyong other financial services gaya ng money exchange, insurance, insurance and non-compulsory pension fund, hind po sila allowed sa ECQ pero bukas na po sila ngayon sa Modified ECQ, so iyong mga insurance puwede na rin po, maraming nagtatanong rin niyan, pero 50% din po – 50% work on site, 50% work at home, sa GCQ puwede na pong 100%.
SEC. ROQUE: Legal and accounting hindi po sila allowed sa ECQ, pero ngayon 50% work at home, 50% on site at maa-allowed po sila sa GCQ. Ang Management consultancy activities gaya ng mga abogado at accountant, hindi pupuwede sa ECQ; 50% capacity sa modified ECQ, 50% work at home; at allowed po sila GCQ.
Ang mga arkitekto and engineering services, technical testing ang analysis, hindi po sila pupuwede under ECQ; 50% on site, 50% work from home allowed na po sa modified ECQ at allowed po sila sa GCQ. Scientific and research development, ganoon din po, hindi pinagbabawal ng ECQ, 50% work on site na ngayon at 50% work from home under modified ECQ at allowed din po sila sa GCQ. Sa suma total po ay talaga naman pong marami nang nabuksan na sector ng ating ekonomiya.
Sa Category 3, ito po karamihan nito, hindI pupuwede noong ECQ, ngayon pupuwede na sa modified ECQ.
Anong mga ehemplo po?: Advertising and market research; computer programming; publishing and printing activities; film, music and TV production, pero nakikita po ninyo yellow, ibig sabihin 50/50 pa rin – 50% work on site, 50% work at home. Pero kapag GCQ na, pupuwede na po silang magtrabaho 100% on site. Preferably mayroon pa rin pong work from home;
Iyong rental and leasing, other than real estate po, iyong mga rent a car, equipment for permitted sectors, allowed naman po iyan sa lahat ng quarantine areas; Iyong employment activities, iyong mga recruitment and placement for permitted sectors, allowed po sila sa lahat ng quarantine areas; Iyong other activities gaya ng photography, fashion, industrial, graphic and interior design, allowed po sila 50/50 sa modified ECQ at allowed po sila sa GCQ.
Ganoon din po ang wholesale and retail trade of motor vehicles, motorcycles and bicycles excluding their parts and components, sa ECQ po hindi po allowed, ngayon po sa modified ECQ pupuwede, pero 50/50 pa rin po – 50% work on site, 50% work from home at ma-allow na sila sa GCQ. Iyong repair of motor vehicles, motorcycles and bicycles hindi po pupuwede sa ECQ, 50/50 na ngayon under modified ECQ at allowed po sila sa GCQ
Ano pa po iyong mga pupuwede na ngayon sa modified ECQ na hindi pupuwede dati?: Iyong malls and commercial centers non-leisure only in line with iyong ating mga sinasabing guidelines – iyong one person for two square meters; iyong wearing of mask, temperature check at saka iyong 26 degrees na temperature, walang wifi. So, allowed sila sa modified ECQ, pero naka-partially allowed pa rin po iyan, ibig sabihin 50% lamang at ma-aallow po sila sa ECQ.
Ang dining and restaurant, allowed sila pero takeout lang at saka delivery, iyan po ay under ECQ, modified ECQ at GCQ. Although pagdating sa GCQ ay mayroon nang review na isinasagawa. Pero sa modified ECQ delivery and take out pa rin po, wala pang dine-in.
Ang mga barbero at mga salon, paborito ni Joseph Morong, hindi pa rin po allowed. Pahabaan ng buhok, mabuti na lang bionic hair ako. Anyway, ang mga hardware store, dati hindi pupuwede po sa ECQ, ngayon 50% po pupuwede na sa modified ECQ at puwede na po sa GCQ;
Ang clothing and accessories dati bawal, ngayon po 50%; Ang mall based government frontline services, ito po siguro iyong mga NBI clearance, dati hindi puwede sa ECQ, ngayon, 50%; Ang hardware stores iyon nga po 50%; ang bookstores and school and office supplies stores pupuwede na po 50% sa modified ECQ; Ang baby care supply store, 50% po ang allowed; Ang pet food, pet care supplies, dati bawal, 50% allowed na po ngayon; Ang flower, jewelry, novelty, antique at perfume shops eh 50% allowed po ngayon sa modified ECQ at papayagan na sa GCQ; Ang mga toy stores, ito po ay para lang bumili ng laruan hindi po pupuwede iyong mga playground and amusement area, hindi pa rin pupuwede iyon, pero iyong mga toy stores mismo 50% puwede nang mag-operate sa modified ECQ at pupuwede na sila sa GCQ.
Category 4, ito pa rin po iyong kahit anong quarantine zones, bawal pa rin: Gyms, fitness studios and sports facilities, mag-internet na lang po kayo. Ako nagzu-zumba ako sa internet; Entertainment industries – cinemas, theaters, karaoke bars, etcetera, bawal pa din po; Kid amusement industries, mga playrooms at rides, libraries, archives and museums and cultural bawal pa rin po; Tourist destinations bawal pa rin po; Travel agencies, tour operators, reservation service and related activities, bawal pa rin po, dahil wala pa namang commercial flights pa;
Personal care services, mga massage parlors, naku, natutuwa ang mga misis, at saka mga sauna baths, sarado; Ang mga facial care at waxing sarado din po. I’m sure walang misis ng mga Secretary na kasama natin ang natutuwa na sarado ang mga massage parlors – hindi sila nagpupunta roon;
Okay, kinakailangan po tayo ay maging flexible, dahil ang ating palatuntunan nga po ay hinay-hinay, dahan-dahan, unti-unti. Kapag dumami po ang kaso babalik at babalik tayo sa ECQ.
Ngayon naman po ay good news! Hindi po natin inaasahan pero ang Moody’s po ay binigyan tayo ng outlook credit grading, investment grade na BAA2 or a stable outlook. At pangalawa sa ating good news… ay wala na palang pangalawang good news, iyon lang.
Okay, punta naman tayo sa cOVID-19 updates nasaan na ba tayo sa laban ng COVID-19. Ang mga kaso po ng COVID-19 ay nasa 11, 350 na; ang mga nag-recover po o gumaling 2,106; ang mga namatay ay 751.
Makikita po natin dito sa graph na ito na bahagyang tumaas po iyan noong makalipas ang dalawang araw. Pero siguro po may kinalaman din diyan iyong napataas na nating testing capability ito sa ating bayan.
Sa ngayon po, well noong nakalipas na araw po, medyo dumami po iyong namatay sa COVID-19, pero overall, talaga naman pong bumaba iyong mga numero ng mga namatay. At siyempre doon sa mga bagong gumaling/nag-recover, makikita po ninyo tumaas bagama’t itong mga nakalipas na araw, may bahagyang pagbaba.
Nandiyan pa rin po na patuloy na tumataas ang numero ng mga nagkakasakit ng COVID-19 pero kung mapapansin po ninyo, hindi naman po matarik ang pagtaas. Ibig sabihin talagang iyong ating ECQ ay kahit papaano ay gumana po talaga dahil kung hind po diretsong pataas iyan kung hindi tayo nag-impose ng ECQ. At patuloy pong tumataas ang mga nagre-recover, at patuloy naman pong maging stable kahit papano ang mga namamatay sa COVID-19.
Si Secretary Año will have a short clarification now.
SEC. AÑO: Magandang tanghali sa ating lahat, itong ating clarification ay dito na na-isyu na resolution number 35 ng IATF na kung saan ay nadedeklara ang iba’t-ibang areas sa modified ECQ, GCQ. At dito sa resolution ay nagkaroon ng deklarasyon na ang 37 probinsiya at 11 cities kasama ang BARMM, sila ay nailagay bilang low risk provinces, HUCs and ICCs, shall no longer be under community quarantine without prejudice to strict observation of minimum health standards. Marami pong mga local chief executives, governors at mayors na nagsagawa ng petition, request at sinasabi nila na hindi pa sila handa para tanggalin ang community quarantine. Kaya ito ay magkakaroon po tayo ng amendment na pagtitibayin mamaya sa ating IATF meeting upang ang mga provinces na ito – walong region, 37 provinces, 11 cities at kasama na po iyong BARMM – malalagay sila sa modified general community quarantine.
Ang ibig pong sabihin, Modified GCQ, magkakaroon pa rin ang ating mga local chief executives ng guidelines kung papaano niya ipapatupad ang Modified GCQ para sa ganoon ay mayroon siyang kapangyarihan na magagamit na matigil ang pag-spread ng virus sa mga lugar na mayroon pa. Kasi kapag wala ng quarantine ay ini-expect natin na baka magkaroon ng second or third wave.
Kaya wala na po tayong area sa buong Pilipinas na hindi under ng community quarantine, iba-iba lang pong level. Ito pong low risk ay mapupunta sa modified community quarantine at mayroon din naman po tayong guidelines na iiisyu para susundin ng ating mga local government units.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Si Secretary Duque ay mayroon siyang presentation po on minimum health standards.
Thank you very much, Secretary Año. So uulitin ko po, wala na pong lugar sa Pilipinas na hindi nasa ilalim ng community quarantine. Iyong nauna pong areas na sinabi natin na wala na pong community quarantine, balik po sila under Modified GCQ. So ngayon po, lahat ng areas sa Pilipinas ay mayroon pa rin pong community quarantine from Modified ECQ to GCQ to Modified GCQ. Secretary Duque?
SEC. DUQUE: Maraming salamat, Secretary Harry Roque at saka ang lahat ng kasama ko po sa Inter-Agency Task Force. At sa ngalan po ng Department of Health ay bumabati po ako sa lahat ng isang napakamagandang araw.
Una po sa lahat, kasama ng inyong mga lingkod bayan, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, sa inyong pagsasakripisyo sa mga nakaraang dalawang buwan. Hindi po ito madali ngunit kinakailangan natin itong gawin para maprotektahan ang ating mga pamilya at ang mga kababayan.
Ang bad news: Nakakatakot ang COVID-19. Pero ang good news ay may magagawa tayo at kaya natin itong talunin o pabagalin ang pagkalat. Iyon ang ginawa natin sa loob ng walong linggo. Kaya naman sa mga susunod na mga araw, may mga lugar na hindi mapapabilang sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Pero hindi pa tapos ang laban, ika nga. Kumbaga sa basketball, walang katapusang overtime ito hanggang walang bakuna. Parang zombie lang ang kalaban natin, balik nang balik, parang comeback player of the current times.
Kaya naman ang second or third wave, gaya ng nangyari sa Singapore at South Korea, puwedeng-puwedeng mangyari sa atin uli kung saan lahat tayo ay aligaga at walang humpay ang pag-aalala. Ayaw natin itong mangyari.
At para maiwasan ito o ma-ensure na hindi ito ganoon kagrabe, isipin ninyo na lang parang sa basketball: Hindi natin dapat hayaan maka-score ang COVID-19; bantay sarado tayo. At lahat ay may maiimbag dito – bawat pamilya, bawat barangay, kayo ang All-Star Defense Team. Bilang All-Star Team, dalawang rule book ang ating sinusundan. Una, ang minimum public health standards; at pangalawa, minimum health capacity standards. Ayan po, nakikita po ninyo sa ating screen.
Base sa ating national targets na nailathala po natin sa ating Administrative Order # 2020-0016, ang Minimum Health System Standards for COVID-19 Preparedness and Response Strategies. Ito ang siyang magiging gabay ng ating mga sektoral at lokal na pamahalaan sa kanilang pagpaplano:
– Thirty thousand RT-PCR test ang kailangan gawin kada araw.
– Five to six million sets ng PPE ang kailangan natin kada buwan.
– At para naman sa ating ICU capacity, 6,000 na bilang ng ICUs at 6,000 na piraso ng mechanical ventilators ang kailangan natin na paglaanan ng investments.
Ang bawat rehiyon naman ay kailangan paghandaan ang mga sumusunod:
– At least isang biosafety laboratory Level 2 na may kapasidad na mag-RT-PCR test.
– At least isang dedicated referral na ospital, pasilidad, floor or wing na para lamang sa mga may malubha o kritikal na sakit.
– At least isang ICU at mech vent kada 25,000 na tao ang dapat na isaalang-alang para sa mga may malubha o kritikal na sakit.
– At least 30% na additional na kama ang kakailanganin para sa mga pampubliko at pribadong ospital para ma-accommodate ang mga pasyente na may COVID-19.
Ang bawat probinsiya naman ay kailangan magkaroon ng sumusunod na katao:
– At least one epidemiology and surveillance officer kada isandaang libong katao.
– At least one contact tracer kada walong daang katao.
– At least barangay health emergency response team kada isanlibong katao.
– At least sampu o ten trained staff para sa testing.
Kinakailangan naman ng mga sumusunod na imprastruktura para sa mga probinsiya:
– Una, at least isang temporary treatment and monitoring facility kada 2,500 na tao.
– At least isang ambulansiya or medical transport.
– At least isang dedicated na transport para sa specimen
– At least isang dedicated na puneraria o crematorium.
Kung gagamitin natin ito para sa probinsiyang Nueva Vizcaya, halimbawa lamang, na may projected population na higit sa 480,000 para sa taong 2020. Ito ay nangangahulugan ang actual target nila ay limang epidemiology officers, 602 contact tracers, 482 barangay health emergency response team at minimum na sampung tao trained testing staff. Para naman sa facilities, ang target ay magkaroon ng 193 isolation beds para sa mga temporary treatment and monitoring facilities, at least isang ambulansiya para sa mga pasyente, isang transport na dedicated para sa mga specimen at isang designated funeral home or crematorium para sa suspected or confirmed COVID patients. Itong mga ito ay minimum targets na magsisilbing gabay para sa ating mga LGUs.
Samantala, para sa public health standards, ang bawat pamilya ay dapat nagagawa ang mga sumusunod:
– Palagiang paghugas ng kamay,
– Pagsuot ng mask kapag lalabas,
– Physical distancing.
Samantala ang ating mga establisyimento at awtoridad ay dapat nagagawa ang mga sumusunod:
– Palaging nagdi-disinfect;
– Limitasyon sa pagtitipon;
– Temperature screening;
– Symptoms screening o hindi na pinapapasok ang empleyadong may sintomas.
Ito ay mga safeguards na kailangan nating gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng virus, mapigilan ang pagkakalat at masiguradong handa ang mga katauhan, at imprastruktura para talunin natin ang COVID-19.
Sa lahat ng mga nasabi ko, dalawang bagay ang gusto kong maalala ninyong lahat: Una, mabilisang mass tracing na may sapat na contact tracers ang kailangan para hindi makalusot ang COVID at agarang ma-isolate.
Ano ba ang sapat? Contact tracer per 800 katao. So isang halimbawa muli, ang siyudad ay may populasyon na 40,000, kailangan nila ng 500 contact tracers na imu-mobilize.
Pangalawa, dapat ma-inspire tayo sa ginawa ng mga lungsod ng Baguio at Cebu sa kanilang contact tracing. Ang kombinasyon ng paghuhugas ng kamay at pagsuot ng mask at physical distancing ay ang bitamina natin ngayon laban sa COVID-19.
Maraming, maraming salamat po. Para po sa karagdagang impormasyon patungkol sa contact tracing, panoorin ang video sa Facebook page ng DOH.
SEC. ROQUE: Okay. Questions, unang-una ho, Triciah Terada, one question, two follow ups strictly please. Go…
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, good afternoon po. Sir my first question is for the workforce. Since nag-open po iyong maraming industries, we are expecting movement, Paano po iyong magiging dynamics ngayon, sir? For example, ano iyong mga kailangang dalhin ng mga tao, do they need to bring their IDs? May mga checkpoints pa po bang dadaanan? And iyong doon po sa transportation, since limited pa rin, paano iyong mga walang access to their own private vehicles? For example iyong mga workers, kasi po ngayon sa mga groceries nangyayari, we’re hearing stories from employees na naglalakad po sila just to get to work. And iyong OFWs po ba, allowed po ba sila na mag-process ng mga papeles nila ngayon sa POEA?
SEC. ROQUE: Secretary Año, DILG…
DILG SEC. AÑO: Yes. Kapag ang pinag-uusapan natin ay ang area ng Modified ECQ, makikita natin na kokonti lang naman iyong difference sa ECQ at dito ang mga workers dapat ay isa-shuttle ng kanilang mga kumpanya. Doon sa GCQ ay magkakaroon na tayo ng pagbubukas ng ibang mass transportation. Kailangan dala nila iyong kanilang ID, certification of employment para sila ay hindi na maabala sa checkpoint.
SEC. ROQUE: Sec. Galvez, iyong tanong po sa POEA, puwede ba sila mag-process daw ng mga dokumento nila?
SEC. GALVEZ: Palagay ko po, tanungin po natin si Secretary of DOLE. I believe puwede naman po iyon dahil kasi kung sa processing okay lang po iyon at saka karamihan po sa processing is online and also kung kailangan iyong kanilang physical presence, limited lang po iyong tinatawag nating time.
SEC. ROQUE: Okay, next question.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Second question, sir. Doon naman po sa—itong desisyon po natin about the ECQ, MECQ… Sir kasi may questions ngayon na ni-raise or problems na ni-raise about the accuracy of the data na mayroon po iyong DOH. Experts say, those are alarming errors na iyon po iyong pinagbabasehan natin ng mga desisyon natin. Is this decision final? Are you still going to reconsider it considering the errors? And iyong testing sir, problema pa rin po; iyong targets, we’re still far behind the targets and iyon nga po, may problema pa rin po tayo sa contact tracing, the system is not yet efficient.
SEC. ROQUE: Secretary Galvez…
SEC. DUQUE: Hindi, ako po ang sasagot niyan.
SEC. ROQUE: Okay, Secretary Duque.
SEC. DUQUE: Yes, maraming salamat po Kalihim Harry Roque. The Department of Health appreciates the concerns raised by the UP COVID-19 Pandemic Response in its policy note number 6, dated May 8, 2020. Ang DOH po ay gumawa na po ng mga hakbang para po ma-correct itong mga tinatawag nilang data errors found in the April 24 and 25 data drafts as well as other inconsistencies communicated by private citizens through the [email protected]. As early as April 26, we have since quote and corrected these issues and we are very much—we very much appreciate the UP Resilience Institute for raising their concerns ‘no.
We assure the public that the issues raised are less than 1%, maliit pa sa isang porsiyento of the whole data set and does not prejudice the overall interpretation of data and decision making. We continuously rectify the data the moment we identify any issue.
For example, inconsistencies in the formatting of the date, case classification and proper identification of the location. Nevertheless, the DOH remains committed to transparency and we welcome feedback from expert community.
Moving forward, for utmost transparency, we will include more details on the specific roles that have changed from the previous day. Building and using high quality data systems normally takes months of effort, while the crisis has demanded that existing systems be improved and scaled out in real time. DOH is currently rolling out a new digital epidemiological surveillance information system – tawag po rito COVID KAYA – that has been developed in collaboration with the World Health Organization Country Office. This new system automates several data collection processes which is expected to minimize encoding errors.
And panghuli na lang po, ang DOH ay nagpapasalamat sa mga epidemiologist ng WHO, epidemiologist of the University of the Philippines-Manila, College of Public Health, ang Thinking Machines Data Science for their immense support in data validation and analysis. The daily data drafts would not be possible without their guidance and expertise. We are collaborating with the range of institutions and we welcome other data engineers, data scientists and specialists willing to contribute to this effort as this is a matter of national importance.
Tama po kayo, we strive to continuously improve our data collection and reporting systems and we welcome all the feedback we receive from the public – Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: May idadagdag yata si Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Tama po tayo na ang impormasyon ay siyang pinaka-basis sa decision making process natin at nasabi na nga po ni Secretary Duque na maliit na porsiyento lang po ang nakita nating mga discrepancy. Sa amin po sa pag-implement po namin, ang amin pong data ay binabase sa LGU data at saka sa DOH data. Kung mayroon mang discrepancy, ang ginagawa po namin as Chief Implementer, pumupunta po ako sa baba, tinitingnan ko po talaga ang impormasyon. Iyon na ang tinatawag nating validation.
So I believe, hindi po tayo nagkamali na magkaroon po ng shifting dahil kasi po naman iyong shifting po naman natin is tinatawag nating dahan-dahan at saka po hinay-hinay po lamang. Ang pagkakaiba lang na nakikita natin sa transition natin sa ECQ at saka iyong MECQ is iyong pag-o-open ng ating business kasi hindi po talaga puwede na mayroon tayong extended ECQ, ay mamamatay naman po ang ating economy. At nakikita po natin na ang COVID, ito ay matagalang labanan at hanggang wala pong vaccine ay talaga pong kailangan din po natin iyong tinatawag natin, iyong economy natin to sustain it.
Ito po ngayon, gumagawa tayo ng konting opening na hinay-hinay, gradual at saka incremental opening of our economy. Kasi po kapag po nangyari po na hindi po natin in-open ang economy, we will gonna bleed. Sa ngayon po nag-contract ang economy natin sa negative .2 and we cannot sustain this fight kung wala po iyong COVID(?).
Iyong isang basis din po namin kaya kami nag-opening, for the past few days, ang atin pong death ratio ay medyo may kababaan as compared to other countries. At tinitingnan po natin sa old active cases natin – 8,493 ay mahigit na 88% ang mild; 7,520 lang po ang mild at saka iyong karamihan po, 892 asymptomatic. Ang severe natin at saka critical is only 8%; 52 po ang severe at saka 25. Ito po ang mga basehan po ng data natin, ibig sabihin, tumaas na po ang healthcare capacity natin dahil marami na po tayong recoveries over death at the same time, marami na tayong mga mega facilities.
Kanina po, ang Filinvest, nandoon po kami ni Secretary Duque, may additional 108 bed capacity na po tayo. Mayroon na rin po tayong testing capacity, ngayon tumaas po ang testing capacity natin sa 8,000 at ang ating mga private sector ay nagdo-donate pa rin po ng mga PCRs at saka mga automated extraction machines. At the same time, ang atin pong mga LGUs ngayon po ay nagiging, nakikita natin, aggressive. At the same time talagang naka-capacitate na po natin ang ating LGU. So ito po iyong mga basehan po ng ating pong pag-open.
SEC. ROQUE: Ipagpaumanhin ninyo po ano, but I will have to amend what I said earlier. One question, one follow up lang po dahil lahat po kami ay a-attend ng 2 P.M. IATF meeting. Usec. Rocky..?
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Patchie Yu(?), Inquirer: May we know when the Office of the President will release the executive order regarding the guidelines for distribution of the second tranche of the SAP. DSWD said they cannot start distribution without said EO.
SEC. ROQUE: Okay. Hindi po EO ang inaantay natin, it’s a memo from the OSAP ‘no at lalabas naman po iyan siguro itong linggong ito para makapagsimula na nga iyong second tranche ‘no.
Maricel Halili, TV5.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Kay Secretary Año. Sir, may we have your position lamang po about doon sa birthday party, mga photos ng birthday party ni NCRPO Chief Sinas na kumalat po sa social media because it seems na hindi po nasunod iyong social distancing?
SECRETARY AÑO: Okay. Iyong insidente na iyon ay hindi naman matatawag na birthday party. Ito ay isang mañanita na isang tradition sa military at police service na nagsimula pa sa Philippine Military Academy na kapag ang commander ay birthday, ang mga key officials niya ay nagbabati ng Happy Birthday at the dawn or early break of the morning. So ganoon ang nangyari doon, hindi talaga siya party.
Kaya lang sa panahon ngayon, that is uncalled for. Sabi ko nga, mayroon tayong tinatawag na delicadeza, so ang mga ganiyan, stop muna iyong mga ganiyang activity. Now I leave to to the Philippine National Police to conduct an investigation kung mayroon ba talagang naganap na violations ng mga quarantine guidelines.
But as I said, wala siyang tinatawag na deliberate partying. So tingnan na lang natin kung ano ang lalabas sa investigation ng Philippine National Police.
MARICEL HALILI/TV5: But, sir, will you discourage these things to happen again; and ano po iyong possible na liability not only of NCRPO Chief Sinas but of course all the other police who attended the event?
SEC. AÑO: Yes, actually I’ve already directed all bureaus and offices under DILG, and I hope pati din sa ibang government offices na sa panahon ngayon ay uncalled for iyong mga ganiyang klaseng pagsasalu-salo, gathering ‘no. Titingnan natin kung ano iyong magiging appropriate sanction or whatever kung anong resulta ng investigation.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: What are the guidelines for individual sports such as boxing, swimming, gymnastics, bowling, wrestling, power lifting and mixed martial arts, etc., under Modified Enhanced Community Quarantine and GCQ areas?
SEC. ROQUE: Okay. Ang ating athlete ang sasagot diyan, Secretary Lorenzana.
SEC. LORENZANA: Thank you very much, Secretary Harry. Iyong mga contact sports, hindi pa puwede ngayon. Maybe as we go down the road at medyo lumuwag-luwag iyong ating …puwede na iyan. But ang authorized lang ngayon ay iyong no contact sports like biking, tennis siguro and golf because they can distance themselves from each other. Iyon kasing boxing, wrestling at saka iyong ano pa diyan ay hindi … contact sports iyan, nagkakalipatan iyan at saka nag-aakapan pa. So wala pa tayong guidelines diyan dahil hindi pa authorized. Thank you.
SEC. ROQUE: Follow up.
USEC. IGNACIO: Opo. May air travel restrictions po ba sa NAIA since naka-Modified ECQ na tayo? Paano po ang inflow ng passengers from abroad? How about domestic flight? And what about airports and seaports under GCQ areas?
SEC. ROQUE: Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Sa ano po natin, sa ngayon, mayroon na po tayong ipinapatupad na tinatawag na controlled inbound flight. Ang flight na ito ay para lang po sa ating mga returning OFW. So hindi pa po talaga open ang commercial flight; this is only open for OFW. Ang ano po natin ay more or less, 400 to 600 people lang po ang ina-allow natin or more or less two to three flights a day.
Iyong travel naman po sa ano, nasabi na po kanina na iyong between GCQ and GCQ areas, pwede po ang inter-island. Pero sa ECQ, hindi pa po puwede ang air travel at saka iyong sea travel.
SEC. ROQUE: Pero ang tanong po, puwede na ba ang air travel from GCQ to GCQ?
SEC. GALVEZ: Nandoon po sa ating guidelines po. Puwede na po iyong GCQ to GCQ, puwede na po iyong tinatawag na inter-island travels.
SEC. ROQUE: Okay. Next question please. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Kay Tina Mendez pa rin: Please comment on the proposed US sale of two billion dollars helicopters to the Philippines despite soured relations between the two countries due to the termination of the VFA. The US State Department has given its go signal for the sale of six Boeing Apache AH-64E and six Bell Viper Attack helicopters worth close to $2 billion o 100 billion pesos. This early, the International Coalition of Human Rights in the Philippine United States Chapter has demanded accountability from Washington. The group noted that the arms sales would be headed to Duterte’s state forces who are becoming only more ruthless under COVID-19 said Drew Elizarde-Miller, ICHRP US Spokesperson, in a statement.
SEC. ROQUE: Secretary Lorenzana?
SEC. LORENZANA: Thank you very much for that question. Alam ninyo, itong pagbibili natin ng attack helicopter ay nagsimula pa noong mga siguro 2016 or 2017. At namili iyong Air Force ng mga platform, iba-iba, kasama na iyong Apache at saka Viper, at saka iba pang mga attack helicopters ng ibang bansa.
Ngayon, usually iyong United States kailangan ng go signal ng State Department kung magbebenta sila. So iyong Air Force ay humingi ng details kung bibili tayo sa US, at inabot sila ng more than one year, I think almost two years bago nila masagot iyong ating mga tanong. So ngayon dumating. Wala naman itong koneksyon doon sa ating pagputol ng ating VFA or pag-terminate ng VFA; continuation lang ito ng ginawa na beforehand.
Ngayon, iyong perang … I think that’s 1.5 billion to two billion for six helicopters, attack helicopters, ay hindi natin kaya iyon. Ang pera lang natin na nakalaan para bumili ng attack helicopter ay 13 billion lang. Kung bibili tayo ng attack helicopter ng ganiyang halaga ay baka isa o dalawa lang ang mabibili natin. Kaya tumitingin tayo sa ibang bansa ng attack helicopter na mabibili natin na medyo madami-dami sa halagang ibinigay sa atin ng gobyerno.
Ngayon, iyong komentaryo ng mga bumabatikos ng ganiyan ay sinagot ko na iyan kasi mayroon nagsabi na bakit daw … iyong mga leftist side, sabi ay bakit daw bibili tayo, bakit hindi natin ibigay na lang sa mga tao? Agree ako diyan. I agree that buying these helicopters is I think … we would rather give it to our people. Kaya lang ang sabi ko, itigil ninyo iyung inyong armed struggle at ititigil din namin ang pagbili ng ganitong armas. Kasi 50 years na kayong nanggugulo diyan, gusto ninyo mapigilan kaming mag-angkat ng mga panlaban sa inyo pero hindi ninyo naman ititigil iyong inyong ginagawang armed struggle. Salamat po.
SEC. ROQUE: Yes, si Joyce Balancio/DZMM.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary Roque, just to clarify ‘no. Iyong mga nabanggit natin na mga industries na papayagan sa Modified ECQ, these will be allowed to operate only doon sa matutukoy na buffer zones and outside of the buffer zones kung saan wala pong confirmed COVID cases?
SEC. ROQUE: Well, they will be allowed to operate kung sila po ay wala doon sa critical area at saka doon sa labas na zone. Pero in general, iyan po iyong mga industries, except kung iyong barangay where the factory or the business is located ay nasa critical area ay mapapasailalim pa rin po sa ECQ iyong barangay na iyon o iyong zona na iyon.
Okay? Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Iyong ano ito, iyong tinatawag nating mga opening ng business, pag-uusapan po ng LGU at saka ng business sector po iyan. Iyon lang po ang nagbigay tayo ng general guidelines kaya po nakita natin ang—normally iyong mga business corridor po na iyan ay normally located sa Modified GCQ at saka iyong nasa buffer zone or iyong mga areas outside of buffer zone – ito iyong mga tinatawag nating mga economic corridors at mga safe areas.
So ngayon, maganda po, nag-uusap ngayon ang business at saka po iyong LGU para pagtulungan po nila. It will become their motivation kapag nag-open na po ano—iyong ating tinatawag na critical zone ay malinis po natin, kung nandoon po iyong economic area ay puwede po iyon ang magiging motivation po nila.
SEC. ROQUE: Yes, ito po, ipinapakita po namin uli iyong different zones – iyong critical zone at containment zone. So iyong mabubuksan na negosyo ay dapat po nasa buffer zone or outside buffer zone dahil kung nasa critical area o sa containment area, hindi pa rin sila mabubuksan.
Okay, next question.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, naging recommendation po ni Finance Secretary Sonny Dominguez po kay President Duterte iyong pagha-hire ng contract tracers among Filipinos na nawalan po ng trabaho this pandemic. So, approve po ba ito ni Pangulong Duterte at mayroon na tayong naayos na sistema papaano tayo magha-hire, qualifications, papaano po ba ito?
SEC. ROQUE: Well, si Secretary Año.
SEC. AÑO: Yes, oo, gagawin natin iyan because it’s not just because we modified or we put some ease or relaxation in our community quarantine ay wala nang virus at wala nang COVID. Tumaas lang iyong ating health capacities kaya can afford tayo na magbawas ng mga restrictions but for 2020 and even 2021, we will continue to test, trace, isolate, treat.
So, kailangan ang pinaka-workforce natin talaga ngayon ay ang ating mga contact tracers. So, sa LGU levels magha-hire tayo, dito rin sa ating national agencies mayroon din tayong iha-hire diyan, kasi integrated ang effort natin – national, regional, provincial down to the municipalities but of course, these are all led by our local chief executives sa kanilang mga respective task forces.
So, we expect that we would hire and then will also conduct training, capacitate these contact tracers. This is the only way we can really identify those who can be isolated and tested.
JOYCE BALANCIO/DZMM: May qualifications po tayo, Secretary para lang po alam ng mga kababayan natin if they will be qualified?
SEC. ROQUE: Sec. Lorenzana?
SEC. LORENZANA: Dagdag lang doon sa sinabi ni Secretary Año. Ang pangunahing dahilan kung bakit iminungkahi ni Secretary Sonny Dominguez na mag-massive hiring tayo ay para magkaroon ng pera iyong mga tao kasi nga matagal na nawalan ng mga trabaho karamihan sa mga mamamayan… eh, nawalan ng trabaho, para magkaroon sila ng pera dahil kung walang pera iyong mamamayan eh hindi naman gagalaw iyong eknomiya natin – that is the first and foremost reason.
Marami pa ngang ibang panukala kung papaano natin pa pararamihin iyong mga puwedeng ma-hire ng government hindi lang sa contact tracing kung hindi sa construction sector.
Thank you.
SEC. ROQUE: At ang ipinarating po sa aking mensahe ni Secretary Chua eh, ii-empleyo naman po itong mga taong ito kung hindi po permanent, temporary basis hanggang bumalik sa normal ang sitwasyon pero mayroon po tayong sapat na pondo para diyan.
Yes, Joyce? One more question, Joyce. Yes, go ahead, Joyce.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, uma-appeal po ang Bayan Muna doon sa inilabas natin na dagdag na import tariffs on petroleum products. Sabi nila, baka daw po mag-cause ito ng spike in food prices? Ano po ang guarantee natin na hindi ito dagdag burden sa ating mga kababayan?
SEC. ROQUE: Mino-monitor po iyan ng ating economic team at noong ipinataw naman po iyan, all time low ang presyo ng ating gasolina at other oil products. So, kung talagang mag-spike po iyan, ititigil din po iyan. That was very clear from the imposition – it’s a temporary excise tax, so kung talagang tataas, babawiin din po iyan.
Si Usec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Bella Cariaso of Bandera: Can we have Palace’s reaction sa study po ng ncoronavirus.org saying Philippines ranks as one of the worst performing ASEAN countries in combatting COVID-19 alongside with Singapore and Indonesia?
SEC. ROQUE: Well, isa lang po iyan siguro sa mga naglalabas ng ratings pero iyong naunang lumabas po is ang Toluna Study Blackbox of Singapore na nagpapakita na pang-anim daw tayo sa pinakamagaling na magresponde sa buong daigdig dito sa COVID-19. So, mas naniniwala po ako dito sa Singaporean study na ito dahil hindi ko po alam kung saan itong ncoronavirus.org na ito.
Next question, please.
USEC. IGNACIO: UP experts have questioned the accuracy and integrity of DOH data of COVID cases. UP experts said data being provided by DOH has significant implications on the reliability of scientific analysis on COVID-19?
SEC. ROQUE: Usec., already answered, less than 1% ang dini-dispute nila and the Department of Health welcomes contributions from all sectors.
Next question, please. Si Joseph Morong by Skype.
JOSEPH MORONG/GMA: Hi, sir! Good afternoon po! Good afternoon, Secretaries! Can I go to Secretary Duque, please?
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA: Secretary Duque, can you tell us honestly what happened doon sa mga nasa green areas? Yesterday you announced—we announced na no community quarantine but then you changed it – what happened, and can you describe to us the situation there; Ano ba dapat ang magiging hitsura noong mga green areas yesterday? What are the activities that are allowed and not allowed and how different is this Modified GCQ from the GCQ that we know?
SEC. DUQUE: Well, unang-una, napaliwanag kanina ni Secretary Año, nagkaroon kasi ng honest mistake doon sa inilabas na Resolution na kung saan ako ay nakapirma kasama po si CabSec. Nograles, na ang representation sa akin ng isa sa mga staff ko sa secretariat ng IATF na walang babanggitin munang mga lugar at ang akin pong paniwala ay noong pumayag akong gamitin iyong Trodat signature ko ay ang pag-uusapan lamang doon sa Resolution ay iyong konsepto noong ating Modified ECQ to—from ECQ to Modified ECQ and then GCQ to Modified GCQ.
So, nagkaroon po ng honest mistake at kasama ko nga po iyong staff na iyon para kung kinakailangan magpaliwanag handa naman po siyang magpaliwanag.
JOSEPH MORONG/GMA: Sir, iyon lang kanina sa question. How different is that? This is my first question, Secretary Roque. How different is that from the—how different iyong Modified GCQ sa GCQ?
SEC. ROQUE: Well, siguro we can reserve that for tomorrow kasi as you can imagine, parang presentation ko iyan sa Modified ECQ rin but we’ll attend to that tomorrow in more detail but Secretary Lorenzana wants to contribute something.
SEC. LORENZANA: Dagdag ko lang doon sa sinabi ni Secretary Duque. Noong lumabas iyong Resolution na iyon at nag-viral, maraming mga naapektuhan na wala ng quarantine na mga areas sa probinsiya na nagsabi sa akin kung puwede hindi muna sila aalis. That is one of the factors, ang dami—everybody, I think almost everybody do not want to get out yet hanggang hindi sigurado na wala nang COVID sa kanilang area and I think that is a very reliable gauge kung ano iyong nangyayari sa mga lugar na iyan.
Thank you.
SEC. ROQUE: Joseph, let me just add.
JOSEPH MORONG/GMA: [unclear] Yes.
SEC. ROQUE: Dahil we’re still on community quarantine wala pa ring large gatherings, including religious gatherings at wala pa ring pupuwedeng industriya under the negative list na mag-operate.
Secretary Año will also add.
SEC. AÑO: Since yesterday, there are many mayors and governors texting me and calling me regarding their concern kasi sila ang responsible diyan at very abrupt kung tatanggalin mo kaagad iyong quarantine.
So from GCQ to Modified GCQ ay marami silang measures na pupuwedeng i-implement and at the same time makakapagluwag na rin sila nang kaunti pero mayroon pa rin silang mga imposition para ma-control pa rin natin iyong movement at saka ma-control natin iyong phasing ng pagbubukas ng mga industries at higit sa lahat pati iyong mga borders nila ay magkakaroon pa rin ng kaunting control.
So, ibig sabihin, iyong sinabi nating dahan-dahan, hinay-hinay, sa ganoon din – from GCQ bago ka pumunta sa new normal, may isa pang phase doon para masanay din iyong ating mga tao, iyong ating mga kababayan.
SEC. ROQUE: Okay. One more question, Joseph?
JOSEPH MORONG/GMA: Second batch of question. Yes, sir. Industries that are open – sir, soundbite purposes – apparently, may marami tayong mga seniors that are very excited to go out and also iyong liquor ban natin, ano po iyong situation nito – liquor ban and seniors under all these quarantine measures that we have?
SEC. ROQUE: Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Nakita natin doon sa seniors, mayroon tayong niluwagan especially iyong paano sila maka—iyong tinatawag nating makalabas through biking, iyong tinatawag nating mga exercises, and I believed iyon ang nakikita natin na puwede muna sa ngayon dahil kasi nakita na they are still… tinatawag nating vulnerable sector.
So, sa ngayon pa lang muna, sa MCQ, sa Modified ECQ, iyon muna ang ano na po natin, iyong tinatawag natin na mayroong maaano tayo na social distancing at the same time, puwede silang makapaglakad – makapag-walking, makapag-biking and so forth and so on.
SEC. ROQUE: At pagdating naman po doon sa exemptions siyempre even if it is Modified ECQs, seniors can go out kung wala silang kasama to get their necessities as well as kung sila ay nagtatrabaho ipakita po nila iyong employment ID nila which is also the rule under ECQ.
Usec. Rocky..?
SEC. DUQUE: Huwag din kalimutan iyong pagsusuot ng mask.
SEC. ROQUE: Ay, opo! Sabi po ni Secretary Duque, iyong pagsusuot po ng mask.
USEC. IGNACIO: Secretary, question po from Rose Novenario. Ang tanong niya: Inaresto ng pulisya ang libo-libong mamamayan dahil sa paglabag sa quarantine protocols at batay sa ulat ng United Nations Council for Human rights, ika-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19-related human rights violations kasunod daw po ng Nigeria, Kenya at South Africa. Ano daw po ang mayroon kay NCRPO Chief Major General Debold Sinas para hindi arestuhin at ikulong rin dahil sa pagdaraos ng birthday party dahil sa paglabag sa social distancing at mass gatherings?
SEC. ROQUE: Well, already answered na po iyong question. On the first question, we have a message here from the PNP Chief Gamboa: He will implement the rule of law, he will go through all the incidents involving alleged human rights violations and he will punish those who need to be punished but for now po, we will rely on presumption of regularity in the discharge of their duties pero lahat po ng complaints would be addressed by the PNP.
By Skype, si Cecil Morella, please?
CECIL MORELLA: May I ask si secretary Duque po. We’re still in ‘World War Z’ as the Health Department is saying it, and parating na po iyong rainy season and with it usually is the Dengue season. How big our risk will this confluence of two pandemics affect the deadliness of the coming Dengue season as well as—will it affect the deadliness of the COVID-19 po, Secretary?
SEC. DUQUE: Well, the risk from Dengue is a permanent one because as we all know, the climate of the Philippine makes it vulnerable to outbreaks of Dengue but thankfully, the data that we have today show 30% decline of Dengue cases except for some other areas but I’ll have to get back to you on that precisely to inform you which areas these are.
But of course, the confluence of the Dengue—the rainy season and the expected rise in Dengue cases will certainly pose a burden to the health systems capacity. Dahil mayroon po tayong COVID na inaatupag ay siyempre, hindi po natin puwedeng pabayaan naman ang mga non-COVID infectious diseases katulad ng Dengue, Polio, Measles. So binabantayan po ito ng ating mga surveillance officers at ang mga hakbang naman po ay nakalatag na kung papaano po tutugunan kung saka-sakaling magkaroon po ng pagtaas ng kaso ng Dengue at mga iba pa pong mga infectious diseases.
So, hindi po tayo nagpapabaya. Pagdating po sa mga kinakailangan na pagtugon o pagresponde ay nakahanda po naman ang ating Department of Health, ang atin pong Centers for Health Development at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal na sila po naman ang direktamenteng may responsibilidad sa pangangasiwa ng kanilang health systems capacity to respond to all sorts of epidemics.
CECIL MORELLA: Just one follow-up po, Secretary. Are there studies showing that S SARS-CoV-2 interacts with the Dengue virus? Does it make either more deadly if the two interact—Ii they interact in anyway?
SEC. DUQUE: Wala po kaming scientific data to support that hypothesis. But of course, alam natin na kapag mayroon kang Dengue ay isa sa mga komplikasyon ng Dengue ay ang baga din ang tinatamaan. So, kung mayroon ding COVID threat ay talagang magiging critical o magiging malubhang-malubha ang kakalabasan ng kaniyang clinical course at kinakailangan talagang tutukan po ito.
Kaya ang pinakamaganda po sa lahat ang prevention. Ang pag-iiwas po na ito ay makakalat at makaapekto sa atin pong mga kababayan. Kaya naman po ang pagpupursige at pagpupunyagi ng inyo pong Department of Health ay walang humpay para nga po talagang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na nabanggit ninyo.
CECIL MORELLA: Maraming salamat po, Secretary.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: From Pia Rañada of Rappler: With MECQ only in Metro Manila, Cebu City and Laguna, how will the IATF involve the local chief executives of these places in its decision-making? So far, it seems that they only send their recommendation. Will they be invited to join IATF meetings for better and more targeted coordination?
SEC. DUQUE: Secretary Año?
SEC. AÑO: Yes. We will have not only a meeting but also consultation and workshop with these local chief executives, together with our health experts on how we are going to make the interventions in their specific areas that would be declassified as the critical zone and containment zone and buffer zones.
So, we are planning together with Secretary Lorenzana, Secretary Duque and Secretary Galvez, probably tomorrow or on Friday we will have this meeting and from there we can go the specifics.
SEC. ROQUE: By Skype, Melo Acuña, please.
MELO ACUNA/CCTV: Good afternoon, Secretary Roque! Good afternoon
SEC. DUQUE: Good afternoon.
MELO ACUNA/CCTV: I hope everyone is okay. For Secretary Duque. Allow me to ask Secretary Duque. Governor Cuomo of New York said that they found that most of those afflicted with COVID-19 were homebound. How far have you gone in the research in the Philippine to establish the majority of the COVID cases, Mr. Secretary?
SEC. DUQUE: Well, sa ngayon po ang inuna nga po nating binabantayan, ito pong mga COVID cases in the close settings like jails, iyon din pong kasama natin ang WHO at nagmamatyag po tayo doon sa mga orphanages, at saka doon din po sa mga home for the aged. So, hinihintay ko lang po kung ano ang resulta ng kanilang mga surveillance activities
Pero tama po kayo na mayroon nga pong ulat mula sa New York, kay Governor Cuomo, na high risk talaga itong mga homebound individuals for COVID infections.
SEC. ROQUE: Last question po.
MEL ACUÑA: Secretary Duque, ano daw po iyong medical explanation bakit bawal iyong angkas pero puwede namang magkasiping iyong mag-asawa?
SEC. DUQUE: Hindi raw sigurado kung iyong asawa niya iyong ka-angkas niya. Madali lang po, siyempre ipinagbabawal natin iyong mga close contact dahil alam na po natin na ang mode of transmission [is] via respiratory droplet at kung magkalapit mga tao ang tiyansa na magkahawaan ay napakataas. Kanya iyan po ay isa sa mga ipinagbabawal natin; kaya mayroon po tayong social distancing kung tawagin.
USEC. IGNACIO: From Aileen Taliping of Abante Tonite. Sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program, lahat po ba na gustong bumalik na sa probinsya ay maaring maka-avail sa programa? Sino po ang dapat i-priority at may garantiya ba na lahat ng mag-a-apply sa programa ay hindi tatanggihan?
SEC. ROQUE: Well, lahat po ng gustong mag-apply, puwede po kayong mag-apply. Eh lahat naman po iyan ay mayrooon tayong panuntunan na susundin. Totoo po mayroon po tayong mga priorities, ang mga priorities po natin ay iyong mga gusto na talagang bumalik permanently sa probinsya. Pangalawa, iyong mga informal settlers po natin gusto na ring umuwi lalo na iyong nakatira po do sa mga danger zones dito sa Metro Manila. At siyempre po iyong mga PWDs na nais ding umuwi ng probinsya, kasama din po sila sa may prayoridad.
Wala pong ide-deny na application, pero ang assessment po ay gagawin na titingnan po talaga na pupuwede talaga silang magkaroon ng bagong buhay doon sa gusto nilang balikan na probinsya.
USEC. IGNACIO: Isa-isa daw pong nahuli ng mga otoridad ang mga nagbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte through social media. Iyong teacher humingi na ng sorry sa Presidente, patatawarin ba siya ng Pangulong Duterte at ano po ang pananagutan ng mga nagbabantang ito sa social media? Hindi lamang sa Pangulo, kung hindi pati daw po kay Vice Presidente Leni Robredo at mga anak ay pinagbabantaan din. Epekto daw ba kaya ito ng mahabang ECQ dahil sa COVID crisis?
SEC. ROQUE: Well, iyan po ay ongoing police investigations, hindi na po kami magkokomento diyan, hahayaan na po namin ang mga police na mag-imbestiga. Kakasuhan po sila kung mayroong legal na basehan.
Q: Secretary Roque, thank you so much for giving me this chance. My question is to Secretary Lorenzana. Because I know last night there is a donation coming from Chinese military to the Philippines government. So I would like to know, is that the first batch of donation from a foreign country’s military side to the Philippines and how’s your comments about this donation?
SEC. LORENZANA: Yeah. I was the one who received the donation from Ambassador Huang Xilian last night and it’s a donation of medical supplies mostly PPEs from the People Liberation Army and it was brought by a People’s Liberation Army Air Force to the Philippines. It is about 200,000 Yuan, which is equivalent to about 1.4 billion pesos and we are very thankful to the PLA for this donation, it will go a long way to help our fight against COVID.
Q: So, the special donation will be used by the frontliners or will be just specific to the military frontliners?
SEC. LORENZANA: It will be part of the inventory of the OCD, the Office of the Civil Defense, which is under the Defense department and we support all government hospitals and some private hospitals if they are in needs of these equipment, PPEs especially.
USEC. IGNACIO: From Arianne Merez of ABS-CBN News online. For Secretary Roque: for self-employed Filipinos na walang work ID po, halimbawa po, ang mga kasambahay. How they can travel for instance if they are from a GCQ area going to an ECQ area or vice versa?
SEC. ROQUE: Eh kung kasambahay po hindi naman kinakailangan eh. Kasi iyong inter-zonal travel, kinakailangan sa indispensable industry lamang; pero hindi po kasama diyan ang kasambahay ‘no.
Pero unfortunately, dahil nga po ang pag-travel from GCQ to ECQ is only for industries na allowed, kinakailangan po talaga ng identification card. So sa mga self-employed puwede naman silang gumawa ng card nila at ipakita nila kung ano talaga ang gagawin nila at saang industriya iyon ‘no.
Pero indispensable po iyon, otherwise mababalewala iyong ating quarantine kung lahat ng tao ay pupuwedeng lumipat.
USEC. IGNACIO: For Secretary Año. Paano daw po makaka-apekto ang bagyo sa Samar ngayon sa coronavirus response ng gobyerno. May preparations o plano na o ba ang gobyerno kung paano pagsasabayin ang disaster response tulad sa mga bagyo at sa corona virus response?
SEC. AÑO: Yes, matagal na nating pinaghahandaan iyan. Sa mga pagpupulong na ginawa natin sa Local Government Units, mayroon tayong tinatawag na Operation Listo na kung saan nandito iyong ating protocols kung papano haharapin ang anumang sakuna lalo na iyong bagyo. Every year ay ginagawa naman natin ito katulong ang NDRRMC, ang local DRMMC, nakahanda na po tayo diyan, pati iyong ating relief goods na ipamimigay pag dumating iyong disaster o bagyo.
So, ang mangyayari lang naman, kasama sa ginagawa nating paglaban sa COVID, nakahanda rin iyong ating LGUs at siyempre kailangan kahit sa ating pag-atubang sa ating mga disaster ay i-observe pa rin natin iyong minimum health standards – physical distancing, wearing of mask at ano pang mga panuntunan.
USEC. IGNACIO: From Angel Ronquillo ng DZXL. Kasunod ng sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na kakayanin pa ng pamahalaan ang second wave ng COVID-19. Ano ang magiging batayan para muling ibalik ng isang lugar sa ECQ, considering na may backlog tayo sa result ng testing?
SEC. ROQUE: Well, malinaw naman po ang mga batayan diyan: Iyong bilis po ng pagdoble ng sakit na COVID-19; iyong kahandaan na magbigay ng critical care; at iyong i-consider din po natin ang ekonomiya, hindi po magbabago.
So, kung dumami po iyong cases na ang pagdami ay hindi masasabayan ng abilidad na magbigay ng critical care, eh babalik po tayo sa ECQ. Kaya nga po flexible tayo, huwag po nating isipin na nakataga na sa bato na kapag hindi na ECQ, hindi na babalik sa ECQ. Kaya nga po ginagawa po natin, unti-unti, dahan-dahan, hinay-hinay, dahil ayaw nating magkaroon ng second wave na naging karanasan na ng napakadaming bansa na nagbukas ng ekonomiya.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilia of Business Mirror for Secretary Galvez. Ilan na po sa mga over 20,000 OFWs in Metro Manila and nearby areas ang na-test; ilan po sa kanila ang nag-test positive for COVID-19; ilan po sa nasabing OFWs ang napauwi na?
SEC. GALVEZ: Dito po sa atin sa talaan po natin, mayroon na po tayong 20,569 na na-swab and then 12,000 na specimen na po naibigay sa Philippine National Red Cross. Ang result po ay mayroon na po tayong 5,439 na may result at ang result po nito ay 5,268 ang negative at mayroon po tayong 171 na positive. Ito pong ay 4.4% ng nasabi pong testing. Mayroon na po tayo na 4,593 na mayroon pong quarantine certificate. Ito po sa ngayon ay pinaplano na po ng Marina at saka po ng DOTr at saka ng Philippine Coast Guard para po makauwi na po sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Is the National Task Force daw po for COVID-19 considering another week-long suspension for inbound of flights considering may over 40,000 OFWs ang expected na mare-repatriate this month up to June?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po nag-i-implement po tayo ng tinatawag na controlled inbound flights at ang ina-allow po natin ay tatlong flights lang po, more or less 400 to 600. Kapag po naubos po iyong 24,340 na OFWs, na-declog na po iyan, puwede na po tayong mag-angat. Iyon pong mga inbound na seafarers ay nandito po ngayon, more or less 16,000 na ships ang ginagawan po natin ng paraan na mapadali po ang kanilang pag-test, para po makauwi din po sila.
USEC. IGNACIO: For Secretary Duque. Will the country participate in the upcoming virtual 73rd World Health Assembly? If yes, what issues will the country raise during the event?
SEC. DUQUE: Yes, we will certainly participate; I think this is going to be on the 18th. I have already prepared my address to the World Health Assembly and of course we will raise issues with regard to COVID-19 and what would be the best measures if any that other countries have put in place and that if they could facilitate the transfer of knowledge, additional information so as to improve further our national government response to the continuously evolving COVID-19 situation.
USEC. IGNACIO: For Secretary Duque pa rin po. When will the country’s participation in World Health Organizations Solidarity clinical trial for drugs that will be used for COVID treatment? How many Filipino patients are expected to be enrolled in the said activity?
SEC. DUQUE: It is now ongoing and… if my recollection is right, there are about 500 participants for the different medicines such as Remdesivir, Lopinavir, Ritonavir, Remdesivir and also the Interferon beta-1a. These are all part of the WHO initiated solidarity trial and the objective of this is to really prove whether the anecdotal report as to their effectiveness or efficacy must be validate via this solidarity trials so that this can help us manage more effectively COVID-19 case especially the severe and critical COVID infection.
USEC. IGNACIO: For Secretary Roque. May list daw po ng build, build, build projects which are expected to resume soon. May BBB projects na po kaya na i-scrap because of the COVID-19 crisis?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong nakukuhang listahan pero alam ko po lahat iyong ating build, build, build na major ay binigyan na po ng go-signal ng IATF na ipatuloy; kukunin ko po iyong listahan exactly. But I think iyan po iyong mga BBB na ine-implement lahat po iyan tuloy na.
Pasensiya na po, it is 1:30, ang tingin ko po sa aking mga kasamang kalihim ay pagkain na sila. So kinakailangan na po tayong magtapos sa ngayon.
Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa sambayanang Pilipino. Alam ko po mahirap ang buhay natin ngayon. Mayroon tayong Modified ECQ pagkatapos po ng May 15, pero ito naman po ay para sa ating kalusugan, unti-unti, dahan, dahan ang ating ginagawa. So, sa ngalan po ng ating Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque, keep safe Philippines.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)