Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Pinulong po kahapon ni Presidente Rodrigo Duterte ang Regional Peace and Order Council ng Region VII doon po sa Dumaguete City. At ito ang ilan sa mga mahahalagang sinabi ng ating Presidente, bagama’t karamihan po ng mga bagay-bagay na pinag-usapan ay confidential. Pero siguro hindi po masama kung sasabihin ko na, unang-una, nagparating po ng mensahe ang ating Presidente that he is “appalled” doon sa mga patayan na nangyayari sa Negros Oriental. Ang sinabi po ng Presidente is he will be completely neutral pero gagampanan ng estado ang kaniyang obligasyon na imbestigahan, litisin at parusahan ang mga tao na pumapatay sa Negros Oriental.

Bukod pa po dito, inatasan po ng Presidente ang DENR na resolbahin ang mga conflicting claims to untitled land na pinagmumulan ng mga patayan. Ang sabi po ng Presidente, ‘Everything else being equal, resolve these disputes in favor of the poor.”

Inatasan din ng Presidente ang DAR na pabilisin din ang pagdi-distribute ng lupa sa mga farmer beneficiaries dahil sinabi ni Presidente na sa probinsiya ng Negros ay talaga naman po ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka ay isang dahilan kung bakit nag-aaklas ang mga rebelde.

Naglabas po ang Social Weather Station ng kanilang latest survey conducted last April 28 to May 2 kung saan tinanong ang mga respondents, “Kung makakapili ka sa tatak ng bakuna na lahat aprubado ng Food and Drug Administration ng Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?” Thirty-nine percent po ang nagsabi na ang pipiliin nila ay Sinovac Biotech; 32% ang nagsabi na Pfizer; 22% ang nagsabi na AstraZeneca; at two percent ang nagsabi na Gamaleya. Maraming salamat po sa tiwala sa inyo.

Tulad nang madalas kung sinasabi, the best vaccine is the one available. Apat na bakuna ang available sa Pilipinas po ngayon ‘no, lahat ng iyan ay dumaan po sa masusing pag-aaral. Uulitin natin: Libre ang bakuna, first and second dose; lahat po iyan ay napatunayan nang ligtas at epektibo. Kung bibigyan ng pagkakataon na mabakunahan, piliin na ang mabakunahan para maprotektahan natin ang ating sarili, ang ating pamilya at ang ating komunidad.

At sa mga naka-first dose na, huwag ninyong kalimutan ang inyong second dose. Ang iniiwasan natin ay ang maospital o ang mamatay. Ito ang goal ng ating mass vaccination, ang population protection.

Kaugnay nito, may lumabas po na artikulo ang isang pahayagan sa Estados Unidos, “The Unseen COVID-19 Risk for Unvaccinated” kung saan pinapakita na bagama’t ang COVID-19 cases deaths at hospitalization ay bumababa sa Amerika, iba ang nangyayari sa mga hindi nabakunahan. Washington State has been publicizing the extreme threat of hospitalization for unvaccinated people. It said, “Unvaccinated seniors are 11 times as likely to get hospitalized than seniors who got the shot.” Para naman po doon sa mga hindi pa nababakunahan na between the ages of 45 to 64, iyong tiyansa po na sila ay magkaroon ng hospitalization dahil sa COVID-19 is 18 times higher. Simple lang po ang mensahe nito: Huwag tayong magpakampante – Mask, huwag, iwas at bakuna po tayo. Now na!

As of May 24, 6 A.M., mayroong 8,279,050 na doses of vaccine na dumating sa Pilipinas ayon sa datos ng National COVID-19 Vaccination Operation Center. Samantalang nasa 4,169,905 na pong doses ang na-administer as of May 23, 2021. Mamaya ay makakasama natin si NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon para bigyan-detalye ang bagay na ito.

COVID-19 update naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon po sa Johns Hopkins:

  • Number 24 ang Pilipinas pagdating sa total cases;
  • Number 34 po tayo sa active cases;
  • Number 134 sa cases per 100,000 population;
  • Number 90 po sa case fatality rate na 1.7%.

Mayroon po tayong 4,973 na mga bagong kaso ayon sa May 24, 2021 datos ng DOH.

Nagpapasalamat naman kami sa napakagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling. Nasa 1,115,806 na po ang bilang ng mga naka-recover. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 19,983 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus; nakikiramay po kami. Nasa 1.69% po ang ating fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital ‘no.

Sa NCR po:

  • ang ating ICU beds ay 61% utilized;
  • ang ating isolation beds ay 39% utilized;
  • ang ward beds natin, 41% utilized;
  • ang ating ventilators ay 39% utilized.

Sa ICU beds po sa buong Pilipinas:

  • 60% po ang utilized;
  • isolation beds po ay 45% utilized;
  • ward beds ay 47% utilized;
  • at ventilators ay 40% utilized.

Now, mga kababayan ha, hindi po porke mababa po ang ating utilization rate ay pupunta na kayo sa super spreader events. Tingnan ninyo po iyong nangyari sa swimming pool diyan sa Quezon City, hindi po bababa sa singkuwenta ang positibo sa COVID. Konting tulog na lang po, magkakaroon na tayo ng vaccine protection eh bakit naman ngayon pa kayo pupunta sa mga super spreader events.

Pakiusap po ng Presidente – Mask, hugas, iwas at bakuna, at huwag na huwag na kayong pupunta sa super spreader events nang abutan natin ang bakuna at hindi ang sementeryo.

Sa iba pang mga bagay, guest po natin sa ating press briefing angkan ng mga Cariño. Sa mga hindi nakakaalam, makasaysayan po ang kaso ng Cariño vs. Insular Government. Ito po ang kauna-unahang naipanalo tungkol sa isang katutubo, isang Igorot mula Benguet kaugnay ng titulo sa lupa. Sang-ayon po sa desisyon sa US Supreme Court ‘no, “It is obvious that, however stated, the reason for our taking over the Philippine was different,” different po doon sa pagsakop ng mga Indians sa Amerika, “No one, we suppose, would deny that as far as consistent with paramount necessities, our first object in the internal administration of the islands,” ang Pilipinas po, “is to do justice to the natives, not to exploit their country for private gain.” Kauna-unahang desisyon po iyan na kumikilala na ang mga katutubo po ay mayroong titulo sa kanilang lupang tinitirikan at wala pong pagkakaiba ang kanilang titulo sa lupa sa kanilang karapatang mabuhay dahil nakasalalay po ang kanilang kabuhayan sa lupang tinitirikan.

Narito po sa ating opisina ngayon ang mga apo sa tuhod ni Mateo Cariño — si Ronald Perez, Leo Camilo, General Gener del Rosario, Antonette Jamada – publisher po ng Midland Review – and Professor Linda Grace Cariño ng UP Baguio.

Dito po nagtatapos ang ating briefing. Kasama po natin ngayon, walang iba kung hindi ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force, ang ating Vaccine Czar, Secretary Vince Dizon. Sec., ano po ang balita, pinakabagong balita pagdating sa bakuna at pagdating po sa ating testing? The floor is yours, Secretary Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox. Sa ngalan po ng ating Vaccine Czar at Chief Implementer na si Secretary Carlito Galvez, tayo po ay masayang magri-report sa ating mga kababayan ngayon na umaarangkada na po ang ating pagbabakuna sa buong Pilipinas. Ito po ay ang latest update as of May 24, 2021: Umabot na po ng 4.3 million mahigit ang ating pagbabakuna sa buong Pilipinas. At out of the 4.3 million, mga 3.3 million ang nabigyan na natin ng first dose, at halos isang milyon naman ang nabigyan na pati ng second dose. So halos isang milyon na pong mga Pilipino ang bakunado na po nang buo ng dalawang doses.

Napakaimportante po nito at napakalaki ng ating pagtaas ng ating pagbabakuna. Kung makikita po natin sa susunod na slide, talaga pong napakalaki na po ng pag-arangkada ng ating pagbabakuna pang-araw-araw. Noong ating unang linggo po, kung mapapansin natin ang ating pagbabakuna noong Marso ay umabot lang po tayo ng limang libo kada araw, on average ‘no. Ang pinakamataas noong unang linggo ay 11,000. Ngayon po, ngayong week 12 na natin, labindalawang linggo na po tayong nagbabakuna ay umabot na po ang average natin sa isang linggo ng 166,000 vaccinations in one day. At iyong pinakamataas po nating naabot na pagbabakuna ay umabot ng 236,244. Kaya po napakalaki po ng improvement natin at tuluy-tuloy na po ito dahil nga nasabi ni Secretary Galvez ay tuluy-tuloy na po ang pagdating ng ating bakuna.

Kaya po nagpapasalamat tayo sa mga masisipag nating mga kawani ng Department of Health at sa ating mga local government units na talaga pong walang tigil ang pagbabakuna at walang tigil na pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga kababayan.

Dahil po diyan ay tumaas po tayo sa ating ranking sa Southeast Asia. Tayo po ay pumapangalawa sa Indonesia at 4.3 million. Mas mataas po tayo sa Singapore, sa Cambodia, sa Myanmar, sa Thailand at sa Malaysia at sa Vietnam. Kaya po tuluy-tuloy lang po tayo, mga kababayan, at aasahan natin sa mga darating na buwan ay tataas pa nang tataas ang pagbabakuna natin kada araw.

At kung titingnan natin, kada araw ang Indonesia po ay mga 272,000 kada araw ang nababakunahan; tayo naman po ay halos mga hundred…lampas 170,000 as of May 25 ang nababakunahan. Kaya po tuluy-tuloy lang po ang ating pagtatrabaho. At hinihikayat lang po natin ang ating mga kababayan, lahat po ng bakuna ay ligtas at epektibo. Pero ang pinaka-epektibong bakuna ay iyong nandito na ngayon. Kaya hinihikayat po natin ang lahat ng ating mga kababayan na magpabakuna na po tayo, hindi lamang para sa ating sarili kung hindi para sa kasiguruhan ng proteksiyon ng ating mga mahal sa buhay.

Maraming salamat po, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Vince Dizon. Tumuloy na po tayo sa ating open forum, Usec. Rocky. First few questions, please. Go ahead.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Dizon.

First question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa survey na isinagawa ng SWS na mas nais ng mayorya ng mga Pilipino ang mga bakunang manufactured mula sa Estados Unidos. Lumabas na 63% ng mga Pilipino ang mas pabor sa paggamit ng mga US-manufactured vaccine.

SEC. ROQUE: Well, naintindihan naman po natin ‘yan ‘no na talaga namang sa ating kasaysayan ay ang mga Pilipino ay mas humahanga sa mga stateside ‘no. Pero ang mensahe lang po natin, bagama’t mayroon na tayong kakaunting mga stateside na mga bakuna, hindi po iyan sapat para sa lahat. Kaya nga po ang panawagan namin eh meanwhile nandiyan na po iyong mas nakakahawa at mas nakakamatay na mga new variants. So bagama’t mayroon tayong preference sa stateside, unahin na muna po natin ang ating mga buhay, ang buhay ng ating pamilya, ang ating komunidad – magpabakuna na po kung ano available.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Ano ang gagawin ng pamahalaan para mapansin ng mga Pilipino ang mga bakunang gawa ng Japan, United Kingdom, Canada, Germany, Korea at India?

SEC. ROQUE: Well, doon naman po sa same survey, lumalabas din na ang pinaka-preferred ngayon ay iyong Chinese Sinovac Biotech. So I’m sure po na iyong mga gawa sa UK ay mataas din po ang preference nila, ang AstraZeneca po ay pumapangatlo at 22%, at iyong Johnson and Johnson ay pang-apat na 10% ‘no.

So ang tingin ko, karamihan naman ng Pilipino ay nais bigyan ng proteksiyon ang sarili nila at ang pamilya nila at kukunin talaga kung ano iyong bakunang naririyan na.

USEC. IGNACIO: From Jerome Aning ng PDI: In the guidelines that you will be coming out for the vaccination in the private sector, ang PhilHealth pa rin ba ang sasagot sa indemnification or compensation for serious adverse events or side effects na mararanasan ng employees na tatanggap ng free vaccine provided by their employer?

SEC. ROQUE: Nasa batas po ‘yan ‘no. Nasa batas po iyan, iyong 21 COVID Vaccine Law ‘no na iyong 500 million po ay ia-administer po ng ating PhilHealth. Gustong magdagdag ni Secretary Dizon? Wala, okay. Nasa batas po iyan, Section 10 kung hindi po ako nagkakamali.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Trish Terada of CNN, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary Harry, and kay Secretary Vince. Sir, just first question lang doon sa SWS survey ‘no. So it shows roughly 63% prefers stateside vaccines. So with this, is the government actually considering buying more western brand vaccines if this is what will encourage the people to get vaccinated since improving na rin naman po iyong global supply ng mga bakuna or would it already be too late since committed na po most of the orders?

SEC. ROQUE: Secretary Dizon will answer.

SEC. DIZON: First of all, I think—thank you, Trish. First of all, from the very beginning, nasabi na ni Secretary Galvez na ang istratehiya ng Pilipinas ay magkaroon ng portfolio of vaccines ‘no. Pitong vaccines ang currently nasa portfolio natin para nga masigurado na dahil nga sa limitadong supply ng mga bakuna, kailangan iba’t ibang bakuna ang ating bibilhin at uorderin. Tuluy-tuloy tayo doon and I think nagiging epektibo na iyan dahil nga hindi natin nalalaman minsan nagkakaroon ng problema sa supply ng isang klase ng bakuna at kung masyado tayong dependent sa bakuna na iyon eh maiipit ang supply natin.

So portfolio tayo and nasabi na naman ni Secretary Galvez ang mga orders natin kada bakuna.

Ngayon kung iyong—sa pagpili ng stateside na ano, hindi ko lang alam kung ano ang ibig sabihin ng stateside. Ang ibig sabihin siguro noon ay gawa sa Amerika in the Filipino lingo at makikita naman natin na dito sa mga bakuna dito, mayroong tatlong gawa sa Amerika – iyong Pfizer, Johnson and Johnson at Moderna. Makikita naman natin na very evenly distributed ‘no ang preference ng ating mga kababayan. I think ang ibig sabihin lang nito is naiintindihan na paunti-unti ng ating mga kababayan na ang pinakaepektibong bakuna ay iyong bakunang available na regardless kung ano ang brand nito. At naiintindihan na rin ng ating mga kababayan na ang mga bakuna, lahat ng bakuna ay mapi-prevent ang severe COVID disease at mapi-prevent ang pagkamatay.

So tingin ko, hinihingi natin ang tulong ng media na tuluy-tuloy lang nating i-educate ang ating mga kababayan at tingin ko sa pamamagitan noon eh tataas nang tataas ang confidence sa bakuna kahit ano pa ang brand niya.

SEC. ROQUE: Idadagdag ko lang ‘no. Idadagdag ko lang, kung inantay po natin iyong pagdating ng Pfizer, hindi po tayo makakabakuna sana ng 4.3 million na nagawa na natin ngayon. Kasi ang dumating pa lang po ay 193,000 ‘no. Ibig sabihin po, 4.3 million ang mayroon nang proteksiyon ‘no dahil nga po hindi tayo nag-antay noong preferred brand natin na gawa sa Amerika. Napakadami pong mga mamamayan ang maliligtas sa seryosong COVID o pagkamatay dahil sa COVID – 4.3 million na po iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir for my next question, just to set the premise ‘no. Tama naman po iyong understanding namin that the government respects the right to choose; so if ever po, kasi hindi naman po ia-announce na iyong brand ng bakuna prior the schedule then idi-disclose po siya kapag babakunahan na iyong tao. Then it turns out sir kapag hindi po gusto noong tuturukan iyong bakuna, what will happen after that and what will the process be? Will the person go to the bottom of the list kagaya po noong naunang napasabi or kapag halimbawa po ba puwede—kumbaga kung napatawag na ba siya, puwede siya bumalik from time to time to check if his or her preferred vaccine is already available?

SEC. ROQUE: Well, ang mangyayari po diyan hindi siya pipilitin dahil iyon po ‘yung informed consent ‘no, pero matatapos lang po iyong kaniyang prayoridad, kumbaga back to the end of the line – that’s only fair. Ang binigyan lang po natin ng pagkakataon na mamili ang mga health frontliners natin. Lahat po ng mamamayan, puwede kayong turukan ng bakunang available at kung mamimili po tayo, well puwede naman po kaya lang mag-antay tayo sa hulihan. Sana po ay hindi kayo maunahan nang mas nakakahawang mga mutants ng coronavirus habang naghihintay ng gusto ninyong brand.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, kanina po na-mention naman ni Sec. Vince iyong improvement sa vaccination. So I just like to clarify, there are improvements pero tama po ba, these are not yet enough? Because I’m asking because you opted in you saying that the Philippines or the government should immediately target iyong vaccination po ng 50% of population in Metro Manila and 6 other high-risk areas for COVID-19 para po ma-achieve iyong herd immunity.

I understand yesterday napag-usapan po natin that ang goal is to inoculate 70% of NCR population by November. But is this doable sir, iyong 50% population of Metro Manila ASAP? And when do you target to achieve this 50% vaccination of the NCR Plus population?

SEC. DIZON: Maraming salamat, Trish ‘no. Unang-una, tama ka ‘no, hindi pa supisyente ang nakikita nating mga numero ngayon; kailangan pa nating itulak pa nang todo ang pagbabakuna. Right now, ang average natin ay mga 170,000 nationwide. Ang target natin ay umabot tayo nang hanggang 500,000 per day at naniniwala kami sa mga susunod na buwan lalo na na padating na ang bulto ng ating mga order – very, very achievable iyan.

Para naman sa NCR Plus, ang goal natin ay bago mag-Pasko ay naabot na natin iyong goal natin na 70%. Ang target diyan per day ay dapat aabot tayo nang 120,000 sa NCR at 200,000 plus sa NCR Plus 8 ‘no so wala pa rin tayo diyan ‘no. Pero kagaya noong sinasabi natin na pataas nang pataas na numero, kampante tayo na kapag dumating ang mga bakuna, kaya iyang ibakuna ng ating mga LGUs at ng private sector at ng iba’t iba pang mga organizations na tulung-tulong nating gagawin kapag dumating na ang bulto ng ating supply.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, sir. Sir, last na lang po ‘no, kasi CHEd is… madi-discuss daw po nila iyong proposed vaccination of students and faculty; si Chairman De Vera po sinabi niya that many universities are already inquiring about buying COVID-19 vaccines. Kaya na po ba natin ‘to? Will we be soon capable of doing this? And second question po, pinapatanong lang po ni Mela Lesmoras: Tuloy daw po ba iyong Talk to the People ng Pangulo mamaya?

SEC. ROQUE:  Sagutin ko na lang iyong Talk to The People, na-move po muli. It was initially scheduled for tonight pero mamo-move po siya for tomorrow. I think the reason po is nakauwi na kami from Dumaguete, eh ako ala-una, so medy0 puyat po lahat ngayon including iyong mga tao po sa OP ‘no. So Wednesday po ang ating Talk to the People. Now, iyong question, si Sec. Vince – would you like to answer?

SEC. DIZON:  Nakikipag-coordinate tayo sa iba’t ibang mga eskuwelahan, kagaya noong ginawa din natin noong kinakailangan natin ang mga isolation facilities.  So wala pa tayong definite na balita diyan, tuluy-tuloy lang ang pag-uusap ng DOH, ng NTF at saka ng CHED at ang iba’t iba pang mga higher education institutions. I-update po namin kayo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Thank you very much, Sec. Vince and Sec.  Harry. Salamat po.

SEC. ROQUE:  Okay. Thank you, Trish. Punta naman tayo kay Usec. Rocky muli.

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary, from Sweeden Velado of PTV, for Secretary Dizon: How positive are we that we will reach herd immunity in NCR before Christmas? Are we on target now? Ilan ang nababakunahan sa NCR to date?

SEC. DIZON:  Itsi-check ko lang iyong mga numero para sigurado tayo. Pero kung kampante tayo, tingin ko kampante tayo na maaabot natin. Lahat ay depende talaga sa supply. Pero dahil sa magandang report ni Secretary Galvez na parating ang mga bulto ng supplies natin simula June, eh tingin natin mula June hanggang Nobyembre ng 2021 ay maaabot natin iyong 70% ng NCR Plus 8. Iyon ang target natin. At sa tulong ng ating national government, ng LGUs at ng private sector, kaya nating maabot iyon.

USEC. IGNACIO:   Second question po niya Secretary Dizon: Makakamit ba natin ang herd immunity sa NCR? What are some things that people can look forward to?

SEC. DIZON:  Nasagot na natin iyan, Usec. Rocky. Tingin ko, kagaya ng nakikita natin sa ibang bansa, kapag marami nang nababakunahan, marami ng mga nababakunahan ng two doses, ng buo, eh nakakita na tayo ng, unang-una, pagbaba ng mga kaso at mas importante pababa nang pababa ng mga namamatay dahil sa COVID-19. At dahil doon, hindi na tayo matatakot na magbukas ng ating ekonomiya dahil kagaya ng paulit-ulit na sinasabi ni Spox at ng ating mahal na Pangulo ngayon, kailangan na natin talagang ibalik ang trabaho, ibalik ang kabuhayan dahil importanteng-importante na talagang buksan natin ang ekonomiya. Dahil ang mga kababayan natin ay simula nang hindi na nahihirapan dahil sa COVID,  kung hindi nahihirapan na sila dahil sa  kawalan ng trabaho at kawalan ng kabuhayan.

USEC. IGNACIO:  Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN for Secretary Roque and Secretary Dizon: Ano daw po ang guidelines sa bakunahan ng A5 kung magbabase sa 4Ps paano naman po ang mahihirap na hindi naman 4Ps? Paano ang mga kasambahay, saan silang category?

SEC. ROQUE:  Well, sa tingin ko po unang-una, simulan natin iyong listahan ng 4Ps kasi iyan po ang garantisado na sila po ay mga indigents. Pero tama po, hindi po iyan exclusive. Iyong mga kasambahay, tingin ko po mako-consider iyan as indigents din, eh mayroon naman po tayong mga pruweba. Required na po ngayon talaga na magbigay po ng SSS at PhilHealth sa ating mga kasambahay sang-ayon sa Kasambahay Law at siguro po iyon ang pruweba na pupuwedeng ipakita. So this is without prejudice po doon sa iba pang mahihirap dahil alam po natin na hindi naman lahat ay nakalista po sa 4Ps. If Secretary Vince would like to add.

SEC. DIZON:  Opo. Sa loob ng linggong ito maglalabas tayo ng guidelines. Unang-una, tungkol sa A4, iyong ating mga essential workers para by June, sabi nga ni Secretary Galvez at naaprubahan na rin ng ating mahal na Pangulo, sa NCR Plus 8 ay mag-uumpisa na tayo sa A4 vaccination. So abangan lang natin sa mga susunod na araw lalabas na iyang guidelines na iyan.

Sa A5 naman, tama po iyong sinabi ni Spox na uumpisahan natin siyempre iyong ating listahan ng 4Ps dahil iyon ang pinaka-poorest of the poor. Pero hindi naman lahat ng mahihirap ay nandiyan sa listahan na iyan at tingin ko ang pinakamaganda na ito ang pino-propose ng NTF bibigyan natin ng flexibility ang ating mga local government chief executives para i-determine, sino ang mga kasama sa A5. Kasama na rin diyan ang mga kasambahay at ang iba pang mga populasyon na mahihirap pero not necessarily nasama sa 4Ps.

SEC. ROQUE:   Dadagdagan ko lang. Mayroon din pong overlap iyan ‘no, iyong mga tsuper, mga tindera, sila po ay A4 at A5 din. Kasi hindi naman ibig sabihin palibhasa tsuper ka ay hindi ka na mahirap. So may overlaps po iyan at we will be flexible naman. Ang ating guiding principle – mas maraming mabakunahan, mas mabuti.     

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary Roque, Secretary Vince.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat. Punta tayo kay Ivan Mayrina please.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Secretary Harry, Secretary Vince, magandang hapon po sa inyo. Sec. natanong ko kayo kahapon tungkol dito sa vaccine slots for sale na napaulat sa ilang mga LGU. May idea na ba tayo as to the extent of this problem? Because it’s hard to imagine that some similarly enterprising people ay makaisip na pagkakitaan po itong mga bakuna. And also, has the President heard of this and what did he have to say about it?

SEC. ROQUE:  Ang nabasa ko lang po ay iyong sinabi ni PNP Eleazar na wala pa silang nahuhuli ‘no. Pero ang babala po natin ay hindi po natin papayagan iyan, dahil that goes against iyong prinsipyo na ang ting policy for vaccination na kinakailangan equitable. Kapag ikaw po ay bumili ng slot, ibig sabihin iyong mga may pera ang mauuna at mapapahamak po pati iyong ating obligasyon sa COVAX facility na dapat on the basis of equitable distribution ang ting pagbabakuna. Now, in terms of legal basis, pinag-aaralan ko nga po kung anong legal basis diyan, pero the closest I can think of is other forms of swindling, kasi hindi naman dapat binibenta iyong slot at pupuwede rin po iyong paglabag po ng ting FDA law, pinag-aaralan po natin iyan.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Sec. Vince, would you like to add, sir?

SEC. DIZON:  Hindi natin papayagan iyan, lahat iyan ay kailangang mahuli at maparusahan dahil lahat ng bakuna ay libre. Kaya pinupuri din natin ang ginawang mabilis na aksiyon ng ating mga mayor lalo na dito sa NCR. Si Chairman Abalos at si Mayor Menchie ay pumunta kaagad sa NBI at dumulog ng tulong galing sa NBI kahapon. At alam ko nagsimula na ang NBI sa kaniyang imbestigasyon at mayroon na silang mga lead. Si Mayor Isko naman sa Maynila ay naglabas ng ordinansa na klarong pinagbabawal iyan. Kaya talagang hindi natin papayagan iyan at iyan ay talagang maparusahan iyong mga taong nagti-take advantage dito sa sitwasyon na ito na nagbibenta ng bakuna na libre naman.

SEC. ROQUE:  Ang panawagan nga po namin sa mga lokal na pamahalaan ay kung pupuwede po magpasa rin sila ng ordinansa na nagpapataw ng parusa doon sa magbebenta ng slots, para malinaw po na mayroon tayong legal na basehan para parusahan ang mga taong gumagawa  nito.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Sec, pakilinaw po itong tungkol sa pagbebenta at pagbili ng mga bakuna because apparently some people have the impression that they can buy or sell vaccines. What are the circumstances if any na puwede po bumili o magbenta ng bakuna?

SEC. ROQUE:  Wala po! Kasi wala pang bakuna na covered ng commercial use authorization. Ibig sabihin, dahil wala pa pong commercial use, hindi pupuwedeng ibenta dahil lahat po ng mga bakuna ay nasa experimental use authorization pa lamang. Kapag sinasabi pong experimental use ay tayo po ay nasa clinical stage 4 at wala pa pong karapatan na ibenta iyan. Lahat po iyan ay subject pa sa masusing pag-aaral kung ano ang magiging epekto nga.  So kapag kayo po ay nabenta, labag po iyan doon sa batas na bumubuo ng FDA because you are engaging in illegal sale and distribution of a drug na hindi pa po covered ng commercial use.

IVAN MAYRINA/GMA 7:  Okay. Dito naman po tayo sa vaccination rollout. Sec Vince, kumusta po ang rollout natin sa plus 8 provinces? Kasi may reports po kaming nakukuha for example in Meycuayan and Marilao in Bulacan ay hanggang A2 pa lang daw po ang kanilang nababakunahan at may ulat din ng kakulangan ng supply sa ilang bayan sa Cavite. Paano po ba ang prioritization nito? You said, in the coming weeks masisimulan na po iyong A4, pero iyon nga po hanggang A2 pa lang daw sila sa ilang mga bayan sa Bulacan?

SEC. DIZON:  Ngayon naman po sa lahat naman po ng mga bayan ng Pilipinas, A1, A2, A3 pa lang ang binabakunahan natin. Magsisimula pa lang tayo ng A4 sa NCR Plus 8 sa susunod na buwan ng June. Pero hinahanda na natin ito, dahil ang gusto nating mangyari, pagdating noong malakihang supply na inaasahan natin sa June ay ready na tayong mag-rollout sa mas malawak na populasyon natin simula ng A4 o iyong ating essential workers.

So, ang ating mga allocation naman po ay tuloy-tuloy pero kung mayroon pong mga siyudad na nangangailangan ng dagdag, madali naman po silang lumapit sa DOH Regional Office at sa kanilang mga Provincial Health Officer para po mag-request ng dagdag. Iyon po ang ipinapaalam natin sa iba’t-ibang mga siyudad sa buong bansa lalo na doon sa NCR Plus 8.

IVAN MAYRINA GMA 7:  Panghuli na lang po dito sa rollout. Ang sinabi ho ni Senator Hontiveros eh ang current inoculation rate daw is way off track dahil with regard to percentage to population ay less than 1% pa lamang po tayo doon sa fully vaccinated na. On a related point, Senator Gatchalian want government to allow vaccination to the general population para ho magsimula tayo doon sa mga willing na na magpabakuna para mapabilis daw po ang ating rollout.

SEC. DIZON:   Tama po ang sinabi ni Senator Gatchalian at iyon nga po ang nadesisyunan na base sa rekomendasyon ni Secretary Galvez na sa NCR Plus 8 eh dapat medyo maging mas malawak na ang ating pagbabakuna. Kaya iyong A4, iyon ating essential economic workers ay sisimulan na natin sa susunod na buwan.

Tungkol naman sa mga numero, well, ipinakita naman natin ang mga numero ngayon, kitang-kita na pataas nang pataas ang ating daily vaccination rate sa buong bansa pero kailangan maintindihan natin na lahat ng mga statistics na ito ay depende talaga sa dumarating na supply.

Ang importante, patuloy ang ating pagkukuha ng supply at pagdating dito ng mga bakuna mabilis natin silang nababakuna at iyon naman ang nakikita natin.

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, dapat talaga mayroong puntong nagsisimula tayo at mayroong punto na bibilis at magtatapos tayo, ganiyan po talaga ang kahit anong gawain. Pero hindi ko po maalis sa isip ko na iyong mga kritiko natin para bagang nagdadasal na tayo’y sumablay sa ating vaccination. Huwag naman po.

Pero ang determinasyon po ng Pangulo, magkaroon talaga ng population protection lalung-lalo na dito sa Metro Manila Plus at ang target date po natin, November 27. Mag-usap na lang po tayo pagdating ng November 27.

IVAN MAYRINA GMA 7:   Salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE:   Yes. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Yes. Thank you, Secretary. From rose Novenario of Hataw: Inilunsad noong Linggo ang Duterte Pa rin Movement na isinusulong ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 Presidential Elections na pinangunahan ng isang dating PCOO official. Ano ang kinalaman ng Malacañang sa naturang kilusan? Totoo ba na ang promotor ng naturang kilusan ay nawala sa PCOO bunsod ng ilang isyu?

SEC. ROQUE:   Unang-una po, dating opisyales po iyan ng PCOO, ibig sabihin, pribadong indibidwal na po siya. Wala pong kinalaman diyan ang Malacañang bagamat nirirespeto namin iyong paninindigan ng marami nating kababayan na dapat na maging susunod na Presidente si Mayor Sara Duterte.

Pangalawa po, hindi ko po alam kung sino ang tinutukoy ninyo, so hindi ko po masasagot kung may katotohanan iyang tinatanong ninyo. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO:   Iyong second question po niya: May posibilidad kaya na ang bilib ni Pangulong Duterte sa opinyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa West Philippine Sea issue ay magkaroon ng epekto sa kahilingan niya sa Sandiganbayan na ibasura ang kaso niyang plunder?

SEC. ROQUE: Wala po, dahil in the first place out on bail po si Senator JPE at ang pagkakaalam ko po sa ating rules of criminal procedure kapag non-bailable and evidence of guilty is strong, hindi ka pupuwedeng makapag-bail. The fact na nakapag-bail po siya more or less signifies iyong appreciation ng mga hukom natin kung malakas o hindi ang ebidensiya laban kay Senator JPE.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Okay. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon, Mr. Secretary and Secretary Vince! Gagamit po kaya ang gobyerno ng barcodes doon sa PCR test results na binabantayan ng mga pulis at health officials sa mga boundary para malaman kung totoo ang mga results na ito?

Nalaman ko na mayroong mga umuuwi sa Bicol na sumasakay sa pribadong sasakyan, ina-arrange nung may sasakyan iyong PCR test. Wala namang swabbing na nagaganap, nagbabayad lang at pagdaan sa checkpoint diretso na dahil ang paniwala ay authentic iyong mga results.

Is there a way we could use technology to prevent itong mga ganitong ginagawa dahil baka kaya kumakalat ang COVID sa mga lalawigan ay dahil nakakalusot sa mga boundary? Secretary Harry and Secretary Vince.

SEC. ROQUE:   Si Secretary Vince muna po as Vaccine Czar.

SEC. DIZON:   Melo, maraming salamat—

SEC. ROQUE:   As Testing Czar.

SEC. DIZON:   Maraming salamat, Melo. Alam mo, nai-report na sa amin iyong sinabi mong insidente sa mga public transport papuntang Bicol at nai-report na namin ito—

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Private transport. Private!

SEC. DIZON:   Private transport dito sa papuntang Bicol. Nai-report na namin ito sa Department of Transportation para bantayan nang maigi. Iimbestigahan natin ito, Melo, at hindi pupuwede ito dahil ang kailangan pigilan itong klaseng pag-ano—again ‘no, take advantage ng ibang mga kababayan natin unfortunately dito sa pandemya natin, pero hindi pupuwede ito.

As for technology, kinausap na rin natin ang Department of Health para kausapin ang mga laboratoryo natin para maglabas ng standardized na resulta na matsi-check at mabi-verify ng ating mga checkpoints sa buong bansa. Challenging itong gawin pero pipilitin nating magawa ito para mapigilan natin.

Pero again, sinasabi lang natin sa ating mga kababayan na nananamantala dito sa pandemya natin, pasensyahan po tayo kapag kayo ay nahuli kasi kapag kayo po ay nahuli at sinasamantala ninyo ang ating mga kababayan eh talagang iyong mabigat na parusang kaakibat nitong mga ginagawa ninyo ay mararadaman ninyo.

Sana po eh tumigil na po ang mga ibang kababayan natin dito sa mga ginagawa nila, kasama na dito sa testing at pati na rin dito sa bakuna.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Secretary Harry, bilang isang abogado po, ano po ang inyong pananaw?

SEC. ROQUE:   Well, ako po, nagpupunta lang ako sa laboratory nang mayroon talagang scanned code. Nagpupunta po ako sa PADLAB, nagpupunta po ako sa NKTI ‘no kasi mayroon pong way of verifying kung tama o authentic o hindi ang kanilang mga resulta ‘no.

So sa mga mamamayan natin, siguro mas mabuting piliin nga din natin iyong mga labs na mayroon pong barcode para sa ating proteksyon din lalung-lalo na kung lalabas tayo ng Metro Manila para wala pong issue as to iyong authenticity ng ating mga resulta.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   May kinalaman po kasi ito sa wala pang public transport na bumibiyahe sa Bicol kaya pribado ang nasasakyan at iyong may sasakyan ang nagbibigay ng PCR results nang walang swab test. Can you imagine kung may positive na sasakay kakalat at kakalat iyan sa ibang rehiyon. Iyon po ang pangamba ng mga sumasakay.

Number two, para po kay Secretary Vince. On the average, ilan pong testing centers ang hindi nakakapag-submit ng reports before the cut-off time and to which factors would they say na dahilan kaya hindi sila nakakapag-file on time? Dahil baka po kayo sa IATF eh hindi makita iyong overall picture at maging mali ang desisyon. Ano po kaya?

SEC. DIZON:   Unang-una ho, sa ating pagmamatyag ‘no, mga 15 to 20 labs on average ang hindi nakaka-submit sa cut-off ng twelve noon. Pero ang importante naman doon sila ay nagsu-submit lampas ng cut-off at napapasok din sa sistema ang kanilang mga resulta. Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ay hindi umabot sa cut-off ay hindi na pumapasok iyong mga resulta sa sistema ng Department of Health; pero nonetheless, importante pa rin na on time sana ang pag-submit.

Pero alam mo, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi madaling magpatakbo ng isang laboratoryo lalo na kapag PCR at lalung-lalo na kapag may mga area na tumataas ang kaso ng COVID. Marami sa mga laboratoryo natin ay nagkakaroon ng impeksyon, nagkakasakit ang kanilang mga health care workers, ang kanilang mga medtechs, at ano din—nakakaawa din sila ‘no.

At siguro pipilitin natin na makapag-submit sila on time pero binibigyan naman natin sila ng palugit para maka-submit at intindihin na lang natin ang dinadanas ng ating mga medtech at ng ating mga iba’t-ibang laboratoryo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Dahil ang worry ko po ay baka may tauhan tayo kaya lang problema iyong connectivity doon sa centers patungo sa Department of Health dahilan sa kakulangan ng internet facilities. So, will you also be moving for some sanctions doon sa mga talagang hindi nakakapag-submit habitually on time?

SEC. DIZON:   Mayroon pong mga sanctions na ini-impose ang Department of Health para doon sa mga habitual na hindi nagsu-submit on time. Pero sa connectivity, sir Melo, alam mo naman ang connectivity problema iyan sa buong Pilipinas hindi lang ng ating mga laboratory. Pero despite that’s tuloy-tuloy pa rin naman ang pag-submit ng ating mga laboratoryo pero kagaya ng sinabi mo, iyong mga paulit-ulit na hindi nakaka-submit on time ay ibang usapan iyon ‘no. Kailangan noon ay bigyan din sila nga mga sanctions at iyon naman po ang ginagawa ng ating DOH.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magkaka-recommendation na po kaya ang IATF na ibalik ang public transport patungo sa Bicol Region?

SEC. ROQUE: Ipagbibigay-alam po namin iyan sa IATF, at tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you very much, Secretaries.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Punta tayo uli kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla ng Business Mirror, for Secretary Roque: Ano daw po ang status ng letter submitted by PEZA sa Office of the Presidente requesting for the lifting of the AO #18? May recommendation na kaya ang economic managers regarding sa nasabing request?

SEC. ROQUE: Pinag-aaralan pa rin po iyan ‘no dahil unang-una ‘no iyong polisiya po ng AO #18 ay dahil po doon sa pangangailangan na mas pabilisin natin iyong pag-unlad doon sa mga probinsiya at hindi lang dito sa Metro Manila ‘no. So pinag-aaralan po iyan at tinitingnan po kung ito ay magiging aligned doon sa ating current effort na ma-decongest ang ating NCR at saka iyong epekto nga ng pandemya at saka kung ano ang epekto po dito sa rationalization ng ating fiscal incentives na nasa CREATE Law natin. So sa ngayon po, pinag-aaralan pa po iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Maki Pulido ng GMA ng GMA News: Palace reaction to Moody’s saying, “The Philippine economy is the regional laggard. Forecast to grow just 5.3% in 2021 from the 9.3% fall in 2020.” Kulelat daw ang bansa because of poor handling of the pandemic.

SEC. ROQUE: Sana hindi naman po ‘no dahil Mayo pa lang po, pupuwede pang mag-recover. Pero inaamin po talaga natin na nakakalungkot na dahil nga po sa pagpasok ng mga bagong variants ay we’ve had to resort to MECQ na naging dahilan para masarado ang 60% ng ating ekonomiya ‘no dito sa Metro Manila Plus.

Pero naniniwala naman po tayo na makakahabol tayo. At sa ngayon po, ang projection ng ating sariling NEDA ay lalaki pa rin po ang ating ekonomiya sa taong ito between six to seven percent, bagama’t ito po ay adjusted na from its earlier projection of 6.5% to 7.5%. Bagama’t ang NEDA natin mismo ay nagbawas ng projection, ang panawagan po natin – mask, iwas, hugas at bakuna. Ingat-buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay. Ang solusyon po talaga para mapaunlad pa natin ang ating ekonomiya ay pangalagaan natin ang mga sarili ng tayo po ay makapaghanapbuhay.

USEC. IGNACIO: Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Roque: Recently you stated that the complete rehabilitation of Marawi City would be completed by the end of President Rodrigo Duterte’s term next year. What exactly do you mean by complete rehabilitation?

SEC. ROQUE: Lahat po ng public infrastructure projects na in-identify natin ay matatapos sa termino ng Presidente. Babalik po tayo sa Marawi, siguro po itong buwan ng Hunyo, dahil ang utos po ng Presidente ay ipamigay na rin iyong mga titulo sa mga mamamayan diyan po sa Marawi. So makikita po natin muli kung anong estado talaga ng rebuilding ng Marawi, hopefully, within the month of June kung papayagan po tayo ng quarantine status sa area.

USEC. IGNACIO: For Secretary Dizon: In a recent statement, Secretary Galvez said that the Philippine’s vaccination drive against the coronavirus disease 2019 registered a record high, 230,000 jabs in a single day. Is that sufficient to achieve the government’s aim to vaccinate 50 to 70 million Filipinos by the end of the year to achieve herd immunity?

SEC. DIZON: Two hundred thirty-six thousand po ang ating peak to date – hindi po supisiyente iyon kagaya ng sinabi natin kanina. Pero ang maganda po is nakikita nga natin pataas na po nang pataas ang ating pagbabakuna araw-araw. At naniniwala tayo na kapag dumating na ang bulto ng supply, tataas pa ito lalo.

USEC. IGNACIO: From Miguel Aguana of GMA News for Secretary Roque: Vice President Robredo says, there is a need for one candidate against the administration. To have many candidates running will only ensure victory of the same kind of government. The opposition has to be united not just in terms of having a common candidate but in terms of agreeing to the manner they fight off populism.

SEC. ROQUE: May there be a thousand candidates for the opposition.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: A geospatial data company Simularity report says, there are 261 Chinese vessels in the West Philippine Sea while they have left for Julian Felipe Reef, there are still 15 near Pag-asa, two hundred thirty-four are near Gaven, Burgos Reef and nine ships are in Hughes.

SEC. ROQUE: Well, unang-una, hindi ko po alam kung totoo iyan because ang naging sistema na po natin ay ang National Task Force on West Philippine Sea ay bibigyan po tayo ng data kung ano ang nangyayari sa West Philippine Sea. Wala naman po akong natatanggap na ganitong report.

Ganunpaman, pinapakita po natin sa screen kung ano itong Gaven Reef. Gaven Reef po is occupied by China. Mayroon po silang artificial island doon na parang base militar. Sinasabi ko lang po, kasi ito iyong lugar kung saan diumano ay mayroong 234 ships. Ibig sabihin, kung totoo po ito, mayroong 234 ships doon sa area kung saan mayroon silang artipisyal na island. At ito naman po iyong susunod na larawan, ito po iyong tinatawag na Hughes Reef ‘no, mayroon din po silang artificial island diyan na parang base militar.

Now, iyong mga diumano kinse sa Pag-asa, kinakailangan po nating malaman kung ito po ay nasa 12 nautical miles ng Pag-asa kasi talagang iyan po ay labag dahil ang territorial sea po ay nasa sobereniya ng ating bayan.

Pero kagaya ng aking sinabi po ‘no, ang importante, hindi po nagkakaroon ng hadlang sa pagdi-deliver ng supplies natin sa Pag-asa at wala pong mga mangingisda natin ang pinagbabawalan na mangisda. Pero ganoon pa man, hindi ko nga po alam kung totoo ito o hindi. At iniiwan na po natin sa DFA para tingnan kung tama ito; at kung tama ito, sila na po ang magdidesisyon kung dapat bang mag-file ng diplomatic protest o hindi.

USEC. IGNACIO: From Jacque Manabat of ABS-CBN, for Secretary Dizon: Is the Philippine feeling the inequity in vaccine distribution?

SEC. DIZON: I think the entire world is feeling the inequity of vaccine distribution where you clearly have the vast majority of vaccines in the developed world as supposed to developing countries like the Philippines. So, we’re all feeling it. But we have to make do with reality; we have to work hard, and this is what Secretary Galvez has been doing from the very beginning. And now, the strategy of a portfolio vaccines and the hard work by the national government to bring the vaccines in with the help of our partners such as the WHO and the GAVI Alliance and COVAX shows that ano ‘no, we are on our way to vaccinating more and more Filipinos in the coming months. So tulung-tulong na lang po siguro tayo.

USEC. IGNACIO: Second question niya, Secretary Dizon: Are we ready for countries that are giving priority to inbound passengers vaccinated with EU, US vaccine manufacturers?

SEC. DIZON: Hindi pa po napag-uusapan iyan. Marami na pong nagdudulog ng mga guidelines para sa mga vaccinated individuals, pero hihintayin po natin ang guidelines ng IATF na a-advise-an naman ng mga eksperto.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question po niya: May clarification na ba sa Saudi GACA na hindi exempted sa institutional quarantine iyong mga nabakunahan ng Chinese manufactured vaccines?

SEC. DIZON: Wala pa pong ganoon.

USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza ng BusinessWorld: Other countries are conducting their coronavirus vaccination in malls, bars, terminals and other public places where people usually gather. Hindi po ba ito iku-consider ng gobyerno? Will the government also offer incentives to encourage people to get vaccinated? Hindi ba mas okay ito instead of requiring COVID-19 vaccination for 4Ps beneficiaries?

SEC. ROQUE: Kyle, unang-una, ginagawa na po natin ito. Nagkaroon na nga po ako ng press briefing sa isang Ayala Mall ‘no para ipakita na doon na nga po natin ginawa iyong initial pagbabakuna ng Sputnik V. Pagkatapos po, in-inaugurate natin iyong giga vaccination facility sa SM MOA. Isang beses naman, nagpunta po sila Sec. Dizon diyan po sa SM Aura sa Taguig ‘no. So ginagawa na po natin ito.

Pangalawa po, iyang sinasabi na ili-link sa 4Ps beneficiary, ako po ang nagsabi niyan, iyan po ang isang bagay na dapat pag-aralan. Hindi pa po iyan polisiya. Pero ang sa akin po, mungkahi ko iyan na pag-aralan at wala naman pong dahilan kung pag-aralan iyon dahil kung magkakatotoo po iyong trenta porsiyento lang ang nais magpabakuna, that is one option. Pero uulitin ko po: Hindi iyan polisiya pa; minumungkahi ko po iyan.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Will the President’s economic team revise for the fourth time the administration’s list of big ticket infrastructure projects given that the government will be prohibited from releasing funds and hiring of personnel for public works projects in time for the 2022 elections?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ito ang kauna-unahang taon na kung saan tayo magkakaroon ng eleksiyon. Ang importante po eh ma-commit po iyong pondo bago magkaroon ng election ban at ginagawa naman po iyan ‘pag mayroong eleksiyon na mangyayari. Iyan po ay naku-commit na at kumbaga bini-bid out na, sina-subject na to bidding although siyempre iyong execution ng proyekto ay during the time of the election.

Ang bawal lang po ay iyong pag-award during the time of the election ban. Sa katunayan po, ang bidding ginagawa pa iyan year before, iyan po ang patakaran ever since ng DPWH dahil kung ‘aantayin po iyong start of the year pag-apruba ng budget, it may be too late.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: The NEDA last year said half of the 100 key infra projects will be completed by June 2022. With only handful of flagship projects being constructed at the tail end of President Rodrigo Duterte’s term, is the admin still confident to say that his 6-year term has indeed been the country’s golden age of infrastructure?

SEC. ROQUE: Si Secretary Vince Dizon din po ang in charge sa flagship project so siya po ang sasagot niyan.

SEC. DIZON: Unang-una, hindi ko alam kung saan nakuha iyong datos ‘no. Pero iyong kalahati na maku-complete, mangyayari iyon at sa dinami-dami ng nagawa nang proyekto at natapos na at palapit na ang pagtatapos ni Secretary Mark Villar ng DPWH at ni Secretary Art Tugade ng DOTr at ng iba pang mga ahensiya na nagpapatayo ng mga iba’t ibang flagship infrastructure, eh tingin ko ‘pag natapos ang term ni Pangulong Duterte eh talagang makikita natin na ito talaga ang naging simula ng sinabi nga nilang golden age of infrastructure ng ating bansa.

At ang hope lang natin ay sana ang mga proyektong ito ay itutuloy ng susunod na administrasyon. Kaya napakaimportante po iyon na matuloy ang mga proyektong ito dahil napakaimportante ‘to para pabutihin ang pamumuhay ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: From Vivienne Gulla of ABS-CBN for Secretary Dizon. Iyong first question po niya ay na-mention ninyo na po. Second question: Nagkakaubusan na ng supply ng COVID vaccine na nakalaan para sa first dose sa ilang LGU. Puwede po bang gamitin muna nila ang bahagi ng Sinovac COVID vaccine na nakalaan para sa second dose habang nag-aantay ng dagdag na supply mula sa national government?

SEC. DIZON: Magbibigay po ng guidance ang ating vaccine cluster sa pamumuno ni Secretary Galvez at ni Usec. Myrna Cabotaje sa mga susunod na araw tungkol sa paggamit ng mga second doses. Kailangan nating ibalanse ito, unang-una kailangan nating pilitin na tuluy-tuloy ang pagbabakuna ng ating mga LGU dahil marami nga sa kanila ay napakabilis magbakuna at napakagandang sitwasyon ito para sa ating lahat.

Pero kailangan din nating balansehin na masigurado na kapag panahon na ng second dose lalo na noong mga bakuna tulad ng Sinovac na maigsi lang ang interval ‘no, 28 days lang, ay mayroon tayong second dose.

So mayroong padating na Sinovac ayon kay Secretary Galvez na halos mga dalawang milyon sa unang parte ng Hunyo, ng June so pinu-program ito ngayon ng vaccine cluster at ng DOH para mabigyan ng guidance ang ating mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Question from Tina Mendez ng Philippine Star for Secretary Dizon: Since March 1st, the Philippines inoculated about 4 million of its 100 million population. Do you think that’s rather slow since it represents barely 4% of the population or even far cry if we push to target 70 million of our adult population? What are the realities on the ground that the government is trying to address to reach herd immunity by November 27 as earlier announced?

SEC. ROQUE: Usec. Rocky, I’m sorry but that’s been asked and answered.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ace Romero ng Philippine Star, follow up lang daw po. Paki-clarify lang daw po, Secretary Dizon or kay Spox Roque: Sabi po nila kanina ang goal ay 70% ng NCR by December. Initially po 70% of the entire Philippine population sa December. Nabago po ba ang goal? Seventy percent of the entire Philippine’s population by year end, iyon pa rin po ba daw?

SEC. ROQUE: Hindi po nabago ‘no. Ang sinasabi natin November 27 nga po iyong target natin for population protection sa Metro Manila but we’re still aiming na 58 million nationwide before end of the year.

USEC. IGNACIO: Ang follow up po niya: Kung hindi po natin goal iyong 70% for the entire Philippines, bakit po binago? Ano ang factors at bakit hindi po makakamit?

SEC. ROQUE: Well may kinalaman lang po iyan doon sa katotohanan na ang majority of the cases ay nasa Metro Manila Plus ‘no. At kaya nga po bagama’t kalahati ng supplies ng ating bakuna ay makakarating pa rin all over the country, mahigit-kumulang kalahati ay ibubuhos natin dito sa Metro Manila Plus kasama po ang Cebu at ang Davao.

USEC. IGNACIO: Secretary, may pahabol si Einjhel Ronquillo: Paano po iyong mga private sector, nagbibenta sila ng vaccines sa mga dependents ng kanilang mga empleyado? Mapapanagot din po ba sila?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po, bawal ang pagbenta. Now ang issue dito sinasabi nila hindi raw benta iyan kung hindi reimbursement ‘no. So tingin ko kinakailangan magkaroon nang paglilinaw dito ang IATF pero napakahirap po kasi kapag mayroong perang binayad, siyempre parang lumalabas na ibinibenta. But we will ask guidance from the IATF.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat Secretary, iyon lang po muna iyong mga questions nakuha natin. Secretary Dizon, salamat din po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Secretary Vince Dizon, ang ating suki for your unwavering support ‘no and your unwavering cooperation dito po sa ating presidential press briefing. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Bilang panghuli ‘no, kahapon po talaga nakakahabag iyong sinabi ni Presidente na kinakailangan talaga matigil ang patayan sa ating lipunan sa pamamagitan nang pag-iimbestiga, paglilitis at pagpapataw ng parusa sa mga pumapatay. Ganito rin po ang dahilan kung bakit nangangako ang ating Presidente na magkakaroon tayo ng population protection by November 27 sa Metro Manila and sa buong bansa by the end of the year. Ano po ang dahilan? Dahil pinakaimportante po sa ating Presidente ang karapatang mabuhay.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)