SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Narito po tayo ngayong tanghali sa SM Mall of Asia para sa NCR+8 commitment ceremony and symbolic vaccination ng mga A4. Tinatayang nasa tatlumpung limang milyong katao ang kabilang sa A4 kung kaya’t maituturing na game changer po ang nangyaring bakunahan [garbled] hudyat ito ng muling pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Nag-umpisa na po kanina [garbled] at may tinatayang limampung miyembro ng A4 kabilang po ang pitong miyembro ng Malacañang Press Corps ang nabakunahan na.
Sino ba ho ang bumubuo ng A4 o eligible para maging A4? Sila ay ang mga workers sa pampubliko at pribadong sektor, mga nasa informal sector kasama ang mga self-employed at mga nagtatrabaho sa mga pribadong pamamahay.
Dalawa po ang criteria ng A4: Una, kinakailangan nilang physical mag-report sa trabaho; pangalawa, kailangan ay deployed o naka-assign sila para gumawa ng field work.
Nahahati sa dalawang phases ang distribution at administration po ng mga bakuna para sa A4: Phase 1 po, A4 workers sa NCR+8; Phase 2, A4 workers sa labas ng NCR+8. Sa mga sitwasyon na limitado ang supply ng bakuna, pupuwedeng unahin ang A4 workers [garbled] bago ang mga nasa 18 to 39 years old.
Magandang balita po: Dumating [garbled] buwan ng Hunyo. Mamaya ay makakausap natin si Secretary Galvez para magbigay detalye tungkol dito sa mga bakunang parating sa buwan ng Hunyo.
Kani-kanina lamang ay narinig ang mensahe ng Pangulo sa NCR+8 commitment ceremony and symbolic vaccination of A4 kung saan kaniyang sinabi na, and I quote, “We can now see the light at the end of the tunnel as the vaccine shipments have arrived, have started to arrive in bulk. With the start of our mass vaccination program… the A4 priority category are workers in both public and private sector will have an added layer of protection against the disease.” Dagdag pa ng Pangulo, ang pagbabakuna ang ating only way forward para malampasan ang pandemya. Ngunit hindi solusyon lamang ang pagbabakuna alone ‘no. Paalala ng Pangulo, kinakailangan pa rin nating ma-observe ng minimum health standards – MASK, HUGAS at IWAS.
COVID-19 updates naman po tayo: Mayroon po tayong 7,228 na mga bagong kaso ayon po sa June 6 datos ng DOH. Nagpapasalamat po tayo sa ating mga medical frontline workers at patuloy pong tumataas ang mga gumagaling – 93.6 ang gumaling mula po [garbled] million one hundred eighty-eight thousand two hundred forty-three na po ang [garbled]. Samantalang malungkot naming binabalita na 21,898 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.72% po ang ating fatality rate.
Kumustahin naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital sa Metro Manila at buong Pilipinas. Sa Metro Manila:
- Fifty-one percent po utilized ang ating ICU beds
- Forty percent utilized ang ating isolation beds
- Thirty-six percent utilized ang ating ward beds
- Thirty-four percent utilized ang ating ventilators
Sa buong Pilipinas:
- Fifty-eight percent po utilized ang ating ICU beds
- Forty-eight percent utilized ang ating isolation beds
- Forty-nine percent utilized ang ward beds
- Thirty-eight percent ang ating ventilators
Ating kasama ngayon, katabi ko po si Secretary Duque ng ating Department of Health; DTI Secretary Lopez; si Margot na representante ng ating private sector. Dito naman po, ang aming mayor dito sa Pasay City, Mayor Calixto. Kasama po natin ang ating Vaccine Czar, Secretary Galvez; at ang ating MMDA Chairperson Abalos.
Siguro maikling pambungad-salita si Secretary of Health. Sir, marami raw pong nami-miss iyong kanilang second dose. Ano po ang mensahe natin?
DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, magandang umaga po sa inyong lahat. Sa ngalan ng Department of Health at ang Inter-Agency Task Force, kami po ay nagagalak na sumaksi sa atin pong rollout, ito pong symbolic vaccination ng A4 dito po sa NCR+8; at naging matagumpay naman po ang pagganap ng symbolic vaccination ngayong umaga.
At nagpapasalamat po ako sa mga bumuo ng programang ito at ang pamahalaan lokal ng Pasay City at ang mga kinatawan ng atin pong pribadong sektor, ang mga mangangalakal, ang mga industriya na nagkaisa po para maging katuwang ng atin pong gobyerno sa pagsulong ng atin pong makasaysayang at talaga pong napakamahalagang public health program, at ito po iyong ating National Anti-COVID Vaccination Program.
Kaya iyong binanggit ni Kalihim Harry Roque patungkol daw doon sa 117,000 na hindi nakakuha ng kanilang ikalawang dose ng bakuna ay hindi po natin sasabihing problema dahil iyan naman pong mga hindi naturukan ng ikalawang dose ay puwede pa rin po na magpaturok. Sila lang po ay makipag-ugnayan sa kanila pong pamahalaang lokal at ang kanila pong mga city health office, ang mga iba pang kanilang opisyal pangkalusugan ay mag-i-schedule ng inyo pong second dose. Kaya wala pong problema, siyam na porsiyento lang po ang hindi nakakuha ng second dose.
Kaya huwag po nating kakalimutan, napakahalaga po ang kumpletong bakunahan. Hindi po uobra na isang beses lang po tayo magpapabakuna, huwag lang kung ang pinag-uusapan natin ay iyong isang klase ng bakuna na sa isang dose ay okay na. Pero dito, kailangang kumpletuhin po natin para mataas ang lebel ng proteksiyon na ibibigay po nito laban sa severe COVID, severe and critical COVID cases, at panlaban po na makakasiguro tayong maiwasan ang hospitalization at higit po sa lahat ay maiiwasan ang pagpanaw. Iyan po ang mga mahahalagang halaga ng atin pong vaccination program.
Salamat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Duque.
Ang ating host po ngayon, ang mayor dito sa aming siyudad ng Pasay. Pangalawang makasaysayang event na po ito sa bakuna na ginaganap dito sa Pasay. Iyong una po ay iyong inauguration ng pinakaunang ng pinakauna at kaisa-isang [garbled] center dito na rin po sa [garbled] MOA at siyempre po iyong A4.
Si Mayor Emi Calixto-Rubiano, kanina po may binubulong kayong mabuting balita na estado ng COVID dito sa ating Siyudad ng Pasay. Ano po iyong mabuting balita?
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Thank you, Sec. Magandang, magandang tanghali pong muli. Una po, nagpapasalamat kami sa atin pong IATF, NTF [garbled] sa MMDA [garbled], Secretary Duque. Sa lahat po [garbled] para po maging successful itong vaccination program ng Pasay ‘Vacc to the Future.’ At siyempre sa family ng Sy dahil po sa pagtutulungan dito po ng private and public sector.
Alam po ninyo, kanina nababanggit ko kay Secretary Harry Roque na dito po sa Pasay, 50 na lamang po ang ating COVID cases na active. At ang bago ay anim, at ang recovered ay 11. At sa utilization naman po ng ating bakuna, kami po, according to the DOH data, ang Pasay po ang nanguna kasi po 85% utilization po kami dito sa Lungsod ng Pasay.
PART 2 PB STATEMENT 21-06-07
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: (CON’T) At sana po umaapela pa po kami na talagang sana magtulungan pa lalo at ang ginagawa namin aggressive po talaga at puwera po, naka-post ito sa PIO FB page ng Pasay. Mayroon pa po kaming barker system na umiikot sa buong lungsod ng Pasay. Ilan po iyang sasakyan na iyan para paalalahanan ang mga kukuha ng second dose at siyempre po sa tulong ng mga barangays, gayundin po pati political leaders kinuha na rin namin para mag-ikot. Pati contact tracers [garbled] talaga pong sinasama na rin namin iyong second dose na kailangan [garbled] at ganoon din po, lahat ng public address system ng aming barangay na two hundred and one (201), pinapagana para po magpaalala hindi lang sa kanilang second dose kung hindi mag-ingat at lalo pong maging [garbled] minimum health protocols dito po ni-localize iyong BIDA Solusyon nagkaroon ng E.M.I. habit: E—Ensure to always wash your hands; M—Mask is a must; and I—Implement Physical Distancing habit.
Maraming, marami pong salamat sa lahat ng taong nagtulung-tulong at siyempre sa National Government, sa pamumuno ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte [garbled] at katuwang sa tapat na paglilingkod sa Lungsod ng Pasay and sa private sectors po, maraming-maraming salamat.
Huwag tayong magpakampante, kahit mababa po ang case sa Pasay kailangan pa rin natin gawin ang E.M.I. habit (E—Ensure to always wash your hands; M—Mask is a must; and I—Implement Physical Distancing) at siyempre magpabakuna po tayo kahit anong brand ito, anong efficacy. Sabi nga po, importante na unahan natin ang COVID sa ating katawan. Magkaroon tayo ng proteksiyon sa pamamagitan ng bakuna.
Let’s get ‘Vacc to the Future.’ Thank you po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Calixto-Rubiano. Kasama rin po natin ang Department of Trade and Industry Secretary, Secretary Lopez. Sir, A4 po sinimulan na nating bakunahan, ito pong mga trabahante. Ano po ang mensahe ng DTI?
SEC. LOPEZ: Thank you, Sec. Harry. Masaya kami sa economic sector dahil mababakunahan na at last iyong ating economic frontliners. Ang maganda po dito, tulad noong ini-explain ninyo kanina, na-expand natin iyong definition. Practically all workers, lahat na po masasama. Hindi po dati na may iilang listahan lamang, ngayon ay expanded na kaya iyon po ay malaking tulong sa ating mga economic frontliners. Lalakas ang kumpiyansa nila sa pagpasok. Iyong exposure nila sa public transport, sa workplaces, mawawala na at mababawasan na ang pangamba.
Kaya ho ito hong sinasabi namin na “shot in the arm” na kailangan talaga ng economic frontliners at kailangan din ng ating ekonomiya para iyong nakikita nating improvements, mga signs of recovery ay magtuluy-tuloy na at hindi na magpahinto-hinto. Tuluy-tuloy na tayo dahil ang ating ekonomiya has really a good solid economic fundamentals, kailangan lang talaga mawala itong epekto ng pandemya at ito ay mawawala kung lahat po talaga tayo ay magpapabakuna.
At nakikita po natin dito po sa A4 ay marami talagang gustong magpabakuna at dito po magkakaroon tayo ng tiyansa na maabot iyong tina-target po nina Sec. Duque, Sec. Galvez, Sec. Dizon na 500,000 jabs a day na pagbakuna. So, ito po, para kasi kailangan mo talaga malawak na sektor.
And with that, Sec. Harry, nakikinita natin na tuluy-tuloy na iyong ating proseso ng ating recovery. At saka iyan later on, pag-uusapan natin siguro ano pa iyong mga puwedeng benepisyo ng mga nabakunahan para talagang manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya na isa sa pinakamalakas dito sa ating region.
Thank you.
SEC. ROQUE: Salamat, Secretary Lopez. Kasama po natin ngayon ang ating Vaccine Czar Carlito Galvez. Sir, simula na po ang A4, 35 million po sila, ano po ang aasahan nating delivery ngayong buwan ng Hunyo at mga darating pang buwan? The floor is yours, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Magandang balita po, talagang dadagsa na po ang bulto ng ating mga bakuna. Noong yesterday, Sunday, dumating na po iyong one million ng Sinovac. Ito po iyong inaasahan natin na from two million delivery noong last month, ang Sinovac po ay magdi-deliver sa atin ng 5.5 million.
At natutuwa din po kami sa COVAX dahil tumaas din po iyong delivery niya ngayong buwan na noong dati 2.2 million, ngayon magiging 4.2 million. So, all in all, Spox, makaka-receive po tayo ng 30 – 40 million this coming June, July and August. Malaki ang bulto na makukuha po natin talaga doon sa August, more or less 17 million. Pero ngayon pong June, makakatanggap po tayo ng ten to eleven million.
At iyon po ang inaasahan natin na sa pagbubukas ng A4 and later A5, marami na po tayong mabakunahan at ini-expect po namin na talagang ma-breach natin iyong ating expectation by coming July na mayroon tayong more or less 400 – 500 jabs per day and then later fourth quarter, 740 jabs per day. Iyon po ang ating objective na magkaroon po tayo ng population protection by end of the year.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Okay. Well, kung nandiyan na po ang bulto ng mga bakuna ay kaya ba ho nating iparating iyan sa ating mga kababayan? Unahin muna po si Chairman Abalos. Sir, nandito na ang mga bakuna, 35 million A4 sinimulan, ano po ang kahandaan ng mga lokal na pamahalaan na ibakuna po ito sa kanilang mga constituents?
MMDA CHAIR ABALOS: Magandang tanghali po, Spox Harry at sa ating mga kasama nandirito at sa inyo pong lahat.
Unang-una, iyon pong tanong ni Sec. Harry ay handang-handa na po Kalakhang Maynila. As of now, ipinakuha ko iyong data sa MMDA, nakapagbakuna na po ng kulang-kulang 1.625 million for the first dose at 613,000 for the second dose ang Kalakhang Maynila.
Ganoon po ka-efficient ang ating mga alkalde, ang mga medical frontliners sa baba. To give you an overview, noon pong Abril, ang ating bakuna ay 1.5 million, just a comparison at ang maganda po ang kaniyang projection itong Hunyo ay magiging ten million. You could just do the math kung gaano kabilis ‘no, from 1.5 to ten million. Ilan pang sites ang kakailanganin, ilan pang manpower ang kakailanganin pero huwag ho kayong mag-alala sa Metro Manila dahil ang ating mga Mayors, ang DOH, ang team, Team Pilipinas talagang pinaghandaan po lahat ito. At iyong mga darating na bagyo pa pinaghandaan na rin po lahat ito. So, everything is in order po, Spox ‘no.
Pangalawa, kami ay nagpapasalamat at nabuksan na rin po ang A4 unang-una para sa ating manggagawa pero higit sa lahat na rin po para—alam ninyo, iyong A1, A2 and A3 talagang sinisimot na po iyan ‘no. Talagang ang mga alkalde po natin, they’ve got innovative ideas, sinsundo sa bahay, iyong iba binabahay-bahay. Pero kamukha noong napag-usapan, magkakaroon talaga ng express lane para sa kanila to give way to the A4.
At pangatlong punto ko po ay itong araw talaga – alam ninyo hindi lang ang A4 – we are celebrating the cooperation between the government and the private sector. Nakita ninyo naman kanina iyong haligi ng ekonomiya natin, ng mga negosyante nandirito kanina lahat. So, nakakatuwa, ang dami ng bakuna, lahat very efficient, nagkakatulungan pa ang lahat – ang pribadong sektor at gobyerno, talagang napakaganda nitong araw na ito.
Maraming salamat po, Spox Harry.
SEC. ROQUE: And last but not the least, we have a representative from the private sector. Alam ninyo po mga kababayan, itong ating vaccine program po ay isang perfect example ng public-private partnership ‘no. Dito po sa rollout ng ating bakuna, iyong logistics ay humingi po tayo ng tulong sa ating pribadong sektor at siyempre po ang pribadong sektor ay bumili rin ng bakuna para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng tripartite agreement sa panig ng pribadong sektor, sa panig po ng national government, at sa panig po ng NTF.
So, ngayon kasama po natin, Margot Torres bilang representante po ng private sector pero bago po siya magsalita, I reiterate, thank you to the private sector for the cooperation they have extended lalung-lalo na po dito sa ating vaccination program.
The floor is yours, Margot Torres.
MS. TORRES: Thank you. Magandang hapon po, Secretary Roque and our dear Secretaries. Napaka-importanteng araw po ito para sa private sector. Nirerespeto po ng private sector iyong ating prioritization at today, magsisimula na po sa A4 kaya masayang-masaya po kami. At ang aming mga empleyado, ang mga manggagawa ay mayroon ng opportunity na makuha ang kanilang bakuna para kapag pumasok sila sa trabaho wala na po iyong pangamba.
Nandito po kami sa private sector na tuluy-tuloy na tutulong sa IATF, sa NTF when it comes to demand generation. Tuturuan po namin ang aming mga empleyado tungkol sa benefits at kahalahagan na magkaroon ng bakuna at ang pangalawang dose na sinasabi nga po ni Secretary Duque. Nagpapasalamat po ang private sector kay Secretary Galvez sa kaniyang hard work sa pagkuha ng supply at inaabangan din po namin iyong supply na na-procure ng private sector through the tripartite agreement.
Thank you very much, Secretary Roque for the opportunity to share how the private sector feels.
SEC. ROQUE: Thank you Margot. Pumunta na po tayo sa ting open forum. Kasama po natin ngayon ang ilang mga miyembro ng Malacañang Press Corps, live. Excited po ako dahil this is the first time na [garbled], at least pitong Malacañang Press Corps members—walo kasama po ang presidente ng Malacañang Press Corps. [garbled].
So, ang magmo-moderate po dito sa SM is Mela Lesmoras of PTV 4 pero ang mga questions po na galing sa ibang miyembro pa ng Malacañang Press Corps will be read by Usec. Rocky in PTV 4.
Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV 4: Hi! Good afternoon po, Secretary Roque at sa iba nating Kalihim. So sa ngayon po, simulan ko po ang pagtatanong ng mga Malacañang Press Corps dito sa aktibidad ngayong araw.
Secretary Roque, unahin ko lang po, kasi iyon nga mula sa private sector at public sector marami nang nag-aabang kung kailan sila mababakunahan. So sa ngayon, ano po ang napag-usapan particularly ng IATF, gaano kaya karami iyong mababakunahan today or sa mga susunod na araw? Sino po ba particularly iyong mga priority nating masisimulan sa A4?
SEC. ROQUE: Well, bagama’t nagsimula na po tayo ngayon ng A4, iyong A1, A2, A3 ay puwede pa rin po kayong magpabakuna lalung-lalo na po iyong ating mga senior citizen at may comorbidity – medyo mababa pa po iyong porsiyento ng mga nabakunahan. Mayroon po tayong express lane para sa inyo. Dalhin ninyo lang po ang inyong senior citizen card o ‘di naman kaya iyong medical certificate na nagpapatunay na mayroon kayong comorbidities. At maski bukas na po ang A4, puwede pa rin kayong magpabakuna.
Now, sa A4 po, siyempre depende rin iyan ‘no doon sa, number one, nagri-register po sa kanilang mga lokal na pamahalaan. Kinakailangan na mag-register po bagama’t mayroon ding ilang mga vaccination centers na naglalaan ng ilang mga bakuna para sa mga walk-in.
Pero sa ngayon po, ang sabi po, wala po tayo ngayong problema sa supply. Kung ilan, well, depende po kung ilan ang magrorehistro sa bakuna. Mas marami po ay mas mabuti.
MELA LESMORAS/PTV 4: Secretary Roque, quick follow up lang po. Nabanggit ninyo kanina na if limitado lang iyong supply, priority may be given to 40 to 59 years old pagdating sa A4. Pero linawin lang po natin kung marami namang slot, puwede pa rin naman pong magpabakuna iyong nasa mas batang edad, tama po ba, Secretary?
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Kung hindi naman po problema ang supply ng bakuna, lahat po ng A4 ay mabibigyan din. Sa ngayon naman po, depende iyong supply sa dami rin ng magpapabakuna. Pero ngayon po, we can accommodate kung sino ang gusto.
MELA LESMORAS/PTV 4: At panghuling tanong na lamang po, Secretary Roque: May public address po ba mamaya at anu-ano ang inaasahang agenda kung sakali?
SEC. ROQUE: Mayroon pong public address si Presidente mamaya. At as usual naman po, ang kaniyang public address ay nakatutok muna sa COVID-19.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Maraming salamat, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Mayroon bang gustong idagdag si Secretary Duque at saka si Secretary Galvez?
SEC. DUQUE: Maraming salamat, Spox Harry. Gusto ko lang pong bigyan-diin at ipaalala po sa ating mga katuwang na pamahalaang local executives na kung puwede po dahil hindi pa sapat ang unang dumarating at sa A4 category, puwede pong unahin muna iyong 40 to 59 years of age. Para kasi malinaw na malinaw po iyan sa mga malawakang, malalimang pag-aaral na iyon pong habang tumatanda na mga grupo ng mga ating mga prioritization, sila po iyong talagang naapektuhan ng COVID. Diyan po nanggagaling ang pinakamalaking porsiyento ng mga pumapanaw o tinatamaan ng nakamamatay na kumplikasyon ng COVID-19. Kaya napakamahalaga po, let’s prioritize within A4 those within the 40 to 59 years of age.
Salamat po.
SEC. ROQUE: Secretary Galvez, mayroon kayong gustong idagdag? Okay na.
MELA LESMORAS/PTV 4: Secretary Roque, sorry, isang pahabol na lang po sa private sector and even the Secretaries can answer. Itatanong ko lang po kung ano iyong napag-usapan nang agreement sa ating mga manggagawa? Kasi may mga ibang isyu na ikakaltas sa sahod iyong bakuna. Once and for all, puwede po kaya itong malinaw kung ito ay talagang libre or may internal agreement po sa mga kumpanya?
SEC. ROQUE: Margot?
MARGOT TORRES: Ang private sector po, binibigay po ng libre sa empleyado iyong bakuna. At alam naman po natin na ang workers puwede pong pumunta sa kahit anong LGU para mag-sign up, at alam din natin na sabi ni Secretary Galvez na ang bakuna po ay libre.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Thank you so much po, Miss Margot. Now po, Secretary Roque, kay Usec. Rocky naman po para sa mga iba pang katanungan naman ng ating mga kasamahan bago tayo magbalik ulit—
SEC. ROQUE: Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque and Mela. Basahin ko lang po ang tanong ng ating kasama sa media pa rin.
Mula kay Kris Jose ng Remate at Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin para po kay Secretary Galvez: Maaari ninyo po bang ipaliwanag nang mabuti iyong nabanggit po ninyo na sa isang ulat na ang mga health protocols sa mga nakapagpabakuna na kontra COVID-19 ay posibleng luwagan na ng pamahalaan? Paano po ninyo malalaman kung ang isang indibidwal ay bakunado na o hindi? Ang pagpapaluwag po ba ay para sa barangay o indibidwal? At maaari pa bang makasama dito ang hindi pagsusuot ng face shield sa mga public places?
SEC. ROQUE: Ang tanong uli is: Bigyan-linaw iyong pagluluwag doon sa mga indibidwal na nabakunahan na at ano iyong mga pagluluwag na pupuwedeng ibigay, iyon ang tanong, Usec. Rocky, correct?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, iyon po iyong tanong.
SEC. ROQUE: Iyon po ang tanong, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Pinag-aaralan po natin sa IATF iyong puwede pong tinatawag na pribilehiyo ng mga taong nabakunahan, especially iyong nakita natin sa mga ibang bansa. Nakikita natin na binibigyan ng leeway iyong mga ibang nabakunahan, especially iyong mga elder.
Sa Israel, ang ginagawa nila, iyong mga elderly na 65 and above kapag once na na-vaccinate na, they can go to different stores and they can go out. So iyong mga hindi bakunado, talagang kinukulong; hindi sila pinalalabas, and every three days ay sinu-swab sila. So iyon ang requirement na ginagawa ng mga ibang bansa.
At nakikita natin na in order to motivate our seniors and also our people with comorbidities, kailangan talaga bigyan natin ng kaunting leeway. At saka nakita natin sa US even iyong mga baksinado, binibigyan ng tinatawag nating raffle. And even dito sa atin, nakikita natin may mga LGUs tayo na binibigyan ng motivation na binibigyan ng ayuda iyong mga ibang mga citizens na nagbabakuna.
Sa ngayon, nakikita natin na sa IATF, we are considering na bigyan ng some sort of opening of restrictions to those people that will be vaccinated especially iyong quarantine protocols natin when they return from abroad.
USEC. IGNACIO: Follow up question po diyan ni Genalyn Kabiling: Do they have to stay home and wait until half of adult Filipinos are vaccinated? When will the national government start issuing uniform and digital vaccine cards for safe mobility?
SEC. ROQUE: Si Secretary Duque siguro?
SEC. DUQUE: Iyon pong inyong tanong, pag-aaralan po ito ng ating vaccine expert panel and technical advisory group of experts kung ano pa ang puwede pong mga luwagan na restrictions. Kasi ang pakay po natin sa bandang huli ay talagang mas magkaroon po ng increase mobility ang mga tao nakakumpleto na ng kanilang mga bakuna.
Ganunpaman, hindi rin natin puwedeng isantabi ang mga napatunayan nang epektibong pamamaraan katulad ng faced shield, face mask, social distancing. Kaya tuluy-tuloy pa rin po ang ating paalala na hindi komo kayo ay nabakunahan na ay puwede na kayong magtanggal nitong mga karagdagang proteksiyon na ito po. Kinakailangan ituloy natin dahil hindi pa rin po sapat ang datos para sabihin natin na kapag nabakunahan ang isang tao ay talagang hindi na po siya puwedeng mahawaan at makapanghawa pa.
Sa kasalukuyan, kinakalap pa rin po ang mga karagdagang datos. Ang lahat po ng ating mga eksperto sa ngayon, araw-araw po ay kanilang mino-monitor ang mga developments patungkol po sa nangyayaring bakunahan lalo na po sa mga bansa na ang kanila pong coverage ay more than 50% na. So dito po, makakaaral tayo ng mga leksiyon na mahahalaga at ito po ang papel na ginagampanan ng atin pong mga eksperto.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Genalyn Kabiling for Secretary Roque naman po: Has the President received his second shot of Sinopharm vaccine? Did he feel any adverse side effect from vaccination? And how will the government make sure that the people will not miss their second dose?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam pa ‘no kung siya ay nakapag-second shot na. Pero tatanungin ko po siya mamaya at ibabalita ko po bukas sa ating press briefing.
Kanina naman po ay sinagot na ni Secretary Duque na iyong mga hindi pa nakakakuha ng pangalawang bakuna, huwag po kayong mag-alala, pupuwede pa rin po kayong kumuha ng inyong pangalawang bakuna. At hinihikayat namin kayo na kunin ang pangalawa dahil hindi po sapat ang proteksiyon kung iisang bakuna lang ang natanggap ninyo,
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much, Usec. Rocky. Ngayon naman po, ang magtatanong sa atin ay ang MPC president, si Ms. Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror.
SEC. ROQUE: Thank you very much. Hello! Good morning, Evelyn. It’s a pleasure to see you face to face.
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Kami rin po. Good morning po. Kay Secretary Galvez, follow up lang po doon sa na-mention ninyo kanina, iyong adoption sana ng Philippine sa Israel’s intervention giving vaccine recipients ng incentives and restrictions. In the case of the Philippines, ano po ba ito, sa tingin ninyo ay realistic na i-adopt natin ito?
And number two question: How can the government check every single person in the street whether or not vaccinated po siya?
SEC. GALVEZ: Ma’am, puwedeng tanggalin ang face shield, ma’am. Hindi namin maintindihan po iyong—
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Hello, ayan! Sir, iyong follow up lang doon sa Israel’s intervention na na-mention ninyo kanina providing incentives for recipients. Is this realistic in the Philippines? And how can the government check whether or not a person is vaccinated? Thank you.
SEC. GALVEZ: Iyon nga po ang ika-clarify natin kasi iyong ating mga experts sa Israel, they will be coming on June 20. So magkakaroon po kami ng dialogue, titingnan po natin iyong mga lessons learned na puwede nating malaman at puwede po nating ma-implement.
Sa nakikita po natin, sa experience ng Israel, talagang mayroong mga datos na really the vaccine works. Ibig sabihin, talagang epektibo iyong mga vaccines na ginamit po nila. And then, it creates a lot of hope for us na just in case na mayroon talaga, nagkaroon tayo ng massive vaccination, and we’re able to have iyong threshold na sinasabi ni Sec. Duque na population protection, malaki ang magagawa po nito para magkaroon ng opening ng restriction, at the same time, magkaroon ng movement so that we can recover our economy.
Kahapon, nag-text po ang ambassador ng Israel sa amin, talagang fully na nagbukas na iyong kanilang ekonomiya and they are now acting normal. Meaning, iyong lahat ng kanilang mga population, including children, halos nabakunahan na nila lahat. And they say that if we are able to vaccinate the majority of our people – iyon ang sinasabi nga ng ating mahal na Presidente na mabakunahan ang lahat ng mga mamamayan natin – ay nakikita natin talaga na medyo magkakaroon tayo ng kaluwagan in terms of iyong restrictions, at the same time, we can open up our economy.
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Okay. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Okay. Siguro next question. Isa lang ang question iyong natanong ni Evelyn. Next ano—
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Ang susunod naman pong magbibigay ng katanungan mula rito sa ating programa, si Zon Ballesteros ng IBC-13.
SEC. ROQUE: Go ahead, Zon.
ZON BALLESTEROS/IBC13: Good morning po sa lahat. Secretary Duque or kay Secretary Galvez. Regarding po doon sa mga naka-miss out po ng second dose nila, bale ang tanong ko po is: Ano po kaya iyong ginagawa natin to track these people po para mandatorily ay matanggap nila iyong second dose? And ano pa po iyong ginagawa nating hakbang para makuha nila at makumpleto iyong required doses ng isang bakuna bukod po doon sa pagpapaalala at paghihikayat po natin na pumunta na lang doon sa kani-kanilang vaccination sites?
DOH SEC. DUQUE: Iyong kaninang nabanggit natin, iyong mga hindi nakumpleto iyong bakuna, mga siyam na porsiyento lamang iyan ng lahat ng mga nabigyan ng bakuna. So iyan po, makikipag-ugnayan sa kanila pong pamahalaang lokal para ma-reschedule. Kasi naman po, iyong dahilan kung bakit hindi sila nabakunahan ay hindi naman dahil ayaw lang nila magpabakuna ulit, kung hindi either nagkasakit, either may emergency sa pamilya, either may nakalimutan na mahalagang gawain o lugar na kailangang puntahan. So iyan lang naman po kadalasan—either nagkasakit, iyan po ang pinakamadalas.
So iyan po ang gagawin ay re-scheduling lang. At tuluy-tuloy naman po dahil ang mga vaccination sites naman kapag sapat ang bakuna, tuluy-tuloy din ang operations nila. So hindi po problema iyan.
ZON BALLESTEROS/IBC13: For Chairman Abalos naman po. Can you give us more details po, Chairman, regarding po doon sa express lane na nasabi ninyo for economic frontliners dito sa Metro Manila? Paano po iyong magiging process on how we organize these express lanes for A4 category?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, kamukha po ng sinabi ni Secretary Duque kanina ‘no, kailangan talaga simutin natin ang pinaka-vulnerable sa ating komunidad. Ito iyong A1, A2 and A3 ‘no. Of course, we all welcome itong ating mga workers. Pero tama si Secretary Duque, magpunta ka sa ospital ngayon, karamihan na nasa ospital ngayon ay either senior citizens or persons with comorbidities. Kaya nga ang definition nila ng population protection ay proteksiyunan itong mga vulnerable sa ating komunidad. Once we reach that, maayos.
Kung kaya’t in as much as we welcome itong A4, mayroon tayong express lane na ginagawa. Pero gusto ko lang hong sabihin sa inyong lahat ‘no, this is very important, baka kasi magdagsaan lahat sa center eh ‘no. Importante rin talaga na mayroon tayong pre-scheduling sa A4. Makipag-ugnayan po kayo sa inyong mga alkalde, sa inyong mga lungsod, sa inyong mga munisipiyo tungkol dito.
Iyon namang tinatawag na express lane, kung nandoon na kung sakali, uunahin naman po iyan. Pero mas maganda pa rin makipag-coordinate na rin muna bago pumunta. Kasi siyempre may edad na po iyan, ilalabas ho ng bahay, mabuting magpautos ka, “Oh, pupunta si lola ko rito, puwede bang paunahin?” And I’m sure papaunahin po sila, even those persons with comorbidities.
Ang importante po rito ay dalawang polisiya: Number one, mabilisan po tayong magbabakuna; and number two, walang mapapanis maski isang bakuna.
And on record, nandito po ang ating mga pamilya sa DOH, ni isa pong bakuna ay walang napanis. And let me take this opportunity, nandito po si Margot Torres, siya po ay sa McDonalds – kanina makikita ninyo ‘no may McDonalds and Jollibee – iyong sa Jollibee naman si Mr. Pepot Miñana. Alam ninyo ba na sila ang tumutulong sa amin, kina Sec. Charlie, Sec. Vince? Sila ay magaling sa supply chain management. Ano iyon? Dahil sila ay nasa hamburger, alam nila kung anong branch ang mabibilis, kung Pasko; kung hindi, ano ang mahihina; ano ang mga napapanis na mga gulay, mga tinapay, mga hamburger. So sila ang tumutulong sa amin, iyong dash board, kung paano i-compute ang mga projections. Napakalaking bagay nila ‘no. Kaya ako ay nagpapasalamat sa T3, sa [unclear], itong mga private sector.
Maraming salamat po.
MELA LESMORAS/PTV4: Thank you so much, Zon Ballesteros.
For Secretary Lopez, isang singit na question lang po before we turnover to Usec. Rocky. Secretary Lopez, can you just elaborate kung gaano kalaki iyong tulong nito sa private sector, iyong pag-o-open natin sa A4? And dahil unti-unti na ngang binubuksan iyong vaccination sa A4, ano iyong magiging epekto nito sa susunod na community quarantine ng NCR+?
DTI SEC. LOPEZ: Oo, napakalaking halaga ito dahil sabi natin kanina, kung wala itong bakuna sa economic frontliners, kunwari, kapag nag-iikot kayo dito, medyo nag-aalangan [garbled] ang tao sa loob ay bakunado. But now, kapag nag-progress na itong economic frontliners [garbled] in fact, mauuna dito iyong mga nandiyan, mga nakaharap sa customers, mga security guards, sales lady, merchandisers. Lahat po iyan kapag pumunta kayo sa isang lugar [garbled] mga vaccinated na ang mga nagtatrabaho doon.
Pangalawa, kapag tayo po ay [garbled] proseso nang re-opening na lahat naman po ay nag-a-agree na dahan-dahan tayong magbubukas [garbled] kung mas maraming vaccinated, ang mangyayari po nito, aasahan natin iyong tuluy-tuloy na pagbaba. Kahit tayo ay nagbubukas, tuluy-tuloy iyong pagbaba ng kaso lalo na ng mga severe at ng mga kamatayan, iyong death. Dahil po iyon ang talagang [garbled] kapag lahat ay [garbled] wala pang [garbled] tapos atras na naman tayo – ECQ, MECQ tapos GCQ tapos ECQ na naman.
So, iyon ang iniiwasan natin. And hopefully itong [garbled] sabi nga natin, magtutuloy-tuloy na iyong reopening ng walang alinlangan at wala pong surge.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po, Secretary Lopez. Now, we go back to Usec. Rocky po.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Trish Terada ng CNN Philippines para po kay Secretary Galvez: You previously mentioned that the government or vaccine cluster is expecting to reach six million jabs this week. How does the team intend to do this?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin ngayon ang ating datos. As of yesterday, ang ating total vaccination is 5,965,651. So, talagang by this day most likely mabi-breach natin iyong six million kasi ang target po natin ngayong month ay makakuha po tayo ng four million to five million.
So, makikita natin sa datos natin three weeks na po tayo na one million per week at medyo bumaba pa nga tayo ngayong week dahil kasi talagang medyo na-delay iyong deliveries natin. Iyong last week ng May wala po tayong nakuhang deliveries at ang last delivery natin is iyong kahapon na one million.
And we’re expecting to rise up our scale by next week considering that we will receive another 3.2 million from COVAX at saka iyong one million from Sinovac.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong niya ay: What percent of the target population in Metro Manila has so far been vaccinated?
SEC. ROQUE: Hindi malinaw iyong tanong.
USEC. IGNACIO: Ulitin ko na lang po, Secretary: Ano daw pong percent ang target population dito sa Metro Manila has so far been vaccinated?
SEC. ROQUE: Okay! Mayroon ba ho tayong datos sa Metro Manila kung ilan ng porsyentong nabakunahan? Mayroon bang datos? Mayroon ba ho? Well anyway, baka bukas po ibigay ko sa inyo ang datos kung ilan na iyong nabakunahan sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Next question po ni—
SEC. ROQUE: Mayroon na kayong preliminary data?
MMDA CHAIR ABALOS: Oo.
SEC. ROQUE: MMDA Chair Abalos.
MMDA CHAIR ABALOS: Spox, iyong sinabi ko kanina kulang-kulang—I think it’s 1.6 million for the first dose and about 600,000 for the second dose. Pero ang gusto ko lang hong sabihin sa inyo na kini-compute namin siguro in the whole of Metro nagtanong kami sa mga alkalde, 120,000 a day kayang-kaya pong gawin ng Kalakhang Maynila – 120,000 a day.
At ang maganda pa rito, nakipagtulungan pa ang private.Ang laking bagay po nito huh. And I’ll give you one example. Hindi lamang ang LGUs, titignan na natin ang institutions like for example MMDA, we only have two doctors and iyong inoculators namin are… iyong pong mga tumutulong sa amin doon sa emergency namin, we are doing 500 a day and these are just for two doctors.
Last week, nakausap ko si Director Distor of NBI, ang sabi niya sa akin, “Chairman, I got 487 doctors and nurses na puwede kong i-commit for the vaccination of Metro Manila.” Not mentioning the fact that we also have the PNP, si General Eleazar nakausap ko rin siya, ang sabi niya, “Matapos lang po namin ang pagbabakuna ng kapulisyahan tutulong rin po kami.”
So you see, the beauty of this is the manpower is not only coming from the local government units, from the national but at the same time from the agencies of government and the private sector.
May isang mall – Megamall, sa amin, they provided the site and the doctors and nurses. Robinson’s, I also talked with them, they provided a site and ini-refer ko dito sa Malabon kay Mayor Len Oreta, they will also provide for doctors and nurses.
So, other LGUs naggagalawan. Iyon ang maganda rito, iyong spirit of bayanihan ng private at ng gobyerno at ibang agencies of government. So, iyong sinasabi nila, huwag kayong mag-alala, kayang-kaya po ito sa Kalakhang Maynila.
SEC. ROQUE: Thank you, Chair. Margot Torres has the percentage for Metro Manila?
MS. TORRES: Yes. So, ang—
SEC. ROQUE: Paki-tanggal lang iyong shield, hindi marinig.
MS. TORRES: Hindi pala rinig. Hello? Okay, ang premise ko, ang population ng NCR – 14 million. Kung narinig ninyo si Chairman Abalos, 1.6 million na ang nag-first dose – 11% po iyon; 600,00 ang second dose – 4% po iyon noong population.
SEC. ROQUE: Okay. So, 11% na tayo. Okay! Go ahead!
USEC. IGNACIO: Last question po ni Trish Terada: China approved the EUA of Sinovac for age 3 to 17. How will this affect our vaccination program? For Secretary Galvez.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Secretary Roque or actually even Secretary Galvez. Sir, ano iyong documents that A4 workers have to present as proof that they are frontliners or iyong mga working outside their homes? May additional documents po ba na kailangan i-present or maybe a certification from their employer that they are actually field workers?
SEC. ROQUE: I think office I.D—Work ID would suffice ‘no kasi ngayon ang definition ng A4 is broad enough to include anyone who works outside of his home and a work I.D. would be sufficient.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And just to clarify, sir, iyong sectors you identified previously, we are disregarding that? We’re just opening it now basically to any worker who works outside of their residence, tama po ba?
SEC. ROQUE: Yes! Oo, in-expand na natin ang definition ng A4.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And then for Secretary Galvez. Sir, iyong 250,000 doses na Moderna arriving on June 31, tama po ba, this is just for private sector or may hati rin po dito iyong government?
SEC. GALVEZ: Iyong dadating ngayong June, kukuhanin natin lahat ano. Ini-expect natin iyong Sputnik nine-negotiate natin na mga one million na darating ngayon June. Ang Sinovac maganda dahil kasi it increased its volume to two million to 5.5 million this month. And then iyong Pfizer from COVAX, these are donations from COVAX – 2,280,000; and then iyong Moderna, mayroon tayong ano diyan, hati ang government sector at saka iyong private sector. Iyong 250,000, 55,000 ang ibibigay natin sa private sector and 195,000 doon sa government sector. And then also COVAX will provide another 2,028,000 AstraZeneca. So, all in all mga almost ten million ang darating ngayong June.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you, sir. And then lastly for Secretary Roque. Sir, can we just get Malacañang’s stance or reaction to Constitution framer Christian Monsod’s words earlier, he was saying that iyong push for President Rodrigo Duterte to run for Vice President is an insidious, ingenious move to circumvent the constitutional provision on reelection.
SEC. ROQUE: There is absolutely no ban for a President to run for Vice President. If you can show me a provision which bars the President to run for the position of Vice President then of course the President will honor that prohibition. But as it is, there is no literal provision on the Constitution that states that principle.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: If I could ask, dahil natapos ka na ng vaccination, do you have any adverse effects after vaccination?
PIA RAÑADA/RAPPLER: So far, wala naman.
SEC. ROQUE: And what’s your message to your fellow journalists who have not had their shots yet, if any?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Well, for sure everyone should get vaccinated. I mean, that’s the push naman po of everybody – to get vaccinated.
SEC. ROQUE: Thank you very much. Ang sarap ako naman ang nagtanong. [laughs] Thank you. Next please.
MELA LESMORAS/PTV: Thank you so much, Secretary Roque. Isang singit question lang din for Mayor Emi Calixto-Rubiano. Ma’am, tama po ba, nabanggit ninyo kanina 50 na lang iyong active cases sa Pasay?
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Yes po.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. And with these 50 cases na lang, with this development na open na rin sa A4, kailan natin makikita iyong pagkamit ng zero cases ng Pasay City?
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Gustong-gusto po talaga namin makamit iyang zero case sa Pasay City pero ang kailangan po talaga ang gawin ng mga mamamayan ay magpabakuna. Iyan po talaga ang aming target na ma-reach namin iyong population protection upang sasabay na iyong maging zero po ang case hindi lang sa Lungsod ng Pasay kung hindi sana sa buong bansang Pilipinas.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Thank you, Mayor. Now let’s go back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Mela Lesmoras. Itutuloy ko po iyong tanong ni Triciah Terada kasi naputol po, pinutol po ninyo ako. Last question ni Trish for Secretary Galvez: China approved the EUA of Sinovac for age 3 to 17. How will this affect our vaccination program?
SEC. GALVEZ: Ini-expect po natin talaga, anticipated po natin iyong pediatric vaccination. Nakita natin na nag-apply na ang Pfizer ng 15 and 12 years old and recently mayroong announcement ang Sinovac that they are now authorizing in China iyong 2 years and 17 years old, so ganoon din ang Moderna. So ang nakikita namin dito, mayroon tayong tinatawag na pediatric vaccination, may 39 million po tayo na population diyan. At iyan po ay ginawa po namin, ang implication niyan, we need to buy more vaccine, more or less 60 million. So ang ginawa po natin, ngayon, ongoing po ang ating mga negotiations sa ating pharmaceutical companies at vaccine companies para at least mag-increase tayo from original 158 million to 202 million kasama na po iyong COVAX. So ang implication na kapag magkaroon tayo ng opening ng pediatric vaccination is it will increase our demand for vaccines.
USEC. IGNACIO: Question mula kay Kris Jose para po kay Chairman Abalos, pero nasagot na po niya, iyong tungkol sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan. For Secretary Roque, tanong po ni Kris Jose para sa inyo: Reaksiyon daw po sa sinabi ni dating Senator Trillanes na maaari naman daw pong tumakbo ang kahit na sinumang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte kabilang na si Mayor Sara sa pagkapangulo para raw po maipakita ng mga Pilipino kung paano nila i-reject ito?
SEC. ROQUE: Well, bago ko po sagutin iyong kay Senator Trillanes, Senator Duque would like to add to the question earlier.
SEC. DUQUE: Yeah, maraming salamat po. We welcome this news of China’s Sinovac, expanding the indication for the Sinovac vaccines to include 12 to 15 years of cage. But that will not change the prioritization framework. We will still follow the prioritization framework and once the vaccines arrived and are sufficient to cover even this age group which the Sinovac has included as among the indications from 12 to 15. Pfizer is doing from 12 to 17. So all of these are a welcome development. Basta iyong prioritization sunod pa rin tayo, Salamat po.
SEC. ROQUE: Doon sa sinabi naman ni Senator Trillanes, well, I’m afraid he cannot claim to be the spokesperson of the people of this country. Malalaman lang po natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos po ng eleksiyon. Kaya nga po magkaroon tayo dapat ng eleksiyon.
USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong for Secretary Roque pa rin: Ano po ang masasabi ninyo sa naging pahayag ng opposition coalition 1Sambayan na itatakwil ng mga Pilipino ang Duterte-Duterte tandem sa election 2022 dahil selfish move daw po ito? Ang sabi po nito, nothing to the benefit of the people, but only to perpetuate power to one family. Labag din daw po sa Konstitusyon ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang bise presidente?
SEC. ROQUE: Well, sabi nga po ni Secretary Duque, see you on election day. Taumbayan po ang magdedesisyon diyan. At saka nakapagtataka naman, bakit kaya akalain ng eleksiyon ay sila ang tagapagsalita ng taumbayan. Eh kung titingnan mo ang mga surveys, wala pa pong limang porsiyento ang hindi sumusuporta sa ating Presidente. Bagama’t sinasabi nating kayo ay boses ng taumbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Now naman po, balik tayo dito sa mga magtatanong dito sa ating ground. Tawagin naman po natin si Naomi Tiburcio ng PTV.
NAOMI TIBURCIO/PTV: Hello po! Magandang tanghali po. Kay Secretary Lopez. Secretary Lopez, nabanggit po ninyo kanina, ano pa pong industry iyong puwedeng i-consider i-open lalo na at marami na po iyong mababakunahan?
SEC. LOPEZ: Anong industry, ano?
NAOMI TIBURCIO/PTV: Ang iko-consider po na i-open pa since marami pong mababakunahan na?
SEC. LOPEZ: Iyong mga naiiwan na lang. Kahit mga nabuksan na very limited iyong kanilang operating capacity. Remember, mayroon pa tayo sa indoor na 30% pa lang, so very limited pa. So, if ever ito iyong mga ina-adjust natin dahan-dahan lang. So again, we still follow that framework na very calibrated ang reopening natin. Kasi hindi pa naman lahat kasi nabakunahan.
What we are saying is that iyong doon sa mga nabakunahan probably they might have certain incentives also that the IATF will be discussing. Iyon nga iyong example, puwede silang lumabas, iyong mga dating hindi pinapayagang lumabas, o kaya in terms of iyong protocol sa quarantine na mga puwedeng pag-aralan pa, tulad nitong recently na inilabas ng IATF last Thursday, ay iyong quarantine period ginawang seven days kapag vaccinated. Iyon ay paraan in effect na shinorten na, pinaikli na iyong quarantine.
So several moves will be undertaken, will be studied para naman may benepisyo doon sa nagpabakuna and which is what we have been assuring also the public: Kapag magpabakuna kayo, ma-immune kayo or at least hindi maging severe ang inyong kaso at hindi kayo mamamatay. Dapat maramdaman din na benepisyo ng ating mga kababayan.
NAOMI TIBURCIO/PTV: Baka po may update sa incentives sa employees. Baka po iyong, previously nabanggit ninyo, may mga food, baka may update po kayo diyan?
SEC. LOPEZ: Iyon po ay binibigay na ngayon ng mga maraming kumpanya, ng mga kasama natin dito sa food industry. Nagbibigay sila ng either discount or freebies. Nabalitaan ko nga last week nasa SM din kami, another SM, they gave free turon, iyong mga ganoong benepisyo. Pero ang sabi ko nga ang talagang benepisyo ay iyong doon sa nagpabakuna ay siguradong hindi kayo mamamatay, iyon ang pinaka-safe at pinakamagaling na benepisyo sa inyo.
NAOMI TIBURCIO/PTV: Thank you po.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. I will exercise my leeway ‘no, baka naman iyong iba pang mga taga-Malacañang Press Corps, may question kayo, itanong na ninyo ngayon, kasi nami-miss ko na kayo mismo ang nagtatanong ng mga tanong ninyo. Si kasamang Henry yata ay..?
MELA LESMORAS/PTV 4: Yes, susunod po nating tawagin si Henry Uri ng DZRH.
SEC. ROQUE: Okay, go ahead. Tapos maski hindi nakalistang Malacañang if you want, because you are here anyway, you can ask your questions. Please!
HENRY URI/DZRH: Thank you, Secretary Harry. First question, Secretary Mon. March ang record ng PSA, ang unemployment rate ay 7.1%. February, mayroon tayong recorded na 4.2 million; pagdating ng March may 3.4 million, bumaba ng kaunti ang unemployment rate. Pero kung iko-correlate natin sa mga gustong magpabakuna, ang latest survey, ang sinasabi ng SWS, marami pa rin ang ayaw magpabakuna dahil natatakot. Thirty-two percent lamang ang willing magpabakuna. Now, my question is: Ano ang malaking banta sa ekonomiya, sa kabuhayan ng mga Pilipino kapag pinairal ang takot at ayaw magpabakuna? Mas marami ba ang magsasarang kumpanya, mas marami ba ang mawawalan ng trabaho lalo ngayong magpa-Pasko?
SEC. LOPEZ: Definitely ‘no. Kapag hindi po sila nagpabakuna, hindi tayo makakasulong sa gusto nating mangyari na tuluy-tuloy na reopening ng ekonomiya at tuluy-tuloy na pagbalik ng ating mga kababayan sa trabaho. Remember, noong dati po, before pandemic ang ating unemployment rate ay nasa 4.5 hanggang 5%. So iyon po ng ideal level natin na makabalik man lamang tayo doon. Right now, nasa 7 plus pa tayo. So malayo-layo pa rin iyan kung bibilangin mo iyong number ng tao na hindi nakakabalik sa trabaho. Kaya importante po talagang makabalik sa trabaho, importanteng magpabakuna po ang lahat.
At ang sa amin po sa mga datos at based on sa mga indication doon sa mga economic frontliners, mas marami po ang gustong magpabakuna diyan kaysa po doon sa mga seniors at may comorbidities. In fact, doon sa seniors ang mas mababa pa ang level, kaya tuluy-tuloy na iyong ating mga encouragement at mga kampanya na importante iyong magpabakuna, kaya dumagdag na rin, binigyan pa rin sila ng green lane. Sa pag-umpisa ng A4, ang green lane priority A1, A2, A3.
So para ho makahabol diyan tayo sa seniors at may comorbidity. Pero sa economic frontliners, marami naman hong gustong magpabakuna diyan.
HENRY URI/DZRH: Thank you, Secretary Mon. Secretary Galvez, sir, with your indulgence: Paano pa ho natin ilalapit sa mga ordinaryong Pilipino at ordinaryong manggagawa ang bakuna? Ano pong mga mas naiisip pa na paraan ng inyong tanggapan?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin na iyong ating mga LGUs at saka nag-uusap po kami ni SILG, Secretary Año, na talagang i-maximize ng mga LGU ang kanilang mga effort in order to access iyong vaccine from their community.
So nakikita natin na …katulad ni Mayor Menchie, talagang umiikot ang kaniyang mga vaccinators and even iyong mga senior citizens ay binabahay-bahay ng ating mga LGUs at saka iyong tinatawag nating mga BHERTs in order to encourage them to be vaccinated.
Itong sa ating mga ano, sa A4 naman, nakikita natin na—gagawin natin talaga na iyong …i-expand natin iyong mga vaccination centers doon sa mga commercial areas and at the same time, we are very thankful na iyong private sector they are volunteering their different establishments and their own services in order to access their own employees and their own families.
So ang ginagawa po natin, ang istratehiya po na ginagawa po natin ngayon, hindi lang po iyong economic workers at saka iyong mga vaccinee ang ating tina-target but also the whole family. Nakakatuwa nga kasi sa mga villages na pinupuntahan din namin na talagang iyong mga pamilya, for example, iyong mga workers na mababakunahan natin, we are encouraging them na kasama iyong kanilang mga pamilya, iyong mga nanay at saka tatay na mga senior citizens ay mabakunahan na rin.
We accept na mayroong hesitancy na nakita natin, pero we are working our effort … the LGU, the DILG and the national government and also the private sector are harnessing their influence and their effort para ma-educate at maimpormahan ang ating mga kababayan na talagang ang ating kinabukasan at ang ating solusyon sa pandemyang ito ay iyong vaccination talaga. Dahil ang sinasabi nga natin na every citizen has moral obligation to be vaccinated in order to have their own family, their own community to be protected.
HENRY URI/DZRH: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: May idadagdag lang si Margot on SWS survey.
MARGOT TORRES: Thank you, Secretary Roque. I wanted to share lang sana iyong SWS survey na brining up po. Tama ka, mga 32% ang willing. Pero kapag brineyk down mo siya at tiningnan mo iyong some college and college graduate, umaabot iyan ng 50 plus percent. Tapos kapag tinignan mo by region, sa Metro Manila, 41% iyon. So importante yata intindihin natin iyong lalim ng detalye para alam natin sino iyong kailangan pang i-convince.
Second point, hindi lang iyong willingness number ang dapat mong tingnan sa research. Ang titingnan natin ay iyong uncertain, hindi sigurado, about 50% iyan. Hindi sila humihindi, hindi lang sila sigurado. Wait and see sila. Kaya kapag mas marami na ang nagpabakuna at nakita nila ‘Uy, medyo okay na,’ maku-convince din iyong ating mga kababayan na sumunod.
So kailangan din intindihin ninyo sa research, bakit hindi sila sigurado? Ano iyong mga rason? At madalas lumalabas since last year – safety, efficacy, side effects. Madaling ma-address iyon kapag tama iyong edukasyon na binigay natin sa mga Pilipino.
SEC. ROQUE: Thank you, Margot. May isa pang survey din ha na nauna nang ginawa – maaga itong ginawa ng SWS – na about 70% will have themselves vaccinated kapag nakita nila iyong ibang nagpabakuna na.
HENRY URI/DZRH: I myself, ini-encourage ko iyong mga kapuwa ko manggagawa na magpabakuna na kayo sapagka’t, well, ito iyong susi sa ekonomiya. But last one question, Secretary Harry. Bakit kailangang may Pangulong Duterte pa tayo na pag-usapan sa susunod na eleksiyon kung anuman ang posisyon ang kaniyang—well, vice president iyong sinasabi. Anong pangangailangan ng bayan, why do we need Vice President Duterte in 2022 and beyond?
SEC. ROQUE: In the first place, he was nominated. At ang sagot ko lang naman diyan, siyempre kailangan sagutin iyong nominasyon kaya pinag-iisipan. Pero wala pa pong desisyon ang Presidente.
Pero tama po kayo, sa paghalal ng ating mga namumuno, kinakailangan tignan ang kakayahan, tignan ang kanilang eksperyensiya, tignan ang napakadaming problema ng bayan na kinakailangang bigyan ng lunas.
MELA LESMORAS/PTV4: And, Secretary Roque, since …with your order, tatapusin po natin iyong mga nandito sa on ground. Ang huling magtatanong po mula dito sa ating location ay si Jacob Lazaro ng One News PH.
SEC. ROQUE: Go ahead. Siguro ubusin na lang natin ang tanong dito sa present kasi we’re out of time. Secretary Galvez and Secretary Duque and myself will be flying to Davao on a 2 o’ clock flight. Go ahead, please.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Hi! Thank you so much for accommodating me. Three questions lang po. First is iyong minensyon na first phase and second phase ng A4 vaccination. Uubusin po muna ba iyong 13 million dito sa NCR bago tayo mag-accommodate ng A4 workers sa second phase which are the …those from the outlying provinces?
SEC. GALVEZ: Iyong ginawa lang natin is nag-ano tayo, nag—iyong NCR+ ang ating inuna dahil kasi the NCR was able to …already exhaust iyong A1, A2 and A3. At saka iyong strategy natin is iyong center of gravity.
Pero kapag nakita natin iyong sa—mayroon tayong directives sa mga LGU na once na they have already finished iyong A1, A2, and A3, other LGUS outside of Metro Manila can also follow. So, iyon ang directive natin.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: So, Sir, uubusin po muna talaga iyong 13 million A4 dito sa—
SEC. GALVEZ: No, no, no. That’s not! Kasi ang gusto nga ng ating mahal na Presidente equitable iyong distribution ng ating vaccine hindi lang po sa NCR kasi ang kasama po natin, may mga expansion areas po tayo na mayroon pong tinatawag nating ongoing surge. So, ang atin pong policy is that inuna lang po natin ang NCR Plus Eight considering na center of gravity, dahil kasi para makapag-open-up ang ating economy. But once na natapos din ang other regions iyong kanilang priority A1, A2 and A3, they can already start and if they have enough vaccines for their citizens.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Okay po. Second question lang po para doon sa informal sector workers natin. Since wala naman po talaga sila masyadong legal documents, ano po iyong kailangan nilang ipakita para ma-vaccinate po sila?
SEC. GALVEZ: Well, karamihan naman po, ang ginagawa natin sa informal sectors natin, ang ating mga LGUs mayroon tayong tinatawag na mga zoning ano, zone vaccination area wherein sa mga barangays, kilala ng mga barangay captains kung sino iyong mga informal workers nila and alam nila kung sino iyong mga drivers, sino iyong mga market vendors and also iyong tinatawag nating daily wage earner.
And with that, kaya nga ang ginagawa ng ating mga LGU ay talagang ino-organize ang ating tinatawag na master list. Kasama sa master listing po nila iyong mga tinatawag nating informal settlers/workers. So, kaya po nila iyon through iyong zoning ano po nila and through the registration ng mga barangay captains po natin na sila po ang magma-manage na po noon.
And maybe si Ma’am [Calixto-Rubiano] po, alam po nila iyan.
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Opo. Kami po ay bumababa talaga sa bara-barangay at mayroon po kaming registered barangay inhabitants. Nandudoon na din po iyong klase ng skills ng aming mamamayan at kung ano po iyong trabaho nila at puwede rin po naming hingian sila ng certificate na sila ay driver, sila ay member ng TODA/PODA, sila ay nagtitinda sa palengke, sila ay kasambahay. Iyon po ang aming tinitingnan dito sa Lungsod ng Pasay.
SEC. ROQUE: At halos lahat naman po ngayon may I.D eh kasi kahit tindera sa palengke may asosasyon iyan at nagbibigay po iyan ng I.D. Kung ikaw ay driver, mayroon kang driver’s license na professional. Pati po ang mga motorcycle drivers ay mayroon po iyang special na driver’s license na niri-require.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: So, basically, any closest legal ID that they can show?
SEC. ROQUE: Opo.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Pero if ever po wala talaga, ang mangyayari na lang is basta kung sino na lang ang kilala ng barangay captain na ito, siya ang mabibigyan ng vaccine? If in case wala po talaga?
SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang natin kagaya ng sinabi ni Mayor ‘no, bumababa ang mga LGUs at kilala nila kung sino ang mga nasa barangay.
PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Opo. And if I may? Naka-pre-register po iyan, binababaan namin at inililista na po. Puwera sa online, mayroon pa po kaming manual na talagang binibisita bawat bahay doon sa barangay.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Okay. Last question na po, tungkol doon sa one million Sinovac na dumating. Na-distribute na po ba ito sa mga LGUs sa Metro Manila? And kailan po mag-ii-start iyong A4 vaccination on the LGU level?
SEC. ROQUE: Well, ang proseso po pagdating ng Sinovac mayroon po iyang certificate of analysis bago po iyan ikalat. So, sa ngayon po, kakadating lang po kahapon, ilang araw lang naman po iyang kinakailangan nila para magkaroon ng certificate of analysis tapos ang track record natin, eh mabilisan naman po iyong distribution.
Secretary Galvez or Secretary Duque?
SEC. DUQUE: Salamat Spox. Tama po kayo, iyong sinabi ni Spox, inuumpisahan na rin kasi mayroon ng allocation plan. So, kung ano iyong dumating mayroon na iyang kaagad automatic allocation plan na ini-implement at ang ginawa naming pagbabago, imbes na hintayin iyong certificate of analysis, ibaba na muna iyong bakuna doon sa mga pamahalaang lokal at nakalagay doon, may undertaking na hindi muna nila ibibigay hangga’t wala pang certificate of analysis. So, we cut the distribution time shorter ‘no. So, iyon ang bagong ginawa natin.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: So, most likely po ba mag-ii-start sila within the week or next week ng A4 vaccination?
SEC. DUQUE: Well yes, because there are already 380,000 doses na mayroon ng certificate of analysis of the one million na dumating, so, puwede na iyon umpisahan.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Maraming salamat po. Thank you.
SEC. ROQUE: Siguro last few questions na ang from those physically present because we’re out of time, we have to go.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Secretary, isang pahabol na magtatanong lamang. Si MPC member Catherine Valente ng The Manila Times.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Yes. Good afternoon po. To Secretary Duque, sinasabi po sa guidelines na ang age stratification [prioritization] guidelines is based on vaccine supply pero puwede naman po ba ang mga company cannot follow iyong age prioritization at mag-vaccinate na lang po doon sa mga empleyado na hindi na bini-base sa age?
SEC. DUQUE: Ang IATF Resolution dito ay permissive. In other words, ang ideal is sundin pa rin within A4 iyong age prioritization 40 – 59 kasi alam natin habang tumatanda from 40 above, diyan din tumataas ang bilang o porsiyento ng pumapanaw dahil sa severe COVID-19.
So, puwedeng maganda na ito, gawin ng ating mga LGUs pero kung tingin nila kailangan nang ibigay ito even lower than 40 – 59, puwede naman nilang gawin din iyan based on the IATF Resolution.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Okay. Thank you, Sir.
SEC. ROQUE: Okay. I think we are out of time. We’d like thank all of our guests today. Umalis na po si Chair Abalos, Secretary Galvez, Mayor Calixto-Rubiano, Secretary Duque, Secretary Lopez, and of course si Ms. Torres of the private sector, Margot Torres.
So, in behalf of the Presidente po, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo dito sa symbolic vaccination ng A4 at sa ngalan po ng ating Presidente, ang mensahe niya, nagsimula na po tayong magbabakuna sa ating mga nagtatrabaho dahil ang alam po natin ang pagbabalik-buhay natin ay nakasalalay po sa bakuna. Magpabakuna na po tayo.
Magandang umaga po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)