SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Humarap kagabi si Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular Monday Talk to the People Address. Ito po ang preliminarily approved community quarantine classifications para sa buwan ng Hulyo dahil ito po ay subject to appeal pa hanggang mamayang gabi po iyong mga LGU na gustong mag-apela ay pupuwede po.
Basahin po natin iisa-isa ang mga lugar na mapapasailalim sa MECQ, GCQ at MGCQ. Tingnan po natin ang graphics ‘no.
Para po sa mga lugar na mapapasailalim ng MECQ hanggang 15 July 2021, ang mga probinsiya ng:
- Cagayan
- Apayao
- Bataan
- Lucena City
- Puerto Princesa City
- Naga City
- Ang Iloilo City
- Iloilo Province
- Probinsiya ng Negros Oriental,
- Mga Probinsiya ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte
- Cagayan de Oro City
- Ang buong Davao Region ‘no kasama po ang Davao City, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao del Norte
- Butuan City
- Dinagat Island
- Surigao del Sur
Ang mga lugar naman po na mapapasailalim under GCQ: Ang NCR, Rizal, Bulacan ay mayroon pong kaunting restriction. Dalawa lang po ang restriction na iyan: Forty percent pagdating sa mga gyms at 40% din po at 40% pagdating sa dine-in. Otherwise, parang ordinaryong GCQ na po iyan.
Ang mga Probinsiya ng Laguna at Cavite ay nasa ilalim po ng heightened restriction.
Now, sa ilalim ng heightened restriction po:
- Wala pong entertainment
- Walang recreational venues
- Walang amusement parks
- Walang traditional cockfighting
- Wala pong contact sports, walang indoor sports
- walang indoor tourist attraction
- 30% po ang allowed for services sa mga personal care services kasama ang salons, parlors at beauty clinics
- Thirty percent po ang allowed sa outdoor tourist attraction
- Allowed naman po ang staycation hotels basta susunod po sa minimum public health standards, safety protocols at saka wala rin po itong age restriction
- Twenty percent po ang kanilang indoor dining, pero kapag mayroong Safety Seal, pupuwedeng maging additional 10%
- At sa outdoor dining ay 50%.
Iyong mga religious worships po, iyong mga wakes sa GCQ with heightened restrictions ay limitado po to 10%. Allowed po ang inter-zonal travel pero subject to destination LGU restrictions.
Now, so bukod pa po sa Laguna and Cavite, kasama rin po sa GCQ ang:
- Baguio City
- Probinsiya ng Ifugao
- City of Santiago
- Probinsiya ng Nueva Vizcaya
- Probinsiya po ng Quirino
- Probinsiya ng Batangas
- Quezon Province
- Guimaras
- Aklan
- Bacolod City
- Negros Occidental
- Antique at Capiz
- Zamboanga Sibugay at ang City of Zamboanga
- Iligan City
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani, Cotabato and South Cotabato
- Agusan del Norte
- Surigao del Norte
- Agusan del Sur
- Cotabato City
Now, lilinawin ko lang po na mayroon pong bagong rule: Kapag naka-MGCQ po, allowed na po ang recreational venues gaya ng net cafés, billiards and arcades. Ito po ay sa lugar lamang na MGCQ. Bawal pa rin po ang live sabong. Ang pinapayagang lang po ay iyong mga e-sabong na lisensiyado po ng PAGCOR, at ito po iyong mga sabong na ginagawa sa studio na wala pong mga audience. Tanging e-sabong lang po ang allowed.
Okay, in-extend po ng inyong IATF ang travel restrictions sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, United Arab Emirates at Oman hanggang a-kinse ng Hulyo ngayong taon. Isa itong proactive measure sa patuloy na pagpapatupad ng international border control dahil sa COVID-19 Delta variant.
Kahapon po ay may nagtanong kung magkakaroon ng travel ban din po sa Indonesia, wala pong travel ban sa Indonesia bagama’t papaigtingin po natin ang ating border control dahil pinagbabawal naman po ang pagpasok ng mga dayuhan except kung mayroon po silang mga long-term visas.
Inaprubahan din po ng inyong IATF ng request ng Philippine Swimming, Inc., na i-host ang Israeli national swimming team para sa kanilang pre-Olympic training sa ilalim ng sports bubble format sa New Clark City Aquatic Center sa Capaz, Tarlac mula a-otso hanggang bente uno ng Hulyo ngayong taon. Kailangan nilang sumunod sa health at safety protocols.
Mantakin ninyo po ha, dati tayo ang nagti-train sa ibang bansa dahil wala tayong facilities. Ngayon, ang mga dayuhan po ang nagti-train sa ating mga facilities. Congratulations po sa New Clark City at sa BCDA!
Samantala, effective itong Huwebes, July 1, 2021, ito po ang magiging guidelines pagdating sa inbound international travel ng fully vaccinated individuals na nabakunahan sa Pilipinas regardless of history at iyong mga nabakunahan sa ibang bansa who stayed inclusively sa mga tinatawag na green countries or jurisdictions na nakaraang labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas.
Una, ano po ba ang green countries or jurisdictions? Ito iyong low-risk countries ayon po sa Department of Health. Sino naman ang fully vaccinated individuals? Naka-flash sa inyong screen ang mga ito. Basahin natin isa-isa:
- An individual shall be considered as having been fully vaccinated for COVID-19 if more than or equal to two weeks after having received the second dose in a two-dose series.
- More than or equal to two weeks after having received a single-dose vaccine.
- The vaccines administered to the individuals are included in any of the following:
Ø EUA list or compassionate special permit issued by the Philippine FDA
Ø Emergency Use listing of the WHO
Kinakailangan hawak-hawak ng fully vaccinated individuals ang proof ng kanilang vaccination status. Kung kayo ay fully vaccinated sa Pilipinas, kailangang dala ninyo ang inyong vaccination card na kinakailangan i-verify po ninyo bago kayo umalis ng Pilipinas. Malinaw po iyan ha. Kailangan ng certificate na maaaring makuha sa certification vaccination record portal ng Department of Information and Communication Technology o ng City Health Officer ng lokal na pamahalaan na nag-administer ng full vaccination.
Sa mga nakatanggap naman ng full vaccination sa labas ng Pilipinas, kinakailangan dala rin ninyo ang opisyal na dokumento na nagsasabi na sila ay nabakunahan na. Ito ay kinakailangang validated ng Philippine Overseas Labor Officer o mga POLOs, o kaya magpresinta ng international certificate of vaccination. Kinakailangang ipresinta ito sa dedicated Bureau of Quarantine representative para sa reverification sa one-stop shop ng Department of Transportation pagdating po sa Pilipinas.
Ang tanong: Kinakailangan pa ba ho mag-quarantine ang mga bakunado na? Ang sagot: Oo po, required pa ring sumailalim sa pitong araw na facility-based quarantine pagdating sa bansa whether fully vaccinated sa Pilipinas or abroad. Ang kanilang date of arrival ang magsisilbing unang araw ng quarantine. Titiyakin po ng Bureau of Quarantine ang strict symptom monitoring habang nasa facility quarantine ng pitong araw ang duly vaccinated na pasahero. Pagkaraan ng pitong araw ay kailangan pa ring mag-self monitoring for another seven days.
Sa mga pasaherong nasa 7-day facility quarantine, kailangan nilang mag-RT-PCR testing sa panlimang araw ng kanilang facility-based quarantine. Kung sakaling magnegatibo, kailangan pa ring kumpletuhin ang pitong araw ng facility quarantine. At kung sakali namang magpositibo, kinakailangang sundin ang prescribed isolation protocols.
Itong testing requirement na binanggit ko ay sasailalim pa rin naman sa review tatlumpung araw pagkatapos itong ma-implement.
Pagkatapos makumpleto ng pitong araw sa facility quarantine, makakatanggap ng quarantine certificate mula sa Bureau of Quarantine kung saan nakalagay ang vaccination status ng pasahero.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang ranking sa Pilipinas sa mundo, ito po ay sang-ayon sa Johns Hopkins University:
- Number 24 pa rin po ang Pilipinas pagdating sa total cases
- Number 25 po tayo sa active cases – bahagyang bumaba
- Number 131 po tayo sa cases per 100,000
- At Number 90 po tayo sa case fatality rate na nanatiling 1.7%
Mayroon tayong 5,064 sa mga bagong kaso ayon po sa June 28, 2021 datos ng DOH. Muling tumaas ang ating recovery rate, ito po ay nasa 94.6; nasa 1,327,103 na po ang mga bilang ng mga naka-recovery. Salamat po sa ating mga medical frontliners.
Samantala, malungkot ko pong binabalita na nasa 24,456 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami sa naulila. Nasa 1.74% nga po ang ating fatality rate.
Sa ibang usapin, may tatlong mahalagang Executive Order na nilagdaan ang Pangulo noong Biyernes, June 25, 2021.
Pinirmahan ni Presidente ang Executive Order no. 140 na nag-adopt ng National Employment Recovery Strategy (NERS). Papalawigin nito ang trabaho, negosyo, kabuhayan initiative kung saan ikinukonsidera ang mga pagbabago sa labor market dala ng COVID-19 pandemic at bagong teknolohiya. Dagdag ng EO 140, bubuo ng isang National Employment Recovery Strategy Task Force kung saan ang chair ay ang Secretary ng Department of Trade and Industry at ang co-chair ay ang magiging Secretary ng Department of Labor and Employment at Director General ng Technical Education Skills Development Authority.
Nilagdaan din ng Pangulo ang Executive Order no. 141 na nag-adopt bilang pambansang prayoridad ang pagpapatupad sa mga hakbang para sagutin ang ugat ng tumataas na bilang ng teenage pregnancies. Kaugnay nito, inatasan ang government agencies and instrumentalities na tukuyin at ipatupad ang practicable interventions na may kinalaman para maiwasan ang adolescent pregnancies.
Napirmahan din ng Pangulo ang Executive Order 142 kung saan inaprubahan ang merger ng Land Bank of the Philippines at United Coconut Planters Bank (UCPB) at acquisition ng Land Bank ng special preferred shares ng Philippine Deposit Insurance Corporation ng UCPB. Ang Land Bank po ang magiging surviving entity.
At sa iba pang bagay, nakikiramay po kami sa pamilya, kasamahan sa trabaho at mahal sa buhay ni Mr. Gary Olivar, dati rin pong nagtrabaho dito sa Palasyo bilang Economic Spokesperson ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Condolences po and you will be missed.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Bago ho tayo pumunta sa ating open forum with our colleagues dito sa Malacañang Press Corps, kasama po natin ang Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega.
Sir, nais lang pong tanungin ng ating mga kababayan ‘no, mukhang sa kauna-unahang pagkakataon po pinakamaraming lugar ngayon sa Pilipinas ay mapapasailalim sa Modified ECQ at kasama na po ang buong Davao Region ‘no. So, ano pong mga hakbang ang dapat gawin ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ? Ano po ang tulong na maaasahan nila galing po sa DOH at sa IATF? Usec. Vega, the floor is yours.
DOH USEC. VEGA: Good morning, Spox Harry! Good morning to all the listeners!
Unang-una ho, napansin na ho natin na dahan-dahan nang bumaba ang active new cases dito sa National Capital Region. However, sa mga provinces po mapapansin natin nagkakaroon ng surge lalung-lalo na sa Region V, Region VI, sa CARAGA area, Region IX, XII, and XI. Ito ay designated na nga sila ngayon as a high-risk classification dahil mataas po iyong ADAR (average daily attack rate) at saka iyong two-week growth rate at napapansin na rin namin na mataas na rin ang kanilang HUR (hospital utilization rate) both sa COVID beds at sa intensive care units.
Ang masasabi po natin dito, Sec. Harry, ang two strategies talaga ang gagawin natin at nagawa na rin ito dito sa Metro Manila, sa NCR and some provinces na talagang aggressive ang PDITR – ang prevention, detection, isolation and quarantine ng mga positive or contact trace ng mga pasyente. Ang kailangan ho, ang compliance talaga ng ating minimum public health standard at saka iyong detection, isolation in less than 48 hours. Alam natin na if we can do that mas maigi nating mapababa ang transmission ng virus.
On the other hand, kailangan din nating ma-scale-up rin ang vaccination process dahil alam namin ito rin iyon isang pamamaraan na magkaroon din ng population protection. So, nag-ii-scale-up, nagre-reallocate na rin ng mga vaccines lalung-lalo na sa high-risk classification areas.
Ang tulong naman ng Department of Health, sunod-sunod na po ito lalung-lalo na sa mga high-risk areas, nagpadala na po kami ng mga health-care workers positions at ito ay siguro mga 93% positions na ang na filled-in across the country at more specifically in areas na may high-risk.
Nagpadala na rin kami ng mga critical care resources kagaya ng mga mechanical ventilators, BiPAP machines at saka High Flow Nasal Catheters and some medicines lalung-lalo na sa mga high-risk classified provinces na na-identify ng IATF. At saka po magbibigay din kami ng support in terms of deployment of workers from other low-risk areas to man certain critical areas din sa mga high-risk areas.
So, ito iyong ano po natin, Sec. Harry, in terms of our response sa mga high-risk areas na na-classify ng IATF.
SEC. ROQUE: Usec., mayroon ba tayong mga bubuuing mga One Hospital Command Center doon sa mga lugar na mataas, for instance po sa Davao Region ‘no, kasi isang rehiyon siya? Mayroon na ba hong counterpart na One Hospital Command Center doon?
DOH USEC. VEGA: Tama, Sec. Harry. Ito iyong ginawa po namin. Gumawa talaga kami ng mga Regional One Hospital Command kasi alam natin ito iyong mga pamamaraan na magkaroon ng coordinated care and proper referral to the facilities whether it’s a hospital or a quarantine or isolation or testing.
So, sa Davao area po mayroon na kaming One Hospital Command doon, regional at sa CARAGA area mayroon na ring One Hospital Command pati na rin sa Northern Mindanao. Ito ho iyong ginagawa para ho maganda ang coordination in terms of patient navigation lalung-lalo na sa mga patient needing critical care na mabigyan sila ng access with other hospitals.
SEC. ROQUE: Iyong mga mobile hospital po, mayroon ba ho tayong itatayong mga mobile hospital dito sa mga lugar na mayroong recent surges?
DOH USEC. VEGA: Hindi po mobile ang tawag po diyan, Spox Harry, but these are modular hospitals.
SEC. ROQUE: Modular! Modular po, I stand corrected.
DOH USEC. VEGA: Yes, Secretary. These are fixed hospitals capable of critical care at sa mga provinces ngayon, ang under construction ay nasa Zamboanga, Zamboanga Sanitarium to be managed by Zamboanga Medical Center, that’s about mga 32 beds. Dito naman sa Southern Philippines Medical Center in Davao Region, mayroong mga 42 beds din na gagawin para for the critical care especially in those areas.
SEC. ROQUE: Iyong mga Remdesivir po at ibang gamot, nagpadala naman po tayo ng reinforcement?
DOH USEC. VEGA: Ang Remdesivir actually compassionate use pa hanggang ngayon iyan so ang pag-procure niyan is through a compassionate use through the different institutions. So, ang ginawa po natin dito sa Central Office ay nag-allot kami ng for maintenance and of course procurement of these medicines – Remdesivir – by the different hospitals, so bawat region po, bawat retained hospitals in the regions were given some allotment to buy the necessary medicines specifically Remdesivir for the treatment of COVID-19.
SEC. ROQUE: Last question na lang po ano, kasi may mga lugar gaya ng Iloilo City na nagrereklamo na isa pang problema nila hindi nababayaran ng PhilHealth iyong mga ospital. Namo-monitor ba ho natin iyong PhilHealth payments lalung-lalo na dito sa mga lugar na mayroong mga resurgence of cases?
DOH USEC. VEGA: Tama iyan, Spox Harry. Iyong strategy po na ginawa dito sa Metro Manila Plus noong April and May ay kinausap po natin iyong PhilHealth through the PhilHealth President Dante Gierran to come up with a mechanism para mabayaran po iyong public and private hospital for financial sustainability. Alam natin na mahirap talaga iyong panahon ng COVID lalung-lalo na kapag wala ng ibang other revenues coming from non-COVID sources.
So, ang ginawa po ng PhilHealth eh nagkaroon sila ng debit-credit mechanism at ia-apply din nila ito in high-risk areas or provinces para ho magkaroon ng reimbursement iyong mga valid claims, mga at least 60% ng mga valid claims has to be paid through the debit-credit mechanism by PhilHealth.
SEC. ROQUE: Maiba naman tayo, Usec. Vega ‘no. In a few days mapapaso na po iyong Bayanihan 2, a couple of days back 9 billion po ang ini-release ng ating DBM para sa mga special risk allowance ng mga health workers na dealing with COVID patients ‘no. Ang tanong po dahil may natitira pa pong 9 billion, mayroon pa ba ho kayong inaasahan na ire-release ng DBM para sa health-related expenses natin bago mapaso ang Bayanihan 2?
DOH USEC. VEGA: So far, ang 9 billion iyong for the SRA, nagkaroon ng admin order coming from the Office of the President noong June 1, iyong June 16 nagkaroon din ng joint circular ang DBM at DOH for this SRA of all health-care workers at saka noong June 25, Spox Harry, nasa sub-alert pa rin sa Department of Health iyong 9 billion for SRA at on the same date ho sinub-alert (sub-alert) namin sa different regions to cover iyong mga public at saka iyong mga private institutions sa LGU na mga health-care workers na directly in contact or directly catering to COVID patients, naibaba na ho namin iyon, mga 7 billion po iyon. At saka sa lahat ng mga hospitals under the Department of Health, close to 2 billion.
So, we are expecting na ang disbursement ho nito will be until Wednesday so most probably by that time lahat ng mga health-care workers, both public and private hospitals, will receive their benefits sa SRA.
SEC. ROQUE: Okay! Maraming salamat, Usec. Vega. Please join us for our open forum at simulan na po natin. Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque and Usec. Vega.
From Leila Salaverria of Inquirer: What prompted the President to consider running for VP and what are the things he would like to continue?
SEC. ROQUE: Sinagot po iyan ni Presidente ‘no, mayroon po siyang unfinished business pagdating po sa droga, pagdating po sa korapsiyon. Pero ang sabi naman po niya, eh kinukonsidera niyang tumakbo only if there is space for him, kung wala naman po ay okay din naman po.
USEC. IGNACIO: Iyong question po na susunod ni Leila: What does he plan to do as VP when he has hardly given the current Vice President a role in his administration?
SEC. ROQUE: Nasagot din po niya iyan na ang isang nakikita niyang problema na kung siya ay tatakbong VP ay baka kontra-partido sila ng Presidente at hindi rin niya magagawa iyong unfinished business niya. So binanggit din po niya iyan bilang isang balakid.
Okay, tapos na yata si Usec. Rocky. Mela Lemoras, please.
MELA LESMORAS/PTV 4: Good afternoon, Secretary Harry at kay USec. Vega. Secretary Roque, unahin ko lang po iyong sa quarantine classifications. If preliminary approved na po ito, magkakaroon po ba ng second Talk to the People? At kailan po kaya iaanunsiyo naman iyong final approved na quarantine classifications?
SEC. ROQUE: Wala munang schedule ang second Talk to the People during the week, pero baka tayo na po ang mag-a-anunsiyo ng final, kasi binigyan po hanggang mamayang gabi ang mga LGUs para mag-apela at magkakaroon kami ng IATF meeting on Wednesday kung saan aaprubahan po iyong final quarantine classification.
MELA LESMORAS/PTV 4: So anytime po ng Wednesday, maaari pong magkaroon kayo ng anunsiyo since June 30 na po, tomorrow, tama po ba Spox?
SEC. ROQUE: Opo, 2 P.M. po iyong meeting. So, I will either issue a statement or record an announcement, pagkatapos po ng IATF meeting.
MELA LESMORAS/PTV 4: And, Secretary Roque, isa lang po doon sa mga malaki na inyong inanunsiyo iyong about doon sa magaang quarantine and testing protocols doon sa mga from green countries or jurisdiction. Magkakaroon po ba ng listahan ang pamahalaan kung anu-ano itong mga bansang ito? At maaari po bang magbigay ng mga example kung ano iyong low-risk COVID-19 countries and jurisdiction po?
SEC. ROQUE: Magkakaroon po ng listahan ang DOH. Antayin na lang po natin iyan. Pero po ito po iyong mga bansa na wala pong problema na pagkatiwalaan iyong kanilang certificate of vaccination.
MELA LESMORAS/PTV 4: And, sir, panghuli na lamang from Karen Villanda of PTV lamang, sir. Tumigil po sa pagbabakuna ang Taguig ng first at second dose ng Sinovac dahil po sa kakulangan ng COA o iyong clearance para sa dumating na supply sa kanila ng bakuna recently. Ganoon din po sa Pasay, nagkaroon din po ng problema sa COA. Ano po ba iyong aksiyon ng national government para mapabilis ito at dahil nagiging dahilan ito ng delay para maiturok na iyong mga dumadating pong supply?
SEC. ROQUE: Well, ang galing po talaga at nagko-congratulate kami sa ating mga LGUs dahil napakabilis po talaga nilang magbakuna, at the same time humihingi po kami ng abiso, nandiyan naman po iyong bakuna. Kahapon nga po habang ako ay papunta ng Malacañang, nakita ko iyong convoy na dala-dala iyong latest one million na Sinovac. So hindi naman tayo nagkukulang, inaantay lang natin iyong Certificate of Analysis, at ilang araw lang po iyan. In fact, ang plano ay i-deploy na po iyan maski wala po iyong Certificate of Analysis. So kapag lumabas na ang mga certificate na iyan ay maibabakuna na kaagad.
So paumanhin po, kaunting pasensiya and at the same time, we congratulate po our LGUs for being very efficient on their vaccination drives.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Thank you very much po, Secretary Roque at kay Usec. Vega.
SEC. ROQUE: Maraming salamat din, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, thank you. From Red Mendoza of Manila Times—paumanhin, Usec. Bong Vega, hindi ko kasi narinig kung nasagot na ninyo ito. Pero ito po iyong tanong niya: Kumusta na ang hospital and ICU bed capacity nationwide at sa Metro Manila? Na-resolve na ba iyong isyu daw po ng punong ICU sa Heart Center at sa San Lazaro na unang napabalita a few weeks ago?
DOH USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky. For the HCUR nationwide po, mayroon tayong 46%, ito iyong HCUR across all provinces. And for the national ICU na-disaggregate po natin itong matrix na ito for the ICU utilization on a national level, mayroon tayong 57%. Sa NCR naman po, ang HCUR natin is on a low-risk position din na 37% at saka iyong ICU utilization natin is at 42%.
Now, on the issue dito sa Philippine Heart Center at saka sa San Lazaro, currently, ang Philippine Heart Center has 40 intensive care units of COVID; six of them are filled. So we have 15% utilization for ICU for Philippine Heart. And for San Lazaro, we have 20 ICU beds registered in San Lazaro for COVID and—54 are registered and 20 are being used. So, we have about ICU Rate Utilization of 37%. So, both of these institutions are in the low-risk category.
USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po ni Red Mendoza para sa inyo, USec. Vega: Ngayon ba ay puspusan ang paghahanda para maiwasan ang pagkalat nang mas nakakahawang Delta variant. Ma-assure ba natin na walang makakapasok sa Delta variant sa pamamagitan ng local transmission?
DOH USEC. VEGA: Oo, tama iyan, Usec. Rocky. Dapat talagang pag-igihan natin ang border control kasi as of now, 17 Delta variant has been identified through sequencing at wala pang nade-detect na Delta variant sa local level. So, kailangan talaga iyong border control ang 10 plus 4 at quarantines ng mga returning overseas passengers lalung-lalo na sa mga international airports natin. Kailangan talaga may border control and we hope na we can sustain this, kasi alam natin na itong Delta variant mas contagious and can also give us an increase in the hospitalization rate. So kailangan po ang Delta variant talagang makontrol, and the only way here is prevention and the other is, of course, iyong vaccination process natin in all provinces.
USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Vega. For Secretary Roque, question from Llanesca Panti of GMA News Online: ICC has asked victims of the Duterte administration’s drug war to submit views, concerns, and expectations regarding the Prosecutor’s request to the ICC judges for an investigation on drug war killings for consideration. Is Malacañang confident such ICC’s call to victims will not gain ground?
SEC. ROQUE: The ICC can do whatever it wants. Pero iyong isang chamber po ng ICC ay minsan sinabi na talagang dapat hindi na nag-iimbestiga kung wala namang kooperasyon kasi paano ka nga magkakaroon ng case build up kung walang kooperasyon doon sa member state.
Alam ko po na there has been a view expressed that withdrawal from the ICC will not affect jurisdiction for the period during which the country was a member. Pero alam din po ng ICC without cooperation from the state, napakahirap po ng case build up because all criminal cases, even in the ICC and most especially in the ICC, must present real evidence and not just newspaper reports.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Yes, thank you, USec. Punta naman tayo kay Triciah Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox Harry. And good afternoon also to Dr. Vega. Sir, first question for you po: What is President Duterte’s threat to Senator Pacquiao, ibig sabihin po ba nito, kumbaga their relationship already turned sour? And how do you see this affecting the party, the PDP-Laban?
SEC. ROQUE: Well, I think I don’t have to answer that. I think it’s another obvious that the relationship between the President and Senator Pacquiao is not as cordial as it was. And of course, the challenge for Senator Pacquiao was clear, in the past, you had nothing but praises for me, puri ka lang nang puri sa akin. Hindi mo sa akin sinasabi ang nakikita mong problema ng korapsiyon. So ayan, binigyan yata siya ng isang linggo kung hindi ako nagkamali – ilang araw ba iyong binigay niya? – sabihin mo kung saan iyang korapsiyon.
One week nga ang binigay sa kaniya. Sabihin mo kung saan iyong ahensiya na may korapsiyon na iyan dahil kung mayroon namang alam na actual kaso ng korapsiyon ay inaaksyunan naman po iyan ni Presidente. And I can vouch for that dahil napakadami pong instances ng korapsiyon na pinadaan dito sa Office of the Presidential Spokesperson at mayroon po talagang nasibak sa lahat ng mga kasong natanggap kong personal.
So ang hamon lang po ni Presidente, well, walk the talk; kinakailangan kung may reklamo ka, sabihin mo kung ano ang reklamong iyan nang maaksyunan ng Presidente. Otherwise, talagang namumulitika lang daw si Senator Pacquiao. But, I guess, as far as your question is concerned, natapon na po ang sabaw kumbaga.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, ito po bang falling out nila ni Senator Pacquiao, did he see this coming or ikinagulat po ba ni Pangulo iyong mga nangyari, iyong mga remarks ni Senator Pacquiao?
SEC. ROQUE: I don’t think it was expected kasi ako mismo ang nagbalita sa taumbayan na noong minsan na nilapitan ako ni Presidente na, ‘Spox, kailangan alam mo ito ‘no, ang gusto kong tumakbo talaga si Inday Sara pero ayaw talaga. So kinakailangan mamili tayo who has the numbers between sa tatlo ‘no, na ang unang-una sinabi niya ay si Senator Manny Pacquiao; pangalawa, Isko Moreno; pangatlo, former Senator Bongbong Marcos.
Actually, it was a complete surprise kasi hindi pa naman pini-preclude ni Presidente na puwede namang dati ‘no, na maendorso pa si Senator Pacquiao pero hindi yata nakaantay si Senator Pacquiao.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, definitely out na po si Senator Pacquiao doon sa bets—
SEC. ROQUE: Hindi naman po definitely because in the realm of politics, although I’m not a veteran person in politics ‘no, anything is possible. But for now, mainit po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Does the President want Senator Pacquiao out of PDP?
SEC. ROQUE: Well, let’s just say, the PDP realizes—well, the President realizes that the PDP naman po ay talagang halos wala nang miyembro iyan bago siya pumunta diyan; at kinikilala naman po niya na ang PDP ay partido ng mga Pimentel.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Sir, doon na lang po sa travel ban. Clarify ko lang po, sir, tama po ‘no, inbound travelers lang po iyong pinagbabawalan nating pumasok? Kumbaga, one-way travel ban, wala po tayong ban for outbound travelers going to those countries like India, etc.?
SEC. ROQUE: Tama po iyan, dahil binabawal po natin iyong pagdating ng mga pasahero. In fact, mayroon din pong mga OFWs na papunta siguro sa mga ilang lugar na diyan ‘no at hindi naman po sila napagbabawalan pero pinag-iingat lang po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, maybe message na lang po to the OFWs affected by the travel ban restrictions or travel restrictions in UAE?
SEC. ROQUE: Again, alam ko pong napakahirap para sa mga OFWs na stranded ngayon sa mga lugar kung saan mayroon tayong travel ban. Pero hinihingi po namin ang inyong pasensiya at pag-intindi dahil ito naman po ay isang napatunayan nang paraan para mapigilan po ang pagpasok ng mas nakamamatay at mas nakakahawang Delta variant at Delta Plus variant na pupuwede pong magdulot ng kamatayan o ‘di naman kaya pagkakasakit hindi lang sa inyo kung hindi sa inyong mga mahal sa buhay dito po sa Pilipinas.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Question from Marianne Enriquez of TV5: Bayanihan II will expire on June 30, is there any call from President Duterte to hold a special session? House Majority Leader Martin Romualdez said that the likelihood of an extension is becoming dimmer at this point.
SEC. ROQUE: Wala pa po akong nalalaman na special session, at ang natitira naman po sa 18 billion ngayon ay nine billion. But nakita naman po natin, in one day ay na-obligate po ang nine billion. So let is not foreclose the idea po na in the next—ilang araw na lang ba before July one—isa o dalawa, o isang araw, ay pupuwede pa rin pong ma-obligate iyan. Otherwise, hindi naman po mawawala iyong pera; pupunta lang po iyan sa national treasury.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Reaksiyon sa bagong report ng OCTA na ang R0 sa NCR nasa 0.88 na, almost close sa pre-surge level given na may sporadic immunity na sa iilang tao. Are we seeing lower infection rate in the future?
SEC. ROQUE: Well, we hope po na magpapatuloy tayo ng ating mask, hugas, iwas, at iyong ating prevention, detection, isolation and treatment ‘no. Kasi ang bakuna po ay hindi gamot. Ang bakuna ay pamamaraan para maiwasan ang pagkakasakit. Ang sandata natin ay iyong minimum health standards, iyong isolation, tracing and treatment ‘no. Pero siyempre po, we are encouraged by the fact na as we vaccinate more in Metro Manila ay patuloy po ang pagbaba ng R0.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Reaksiyon sa report na may isang Pinay na kabilang sa mga nawawalang tao sa gumuhong condo sa Florida, USA.
SEC. ROQUE: Kami po ay nakikidalamhati doon sa nawawalang kababayan natin, and we continue to pray na sana po she is safe. But I’m sure, our Consular officials po, will be on their toes to provide assistance including continuous follow up po on the whereabouts of our kababayan in Florida.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Punta tayo kay Melo, please. Melo Acuña?
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary, good afternoon. Nabanggit po sa ginawang briefing kanina ng ASEAN Plus 3 Macro Economic Office, kaninang mga alas-nueve y media ng umaga, na maganda iyong ginagawa ng pamahalaan kaya nga lamang ay nananatili pa rin iyong kawalan ng katiyakan sa timing ng delivery at pagbabakuna sa mga mamamayan. Ano po kayang strategy ang gagawin para matiyak ang paghahatid ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nang mapakinabangan ng mga mamamayan?
SEC. ROQUE: Well, sinabi po iyan kahapon ni Secretary Galvez na na we’re trying to build up an inventory of 10 million vaccines nang sa ganoon po ay patuloy talaga iyong pagbabakuna natin ‘no. Without 10 million kasi, kinakailangan kasi magreserba na tayo for second dose eh para kung ano ang mangyari, hindi masayang iyong first dose. So unless we have that much in our inventory ay talagang hindi po magagarantiya iyong 500,000 a day na ninanais natin.
Pero we’re getting there. Tandaan ninyo po ‘no, na iyong Pfizer na magus-supply ng 40 million, dapat Agosto pa iyong pagsu-supply pero may balita na mas mapapaaga pa, sa Hulyo ‘no, and that’s 40 million ‘no – our biggest single order ‘no, from any manufacturer. So patuloy pa rin po ang pagtanggap natin sa Sinovac. Ang Sinovac po talaga, our thanks and gratitude to the Chinese kasi napaka-reliable po ng kanilang supply. Ni minsan ay hindi po iyan sumablay. Kapag sinabi nilang darating ang bakuna sa petsa, darating po iyan.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para po kay Undersecretary Bong Vega, Secretary Harry?
SEC. ROQUE: Go ahead please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon po, Usec. Bong Vega. Papaano po dinadaluhan ng Department of Health iyong mga overworked frontline workers? Mayroon po bang programa para sa kanilang stress debriefing? Hindi po ba apektado ang kanilang efficiency dahilan sa pressure at anxiety sa paglilingkod sa mga biktima ng COVID-19?
USEC. VEGA: Good afternoon, Sir Mel. Tama po kayo, itong mga condition ng mga healthcare workers talaga nandito lalo na kung frontline pa ay kailangan nating pangalagaan. In fact, part ng kanilang program ng HR ay talaga iyong magkakaroon ng rotational basis lalong-lalo na sa mga frontline workers na tumatagal na sa isang clinical division or for managing COVID patients.
So mayroon silang mga programs to the different HR ng mga hospitals for debriefing and, of course, iyong rotation ng kanilang assignments and to give them certain leaves para naman magkaroon sila ng a better appreciation ng kanilang trabaho and of course, ano din, hindi rin magiging stressful sa kanila.
So mayroon ho, may kaniya-kaniyang programs and activities within and each in every hospital.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Very good, that’s nice to know. Pero papaano ninyo po dinadaluhan iyong non-COVID cases sa mga ospital na mayroong surge in cases?
USEC. VEGA: Mayroon kasing strategy ang ibang provinces, Sir Mel, na mayroon silang identified na, halimbawa, isang hospital, private man o public, na magki-cater to non-COVID patients. So mayroon naman identified nila sa isang lugar na purely COVID na talagang magkakaroon sila ng proper referral kung mga non-COVID doon sa non-COVID. Ito ay para ma-maximize po nila ang utilization ng kanilang mga beds.
However, in the surge, kagaya nang nangyari dito sa Metro Manila, mahirap po ang pag-divide po ng COVID at saka non-COVID kasi alam natin, lalo na noong April and May, halos 55% po niyan, ng mga government-retained beds ay naging allocated for COVID clients.
So there was really a decrease in the number of non-COVID. Pero noong bumaba iyong surge po, napansin na rin namin na tumataas na rin iyong non-COVID patients namin at saka iyong mga COVID beds or critical care beds allocated for COVID ay dahan-dahan naming shinift [shifted] for the non-COVID para ma-cater naman iyong mga non-COVID patients na dumarating sa hospital.
So right now ho, we are 30% naman on COVID coverings lalo na sa mga all hospitals at saka more than mga 50% na po iyong dahan-dahan na bumabalik iyong non-COVID na patients.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Thank you very much, Usec. Bong. Thank you, Secretary Harry. Good afternoon.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Melo. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Question from Maki Pulido of GMA News: May online statement ang ICC that victims can represent themselves either online or by sending representation and statement – same question by Tine Mendez – this means that victims may provide their views, concerns and expectations regarding the prosecutor’s request to the ICC judges for their consideration?
SEC. ROQUE: No reaction po. The ICC can do what it wants pero alam ninyo po, the whole treaty ay in-adopt po iyan with the realization na kung hindi naman po magko-cooperate talaga ang estado eh mahirap po talagang magkaroon ng kaso.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, USec. Punta tayo kay Ivan Mayrina, please.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Good afternoon, Secretary.
SEC. ROQUE: Ivan, sandali. Is it /ˈaɪ.vən/ or [ɪˈvan] once and for all?
IVAN MAYRINA/GMA 7: [ɪˈvan], sir. [ɪˈvan].
SEC. ROQUE: [ɪˈvan]! Sorry huh! /ˈaɪ.vən/ ako ng /ˈaɪ.vən/. Parang Sinovac iyan, /sinǒːʋat͡s/. [ɪˈvan]. Sorry! Sorry for that.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Help us interpret the statement of the President. Nagsimula po siya—ito po ay patungkol sa pagtakbo niya bilang Vice President, nagsimula siya sa “I’m leaving it up to God” and then weeks after sinabi niyang pinag-iisipan na niya iyong calls ng kaniyang mga kapartido na tumakbong Vice President and then last night ang kaniyang statement ay “It’s not at all a bad idea.” Does this mean that the President is getting closer and closer to heeding the clamor for him to run as Vice President?
SEC. ROQUE: Well, I will not speculate. Sinabi rin naman niya na kung mayroon pang space sa kaniya, it is not a bad idea pero kung wala ng space sa kaniya, he will also respect that.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Nabanggit ninyo rin po kanina na noong una po ang gusto niyang tumakbong Pangulo ay si Mayor Sara and then Senator Pacquiao and then former Senator Bongbong? Can you please clarify that statement, Sec.?
SEC. ROQUE: Well, ikinuwento ko na po ito ano, I think it was some time ago nilapitan niyan ako sa Davao and he volunteered the information. “Spox, kailangan mo malaman ito ano. Gusto talaga nating patakbuhin si Inday Sara pero talagang ayaw so in which case we have to choose ‘no. Kung sinong may numero, Senator Pacquiao, Mayor Isko Moreno, former Senator Bongbong”, in that order. And of course, nandoon din si Senator Bong Go na who said na he will only run for the presidency if the president will run as his vice president.
IVAN MAYRINA/GMA 7: So, which came first, iyong statement po na iyan o iyong sinabi niya na ayaw niyang tumakbo si Mayor Sara?
SEC. ROQUE: This came first.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Okay. So, nagbago rin po ang isip niya tungkol doon sa pagtakbo ni Mayor Sara as President?
SEC. ROQUE: Well, consistent naman siya eh. Sinabi niya talaga na ang gusto talaga nating tumakbo si Mayor Sara pero ayaw ni Mayor Sara.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Okay. Dito naman po kay Senator Manny Pacquiao, I remember asking you in the past briefings kung may schedule na po ng pulong kasi nag-reach out si Senator Pacquiao kay Pangulong Duterte na magpulong sila. Ito po ay doon sa rift sa kanilang partido. May nangyari po bang pagpupulong at ano ang naging final nail in the coffin, ‘ika nga para magkaganito po at ‘ika ninyo nga eh matapon iyong sabaw sa kanilang relasyon?
SEC. ROQUE: Wala po akong nakitang appointment sa schedule ni Presidente with Senator Manny Pacquiao.
USEC. IGNACIO: So, ano ho kaya iyong naging kumbaga last straw?
SEC. ROQUE: Well, ako naman po ay nagbabasa lang ng peryodiko nakikinig sa balita. Humirit po kasi si Senator Manny Pacquiao na mali iyong polisiya ng Presidente sa West Philippine Sea at ngayon ay sinabi na mas maraming korapsiyon sa Administrasyon ni Presidente Duterte. Wika nga ni Presidente, “Dati-rati puri ka nang puri, wala ka namang isinusumbong sa akin na instances ng korapsiyon tapos sasabihin mo ngayon mas maraming korapsiyon.”
Kaya nga po isang linggo para magbigay po ng sumbong ang ating Senador ay Presidente kung nasaan iyong mga korapsiyon na iyan at kung wala, sinabi naman ni Presidente ano, “Magsasalita ako laban sa iyo.”
IVAN MAYRINA/GMA 7: Okay. Final question, Sec., tungkol po doon sa nag-viral na video sa Makati na itinusok pero hindi itinurok noong isang overworked volunteer nurse iyong bakuna. Ang sinabi po ni SP Sotto, eh this might not be an isolated incident dahil may mga nakukuha daw silang similar reports from other LGUs and is asking the IATF to investigate ang impose sanctions. Your reaction, please.
SEC. ROQUE: Well, gaya po ng sinabi ni Mayor Binay, humingi na po ng abiso si Mayor at sinabi naman po niya na talagang hindi naman po ito practice, it is really the exception to the norm and I think the Palace agrees with Mayor Binay.
Alam po natin na minsan eh tao lang naman po mga nagbabakuna, napapagod din po iyan at hindi naman po iyan sinasadya. Bakit naman po kasi ituturok kung walang intensyon na ibigay ang bakuna. So, mabuti na nga lang po siguro eh napansin din ng taong tinuturukan na hindi po nakarating sa kaniya iyong bakuna.
So, nonetheless iyan naman po ay sabi ng DOH iimbestigahan at sisiguraduhin – gagawa tayo ng hakbang para masiguro na hindi na po ito mauulit.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Salamat po! Magandang hapon sa lahat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ivan. Okay, balik po tayo kay USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online about ICC po: Sa tingin ninyo magbibigay ito ng negatibong epekto sa kung sino man ang dadalhin ni Pangulong Duterte sa 2022 Elections?
SEC. ROQUE: Wala po. Consistent po ang ating polling, iyong mga surveys na hindi po ito nakakaapekto kay Presidente. Kanina lang po nakita ko iyong interview ni Pia Rañada kay Ana Tabunda, at malinaw na malinaw po sa datos ng Pulse Asia na hindi po ito nakakaapekto kay Presidente. Ang mas nakakaapekto pa ay iyong katuparan ng pangako ng Presidente na isasagawa niya itong war on drugs.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kyle Atienza ng BusinessWorld: Would the President certify as urgent the proposed amendments to the country’s Bank Secrecy Law?
SEC. ROQUE: No information as of now pero alam ko po ito iyong sa mga ilang hakbang na hinihingi po ng international community sa ating AMLC o iyong Anti-Money Laundering Council.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: Pabor po ba kayo sa sinabi ni Mayor Vico Sotto na ‘word of mouth’ ang pinakamagandang paraan upang mahikayat ang publiko na magpabakuna versus COVID-19?
SEC. ROQUE: Suportado po iyan ng datos kasi mayroong SWS survey na nagsabi dati-dati pa, nagsisimula pa lang tayo ng ating bakunahan na mababa ang kumpiyansa pero mas marami ang magpapaturok kapag nakita na nila iyong mga kapitbahay nilang nagpapaturok.
USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero of PhilStar: For clarification po, ibig sabihin po ba based on the timeline you provided, noong una gusto ng Pangulong Duterte si Mayor Sara tumakbo and then ang sabi ni Mayor, ayaw niya. Diniscourage na ng Pangulo si Mayor Sara for seeking the Presidency?
SEC. ROQUE: Iyan po talaga verbatim ang sinabi sa akin ni Presidente and he volunteered the information. It was not one of those instances na ako ang nagtatanong ‘no. Alam ninyo po, ang aming Talk to the People mahaba po iyan kaya lang kalahati off the record. So, that was one of the rare instances na talagang tinawag ako ni Presidente para sabihan ‘no.
So, iyong mga sinasabi naman niya na words of discouragement kay Mayor Sara, kung pakikinggan ninyo it’s because ayaw niya iyong hardship, ayaw niya iyong mga negative aspect of the presidency na maranasan ng kaniyang anak ‘no pero at the same time malinaw doon sa sinabi niya sa akin na ‘di-umano ay ayaw daw ni Mayor Sara and he has to be ready with his candidate.
In fact, I will add na iyong mga panahon na iyon ang sabi niya, “We should know who our candidate is by June.” So, iyon po iyong sinabi niya sa akin dati.
USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria, pahabol lang po: Given the President’s challenge to Pacquiao, does he want a leadership change in the PDP-Laban Party or is the President considering leaving the Party? Do members have to choose between him and Pacquiao?
SEC. ROQUE: I think it’s sufficient for me to divulge right now that he recognizes that fact that PDP-Laban is the Party of the Pimentel family.
USEC. IGNACIO: Opo. From Tina Mendez: Any update on the next tranche of Sputnik V vaccines? Those who got their first dose are concerned because they missed their sked for the second dose already.
SEC. ROQUE: Uulitin ko lang po, wala pong problema ang delay. In fact, ang advice po nila sa FDA eh mas mabuti nga po iyong second dose na twelve weeks later, so matagal-tagal pa po iyong 12 weeks ‘no. At ngayon nga po may mga pag-aaral na sa iba pang mga bakuna, mas matagal pala eh wala ring problema po at minsan nag-i-improve pa ang kanilang efficacy.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque, USec. Vega.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, USec. Rocky. So, kung wala na po tayong tanong, nagpapasalamat po tayo sa ating naging panauhin, Undersecretary Vega and see you po later on July 1, we will be together when we go to Iloilo City.
At maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat din po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Pilipinas, babangon po tayong muli at babangon tayo as one.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)