SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Siguro po let us have a moment of silence para po doon sa mga namatay at nasugatan doon po sa pag-crash sa Patikul, Sulu.
Nagpapaabot po ng pakikiramay si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng mga nasawi ng bumagsak na C-130 sa Sulu. Nagluluksa hindi lamang ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ngunit ang buong bansa sa malungkot na pangyayaring ito. Nananalangin po kami na yakapin ng Panginoon ang mga nagdadalamhating pamilya para maibsan kahit paano ang kanilang nararamdaman at nawa’y mabigyan sila ng lakas para malampasan ang pagsubok na ito.
Samantalang pinagdarasal din natin ang mabilis na paggaling ng mga survivors. Nag-utos na po si Secretary Delfin Lorenzana ng isang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng insidenteng ito.
Balitang IATF naman po tayo. Well, magandang balita po para sa mga fully vaccinated na mga kasama natin, kasama na po ang mga seniors, puwede na po ang interzonal travel under the pertinent resolution ng IATF at ng probisyon ng Omnibus Guidelines, at ang kailangan lamang nilang iprisenta ang kanilang COVID-19 domestic vaccination cards or certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status.
Lilinawin lang po natin ha: Sa ilalim ng ECQ at MECQ, hindi pa po pupuwede ang interzonal movement unless ikaw ay isang APOR or Authorized Person Outside of Residence.
Samantala, patuloy na pinapayagang ng inyong IATF ang intrazonal movement ng fully vaccinated na mga lolo at lola sa mga lugar na nasa General Community Quaratine at Modified General Community Quarantine. Hindi lang po lolo at lola iyan ‘no, lahat po ng mga fully vaccinated individuals. Ngunit kailangan pa rin nilang magpakita ng COVID-19 domestic vaccination card na na-issue ng lehitimong vaccinating establishment o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status na na-issue ng Bureau of Quarantine.
Uulitin ko: The best vaccine is the one available! Magpabakuna na agad kung turn mo na. Libre ang una at pangalawang dose. Huwag matakot kung makakaramdam po ng mga mild reaction ‘no, tanda po ito na ang inyong katawan ay nagbi-build ng antibodies para labanan ang virus. At kung wala kayong naranasang reaksiyon pagkatapos ninyong maturukan, huwag ninyong isipin na walang epekto ang bakuna; gumagana po ito. Lahat ng bakunang binigyan ng EUA hindi lang po ng Pilipinas kung hindi ng WHO ay ligtas at epektibo.
Usaping bakuna pa rin po: As of July 2, 2021, 6. P.M., mahigit labing-isang milyon or 11,708,029 na po ang total COVID-19 vaccines administered sa buong bansa ayon sa National COVID-19 Vaccination Operation Center. Sa katunayan, tuloy pa rin ang pagbabakuna kahit po sa Batangas na naapektuhan ng pagputok ng Taal. Nagpapasalamat kami sa mga sumusunod na LGU na babanggitin ko isa-isa dahil sa kanilang paunang tulong sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga evacuation centers sa Batangas:
- Nagbigay po ng 1,500 ang Quezon City
- One thousand ang Mandaluyong
- One thousand ang Taguig
- Two thousand ang Manila
- One thousand ang Marikina
- One thousand ang Parañaque
Kaninang umaga ay nagkaroon ng bakunahan sa bayan ng Agoncillo sa Batangas. Ito ay isinagawa sa Plaza Elena at Bagong Pook Elementary School.
Samantala, inaasahan naman natin sa linggong ito ay may darating na AstraZeneca na donasyon mula sa pamahalaan ng Hapon, at Sputnik V component 1 and 2 na binili ng ating pamahalaan. Itong linggong paparating po ay inaasahan natin na ang one million na AstraZeneca na dinonate po ng gobyerno ng Japan at 170,000 na Sputnik V component 1 and component 2 na binili po natin.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking sa Pilipinas sa mundo sang-ayon po sa Johns Hopkins:
- Number 23 ang Pilipinas pagdating sa total cases
- Number 25 po sa active cases
- Number 130 sa cases per 100,000 population
- At Number 84 po sa case fatality rate na 1.8%
COVID-19 update naman po tayo: Mayroon tayong 5,966 na mga bagong kaso sang-ayon po sa July 4, 2021 datos ng DOH. Samantalang nasa 94.6% ang ating recovery kaya maraming salamat po sa ating mga medical frontliners. Nasa 1,358,502 na po ang bilang ng mga nag-recover. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 25,149 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.75% po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang mga kalagayan ng ating mga ospital sa buong Pilipinas:
- 57% utilized ang ating ICU beds
- 48% utilized ang ating isolation beds
- 44% utilized ang ating ward beds
- At 34% utilized ang ating ventilators
Sa NCR po:
- 46% utilized ang ating ICU beds
- 38% ang ating isolation beds
- 33% utilized ang ating ward beds
- At 29% lamang po ang ginagamit nating ventilators.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, dalawang kalihim, si DSWD Secretary Rolly Bautista; at Department of Education Secretary Liling Briones.
Sec. Bautista, with your indulgence, ladies first po muna ‘no. Secretary Liling Briones, napaulat po kasi ng World Bank na diumano ay ang Pilipinas daw po ay “poor” pagdating sa pagtuturo ng ilang mga subjects kasama na po ang Science at Math.
Ma’am Liling Briones, ano po ang reaksiyon ng ating Department of Education sa pag-aaral ng World Bank na ito? The floor is yours, Secretary Liling Briones.
DEPED SEC. BRIONES: Maraming salamat, Spox Harry. Tatlong punto lamang na maiikli. Una, iyong datos – inaamin ito ng World Bank na ginamit nila ay galing sa PISA assessment. At iyong PISA assessment na data, noong 2019 pa, diniskas na iyan ng buong Pilipinas so luma na iyang data nila dahil since 2019 ay marami nang nangyayari.
Pangalawa, lahat ng mga sektor ng ating society ay tumutulong na. Ang gobyerno, ibang departamento, mga bilaterals, multilaterals, ang private citizens tumutulong dahil sa paglabas ng data na ito na luma na binuhay uli kasama sa dalawa pang exams. At ini-explain naman namin na hindi desisyon iyan ng Department of Education sa ngayon na sumali doon sa assessment na iyan.
Pangalawang punto na gusto kong i-emphasize ay ang World Bank na nagpalabas nitong datos na ito, hindi sumusunod sa protocol. Kasi kung mag-report ka about a country, kailangan malaman ng country na iyon kung ano ang sasabihin ninyo; kailangan nilang ipalabas. Walang kasabi-sabi, inuna sa media. So malaking kakulangan ito.
Pangatlo na gusto kong i-emphasize, matagal na nag partner ang World Bank sa ating reform sa education. Nakautang na tayo since 1981… in 1981 nag-utang tayo ng $1oo million from World Bank for education. Tapos 1997, nag-utang tayo ng $113 million. Pagkatapos may nakasunod pa na $200 million. Umabot ng $300 million dollars ang nautang na natin sa World Bank since 1980. So talagang matagal na partner na ang World Bank tungkol sa edukasyon. At hindi lang iyong partnership, utang relationship iyan.
At present, mayroong under negotiation na dalawang loans sa World Bank na hindi pa nabuo sa aking administrasyon ay ito iyong $110 million para sa mag-enhance ng capacity ng teachers; at iyong pangalawa, iyong Alternative Learning System na $100 million din.
So hindi natin masasabi na kung may pagkukulang sa edukasyon sa Pilipinas, gawa-gawa lang ito ng Pilipinas; ito ay nag-i-involve ng mga partners. Ang isa sa pinakamalaki since 1981 na umabot ng $700 million ang nautang natin at binabayaran natin ngayon ay sa World Bank. Ngayon, under negotiation, ulitin ko: $110 million for upgrading our teachers and for strengthening ALS ay $100 million. Pero ito, hindi pa ito nabuo so pangalawa iyan.
Kaya ang sabi nga namin na siguro dahil sa tatlong kakulangang ito na nalagay sa napaka-hindi magandang ano, una, lumang datos na alam na ng lahat – alam na ng congressman, alam na ng lahat ng critics ng education dahil nailabas na ito. Pangalawa, walang excuse me, ‘di namin alam. Ang practice is ipaalam mo sa isang bansa kung magpadala ka ng report ng ganiyan sa publiko. Nauna ang media.
Pangatlo, hindi isinama iyong mga bagong developments na ang daming tumutulong ngayon dahil concerned ang buong bansa sa estado ng edukasyon.
And finally, matagal na partner na ang World Bank since 1981. Marami na tayong inutang sa World Bank para mag-improve sa edukasyon. So, partner sila, kasali sila dito sa sitwasyon sa Pilipinas.
At saka ngayon we are winding up negotiations na hindi pa napirmahan ng Secretary of Education, itong $110 million at $100 million na uutangin uli sa World Bank. So, we would like the public to be aware of this.
And since the country was insulted, was shamed and so on, we expect and look forward to a public apology lalo na iyong hindi pagsabi sa amin na naglabas sila ng ganoong klaseng datos na lumang-luma na datos.
Maraming salamat, Harry.
SEC. ROQUE: Sec., ano bang tingin ninyo, gusto pa na ang World Bank, na mas marami pa ang utangin natin sa kanila?
DEPED SEC. BRIONES: Sa tingin ko, apology muna.
SEC. ROQUE: Okay. Sige, Ma’am. Thank you.
DEPED SEC. BRIONES: Kasi pinadalhan ako ng sulat personal apology but hindi naman ako ang natatamaan dito, ang natatamaan ang bansa [unclear] publiko.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Leonor Briones. Puntahan naman po natin si Secretary Rolando Bautista. Sir, sabi ni Senator Pacquiao mayroon daw korapsyon sa pamimigay ng SAP. Ano pong masasabi ng DSWD rito?
Mahina po ang sound system.
DSWD SEC. BAUTISTA: Unang-una, magandang tanghali sa iyo, Sec. Harry, Sec. Liling Briones, Usec. Rocky at ating mga media partners. Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ibinigay sa atin ng Office of the Presidential Spokesperson upang makapagbahagi ng impormasyon at sumagot sa mga isyu at iba pang concerns ukol sa DSWD.
Handa ang aming departamento na harapin ang anumang imbestigasyon at isumite ang kinakailangan na mga dokumento upang bigyan-linaw ang alegasyon ni Senator Manny Pacquiao at magbigay ng tiyak na datos hinggil sa implementasyon ng Social Amelioration Program.
Nais lang naming ipabatid na ang lahat ng pondong ibinigay sa mga financial service providers ay accounted for at walang mga nawawalang pondo. Ang lahat ng ayuda na ipinamahagi ay sinuportahan ng liquidation reports na maaaring maibahagi kung kinakailangan. Kaya tinitiyak ng aming ahensiya na ang mga prosesong isinagawa ng mga FSPs (Financial Service Providers) sa mga payouts ay alinsunod sa mga prosesong aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas at naaayon sa umiiral na government accounting rules and procedures.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Rolando Bautista. Please join us for the open forum po with our colleagues from the Malacañang Press Corps.
So, punta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon, Secretary Roque, Secretary Briones and Secretary Bautista. First question from MJ Blancaflor of Daily Tribune on Senator Pacquiao’s allegation: What does the Palace think of the corruption allegation by Senator Pacquiao against the government’s cash aid program on ayuda? Similar question po ito ni Kenneth Paciente ng PTV.
SEC. ROQUE: Well, watusi po! Akala ko atom bomb, iyon pala watusi! Wala po, walang kuwenta kasi puro generalized allegations po, walang bill of particulars, walang specific instance, walang ebidensiya, wala man lang follow up. Dahil gaya nga po ng sinabi ni Senator Gordon, paano naman iyan magpapaimbestiga siya sa Senado pero wala iyong proponent? Sino ang magtatanong? Hindi po ganiyan ang trabaho ng Senado. Dapat po ayusin muna ang trabaho niya bilang isang senador, patunayan ang kanyang mga paratang dahil kung hindi po, pulitika lang po talaga ang mga pinagsasabi ni Senator Pacquiao.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni MJ Blancaflor ay nasagot na po ninyo. Ang third question po niya: Senator Pacquiao has reiterated that he wanted to meet with President Duterte and insist that he is not quarreling with the President. Does the President want to meet Senator Pacquiao too to discuss their issues?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano pa ang pag-uusapan nila ni Presidente, eh nauna na po siyang nagbitaw ng mga salita sa media. So kung talagang gusto niyang makipag-usap kay Presidente, dapat hindi muna niya inuna ang media.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes. Punta muna tayo kay Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary, and nice to see you. I just have one question for you. Secretary with what happened yesterday sa Jolo, Sulu: Will the President or the administration consider augmenting the major transfer of assets of the Armed of the Philippines? Will there be more purchases in the near future?
SEC. ROQUE: Sa totoo lang po ay mga bago po iyong ating mga transportasyon na unfortunately po ay nagkakaroon ng aberya ‘no. Kung hindi po ako nagkakamali, bago po itong bumabang C-130 at noong kailan, isa doon sa brand new na attack helicopters na Black Hawk ay bumagsak din. So, kabahagi po talaga itong mga bagong mga eroplano at mga helicopters na ito sa AFP modernization plan, at siguro po iyong mga pangyayaring ito ay will provide impetus for further modernization rather than halt it po ‘no or prevent it.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon pong C-130 was just turned over last January 29, 2021 by the United States government?
SEC. ROQUE: Kung hindi po ako nagkakamali, kasi ang impormasyon ko naman po nanggaling sa mga Amerikano, nag-attend po ako ng July 4. So ang sabi nila, isa daw po ito sa mga bago na turned over at iyong isa daw po ay under repair o under service. So nakakalungkot po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para po kay Secretary Briones, Secretary Harry.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Madam Secretary.
SEC. BRIONES: Hello, Melo!
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Kumusta daw po sabi ng mga taga-Albay.
SEC. BRIONES: Congratulations sa inyong anniversary!
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Ang tanong ko po: Aside from World Bank, saan pa tayo mayroong utang? At ano po iyong colatilla doon sa mga utang? I am just as interested because you were once with the Freedom from Debt Coalition.
SEC. BRIONES: Marami tayong pinagkautangan. May utang tayo sa multilaterals, may utang tayo sa bilaterals, iyong country to country, at saka may mga private ano din tayong utang sa local private institutions. So, iba’t ibang klase ang utang natin, tapos kaniya-kaniyang probationary fees iyan at saka ni-negotiate iyan kung ano ang content, etc.
Ngayon, may dalawa tayong naka-pending na possible na utang sa World Bank na pinag-uusapan. Iyong isa ay tungkol sa pag-upgrade ng capacities ng teachers dahil marami ang nagko-complaints, kailangan nang i-upgrade ang ating mga teachers; at pangalawa, iyong pag-enhance ng ating Alternative Learning Systems. So iyong mga detalye na iyan, talagang masinsin na pinag-uusapan kung anong klaseng consultant, kung ano ang content; kung halimbawa mayroong mga proyekto, saan gaganapin, etc., etc. So inuupuan talaga iyan ng department at under negotiation itong dalawang offers for loans.
Since 1981 pa, Melo, the World Bank has been a major partner, ilang proyekto na iyon, ilang Secretaries of Education since the 1980s ang na-involve nitong efforts na major partner ang World Bank sa education.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, siguro po i-update na lang po ninyo kami kung ano ang balita doon sa Albay ano, Secretary.
SEC. BRIONES: Yeah, nagsulat ako, kinontak ko si RD para mag-update siya sa atin.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon po, Mr. Secretary. Para po kay Secretary Bautista. Magandang hapon po, Mr. Secretary. Ano po ang paraan ng DSWD para malinis iyong listahan ng mga recipients natin sa 4Ps dahilan sa mayroon pong mga impormasyon na mayroong ilang mga nakalista doon na hindi naman dapat tumanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan? How would you insulate the 4Ps program from partisan politics in the local government units, Secretary?
DSWD SEC. BAUTISTA: Maraming salamat sa iyo, Sir Melo. Actually, iyong pagki-cleanse ng listahan ng 4Ps ay, unang-una, mayroon tayong grievance machinery ng 4Ps. Ang konsepto natin dito ay iyong mga benepisyaryo ng 4Ps o kaya iyong mga citizens ay puwedeng lumapit sa mga—mayroon kaming mga municipal based eh, sa mga munisipyo and even cities, para sabihin kung anuman iyong complaint nila. And right then and then, ang ginagawa namin dito, pinupuntahan namin iyong tao, iyong bahay ng tao at tsini-check namin para ma-ensure na iyong pagiging miyembro ba niya ng 4Ps ay naayon sa alituntunin ng ating office for grant.
Sa kasalukuyan, mayroon kaming binubuo na guidelines to insulate the program from the politics. Actually, mayroon kaming existing guidelines, ito iyong tinatawag namin anti-epal policy guideline na nakasaad doon ano ang gagawin ng ating mga personnel at paano sasabihin sa ating mga pulitiko na dapat huwag na ninyong isama ang mga programa ng DSWD lalo na ang 4Ps para mai-advance iyong kanilang candidacy. So, ang maganda dito, Sir Melo, ay talagang very active ang ating mga citizenry, ang ating mga kababayan dahil ano iyan eh, kapag mayroon kang binigyan ng pabor, magagalit iyong isang partido; magagalit iyong isang partido kapag hindi mo rin binibigyan ng pabor. So para maiwasan iyan, talagang i-impose namin itong anti-epal policy namin at iniisip nga namin dito magkaroon ng MOA with the DILG para sigurado natin iyong enforcement nitong polisiya na ito ay susundin at mao-observe ang lahat ng ating mga pulitiko.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po sa assurance, Secretary Bautista, Secretary Briones at Secretary Harry Roque. All the best. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo, punta po tayo ulit kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI. Iyong first question po niya ay nasagot na po ninyo, Secretary. Second question: Nakapagpasa na ba siya ng listahan, meaning Senator Pacqiuao, nakapagpasa na ba siya ng listahan ng sinasabing corrupt agencies?
SEC. ROQUE: Wala po ‘no. Nag-presscon lang siya bago siya lumipad pa-Amerika ‘no. Sinabi nga po niya DSWD, DOE at DOH.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Sa tingin ninyo kailangan pang maimbestigahan ang mga alegasyon ni Senator Pacquiao sa Senate Blue Ribbon Committee?
SEC. ROQUE: Na kay Senator Pacquiao po iyan dahil kabahagi iyan ng kaniyang responsibilidad bilang senador. Pero hindi naman niya magagampanan dahil umalis siya ng bansa – absent!
USEC. IGNACIO: From Dreo Calonzo ng Bloomberg: How do you respond daw po to criticisms that President Duterte’s pivot to China will produce the promised billions of dollars in aid and investment?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung saan nanggaling iyan ‘no. Pero hindi ko po hawak ngayon ang mga datos, but later on I will provide the data ‘no. Pero nag-improve po ang ating trade relationship with China, kung hindi po ako nagkakamali, eh parang number one na ngayon, pero I will verify that figure po ‘no.
And as far as investments are concerned, eh talagang dumami po iyong mga investments natin. Of course, nagpandemya, so, iyong pagdating po ng mga turista natigil pero bago po nagpandemya, nakita na natin iyong mabilis na pagtaas ng mga turismo galing po sa Tsina.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: How would you assess daw po iyong pace of China-funded projects?
SEC. ROQUE: Well, we want more but we’re satisfied po kasi dati wala.
USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria of Inquirer: What is the President’s directive after the series of crashes involving military aircraft?
SEC. ROQUE: Well, sabi nga po ni Presidente at ito ay ipinagbilin niya sa akin, hintayin muna natin ang pormal na resulta ng mga imbestigasyon bago tayo magsalita tungkol diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. And how will these tragic incidents affect military operations? And how does the government plan to address these? Same question po ni Kyle Atienza ng Business Word, ang tanong po niya: The incident that happened nga po almost a month after Black Hawk helicopter crashed during a training mission killing six people, is the President not bothered by these incidents which happen at a time when the nation needs more able defending? What do these incidents say about our defense capacity?
SEC. ROQUE: Well, nalulungkot po talaga ang Presidente at ang buong sambayanang Pilipino dahil mayroon tayong mga kasundaluhan na nasawi dahil dito sa mga insidenteng ito. Pero kagaya ng aking sinabi kanina, ang bilin po ni Presidente, hintayin muna natin ang pormal na imbestigasyon bago tayo magkaroon ng mga konklusyon.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you. Punta naman tayo kay Trish Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox. And good afternoon to our Secretaries! Sir, first question for you. We just like to get your reaction on criticisms about the President’s joke, tungkol sa pag-joke niya about capping the volcano’s hole. Some comments would read that the President lacks empathy and it gives the impression that the President is undermining the threat and situation it poses to the people.
SEC. ROQUE: Wala po. Kung ganiyan ang gusto nilang isipin, wala tayong magagawa. But the President of course was trying to lighten the mood dahil ano ba naman iyan may pandemya na nga, may pagputok pa ng Bulkang Taal.
So, that’s the President’s style. Kung talagang mag-iisip kayo ng masama eh sa mula’t-mula ganiyan na po kayo mag-isip eh ipagpatuloy ninyo na anyway matatapos na rin naman ang termino ng Presidente. Kung liligaya po iyang mga taong iyan pabayaan ninyo na sila.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, since nandito po si Secretary Leonor Briones, naalala ko lang pong itanong. What are the President’s actual parameters or key indicators for allowing face-to-face classes? Kasi, Sir, ‘di ba yong economic managers even Secretary Briones are in favor of a pilot run before the Delta variant nga po and the President is against it. Pero ibig sabihin po ba nito, Sir, mayroong sariling basis si Pangulo for giving his go signal? What is his specific data or specific parameters ng pagtingin po for face-to-face classes?
SEC. ROQUE: Well, the law says that the DepEd will recommend and the President will decide and pursuant to this legal provision, the President has decided that for now with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ang kalusugan ng mga kabataan.
But this will not be the same forever. Malapit na po tayong makarating sa 12 million na doses administered sa ating bakuna. Ang sabi naman ng Presidente gusto ko munang mabakunahan ang ating taumbayan. As to how many, hindi natin sigurado po pero with 12 million of our people being vaccinated and with Metro Manila, some cities of Metro Manila hitting 70, even 100% of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot. Hintayin lang natin ma-administer pa itong mga bakunang ito.
Secretary Briones, if you care to add, please do.
DEPED SEC. BRIONES: Sinabi na ninyo, Spox, na isa lang ang major condition ng Presidente ay iyong assurance of the vaccination. This time, ang iniisip natin ang mga adults pero ngayon dahil sa bagong variant baka isama ang kabataan at saka iyong mga characteristics ng bagong variant ngayon ay very threatening. So, iyon ang pinagbasehan niya. Iyong assurance, iisa lang naman talaga eh, iyong assurance na safe iyong kabataan at ang mga teachers na ang mag-implement nitong programa natin sa edukasyon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero ibig sabihin po ba wala pang specific numbers na tinitingnan iyong Pangulo, kumbaga play it by ear po tayo kung anong mangyayari in terms of the numbers na gusto niya na mabakunahan bago po ma-‘go’ iyong face-to-face classes?
DEPED SEC. BRIONES: Mahirap iyong magsabi kang I want 50% or 90% or 80%, kawawa naman iyong hindi masama doon sa sinasabi natin. Kaya ang sabi nga namin, ang proposal namin magkaroon ng kahit maliit na pilot study para makita kung how effective our health protocols are, etc., kung makukontrol natin.
Pero ang nakakatakot talaga mukhang unpredictable itong bagong variant at pinag-aaralan pa nang husto. Siguro hindi naman ako maka-speak for the President, pero iyon naman talaga iisa lang naman ang kondisyon niya – iyong safety ng mga bata at mga teachers na mai-involve sa pag-aano ng educational program natin.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary Liling. Spox, just two few question na lang po. May plano po ba si Pangulo na bisitahin iyong mga pamilya or dumaan po doon sa mga nasawi po doon sa recent plane crash?
SEC. ROQUE: If plans push through po, mukhang dadaan po ang ating Presidente sa Zamboanga to visit some of those na nasa hospital po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, pinapatanong po ng kasamahan natin na si Mela Lesmoras: Tuloy daw po ba or may Talk to the People po ba mamayang gabi?
SEC. ROQUE: Wala po mamayang gabi. Bukas po, posible.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you very much, Spox! Thank you. Sec. Liling and thank you, Sec. Rolly.
SEC. ROQUE: Thank you, Triciah. Let’s go again to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. From Malou Escudero of Pilipino Star Ngayon: Sino kaya ang nagbigay ng maling info kay President Duterte na aatras na sa kaniyang laban si Senator Manny Pacquiao? Obviously, mali ang info. Bakit ginagawang purveyor ng fake news ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Wala po akong alam kung fake news iyan or hindi dahil pa naman natin alam kung ano talaga ang tatakbuhan ni Senator Manny Pacquiao. At this point po, everything is speculation.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate for Secretary Bautista: Secretary Bautista, anong tulong daw po ang ibinibigay ng DSWD sa mga pamilya na nailikas ng Provincial Government ng Batangas? May report daw po kasi na 1,563 families o katumbas ng mahigit 5,000 individuals ang mga nasa evacuation center na. Bukod sa nasabing bilang, may bago pa bang naitalang bilang ng pamilyang nailikas o tutulungan ng DSWD?
DSWD SEC. BAUTISTA: Salamat, Usec. Rocky. Noong July 1, nakapagpahatid na ng initial augmentation support ang ahensiya ng 300 family tent sa Laurel, Batangas; 210 family tent sa Batangas City; at more than 1 million pieces of face mask.
Noong July 2 naman ay nagpadala ang ahensiya ng again, 2,000 family food packs sa Laurel, Batangas; 1,500 family food packs sa Agoncillo; at 5,000 family food packs at 500 modular tents sa Batangas Sports Complex.
Nais ko lang ipaliwanag ano, itong Batangas Sports Complex, bale ito na iyong ginagawa nilang operation center kaya mapapansin ninyo karamihan ng aming mga food and non-food items ay dinadala namin dito sa Batangas Sports Complex.
Ngayong araw, mayroong 2,000 hygiene kits na ipinadala namin sa Canyon Woods, Laurel, Batangas. Samantala, 3,000 hygiene kits; 5000 sleeping kits; 5,000 family kits at 5,000 family food packs naman ay dadalhin sa Batangas Sports Complex.
So, base sa aming DROMIC (Disaster Response Operations Monitoring and Information Center) report as of July 4, mayroong estimated na 1,200 na pamilya o 4,500 na individuals sa region ng CALABARZON ang apektado ng volcanic activity ng Taal Volcano. Mula sa nabanggit na bilang, may estima na 500 na pamilya o nasa 2,000 individuals ang nasa 16 evacuation centers sa Agoncillo, Balete, Laurel at Nasugbu, Batangas. Samantala, nasa estimate na 700 na pamilya o 2,500 na katao ang piniling manatili sa kanilang mga kaibigan o mga kamag-anak sa mga karatig na bayan.
Ang aming pamamahagi ng mga family food packs and other non-food items regardless whether you are inside the camp area or outside of the camp area, as long as mayroong displaced na pamilya o indibidwal na tumitira sa kanilang mga relatives o kaibigan ay nakakatanggap din sila ng kaukulang food and non-food items.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Bautista. Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Yes, maraming salamat, Usec. Punta tayo kay Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, because before, on numerous occasions, President Duterte expressed anger whenever the US would give—he accuses the US, for example, of giving puro second-hand equipment. And he even blamed this equipment before on the previous helicopter crashes. I’m just wondering if the President has the same sentiment about this plane crash in Sulu? Did he express any anger of the same [unclear]? And what was his reaction initially to this?
SEC. ROQUE: So far po, matinding kalungkutan dahil doon sa mga naging biktima. Wala pa naman pong ganiyang mga pananalita akong naririnig galing kay Presidente.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. So, so far, he doesn’t blame the US? Wala siyang passing judgment on any individual or group?
SEC. ROQUE: So far po, wala. Matinding kalungkutan lamang dahil napakataas na po ng numero ng mga nasawi.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, is there any plan for the President to do something to ensure more funding for military equipment like this? For example, one suggestion given was, for the President to urge Congress to pass nga iyong law to reform the military pension seeing that if you reform the pension, we would free up more funds to buy more equipment for the military. Any developments on this?
SEC. ROQUE: Pia, I think, it’s only the President ‘no who has actually taken concrete steps to modernize the Armed Forces. Bukod sa Black Hawk, bukod sa mga bagong C-130 at bukod doon sa frigates na binili natin sa South Korea ay ngayon lang naman talaga tayo nagkakaroon ng mga modernong mga kasangkapang gaya nito.
So gaya ng sinabi ko kanina, malungkot itong mga pangyayaring ito. But rather than deterring us, we will proceed full speed ahead ‘no in modernizing the Armed Forces within our limited resources dahil alam naman natin na we need a viable Armed Forces to defend particularly our territorial sovereignty.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Lastly, sir, just on a political story. Sir, does President Duterte agree with Senator Koko Pimentel that whoever the PDP Laban Party will endorse as president in 2022 should be a member of PDP Laban?
SEC. ROQUE: Well, as far as PDP Laban po ‘no, they should probably endorse their own member. Pero as I said nga po, tingnan muna natin ang mga pangyayari diyan sa partidong PDP Laban.
PIA RAÑADA/RAPPLER: What does President Duterte think since he is the chairman?
SEC. ROQUE: Well, so far po—well, it’s premature for me to divulge what the President has already told me. But let’s just say, it’s an intra-party controversy; and let’s see how the intra-party controversy is resolved first.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Does he plan to attend the July 17 national meeting?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po nakikita sa schedule, pero we don’t know yet. Pero wala pa po sa schedule na I have access to.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia. Usec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Zandro Ochona ng ABS: May guidelines na ba—paumanhin, Secretary, hindi ko po kasi narinig ito, baka po nabanggit ninyo na sa presentation. Pero ang tanong po niya: May guidelines na ba sa intra at interzonal travel? Tatanggapin po ba ang iba’t ibang vaccination cards ng bawat LGU or kailangang kumuha ng documents from Bureau of Quarantine at paano raw po ang proseso?
SEC. ROQUE: Well, ang IATF Resolution says po na iyong presentation ng COVID-19 domestic vaccination card issued by a legitimate vaccinating establishment or certificate of quarantine completion shall be sufficient alternatives to any testing requirement.
So basta po inisyu ng lokal na pamahalaan or ng DOH, IATF na vaccination card ay spat na po iyan in lieu of RT-PCR testing sa intra and interzonal. But emphasizing na bawal pa po ang interzonal travel into ECQ and MECQ areas.
USEC. IGNACIO: Opo. From Vanz Fernandez ng Police Files para po kay Secretary Bautista: Hinaylight [highlighted] daw po ni Senator Pacquiao sa kaniyang statement iyong 1.8 million beneficiaries ng SAP na kini-claim po allegedly ni Senator Pacquiao na about 500,000 beneficiaries received their assistance. Ano raw po ang sinabi dito ng Pangulo? At kung kinu-consider pa po ni Pangulo itong number na ito na na-present ni Senator Pacquiao as valid data to be scrutinized or does the President consider this to be false figures?
DSWD SEC. BAUTISTA: Salamat, Usec. Rocky. Unang-una, nais munang makita ng Departamento ang datos na basehan ni Senator Pacquiao sa nabanggit na bilang ng mga benepisyaryo na nakuha ang kanilang ayuda sa pamamagitan nang pag-download ng mismong app ng Starpay.
Ngunit nais nating banggitin na ang ibang benepisyaryo ay nakatanggap ng financial aid sa pamamagitan ng mga conduits na affiliated sa financial service provider for Starpay. Ang conduit nito ay maaaring MLhuillier, USSC or iba pa. Katuwang ng mga FSPs ang mga conduits sapagka’t base sa datos, nakita na may mga benepisyaryo na walang smartphones or may data quality issues or data connectivity concerns kung kaya pinadalhan ang mga benepisyaryo ng reference number para ma-cash out ang kanilang ayuda sa mga conduits. Ang reference numbers ay galing sa mga FSPs, at nanghingi sila ng tulong sa DSWD at sa mga LGUs ‘no, sa aming DSWD through our field offices para mai-disseminate iyong reference numbers sa mga beneficiaries.
Iyong tanong tungkol kay ating mahal na Presidente, Mayor Roa Duterte, hindi pa po kami nakapag-usap. At siguro in due time po, ibibigay niya rin siguro kung anong instruction niya sa akin, at handa po akong sundin kung ano pong instruction na ipapahatid niya po sa akin.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Bautista. Secretary Roque, ang question po ni Vanz Fernandez: Ano raw po ang response or reaction ng Palace sa sinasabi po ni Senator Pacquiao, additional allegations po ng alleged corruption aside from DSWD, kasama po ang DOE at DENR?
SEC. ROQUE: Saan po ang pruweba? Napakadali po ng salita; laway lang iyan. Nasaan po ang pruweba? Nasaan po ang mga dokumento? Nagtataka nga ako kung ano iyong mga dokumento doon sa lamesa niya ‘no. Hindi ko alam kung mayroon talagang imprenta iyon o mga papel lang iyon for props. Pero sana po ay isumite niya kung mayroon ‘no dahil ang Presidente naman, iyong sinasabing tuluyang nawala ang korapsiyon. Ang ayaw niya ay iyong parang kinukonsinte niya ang korapsiyon – hindi po iyan totoo.
USEC. IGNACIO: Opo. From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, tungkol pa rin po doons sa protocols provided under IATF EID Resolution 124 about sa fully vaccinated interzonal travel. How will this be enforced given that there are almost no more checkpoints around?
SEC. ROQUE: Well, may mga LGU po kasi na nagpapasumite pa ng kanilang RT-PCR results, for instance, sa Boracay ‘no. So sa Boracay, imbes na magpadala kayo ng RT-PCR results ay magpadala na lang kayo ng kopya ng inyong vaccination card. Ganiyan din po ang nangyayari sa Baguio ‘no, imbes na RT-PCR result o imbes na mag-antigen, ipakita na lang po iyong vaccination card.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong ay para po kay Secretary Briones, from Evelyn Quiroz. Secretary Briones, what can you say about the allegations of a group of teachers, that public school teachers have not received their benefits on time and that the DepEd was heavily indebted to educators due to continuous government neglect?
DEPED SEC. BRIONES: If I may answer, Spox. We have always been processing and releasing salaries and benefits on time, kung minsan ay in advance pa nga. Halimbawa, iyong mga mid-year bonuses, Christmas bonuses, kung anu-anong mga awards, etc., mga perks ay kung puwede naming maiuna ay iniuna na naman iyan; binibigay namin in advance.
Ang isa ring example na maganda ay iyong pagbigay ng uniform allowance. Dati ay tela ang ibinibigay o damit ang binibigay, ngayon ang binibigay namin ay pera. And it’s up to the teacher to decide kung happy na siya sa old uniform niya o magpatahi ba siya o hindi.
Kung mayroong delay, it could be about the alternative working arrangements, mismo at the level of the schools. Kasi may mga iba na nasa skeletal force, hindi sila pumapasok on a particular day, tapos may mga quarantine status. Siguro ang kailangang gawin ng mga teachers ay puntahan nila iyong finance at saka HR offices ng kanilang district superintendents, etc. Pero at our level, talagang ano, ayos na ayos iyan, kung puwede pa lang advance ibibigay namin, eh kasi iyong pera namin nakahanda talaga iyan para sa benefits ng teachers.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Briones.
For Secretary Bautista. Tanong po ni Pilipino Mirror Evelyn Quiroz: DSWD daw po is reportedly coordinating with LGU to monitor situation in Batangas, kaugnay po ito ng Taal Eruption. Ang tanong po niya: Magkano po ang available na pondong pantulong sa affected residents?
SEC. BAUTISTA: Salamat, Usec. Rocky. Ang ahensiya ay may sapat na pondo para sa disaster operations. Sa katunayan ang DSWD, ang mga field offices nito at ang National Resource Operation Center ay mayroong nakahandang stockpiles, ito iyong food and non-food items at standby funds na nagkakahalaga ng higit sa 1.08 bilyong piso. Tapos ang aming central office dito at field offices ay may kabuuang 209.28 milyong piso standby funds at mayroon ding 294,272 na family food packs ang naka-preposition sa iba’t ibang strategic location sa buong bansa. Ang konsepto naman namin dito, Usec. Rocky, kapag ang isang region ay nangangailangan ng tulong, example, naubusan sila ng stock na food and non-food items ay tumutulong ang mga kalapit na mga field offices.
Katulad noong ginawa natin last year, iyong Taal incident, nagtayo kami dito ng Task Group Taal. Ang purpose namin dito ay gusto naming i-tap iyong mga iba’t ibang personnel, resources ng iba’t ibang field offices na pumunta at tumulong sa apektadong rehiyon. Iyong binabanggit kong rehiyon, since dito sa Taal, ito iyong CALABARZON Region o iyong field office sa IV-A.
Ito ay bahagi ng augmentation support sa mga apektadong LGUs at actually bilang bahagi ng DSWDs mandate to provide resource augmentation to LGUs para makatulong na matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan na apektado ng sakuna.
So, ang pinaka-bottom line nito on the part of the agency, mayroon na kaming template kung paano kami magriresponde, dito sa ongoing/developing situation sa area ng Taal.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Bautista.
Secretary Roque, iyong tanong po ni Einjhel Ronquillo ng DZXL, iyong tanong niya ay nasagot na po ninyo, about doon sa tulong na ipagkakaloob, posibleng ipagkaloob ng pamahalaan sa biktima ng C-130 plane crash sa Patikul. Iyong second question niya, sinagot na rin po ninyo. Iyong kung pupunta po sa burol ng mga nasawing sundalo si PRRD. Tanong po mula kay Joseph Morong ng GMA News: Regarding daw po sa sale ng vaccine, how was it possible for the nurse involved in the alleged sale to have access to the vaccine at sino daw po ang kasabwat niya? Is this a widespread practice?
SEC.ROQUE: Iniimbestigahan pa po iyan at mayroon naman pong batch numbers iyan para ma-trace saan intended iyang bakuna na iyan. Pero ulitin ko lang po ano, government will go all out in investigating kung sino po ang nasa likod nitong bentahan na ito. Kasi hindi po ibinebenta ang mga bakuna at hindi po tayo papayag na nanakawin ang bakuna para magkaroon ng pera ang iba. Para sa pandemya po ito. Mga kababayan, mahiya naman kayo kung pagkakakitaan pa ninyo itong pagdadalamhati ng ating bayan dahil nga po sa pandemya. Mahiya po kayo!
USEC. IGNACIO: Question from Ivan Mayrina ng GMA News: Inaakusahan ni dating Senator Antonio Trillanes, sina Pangulong Duterte at Senator Bong Go ng umano ay plunder dahil sa daan-daang kontratang aabot daw po sa 6.6 billion ang halaga. Mga kontratang nakuha ng mga kumpaniyang pagmamay-ari ng ama at half-brother ni Senator Go. Mga dokumento daw po galing sa DTI at COA ang hawak ni Senator Trillanes at magsasampa daw siya ng kaso kapag bumaba na sa puwesto ang Pangulo. Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo? Iyan po ang kaparehong tanong ni Robert Mano ng ABS-CBN?
SEC.ROQUE: Ito nanan po kasing si dating Senador Trillanes lumang tugtugin na po iyan. Eh binato na niya iyan kay Presidente, kay Senator Bong Go, hindi pa senador si Senator Bong Go, wala naman siyang napatunayan noong siya ay nakaupo pa sa Senado. At bakit pa siya maghihintay ng pagkatapos ng termino, isampa na po niya ngayon. Kasi ang tinatawag nating sovereign immunity from suit, hindi naman po ibig sabihin, hindi magpapatuloy ang imbestigasyon. Puwedeng mag-imbestiga, pero hindi isasampa ang impormasyon kung mayroong sapat na ebidensiya. Ang problema kay Senator Trillanes, wala pong ebidensiya. Iyong mga ebidensiyang sinasabi niya laban kay Senator Bong Go – Rappler, PCIJ – eh wala naman pong tatanggap niyan.
At saka ang alam ko lang po ‘no, eh matagal na pong negosyo ng pamilya ni Bong Go, si Senator Bong Go ang pangongontrata para sa infrastructure projects. At tama naman, dalawang sinasabi niya ay may mga proyekto daw diumano mula taong 2007 pa, eh ano naman ang pakialam ni Senator Bong Go doon sa mga kontrata na 2007 pa. Mukhang naka-shorts pa noon si Senator Bong Go ‘no.
So, anyway iyon lang po, sa panahon ng pulitika, asahan po natin ang mga ganitong paratang, pero huwag po ninyong kakalimutan, iyong mga bumabato ngayon, ibinato na iyan na dati, walang napatunayan noon, walang mapapatunayan ngayon, walang mapapatunayan, bukas.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Ivan Mayrina, ito po ba ay iimbestigahan daw ng Malacañang alinsunod sa pangako ng Pangulo na lahat ng alegasyon ng katiwalian ay aaksiyunan, kahit pa ang sangkot dito ay mahigpit na kaalyado?
SEC.ROQUE: Ipadala po ninyo sa akin ang ebidensiya. Pero kung sasabihin ninyo na naghahanapbuhay sa construction industry ang pamilya ni Senator Bong Go, mukhang hindi po ebidensiya iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Kay Ivan Mayrina pa rin po: Totoo po bang ang may-ari ng Starpay app ay si Dennis Uy?
SEC.ROQUE: Hindi ko po alam iyan. Patunayan po iyan ni dating Senador, Senator Trillanes.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose ng Remate po: Tatlong linggo na lamang po ay gaganapin na ang huling SONA ni Pangulong Duterte, ano pong paghahanda ang ginagawa ng Pangulo para rito? May aabangan po bang kakaiba o special ang taumbayan sa magiging SONA ng Chief Executive?
SEC.ROQUE: Makipag-ugnayan po tayo sa PMS na siyang naghahanda ng kaniyang kahuli-hulihang State of the Nation Address. Sa ngayon po, wala pa po tayong impormasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. From Celerina Monte for Secretary Briones po: Will DepEd still pursue with the negotiation with World Bank on the two loans that you mentioned earlier since you have mentioned that since 1981, World Bank has been helping DepEd? So do you think, it is partly to be blamed for the problematic education in the country? Celerina Monte of Manila Shimbun for Secretary Briones.
SEC. BRIONES: Ang ginawa namin, nag-provide kami ng data. Kasi right now, mayroong mga finger pointing activities. So iyon ang sinasabi namin na right from the beginning and then kaka-trace ko lang ng ibang data as early as the 1970s. Ang World Bank as IBRD (International Bank for Reconstruction and Development) was already involved in Philippine education. Gusto lang naming sabihin iyan as a matter of information.
Now, iyong pag-negotiate ng mga loans, hindi ang Department of Education directly ang nagni-negotiate. It is actually our economic team na ito ay composed ng ating Secretary of Finance, NEDA, etc., etc. So alam nila kung ano ang sitwasyon, I believe, on this matter. Iyong isa is already winding up, iyong negotiations about, itong 110 million dollars on teaching effectiveness. Iyong pangalawa naman, US$100 million ay para sa Alternative Learning Systems para ma-enhance at ma-enrich ito.
So iyon ang sitwasyon. Pero ako, sa paningin ko, dahil pinadalhan naman ako ng personal apology at saka nagsabi rin ang—nakita ninyo na may mga deklarasyon ngayon ang ating mga lawmakers, kinu-quote ang World Bank. Pero inaamin ng World Bank Senior Economist na ang data na ginamit nila ay Program for International Student Assessment (PISA) data which came out in 2019, at ang dami nang nangyayari.
So hindi na natin kailangang i-inform tayo nila kung ano ang situation sa PISA data dahil lahat ng experts education alam naman ang PISA data since 2019 pa. Alam din ng lahat na present administration, ang Secretary of Education, ang ginawa lamang ay sumali tayo because hindi naman tayo dati sumali. I have seven predecessors, and they decided … I believe for valid reasons na hindi sila sasali. Ngayon lang tayo sumali tapos, you know, it’s the usual thing, you shoot the messenger ‘di ba. You kill the messenger, the messenger who brings the bad news.
Last night I was asking myself, what would have happened if we did not participate in PISA again this time? Would it keep us safe, kaming present administration? All that we did was hold up a mirror to us and now we are blaming, as I said, the messenger. But there are other participants since the 1970s who have been holding our hand and at the cost of significant loans which I believe we are paying for. So, depende iyan sa economic team kasi sila ang nagni-negotiate diyan; kami, we our data and opinion.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, may pahabol lang pong question si Marichu Villanueva ng Philippine Star for Secretary Bautista daw po. Senator Pacquiao specifically mentioned Starpay as the designated DSWD ayuda payout that gave out questionable cash releases. Have you looked into this specific allegation?
DSWD SEC. BAUTISTA: Thank you, Usec. Rocky. Ang mga FSP ay natukoy sa pamamagitan ng technical assistance ng Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang pinansiyal na polisiya at regulasyon tungkol sa pananalapi. Sa pagtukoy sa mga FSPs, ipinaliwanag ng BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) na ang pangunahing mga konsiderasyon ay ang pagkakaroon ng balanse sa kakayahan ng mga FSP na mag-cash out. Karagdagan dito ay ang pagkakaroon ng business model institution, karanasan ng commercial rollout, at uri ng cash out points na makakatulong sa pagtitiyak ng liquidity or pagkakaroon ng sapat na pera.
Ang lahat ng prospective FSPs, kasama ang Starpay, ay pinadalhan ng imbitasyon upang makasali sa selection process. Sila din ay pinag-submit ng proposal na kani-kanilang iprinisenta sa isang pagpupulong kasama ang DSWD, DICT at Bangko Sentral. Mula sa kanilang presentasyon ay nagbigay ng rekomendasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas para mabuo ang tinatawag nating terms of reference. Kaya masasabi natin na anim eh, anim actually ng financial service providers ang napili. At sabi nga namin, sa simula ng proseso ng pagpili hanggang sa ongoing na implementasyon ng SAP II, digital payments, ay katuwang namin ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Kaya iyong profile ng mga financial service providers I believe that nakapasa sila sa criteria at kuwalipikasyon na naaayon sa guidelines ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Bautista, Secretary Briones and Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay, bago po tayo magtapos, I would like to acknowledge our visitor in our office, none other than Cebu City Councilor Niña Mabatid. Ma’am, thank you for visiting us.
And I hope you can visit us more often, Councilor Niña Mabatid.
So wala na po tayong mga katanungan, so maraming salamat sa ating mga naging panauhin, Secretary Leonor Briones, Secretary Rolando Bautista. Usec. Rocky, maraming salamat. Maraming salamat, Councilor Niña Mabatid. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, sa muli pong pagkakataon, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing: Nakikiramay po kami sa lahat po ng pamilya ng mga nasawi dito sa nangyari sa Patikul, Sulu at asahan ninyo po, naririyan po ang buong sambayanang Pilipino para maibsan ang inyong kawalan.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)