Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas. Maraming salamat po sa ating mga partners para doon sa napanood ninyong infomercial. Sila rin po ang gumawa noong ating infomercial na ‘Takot Ako sa COVID’. Asahan po natin mas marami pang ganitong mga materyales, lalung-lalo na po sa PCOO.

Umpisahan po natin ngayon ang briefing. Dalawampu’t tatlong barangay officials ang nahaharap ngayon po sa kasong kriminal dahil sa mga anomalya sa SAP. Ito ay matapos mag-file na po ng criminal cases ang PNP – Criminal Investigation and Detection Group sa Prosecutor’s Office ng Department of Justice; Four more cases po ang isasampa in the next few days while a 110 are under case buildup after we received a total of 318 complaints nationwide.

Una nang sinabi ni Presidente na galit siya sa mga tiwali at mga kurakot lalo na iyong mga kakana ng mga ayuda na para lang sa mga mahirap sa panahon ng pandemya. Kasama sa mga anomalya ayon sa DILG ay ang splitting, falsification of the master list, getting a cut or tara from SAP beneficiaries.

Sa pangalawang issue na expanded target testing, hindi po na-report yata nang tama ng isa lang namang istasyon ang aking sinabi kahapon. At nalulungkot po ako ‘no, bagama’t dalawang beses na naging panauhin natin si Secretary Vince Dizon eh mayroon pa ring maling report na lumabas.

Lumalabas po kasi na wala daw diumanong plano at walang aksiyon o hindi prayoridad ng gobyerno ang expanded target testing. Maling-mali po ito, at nalulungkot po ako dahil dalawang beses na nga natin naging guest si Secretary Vince Dizon. At hindi rin po pinababayaan ng pamahalaan ang expanded testing sa pribadong sektor; partner po natin ang pribadong sektor sa bagay na ito.

Unang-una, siguro po kasi mali iyong ginagamit nating term na ‘mass testing’. Ang tawag po dapat ay ‘expanded targeted testing,’ okay. Wala pong bansa sa buong mundo na tini-test ang lahat ng kanilang mga mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong ‘mass testing’. Sino ba ho dito sa Pilipinas ang required na mai-test? Lahat po ng symptomatic, lahat ng galing sa ibang bansa, lahat ng close contacts o kaya iyong contact tracing nga na tinatawag at iyong iba pang mga nag-positibo sa rapid anti-body test. Lahat pong OFWs at OFs na umuuwi sa ngayon ay kinakailangan pong mag-PCR test at kinakailangan mag-facility quarantine bago po makauwi.

Sabi ko nga po, walang bansa sa mundo ang kayang mag-test ng lahat ng kanilang mamamayan. Ang susi sa testing ay work on benchmarks, ibig pong sabihin nito ay 1 to 2 percent of the population of the entire country or in the case of an epicenter, even higher than up to 10%. At iyan po ang ninanais natin sa Metro Manila. Wala pong perpektong formula, kailangan lang nating sundin ang global benchmark and build capacity to test broadly and swiftly, at ito po ang ating ginagawa.

Kahapon po nagkagulo lang siguro, iyong reporter lamang naman po doon sa sinabi ko na wala sa guidelines ng DOH na required ang COVID testing sa kanilang mga empleyado – wala po talaga. Pero kung nagboboluntaryo po ang private sector na i-test ang kanilang empleyado bago bumalik sa kanilang mga trabaho, hindi po tututol ang gobyerno – magpapasalamat pa. Pero hindi po ibig sabihin na walang expanded target testing ang ating bayan.

Ang expanded target testing for DOH ay nakabase sa guidelines ng international practice. We test those who need to be tested, dahil hindi lang iyong mga gustong magpa-test. Sinu-sino ang kailangang magpa-test?—Iyon nga po, sang-ayon sa DOH: iyong critical, Subgroup A; critical or severe cases, Subgroup B; mild cases but vulnerable, Subgroup C; mild cases not vulnerable, Subgroup D; asymptomatic, close contact or with history of travel.

Kung ang ibang bansa ay hanggang nasa Subgroup C lamang, eh tayo po, ang kanilang tini-test kung saan ang A to C lahat po ay symptomatic ‘no. Well dapat lang pong testingin ang symptomatic dahil ang PCR po talaga ay talaga namang accurate kapag mayroon nang mga sintomas. Sa atin, lumampas na tayo po ng 8,000 tests (PCR), pupuwede na tayong mag-Subgroup D at ito nga po ang ating gagawin or ginagawa ngayon. Mula sa limang libong tests kada araw noong May 2, umabot na po tayo ngayon sa labing isang libong tests, (11,127 tests) kada araw ang kapasidad ng bansa noong May 15. We plan to be able to reach the capacity of doing 30,000 tests a day.

PhilHealth po will pay the cost of PCR tests. Kaya nga po iyong mga gustong mag-testing, kaya nga lang po mayroon pong mga kategorya, kinakailangan may sintomas, eh bayad pa rin po iyan ng PhilHealth. Ngayon ang binabayaran po ng mga empleyado na in-explain ko kahapon ay iyong mga rapid test kits na boluntaryo naman nilang binibigay sa kanilang mga empleyado dahil ang rapid test kits po ay hindi pa po nare-reimburse ng PhilHealth.

Now, lahat naman po ng PCR testing nga po within the DOH protocols ay babayaran nga ng PhilHealth. Kasama rito ang mga OFWs, ang overseas Filipinos, symptomatic, close contacts at iba pa. Iyong rapid test nga po ay ginagamit sa mga pribado at sa mga LGUs. In fact ang impormasyon ko po, nakabili na po ang gobyerno ng 275,000 rapid testing kits at ito po ay napamigay na sa mga LGUs na wala pang existing PCR laboratories. Kinakailangan lang po na kapag gumamit ng rapid testing kits eh sumunod po sa istriktong health protocols gaya ng pagsusuot ng mask, social distancing at istriktong isolation protocols habang naghihintay ng confirmatory PCR test kung nag-positive po sa rapid test.

Kaugnay nito, binabati natin si COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon! Pasensiya na Secretary Vince Dizon at baka mamaya kinakailangan ka pang um-appear sa amin nang tatlo hanggang apat para malinawan po iyong isang journalist lang naman na hindi po nakuha ang sinasabi ninyo. Dahil sa tulong po ng Unilab, nagkaroon po sila ng tinatawag na portable labs na puwedeng ma-deploy kung saan-saan at kung anong oras. Ito po iyong larawan ng portable lab na tinatayo ngayon ng Unilab. Ito po ang magandang halimbawa ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor…

Punta na po tayo sa ating COVID updates. Nasaan na ba ho tayo sa laban natin sa COVID-19? Well, mayroon na po tayong 12,718 cases na natala nang COVID-19 sa Pilipinas. Mayroon po tayong recoveries na 2,729 at 831 na po ang namatay dahil sa COVID-19. Makikita po natin sa graphics na sa mga nakalipas na araw, mga nakalipas na limang araw, pababa naman po iyong numero on a daily basis ng mga bagong nagkakasakit sa COVID-19. At pati po iyong mga namamatay ay makikita po natin na iyong numero on a daily basis ay bumababa sa mga nakalipas na limang araw. Ang mga nagre-recover, bahagyang bumaba po the past 5 days pero makikita ninyo po, napakataas na rin ng mga nagre-recover kung ikukumpara sa mga namamatay.

Ito po ang kurbada ng mga bagong cases, makikita ninyo pataas pero gradual po ang kaniyang pagtaas at bahagyang umakyat naman po iyong green line na nagpapakita ng mga kaso ng mga nagre-recover. At stable po iyong red line, iyong mga numero ng mga namamatay dahil sa sakit.

Now, i-discuss naman po natin ngayon ang tinatawag na interim guidelines ng DOH on return to work dahil nga po tayo ay nasa Modified ECQ at GCQ na, ano ba iyong mga guidelines na inisyu ng DOH para sa mga magbabalik trabaho na ating mga manggagawa. Unang-una po iyong engineering and administrative control measures, dapat lahat po ay siguraduhin ng employer na ang workplace ay maayos na na-disinfect, ventilated at na-maintain. Dapat ay maglagay ang employer nang tamang visual reminders para sa safety policy sa workplace. Ang employer ay puwedeng mag-adopt at ipatupad ang alternative work arrangements.

Ang implementasyon naman po ng other prevention and control measures: Unang-una, magsagawa ng daily temperature at symptoms recording at recording ng lahat ng staff na magre-report sa trabaho; Pangalawa, mag-establish ng referral network para sa mga empleyado na magkakaroon ng sintomas; Pangatlo, ang employer ay dapat mag-enforce ng infection control procedures, tulad ng physical distancing, pagsuot ng face mask at hygiene at cough etiquette. Tamang PPE ay dapat isuot base sa setting ng kanilang trabaho; At pang-apat, ang employer ay dapat magpatupad ng mga gawain na magpo-promote ng physical at mental resilience sa mga empleyado at workers na siguraduhin ang ibang mga hakbang na magbabawas ng transmission, contact rate at risk ng impeksiyon sa COVID-19.

Dapat magkaroon po ng screening of returning employees and workers, ang mga nagbabalik sa trabaho ay dapat ma-screen sa sintomas ng COVID-19 at relevant history of travel o exposure sa loob ng 14 days.

Ang magbabalik na symptomatic na may relevant history travel exposure ay hindi dapat payagan na physically magbalik sa trabaho. Ang mga nagbabalik na dating symptomatic na may relevant travel exposure sa loob ng nakaraan na araw ay dapat mag-present ng certificate of quarantine completion.

Kung asymptomatic sa loob ng nakaraan na 14 days bago ang date ng work resumption, pinapayagang magbalik trabaho.

Ang testing of asymptomatic returning employees, number one, ang empleyado na gustong magagawa ng testing ay maaring gawin ito sa representative sampling ng mga nagbabalik trabaho at may high risk na magkaroon ng COVID-19.  Maaring magsagawa ng testing na gamit ang RTPCR among representative sample para maghanap ng ebidensiya ng asymptomatic transmitters.

Ang alternative testing naman po ay ang gamit ng FDA approved rapid antibody tests based among the representative sample para sa baseline ay maari ding gawin every 14 days.

Ang bayad sa test na hindi covered ng PhilHealth, dapat sagutin ng employers, ibig sabihin iyong test po na rapid testing at iyong mga test sa asymptomatic na hindi sang-ayon sa DOH guidelines.

Ito naman po ang mga panuntunan sa inter-zonal at intra-zonal movement, dahil marami tayong tanong po diyan:

–          Ang galaw ng lahat po ng klase ng cargo sa kahit anong klaseng community quarantine ay hindi pipigilan.

–          Ang mga nagtatrabaho sa sektor na logistics, gaya ng cargo, trucking, courier delivery at port operations ay papayagan ding mag-operate kahit nakasailalim sa kahit anong community quarantine.

–          Hanggang limang tao ang papayagang mag-operate ng cargo and delivery vehicle following social strict distancing.

Pangalawa, pinapayagan pong magbiyahe ang mga sumusunod sa kahit anong form of community quarantine:

–          Ang health and emergency frontline service personnel, mga opisyal ng gobyerno at government frontline personnel.

–          Mga authorized humanitarian workers, assistance actors, mga kailangang bumiyahe para sa medical at humanitarian na layunin.

–          Mga papuntang airport upang bumiyahe sa ibang bansa. Mga Pilipinong bumabalik galing sa ibang bansa o mga pabalik na OFWs at OFS na patungo sa kani-kanilang tahanan at iba pang kailangang bumiyahe sa tulong ng national government.

–          Pinahihintulutan ang mga shuttle services na bumiyahe sa loob at labas ng mga lugar na may kahit anong klaseng community quarantine para sa mga gumaganap sa kalusugan at emergency frontline services.

Pangatlo, hindi po pinapayagan ang non-essential entry ng mga taong nasa ECQ liban na lamang sa mga taong pinayagan magtrabaho sa ECQ.

Pang-apat, hindi po pinapayagan ang non-essential entry ng mga taong nasa MECQ liban na lang kung sila ay pinayagang magtrabaho sa MECQ. Ang mga taong pinayagang nasa labas ng MECQ zone ay pinapayagang magtrabaho sa MECQ, kailangang magbigay ng point-to-point shuttle service sa onsite or near site arrangements sa loob ng MECQ zone.

Panglima, hindi pinapayagan ang non-essential exit sa mga taong nasa MECQ at ECQ liban na lamang kung sila ay pinayagan na pansamantalang makapasok at makapagtrabaho.

Pinapayagan ang galaw ng lahat ng tao other than leisure sa GCQ at MGCQ. Pinapayagan ang galaw mula o pagtungo sa lugar na GCQ sa lugar na walang community quarantine liban   kung leisure. Pinapayagan ang galaw ng mga tao sa MGCQ sa lugar na walang community quarantine.

Dito po nagtatapos ang ating presentation, pumunta na po tayo sa mga tanong ng Malacañang Press Corps. Via Skype Triciah Terada.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, I understand the term now that we are using is expanded targeted testing or that the direction that were moving towards to. Pero, sir since iyon nga po iyong statement yesterday, many reacted in the negative, noong sinabi pong iiwan iyong testing doon sa private sectors at least doon po iyon sa anti—-iyong sa rapid test po.

Pero, sir the question now is: Bakit po hindi magawa iyong mass testing? I understand there is global shortage but many people are asking, bakit po iyong ibang mga bansa, despite the global shortage, nagagawa po nilang magkaroon ng mass testing na nate-test even the asymptomatic patients po. Is it a problem of budget, the laws or (unclear)?

SEC. ROQUE:   Mali kasi iyong term na ginamit mo kaya tuloy nagkagulo sa twitter. Kaya nga po ang pakiusap ko sa ating mga kasama sa media, ingat lang po sa reporting. Kasi ang lumalabas, Trish, sa report mo ay wala tayong expanded testing program. Wala tayong kahit anong programa sa gobyerno, na hindi naman totoo. Iyong reaksiyon ng tao sa twitter, ganyan po ang reaksiyon kapag hindi tayo nag-ingat sa reporting.

And although I have to say na ikaw lang naman ang naglabas ng report na ganyan. I have to say it and get it out of my system.

So, anyway, hindi po mass testing ang ginagawa natin, it is expanded targeted testing at wala naman pong bansa sa mundo na lahat ng kanilang mamamayan ay tine-test. Kahapon siguro nagulo ka, kasi sinabi ko iyong ginagawa nila sa Wuhan, dahil sa second wave ay gusto nilang i-test iyong 11 million residents of Wuhan. Pero sa Wuhan lang po iyon, hindi nila kakayanin testing ang lahat ng mga Tsino dahil bilyon nga po ang kanilang population.

So, nalulungkot ako Trish na bagama’t dalawang beses na nag-guest sa atin si Secretary Vince Dizon, eh ang lumabas pa sa report mo wala tayong polisiya para sa expanded testing. Mayroon po kaya nga po inulit ko po muli at uulitin ko po muli kung gusto.

Pero ang kasagutan po sa tanong ninyo, mayroon po tayong expanded targeted testing, siyempre po sa simula mahina po iyan, bago po kasi itong sakit na ito. Bago iyong mga teknolohiya, mga laboratories na ginagamit para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nagsimula, pero we are aiming now for 30,000.

Maling-mali po iyong report mo na wala pong kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing. Kaya nga po si Vince Dizon, ang titulo niya Deputy Implementer at saka Hepe po ng T3 – Test, Trace and Treat.

I hope I have made myself very clear and if you need further instruction or education on the country’s testing program, please approach me. Pero sa panahon ng pandemya nakikita po natin kung ano ang reaksiyon sa mga hindi tamang mga reports, Trish. Sorry to say so.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, I have to correct that with your indulgence—

SEC. ROQUE: Well, you don’t have to correct it if you don’t want to. Pero you are not doing the entire nation a service for doing that ‘no.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  [garbled]

SEC. ROQUE:   I think you also have to rectify your report, kasi it’s really caused public uproar ‘no at mali naman po kasi nga po, this has become a public-private partnership. It’s not because of lack of funds, it’s because everyone gives priority to testing. Kasi iyan nga lang po ang ating paraan para malaman kung saan ang ating kalaban.

But again, I have to say it, I cannot do my job without—sabi ng lahat, huwag ko na raw pansinin, Trish, hindi, I have to call you out. Kita mo naman ang naging resulta ng inyong reporting at ikaw lang ang nag-report na ganyan, buti sana kung lahat ng Malacañang Press Corps nag-report ng ganyan I would say ako ang nagkamali. Pero you took my statements out of context, nag-panic ang publiko. Sa panahon ng pandemic, you have to be responsible for what you report. Next question, please.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Argil Giducos(?) ng Manila Bulletin. Sa case po ng events bawal pa rin ang indefinite. So, what will happen doon sa may mga existing contract like birthday party, wedding, etcetera. Dapat bang mag-refund ang event’s organizer, events place sa mga costumers nila? Ang ini-insist kasi nila nasa kontrata iyong force majeure, meaning kahit anong mangyari, hindi sila accountable at walang refund na mangyayari. Valid ba ito; ano po ang guidelines para dito?

SEC. ROQUE:    Napakahirap naman pong mag-abogado para sa buong bayan, hindi ko po trabaho iyan, tagapagsalita lang po ako ng Presidente at ng IATF. Siguro by way of answer, mayroon pong provision sa New Civil Code on force majeure. At ang force majeure is a ground for rescinding a contract. So, please consult your lawyers. But I do not feel that I should act as a lawyer for the entire nation, paumanhin po.

USEC. IGNACIO:  From Aileen Alfonso ng Bulgar. According to Senator Ralph Recto dapat ibigay pa rin ang second tranche ng mga SAP beneficiaries even if the residence has been downgraded to General Quarantine Area. Klaro sa records ng debate that it should be given in two installment and it’s not linked to the quarantine status of the place. Hindi sinabi doon na kapag downgraded na ang quarantine, we abort the grant of scheduled aid. Kung mayroon pong balanse na kalahati, mga 100 billion pesos. Kung two gives, ibigay na kaagad iyong other half lalo ngayon na mayroon na pong listahan.

SEC. ROQUE: I agree po. Ang gobyerno naman po, kagaya ng sinabi ko kahapon, we are giving to more than eighteen million during the first and the second tranche. Ang Presidente nga po, unang-una, kaya nabago po iyan at nagkaroon ng komplikasyon nang kaunti ay dahil siya po ay nagsabi na bigyan ang lahat kaya nagkaroon ng additional na five million beneficiaries.

Pero dahil nga po sa kakulangan ng pondo, dahil 205 iyong ibinigay, iyong five million beneficiaries po sa reporting natin kahapon ini-include na po natin sa second tranche. So, all in all po, we will be giving to eighteen million beneficiaries in the first and second tranche.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA: Sir, good morning!

SEC. ROQUE:  Yes, good morning.

JOSEPH MORONG/GMA:  Relax…

SEC. ROQUE: Pero alam mo kasi, Joseph, kaya napakahirap nitong trabaho natin dahil kinakailangan natin to be very careful with how we report kasi kita mo naman kung paano nagre-react ang publiko. But yes, I take your word for it, I’m more relaxed now.

JOSEPH MORONG/GMA: Pero sir, just to be fair… That’s why we’ve been pushing this issue ano, definition of terms or whatever, just a little bit on this. But I’d like to read through a soundbite from you, 12:49 P.M. “Well, as much as possible po ano, mayroon tayong ini-increase natin iyong capacity natin kaya nga we are aiming na aabot tayo sa thirty thousand.”

Listen to this next sentence.

“Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na eleven million,” – your quote – “Wala pa pong ganiyang program at iniiwan natin sa pribadong sector.”

That was the soundbite, sir—

SEC. ROQUE: Well, hindi po—

JOSEPH MORONG/GMA: That was the soundbite, sir, to be fair.

SEC. ROQUE: Okay. Well, Joseph, I’ve actually answered this but I will respond to you. Very clearly, literally I compared the situation to Wuhan, where they seek to test all eleven million residents. Hindi po natin gagawin iyon sa buong Pilipinas, ni hindi nga natin magawa po iyan sa Metro Manila. Kaya nga po ang ginagawa natin is a systematic program of targeted testing.

But I’ve answered that question already. Can I have your second question, please?

JOSEPH MORONG/GMA: Of course, sir. Sir, ito… Simula tayo nang magka-GCQ, iyong mga tao, either they were stranded or they want to go home, ang overarching principle, ang puwede lang gumalaw in terms of movement are nasa GCQ, right? They cannot enter MECQ. Just for soundbite purposes para medyo… if they’re considering traveling to their homes, we have a guideline.

SEC. ROQUE: Yes, ipinagbabawal pa rin po ang pagpasok sa MECQ galing sa GCQ except for essential travels.

JOSEPH MORONG/GMA: Sir, iyon pong pagpayag natin na pumasok sila, doon sa essential travels, parang hindi na natin sila nire-require mag-quarantine, tama ba?

SEC. ROQUE: Pagpasok sa… GCQ—

JOSEPH MORONG/GMA: Halimbawa, GCQ ako may trabaho ako sa Maynila, hindi ba? Papasok ako sa MECQ. Normally, before we open up the MECQ, requirement iyon quarantine period na fourteen days but with this present set-up, that’s not required anymore, correct?

SEC. ROQUE: Well, bago lang po kasi itong MECQ, ilang araw pa lang ipinatutupad, at ito naman ay very limited iyang mga taong ganiyan na kinakailangang mag-move from GCQ to MECQ. Pero at the same time, wala naman pong prejudice ito doon sa requirement sa mga local government units, mayroon pa rin pong mga discretion ang mga local government units to impose either quarantine certificate or health certificate.

Alam ko po, diyan sa mga probinsiya ng Rizal iyan po ang ipinatutupad nila, kasi nga po iyong mga farmworkers bagama’t nakiusap nga po kapag farmworkers eh kilalanin naman natin iyong DA Circular na dapat hindi po hinaharang ang mga farmworkers dahil baka magutom po ang Metro Manila.

JOSEPH MORONG/GMA: Sir, last na lang. Sa GCQ areas, you mentioned before and even in the guidelines, allowed iyong mga beach activities in GCQ areas. First soundbite, is it really allowed as an activity, iyong mga beach areas natin? And then second, if may mga LGU who go against that IATF guideline, can they do that?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ang GCQ wala pa rin po ang tourism. Wala pa rin pong tourism, so iyon po ang alam ko.

JOSEPH MORONG/GMA: Swimming activities?

SEC. ROQUE: Swimming activities po, I suppose dahil in-allow ang swimming iyon ang sinasabi mo?

JOSEPH MORONG/GMA: Correct, yeah.

SEC. ROQUE: Ah, okay. Well, I’ll have to clarify that pero ang alam ko po, bawal pumunta doon sa beach para mag-swim kasi that is tantamount to tourism. Pero itatanong ko po sa IATF. Iyong mga lokal kung gusto nila mag-swim as by way of exercise at allowed naman ang swimming as exercise in GCQ, kung papayagan, I suppose puwede naman po. Hindi lang pupuwedeng mang-akit ng mga turista na mag-swimming sa Boracay.

USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Rose Novenario of Hataw: Simula na ngayon ang big time oil price hike. Kahapon ay inalis ang price freeze sa basic commodities, tumaas ang singil sa kuryente, marami ang nawalan ng trabaho at hindi pa puwedeng magtrabaho. Walang public transportation para sa mga pumapasok at wala pa ring mass testing para sa mga mamamayan matapos ang mahigit dalawang buwang lockdown. Ano po ang konkretong plano ng Malacañang para maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, talaga namang alam naming mahirap ang buhay ngayong panahon ng COVID at hindi po namin idini-deny iyan, kaya nga po ang gobyerno humahanap ng paraan para mabigyan ng ayuda ang lahat. Ang Presidente went beyond the numbers imposed or provided by Congress, doon sa mga numero na mabibigyan ng ayuda, he wanted to give more and he stands by his position na kung makakahanap ng pera, bibigyan pa niya ng mas maraming ayuda ang ating mga kababayan.

Pero sa ngayon po, iyong tinatawag na pag-lift ng price control pinalitan naman po iyan ng SRP, iyong suggested retail price, na ipinatutupad pa rin ng DTI at tuloy pa rin naman po iyong iba’t-ibang ayuda na ipinamimigay natin.

Kanina po, nasa telebisyon din iyong Department of Agriculture, mayroon po silang bagong programa na pautang para sa mga magsasaka at mga mangingisda. Ang DTI po mayroon ding bagong pautang sa mga small and medium scale industries at patuloy rin po iyong pagbibigay natin ng salary subsidies sa mga empleyado ng SMEs (small and medium enterprises).

Gagawin po natin ang lahat para maibsan ang hirap, kapit-bisig po tayo, Rose.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang second question ni Rose: Ang gobyerno po ang may pondo at responsibilidad sa public health. Bakit ipapasa sa pribadong sektor ang mass testing? Kailan po magiging unang prayoridad sa National Budget ang Department of Health?

SEC. ROQUE: Again, inuulit ko po, ang term na gamitin ay ‘expanded targeted testing’ at iyan po ay ginagawa ng gobyerno. Ngayon, ang ginagawa po ng private sector, sinu-supplement nila eh. Hindi naman ni-require po ng DOH na bigyan ng rapid testing iyong mga bumabalik na mga empleyado. Pero kung gusto po nila, bakit naman natin sila pipigilan dahil this is one way of also expanding our targeted testing.

So, sa akin po, hindi namin tina-transfer iyong responsibility kasi nga ang katunayan, uulitin ko po, wala namang bansa na tine-test ang lahat ng kanilang mamamayan, hanggang 1-2% po talaga ang tine-test dahil that will give us already a very good picture of the extent of the infection.

Wala pong pagkakaiba iyan doon sa mga survey na ginagawa na para malaman iyong mga voters’ preference, hindi naman po tinatanong ang lahat ng Pilipino. Ite-test natin iyong tamang representative sample pursuant doon sa tinatawag nating random sampling method.

Pia Gutierrez of ABS-CBN?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Good afternoon! Sir, based doon sa recent resolution ng IATF Resolution No. 37, iyong areas outside the ECQ and MECQ will stay under the General Community Quarantine. Ang question ko po: Can we say na wala na iyong classification ng Modified GCQ for low risk areas even if may guidelines na inilabas para dito ang IATF?

SEC. ROQUE: Well, na-define na po natin iyan doon sa guidelines pero sa ngayon po, lahat ng areas ay under GCQ pa rin. So, kapag mayroon na pong mga areas na na-declare under Modified GCQ, iyong definition po kung ano iyong Modified GCQ would be applicable to them.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, speaking of GCQ, sinabi kasi ni Senator Ralph Recto na dapat daw po iyong mga pamilya na nasa GCQ areas, mga low income households in GCQ areas should still receive the second tranche ng SAP dahil malinaw daw po doon sa Bayanihan To Heal as One Act na dapat makatanggap sila ng ayuda sa loob ng dalawang buwan at hindi dapat daw ito nakatali sa quarantine status ng lugar. What do you say to that, sir?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po kahapon, we made an accounting of how many would receive under the first and second tranche and we’re giving to more than eighteen million under both the first and the second tranche.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero hindi po puwede that the same household should receive two tranches of emergency assistance under the Social Amelioration Program sir, based sa Bayanihan To Heal as One Act?

SEC. ROQUE: Let me put it this way. I think we have complied with the law, and I think the President is one with the legislators in wanting to give ayuda to more people. Kaya nga lang po ang issue, saan natin kukuhanin. Kung makahanap po tayo ng additional na pondo, siyempre, bibigyan pa ng additional na ayuda ang mas marami pang Pilipino. 

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay. Last question, sir. Sir, what are we doing top boost our healthcare system to deal with surges of cases, kasi nabanggit ninyo kahapon na mayroon tayong 13,000 na remaining hospital bed capacity. Are we doing something to improve that sir, to prepare just in case na mayroon tayong significant spike of cases?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, gumagawa pa rin tayo ng mga We Heal as One COVID Centers sa probinsiya naman ‘no. Siyempre inuna natin itong Metro Manila at mga karatig na lugar kasi nandito iyong epicenter kumbaga ng COVID-19. Pero we’re trying to build more as we speak dahil nakita ninyo naman ang nangyari doon sa unang araw ng MECQ – dagsaan ang tao. At talagang sigurado naman na kapag magpapatuloy iyan ay mas maraming magkakasakit.

Kaya nga po ang panawagan natin, naku po, naka-community quarantine pa rin po tayo, stay at home kung hindi naman po kinakailangang lumabas. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Kris Jose of Remate: May suggestion po si Congressman Datol sa IATF na bumuo ng technical working group para sa paglalatag ng vaccination plan laban sa COVID-19 at i-prayoridad ang mga senior citizens o iyon pong matatanda sa mga babakunahan dahil ang mga ito raw ang mas lantad na mahawaan ng sakit. Sinabi po ng Kongresista na mahalaga ngayon pa lamang po ay bumalangkas ang pamahalaan ng national action plan for vaccination laban sa COVID-19 kahit wala pang natutuklasang gamot. Batid naman po ng lahat na prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang mga may sakit, pero puwede po bang mabigyan ng bakuna ang mga matatanda na wala namang sakit o hindi naman tinamaan ng COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, bago pa po magsangguni o magpayo si Congressman Datol na ating kaibigan ay mayroon na po tayong plano, mayroon na po tayong tinatawag na National Vaccination Plan. This has been in place not only for iyong existing mga vaccines but also in an anticipation na magkakaroon po ng vaccine laban dito sa COVID-19. And what I will do is I will send the request to the DOH to give priority to the senior citizens. Pero sa tingin ko naman po, that goes without saying dahil identified naman po na most vulnerable group ang senior citizens.

Joyce Balancio?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Marami pong reklamo ngayon ng high electricity charges ng Meralco. Marami pong nagugulat nang nakuha nila iyong bill nila. Nakarating na po ba ito kay Pangulong Duterte; and how do we plan to help them? Kasi po sabi nila, kahit papayagan ng Meralco iyong staggered payments na four months, malaki pa rin po iyong babayaran nila sa kuryente. I believe the ERC has asked Meralco to explain. But are there specific directives po from Palace para tulungan iyong mga kababayan natin?

SEC. ROQUE: Well, this matter po kasi falls within the jurisdiction of the ERC. At nagagalak naman po kami that ERC acted swiftly even without intervention from the Palace. So inaantay po namin ang aksyon ng ERC dahil lahat naman po tayo ay sinisingil ng mas mataas ngayon.

So tingin ko naman ay magkakaroon iyan ng adjustments eh. Dahil ang tingin ko doon sa metro ko mismo ha, ang tingin ko sa metro ko dahil hindi nga nabasa, kung ano lang iyong history ‘no. Pero sa tingin ko naman po ay gagawan ng guidelines iyan ng ERC at ipapatupad naman po ng Meralco.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. If in case po na magiging mabigat pa rin po ito sa ating mga kababayan, will there be additional guidelines to help them po?

SEC. ROQUE:  Well, let’s await first muna kung ano ang gagawin ng ERC ‘no dahil sabi naman nila, they will look into the matter. Tingnan po natin baka naman makuha na iyan ng ERC guidelines.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, si Senator Gordon is recommending for—sumulat daw po siya sa IATF, I don’t know if you already received the letter, asking for more airports to re-open po para sa OFW repatriation. Kasi sabi po niya, given nga po may limitations sa NAIA, mas marami pong OFWs ang stranded at humahaba pa iyong panahon na stranded sila. He is asking kung puwede hong buksan ang Clark at Subic, Mactan airports? Is this something being considered now by the IATF?

SEC. ROQUE: Well, sa huling pagpupulong po ng IATF, nag-report iyong ating Director General sa CAAP ‘no. At sinabi nga niya na although possible na ang GCQ to GCQ travel ay kinokonsulta pa nila iyong mga airlines about the possibility of starting regional hubs. Ang problema kasi, Manila and Clark are still under MECQ ‘no; Lapu-Lapu in Cebu is not so iyan puwede iyang maging regional hub. Pero they are working out the details po kung paano mare-resume somehow ang commercial travel sa mga GCQ areas.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Last na lang po, sir. Do we have a message po para sa mga OFWs? Marami po kasing nagrereklamo na matagal na raw po silang nasa quarantine facility, some of them first of week of May pa po na-test and until now ay wala pa po iyong COVID-19 test nila. Uma-appeal po sila ng tulong from Palace.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po talaga aktuhan na natin iyan. Normally sinasabi ko lang na tinitingnan ng OWWA pero ngayon po ang pangako ko, sige, pakikialaman na po natin iyan at talagang hihingi tayo ng imbentaryo sa OWWA kung sinu-sino iyong  mga naghihintay ng resulta, bakit ganoon katagal; at bibigyan ko po kayo ng abiso kung ano ang sasabihin ng OWWA ‘no. Pero palagi ko pong naririnig iyan, at ako naman po ay … at ang Presidente rin ay nagiging concern na dito dahil nga ang mga OFWs ay nawalan na ng trabaho, gusto nang makauwi, eh titingnan po natin kung paano mapapabilis iyan.

We will look into this now. We will go out of our way and actually ask OWWA for an inventory lalung-lalo na kung ilan na iyong mga napakatagal nang naghihintay ng resulta, and really ask iyong laboratories, “Kaya ninyo ba o hindi?” Okay? We will do that po. Right after this briefing, we will take steps.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Dalawa po ang tanong ni Catherine Valente pero iyong isa ay natanong na ni Joyce Balancio: The Supreme Court is not inclined at this time to grant a temporary restraining order to ABS-CBN as many of the magistrates prefer to put the case on hold while the House of Representatives acts on the measure, not wanting to be accused of intruding in congressional affairs. What’s the Palace take on this? Does the President share the same opinion on this matter?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam how to react to that because ang alam ko ay wala lang desisyon ang Supreme Court and we should not read anything into that fact ‘no. Hinahayaan lang po natin ang Korte ang magdesisyon diyan. At kung wala pong TRO, ibig sabihin, hindi po siguro convinced ang Korte Suprema na hindi kinakailangan ang TRO; hanggang doon lang po.

Skype, si Melo Acuña.

MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary. If we look forward, has the appropriated funds for the Department of Education? Because there are stringent measures on social distancing so this may require new school buildings and new teachers. Would the DepEd have additional budget so far?

SEC. ROQUE: Kung kinakailangan po ng extra budget, hihingi po tayo. Pero as of now, we’re working on the budget approved by Congress for the year 2020. Mayroon po tayong Bayanihan We Heal as One Act pero wala pong probisyon doon for extra funding for the DepEd. Titingnan po natin kung kinakailangan, hahanap tayo ng source of pondo kasi hindi naman pupuwedeng magkaroon ng supplemental budget na walang source of revenue na pagkukuhanan.

MELO ACUÑA: Opo. There was a press briefing a while ago by the Alliance of Concerned Teachers calling on the government to reconsider the school opening. Pardon the term but the term they used is ‘no mass testing, no school opening.’ Your reaction please.

SEC. ROQUE: Well, as I said ‘no, ang ating ginagawa po ay expanded targeted testing ‘no. At ang inaasahan naman po natin na dahil ang ginagawa rin natin is based on science and statistics, we would have a fair picture of the extent of infections sa buong bayan natin ‘no; and we are working still on improving that capacity ‘no.

Well, alam ninyo po, flexible naman po tayo eh. Although we have said that August 24 is the date of school opening, that assumes na at least GCQ na po ang sitwasyon ‘no. Kung talagang come August 24 ay may mga lugar pa rin na under MECQ or bumalik sa ECQ, na mayroon  talagang posibilidad dahil nga binabalewala ang social distancing, eh baka wala pa rin pong klase iyan.

So ang sinasabi ko lang po, ang assumption natin, by August 24 it will be GCQ. Hindi naman tayo magpipilit kung talagang dodoble po o bibilis ang pagkalat ng sakit at magiging banta sa kalusugan ng mga kabataan.

MELO ACUÑA: Thank you very much, Secretary. Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, from Rosalie Coz of UNTV: Follow up daw po sa mass testing doon sa sinabi ninyo kahapon, wala pang programa to test millions of residents like sa China at iniwan po ng pamahalaan sa pribadong sektor ang mass testing. Pag-amin ba ito na nakadepende daw po ang Duterte administrations sa private sector in terms of mass testing? Ano po ang next resort ng pamahalaan kung depleted na rin po ang resources ng pribadong sektor dahil sa crisis?

SEC. ROQUE: I’ve answered that po ‘no: we have an expanded targeted testing. Albeit siguro iba iyong mass testing, pero wala naman pong bansa sa buong mundo na nagkakaroon ng mass testing for all its citizen.

Ang sinabi ko lang po kahapon iyong Wuhan because I read a news article na they want to test all 11 million. Okay? Eh doon naman po nanggaling kasi iyong sakit at siyempre iyon iyong iniiwasan nilang second wave din.

Pero from the very beginning, we have had a systematic policy of expanded targeted testing, at sa tingin po natin, ang sinusunod lang natin is benchmark recognized internationally specifically by the WHO. So mayroon po tayong ganiyan.

Ang sinasabi ko lang, kung ang mga employers for their own confidence ay gustong magbigay ng additional testing sa kanilang mga manggagawa, nagpapasalamat po tayo and we encourage that. I hope that is clear po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Pero afford po ba natin ang second round ng ECQ gayung may probability na po ng second wave dahil sa nangyari sa first day ng MECQ? Ano daw po ang mas preferred ng Duterte administration – ang nakalagay dito – mass testing or second round ng ECQ, at bakit daw po?

SEC. ROQUE: Ros, we are pursuing the expanded targeted testing. We even appointed a testing czar, si Secretary Vince Dizon nga. So we are taking testing seriously, it’s the only way we can identify where the enemy is. Kapag nalaman natin kung nasaan ang kalaban, then we can isolate and we can cure.

USEC. IGNACIO: Okay. Mayroon na lang po tayong tatlong tanong, Secretary. From Francis ng Daily Tribune: May we get Palace’s reaction sa naging pagbisita ni Pangulong Duterte sa Davao City? Aside from visiting his family and having a first-hand looking on the COVID-19 situation, may naging other activities po ba daw siya? Will he also be planning to visit other places in the country affected by COVID-19 and Typhoon Ambo? Ano po ang magiging agenda ng meeting ng IATF today? May major announcement ba siya later?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong ibang balita sa ginawa ng Presidente dahil bumalik lang po siya kagabi, and we will be meeting with him, ilang miyembro ng IATF will be meeting with him tonight. I will give you po an update.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Marita Moaje: Ang rapid test kit po ba para sa mga pulis na frontliner ay kailangan nilang bayaran from their own pocket?

SEC. ROQUE: Well, ang gobyerno po, initially ay bumili na po at nandito na ang 275,000 rapid test kits. Pinamigay po iyan sa mga LGUs na wala pang PCR labs. So talagang ginagamit naman po talaga natin ang rapid test kits kapag wala pang available na PCR. Obviously naman po kasi, although we are aiming for 30,000 PCR tests, eh sa ngayon po ay wala pa tayo doon; nasa 12,000 pa lamang tayo at napakadaming mga babalik sa trabaho ‘no in excess of the daily capacity. Kaya po ang private sector ay gumagamit ng rapid test kits. Pero iyan po, ginagamit po iyan in conjunction pa rin with PCR. Kapag nag-positive sa rapid test kits, kinakailangan ng confirmatory test sa PCR.

So we expect po—mayroon akong nakuhang data. Naku, nakalimutan ko lang kung ilan iyon ‘no, but we have also placed additional orders for rapid test kits. If I’m not mistaken, it is—well, sandali po ‘no. Unang-una, iyong additional na in-order natin for PCR is good for 1.6 million Filipinos, okay. Pero doon sa rapid test kits, I cannot remember but we ordered, if I’m not mistaken, alam ko it’s not less than 900,000 rapid test kits pa ‘no in addition to the 1.6 na PCR test kits that we will have available. So ganoon kadami na po iyong na-purchase natin, and we expect them to arrive soon.

Okay, nawala po si Usec. Rocky. So dahil wala na po tayong ibang mga katanungan, again, sa ngalan po ng inyong Presidente, President Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque saying keep safe Philippines.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)