Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas.

Balitang IATF muna po tayo ‘na. Nasa Alert Level # 4 po tayo during this pilot implementation sa Metro Manila. Good news po ito ha! Balik trabaho na po ang mga manggagawa at empleyado sa mga restaurant, mga carinderia, mga kainan sa Metro Manila simula Huwebes, September 16. Pinapayagan na po ang al fresco at indoor dining basta fully vaccinated ang mga workers at mga empleyado. Puwede po na hanggang 30% sa al fresco dining para sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan. In addition, puwede rin ang 10% indoor dining pero kailangan po fully vaccinated ang customers.

Alam ninyo po dito sa New York, hindi po kayo papapasukin ng restaurant kung wala po kayong proof of vaccination. So dito naman po sa Metro Manila, ten percent ang indoor dining basta mayroon pong proof of vaccination. Balik-trabaho na rin po ang nasa personal care services establishments ‘no; kailangan fully vaccinated po ang mga empleyado. Pinapayagan na po ang ten percent indoor sa fully vaccinated, 30% sa outdoor para sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan.

Sa religious services po naman, pinapayagan ang ten percent indoor sa fully vaccinated at 30% po outdoor sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan. Pero kailangan po ha, lahat ng church workers ay kinakailangan fully vaccinated.

Pumunta naman po tayo sa general guidelines na inilabas ng inyong IATF na guidelines on the pilot implementation of Alert Level system for COVID-19 response in the National Capital Region. Una, ang DOH ang mag-a-identify ng Alert Level ng pilot area, at ang lugar na matutukoy na DOH ay susunod po sa protocols ng declared Alert Level. Inuulit namin: Metro Manila lamang po ang mayroong alert levels! Community quarantine pa rin po ang mga nasa labas ng NCR. Lingguhan ang mangyayaring classification ng pilot area po dito sa NCR.

Ang close contacts ng mga probable ay at confirmed COVID-19 cases regardless of their vaccination status at hawak na negative COVID-19 test result ay kailangan pong sumunod sa … at sumailalim sa 14-day quarantine. Kailangang magsumite ang mga LGUs araw-araw ng kanilang datos sa kanilang regional IATF.

Kailangan na magpatupad ng minimum public health standards sa lahat ng oras. Pumunta po tayo doon sa sinasabing tatlong ‘Cs’ – crowded spaces, closed spaces and close contacts. Limitado ang ating 3Cs activity tulad ng pagpayag natin ng indoor sa mga fully vaccinated.

Ano naman po ang granular lockdowns? Tulad nang sinabi ko na dati, ang granular lockdown ay pagsasara sa isang barangay o isang household. Ito ay magtatagal nang hindi bababa po ng labing-apat na araw. Ang maganda rito ay maliliit na lugar lamang ang nala-lockdown habang malayang gumalaw ang mas nakakarami.

Sinu-sino po ang makakalabas-pasok sa mga lugar na nasa granular lockdown?

  • Mga health workers at mga nagtatrabaho sa mga hospital, labs at dialysis facilities.
  • Pati na po ang uniformed personnel kabilang dito ang mga sundalo at mga pulis na magpapatupad po ng lockdown.
  • Puwede ring makalabas at makapasok ang mga OFWs. Lilinawin lang namin ito: Ang mga OFWs na paalis para magtrabaho abroad at pauwi galing abroad papunta sa kanilang tirahan matapos ang kanilang facility-based quarantine.
  • Mga taong nakatira sa lugar na under sa granular lockdown para umuwi pero kinakailangan nilang manatili roon habang nasa granular lockdown.
  • Mga taong kailangan ng urgent medical attention.
  • Food at essential items na diniliver, nguni’t kailangang ibaba ito sa border collection points.

Mamaya makakasama natin po si DTI Secretary Mon Lopez para magbigay-detalye sa mga activities na listed sa ‘3Cs.’

Makakasama rin po natin si MMDA Chairman Benhur Abalos para naman sa iba pang detalye sa granular lockdowns.

Humarap sa taumbayan po si Presidente at ilang miyembro ng Gabinete para sa kaniyang regular Talk to the People. Ito ang ilan sa salient points: Una, pinag-aralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbabakuna ng general adult population. Ito ay nakadepende siyempre po sa supply ng bakuna.

Pangalawa, kinilala ng Ehekutibo ang awtoridad ng Senado na magsagawa ng hearing in aid of legislation. Bilang head ng Executive department, sinabi ni Pangulo na kailangan i-clear muna sa kaniya ng mga miyembro ng Gabinete ang kanilang pag-attend sa Senado.

Pangatlo, sinabi ni Presidente na dahil sa Bayanihan I, ang Executive department ay binigyan awtoridad ng Kongreso mismo kasama na po ng Senado na bumili ng necessary medical supplies in the most expeditious manner na hindi po sumusunod sa RA 9184. Wala pong nakitang mali ang Commission on Audit! Ito po ang sinabi ni Chairman Michael Aguinaldo, and I quote, “The findings of auditing that handles PS-DBM really pertained more to inventory management and not the overpricing.” Kasi ang nangyari rito po – I think you were flashing the figures earlier – you had purchases of, for example, iyong face mask, anywhere from 13 to 27 pesos. And they procured quite a bit, and I think someone mentioned earlier na hindi nga natuloy iyong ibang deliveries because of inventory and warehousing space. The problem was, hindi po na-dispose kasi a lot of this equipment right away so that noong dumating po iyong September and the prices went down, the regional offices and the hospitals ng DOH, ayaw nang bumili o kumuha from PS-DBm kasi mahal.

Usaping bakuna naman po tayo. Nasa 39,142,205 na po ang total vaccines administered ayon sa September 13, 2021 National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 17,078,676 po ang fully vaccinated. Sa Metro Manila po ha, nasa 14,462,262 na po ang total vaccines administered. Sa bilang na ito, nasa 6,000,763 naman po ang fully vaccinated as of September 13, 2021. Sa Metro Manila po ha, ang fully vaccinated ay 61.38% na po.

Pumunta naman po tayo sa updates sa COVID-19. Nasa 20,745 ang mga bagong kaso ayon sa September 13, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 90.4%, mayroon na po tayong higit sa dalawang milyon or 2,032,471 na mga gumaling. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 35,307 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.57% po ang ating case fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital: Sa ICU beds sa buong Pilipinas po – 74% ang utilized; sa Metro Manila – 78%. Ang utilized po na isolation beds nationally ay 69%; sa Metro Manila – 65%. Ang ward beds po nationally, 74% ang utilized; sa Metro Manila – 72%. At sa ventilators, 57 po ang utilized nationwide at 61% naman po sa Metro Manila.

Sa iba pa pong usapin ha, lilinawin lang po namin: Wala pa pong desisyon na magkaroon ng COVID-19 booster shots para sa mga healthcare workers. Mayroon lang pong rekomendasyon pa lang ang Vaccine Expert Panel or VEP, and this is still up for review. Uulitin ko po: nag-recommend lang po ang Vaccine Expert Panel na bigyan ng booster shots ang ating healthcare workers; wala pa pong desisyon ang IATF.

At sa iba pang usapin: Pinirmahan po ni Presidente ang Republic Act #11589 noong Biyernes, September 10, kung saan papalakasin at gagawing makabago o modern ang ating Bureau of Protection. Kasama sa programang ito ang enhancement ng capability ng mga personnel ng BFP at pagkuha ng state of the art fire prevention, fire suppression, fire investigation, and emergency medical and rescue services, facilities and equipment.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon si DTI Secretary Mon Lopez at MMDA Chairman Benhur Abalos. Unahin ko na po si DTI Secretary Mon Lopez.

Sir, ano pa ba ho iyong mga iba’t-ibang industriya na magbubukas ngayong mayroon na po tayong pilot implementation nitong Alert Level Systems sa Metro Manila?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you. Magandang araw po, Spox, Sec. Harry. Kay Chairman Abalos, sa atin pong mga kasama dito sa media, sa taumbayan, magandang araw po.

Kung titingnan natin, Spox Harry, ang Level 4 na pina-pilot po natin ngayon sa NCR ay para pong MECQ. Kaya lang po ang ikinaiba po na in-adopt natin ngayon as you explained very well, mayroon po tayong sistema ng granular lockdown at sasamahan ng alert levels one (1) to five (5).

Ngayon, iyong five parang iyon din naman iyong ECQ ‘no at dito naman po sa pag-announce ng kung anong alert level, ang ikinaiba lang po nito ay magiging eventually po kapag ito ay ini-rollout magiging by city or municipality. Again, for now, naka-pilot test lang sa NCR, kapag ini-rollout nationwide, ito po ay by city and municipality, hindi na by province, hindi by region. So, iyon po ang magiging kakaiba nito.

Ngayon po, like an MECQ, allowed naman po ang maraming businesses tulad ng mga manufacturing, both essential and other manufacturing; pati na rin iyong mga low risk services – accounting office, engineering, lahat po ng mga pinag-uusapan natin dati allowed pa rin po iyon.

Mayroon lang po iyong sectors of concern na alam po natin nakasara dito sa kasalukuyang MECQ before September 16. Ito nga pa po iyong dine-in, personal care services at even iyong pagpunta sa simbahan.

Ang maganda hong balita, ang IATF po, in consideration po of pagbalanse sa ekonomiya, makabalik ang marami nating kababayan sa trabaho, pinayagan na rin po to a limited extent ang operation po ng dine-in at personal care na naka-limit po sa barber shops, salons, iyong mga hair and nail care po muna – basic. Very basic necessities po na services at kasama na rin po iyong church service.

Ito po ay magsisimula sa September 16, naka-pilot for NCR dahil po as reported, mataas na po ang vaccinated rate dito po sa NCR kaya minabuti pong i-pilot muna dito – 61% ang vaccinated rate.

The same thing, may concern pa rin ho tayo sa indoor because of the Delta which is considered highly transmissible and therefore sa pagbubukas ng kaunti ay talaga pong kaunti muna dahil ho talagang maingat na maingat po tayo.

Indoor, papayagan 10% capacity lang po muna. At least po nabuksan ng 10%, matagal pong usapin ito sa IATF, matagal na deliberasyon. At tayo po ay nagpapasalamat sa ating mga secretaries, mga kasamahan po, kay Chairman Abalos, mga kasamahan sa IATF, sa pag-unawa po nila at pagpayag na rin po ng indoor kahit 10% capacity.

Basta ang niri-require na lang po dito, must have fully vaccinated workers and iyong customers fully vaccinated. So, i-imagine po natin, kaysa sa sarado, bubuksan po ito dahil considered po na at least safe po ito sa mga workers na vaccinated at customers na vaccinated.

Kapag outdoor, medyo mas malaki po ang opening, 30% at regardless na po kahit nabakunahan o hindi nabakunahan ay ia-allow po dahil outdoor, mas maganda po ang ventilation, ang ikot ng hangin. Pero ang mga workers din po sa restaurant, sa dine-in restaurant at mga personal care services, kahit outdoor ay dapat vaccinated ang workers.

Again, ito po ay only for the three sectors na binabanggit po natin and only during the Level 4. Again, ito po, hindi po ito iyong tulad ho ng iminumungkahi ng iba na bakuna bubble because this is only for iyong indoor at during the Level 4 only for these sectors. Doon lang po natin binibigyan ng kaunting puwang kaya ho very careful po tayo, doon lang po ia-allow iyong vaccinated.

But for the others, sabi ko nga po kapag outdoor, open to all vaccination status. Because also for Level 3, iyong mas maluwag na level – Alert Level 3, Alert Level 2, Level 1, wala na pong distinction – all vaccinated status. At doon po, kaya po tulad ng sinabi ni Spox Harry, if you’ll allow more sectors to open sa Levels 3, Level 2, Level 1, in fact, more services will be opened.  Allowed po 30% na kapag Level 3, all vaccination status. Kapag Level 2, allowed 50% all vaccination status.

So, iyon po muna ang ano ko. Mamaya ho, I can explain po iyong impact dito sa mga moves natin na ito dahil we believed na kahit papaano po makakabalik po ang mga kababayan nating nagtatrabaho dito sa mga sectors of concern.

Salamat po, Spox. Sa inyo pong lahat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Mon Lopez.

Kasama rin po natin ngayon ang ating MMDA Chairman Benhur Abalos. Sir, ano pa po iyong mga ibang guidance ng ating mga kababayan pagdating po dito sa pagpapasailalim sa Alert Level 4 sa Metro Manila.

MMDA CHAIR ABALOS: Magandang tanghali po, Spox Harry, Sec. Mon, sa lahat po ng mga kasama natin sa media. And of course, sa ating mga kababayan dito ho sa Pilipinas, magandang tanghali po.

Unang-una po, lilinawin lang po namin na huwag na ho tayong malito tungkol sa mga quarantine and ECQ/GCQ. Isipin na lang natin bagyo, Signal Number 1, Number 2, Number 3, Number 4, ito na ho ang magiging bago nating signal. Klaro, number 1, 2, 3, 4. At kamukha ng bagyo, mayroong nagsasabi kung anong Alert Level, ang PAGASA iyon. Ito naman ang Department of Health, siya po ang nagsasabi.

At tandaan ninyo po, ito po ay pilot lamang, ito ay tini-test lamang dito sa NCR. At of course may basehan iyan. Of course, kung may bagyo ang basehan natin ang lakas ng hangin at ang lakas ng tubig. Ang basehan naman nito ay more or less dalawang bagay: Ang lebel ng impeksiyon sa isang lugar and of course iyong dami ng mga ospital, ng mga pasyente. Iyan po ang mga indicators dito na ginagawa ng DOH.

In any case, isipin lang po natin na ito ay sa National Capital Region lamang, sa Metro Manila. Ang Metro Manila ngayon ay nasa Alert Level 4 but these are things to consider kasi baka sabihin ninyo bakit po may bakunado, bakit po ganito, may ganoong patakaran, iyong sinabi po ni Sec. Mon at saka ni Sec. Harry.

Madagdagan ko lang iyong sinasabi ni Sec. Harry tungkol sa mga nabakunahan sa Kalakhang Maynila. Kung iisipin po natin, kulang-kulang 85% ng Metro Manila ngayon ang naka-first dose, 85% ‘no, at ang fully vaccinated sa atin ay 61% na ho ng Metro Manila – ganoon kadami.

So ang mangyayari nito, by October 12, iyon pong tinatawag nating 85% na first dose, magsi-second dose po iyan. Kung ito ay Sputnik at Pfizer, ito ay 21 days; kung ito ay Sinovac, Moderna, AstraZeneca ay 28 days; at Janssen, one day. So, by October 12, more or less kulang-kulang 78.98% or 79% ng taga-Metro Manila dalawa na ho ang bakuna.

Kaya naman ito ang ginawang patakaran, kinonsider po lahat ito kaya ginagawa po itong patakaran na ito. At hindi po lamang iyon, sa mga sinabi po kanina, ang gusto ko lang idagdag, ang Metro Manila mayors ay nag-meeting. Nagkaroon po kami ng survey kung pati na rin ang tinatawag na curfew hours ay babaguhin natin dahil ang curfew ngayon ay alas otso ng gabi. So, ito ho ay inuusad na. Nagbotohan kami, maglalabas kami ng resolution na ang implementasyon nito ay isasabay sa pilot, magiging ten o’ clock na po ng gabi hanggang alas kuwatro ng umaga. Iyon na rin po ang inano ng mga alkalde.

So, more or less, Spox Harry, iyon na lang at siguro ang maidadagdag ko lang is that para huwag kayong malito, isipin ninyo lang iyon kasing 3Cs napaka-importante ng 3Cs, iyong sinasabi po nila dahil parating vulnerable iyong 3Cs na iyon.

Tandaan ninyo lang, under Alert Level 4, iyong al fresco, iyong dine-in – 30%; iyong 10% fully vaxxed. Iyong personal care hindi lahat ng personal care ay kasama rito. Inuulit ko ha,

Ang nakalagay dito ay barber shop, hair spa, nail spa, and beauty salon – 30% outdoor, 10% fully vaccinated at kailangan may mask kayo at lahat ng trabahador dito pati sa restaurant ay kailangang ay fully vaccinated. And of course, sa gobyerno, at least 29% ay papasok. At sinasabi rin dito. Ito naman dahil Alert Level 4 muna ang pag-usapan natin, hindi pa rin allowed, hindi pa rin allowed, baka malito po tayo rito: Tourist attractions, library, archives, museums, galleries, cultural shows and exhibits ‘no. Okay.

Number two: indoor venues for meeting, incentives, conferences, events and [unclear]

Number three, indoor entertainment such as cinema, bawal pa din po, live performance, karaoke bars, clubs, concert halls and theaters, bawal pa rin po iyan. Bawal pa rin ang amusement park, ang theme, ang perya, ang kid amusement, playground, play room and kiddie rides.

Ang indoor recreational venues, kamukha ng internet café, ang bilyaran, ang amusement arcade, bowling alleys, similar venues, bawal pa rin po iyan.

Ang face to face classes sa mga examinations, bawal pa rin iyan, unless approved previously by IATF or by the Office of the President.

Bawal pa rin po ang casino, horse racing, cock fighting, operation of cockpits, lottery, betting shop and other gaming establishment as maybe authorized by the IATF or of the Office of the President.

Social events—ito pakinggan po ninyong maigi ha: Social events but not limited to concert, parties, wedding receptions, engagements parties, wedding anniversaries, debut and birthday parties, family reunions, bridal or baby shower, parades, processions, motorcades and gatherings at the residences with any person outside of one’s immediate household, at residences with any person outside of one’s immediate household.

Tapos sumunod: Indoors sports, courts or venues, fitness studios, gyms, spas or outdoor/indoor leisure centers or facilities and swimming pools ‘no.

All contact sports, except those conducted under a bubble type set up as provided for under relevant guidelines adopted by the IATF and approved by the LGU where such games shall be held.

And of course, iyong sinasabing personal care, iyong sinabi ko kanina, ang pupuwede lang kanina, kamukha noong binabanggit ko, inuulit ko ang pupuwede lang ay ang barber shop, hair spa, nail spa and beauty salon ‘no.

Pero ang ibang personal services which shall include medical aesthetic, clinics, cosmetics or derma clinics, make up salon, reflexology, aesthetic, wellness and holistic centers and other similar establishment, acupuncture and electro-cautery establishments, massage therapy including sports therapy establishment ‘no. So ito, hindi pa rin po puwede, it includes tanning services, body piercing, tattooing, similar services, home service for these activities are likewise not permitted. And of course, iyong specialized markets for DOT such as staycations.

Huwag po tayong masyadong malito, uulit-ulitin po namin itong information na ito para alam ninyo lang. Basta tandaan po ninyo kamukha po ng sinabi ni Sec. Harry at Sec. Mon, pagdating po rito sa 3Cs, more or less iyon pong tinatawag nating dine in na 10% na fully vaccinated, outdoor, al fresco – 30%; at iyong personal care tandaan ninyo ha, limited ito sa barber shop, hair spa, nail spa and beauty salon – 30% outdoor at 10% fully vaccinated.

Iyon lang po, Spox Harry, salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, MMDA Chairman Benhur Abalos. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Good afternoon po sa atin ding mga bisita.

Ang una pong tanong manggagaling mula kay Ace Romero ng Philippine Star: According to the general guidelines daw po ng alert level system, close contacts regardless of vaccination status and possession of a negative COVID-19 testing result of probable and confirmed COVID-19 cases shall undergo 14-day quarantine in accordance with the isolation and quarantine protocols set by DOH.

What’s the point of imposing the requirement of vaccinated persons? Isn’t the government supposed to provide incentives for people who availed of vaccines?

SEC. ROQUE: Well, ulitin ko lang po ‘no, iyan po ay para sa mga nagkaroon ng close contact at alam naman po natin na iyong pagiging bakunado ay hindi po garantiya na hindi pa po tayo mahahawa muli, iyong mga tinatawag nating mga breakthrough infections ‘no. So iyon po ‘yung dahilan.

USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Secretary, sinabi daw po ni Senator Manny Pacquiao and I quote: “Sa tingin ko hindi naman naresolba ang pandemya. Mas lalo pang lumala, pataas nang pataas ang mga cases ng infected with COVID. Talagang mismanaged. I’m sorry to say this but ‘yan po ang naramdaman ko.” Any reaction sa naging pahayag ng senador?

SEC. ROQUE: Hindi po ako nagtataka na ‘yan ang kaniyang pakiramdam dahil panahon na po ng pulitika. Pero ang totoo po niyan ang problema si Delta variant – 5 to 8 times more infectious than iyong mas infectious pa na variant ‘no na Alpha variant ‘no. So talagang dadami po ang mga kaso natin dahil ito po dadaan ka lang eh pupuwede ka nang mahawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Kaugnay naman po sa COA report and other related issues to the DOH budget utilization. Tinawag ito ni Pacquiao na ‘plundemic’ or plunder in time of pandemic. Sabi niya and I quote: “Plundemic which is stealing money intended to save lives is the biggest crime against humanity.” Ano po ang masasabi ng Palasyo sa pahayag na ito?

SEC. ROQUE: Well, nagkaroon na po nang paglilinaw dito ang COA ‘no. Sa kaniyang report po sa DOH, hindi po niya ever sinabi na nagkaroon ng pandarambong. So wala pong ‘plundemic’ na sinasabi. Ang sinasabi nga po ng COA nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit iyong ilang mga halaga po na salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po nagastos. Pero ‘yan pong clarification na ‘yan ay hindi po ako nagsabi niyan, iyan po’y nanggaling po sa COA mismo.

USEC. IGNACIO: Thank you po, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong via Zoom si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, Secretary Lopez and Chair Abalos. May tatlong katanungan lang po ako, tigi-tig-isa sa inyo.

Una po, Secretary Roque, para lang din malinaw sa ating mga kababayan. Ito po bang IATF guidelines ay approved na rin ni Pangulong Duterte at ano po ang general directives ni Pangulong Duterte sa IATF at sa ating mga kababayan ngayong magkakaroon tayo nang pagbabago ng sistema?

SEC. ROQUE: Iyan po ay deemed approved under EO 112—hindi ko lang po sigurado kung tama nga iyong number pero may EO po na nagdi-delegate ng kapangyarihan na mag-issue ng ganitong patakaran sa IATF.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And kay Secretary Lopez naman po, please. Secretary Lopez, kasi nababanggit ninyo nga kanina din iyong iba’t ibang guidelines para sa ating mga manggagawa, sa ating mga businesses pero hindi nabanggit sa guidelines iyong tungkol sa transportasyon. Paano po kaya iyong—ganoon pa rin po ba iyong magiging patakaran? Kailangan bang mag-provide ng mga kumpanya ng transportasyon para sa kanilang manggagawa or magiging maluwag naman po tayo sa pagsakay ng ating mga kababayang wala namang sariling sasakyan?

DTI SEC. LOPEZ: Tama po. Actually, wala ho tayong binabago sa ating polisiya sa transportation. Alam po natin na tuluy-tuloy naman po ang pag-u-open at pagdagdag ng mga public transport units and facilities ng ating DOTr. At kahit po tayo, even noong ECQ pa lang at nag-MECQ at moving into this, wala ho tayong binabagong paghihigpit dito po sa transportation. At tuloy rin natin iyong pag-encourage sa mga kumpanya na magbigay ng mga shuttle services.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuling tanong na lang po for MMDA Chairman Abalos. Chairman Abalos, kasi kung atin ngang mapapansin mabigat iyong responsibilidad para sa mga LGU dito nga sa bagong COVID-19 Alert Level System. Para po sa inyo, gaano kahanda iyong ating mga LGU pagdating sa manpower and also po sa budget?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ever since handa naman po ang mga alkalde. Gumaan nang konti dahil ang ayuda na ibinigay ay halos tapos na po sila ‘no, iyong ayuda. So nakagaan nang kaunti at iyong tinatawag nating pagbabakuna, halos gumaan-gaan na rin dahil iilan na lang, halos nagma-mopping up na lang kami dito sa Metro Manila.

Ang malaking problema lang namin siguro ay iyong since because of Delta, tama po si Spox Harry kanina, talagang—kung titingnan ninyong dati pawala na iyong kaso natin dahil nakabakuna na tayo eh, dumating lang iyong Delta kaya it’s a game-changer eh. At hindi lang naman Pilipinas, halos lahat ng dapuan nitong bansa talagang kumakalat; nakita naman nating lahat iyon eh.

So iyon ang naging problema namin dahil iyong aming isolation medyo napuno ‘no at, of course, iyong mga lockdown na gagawin namin, ang nagpapakain po nito ay ang mga LGU. [technical problem] … sila ng kalahati. [technical problem] …

SEC. ROQUE: Chairman Abalos, medyo nagpi-freeze po kayo ‘no. Chairman Abalos, nag-freeze po kayo. Siguro babalikan natin si Chairman Abalos ‘no, nag-freeze kasi. Okay.

But ang sinabi po niya shared responsibility po iyong pagbibigay po ng food supplies sa panig po ng LGUs at sa panig po ng DSWD. Sana makabalik si Chair Abalos ‘no.

Okay. Next question please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from Paul Samarita ng TV-5—kaya lang po iyong question niya for Chairman Abalos. Chairman Abalos, can you hear us po?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: I can hear you.

USEC. IGNACIO: Opo. Just this morning daw po the DILG said that NCR will be placed under Alert Level 4 starting September 16 under the new matrix set by the guidelines by the IATF. Would you enlighten us bakit granular lockdown na tayo pero NCR-wide ang pag-implement ng Alert Level 4? Hindi ba city-wide na dapat ang magdi-decide nito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: [technical problem]

USEC. IGNACIO: I think… napuputol-putol po si Chair—

DTI SEC. LOPEZ: Spox Harry, ako na muna siguro para tulungan lang natin masama ang signal ni Chairman Abalos.

To clarify po, nabanggit ho ni Spox Harry iyong granular lockdown po will be announced in any alert level. Ito po ‘yung granular lockdown on a specific place – puwede hong isang bahay, dalawang bahay, isang kalye… Iyan po ay ia-announce sa any alert level. Kaya po ang granular lockdown, ang LGU po ang magdi-define po noon kung saan talaga may high transmission. Pero iyong mga alert levels, iyon po ay city-wide kaya ho DOH po ang magka-classify po noon.

SEC. ROQUE: Pero dadagdagan ko lang, ang tanong po kasi bakit uniformed ang alert level sa buong Metro Manila. Nagkasundo rin po ang mga Metro Manila Mayors na nais nilang magkaroon lamang ng isang classification dahil nga po isang unitary geographic unit po ang Metro Manila. So ‘yan po ay sang-ayon sa kasunduan din ng mga Metro Manila Mayors.

Sana po makabalik si Chairman Abalos ‘no. Okay. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror para po kay Secretary Lopez: Apart from the CARES program, what other assistance can the DTI extend to the businesses in areas with Alert Level 5 as the guidelines is the same with ECQ when it is implemented?

DTI SEC. LOPEZ: Oho. Tuloy naman ho iyong ating pagbibigay ng livelihood kits doon sa affected. Ito po ang kaibahan nito sa CARES, iyong livelihood kits, hindi po pautang ito. Ito iyong talagang tulong pambili ng mga paninda nila or gamit sa pagla-livelihood, pangkabuhayan. Iyan po ay may halaga na mga P5,000 to P8,000 lang po para talagang may kikitain sila. Ang turo nga po natin dito, we teach the nation how to fish, para we feed them a lifetime. Bigyan natin ng maliit na puhunan, para po may pagkakitaan sila, imbes na ibigay po iyong P8,000 or P10,000 para gastusin nila sa consumption. So, iyon po iyong principle ng ating livelihood kit. Tuluy-tuloy po tayo diyan, nakaka-50,000, more than 50,000 na ang napapamahagi natin diyan sa mga iba’t ibang barangay nationwide. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla ng Business Mirror para pa rin po kay Secretary Lopez: Do you have the updated figures on the number of businesses that permanently shut down, temporarily closed and still operating amid the pandemic?

DTI SEC. LOPEZ: Nationwide po actually, we have 3%, kasi alam po ninyo, nationwide hindi ba iba’t ibang level po iyan, may ECQ, MECQ at GCQ under the current system. So, sa amin pong huling survey, mayroon po kaming tinatakbo ngayong September, pero po, I think two to three months ago, mayroon na tayong 3% nationwide, pero mataas po sa Metro Manila, dahil nga po nag-ECQ tayo at nagtagal tayo sa MECQ.  Sa aking huling pag-alala, 10% po ang naka-close.

Ngayon we can say that many of those probably would be permanently closed, but ang ni-report po natin sa ating Pangulo, mas marami ang nag-open, nagbukas ng negosyo. It shows na may mga nagsara subalit, dahil kailangan nilang kumita, may pangkabuhayan dapat sila, nag-register sila ng panibagong negosyo na pandemic-proof, iyong makaka-survive ngayong pandemic at tamang-tama na makaka-operate ngayong pandemic. Kasi nga mayroong mga bawal ngayong pandemic eh.  So, pumunta sila doon sa hindi bawal at mas malakas at may growth, mga e-commerce, delivery service at lahat ng klaseng puwedeng ibenta online. So, dumami po ang registration natin, 1.9 million, actually 2 million na by now versus 900,000 noong 2015. So, every year po, itong 2019, 2020, 2021 tuluy-tuloy po iyong increase, kaya 2 million na ang registered businesses.

SEC. ROQUE: Thank you very, Secretary Lopez.

Balikan po natin si Chairman Abalos. Ang tanong po kanina, Chairman, bakit daw po iisa lang ang alert level sa buong Metro Manila, ngayong dapat ito po ay city wide?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito po, iyong kaninang tanong about granular lockdowns, huwag po tayong maguguluhan about granular and alert level, magkaiba po iyon. Kasi po iyon pong granular lockdown, last year ginagawa na po iyon, it comes from the word grain, grano, butil.

Ang ginagawa po ng mga mayors, mayroon pong protocol iyan; kung isang bahay may infected, you have to isolate that household. Kung dalawang bahay, dalawang household; kung condominium, isang kuwarto, dalawang kuwarto, it could be one floor. Huwag po tayong malilito.

Itong alert level ay ibang klase ito. Ito ay tine-take as a whole ang buong city. Actually, puwede niyang gawin dito on a city wide. Puwede kaming magkaroon ng alert level, kunwari, iba iyong Manila, iba iyong Quezon City, iba iyong Mandaluyong. Pero sa totoo lang, nag-usap kaming mga mayors, our borders are very porous, in five minutes you could be in Quezon City, you could be in Manila, halo-halo. So it will be better and siguro mas maganda kung buong NCR na lang ay isang alert level na lang kami.

So, iba po iyong sa ginagawa naming mga lockdown ngayon po. Sa mga nakikinig po, please huwag tayong malito. So iyon po ang naging patakaran at napag-usapan ng mga mayors na kung pupuwede sa ngayon, dalawang linggo lang naman ito, i-pilot na lamang namin ang buong region as a whole. At I will give you one example ha, kunwari lang. Let’s say, for example, San Juan. San Juan, ang pinakasikat sa kanya ay ang Cardinal Santos na ospital, pero ang mga nagpupunta sa San Juan ay karamihan sa Cardinal Santos ay hindi taga-San Juan; siguro suwerte ka na kung mga 20% taga-San Juan eh. Ngayon kung gagawin mong basis kung puno ang ospital na ito, ang buong activity ng San Juan papatigilin mo because dahil puno ang ospital – kawawa naman ang San Juan. What if mababa ang kaniyang rate ng infection, what if hindi ganoon kalaki ang kaniyang infection rate, ang kaniyang active case, pero parating puno ang ospital niya.

So kawawa naman, dahil puno siya, titigil ang activity ng ekonomiya. So on that level, ito ang pinag-usapan ng mga [mayors], ito ay dinulog namin sa IATF, hinimay maigi ito at ginawa na lamang nila, ‘sige tingnan na lang natin kung buong Metro Manila lang as a whole lalo na pagdating sa hospital care utilization.’

So ganoon po ang nangyari rito. Huwag tayong malilito sa mga alert level at ito po, iba po iyong granular, magkaiba po ito. Thank you.    

USEC. IGNACIO: Thank you, MMDA Chair Abalos.

Secretary Roque, susunod pong magtatanog si Triciah Terada ng CNN Philippines via Zoom.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, first question for you. Kasi kanina nabanggit ni Pangulo sa Talk to The People that he will require a clearance for his Cabinet secretaries before attending Senate hearing. Will the President issue an EO like that of EO 464 ni President Gloria Macapagal-Arroyo that prevents Cabinet secretaries from attending the Senate probe?

SEC. ROQUE: Well, you know, he could. And of course, we have a decision in [Neri vs Senate] where the Supreme Court said na talagang hindi dapat i-contempt kapag hindi po pina-attend sa isang hearing ang isang miyembro ng Gabinete alinsunod po sa pag-uutos ng Presidente mismo because they are alter egos of the President. So, there is legal basis for that kung gagawin po iyan ng Presidente.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, are we expecting, sir, na sa mga next hearings, hindi na po papayagan iyong mga Cabinet secretaries that will be invited?

SEC. ROQUE: I cannot say for certain. But the President did mention that possibility.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Sir, doon na lang sa guidelines for the alert level system and sa granular lockdown. I just like to clarify, I am not sure if I missed it, pero iyong ayuda po ba food supply lang, wala pong cash aid for areas that will be placed or places that will be placed under granular lockdown?

SEC. ROQUE: Sang-ayon po doon sa shared responsibility na napagkasunduan ng mga mayors at ng DSWD – food po. Food supplies po ang ipamimigay sa mga areas na subject to granular lockdown. Perhaps, Chairman Abalos can add.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, sa ngayon kasi binibigay namin mga food packs, mga groceries. Sa napag-usapan namin, doon muna namin ilalagay sa mga food packs talaga. So, ang mechanics will be like this: Magiging one week muna ang LGU, so it will give us time now to submit the papers iyong susunod na ilan iyong bibigyan, gaano kadami. We will be submitting that to DSWD and then they will process it and then the following week, sila naman. Kasi it’s really a 14-day period. So ganoon ang gagawin namin, sharing with the granular lockdowns, iyong mga nila-lockdown namin. And as of now, siguro before about 3,000 families, between 2,000 to 3,000 families at any given time ang naka-lockdown dito sa Metro Manila, more or less.         

SEC. ROQUE: May I add. Excuse me, Trish, if I may add. Mayroon ding regular programa po ang DSWD, ito iyong Assistance to Individuals in Crisis Situations. So, pupuwede pong makatanggap ng assistance galing po sa DSWD para po sa mga transportation expenses or medical expenses, medicine expenses po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, sa dami po noong guidelines and kumbaga mas diverse na iyong implementation especially at a time na magiging per city na siya. How are we going to ensure compliance from the people and from the establishments? For example, sir, halimbawa sa restaurants, how are we going to make sure that really all their employees, their staff are vaccinated, fully vaccinated?

SEC. ROQUE: Well, unang-una ‘no, sa Metro Manila nga po at dito pa lang sa Metro Manila ini-implement, hindi po per city ang implementation, dahil nagkasundo nga po sila na it will be for the entire NCR. So, iisa lang po ang magiging patakaran sa buong Metro Manila. Pangalawa po ay mayroon naman tayong mga vaccination card at mayroon na nga pong VaxCert.ph. At kagaya ng aking sinabi, dahil ako po ngayon ay nasa New York, dito po sa New York, walang makakapasok ng restaurant nang hindi nagpapakita ng vaccine certificate, both paper form or by way of computerized form. So, kaya pong gawin iyan and I think, ito po talaga iyong susi para mabuksan natin ang ating ekonomiya, bagama’t nandiyan pa si COVID-19.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Spox. Final question for you or Secretary Mon. Ano po ang nakikita ng IATF na effect nitong alert level system and when are you going to assess how effective it will be? And paano po natin masasabi that it’s going to work or it will work at kailan ito masisimulan nationwide?

SEC. ROQUE: Well, let me answer that first. Alam mo maganda rito po ay hinahayaan nating magbukas iyong mga mas malaking porsiyento ng ating ekonomiya na nasa ilalim po ng GCQ. Ibig sabihin po – mga kababayan mabuting balita ito – makakapagtrabaho na po ang marami sa atin; hindi pa rin po lahat, pero mas marami po ngayon ang makakapagtrabaho kasama na rin po diyan iyong mga restaurants, mga personal care services.

At pati po ang mga simbahan ay mayroon nang limited na ten percent indoor worship ‘no. So iyan po ang mabuting balita dahil ang gusto nga natin ay magkaroon po ng pagkakataon na makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan.

Secretary Lopez, if you care to add?

DTI SEC. LOPEZ: Oo, tama po, tama po si Spox Harry. So parang kung titingnan natin, nabanggit kanina na ang granular lockdown talaga ay isang maliit na lugar lang ‘no – puwede isang bahay, dalawang bahay; at ibig sabihin, sa labas noon, kung anuman iyong Alert Level status.

So ibig sabihin, generally lahat ng Alert Level ay ang APORs allowed to move around, may trabaho, marami pong bukas na negosyo. Iyong granular lang talaga iyong binabantayan nang mabuti.

At naglabas, actually, ng simulation din dito under the current parameters na ginagamit ng DOH – iyong ADAR, iyong growth rate week on week, iyong healthcare utilization rate, in-apply dito sa …binago nang kaunti itong mga parameters na ito at napakita na by applying itong mga alert level ay mas maraming actually na makakababa, let’s say, from Level 4 to Level 3 ‘no.

Ibig sabihin, kung aaplayan natin iyong current parameters sa MECQ, palagay ko mas tatagal pa tayo as MECQ. Pero ibig sabihin, because of the adjustment in the parameter levels, iyong Level 4 mas madaling makakapasa sa Level 3 at magdi-de-escalate ganoon din, papunta sa Level 2. So may propensity to have lower classification, and ibig sabihin, mas marami ring bukas na negosyo. Dahil kung maalala ninyo, sa Level 3 ay 30% na iyong general na opening dito sa mga sectors of concern, at 50% sa Level 2 ang opening regardless of vaccine status.

Now, so hindi po tayo nagbabakuna status dito or bakuna bubble kung hindi talagang open to all vaccine po ito. Kaya lang ang sinasabi, mas luluwag po itong mga alert-Alert Level na ito, itong parang typhoon signals sabi nga ni Chairman Abalos.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, sirs.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish; balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Leila Salaverria ng Inquirer: What’s the President’s criteria for determining if an executive official’s presence in the Senate probe will be unnecessary; or if the official has been harassed or berated, if an official is pressed to explain contradictory or evasive statements or to tell the truth, will he consider it bullying?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, again, mayroon na po tayong desisyon diyan sa Neri, ang sabi po ng Korte Suprema, number one, kinakailangan iyong imbestigasyon ay in aid of legislation. Kapag malinaw po na in aid of election eh hindi na po iyan dapat payagan ng Ehekutibo ‘no.

So intindihin lang po natin, there is actually equality between three different branches of government. Ang pagdi-determine naman ng guilt or innocence sa isang tao ay nakasalalay po sa hudikatura at saka sa Ombudsman. So kinakailangan po malinaw kung ano iyong lehislasyon na nais ipasa ng Kongreso alinsunod po sa ginagawa nilang mga hearings.

Pangalawa po, sinabi na rin po ng Supreme Court sa Neri ‘no na may karapatan ang mga Cabinet secretaries na, unang-una, kapag sila ay pinagbawalan, hindi sila dapat ma-cite in contempt ‘no.

At pangatlo, kinakailangan din ipagbigay-alam sa kanila kung ano iyong mga questions nang mapaghandaan naman po ng kasagutan.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: What does the Palace say to those who may think that this new rule gives the impression daw po that the admin has something to hide and does not want the truth to get out?

SEC. ROQUE: Well, malinaw na malinaw naman po na walang tinatago. Sabi nila overpriced, naku, para na po akong sirang plaka ‘no, paano magiging overpriced ang 1,716 eh samantalang nakabili po sila ng 3,800 ‘no. So makikita rin po natin na pagdating sa mga face masks, mayroon po talagang suggested retail price doon sa mga na iyon, at ang nabili naman po na mas mababa pa sa suggested retail price.

So doon lang po tayo, ang tanong: Nasaan ang overpricing? Lahat po ng mga issues na binabato nila ngayon, colatilla po iyan. Kahit ano pa ang naging papel nang kung sino diyan, hindi naman po nabayaran hanggang hindi dumating ang ating mga shipment. At sila lang po ang talagang nakapagbigay ng kondisyon na hindi sila mababayaran na walang delivery.

USEC. IGNACIO: Third question po niya: Ano raw po iyong concrete step, if any, has Malacañang taken to get the COA to audit the PRC? Has the Palace written to COA or issued a formal request asking it to undertake the audit of the PRC?

SEC. ROQUE: Inaasahan po namin na magkakaroon ng pormal na request po iyan. Hindi ko lang po alam kung napadala na at kung na-receive na sa COA. I will verify.

USEC. IGNACIO: Opo. I think wala na po sa Zoom, pero may marami pa po tayong tanong.

From Ivan Mayrina ng GMA News: Isa po sa mga contentious issues for the mayors on the Alert Level system is how hospital bed utilization can keep alert levels high in a certain LGU? For example, puno na raw po iyong ospital sa isang lungsod dahil sa dami ng mga pasyente na hindi naman taga-roon, but that will keep the LGU concerned under a high Alert Level. So paano raw po ito iri-resolve?

SEC. ROQUE: I defer to Chairman Abalos, please.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually tinatanong din namin iyan ‘no, noong isang araw. At sinabi nila, it will be on the basis of Metro Manila as a region na; hindi na on a per LGU. And I presume, they would—parang ano iyan eh, it would really be a factor but what should be—a bigger factor should be, the level of, probably, infection or active cases or even the ADAR in that particular area.

For example, Mandaluyong ‘no—or huwag na lang, for example, Taguig. Kasi ang Taguig sikat ang St. Luke’s eh, andiyan iyong St. Luke’s, or even San Juan, ang Cardinal Santos. Kung naman siguro wala kang kaso, puno naman ang ospital mo at pagkatapos karamihan naman ay tiga-labas, hindi naman tiga-San Juan. Why take it against San Juan kung wala ka namang kaso, konti ang ADAR mo ‘di ba? So that will be, hopefully, that will be the basis sa mga susunod na araw.

And I guess, you’re gearing towards that. HCUR could be a basis for the whole region, pero siguro on a per city basis, dapat mas malaking factor talaga ang number of infections.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Ivan Mayrina: Sinabi po ng DSWD na magkakaroon ng menu of other services for granular lockdown areas. Anong services ito bukod sa food packs na ipapamahagi on Day 8 to 14?

SEC. ROQUE: Nasagot na po natin iyan. Mayroon din po tayong assistance to individuals in crisis situations na pupuwede pong makabigay po ng kahit papaanong tulong sa ating mga mamamayan na nasa granular lockdown.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Under Alert Level 4, bawal mag-operate ang derma clinics at massage parlor pero puwede ang mga salon at barbershop. Why the distinction between these businesses na pareho namang may close contact?

SEC. ROQUE: I defer to Secretary Lopez.

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Ang consideration po diyan, iyong pinaka-basic services. Ako ho, ang tingin ko ho doon sa mga… pagka mga emergency medical, kunwari sa dental, even for derma for medical reason, I think iyon po ay dapat i-allow kasi mga medical clinics po iyan. Ang ibig lang sabihin dito ay iyong aesthetic, iyong mga puwedeng mag-antay ‘no na mga derma—what do you call that?—procedures, iyong hindi puwede. O kaya iyong sa mga pagmasahe and all that, iyon naman po ay puwedeng makaantay. Pero iyong mga iba ho kasing services, ang kinonsider [considered] dito ay iyong pag-maintain ho sa hair and mga nails, iyan po ay ang base sa mga request po sa atin ng ating kababayan, ito hong mga basic services na puwedeng unahin at ito po ang marami ring nagtatrabaho, dito po sa sektor na ito.

Ang estimate po natin diyan, over two million, 2.4 million ang nasa sektor lang ng dine-in at nitong mga personal care services kaya ho nauna po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Tuesday Niu ng DZBB: Secretary Roque, mayroon certain Attorney Dino De Leon ang sumulat kay Pangulong Duterte through ES Medialdea requesting na mag-issue ang Pangulo ng authorization para maibigay sa kaniya, kay Atty. Diño(?), ang SALN ng Pangulo as stated sa kaniyang request. Pagbibigyan ba ito ng Pangulo o ng OP? Received lang ng OP ang letter niya. Similar question po with Mike Navallo.

SEC. ROQUE: Well, consistent po ang ating posisyon diyan, hinahayaan po natin sa Ombudsman ang pagpapatupad po ng isasapubliko o hindi ang mga SALN ng mga opisyales. Iyan po ay nasa hurisdiksyon ng Ombudsman bilang constitutional body.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong po ni Rosalie Coz ng UNTV ay nasagot ninyo na rin po sa inyong mga presentation. From Zen Hernandez for DTI Secretary Lopez: Why did IATF finally consider daw to adopt proposal to allow indoor dine-in and personal care for vaccinated?

DTI SEC. LOPEZ: Okay. So this is again—kung tutuusin nga natin, parang sarado dapat siya so matagal na nating niri-request po sa IATF na sana maibalik man lang iyong trabaho dito, as mentioned, over two million ang involved na trabaho.

The only way na makumbinsi po ang IATF at ang ating mga health expert ay talagang isang maingat na pagbabalik, lalo na po kapag pinag-usapan ang indoor. Kaya ho talagang doon lamang nai-consider iyong having that distinction of vaccinated otherwise, ayaw po sana talaga ng DOH magkaroon muna ng distinction diyan habang pinag-aaralan ho ito dahil again, nabanggit nga kanina, puwede ring mahawa.

Ang atin pong argument, puwedeng mahawa pero at least hindi po magiging severe at critical. Iyon po ang pangako ng vaccine sa ating lahat. Kaya sabi nga natin, we believe in the vaccine, we should believe in the vaccinated. So, therefore, finally po nakonsidera naman po iyon na indoor pero napakaliit, 10%, pero puwede na rin ho iyon. Tinanggap na natin iyon para lamang mabuksan iyong sa indoor.

Because sa indoor po, sa mga operation na ito, halos over 90% of their operation are indoor, maliit lang iyong outdoor. Kaya kung titingnan natin may tulong sa ekonomiya pero maliit pa rin po ito, na-compute po natin iyan. Pero iyon ho, nandoon ho ang konsiderasyon na iyan para lang mabuksan iyong maliit na window na iyon na mapayagan kahit man lang iyong vaccinated.

Pero kung mapapansin ninyo, even in the Level 4 in Metro Manila on these three services ay kapag outdoor, 30% wala ng vaccination status. So, ibig sabihin talagang doon lang sa indoor ginamit iyong vaccination distinction na iyon. And again, sa lower levels – Level 3, Level 2, wala ng distinction ang vaccination because ayaw nga nating magkaroon ng discrimination diyan.

Ang mahirap po kasi, ang discrimination, iyong puwede na ngayon pero babawalan mo pa. Sasabihin mo iyong unvaccinated sa bahay lang, so ano muna, umiiwas ho tayo sa ganoon and until, sabi ko nga noon, iyong supply is greater than the demand in terms of vaccination.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Zen Hernandez ng ABS-CBN: How to validate daw po whether a person is vaccinated at pati iyong issue on discrimination?

DTI SEC. LOPEZ:  Iyon nga po, so, iyong validation is really showing the LGU vaccination card, so, iyon ang paraan natin ngayon. Of course, may ongoing effort ngayon na mayroon na tayong isang uniform vaccine certificate sa VaxCertPH pero mag-i-input pa ho doon ang ating mga kababayan. But for now, they can use the LGU-issued vaccination card.

Paanong hindi discrimination? Hindi ito discrimination dahil naalala ninyo noon iyong senior over 65 bawal lumabas? Over 65, comorbidities, pero in-allow po iyong vaccinated. So, ganoon din iyong principle. Bawal ito in the first place, itong tatlong sektor na ito – dine-in, personal care, personal care, pati iyong pagpunta sa simbahan bawal po – pero binigyan ng kaunting puwang doon sa vaccinated lang. So, it’s more of an incentive, hindi po ito discrimination.

But all other areas na puwede po, open naman siya. Hindi po natin binabawalan ang unvaccinated. Iyon po iyong kakaiba nito kaya hindi po siya discriminatory.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong third question po ni Zen Hernandez: Are there plans to expand this policy to other activities?

DTI SEC. LOPEZ: Siguro, overtime, kung hindi naman lumalala ang kaso ay puwede ho sigurong ma-expand. But in the meantime, kung hindi naman ho lumalala kung tutuusin, baka mag-move down na to Level 3 kung saan halos lahat ay puwede na, may 30% na allowed na ang mga other personal care services at other services.

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News for Secretary Roque: When the President said he will disengage with Red Cross, what projects with Red Cross does he have in mind?

SEC. ROQUE: Siguro po iyong mga pinupondohan ng gobyerno. Dahil kung hindi talaga sila magpapa-audit kung paano po nagagasta iyong mga binabayaran galing sa pondo ng gobyerno, eh bakit naman po natin ipagpapatuloy iyan. Kung wala po kasing itinatago bakit ayaw magpa-audit?

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Does it include the testing that Red Cross is currently doing?

SEC. ROQUE: Hindi pa po tayo sigurado kung ano talaga. Abangan na lang po natin.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: When the President challenged Red Cross and said open your books and I’ll open mine, was the President referring to his SALN?

SEC. ROQUE: Audit po ito ng paggagastos ng mga pondo, so, I suppose it refers to iyong ginagawa po ng COA na talagang ina-audit naman po ang lahat ng ahensiya ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: From Prince Golez of Abante/Politiko: Reaksiyon lang po sa sinabi ni Secretary Año that he did not agree with how you address Dr. Limpin during last week’s pandemic meeting. He said you should have kept your cool and be open to all ideas in a professional manner.

SEC. ROQUE: I’ll make it very clear: I don’t have to react to all statements. People are entitled to their opinion, that’s how a democracy works. So, next time po, I would suggest that the Malacañang Press Corps refrain from asking for reactions kasi it’s a free world po. Anyone can say anything and everything, and of course we will respect whatever people say in the same way that we also want to respect for our opinions.

USEC. IGNACIO: Opo. From Celerina Monte ng NHK for Secretary Lopez: What is the effect of Alert Level 4 in NCR on economy? How many workers, firms to be affected?

DTI SEC. LOPEZ: Okay po. Na-compute na rin ho natin ito. We have been saying na two plus million ang nandito po sa sectors na ito but if you consider Metro Manila, more or less mga close to one half, they account for one half. And if you look at iyong operations nila, iyong outdoor al fresco, only account for about 10%; iyong indoor 90%.

Now, since ang outdoor in-allow natin 30%, so, you apply 30% of 10% is 3%. Iyong indoor naman po, open ang 10%; 10% of 90% is 9%, so a total of 3+9, 12% of business. Now, you apply that in terms of revenue per week, ang revenue per week po sa SME po na industriya, 1.5 billion per week. So, applying 12% of that, mga P180 million per week ang hopefully maibalik. Not much but at least mayroon na hong makapag-restart on these sectors.

And the sa trabaho po, iyong 1.2 million na estimate po natin, 12% sa may NCR lang po iyan, 12% of that, mga 144,000 jobs plus. We have to add iyong mga informal sector, iyong not registered. Sabihin mo na 150-200,000 at least ang makabalik sa trabaho na ngayon ay walang trabaho. So, it’s really focused on this labor-intensive jobs kaya iyon po ang dahilan kung bakit nauna itong mga necessary basic services.

USEC. IGNACIO: Opo.  For Secretary Lopez, tanong po Raffy Ayeng ng Daily Tribune: As per ECOP President Sergio Luis, hindi kakayanin ng mga employers na i-house ang kanilang mga empleyado. Hindi daw po ito realistic given na ngayon pa lang ulit babawi lalo na ang mga nasa restaurant industry. Ano po ang magiging solusyon dito?

DTI SEC. LOPEZ: Unang-una, iyong sinuggest [suggested] na baka puwedeng i-house, I think this will refer only to the very small granular lockdown, iyong nabanggit natin. Kasi doon sinasabi nga na even APOR, tatlo lang ang puwede, OFW, [sino pa ba?], iyong may masamang karamdaman, very limited lang. Iyong APOR, iyon ang regular sa mga trabaho ay baka hindi makalabas. Kung makalabas sila hindi na sila makabalik, hindi puwede iyong in and out.

So, doon lang may reference doon. Kaya if ever, ito iyong puwedeng gawan ng paraan ng kumpanya kung kailangan talaga or you just ask them to work from home. Pero as mentioned, from Alert Levels 1,2,3,4 hanggang 5, hanggang ECQ, actually, puwede iyong APOR. Huwag lang ma-granular lockdown iyong specific na lugar na iyon.

So, hindi po isyu iyong housing talaga. Na-refer lamang iyan doon sa again, iyong maliit na granular lockdown. All levels, alert levels, puwede po ang movement ng APORs.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Ace Romero ng Philippine Star: How will the Palace respond to claim that the inspection report for the government orders of PPE were already signed even if the items were still China?

SEC. ROQUE: Para kanino po ‘yang tanong?

USEC. IGNACIO: I think Secretary Roque po.

SEC. ROQUE: Sandali lang po ha, ano po ‘yung tanong uli?

USEC. IGNACIO: Ito po, ang tanong po ni Ace Romero ng Philippine Star: How will the Palace respond to claim that the inspection report of the government’s orders of PPEs were already signed even if the items were still in China?

SEC. ROQUE: Well, ang importante po malaman natin kung talagang dumating po iyong PPEs ‘no. Iyon po ‘yung issue doon ‘no at kung talagang iyan po ay sang-ayon nga doon sa specifications na tinakda po ng WHO.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Joseph Morong doon sa tanong niya: What records daw po is the President referring to again?

SEC. ROQUE: As I said, he might be referring to all the books of all government agencies.

USEC. IGNACIO: Opo. From Haydee Sampang of DZAS: Clarification lang po. Honored pa ba ang IATF ID sa areas under granular lockdown; makakalabas-pasok ba ang IATF holders like media and other essential workers?

SEC. ROQUE: Chairman Abalos?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Kasi basta lockdown, ‘yan iyong grabe ang impeksiyon eh ‘no – it could be one household, one floor. Pero kung buong Metro Manila, wala naman tayong problema ‘no although may mga exceptions diyan na pinag-uusapan sa granular lockdowns kung hindi ako nagkakamali during the IATF – ito yata iyong mga magpapa-dialysis, ito ‘yung mga medical frontliners ano, OFWs etcetera. May mga ganoon eh pero I’m just not so sure of all of the list ‘no; siguro kukunin ko sa technical working group.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, iyong ikalawang tanong ni Haydee Sampang nasagot ninyo na po sa mga presentation ninyo. Iyon po muna ‘yung mga nakuha nating questions. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Siguro bago po tayo magtapos ‘no doon sa tanong kay Secretary Año ‘no. Lilinawin ko lang po ‘no na talagang ang aking mensahe lang noon doon sa meeting na dapat confidential at hindi dapat isasapubliko ay kinakailangan ikonsidera rin po iyong kapakanan noong mga manggagawa na matagal nang walang hanapbuhay ‘no. Pero hindi po natin kahit kailan inisip na we are undermining iyong kabayanihan ng ating mga medical frontliners.

In fact, iniisip ko nga po dapat i-broadcast iyong buong segment kung saan ako nagsalita dahil napakaliit po noong porsiyento na pinakita ‘no. Secretary Lopez and Chairman Abalos can state that I started my intervention by recognizing po iyong kabayanihan ng mga health workers, pero sa mga panahon na ito lalung-lalo na napakatagal na ng mga lockdown, isipin naman po natin iyong mga hanay ng mga walang trabaho at nagugutom.

At ito nga po ang dahilan kung bakit sinusubukan po natin itong policy shift dahil hindi po natin tinatanggap na sa ating pagnanais na mapababa ang mga kaso ng COVID ay dumadami po ang mga magugutom. Iyan po ang dahilan kung bakit tayo po ngayon ay nag-i-implement ng isang pilot para dito sa polisiya ng granular lockdowns with alert systems in lieu of iyong malawakang pagsasara ng ating ekonomiya.

Since wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – si Secretary Lopez, kay Chairman Abalos. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

So sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque’ng nagsasabi: Napakahirap po talaga ng lagay natin sa pandemyang ito at ito naman po ay isang problema hindi lang ng Pilipinas kung hindi ng buong daigdig. Pero ang mensahe po natin sa ating policy shift na ito, matatagalan pa po talaga ang pandemya at kinakailangan humanap tayo ng paraan na maibalik po ang buhay ng lahat na pinabababa pa rin natin ang mga kaso ng COVID. Subukan po natin ito at habang sinusubukan natin ito ipatuloy pa rin po natin ang mask, hugas, iwas at pagbabakuna.

Maraming salamat po at magandang araw po sa inyong lahat.

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)