SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Kababalik lang po natin galing sa Valenzuela kasama po si Senator Bong Go, Sec. Charlie Galvez, Mayor Rex Gatchalian at iba pang miyembro ng Gabinete para po buksan kaninang umaga ang Wellness Entertainment Sports Arena Mega Vaccination Hub sa Valenzuela City. Magandang balita po ito sa target natin na population protection sa Metro Manila dahil alam natin na narito ang episentro ng COVID-19 at narito rin ang sentro ng komersyo at negosyo sa Pilipinas. Ito po ang ilan sa aming mga naging larawan kanina.
Humarap kagabi po si Presidente sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Ito ang ilan sa mga mahahalagang puntong sinabi ng ating Presidente: Sinabi ng Pangulo na inatasan niya si Executive Secretary Salvador Medialdea na maglabas ng isang memorandum sa mga opisyal, empleyado ng Executive department na huwag dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing effective immediately. Ito’y para matutukan ng mga opisyal at mga empleyado ang pagtugon sa COVID-19. Dagdag ni Presidente, ang mga tanong sa Senate Blue Ribbon Committee hearings ay nasasagot sufficiently, consistently and repeatedly. Kaugnay nito, nagsabi ang Pangulo na hindi niya babawiin ang kaniyang memo. At sa mga tumututol dito, maaari silang dumulog sa Korte Suprema para ma-challenge ang constitutionality nito.
Sa usaping bakuna: Dumating po kagabi, Miyerkules, October 6, ang mahigit na isang milyon or 1,003,860 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan. May dumating din na 994,500 doses each na Pfizer vaccine sa Cebu at Davao kahapon mula sa Amerika sa pamamagitan ng COVAX Facility. Samantala, bukas, October 8, ay inaasahang darating ang 1,384,280 doses ng Moderna na binili ng pamahalaan; at 747,816 na binili naman po ng pribadong sektor. Mayroon pa pong inaasahan din na darating na 885,700 doses na binili ng pamahalaan; at 477,600 doses na binili ng pribadong sektor na darating sa Sabado, Oktubre 9.
On-track pa rin tayo sa target na 100 million doses para sa buwan ng Oktubre. Napakadami na po nating supply ng bakuna ha, wala na pong dahilan para hindi po magpabakuna.
Habang dumarami po ang supplies, umpisahan na rin natin ang pediatric vaccination. Gagawin ang initial rollout sa October 15 sa mga sumusunod na ospital: National Children’s Hospital sa Quezon City; Philippine Heart Center sa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital sa Pasig; Fe del Mundo Medical Center sa Quezon City; Philippine General Hospital sa Maynila; Makati Medical Center sa Makati; St. Luke’s Medical Center sa Taguig; Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.
Ang rollout sa mga ospital ay by age group na 15 to 17 years old at 12 to 14 years old. Mamaya ay makakasama natin si Dr. Lulu Bravo para pag-usapan ang pediatric vaccination.
Samantala, nasa higit 48 million or 48,390,819 doses na po ng total vaccines ang na-administer. Ito po ay sang-ayon sa October 6, 2021 National COVID-19 Dashboard. Sa bilang na ito, lampas 22 million or 22,657,351 ang fully vaccinated na po. Sa Metro Manila po ha nasa mahigit 16 million or 16,317,106 ang total doses administered. Magandang balita rin po, nasa mahigit eight million or 8,818,956 – almost nine million na po – ang nakatanggap ng first dose. Ibig sabihin, 90.21% na po ang nabakunahan habang nasa mahigit seven million or 7,498,150 or 76.70% ang fully vaccinated.
Good job sa lahat ng mga LGUs, sa mga vaccinators at sa mga taga-Metro Manila.
Tandaan po natin ‘no na dagdag protection ang bakuna; libre po ito. At habang nandiyan si COVID-19 at ang mga variant nito, huwag natin kalimutan ang mask, hugas at iwas. Manatili sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. Maging ligtas sa COVID-19 at huwag pumunta sa 3Cs – closed, crowded, close contact.
COVID-19 updates naman po tayo: Mayroon po tayong 9,866 na mga bagong kaso, ito po ay sang-ayon sa October 6, 2021 datos ng DOH. Salamat sa Panginoon at bumababa na po. Halos dalawa’t kalahating milyon or 2,471,282 ang mga gumaling. Mataas pa rin po ang ating recovery rate ha, nasa 94.2% na ito. Samantala, 38,828 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.48 po ang ating case fatality rate.
Puno na ba ho ang ating mga ospital? Naku, ito po maganda-gandang balita ‘no: Sa buong Pilipinas po, 71% ang nagagamit sa ICU beds; pero sa Metro Manila po, naku po, bumaba sa 69% lang po ang nagagamit na ICU beds. High risk pero hindi po kritikal. Sa isolation beds, 57% po ang nagagamit sa buong Pilipinas; 47% sa Metro Manila. Sa ward beds, 61% ang nagagamit sa buong Pilipinas; sa Metro Manila, 58%. At sa ventilators, 53% po ang nagagamit sa buong Pilipinas; at sa Metro Manila ay 57%.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon, unahin ko na po muna si DepEd Secretary Leonor Briones dahil magsisimula na po ang pilot face to face classes natin ‘no. Ma’am, Secretary Briones, ano po ang detalye ng ating magiging face to face pilot at kailan po ito magsisimula? Ilang eskuwelahan? Saan-saan po ito, Secretary Briones?
DEPED SEC. BRIONES: Magandang umaga, Spox. Magandang umaga sa lahat ng mamamayan na nanunood sa programa ng ating Presidente. We are very happy to announce na umpisahan na ang ating pilot face to face experiment. This is going to be a review and it will be one of three phases: Una, iyong pilot phase ng mga dalawang buwan; tapos i-expand natin on a weekly basis; pagkatapos we move on the new normal.
So far, ito ang ginagawa natin, sinabi ko na three phases ito, at mahalagang-mahalaga na talagang magiging successful itong pilot natin. Ang pilot na ito ay hindi lamang pinangungunahan ng Department of Education, ka-partner natin dito mahalagang-mahalaga ang Department of Health at saka ang IATF at ang mga local government units dahil ang mga schools na located naman sa kanilang mga jurisdictions; at ang pinakaimportante, ang teachers at saka ang parents.
Ngayon, we have guidelines. Nag-issue na kami after very detailed reflections and consultations. Ito iyong mga grupo ng mga eksperto tungkol sa health ng kabataan na ating kinonsulta together with the Department of Health. So marami tayong eksperto na kinausap kung paano natin i-implement itong pilot natin.
Also, gusto nating ipaliwanag bakit sinusuportahan natin ang face to face classes. Alam naman natin na sinasabi na nga na kailangan ma-monitor natin ang learning progress ng mga bata tapos mayroon tayong mga inequalities sa ating lipunan, sa access sa technology kasi ngayon ang ginagamit natin ay blended learning, largely the use of technology. Tapos iyong mga activities na hindi puwedeng magawa sa bahay together with the parents ay puwedeng gawin sa eskuwelahan. Tapos ang pinakamahalaga siguro ay iyong mental health at child development kasi iyong mga bata ay kailangang ma-nurture sila, maturuan silang makipag-ugnay sa fellow children at saka iyong sinasabing mga good manners and right conduct. At saka iyong physical health nila, iyong growth nila can be encouraged in schools as well as their mental health; so makakatulong talaga ang face to face classes.
Pero, Spox, gusto ko lang i-emphasize na itong konsepto ng face-to-face, iba ito sa face-to-face na nakasanayan natin dahil ito ay very carefully monitored, piling-pili, kinonsulta ang lahat ng eksperto at na-vet ito ng Department of Health. Nag-umpisa kami ng 1,900 possible schools, ni-reduce to 600, and then to 100, and so far, ang medyo na-endorse ng Department of Health and also the IATF ay iyong 59 na mga schools sa Visayas, Mindanao at saka sa Luzon.
And every week, ito ay rirebyuhin kung may mga reduction ng dangers sa COVID-19 sa ibang lugar, ie-expand ang list. Pero hindi tayo gagalaw kung hindi nakukonsulta ang Department of Health at ang mga eksperto natin.
Ang prinsipiyo kasi ditong ginagamit ay tinatawag natin, Spox, na shared responsibility. Kasi kailangan iyong safe operations na gagawin ng mga local government units dahil nasa kanila tayong teritoryo. Tapos iyong responsibilities ng Department of Health ay sa Department of Education, may want to reach out to all children at saka iyong protection and well-being also ng lahat ng involved including the teachers and staff.
So, ang local governments kailangan pumayag sila; ang parents kailangan pumayag sila. At saka ini-encourage tayo nila ni Sec. Galvez, ng Presidente mismo na kailangang sumunod tayo sa guidelines ng IATF at saka mga professional organizations. Ang mga professional organizations na kinonsulta natin, itong mga eksperto sa kabataan, talagang ang advice nila, Spox, na lahat ng involved sa programang ito, sa pilot na ito, kailangan vaccinated. So, ayun ang proseso natin, shared ang ating responsibility.
Ngayon, ang rekomendasyon ng mga eksperto ay mag-start tayo sa mga stage 1 na learners. Ito, nagiging usap-usapan sa mga interesado sa programa natin, kasi sabi bakit stage 1 learners iyong mga bata? Kasi lahat ng pag-aaral, Spox, at saka ito ay recommendation din ng mga professional pediatric medical people as well as scientists, mga nagri-research, lesser ang risk ng transmission sa mga bata. Tapos lower infections and mortality rates. Tapos itong mga bata, iyong halimbawa, up to K-to-3, Spox, they are growing. Naggo-grow iyong kanilang brains, naggo-grow iyong kanilang bodies and face-to-face sessions will be very helpful to them at their age.
So, ang assessment ng nag-a-advice sa atin ay mas mataas ang chances ng success sa pilot implementation kung mag-umpisa tayo sa mababang lebel.
[Okay, next.] Sinasabi din natin na ang responsibilidad naman ng Department of Education ay siguraduhin natin ang classroom layout natin na kailangan may distances. Siguraduhin natin na appropriate at saka sufficient ang ventilation. Gusto natin open air, nag-iikot ang hangin, at saka iyong pagma-manage ng people traffic – iyong entrances, exits, etc. Tapos kung appropriate kung kailangan ng PPE, i-require natin iyan; face mask, iyong sinasabi palagi ninyo, Spox, i-implement natin iyan.
At saka importante iyong supply from our side na sanitation and hygiene facilities, hindi natin i-recommend ang isang school kung hindi sufficient ang hygiene facilities at hindi ito papasa sa Department of Health. Tapos, kailangan may regular symptoms screening. Kapag may mga sintoma sa mga bata o mga staff and teachers, i-isolate kaagad. At saka mayroon tayong tinatawag na referral system already in place at ang ating plano ay may kasamang contingency plan na step by step [kung] anong gagawin kung magkaroon tayo ng problema.
Ang sabi ng Department of Health dahil maski wala tayong face-to-face, may mga instances tayo na iilan na may mga bata na na-infect sila, so, that is also a reality na puwede nating harapin kaya paghandaan natin kaya kailangang may contingency plan. Ngayon, na-transmit na ng Department of Health, 59 schools ang na-identify nila sa Visayas, Luzon, at saka Mindanao.
Spox, ating pag-aaralan separately ang sitwasyon ng mga private schools kasi ang desisyon, magdagdag tayo ng 20 private schools at saka tingnan natin ang sitwasyon din ng international schools dahil ilang buwan na, nag-submit na sila ng sarili nilang tinatawag nilang hybrid approaches ‘no. Ito ay ipa-review din natin sa Department of Health dahil right now out of the 59 schools, wala pang na-identify na nanggagaling sa NCR. So, itong mga international schools natin will be evaluated separately pero i-submit din natin ito sa Department of Health, depende on where they are located.
Gusto ko lang ulitin, Spox, na itong face-to-face hindi lang ito kagustuhan ng DepEd, mandato ito ng Presidente at hinihingi ito ng maraming sektor ng ating lipunan ‘no – parents, local governments, civil society. And incidentally we even have been excoriated for taking our time to be very careful. Ginusto ito ng mga importanteng sektor sa ating lipunan at saka ang sabi nga namin, kailangan pumayag ang local governments, kailangan may written consent ang parents na i-allow nila iyong kanilang mga anak lalo na dahil ito ay sa mga younger levels na sumali dito sa face-to-face.
At saka mahalaga, Spox, siguro this makes us different from other countries, ang mahalaga ay walang pilitan. Kung hindi papayag ang parent, hindi natin pipilitin at kailangan handa tayong mag-provide pa rin ng ating sinasabi na blended learning.
Pero, Spox, if you will allow me, I would like to correct a medyo faulty impression na sa buong mundo tayo na lang ang hindi nagpi-face-to-face. Hindi iyan totoo at saka close daw ang schools natin nang dalawang taon, kasi alam naman natin lahat ng mga Filipino last October 5 nagbukas tayo ng academic school year blended learning. Tapos last September 13, pangalawang taon na ito since the pandemic na patuloy ang pag-aaral, patuloy ang ating learnings na shini-share natin sa ating kabataan.
At saka baka ang public now, Spox, na pumayag na ang Presidente na tayo ay mag-pilot nitong face-to-face, baka akala nila kagaya ng nakasanayan nila noong mga bata pa sila. Ito ay very carefully monitored at saka hindi puwedeng sabihin natin ginawa ito ng ganiyang bansa ay kailangan gayahin natin dahil bawat bansa [ay may] kaniya-kaniyang version ng face-to-face.
SEC. ROQUE: Ma’am? Ma’am Secretary Briones, I hope you don’t mind po but I’m getting text na from the media that they want to ask questions soon ‘no.
DEPED SEC. BRIONES: Yeah, sure! Sure.
SEC. ROQUE: So, I’m sure they will be asking you questions po but meanwhile, thank you very much, Secretary Briones. Let me call on now DOH U/Sec. Ma. Rosario Vergeire. Ma’am, what is the position of the DOH [as] Nikkie COVID-19 recovery index ranks us [Philippines] at 120th out of 120 countries?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Magandang hapon po. Magandang tanghali, Secretary Harry Roque, Secretary Briones at to the public.
We tried to analyze the indicators used and the process used dito po sa mga surveys na nabanggit na ito at nakita ho natin that they used 3 major indicators kung saan they got a snapshot or a period of time kung paano po nila pinagbase ang pagkukumpara sa bawat bansa. This process that they have done, gumamit po sila ng September na 7-day na time period para ma-analyze po nila and to compare the metrics across the countries.
Kailangan po natin maintindihan at ilagay sa konteksto na iyon pong mga pagtaas ng kaso sa bawat bansa because of the Delta variant did not happen at one specific time period. Ang Indonesia po noong nangyari sa kanila ‘yung pagtaas ng mga kaso, I think that was sometime in July; sa ibang bansa naman po nag-umpisa na ng Hunyo pa lang. Dito po sa ating bansa, September po tayo nag-umpisa talagang nag-peak ang ating mga kaso at dito po ‘yung time period ng analysis po nitong dalawang surveys na ito.
So what am I trying to say, I’m trying to say noong ginawa po at mineasure ‘yung infection rates natin for example, dito po ‘yung panahon na talagang mataas ang kaso sa ating bansa kumpara doon sa ibang bansa na nakalipas na po ‘yung peak of cases nila. Kaya po nandoon po talaga sa tugatog o doon sa peak ng mga kaso noong nakuha po ‘yung metrics na ‘yan sa atin.
Pangalawa ang bakunahan din po was affected by this increase in the number of cases here in our country. That’s why iyon pong ating measure diyan ay medyo erratic po kasi ang atin ano, not just the supplies but also the access because of this widespread infection during this outbreak that we had o iyong pagtaas po ng kaso.
But of course, at the end of the day, atin pa rin pong pinag-iigting ang pagbabakuna; atin na pong shinift ang ating policy para mas makapagbukas po tayo ng ating ekonomiya and of course, nakikita na ho natin ngayon na bumababa na po ang ating mga kaso and we are managing well because our deaths are still below that of the global average na pagkamatay dito po sa buong bansa.
Magtatrabaho lang po tayo nang tuluy-tuloy, nakikita naman po natin na may nagiging resulta ang ating mga ginagawa.
SEC. ROQUE: Yes. Maraming salamat, Usec. Vergeire ‘no sa—at siyempre po kasama rin po natin ngayon ang ating suki, Dra. Lulu Bravo. Ma’am, magsisimula na po tayo ng bakunahan sa mga kabataan. Ano ba hong mga last minute pointers natin sa ating mga kababayan dahil alam naman natin na dito sa Pilipinas, medyo sensitibo ‘yung usapin nang bakunahan sa mga kabataan.
DR. BRAVO: Thank you, Secretary Roque. And thank you very much for having me again. To Secretary Briones, Undersecretary Vergeire, Usec. Rocky, thank you very much.
Ang masasabi po natin, ang atin pong lahat ng eksperto and Usec. Vergeire knows this very well, regular po ang meeting ng mga all-experts committee trying to figure out what is best for our country, what is best for our pediatric population.
At ngayon po sisimulan na nga sabi ng announcement na iyon po munang 15 to 17 na may comorbidity at ‘yan po naman ay naaayon din sa ating ginagawang vaccine rollout dahil po gusto nating malaman kung maganda naman ang magiging epekto sa ating mga adolescent.
Kasi po maski na sabihin natin na sa ibang bansa—inumpisahan na po ‘yan ha sa US, sa UK as early as June mayroon na pong binibigyan na 12 to 17 years old. At so far naman po ay nakita nila, mayroon din silang nakikitang risk so we want to also see this for our country para naman po masasabi rin natin na gumawa tayo ng ating tamang pananaliksik at pag-aaral na tayo pong mga eksperto rin ay hindi basta-basta gagaya lang sa iba, ‘di po ba? Kasi marami rin po tayong eksperto dito sa Pilipinas kaya ito na nga po, nag-a-announce na sila na unahin muna natin ‘yung comorbid. At kami naman pong all-experts committee, titingin tayo doon sa mga magiging epekto at kung maganda ‘yan, tuluy-tuloy na po iyan.
Sapagkat nakita naman po natin at si Secretary Briones is now eager ‘di po ba na magkaroon na tayo ng face-to-face. Ang masasabi lang po natin, maganda po na mag-face-to-face kung ang mga bata po ay talagang nabakunahan na din. Of course, they will use their minimum public standards ano po – ‘yung mask, ‘yung face shield.
Pero maganda rin po sana na ‘yung mga kasama nila sa bahay nitong mga batang papasok ay bakunado rin. Hindi po sana maganda na papapasukin ninyo ‘yung mga bata na iyon pong mga kasama nila sa bahay ay hindi pa rin bakunado.
Unahin po natin—sabi nga po natin, A2, elderly—okay na, maganda na ‘yung health workers ha, 95 to 98 percent na ang ating bakunado diyan pero kulang pa rin sa mga elderly at doon po sa mga essential worker at doon po sa nagtatrabaho sa iba. So kung tayo po ay magbibigay na sa pediatric, sana naman po alalahanin natin na ‘yung mga nakapaligid sa ating mga kabataan ay nabakunahan din nang sa ganoon talagang mas makompidensya po na ‘yung ating mga anak ay hindi rin mabibigyan ng COVID at hindi rin makakapagdala sa bahay ng COVID.
Iyon lang po. Thank you, Spox.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dra. Bravo. Dala-dalawa po ang ating professor emeritus na panauhin ngayong araw na ito. Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.
Unang tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online for Secretary Roque: Deadline na bukas ng paghahain ng COC. May desisyon na ba kayo na tumakbo sa pagka-senador? Nakausap ninyo na po ang Pangulo sa bagay na ito? Similar question po with Maricel Halili ng TV-5 at Pia Gutierrez ng ABS-CBN.
SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po mayroon tayong isang salita at minsan na po akong nagsabi na tatakbo lang ako kung tatakbo po si Mayor Sara Duterte. Handa po ang aking Certificate of Candidacy, bukas po ang last day; magbi-vigil po kami dito sa Malacañang kung sakaling maghahain po ng Certificate of Candidacy si Mayor Sara Duterte for president.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po sanang tanong ni Pia Gutierrez, in case daw po kung sino ang papalit sa inyo na spokesperson.
SEC. ROQUE: Mayroon na po kaming napupusuan pero that is a decision of the President ‘no kung papalitan nga po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. For Dr. Lulu Bravo: Maraming tao ang nagpositibo sa COVID-19 sa antigen test o RT-PCR test, nag-14-day quarantine at naka-survive. Kailangan ba na mag-RT-PCR test silang muli bago pumasok sa trabaho? May posibilidad ba na maging positibo ang resulta sa kabila nang pagpapagaling mula sa COVID-19?
DR. BRAVO: Alam ninyo po, matagal na po ‘yan binigay ng recommendation. Hindi po kailangang ulitin ‘yung RT-PCR after 14 days kasi po maaari ding magpositibo ‘yan dahil mayroon pa pong natitirang mga maliliit na particles na puwede pong magkaroon ng cause para maging sanhi ng pag-positive. So as long as you have done recovery at nakapagtapos na po ‘yung inyong quarantine, hindi na po kailangan ulitin kasi—mayroon pa nga po buwanan eh bago mawala ‘yung positive RT-PCR. So hindi na po kailangan ulitin. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Bago po magpatuloy ‘no, bago magpatuloy ang tanungan natin, muli po tungkol doon sa Nikkei. Alam ninyo naman po ang sabi ko na, hindi ko na sasagutin ‘yan, ibabato ko na lang po ang mga sinasabi ng mga WHO country at saka regional representative.
Ang sagot po natin sa Nikkei, unahin natin itong WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe: “Don’t be discouraged by the fact that you have a lot of cases being reported nationally, that is an acknowledgement of the fact that you have expanded your testing capacity. The fact that you have one of the lowest proportions of fatal cases in the region also is an acknowledgement that you have expanded your clinical capacity, your hospital capacities. You have equipped your clinicians through proper training.”
At ito naman po ang sabi rin po ni WHO Country Representative: “I believe that the Philippines has a very good comprehensive plan. What we are concerned about is oftentimes the actual rollout phases/challenges although you planned very well.”
At sa panig naman po ng Presidente, well isa po sa mga pinagbabasehan noong ranking ay iyong mobility, social mobility ‘no. At ang mini-measure po nila is kung tayo po nga ba ho ay patungo na doon sa path of recovery. At malinaw naman po ang paninindigan natin diyan, mayroon pong mga ibang pamamaraan para mabuhay kasama ang COVID bukod po sa lockdown. At ngayon naman po nakikita natin na nagpa-pilot tayo ng ibang mga pamamaraan sa pamamagitan ng localized lockdown at alert levels para nga po mabawasan ‘yung malawakang—o maiwasan nang tuluyan ang mga malawakang lockdown na talaga naman pong balakid para tayo’y makabalik sa dating buhay.
Go ahead, please, sa next question.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang inyong masasabi sa panawagan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na dapat buksan na ang mga sinehan sa Alert Level 4 kahit sa mga bakunado dahil sila rin po ay essential industry at ginagawa na rin po nila ‘yung mga protocols at nag-apply na rin sila ng safety seal?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po nasa agenda ‘yan mamaya ng IATF pero ang pagbubukas po napag-uusapan ay Level 3, hindi po Level 4; pero pag-uusapan pa po ‘yan mamaya.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza ng Manila Times for Usec. Vergeire: Sinabi kahapon ni Usec. Eric Domingo na sumulat na sila sa DOH, ang FDA, tungkol po sa opinyon nito sa at home antigen test kits. Ano ang masasabi ng DOH dito ngayong maraming bansa na ang gumagamit nito? Makakatulong ba ito sa pag-detect nang mas maraming kaso ng COVID?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. As long as any type of diagnostic commodity katulad po nitong mga at-home test na antigen test kits ay mabibigyan ng clearance o regulatory clearance ng ating Food and Drug Administration, ibig sabihin po niyan ito po ay de-kalidad at saka magiging safe. Kailangan lang po talaga sumusunod sa pamantayan ‘no, ‘yung guidelines kung paano gamitin because these different diagnostic modalities, may mga appropriate use po ‘yan para makakuha tayo nang accurate test result.
At alam po natin ang antigen test, may mga specific lang po na circumstances na puwede natin siya gamitin. Katulad po noong mga paggamit natin sa ngayon, kailangan din alalahanin natin ‘pag gumamit tayo, kailangan nari-report po natin sa mga kinauukulan para naisasama po natin at makumpleto natin ang datos natin. So if ever this will be given regulatory clearance by the Food and Drug Administration, ito po ay masasama doon sa modalities pero kailangan may guidelines po na ipapatupad so that we can also regulate the use.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza para kay Usec. Vergeire: Marami na sa survey tulad ng Bloomberg at Nikkei ang nag-measure sa pagiging kulelat ‘di umano ng Pilipinas sa COVID-19 response. Ano ang opinyon ng DOH dito? Sa tingin ba ninyo ay may malaking pagkukulang ang ginawa ng DOH dito? Similar question with Pia Gutierrez, ABS-CBN, follow up question: What do you think are we doing wrong? Do you think we need to rethink our COVID-19 strategies?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Nasagot po natin kanina ‘yan katulad ng sabi po namin, we tried to analyze ‘no ito pong mga ginawang proseso nang pag-aanalisa at saka itong mga metrics na ginamit sa mga surveys na ‘yan at nakita po natin na gumamit po sila ng specific time period. And as I’ve said a while ago, lahat po ng bansa sa buong mundo mayroon hong mga kaniya-kaniyang period kung kailan tumaas talaga ng kanilang mga kaso dahil sa Delta variant.
At nakita ho natin ‘yung mga kinu-compare sa atin na mga countries, nauna ho silang nagkaroon ng mga peak. Eh ang kanila pong time period nang pag-a-analyze was September and during this time in September, dito po talaga tumaas ang mga kaso dito sa ating bansa. So they compared ito pong pagtaas natin or infection rate when in fact hindi pare-pareho po ang time periods nang pagtaas ng kaso sa bawat bansa.
Pangalawa ‘yung atin pong pagbabakuna, naging erratic din po ‘yan this September because of the supplies of course. But of course, tiningnan natin ‘yung access dahil medyo naapektuhan din naman po dahil sa pagtaas ng kaso. So ang sabi nga po natin, ito pong mga ginagawa natin ngayon, we are doing it in a—we’re intensifying what we are doing. And moving forward, we will vaccinate more; we will try to manage the cases more.
Pero katulad po nga ng sabi ni Secretary Roque, sinabi na rin po ng WHO – ang Pilipinas po isa sa mga bansa sa Asia na may pinakamababa pong case fatality rate which means that we are doing well in terms of managing our severe and critical cases. Tayo rin po ay nakapag-ramp up na rin ng testing capacity kaya marami na tayong nada-diagnose. So mayroon naman po tayong mga nakita ‘no na magandang mga nangyari sa ating response at ipagpapatuloy lang po natin lahat ito.
SEC. ROQUE: Usec., dagdag pa rin ‘no. I’m flashing again the FASSSTER projection ‘no na sa Metro Manila alone kung hindi po tayo gumawa ng mga pamamaraan na ginawa natin, we could have hit 200,000 active cases ‘no na hindi po nangyari. In fact, ang projection ng FASSSTER is anywhere between 30,000 to 12,500 in Metro Manila alone by the end of September pero hindi nga po nangyari iyon dahil mas mababa ang ating naging active cases in Metro Manila alone.
So that proves po that I think we are learning to live with the virus bagama’t inuulit-ulit ko po, ‘yang Bloomberg, ‘yang Nikkei, ‘yan po ay mga financial newspapers ‘no. Ang tinitingnan nila kung paano nakakabalik na sa dati ang ekonomiya. At siyempre habang nagla-lockdown, hindi po mangyayari na makakabalik tayo sa dati. Pero tayo naman, bibigyan natin ng prayoridad ang buhay at hanggang maaari nga po, bubuksan natin ang ating ekonomiya, isang bagay na naging dahilan ng mga matitinding debate sa IATF. Pero nadidinig po natin ang sigaw ng karamihan na kinakailangan magkaroon na ng hanapbuhay.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Red Mendoza para kay U/Sec. Vergeire: Sinabi po ng Infectious Disease Expert na si Dr. Benjamin Co sa twitter na kung sa tingin diumano ng DOH na kulang ang testing o inaccurate ang data ay dapat tumingin ang kagawaran sa salamin at tanungin kung bakit inaccurate ang data na ito. Ano po ang opinion dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Hindi naman po natin sinabing inaccurate iyong data. Gusto lang po nating sabihin sa ating mga kababayan kung anuman pong datos ang binibigay namin sa inyo, ito po ay validated namin, dinaan po natin sa proseso para kapag binigay sa kanila, it’s accurate already. Ang sinasabi natin kailangan lang may cautious interpretation tayo sa mga datos na lumalabas, dahil marami pong factors na maaaring makakaapekto kung bakit bumababa ang mga kaso at bumababa ang testing output.
And that was what we did. We got all the factors, we identified all the factors and we tried to analyze kung talagang kumpirmado po na the decline of cases is not affected by any other factor at ito po ay totoong pagbaba ng kaso. Nakita po natin na bumababa na talaga iyong mga kaso at amin pong nai-note na rin, na iyong mga admission sa ating mga ospital ay patuloy na rin pong bumababa. So, kami po sa gobyerno, sa national government, the DOH, we have accountability to the public, hindi po kami naglalabas ng mga datos na hindi validated, hindi po napoproseso. Iyon lang po ang gusto nating sabihin.
USEC. IGNACIO: Thank you, U/Sec. Vergeire.
Tanong naman po mula kay Maricel Halili ng TV5: Secretary Roque, Philippine Bar Association has said checks and balances among branches of the government will be put at risk because of the directive of the President. How can you assure checks and balances if the President will not recall his memo?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, hindi po apektado ang check and balances. Bakit? Eh wala naman pong kapangyarihan ang Presidente na utusan ang co-equal branch of government na itigil ang kanilang pagdinig. Ang sabi nga ni Presidente, eh di luray-lurayin ninyo iyong Pharmally na iyan, wala siyang pakialam. Ang hindi lang niya gusto, kinukuha iyong panahon ng kaniyang mga kalihim na namumuno dito sa giyera laban sa COVID-19, kagaya ng Secretary of Health, ang Vaccine Czar at saka ang Testing Czar. At para sa inyong impormasyon, bagama’t sinasabi ng ilang mga abogado na mali daw ang ginawa ng Presidente ‘no, pero sa desisyon po ng [Korte Suprema] sa Neri versus Blue Ribbon Committee na kahapon ay binasa ko doon sa Talk to the People, ang sabi po ng Korte Suprema, ang mga kalihim ay under the direct control and supervision ng Presidente. Kapag sila ay pinagbawalan, dapat sumunod at hindi dapat ma-cite in contempt kapag hindi nga po sila naka-attend ng mga Senate hearings. Iyan po ay actual na desisyon ng Korte Suprema. So wala pong paglabag sa Saligang Batas.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Maricel Halili ng TV 5: Who will the President support for President? BBM or Bongbong Marcos has already filed his COC, what are the chances of BBM-SBG tandem?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, hindi ko alam, kasi pareho kami ni Presidente that we are hoping that Sara Duterte will still run for President.
USEC. IGNACIO: Okay, thank you po. From Joseph Morong ng GMA for Secretary Briones. Good afternoon, Secretary Briones, question po ni Joseph: Regarding the students, can parents not allow their children to go to face-to-face? Absent sila? And what if the child contracts COVID, who is liable? If they contract COVID, who’s going to spend for treatment?
DEPED SEC. BRIONES: Hi, Joseph. Tungkol sa students, ang isa sa mga requirements natin sa shared responsibility, may permission ang parents, papayag sila na iyong kanilang mga anak ay sasali. Kasi ito ay pilot, [kung sino lang] ang sasali sa programang ito. Walang sapilitan, kasi patuloy pa rin ang blended learning natin. Ngayon kung halimbawa, there is a child who contracts COVID and even before the pilot pa, we have a very small number of cases of children na nagiging victimized dito at hindi nila nakuha iyan sa schools. Sa iba’t ibang lugar, kaya nga sabi namin, importante/mahalaga iyong shared responsibility.
Now, mayroon naman tayong mekanismo, kaya iyong plano natin, lahat ng schools, niri-require natin na gumawa ng contingency plan, step by step kung ano ang gagawin nila, kung magkaroon ng ganoong klaseng danger na wina-warningan tayo. Mismo ang WHO nagsasabi na baka mangyari na mayroon tayong mga aksidente na ganoon, paghahandaan at pinaghahandaan naman natin. Pero ang basic question: Puwede bang ayaw ng parents, hindi sila pipilitin? Hindi sila pipilitin, dahil ang bata umuuwi sa bahay nila, ang bata sumasakay sa public transportation, kumakain ng pagkain na possibly, sini-serve ng mga service organizations, gumagamit ng damit, ng sapatos, etcetera. So, kailangang shared ang responsibility niyan. So, walang sapilitan.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga teacher, can they refuse to attend face-to-face? Will they be provided PPEs? How about hazard pay? If they contract COVID, who’s going to spend for treatment?
DEPED SEC. BRIONES: By the way, siguro dapat i-inform natin ang mga teachers at sinabi ko na iyan in other press conferences na mayroon namang extra hazard pay. In addition to, kung nasa ECQ ka na lugar, doon ka nagtuturo, mayroon pang additional COVID-19 hazard pay for the teacher. Hindi naman natin pababayaan ang teacher. Dahil ang policy ng government – ma-teacher ka, ma-nurse ka, ma-police ka o ordinary citizen – kung madapuan ka ng COVID-19, hindi ka pababayaan. Ang teacher mayroong extra pay kung nasa ECQ classified LGU siya. In addition to the special hazard pay na binibigay na sa kanila ngayon. Itong lahat ay covered by law.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Briones. From Joseph Morong for U/Sec. Vergeire: Will NCR be ready for face-to-face classes? At what level will the DOH be comfortable to allow face-to-face classes in Metro Manila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, U/Sec. Rocky ‘no. It is a standard, hindi po NCR lang, pero sa lahat kasama sa criteria po natin. At ang criteria po natin na napag-usapan with the Department of Education, dapat nasa low or minimal risk po ang mga areas na isasama natin para atin pong masisiguro ang kaligtasan ng parehong guro at saka mga estudyante. So, kapag po pumapasok na sa level 2, alert level 2 po ang mga ipinasok natin, dito po sa ating mga isinama ngayon sa 59 na mga eskuwelahan. Atin pong titingnan sa mga susunod na linggo kung ano pa pong mga iba pang areas ang puwede nating maisama sa alert level 2 depending on the metrics that we have.
So for example, if NCR will be able na bumaba na po ang mga kaso, bumaba na rin ang hospital utilization at napunta na tayo sa alert level 2, makakasama na po doon. Pero kailangan klaruhin po natin, hindi po natin pinag-uusapan ito ng malakihang lugar. So halimbawa po sa National Capital Region, mayroon pong isang barangay o isang lugar na may eskuwelahan at nakita po natin na mababa iyong risk niya, kahit iyong buong NCR ay nasa alert level 4, maaari po nating isama iyon. Pero sa ngayon lang po, pinag-aaralan lang po munang maigi. Mag-uusap pong muli ang Department of Education at Department of Health ukol dito.
USEC. IGNACIO: Thank you, U/Sec. Vergeire.
For Secretary Roque, from Ivan Mayrina ng GMA News: May we get the statement from the Palace on Vice President Leni Robredo’s declaration that she is running for President?
SEC. ROQUE: Well, it’s a right of every Filipino to run for public office.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Ivan Mayrina: Can you confirm that President Duterte was supposed to be Bongbong Marcos’ running mate? Same question po with Ace Romero ng Philippine Star: Ano raw po ang Palace reaction to former Senator Marcos’ statement that he wanted President Duterte to be his candidate for Vice President?
SEC. ROQUE: I cannot speak for former Senator Bongbong Marcos. He may have wanted the President to become his running mate, but I have no information if this was relayed to the President and if the President ever considered it.
USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin: Who will replace Secretary Villar as Public Works Secretary? Who else among the CabSecs have manifested intent or have already resigned? How will the Palace ensure smooth transition and continuity of service in the departments?
SEC. ROQUE: Wala pa pong natatalaga na kapalit kay Secretary Villar. Para po sa mga iba pang mga Gabinete na posibleng tumakbo, ang alam ko po ay si Secretary Sal Panelo ang siguradong maghahain ng Certificate of Candidacy. Siya pa lang po ang alam ko, kasama po si Secretary Mark Villar.
USEC. IGNACIO: Opo. From Lei Alviz ng GMA News for Usec Vergeire, kumukuha lang po siya ng overview ng COVID situation sa buong bansa. Malinaw na ba ang pagbaba ng mga kaso sa buong bansa at sa NCR? Saan ito in-attribute ng DOH?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So, Lei, nakita po natin, katulad ng sabi ko kanina, napag-aralan na po natin at nakita natin na iyong paggamit po ng antigen test ay malaking bahagi sa pagkaapekto po ng pagbaba ng laboratory outputs natin.
Pangalawa, nakita rin po natin that with this decrease in the test outputs na mayroon tayo, iyong positivity rate natin ay bumababa pa rin – that’s second.
And then the third, noon pong Setyembre, noong nag-uumpisa, napa-plateau pa lang ang admissions natin sa mga ospital. Pero itong huling linggo po, nakita natin ang patuloy na pagbaba ng mga hospital admissions natin.
So kapag tinignan ho natin with all of these factors validated at napag-aralan, we are confirming that the cases are declining pero hindi po ito senyales para tayo ay maging complacent. Alalahanin po natin na bagama’t bumababa ang ating mga kaso, ang atin pong mga ospital ay mayroon pa rin pong mga pagkapuno. Although, 68% lang ICU utilization natin ngayon, kailangan pa rin po nating pag-ingatan na patuloy na mapababa at me-decongest ang ating mga ospital so that we can be able to move on and open up some sectors again in our economy.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Joel Peleño ng DWIZ: Secretary Roque, kung may new requirements na po bang ipatutupad sa mga pantalan at mga paliparan para sa mga fully vaccinated individuals? Maaari na po bang alisin ang antigen or RT-PCR test para sa mga fully vaccinated na patungo po sa ibang lalawigan?
SEC. ROQUE: Wala pa pong desisyon ang IATF tungkol diyan. Pero isa po sa pag-uusapan mamayang hapon ay iyong pagbabago ng ating arrival protocols from abroad. Iyong mga darating po sa abroad, mayroon pong panukala na pag-uusapan mamayang hapon.
USEC. IGNACIO: Opo. From Ace Romero ng Philippine Star for Secretary Roque: President Duterte previously said he discouraged Mayor Sara from running for president because she would end up facing intrigues. What changed President Duterte’s mind about this matter?
SEC. ROQUE: Wala naman po sigurong nagbago. Bilang isang ama, ayaw naman niyang madanasan din ni Mayor Sara iyong kumbaga the worst face of politics ‘no, iyong mga intriga. Pero nakita naman po natin na sa mula’t mula po talaga, ako po talaga ay sinabihan ni Presidente na ang gusto niya sanang kandidato ay si Mayor Sara. Pero ang problema nga po eh, sa mula’t mula rin ay sinasabi ni Mayor Sara na parang ayaw niyang tumakbo ‘no.
But I have hinged my political future to that of Mayor Sara. The President has from the very beginning believe that she is the most able candidate for president. And apparently, it’s not just I who agreed with it; it’s also the rest of the Filipino people if we are to believe surveys as reflective of the people’s sentiments.
So all we can say right now is, we’re praying for Mayor Sara to make the right decision. But in seeking the guidance of God, be reminded that the voice of the people is the voice of God.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Joseph Morong para po kay Secretary Briones: Magkano raw po iyong hazard pay for face to face?
DEPED SEC. BRIONES: Mayroong regular na hazard pay talaga, may COVID o wala, even before COVID, if a teacher is assigned to a remote area, may standards niyan, ang nag-set ng standard niyan ang Department of Budget and Management. Ang kinu-consider ay iyong distansiya, transportation and several other factors at saka iyong actual working days.
Ito namang para sa COVID ay kung nasa ECQ ka na nagtuturo ay mayroon 500 pesos a day na allowance. But kung talagang iyong kinatatakutan nating mangyari at nadapuan ang isang teacher ng COVID, lahat ng serbisyo ng pamahalaan ay available for her. At saka iyong sa DepEd naman, mayroon tayong provident fund; mayroon tayong mga asosasyon ng mga employees ng government, nag-aambagan sila; nandiyan iyong private sector. Marami talagang tumutulong sa teacher dahil mahal na mahal ng bansa ang teacher.
At saka mayroong tinatawag na Special Hardship Allowance, para sa teacher lang ito. Ang hazard pay ay siguro para sa lahat, pero ang Special Hardship Allowance ay sa teacher lang talaga ito na binibigay. Maraming benefits ang teacher na sa kanila talaga nakatalaga. Ganoon kamahal ng ating bayan, ating lawmakers, ang executive ang mga teachers natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Briones. Thank you, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat po sa ating mga naging panauhin sa Department of Education, Leonor Briones. Salamat din po kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kay Dra. Lulu Bravo ‘no.
At nabasa ko lang po kanina iyong isang suki natin dito sa ating press briefing, si Dra. Minguita Padilla ay naghain pala ng kaniyang certificate of candidacy for the Senate, she is also a clinical professor at the University of the Philippines-PGH and the founder of the eye bank, and we wish her well and the best.
So mga kaibigan, mga kababayan, natapos na naman po ang ating regular press briefing. Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nananalangin na sana po iyong gusto ng nakakaraming Pilipino na tumakbo ng presidente, Sara Duterte, ay dinggin po ang hinaing ng sambayanan.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center