Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE:  Magandang tanghali, Pilipinas. Nasa huling linggo na po tayo ng Oktubre, at tradisyon na nating mga Pilipino ang gunitain ang alaala ng mga mahal nating yumao.

Ito po ang rule ha kaugnay ng paggunita ng Undas sa lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks at columbarium:

  • Una, ang bilang ng mga bisita ay limitado sa maximum of 30% ng venue capacity. Kailangan magsuot ng face mask at face shield at mag-observe ng social distancing.
  • Pangalawa, lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks at columbarium ay isasara sa mga bisita mula Biyernes, October 29, hanggang a-dos ng Nobyembre, provided na ang Omnibus guidelines on the implementation of community quarantine ay patuloy na umiiral kaugnay ng burial at cremation activities sa panahong ito.
  • At pangatlo, hindi mag-a-apply ng age restrictions sa mga bisita sa mga sementeryo at memorial parks.

Usaping bakuna naman po tayo. Dumating kagabi ang 100th shipment ng COVID-19 vaccines na may dalang tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine. Sa latest shipment na ito, dalawang milyong doses ay binili ng pamahalaan at isang milyong doses ay donasyon ng pamahalaang Tsina. Dumating naman po ang mahigit isang milyon or 1,016,730 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan noong Biyernes, October 22. Sa bilang na ito, 101,790 doses ay na-deliver sa Cebu habang 101,790 doses naman po ay na-deliver din po sa Davao. Huwebes din ng gabi, October 21, nang dumating ang 1,014,390 doses ng Pfizer vaccines. Biyernes din, October 22, nang dumating ang 698,600 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor. Samantala, Huwebes ng gabi, October 21, nang dumating ang 400,000 doses ng Sputnik V vaccine.

Nasa mahigit 55 million or 55,715,693 ang total doses administered sa Pilipinas as of October 24, 2021 ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 33.33% or 25,711,980 ang fully vaccinated sa buong bansa. Samantala, sa Metro Manila, nasa mahigit 17 million or 17,621,460 ang total doses administered. Good news: Nasa 95.02% na ang nakatanggap ng first dose o katumbas ng 9,289,795; habang 85.22% naman po ang fully vaccinated o katumbas ng 8,331,665.

COVID updates naman po tayo ‘no. Patuloy po ang pagbaba ng mga bagong kaso, nasa 5,279 na po ito ayon sa October 24, 2021 datos ng DOH. Nasa 2,654,173 na po ang mga gumagaling, nasa 96.3% po ang ating recovery rate. Samantala, nasa 41,793 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.52% po ang ating case fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng mga ospital: Sa buong Pilipinas, 53% po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, mas mababa po ha, 46%. Sa buong Pilipinas, 41% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, mas mababa po, 35% po lamang. Sa buong Pilipinas, 38% po ang utilized ward beds; sa Metro Manila, 34%. Sa buong Pilipinas, 37% po ang utilized mechanical ventilators; sa Metro Manila, 35% po.

Sa ibang mga bagay, magandang balita ha: Binabati po namin sa Carlos Yulo sa kaniyang nasungkit na gintong medalya sa men’s vault at silver medal sa parallel bars event sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Japan. Congratulations! Patunay ito ng galing ng ating atletang Pilipino.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon walang iba kung hindi si Department of Education Secretary Leonor “Liling” Briones. Ma’am, maraming salamat ha sa gift na bibliya ‘no. Thank you very much.

Yes, ma’am, so excited na po ang marami para sa ating pilot implementation ng face-to-face classes para sa ating mga tsikiting. Ano po ang latest, Secretary Briones?

DEPED SEC. BRIONES: Magandang, magandang balita at una sa lahat, belated happy birthday.

SEC. ROQUE: Thank you, ma’am.

DEPED SEC. BRIONES: And we will always be grateful to you for sharing kung anong mga pinakabagong balita galing sa Department of Education. Halos araw-araw na ang pagpaplano, ang pag-checkup sa mga pilot schools na na-identify natin.

Maalaala natin na nag-umpisa tayo ng 1,900 schools na qualified, tapos na-reduce to 600. Tapos ni-review ng Department of Health, nag-clear sila ng 329 schools. So as of now, iyong objective natin na maka-reach ng 100 schools, public schools, ay 90 na ang ating na-identify. Ito sa opinyon hindi lamang ng Department of Education kung hindi sa Department of Health. Kasi ang mahalaga ay iyong tinatawag nating risk assessment hindi lamang ng—apat iyong kondisyon kasi natin, Spox Harry: Una, kailangan pumapayag ang local government units na magkaroon ng pilot face-to-face sa kanilang teritoryo; pangalawa, iyong aming facilities sa DepEd mismo ay appropriate at handa sa pilot face-to-face, distancing, tubig, medicines and so on; pangatlo, ito ay mahalagang-mahalaga kasi ang parents are very important, kailangan may written consent ang parents. Walang sapilitan ito, kailangan na pumayag ang mga parents na ang kanilang anak ay sasali.

Kaya from the 1,900 ay naging 600, nagiging 329 na na-assess ng Department of Health. Ngayon, so far, 90 na schools ang na-identify natin na public schools.

Ngayon, ang ginagawa natin ay mag-identify. Ito iyong sinasabi nga natin na first batch, 59; tapos halos everyday ay may nadadagdag na mga schools na nag-qualify, tapos ang ginagawa natin ngayon ay niri-review natin dahil ang policy ay magdagdag tayo ng 20 private schools. So ngayon ang aking undersecretary ay nakikipag-meeting sa Department of Health para makahingi ng risk assessment nila ng mga 20 private schools.

Pagkatapos, Spox Harry, tinitingnan natin na ang mga international schools iba iyong classification tapos may mga additional standards sila, so we will assess also the private schools separately—the private international schools. Ngayon, itong international schools ay ni-recommend na rin namin sa ano, iisa ang talagang nag-submit ng complete plan for handling face-to-face. Ito ay isumite namin sa Department of Health for risk assessment kasi depende kasi iyan sa location nila eh. Granular ang assessment na ginagawa ng Department of Health.

So, so far, we have ten more to go and then we will add the 20 private schools. And right now, one international school has submitted to us their plan and kailangan i-vet muna iyan ng Department of Health kasi dahil sa location nila at saka risk assessment wherever they are.

So, napakaganda naman ng response ng publiko dahil matagal na nila itong hinihintay. We are taking all the possible precautions dahil alam naman natin na ayaw ng Presidente natin na ma-expose to danger ang ating mga learners, teachers at saka ang staff.

At saka by the way, Spox Harry, worried tayo on the matter of the vaccination. So far, sa mga 90 schools, Spox Harry, 93.2% ng personnel ay already vaccinated. Iyong personnel, staff and so on, vaccinated sila kasi of course there is a preference and the parents have also expressed this that they would want vaccinated staff and teachers to attend to their children.

Also, gusto kong i-repeat, Spox Harry, na ang mga pag-aaral sa buong mundo at saka dito sa Pilipinas nagpapakita na ang mga kabataan ay mas malaki ang resistance at resiliency sa COVID but they can also be carriers kaya kung talagang kuntodo ingat ang ginagawa natin.

Finally, Sec. Harry, mahaba ito, iyong face-to-face na ini-envision natin iba sa face-to-face na nakasanayan natin na halimbawa, five days a week and how many hours a day kaharap ng mga estudyante ang teachers. This will only be on specified hours and specified places at saka kung mayroong mga development na bigla, na hindi natin inaasahan ay talagang siyempre ititigil kaagad iyan. Ginagawa iyan sa ibang mga bansa ‘no.

So, makukumpleto natin iyong 100 public schools. Ako, naniniwala dahil even as mayroong nag-back out mayroon namang mga sulat nang sulat sa akin na mga mayor, mga parents, na gusto nila ang face-to-face. Pagkatapos idagdag natin iyong 20 na private schools. Tapos international school, so far isa pa lang ang talagang complete na ang proposal.

Tapos kailangan din ng orientation para sa parents, sa LGUs at saka sa school personnel. Hindi puwedeng magbukas na lang tayo at dadating iyong mga bata. Kailangan ma-orient lalo na ang parents sa papel nila dahil may mga instances tayo, Spox Harry, na ang mga bata na iilan lang naman ang naka-catch ng COVID ay hindi galing sa school dahil hindi naman tayo nagpi- face-to-face ngayon kung hindi sa bahay, sa transportation at saka ibang sources.

So, lahat kailangan mag-cooperate, hindi lang ito sa Department of Education and sa Department of Health. Ang DILG kasali dito dahil malaki ang interest ng local governments dahil nasa kanilang teritoryo gagawin ang ating pilot.

Maraming salamat, Spox and I’d be very happy to answer further questions.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Briones.

Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. And good afternoon, Secretary Briones. And belated Happy Birthday din po, Secretary Briones.

SEC. ROQUE: Ay, belated Happy Birthday, Secretary Briones!

DEPED SEC. BRIONES: Kaya pala friends na friends tayo dahil pareho tayong mga Libras – supposedly balanced. [laughs]

SEC. ROQUE: Oo nga, Libra. [Laughs] Correct, correct. Happy Birthday, Secretary Briones.

USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria ng Inquirer po ang first question niya: Has the IATF, as a body, approved the HTAC recommendation to administer booster shots to health workers and seniors? If yes, when will this begin and what vaccines will be administered to them?

SEC. ROQUE: Hindi po nag-meeting ang IATF last week ‘no. So wala pa pong naa-approve ang IATF. That’s an HTAC recommendation po.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor of Daily Tribune: Transport groups and other sectors are urging the government to temporarily suspend fuel excise tax while some are pushing for fuel subsidies to cushion the impact of rising oil prices. Will the government heed their call? How will the Palace address this?

SEC. ROQUE: As we speak po, pinagpupulungan itong bagay na ito ‘no. Kinukonsidera po ang parehong proposals, so government is heeding and we are evaluating po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News for Secretary Briones: Secretary Briones, may we get an update on the pilot face-to-face classes and on reports of parents having their children back out of participation? What are the common concerns for backing out and how does this affect the DepEd’s push for face-to-face classes?

DEPED SEC. BRIONES: Ang pagkakaalam namin, ang nag-back out, may iilang local governments dahil kung nagbabago ang iyong numero, nagbabago ‘yung risk assessment, ina-adjust din nila ‘yung kanilang pananaw tungkol sa pilot face-to-face pero iilan lang ito. Mayroon namang mga local governments dahil gumaganda na ‘yung kanilang mga numbers, noong kanilang mga statistics, sumusulat naman directly sa akin na gusto nilang magkaroon ng face-to-face.

Ang parents, siyempre naintindihan natin na ang concern ng parents, ang tinitingnan nila ‘yung kapakanan ng kanilang mga anak at saka safety ng kanilang children. Sinabi ko na kanina na ang mga studies nagpapakita na mas resilient ang mga bata sa COVID-19, these are global as well as local studies but we should not also take things for granted. Kasi they can pick-up the virus in other places kaya kailangan ng cooperation talaga ng parents, ng transport service providers, etc., hindi lamang ‘yung sa eskuwelahan.

So lahat ito tinitingnan natin at saka conditions ito. Kung mag-back out ang parents, siguro may nabasa sila na mayroong increase sa kanilang territory, iyong risk assessment nagbago and hindi naman sila pipilitin. Ito, Spox Harry, ang mahalaga: Walang sapilitan; kung ayaw ng parents, kung mag-back out ang parents ay karapatan nila ‘yan dahil anak nila eh, learner nila ‘yun, buhay ng kanilang kabataan kung sa kanilang assessment.

Pero tayo, ang aming obligasyon ay to explain as far as possible na all possible precautions that are necessary have been undertaken. Like ang local governments kailangan handa sila dahil nasa kanilang territory, ang parents, ang mga service providers. Tapos kami din, niri-review namin ‘yung aming facilities, iyong mga schools na gagamitin for the pilot na kailangan may space, may tubig, may gamot and so on… PPE, malapit sa health station at mahalaga ‘yung risk assessment na gagawin ng health. ‘Pag sabihin ng Department of Health na itong lugar na ito mataas ang level ng COVID ay hindi namin ‘yan ipagpatuloy.

Pero 320 na—more than 300 schools ang na-identify nila and we are only targeting 100, dahil sa iba’t ibang mga kondisyon na ating ini-impose.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Briones. Secretary Roque, susunod pong magtatanong via Zoom si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Briones. Belated Happy Birthday po sa inyo.

Secretary Roque, unahin ko lang po ‘yung schedule ni Pangulong Duterte. May Talk to the People po ba ngayong gabi? At ngayong nalalapit na ASEAN Summit, kamusta po ‘yung magiging partisipasyon niya?

SEC. ROQUE: Well, mayroon pong Talk to the People mamaya; at dadalo po ang ating Presidente via Zoom or computer hook-up from October 26 to 28 ‘no. So as usual po, regular naman po itong mga ASEAN Summit – uunahin muna po ‘yung ASEAN Summit tapos magkakaroon ng ASEAN-Korea, ASEAN-China, ASEAN-US, ASEAN-Japan, ASEAN-Australia, ASEAN Plus Three, East Asia Summit, ASEAN-India, ASEAN-Russia tapos ‘yung closing ceremony.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, about IATF naman po kasi alam naman natin last week na ng October, patuloy na bumababa ‘yung COVID-19 cases sa NCR at bahagi na rin nga ‘yung pinaigting na pagbabakuna. Nakikita po ba natin na magkakaroon din nang mas magaan na alert level sa NCR? At itong issue sa booster shots, kailan po kaya masisimulan?

SEC. ROQUE: Well, uulitin ko lang po ‘yung sinabi ni Usec. Vergeire ‘no na malaki ang posibilidad na maibababa ang alert level kasi nga po nakikita natin ‘yung datos ay bumababa ‘no. Fifty-two percent na po ‘yung ating two-week attack rate, tapos ‘yung ating average daily attack rate ay bumaba po nang 9.87, tapos ‘yung ating COVID bed utilization rate is now at 39% and 48% for ICU beds. So malaki po ‘yung possibility na bababa tayo ng alert level ‘no.

Now iyong sa booster shot, ‘yan po ay recommendation ng HTAC – that will be tackled po I think in the next meeting of the IATF this Thursday.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, maitanong ko lang din po ‘yung on social distancing. Kasi ‘yung sa Dolomite Beach nakikita natin talagang tinatangkilik ng ating mga kababayan. Paano po kaya maiiwasan ‘yung talagang umpukan ng mga tao? And just for the record, puwede po ‘yung mga bata na bumisita doon?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang mga bata talagang for essentials lang po na dapat lumalabas ng kanilang mga tahanan ‘no. So hindi pa po pupuwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata.

So unang-una, nananawagan po kami sa ating mga kababayan ‘no, pandemya pa po, bagama’t bumababa po ang mga kaso natin eh nandiyan pa po si COVID-19 ‘no so huwag po tayong magpabaya ‘no. Kinakailangan po mask, hugas, iwas at kung kakayanin na bakuna nga po ‘no.

Nananawagan din po kami sa kapulisan siguro diyan po sa Maynila ‘no, kinakailangan po ipatupad natin iyong social distancing ‘no. Talaga naman po ang Dolomite eh for the enjoyment of everyone, pero huwag naman hong maging dahilan ‘yan para magkaroon tayo ng superspreader event.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And one last question lang po kay Secretary Briones. Okay lang po ba, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Yes, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi, Secretary Briones. About lang po, ma’am, sa face-to-face classes. May I ask kung may changes po or kailan na po ba ‘yung final target natin na masimulan ito? At given doon sa mga nabanggit ninyong immediate na steps, tayo po ba ay confident na on track ‘yung mga process natin bilang preparation dito?

DEPED SEC. BRIONES: Yes. From the time that the President issued his go signal and his approval and his conditions ay talagang naghahanda na since December pa ‘no. And then nagbigay na siya ng kaniyang go signal right now, from then on halos everyday naghahanda kami, panay meeting with the Department of Health kasi mayroon siyang kondisyon which I think is very sensible  na kailangan mayroong rekomendasyon ang Department of Health at ang IATF, hindi lamang na mag-decide ang Department of Education na mag-face-to-face kami pero may clearance kasi mahalaga ito sa location ng mga schools. So halos araw-araw nagmi-meet ang Department of Health at saka ang Department of Education.

Tapos mayroon namang mga nadadagdag na mga local governments na talagang nagri-request sila, na handa sila. Mayroon ding iilan, very few lang siguro, less than three lang siguro or four ang nag-withdraw sila dahil tumaas iyong numbers nila on a granular level. As of now, wala pa sa listahan natin ang NCR, wala sa listahan ng Department of Health, pero binabantayan naman ito very closely. Kasi maraming mga learners natin nasa NCR at saka sa Region IV-A, doon ang bulto ng mga learners natin.

So lahat ginagawa natin, para ma-ensure ang safety ng kabataan at saka ang teachers natin, ang staff. Sinabi ko na kanina, 93.3% na ng ating mga staff and teachers are already fully vaccinated. I am fully vaccinated. And most of our officials are fully vaccinated already. So, parang nag-gain na ng momentum iyong campaign for vaccination. But the last word of course is the parents. The parents decide. Mahalaga iyan kaya kailangan hinihingi namin iyong written consent talaga ng parents para mai-ensure natin na lahat nakonsulta. Lahat natatanong at saka lahat mabigyan natin ng assurance na ginagawa natin ang ating dapat gawin.

MELA LESMORAS/PTV 4: Secretary, kailan po iyong target pa ring simula, same pa rin po ba?    

SEC. BRIONES: November 15 ang formal, November 15. Pero from the time that the President, almost a month na, halos ano na talaga, niri-refine namin ng husto. Dahil klarong-klaro iyong marching orders ng President, consult Department of Health, IATF, observe protocols, 100 ang sampling and so on.  Tapos, November 15 for public schools, 22 for the private schools, kasi ngayon, niri-review, as of now, right now, my undersecretary is meeting with the Department of Health and assessing also the private schools as well as the international school. As far as I know, one international school has submitted a complete plan for face-to-face and I supposed the other schools follow suit also.

MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Thank you so much po, Secretary Briones at kay Secretary Roque and kay Usec. Rocky.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. May follow lang po para doon sa ASEAN participation ni Presidente. From Johnna Villaviray po ng Asahi Manila: Are there initiatives or new cooperation agreements that we are pushing during any of the Summit Meetings? And what can we expect from the ASEAN-Japan meeting specifically?

SEC. ROQUE: Naku, hindi ko po alam ang detalye. I only have the schedule for now. Pero in the coming days po, titingnan po natin kung ano iyong mga magiging declarations ng ating Pangulo at titingnan rin po natin kung ano iyong magiging specific agenda doon sa tinatanong ninyong ASEAN-Japan Summit.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News: In her weekly radio program, Vice President Leni Robredo said that the DOJ’s initial report on 52 drug war cases confirmed the long-standing observation that there are lapses in the government’s war on drugs. Palace statement please? Similar question po iyan with Maricel Halili ng TV 5. Follow-up question: Do you admit that there are lapses? What are the lapses that you have identified?

SEC. ROQUE: Well, I think like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa. At saka itong desisyon ng ating DOJ, nagpapatunay nga po na ginagampanan natin iyong ating obligasyon bilang estado na kapag mayroon pong napatay ay iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga pumapatay. So, nothing is perfect and itong findings ng DOJ proves that the Philippines nga po is undertaking and performing its obligation in so far as the right to life is concerned.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin po: The second weekend under alert level 3, people again flock to public places and in many instances daw po ignoring minimum public health standards and violating guidelines of the alert level system? Isn’t this a cause of concern for the government and will new measures be implemented to enforce compliance?

SEC. ROQUE: Well, nagkaroon na po tayo ng panawagan kanina. Mga kababayan, talaga naman pong iyang Dolomite Beach na iyan is for the enjoyment of everyone, pero huwag naman po sanang maging dahilan nga para maging super-spreader events iyang Dolomite Beach na iyan. Kinakailangan po talaga, nandiyan pa rin po si COVID, mask, hugas, iwas. Para na po tayong sirang plaka. At nananawagan po kami sa ating kapulisan sa Maynila, siguraduhin po natin na lilimitahan natin iyong numero ng bibisita sa beach na iyan ng sa ganoon po ay magkaroon po ng social distancing.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili pa rin po ng TV 5: Given the trend, do you think the worst case of COVID in the country is over?

SEC. ROQUE: Well, one thing that inspires us right now is the almost 85% na vaccination rate natin sa Metro Manila. Hindi po natin maikakaila na talagang may kinalaman iyong napakataas na vaccination rate na natin sa Metro Manila.  Pero uulitin ko po ha, ang bakuna ay isang pamamaraan lamang para makaiwas sa COVID-19. Hindi pa rin po tayo dapat nagpapabaya – mask, hugas, iwas pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. From Triciah Terada ng CNN Philippines, iyong first question po niya natanong na po ni Mela Lesmoras about doon sa pag-lower ng alert level after October 31st.  Ang second question po niya: Is the President taking steps to convince his daughter, Davao City Mayor Sara Duterte, to run for president or any national post?

SEC. ROQUE: Well, I think, nakausap ko po kasi si Governor Gwen Garcia, para malaman kung ano talaga iyong napag-usapan sa Cebu. Ang sabi po ni Governor Gwen sa akin ay ang sabi daw ni Mayor Sara on her possibility of running for President, that ship has sailed. So talagang mayor po ang takbo ni Mayor Sara.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili po: Dinumog ng mga tao ang Dolomite Beach, what’s the Palace directive?  Who should be held liable?

SEC. ROQUE: Already answered na po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Joseph Morong ng GMA: Regarding public transport like buses, they are jam-packed. Medyo mahirap masunod ang health protocols. Ano daw po ang dapat gawin?

SEC. ROQUE: Well, inatasan na po ni Secretary Tugade, iyong ating tinatawag na I-ACT, iyong consisting ng MMDA, LTO, LTFRB and HPG – Highway Patrol Group – na paigtingin iyong kanilang enforcement ng health protocol sa public transportation.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: There is a proposal to increase to 50% capacity, is that inside the vehicle or 50% on the buses or jeepneys should be increased to ply the routes?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, i-increase to more than 50% iyong mga public transportation na nasa labas po ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question na po, Secretary Roque. Tanong po mula kay Maricel Halili, nagpahabol lang po siya: Sir, are you in the US?

SEC. ROQUE: Opo, nasa Amerika po tayo ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyon lang po iyong mga nakuha nating tanong. Thank you, Secretary Roque and Secretary Briones.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po. Dahil wala na tayong katanungan, maraming salamat po kay Secretary Leonor Briones. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox ang nagsasabing: Mga kababayan, lalung-lalo na sa Metro Manila, congratulations at halos 85% na ang ating vaccination rate. Pero paalala lang po ha, mayroon po tayong mga tinatawag na breakthrough infections. Pupuwede pa rin po tayong mahawa, kaya kinakailangan patuloy mask, hugas, iwas. Magandang hapon po, Pilipinas.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)