SEC. ROQUE: Maayong buntag sa inyong tanan. Ito po ang inyong Spox Harry, gikan sa Lungsod ng Davao. (Magandang umaga sa lahat. Ito po ang inyong Spox Harry Roque, mula sa Lungsod ng Davao).
Hanggang Martes lang po ang binigay ng Presidente para sa lahat ng kinauukulan na ibigay ang mga compensation benefits sa mga healthworkers na nagkasakit ng COVID-19 in the line of duty at sa mga pamilyang naiwan ng mga namatay na healthworkers simula Biyernes. Nagbigay ang Pangulo ng deadline na hanggang Martes sa susunod na linggo para maisagawa ito.
Ito ay pagkaraang makarating kay Presidente na hindi pa pala natatanggap ng kahit sino sa ating mga bayaning frontliners ang benepisyong ipinagkaloob sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.
Ramdam din po ng Presidente ang hirap ni Juan Dela Cruz sa pagko-commute matapos po maging GCQ at MGCQ ang mga lugar sa Manila. Nagbigay ng direktiba ang Presidente na dagdagan pa ang ruta ng mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila simula po bukas, araw ng Biyernes. Alinsunod dito, tatlong ruta po ang binuksan ng DOTr bukas at tatlong ruta pa rin po ang idadagdag sa Lunes. Kasama po ito sa gradual at calibrated approach ng DOTr sa muling pagbubukas ng public transport. Makikipagpulong ang LTFRB sa concerned bus operators ngayong araw tungkol sa bus deployment na utos ng ating Pangulo.
Inaprubahan din po kahapon ng Kongreso ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2020. Alam naman po natin ang terorismo ay hindi na bago sa Pilipinas, matagal na natin itong nilalabanan at nagkakaroon tayo ng karanasan sa Marawi kung saan napalaya natin ang Islamic City sa kamay ng mga rebeldeng terorista. Ngunit hindi nagwakas ang terorismo nang lumaya ang Marawi, patuloy ang banta nito sa tahimik na pamumuhay ng mga Pilipino.
Ito lang bago natapos ang Ramadan ay mahigit pong anim na libong residente sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao ang napilitang lumikas matapos atakihin ang tatlong army detachments ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Ang mapuksa ang terorismo ang magandang hangarin ng batas! Bakit daw po ngayong panahon ng COVID ipinasa iyan? Well unang-una po, nakabinbin na po sa Senado ang panukalang batas na ito, Enero pa noong 2018. Naipasa na po nila ito bago pa na-certify na urgent ng Presidente. At bakit ngayon po nag-certify as urgent? May 27 po, 6,000 pong kababayan natin napilitang lumikas dahil sa kamay ng mga terorista. Hindi po tumitigil sa pag-atake sa sibilyan ang mga terorista maski mayroon tayong COVID-19.
Balitang IATF naman po tayo – Ito po ang ilan sa mga salient points na napagkasunduan kahapon: Unang-una po, inaprubahan ang rekomendasyon ng IATF na baguhin ang depinisyon ng hotel at payagan na rin mag-operate ang mga sumusunod ‘no, kasama na po sila sa depinisyon ng hotel: mga resorts, apartments, tourist inns, motels, pension houses, private homes used for home stays, eco-lodges, service apartments, condotels at bed and breakfast facilities.
Now, tungkol naman po sa galaw ng mga tao sa MGCQ kung saan nakasaad sa dating guideline na pinapayagan ang lahat na lumabas sa kanilang mga bahay ay nagkaroon po ng pag-amyenda rito. At ngayon po sa Resolution No.43 eh mananatiling hindi po dapat lumabas sa mga bahay ang mga bata, 21 years old and below at ang ating mga seniors, 60 years old and above subject po doon sa exception na kung kinakailangan for necessities and para magtrabaho.
Mabuting balita po sa mga gusto na talagang magpunta sa simbahan. Kahapon po, sa mga lugar na MGCQ – ulitin ko po ha, sa mga MGCQ pa lamang pupuwede na pong magkaroon ng mass gatherings para sa religious purposes, pero po hanggang 50% lamang ng sitting capacity. Marami pong matutuwa diyan sa balitang iyan.
Sa DOTr naman po, Department of Transportation, naglabas sila ng bagong protocols para po sa aviation sector. Ito po ang salient points ng mga bagong alituntunin/patakaran sa himpapawid: Unang-una po, istriktong pagpapasuot ng facemask; pangalawa, paglalagay at pagkakaloob ng handwashing at sanitizing station at foot baths; mahigpit na ipapatupad po ang physical at social distancing sa lahat ng pampublikong lugar; mahigpit na pagkuha ng temperature sa lahat ng pasukan; pagpapalagay ng on-site signages at online information materials patungkol sa kalusugan; passenger boarding and inflight protocols, inflight announcements, pag-anunsiyo na hindi papayagan ang pagkakaroon ng pila sa mga palikuran.
Ang mga cabin crew ay magsisilbing gabay sa mga pasahero na may dalang bagahe with social distancing. Ang mga cabin crew din po ay inaasahang magpapamahagi ng alcohol at wipes sa lahat ng pasahero. Mag-aalok po tayo ng simplified meal service at magbibigay ng tubig na pang-isahang tao lamang. Istriktong pagpapatupad sa mabilisang pagkilos sa cabin at iwasan ang pagtitipun-tipon ng mga tao.
Social distancing po sa loob ng eroplano, kinakailangan mayroon pong physical distancing sa lahat ng mga pasahero. Ang mga miyembro ng isang pamilya at mga indibiduwal na bumibiyaheng magkakasama ay puwede pong umupo na magkakatabi. Kung hindi magagarantiya ang pagkakaroon ng physical distancing, ang mga pasahero at crew ay dapat na mahigpit na sundin ang preventive measures kasama ang istriktong kalinisan ng mga kamay, respiratory etiquette at pagsusuot ng mga face masks sa lahat ng oras.
Pagdating naman po sa pagdidiskarga, kinakailangan magkaroon pa rin po ng social distancing. Lahat ng mga parating na pasahero ay kinakailangan sumagot ng health declaration and passenger locator forms. Siguraduhin po ang social distancing sa mga carousel ng mga bagahe. Ang pagsunod ng mga parating na pasahero ay limitado lamang po sa tatlong minuto. Paaalalahanan ang mga transport concessionaires na panatilihin ang physical distancing sa tuwing magsasakay o magpapasakay sa kani-kanilang mga sasakyan.
Pumunta naman po tayo sa sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas. Pumalo na mahigit labingsiyam na libo ang mga kaso ng COVID-19 ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health – 19,748. Patuloy na tumaas ang mga nakaka-recover with 4,153 recoveries. Samantala ay patuloy po ang mababang kaso ng mga namamatay, walo po ang binawian ng buhay kahapon, sumatotal ay mayroon na tayong 974 deaths. Well kung titingnan po natin ang ating graph, mayroon po tayong graph na nagpapakita ngayon, iyong datos sa mga namamatay; malinaw na malinaw po dito sa linyang pula na patuloy po ang numero ng mga namamatay dahil sa COVID-19 kung titingnan natin iyong pang-araw-araw na datos.
Ngayon po, mayroon po tayong bisita – wala pong iba kung hindi ang ating suki, siya po ay ang Kalihim ng Flagship Projects and at the same time, he is President of BCDA and concurrently, he is Vice Implementer of Task Force COVID-19. Siya po ang tinatawag na T3 czar – testing, tracing and treat – walang iba po kung hindi si Secretary Vince Dizon. Secretary?
SEC. DIZON: Magandang umaga po. Maayong buntag sa inyong tanan (Magandang umaga sa inyong lahat) dito sa Davao. Maraming salamat po sa inyong lahat. Magbibigay lang po ako nang maikling report pagkatapos ng isang buwan since tinayo po ang Task Force T3 na partnership ng gobyerno, ng IATF, ng DOH at ng National Task Force, at ang ating mga private sector companies na padami na po nang padami ang tumutulong sa ating effort laban sa COVID-19.
Masaya po tayo sa ating report na nalampasan pa po natin, kagaya ng sinabi ni Spokesperson Harry Roque noong nakaraang araw at ng ating DOH. Nalampasan po natin ang ating goal na 30,000 testing capacity sa Mayo at ngayon po ay nasa 41,990 na po tayo. Nagsimula po tayo, kung titingnan natin noong buwan ng Marso ay nasa dalawang libo lang po ang kapasidad ng ating mga laboratoryo sa Pilipinas. Ngayon po ay ang ating kapasidad para mag-test ay halos 42,000 na po sa buong Pilipinas.
At kung titingnan po natin noong buwan ng Pebrero, iisa lang po ang ating laboratoryo sa buong bansa, ito po iyong RITM sa Metro Manila. Ngayon po ay mahigit limampu na po – 52 labs na po tayo – at ito po ay nagawa natin sa tulong at sa dedikasyon at trabaho ng ating DOH, ng ating RITM at lahat po ng ating mga private sector partners.
Kung titingnan po natin, padami na po nang padami ang ating mga laboratoryo sa buong bansa, lalo na po sa Visayas at sa Mindanao; at out of the 52 laboratories po, 33 po ay government labs at 19 ang private sector labs.
Kasama po sa mga private sector labs ang pinakamalaki po ngayon na kapasidad ay nanggagaling sa Philippine Red Cross – twelve thousand po ang kanilang capacity, tatlong laboratoryo. At noong nakaraan pong buwan, sa leadership ng chairman ng Red Cross na si Senator Richard Gordon at ang mga kawani ng Red Cross, mahigit pong tatlong libo sa ating mga OFWs ay na-test noong Mayo.
Mayroon din pong napakalaking laboratoryo na dinonate [donated] ang Asian Development Bank sa Region III, sa JB Lingad Memorial Hospital na mayroon pong 4,000 capacity kada araw. Nagpapasalamat din po tayo sa leadership ng Asian Development Bank.
Ngayon po, mapunta po tayo sa mga private sector donations po na mga machines. Halos dalawampung laboratory machines ang dinonate [donated] po ng Go Negosyo at Project ARK ng San Miguel Corporation at ng Ayala Corporation. At marami po dito ay hindi lang sa Luzon kung hindi marami rin po sa Visayas at dito sa Mindanao.
Eight modular labs din po ang dinonate [donated] ng Unilab sa Luzon, Visayas at Mindanao. At mayroon pong … ipapakita ko sa inyo ang latest ay dumating po sa General Santos, katulong po ng leadership ni Mayor Rivera at katulong din po ng private sector partners natin.
Ang QualiMed Ayala ay nagbigay din po ng five modular testing labs sa Luzon at sa Visayas. At sa mga susunod na linggo at sa mga susunod na buwan, magbibigay din po sila ng mga laboratoryo dito sa Mindanao.
At napakaimportante po, dahil sa leadership po ng ating mahal na Pangulo at ng ating mahal na Mayor ng Davao City, si Mayor Sara Duterte, napakalaki po nang naging expansion ng Southern Philippines Medical Center dito sa Davao. Nagsimula po ang capacity ng Southern Philippines Medical Center sa mahigit 200 lang, ngayon po ay halos tatlong libo na po ang magiging capacity dito sa Davao; at sa Southern Philippines Medical Center po ay aabot na po ng 2,500 capacity per day ang SPMC dito sa Davao.
At ito po ang mga darating pang mga laboratoryo sa Region XI: Sa Davao One World Diagnostic Inc., sa Davao Regional Medical Center, sa Davao Doctors Hospital at sa Davao TB Reference Laboratory. Magtu-total po ito ng tatlong libong capacity per day – ito na po ang pinakamalaki sa buong Mindanao na kapasidad.
At kagaya po ng nasabi ko kanina, sa General Santos po, para po hindi na pupunta po ng Davao ang ating mga kababayan sa Region XII, magkakaroon na po ng bagong laboratoryo sa General Santos. Kakarating lang po nito ngayong araw na ito sa tulong ng ating mga private sector partners.
So ano po ang ibig sabihin nitong mas malaking kapasidad natin ngayon? Ang ibig sabihin lang po natin ngayon ay mas marami na tayong maiti-test. Noon pong mga nakaraang buwan, ang nati-test lang po talaga natin ay iyong mga kababayan natin na nagma-manifest po ng sintomas – may lagnat, may sipon, may ubo. Ngayon po, dahil sa malaking capacity na natin nationwide, lalo na po sa Visayas at sa Mindanao, puwede na po tayong lumampas pa sa mga may sintomas. At dapat po, ang ating goal na ngayon sa expanded targeted testing ay ang paghahanap at pagti-test ng mga asymptomatic – iyon pong mga kababayan natin na wala pong masyadong sintomas.
Alam ninyo po sa Pilipinas at sa buong mundo, halos po 98% po ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o mild lang po ang sintomas; two percent lang po ang may mga kritikal at may mga grabeng pakiramdam at sakit. Kaya po kailangan po talaga ay palawakin natin ang ating targeted testing. Papaano po natin papalawakin ito: Unang-una, kailangan nating palawakin ang ating testing sa ating mga komunidad, lalung-lalo na po sa mga densely populated o mataong lugar tulad ng NCR, Central Luzon, Calabarzon, Cebu, Davao at iba pang mga malalaking siyudad.
At ikalawa po, importanteng-importante din na palawakin natin ang targeted expanded testing natin sa ating mga frontliners kahit na po sila ay walang sintomas. At ang frontliners hindi lang po ang medical frontliners. Pati po ang frontliners natin na matagal at madami ang exposure sa isang araw sa ating mga kababayan, lalung-lalo na po ngayon na marami po sa ating mga lugar sa Pilipinas ay MGCQ na at GCQ. Kasama po dito ang ating mga transport workers; ang ating mga law enforcers, ang atin pong mga kapulisan; at ang ating mga men in uniform – men and women in uniform; ang ating mga guwardiya sa mga malls, sa mga opisina; ang ating mga cashiers sa ating mga tindahan at supermarket. Lahat po sila ay kailangan po ngayon ay i-test na rin natin kahit po wala silang sintomas.
At itataas po natin pa sa buwan ng June, sa buwan ng Hunyo, ang ating testing capacity sa 50,000 per day capacity. At kailangan na rin po talaga nating itaas ang ating actual testing. Ngayon po ay nag-a-average lang po tayo ng sampung libo kada araw nationwide. Kailangan po talagang itaas natin ito at magagawa natin ito kapag mas agresibo tayo at mas proactive tayo sa pagti-test sa ating mga asymptomatic.
Ngayon po, ang punto po natin dito ay habang dumadami ang ating tini-test, napipigilan po natin ang pag-spread ng virus sa ating mga komunidad at marami po tayong mga buhay na masasalba.
So iyon po ang ating report; marami pong salamat sa Davao at sa buong bansa. Marami pong salamat sa inyong lahat.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Dizon. Bago po tayo tumuloy sa ating open forum, kasama po natin ang Panacañang Press Corps at ang Malacañang Press Corps. Mayroon pa po akong isang anunsiyo: Pinag-aaralan na po na bigyan ng pangatlong buwang ayuda ang mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay po dahil hindi pa po pinapayagan na bumiyahe ang ating mga jeepney. Ito po ay manggagaling pa rin doon sa Bayanihan Act.
Okay, mga tanong, simulan natin kay Joyce Balancio ng Malacañang Press Corps/DZMM.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Si Senator Risa Hontiveros po kahapon, she called for an audit on how the Executive branch is spending itong public funds na galing po sa implementation ng Bayanihan to Heal as One Act. And also kung papaano daw po ginagamit itong special powers ni Pangulong Duterte. Do you think it’s still … kailangan pa po sa panahon ngayon when the Executive branch is already giving Congress a copy of its report weekly?
SEC. ROQUE: Iyon nga po iyon ‘no, kinakailangan lang siguro basahin ni Senator Risa Hontiveros iyong weekly report ng Pangulo sa Kongreso kada linggo.
Next question, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, si Senator Risa Hontiveros po, she was calling for an audit of how the government is spending itong pong funds—
SEC. ROQUE: Sinagot ko na po.
JOYCE BALANCIO/DZMM:—that were realigned out of the implementation ng Bayanihan to Heal as One Act at kung papaano po ginamit ni Pangulong Duterte iyong special powers niya. Do you think it’s still needed iyong audit given na weekly naman po nagpapadala si Pangulong Duterte ng report sa Congress.
SEC. ROQUE: Hindi na po, hindi na po kinakailangan iyan dahil mayroon na nga pong weekly report at mayroon din po tayong COA post-audit.
Next question po, Rocky.
USEC. ROCKY: Good afternoon, Secretary Roque. Welcome po sa PTV Davao, ganoon din po kay Mr. Vince Dizon. From Mark Sambalog(?) of Philippine Daily Inquirer-Mindanao: The DOTr and DILG pronouncement on the “No Back Ride” policy remains enforceable because of our COVID-19 situation. Some LGUs want to know if Mayors daw po can deviate from implementing the same given the fact their concerned LGUs are under MGCQ or classified as low risk areas in majority areas in Davao Region?
SEC. ROQUE: Hindi pa po. Ang pagbabawal po sa back ride ay applicable sa GCQ at sa MGCQ. At ito po ay kabahagi ng isang IATF Resolution – hindi po pupuwedeng magbigay ng awtorisasyon ang mga mayor, kinakailangan sundin pa rin po iyong pagbabawal sa back ride.
Next question, please.
USEC. IGNACIO: Second question ni Mark Sambalo: There are some condition of the DILG Sec. Año, on the use of sidecar on national roads since back riding is still prohibited, this is contrary to the DILG policy banning pedicabs on the national highway. Can we ask for a further explanation especially on context of Sec. Año’s suggestion vis-à-vis on the policy banning pedicabs or sidecars on the national highways?
SEC. ROQUE: Well, nagkaroon na po ng bagong polisiya, pinapayagan na po ngayon ang mga sidecars sa national highways. Iyan po ay para maibsan iyong kakulangan ng transportasyon ngayong nag-GCQ na at MGCQ sa maraming areas.
USEC. IGNACIO: From Jay Lagang ng PTV-Davao: Ano po ang assurance ng government that some of big ticket infrastructure projects in Mindanao like the Mindanao Railway and the Davao – Samal Bridge will still push through despite the ongoing threat of COVID-19?
SEC. ROQUE: Secretary Vince?
SEC. DIZON: Matutuloy po ang Mindanao Railway Phase 1, iyong pong Tagum-Davao-Digos Phase ng Mindanao Railway at matutuloy din po ang Davao-Samal Bridge. Ito po ay ayon sa ating NEDA at ayon din po sa ating mga infrastructure agencies tulad ng DOTr na in-charge sa Mindanao Railway Phase 1 at ng DPWH na in charge sa Davao-Samal Bridge.
Makakaasa po ang ating mga kababayan dito sa Mindanao, lalo na sa Davao Region na matutuloy po ang mga proyektong ito.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Jay Lagang: Is there a move from the government to consider as well, the reopening of the local tourism sites within Mindanao aside from Baguio City and Bohol.
SEC. ROQUE: Well, kapag umabot na po tayo sa MGCQ, 50% puwede na po ang turismo pero wala pa po tayo sa MGCQ. Kaunting hintay na lang po.
Joseph Morong of GMA 7, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Question, sir, tungkol doon sa religious gatherings. Can you tell us as to … bakit pinayagan na ng IATF finally iyong religious gathering up to 50%? And mayroon ba iyan, sir, implications doon sa other mass gatherings in MGCQ areas like live performances, iyong mga banda, iyong mga bars at saka iyong mga live performances and also weddings?
SEC. ROQUE: Well, binalanse po natin iyong risk na ikalat ang COVID-19 doon sa datos sa mga MGCQ. Uulitin ko po, sa MGCQ lang po na pinayagan itong mga pagtitipon na ito at ang konklusyon naman is baka pupuwede dahil kapag 50% naman pupuwedeng mag-social distancing. Siyempre po, the rule is applicable to mass gatherings in general, not just to religious gatherings. At uulitin ko po, sa MGCQ lamang iyan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, second question, this with regard to the Anti-Terror Bill: Will the President, parang ano ba ito, good as signed na po ito, sir, pagdating sa kaniya? And then related question, I’d like to go to … focus on Section 26—
SEC. ROQUE: Ano po iyon? Ano iyong question mo, Joseph?
JOSEPH MORONG/GMA 7: —on the proscription, the DOJ will apply sa Court of Appeals kung sino iyong gusto nilang i-designate as terrorists individuals or organization? Do you think there’s a wide latitude for the government such that puwede nilang i-include anybody to be designated as a terrorist or a terrorist group?
SEC. ROQUE: Well, on your first question, hindi pa naman po tapos ang proseso sa Kongreso, so hihintayin po natin na maipasa ng kaparehong Kongreso at Senado ang Bill na iyan at siyempre, magkakaroon pa po iyan ng Bicameral Conference Committee at inaasahan naman po natin dahil noong Lunes, this was certified as urgent that the President will sign it into law.
Now, tama ka, ang procedure po hindi naman po basta-basta gobyerno lang ang magtatalaga sa isang organisasyon na isang terrorist organization. Dadaan pa po iyan hindi lang sa RTC kung hindi sa Court of Appeals kung hindi po ako nagkakamali, so I think that’s sufficient safeguard po para pangalagaan ang karapatan ng lahat ng tao kasama na po iyong mga organisasyon na pupuwedeng ma-declare as terrorist organization.
Alam ninyo po, mahirap ang proseso dito sa batas natin. Sa America, State Department lang ang nagtatalaga at wala ng proseso, pero dito po, dadaan pa sa hukuman.
Rocky?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Pero, sir, just a minor follow—just a follow-up on that question. Sir, kasi hindi ba siya masyadong malaking power for the government such that kung sino iyong gusto nilang i-declare na terrorist or terrorist organization, they can do so? Sabi dito, probable cause … established probable cause but what would be the basis of probable cause? Now, applying that, iyon ho ba, sir—right now kasi CPP-NPA, FTO siya (Foreign Terrorist Organization) or terrorist organization siya under the US and then mayroong declaration si Presidente. Now, iyong mga legal fronts, activists groups, puwede ba silang ipasok diyan sa proscription?
SEC. ROQUE: Alam mo, hindi po bago itong probisyon ng batas, mayroon na pong ganiyang probisyon sa Human Security Act. Pero nakikita ninyo na sa batas natin hindi gaya sa Amerika na napakadali, deklarasyon lang ng State Department, eh dito dumadaan sa hukuman. Eh, kaya nga po hanggang ngayon hindi pa yata nadedeklarang terrorist group nga ang CPP- NPA kasi hindi alam kung saan papadalhan ng summons.
So, mas mahirap po ang proseso dito sa Pilipinas, hindi po totoo na madali ang proseso dahil kinakailangan po dalawang sangay ng gobyerno – ang Executive at ang Hudikatura – ay magkaroon ng parehong finding na terorista ang isang grupo. Mahirap na proseso po iyan.
Rocky?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Can I go to Sec. Vince?
USEC. IGNACIO: Okay, Secretary—
SEC. ROQUE: May question ba? Yes, Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Davao media, RD Frances Mae Macapagat ng PIA XI: While the LGUs here have been stepping up efforts to ensure that repatriates are received back in their localities, there are still cases of OFW repatriates who recently tested COVID-19 positive when they had swab testing in their municipality. Is there a way that the national government can tighten health protocols at the point of origin before the OFWs are allowed to travel back to their provinces? This will also be a concern when Davao will open the airport for commercial flights. Is there a guideline of the IATF to address this particular concern?
SEC. ROQUE: Uulitin ko po, wala po tayong pinauwing OFW na hindi po nag-test na negative sa PCR. Kaya nga lang po, iyan po talaga iyong kahinaan ng lahat ng test. Kasi ang PCR eh epektibo lang po iyan after a certain number of days na nandiyan na iyong sakit.
So, kung siya po ay na-test at nag-negative, posible po later on kung siya ay infected eh magte-test eventually siya ng positive. Kaya tama naman po ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan na nagpi-PCR test pa rin sila. Sa tingin ko sa ganitong sistema ay mas lalong mapapangalagaan ang kalusugan ng mga pupuntahang lugar ng ating mga OFWs. Wala na pong dapat ibang gawin dahil sapat na po iyang safeguards na nagte-test ng PCR bago umalis ng Maynila at nagte-test pa rin ng PCR pagdating sa probinsiya.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya, Secretary: The LGUs have ensured that isolation centers at the community level will be established and operationalized but the supply of test kits remained to be a concern to accommodate the expanded testing strategy of the government. How can the national government help address this concern following from how testing capacity efforts are stepped-up in NCR?
SEC. ROQUE: Secretary Vince?
SEC. DIZON: Salamat, Rocky. Alam ninyo po, napakalaki pong paghamon ng global supply ng mga iba’t-ibang mga supply at materyales at testing kits sa buong mundo. Very limited po ang supply at ang buong mundo po ngayon lalo na ngayon nakikita natin na tumataas na nang tumataas ang mga kaso even sa ibang lugar tulad ng Latin America at Brazil.
So, kaya po ngayon po talaga, malaking problema po iyan hindi lang para sa Pilipinas kung hindi sa lahat ng mga bansa. Pero in-assure po tayo ng ating Department of Budget and Management na iyong ating malalaking mga order para sa mga test kit na ito ay parating na po sa susunod na linggo. Kaya po sa susunod na linggo kapag dumating na po itong mga order natin galing sa abroad, sa iba’t-ibang bansa sa mundo ay medyo gaganda na po ang supply natin sa ating mga laboratoryo at mama-maximize na po natin ang ating testing capacity.
Ang ibig sabihin po niyan ay kapag dumating na ang ating supply ay iyong ating testing na ngayon ay mga average nang 10,000 kada araw ay tataas na po nang tataas iyan dahil po tuloy-tuloy na po ang ating magiging supply.
SEC. ROQUE: Next question.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong naman si Allan Nawal of PNA: No back ride policy kahit mag-asawa. Parang impractical daw po ito dahil sa bahay magkatabi naman sila?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng explanation po ni Secretary Año, ang mag-asawa ‘pag lumabas, nakakahalubilo ng ibang tao, pupuwedeng mahawahan at iyan po ang dahilan kung bakit hindi pinapayagan ang back ride. Dahil habang walang social distancing, makakahawa pa rin. Next question, please, Trish Terada.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Secretary. Sir, I understand the anti-terrorism bill hasn’t reached the President’s table, but iyon nga po, even though he already certified it as urgent, there are appeals online from different people asking for the Anti-Terrorism Act to be junked. How will the President factor in these sentiments or these opinions, sir, when the time comes that he has to sign or when the time comes that the bill is already on his table?
SEC. ROQUE: Alam ninyo bagama’t it’s certified urgent, hindi naman po automatic na pipirmahan iyan ng Presidente. Dadaan pa rin po iyan sa isang final review para titingnan kung mayroong mga probisyon na labag sa Saligang Batas bago po pirmahan ng Presidente. So that is still subject to final review by the President ‘no, to ensure na it is compliant with our Constitution. Next question.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, ito po ng anti-terrorism bill and ito pong suspension ng abrogation of VFA, connected po ba sila sir? We asked because we’re wondering if there is any information or intelligence report from our agencies about possibly a looming terrorism threat considering the timing of these two things: the anti-terrorism law and the suspension of the VFA abrogation po?
SEC. ROQUE: Wala naman pong relasyon iyan, pero ang katunayan po maski mayroong COVID-19 eh iyon nga po, iyong insidente sa Maguindanao na 6,000 na-displaced na mga civilians at saka iyong napakadaming mga pagkakataon na ang NPA ay inaatake ang mga sundalo na nagbabantay doon sa mga nagbibigay ng ayuda na isang pamamaraan din ng terorismo ‘no.
At iyong pagdating naman sa VFA, ang nasuspinde lang naman po ay iyong proseso ng termination, eh wala naman pong bagong desisyon ang Presidente pagdating doon sa termination. Rocky…
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong pa rin ni Allan ng PNA: No SAP in GCQ areas pero paano iyong mga nandoon daw po sa entertainment industry like iyong sa television?
SEC. ROQUE: Well, titingnan po natin kung mayroon pang sapat na pera na matitira doon sa Bayanihan Act kasi that is 205 billion pesos. Kanina sinabi ko na, na unang priority ay iyong mga jeepney drivers na hindi pa rin pupuwedeng pumasada. Titingnan po natin kung mayroon pang matitira at titingnan po natin iyan kung pupuwedeng ibigay doon sa mga sektor na hindi pa rin pupuwedeng maghanap-buhay under GCQ and MGCQ. Next question, please.
USEC. IGNACIO: From Vina Araneta of ABS-CBN: Is it possible na idiretso na lang ang mga OFWs sa mga LGUs kung saan sila nakatira para isang quarantine na lang daw po? Ngayon kasi ilang beses silang dumadaan sa quarantine.
SEC. ROQUE: Kasama po iyan sa plano, kaya nga po tinaas natin iyong testing capacity sa mga probinsya para kapag dumagsa na po iyong mas marami pang mga OFWs ay pupuwede na tayong pauwiin sila kaagad sa probinsya, doon na sila mag-swab at doon na rin po sila magku-quarantine.
Oo nga pala, mayroon po tayong bagong protocol sa mga darating na OFWs at OFs ‘no. Siguro Secretary Vince you can tell the public kung ano iyong bagong protocol ngayon for testing para doon sa mga dumarating galing sa abroad.
SEC. DIZON: Opo. Unang-una po, tama po si Spokesperson Harry na ang gagawin po natin ngayon sa mga susunod na linggo ay idi-decentralize na po natin ang arrivals ng ating mga OFWs. Magsisimula po iyan sa pagtanggap ng Clark International Airport bukas ng mga flights galing sa abroad dala ang ating mga OFWs at bubuksan na rin po ang iba’t ibang mga international gateways natin. At dahil po tumataas na ang capacity ng ating mga probinsya at ng ating mga siyudad sa labas ng Metro Manila, magagawa na po natin ito ngayon para po mapadali ang pag-uwi at makasama ng ating mga kababayang mga OFWs ang kanilang mga pamilya.
Ang protocol din po natin ay medyo nagbago nang konti lalo na para sa mga OFWs po na mayroong mga kumpanya o tinatawag nating mga manning agencies. Ang mga manning agencies po ngayon ay maaari nang kumontrata ng kanilang sariling laboratoryo para sa testing ‘no, i-expand na po natin dahil dumadami na nga po ang ating mga laboratoryo, puwede na po silang kumontrata ng mga iba’t ibang laboratoryo para hindi na lang sa isa o dalawang laboratoryo lang ang ating magiging testing.
Para naman po sa ating mga umuuwing Pilipino galing sa abroad, iyong ating tinatawag na Overseas Filipinos at hindi mga Overseas Filipino Workers, puwede rin po silang magpa-test sa mga laboratoryo na available lalo na sa private sector hospitals. So mapapadali po ito at mapapabilis ang ating sistema nang pagkuha ng test, at siguro po sa loob ng dalawa o tatlong araw ay makukuha na ang mga test ng ating mga kababayan at kung sila ay negative, sila’y makakauwi na.
SEC. ROQUE: Next question, please. Thank you, Sec.
USEC. IGNACIO: May follow up question lang si Vina ng ABS-CBN kay Sir Vince: Sir, ilan daw po ang target na ma-accredit naman in the next 2 months noon pong mga accreditation para sa mga testing centers?
SEC. DIZON: Ngayon po, mayroon pa po tayong pending na halos isandaang testing labs at sisikapin po natin sa tulong ng ating Department of Health, ng RITM at ng IATF na mapabilis pa talaga ang pag-accredit sa mga laboratoryong ito sa loob ng mga susunod na linggo at ilang buwan ‘no. Gaya po ng nagawa natin ‘no, napakagaling po talaga ng nagawa ng ating DOH, ng RITM sa tulong ng private sector, halos po mahigit na isa kada araw ang naa-accredit natin nitong mga nakaraang linggo at paiigtingin pa natin ang ating mga efforts para mas marami pa tayong ma-accredit at mas marami pang lugar sa Pilipinas ang magkakaroon ng sariling laboratoryo.
SEC. ROQUE: Joyce Balancio/DZMM, one more question.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, pasensya na, nagkaroon ng technical problem kanina so I wasn’t able to ask my two more questions. Very quick lang po, Secretary, you mentioned last time that there could be special session sa Congress for the extension of the Bayanihan to Heal as One Act. Is this something that the President will ask to Congress na magsagawa sila ng special session given na June 5 na po bukas, Secretary?
SEC. ROQUE: Mayroon naman pong assurance ang ating mga senador at kongresista na maa-approve nila itong batas na ito bago po sila mag-adjourn sa Thursday, so tingnan po natin na baka hindi na kailanganin. Next question, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary, sa Caloocan po, mayroon pong anim na jeepney drivers na inaresto because of their protest dahil hindi po sila pinapayagang pumasada at wala pa daw pong ayuda. So ano po ang mensahe po ninyo, at tama po ba—in the first place, tama po ba iyong pag-aresto sa kanila?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong factual antecedents niya ‘no. Wala po ako doon, hindi ko nakita, pero bawal pa po ang pagtitipon habang tayo’y nasa GCQ. At gaya ng aking sinabi, ang mga jeepney drivers naman po eh mukhang makakatanggap ng ayuda itong pangatlong buwan ng ating quarantine ‘no. Dahil alam naman natin, mahirap talaga ang buhay sa kanila dahil hindi pa sila pinapayagang pumasada, so hinahanda na po ang additional ayuda just for jeepney drivers.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, last na lang po for me. Sa meeting po ninyo mamaya with Pangulong Rodrigo Duterte, pag-uusapan po ba iyong pagbabago niya ng isip dito sa termination ng VFA?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung siya’y nagbago ng isip dahil ang nangyari lang po, nasuspinde ang termination. Hindi pa po niya sinasabi na hindi na tuloy ang termination, so wala pong nagbago sa pag-iisip ng ating Pangulo
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary, thank you.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Allan Nawal ng PNA: For Secretary Roque: With the resources that the government now has and shall have in the near future, which one does the government prioritize: money or life?
SEC. ROQUE: Buhay po, walang kaduda-duda, buhay po ang pinakaimportante. Next question, please.
USEC. IGNACIO: For BCDA Chair Vince Dizon: What is the current testing capacity of the Philippines which has been noted to keep moving if not pushed back at times?
SEC. DIZON: Kagaya po—ang testing capacity po ng Pilipinas ay halos nasa 42,000 per day na po ‘no. Ito ang testing capacity ng lahat ng limampu’t dalawang labs ‘no, 52 labs na ngayon mayroon na tayo sa buong Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao. Ang kailangan po natin ngayong gawin ay itaas natin ang actual test na nagagawa natin kada araw. Ngayon po ay nasa sampung libo pa lang po ang ating nagagawa kada araw. Ito po ay kulang pa, kailangan po natin talagang padamihin pa ito.
Ngunit sa mga nakaraang buwan, mayroon tayong nagiging mga problema sa supplies na problema ng buong mundo, hindi lang ng Pilipinas. Pero gaya po ng nasabi ko kanina, sa susunod na linggo ay darating na po ang ating mga bulk orders, sabi po ng ating Department of Budget and Management, at tutuluy-tuloy na po iyang tataas sa mga susunod na araw.
Pero ang napakaimportante po na nasabi natin kanina ay kailangan na po nating gamitin itong ating bagong capacity para mag-test ng mga tinatawag nilang asymptomatic. Ito po ang walang masyadong sintomas pero kailangan natin silang i-test para ma-prevent natin ang paglaganap pa ng virus sa ating komunidad.
USEC. IGNACIO: Iyong update lang daw po doon sa status ng testing laboratories your team has already established, and specifically what areas daw po, Sir Vince Dizon?
SEC. DIZON: Kagaya po ng napakita natin sa mapa kanina ng Pilipinas, 52 laboratories na po. Nagsimula tayo sa iisa lang noong Pebrero, ngayon po ay 52 na. Ito po ay combination ng private labs at government labs – 33 government, 19 private labs – at Luzon, Visayas, Mindanao na po ito. At ngayon po ay talagang pinapadami natin ang mga laboratory, lalo na sa Mindanao at sa Visayas.
SEC. ROQUE: Melo Acuña? Okay. Habang wala pa si Melo, siguro Usec. Rocky, next question..?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis ng Daily Tribune: May we know kung ano po ang mai-expect na mapag-usapan ng IATF with President Duterte during their meeting later? At puwede rin po bang malaman kung anu-ano ang naging activities ni President Duterte sa ilang araw niyang pag-stay sa Davao City? Bumisita po ba siya sa ibang areas?
SEC. ROQUE: Well, mamaya po, eh naging ano naman po iyan, regular na, na pag-uulat ng Pangulo kung ano ang ginagawa ng inyong gobyerno po lalung-lalo na dito sa panahon ng COVID-19. At inaasahan din natin na mag-uulat muli ang ilang mga miyembro ng IATF, kasama po ang ating Chief Implementer, Secretary Galvez; ang DILG Secretary, Secretary Año; ang ating DND Secretary, Secretary Lorenzana; at Secretary Duque ‘no, at posible rin pong kasama yata si Secretary Bautista ng DSWD.
So okay, next question – Si Melo Acuña nandiyan na yata…
MELO ACUÑA: Magandang araw po, Secretary—
SEC. ROQUE: Doon sa mga activities ng ating Presidente – well, ang nakikita ko po ay patuloy po ang mga pagpupulong ni Presidente. Mayroon po siyang mga importanteng mga phone calls and I will report on these calls in due course.
Melo?
MELO ACUÑA: Anong naging dahilan ….
SEC. ROQUE: Anong naging dahilan—hindi ko nakuha ang tanong mo.
MELO ACUÑA: Another question, Secretary. Doon po sa panukalang batas tungkol sa terorismo, hindi po ba taliwas iyong panukala na pagkakabinbin ng isang tao for 14 days or more doon sa probisyon ng Saligang Batas? Salamat po…
SEC. ROQUE: Wala pong nakasulat sa Saligang Batas kung gaano katagal iyong tinatawag na pre-trial detention. Pero nandiyan naman po ang hukuman, ang hukuman po ay may kapangyarihan pa rin na magsabi na wala nang ligal na basehan ang pre-trial detention ng kahit sinuman at bukas po ang ating hukuman para doon sa mga kababayan natin na sa tingin nila ay mali ang kanilang pagkakaaresto.
MELO ACUÑA: Opo. May impormasyon po ba kayo kung bakit nabalam iyong paglalabas ng pondo para doon sa mga beneficiaries ng Department of Health na namatay samantalang naglilingkod?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po alam kung bakit pero galit po ang Presidente. Galit, frustrated at ngayon ko lang po nakita na talagang medyo uminit ang ulo ng Presidente noong nalaman niya na matapos ang tatlong buwan ng Bayanihan We Heal as One Act ay hindi pa rin nabibigay iyong 100,000 para sa mga nagkasakit na frontliners at one million para sa mga namatay. Mainit na mainit po ang ulo ni Presidente.
MELO ACUÑA: Please update us, Secretary. Thank you.
SEC. ROQUE: Binabalaan ko po ang mga awtoridad: Sumunod po tayo dahil ngayon ko lang po nakitang ganiyan kainit ang ulo ng ating Presidente.
Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: How important is the United States’ assistance in the country’s fight against terrorism especially with the imminent passage of the new anti-terror law? Can the Philippines live without the VFA? What will prompt the President to retain or review the VFA with the US?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, bago na ang anyo ng terorismo ngayon. Wala na pong kinikilalang mga borders at wala na pong kinikilalang mga bansa. So lahat po ng bansa na ating kaibigan – Amerika, Tsina, Russia, India, Australia, lahat po sila ay importante lahat.
So ang VFA po, well, kasing halaga po siya sa lahat ng ating mga relasyon sa lahat ng ating mga kapitbahay, kapitbayan at lahat po ng ating mga alyado – kaibigan po natin ang lahat at wala po tayong kalaban, except ang mga terorista.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose ng Remate: Binatikos ng ilang mambabatas ang pag-apruba ng Kamara sa kontrobersiyal na anti-terrorism bill na kanilang tinukoy bilang draconian at railroaded. Sinabi po ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, hindi lamang hostage takers or bombers ang target ng panukala kung hindi pati ang mga ordinaryong mamamayan na nagagalit na umano sa gobyerno. Maliwanag daw po sa anti-terror bill na puwedeng maakusahan ang kahit sinong ordinaryong mamamayan bilang terorista dahil lamang sa association or indirect relation sa terrorist act, – ano po ang komento ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Hindi po railroaded iyan kasi 17th Congress pa po ay pinayl [file] na iyan ni Senator Ping Lacson. In fact, pumasa iyan sa Senado pero nabinbin po sa Kamara kaya hindi naisabatas noong 17th Congress.
At itong pangalawang pagkakataon na ipinayl, iyan po ay nai-file na ng January of 2018. So napakatagal naman pong proseso iyon, halos apat na taon for a bill to be said to have been railroaded. Hindi po iyan railroaded, matagal nga po ‘no.
And secondly po, iyong mga haka-haka naman po, bukas po ang ating mga hukuman, at sana po ni-raise ito ni Congresswoman noong ito po ay tinatalakay sa Kamara de Representantes ‘no. Dahil noong una ngang pagkakataon po, hindi nga po pumasa sa Kamara ang anti-terror law ‘no so wala pong basehan itong mga haka-hakang ito.
USEC. IGNACIO: From Rose Novenario ng Hataw: Paano magiging ligtas ang pera ng bayan sa planong broadcast-based mode of learning ng DepEd kung hindi pa nareresolba ang isyu ng korapsyon sa state-run networks at ang ilang opisyal ay nasangkot sa katiwalian? Kailan iku-konsidera ng Palasyo ang tinig ng mga obrero sa government media stations para makapagtalaga ng efficient, competent at honest officials, at hindi laging base lamang sa political accommodation ang batayan sa pagpili ng iu-upo sa puwesto?
SEC. ROQUE: Hahayaan ko na po si Secretary Martin Andanar at si Usec. Rocky ang sumagot diyan.
USEC. IGNACIO: From Buena Bernal/Channel News Asia: There is a renewed criticism against the so-called red tagging phenomenon against human rights defenders in the country given spotlight on the anti-terror bill with international circle, saying the vilification of dissent is now institutionalized pointing to other examples of silencing of critics such as the court case against Duterte critic-De Lima and the ouster by petition of Duterte critic-Sereno.
SEC. ROQUE: Wala pong basehan iyan kasi iyong kapangyarihan na magdeklara ng isang organisasyon na terrorist organization, lumang probisyon po iyan ng human security act, hindi po iyan bago. Ano po ang nakita natin – halos sampung taon na iyang human security act, ni isang grupo ay hindi naman nadeklarang terorista – so anong ikinakatakot natin?
Pangalawa, si Leila De Lima po, ang alam ko po ang kaso niya – droga; at si dating Chief Justice Malou Sereno, ang nagpatanggal po sa kaniya ay ang sarili niyang mga kasama sa Supreme Court.
USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez ng GMA News Online: The United Nations High Commissioner for Human Rights has accused the Philippines of using the COVID-19 crisis as an excuse to clamp down on free expression and tighten censorship. The Commissioner cited the arrests under the Bayanihan Law which criminalized the spread of false information. May we get Malacañang’s reaction to this?
SEC. ROQUE: Well, as I said, freedom of expression is not absolute; it is subject to derogation. At one form of derogation is the criminal clause ‘no, iyong penal clause po na nandiyan na kabahagi ng Bayanihan We Heal as One Act.
Ang magandang balita naman po ay gumagana po ang ating institutions, lalung-lalo na ang ating hukuman. At marami po sa mga nakasuhan ay dinismiss [dismissed] naman po ng ating piskalya pa lamang ang mga kasong ito. So, the system works po.
USEC. IGNACIO: Question from Angel Ronquillo ng DZXL: May ibinigay na po bang kautusan si Pangulong Duterte hinggil sa hindi pa naibibigay na sickness and death benefits sa mga tinamaang health workers ng COVID-19 kung saan nakasaad ito sa Bayanihan to Heal as One Act?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po: Galit na galit ang Presidente. Hanggang Tuesday next week, kailangang maibigay po iyang assistance na iyan dahil iyan po ay nasa batas.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Cresilyn Catarong of SMNI: Nananawagan ngayon ng tulong at humihingi ng donasyon ang mga tsuper na halos tatlong buwan na pong pinagbabawalang bumiyahe para panustos sa kanilang pamilya. Ang iba, halos naibenta na ang kanilang naipundar na gamit at wala ring mahanap na trabaho dahil 50% lang ang pinapapasok. At kahit sabihin na gumawa na ng paraan ang pamahalaan, ang tanong daw po ng mga jeepney drivers, ano ang paraang iyon? Mayroon na po bang partikular na tulong na ipagkakaloob ang pamahalaan para sa mga jeepney drivers? At paano ninyo po daw matitiyak na lahat po sila ay maaabutan ng tulong?
SEC. ROQUE: Gaya ng aking sinabi kanina, hinahanda na po ang pangatlong buwan ng ayuda para sa mga jeepney drivers at inaayos na po ang posibleng hanapbuhay sa kanila bilang contact tracers.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon lang pahabol dito, Secretary. Palace reaction daw po regarding UN Rights’ Chief Michelle Bachelet’s statement that China and other Asian countries, including the Philippines, were using the coronavirus crisis as an excuse to clamp down on free expression and tighten censorship?
SEC. ROQUE: Ay, nasagot ko na po iyan ‘no. I think dito sa Pilipinas, hindi mo na talaga masusupil ang karapatan ng malayang pananalita dahil hindi na po papayag ang sambayanang Pilipino.
Okay? I think, we’ve answered all the questions.
USEC. IGNACIO: Secretary may pahabol –
SEC. ROQUE: Oh may habol, may habol.
USEC. IGNACIO: Si Henry Uri po – baka pagalitan tayo ng DZRH, Secretary – marami pong jeepney drivers ang nag-aalala na hindi sila makabalik sa pamamasada dahil baka daw pong tuluyan nang i-phase out ang mga lumang dyip sa lansangan. Ano daw po ang direktiba ng Pangulo tungkol sa public utility jeepney?
SEC. ROQUE: Well, kung sila po ay mapi-phase out dahil sa modernization, gagawin po natin ang lahat ng kaya nating gawin para magpatuloy sila magkaroon ng hanapbuhay using the modernized jeepneys. Dahil ganoon lang naman po iyon, as we phase out the old jeepneys, we have to allow the new jeepneys to come in.
Now, the time is 1:01, bibitaw na po ang ating mga ka-partners na organizations na miyembro ng KBP, so at this juncture, maraming salamat, Secretary Vince Dizon. And I hope, hindi ka magsasawa na mag-guest dito sa ating press briefing. Maraming salamat po sa PTV4-Davao, napakaganda po ng facilities ninyo. Maraming salamat, Usec. Rocky at sa mga miyembro ng Panacañang. I’m happy to be back. At siyempre, Malacañang Press Corps, we’ll be back again on Monday.
Huling pananalita po: Banta pa rin po ang COVID, let’s keep safe. Magandang hapon po…
Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spokesperson, Harry Roque na nagsasabing keep safe. Good afternoon.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)