Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Department of Education Secretary Leonor Briones and Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang ating press briefing ngayon sa pagbibigay ng discussion dito po sa supplemental na inilabas ng Department of Trade and Industry on the concession of residential and commercial rents.

Ito po ang ilan sa mga salient points ng guidelines. Unang-una ang nakasaad po dito, lahat po ng upa whether be it residential or commercial ay subject to deferment ang pagbabayad.

Ano po iyong mga sakop ng deferment ng pagbabayad? Lahat po ng upa na hindi po mas maaga sa March 17, 2020 kung kailan po na-impose ang ECQ at not later than the lifting of community quarantine. Ang community quarantine po na tinutukoy dito ay ang GCQ.

So ang sakop, iyong mga lugar mula noong March 17 kung kailan nadeklara ang ECQ sa buong Pilipinas at iyong mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, siyempre po kasama na diyan ang Modified ECQ.

Now, iyong 30-day grant po ng grace period ay magsisimula po iyan from the lifting of the community quarantine. Iyong lifting po ng community quarantine ay… ang apektado ay iyong GCQ lamang or from the date na iyong tenant po ay pinayagan na magsimula muli magtrabaho o ‘di naman kaya mag-operate ng kaniyang negosyo, kung ano po iyong mas maaga.

Iyong 30-day grace period po ay wala po iyan dapat interes, penalties, fees at iba pang mga charges.

Now, sino po ang pupuwedeng mag-avail nito? Lahat po noong mga residential lessees, iyong mga paupahan na pambahay na nawalan ng trabaho o income during the community quarantine at iyong mga empleyado or mga negosyo na hindi po na-allow mag-operate during the community quarantine. Kasama rin po ang mga commercial lessees, iyong mga negosyo nila ay kasama doon sa hindi pinayagang mag-operate during community quarantine.

Now, iyong cumulative amount of rents po, iyong sumatotal na babayaran na nasa ilalim po noong period na covered by CQ shall be equally amortized in 6 months following the end of the 30-day minimum period.

So ‘gives-gives’ po ang bayaran over a period of 6 months ‘no without interest, penalties, fees and charges. Kinakailangan lang po na iyong mga nangungupa ay magbigay po ng promissory note or letter doon sa nagpapaupa.

Now, kung ang nangungupa po, iyong negosyo ng nangungupa o iyong kaniyang pagtrabaho ay pinayagan during the quarantine period, iyong grace period po ay magsisimula doon sa petsa kung saan ang kaniyang employment or ang kaniyang negosyo ay pinayagan na mag-resume.

Iyong 6 months amortization period po shall continue to apply to rents na hindi po siya naging due earlier than March 17, 2020 and not later than the date permitting the lessee’s employer or businesses to operate.

Now, hindi po obliged o hindi kinakailangang mag-refund ang mga nagpapaupa ng residential and commercial rents doon sa umuupa sa kanila before or during the period of ECQ or any version.

Bawal po ang pagpapaalis ng mga nangungupa dahil sa hindi nila nabayaran ang kanilang upa na sakop po dito ng grace period mula po March 17, 2020 when the ECQ took effect until the end of the grace period granted by a lessor to a lessee.

Now, pumunta naman po tayo sa Bayanihan We Heal as One Act. Now, ang posisyon po ng ating gobyerno ay nananatiling epektibo ang batas hanggang June 25. Ito po ay governed ng sunset clause of the law. Section 9 po ng RA 11469 ang nagsabi ay, “This act takes effect immediately upon its publication in a newspaper of general circulation or in the Official Gazette and is in full force and effect only for 3 months unless extended by Congress.

Pinirmahan po ng Presidente ang Bayanihan Act noong March 24, nalathala po ito ng mga pahayagan noong March 25, isang araw pagkatapos napirmahan ng Pangulo. Kaya nga po ang sinasabi namin, dahil ang sabi naman ng Civil Code na ang pag-compute ng period, iyong first day ay excluded and the last day is included, mapapaso po ang batas ng June 25.

Sa mga nagtatanong, mahihinto ba ho ang ayuda ng pamahalaan? Naku, hindi po. Tuloy po ang second tranche ng ayuda kahit kailan pa nag-expire ang Bayanihan Act. Hindi po apektado ng expiration iyan dahil iyong obligasyon at iyong pera ay naririyan naman po. iyong obligasyon na magbayad at saka iyong pera naririyan, hindi po iyan subject to expiration.

Sa ngayon ang DSWD ay nagsasagawa ng validation ng mga naisumiteng listahan, ito po iyong para sa mga additional 5 million na mga pangalan kung saan sinusuri po nila upang matiyak na karapat-dapat at kuwalipikado po ang mga beneficiaries batay sa mga umiiral na guidelines. Pagkatapos po nito, magkakaroon ng regional at inter-regional deduplication kung saan kino-cross match ang listahan ng SAP beneficiaries sa database ng DSWD at iba pang ahensya ng pamahalaan para makasiguro tayong hindi nadodoble ang binibigay nating ayuda.

COVID-19 update naman po tayo. Umabot na po sa mahigit dalawampu’t isang libo ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, 21,895 to be exact. Patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling, mayroon na po tayong 4,530 recoveries at lumampas na po sa isanlibo ang namatay, nasa 1,003 naman po ang nasawi.

Tingnan naman po natin ang bagong presentasyon na ginagamit na natin mula ngayon. Ito po dalawang kulay, blue and green. Ang sumatotal po nito ay iyong mga actual cases ng COVID-19 pero niri-report po sila doon sa date kung kailan sila unang nagkaroon ng sintomas para mas accurate po ‘no despite iyong mga lags ng laboratory, hindi biglang sisipa.

So makikita ninyo naman po na iyong pigura ‘no, iyong datos sa mga COVID-19 cases by date of onset of illness ay patuloy pong bumababa ngayon. Bagama’t nagkakaroon nga ng …sa nakalipas, ng mga laboratory and validation lags ‘no. So ‘pag ni-record po natin sa ganitong pamamaraan, makikita ninyo kung bakit tama lang naman na nag-GCQ na tayo sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar dahil nakikita ninyo na bumababa na po ang kaso ng COVID sa atin.

Bagama’t kung titingnan ninyo sa isang linear graph ay patuloy pa rin pataas, pero kung ang pagbabasehan po ay iyong onset of illness, kailan nagkaroon ng unang sintomas, eh malinaw na malinaw po ang trend, pababa na po tayo ng trend.

Pero kinakailangan mag-ingat pa rin po ‘no dahil pupuwedeng sumipa iyan ‘pag nawala ang social distancing, ang pagsusuot ng mask at ng pananatiling malusog.

Ito rin po ang graph na nagpapakita doon sa mga kababayan nating namatay na sa COVID-19, bagama’t ang sumatotal po ngayon ay mahigit isanlibo na, iyong namamatay pang-araw-araw ay patuloy po talagang bumababa. Sa mga nakalipas na mga araw nga po, it is a single digit recording of individuals na namamatay po dahil sa COVID-19.

Now pumunta naman po tayo sa mga pigura noong mga napauwi na nating OFWs. Ito po ay 42,298 mula po noong May 15 at ito po ay as of June 8, 2020.

Mapalad po tayo at ngayong araw din po ay makakasama po natin ang bagong tinalagang Undersecretary ng Department of Health, si Dr./Usec. Leopoldo ‘Bong’ Vega.

Si Usec. Vega ang Medical Chief ng Southern Philippine Medical Center, ang kauna-unahang government owned hospital sa Davao City. Siya rin ang unang Medical Director ng noo’y Davao Medical School Foundation. Ilan po sa nagawa ni Usec. Bong sa Southern Philippine Medical Center ay ang pagkakaroon nila ng Heart Institute, ang kauna-unahang center institute sa Mindanao at pinakamalaki sa Pilipinas; at Institute for Women’s Health.

Sa mga interesado kung ano ang specialization ni Dr. Vega, ito po ay cardiothoracic surgery. Mabuti naman po at ako’y magbebenepisyo dahil iyan po ang aking karamdaman, isang tawag na lang ako kay Dr. Vega, libre konsulta.

SEC. ROQUE: Anyway po, kasama po natin ngayon si Dr. Vega. Are you on the line, Dr. Vega?

USEC. VEGA: I’m here, Harry. I’m on the line. Salamat…

SEC. ROQUE: Congratulations, Dr. Vega.

USEC. VEGA: And good afternoon to all.

SEC. ROQUE: Nandoon po ako sa Davao nang sinabi ni Presidente na itatalaga niya kayo bilang undersecretary ng Department of Health. Puring-puri po siya dahil under your leadership ay naging moderno at naging mas malaki po ang Southern Philippines Medical Center.

So ano po ang reaksiyon ninyo doon sa tiwala na ipinakita sa inyo ng ating Presidente?

USEC. VEGA: First of all, I’m very humbled and honored for the trust and confidence na ibinigay sa akin ni President, Pangulong Rodrigo Duterte. And I’m taking the challenge for this kind of new field of work in my capacity.

SEC. ROQUE: Now, Doc., you do not have a specific portfolio po as undersecretary, I take it na kayo po ang magiging Usec for Special Concerns, and the biggest special concern right now is COVID-19. Ano po ang inaasahan nating pagbabago sa DOH sa pagtatalaga sa inyo bilang undersecretary pagdating po sa response natin sa COVID-19?

USEC. VEGA: I think ang pinakaimportante dito is a very good coordination between the Department of Health and how it is able to respond to the needs and services of the community that it has to be, and to harmonize with what the IATF would want, and to respond for. So para sa akin, ito ay isang malaking responsibility in terms of making sure that the services are given and it creates an impact to the community.

SEC. ROQUE: So, can you assure the public po na kung paano ninyo ginawang moderno at pinalaki ang SPMC, ganiyan din ang mangyayari po sa DOH?

USEC. VEGA: Well, this is going to be a new challenge. It’s a different field but I’m prepared to learn, and tingnan natin on how we go about it since it’s really more on how we administer and manage the processes within, and able to collaborate.

SEC. ROQUE: Welcome onboard, Usec. Vega. I hope mayroon po kayong panahon pa dahil maya-maya po I’m sure may mga tanong po ang kasama natin sa Malacañang Press Corps. So, can you hang on po, Usec. Vega?

USEC. VEGA: Sige po, sure.

SEC. ROQUE: Okay. Kasama rin po natin ngayon ang ating Kalihim ng Department of Education, walang iba po kung hindi si Secretary Liling Briones. Ma’am, maraming nagtatanong, ano ba ho itong blended learning, paano natin mapapatupad? At sapat ba ho ang ating mga facilities para mapatupad itong blended learning? Secretary Briones, the floor is yours.

SEC. BRIONES:  Maraming salamat, Sec. Harry. Magandang umaga sa lahat na nakikinig sa briefing na ito. Good news kasi nag-umpisa na ang enrollment last June 1 para sa basic education. And as of 9:30 this morning, Sec. Harry, 6.4 million na ang nag-enroll, nag-register sa bansa – 6,415,878. Ang pinakamalaking bugso ng enrollment ay sa Region III dahil malawak na malawak – 1.2 million na sila. Sa NCR na medyo worried kami for a while dahil dito ang sinasabi natin na pugad ng COVID ay 895,406.

Ang enrollment na ito, Sec. Harry, paulit-ulit nating sinasabi ay online. For the first two weeks enrollment will be online, pinagbabawalan namin iyong mga teachers at mga staff na pumasok pati ang parents and children. They will have to register online.

Tapos sa second half ng June, iyong iba na walang access sa connectivity o wala silang cellphone na magagamit o telepono na magagamit kasi puwede namang mag-cellphone, puwedeng sa TV, puwedeng sa iba’t ibang paraan or even sa radio kasi mayroon namang mga programs sa radio kung saan puwedeng mananawagan ay sa second half of June.

But as of now, it’s already 6,415,678 mga learners, and this has exceeded our expectations, Sec. Harry. At ang tanong mo—punta tayo sa tanong mo. Ano ba itong blended education na pinag-uusapan natin? Matagal na itong blended education. Naabutan ko na ito noong ano pa ako, titser pa ako sa UP. Ginagamit ito sa mga eskuwelahan kung saan iba’t ibang paraan ang kanilang ginagamit para magiging epektibo ang pagturo sa mga bata, dahil itong blended education, combination ito.

Kung available, Sec. Harry, ang online, gamitin ang online; kung hindi ito available, puwedeng offline. Kung halimbawa, nahihirapan tayo sa inter connectivity, puwede sa telebisyon kasi matagal na iyong mga lessons, mga klase na ginagawa through television. Siguro karamihan ng mga teachers nga natin, hindi pa sila pinanganganak ng mga panahong iyan.

Tapos kung hindi rin puwede ang platforms na sinasabi natin, kasi ang pinakamalaking ano natin ngayon, pinaka-popular at this time, Sec. Harry, ay iyong platform na tinatawag natin ay DepEd Commons. Right now, more than seven million subscribers ang naka-register diyan sa ating DepEd Commons. At we expect na dadami pa iyong lahat na leksiyon, mga learning resources, mga exams, tips to students; at saka ang mga parents, puwede rin silang mag-subscribe, kaya napakabilis ang growth nitong platform na ito.

Para sa walang desktop – palaging niri-remind tayo niyan – gumawa tayo ng survey, alam mo, Sec. Harry, on teacher readiness. Kung ready ba ang mga teacher natin, hindi lang ang mga bata, kung ready ba ang teacher natin. Nag-survey tayo kung gaano kadami ang tinatawag nating laptop, desktop at home na puwedeng gamitin for distance learning or sa blended learning. Iyong respondents natin ay umabot ng 788,000 na mga teacher respondents ay 687,000 halos 700,000 na mga teachers, nagsabi sila sa survey na mayroon silang computer, laptop o desktop sa mga bahay nila.

Ngayon, dahil mayroon tayong 6.4 million na mga bata na nag-enroll ngayon, na nag-register sila, kasama doon sa enrollment forms nila, mag-indicate sila kung mayroon ba silang laptop, mayroon ba silang tablet, mayroon ba silang radyo, mayroon ba silang telebisyon para iyong teacher ay ma-adjust niya iyong kaniyang learning strategy sa estado ng mga bata. Kasi iba’t iba iyong mga sitwasyon ng mga communities, halimbawa, NCR is very, very different. We also have island communities na ang effective talaga ay radio.

Ang radio ang sa tingin ko ang pinaka-classic na paraan sa pagtuturo kasi bata pa ako, Sec. Harry, ikaw siguro nagliligawan pa iyong mga parents mo, mayroon nang tinatawag noon na schools of the air na mga lessons, mga discussions dinadaan sa radyo. And then dumating ang TV, dumating ang phones, dumating ang internet, pero ito huli na. Pinakauna talaga, 1800s pa, may radyo na. Kaya itong lahat na pamamaraan, ginagamit natin.

Ngayon, balik uli, gusto kong ulit-ulitin iyong blended. Ang ibig sabihin ng blended, kung ano ang sitwasyon, halimbawa, sa isang eskuwelahan, kailangan i-adjust natin ito sa sitwasyon ng eskuwelahan kung ano ang pangangailangan, ano ang estado ng mga bata – mag-a-adjust ang teacher; mag-a-adjust ang school. Halimbawa, ang approach for NCR would be different from an approach to a remote island or a remote mountain in the country, depende sa availability ng communications.

So itong lahat, tutulong sa atin nang patuloy, kasi ang motto natin sa Department of Education: Learning must continue. Education must continue.  Nagawa natin ito noong nagkaroon tayo ng sigalot sa Marawi, kung may bagyo, may earthquake, pinagpatuloy natin ang edukasyon.

And ngayon, with COVID, sabi natin ipagpatuloy pa rin natin ang edukasyon dahil children cannot wait; education cannot wait.

Dahil maghintay tayo halimbawa ng isang taon, Sec. Harry, baka by the time babalik iyong mga bata, they will be older by one year or two years at maiiwanan na sila sa daloy ng knowledge, sa daloy ng information at saka mga innovations.

So ito ang good news, nagpapasalamat kami, Sec. Harry, sa inyong office, lalo na kay Presidente Duterte na talagang nagsabi siya na magbibigay siya ng support. Sabi pa nga niya, I will scrape the bottom of the barrel para lang ma-support itong ating alternative ways of teaching our children.

Tapos iyong mga local governments, ang laki ng tulong na binibigay nila, suporta; at mga civil society organizations, business. Ang daming offers namin, Sec. Harry, ng mga communication systems companies na nag-o-offer ng tulong.

Isa pang gusto ko … siguro, I am not sure if it is related to my age, but really I have this affection for radio ‘no. Kasi maraming schools, sinurvey namin, may sariling radio stations although limited lang ang reach. Maraming mga municipalities may sariling radio stations; may provinces, may sariling radio and TV stations.

Iyong mga malalaking municipalities/LGUs, may sarili silang mga TV at saka radio because that is how they communicate with their people. So, ino-offer nila ito lahat in addition to the private sector. So everybody is helping out and mukhang excited ang lahat kasi gusto nilang makita if it really works.

Pero ang gusto ko lang sabihin, it has been working for decades and decades. Iyong nag-aral ng education noong 1960s, alam nila iyong blended, iyong maghalo ka ng iba’t ibang approach to achieve a particular learning objective.

Binibiro ko nga si Cong na author natin sa isang bill sa Congress ngayon, gawing requirement ang blended education. Si Cong. Escudero, sinabi ko nga sa kanya – dahil she is very established professional in home economics – binibiro ko nga siya kaya tinawag na blended, madaling i-compare mo sa isang blender. With all the best flavors, the choices materials, the choices and the best ingredients are all put together to come out with what appears to be different, but actually has already been in use for a very long time.

Like UP, UP has seven campuses and we have our own autonomous university, which is located in Los Baños but which operates all over the country. Maraming mga schools ang ginagawa na ang mga ito. The only difference is this time, the larger emphasis is on this technologies dahil hindi talaga puwede pa kapag ngayon ang face-to-face, oh iyong biro namin sa Department of Education, hindi puwede iyong ‘fez-to-fez.’

So, ano muna, blended muna at saka pag gagamitin mo ng blended approach ay mukhang masarap, mukhang epektibo at mukhang enjoy ang mga bata. Thank you, Secretary Harry, for all the support; and thank you, Mr. President.

SEC. ROQUE:  Thank you. That was my co-teacher in UP and my sister in the faith.  Ma’am, I have just one question. Wala na po akong anak sa K to 12, nag-graduate na pareho ng nasa UP.

Ang tanong ko lang po: Kung ang anak ko Grade 5, magkakaroon po tayo ng separate materials for Grade 5 online, at kung wala pong online access magkakaroon  ba tayo ng TV or radio program for Grade 5 students?

SEC. BRIONES:  Yes, yes. Sa basic education, iyon ang hinaharap namin ngayon na trabaho, kaya 7 days a week, 24 hours a day kami nagtatrabaho. Iyong curriculum na bago natin, Sec. Harry, tina-translate natin into halimbawa to radio, to ICT, iyong DepEd Commons and to televisions. Dahil iba iyong script sa television, iba naman sa radio; television may images, sa radyo you rely on sounds and voice and also the voice also of the teacher.

Pero kung dadating ang panahon, kanina sinabi ninyo iyong good news sa pag-flatten ng curve natin sa COVID, eh puwede naman tayong bumalik sa ‘fez-to-fez.’ Pero sa ngayon, dahil mahal ni Presidente ang ating mga learners eh sinabi niya sa atin na maghanap tayo ng ibang paraan maliban sa face-to-face classes.                         

SEC. ROQUE:  Thank you, ma’am. Magtatanong po ang mga media natin sa inyo so I hope you can hang on and join us still.

SEC. BRIONES:   Yes.

SEC. ROQUE:  First question, Joyce Balancio of DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes, good afternoon, Secretary. Doon sa presentation po ninyo kanina, you mentioned about iyong onset of illnesses ang trend natin, based on new data pababa na po. Does this mean po na we can expect na luluwag po ang community quarantine especially doon po sa a GCQ areas after June 15, may mga ganoong proposal na po bang natatanggap  ang IATF?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po tinitingnan pa rin ang datos. Pero dito sa datos na nakita natin, bumababa po iyong kaso ng COVID-19 kapag ni-record natin sila from onset of illness, at tingin ko po ang datos sa doubling time ay humahaba din.

So, I would say that is it safe conclusion na magkakaroon na naman po ng reclassification except iba po talaga ang data ng Metro Manila. So, I think Metro Manila will have to be examined closer kung mag-MGCQ siya next week. I cannot actually conclude because the data of NCR is different compared to the national trend.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Ano po iyong timeline ng IATF? This week po, will there be another presentation of the technical working group para po sa new classification after June 15?

SEC. ROQUE:  Of course po, because this is already the second week and we expect that on the 15th, there will be new classifications in different parts of the country.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   On another topic po, Secretary. Mayroon po bang any reaction   ang Palace dito po sa incident na nangyari nitong weekend kung saan reportedly ay lumabag po sa checkpoint protocols si San Juan City Mayor Francis Zamora kasama niya iyong other escorts po niya na mga police? Nakapag-apologize na po ang Mayor at iyong mga police ay na-relieve na rin po. Pero may panawagan po ba tayo sa local chief executives at sa mga police para hindi na po maulit iyong ganito?

SEC. ROQUE:  Iniiwan po natin ang imbestigasyon ng kasong ito sa atin kapulisan. But I appeal to everyone, kinakailangan po magsilbing halimbawa ang lahat.                     

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, may mga ibang senador naman po ang nananawagan sa PNP na payagan na pong tumanggap si Senator Leila De Lima ng  bisita sa Camp Crame. At ang sabi po ng kampo din niya, it is a continued violation of her constitutional rights. Should the PNP change its policy in allowing visitors for the Senator?

SEC. ROQUE:  We leave that to the PNP to answer. If ang tingin ni Senator De Lima mayroong nalalabag na karapatan, puwede naman po siyang pumunta sa hukuman – naging kalihim po siya ng Department of Justice.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Marami po ang nagtatanong, ano po ang maaasahan nating changes sa darating na SONA ni Pangulong Duterte? Will he do it via teleconferencing or puwede pa rin po iyong traditional SONA rites?

SEC. ROQUE:    That is being discussed. I think, kung mayroon tayong blended learning, we will also have a blended SONA.

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Secretary. Question from Reina Tolentino of Manila Times: How ready is the country to accommodate OFWs who will return to the Philippines this month? And how many OFWs are we expecting to arrive this June? And are there enough quarantine facilities for them in Metro Manila and in the provinces?

SEC. ROQUE:  Well, nagawa naman po ni Secretary Bello at ni Usec. Cacdac at saka ng ating NTF for COVID-19 mapauwi ang humigit-kumulang 24,000 sa panahon ng isang linggo. Dahil napakita naman po nila na kakayanin iyan, tingin naman po namin sapat ang ating kakayahan na mapauwi iyong mas marami pang darating na ating mga kababayan.

Unang-una po, bukas na po ang iba’t ibang airport hindi lang po ang NAIA para tanggapin ang mga bumabalik na OFWs; at pangalawa, mayroon na pong mga PCR testing facilities na malapit po mismo dito sa mga airport sa Clark, Cebu at Davao kung saan pupuwede nang doon  magpa-swab ang ating mga kababayan at doon na magpa-quarantine.

Nagkaroon nga din po ng pagbabago pagdating sa guidelines. Iyong mga employment agencies po ng ating mga OFWs ay pupuwede na silang pumili ng sarili nilang mga laboratories para mas mabilis po ang processing at paglabas ng mga resulta. Bukas po nasa Clark po tayo para po i-welcome iyong mga lalabas na mga OFWs na nasa subject po to testing at i-welcome din iyong mga bagong dating.                      

USEC. IGNACIO: Iyong second question niya: Will President Duterte, call for a special session, so that Congress can pass a Bayanihan 2 Bill? If not, why?

SEC. ROQUE:  Well, I’m sure po pinag-aaralan na po iyang option na iyan dahil hindi nga po umabot iyong stimulus package at saka iyong extension ng Bayanihan 2. However, dahil ang tingin po namin ay hanggang 25 pa po ang expiration date ng Bayanihan Law eh wala pong urgency as far as the first 25 days is concern. But I’m sure the Office of the Executive Secretary is studying this matter already. Pero ang importante po magkaroo ng isang stimulus Bill na suportado ng parehong Houses of Congress po, iyan po ang inaayos ngayon.

MARICEL HALILI/TV5:  Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, speaking of Bayanihan Bill, mayroon po kasing ibang interpretation like that of Sen. Drilon na sinasabi niya na upon adjournment of the session eh tapos na rin po iyong implementation ng emergency powers ng Pangulong Duterte although I understand you mentioned na hanggang June 25 pa. But how will it affect po, the implementation or the usage of emergency power kung magkakaiba po iyong interpretation noong ibang legislators and ng Malacañang?

SEC. ROQUE:  Well, kami naman po, we’re applying iyong basic Constitutional and statutory construction maxim na we have to harmonize the interpretation of the Constitution with existing laws. Eh, kung wala po sigurong expiration date na nakalagay sa batas then the Constitution provision that special power shall cease upon recess of Congress will apply. Pero since Congress knows what it is doing, when they legislated the Bayanihan Act, they said it will expire within three months after effectivity of the law then we will respect the intent of Congress. Alam naman po siguro ng Kongreso iyong Constitutional provision na binabanggit ni Sen. Drilon.

So, wala pong epekto po ito as far as the exercise of special powers is concerned. Ang alam ko po, lahat ng special powers na kinakailangan, na-exercise na. Pero ang ina-assure ko lang po iyong mga benepisyo na hindi pa natatanggap ng ating mga kababayan na nakapaloob sa Bayanihan Act will be given to them po. Wala pong epekto itong diskusyon kung kailan ang expiration ng law pagdating doon sa second tranche ng ayuda at iba pang mga ayuda na dapat maibigay.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, on another issue. Iyon pong sa Facebook ngayon, marami pong kumakalat na mga fake accounts. And some legislators, like Rep. Zarate, are claiming na baka nagagamit iyong mga fake na Facebook accounts para masangkot iyong ilang mga activists, iyong mga critics of the government and maging basis to jail them, this is following the government’s effort to pass the Anti-Terrorism Bill. What can you say about this, sir?

SEC. ROQUE:  Well, if Cong. Zarate has the evidence, file the corresponding charge. Pero sa panahon po ng pandemya, sana iwasan na iyong mga ganitong conclusions na wala namang ebidensiya.

But of course, the courts and the fiscals’ office are open. Kung talagang ganiyan ang tingin niya na nangyayari, magsampa po siya. Pero for now, sapat po na ang ating Privacy Commission is investigating the matter and I think the NBI is also investigating this matter dahil iyong pagbubuo po ng fake accounts, iyan po ay specially prohibited and penalized by the Cybercrimes Act.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, last na lang po. May we know kung kailan po babalik ng Metro Manila si Presidente Duterte? And when will be his meeting with the IATF to discuss the community quarantine? And ano po iyong ibang mga naging activities niya in Davao aside from the IATF meeting last Thursday?

SEC. ROQUE:  Well, we just parted ways last Thursday po, I’ll have to check his schedule. But whether be it in Manila or in Davao, he continues to discharge his function including meeting with the select members of the IATF as usual.

MARICEL HALILI/TV5:  So, sir, possible po na sa Davao uli iyong meeting this week?

SEC. ROQUE:  There’s a possibility po.

MARICEL HALILI/TV5:  Thank you, sir.

SEC. ROQUE:  Thank you.

USEC. IGNACIO:  Secretary, iyong tanong ni Kris Jose, natanong na po ni Maricel Halili about Facebook account. Itong tanong na lang po ni Rose Novenario of Hataw: Question for Sec. Briones. Itinalaga ni Region III OIC Nicolas Capulong ang kaniyang sarili bilang SDO Bulacan OIC. Normal po ba na italaga ng isang DepEd official ang kaniyang sarili sa ibang posisyon?

SEC. ROQUE:  Sec. Briones?

USEC. IGNACIO:  Sec. Briones, iyong… ang tanong—

SEC. ROQUE:  Walang audio si Sec. Briones. There you go.

SEC. BRIONES:  Salamat sa tanong, kasi aming titingnan ito. Right now, I will immediately contact our regional director kung may basehan itong obserbasyon na ito. Kasi usually mabilis ang media na magsasabi sa amin kung mayroong mga problema or mga issues na hindi natutugunan o hindi nari-resolve kaya I will verify immediately.

Dahil sa atin kasi centralize ang sistema natin sa lahat ng agencies ng government, so ang regional directors iyon ang pinaka-frontline offices na sila ang nagri-represent ng central office or nagre-represent ng Secretary of Education. So, amin iyang titingnan nang husto kasi hindi naman basta-basta mag-jump tayo to conclusions kung may report na ganiyan but ibi-verify natin at bigyan nating daan ang masasabi ng mga nagpi-feedback sa atin ng kanilang observation. Kami, we answer immediately kapag mayroong ano—Thanks to communication, it’s easier now to verify reports from the province. Maraming salamat sa tanong ninyo.

SEC. ROQUE:  Next question.

USEC. IGNACIO:  Sec. Briones, ang second question po ni Rose Novenario ng Hataw, ito po: Magkano po ang inilaan na budget ng DepEd para sa broadcast-based mode of learning? At ano po ang assurance na ligtas ito sa kurapsyon sa paglalagakan na state-run network?

SEC. BRIONES:  Tulad ng lahat ng mga ahensiya ng government, mayroon tayong administrative system. Mayroon tayong sistema for monitoring, for reporting and trying …and even investigating cases within the mandate of the department itself. At saka puwedeng mag-file ka ng administrative case, puwede namang magkaroon ng criminal cases. Kapag administrative, kami ang nagha-handle at our level as the other offices do.

Sa palagay ko, tayo ay maging selective kapag sasabihin natin na may kurapsyon ang Department of Education dahil hindi naman natin iyan masasabi. We cannot come to such a conclusion dahil ina-audit naman tayo. At saka mayroon kaming very strong internal audit system at saka binago natin ang ating financial management. At saka kung may mag-report – kaya kami ay very grateful to media – kapag may magri-report sa amin na sa palagay nila may kurapsyon, talagang aming ini-investigate.

At saka mayroon din tayong body which is directly under the Office of the President which is the Presidential Commission Against Graft and Corruption which is headed by Butch Belgica, so that is also another mechanism kung saan mairi-report.

Pero kami, we welcome reports from the public or from other agencies of government kung mayroong mga ganoong klaseng report. Pero to conclude na may kurapsyon sa Department, might be … might also take a bit of study and a bit of analysis. I-compare natin ang Department of Education sa mga maybe how many decades earlier at saka ngayon, marami tayong mechanisms para ma-control ito. Of course, kami, sa level ng officers ng DepEd ay we have to set the example.

USEC. IGNACIO:  Secretary?

SEC. ROQUE:  Thank you, ma’am.

SEC. BRIONES:  Thank you.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Hi, sir. Good afternoon. Sir, update lang po doon sa ayuda for jeepney drivers, aprubado na po ba ito, sir?

SEC. ROQUE:  Iyong second po ay kasama naman po talaga iyang ayuda, iyong mga jeepney operators. Iyong third po, hindi pa.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  All right. So, wala pa pong decision, sir, ang IATF?

SEC. ROQUE:  Wala pa po, tinitingnan po kung magiging sapat iyong budget para sa … kung mayroong excess doon sa second tranche na ayudang ipamimigay.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:   All right, sir. Sir, another question: Ano iyong scenario, sir, na nakikita natin after June 15 particularly for MGCQ areas? Do we expect them, sir, to graduate from the community quarantine or will this continue as the new normal until we have a vaccine?

SEC. ROQUE:  Well, sang-ayon po doon sa ating dahan-dahan, unti-unti, hinay-hinay, talagang ang next phase po sa mga MGCQ is a new normal. Pero ang tanong nga po is: Will the data support iyong evolution into new normal? Titingnan po natin ang datos.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Okay, sir. Sir, question kay Sec. Leonor Briones.

SEC. ROQUE:  Yes, please. Go ahead.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sec. Briones, may proposal po kasi si Pasay Cong. Roman Romulo na i-consider po iyong face-to-face classes sa mga isla, sa mga municipalities na walang COVID cases. Ano po ang masasabi natin dito? Absolute na po ba, ma’am iyong no vaccine, no classes natin?

SEC. BRIONES: Kasi iyong original ano namin, original circular, sinabi namin na sa mga lugar halimbawa na talagang identified na may kaso ng COVID, hindi puwede iyong face-to-face. Iyon ang ibig sabihin ng Presidente na sabi niya nga, very strong iyong opposition niya na kung walang bakuna ay walang klase, walang eskuwela, na maghintay tayo kung kailan ma-develop iyong bakuna na iyan.

Pero totoo iyong sinabi ni Cong. Romulo na may mga lugar na hindi tinatablan ng COVID at saka never heard sila. Halimbawa, the island of Siquijor, it’s very close to Cebu, very close to Negros, very close to Bohol pero zero, zero COVID record. And then you also have Siargao, you also have mga remote islands na hindi naaabot ng COVID. So, kailangan siguro hihingi kami ng permiso sa President dahil nagbitiw na siya ng salita na kung payagan. Kasi originally din, talagang iniisip namin na puwede ang face-to-face sa mga lugar—pero may kundisyon iyan. Kung mag-face-to-face o mag-fez-to-fez, susundin ang minimum health standards, iyong distancing.

Kapag mag-face-to-face, kung halimbawa man papayag ang Presidente na sa mga lugar na ito ay magka-face-to-face tayo, titingnan natin iyong kundisyon ng mga classrooms. Iyong size ng classroom halimbawa, puwede ba iyong one to two meters na espasyo, iyong space ba para sa mga bata ‘no na talagang mayroong social distancing. Mayroon bang available na mga PPEs kasi requirement din iyon ng Department of Health, emergency medicines, etc. At saka iyong rules of hygiene, mayroon bang hand washing facilities. Lahat-lahat iyan, it’s not only kinu-consider natin following the instructions of the Presidente, hindi lamang ang walang COVID pero titingnan din natin iyong capacity ng infrastructure, ng facilities ng eskuwelahan na iyan na ma-implement ang minimum health standards. Kasi ang bottom line natin ay to safeguard the health and the safety of our teachers and our learners—

SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary. We go back to Usec. Rocky, please. The time is, it’s 12:45. We have until one o’ clock. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield of Daily Tribune. There are reports daw po that many people, particularly in the areas of Manila and Quezon City, are no longer following iyong policy ng IATF na dapat walang back rider sa motorsiklo. Pero sa Maynila, particularly sa areas near Divisoria daw po, Tayuman, ang dami daw pong naka-motorsiklo na may back rider, kasama ang asawa’t anak, ‘di alintana ang posibilidad na mahawa sila ng COVID-19. Walang law enforcers sa paligid para ipatupad ang batas. Nagkalat din po ang tao sa lansangan. Hindi po ba nababahala ang Palasyo dito?

SEC. ROQUE: Well, we will certainly call the attention of General Sinas of NCRPO. Kinakailangang hulihin po iyang mga nagba-back ride. At doon sa mga local government units nagkukunsinti nito, well, siguro po pupuwedeng isyuhan sila ng show cause order dahil ang pangunahing supporter po ng pagbabawal ng back ride is no less than our DILG Secretary. So, mayors, be very careful po dahil mayroon naman pong supervision ang DILG sa inyo. Huwag na po tayong lumaban sa polisiya na no back ride.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang posisyon ng Palasyo sa pagkakaroon ng mandatory bicycle registration gaya ng ginawa sa Cebu? Ayon po kay Foreign Affairs Secretary Locsin, money making raket daw po ito. Sang-ayon po ba kayo sa pahayag ni Secretary Locsin? Hindi ninyo po ba ipagbabawal na gawin ang bicycle registration dahil pabigat naman po ito sa publiko? Wala na nga daw pong masakyan, papahirapan pa raw po ang mga siklista.

SEC. ROQUE: Well, moot and academic na po iyan, hindi po tinuloy ng Cebu City.

Next question please. Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon. Sir, first to you and then maybe to Dr. Vega later ‘no.

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, it’s not very common ‘no, it’s very unusual that we have … you have presented a new undersecretary to the press briefing.

Question: Why did the President see a need to appoint another undersecretary? And just to be forthright about it, this is happening in the context of… you know, what’s happening with Secretary Duque. Sir, ano ba ito, kapalit na ba siya ni Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung kapalit siya ni Secretary. Pero ang konteksto po ng pag-a-appoint, and I was in Davao, the President was very unhappy with the delay. Hindi po talaga natuwa ang Presidente na na-delay ang pagbigay ng mga benepisyo sa mga frontliners na namatay at nagkasakit. At ang sabi niya, kinakailangang magkaroon ng isang maaasahang tao diyan sa Department of Health, and that was Undersecretary Vega.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, Sec. Can I go to Dr. Vega, please?

SEC. ROQUE: Yes, please. Dr. Vega?

USEC. VEGA: Yes, I’m here.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon po. Joseph Morong, sir, sa GMA-7. Sir, when the President talked to you, what did he tell you about the problems in the Department of Health?

USEC. VEGA: I think, from my perception when the Office of the President called me to help them out in terms of making sure that services and commitments are committed, I have the impression that I had to make some coordination in the different agencies in terms of the national government like the DOH.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, I’ll address the elephant in the room already. Sir, what if the President offers you the position of Secretary?

USEC. VEGA: Well, that’s—I don’t think I can answer it right now. But it’s too theoretical and I’m just preparing myself for undersecretary so I cannot fathom being secretary at this time.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you very much. Secretary Roque, can I go to you now?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, with regard to the Anti-Terror Bill ‘no. How do you view the news na iyong ibang mga congressmen are withdrawing their ‘yes’ votes? And do you think, as it is being written now and as being read …being passed by Congress, what do you think are the objectionable provisions, if there are, in the bill as worded?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, pinababayaan po namin sa Kongreso iyan ‘no, iyong desisyon na ilang mga kongresista ay binabawi ang kanilang boto. Hindi ko po alam kung pupuwede iyan. Noon ako po ay congressman, parang hindi po pupuwede iyon; wala sa rules iyon ‘no. Pero nasa kanila po iyan ‘no.

For as long as the bill has been clearly approved, then we expect the bill to be transmitted to Malacañang. Pero sa ngayon po, wala pa pong natatanggap ang Malacañang, and I cannot comment ‘no kasi hindi ko nga po alam kung ano iyong final version na ibibigay nila sa Presidente for signature.

Siguro when we have a copy of the enrolled bill, then I can comment kung mayroong doubtful constitutionality.

Pero nakita ninyo naman po iyan ‘no, sa lahat ng budget na sinumite sa Presidente, halos wala pong pagkakataon na walang vineto [veto] ang Presidente. So mayroon pong sariling pag-aaral ang ating Presidente. Mayroon po kaming opisina dito sa Office of the Executive Secretary at saka Office of … iyong Deputy Executive Secretary for Legal Affairs na talagang tumututok sa lahat ng mga panukalang batas for the signature of the President.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, there are some oppositions ‘no from the public with regard to the terror bill, will this factor in in the President’s decision once the bill comes to his table?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, the President is always guided by what is best for the country. Wala naman pong desisyon na walang tumututol talaga. Basta ito po ay makakatulong sa mas nakakarami sa atin, susuportahan po iyan ng Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, from Sam Medenilla ng Business Mirror. May na-identify na po na mga critical zones in Metro Manila and other GCQ areas? If yes, ilan po kaya ang mga ito at saan daw po ang mga ito?

SEC. ROQUE: Ang mag-aanunsiyo po diyan ay mga lokal na pamahalaan, mga mayor. Pero noong huling pagpupulong po ng IATF ay mayroon naman pong report kung saan itong mga lugar na ito; hindi naman po ganoon karami ‘no, parang two pages lang iyan ng mga barangay.

So, we leave it to the local executives kung kailan po nila iaanunsiyo at kung kailan nila ipapatupad. Although nakikita ko po na ilang mga lokal na pamahalaan ay whether or not mayroon pong data from IATF, eh may kapangyarihan naman po talaga silang magkaroon ng localized lockdown. At nakikita po natin na ginagawa iyan sa Manila, Quezon City at sa Baguio.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong question naman ni Arianne Merez ng ABS-CBN for Secretary Briones ay naitanong na po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Tanong na lang po ni Reyna Tolentino ng Manila Times kay Secretary Briones: Both President Duterte and Vice President Leni cast doubts on the readiness of DepEd to implement distance or blended modalities particularly online learning. Can you comment on that?

SEC. ROQUE: Sec. Liling… nawala si Secretary Liling. Well perhaps I could comment. Sinagot na po iyan ni Secretary Briones, iyong tinatawag na blended learning, 1960’s pa po iyan, that’s not new ‘no. Yes, Secretary Briones…

SEC. BRIONES: Thank you, Sec. Harry. Dalawang beses nagkomentaryo ang Presidente about blended education as an alternative to an absolute closure of all schools during the time of the pandemic and binabasa namin uli-uli, wala siyang sinasabi na against siya. Halimbawa iyong pinakaunang statement niya, “create”. Sinabi niya… I am impressed with the simplicity of the program.

Then sinabi ko nga kay President na itong mga approaches na ito, matagal na matagal na lalo na ang radio, lalo na ang telebisyon, even cellphones. There are 179 cellphones circulating in the country, tapos nakita natin na more than 80%, 87% ng mga teachers ay mayroon silang desktop sa bahay nila, aside from the officials. So wala akong nakita, dalawang statements ito na sinasabi niya—

SEC. ROQUE: Ma’am ang question, si VP Leni daw, ma’am—

SEC. BRIONES: —beautiful program na prompt teleconferencing, pangalawa. And ang sabi niya, I do not know if you are ready for that, that’s different from saying that DepEd is not ready for that. And we have nearly three months and we have been preparing from the time na nag-community lockdown, we already saw the direction of policy kaya we have been preparing since March, April, May, June for the eventuality of having to develop alternatives.

It is not as if kung there is a particular situation, we accept it as it is and wait for things to change. We have to be instrumental and bringing the change ourselves and iyon ngang sinasabi ng isang favorite saying ko from the president of a Latin American country: “By the time our students, our learners graduate, kaming mga ministers of education, whatever we have taught them were already have become irrelevant.”

So we have a lot of catching up to do and the President has never said, paulit-ulit kong binasa ito kung mayroon man sinabi niya. Ang sinabi pa nga niya, I support you, he will even scrape the bottom of the barrel, ang sabi niya on the question of funding.

SEC. ROQUE: Ma’am, excuse me. I think the question ma’am is VP Leni said we’re not prepared. Can you address the point raised by VP Leni na hindi daw tayo handa for distance learning?

SEC. BRIONES: I would like to dispute that, we are still in the month of June and our original proposal was to open in August 24. We have been doing distance learning, blended learning for decades and decades. We have a university, in the University of the Philippines which does and which specializes in distance education for the longest time. And those who take up education and study education are already exposed to this.

We are not inventing anything, anything new kaya iyong—importante iyong readiness. And we did also a survey on the readiness of our teachers ‘no and the readiness of our pupils. Napakataas, we assume always that the teachers don’t have laptops, they don’t have desktops. Well 87% of them have in their homes ‘no, but we will also provide them.

And the private sector, we are convincing them na the usual and the annual Brigada Eskwela event where they give school bags, pad paper, ballpen, school supplies … sabi namin gadgets na ang ibigay nila. At saka they jointly help us develop programs because there are existing program, what we are trying to do is blend this program.

You see them, on TV. The law says that 15% of TV time has to be devoted to children, so sisingilin natin iyan. Same for radio, mas mahaba pa nga iyong sa radio. We just don’t notice it because we are used to face-to-face learning. But now that it is not possible to do face-to-face learning, then we have to think and look at the existing mechanisms. This is how we will be saving money. We will not be spending so much time and so on.

SEC. ROQUE: Thank you, ma’am. Ma’am, I hope you don’t mind, bibitaw kasi iyong coverage sa mga TV station at 1:10 and we still have 3 reporters to ask questions. So, can I move to the next question, ma’am? Triciah Terada of CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Secretaries. Good afternoon po. So hingin lang namin iyong assessment for the first week of GCQ, what can you say about it? Was it successful, especially in Metro Manila po pala?

SEC. ROQUE: Well, I would say that perhaps there are areas where we can improve pero wala tayong magagawa, for instance in transportation dahil talagang we are still in community quarantine ‘no. So we would want to see more employers allowing their employees to work-from-home habang nasa community quarantine pa po tayo para hindi nga magkaroon ng kakulangan sa transportasyon.

Having said that, dumami na po ngayon ang linya na binuksan ng DOTr. Last week po nagsimula sa dalawa, naging anim, ngayon mayroon na po tayong doseng linya na binuksan po ng DOTr para sa public transportation. Next question, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, hingi lang po kami ng reaction doon naman po sa nangyaring protest sa UP Cebu. Although—and at the same time, although nothing is very certain yet and probably we can call it sort of mockery online na magkakaroon daw ng mañanita on June 12. Do you have any reminder to possible protesters or those who probably want to gather on June 12?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, dumaan naman ang Mayo a-uno, nagprotesta naman ang hanay ng mga manggagawa online. Mataas pa po ang kaso sa Cebu, in fact, kayo pa po ang pinakamataas na kaso diyan sa Cebu sa buong Pilipinas. Nagkaroon lang po ng apila kaya nga po naibaba sa GCQ ang Cebu City pero ang original decision po ng IATF ay mas mataas pa po—dapat nag-MECQ muna sa Cebu ‘no from ECQ.

So sa mga lugar na talagang napaka … mas malaking banta ang COVID-19, eh huwag ninyo naman pong i-violate iyong ating quarantine rules gaya ng social distancing. Puwede po magprotesta online, hindi po natin sinusupil iyan. Next question, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, last po siguro para kay Usec. Vega, very quick question lang po. Usec. Vega, I understand isa po sa mga tinitingnan ninyong priority is iyong maayos po iyong coordination between DOH and other government agencies. Sir may we know your top priorities or top concerns na gusto ninyong i-address now that you are Usec. for Special Concerns especially this time of pandemic po?

USEC. VEGA: I think, first of all, I think the—may mga deliverables and commitments through the Bayanihan Act in terms of the services and the benefits of the frontliners, isa iyon. I think we have to make sure that the commitments that are made to the Bayanihan Act must be done. And the other is that, there has to be a good coordination especially in terms of this crisis, on the testing of the patients and the others who would like to have themselves tested. I think there are so many ways that I can really address the coordination between what the IATF wants and DOH in terms of what should be delivered to the public.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Than you, Usec. And thank you, Secretary Roque. 

USEC. IGNACIO:  Okay, iyong question po ni Reina Tolentino ng Manila time, natanong na po ni Joseph Morong and ni Triciah ng CNN Phils. Tanong na lang po ni Ace Romero: What are the chances of Metro Manila downgrading to MGCQ?

SEC. ROQUE:  Well, it’s an even chance, I would say. Pero titingnan po natin ang datos dahil alam naman ninyo talagang ang sentro ng COVID-19 ay dito sa Metropolitan Manila.

USEC. IGNACIO:  Kay Ace Romero pa rin po: Ano po ang message ng Malacañang to people or groups behind the cloning of Facebook accounts?

SEC. ROQUE:  Well, illegal po iyan at humanap po kayo nang mas mabuting gagawin.

MELO ACUNA: For Secretary Briones, please. Magkakaroon po ba ng pagbabago sa subjects sa basic education sa ilalim ng blended approach to school instructions? And would you need additional buildings and teachers para masunod ang physical distancing?

SEC. BRIONES:  Hi, Melo. Talagang nagbabago ang budget taun-taon. Lumalaki ang budget taun-taon dahil lumalaki ang pangangailangan at dumadami naman ang enrollment ng mga bata kasi itong kindergarten natin at saka mga nursery kids ay parami nang parami, every year, over a million iyan tapos sa senior high school malaki din.

Now, tama ang punto ninyo na iyong sinasabi ko nga kanina. Ngayon, ang ginagawa namin ay iniimbentaryo natin lahat ng facilities kaya for a while, we were hesitant na gagamitin ang schools para maging way stations for those who have to be examined or who are on their way home because malapit na ang school opening.

Iyong mga bagong schools natin, puwede ang social distancing. Pero iyong mga luma nating mga schools ay kailangan talagang aayusin; we have to reduce the size of the classes. Hindi na puwede iyong usual size natin sa school na aabot ng 45, wala naman iyong mga 70 o 100 sa isang klase, wala nang ganyanan, ano na … mga 45. We have to reduce that kasi because of the question of space.

And we have to see also iyong sinabi ko kanina na may hand washing facilities at saka mayroong stock ng emergency medicines in case the kids will have fever or cough or kung ano ba. Kasi dalawa ang susundin namin, iyong requirements ng Department of Health at saka iyong requirement din ng Presidente na sinasabi niya na kung walang bakuna ay hindi muna mag face-to-face. So, ito lahat iku-consider natin.

MEL ACUNA:  Paano po iyong daycare centers, Secretary?

SEC. BRIONES:  Iyong daycare centers are usually handled by local governments. Sila iyong magdadala sa mga day care centers. Ang sa Department of Education, kindergarten ang pinag-umpisahan namin.

Tapos doon sa query kanina tungkol sa Bulacan, mayroon ng sagot: Ang nag-designate ng RDSSBS ay ang Central Office at this time kasi nagkaroon ng vacancy. While waiting for the vacancy, mayroong dine-designate. Ang RD, ang Regional Director, hindi siya puwedeng mag-designate ng District Superintendent dahil ano siya … this is a third level position. So, galing sa Central Office iyong appointment ng Superintendent na iyan, hindi na mismo ang RD ba o ang SBS ang nag-appoint sa sarili niya – vinerify namin.

SEC ROQUE:  Thank you very much. We are out of time na po. I would like to thank and welcome Usec. Vega, buong-buo po ang tiwala sa inyo ng Presidente. And I am sure, after a few years at the Department of Health ay ang buong Pilipinas po ay hahanga sa inyo gaya ng paghanga ng ating Presidente dahil sa nagawa ninyo sa Southern Philippines Medical Center.

At thank you very much, Secretary Leonor Briones. As a parent, I am inspired and confident that our children can continue to learn during these times of crisis.

Maraming salamat po sa ating partner sa KBP na binu-broadcast tayo simultaneously with PTV-4. Thank you, Usec. Rocky. Thank you to the men and women of Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabing … Philippines, keep safe.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)