Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Simulan po natin ang briefing ngayon sa pagri-report sa inyo sa nangyari kanina lamang po sa Clark. Kasama po ang inyong lingkod ay nag-send off tayo nang mahigit-kumulang na 600 na mga OFWs na galing po sa UAE, sa Barbados at sa Vancouver. Sila po ngayon ay pauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya. Libre po ang kanilang PCR testing, ang kanilang hotel stay habang nag-hihintay ng kanilang resulta at ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya. Mayroon pong magbu-bus at mayroon din pong lilipad galing po sa Clark International Airport papunta po ng Cebu.

Maraming salamat nga pala po kay Secretary Vince Dizon, at congratulations kay Secretary Bebot Bello.

Natanggap po nila ang kanilang health certificate mula sa Bureau of Quarantine pero sila ay nakauwi na po.

Pupunta naman po tayo sa sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa. Lumampas na po sa 22,000 … Or 22,474 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ikinalulungkot naming ibalita na mahigit isanlibo na po, nasa 1,011 na ang nabawian ng buhay dahil sa virus na ito. Ngunit ang magandang balita po ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling – mayroon na po tayong 4,637 recoveries.

Gaya po ng sinabi ko, babantayan natin ang compensation na ipinangako sa mga bayaning healthcare workers na nagkasakit o namatay sa laban kontra COVID-19. Itong mga benepisyo pong ito ay nakasaad sa batas, sa Bayanihan We Heal as One Act.

Makikita po natin sa infographic ang latest report. Sa mga namatayan: 26 out of 30 families na po ang nakatanggap ng kanilang kompensasyon na one million pesos; ang apat ay naghihintay ng special power of attorney – dalawa po rito ay nasa abroad; dalawa po ay delisted – hindi po sila eligible para mabigyan ng compensation.

Sa mga nagkasakit naman po na health worker: Labimpito sa labing walo ay nakatanggap na po ng kanilang tseke. Ito po ay one hundred thousand para po sa mga seryosong nagkasakit dahil sa COVID-19; mayroon pa pong isa, for pick-up.

Hayaan ninyo po, babantayan pa rin po natin ito. The President gave them until today to completely deliver the benefits accorded to our frontliners.

Balitang IATF naman po tayo – Nagpulong po ang mga miyembro ng IATF kahapon, at naaprubahan ang mga sumusunod:

1.) Ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na magpapalakas sa papel ng Local Price Coordinating Council sa pag-adopt ng whole of nation approach sa price monitoring, price enforcement at price adjudication.
2.) Inaprubahan din po ang rekomendasyon ng Department of Science and Technology na isama ang Sinovac Biotech Ltd. sa potential collaborators ng Pilipinas sa COVID-19 vaccine development and clinical trials.
3.) Ganoon din ang Philippine Board of Investment na magiging parte ng IATF sa technical working group on vaccine development.

Noong pagpupulong kahapon, hindi pa rin po pinayagan ang horse racing; ang sabong, pinagbabawal pa rin po. At bagama’t nagbigay po ng approval ang IATF para magkaroon ng selebrasyon sa June 12, ito po ay limitado sa sampung tao lamang.

Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon.

Mayroon po tayong importanteng balita ngayon, walang iba po kung hindi ang kalihim ng Department of Trade and Industry. So iyong mga tanong ninyo, ano ba talaga ang rules sa mga rent habang mayroong ECQ at MGCQ ay maitatanong ninyo na ngayon iyan.

Ladies and gentlemen, my pleasure to introduce DTI Secretary Mon Lopez – Sec., the floor is yours.

SEC. LOPEZ: Salamat, Secretary Harry. Magandang araw po sa inyong lahat, mga kababayan. From the Department of Trade and Industry, kami po ay nagri-report sa inyo po ngayon para ibigay po sa inyo iyong mga latest po pagdating po dito sa mga businesses or sectors na pinapayagan na pong mag-operate.

As you know po, since sa ating bansa po ay marami na pong na-declare na mga Modified GCQs. So ibig sabihin po nito ay halos lahat po ng negosyo ay in-allow na pong mag-open. Pati po, kung maalala ninyo, tayo po ay may apat na classification – Category 1, 2, 3, 4. At iyong Category 4, ang naiwan po iyon na may mga bawal pang mag-operate under GCQ. Subalit under Modified GCQ, ito pong mga nasa sa Category 4 ay binubuksan na po at 50% operating capacity: So example po rito ay iyong mga gyms and fitness studios and sports facilities. Under GCQ po, ang atin pong mga sports facilities, mga gyms, allowed po kapag ito po ay mga outdoor activities, outdoor sports. Ito po ay na-report na po ni Secretary Harry mga last week.

Pero under Modified GCQs, outdoor and indoor sports facilities will now be allowed to operate. So ibig sabihin po, iyong mga sports activities na indoor, as long as non-contact, ay papayagan na po at ia-allow na po ngayon pong under MGCQ doon po sa mga over 60 provinces and cities na under Modified GCQs. Of course, tayo po ay umaasa na very soon, ang Metro Manila at ang ibang mga lugar ay magkakaroon na rin ng mas magandang quarantine classification tulad ng Modified GCQ.

Ang iba pa pong sarado under GCQ ay bubuksan din under Modified GCQ. Ito po iyong entertainment industries tulad po ng mga cinemas, theaters, mga karaoke bars, etc.

Iyong iba po, iyong mga kids amusements, archives, museums, travel agencies, other personal care services, pet grooming, internet, and computer shops, at iyong mga iba pang mga education – education support establishments. So ito po ay mga sarado under GCQ subalit ia-allow na pong magbukas under the Modified GCQ. So, doon po sa area na Modified GCQ, puwede na rin po itong mga activities na ito at 50% operating capacity.

Ito po siguro ay tungkol po dito sa polisiya natin sa rent. Again, nililinaw po natin, contrary to iyong ibang lumabas na report na nagbago raw ang polisiya sa rent – wala pong pagbabago. In fact, ito po ay nasa batas, sa Bayanihan Act. In-assure po ng ating batas na mayroon pong grace period doon sa mga residential rents, at ito po ay covering – ang nilinaw po sa latest memorandum circular ng DTI – this covers ECQ pati po Modified ECQ and GCQ (General Community Quarantine).

Ganoon din po pagdating po sa commercial rents ng mga micro SMEs not permitted to operate during the community quarantine or ibig sabihin sila po ay na-compel magsara, ibig sabihin hindi sila in-allow mag-operate. So sila rin po would enjoy the grace period of 30 days, for these micro SMEs not permitted to operate during the three community quarantine periods, so from ECQ hanggang GCQ.

Now, kapag na-lift na po ang GCQ, doon na po magsisimula ang pagbilang po ng 30 days, at iyong unang due date after the 30-day grace period ang magiging panimulang pambayad o magbabayad iyong tenant.

Isa rin pong naging rule natin at pinapanatili po ito, iyong na-accumulate na rents during the community quarantine, ito po ay isang lump na hindi babayaran ng isang bagsakan lang. Ang ginawa po natin para magaan ay idi-divide by six. In other words, anim na hulugan on the months after the grace period, after the lifting of the community quarantine.

Isa rin pong pinalabas natin part of the … iyong bagong memorandum circular ay iyong pag-engganyo or to enjoin iyong mga lessors dahil ini-expect po natin na hindi pa malakas ang balik ng mga consumers at ang market kaya po since medyo weak pa ang demand itong mga darating na buwan, in-encourage po natin ang mga lessors na sana ay magbigay po ng concessions. Ipagpatuloy iyong kanilang suporta dito po sa mga micro SMEs para po either mapababa, mabigyan ng discount or kung puwede ay i-waive na rin muna iyong nga rents po ng mga micro SMEs. At ito po ay puwedeng gawin po nila by changing also the contract, magbigay po ng concessional terms: Iyong dati pong nagtsa-charge ng fix rate plus variable rate, let’s say fix rate of X amount plus 8% of gross sales; Ang iba po ay kung puwede ho tanggalin muna ang fix rate at kumuha na lang po ng porsiyento sa bawat benta po ng mga micro SMEs para po matulungan po natin sila.

Dahil ang importante po sa mga panahon na ito ay sama-sama po tayong magtulungan upang masalba ang mga trabaho. In other words, kapag natulungan po natin ang ating mga micro SMEs, ang hangarin po natin ay hindi po sila magsara. At kapag hindi sila nagsara ay mapatuloy nila iyong pag-create ng trabaho dahil ito pong pag-create ng trabaho at iyong income ng mga workers, ito po talaga iyong magbibigay ng pang-ikot uli ng ekonomiya.

‘Pag mayroon po silang trabaho at income, sila po uli ang magpo-provide ng demand sa future… mga products na ipo-produce po ng iba-ibang negosyo. Kaya sila po ang mag-i-stimulate ng demand and it will restart the economy, kaya importante pong mapanatiling buhay po ang mga maliliit na negosyo dahil they account for 70% ng employment. Kaya po kailangan pong matulungan sila at masiguradong nandiyan ang trabaho at income para ho makabalik ang ating ekonomiya.

Parati natin pong sinasabi na tayo naman po ay bullish naman in the medium term sa pagbalik ng ekonomiya dahil we were there, we were growing by 6%. In fact, the last quarter of last year, we were growing 6.2% at tayo po iyong second fastest growing economy sa region na ‘to. At nakikita po natin na sa todong suporta at pagsasama-sama ng lahat ng sektor, makakabalik po tayo sa ganoong kalakas at if not ay mas malakas pa na growth rate moving forward. Hopefully we can even see a 9% growth rate by 2021 ‘pag tayo po ay naka-recover na sa pandemic na ito.

So, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Kalihim Lopez. Tingnan ninyo naman po, hindi lang magaling pero ang boses pa niya pang-broadcaster. Now first question, Joyce Balancio, DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Follow up lang po doon sa presentation ninyo on death claims and health claims ng ating affected health workers of COVID-19. Mukha po bang matatapos within the day, kasi ngayon nga po ang deadline ni Pangulong Duterte and again, ano iyong puwedeng kaharapin ng DOH officials if in case hindi nila mahabol iyong deadline today?

SEC. ROQUE: Well, the President issued a deadline and so far wala naman pong departamento na hindi po nagagawa iyong dapat gawin within the deadline. Ang last deadline po that the President issued was the repatriation of our OFWs, they were given a week at ito naman pong distribution of claims, they were given until end of the day. Let’s just say that—I’m hoping that DOH officials can actually fulfill what the President wants them to do.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, nabanggit ninyo po kahapon na you will check with the President doon sa magiging schedule po niya this week. Kahapon po nasa Davao City pa rin po si Pangulong Duterte. Sure na po ba na sa Davao City din po gagawin itong IATF meeting with regard to the post June 15 community quarantine scenario at mananatili po ba siya sa Davao until Independence Day sa Friday?

SEC. ROQUE: I can confirm that the next meeting with the President on Thursday will be in Davao.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Iyong Independence Day rites, doon din po ba si Pangulong Duterte a-attend?

SEC. ROQUE: We’re checking po kasi binigyan po ng permiso ng IATF na magkaroon ng celebration sa Luneta but limited to 10 people only. So, we’ll have to check on that.

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: From Aileen Taliping of Abante Tonite: Nakarating na po ba sa Palasyo ang report na mataas umano ang presyo ng testing kits na ibinigay ng Philippine Red Cross sa PhilHealth? Bawat miyembro po ng PhilHealth ay sinisingil ng P3,500 sa testing kit samantalang 20 to 30 dollars lang daw po ang market price nito sa Sunsure. Ano po ang reaction dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Well, I can assure you po that market-driven na po ngayon ang ating mga testing labs for PCR tests ‘no. We now have 54 labs with a combined capacity of 41,990, I would say that Red Cross now is about a third of this capacity dahil ang capacity nila is around 20,000. Ibig sabihin po, pupuwede na kayong pumunta sa lab of your choice, pati po iyong mga dumarating na OFW, hindi na po automatic na ang swab ay pupunta sa PNRC, you can choose now your lab. So we have allowed the free market to operate in PCR testing.

USEC. IGNACIO: Question from Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ni dating DICT Undersecretary Eliseo Rio, Jr. na sinibak siya sa puwesto matapos kuwestiyunin ang umano’y pagpili sa staysafe.ph bilang official contact tracing app na kulang ang kakayahan na gampanan ang contact tracing sa 7,100 islands sa buong bansa at magagamit lamang ito sa mga bagong modelo at 3G capable cellphones.

SEC. ROQUE: Kaibigan ko pong malapit itong Usec. Rio, magkatabi po kami nang isang taon sa mga Cabinet meetings ‘no at noong inanunsiyo ko na tinanggap na po ng Presidente ang kaniyang resignation, tinawagan ko po siya at wala naman po siyang nabanggit na kahit anong sama ng loob ‘no. So medyo nasorpresa rin po ako sa kaniyang declaration dahil I distinctly remember na ang sabi niya, talagang gusto na rin niyang magpahinga. And besides, iyong kaniyang resignation po was really tendered to the President and therefore it is up to the President to accept resignation or not. It was accepted, so hanggang doon na lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Rose: Ano raw po ang proteksiyon na taong gagamit sa naturang app kasunod ng ulat na maaari itong gamitin sa umano’y pag-eespiya ng pamahalaan lalo na’t minamadali ang pagpasa ng Anti-Terror Bill?

SEC. ROQUE: Well, mayroon pong sapat na safeguard ‘no dahil pati iyong ating Cyber-Libel Law will be the ultimate protection for the people. So kapag ginamit po iyan for espionage eh pupuwede po iyang maging basehan for criminal prosecution.

Si Trish Terada.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Secretary. So my first two questions are for you and the last one, brief one lang for Secretary Mon Lopez. So sir, let me start sir. Yesterday, DOH reported that there are more than 300 fresh cases of COVID-19 and sir napag-usapan po ba ito sa IATF meeting and na-discuss din po ba iyong likelihood of further easing the restrictions come June 15 or possible na pagbalik sa ECQ if the cases continue to increase po?

SEC. ROQUE: As I said po ‘no, lahat ng desisyon ng IATF whether or not to graduate to the next regime, in the case of Metro Manila to MGCQ, is always dependent on data. Tinitingnan po natin ang case-doubling rate, tinitingnan po natin ang critical care capacity. Kapag ganiyan pong tumataas, well siyempre po may posibilidad na hindi po tayo magga-graduate to the next phase ‘no.

So I have said yesterday that we have to look at the data of Metro Manila and Cebu City very carefully and bukas po ang pagpupulong ng IATF on what will happen on June 16. If the trend continues, either magpapatuloy po siguro ang GCQ or baka babalik sa Modified ECQ ‘no, ganoon lang po iyon; because all classifications are flexible depending on the data.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. Secretary, there was a report over the weekend about some others in Taguig complaining about how the police treated them. Very briefly ‘no, iyong scenario was something like the mothers were out in the park with their children to get some fresh air, for a quick walk and then nilapitan po ng pulis, based on the story parang sinigawan sila and they didn’t like the treatment. Sir, does Malacañang have any reminder to the police especially in enforcing laws on how they should be—

SEC. ROQUE: Okay, nawala ka Trish ‘no pero—

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Or kumbaga, sir, kung paano nila dapat tinatrato iyong mga tao?

SEC. ROQUE: Well, alam mo tayo, we are a government of laws po. Kinakailangan sundin ang batas at ang mga kapulisan po, sakop po sila ng tinatawag nating Code of Conduct, iyong Salonga Law na tinatawag na kinakailangan tratuhin nila nang may respeto ang lahat ‘no. So kung mayroon pong mga reklamo, puwede po kayong magsampa ng reklamo either sa PNP mismo, sa IAS ng PNP o ‘di naman kaya sa PLEB ng lokal na pamahalaan. Alam ko po hindi kukunsintihin iyan ni Mayor Cayetano kung makakarating sa kaniyang atensiyon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, thank you. May I go to Secretary Lopez po?

SEC. ROQUE: Yes, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sec. Mon, I remember the President warned everyone against buying masks online. Sir, do we have reports na iyong mga … ito pong binibentang masks online, are they fake? And what are the—kumbaga nakikita natin, sir, common modus operandi nitong kumbaga mga nanloloko po about face masks and reminder probably to the public, sir, about it?

SEC. LOPEZ: Yes. Unang-una, iyong mga nahulihan ay maraming cases iyong profiteering at iyong iba naman po ay iyong—actually, more of a scam, after maghulog or magbayad noong mga buyers ay wala pong dineliver na mga produkto. So lahat po ito ay na-attend-an ng mga taga-DTI kasama po ang composite team natin composed of the PNP-CIDG pati po ang NBI. Kaya po marami po tayong mga naaresto na, kulang sa 500 na ang mga naaresto sa sari-saring mga kaso, both online at saka pati po sa brick and mortar, iyong regular na tindahan sa mga kaso po ng profiteering and hoarding. Ito po ay naging malaganap lalo na po noong mga kasagsagan ng atin pong lockdown.

Pero masabi po natin na ang supply po ngayon ay gumanda-ganda na at in fact gumanda na rin ang presyo ng mga mask at ang availability po nito sa mga drug store, even sa 7-11 or mga iba pang tindahan ay available na rin. At in fact nilakihan po natin iyong allowable, dati 5 pieces maximum, ngayon 10 pieces na dahil confident tayo sa dami naman po noong supply ng mask.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. Thank you, sir. Thank you po.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky? Thank you, Trish.

USEC. IGNACIO: Question from Tuesday Niu ng DZBB. Sabi daw po ng Palasyo at ng mga mambabatas, hindi apektado ng nabiting Bayanihan 2 iyong second tranche ng SAP kaya dapat ibigay na dahil nandiyan naman daw po iyong pondo sa DSWD. Pero si Director Dumlao ng DSWD, naninindigan na hindi nila maibibigay ang second tranche hangga’t wala iyong Bayanihan 2. Ano daw po ang komento ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Siguro nagkamali lang po si Director. Kasi kasama ko po kanina lang sa Clark si Secretary Bautista at ang sabi nga niya sa akin by next week ay ready na silang mag-distribute. It will take them two days to distribute electronically and the rest with the assistance of the Armed Forces. So, tuloy na tuloy po iyan.

USEC. IGNACIO: From Cresilyn Catarong of SMNI-DZAR Sonshine Radio, for DTI Secretary Lopez. May ilang may-ari na daw po ng salon ang umaapila na huwag na lang sanang i-limit sa pagpapagupit ng buhok ang kanilang serbisyo. Nananawagan po sila na payagan din silang gawin ang manicure o pedicure at iba pang serbisyo na puwedeng ialok. Possible po kaya daw iyong apila na ito?

SEC. LOPEZ: Sa atin pong pakikipag-usap in the IATF, iyan din po ay napag-usapan subalit in the spirit of keeping iyong safety ng ating mga kababayan, napag-isipan po na talagang para safe ho ay doon muna tayo sa mga basic services like haircuts. Dahil po ang intention po ay mabilis na turnover, hindi po magtagal iyong customer sa loob, para po less po ang exposure ng ating mga kababayan sa sakit – ito po ay under GCQ.

At again, doon sa mga areas ng modified GCQ at 50% operating capacity, all services naman po ay available again provided iyong strict minimum health protocol standard will be followed. So, kaunting tiis na lang po doon sa mga under GCQ, all these services will be made available. At least po nag-umpisa na iyong ating basic haircutting services.

SEC. ROQUE: Tanong pa rin po ni Cresilyn para kay Secretary Lopez: Kumusta na po ang supply ng pangunahing bilihin sa bansa?

SEC. LOPEZ: Mas maganda na po dahil, in fact, when we do our rounds, iyong mga checks especially dito po sa mga food manufacturing, ang atin pong imbentaryo ay mas lumakas, mga nasa two weeks na, pati ang raw material over one month. If you go to the supermarkets nowadays, punung-puno ang mga shelves, so naka-adjust na rin po even alcohol. As mentioned kanina, iyong mga basic medical devices like mask, available na rin po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Secretary Roque, first. Sir, iyon lang pong sa DOH. Remember when the President had a public address, sabi niya may mga tao diyan na ili-let go, that they are responsible for the delay in the compensation. Do we have an update on who these people are and what actions have the President taken?

SEC. ROQUE: Wala pa po kasi they have until today also to completely distribute the benefits due the frontliners.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon lang pong Anti-Terror Bill. Natanggap na po ba ni Pangulong Duterte iyong enrolled copy? And then related question would be, sir, may plano iyong mga nag o-oppose doon sa Anti-Terror Bill na magkaroon ng mañanita, na mañanita is very similar to what General Sinas said. So, this should be allowed, correct?

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi pa po namin natatanggap as of a few minutes before the press briefing. Tsinek po namin sa opisina ni Executive Secretary kung nakarating na, hindi pa po. Gaya ng aking sinabi dati, iyan naman po ay dadaan sa proseso; pag-aaralang mabuti ang mga probisyon. At kung mayroon pong probisyon na unconstitutional, then i-advise si Presidente kung ibi-veto o hindi.

Pangalawa po, hindi ko po alam kung ano iyong sinasabi ninyong mañanita. Pero bawal pa po ang pagtitipon nang mahigit sa sampung tao. Iyon lang po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon lang pong pagpapahayag natin ng 50% doon sa mga live theater venues. Ang tinamaan po talaga niyan ay iyong mga live performers natin ‘no, iyong mga singers, dancers and mga actors. Now, if you are going to allow 50% of the operations of these live event venues, does that mean that all these people can also return slowly to their jobs because they had practiced and all that?

SEC. LOPEZ: Yes, of course. Kung ma-allow na ito, definitely iyong dating ginagawa nila na mga live performances ay mababalik na. Iyon nga lang po ay may limitation pa dahil it is still a community quarantine, although it will be called modified GCQ kaya may limitation pa tayo na 50%. But after that kung tayo ay mag-graduate na to the new normal, ibig sabihin after the modified GCQ then, doon naman po makikita na iyong 100% capacity na ia-allow po during that time.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sec. Mon, iyon pong pag-shift natin from MECQ to GCQ and then now, did you notice an increase of number of cases because we loosen up the restrictions? And then based on that, are we confident that Metro Manila can shift from GCQ to MGCQ given what had happened from MECQ to GCQ?

SEC. LOPEZ: Iyong numero po, at least iyong huli kong nakita, noong ipinakita sa amin iyong mga average ay I think ito po ay napakita rin sa public, iyong moving 7-day average. For the first time ay nakita natin na nag 1.6, ito po ay nanggaling sa something like, 25 deaths – talking about the number of deaths per day. So nakita naman natin na moving from MECQ to GCQ ay hindi naman po lumala. Even po iyong mga positivity rate, iyon naman po iyong naalala ko na ang numero po ay hindi naman nagwo-worsen.
Importante po kasi sa pagbabalik ay iyong pagsunod dito sa health protocol. Dahil po as long as masunod ito, sigurado pong malilimitahan iyong mga transmission na ating inaalala. So, iyon po ang matindi nating ipapa-comply sa mga negosyo, lahat ng klaseng negosyo na nagbalikan na. And again, under GCQ, practically almost all, about 94% of businesses are essentially back. Of course, some of those are in 50% operating capacity. But almost all sectors are back already.

USEC. IGNACIO: Secretary, iyong unang tanong ni Francis Wakefield of Daily Tribune natanong na po ni Joyce Balancio kanina. Iyong second question niya, follow up na lang po doon sa meeting sa IATF. Kung ini-expect daw po na ipi-present nila iyong recommendation kay Pangulong Duterte kung magiging MGCQ na ang Metro Manila after June 15?

SEC. ROQUE: Already answered po, sa Davao po ang susunod na meeting on Thursday.

USEC. IGNACIO: Question from Vanz Fernandez po. Sa panukalang terrorism bill, don’t you think that there will be an abuse daw po sa police power kasi instead daw po of a solution, innocent people might be classified as terrorist and the effect is to, allegedly, to declare a martial law? Any reaction daw po dito?

SEC. ROQUE: Well, there are safeguards po: Unang-una, kinakailangan po ng judicial declaration to become classified as a terrorist group; hindi po iyan Ehekutibo lamang. Kinakailangan ehekutibo at ang hudikatura ay magkasundo na ang isang grupo nga ay isang terorista. Pangalawa po, mayroon din pong punishment, hanggang sampung taong pagkakakulong sa mga alagad ng batas na pagsasamantalahan po ang batas.

USEC. IGNACIO: From Angel Ronquillo ng DZXL. Palace reaction regarding daw po sa pagkasawi ng isang PNP Doctor, matapos umano itong aksidenteng makalanghap ng disinfectant sa Philippine Sports Arena na una nang kinonvert as quarantine facility for COVID-19 patients? Maliban sa nasawing police officer, may dalawa pa daw pong police officers ang dinala sa PNP General Hospital matapos din silang sumailalim sa decontamination. Ano po ba ang gamit daw na disinfectant sa mga quarantine facilities at kung pumasa daw po ito sa standards ng DOH o masyadong matapang iyong gamot kaya nagresulta sa pagkasawi ng naturang police doctor?

SEC. ROQUE: Well, nakikiramay po kami sa pamilya ng police doctor. Itong bagay po ay iniimbestigahan nang mabuti po ng ating kinauukulan, kasama na rin po ang Department of Health.

MARICEL HALILI/TV 5: Hi, sir. Magandang hapon. Sir, I understand Cebu has a pending appeal para ilagay sila under MGCQ by Friday. What happened to this appeal, sir? And are there other areas or local government na mayroon pa rin pong pending appeal? What does the government or the IATF plan to do about this or isang decision na lang po siya after June 15?

SEC. ROQUE: I’ll bring this up tomorrow in the IATF meeting, and perhaps si Sec. Lopez can second it too just to find out if there was really an appeal received. Kasi iyong meeting sa Monday, hindi naman po ni-report ng secretariat na may ganiyang appeal bagama’t iyong Governor po ng probinsiya ng Cebu ay binigyan po ako ng kopya ng kanilang appeal ‘no.

So we’ll bring it up tomorrow in the IATF. Having said that, bukas din po pag-a-agree-han ng IATF kung ano ang mangyayari sa June 16.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, on other issue. Doon lang po sa report ni Presidente sa Senate, sa Congress, mayroong about 1,900 cases of violence against women and about 1,700 naman iyong violence against children. Now that we started to relax the community quarantine, do you also expect the trend on this violence to slow down?

SEC. ROQUE: Well, sana po ‘no dahil nakakalungkot po iyan na habang tayo ay nasa quarantine, sama-sama ang mga pamilya, ngayon pa po tumaas iyong bilang ‘no; pero iyong mga naging biktima po, mayroon pong hotline ang ating DSWD, PNP at NBI, i-report po ninyo iyan para naman maimbestigahan at maparusahan iyong gumagawa ng ganitong abuso.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, for Secretary Lopez po. Sec. Mon, good afternoon.

SEC. LOPEZ: Good afternoon po.

MARICEL HALILI/TV5: Earlier you mentioned po na pinapayagan na iyong kids amusement at saka iyong mga archives na mag-operate sa MGCQ. But how will you compromise that, kasi I understand even on MGCQ, hindi pa rin naman po allowed na lumabas for leisure iyong mga 21 years old below? And mayroon din pong panukala si Representative Taduran na sana mapayagan na rin iyong mga kids to go out for exercise kasi baka naman mag-cause ng kumbaga irritation kapag ka …three months na kasi silang nakakulong sa bahay.

SEC. LOPEZ: Under the Omnibus Guidelines po under Modified GCQ, yes, as much as possible ay stay at home po iyong mga naturang mga edad, iyong 21 and below and seniors, subalit may mga exemption po. At isa po sa exemption under Modified GCQ ma-allow na po silang to exercise those activities, to do those activities na ina-allow naman po under MGCQ. So ibig sabihin ay mapapayagan din po sila na mag-exercise sa labas at gawin iyong mga sports activities na kailangan nilang gawin or bumisita doon sa mga puwede nang bisitahin. So iyan po ay ia-allow na po under the Modified GCQ.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong po ni Angel ay natanong na rin po ni Maricel Halili. Ito na lang po, tanong ni Julie Aurelio ng Inquirer: Senate President Vicente Sotto III has confirmed that the Anti-Terror Bill will be transmitted to Malacañang today. Sotto says, he and Cayetano signed it last night. Does the Palace have a timeframe for reviewing this and forwarding this to President Duterte who is in Davao City right now?

SEC. ROQUE: We have ten days—well, you know, there’s a period within which a law becomes … well, a bill becomes law if the President does not act on it ‘no. We have 30 days, I stand corrected.

We have 30 days kapag hindi po nilagdaan ng Presidente, it will become law. So, we have a 30-day period to review, either to veto or to sign the bill. Otherwise, kung wala pong aksyon ang Presidente, it will become law.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong na lang po ni Ace Romero—kasi iyong tanong po ni Haydee Sampang ay naitanong na rin ng ating kasamahan na si Joyce Balancio. Ang tanong po ni Ace Romero: Ano daw po ang stand ng Malacañang sa 1.3 trillion ARISE or Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy bill na ipinasa ng House of Representatives? Sabi po ni Finance Secretary Dominguez, unconstitutional daw po ito kapag naipasa dahil hindi kakayanin ng gobyerno ang 1.3 trillion pesos.

SEC. ROQUE: I think iyong punto po ni Secretary Dominguez, lahat po ng stimulus package natin ay pupuwede iyan kunin sa isang supplemental budget pero mayroon pong probisyon na hindi po tayo pupuwedeng magkaroon ng panibagong budget kung wala pong additional source of revenue.

So sinisiguro lang po ng Department of Finance na any stimulus package that will become law can be funded ‘no from existing sources, or at least ma-identify kung saan manggagaling ang pondo.

Pia Gutierrez, ABS-CBN?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, may question again is on jeepney drivers. Since iyong pagbabalik ng kanilang operasyon is not on the immediate horizon at marami na po talaga iyong nahihirapan, when do we expect them to have jobs again? And you said before in an interview na may plano po iyong gobyerno na gawin silang contact tracers. Ano na po iyong update natin dito?

SEC. ROQUE: Wala pa pong update diyan sa planong iyan. Pero kanina po, kasama ko rin si Secretary Tugade, mayroon din silang plano na gawing delivery service iyong ating mga jeepneys kasi nga hindi pupuwedeng sakyan because hindi pupuwede ang social distancing.

Siguro, ganito po ano, iyong second tranche ay parating na po, kasama po diyan ang mga jeepney drivers. Pag-aaralan kung may matitira para magkaroon sila ng additional tranche. Wala pong pangako iyan pero titignan po talaga natin kung mayroong matitira, at mapupunta iyan po sa mga walang hanapbuhay ‘no.

At pangatlo po, iyong jeepney modernization ay siguro po pabibilisin para iyong mga mawawalan ng trabaho sa traditional jeepneys ay pupuwedeng mag-shift to iyong mga modern jeepneys. Perhaps, si Secretary Lopez will also have inputs on jeepney drivers.

SEC. LOPEZ: Opo. Actually ho ang talagang intention po, sa pag-i-explain din po ng DOTr, ay ma-encourage nga iyong modernization of public utility vehicles. So doon po talaga nakabase iyong future, iyong panghinaharap po ng ating mga jeepney drivers. Kaya po sana ho ay magkatulungan diyan. At mayroon pong mga government programs that will encourage iyong pagbili po, pag-acquire, financing ng mga modern public utility vehicles.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir. Sir, speaking of jeepney drivers ulit. Kasi mayroon pong malakas na panawagan na pakawalan si Elmer Cordero, iyon pong 72-year old member ng PISTON 6 na nakakulong po ngayon pagkatapos mag-rally sa Caloocan. People are asking the government to extend to Tatay Elmer the same compassion given to Imelda Marcos because of her age. So, sir, ano po ang masasabi ng Palasyo sa panawagang ito?

SEC. ROQUE: Dadaan po iyan sa proseso ‘no, dadaan po iyan sa piskalya. At kung wala pong ebidensiya, madi-dismiss po iyong kaso ‘no. Pero the police cannot detain him more than 36 hours dahil, I think 36 is the maximum ‘no. Pero this is a very minor offense, it’s less than that. Parang, if I’m not mistaken—I should really brush up on my criminal law—I think it is around parang 18 hours yata ‘no or something ‘no, within which to charge him. I’ll check on that.

Pero he has to be charged so it is 12 hours or 18 hours or 36 hours dapat i-charge siya. Kung hindi po siya natsa-charge, dapat palayain na rin. Pero tingnan po natin kung may ebidensiya ‘no.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ang nangyari po, sir, parang pinakawalan po iyong mga kasama niya pero siya ay hindi po kasi parang mayroon pa raw siyang mga pending cases – estafa po yata, sir. Doon sa anim, sir, dalawa na lang po silang natitira, kasama po siya na 72 years old at mayroon pa pong sakit daw po na hernia.

SEC. ROQUE: Titingnan po natin iyan kasi regardless of your age, kapag may pending case, kinakailangang harapin iyong kaso. Magkakaroon lang po iyan ng clemency if he is found guilty. So mayroon tayong probisyon that the court can recommend pardon or parole to senior citizens.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last na lang po kay Sec. Mon Lopez. Sir, may data na po ba tayo on the effect of the community quarantine on Philippine industries, like kung ilan na po iyong mga negosyo na nagsara na? And so far, sir, may nakita na po ba tayong effect ng implementation ng General Community Quarantine for these businesses to at least recover?

SEC. LOPEZ: Iyong doon sa nagsara, base lamang sa isang survey na in-extrapolate so hindi rin masasabing reliable iyong data. Pero hanggang maaari, tayo po ay… kaya nga mayroon po tayong mga inilalatag na mga stimulus package para ho talaga mag-provide ng mga bridge loan, loan facilities for the working capital requirements ng mga negosyo na ito para po hindi magsara at mapanatili, ma-save iyong mga trabaho.

So iyon pa rin po ang ating mindset sa ngayon, maiwasan itong pagsasara at pagkakaroon ng bankruptcy ng maraming kumpaniya lalo na po sa mga micro SMEs.

So iyon po, hanggang matapos ho iyong ating survey, doon lang tayo makakapagbigay ng report.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. From Randy Cañedo, ito po ay sa Dabigc News. Tanong po: Bakit sa mga probinsiya ay parang hindi daw po GCQ? Mga angkas at habal-habal daw po ay garapal. Puwede po bang malinawan kung ang order na bawal ang ankas ay sa Maynila lang o sa Luzon lamang?

SEC. ROQUE: Sa lahat po ay pinagbabawal pa rin ang habal-habal, ang back ride. Tinatawagan po namin ang kapulisan, kinakailangan pong hulihin ang mga naka-back ride. At para po sa mga lokal na opisyal na pumayag sa mga back ride, magkakaroon po kayo ng pananagutan kay Secretary Año.

USEC. IGNACIO: From Kris Crismundo ng PNA: For Secretary Lopez, may update na po daw sa prospect investors natin on rapid test kit makers. Mayroon na bang investors in which medyo advanced na iyong discussion with BOI?

SEC. LOPEZ: Iyong sa amin po, so far hindi ko po na-meet pa iyong mga prospect dito sa rapid test maker. Pero ang mga na-meet po namin, marami po tungkol dito sa ventilators, sa mga PPEs, coveralls at pati din sa face mask na dumami na ho. In fact iyong capacity, let’s say noong face mask, dati halos 2 million lang tayo a month ang capacity. Ngayon, we can come up with about over 20 million masks a month capacity. Sa ventilators, mag-uumpisa na rin po iyong mga tatlong kumpanya na nag-indicate na mag-uumpisa sila ng ventilator manufacturing dito po sa atin.

Pati ho iyong coveralls nag-umpisa na rin, mayroon na ho tayo – iyong Confederation of Wearable Exporters – 10,000 a day capacity; kaya nila iyong 300,000 a month at sila po ay nag-o-offer na rin. In fact, nagsu-supply na sila sa mga iba-ibang ospital at nag-o-offer na rin sa gobyerno nang mababang rate dahil they are selling it at cause.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up question niya: Will you still pursue DTI’s recommendation to have additional 5% tariff on all imports as a fund-raiser since the ARISE bill requires 1.3 trillion to fund government’s COVID-19 response efforts?

SEC. LOPEZ: Bale ho noong huling meeting po namin tungkol diyan ay isinantabi muna, hindi po muna pinursue iyon dahil we were told na baka mayroon pang mga ibang sources. So ngayon po ay hindi po naka-agenda iyong panukala na iyon, iyong proposal na iyon.

SEC. ROQUE: Yes, Melo Acuña?

MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary Harry. Good afternoon, nice seeing you again. I just have several points for Secretary Mon Lopez with your indulgence.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELO ACUÑA: Yeah. Mr. Secretary, sapagkat marami pong mga OFW na nawalan ng trabaho, ano po ang puwedeng hanapbuhay nilang pasukin? Anong kalakal ang puwede nilang, ‘ika nga, pagtuunan ng pansin?

Pangalawa, iyon pong BPOs problemado rin. Ano po ang sitwasyon ng BPOs ngayon? May kinabukasan pa bang makabawi sila? At iyon pong airline industry, mayroon po bang humihingi na sa inyo ng tulong for subsidies? Thank you very much, Mr. Secretary. I wish you the best.

SEC. LOPEZ: Okay, salamat po, Mr. Acuña. On the OFWs, sa totoo lang hindi ho automatic na magnenegosyo sila. Subalit ang DTI ay nakahandang magbigay ng training para sa pag-livelihood, pagnenegosyo sa kanila, so we always do iyong entrepreneurship education. Kasama na doon, kasunod doon iyong Livelihood Seeding Program na puwede silang pondohan sa isang maliit na livelihood project para ho may mapagsimulan uli sila. Pero kung ang nais nila ay magkaroon ng iba pang livelihood, normally ho ang ginagawa rin po, another option would be iyong re-skilling/re-tooling. It could be another training so dito naman po papasok ang TESDA, kung ang hanap po nila ay employment.

At marami naman pong inaasahan nating magbubukas na mga opportunities pa na trabaho. Tulad ho, iyong mga .. recently ang mga lumakas na negosyo … nandiyan pa rin iyong trabaho. Maraming nawala/huminto pero mayroong mga ‘ika nga ay nabuhay, nanganak na negosyo tulad ho ng delivery, iyang e-commerce. Isa hong negosyo/sektor na lumakas, halos lahat ay puwede nang ma-deliver. So, ibang uri ng pagnenegosyo ang mga nadi-develop sa iba-ibang panahon.

At ang atin pong Small Business Corporation, nagtabi rin po mula sa kanilang budget ng pampautang, isang pondo para ho sa mga OFWs para mayroon din silang mapapahiram dito sa sektor na ito. By the way, iyong programa po na ni-launch ni President, itong Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso, ni-reorient po natin para dito sa COVID-19. Nag-umpisa na hong nagpautang, mayroon na hong mga over, I think, 300 borrowers na na-process at may mga 18 million na po na naumpisahan na mapahiram, itong mga COVID-19 affected micro SMEs ‘no.

Tapos ho, dito naman po sa BPOs, just to let you know na hindi po sila pinabayaan even during the lockdowns. In fact, isa po sila sa sektor na considered essential. In-allow po silang mag-operate, BPOs and exporters. Iyon nga lang po, ni-require natin sila na provide accommodation and shuttling services sa kanilang mga employees.

And finally, iyong sa airlines po, wala pa ho sa amin, like to me personally, na mga lumapit na mga grupo. Malamang po ang nilalapitan po nila ay ang DOT at ang Department of Finance.

SEC. ROQUE: Dagdag lang po ni Secretary Bello, bukod po doon sa P10,000 ayuda sa lahat nang bumabalik na OFWs ay mayroon din pong livelihood training na ibinibigay ang OWWA. So you can apply for that as well.
MELO ACUÑA: Thank you.

USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Vanz Fernandez ng Police Files: March 17 daw po nag-lockdown pero noong araw na iyon ay open ang mga Lotto outlets at nagbenta ng ticket; hapon na po na ibinalita iyon. Paano na daw po iyong mga ticket na nabenta kasi wala noong gabing iyon? Mag-refund ba daw po sila nationwide dahil sa benta noon? At sa ngayon daw po, walang balita sa PCSO. Saan daw po mapupunta iyong benta noong araw na iyon?

SEC. ROQUE: Tatanungin po namin iyan sa PCSO dahil hindi ko po alam. Sorry po. Okay, any further questions?

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Bambi Purisima para kay Secretary Roque: Nitong mga nakalipas daw po na araw, kaliwa’t kanan ang mga nahuling droga – 750 kilograms of shabu sa Bulacan worth 5.5 billion pesos; 200 million worth naman po ng shabu sa Parañaque; seven million sa Cavite; another one sa Quezon City. Wala po bang utos man lang si Pangulong Duterte sa Customs, PNP at PDEA na paimbestigahan ang malawakang proliferation ng droga na ito?

SEC. ROQUE: Well, if at all, nagagalak po ang Presidente dahil because of vigilance ng ating kapulisan, ng PDEA, nakalap itong mga ipinagbabawal na drogang ito. So, ito po ay produkto ng pinaigting na kampanya laban sa pinagbabawal na droga.

Jia Le Tao of CCTV?

JIA LE TAO/CCTV: Yes, thank you. Good afternoon.

SEC. ROQUE: How do you pronounce your name?

JIA LE TAO /CCTV: My first question is for Mr. Roque, and that this year marks the 45th Anniversary of the China-Philippine diplomatic relations and the June 8 is the 19th China-Philippine Friendship Day. So in this special year, what’s your message to us and what’s your comment about the relationship between the two countries nowadays?

SEC. ROQUE: Well, I would say that Philippine-Chinese relation is enjoying a renaissance under the administration of President Duterte, and we hope that this renaissance will lead to better relations resolving all the disputes that we have between our two countries, increase economic ties, increase prosperity for both Philippines and China.

JIA LE TAO /CCTV: And I also have a question to Secretary Lopez. And you know we have some big infrastructure projects here in the Philippines and that the Chinese companies are ready to restart the construction under GCQ. So hope they can catch up with the process. So, what’s your expectation for the Belt and Road Initiative cooperation in the post-pandemic period?

SEC. LOPEZ: We remain optimistic that all these projects under the Belt and Road program would be really developmental projects that will help in the economic growth and prosperity of our two countries. So these are mutually beneficial projects, certainly these will all resume once we get back to the new normal and basically after all these quarantine and lockdowns. As you know, we have also given extra priority to these projects because they are labor generating projects, the infrastructure projects. They were even allowed under the MECQ on a limited scale and more lenient on the GCQ where all construction projects are now allowed. So we expect all these projects to be pursued relentlessly.

JIA LE TAO /CCTV: Thank you.

SEC. ROQUE: Okay. May we have the last statement from Secretary Lopez because we have some time left?

SEC. LOPEZ: Okay. For my last statement, let me just cover what I probably had missed earlier: When it comes to rental, just a reminder that, of course, we’re encouraging lessors to continue providing concessional support to the micro SMEs and also provided in the memo circular – bawal po iyong eviction, huwag po nating paaalisin. Iyon din po iyong pakiusap ng ating Pangulo na huwag naman pong paalisin ang mga tenants na hindi nakabayad dahil po provided po sa batas iyong pagbigay ng grace period.

Pangalawa ho, kahapon ho may narinig kami na balita na mayroon daw isang nahuli na isang nag-violate or maybe drug addict. Addict, hindi pusher; at naisyuhan daw po ng DTI IATF ID. So pina-trace po namin, ito po iyong ID na ni-report kahapon at just to let you know na I think iyong ID po niya unang-una ay fake ‘no, fake ID. Kasi tinrace din namin iyong pangalan, wala po sa database. Kasi po ang ID po na ini-issue ng DTI ay base po sa talaan or listahan na binigay din ng kumpanya na that these are their employees, kaya po iyon lang po ang iniisyuhan ng ID.

So kung ito po ay hindi talagang empleyo ng isang kumpanya na in-allow ng DTI ay ito po ay fake. At ito po kasi iyong usual template, malinaw po iyong nasa ilalim. Ang nakasulat po sa amin manufacturer dito, manufacturing at may kulay green sa ilalim, sa amin po doon lang sa letra ng manufacturing nakasulat iyong green. So basically ho, iyon ho just to explain na ito po ay—iyong nahuli ho kahapon ay fake po ang ID na pinakita at hindi po galing sa IATF.

SEC. ROQUE: Okay. At this point, I’d like to thank Secretary Lopez for the time and of course for accepting our invitation to guest in our press briefing today. I’d like to thank Usec. Rocky, the men and women of the Malacañang Press Corps. And siyempre po sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong Spox Harry Roque, nagsasabing keep safe. At sa susunod na press briefing po natin, galing uli tayo sa siyudad ng Davao. Good afternoon.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)