Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang hapon Pilipinas. A cohesive and responsive ASEAN, iyan po ang naging tema ng 36th ASEAN Summit na kung saan lumahok po ang lahat ng Heads of State ng ASEAN, kasama po ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Sa kaniyang pitong minutong talumpati, sinabi in Presidente Duterte na talagang itong COVID-19 pandemic ay naging dahilan po ng disruptions worldwide na mayroon po talagang far-reaching consequences.

Kinakailangan, sabi ni Pangulo, na magkaroon ng isang cohesive and responsive response ang ASEAN para tayo po ay ma-navigate out of this perfect storm of a crisis. Tumawag ang ating Presidente para sa greater cooperation and connectivity, at ang sabi po niya importante na palakasin natin ang ating economic cooperation, lalung-lalo na pagdating po sa supply chain connectivity.

Nag-welcome din po ang Presidente doon sa binuong ASEAN COVID-19 Response Fund, kung saan lahat ng bansa ng ASEAN ay lalahok at lahat ng bansa ay susubukan na kumalap ng mga pondo para dito sa ASEAN COVID-19 Response Fund.

Sinabi ni Presidente na itong COVID-19 ay nag-expose ng mga vulnerabilities sa ating mga sistema. Kasama nga sa mga vulnerabilities na sinabi ng Presidente ang mga limitasyon ng ating healthcare at ang ating social protection system ‘no. Now sinabi po niya na kinakailangan na tulungan natin ang mga manggagawa dito sa ating bansa at sa abroad at kinakailangan na tulungan din ang mga micro, small, medium enterprises.

Sinabi ng Pangulo na bagama’t mayroon na po tayong mga existing cooperation dito sa mga areas na ito, kinakailangan ma-recalibrate ang ating mga plano para po tayo ay mas mabilis na maka-recover dito sa COVID-19.

Sabi po niya, kinakailangan na mapatupad ang further acceleration ng connectivity projects to build resilient and sustainable regional supply chains. Kinakailangan ma-maximize daw po ang trade facilitation initiatives to promote the growth and participation of small scale and medium industries in regional and global value chains.

Now, kinakailangan daw po na magkaroon ng mas mabilis na progress pagdating sa human capital development at dahil dito po, winelcome po ng ating Pangulo iyong establishment ng ASEAN TVET (Technical And Vocational Education Training) Council kasama na rin po iyong mas malawak na pagpapatupad ng ASEAN Consensus on the Protection of Rights of Migrant Workers.

Now, sinabi din po ng Pangulo natin na kinakailangan na ma-strengthen iyong ating capacity para i-address iyong mga darating pang mga infectious diseases ‘no, kaaya ng COVID at sinabi niya na makakamit natin ito sa pamamagitan ng research and capacity-building pagdating po sa health technology development.

Sinabi rin po niya na kinakailangan ma-enable na iyong ASEAN Center for Biodiversity to contribute dito sa combating wildlife trafficking to prevent the spread of zoonotic diseases.

Now, sabi rin ni Pangulo, hindi naman po lahat ay naging bad news. Sinasabi po niya na isa sa mga mabuting nangyari rito ay naging mas malinis ang ating kalikasan, na nagkaroon tayo ng realization na dapat tayo ay maging nature’s stewards and not its abusers. So dahil po sa mga lockdown, natuto rin po tayong gumamit ng e-commerce, e-learning, video conferencing and artificial intelligence. So ngayon po ang panawagan ng ating Presidente, palawakin pa ang cross-border e-commerce dahil narito daw po iyong mga oportunidad para sa mga mamamayan natin.

Sinabi rin ng Presidente na bagama’t COVID-19 ang pinakamalaking problema ng buong ASEAN, marami pa rin po tayong ibang mga problema; kasama na rin po dito ang banta ng terorismo. At bukod pa po sa terorismo, sinasabi niya kinakailangan pagplanuhan din ang mga sakuna, iyong mga disasters and natural calamities.

Now tanging ang Presidente lang po ang nagsabi na huwag po nating kalimutan iyong tinatawag na geopolitical shifts na lalo pang tumindi sa nakalipas na anim na buwan bagama’t mayroon pong banta ng COVID. Ang sabi po ng Presidente, iyong rivalry sa panig ng United States at ng Tsina ay bagama’t ito ay nagsimula na bago mag-COVID, ay nagkaroon ng complex relations pa dahil nga po dito sa continuing rivalry ‘no.

Pero ang sabi ng Presidente and I quote: “The great powers will continue to draw us into their respective camps. We should continue to nimbly engage them in ways that most benefit us. We must insist on an open and rules-based international order that gives all countries, large or small, not just a voice but an equal standing.

Pagdating naman po sa South China Sea ang sabi po niya, lahat po ng partido ay dapat iwasan ang pagdadagdag pa sa tensiyon at lahat po dapat ay sumunod sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng international law, lalung-lalo na po sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea. Hinimok po ng Presidente ang lahat ng bansa to adhere to the rule of law at saka doon sa mga commitments nila to international instruments kasama na po ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Well, kagaya po ng talumpati ng ating Presidente, iyong ibang Heads of State po ay nagsalita rin sa mga bagay-bagay na sa tingin nila na pinakaimportante ngayon sa ASEAN. Kagaya po ng Presidente, COVID po talaga ang pinakaimportanteng subject na diniscuss ng mga Heads of State at pagdating po dito, ang naging panawagan ng marami sa kanila ay iyong mas matindi pang economic integration dahil ito po ang susi para magkaroon ng mas mabilis na pag-recover dito sa COVID; magkaroon po ng common responses pagdating po doon sa containment ng sakit na ito; iyong resort to digitalization dahil nga po napatunayan natin na pupuwede naman palang mag-continue ang mga negosyo sa pamamagitan ng digital means; at kinakailangan po, ito po ay isang bagay na nadiskurso na ng at least tatlong Heads of State, kung pupuwede nang buksan sa rehiyon natin ang business travel subject to quarantine and other health restrictions.

Bukod pa po sa COVID, marami rin ang nabanggit sa South China Sea, at kapareho po ang sinasabi nila, kinakailangan pong ibigay natin ang ating atensiyon doon sa pagbubuo ng Code of Conduct diyan sa South China Sea para maiwasan pa ang hidwaan at kinakailangang sumunod po sa rule of law lalung-lalo na sa UN Convention on the Law of the Sea.

At hindi lang po ang Presidente natin ang nag-raise ng issue ng terorismo, may ilan din pong mga head states ang nagsabi na bagama’t mayroon nga pong pandemya, nandiyan pa rin ang threat ng terorismo. At mayroon pong at least dalawang states, heads of states na nabanggit iyong continuing issue po sa state ng Rohingya.

So iyan po ang mga highlights ng 36th Plenary Session ng ASEAN.

At pumunta naman po tayo sa usaping IATF dahil kahapon po ay nagkaroon po ng pagpupulong muli ang IATF, inaprubahan po ang mga sumusunod ng inyong IATF:

Una po, sinuportahan ng IATF ang DOLE at ang DFA sa desisyon na pauwiin ang lahat ng mga OFWs na namatay dahil sa COVID-19, kasama na nga po dito iyong mga namatay dahil sa COVID-19.

Pangalawa, inamyendahan ang ilang probisyon ng guidelines for areas under General Community Quarantine kung saan idinagdag ang pagpapatupad ng paunti-unting pagtaas ng venue capacity kasama ang operating hours sa mga pinapayagang establisyimento kung saan sa naunang resolusyon, ang tanging binanggit ay operational capacity; ngayon ay pati kapasidad ng lugar at mga oras ng operasyon ay isinama na rin.

Pinapayagan na ang mga restaurants at cafes na mag-operate sa mga hotel hanggang alas nuwebe ng gabi sa kundisyon na ang kanilang operasyon ay 30% venue capacity at kinakailangang ipairal ang social distancing protocols at sumusunod sa protocols ng DOT o guidelines ng DTI, DOLE or DOH.

Samantala, pinapayagan na rin mag-operate ang mga restaurants at cafes na nasa clubhouse sa ilalim ng outdoor non-contact sports at iba pang ehersisyo hanggang alas nuwebe ng gabi sa kundisyon na ang kanilang operation ay 30% venue capacity at kinakailangang ipatupad ang social distancing protocols at sumusunod sa protocols ng Department of Trade and Industry.

Nagdagdag din ng bagong probisyon ang IATF kung saan pinayagan ang pagdalaw sa open memorial parks at sementeryo, pero hindi dapat ito lumagpas ng sampu bawat grupo. Ang bilang ng grupong pinapayagan at any given time ay iniiwan sa discretion ng management ng memorial parks at mga sementeryo kung saan ang minimum public health standards at social distancing ay ikinukonsidera.

Nagkaroon po siyempre ng rekumendasyon kung ano ang magiging applicable quarantine restrictions sa mga iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas, pero ito po ay pinagbibigay-alam muna sa mga LGUs para kung gusto po nilang mag-apela. Pagkatapos po nito, isasapinal po ang rekumendasyon ng IATF sa Presidente, at ang Presidente po mismo ang mag-aanunsiyo.

Gaya ng mga nakaraang anunsiyo po, huwag po kayong maniniwala sa kahit anong fake news. Dahil iyong mga fake news na kumalat po noong isang linggo o noong dalawang linggong nakalipas, maling-mali po at ibang-iba doon sa nilabas na desisyon ng ating Presidente. Konting antay lang po.

Now, dalawa pang bagay ‘no. Pagdating po sa mga locally stranded individuals, sinabi ko po kahapon ‘no, sang-ayon po sa ating usapin kay Secretary Galvez – Chief Implementer – na talaga naman pong nagkakaroon po tayo ng temporary moratorium sa pag-uwi ng mga locally stranded individuals. Pero ngayon po ay pinayagan ang pagbiyahe ng dalawang 2Go vessels kung saan sakay nila ang mga LSIs dahil iyong preparasyon po para sa kanilang biyahe ay nagawa na bago pa ang moratorium. Ito na po siguro ang huling grupo ng LSIs na pauuwiin nang hindi po binibigyan muna ng PCR test.

Ang sabi po ni Secretary Galvez, dahil dumating na po iyong ating one million testing kits for PCR, pupuwede na nating bigyan ang lahat ng LSIs, kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng PCR bago po sila pauwiin nang hindi na po magreklamo ang mga LGUs na ang mga nagdadala ng sakit sa kanilang mga lugar ay ang mga LSIs.

Now, pangalawa po, lumabas po iyong report ng 11 special rapporteurs na kinukondena ang diumano ay paglabag ng Pilipinas sa mga karapatang pantao. Ang kanilang rekumendasyon ay para sa mga estado, ang mga dayuhang estado daw ang dapat magsampa ng kaso laban sa mga opisyales dito sa Pilipinas.

Well, unang-una po, itong ganitong rekumendasyon na binabalewala na mayroon po tayong domestic system, mayroon po tayong mga lokal na batas, mayroon tayong mga lokal na institusyon kagaya ng piskalya at ng ating hukuman ay nagpapatunay po sa bias po nitong mga special rapporteurs laban po sa administrasyon ni President Duterte.

Uulitin ko po: Hindi po UN ang nagsabi niyan – iyong mga 11 special rapporteurs lang po ang nagsabi niyan, hindi ang UN system. Ang mga UN special rapporteurs po, hindi po iyan empleyado ng United Nations. Diumano, sila po ay mga experts pero mga pribadong indibidwal na binibigyan ng mandato para magsalita pero hindi po iyan views ng UN mismo.

Ang ating masasabi lang sa kanilang rekumendasyon na ang mga miyembro daw ng UN ang siyang dapat magsampa ng kaso, unang-una po: Mayroon po kaming mga gumaganang institusyon; mayroon po kaming mga piskal; mayroon pong mga hukuman na gumagana. Wala pong kahit sinong nagsasabi na hindi po gumagana ang sistema ng Hudikatura at ng katarungan sa Pilipinas.

Pangalawa, hindi po kinakailangang maghimasok ang mga dayuhan dahil mayroon po kaming mga batas dito sa Pilipinas. Hindi lamang ang Revised Penal Code ang nagpapataw ng parusa sa lahat ng gagawa ng paglabag ng karapatang pantao, mayroon pa po kaming mga special laws dito sa Pilipinas. Mayroon po tayong Anti-Torture Law. Mayroon tayong Anti-Enforced Disappearance Law Act at mayroong din po tayong International Humanitarian Law kung saan pinaparusahan din po ang war crimes at crimes against humanity na pinaparusahan din sa international hukuman na gaya ng International Criminal Court.

So sa mga nagnanais po na ang mga dayuhang korte ang mag-exercise ng hurisdiksyon, mali po iyan dahil pati po ang ICC ay nagsasabi na mayroong principle na complementarity. Ang ICC po ay gagana lamang kung ang lokal na hukuman are unwilling or unable to exercise jurisdiction. Hindi po iyan ang katotohanan sa Pilipinas. Sa katunayan, mayroon na pong anim na mga kaso kung saan napatunayang nagkasala po ang ilang mga rebelde, gaya noong mga sumakop po ng Marawi City ay naparusahan dahil lumabag po sila sa ating International Humanitarian Law.

This proves that domestic courts are able and willing to exercise jurisdiction. Kung mayroong reklamo po kayo sa kahit sinong opisyal ng gobyerno, isampa ninyo po sa piskalya dito po sa Pilipinas at hindi po sa mga dayuhang hukuman. Dahil kung pupunta po kayo sa mga dayuhang hukuman na gumagana naman ang mga korte sa Pilipinas, iyan po ay paglabag ng soberenya ng Pilipinas.

Simulan na po natin ang ating forum. Ang unang question—mukhang ako rin ang magbabasa ng unang question dahil nandito po tayo ngayon sa MALAGO Clubhouse kung saan ginawa po ang talumpati ng ating Presidente.

From Virgil Lopez of GMA News Online: Ormoc City Mayor Richard Gomez claim that returning persons to the province were the cause of COVID-19 spread in erstwhile COVID free areas. May we get Palace reaction to this?

Napakinggan po natin ang reklamo ng mga Mayor kagaya ni Mayor Richard Gomez at kaya nga po nagkaroon po tayo ngayon ng temporary suspension ng pagpapauwi ng mga LSIs hanggang hindi po sila nabibigyan ng PCR test. Uulitin ko po, iyong mga OFWs hindi na po pinauuwi, hanggang hindi po nagnenegatibo sa PCR test. So lahat na po ngayon nang uuwi sa probinsiya eh bibigyan natin ng PCR test bago sila pauwiin.

From Joseph Morong of GMA 7: Can we get mechanics, guidelines on the suspension of LSI trip?

Well, moratorium lang po muna ang sinabi ni General Galvez kahapon, with the exception of the two 2GO vessels na maglalayag na po ngayon.

Babalangkasin po kung paano talaga mabibigyan ng PCR test ang mga Locally Stranded Individuals. Bagama’t gaya ng sinabi ko po kahapon, mayroon na po tayong one million available PCR testing kits.

Can we get notes of PRRDs’ participation in ASEAN?

Well, sinabi ko na po ang highlights ng talumpati ng Presidente at maya-maya po ire-release din ni Chief Protocol Officer Robert Borje ang complete transcript noong—iyong press statement ukol po sa naging talumpati ng President, bagama’t substantial naman po iyong aking ibinigay na summary kanina lamang.

Vietnam is an active voice against China’s activities in the South China Sea. How do you think its chairmanship help in asserting the rights of South East Asian Nation to their own territorial seas?

Ang masasabi ko lang po, marami sa mga leaders ng ASEAN ay binanggit po ang South China Sea at ang sinabi po nila, kinakailangan talaga na mag-adhere sa code of Conduct at saka mag-adhere doon sa tinatawag na UN Convention on the Law of the Sea.

From Krissy Aguilar of Inquirer.net: Can we get Palace reaction on UN’s call to its member state to impose sanctions against Philippine government officials who have supposedly committed, incited or failed to prevent human rights abuses in the country?

Sinagot ko na po iyan. Kung mayroon po kayong demanda laban sa kahit anong opisyales ng Pilipinas, idemanda po ninyo sa Pilipinas, dahil kung dadalhin ninyo sa labas at gumagana naman po ang mga hukuman sa Pilipinas, iyan po ay isang paglabag – matinding paglabag sa soberenya ng Pilipinas – dahil criminal jurisdictions always forms part of sovereignty.

From Pia Rañada of Rappler: How will ASEAN countries help each other’s economies grow amid the pandemic?

Well, ang panawagan po ay mas paigtingin pa ang economic integration at sa pamamagitan po ng economic integration, naniniwala sila na magkakaroon tayo ng hindi lang better supply chain para sa mga pangangailangan natin, kung hindi mas mapapabilis po ang recovery ng mga ekonomiya dito po ng mga bansang miyembro ng ASEAN.

Is the Philippines considering travel bubbles between/among other ASEAN countries?

Well, hindi pa po siguro travel bubbles. Pero may dalawang mga head of state po na nagbanggit na dapat simula na ang pag-uusap doon sa business travel, subject to health restrictions.

From Triciah Terada of CNN Philippines: What concrete measures did ASEAN countries agree with, in terms of battling COVID-19?

Well, ni-launched po nila dito sa 36th Summit, iyong tinatawag na ASEAN COVID-19 Fund; at ito po iyong po iyong pangunahing sandata ano para labanan itong COVID-19; at nagkaroon din po ng consensus doon sa talumpati ng mga ASEAN head of state na dapat magkaisa sa paghanap/pag-develop ng vaccine, para masiguro na kung mayroon kang vaccine na made-develop, ang lahat po at hindi lang ang mayayamang bansa ang makikinabang dito sa mga vaccine.

How are ASEAN nations looking after the welfare of Filipinos in their countries amid the pandemic?

Well, mayroon naman tayong tratado na lahat po ng ASEAN countries ay mayroon pong minimum standards na dapat ibigay sa mga Overseas workers po dito sa ASEAN.

From Arianne Merez of ABS-CBN online: Will or did the Philippines make any specific pledge of help to any ASEAN country in the fight against COVID-19? What did we promise and to which countries did any country make any specific pledge of help to the Philippines in terms of addressing the pandemic?  

Wala pong specific na plinedge (pledge) at wala naman pong ibang specific pledge ang ginawa ang kahit sinong member country ng ASEAN dito po sa plenary session. Iyong mga bagay-bagay na po iyan, dine-discuss po iyan sa level po ng mga Secretaries of foreign Affairs, iyong mga detalye po kung paano mai-implement iyong mga polisiya at mga deklarasyon na pinagkasunduan ng mga heads of state, iyan po ay babalangkasin sa level po ng mga Secretaries of Foreign Affairs.

From Joan Villaviray of Asahi Shimbun: How was the South China Sea taken up during the meeting?

Sinagot ko na po iyan – iyong code of conduct po at saka adherence to 1982 UNCLOS.

Apart from the Philippines and Vietnam, which other countries mentioned the issue and what was the point they raised?

I think kalahati po ng lahat ng heads of state mentioned the South China Sea. I am just not sure about the actual number. I will go over the transcript and see. But I am sure, minimum – five raised the issue.

Was there a specific mention of the news administrative areas, China established in the area and its plan to establish an air defense identification zone there? 

No mention po other than adherence of the rule of law.

About COVID-19, was there discussion about reopening borders and resuming international flights between ASEAN countries?

Well, may mga paunang mensahe na po na dapat siguro buksan na ang mga teritoryo within ASEAN for business travellers subject to health restrictions.

From Francis Wakefield of Daily Tribune: Can we get an update sa meeting ng IATF kahapon? 

Binigay ko na po ang highlights ng mga naapruban. Ang pinakaimportante po, ay pauuwiin natin ang mga labi ng lahat ng namatay na Pilipino sa Saudi Arabia at iba pang lugar kasama na po iyong mga namatay dahil sa COVID.

May desisyon na po ba sila if ever Metro Manila will graduate from GCQ to MGCQ?

May rekomendasyon na po, pero this is subject to review by the President. Anyway, the President will announce on or before the 29th, I believe.

Now, comment from the Palace, after the Philippines once again was recognized with a Tier 1 ranking in the 2020 trafficking in persons report. United States said that it will continue to work with the Philippine government and local partners to prevent and protect vulnerable groups from trafficking and other forms of exploitation.

Well, the comment po is, we have existing laws against human trafficking. We are parties to all relevant treaties to human trafficking and we are insuring that we are implementing our laws as well as discharging our treaty obligations to the fullest. So, we remain committed po in the worldwide fight against human trafficking, dahil isa po itong malaking banta dito sa ating bansa.

Okay, no more questions. Pagpasensiyahan po ninyo ang ating limited format ng ating press briefing, pero kaysa naman po wala, mas mabuti na iyong ganito. So, until our next press briefing, ito po ang inyong Spox Harry Roque, sa ngalan ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)