Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque – Davao



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas, mula po rito sa PTV-Davao. Maayong udto sa inyong tanan. Naa ta karun sa Davao kung asa ning istorya ang atong Presidente adtong isang adlaw. Magpabilin diri atong Presidente tibuok simana, nagtrabaho siya sa Panacan kung asa makita ang Malacañang of the South nga gi tawag Panacañang. [Magandang tanghali sa lahat. Narito tayo ngayon sa Davao kung saan nagpaabot ng mensahe ang ating Pangulo noong isang araw. Mananatili dito ang ating Pangulo nang buong linggo, nagtrabaho siya sa Panacan kung saan makikita ang Malacañang of the South na tinawag na Panacañang.]

Narito po tayo sa Davao kung saan po nagmensahe ang ating Presidente sa taumbayan ‘no at siguro po sa mga susunod na briefing natin dito sa Davao, ipakikita natin sa inyo ang Panacañang, ang tanggapan po ng Presidente dito sa Davao. Iyong ating huling mensahe po ng Presidente, ginawa po iyan sa Panacañang.

Umpisahan po natin ang press briefing ngayong araw sa sinabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang pinakahuling Talk to the Nation Address. “We have to be very circumspect in reopening the economy, dahan-dahan lang,” ito po ang eksaktong salita ni Presidente.

Hammer and dance theory – marami po ang nagtatanong na binanggit ko na sayawin ang COVID-19 – hindi po literal iyan, kayo naman. Marami pong hindi nakakuha ng sinabi ko at naging subject na naman ako ng memes at binuhay ang aking Tiktok video. Hindi po ito literal na sayaw, ipaliliwanag ko pong muli.

Mayroon po tayong tinatawag na Hammer-and-Dance Theory’ kung paano po natin nilalabanan ang COVID. Ang ‘hammer’ po ay iyong ginawa nating desisyon na magkaroon ng lockdown ‘no, ito po ay para mabawasan nga iyong pagkalat ng virus at kinakailangan nating kumuha ng mga tao para gumamot ng mga tao – iyan po iyong ‘hammer’. Pero iyong ‘dance’ naman po ay kapag napababa na natin iyong banta ng sakit, eh unti-unti na nating bubuksan ang ating ekonomiya.

Iyong ating R1 [sic], itong tinatawag na ‘R’ ‘no, iyong R-naught ay dapat below 1, magkakaroon tayo ng mas malawakang testing, contact tracing, quarantine at isolation. Magkakaroon tayo ng mas malawakang public education sa hygiene and social distancing. Magkakaroon tayo ng patuloy po na pagba-ban sa mga gatherings bagama’t sa mga MGCQ, 50% capacity ‘no. Bagama’t ang karamihan po ng restrictions ay matatanggal na ‘no.

So ang ibig sabihin po noong Hammer-and-Dance Theory, sa simula ginamit natin iyong hammer – lockdown; ngayon naman po mabubuhay tayo sa kabila po ng COVID-19.

At sa pagbubukas po ng ekonomiya kasabay ng paglaban sa COVID-19, ang responsibilidad ay mapupunta po sa LGU dahil sila po magpapatupad ng mga local lockdown; sa pribadong sektor sa kanilang information drive at strict enforcement pati na rin po iyong pagti-test sa kanilang mga empleyado; at sa mamamayan dahil tayo po ang dapat magsuot ng mask, maghugas ng kamay at mag-observe ng social distancing.

At tulad ng sinabi ko tuwing may press briefing, ulitin ko na naman po: Ang tanging pamamaraan para mapabagal po ang pagkalat ng COVID – face mask, maghugas ng kamay at social distancing. Kasama rin po ang proteksiyunan ang mga vulnerable tulad ng mga seniors, ang mga may co-morbidities at mga buntis. So kung kayo po ay kabilang dito sa mga vulnerables, manatili po sa tahanan dahil alam na po natin ang naging karanasan ng maraming bansa, sila po talaga ang nadadale ng sakit na COVID-19.

Now, kaugnay ng muling pagbubukas ng ekonomiya na sinabi ni Presidente, ang Economic Development Cluster ng Gabinete ay nagbigay ng Pre-State of the Nation Presentation kahapon. Ito po ang ilan sa mga salient points: Health and livelihood is not a binary choice. Kailangan nating proteksiyunan ang buhay sa mga paraan na hindi tayo titigil sa paghahanapbuhay, at ito po ang ilan sa mga programa ng pamahalaan. Una, Calamity Assistance Program mula sa SSS kung saan ang bawat miyembro ay puwedeng mag-loan ng hanggang P20,000. Mayroon ding Unemployment Benefits Program ang SSS para sa pribadong sektor kasama ang mga kasambahay at OFW na nawalan ng trabaho.

Simula a-uno ng Agosto, puwede nang mag-avail ng P30,000 computer loan program mula sa GSIS para sa mga aktibong miyembro. Magagamit ito sa blended learning. Mayroon ding Educational Loan Program ang GSIS kung saan pupuwedeng umutang hanggang P100,000 para pambayad sa matrikula ng mga estudyante.

And Landbank naman ay may Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless opportunities o ACADEME. Lending program para sa private educational institutions para maipagpatuloy ang edukasyon ng kanilang mag-aaral. Para naman sa maliliit na negosyante, mayroon tayong 120 billion credit guarantee program para sa mga pribadong bangko mula sa Philippine Guarantee Corporation.

May online training namang binibigay ang TESDA; at tulad ng TESDA, ang DOT ay may ibinibigay na online learning series workshops bilang bahagi ng retooling program sa tourism industry. Mayroon din tayong limang libong cash subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, samantalang ang DTI at Small Business Corporation ay mayroong 1 billion COVID-19 assistance to restart enterprises loan program.

Sinimulan na rin muli ang Build, Build, Build Program po.

At ano naman po ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa? Ito na tayo sa ating COVID-19 updates: Mayroon po tayong 36,457 active cases. May mga nagtatanong, bakit daw umabot sa mahigit limampung libo ang naging kaso ng COVID-19. Well dahil tumataas po ang ating testing. Ganito po iyan, habang napapaigting natin ang ating testing, siyempre po mas maraming tao nati-testing, mas marami tayong nakikitang may COVID-19. Iyan po ay mabuti dahil maihihiwalay natin sila, maa-isolate natin sila at kapag na-isolate natin sila, hindi na po kakalat iyong sakit, at iyong mga na-isolate naman po, eh siyempre po pagagalingin natin at matapos sila gumaling, iri-reintegrate natin sila.

Now, kung titingnan naman po natin ang breakdown ng mga cases mula sa datos ng DOH ng July 7, makikita po natin na 93.7% ay mild; 5.6% ay asymptomatic, ibig sabihin 99.3 po ay either mild or asymptomatic; 0.6% lang po ang severe at 0.1% lamang ang kritikal. Ito naman po ang breakdown ng active cases by confirmed provinces or cities ‘no, nangunguna po pa rin ang Cebu City – 4,380; ang Quezon City po – 1,899; ang City of Manila – 1,719; ang Cebu Province – 1,551; at ang Caloocan City, 793.

Ito naman po ang daily positivity rate, ito po iyong numero ng kababayan nating nag-test na positibo out of 100. Ang positivity rate po natin ay 7.5%, at sang-ayon po sa World Health Organization, ang standard po, dapat hindi po lalampas ng 10% ang positivity rate; Ang recoveries po natin ay 12,588 at ang mga namatay po ay 1,314.

Tingnan po natin ang COVID-19 mortality rate, makikita ninyo po iyan sa ating infographics ‘no. Patuloy pong bumababa ang ating mortality rate, ngayon po nasa 2.9%, ang global average po ay 5.5%, halos kalahati.

Tingnan po natin muli ang infographic or estimate ng UP noong nagsisimula ang COVID-19. Ang kanilang projection po, sa panahon ngayon dapat mayroon nang 3.6 million na nagkasakit pero hindi naman po nagkatotoo iyan, nasa singkuwenta mil lang po tayo – 50,000 more or less.

Sa ibang mga bagay, ito po ang latest sa ating mga Locally Stranded Individuals. Mayroon na po tayong napauwi na 4,100 LSIs na umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Ang susunod na sendoff po ay sa July 25 and July 26.

Ito naman po ang update sa mga labi ng mga OFWs mula sa Saudi Arabia. Ayon po sa DOLE, bukas, ika-diez ng Hulyo, darating ang unang batch ng 44 remains ng ating mga mahal na OFWs, labing siyam po sa kanila ay namatay dahil sa COVID-19 at 25 naman po sa kanila ay namatay dahil sa natural causes. May second batch naman po na parating sa Lunes, July 13.

Sa ibang balita, puwede na po ang back riding para sa mga mag-asawa. May shield na katulad ng prototype na prinopose po ni Bohol Governor Arthur Yap. Kailangan ng mag-asawa na sumunod sa minimum public health standards, iyong pagsusuot ng mask at saka ng, siyempre helmet ‘no; at kinakailangan mag-observe po ng speed limits ‘no.

Inuulit po natin na itong back riding po ay para lamang sa mga mag-asawa, para lang sa mga pribado, hindi po kasama diyan ang Angkas dahil nawala na po ang prangkisa ng Angkas. At ito po ay magiging epektibo bukas po, dahil bukas pormal na aaprubahan po ng National Task Force itong back riding with shield bagama’t ito po ay approved in principle ng ating IATF.

At bago po tayo magtapos, nagpapasalamat po kaming muli kay Mr. Ramon Ang sa kaniyang donasyon na two million life insurance sa limang libong frontliners ng Cebu. Boss RSA, maraming salamat po.

Pag-usapan naman po natin sandali itong Anti-Terrorism Act of 2020. Well, uulitin po natin ang sinabi ng ating Presidente, ang dapat lang matakot sa Anti-Terror Act ay ang mga terorista.

Now, sinabi ko na po ito dati na noong araw ay talaga pong naging successful tayo noong tayo ay nagpunta sa Supreme Court para kuwestiyunin iyong isang issuance ng dating presidente natin na nagsasabi na gagamitin ang Sandatahang Lakas at ang kapulisan laban sa acts of terrorism. Doon po sa kaso ng David vs. Arroyo na tayo po ang abogado ni Professor David, ang sabi ng Korte Suprema ay hindi raw pupuwedeng mapatupad ang ganiyang utos na walang malinaw na depenisyon ang terorismo dahil pupuwede nga raw itong gamitin laban sa mga kalaban sa pulitika.

Pero mula ho ng mga panahon na iyon ay nagkaroon na po ng nabuong depenisyon ang terorismo. Ito po ay dahil sa mga ilang mga Security Council resolutions. At ang pagkakaiba po ng Security Council resolutions sa General Assembly resolutions ay ang Security Council resolutions po ay binding sa lahat ng miyembro ng United Nations. Dito po sa mga UN Security Council resolution, lalung-lalo na doon sa mga nagbabawal doon sa mga pagpasabog, nagkaroon po ng depenisyon na ang terorismo raw po ay kahit anong bagay na nagkakalat ng takot at kalituhan at panic sa general public. At ito naman pong depenisyon na ito ay in-adopt po ng ating Anti-Terror Law at ng mga batas sa iba’t iba pang mga bansa.

Huwag din po kayong matakot ‘no dahil sabi nga ni Presidente, sapat-sapat po ang ating safeguards laban sa pag-abuso ng batas. Lahat po ng aabuso sa batas na iyan ay mayroon pa ring pagkakakulong ‘no at bukod pa po diyan ay nandiyan naman po ang ating mga hukuman. Kung sa tingin ninyo po na iyong tinatawag na pre-trial detention ay walang legal na basehan, pupuwede pa rin pong maghain ng writ of habeas corpus o ‘di naman po kaya ng writ of amparo. Dahil iyong writ of habeas corpus at writ of amparo, dahil ito po ay mga issuances ng ating Kataas-taasang Hukuman, hindi po iyan suspendido bagama’t nagkaroon na po ng Anti-Terror Law.

Well, dito po nagtatapos ang ating presentasyon ‘no. Makakasama po natin ngayon via Skype, dalawa po para mag-report tungkol sa sitwasyon sa Cebu. Unahin po natin ang taga-Davao po ‘no, walang iba po kung hindi si DOH Undersecretary Bong Vega; at kasama rin natin mamaya si Cebu City Vice Mayor Mike Rama.

So, Undersecretary Bong Vega. Usec., kumusta po ang Cebu; ano po ang mga hakbang ang ginagawa natin para ma-control ang COVID-19 diyan sa Cebu?

USEC. VEGA: Sec. Harry, good afternoon.

SEC. ROQUE: Sige po. Ano pong mga hakbang na ginagawa natin para ma-control ang COVID-19 diyan sa Cebu?

USEC. VEGA: Sec. Harry, nandito kami ngayon sa Cebu para matingnan talaga namin ang real situation at saka maka-adjust ang mga hospitals pati ang mga private at saka public hospitals na may capacity in terms of surge ‘no. Kaya tinitingnan namin dito sa private hospitals, kaya kami nag-meeting, para mapakita sa kanila na kailangan talaga mga 20% ang minimum allocated beds for COVID, tapos 10% additional if ever there is a surge. Ito ay bastante at tamang-tama talaga to cover the… ng COVID patients na ma-admit dito.

Dito naman sa public institution, ang pinakamalaki naming referral center namin dito ay ang Vicente Sotto Memorial Medical Center. Sinasabi namin sa mga administrasyon ng Vicente Sotto na dapat more than 30% ang kanilang COVID allocation beds. Ang kanilang strategy ay dapat i-increase to about 50 to 60% ang COVID wards nila to accommodate the surge. Kayang-kaya naman ito dahil mayroon silang sapat na human resource at saka equipment na puwedeng makapagbigay ng medical attention sa mga critical and severe cases.

So kung anuman ang nangyari noong nakaraan, ito ay aming iku-correct para magkaroon ng better response and capacity ang Cebu City at saka matugunan ang mga severe at critical patients dito.

SEC. ROQUE: Doc, ano po ang naging epekto ng ECQ sa Cebu; bumaba na po ba ang mga kaso ng COVID-19 dahil sa ECQ?

USEC. VEGA: Yes, bumaba na iyong rates ng kanilang positive dito sa Cebu dahil sa ECQ, at saka mayroon na ring decreasing trend sa kanilang mortality rates. So effective ang ECQ dito sa Cebu right now.

Ang aming pini-prepare po namin dito Cebu, iyong possibility na mag-open na naman ang economy at kailangan ang health system dito ay may capacity at dapat sila ay naka-network sa both public and private para mabigyan ng proper referral ang mga patients na nangangailangan… kailangan ng medical attention sa both public and private.

SEC. ROQUE: Usec., I hope you can stay for our open forum. Pero kasama rin po natin si Vice Mayor Mike Rama. Vice, masama ba ang loob ng mga taga-Cebu nang sinabi ng Presidente na matigas ang ulo ng kaniyang mga kababayan diyan sa Cebu?

VICE MAYOR RAMA: Alam mo, mas mabuti iyong prangka-prangka na that expression of sentiment ng Presidente, it has become a total challenge sa amin. Kasi no matter what, itong IATF with Secretary Roy Cimatu and the group have really brought multi-sectorals into a platform where we will be orchestrated po, Secretary, to do what we are supposed to do. And very much with emphasis iyon talagang pinapakita mo na infographics regarding washing of hands, iyong wearing of mask at saka iyong social distancing. With that, we wish with the advent of the team of Secretary Roy Cimatu, we will be seeing light at the end of the tunnel and wishing that hindi na masasabi ng Presidente na kami dito ay matigas ang ulo.

We will definitely be taking it as a positive challenge and insight para it will give us a lesson to really be united and prove that we can be one in attacking this COVID-19, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Vice, pulitika daw isang dahilan kaya dumami ang numero ng COVID-19 sa Cebu? May lunas na ba ho diyan?

VICE MAYOR RAMA: With the advent and iyong sinasabing IATF, and hindi na natin pag-usapan iyong pulitika, ang pinakaimportante ngayon, we’ll just have to sing the Barry Manilow’s ‘One Voice’ and [whether] we like it or not, nandiyan iyong Presidente, iyan iyong producer ng classical concert or iyong concert. Nandito si Secretary Roy Cimatu as the conductor, and all of us member of the orchestra in one island, Cebu Island, with the notes that we will all be mindful that it is more of united we stand and divided we fall as a reminder that we can definitely be one in attacking COVID-19. And we will definitely be successful

At saka thank you, Secretary, for bringing also this, my having to connect with Secretary Cimatu, with Senator Bong Go, precisely, I was able to have a tit-for-tat [sic] with him when he arrived.

SEC. ROQUE: Okay, Maraming salamat, Vice. Can you please join us for the open forum? But meanwhile, I’m opening the floor now for questions galing po sa kapareho ng Malacañang Press Corps at Panacañang Press Corps. Si Hanna Sandro, please.

HANNA SANDRO: Good afternoon, Secretary (garbled) nanawagan po sila kay President Rodrigo Duterte ‘no na i-dropped na daw lahat ng charges against Maria Ressa. Kasi sinasabi nila iyong cyber libel conviction po sa kaniya ay in-orchestrate daw po ng government as a, you know, a campaign for legal harassment against Maria Ressa and Rappler po.

SEC. ROQUE: Well, ang kaso po na cyber libel, isang pribadong indibidwal po ang nagsampa niyan at ang naglitis po niyan, nag-prosecute ay isang pribadong abogada rin, kaklase ko pa po, si Atty. Jesse Andres ‘no. So, tingin ko po, dahil pribadong indibidwal iyan, pribadong kaso po iyan at nagwagi naman po iyong complainant, dahil ang ating libel laws naman po ay binuo para protektahan iyong karapatan ng privacy ng mga mga pribadong indibidwal.

HANNA SANDRO: All right. Secretary, sinabi kasi ni Pangulong Duterte that Maria Ressa is fraud and he also said doon sa kaniyang recent speech na may hinahanda siya. Has the President—may plano po ba si Pangulo na magsampa ng kaso rin against Maria Ressa?

SEC. ROQUE: Well, I don’t have to annotate kung ano ang sinabi ng Presidente, mayroon pa pong hinahanda, so hintayin po natin kung ano pa iyong hinahanda.

Thank you, Hanna, kay Usec. Rocky naman tayo.

USEC. IGNACIO: From Julius Pacot of PTV-Davao po: Ang operasyon ng lotto, STL at casino, matutuloy na po ba ngayong buwan?

SEC. ROQUE: Hindi pa po napag-uusapan sa IATF ‘no. Pabayaan po ninyo mamayang hapon may pagtitipon na naman ang IATF. Tatanungin ko po kung mayroon ng sulat o request ang PCSO para magbukas muli, kasi kapag mayroon naman pong sulat ay naka-kalendaryo naman po iyan at nadi-discuss.

USEC. IGNACIO: From Allan Nawal of PNA: Other countries have been posting higher recovery rates. Have we tried to find out why?

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko ang nangyayari sa Pilipinas dahil karamihan nga po ay mild or asymptomatic, hindi na po sila nagri-report na sila ay na-recover na ‘no dahil nag-a-isolate lang sila sa kanilang mga tahanan. So, kung makikita po ninyo talaga sa ating mga active cases, kakaunti lang ang critical at ang seriously ill at hindi ganoon karami ang nagre-recover kasi iyong iba hindi na nagsa-submit ng kanilang datos sa DOH. Dahil nga po mild or asymptomatic lang sila.

USEC. IGNACIO: Question pa rin po mula kay Allan Nawal ng PNA: Kumusta na daw po iyong pag-aangkat natin ng Remdesivir? Totoo po bang na-purchase at ginagamit na po ba ito?

SEC. ROQUE: Well, ito po ay kabahagi doon sa clinical trials na ginagawa natin sa mga iba’t ibang gamot sa COVID-19. At ang kumpirmasyon ay nakuha ko po sa DOH na mayroon na pong mga 19 na mga pasyente na kabahagi dito sa ganitong clinical trial at ito naman po ay without prejudice doon sa paggamit ng gamot doon sa tinatawag na compassionate use habang wala pa pong full blown clinical trial itong gamot na ito.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Allan ng PNA: Regarding po doon sa bubonic plague, may paghahanda na po bang ginagawa?

SEC. ROQUE: Well, sineseryoso po natin iyan, pero huwag po kayong mabahala, kasi ang pagpasok po ng mga dayuhan naman ng Pilipinas ay hindi pa po pinapayagan ng malawakan, case to case basis lang po. So sarado pa po ang ating mga borders, bagama’t pupuwede pong mag-request on an individual basis iyong mga mayroong mga balidong mga dahilan para pumasok ng Pilipinas. So sarado pa po ang ating mga borders at wala pong dapat ikabahala.

Now, punta naman tayo kay Triciah Terada of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Paano daw po iyong mga magkakasama sa bahay, for example tatay at anak na gusto pong mag-back ride, wala pong masakyan and this (garbled) paano daw iyong magiging implementation nito? People who are riding in motorcycle need to present any documents sakaling magkakaroon po ng checkpoints?

SEC. ROQUE: Well, okay hindi ko masyadong narinig ang tanong mo. But, I suppose it’s about back ride. Ulitin ko po, ang na-approve in principle ay mga mag-asawa at dapat mayroong ginagamit po na shield kagaya noong nadesenyo po ni Governor Arthur Yap ng Bohol. (garbled) ng National Task Force. Iyong approval po niya sa IATF, iyong mga huling pagpupulong ng IATF, approved in principle. Pero bukas po scheduled talaga na aprubahan iyong guidelines paggamit po ng shield for back riding, pero limitado pa rin po siya sa mga mag-asawa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, in terms of implementation, will the couple need to present any documents, especially doon po sa mga checkpoints or mag-iisyu po ba ng ID or something to prove na talagang legitimate couples sila and hindi po angkas na for public or for paid use iyong nangyayari?

SEC. ROQUE: Siguro po, identification card at siguro po xerox lang ng kanilang marriage contract – xerox, hindi naman po kinakailangan iyong original. Pero sa ngayon po talaga ang naparating sa akin ni Secretary Año at ni Secretary Galvez, limitado po sa mga mag-asawa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon naman po sa pagtaas ng kaso natin, may na-identify na po ba natin kung saan normally or itong with recent data, saan po nakita natin na mga areas na mataas. Kumbaga what form of gathering or is it at work, saang area po siya mostly kumalat po?

SEC. ROQUE: Hindi ko narinig iyong tanong mo, alam ko may tinatanong kang saang area ano. Ano iyong saang area ng ano?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Ito pong pagdami ng kaso, saan po siya kumbaga nakita natin iyong clout ng mga kaso? Mas marami po ba siya in gatherings at work? Saan po iyong kumbaga classification na nakita natin iyong pagdami ng kaso?

SEC. ROQUE: I’m sorry, but did anyone in the studio here in Davao hear the question? Pakisigaw na lang sa akin, ano iyon? Saan marami ang—Trish, sandali ha, pinapatanong ko kung narinig nila iyong tanong mo, paulit na lang uli. Another time

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Saan po na-identify or saan po natin nakikita iyong areas na bumibilis po iyong kaso – sa work place po ba o sa gatherings? Kumbaga ano po iyong major area na kung saan dumadami po iyong kaso?

SEC. ROQUE: Saan dumadami ang COVID-19?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Saang mga lugar po kumbaga, parang profile ng lugar, is it the gatherings or sa workplace po or places of convergence? Doon po ba natin na-profile or na-identify kung saan dumadami ito pong mga kaso? Kung saan nagkaroon ng maraming infection

SEC. ROQUE: Wala pa po akong datos kung ito po ay work place o sa komunidad pero ang alam ko lang po, pinakamarami muli ang kaso sa Metro Manila.

USEC. ROCKY: Secretary, from Malou Tolentino/DXRP. Ang question po niya: How does the government see the move of their critics who are trying to take advantage on the current situation in fighting the COVID-19 pandemic, Anti-Terrorism Law, etc., instead of helping the government, they are seen publicly criticizing the government? What do you think is the reason behind the formation of these criticisms?

SEC. ROQUE: Well, sa akin po, uulitin ko lang ang panawagan ni Presidente, isantabi muna po natin ang pulitika. May panahon po para sa lahat, ngayon po tutukan po muna natin ang COVID-19. At doon sa mga namumulitika, eh huhusgahan naman po siguro sila ng taumbayan. Dahil ngayon po talaga hindi po iyan panahon. Antayin po natin habang papalapit ang eleksiyon, pero sa ngayon po tutukan muna natin itong COVID-19. Iyan naman po ang patuloy na panawagan ni Presidente.

USEC. ROCKY: Tanong pa rin po mula kay Malou Tolentino: With the impact of the COVID-19, how would the government cope with the situation especially the timeline on the Build, Build, Build Program implementation of the Duterte administration, especially Mindanao projects considering that the President has only two years in the presidency.

SEC. ROQUE: Malinaw po ang posisyon ng ating economic team diyan, kabahagi pa rin po at importante pa rin ang papel ng Build, Build, Build para doon sa ating recovery mula dito sa COVID-19. Wala naman pong naaantalang Build, Build, Build project sa ngayon. Kung mayroon po, it is just subject re-prioritization or for future release.

Next question po.

USEC. IGNACIO: Huling tanong po mula pa rin kay Malou Tolentino ng DXRP: Will Ms. Ressa’s conviction, ABS-CBN issue, signing of Anti-Terror Law and rising of COVID-19 result to the public mistrust to the government? Do the critics see this as a call for change in the system of governance?

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman po naiintindihan ng Presidente ang paghihirap ng lahat dahil sa COVID-19; pero tiwala po kami na ang sambayanan naman po ay talagang alam na ginagawa ng Presidente ang lahat ng kaniyang magagawa para po maibsan ang kahirapan natin sa panahon ng COVID-19.

Maricel Halili of TV5, please.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir! Magandang hapon po! Sir, clarification lang po on the protocols about wearing mask in public. Wala po bang mga exemption iyong pagsusuot ng mask? For example, if somebody needs to drink water especially now na ang daming mga commuters, maraming sumasakay ng mga bicycle, malayo iyong biyahe, mainit iyong panahon, aren’t they allowed to remove the face masks even for just a few seconds to drink water?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, sabi nila sa amin sa law school, law is based on human experience. So, big sabihin po, bagamat may mga rules it must be implemented pursuant to human experience. Alam ninyo po, ang pag-inom talagang kinakailangan ng taumbayan. Siguro naman po, explain lang natin sa mga pumupuna na ang ginagawa lang natin ay tinanggal ang mask para uminom. Wala naman pong problema iyon kapag na-explain.

MARICEL HALILI/TV5: But you think sir we are implementing the quarantine protocols fairly considering that yesterday somebody was apprehended just because he drank water and yet some of the government officials who clearly violated the quarantine protocols like Gen. Sinas, OWWA’s Mocha Uson, although they are now facing charges, wala pa rin po silang sanctions until now?

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman iyang insidenteng iyan ay nakita naman nila na dinala lang sila sa isang seminar, so talagang mahigpit ang pagpapatupad sa Quezon City pero dahil nangunguna nga sa Metro Manila ang Quezon City.

But as I said, makukuha naman po iyan sa malinaw na paliwanag at tingin ko naman ay iyong peryodista na nasita po ay nakita rin niya at napansin din po niya na matindi nga po ang pagpapatupad at mabuti na rin na nagkakaroon ng seminar doon sa mga na-apprehend.

So, iwan na po natin diyan iyan.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lamang po. Hingan ko lamang po kayo ng reaksyon doon sa naging pahayag ni Sen. Nancy Binay. Sabi po kasi niya, maybe there’s a need to reevaluate the communication strategy, this includes po iyong airing ng speech ni President Duterte, for example nito pong Wednesday na umere na po nang 1 A.M. So, iyon po iyong panawagan niya, maybe there’s a need to reevaluate kung nagiging effective ba iyong bahagi na iyon. Your reaction, sir?

SEC. ROQUE: Well, alam mo, Maricel, kung ako ang tatanungin, nagsalita na ako at iminungkahi ko na na gawin ng regular na kinabukasan nang umaga ang airing ng talumpati ng Presidente. Pero actually, nanggaling sa ilang miyembro n Malacañang Press Corps na gusto nila same night i-broadcast kasi marami pala sa mga taga-Malacañang Press Corps mas gusto nilang magpuyat kaysa gumising nang maaga, so kaya naman napagbibigyan po.

Pero siguro pag-usapan natin sa Malacañang Press Corps ano ba talaga ang gusto ninyo. Pero sa akin po sa mula’t-mula, I prefer umaga na po i-broadcast iyan at gawin na nating regular. Kung sasabihin nating eight o’clock in the morning, eight o’clock in the morning mabo-broadcast ang mensahe ng Presidente.

Pero nagawa na po natin iyan pero ang mga nagreklamo po ay mga taga-Malacañang Press Corps din. So, pag-usapan po natin ano ba talaga ang gusto nating mangyari.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang question mula po kay Che Palicte of PNA: How much budget will the government allot for the convalescent blood plasma study?

SEC. ROQUE: Well, mayroon po tayong in-allot na budget na 4.99 million per year para sa clinical studies ng plasma treatment. Made in the Philippines po iyan. Ito po

sa DOST at ito po ay initial budget.

USEC. IGNACIO: From Vina Araneta of ABS-CBN: What is the response of the IATF to the letter of 239 doctors from different countries pointing out that COVID-19 is airborne? Will they consider this in their guidelines?

SEC. ROQUE: Well, hinihintay pa po natin kung ano iyong opisyal na pahayag ng WHO rito; pero samantala po, talagang nagpapatunay po ito na kinakailangang mag-mask po tayo kung tayo po ay nasa publiko.

USEC. IGNACIO: Iyong question po ni Armando Penequito of Radyo ng Bayan, sinagot ninyo na rin po sa tanong ni Maricel pero basahin ko na lang din po: Ano ba talaga ang mandate on the mandatory wearing of face mask? Does it include na kapag huhubarin mo lang ito nang saglit para uminom huhulihin ka na agad?

SEC. ROQUE: […] po iyan ‘no at doon sa huling pagpupulong po ng ilang mga miyembro ng Gabinete sa mga miyembro ng Metro Manila mayors ay iminungkahi na po na magkaroon ng common ordinance para po magpataw ng parusa sa mga taong hindi nagsusuot ng masks sa mga pampublikong lugar. So, magkakaroon po iyan ng common ordinance.

Punta naman tayo kay Melo Acuña.

MELO ACUÑA: Magandang araw, Secretary! Ano na po kaya ang pinakasandigan ng pahayag ng Pangulo na idineklara niyang terorista ang mga komunista? Papaano raw po ba ang pinag-ugatan nito—anong pinag-ugatan nito?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po natin ang nangyayari ‘no. Sa panahon ng COVID wala pong tigil ang pag-atake nila lalo na doon sa mga sundalo na binabantayan lang naman iyong mga tao na nagbibigay-ayuda sa taumbayan.

Patuloy po ang kanilang pagta-tax sa mga negosyante na hindi naman po dapat at patuloy din ang pagta-target din nila sa mga sibilyan.

So, alam ninyo po talaga, laos na iyan, revolutionary stuggle na iyan. Eh, mayroon namang parliamentary struggle, puwede namang mag-halal, bakit hindi nila gamitin ang parliamentary struggle? Bakit kinakailangang gumamit pa ng dahas? Iyong paggagamit po ng dahas, iyan po ang nagiging dahilan kung bakit sila po ay terorista.

MELO ACUÑA: Nabanggit po kasi ni Senador Lacson na hindi ganoon kadali ang pagdedeklara sa isang samahan ng mga terorista sapagkat kailangan pang dumaan ito sa hukuman.

SEC. ROQUE: […] ‘yan at even under the Human Security Act, pending pa po iyong issue nga ng pagdedeklara ng CPP-NPA as terrorist groups; bagamat ang NPA po sa ibang mga bansa, kung hindi ako nagkakamali, sa EU ‘no, they have been declared as terrorists groups, kung hindi po ako nagkakamali.

Alam ko, mayroon ng mga ibang bansa o mga groups of countries na na-classify na sila as terrorist groups.

MELO ACUÑA: Opo. Maiba naman po ako. Sa Bayanihan 2, mayroon po kaya tayong safeguards para maiwasan na iyong problema sa pagbibigay ng amelioration program sa mga nasa barangay at maiwasan na iyong pakikialam ng mga barangay officials?

SEC. ROQUE: Alam mo hindi ko nakuha iyong first part ng question mo, iyong first part lang. Nakuha ko iyong about barangays pero what about barangays?

Iyong last press briefing natin from Davao, okay naman iyong ating Q&A pero ngayon medyo nagkakaroon ng technical problems. Ano iyong first part ng question mo, Melo?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Iyong sa safeguards tungkol doon sa pagdi-distribute ng amelioration program sa Bayanihan II. May safeguards na ba para maiwasan iyong katiwalian ng ilang local government officials?

SEC. ROQUE: [Garbled] po diyan, inaayos nga po natin iyong electronic distribution ng mga ayuda para wala na pong intervention ng kahit sino.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Ah, idadaan pa rin sa po sa DSWD?

SEC. ROQUE: [Garbled] Melo Acuña. Balik po tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis Wakefield of Daily Tribune: May we get your reaction regarding the statement made by Senator Bato Dela Rosa, ‘to processing’ na daw po ang US visa niya. He said tinawagan daw po siya ng US Embassy after President Duterte and Trump’s phone call to fix his visa. With this development, does it mean na may chance daw po ba na iurong na rin ng Philippine government ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement or the US government needs to do more?

SEC. ROQUE: Ang posisyon naman po ng Pilipinas ‘no, insulto iyong nangyari na hindi binigyan ng visa ang isang halal na Senador ng bayan ‘no. So nagagalak naman po kami na nalinawan ang mga Amerikano na hindi dapat ganiyan ang pagtrato sa mga halal ng taumbayan na mga Pilipinong opisyal. Kung ito po ay magbabago o magiging dahilan para magbago ang polisiya sa VFA, well hindi pa po nagbabago iyong huling binitawang salita ni Presidente na ipagpapaliban po ng 6 months iyong pagti-terminate sa VFA at itong pagpapaliban ay extended po by another 6 months – iyan pa rin po ang posisyon.

USEC. IGNACIO: From Mikhail Flores ng Agence France Presse: How will the government proceed with the scheduled licensure exam for physicians in September? What options are you eyeing for the PLEs?

SEC. ROQUE: Well, iiwan po muna natin iyan sa PRC ‘no, iyong Professional Regulatory Commission dahil sila naman po ang mag-a-administer niyan per kinakailangan po natin ng mga doktor ‘no. So kung anuman ang proposal po ng PRC ay pupuwede naman pong idulog iyan sa IATF dahil importante po na maparami natin iyong hanay ng mga doktor habang mayroon tayong pandemya.

Okay, Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong first question ko, actually question ni Alexis so I hope it counts against Alexis in the number of questions. Iyong sa Philippine Commission on Women lang sir, statement.

SEC. ROQUE: We confirm po na nagtalaga na po tayo ng bagong Chairperson sa Commission on Women ‘no. Ang bagong talagang Commissioner po ay si Ms. Montaño ‘no, so I can confirm po na iyong isang sitting commissioner became the Chairperson of the Commission on Women.

JOSEPH MORONG/GMA7: Any reason, sir, for the replacement?

SEC. ROQUE: Given po, alam ninyo naman po presidential appointment iyan, that’s President’s prerogative.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. So these are my questions now. Sir, with regard to COVID ‘no, how do we stem iyong pag-increase ng mga COVID cases aside from what is in front of you, iyong wear mask, wash hands, keep distance? Papaano iyong aggressive na policy ng government natin now that we are noticing na, well, medyo tumataas iyong mga cases, around 2,000 everyday?

SEC. ROQUE: Lalo po nating papaigtingin iyong ating T3. Maghintay lang po tayo sa detalye pero bukod po doon sa 10 million na na-order na natin at 1 million na na-deliver na na PCR testing, magkakaroon po ng mas malawak pang targeted testing na iaanunsiyo po natin sa mga darating na panahon ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may chance ba na mag-MGCQ tayo sa Metro Manila?

SEC. ROQUE: Kung ang tanong mo kanina ay iyong bagong talagang Chairperson ay si Commissioner Sandra Montaño ‘no. Now doon naman sa tanong mo, iyan po talaga ang ating papaigtingin, ang T3 natin – testing, tracing. Now iyong tracing talaga, we really will invest heavily in this kaya nga magsisimula na iyong proseso ng pagkuha ng 50,000 more tracers kasi nga po ang istratehiya, kinakailangan talaga malawakan ang ating targeted testing at ginagawa na po natin iyan.

At mayroon nga pong bagong programa na ilulunsad tungkol dito, tapos kapag na-trace na natin, paigtingin din natin iyong ating tracing nang ma-isolate po natin lahat iyong pupuwedeng magkalat ng sakit ‘no. Sa totoo lang po, iyan po talaga ang pupuwede nating gawin kasama po iyong ating wearing of mask, minimum health standards.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. So sir, may chance bang mag-ano tayo, ever, mag-MGCQ after July 15 given iyong mga average of 2,000 cases?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon naman po, bagama’t tumataas ang numero ‘no, ini-explain po natin karamihan po ay asymptomatic at mild at hindi pa po nao-overwhelm iyong ating health system. Napaghandaan naman po natin iyan and as we speak, naghahanda pa rin tayo ng mas marami pang mga isolation centers para iyong mga severe at critical lamang ang maho-hospital.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last point, iyon po sa public address ni President Duterte. Usually, sir, kasi kaya nagiging late iyong pag-i-air is that you guys are still editing what has happened. Halimbawa 10 o’clock tapos mag-e-edit pa tayo, that’s why nagiging siyang 1 o’clock. So is it—first, why do we have to edit iyong public address ni Presidente and is it possible to just air it live, the meeting of the President with the IATF?

SEC. ROQUE: Naku naman, pabayaan mo na iyon sa Presidential Communication kung ie-edit nila o hindi. Pero iyon nga, Joseph, ikaw magsabi, maraming nagrereklamo kung masyadong gabi ang airing. Eh ikaw sinabi mo sa akin mas gusto mong magpuyat. Mag-usap naman tayo sa Malacañang Press Corps kung ano talaga ang gagawin. Ako talaga ang posisyon ko, 8 o’clock in the morning the following day para regular na po iyan at alam na ng taumbayan what to expect.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero news iyon, sir eh. Parang if it happened today, why don’t we have to report it today—eh why do we have to wait until morn? If you don’t edit, we won’t have the problem of [garbled]?

SEC. ROQUE: Mas mabuti na sigurong kinabukasan. Well, anyway, kaya nga po ang sabi ko, mag-usap tayo sa Malacañang Press Corps kasi kayo rin po ang aming kino-consider kasi kayo nagko-cover kay Presidente. So it proves I will listen to you, but please po, malaman natin kung anong consensus talaga.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, can I go to Dr. Vega? Kaya pa?

SEC. ROQUE: Dr. Vega?

  1. VEGA: Yeah, Sec. Harry.

JOSEPH MORONG/GMA7: Dr. Vega, good afternoon po. Joseph Morong, sir, sa GMA-7. Sir, iyon pong regarding the community quarantine ng Cebu, sabi ninyo po bumababa na iyong positivity rate and the mortality rate. Are you looking at relaxing the community quarantine of Cebu City from ECQ to maybe MECQ?

  1. VEGA: Hindi pa natin masasabi iyon ano, kasi it’s too early to say. Pero kapag mag-progress iyan, magde-decrease ang lahat ng matrix na nag-i-improve ang Cebu City. Iyan ay pag-uusapan sa IATF whether to downgrade ang Cebu City to GCQ.

JOSEPH MORONG/GMA7: Thank you very much, sir, Dr. Vega, Secretary Roque. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Rocky please, Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Secretary tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: May lumabas po na article na tila nagsanib-puwersa raw po sina presidential son Davao City Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte at Iglesia Ni Cristo (INC) para po i-pressure diumano ang mga mambabatas na tuluyan nang ipasara ang media giant na ABS-CBN. Diumano ay hiwalay na lobby sina Congressman Pulong at INC sa mga miyembro ng House Legislative Franchises Committee para i-deny ang franchise application ng ABS-CBN. Diumano ay pini-pressure din ng mga ito ang House Leaders na bumoto laban sa network. Ang banta po, kapag hindi sumunod sa gustong mangyari, allegedly po, nila Congressman Pulong at INC ay zero projects para sa mga ito. Bukod pa sa may makakalaban ang mga ito sa 2022 elections. Ano po daw ang reaksiyon ng Palasyo sa usaping ito lalo po at lumutang daw ang pangalan ng anak ni Pangulong Duterte sa ganitong issue?

SEC. ROQUE: Naku, wala po kaming nalalaman tungkol diyan. Pero sang-ayon sa Saligang Batas, talagang dapat magmula sa Mababang Kapulungan ang lahat ng prangkisa pagdating po sa negosyong broadcast, at kabahagi naman po si Congressman Pulong Duterte ng Mababang Kapulungan. Pero ang Mababang Kapulungan po ay isang collegial body rin, nag-iisa lang po si Congressman Pulong Duterte out of 300 plus congressmen and congresswomen.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Arianne Merez of ABS-CBN: Why did the President chose a new Philippine Commission on Women Chair? ES Medialdea confirmed that Commissioner Sandra Montaño is the new chairperson.

SEC. ROQUE: All presidential appointments po are presidential prerogatives, no explanations need to be given.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Arianne Merez ng ABS-CBN: When will the President return to Manila and what is his schedule?

SEC. ROQUE: Babalik naman po sa susunod na linggo si Presidente. Pero sinasabihan ko na po ang Malacañang Press Corps, may posibilidad po na ang susunod nating press briefing ay manggagaling pa rin dito po sa Davao. Pero uuwi naman po muna ako at magpapakita ako sa misis ko at sa aking dalawang anak. [Laughs]

Mela, Mela of PTV4?

MELA LESMORAS/PTV4: Yes, Secretary Roque. Good morning po. Sir, first question lang po: Malapit na rin kasi iyong July 15, may we know kung kailan po kaya magdi-decide ang IATF ng recommendation na ipa-approve naman sa mga LGUs?

SEC. ROQUE: By next week po iyan. Magkakaroon na kami muna ng situational briefing sa mga epidemiological bureau ng DOH. Pagkatapos po, iyong pangalawang meeting will be iyong recommendations. So pagkatapos po noon, sa pangalawang pagpupulong, ipagbibigay-alam sa mga different LGUs iyong rekumendasyon para sila po ay puwedeng mag-apila – ganiyan naman po iyong proseso.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. And, sir, my last question lang po, since nag-stay po kayo sa Davao City, ano po iyong observation ninyo sa Davao City na puwedeng i-adopt ng iba pang cities? Kumusta po iyong health protocols nila diyan? At puwede po kaya itong gayahin din ng iba pang lugar? Puwede rin po itong sagutin ni Usec. Vega.

SEC. ROQUE: Well, ang masasabi ko lang po, nami-miss na si Doc. Bong Vega dito sa Davao. Doc, ang daming nami-miss ka dito sa Davao.

Pangalawa po, istrikto po talaga ang implementasyon nila ng mga quarantine guidelines dito. Bagama’t GCQ na po ang Davao City ‘no, sarado pa rin ang mga tourist spots at hindi pa po nagbubukas ang Samal Island ‘no. So mukhang mas matindi po ang pagpapatupad ng quarantine regulations dito sa Davao City.

MELA LESMORAS/PTV4: Si Usec Vega po kaya may puwede rin siyang ma-share na practices sa Davao City, baka shini-share din po niya sa Cebu City ngayon?

USEC. VEGA: Good afternoon, Secretary Harry. Gusto ko lang ipaalam na sa Davao City kasi, maganda ang coordination ng LGU, ng private hospital, ng public hospital at saka iyong regional health office ng Department of Health.

Nagkakaisa kami na ang response namin sa COVID ay ginawa naming referral center, ang SPMC, iyon lang ang may COVID. Ang rest ng private hospital, sila iyong nagki-cater na non-COVID. So ito na ngayon iyong magandang strategy, kasi iyong mga private hospitals can accommodate the non-COVID na nanggaling sa amin, kami naman ang nasa COVID. So, ang significance nito, mas maganda ang resources mo, nakapa-pooled sa isang referral center.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much, Usec. Vega and Secretary Roque.

SEC. ROQUE: [OFF MIC] …nami-miss na nila kayo dito sa Davao.

USEC. VEGA: Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, ang tanong mula kay Virgil Lopez of GMA News Online. Ang una po niyang tanong, regarding the President’s address to the nation last Tuesday: May we know why the Duterte administration is compiling anything against the Rappler’s CEO Maria Ressa and threatening to expose her as a fraud?

SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ang trabaho ng Ehekutibo – patuparin ang batas. So hayaan na po natin ang imbestigasyon, at sa takdang panahon ay ilalabas naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Virgil Lopez ng GMA News Online: When you returned as Palace Spokesperson in April, you said you would work for the earlier broadcast of the President’s weekly COVID briefing. What happened daw po?

SEC. ROQUE: What happened po is nagkaroon ako ng konsultasyon sa ilang miyembro ng Malacañang Press Corps, marami ang nagsabi na mas gusto nila na on the day itself, kahit anong oras ay ipalabas iyan. Pero ngayon po talaga ay mag-uusap naman po kami kung—ako talaga, ang posisyon ko po ay hindi nagbabago. I prefer na the following day, at 8 in the morning, para regular na pong aabangan ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: From Mylene Alfonso of Bulgar: Marami pa rin ang naghihintay lalo na iyong nakatanggap sa unang tranche ng SAP, hindi pa rin po naibibigay ang second tranche nila, hanggang kailan daw po ba matatapos ang liquidation ng DSWD? Paano naman daw po iyong waitlisted na pumirma na ng form sa barangay, sigurado po ba na makatatanggap daw sila? At ano daw ang assurance na maibibigay pa sa kanila na lalo na po at inaasahan talaga nila ang SAP?

SEC. ROQUE: Again po ‘no, magpapaumanhin na po kami dahil talagang naantala dahil we’re trying to use technology to do this. Pero mas mabuti na pong ilatag itong technology para doon sa susunod na mga ayuda, kung mayroon man, ay mas mapabilis na rin. Kumbaga, one step backward, two steps forward ang ginagawa po natin, paumanhin po, pero huwag po kayong mag-alala, parating po iyan. At iyong kaunting nailabas na sa second tranche, karamihan po iyan ay iyong mga nasa waitlisted ng first tranche.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Kahapon po ay nagbigay ng update ang DPWH about Build, Build, Build Projects kaso hindi po yata na-mention ang Kaliwa Dam. Itanong ko lang po kung may update na kaya ang Malacañang on the status of the said project?

SEC. ROQUE: MWSS po kasi ang regulatory body ng Kaliwa, at ang balita ko naman po ay all systems go naman sila sa Kaliwa Dam.

USEC. IGNACIO: Ikalawang tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May update na kaya if President Rodrigo Duterte will call for a special session for the Bayanihan II Bill? Since hindi pa din po napapasa ang new stimulus bill this July, is Malacañang still confident daw po na magkakaroon nang tinatawag na V-shape recovery during the third quarter?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong matter of special session kasi malapit na rin naman ang opening ‘no, so tingnan po natin kung ano ang mga pangyayari. Ang importante po ay tuluyan na pong nagkakaisa ang legislative at saka ang executive branch of government kung paano po ipatutupad ang extension ng emergency powers at iyong stimulus package, na sa huling balita ko po ay nabuo na.

USEC. IGNACIO: From Genalyn Kabiling/Manila Bulletin, tanong po niya: With the rising COVID cases, what do you think are the government’s lapses in the coronavirus response? How will the government rectify these faults and fine-tune strategies to effectively contain the outbreak?

SEC. ROQUE: Ginagawa na po natin ito ‘no. Medyo mabagal po iyong proseso na pamparami ng mga lab capacity natin at testing, kasi habang wala pong bakuna, talagang T3 lang tayo – testing, tracing, treatment and reintegration ‘no.

So inaamin po natin na medyo naging mabagal iyong proseso na lumipas po ang dalawang buwan, iisa lang po iyong ating testing facility, iyong RITM. So Marso, Marso pa lang tayong nagsimula na magkaroon nang mas marami pang mga laboratories.

So if I were to look back and what we could have done better, siguro po noong nagkaroon tayo ng unang kaso na imported case ng COVID, eh dapat pinalawak na natin iyong testing capacity natin kaagad. Pero nakita naman po ninyo, mabilis din natin napataas ang numbers ng ating mga laboratories. Mayroon na po tayong 70 plus ngayon ‘no, ilang buwan lang mula noong Enero.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Senator Sotto said, the Senate is not keen on special session for Bayanihan II since lawmakers will return to session this month. Do you agree with him?

SEC. ROQUE: Kakasabi ko lang po na tinatantiya nga po kung kinakailangan pang tumawag ng special session, kasi malapit na rin po naman talaga ang pagbubukas ng regular session ng kongreso, tingnan po natin.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Has the Presidente started preparations for his SONA, any theme for this year’s speech?

SEC. ROQUE: I think obvious po na nagsimula na, dahil nababalita na nga po iyong ating director ay hindi nakakuha ng mga footages doon sa ilang mga lugar na gusto niyang kunan. So, simula na po iyan at antay-antay na lang po tayo, dahil hindi naman pupuwede na I will dampen the element of surprise pagdating po ng ating SONA.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: Sa kaso ng COVID-19 infected MRT-personnel. May mananagot po ba o may dapat patawan ng disciplinary action dahil hindi naisaalang-alang ang public safety and kaligtasan mismo ng mga empleyado ng mga nag-resume ng operations? Hindi po ba maaaring ituring na neglect of duty ito sa part ng MRT-3 management?

SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro ‘no kasi karamihan ng mga nagkasakit ay nasa depot. Iyong mga nasa depot po, wala namang contact with the riding public. Now, kagaya ng aking sinabi, limited din naman po ang contact ng mga nagbebenta ng tickets kasi mayroon naman po silang division between the general public at mayroong din po silang ginagamit na mga alcohol para sa kanilang mga kamay habang sila ay nagbebenta ng mga tickets.

Ngayon po, completely ticket machines na po ang nagbebenta ng mga tickets ngayon, which does not mean wala na pong danger iyan na kinakailangan pa rin mag-sanitize kayo ng mga kamay ninyo dahil iyong pagpindot ng ticket machine ay baka iyong earlier na nagpindot at mayroon ding virus. So, mag-alcohol pa rin po matapos po bumili ng ticket sa MRT.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Tina Mendez ng Philippine Star: May request po sa IATF ang Philippine Sports Commission na bigyan ng exemption para makapag-training ang Tokyo- bound Pinoy athletes at Olympic hopefuls. Ano po ang aksyon ng IATF dito?

SEC. ROQUE: Wala pa pong aksiyon, but I would personally support that because I want a gold in the Tokyo Olympics like everyone else.

USEC. IGNACIO: From Tina pa rin po for DOH Undersecretary Vega: How intensive daw po is the contact tracing being conducted by the DOH and DILG for passengers of MRT-3 in relation with the high number of contamination among tellers and those working in its depot?

USEC. DELA VEGA: Sa pagkaalam ko, ang DOH ngayon ay full force na iyong paghanap ng mga people who can do contact tracing most especially dito sa MRT at saka ibang mga communities together with the LGU. So isa sa mga istratihiya nito ng Department of Health ngayon na magkaroon ng more resources, human resources sa contact tracers at saka sa pagpadami ng testing sa community.

USEC. IGNACIO: Opo, salamat po. From Rose Novenario po ng Hataw, para po kay VICE MAYOR RAMA: Ano po ang reaksiyon ninyo sa napaulat na mga anomalya kaugnay sa paggasta sa may isang bilyong pisong pondo para sa kampanya laban sa COVID-19 ng Cebu City. Sa laki po ng pondong inilaan ng Cebu City pero tinagurian pa rin ang siyudad na epicenter ng COVID-19; Ginastos po kaya ng wasto ang kanilang budget?

VICE MAYOR RAMA: For sure, we did not approved P1 billion sa Sangguniang Panglunsod na it will end up into an anomaly. Of course there are accusation, but let this be looked into and due process should be given. But at our end, the city government, in fact, as I have said earlier, now with Cimatu in our city and the group, we are now one and our focus is really to fight COVID-19. And if there are what we call irregularities, so to speak, then let it be looked into in a proper venue.

USEC. IGNACIO: Thank you, Vice Mayor Rama. From Pia Rañada for Spokesperson Harry Roque: When Filipinos go abroad for non-essential travel and return, are they required to spend their quarantine in government facilities or quarantine at home?

SEC. ROQUE: Hindi po, kailangang mag-quarantine pa rin tayo sa designated quarantine facilities at kinakailangan po naka-quarantine kayo habang naghihintay ng resulta ng PCR. Uulitin ko po, iyong mga outbound Filipinos, pagbalik kinakailangan pong sumunod tayo sa protocol. Hotel—quarantine pa rin po iyan sa mga designated quarantine facilities habang hinihintay ang PCR testing. Pero makakapili na po kayo kung saang laboratory kayo magpapa-PCR testing.

USEC. IGNACIO: From Angel Ronquillo ng DZXL-RMN: Kung mag-asawa lang daw po ang puwedeng mag-angkas, paano daw po iyong magkapatid at mag-live in partner?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa rin po, kasi ang clamor naman po para sa mga mag-asawa initially.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Angel: Maliban po sa insurance benefits, may matatanggap pa po ba na benepisyo ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing OFWs na namatay sa Saudi Arabia?

SEC. ROQUE: Mayroon po talagang package ang OWWA para sa mga namatay na OFWs at makukuha po nila iyan.

USEC. IGNACIO: Okay, may tanong po si Joyce Balancio pero katulad na rin po ng tanong ni Angel Ronquillo kung bakit daw po mag-asawa lang, paano daw po iyong anak at iba pang kamag-anak. Tanong naman po ni Randy Cañedo of DABIGC News: Kung may pondo para sa edukasyon, bakit hindi gayahin ng mga LGU ang ginagawa ng Metro Manila na bigyan ng tablet with load ang lahat ng mga mag-aaral kaya 100% na nagpapa-enroll?

SEC. ROQUE: Tingnan po natin kung makakahanap tayo ng pondo para rito. Pero mayroon pa rin pong mga iba pang istratihiya na pinag-aaralan na ang DepEd kasama na nga po diyan iyong modular learning. At ngayon po, mayroon pang nagmumungkahi na satellite ang gagamitin po para lahat ay marating. So, antayin po natin kung ano talaga iyong pinal na preparasyon ng DepEd. May panahon pa naman po between now and August 24.

USEC. IGNACIO: Hindi ko po alam, hindi ko po narinig kung napahabol po iyong question about World Health Organization daw po from Julie Aurelio na, WHO recently admitted that COVID-19 can be transmitted through the air. [Unclear] points to long term effects and organ damage such as brain, lung and heart diseases in patients who were asymptomatic or mild. Is the government not downplaying the illness’ long term effects?

SEC. ROQUE: Hindi po. Kasi mula’t mula sinasabi natin, mag-mask po tayo at iyan nga po ay panigurado, whether or not it’s airborne, talagang preventive po ang pagsusuot po ng mask. Ngayon kung talagang mapapatunayan na airborne tama po ang ginagawa natin na pinasusuot natin ng mask ang lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Wala na po tayong oras. Salamat po kay Usec Vega at kay Vice Mayor Rama. Mmaraming salamat, Usec Rocky at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Again, nandito po tayo sa Davao at sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Stay safe, Philippines.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)