SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Simulan po natin ang press briefing sa pamamagitan ng balitang IATF.
Inaprubahan po ng IATF sa kanilang Resolution No. 57 ang essential outbound travel ng mga Pilipino subject sa mga sumusunod na kondisyon: Una, ang pag-execute ng Bureau of Immigration declaration na nagsasabing alam ng biyahero ang risks na kasama ng pagbibiyahe kasama na ang risk ng delay sa kanilang return trip. Pangalawa, pagbalik ng Pilipinas kailangang sumunod sa tinatakdang guidelines of returning overseas Filipinos of the National Task Force.
Kung matatandaan, unang naglabas ang IATF ng Resolution No. 52 kung saan pinayagan na ang non-essential travel. Isa sa mga kondisyon doon ay ang pagkakaroon ng travel at health insurance to cover rebooking and accommodation expenses if stranded at hospitalization kung sakaling may impeksiyon. Ang malungkot na balita po, iisang insurance company lamang sa Pilipinas ang pumayag ng ganitong travel at health insurance kaya sinuspinde muna ng IATF ang non-essential outbound travel. Pero sa mga confirmed booking na as of July 20, 2020 ay papayagan po natin ang non-essential outbound travel.
Sinuportahan po ng IATF ang Department of Labor and Employment at Philippine Overseas Employment Administration sa kanilang pakikipag-negotiate ng mga terms ng mga existing bilateral labor agreements. Inulit na pinaalalahanan ng IATF na ang mass gatherings ay ipinagbabawal pa rin sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine in view of the forthcoming State of the Nation Address.
Muli pong nagsalita si Vice President Leni Robredo noong Linggo at sinabing ang kaniyang mga suhestiyon na kasama sa private letter na ipinadala sa aking opisina ay hindi pa naipatutupad ng administrasyon. Sinagot po natin ang ilan sa mga ito sa aking briefing noong July 16 tulad ng on reporting and keeping the public informed, on budget utilization, on transportation concerns, on restarting the economy, on education and on the composition of the IATF.
At para sa kaalaman po ng lahat, ang aking opisina, ang Office of the Presidential Spokesperson ay nag-email na sa Office ng Vice President noong week ding iyon. Pinadala po namin ito sa vp@ovp.gov.ph at sa lenirobredo.ovp@gmail.gov na nakalagay sa OVP website. Nagpadala rin po kami ng hard copy noong Lunes ngunit sarado po ang OVP dahil may mga staff po na nagka-COVID – ganoon din naman po ang opisina ko ‘no, iyong Office of the Presidential Spokesperson ay sinara po ang opisina pati Press Briefing Room dahil sa ginagawang mga disinfection dahil nagkaroon po ng tatlong kaso ng COVID sa NEB kung nasaan ang ating tanggapan – ibibigay po namin ito nang personal.
Going back, nagsabi ang Pangalawang Pangulo na tanging ang pagtanggal ng fresh at late cases sa DOH reporting ang naipatupad diumano. Well, lilinawin ko po – hindi po ito ang katotohanan. Papasadahan lang natin ang mahalagang punto ng kaniyang sulat. Una, iyong epidemic curve po na hindi daw po naipa-publish pero makikita po ito sa COVID-19 tracker ng website ng DOH. Malinaw na malinaw po sa website na nandiyan po iyong epidemic curve, kung hindi po ito epidemic curve, baka naman po ibang epidemic curve ang hinahanap ni Vice President.
Pangalawa, iyong pagkakaroon ng online portal para sa COVID-19 pero nagsimula po tayo ng covid19.gov.ph, nai-setup po ito ng PCOO noong Marso pa at ngayon mayroon na tayong Laging Handa unified website na siyang official platform ng lahat ng COVID-19 related matters.
Pangatlo, iyong 30,000 target number of daily tests bakit hindi pa raw po naaabot. Well kung nasubaybayan ninyo po ang aking mga briefing, Mayo pa po lamang ay umabot na sa 34,000 ang ating testing capacity at itong Hulyo, umabot na siya nang mahigit 74,000. Kaya ang target natin na 30,000 tests a day ay naabot na ngayong buwan. Noong July 9 ay nag-25,000 actual tests na po tayo per day.
Bakit po magkaiba ang numero sa test at testing capacity? Tulad ng halimbawa ko, ang sitting capacity ng jeep ay labindalawa, hindi naman sa lahat ng oras ay labindalawa ang pasahero, mayroong sampu, walo, pito… ganoon din po sa testing per day. Hindi ibig sabihin nito na ang testing capacity ay ganitong numero rin ang maiti-test. Ayon sa Department of Health, isang malaking rason kung bakit ang actual test ay hindi naabot ang rated capacity ay dahil sa lab supplies and personnel. Na-late halimbawa ang pagdating ng supplies, nagkulang ng lab personnel sa dami ng tests.
Pang-apat, sa contact tracers. Nasa 14th report po ng Presidente sa Joint Oversight—Congressional Oversight Committee ang kasagutan dito. Sa 14th report, nakasaad na may mahigit 54,000 contact tracers as of June 24. Ngayon nasa 69,000 na po at patuloy na tumataas ang bilang per DILG. Kukuha po tayo ng additional contact tracers na hindi bababa sa 50,000 sa ilalim po ng Bayanihan 2 para po ma-boost pa iyong ating contact tracing capability and efforts.
Panglima, sa PCR test para sa mga Locally Stranded Individuals, ang LGU po ang may awtoridad na magsagawa ng anumang test na nais nila sa mga LSI kapag pumasok na ito sa kanilang mga lugar. May nagpapa-PCR test, mayroon namang nagpapa-rapid test pero lahat po sila bago umalis ng Maynila, at least mayroon po silang rapid tests. Kaya rin naman po nating gawin ito sa Metro Manila provided masunod ang DOH protocols. Lahat ng benepisyaryo ng programang Hatid Tulong ay sumasailalim sa rapid test bago po sila umalis.
Panghuli, sa pampublikong transportasyon, ang layunin ng ating Public Utility Vehicle Modernization Program ay mapalitan ang boundary system ng fixed salary and renumeration package para sa mga tsuper at operator ng jeep. Ginagamit na rin natin ang contactless payment system sa mga Transportation Network Vehicles Services (TNVS), modern PUVs, taxis at buses. Isusunod na ang contactless payment sa railways, aviation at maritime sectors. Sa katunayan, sinimulan nang i-digitize po ang koleksiyon ng port charges gamit ang Electronic Payment Portal (EPP) ng Philippine Ports Authority. Pinayagan na rin natin ang mga operator at tsuper ng mga jeep na bumiyahe sa kondisyon na sila ay road worthy at may valid insurance. Nagsimula na rin noong nakaraang buwan, bago pa po sumulat si VP Leni, ang construction ng protected bike lanes along EDSA. Inaasahang ito ay matatapos sa buwan ng Nobyembre.
Puntahan po natin ang sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa. Well, mayroon po tayong 46,803 na aktibong COVID-19 cases ayon sa latest report ng DOH. Sa mga aktibong kaso, 90.1% po ang mild; 9% ang asymptomatic; 0.5% ang severe; at 0.4% ang kritikal. Dahil siyam sa sampu ay mild cases, kasama na rin diyan ang kakayahan ng ating mga ospital, patuloy po ang pagtaas ng gumagaling. Mayroon na po tayong 23,623 na po, ang nai-report na gumaling; samantalang may anim na nai-report na binawian ng buhay kahapon kaya ang sumatotal na po ay 1,843 ang mga namatay dahil sa virus.
Makikita naman po natin sa sumusunod na infographic ang hospital beds and mechanical ventilators for COVID-19 as of July 19, 2020: Mayroon po tayong 1,367 total ICU beds; 707 or 51.7% po ang occupied at 660 or 48.3% ang available – ibig sabihin, iyan po ay moderate risk lamang; 10,653 naman po ang ating total isolation beds – 5,420 or 50.9% ang occupied; 5,233 or 49.1% ang mga available pa po. Ang bilang naman po ng ward beds ay nasa 3,714; 2,088 or 56.2% ay occupied; 1,626 or 43.8 ay available. Marami pa po tayong ventilators, mayroon po tayong 1,951 at 567 or 29.1% ay ginagamit; 1,384 or 70.9% pa po ang pupuwedeng gamitin.
Kanina po, dumalaw po tayo sa SM MOA Arena kung saan mayroon tayong mega swabbing center na nagti-test po ng 2,000 hanggang 2,500 na katao kada araw galing sa iba’t ibang parte ng Metro manila. Panoorin po natin ang ating bisita: Nakikita ninyo po ngayon iyong ating mga mega swabbers na nakasuot ng PPEs, kinakailangan po silang magsuot ng PPEs dahil kapag mayroon pong nagpositibo sa virus eh buhay na virus po iyan. Ito po iyong waiting area doon sa loob mismo ng MOA Arena at diyan po talaga kinukuha iyong mga swabs noong mga tao. Mayroon pong mga booths kung saan pupunta ang ating mga kababayan para sila po ay makunan ng swabs.
Swabs lang po ang kinukuha rito, pinadadala po sa laboratory iyan para malaman kung positive or negative. Kahit anuman po ang resulta, ipadadala po sa ating mga kababayan ang resulta via electronic mail or e-mail.
Ganyan kadami po iyong swab facilities natin. So bagama’t mahaba po ang pila, mabilis naman po ang galaw ng pila.
Okay. Na-interview rin po natin ang PNP Police Colonel na in-charge po sa mega facility na iyan, iyong mega swabbing facility at saka si Secretary Vince Dizon, ang ating testing czar. Panoorin po natin ang interview natin sa kanila.
[RECORDED INTERVIEW]
SEC. ROQUE: …arena kung saan naririto po ang isang mega swabbing center na binuksan po ng ating gobyerno – isa sa apat na mega swabbing centers dito po sa Metro Manila. Importante po itong swabbing center na ito dahil sabi nga ng WHO, ang panlaban natin sa COVID ay test, test and test.
Kasama po natin ngayon si Police Colonel Jess Austria. Colonel, gaano kadami po ang nagpupunta rito sa mega swabbing center kada araw?
COL. AUSTRIA: Marami po, sir. Actually, nagki-cater po tayo ng mga LGUs, at the same time pati iyong mga returning OFWs, LSIs and pati na po iyong AFP ngayon – iyong Philippine Navy, Philippine Army at saka Philippine Air Force po.
So nag-a-average po tayo ng mga 2,000, mga ganoon po sa isang araw po.
SEC. ROQUE: Two thousand a day ha, at lahat po iyan ay nasa-swab ‘no.
COL. AUSTRIA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Eh paano ninyo naman po nami-maintain ang social distancing at saka iyong kaayusan dito?
COL. AUSTRIA: Ang ginagawa po natin is iyong scheduling, sinasabihan po natin iyong mga LGUs para kung ma-arrange po iyong transportation nang hindi po sila magsabay-sabay, sir.
SEC. ROQUE: Okay. So anong mga LGUs po ang nagpupunta dito?
COL. AUSTRIA: Nandito po iyong Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Zapote, at Manila po – marami pong pumupunta dito.
SEC. ROQUE: At Manila. Ilan pong mga kapulisan ang mga naririto para masiguro na mayroong social distancing iyong mga tao dito?
COL. AUSTRIA: Actually, sir, mayroon tayong mga security personnel na 8 to 10 na nagpapatupad po ng social distancing, nagbabantay po kung paano i-observe iyong kaayusan dito sa facility po.
SEC. ROQUE: Oho. Congratulations po dahil nakita namin na napakaayos naman ng pila rito, s a labas at sa loob ‘no.
So ano lang po, iyong nasa labas, iyon iyong initial pila?
COL. AUSTRIA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Tapos dito sa loob iyong waiting area?
COL. AUSTRIA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Tapos papasok na sila rito?
COL. AUSTRIA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Police Colonel. Salamat po.
COL. AUSTRIA: Thank you very much po.
SEC. ROQUE: Kasama naman po natin ngayon ang ating Testing Czar, walang iba kung hindi si Secretary Vince Dizon. Sec. Vince, congratulations dito sa mega swabbing facility natin dito sa SM Arena ‘no. Gaanong katagal na itong swabbing facility na ito?
SEC. DIZON: Halos dalawang buwan na po ito. Nagsimula ito noong bandang Hunyo, noong June. Pero ngayon po talagang nag-ramp up na tayo ng mga testing natin. Dito sa facility na ito, mula three weeks ago, umabot tayo ng hanggang 2,000 to 2,500 per day na tini-test dito. At isa lang ito sa apat dito sa Metro Manila.
SEC. ROQUE: Saan pa po iyong tatlo nating ibang mega swabbing facilities?
SEC. DIZON: Mayroon pong isa sa Lungsod ng Maynila, sa Palacio de Maynila. Mayroon pong isa sa norte, sa Philippine Arena naman; at iyon pong isa ay sa City of Taguig.
SEC. ROQUE: Anong oras po nagbubukas itong SM Arena facility na ito?
SEC. DIZON: Alam ko po nagsisimula na sila, ang mga tao ay dumarating na po as early as 7:30, 8 o’ clock.
SEC. ROQUE: At ang pagsara po?
SEC. DIZON: Ang pagsara po, hangga’t po maubos ang mga taong pumupunta dito. Hanggang … minsan aabot ng mga alas sais ng gabi.
SEC. ROQUE: Okay. Kung iyong nanunood po ay gustong magpa-swab dito, paano po ang gagawin niya? Pupunta lang ba siya dito basta-basta?
SEC. DIZON: Opo. Puwede po silang mag-coordinate sa kanilang LGU o puwede rin po silang pumunta dit
SEC. ROQUE: Diretso na po?
SEC. DIZON: Diretso na po.
SEC. ROQUE: So pipila lang, wala nang appointment?
SEC. DIZON: Pipila lang po sila. Wala na pong appointment.
SEC. ROQUE: Paano naman po ang bayad?
SEC. DIZON: Libre po ito under PhilHealth ‘no dahil nga po nag-expand na po tayo ng guidelines natin at iyong ating testing protocol; kaya ngayon po ay talagang napakarami nang tinitest natin. Spox, alam naman natin nag-target tayo ng isang milyon by end of July, ngayon po ay nasa halos 1.3 million na tayo hindi pa natatapos ang buwan ng Hulyo.
SEC. ROQUE: Okay. So ilan pa pong testing ang gagawin natin?
SEC. DIZON: Marami pa po. Ang testing po na target natin ngayon ay ten million tests na. At ang ating per day, umaabot na po tayo nang mahigit 28,000 per day. Noong Marso po, kung maalala ng mga kababayan natin, ay nasa 500 test per day lang tayo noong buwan ng Marso at ngayon po ay halos trenta mil na kada araw ang tini-test natin.
SEC. ROQUE: So mami-meet na natin iyong target natin na 32,000 a day of testing?
SEC. DIZON: Opo. Ngayon pong July, tingin po natin ay mami-meet na po natin iyong target na iyon.
SEC. ROQUE: Oo, sino pa ba ho iyong mga ibang bansa na ganiyan din ang ginagawang testing per day?
SEC. DIZON: Ngayon po ay halos doble na tayo ng ginagawa ng South Korea. Ang South Korea po ay nagti-test ng mga 15,000 per day so halos doble na tayo at isa sa mga pinakamaraming tinitest ang South Korea sa Asia. Kaya po, finally po umabot na tayo sa level na iyon; pero hindi tayo hihinto doon. Talagang sabi nga po ng ating Pangulo, kung kakayanin ay dapat … lalo na dito sa Metro Manila at sa mga urban center natin, kung kakayanin, sana lahat ng tao ay ma-test natin.
SEC. ROQUE: Sec. Vince, ano ba itong tinatawag nilang pooled testing? How does that work>
SEC. DIZON: Ang pooled testing po ay isang paraan na ginagawa nila sa laboratoryo para po hindi na kailangang i-test ang tao kada …isang kada tao. Ang pooled testing po ay ginagamit kapag sa isang grupo, halimbawa mga OFWs, Spox, puwede nating pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFWs. Kapag negative po iyong isang test doon sa sampu o sa dalawampu ay negative na po lahat. Lahat sila negative.
SEC. ROQUE: Eh paano kapag positive?
SEC. DIZON: Kapag positive po, papaliitin po ang pool. So magmula dalawampu, gagawing sampu. At kung iyong isang sampu ay negative, negative na lahat iyong sampu.
Ngayon, kung iyong isang pool ay may positive, hahanapin po, papaliitin po nang papaliitin iyong pool hanggang mahanap iyong positibong pasyente.
SEC. ROQUE: Oo. Pero anong test ba ang ginagamit dito sa pooled testing? PCR or rapid testing?
SEC. DIZON: PCR po.
SEC. ROQUE: PCR din po ito.
SEC. DIZON: Opo, gold standard din po ang gagamitin.
SEC. ROQUE: So ibig sabihin, kapag mayroon tayong isang testing kit, pupuwedeng hanggang bente mati-test natin.
SEC. DIZON: Puwede po iyon.
SEC. ROQUE: So kung gagamitin itong pooled test at mayroon pa tayong sampung milyong test kits, kaya nating i-test lahat ng Pilipino kung gagamitin ang pooled testing?
SEC. DIZON: Hindi naman po lahat ‘no. Siyempre kailangang iriserba natin po iyong mga test para sa mga area kung saan talaga nangangailangan, lalo na iyong mga area na matataas ang incidence ng COVID-19.
Pero po sa Metro Manila, kagaya ngayon, dumadami nang dumadami ang ating mga kaso, dapat talaga damihan talaga natin ang mga tini-test natin sa mga area tulad ng Metro Manila.
SEC. ROQUE: Oo. Nagsalita kasi si Presidente kung pupuwede bang i-test lahat ng mamamayan. Dahil ang epicenter ng COVID ay Metro Manila, kung gagamitin na natin ang pooled PCR testing, kaya ba natin ang lahat ng 14 million dito sa Metro Manila?>
SEC. DIZON: Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing. Tingin ko po ay lalabas na po iyan sa review ng Department of Health.
SEC. ROQUE: So ibig sabihin, magkakaroon ng katuparan iyong gusto ni Presidente na lahat ng Pilipino ay ma-test, at least sa simula dito sa Metro Manila.
SEC. DIZON: Opo, lalo na sa mga epicenter na tinatawag nila.
SEC. ROQUE: Iyong mga nagpapa-swab dito, ilang araw po ang resulta nila?>
SEC. DIZON: Opo. Umabot po ng hanggang tatlong araw lang ay matatanggap na nila iyong resulta nila, at electronic na po ito lahat.
SEC. ROQUE: Sa e-mail nila matatanggap?
SEC. DIZON: E-mail po. Makakatanggap sila ng text message galing sa Philippine Red Cross na ginagamit nating laboratoryo dito. At makakatanggap din sila ng e-mail. Kung wala naman silang e-mail, makukuha po iyon ng kanilang mga LGU, at iyong kanilang LGU po ang magsasabi sa kanila ng kanilang resulta.
SEC. ROQUE: Okay. Maiba naman po tayo ‘no. Matapos po nating ma-test, siyempre dahil sa Oplan Kalinga, sinasabi natin kung walang sariling kuwarto, walang sariling banyo, kinakailangang pumunta sa isolation centers. Ilan ba hong isolation centers natin dito sa Metro Manila?
SEC. DIZON: Sa Metro Manila, mayroon po tayong anim na malalaki. Ang equivalent po niyan ay mga 3,000 beds.
SEC. ROQUE: Ito po iyong We Heal as One Centers?
SEC. DIZON: Ito iyong We Heal as One Centers. Kaya lang, dahil nga po sa pagdami din ng tini-test natin, sa pagdami ng kaso, medyo napupuno na po sila. Kaya under Oplan Kalinga po, ang ginawa natin noong nakaraang linggo, sa tulong ng ating Department of Tourism, ay marami po tayong mga kinuhang mga hotel—
SEC. ROQUE: Talaga ho ha! Naka-hotel na ha.
SEC. DIZON: Opo, para gamitin ng ating mga kababayan na magpopositibo. So naka-coordinate po ito sa mga local government units. Binabantayan po iyan 24/7 ng ating kapulisan para po siguraduhing hindi sila lalabas at mayroon din pong nag-aalaga sa kanila at libre din ang pagkain.
SEC. ROQUE: So ibig sabihin, bukod sa 3,000 sa mga We Heal as One Center na pinatatakbo ng national government, mayroon pa tayong mga hotel rooms. Ilan na pong mga hotel rooms iyan?
SEC. DIZON: As of today po, may mga halos 2,000 po tayong nakuhang hotel rooms at marami na pong mga na-occupy ng ating mga kababayan na asymptomatic na positibo sa iba’t ibang LGUs sa Metro Manila.
SEC. ROQUE: Baka naman sabihin ng taumbayang, pipitsuging hotel iyan. Anong mga hotel po iyan?
SEC. DIZON: Ay ito pong mga hotel natin sa Metro Manila ay iyong mga Go Hotel, Sogo Hotel, Astrotel. Iyon pong mga hotels na talagang komportable na magagamit ng ating mga kababayan habang sila ay gumagaling.
SEC. ROQUE: Eh sino naman po ang magbabayad ng mga hotel na iyan?
SEC. DIZON: Bayad po iyan lahat ng national government.
SEC. ROQUE: So ang kailangan lang talaga, magpasundo, at libreng hotel habang nasa isolation.
SEC. DIZON: Opo, pero lahat po iyan ay dumadaan sa mga LGU. Sa atin pong mga hotel, hindi pupuwedeng walk-in kasi kailangan po ang LGU natin ang magdadala sa mga pasyente sa mga hotel isolation facilities dala ang positive result ng bawat pasyente.
SEC. ROQUE: Alam ko iyong mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, mayroon din silang tinatawag na Ligtas Center na local isolation.
SEC. DIZON: Mayroon po.
SEC. ROQUE: Mga ilang bed capacity ang localized isolation?
SEC. DIZON: Right now po sa NCR, mahigit 10,000 po iyan.
SEC. ROQUE: Wow! So all in all, mayroon na tayong mahigit kumulang mga 15,000 bed capacity for isolation.
SEC. DIZON: Opo, pero kailangan pa rin po tuluy-tuloy tayo. At si Secretary Villar po ang ating isolation Czar ay gumagawa na ng mga panibago pang malalaking isolation facility. Pero in the meantime, habang hinihintay natin iyon, kailangan mag-isip tayo ng mga innovations, kaya po itong mga hotel natin sa Metro Manila ay ginagamit na rin natin.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, kaibigan – si Secretary Vince Dizon ang ating testing Czar. Balik na po tayo sa ating press briefing at simulan na po natin ang open forum. Sana ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, sana po bigyan ninyo ako ng passing grade bilang isang reporter.
Simulan po natin. Joyce Balancio, ABS-CBN.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon po, Secretary Roque.
Sir, several experts from Health Sciences in UP have given the government a failing grade for its COVID-19 response. Sabihin ko lang po iyong ilan sa mga dahilan nila. Sabi po ni Dr. Joshua San Pedro, co-founder of Coalition for People’s Right to Health, sabi po niya with the continuous rise of COVID-19 infections, kulang daw po sa effectiveness at parang back to square one po tayo. Sabi din po niya, tayo na lang ang nag-iisang bansa sa Western Pacific Region ng WHO na may community transmission. Si UP College of Medicine Associate Professor Edelina Dela Paz, sabi naman po government response was not consistent; wala raw pong malinaw na plano. At si UP Professor Michael Tan criticized the excessive use of military and police personnel in implementing measures against COVID-19. Any reaction po, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, siguro po tinatanggap natin lahat ng reaksiyon lalo na ng aking mga taga-eskuwela diyan sa UP. Alam po ninyo ang IATF, talagang malaki po ang tiwala at malaki po ang ginagamit na serbisyo ng mga taga-UP mula po doon sa kanilang forecast, doon po sa team na headed ni Professor Lagmay. So siguro po iimbitahan ko na lang itong tatlong nagsalita para tumulong po sa IATF nang sa ganoon, hindi na nila masabi na failure tayo. So, you are all welcome to join po the pool of experts ng IATF, and I will personally make sure that letters of invitation are sent to the three colleagues of mine from UP.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. On SONA, Secretary Roque. Mayroon na po ba kayong dagdag na sa detail that you can share with us, like for example who are the 15 Cabinet members who will join the President? And will the list include Executive Secretary Salvador Medialdea who was recently exposed to PSG personnel, eight of them tested positive for COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko pa po alam kung sino iyong 15 Cabinet members. I can confirm that I will be in Batasan Pambansa. I will be counted as one of the 15 Cabinet members. But I will be taking my seat as a former member of Congress.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Si ES, wala pa po tayong balita po, Secretary?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung ano ang desisyon ni ES, bagama’t tapos na po iyong takdang araw at nagpa-PCR test na siya. Ang PCR test po kasi is most accurate, five days after the exposure. Alam ko po, tapos na iyong five days when the PCR test was administered to him. So, accurate na po iyong negative result ni ES.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po for me, Secretary. Former Supreme Court Justices Antonio Carpio and Conchita Carpio-Morales joined the other petitioners in the Supreme Court, asking the high court to declare as unconstitutional ito nga pong Anti-Terrorism. It appears that many petitions have been filed already in the high court at kasama na nga po itong legal luminaries, former Supreme Court Justices, baka po mas maging [garbled] iyong kanila pong opinion kapag pinag-usapan na po ng kanilang former colleagues in the Supreme Court iyong mga petisyon po?
SEC. ROQUE: We welcome all these petitions. After all, it is the Supreme Court that will uphold the supremacy of the Constitution. So, maraming salamat din po sa kanila dahil mabibigyan ng linaw kung talagang labag sa Saligang Batas po itong bagong batas laban sa terorismo. Usec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Question from Louell Requilman of Banat Pilipinas News Davao Media: In a presser, DSWD Secretary Rolando Bautista responded sa sinabi niya na nababagalan po ang Malacañang sa distribution ng SAP second tranche, then he gave an update na nasa 3.5 million overall beneficiary pa lang po ang nabibigyan nila ng ayuda. It is 3.5 million mula sa target nilang 18 million beneficiaries. Sa tingin po ninyo makakaabot ba sila sa deadline nilang 80% distribution sa end of July?
SEC. ROQUE: Well, hindi pa naman po tapos ang end of July. So, hintayin po natin ang end of July. Pero sa ngayon po, hindi na lang three million ang nabigyan nila. Mayroon na po silang nabigyan na 3, 786,143. Ako naman po ay kampante na kapag talagang gumana na iyong electronic transfers nila, eh siguro 80%, isa o dalawang araw tapos iyan. So hintayin muna po natin ang katapusan ng Hulyo dahil iyan naman po ang ipinangako ng DSWD na at least 80% ang maibibigay nila pagdating ng katapusan ng Hulyo.
USEC. IGNACIO: Second question from Louell: Are there no specific orders from the President na madaliin na ang pamamahagi ng ayuda? Kagaya na lang noon sa mga OFW na nasa isolation areas na dalawang buwan nang nag-hihintay ng COVID test result kung saan the President gave an ultimatum to DOLE na mapauwi agad ang mga ito. Can we expect the same ultimatum from the President para naman sa DSWD?
SEC. ROQUE: Magkikita po muli kami ni Presidente sa Biyernes, tatanungin ko po siya.
Thank you, Usec. Joseph Morong, please, GMA?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon. Sir, sa SONA muna. Can you walk us through kung ano ang mangyayari because this is going to be different considering that we have COVID, limited audience? Can you walk us through what’s going to happen on Monday? And then, can you give us an idea on what’s going to be there aside from the Congress? Iyon po bang pamilya ni Presidente will be there? What about the length of the speech? Will this be aired live, of course?
SEC. ROQUE: Yes, it will be aired live. But alam ko po limited talaga. I made a request to sit with my former colleagues in the House, it was granted. Pero ang bilang, I was counted as part of the Malacañang delegation, as one of the 15 Secretaries. So strict po sila – 50 legislators, I think, 15 Cabinet members. That’s what I know so far. But I think Malacañang was given a specific number because it includes the Presidential Security Group, iyong PSG.
Ang alam ko lang po, lahat ng papasok po sa loob ng Batasan will be subjected to PCR testing on Sunday, the night before. At lahat po ng nasa grounds ng Batasan will be administered also rapid test. As far as the speech of the President is concerned, sinabi ko na, what will definitely be in the speech will be a roadmap for recovery. But as far as the other details are concerned, I’d rather that the nation listens to the President on Monday.
JOSEPH MORONG/GMA7: And the President will be with his family on Monday?
SEC. ROQUE: I am not sure yet. Nakalimutan kong tanungin iyan. But, I would understand if siguro hindi makakarating. But I am sure, I am not saying they will not be there, basta the entire Office of the President was given x number of seats and it’s been allocated to include 15 Cabinet secretaries.
So marami-rami pa po iyong slots left for the President, pero marami po doon, as you can imagine, is the Presidential Security Group.
JOSEPH MORONG/GMA7: Of course si Presidente, mag-PCR test din, sir ‘no?
SEC. ROQUE: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa IATF lang. You mentioned, I think, maybe—ano ba ngayon? Thursday, Tuesday, you said that the IATF will come up with a uniformed guidelines para sa lahat ng LGUs in order to deal with iyong mga mask violation. I’m interested—kasi also si Secretary Año mentioned some features of that guideline. I’m interested kung mayroon na tayong guidelines that we will follow, for the police to follow with regard to mask violation?
SEC. ROQUE: Hindi po IATF iyan. Ang sabi ko po, uniformed ordinance. So, hindi pa po napapasa ng mga lokal na pamahalaan ang uniformed ordinance. Ngayon po, hindi ko masabi kung ano talaga ang parusa sa non-wearing of mask kasi iba-iba po iyong mga ordinansa na ipinasa ng mga lokal na pamahalaan maski dito sa Metro Manila. Ang common lang po so far is iyong curfew na ten to five.
So, ang pagpapatupad po ng non-wearing of mask, well, nakadepende po iyan sa umiiral na ordinansa kung saan po maa-apprehend ang isang tao. Pero asahan ninyo po na magkakaroon talaga ng uniformed ordinance.
JOSEPH MORONG/GMA7: Can I have one last question? Is the government interested in bringing back iyong mga quarantine protocols because if the problem now given the increasing number of COVID is mobility, ibig sabihin marami tayong nasa labas, will the government consider reimposing again iyong mga quarantine passes at least to cover iyong mga hindi nasa APOR and iyong mga workers allowed streets?
SEC. ROQUE: Actually, iyan po ay imumungkahi ko mamaya sa meeting ng IATF dahil iyong aking isang kasama po sa trabaho na panandaliang nasa probinsiya, isang obserbasyon nga niya sa probinsiya maski MGCQ na, hinahanapan pa rin ng quarantine passes para ma-discourage po iyong paglabas ng tao. So, siguro isa po sa imumungkahi ko mamaya na dahil GCQ naman tayo, kinakailangan pa rin na sitahin at hanapan ang mga tao ng kanilang quarantine passes para mabawasan pa rin iyong mga lumalabas without having to lockdown the economy again.
JOSEPH MORONG | GMA7: So, you think that will help in controlling the mobility at least?
SEC. ROQUE: Mungkahi ko pa lang po iyan, hindi pa po iyan aprubado ng IATF. Nililinaw ko lang po. Okay?
JOSEPH MORONG | GMA7: All right.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. We go again to USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield of Daily Tribune: Recently daw po naglalabasan ang reports ng mga vaccine na pumasa sa initial trial or test. Is the government this early communicating with the government of these countries para daw po ma-advance order tayo in case na dumating iyong time na may vaccine na for COVID-19? Magkano kayo ang ilalaan ng gobyerno na budget to buy the vaccine at ilang milyon po ang balak nating bilhin?
SEC. ROQUE: Sagutin ko muna kung magkano. Ang sabi ni Presidente kahit magkano iyan hahanapan niya ng pondo, so huwag na tayong nag-usap kung magkano iyan. Kahit magkano iyan, ang sabi niya, inulit po niya, ‘Ibebenta ko ang lahat ng ari-arian ng gobyerno para makabili ng vaccine’. Bagamat tutol po diyan si Finance Sec. Dominguez pero iyan po talaga ang paninindigan ng ating Presidente.
Tayo po ay mayroong independiyenteng relasyon or independent foreign policy at dahil po diyan inaasahan natin, dahil kaibigan tayo ng lahat, ng Tsina, ng Russia, ng Amerika, ng Europa, na kung sinuman ang maka-develop ng vaccine ay tayo po ay itinuturing na kaibigan nila.
Ang alam ko po, tatlo na ngayon ang vaccine na nasa third stage of trial na – isa sa Tsina, isa sa Inglatera at isa yata sa Amerika. At pagdating po sa Amerika, sinabi po ni Ambassador Romualdez na nakikipag-ugnayan na sila sa mga gumagawa ng vaccine para makabili tayo.
Pagdating naman sa Tsina, eh in-assure na po ng President Xi ang ating Presidente na isa tayo sa unang makikinabang pagdating sa vaccine. At ang Inglatera naman po, iyong Oxford vaccine, nagsabi na po sila, ibebenta nila ito at cost at ang cost po if I’m not mistaken parang under $3 ang isang vaccine. Ang pangako ng University of Oxford hindi po nila tutubuan.
USEC. IGNACIO: Question of Rose Novenario of Hataw. Narito po ang kaniyang tanong: Ano ang government action po sa mga private companies na hindi nagpapatupad ng health protocols tulad po daw ng Fluor Daniel Inc. sa Muntinlupa? Engineering and construction na pinapapasok din ang mga empleyado at hindi nag-disinfect ng opisina kahit na mayroong seven na nag-positive for COVID? Mula po kay Rose Novenario.
SEC. ROQUE: Well, ibinibilin ko na po ngayon sa aking staff, sa aking magiting na ASec. Queenie, paki-coordinate po ito sa DTI at sa DOH dahil mayroon pong visitorial powers ang DTI at DOH. Papuntahan po itong establisyementong ito para makumpirma kung talagang hindi po sila nagpapatupad ng safety measures at ipataw ang dapat ipataw na parusa.
Thank you, USec. Punta naman tayo kay Melo Acuña.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. I just got a question from [garbled] Will there be plans from the government [garbled]
SEC. ROQUE: Naku. Melo, take two, please dahil garbled ka. Take two, dahan-dahan din para maintindihan ko iyong question. Go.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I just got a question from [garbled]
SEC. ROQUE: Mayroon na pong planong binuo ang DOH kung paano madi-distribute ang vaccine na iyan at handa po tayo sa proseso na mai-distribute iyan kung magkaroon talaga ng vaccine. At mayroon naman po talagang programa kung paano natin idini-distribute iyong iba’t ibang vaccine din na kinakailangan ng ating mga kababayan.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: [Garbled] to encourage [garbled] but the problem is there is [garbled] considering the [garbled] mandated by local government units, Mr. Secretary?
SEC. ROQUE: Naku… garbled. Hindi ko nakuha ang tanong. One more time, dahan-dahan.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: All right. Airline companies have introduced budget fares but it seems people lack in confidence to travel because of the different protocols or quarantine requirements sought by LGUs. Can we have your take on this, Secretary?
SEC. ROQUE: Okay. Narinig ko na po iyan sa NTF na isusulong nila ang common protocol. Dapat i-adopt ng mga lokal na pamahalaan pagtanggap ng mga biyahero sa kanilang mga lugar. Siyempre po, iyong iba’t ibang polisiya ng iba’t ibang local government units iyan po ang dahilan kung bakit napipigilan ang ilan para bumiyahe. So ang solusyon po diyan, magsu-suggest tayo ng common guidelines to be adopted by LGUs; pero siyempre po, kinakailangan ma-convince muna natin ang mga LGUs.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mayroon po kayong reaksIyon sa kahilingan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na buksan ang ekonomiya upang makabawi ang kalakal sa bansa?
SEC. ROQUE: Sang-ayon po kami diyan 100% kaya nga po ang mensahe natin bagamat nandiyan pa po ang COVID-19, kinakailangan ingatan ang buhay para po makapaghanapbuhay.
MELO ACUÑA|ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Back to USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Kinontra po mismo ng DOH ang iminungkahi ni Pangulong Duterte na paggamit ng gasolina bilang disinfectant para sa mga face mask. Para sa DOH, single use o isang beses lang maaaring gamitin ang mga surgical mask at hindi ito puwedeng hugasan dahil may mga components ito gaya ng filtering mechanism na maaaring mawala ang epekto. Ano daw po ang basehan ng Pangulo sa kaniyang naging rekomendasyon? At kung biro naman iyan ay tama ba daw po na magbiro sa panahon ngayon na may krisis?
SEC. ROQUE: Kayo naman… apat na taon na si Presidente, parang hindi ninyo pa kilala si Presidente. Joke only. Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina ano. Pero pagdating po doon sa mask, ang sabi kasi niya, gusto niyang mamigay ng libreng masks so kung hindi sa lahat ng Pilipino, sa maraming Pilipino lalong-lalo na sa mahirap. So ngayong sinasabi na single use lang ang mask, ipararating po natin kay Presidente iyan.
Pero iyong cloth mask, at ako mas gamay ako sa cloth mask, eh puwede pong hugasan iyan. Ako po, nilalabhan ko. Mayroon akong apat o lima na nilalabhan at parehong kulay dahil mas komportable ako diyan. Bagamat sabi nga nila ang cloth mask hindi pa rin kasing epektibo ng N95 o hindi naman kaya ng surgical masks.
Okay? Thank you, USec. Pia Rañada of Rappler, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, sir? Can you hear me?
SEC. ROQUE: Yes, I can hear you.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes. Go ahead.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, [garbled] fifteen petitions po kasi—
SEC. ROQUE: Wait, wait, garbled ka. Slowly, please. Garbled ka parang si Melo. Go ahead. Now, go…
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, in the Anti-Terror Law, there are petitioners who are saying that the problem with the law is the vagueness of the terms especially on the kinds of crimes punished by the law and the DOJ insisted that there needs to be an IRR to thresh out mistakes. Sir, given these concerns, does the President have any guidance to the Anti-Terrorism Council on how it will define the types of protests or rallies that cause serious risk to public safety? In what instances can a protest or rally be deemed as serious risk to public safety?
SEC. ROQUE: Well, I think—although garbled ka, I think your question has to do with whether the President has any guidelines to the Anti-Terror Council on public gatherings ‘no. Well as you know the President is a lawyer, he knows the constitutional provision on freedom of expression including the right to peaceful assembly and he has been in office for 4 years, I don’t think anyone can claim that he is one to clampdown on public gatherings.
Even at the time of pandemic, several individuals were able to rally against the Anti-Terror Law in University Avenue in UP, and even in the upcoming State of the Nation Address, I understand that there is already an agreement between the Quezon City government and protesters that they can protest from 10 to 12 ‘no. So that shows the commitment of the President to right to freedom of expression and the right to peaceful assembly.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, how will the government define that provision, iyong serious risk to public safety? If for example, a rally claims up EDSA which is a major thoroughfare and it affects many people, its major infrastructure, is that then—can that be considered an act of terrorism?
SEC. ROQUE: No, I don’t think so because the construction of the law will have to be in line with jurisprudence and jurisprudence says that the road since time immemorial have always been held in trust for the people to use among others for peaceful redress of grievances.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. So, sir, how about the term inciting to commit terrorism or inciting to terrorism, is it enough for a person to say, “Oh this other person cited me to commit an act of terror,” for that other person to be seen as a suspected terrorist?
SEC. ROQUE: Again this is subject to existing jurisprudence, there must be clear and present danger, and jurisprudence has said that the utterance in order to be included in incitement must also—the person speaking must also have the capacity to actually do what he is inciting others to do.
So the example being given of course is an ordinary individual inciting if he has no way to actually carry out what he is inciting others to do, then that is still subject to freedom of expression. But if the person speaking is a member of the Abu Sayyaf and fully armed, then clearly, there is a clear and present danger. Courts have had extensive experience in the Philippines in evaluating when there is clear and present danger.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, sir, last question. On the Oplan Kalinga, how many mild and asymptomatic persons have been transferred to government isolation facilities from their homes?
SEC. ROQUE: They will be picked up by local government units and brought to the isolation centers and we also have established protocols already. I think they will have barangay officials wearing protective gear, if not outright PPEs to transfer them to isolation units.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, iyong question ko is how many have already been transferred?
SEC. ROQUE: Ah, I don’t have the data now because there are LGU-led activities ‘no. We’ll try to collate how many. But according to testing czar Vince Dizon, we’ve had to book at least 2,000 hotel rooms now because apparently our We Heal as One Centers which can accommodate up to 3,000 people is not enough. So we have booked additional 2,000 rooms.
So it seems that the messaging is working. Nakikinig po ang taumbayan. Kung wala kang sariling kuwarto na mayroong sariling banyo at kayo po ay asymptomatic, susunduin po kayo at dadalhin po kayo sa isang air-conditioned isolation center. At maraming salamat po at marami sa inyo na tumugon na dito sa panawagan dahil ito po talaga ang isang epektibong pamamaraan para mapabagal po natin ang kalat ng COVID.
Thank you very much, Pia. Back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN: Sa SONA daw po ng Pangulo inaasahan na ilalatag niya iyong recovery plan ng gobyerno mula sa COVID-19 pandemic. Kumpiyansa ba daw po ang Palasyo na matutupad ni Pangulong Duterte ang pangako niyang comfortable life for all bago matapos ang kaniyang termino lalo na at marami ang nawalan ng kabuhayan at nagugutom dahil sa pandemic?
SEC. ROQUE: Alam mo kaya naman natin paulit-ulit sinasabi kung ano iyong—kung gaano kabuti ang ating ekonomiya bago tayo binisita nitong COVID na ito ay para ipakita na natupad naman ng Pangulo iyong pangako niyang mas komportableng buhay para sa lahat bago nga ang sigalot ng COVID. Tandaan po natin na noong unang tatlong taon at kalahati ng Presidente, nagkaroon po tayo ng pinakamababang hunger figures, napakataas po ng ating growth, ng ating ekonomiya at pinakamabuting credit rating po mayroon ang Pilipinas ngayon bagama’t mayroon pong sigalot na COVID.
So sa tingin ko po, nagampanan po ni Presidente iyong mas komportableng buhay para sa lahat, medyo naantala dahil sa COVID pero mayroon pa namang dalawang taon po na natitira sa termino at maibabalik po iyang mas maraming Pilipinong magkakaroon ng mas komportableng buhay. Ang kailangan lang po tulung-tulong tayo, bayanihan, kapit-bisig.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Pia Gutierrez: Sapat ba ang pagkakaroon ng magandang macro-economic fundamentals ng gobyerno bago ang pandemic para masiguro na makakaahon ang bansa mula sa pandemic? and without pre-empting the President’s speech, ano po ang aksyon na maasahan ng taumbayan mula sa gobyerno sa mga susunod na taon?
SEC. ROQUE: Ang konteksto po ng napakabuting economic accomplishments natin ay para ipakita na kakayanin nating makabangon dito sa pandemya ng COVID. Iyong ibang masama na po ang ekonomiya, mas mahirap silang makabangon. Pero kampante pa rin tayo sa isang V shape recovery dahil napakalakas nga ng ating ekonomiya, kakayanin po natin ito.
Pagdating naman po doon sa sasabihin ni Presidente eh siguro antayin na lang po natin, talagang hindi ko po pangungunahan ang Presidente, pero naririyan din po iyong Bayanihan 2 na sigurado ako na ise-certify as urgent at iyong Bayanihan 2 naman po isa po iyan sa napaka-malakas na sandata na gagamitin para tayo po ay makabangon dito sa aberya ng COVID.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Pia Gutierrez. Reaksyon daw po ng Palasyo sa bagsak na grado na ibinigay ng mga medical experts sa COVID-19 response ng gobyerno. Sabi daw po ni dating UP Diliman Chancellor at Professor Emeritus Michael Tan, grading F, as in ‘falpak’ ang ibibigay niya sa Duterte administration, matapos ang apat na buwan na lockdown na hindi naman umano napigilan ang pagkalat ng sakit, pero nagpababa lamang ng kondisyon ng pamumuhay lalo na daw po ng mga mahihirap.
SEC. ROQUE: Alam mo, pareho naman kaming hindi doctor ni Chancellor at kaibigan kong matalik si Chancellor Tan. Pero gaya ng aking sinabi kanina, imbitahan na lang po namin sila para matulungan po ang IATF, dahil sa ngayon naman po talagang ang laki po ng alalay na binibigay ng UP bilang isang institusyon at iyong mga indibidwal na mga faculty members ng UP sa ating IATF. And we would welcome them, I will personally send them a letter of invitation. So Chancellor Tan, if you are watching, lagot ka, mas marami ka nang trabaho ngayon.
USEC. IGNACIO: Last two questions po ito, Secretary. Mula kay Julie Aurelio on the suspension of non-essential outbound travel: Can we have details as to which insurance company agreed to provide insurance coverage? What next steps will the government take to encourage more insurance companies to provide coverage or will the IATF revise its requirements for non-essential outbound travel?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong kumpanya iyon, at hindi ko rin iaanunsyo maski alam ko po. Pero ang punto po ay suspendido po muna ang non-essential travel hanggang makahanap po tayo nang mas maraming insurance company. Siguro po iisa-isahin, ipapadala po natin ang komunikasyon sa insurance commissioner, sa insurance commissioner natin ngayon sa Insurance Commission para sila na po ang humingi sa mga insurance companies na kinakailangang magbigay ng ganitong insurance coverage.
USEC. IGNACIO: Okay, last question po ito, Secretary Roque. Mula kay Randy Cañedo ng DABIGC News. Isang staff daw po ng Philippine Embassy sa Malaysia, sinabihan po ang isang OFW na less priority sa chartered flights, kasi para lang daw po ito sa mga turista. Problema lang naman niya, two booking na niya ang na-cancel, expired na po ang visa at na-isyu na ang memorandum checkout ng Malaysia. Ang masakit daw po sinabihan siyang less priority, sa employer na magpatulong kasi wala naman daw pong nakinabang sa kanya. Ang complainant po ang pangalan ay Rowena Jupiter Pore.
SEC. ROQUE: Rowena, please contact my office. Kung gusto mo by email spox@harryroque.com. Buldyakin natin kung sino iyan.
Okay, one last question pala si Pia Rañada.
PIA RAÑADA: Sir, follow up lang doon sa Oplan Kalinga. Is it a lapse on the part of government given [garbled] to isolate at home if they are asymptomatic?
SEC. ROQUE: Well, I think, hindi naging malinaw kasi iyong sinabi ng DOH that the asymptomatic and mild can stay home, hindi nila nilinaw that you must have your own room and bathroom. Kaya tingin ko, isa sa dahilan ito kaya tumaas ang numero natin.
Pero we are rectifying it now, we have fully intensified our testing. You heard Testing Czar Vince Dizon, we might be able to test every single person in Metro Manila. Kailangan lang natin damihan din iyong isolation centers natin dahil baka mamaya alam natin ang positive, walang sariling kuwarto, walang banyo, hahawaan pa rin iyong pamilya.
So, I think ika-calibrate natin iyong intensified full testing natin with the building of more isolation centers. Kasi nakita natin, mga wala pa namang two weeks natin ini-announce itong Oplan Kalinga, napupuno na iyong ating isolation centers ‘no. So talagang ganoon kadami ang nakikita nating positive because of intensified testing daily. So—well, I have to recognize na the DOH perhaps should have been clearer at the onset na stay at home if you have your own room and your own bathroom.
PIA RAÑADA: Okay. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Thank you. So, kung wala na po tayong questions, nagpapasalamat po kami sa aking partner Marie Yao dahil doon sa kaniyang tinulong, napakadami po kasing naka-isolation sa PTV 4. So ang crew ni Mareng Yao ang nag-shoot ng video. Naubos na po ang cameramen namin dito ngayon sa aming makeshift OPS office, mayroon na naman pong dalawang nag-positibo kaya iisa na lang po ang cameraman namin. Mabuti na lang po mabubuksan na muli ang opisina ng OPS sa Lunes, ang problema mayroon pa po ba kaming cameraman para mag-on air.
Huwag po kayong mag-alala kahit mawala po ang mga cameraman, kung ako na po mismo ang magka-cameraman habang ako rin ang nagpi-press briefing, gagawin po natin iyan dahil ang COVID is here to stay. At kinakailangan po patuloy ang buhay natin, patuloy ang pagtrabaho natin, patuloy po ang pag-discharge ng ating mga katungkulan.
So sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, sa ngalan po ng PTV 4 na napakadaming mga naka-isolation na cameraman, sa ngalan po ng OPS na natatakot dahil ang daming nag-test positive na naman po sa New Executive Building—sa RTVM pala, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Laban tayo sa COVID. Kaya po natin ito. We will heal as one.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)