SEC. ROQUE: Magandang araw, Usec. Rocky. Magandang tanghali, Pilipinas.
Wala pa pong desisyon ang ating Presidente kung ipagpapatuloy, ili-lift o ire-relax ang ating ECQ. Ganoon pa man, inaasahan po natin ang kaniyang desisyon anong oras po ngayon!
Ganoon pa man ay nais ko pong ibahagi muna ang isang napakagandang balita, at ito po ang finding ng isang survey ng prestihiyosong Gallup International kasama po ang kanilang local partner na Philippine Survey and Research Center, Inc. Nagpapasalamat po ang Pangulo dahil 80% ng lahat ng Pilipino ay may opinyon na maganda naman ang paghawak ng ating gobyerno dito sa isyu ng COVID-19.
Sang-ayon din po dito sa survey, 86% po ng ating mga kababayan ay handang magsakripisyo ng ilan ng kanilang mga karapatan para po sa pagpigil ng paglaganap ng COVID-19. At 88% po ang nagsasabi na talagang sila ay sadyang natatakot na sila mismo o di naman kaya ang kanilang mga kaanak ay baka magkasakit ng COVID-19.
Asahan ninyo po na kung anuman ang magiging desisyon ng Presidente ay a-address-an po niya itong ating kinakatakutan na baka tayo ay magkasakit. Naiintindihan po niya na napakahirap ng ECQ at gagawin po niya ang pinakamagaling para sa sambayanang Pilipinas.
At mahalaga po itong findings ng Gallup poll dahil sang-ayon po sa isang pag-aaral ng Johns Hopkins University, sila po ay nagbabala na ang Southeast Asia ay posible pong maging susunod na hotspot para sa coronavirus.
Inaasahan po natin na ang Presidente ay magdedesisyon sang-ayon po sa siyensiya. Ibabalik ko po itong graph na paulit-ulit na nating pinapakita. Itong graph pong ito ay nagpapakita kung ilan ang posibleng magkasakit kung tayo po ay magli-lift ng ECQ o di naman kaya ay magre-relax ng ECQ.
Makikita po natin na itong itim po ay iyong numero ng mga magkakasakit kung magpapatuloy ang ECQ – pababa po iyan habang lalong tumatagal ang ECQ. Pero hindi nga po natin pupuwedeng sabihin na indefinite ang ating ECQ dahil kinakailangan naman na magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga mamamayan.
Ang ninanais po natin, kung magkakaroon ng relaxation or lifting ng ECQ, dapat ay sapat ang kakayahan ng ating health sector – iyong broken line po – na magbigay ng medical attention sa lahat ng posibleng magkasakit ng COVID-19.
Now, nasaan na ho ba tayo ngayon? Well, sang-ayon po sa Department of Health, mayroon na naman tayong 6,710 cases as of yesterday, April 22, ng COVID-19. Mayroon po tayong 446 na namatay. At ang mabuting balita pa rin po ay tumataas pa rin ang mga gumagaling sa sakit, at ngayon po iyan ay nasa 693 cases na.
Ang tanong: Are we flattening the curve? Well, makikita po natin dito sa susunod na graph na bumababa po ang mga kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas bagama’t pasimula pa lang po ang pagbaba. So sabi nga po ni Health Secretary Duque, nagsisimulang mag plateau pero hindi pa po talaga ito flattening of the curve. Pero ganoon pa man, ito po ay nagpapakita na epektibo po ang ginawa nating ECQ.
Makikita rin po natin ito sa susunod na graph na ito naman po iyong mga numero ng mga namamatay. Nakikita natin na bahagyang bumababa na rin po ang mga numero ng mga namamatay. At makikita rin natin sa susunod na graph na parami po nang parami ang mga recoveries bagama’t ito po ay hindi pa rin kasing dami ng nais nating makita.
Now, so are we flattening the curve? Well, makikita po natin na tumataas pa rin ang numero. At bagama’t ang pagtaas naman po ay hindi kasing taas ng mga nai-experience ng iba’t ibang mga bansa.
So ang conclusion po: Gumagana ang ECQ sa pagpabagal ng sakit bagama’t ang desisyon nga po ng Presidente ay nakabase sa ano ang kakayahan ng ating health sector na bigyan ng atensiyon ang posible pang mga puwedeng magkasakit ng COVID-19 habang wala pa pong mga bakuna at gamot dito.
Bibigyan ko rin po ng kumpirmasyon na ala-sais mamayang gabi ay pupulungin po ng Presidente ang ilang miyembro ng IATF. At kung noong huling briefing natin, hinayaan nating magprisinta ang UP kung paano ang suggested framework nila, ngayon naman po sa kauna-unahang pagkakataon, ipiprisinta natin iyong framework na sinumite ng IATF composed of all the different Cabinet secretaries of government kung paano po dapat magdesisyon ang Presidente kung ipagpapatuloy, kung iri-retain o kung ire-relax ang ECQ. Ito po talaga ay sang-ayon sa pagtimbang doon sa karapatan ng kalusugan at doon sa karapatang magkaroon ng kabuhayan ang ating mga mamamayan.
Doon po sa kalusugan, ang tinitingnan po ng Presidente ay iyong tinatawag na R. Ano ba iyang R – hindi po Roque. Ang R po ay iyong mga posibleng mahawa ng isang taong mayroong COVID-19! Kapag ibig sabihin 1, ay isa lang po ang pupuwedeng mahawa ng isang tao at iyan po ay more or less kayang bigyan ng serbisyo ng ating health sector. Pero siyempre kung mas mababa pa sa one, mas mabuti.
Ano pa po iyong titingnan? Titingnan po iyong duration ng infection, iyong kung kailan po talagang nag-peak na iyong mga nagkakasakit, iyong numero ng mga nagkaroon ng sakit na ito at saka siyempre po iyong numero ng severe and critical cases dahil limitado po ang mga ospital natin bagama’t nagtatayo na po tayo ng iba’t iba pang mga We Heal as One Center para po doon sa mga positibo na mayroon lamang mild na mga sintomas. At siyempre titingnan din po iyong number of deaths and iyong mga health gains na ating nakamit na.
Pagdating naman po doon sa ekonomiya, titingnan natin iyong mga sektor ng ating ekonomiya na pupuwede na sigurong buksan, iyong mga tao na pupuwede nang pagtrabahuhin at siyempre po saan sasakay iyong mga tao na pupuwede nang magtrabaho.
Sang-ayon din po sa rekomendasyon ng inyong IATF, ang mga proposed decision tool para kay Presidente ay are as follows: Number one, tanungin muna. Mayroon na ba tayong minimum health standards para sa ating kababayan? May sapat na ba tayong kakayanan na bigyan ng medical attention ang mga posibleng magkakasakit kung ili-lift ang ECQ? Kung mayroon nang ganiyang sapat na kakayanan, ang tanong: Paano natin imo-modify ang ECQ? (2) Siyempre po, ikukonsidera iyong geographic risk: Saan ba iyong mataas, saan ang konti lamang na mga nagkakasakit; Ano iyong mga edad na dapat pang manatili sa mga tahanan? Iyong mga specially vulnerable, iyong kabataan, at iyong mga senior citizen natin, at siyempre, ano iyong mga sektor ng ekonomiya na pupuwede nang buksan dahil pupuwede naman silang mag-operate habang sila ay nag-o-0bserve ng social distancing at good hygiene. (3) At siyempre ang tanong pa rin, paano makakarating sa trabaho ang mga manggagawa?
So sa susunod na slide po magpapakita kung ano talaga iyong proposed na framework na gagamitin ng ating Presidente. Ang unang tanong: Mayroon na bang minimum health standards? Kakayanin na ba ng health sector sa lugar na iyon na magbigay ng atensiyon doon sa posibleng mga magkakasakit? Kung ang sagot ay ‘no’, patuloy po ang ECQ! Pero kung ang sagot naman ay kakayanin na ng health sector, well, tatanungin po natin na nakabase sa geographic location kung ito po ay low risk, moderate risk or high risk. Kung low risk po, pupuwede nang ma-lift ang ECQ; kung moderate risk, pupuwede pong ma-relax ang ECQ; at kung high risk po, hindi po mali-lift ang ECQ.
Tapos po tatanungin din natin doon sa mga lugar na pupuwedeng mayroon ng low risk at moderate risk, kung pupuwede nang mag-restore ng transportasyon at iyong mga pribadong mga sasakyan at ilang ang pupuwedeng sumakay sa mga transportasyon na ito. Ilan pong pasahero ang pupuwedeng sumakay dahil importante na mayroon pa ring social distancing.
Now, itong next graph pong ito ay nagpapakita ng geographic risk of outbreak. Ibig sabihin, na-identify na po natin iyong mga areas kung saan iyong mga magkakasakit ay … kung ilan iyong magkakasakit depende sa area. At ang tanong nga po is anong kakayahan ng health sector sa lugar na iyon na magbigay ng serbisyo.
Kung ang kakayahan po ng health sector sa lugar na iyon ay mahigit kumulang 70%, iyan po ay naka-red, ibig sabihin acceleration – hindi pa rin pupuwedeng ma-lift ang ECQ.
Kung ang kakayahan naman po ng health sector sa lugar na iyon ay nasa 30 to 70% na ay pupuwede nang magkaroon ng tinatawag na initiation or deceleration – ito po iyong modified o hindi naman po kaya ay relaxed ECQ.
Pero kung under 30% po iyong paggamit ng health sector, iyan po iyong tinatawag na recognition, pupuwede nang ma-relax o hindi naman kaya tuluyan nang i-lift ang ECQ.
So, again po, pagdating po sa edad at saka iyong mga health risk, iyong tinatawag na comorbidity, ang edad na especially vulnerable po ay iyong mga zero to 20 at saka 60 and up – ang mga senior citizen; tapos po iyong mga edad na 21 to 59 na mayroon ng comorbidity o mayroon na pong sakit gaya ng sakit sa puso, sakit na diabetes, cancer at iba pang respiratory ailment; iyong mga edad 21 to 59 na kasama po sa bahay iyong mga senior citizens o hindi naman kaya iyong may mga pre-existing diseases na.
Siyempre po kung kayo ay kasama dito sa mga edad na ito o hindi naman kaya may kondisyon na pre-existing na sakit, especially vulnerable at kahit po anong mangyari whether be it retained o relaxed ay patuloy pa rin kayong magho-home quarantine.
Now, punta naman po tayo doon sa mga na-approve ng IATF na mga resolusyon—IATF Resolutions. Unang-una po, naatasan po ng Inter-Agency ang Department of Tourism na magbigay po ng hotel rooms kung saan pupuwedeng tumira ang ating mga health workers, ang ating frontliners. Napakaliit na bagay naman po ito na ibibigay natin sa ating mga frontliners dahil sa kanilang sakripisyo. So, si Secretary Berna Puyat-Romulo ay inatasan na po na gumawa ng imbentaryo kung ilang mga hotel rooms po ang pupuwede nating ipagamit sa ating mga frontliners. Maraming salamat po muli sa ating mga frontliners.
Pangalawa po, iyong National Task Force Sub-Task Group for the Repatriation of Overseas Filipino Workers ay inatasan nang gumawa ng protocols para po sa management and surveillance ng mga repatriated land-based and sea-based OFWs kapag dumating na po sila dito sa ating bayan at matapos po iyong mandated quarantine period.
Pangatlo po, iyong NTF Task Group for Resource Management and Logistics ay naatasan na po na mag-compile ng compendium para sa lahat ng logistical requirements para po sa ating health and emergency health frontliners. So, kasama na po dito iyong mga kailangan nating mga PPEs at saka iyong mga establishment ng disinfection chambers subject to guidelines na ii-isyu ng Department of Health.
Pang-apat, nagkaroon po ng desisyon na ang IATF ay ina-adopt po iyong staysafe.ph as the official social distancing health condition reporting and contact tracing system na mag-aasiste po sa ating gobyerno dito sa laban natin sa COVID-19.
Panglima po, binibigyang-linaw po ng Inter-Agency Task Force na ang lahat po ng Rapid Pass System shall be applied prospectively. Ibig sabihin po, lahat po ng mga inisyung ID ng IATF ay patuloy pa rin pong kikilalanin. Iyong enrolment nga pala po sa RapidPass ID shall be voluntary and shall cover qualified private sector entities or persons.
Uulitin po natin, lahat po ng checkpoints, iyong movement of cargo vehicles as well as vehicles used by public utility companies, business process outsourcing companies and export-oriented establishments ay dapat po manatiling hindi hina-hamper maski wala po silang Rapid System. ibig sabihin, iyong mga sasakyan po ng cargo, iyong mga BPO, iyong mga export-oriented establishment, huwag ninyo na pong harangin at patagalin pa sa mga checkpoints with or without a RapidPass System.
Now in accordance po with iyong mga nauna nang resolution ng IATF, lahat po ng mga sasakyan ng mga opisyales ng gobyerno at iyong mga frontline personnel kasama po iyong mga official vehicles ng gobyerno ay exempted pa rin po sa strict home quarantine requirement ng ECQ dito po sa Luzon.
Pang-anim po, inatasan na po ang DOTr, kasama po ang DILG, DOT, DOH at Bureau of Quarantine na pag-aralan na po at magrekomenda na ng mga protocol sa posibleng pagbukas po ng ating transportasyon be it air, land and sea travel as modes of transportation, siyempre po subject to existing protocols and guidelines on social distancing, isolation and quarantine.
Mabuting balita po. Ang Department of Health po ngayon ay mayroon ng kakayahan na mag-conduct ng PCR testing na 2,500 hanggang 3,000 tests per day. At noong makalawa po ay nag-inaugurate po ang Philippine National Red Cross ng sarili nilang PCR laboratory at sila po ay mayroong kapasidad na gumawa ng testing hanggang 20,000 daily.
Importante po talaga ang testing dahil ang ating estratehiya ay locate, isolate and cure. Kung wala pong testing facilities, hindi natin malo-locate at kung hindi natin malo-locate at kung hindi natin malo-locate, hindi natin maa-isolate at hindi natin maku-cure.
Isa pa pong mabuting balita ay nakuha na po natin iyong grant na $3 million na nanggaling po sa Asian Development Bank pambili pong testing facilities at itong laboratory equipment nga po ay dumating na at na-deliver na po sa Jose Lingad General Hospital diyan po sa San Fernando, Pampanga. Mayroon na rin po tayong 15 We Heal as One Centers sa buong Luzon at mayroon na rin po tayong mga ginagawa po diyan po sa Cebu at sa Davao.
Now, kaugnay naman po doon sa tanong noong huling press conference tungkol doon sa pagpasok ng mga pulis sa Pacific Plaza, ang sabi ko po ay iimbestigahan ng ating otoridad. Naimbestigahan na po at ang nadiskubre po otoridad – unang-una, mayroon din pong mga Pilipinong residente na nagreklamo na ilang mga residente sa building ay binabalewala ang ECQ kaya po sila pumasok. Ibig sabihin po, mayroon pong nagsumbong sa pulis na naging dahilan kaya pumasok po sila sa Pacific Plaza. At ang reklamo ay mayroon daw ilang mga residente, ilang mga dayuhan na mayayaman na nagpupumilit at lumalabag sa ECQ, tumatambay po sa tinatawag na common areas kasama na iyong swimming pool ng Pacific Plaza.
Ang mensahe po ng Presidente: Ang ECQ po [ay] ipatutupad sa lahat, sa mayaman, sa mahirap, sa Pilipino o sa dayuhan. Kung ayaw ninyo pong tumupad diyan lalong-lalo na iyong mga dayuhan, umalis na po kayo ng Pilipinas, you are free to go.
Now, bilang panghuli, nagpapasalamat po tayo sa mga indibidwal, grupo at korporasyon na tumutulong sa pamahalaan at sa ating mga kababayan sa COVID-19. Hindi po talaga siguro tayo nakatulong sa dami ng Pilipinong natulungan natin kung hindi po sa pagkapit-bisig ng ating mga kaibigan sa pribadong sektor. Ilan po dito na dapat pasalamatan: San Miguel Corporation, Ayala Land, Unilab, Megaworld, SM, Meralco, Smart Communications at Lucio Tan Group. Marami pa pong nagbigay ng kontribusyon, unfortunately baka buong araw po tayo kung babasahin natin ang lahat ng kanilang mga pangalan pero maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.
Panahon na po siguro para tumanggap tayo ng mga katanungan sa ating miyembro ng Malacañang Press Corps. Sa Skype po si Joyce Balancio ng DZMM.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon, Secretary Roque. Sir, just to clarify, how many places na po ang natukoy na may high geographical risk when it comes to COVID-19 cases where ECQ should be implemented still.
SEC. ROQUE: Well, sang-ayon po doon sa UP study na ipinakita din natin noong isang araw, Metro Manila, CALABARZON, portions of Bulacan, Cebu City and Davao City.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So as of this time, ito lang po iyong may recommendation na dapat mayroon pa ring ECQ but the rest of the places in Luzon hindi na po kailangan, Secretary?
SEC. ROQUE: I cannot actually specify iyong specific recommendations ng IATF, ang mako-confirm ko lang iyong UP study identified these areas. Pero ang ibinigay lang po sa akin ng IATF for now is the framework that they suggested the President should use in making the decision on whether to lift, modify or relax the ECQ.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, why is it important for the President to make his decisions now? April 23 pa lang po and he still has a few more days before the expiration of April 30. Bakit ngayon nagdedesisyon si Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po, si Senator Bong Go po ang nagsabi na magdedesisyon siya today. Ang narinig ko pong huli sa bibig mismo ng Presidente, it could have been yesterday, it could be on April 30 depending on his decision. Dahil kapag siya ay nagdesisyon na may mga areas na magri-relax ang ECQ, baka maglabasan ang tao. So nasa Presidente po iyon talaga kung kailan siya mag-aanunsiyo ng kaniyang desisyon. However I am here to confirm that the President will base his decision on science, that he has gotten the best advice, scientific advice from his own Cabinet and from the private sector, including the academe.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, doon sa proposal na limited operations of trains and buses, subject for approval pa rin naman po ito ni Pangulong Duterte ‘no because there are concerns papaano i-implement iyong contact tracing, paano kapag mayroong nakalusot na COVID positive o asymptomatic, hindi po ba mas mahirap iyong implementation natin ng contact tracing if we allow this?
SEC. ROQUE: Lahat po iyan ay rekomendasyon pa lamang, for approval of the President. Ang huling narinig ko po sa Kalihim ng Department of Transportation ay tinitingnan nila iyong posibilidad na iyong sa areas na posibleng ma-relax ang ECQ eh baka up to 30%. Pero ito po ay sa mga areas lamang na kung saan posibleng ma-relax ang ECQ. Kung ikaw po ay nasa ECQ pa rin, eh baka hindi po iyan applicable – pero lahat po iyan ay recommendations to the President. But let’s wait for the decision for the President first because all others will have to depend on what decision will be.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Sir, on diplomatic protest that we filed against China, some are saying, tama po ba iyong timing because we know all nations are addressing the pandemic crisis. Do you think it’s a proper time to file these diplomatic protests?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong filing of diplomatic protest, ginagawa po iyan basta kinakailangang gawin. Ke may COVID, ke wala… tayo po ay mananatili na poprotektahan at itataguyod ang ating national territory at ang ating sovereign rights.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Last for me na lang, sir. Ano ang clear government policy on milk donations, kasi po may mga nagsasabing bawal daw po ito, pero sabi ng DILG it is okay, if it’s from the private sector? May mga kapamilya po kasi tayong humihingi sa LGUs pero hindi po sila pinagbibigyan.
SEC. ROQUE: Ay, pinatatanong po sa akin iyan ni Congresswoman Roman, iyong kongresista ko po diyan sa Bataan. At itatanong ko po sa iyan dahil ang aking pagkakaalam, talaga pong ang nire-recommend natin ay ang gatas ng nanay. Bagama’t alam natin na marami ngayon talagang umiinom na gamot na diumano ay hindi raw ho pupuwedeng ipamigay na libre ngayon. So lilinawin ko po iyan, mamayang hapon po kapag nakausap ko ang Presidente.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you so much, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, galing po kay Francis ng Daily Tribune: As per DOH, umaabot na daw po sa 1,062 ang infected na healthworkers natin sa COVID-19. Even the World Health Organization was alarmed by the high number of health workers in the Philippines getting infected. Can we get Palace reaction on this? Na-address na ba daw po ito ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Siyempre po, talagang nababahala po ang gobyerno ‘no, dahil kung tuluyang magkakasakit ang mga frontliners natin, eh sino po ang mag-aalaga doon sa mga magkakasakit sa atin ‘no. At dahil dito po, unang-una, i-implement na po natin iyong tinatawag na ‘infectious operational protocol’, hihigpitan na po natin ang implementation niyan, dadamihan na po natin iyong mga PPEs at noong huling briefing nga po, sinabi ko na iyong unang prinoduce natin na 10,000 PPEs ay ni-release na at iyong unang inangkat natin na mga PPEs na 70,000 plus ay binigay na sa ilang mga hospital, gaya po ng PGH.
At saka siyempre po, mayroon ding rekomendasyon iyong mga Tsinong mga eksperto na mag-hire po tayo nang mas maraming medical personnel dahil ang rekomendasyon nila ay iklian iyong duty ng ating mga frontliners nang sa ganoon, mabawasan din iyong posibilidad na sila po ay mahawa.
USEC. IGNACIO: Iyong second question niya, Secretary: Can we get the Palace reaction, iyon daw pong latest NPA attack in Paquibato District, Davao City. Dalawang sundalo po mula sa 16th Infantry Battalion ang sugatan dahil po sa bomb attack happened/na nangyari po sa gitna pa rin ng health crisis na COVID-19 – reaction daw po ng Palace.
SEC. ROQUE: Ang balita hindi lang bomb lang po iyan ‘no, iyan po ay iyong ano pa, iyong dini-detonate na labag sa Ottawa Convention ‘no, landmine daw po ang ginamit nila. Alam ninyo po ang paggamit ng landmine ay talagang pinagbabawal po sa larangan ng international humanitarian law o iyong batas na umiiral kapag mayroong digmaan. Ito po ay nagpapatunay talaga na bandido po itong NPA. Kung hindi ba naman sila bandido, sa panahon na dapat nagkakaisa dahil ang kalaban natin ay sakit na COVID-19, eh bakit sila aatake pa sa ating puwersa ng gobyerno.
At siyempre po, eh habang sila ay gumagawa ng mga terrorist acts gaya nito na paggamit ng pinagbabawal na landmines, eh sila pa ay nagsasabing ‘unilateral ceasefire’ daw. Naku po, napakahirap po namang paniwalaan ang sinseridad ng CPP-NPA samantalang habang sinasabi nilang gusto nilang magkaroon ng unilateral ceasefire, wala pong tigil ang kanilang pag-atake sa ating mga sundalo.
Tumulong na lang po kayo, at alam ninyo po ang masakit pa dito sa Davao incident na ito ha, iyong inatake ng mga bandidong iyan eh iyong mga tao na namimigay ng SAP. Mantakin ninyo naman iyan, kung hindi bandido iyang mga iyan, ang pinag-interesan pa iyong nagbibigay ng ayuda doon sa mga magugutom dahil sa ECQ. Mahiya po kayo, CPP-NPA!
Si Maricel Halili on Skype…
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Good afternoon. Sir, linawin ko lamang po, kasi si Representative Salceda is saying na before magpa-implement ng total lifting of the enhanced community quarantine, it’s very important na umabot tayo doon sa .22% ng testing of the total population. Is this something being studied by the President and how far are we from achieving or reaching that .22% of the mass testing?
SEC. ROQUE: Importante po iyan ‘no, dahil talaga namang kapag hindi natin nalalaman kung gaanong kalawak na ng ating lipunan ang nagkakasakit ay hindi natin malalaman kung handa ba tayo magbigay ng serbisyong medikal sa kanila.
Ang tanong mo, handa na ba tayo? Well, lahat po ay ginagawa natin para ma-increase iyong ating testing capacity. Gaya ng aking nabanggit, eh ngayon po ang DOH ay mayroon nang—kung hindi po ako nagkakamali, 1,500 hanggang 2,000 daily na nadagdagan na po iyan dahil ang PNRC ay mayroon na pong hanggang 20,000 test capability per day.
At iyon nga pong kauna-unahang press briefing ko noong nagbalik ako bilang Spokesperson, inanunsiyo ng Presidente na ino-authorize na niya ang pagbili ng rapid testing kits maski hindi pa tapos ang mga papeles niya, dahil importante po na magkaroon na nga tayo ng mass testing sa pamamagitan din ng rapid testing kits na gagamitin natin in conjunction with the PCR testing.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, kung .22% po iyong ating threshold for the total lifting, ano po iyong basis natin na number for the modified lifting and if magawa na po iyong directive ni President Duterte to import the 2 million or—
SEC. ROQUE: 2.2 million.
MARICEL HALILI/TV5: 2.2 million rapid test and 900,000 PCR test, can we achieve that certain percentage that we need?
SEC. ROQUE: Well, siguro iyong pinakaunang consideration is the geographical area of where ECQ should be maintained, lifted or relaxed – importanteng tingnan natin iyong mga numero on a per geographical area basis. At ang tanong nga natin, eh sapat ba iyong kakayahan ng health sector na iyon sa lugar na iyon na gamutin lahat iyong posibleng magkakasakit kung iri-relax o ili-lift ang ECQ.
So kaya nga po we will become very conservative siguro, ang ating Presidente, at alam po natin atat na atat na tayo ‘no. Pero may mga lugar po talaga siguro na dahil mataas pa ang kaso at hindi pa handa iyong ating mga ospital na magbigay serbisyo, eh baka hindi pa ma-lift ang ECQ.
MARICEL HALILI/TV5: Secretary, paglilinaw lang po doon sa naging statement ng Labor Department yesterday. Because initially they released a statement saying na they suspended the acceptance of application para po doon sa AKAP o iyong ayuda na ibibigay po doon sa ating mga displaced OFWs, and then eventually sinabi nila na wrong statement po pala iyon. So ano po iyong real score doon po sa ayuda na ibibigay doon sa OFW, tuluy-tuloy pa rin po ba iyong pagtanggap ng application or temporarily suspended because of lack of funds?
SEC. ROQUE: Well, ang utos po ng IATF eh maglalabas na ng protocol ang mga relevant agencies. Kung paano nga po ang magiging protocol sa pagtrato sa mga OFWs na bumalik na, whether be it land-based or sea-based, magiging kabahagi po iyan ng desisyon ng sub-cluster ng IATF.
MARICEL HALILI/TV5: Okay. Thank you, sir.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose, Secretary Roque, of Remate. Magsisimula na daw po bukas, April 24, ang Holy Month of Ramadan ng mga kapatid nating Muslim at dahil po may pinatutupad na ECQ dahil sa COVID-19 ipinagbabawal po ang mass gathering. Ano po ag mensahe ng Malacañang para po sa mga kapatid nating Muslim?
SEC. ROQUE: Well, nagpadala na po ng mensahe ang ating Presidente, at allow me to read the last paragraph of the message:
“Let this occasion give us peace amidst the adversity and challenges we face each day. As you embody the religious insights and epiphanies you have gleaned from this undertaking, may you be moved to advance our collective resolve to eschew misguided ideologies so that we may achieve a truly progressive and inclusive society.”
So we have actually released the entirety of the President’s message.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, I would like to ask about sa pagbaril doon sa dating sundalo. Although, we don’t have the final result of the investigation, mayroong criticisms na there was an abuse of authority and parang mali po iyong discretion. Sir, do we have a reaction from the President about this? And at the same time, mayroon po bang kumbaga… kasi nga po sinasabi na posibleng hindi po kaya mali iyong pagkaintindi nila sa direktiba ng Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po nakikiramay po kami doon sa retiradong militar na nasawi po dito sa insidenteng ito. Siyempre po malungkot dahil ang nasawi ay nagsilbi rin sa ating bayan. At nangangako po naman ang gobyerno, ang Presidente, na magkakaroon ng patas na imbestigasyon dito dahil ang iimbestigahan ay isa ring taong gobyerno, isang pulis at ang biktima ay isa ring sundalo. Makakaasa po kayo sa patas at mabilis na imbestigasyon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, in a way, hindi po ba nagmumukha na mayroong kumbaga misinterpretation sa directive ni President about this? Kasi ‘di ba sabi niya noon, kapag may lumabag ng batas, kung magpapasaway talaga puwedeng barilin.
SEC. ROQUE: Wala po sigurong ganoon. Ang preliminary report po na nabasa ko na at sang-ayon na rin kay General Eleazar at kay General Gamboa eh mukhang—ito po ay preliminary ‘no, kasi ayaw ko sanang magkomento beyond na nagkakaroon ng imbestigasyon. Pero ang pangyayari po yata ay nagkaroon ng sigawan sa panig ng nasawi at nagkaroon ng parang interpretasyon yata itong pulis na noong tumalikod ay parang akalain niya ay dumudukot daw ng baril. Pero these are all preliminary. So, wala pong relasyon ito sa kahit anong sinabi ng Presidente; at hindi po sinabi ng pulis na siya po ay pinatutupad ang isang order ng Presidente. So huwag po nating bigyan ng interpretasyon ang bagay na ito na wala naman pong basehan at all. If at all, it’s a speculation, it’s a conjecture, it is not factual.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, finally, although the government considers China as a BFF po, there are reports that they are putting up new structures doon sa West Philippines Sea and although we have a diplomatic protest. Does the President have any reaction on this? And hindi po ba mahahati iyong forces natin in terms of COVID response and iyon nga pong pagbabantay doon sa West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: Well, ang insidente pong naging basehan ng ating protesta ay iyong pag-include ng parte ng KIG group doon sa isang administrative unit ng Tsina at saka doon sa pagtutok ng radar gun sa isang Philippine Navy ship ‘no. Wala po akong nakalap na balita na gumagawa po sila ng bagong istraktura.
Pero uulitin ko po na ang pangako po ng Tsina – na tayo naman po ay umaasa na tutuparin nila – walang bagong reclamation na gagawin dahil hindi po dapat na mapalala pa iyong problema pagdating ng reclamation. As to whether or not there will be specific structures built on those existing reclaimed properties ay hindi naman po sakop iyan doon sa sinabi ng Tsina. But ganoon pa man kung kinakailangang magprotesta, gagawin po natin iyan.
Uulitin ko po, unfortunately hindi po pupuwedeng maging issue for public discussion kung ano ang ginagawa natin in the diplomatic front. We need to do the correct thing even if it’s unpopular. Hindi po popularity contest kung ano ang dapat gawin ng DFA pagdating po sa usaping national territory.
USEC. IGNACIO: Secretary, galing kay Tina Mendez ng Philippine Star, halos pareho din po ang tanong niya with Triciah. Pero ang sabi po niya, iyon daw pong incident kahapon has caused a chilling effect on the general populace since the man supposedly did not pose clear and present danger to authorities. Ano daw po ang statement ng Palace dito? At ano daw po ang nangyari doon sa sinasabi nating maximum tolerance?
SEC. ROQUE: Well, Tina, again, that is a conclusion which still has to be verified. So let’s wait to the facts before I can give a reaction.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, you said that si Senator Bong Go lang po ang nag-announce that President Duterte will be making a decision today on the ECQ. [garbled] President to make a decision today, sir?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, I’m in no position dahil—I suppose ‘no we could expect one, because Senator Bong Go was the last person in contact with the President. My last contact with the President was last Tuesday.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, the IATF will be meeting President Duterte later at 6:00 P.M. Ano po iyong expected doon sa meeting? Are we expecting them to present their recommendation or na-present na nila iyong recommendation at pina-fine tune na lang kung ano po iyong gagawin after April 30?
SEC. ROQUE: They have submitted their recommendation. It has been with the President. And if at all, perhaps in this meeting, baka mayroon lang clarifications na kinakailangang gawin ang Presidente sa mga ilang miyembro ng IATF.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, doon sa mga proposals to extend the ECQ or modify the ECQ, may nabanggit po ba iyong mga experts on the time period kung kailan po or kung gaano po ito katagal gagawin, like are we looking at a month or two weeks doon sa extension or modification ng ECQ in some areas, sir?
SEC. ROQUE: Again, it’s variable, Pia ‘no. Depende iyan sa kakayahan ng health sector sa area kung saan mataas o mababa ang COVID cases na magbigay ng medical attention. It’s variable. Basta umabot po iyong capacity between 30 to 70, pupuwedeng i-relax; pero kung ang magiging demands po sa health sector ay 70% and up, hindi pa pupuwedeng i-relax.
So depende po iyan sa kooperasyon ng taumbayan. Kung patuloy po silang magiging frontliners at patuloy na bumaba ang pagkalat ng sakit mas mapapabilis po ang pagtanggal ng ECQ dahil ibig sabihin noon habang bumabagal ang pagkalat ay napapalakas naman ang kakayanan ng health sector na magbigay ng serbisyo.
So ang sagot po: Nasa kamay nating sambayanang Pilipino, let’s be homeliners para naman po hindi masayang ang sakripisyo ng frontliners.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero, sir, as far as the experts are concerned, wala po silang nabanggit na kailangan na time period to extend iyong sa extension ng ECQ or modification, sir?
SEC. ROQUE: Kaya nga importante ang mass testing. Kasi the mass testing will tell us kung mayroon na bang kakayahan ang health sector natin na magbigay ng medical attention and that is why we are doing our very best para po mas mapataas iyong capacity natin to have mass testing for COVID-19.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, doon sa areas like NCR and other areas na mayroong matataas iyong cases, ano po iyong nakikita natin na scenario? You said na the proposals are to modify the ECQ based on the geographical locations. Pero doon sa mga locations kung saan may mataas na cases ng CVOID-19, are we expecting also a kind of modification? Like for example, nabanggit ninyo nga po ninyo iyong mga industries na tinitingnan na puwedeng magbukas and also iyong mga public modes of transportation. Puwede po ba itong mangyari, sir, na may modification kahit doon sa loob ng mga areas na may mataas na cases ng COVID-19, sir?
SEC. ROQUE: Siguro ibabalik ko iyong graph ano. Iyong mayroong red, green and yellow. Kapag wala pa ring kapasidad ang health sector to provide medical assistance, red ka, acceleration, ECQ pa rin. At kapag ECQ ka pa rin, wala pong pinag-uusapan na modification as far as transportation and what have you is concern kasi nga po wala pang kakayahan na magbigay serbisyo sa posibleng magkasaskit. So wala pong modification na inaasahan kapag ikaw ay classified as red.
Pupuwede lang pong magkaroon ng modification kapag ikaw ay classified either as yellow or green. Ibig sabihin iyong mayroon ng kakayahan, 30 to 70% na magbigay ng medical attention o kung hindi naman kaya 30% lang iyong challenge sa health sector.
Kapag red po kayo, walang pinag-uusapang modification.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir. Sir, thank you for that clarification. On another topic, sir. Si Senator Risa Hontiveros is calling for China to pay damages for the Chinese government’s responsibility daw in spreading the coronavirus to the world – ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo, sir?
SEC. ROQUE: Uulitin ko po, bilang isang propesor din ng International Law, iyong isyu po ng state responsibility depende po iyan kung mapapatunayan na mayroong nilabag na obligasyon ang Tsina either be it a treaty-based or customary-based na obligasyon sa international law; at pangalawa, kung ito po ay maa-attribute sa estado ng Tsina.
At ang pinakaimportanteng katanungan: Sinong tribunal ang magdedesisyon ng ganiyan dahil ang world court po, ang International Court of Justice ay may hurisdiksyon lang iyan sa mga bansa na tumanggap sa hurisdiksyon ng korteng ito. At hindi po tinatanggap ng Tsina ang hurisdiksyon ng ICJ. At hindi rin, tingin ko, papayag ang Tsina sa kahit anong arbitration.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Magkakaroon po ba sir, ng efforts from the Philippine government to seek any kind of accountability from the Chinese government?
SEC. ROQUE: Sabi ko nga po, depende kung mayroong napatunayang paglabag sa obligasyon ang Tsina. Sa ngayon po, wala pa akong nalalaman na paglabag ng obligasyon ng Tsina.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, Sec. Sir, isa na lang. Question po from Doris Bigornia: May isa pong malaking kumpaniya sa BGC nag-positive daw po iyong mga empleyado nila pero ayaw daw pong i-disclose ng HR nila at pinapapasok pa rin iyong mga empleyado. Ano po iyong direktiba po natin sa mga ganitong kaso po?
SEC. ROQUE: Kinakailangan po iyan ay dini-disclose sa Department of Health. Ang hindi po pag-disclose ay paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act at paglabag din po iyan doon sa mga panuntunan ng ECQ – puwede pong magkaroon ng criminal liability ang kumpaniyang iyan. At bukod pa roon, naku naman ‘no, iyong ethical issue na dahil sa inyo ay baka lalong kumalat iyong sakit! Huwag naman po, paki-report po dahil importante na ang gagawin lang naman natin: Locate, isolate at cure.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Maraming salamat po, Secretary.
SEC. ROQUE: Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso of Bandera: May MMDA constable daw po ang namatay sa COVID dahil umano sa kapabayaan. Nag-trending po ang sinapit ni Christopher Maralit matapos umanong hindi bigyan ng sapat na atensiyon ng Jose Reyes. Pati barangay sa Maynila hindi rin nila alam ang gagawin. Nang humingi raw po ng tulong sa Manila Emergency Hotline, pinayuhan lang daw po sila na bigyan ng first aid. Pati mismo, allegedly, MMDA tinanggihan daw ng ambulansiya dahil sa takot na mahawa. Pai-imbestigahan po daw ito at mismong frontliner ng government ay biktima po ng diskriminasyon?
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Bella, dahil sa inyong gawain bilang mamamahayag ay nalalaman natin ang mga insidenteng ito. Ang pangako ko po, paiimbestigahan po natin ito.
Now, mayroon po akong dalawang bagay na nangako na sinabi kong paiimbestigahan, iyong barilan involving the retired military soldier at saka iyong itong kaso po ng MMDA. When I say paiimbestigahan po natin, kukulitin po talaga natin iyong mga hepe ng ahensiyang iyan hanggang sila po ay magbigay ng resulta gaya ng ginawa rin po natin sa Pacific Plaza. Sinabi natin na pai-imbestigahan at naimbestigahan naman po, at ngayon ay lumalabas kung ano ang katotohanan – mayroon po talagang pasaway diyan sa Pacific Plaza.
So ganiyan din po ang gagawin natin, malalaman natin kung ano ang tunay na nangyari. Paunawa po, dahil hanggang hindi natin nalalaman kung anong facts, wala po tayong opinyon na pupuwedeng maibigay.
SEC. ROQUE: Now, si Joseph Morong po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Just focusing on first two aspects ‘no, numbers and health capacities. With regard to NCR, can you say that in terms of the number ay alam na natin iyong spread?
SEC. ROQUE: Well, nagkaisa po ang mga dalubhasa: There is an outbreak of COVID-19 in NCR.
JOSEPH MORONG/GMA7: And therefore?
SEC. ROQUE: Iyon lang po. And we have to check if we have the necessary bed capacity to attend to those who could possibly get sick because of the outbreak.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. NCR also, mayroon po ba siyang enough health capacities to treat future infections?
SEC. ROQUE: Well, in terms of hospital capacity, iyan po ang dapat tingnan ng ating mga decision makers. That will really depend on the data, on the existing capacity of our hospitals to provide service doon sa mga severe or critical cases at saka iyong capacity ng We Heal as One centers for mild or asymptomatic cases.
Pero iyon nga po ang magiging basehan ng ating Presidente, at magtiwala naman tayo, Joseph, na gagawin niya iyong tamang desisyon: Nakabase sa datos, nakabase sa siyensiya.
JOSEPH MORONG/GMA7: Of course, sir. Sir, we were told na ang nagiging shape is NCR continue ang lockdown and other areas in Luzon where there are low cases of COVID ay iri-relax. Could you confirm that this is, more or less, the shape of the decision of the President?
SEC. ROQUE: Paumanhin po, hindi ko po puwedeng pangunahan ang ating Presidente. Tagapagsalita lang po ako, ang Presidente po ang magdedesisyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, you mentioned kanina na the President will be conservative. What do you mean by that, sir?
SEC. ROQUE: Of course, sa kahit anong desisyon ay bibigyan niya po ng pangunahing atensiyon ang kalusugan ng ating mga mamamayan. Alinsunod na rin po ito dito sa survey nga ng Gallup Polls ‘no na 88% of our people say na they fear that they will be infected or any of their loved ones will be infected by the disease – hindi naman po pupuwedeng balewalain din ng Presidente iyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Tama naman, sir. Pero when you say conservative, in the context of extending or lifting or modifying the ECQ, when you say conservative, what do you mean in terms of those parameters?
SEC. ROQUE: Siguro po ay iku-quote ko na lang si Ramon Ang, “Iyong pera puwedeng kitain, iyong buhay ay hindi na puwedeng maibalik kapag wala na.”
JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, mas malamang ba na … if the President is going to be conservative, he will lean towards … he will err on the side of caution and, maybe extend?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam iyong desisyon niya. Ayaw ko pong pangunahan, wala po akong karapatang pangunahan. Pero ito po iyong framework na nasumite sa kaniya, at naniniwala naman po ako na ang desisyon niya ay magiging base doon sa pinakaimportanteng karapatan sa lahat – ang karapatang mabuhay.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kanina po sabi ninyo may meeting ang IATF. But we were also told na even the national task force is going to meet with the President. Can you confirm?
SEC. ROQUE: Well, nasa akin po iyong invited guests. You can understand na limited lang ang naimbitahan dahil limited lang ang espasyo because we need to observe social distancing. So hindi ko po memoryado iyong mga invited to attend pero nakita ko po doon, definitely, Secretary Duque, Secretary Año, Secretary Galvez, Secretary Lorenzana, Secretary Karl Chua – pero hindi ko po memoryado lahat.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, pardon me for belaboring the point ‘no, kasi kahit iyong ating mga taumbayan ay nag-aabang na. Si Senator Bong Go said na today is the decision day, today is the D-day. Do we have a late night press briefing with the President or public address?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. I have not seen the President since last Tuesday. But I also have no reason to doubt the statement of Senator Bong Go.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Sir, that’s it and thank you for your time.
SEC. ROQUE: Thank you po. And back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Galing po kay Aileen Taliping ng Abante Tonite. Ano daw po ang parusa sa mga nagpapanggap na miyembro ng media para makakuha ng IATF ID? Gaya po ng isang bilyonaryong construction magnate na nakakuha nito kasama ang anak at ilang staff. Kasama po ba iyan sa mga inisyuhan, ang blocktimers o, dapat working media lamang?
SEC. ROQUE: Naku po, napakahirap namang sagutin iyan dahil pati po sa larangan ng talaga ng UNESCO, iba’t-iba ang depenisyon ng peryodista: Mayroon pong sariling depenisyon ang UN Human Rights Committte, mayroong sariling depenisyon ang UNESCO. Ang pagkakaiba po ay kung kumikita o hindi doon sa pag-i-impart ng impormasyon sa publiko. Pero sa akin po, I think common meaning naman po ang gamitin natin, basta sila po ay they impart information regularly to the public whether or not they are paid, then they should be considered journalists; Ang parusa po, well, puwede pong falsification iyan.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman doon sa nangyari pong pagkamatay ng sundalo. Sabi daw po ayon sa kritiko, “Ang aksiyon ng nakabaril na pulis ay resulta aniya ng shoot them dead na order ng Pangulo.” Reaksiyon po dito?
SEC. ROQUE: Naku, nasagot ko na po iyan. That is speculation, conjecture with no basis. Ginagamit lang po iyan ng kalaban ni Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula kay Vanz Fernandez ng Police Files. Kung magkakaroon daw po ng modified ECQ, ano daw po ang mangyayari doon sa mga below poverty line, nahihirapan mamuhay even before COVID-19 and we don’t have enough funds to support them, ano daw po ang dapat o magagawa dito ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Ang masasabi ko lang po, ang pangako ng Presidente, hindi niya hahayaang magutom ang sambayanang Pilipino. Kung kinakailangan niyang ibenta ang ari-arian ng gobyerno para mapakain ang sambayanan dahil po sa ECQ, gagawin po niya iyan.
USEC. IGNACIO: Kung aaprubahan daw po ng Pangulo ang 30% na public transportation, hindi po daw mas lalala ang COVID-19 kasi hindi masusunod ang social distancing and we need contact tracing, papaano daw po ito gagawin ng gobyerno?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po 30%, ang inaasahan nila ay hindi po mapupuno ang mga public transportation. Kinakailangan every other seat kung ipatutupad ng Presidente itong rekomendasyon na ito. So it will be a new norm na po – wala na po kayong katabi sa bus, wala nang tayuan at pati sa pilahan ay kinakailangan mayroon ng social distancing. Pero iyan po ay pagdedesisyunan pa ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Henry Uri ng DZRH. Ano po ang nais iparating ng Pangulo sa mga hindi nakasama sa pamimigay ng social amelioration pero kinakapos na rin ng budget dahil hindi na rin sila nakakapagtrabaho? May assurance po ba ang Pangulo na sila ay mabibigyan din ng cash assistance?
SEC. ROQUE: Well, paumanhin po doon sa mga nahihirapan po talaga na hindi nakakuha ng kaunting ayuda sa ating gobyerno. Naiintindihan po kayo ng Presidente, nararamdaman po niya iyong hirap. At nangangako siya na gagawin niya ang lahat ng kaya niyang magawa para magkaroon man lang ng kakainin ang lahat ng nangangailangan sa panahon ng ECQ – pangako po iyan ng Presidente!
USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po kay Gen Kabiling: Are you taking the lead in the government’s information dissemination including IATF resolutions on COVID response? What prompted the change in the communication strategy? Will CabSec Nograles now step back and won’t hold any more regular press briefing?
SEC. ROQUE: Ano po iyong unang part ng tanong?
USEC. IGNACIO: Kung ‘are you taking the lead’ na daw po in the government’s information dissemination including IATF resolutions on COVID response?
SEC. ROQUE: Yes po. Nagkaroon na po ng pag-utos ang ating Executive Secretary that information sharing will now be centralized through the Office of the Presidential Spokesperson.
USEC. IGNACIO: What prompted daw po the change in the communications strategy? Will CabSec Nograles now step back and won’t hold anymore regular press briefing?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ang basehan ng desisyon. Pero ang sabi ko nga po noong unang tinanong ako ng isang Usec ng PCOO ay I defer po to the construction of Secretary Nograles on the memo. The memo said po that the only authorized person to speak on behalf of government are, number one, the Presidential Spokesperson; and number two, Usec. Vergeire of the DOH for health related matters.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyan na lang po ang mga tanong. Ang huling mensahe ninyo po sa araw na ito?
SEC. ROQUE: Well, mga kaibigan, alam ko atat na atat na kayo, alam ko inip na inip na kayo at alam ko hirap na hirap na rin po kayo – at alam po iyan ng ating Presidente. Kaya nga po napakahirap ng gagawin niyang desisyon! Gustuhin man niyang i-lift ang ECQ, kung talagang ang data naman, ang datos at ang siyensiya ay nagsasabi na kapag ni-lift ay hindi tayo pupuwedeng mabigyan ng serbisyo ng ating health sector ay mapipilitan po talaga ang Presidente na gumawa nang mahirap pero tamang desisyon na ipagpatuloy ang ECQ.
Kahit ano pa man po ang maging desisyon ng Presidente ngayong araw na ito o di naman kaya sa susunod na araw, ang aking garantiya po sa inyo: Gagawin ng Presidente ang ganitong desisyon: nakabase po sa datos, nakabase sa siyensya at sa kapakanan ng sambayanang Pilipino – asahan ninyo po iyan.
With that, thank you very much, Usec. Rocky. At magandang hapon po sa inyong lahat, Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)