SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Broadcasting from home pa rin po tayo, pero patuloy pa rin po ang ating pagganap sa ating katungkulan. Simulan po natin ang briefing ngayon sa pamamagitan ng balitang IATF. Ito po ang ilan sa mga mahahalagang punto na napagkasunduan po ng inyong IATF:
Unang-una, inaprubahan po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng IATF na nakasulat sa Resolution 69-8 na naglalagay sa Lanao Del Sur at Bacolod City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ simula September 8 hanggang September 30 ng taong kasalukuyan.
Inaprubahan din po ng IATF sa Resolution 69 ang pag-adopt ng Interim Omnibus Guidelines on Surveillance, Case Finding and Contact Tracing, Quarantine or Isolation and Testing for COVID-19 sa mga sumusunod na identified priority groups: Para po sa mga returning residents; returning overseas Filipinos; international at domestic tourists at essential workers in factories and economic zones.
Inaprubahan din po ang mga sumusunod na general principles: Una, ang proper clinical assessment na magiging basehan ng quarantine, isolation, testing, discharge, travel at return to work decisions na nakaangkla sa, una, sintomas; at pangalawa, exposure.
Samantala, para malaman ang tamang test para sa tamang dahilan, ikinukunsidera po ang mga sumusunod: Una, iyong availability ng test; iyong best time sa paggamit ng test; iyong turnaround time ng resulta ng test; at test specificity and sensitivity. Ang RT-PCR po ay nananatiling gold standards sa confirmatory testing.
Ang paggamit ng antigen test bilang kapalit ng RT-PCR test ay pinapayagan sa kundisyon na ito ay, una, pre-boarding requirement ng domestic tourists na asymptomatic bago umalis at magtungo sa kanilang travel destinations; pangalawa, isang requirement bago makapasok sa place of destination kung sang-ayon sa protocols ng lokal na pamahalaan, provided na magsasagawa ng confirmatory antigen test, tatlo hanggang limang araw pagkatapos. Provided further na ang antigen testing ay magagamit sa testing ng domestic tourists na naging symptomatic sa place of destination kung wala pong RT-PCR capacity.
Kasama rin sa rekomendasyon na ang mga istratehiya sa quarantine, isolation at testing ay kailangang may mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.
In-adopt din ng IATF ang rekomendasyon ng economic development cluster sa pampublikong transportasyon. Una, mag-adopt at mag-update sa pinakabagong health standards at best practices sa pakikipag-ugnayan sa health experts.
Pangalawa, pag-require sa mga ahensiya ng pamahalaan, malalaking korporasyon at firms na nakarehistro sa economic zones na magbigay ng shuttle service sa kanilang mga empleyado. Kung hindi ito financially sustainable, pupuwedeng kumuha ng ibang alternative arrangements tulad ng cost sharing, partial vouchers sa paggamit ng transport network vehicle services or TNVS.
Pangatlo, ipatupad ang service contracting ng PUVs para magkaroon ng partial subsidy ang public transport operations, mabigyan ng incentives ang mga operators na bumalik at magsilbi sa commuters, maibalik ang hanapbuhay ng mga na-displace na transport workers. May power ang gobyerno sa pagpapatupad ng health safety at operational standards at pagpupondo sa additional cost ng sanitation protocols.
Pang-apat, maglagay ng inter-operable automatic fare collection system or AFCS para sa lahat po ng mga PUVs.
Panlima, pag-set up at pagpapatupad ng dedicated lanes sa PUVs sa major routes at paglalagay nang mas maraming PUV stops at stations.
Pang-anim, paglagay ng protected bicycle lanes usufruct, mas malapad na walkways at iba pa.
Kaugnay nito, hintayin natin ang Department of Transportation, Department of Trade and Industry, at Department of Labor and Employment sa kanilang ilalabas na mga implementing guidelines.
Panghuli, inaprubahan din po ng IATF ang kahilingan ng Region VI, Iligan at Lanao del Sur na isuspinde ang inbound travels ng locally stranded individuals. Nilinaw po ito sa isang statement na two weeks ang binigay na moratorium mula September 7 hanggang 21.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang global update ayon sa Johns Hopkins: Mahigit dalawampung pitong milyon na po o 27,699,112 ang total cases sa buong mundo, at mayroong na po tayong 900,203 global deaths.
Ang nangungunang limang bansa: Estados Unidos pa rin po ang nangunguna with 6,358,247 na cases; ang death po nila ay 190,727, three percent case fatality rate. Sumunod po ngayon ang India, naunahan na po ng India ang Brazil at ngayon ay mayroon na po silang 4,370,128 cases; ang deaths po ay 73,890 or 1.7% po ang case fatality rate. Pangatlo po ngayon ang Brazil, 4,162,073 cases; 127,464 deaths, 3.1% case fatality rate. Sumunod po ang Russia, 1,037,526; mayroon pong deaths na 18,080, 1.7% case fatality rate. At panlima po ang Peru, mayroon po silang 696,190; ang deaths ay 30,123 or 4.3%.
Sa Pilipinas po ay mayroon na po tayong 245,143 cases; ang deaths po natin ay 3,986 or 1.6% po ang ating case fatality rate. As of September 9 po, mayroon na po tayong 2,722,483 na mga indibidwal na nabigyan po ng RT-PCR test. Ito po ay nanggagaling sa 89 licensed RT-PCR laboratories at 29 licensed GeneXpert laboratories.
Mayroon na po tayo ngayong 55,640 na total active cases. At sa mga active cases po, 8.66% ang asymptomatic, 88.3 po ang mild, ang severe po ay 1.3% at ang critical ay 1.8%.
Parami naman po nang parami ang mga gumagaling. Mayroon na po tayong recoveries equivalent to 185,543. At kagaya ng aking sinabi ng aking sinabi, ang deaths po ay 3,980 plus. Samantala—iyon nga po, 3,986 ang total deaths. Nakikiramay po kami uli sa mga naulila.
On other matters po, inaprubahan po ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng sampung karagdagang ruta na may kabuuang bilang na 1,006 authorized jeepney units sa Metro Manila simula kahapon, ika-9 ng Setyembre. Ito po ay mga ruta galing po ng EDSA North hanggang Quezon City Hall, Marcos Avenue via Tandang Sora, Dapitan hanggang Libertad St., Divisoria hanggang Retiro po, Divisoria-Sangangdaan, Libertad papuntang Washington, Baclaran papuntang Escolta, Baclaran via Mabini, Blumentritt papunta po ng Libertad via Quiapo, at Blumentritt to Vito Cruz via [garbled].
Mayroon na pong kabuuang 16,203 roadworthy traditional public utility jeepneys na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula noong ika-1 ng Hunyo 2020 sa 178 na mga ruta.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Wala po tayo ngayong panauhin, so simulan na po natin ang ating open forum kasama po ang ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps. So hindi ko po alam kung sino iyong unang magtatanong, pero I suppose it’s Joyce. Joyce?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po, Secretary. Opo, tama po, ako po ang mauuna.
Yes, sir. Good afternoon, Secretary. It’s nice to be back po sa ating presidential briefing. Sir, sabi po ng Department of Budget and Management, sa 2021 Proposed National Budget, wala na pong inilaan doon for Social Amelioration Program or SAP distribution. Why, sir? And with SAP gone, what is the government’s plan for poor Filipinos especially they are still expecting to feel the effects of the pandemic until next year?
SEC. ROQUE: Well, nakasaad po doon sa Bayanihan II na karamihan po ng tulong na ibibigay natin at para po makapaghanapbuhay na iyong ating mga kababayan, magpapautang po tayo. Ito po ay galing sa DTI, galing sa DOLE, galing sa DA at magbibigay po tayo ng mga loan grantees. In other words, tapos na po iyong pagbibigay lamang ng ayuda dahil hindi na po natin plano na magkaroon nang malawakang lockdowns ‘no. Mula nitong araw na ito, ilulunsad po natin iyong bago nating kampanya na pinangalanang, “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.”
So dahil nga po sa matinding epekto ng lockdown, ang kinakailangan po natin ngayon ay engganyuhin ang lahat na pag-ingatan ang ating mga buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay. So ganiyan po iyong thrust ng Bayanihan II at ganiyan rin po iyong thrust ng ating [signal cut] … hindi na po natin sila bibigyan ng ayuda dahil ang ating istratehiya na nga po ngayon ay localized lockdown.
JOYCE BALANCIO/DZMM: All right, Secretary. Puwede din po related ‘to doon sa plight of the poor Filipinos. Sa recent survey po ng SWS, sabi po doon 2 out of 5 adult Filipinos—
SEC. ROQUE: Nawawala po ang sound. Go ahead…
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sa most recent SWS survey po Secretary, it appears that 2 out of 5 adult Filipinos or roughly 40% are saying that they expect the economy to worsen in the next 12 months. This number of economic pessimist is highest daw po over the last 12 years. Is it a cause of concern for Palace lalo na po this survey results na parang it appears tinatanggap na ng mga Pilipino na hindi bubuti ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan and also it somehow reflects their perception of what the government can’t do for them?
SEC. ROQUE: Kaya nga po maglulunsad po tayo ng bagong communication plan nga ‘no. Kagaya ng ating nasabi, iyong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay’, dahil ang tanging pamamaraan lang po para tayo po ay makabangon muli ay sa paghahanapbuhay at pagbubukas ng ekonomiya. So naintindihan po natin kung bakit pessimistic ang ating mga kababayan pero ang sinasabi naman po ng mga economic managers, “We have hit rock bottom and the only way to go is up.” So kapit-bisig po tayo, hanapbuhay po tayong lahat, bubuksan po natin ang ekonomiya. Nandiyan pa rin po si COVID pero kaya po nating pag-ingatan ang ating mga sarili at sama-sama po tayong babangon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, in other words, you’re saying na you don’t agree with their perception na our lives will worsen in the next 12 months?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po, the worst has hit us already at the worst of course was when we had ECQ na sinarado natin ang ekonomiya. Ngayon nagbubukas na po tayo ng ekonomiya at naghahanda po tayo para doon sa pupuwedeng magkasakit din dahil nga po nagtatrabaho na tayo, tingin ko po bumabangon na po tayo. It will not be as bad, it can only be better.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po for me, Secretary. As the former legal counsel of the Laude Family, what is your personal take on the President’s decision to award, you know, absolute pardon to US Marine Joseph Scott Pemberton? Si Justice Secretary Menardo Guevarra himself admitted that he was surprised with the President’s decision. Were you consulted by the President when he was thinking about this, knowing that you were a former legal counsel of the Laude Family? And dagdag ko na rin po, some are noticing the differences in your statements in the President’s sentiments on the issue?
SEC. ROQUE: Wala pong pagkakaiba. Tingin ko po nagkakaisa pa rin kami ng Presidente sa pagtataguyod ng indipendiyenteng foreign policy. Tingin ko po, consistent pa rin kaming dalawa ni Presidente na kinakailangan kaibigan ang lahat, walang kalaban na kahit sinuman.
Hindi na po ako nasorpresa, sa totoo lang po. Bakit po? Kasi alam ko po na mayroong mas mataas o mas importanteng national interest na kinakailangang pangalagaan ng Presidente. Bagama’t pareho pa rin po kami ng paninindigan pagdating doon sa indipendiyensa at pagiging malaya ng Pilipinas.
Pero sa panahon po ng pandemic, huwag nating kakalimutan, apat na bansa lang po ang gumagawa ng vaccine. at napapansin naman natin na ang Presidente ay talagang binibigyan ng emphasis na sana magkaroon na nga ng vaccine. At sa tingin ko naman, itong desisyon nga ni Presidente – ito ay personal na opinyon ko dahil tinanong mo ang aking personal na opinyon ‘no – ang pagbibigay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ni Presidente na kapag mayroon na ngang vaccine na na-develop kung sa America man ay makikinabang din ang Pilipinas.
So sa akin po, I’m not surprised dahil panahon ng pandemic at alam ko po ang emphasis ng ating Presidente ay makakuha ng vaccine para sa mga Pilipino. At sa akin po, bagama’t tayo po ang tumayong abogado ng pamilyang Laude, eh kung ang ibig sabihin naman niyan ay lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng vaccine, kung mga Amerikano maka-develop, wala po akong problema diyan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Yes. Ang susunod ay si Usec. Rocky. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good morning, Secretary Roque. Secretary Roque, iyong una pong tanong ni Arianne Merez, natanong na po ni Joyce Balancio. Ang second tanong naman po niya: You have said that the death of Jennifer Laude is like the symbolic death of Philippine sovereignty. What about the pardon of Pemberton? Where would you liken the decision of the President?
SEC. ROQUE: Hindi po nagbabago paninindigan ko na talagang iyong pagkamatay ni Jennifer Laude noong 2014 ay symbolic na pagkamatay ng ating soberenya. At nagkakaisa po kami ni Presidente kaya nga ang desisyon ng Presidente ay i-terminate na po ang Visiting Forces Agreement, panandalian lang pong na-suspend iyong termination pero hindi pa po nagbabago ang desisyon ni Presidente. Kagaya ng aking sinabi, ang tingin ko po iyong pardon, bagama’t ito ay personal na opinyon ko, ay para po makinabang ang mga Pilipino sa vaccine laban sa COVID-19 kung mga Amerikano nga ang maka-develop niyan.
So sa akin po, tinatanggap ko po iyan bilang riyalidad na mayroong mga mas importante nating mga interes na tinataguyod ang ating Presidente. And moreover ‘no, alam ninyo iyang pardon talaga at saka parole, bilang isang naging propesor ng batas sa UP College of Law nang labinlimang taon, iyan po ang pinaka-presidential of all presidential functions. So wala pong kahit sinong pupuwedeng magkuwestiyon niyan dahil noong tinalaga po natin at hinalal natin ang Pangulong Duterte bilang presidente, binigyan po natin siya ng kapangyarihan na mag-pardon at parole – at iyan po ay without subject to any reservations. Nasa sa kaniya lang po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod niyang tanong: Had the IATF discussed or decided on appeals on the deployment ban of nurses and other health workers abroad?
SEC. ROQUE: Okay. Napag-usapan po iyan kasi mayroong proposal na ang i-allow, ito po ay proposal lamang ‘no, i-allow iyong mga nurses na naayos na ang papel as of August 28. Pero kinakailangan po na kukonsultahin ang Presidente kasi iyong desisyon po na mag-impose muna ng moratorium ay desisyon po ng Presidente at ayaw naman naming pangunahan po ang ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Well, okay. Ito naman po iyong deployment ban pero ulitin ko po, iyong moratorium sa LSIs doon sa Region VI Lanao del Sur, iyan po ay from September 7 to September 14 kung hindi po ako naging malinaw kanina. Okay, thank you po. Iyon lang iyong ating clarification.
USEC. IGNACIO: Kay Trish Terada na, Secretary.
SEC. ROQUE: Hi, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, follow up lang po ulit doon sa Pemberton issue. I think you answered already my question kung sa tingin ninyo nga po ba nakaangkla ito on a bigger reason, on a bigger—or the better reason kung ba’t po nangyari ito ‘no.
Pero sir a lot of people also noticed and they’re questioning iyong timing nang desisyon ng Pangulo. Some are wondering if there’s a link between the announcement of pardon and the confirmative Order of Sikatuna to former US Ambassador Sung Kim, ‘cause I understand sir, bago po naianunsiyo itong pardon kay Pemberton, nagkaroon po ng meeting si former US Ambassador at ang Pangulo. Sir, can you tell us more about this for once and for all? May napag-usapan po kaya na posibleng hindi natin alam na nagkaroon ng ganitong desisyon po?
SEC. ROQUE: Posible po at ang tingin ko hindi lang sa pagpupulong iyan ni Presidente sa dating Ambahador ng Amerika kung hindi iyong kaniyang telephone conversation with President Trump. Pero wala pong kahit sinong privy doon sa telephone conversation na iyan so let us trust the wisdom of the President.
Teka lang po ah, uulitin ko po ha. Lilinawin ko lang, Trish, sandali ha. Iyong moratorium po sa pagbabalik ng LSI ay simula September 7 until September 21, 14 days. Ulitin ko po, iyong LSI moratorium po September 7 to September 21 or a total of 14 days. Okay, Trish, your next question please.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Secretary, although there is a bigger reason, in a way hindi po ba naba-bother iyong government at how ordinary Filipinos would feel about this that justice seems to be elusive to the powerless and also at how other countries would view how we value justice and sovereignty?
SEC. ROQUE: Unang-una po, nagtagumpay po kami, na-convict po namin si Pemberton. Ang binura lang po ng Presidente ay iyong karagdagang parusa kung mayroon pa. Hindi po binura ng Presidente iyong desisyon na mamamatay na tao po si Pemberton. Ang pupuwede pong magbura niyan ay iyong amnesty. Pero ang amnesty po ay hindi naman po puwedeng ibigay lang sa isang tao, kasi iyong amnesty erases even fact of the crime.
Ang pardon po, iyong parusa lang ang binubura; mamamatay tao pa rin po si Pemberton sang-ayon po sa desisyon ng ating hukuman at hindi po iyan nabago.
Nakulong din po si Pemberton ng limang taon. At tapatan lang, bago natin i-apply iyong GCTA na tinatawag na isang bagong batas, kung ia-apply po natin iyong dating batas na Indeterminate Sentence Law, ang totoo lang po niyan, siguro mga ilang buwan lang, hanggang six months siguro ang pupuwede naming ipaglaban na makulong pa si Pemberton.
Pero under the Indeterminate Sentence Law po talaga, kapag na-meet na niya iyong six years minimum ng incarceration ay pupuwede na siya, eligible na siya para sa parole.
So naparusahan naman po siya, nagbayad naman po siya ng danyos mahigit 4 million. At ang tingin ko po dahil sintensiyado siya, siya ay mamamatay tao, pati iyong kaniyang serbisyo sa hukbong sandatahan ng Amerika, maapektuhan iyan.
Sa tingin ko po, nakamit natin ang katarungan at bagama’t mas marami ang nagsasabi na dapat nga mas matagal ang kulong sa kaniya, ang katotohanan naman po ay mayroong ngang mas importanteng national interest na tinataguyod ng ating Presidente.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman po sa recent study or survey na inilabas po nitong Human Rights Watch group. Sabi po nila, more people were killed in anti-drugs operation nationwide in four months of the COVID-19 pandemic than in a similar period prior to this. Kumbaga, it’s 50% higher daw po compared to the previous four-month period. Your reaction to this, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala po akong reaksiyon diyan dahil hindi ako sigurado kung anong methodology ang ginawa nila. Hindi ko naman po pupuwedeng tanggapin ang conclusion ng hindi ko nakikita iyong pag-aaral, hindi ko po nakikita kung ano iyong hakbang na ginawa nila para magkaroon ng conclusion.
Pero alalahanin po natin ang Human Rights Watch, ganiyan talaga ang trabaho ng mga human rights groups, mag-ingay para iyong mga gobyerno eh pakinggan sila. Pero hindi naman ibig sabihin na lahat ng sinasabi nila ay gospel truth.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Sir, sa budget briefing po sa Senado kahapon. Sabi po ni Senator Panfilo Lacson—or Senator Panfilo Lacson pushed for the removal of more than 4oo billion pesos in the budget of DPWH. He said that parts of these funds are either lump sum allocations or some projects are already included in this year’s budget. Sabi po ni Senator Lacson, it is unconstitutional. How does the Palace want to go about this? Are you keen on… kumbaga, okay lang po ba na matanggal ito?
SEC. ROQUE: Well, hahayaan po namin iyan sa Kongreso, desisyon po iyan ng Kongreso. Pero naninindigan naman po ang Malacañang ng sinumite ang budget, sinundan po namin iyong desisyon doon sa kaso na hinain ko laban doon sa DAP na kinakailangan po talaga para mawala iyong tinatawag na pork barrel ay lahat po ng paggagastusan ng gobyerno ay mayroong line item budget na tinatawag. So naniniwala po kami, walang lump sum appropriation diyan, lahat po iyan mayroong proyekto na naka-specify.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay MJ Blancaflor ng Tribune.net.ph.: Will the Palace support the proposal to close cemeteries on November 1 and 2 to prevent coronavirus transmission?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam dahil ako mismo, ako po iyong magbubukas ng usapin tungkol dito sa Undas sa IATF. Plano ko po talagang simulan na iyang proseso ng pag-uusap diyan.
Titingnan po natin kung mayroong mga alternatibo dahil naniniwala naman po ako na importante sa mga Pilipino ang Undas. Tayo lang po ang may ganiyan sa buong daigdig at ito naman po iyong tanging araw na isinantabi natin para alalahanin iyong mga mahal natin sa buhay. So titingnan po natin kung ano ang magiging aksiyon ng IATF. At ako mismo po, ang aking rekomendasyon, gawin na lang natin na hindi All Saints Day kung hindi mag-allot siguro tayo ng apat hanggang limang araw depende rin sa family name ng namatay kung sino ang pupuwedeng pumunta sa mga sementeryo ng hindi po lahat magdagsaan sa isang araw lamang.
Pero titingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Iyon lang po ang aking imumungkahi – limang araw na color-coded kumbaga ang pagdalaw sa sementeryo. Dahil ako po, importante sa akin iyong pagdalaw sa mga mahal ko sa buhay. Bagama’t ako naman maski hindi naman Undas ay nagpupunta po sa sementeryo at inaalala iyong mga mahal sa buhay na namatay na.
USEC. IGNACIO: Opo, second question po niya. May we ask daw po for Malacañang’s response on the report made by the Human Right Watch that EJKs allegedly linked to the anti-drug campaign increased despite going lockdowns. The group said police officers killed 50% more people from April to July than the first four months of the year.
SEC. ROQUE: USec, nasagot ko na po iyan. Natanong na po iyan ni Trish.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online. Kumusta na daw po kayo, Secretary Roque? Natuloy po ba daw iyong pagpapa-swab test ninyo ngayon September 10?
SEC. ROQUE: Mamaya pong hapon, diretso po ako sa swab test pagkatapos po nito at malalaman ko po bukas kung ako ay positive or negative.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon po munang sa Cebu, iyong dolomite. They have suspended the quarrying, the mining there. What’s going to be the effect of that decision to the project in Manila Bay?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, nirirespeto po namin iyong desisyon ng probinsiya ng Cebu. Alam po ninyo, may kaso ako mismo na ako po ang nag-argue sa Supreme Court. Ito po iyong Boracay Foundation versus Province of Aklan. At ang sabi po talaga ng Korte Suprema doon na kinakailangan mayroong pagpayag ng local government unit sa kahit anong aktibidades na posibleng magkaroon ng polusyon. At dahil tumutol po ang pamahalang lokal ng Cebu, ginagalang po natin iyang pagtutol na iyan. At alinsunod nga sa desisyon ng Boracay Foundation versus Province of Aklan, eh baka hindi na makakuha ng dolomite itong DENR.
Ganoon pa man po, iyong pagpigil po ng supply ay hiwalay po iyan sa isyu ng legality noong ginagawa ng DENR. Sa tingin ko po, DENR naman ang project proponent diyan at wala ng iba, lahat po ng probisyon ng batas ay nasunod, pero susunod din sila doon sa sinasabi ng LGU at mga Local Government Code na kinakailangan iyong patuloy na pag-supply ng dolomite ay mayroong pagpayag ng lokal na pamahalaan.
So ang solusyon po dito, ang DENR kinakailangan pong makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Cebu. At ang pakikipag-usap naman po ng DENR sa Cebu, ganun din po, kung mayroon po silang mga concerns, makipag-ugnayan lang kay Secretary Cimatu dahil hindi namang ibang tao na si Secretary Cimatu. Noong nagkaproblema po ang siyudad ng Cebu, si Secretary Cimatu din naman po ang tumulong. Tingin ko po, buksan lang ang lines of communication.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Kay Pemberton, sir. Medyo worrying iyong statement mo, sir, that the pardon was done for a high interest – and that’s the vaccine. So parang—sir, forgive me for being blunt ‘no, ano ito parang si Jennifer Laude ay pampalit ng vaccine? And what’s the assurance na if America comes up with a vaccine that we will be a priority?
SEC. ROQUE: Unang-una, Joseph, personal kong opinion iyan dahil tinanong ako ni Trish kung ano iyong personal opinion ko. Hindi masama ang loob ko dahil sa tingin ko nga kabahagi ito nang mas malawak at mas importanteng national na interest.
Pangalawa, hindi po pampalit si Jennifer Laude dahil nakamit po namin ang katarungan – napakulong po namin si Pemberton, nagbayad po ng 4 million plus na danyos si Pemberton sa pamilya. At the best case scenario for the family of Laude would have been to delay his release by a couple of months dahil mayroon nga po tayong Indeterminate Sentence Law which is different from GCTA.
Ang pagkakaiba po niyan, iyong GCTA maski hindi ka pa naka-meet ng minimum sentence mo, pupuwede ka ng mapalaya applying the new law, applying iyong mga credits. Pero under the old law na Indeterminate Sentence Law, kinakailangan ma-meet mo muna iyong minimum at, afterwards, you will be eligible for parole.
So iyon po iyong katotohanan – iyong katotohanan is privately I would have wanted him to serve the maximum that he can, but it would not have been ten years. In no case, it could have been ten years kasi nag-iisa nga siya doon sa kulungan. Paano naman siya magkakaroon ng demerit kung siya ay nag-iisa lang. In the same way na kinukuwestiyon din ni Atty. Suarez, paano siya magkakaroon ng merit dahil nag-iisa siya.
Pero ito nga iyong mga legal controversies na sabi ni Presidente, huwag na nating puntahan iyan dahil talagang hindi naman namili si Pemberton kung saan siya ikukulong at kung anong legal na basehan.
So nakamit po ang katarungan, Joseph. Wala po tayong ibinayad kahit ano. Ang personal na opinyon ko and the reason why I’m comfortable with the decision is kung mayroon ngang vaccine, inaasahan natin na itong mas malapit na samahan sa panig ng Pilipinas at ng Amerika, sa panig ng Pilipinas at Tsina, sa panig ng Pilipinas at Russia ay magiging dahilan para makinabang tayo sa vaccine na made-develop nila kung mayroon man.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, okay. Would you agree, sir, that without the VFA, si Pemberton would not have been in the Philippines and the crime would not have happened, yes?
SEC. ROQUE: Correct! Correct and that is why I’m thankful for the position of the President to abrogate VFA. It has—
JOSEPH MORONG/GMA 7: But how—
SEC. ROQUE: The abrogation has just been suspended but the decision has not been changed.
JOSEPH MORONG/GMA 7: But how can one believe that the President is really serious about abrogating the VFA if he could pardon somebody who benefits from the VFA?
SEC. ROQUE: Well, ang sinasabi nga niya, let’s distinguish between Pemberton the person and Pemberton being a military personnel of the United States. Ang legal controversy nga kasi, at ito naman ay inilabas hindi lang ng pamilya ni Laude kung hindi ng DOJ mismo, nagsampa po ng motion for reconsideration ang DOJ. Ang mga legal issues eh sino ba dapat ang magbigay ng GCTA, ang hukuman o iyong Bureau of Corrections? Kasi sa batas dapat Bureau of Corrections.
Pangalawa, will he be entitled to benefit of, iyong credit for good conduct habang siya ay nakakulong noong nililitis kasi hindi naman siya hawak ng Pilipinas noong mga panahon na iyon. Ito ang sinasabi ni Presidente na that’s not for Pemberton to choose kung saan siya ikukulong dahil siya nga ay nasasakdal ano at ang legal provision that would govern him was agreed upon by states.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, sa vaccine na lang. How much are we setting aside to buy, to procure the vaccine and kapag po ba nakakuha tayo, kung anumang bansa iyan, ay ito po ba ay ipamamahagi na libreng bakuna para sa mga Filipino?
SEC. ROQUE: Well, sinagot na po iyan ng Presidente at ni Secretary Dominguez. We are aiming to give twenty million Filipinos, all iyong ating 4Ps beneficiaries, free of charge the vaccine. Now, that 20 million Filipinos, you need two doses so we have allotted public funds for 40 million dosage at ten dollars each. Ang financing scheme po, pauutangin tayo ng LandBank at DBP, at ang mag-aangkat po niyan ay PITC.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you din, Joseph.
Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government hold liable any official for the failure to keep a record of Pemberton’s behavior while in detention?
SEC. ROQUE: Well, that is now moot and academic kasi nga sabi ni Presidente, ito iyong issue na hindi natin malalaman kasi nga habang nasa hurisdiksyon siya ng Amerika noong siya ay nililitis, hindi natin malalaman kung paano naging conduct niya diyan ano. So, tingin ko moot and academic na po iyan kasi hindi naman natin pupuwedeng i-insist o tanungin sa mga Amerikano kung paano nila trinato si Pemberton dahil wala naman tayong hurisdiksyon doon sa mga Amerikanong guwardiya niya habang siya ay nililitis.
USEC. IGNACIO: Is there still daw po a need to revise the detention rules under Visiting Forces Agreement to prevent a repeat of any unfair treatment or will the government just push through with VFA termination?
SEC. ROQUE: I believe the announcement or the decision of the President is to suspend the termination by six months, extendable by another six months. That decision to abrogate the VFA stays.
USEC. IGNACIO: Secretary, si Pia Rañada na po.
SEC. ROQUE: Yes, Pia?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sir! Just pushing forward on the issue of Pemberton. Sir, can you categorically confirm that the President did this, gave the pardon in order for us to get priority in a vaccine? Did you actually hear him say this was—
SEC. ROQUE: No, but I was asked about my personal opinion, and that is my personal opinion. I can categorically confirm that is my personal opinion.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Kasi, sir, if it was his reason like your interpretation of events, this was his reason for giving the pardon, why didn’t he give that reason when he explained his pardon to the public? Kasi instead he said it was unfair, so—
SEC. ROQUE: I do not know. But again the question was, ‘How do I feel about it personally?’ and that’s how I feel personally about it.
PIA RANADA/RAPPLER: Okay. And then, sir, just for the President’s SALN because the deadline for submitting SALNs was last August 30. Has the President submitted his SALN for 2019?
SEC. ROQUE: I believe he has and I checked, and there are people responsible for reminding the Office of the President to submit his documents.
PIA RANADA/RAPPLER: So, sir, you believe he has or he hasn’t?
SEC. ROQUE: Well, I know that there is someone in charge of filing this but I will check if he’s actually filed it, but I think he has.
PIA RANADA/RAPPLER: Will the Palace release the 2019 SALN and the 2018 SALN – which no one has seen yet in public – to reporters or to media?
SEC. ROQUE: That’s not something that I could decide on. We will inquire from the Office of the Executive Secretary.
PIA RANADA/RAPPLER: Okay. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia.
Next, back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Question from Gillian Cortez of Business World: Will the President consider the call of the Philippine Chamber of Commerce and Industry for him to issue an Executive Order on satellite access liberalization which will allow internet service providers to set networks even without legislation specially when internet connectivity is needed the most during this pandemic?
SEC. ROQUE: Kinakailangan po nang mas malawakang pag-aaral diyan dahil alam naman natin ang paggamit ng ere ay subject to the grant of a franchise issued by Congress. So, sa tingin ko po parang malabo pong magawa ng Presidente iyan through an Executive Order because he will be possibly infringing on the powers of Congress but we need to study the matter in more details.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: What is the Palace statement on some analysts saying President Duterte giving pardon to US Marine Joseph Scott Pemberton shows that he cannot stand-up to foreign powers?
SEC. ROQUE: Hindi naman po totoo iyan dahil nanindigan naman po ang Presidente noong tinerminate po niya iyong VFA. At sa kaniyang pananalita ano. To me I think, you can accuse the President of everything else except for being subservient to any foreign power.
USEC. IGNACIO: Last question po niya: NEDA acting Secretary Karl Chua said the economic team has proposed a plan to open up mass transportation further and this was approved by the IATF. Can the IATF expound what this plan is exactly?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po ang IATF naman nagbibigay ng polisiya. So, in principle, inaprubahan po natin iyang mas malawakang transportasyon at dahilan nga po kung bakit ngayon lang ay inanunsiyo ko na mas marami na namang PUV, mga public utility jeepneys lalo na, ang in-allow. Pero iyong detalye po niyan nasa NTF na po iyan dahil ang NTF naman ang nagpapatupad ng mga polisiya ng IATF. So, hintayin po natin ang guidelines ng NTF tungkol dito.
USEC. IGNACIO: Thank you Secretary. Si Melo Acuña na po, Secretary.
SEC. ROQUE: Hi, Melo! Good morning.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, Secretary. Nice to see you. I hope your test would turn out to be negative. But anyway, Chinese Defense Minister Wei Fenghe is in town. [Unclear] his schedule while in Manila?
SEC. ROQUE: Well, marami po siyang schedule sa totoo lang. Medyo busy siya pero most of it are phone conversations ‘no. So, iyon po iyong huling nakita ko sa kaniyang schedule dahil pero naka-quarantine nga po, hindi ako masyado … hindi ako makapunta ng Palasyo completely ‘no and I will not be allowed until I get the PCR clearance again ano. But I know that there’s … many meetings ongoing but not face-to-face meetings po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Secretary, this is a bit personal. Where you not kept in the dark when the President decided to grant pardon to Lance Corporal Scott Joseph Pemberton?
SEC. ROQUE: Hindi po. In the first place, the President in the exercise of the power to grant pardon is not duty bound to consult with anyone. So, ako naman po I did not feel that the President had any obligation to me to inform me ahead of time because that is an absolute discretion of the President to grant pardon. Wala pong issue doon.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ah okay. President Duterte said Pemberton was not treated fairly. Would you have specifics to as to this kind of statement of the President?
SEC. ROQUE: Hindi nga po malinaw among others ‘no kung dapat siyang mabigyan ng allowance for GCTA credit habang siya po ay nakadetine noong siya ay nililitis, that’s about a period of one year. And the reason is hindi po kasi siya hawak ng Pilipinas noong panahon na iyon, hawak siya ng mga Amerikano pursuant to the VFA and we only had joint custody over Pemberton matapos po siyang ma-convict a year after the crime’ no, isa po iyon.
May mga issue pa na whether or not he should be entitled to educational credit. Sa Amerika kasi binibigyan nila ng educational credit through internet, sa Pilipinas naman bawal gumamit ng internet ang mga convicted felons. So, ganiyan po iyong mga controversy na dapat sana maresolba ng hudikatura pero moot and academic na when the President exercises his absolute presidential power to grant pardon.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Puwede po kayang pabaon iyan kay Ambassador Sung Kim na nag-farewell call kay Pangulong Duterte noong Lunes?
SEC. ROQUE: I don’t think kinakailangang magbigay ng pabaon si Presidente sa any particular departing ambassador. I think the President acted in pursuit of a higher national interest which I have already mentioned as a matter of my personal opinion. At saka uulitin ko po: Pardon is the most presidential of all presidential powers. It is not open to question anywhere by anyone.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Virgil Lopez ng GMA News Online: Could you please elaborate on your statement that the pardon extended by the President to US Marine Joseph Scott Pemberton was grounded on a broader national interest?
SEC. ROQUE: Wala na po akong i-expound, sinabi ko na po ang lahat [laughs]. That’s a personal opinion dahil I was asked by Trish for my personal opinion.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Can we get Palace’s reaction to the SWS survey showing 2 in 5 Filipinos see bleaker economy in the next 12 months?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Pero ang sabi ko po, huwag po kayong mag-alala mga kababayan, dahil binubuksan naman po natin ang ekonomiya. Ang paniniwala ko po, we have hit rock bottom, and the only way to go is up.
USEC. IGNACIO: Question from Einjhel Ronquillo ng RMN: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ng ilang kaanak ng mga nakapiit sa New Bilibid Prisons na sa pamamagitan ng paglaya at paggawad ng absolute pardon kay Pemberton ay magiging daan din ito para makasama na nila ang mahal nila sa buhay na halos deka-dekada nang nakapiit?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, even before Pemberton, napakadami pong na-grant ng probation and parole. Ito po iyong mga pinalaya to decongest our jails. Noong tinamaan po tayo ng COVID, talagang naging polisiya ng DOJ na palayain ang pinakamaraming puwedeng mapalaya, and the only way to do it is through probation and parole.
So hindi lang po si Pemberton ang nagbi-benefit ngayon sa panahon ng COVID, marami na po ang nag-benefit diyan.
USEC. IGNACIO: Susunod po niyang tanong: Reaksiyon sa sinabi ni detinadong Senator Leila de Lima na hindi siya sang-ayon sa ginagawang beautification ng Manila Bay kung saan binigyan pa niya ng bagong kahulugan ang DENR na Department of Environmental Cosmetics dahil imbes na gampanan ang kanilang tungkulin na i-preserve at protektahan ang kalikasan ay sinisira pa nila at naging beach resort developer pa.
SEC. ROQUE: Naiintindihan ko po kung hindi sang-ayon si Senator Leila de Lima dahil hindi naman po siya makikinabang dahil siya ay nakakulong, hindi niya makikita iyong ganda ng Manila Bay.
USEC. IGNACIO: Secretary, si Maricel Halili na po.
SEC. ROQUE: Yes, Maricel Halili.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon. Sir, during our last press briefing, you mentioned that the proposal to release Pemberton is bad precedent. Do you maintain this position even after the decision of the President to grant him absolute pardon?
SEC. ROQUE: I still maintain that it was judicial overreach, kasi the power to grant GCTA is a power not vested in the court; it’s a power vested in the Executive. The entire concept of probation and parole is an executive function; it’s not a judicial function. So I maintain my position as far as that is concerned.
As far as the pardon of the President is concerned, I will repeat again, it is the most presidential of all presidential functions. It is not subject to question by anyone anywhere.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, were you able to talk to the President after his announcement on absolute pardon? What did he tell you about it, sir?
SEC. ROQUE: I really thought it was broadcasted, because I attended that meeting online, and we did have a lengthy conversation online. Now, one major paper reported on it extensively so ang buong akala ko ay na-broadcast iyong aming conversation but apparently, one broadcast sheet had a source that summarized kung ano iyong pag-uusap namin ni Presidente.
Pero anyway, ang sa akin po, iyong pag-uusap namin ni Presidente, although it was heard by everyone in the room, sa aming dalawa na lang po iyon.
MARICEL HALILI/TV5: Okay. Sir, also doon po sa public address ng Pangulo noong nakaraan, he also mentioned that this is not the right time for Secretary Duque to resign as Health Secretary because he believes that he is not involved in corruption but then there is negligence. Ano po iyong sinasabi ni President Duterte na negligence on the part of Secretary Duque? Can you tell us, sir?
SEC. ROQUE: You know, he is basing his statement on what he has read on the papers. Kasi hindi pa naman naiisyu ng Senado talaga iyong kanilang Senate report at that time he mentioned it. So in the same way that Senate President Sotto thinks that the Senate report may be able to change the mind of the President, siguro antayin muna natin iyong report na iyan at antayin nating mabasa ni Presidente and let him make his own decision as a lawyer and as a prosecutor at that kung dapat bang mabago ang kaniyang posisyon o dapat bang mabago ang kaniyang pagkakatiwala kay Secretary Duque. Antayin po muna natin iyan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Ano po ang magiging activities ni President Duterte; and when will be his next public address?
SEC. ROQUEL As usual naman, it will be a Monday. Now, narinig ninyo naman sa kaniya na he was hoping to go to Davao, pero isang napakataas na dokumento na naman ang kina-kailangan niyang pag-aralan at desisyunan.
So right now po, Monday po we can be assured that there will be a broadcast. I don’t know from where, but from how the President sounded, mukhang hindi siya makakauwi ng Davao.
MARICEL HALILI/TV5: Maraming salamat, Secretary.
SEC. ROQUE: Salamat po, Maricel. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror. I think nasagot pero basahin ko na lang po : If may action na po kaya ang IATF sa appeal ng DOLE to extend the exemption period of medical workers from POEA’s temporary deployment ban from March 8 to August 31st?
SEC. ROQUE: Kukonsultahin po ang Presidente. Alam ninyo po, gaya ko, si Secretary Bello ay naka-isolation din. Kaya pareho po kaming wala doon sa meeting last Monday. Pero sa tingin ko po kung both of us test negative ay pareho naman kaming makaka-attend ng susunod na meeting, and this can be brought to the attention of the President.
USEC. IGNACIO: Nag-decide na ba daw po ang IATF if it will approve or not the appeal of Metro Manila mayors to defer voter registration?
SEC. ROQUE: It’s not a decision of the IATF. In fact, the IATF recommends also the deferment of the registration. Kaya lang po, hindi pupuwedeng diktahan ang constitutional body, dahil ang Comelec po ay constitutional body. We can only recommend to the Comelec but the final decision will be the Comelec because it is a constitutional body tasked with the conduct of voter’s registration.
USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero ng Philippines Star: Former Interior Secretary Rafael Alunan called for the release of retired General Jovito Palparan who was sentenced to life imprisonment for the kidnapping and detention of two student activists in 2006. He said, Palparan was doing his duty fighting enemies of the state. He also cited the pardon given to Pemberton. What is Malacañang’s take on this?
SEC. ROQUE: Well, wala po. He’s been sentenced. There’s been a factual decision made by the RTC na lumabag po siya sa batas. Pinatawan po siya ng parusa. And unless the President gives him pardon, he has to serve his sentence.
USEC. IGNACIO: Question from Julie Aurelio: Did President Duterte explicitly say he expects the US to repay his act of pardoning Pemberton by giving Philippine access to its COVID-19 vaccines?
SEC. ROQUE: Hindi po. Uulitin ko po, hindi po iyan sinabi ni Presidente. Iyan ay personal na opinyon ko na tinanong po sa akin ni Trish at iyan po, uulitin ko, ay personal na opinion ko kaya po wala akong problema doon sa pardon na ibinigay kay Pemberton. Kung ako po ay nagkamali, so be it. But ang aking assessment naman po is based on the many pronouncements of the President that I have seen for myself. Inaalagaan po niya nang mabuti ang relasyon sa Tsina, sa Rusya and sa Amerika dahil ang talagang palaging iniisip ni Presidente, kinakailangan magkaroon ng vaccine at kinakailangan magkaroon po ng access ang mga Filipinos sa vaccine. Personal ko pong opinyon iyan.
USEC. IGNACIO: From Celerina Monte ng Manila Shimbun: What’s the likelihood that President Duterte will no longer push for the termination of Visiting Forces Agreement? Will you not be surprised if this happens?
SEC. ROQUE: Well, tingnan po natin kasi nasa first six months lang naman po tayo ngayon ng extension of the abrogation. And the President said that it is renewable for another six months. So there is one year deferment of the abrogation ‘no. So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon after this one year period.
USEC. IGNACIO: May follow up din po ulit si Julie Aurelio: PRRD consulted you on pardoning Pemberton. What was your advice to him? Did he take into consideration your personal sentiment as lawyer for the Laude Family?
SEC. ROQUE: He did not po and he is not duty-bound to confer with me. But we talked about it after he granted pardon.
USEC. IGNACIO: Question from Alvin Baltazar of PBS Radyo Pilipinas: Any official statement on the transmission ng release order ni Pemberton signed by the President? Bantag earlier confirmed na nasa kanila na iyong release order. Kailan po pinirmahan ng Pangulo?
SEC. ROQUE: Kahapon lang po iyan na-release. A certified true copy was given to the Bureau of Correction because the original copy was given to Pemberton.
Ang procedure po is, since there is an ongoing deportation proceedings that Pemberton did not object to, kinakailangan pong magtuloy iyong deportation proceedings. Pero as to when, it will be concluded – it can be in one-day, it can be one week, it can be one month. Hindi po natin alam iyan, but I expect it will be as soon as possible.
USEC. IGNACIO: Tanong din po ni Ace Romero, follow up daw po. Since you claimed daw that the death of Jennifer Laude is symbolic of the death of Philippine sovereignty, what can be a higher interest daw than national sovereignty?
SEC. ROQUE: Higher interest is saving lives by having the vaccine to fight this pandemic.
USEC. IGNACIO: Question po from Jinky Baticados. Ano daw po ang take ng Palace on preregistration of national ID on October?
SEC. ROQUE: Well, talagang ang mandato po ng Presidente ay pabilisin iyang national ID na iyan dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung mayroon na tayong national ID system. In the same way, magagamit din po iyang national ID system para maiwasan iyong fraud diyan sa PhilHealth ‘no kasi at least malalaman natin kung buhay o patay iyong isang nagki-claim ng benefit.
USEC. IGNACIO: Opo. Question—Secretary, I think ito na po iyong last question. From Vanz Fernandez: After Pemberton was given absolute pardon by the President, why was GCTA suspended?
SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong maraming kuwestiyon diyan, dahil ang unang kuwestiyon naman po diyan ay kay Mayor Sanchez ‘di ba po ‘no. Si Mayor Sanchez po ang naging unang dahilan kung bakit nagkaroon ng kontrobersiya iyang GCTA na iyan; pangalawa lang po si Pemberton.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, salamat po.
SEC. ROQUE: Well, since wala na pong question – maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At maraming salamat sa inyong panunood.
Sa ngalan po ng ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing: Magtiwala po tayo sa wisdom ng ating Presidente sa kaniyang mga desisyon sa mga bagay-bagay na tanging Presidente lang ang pupuwedeng magdesisyon.
Maraming salamat po. Magandang hapon po and please, keep safe.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)