SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pilipinas. Ingat buhay po tayo para po tayong lahat ay makapaghanapbuhay. Balik po tayong muli sa ating press briefing dito sa New Executive Building sa Malacañang.
Nagkaroon na naman po ng talk to the people address kagabi ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Ito po ang ilan sa mga salient points ng kaniyang mga sinabi:
Inumpisahan po ni Presidente ang pakikipag-usap sa taumbayan sa pagsasabing ikinatutuwa ng mga tao ang white sands sa Manila Bay. May gawin o walang gawin, ang mga kritiko at miyembro ng oposisyon ay mayroon palaging masasabi.
Mas magandang magtrabaho na lang para maibigay natin ang komportableng buhay na ipinangako ng administrasyong Duterte.
Mariing sinabi rin ni Presidente na nais niyang ma-cut ang delay at mapabilis ang mga kaso na may kaugnayan sa PhilHealth.
Ipinaliwanag din ni Presidente ang pag-isyu ng Proclamation 1021 na nag-extend ng state of calamity sa buong Pilipinas hanggang a-dose ng Setyembre ng susunod na taon. Ayon kay Presidente, mabibigyan ang pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan nang oras para magamit ang kanilang resources para labanan ang pandemya.
Inanunsiyo rin kagabi ni Presidente ang pag-aalis ng ban on healthcare workers na may perfected and signed contracts as of August 31, 2020. Makakapagtrabaho na po itong mga health professionals na ito sa ibang mga bansa. Sabay nito ay umapela ang Pangulo sa mga health workers na maglingkod sa mamamayang Pilipino.
Pumunta po tayo saglit sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na may dalawandaan libong trabaho ang nawawala dahil sa EU sanction. Mukhang nagpapakalat po nang hindi naman po tamang mga balita ang ating Bise Presidente at ang kaniyang mga kaalyado.
Naisulat na po ito, meaning, hindi na po ito bago itong sasabihin ko: Unang-una, hindi ang European Union or EU ang nagbanta ng trade sanctions; ilang miyembro lang po ng European Parliament ang nag-isyu ng resolution ukol dito.
Ang European Parliament po ay isa lang sa institusyon ng European Union, ngunit ang institusyon na nagpapatakbo ng European Union ay ang European Commission. Tanging ang European Commission lang po ang may kapangyarihan na mag-withdraw ng GSP preference. At sa ngayon po ay wala pa namang bansa na winidraw nila ang GSP preference. Bukod pa po rito, isa na naman po itong kasinungalingan ng mga kalaban ni Presidente at ng administrasyong Duterte.
COVID-19 updates naman po tayo ‘no. Ito po ang global update ayon sa Johns Hopkins: Mahigit tatlumpu’t isang milyon na po or 31,196,543 ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroong mahigit na siyam na raang libo or 962,793 ang binawian ng buhay dahil dito.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos – 6,833,722 cases; ang mga namatay po ay 199,812. Pumapangalawa ang India – 5,487,580 cases; ang mga namatay po ay 87,882. Pangatlo po ang Brazil – 4,544,629; ang mga namatay po ay 136,895. Pang-apat po ang Russia – 1,105,048; 19,420 po ang namatay. Ang Peru po ay 768,895 cases; 31,369 po ang mga namatay.
Sa Pilipinas po, mayroon po tayong mga kababayan na na-test na sa pamamagitan po ng PCR na 3,191,229. Ito po ay ginawa sa 99 licensed RT-PCR laboratories at 30 licensed GeneXpert laboratories. Sa lahat po ng mga COVID cases sa Pilipinas, ang aktibong numero po natin ay 54,958. At dito po sa mga aktibong kaso, ang asymptomatic po ay 8.9%, ang mild po ay 86.6%, ang severe ay 1.4% lamang at ang kritikal ay 3.1%.
Dumarami po ang recoveries natin – 230,233; ang mga namatay, gaya ng sinabi ko po, ay 4,999.
Pagdating po sa ating critical care capacity, mayroon pa po tayong 52% available nationwide na mga ICU beds, 56% available na mga isolation beds, 54% available ward beds at 74% available na mga ventilators. Moderate risk lang po tayo pagdating sa critical care capacity.
Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Pumunta na po tayo kaagad sa—bago po tayo magpunta sa open forum natin, nagpapasalamat po kami kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ang Chief Implementer ng Project ARK; at kay Congresswoman Janet Loreto Garin. Sinabi po natin kahapon na sasabihin natin sa taumbayan kung saan pupuwedeng pumunta para sa murang PCR tests – ito po ay naghahalaga ng 1,750 hanggang 2,000 pesos lamang po.
So ito po ang mga lugar kung saan kayo pupuwedeng pumunta para sa 1,750 hanggang 2,000 pesos na PCR test – huwag na kayong pumunta sa mas mahal po: Philippine Children’s Medical Center, diyan po ito sa Quezon Boulevard; Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital; Jose B. Lingad Memorial General Hospital, iyan po ay sa Pampanga; Perpetual Help College Center sa Las Piñas; National Kidney and Transplant Institute, diyan po iyan sa East Avenue – at maraming salamat po Doktora Liquete dahil palagi ninyo po kaming binibigyan ng PCR tests; Lung Center of the Philippines, diyan din po iyan sa East Avenue; Western Visayas Medical Center sa Iloilo po; Vicente Sotto Memorial Hospital sa Cebu; University of Cebu Medical Center sa Cebu; Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban; Baguio General Hospital po; Zamboanga City Medical Center; St. Paul’s Hospital Tacloban; Teresita Jalandoni Provincial General Hospital sa Negros Occidental; at Cebu Molecular Laboratory.
Sa mga lugar pong ito, dahil donated ang mga makina at ang mga test kits, 1,750 hanggang 2,000 pesos lang po ang babayaran. At kapag pinatupad na po natin ang pooled testing, bababa pa po ito sa 550 pesos hanggang 1,000 pesos.
Maraming salamat po sa Project ARK.
So uulitin ko po, sa Metro Manila: Philippine Children’s Medical Center; Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital; Perpetual Help Medical Center; National Kidney and Transplant Institute; at Lung Center of the Philippines. Doon na po tayo magpa-PCR test. Huwag na kayong pumunta sa mga mahal na PCR test facilities.
Okay, pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. First question from MJ Blancaflor ng Daily Tribune on health workers: The group Filipino Nurses United is calling on the government for the total lifting of deployment ban on medical professionals. Last night the President asked health workers to wait for it since the government is calibrating the process. When can we expect the President to decide on the total lifting of the deployment ban?
SEC. ROQUE: Well, malinaw po ang Presidente, habang mayroon po tayong state of calamity dahil sa COVID-19, mahihirapan pong i-lift iyang ban na iyan. At habang ang mga nurses po ay papunta sa mga bansa na mas maraming kaso kaysa sa Pilipinas eh pangangalagaan pa rin po ng Presidente ang kalusugan ng ating mga frontliners.
USEC. IGNACIO: Second question po ni MJ: Deputy Speaker Paolo Duterte has filed a bill that seeks to increase the salary of nurses in the private sector to make it at par with their counterparts in public hospital. Is the President inclined to certify it as urgent?
SEC. ROQUE: Hindi ko po sigurado kung masi-certify as urgent iyan pero siyempre suportado ng Presidente ang kaniyang anak. At tama naman po iyong bill ‘no, dahil kinakailangan naman talagang itaas ang sahod ng mga nurses sa pampribadong hospital, ipantay man lang mga suweldo ng nurses sa mga pampublikong ospital. Maraming salamat, Deputy Speaker Duterte.
USEC. IGNACIO: Vice President Leni Robredo said that there is more to fighting the COVID-19 crisis than just wearing face masks, waiting for vaccines and spraying pesticides throughout the country. How will the Palace respond to this?
SEC. ROQUE: Tama po ang sinabi niya. Kasi bukod po doon sa mga sinabi ni Presidente, tayo na po ang pinakamataas na testing rate, pero balewala po kay Vice President iyan. Tayo po ngayon ay nagpapatupad ng Magalong formula sa tracing, balewala po iyan kay Vice President. Napakadami na po nating isolation centers na naibukas, ang mga pampublikong mga paaralan ginagamit na ring isolation centers, ang mga hotel, balewala po iyan kay Vice President. At siyempre po, tayo po ay nagtayo na ng One Hospital Command Center na talagang nagbibigay ng referral service kung saan pupunta ang mga nangangailangan ng medical attention, balewala rin po iyan kay Vice President at sa mga oposisyon.
Sila po, wala raw tayong ginagawa. Well, sila lang ‘ata ang hindi nakakaalam kung anong ginagawa ng gobyerno. Buksan po ang mga mata at buksan po ang mga pandinig.
Joyce Balancio, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Follow up lang doon sa unang tanong on Vice President Robredo. Also in her statement, she listed 4 suggestions for the government that includes medical and non-medical interventions to combat the virus: addressing poverty, hunger, unemployment, restricting public and private finances and rebuilding the economy in an inclusive resilient and sustainable way. Any response po, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala pong bago; pinatutupad na po iyan ng gobyerno. Again, buksan po ang mata, buksan ang mga pandinig nang hindi po inuulit ang pinatutupad na ng gobyerno.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. On different topic, Secretary. Will President Duterte issue an executive order to regulate the prices of RT-PCR testing? Kasi po sabi po DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, they’re recommending for the President to issue an EO para po mag-impose ng price cap sa RT-PCR kasi magkakaiba po iyong presyo niya depende sa ospital or sa medical laboratory. Was this discussed during the IATF meeting yesterday?
SEC. ROQUE: Well, ang Presidente po ay nag-issue ng executive order imposing price caps sa medicines so I don’t think it is impossible for him to issue this executive order. Pero ang panawagan po natin napakadaming laboratories, gobyerno po ang nag-donate o kaya pribadong sektor ang nag-donate ng makina at mga test kits, ibaba ninyo po ang mga presyo.
Alam ko po may mga nagnanais sa inyo bagama’t non-profit kayo na kumita; huwag naman po. Ibigay na po natin sa taumbayan iyong benepisyo ‘pag kayo po’y nakatanggap ng libreng makina galing sa gobyerno at sa pribadong sektor o mga libreng mga testing kits. Iyon po talaga ang pangunahing pamamaraan para mapababa po ang halaga ng testing. Pero ‘antay din po tayo, naka-pilot na po ang pooled testing. ‘Pag napatupad na po natin ang wide scale pooled testing talaga pong bababa ang presyo.
JOYCE BALANCIO/DZMM: All right. While all praises po si President Duterte dito po sa white sand beautification project nga po ng DENR sa Manila Bay, apparently the Cebu provincial government noted that extraction of dolomite rocks destroyed or damaged the marine ecosystem sa Cebu particular iyong mga corals po doon. How do we reconcile this, sir? We are proud of the project but on the other hand mayroon po palang damage or reported damage to the environment. Who should be responsible and what should be done?
SEC. ROQUE: Hindi pa po natin talaga nabi-verify iyan, pag-aaralan po iyan ng DENR at titingnan po natin kung paano natin maibsan kung mayroon ngang danyos na nangyari diyan po sa Alcoy, Cebu.
Pero ang kinakailangan pong malaman ng taumbayan, sa mula’t mula po iyan ang kabuhayan sa Alcoy, Cebu. Hindi po ito kauna-unahang pagkakataon na sila’y nagbenta ng dolomite. Nakasalalay po iyong buong bayan na iyan sa pagbibenta ng dolomite. So matagal na po iyang nangyayari at iyan po ay dahilan para napakaraming may hanapbuhay at trabaho diyan po sa Alcoy, Cebu.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po for me, Secretary. Deputy Speaker and Camarines Sur Representative LRay Villafuerte said that super majority of congressmen want House Speaker Alan Peter Cayetano to extend in his term. Alam ko po you already mentioned that Malacañang will respect whatever is the decision of lawmakers when it comes to House Speakership. Pero personally kay Pangulong Duterte, is he okay if lawmakers will no longer push through with the agreed term-sharing because it was the President himself who brokered that deal? Sasama po ba ang loob niya kung hindi ito susundin or kung ito ang sentimyento ng super majority ng Kamara ay hahayaan na lang po niya?
SEC. ROQUE: Ay, tinanong ko po siya dito kagabi at dahil sinagot niya ako uulitin ko po ang sagot niya. He’s hoping na tutupad sa usapan ang partido pero kung wala pong number si Congressman Lord Allan eh wala po siyang magagawa. So the President is hoping that the Speaker and Congressman Velasco will honor their agreement but ultimately the decision will be the decision of the individual congressmen. Ang sabi po niya, to quote talaga is: “Kung walang numero si Lord Allan, wala siyang magagawa.”
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky again, please. Thank you, Joyce. Okay, mamaya na si Usec. Rocky. Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes. Good afternoon, Secretary. Nice to see you back in Manila. We have a good signal today.
SEC. ROQUE: [Laughs] Huwag kayong mag-alala kung lalabas kami, magbibitbit na kami ng taga-RTVM at mayroon na tayong dala-dalang sariling microwave.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Very good, very good. Okay, 156 countries are now part of COVAX, this is a group formed in coordination with the World Health Organization para maiwasan iyong vaccine nationalism at matiyak ang distribyusyon ng bakuna sa lahat ng bansa na mangangailangan nito. Paano kaya makikinabang ang Pilipinas? May kinatawan kaya tayo sa World Health Organization para isulong iyong interes natin at maiwasan iyong pangingikil umano ng mga drug companies na magbebenta ng bakuna sa atin?
SEC. ROQUE: Suportado po natin iyan ‘no at ang ating diplomatic mission po sa Geneva ay aktibo po na sumasapi sa mga usapin sa WHO para nga po makakuha tayo ng kinakailangan nating vaccine. Kung hindi po talaga magkakaroon ng kasunduan, tanging mayayamang bansa lang ang magkakaroon ng vaccine at kung papayagan po ito baka mabura ang the rest of the world ‘no. At hindi rin naman po ikabubuti iyan ng mga mayayamang bansa dahil kinakailangan din nila tayo para sa kanilang mga merkado. So tingin ko po nagkakaintidihan na kinakailangan magkaroon talaga ng equitable sharing sa pagdi-distribute ng vaccine at naniniwala po ako na maraming mga bansa lalung-lalo na sa Europa ang nagsasabi at nagdeklara na na itong laban sa pandemic ay isang laban hindi lang ng mga indibidwal na bansa kung hindi ng isang buong kadaigdigan.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary Harry, iyong bangayan na nagaganap sa House of Representatives, without sounding nostalgic, mukhang hindi naman nangyari iyan noong ikaw ay mambabatas pa. Pero hindi po kaya ito ay kinakikitaan ng bahid ng graft and corruption sapagka’t ang pinag-aawayan ay pera para sa kanilang mga pet projects sa House of Representatives?
SEC. ROQUE: Well, ang posisyon nga po ng Presidente, hinahayaan niya ang miyembro na magdesisyon kung sino ang kanilang magiging leaders dahil talaga naman pong lone jurisdiction iyan ng mga miyembro ng Kongreso. So sa akin po, huwag naman nating bigyan ng bahid ng kahit ano. Mayroon pong presumption of good faith, mayroon po talagang karapatan ang mga indibidwal na miyembro ng Kamara ang hahalal ng kanilang liderato.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pero iyon pong delivery ng pondo para sa kani-kanilang mga projects, mukhang iyon po yata ang dahilan ng bangayan eh?
SEC. ROQUE: Ang budget po nag-originate sa Malacañang. What Congress can do is they can decrease the budget, but they cannot increase it and they can also re-allocate funds, pero kung mayroong dadagdagan na pondo, mayroong item na mababawasan. Iyan po ay hurisdiksyon naman ng Kamara.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Suntok sa buwan po ito, Secretary. Puwede po ba ninyo kaming bigyan ng tip kung ano ang magiging talumpati ni Pangulong Duterte sa United Nations?
SEC. ROQUE: Tama po kayo, suntok po iyan sa Mars.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: So abangan na lang namin.
SEC. ROQUE: Abangan po ninyo alas-nuwebe ng gabi.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon munang kay Allan, iyong sa Speakership row. Sir, do you think iyon pong statement ninyo kanina nasabi ni Presidente, allegedly eh, that kung walang numbers si Lord Allan is wala siyang magagawa. Tama ba sir, iyong pick up ko kanina doon sa statement na iyon, and that was the President speaking?
SEC. ROQUE: That’s a verbatim quote from the President.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir, hindi ba siya, sir, reneging on the gentleman’s agreement between Congressman Velasco and Speaker Cayetano na napagkasunduan nila hati-hati sila and now pala, that’s subject to change?
SEC. ROQUE: Well, hindi naman po, kasi ang sabi niya totoo iyan, brinoker ko iyan at inaasahan ko na tutupad sila sa napag-usapan. Pero dinagdag nga niya ‘no, eh kung talagang walang numero si Lord Allan wala rin akong magagawa.
JOSEPH MORONG/GMA7: Was Congressman Velasco misled into thinking na he would have a half a term?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po masasagot iyan, ako po ay verbatim, sinagot ko na. Inulit ko lang ang sinabi ni Presidente at bilang isang tagapagsalita, kapag nagsalita na po ang Presidente, inuulit ko lang at hindi na po ako nag-a-annotate.
JOSEPH MORONG/GMA7: That means Speaker Cayetano continues with the Speakership, given what the President said, parang ano iyon, basbas iyan, sir, ano?
SEC. ROQUE: Iyon po ang sabi niya, kung walang numero si Lord Allan, eh wala akong magagawa, at ito naman po ay nasa Saligang Batas na mga miyembro ng Kamara ang hahalal ng kanilang liderato.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong kay Vice President Robredo, context noon, iyong sinabi niya kagabi? What do you say to those who say na waiting for a vaccine exactly, doesn’t sound like a plan?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo ang plano natin, national action plan 1, national action plan 2. Nasa national action plan 2 na po tayo kung saan binubuksan na po natin ang ekonomiya, pinag-iingat natin ang ating mga kababayan sa kanilang kalusugan para tayo ay makapaghanapbuhay, tuloy pa rin po ang ating mga localized lockdown and granular lockdowns at tuloy pa rin iyong pagpapaigting natin ng testing, tracing, isolation and treatment. Iyon po iyong plano. Pero habang wala talagang bakuna, habang walang gamot, wala pa rin talagang solusyon sa pandemyang ito. Hinahamon ko po si VP Leni, kung mayroon siyang solusyon na walang vaccine at wala pa ring gamot, sabihin po niya, dahil sigurado po baka ngayon din maging Presidente siya kung makahanap siya ng solusyon habang walang bakuna at walang gamot.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Sir last na lang sa PhilHealth. I don’t know if that is the full statement of the President with regard to the Ombudsman, but can you – since you are in the meeting, can you give us the full context of why the President would say that, you know, si Ombudsman Martires is a reasonable man. Where are we now with regard to the PhilHealth mess, such that he would say that he wants to expedite iyong mga cases? May kaunti bang friction or sagabal doon sa Ombudsman with regard to how we want to proceed with the PhilHealth?
SEC. ROQUE: Well, wala naman po. Kaya lang po, kung ikukumpara mo doon sa Task force PhilHealth na isang buwan nagkaroon na ng rekomendasyon, siyempre mas matagal po iyong proseso sa Ombudsman. Pero naniniwala naman po, nagtitiwala ang Presidente na si Ombudsman Martires will eventually file the corresponding charges po laban doon sa mga dapat maparusahan, iyon lang po ang konteksto noon.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, independent of the task force, sir, iyan ‘no, he wants Ombudsman to proceed?
SEC. ROQUE: Oo, independent. Nirirespeto po talaga niya na mas marami pang kasong maisasampa. Ang nais lang niya sana mapabilis talaga dahil gusto niya talagang makulong na iyong mga kurakot diyan sa PhilHealth.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ombudsman cases, sir?
SEC. ROQUE: And again to those who said that I was not speaking on behalf of the President when I was talking about corruption in PhilHealth, well, res ipsa loquitor, we are one po with the President in wanting to see all those corrupt people in PhilHealth behind bars.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa move ng Department of Health na gawing schedule ang pag-i-interview sa kanila; two days prior sa target interview, kailangan daw po makapagpadala ng request? ‘Di po ba may urgency sa information dissemination sa mga panahong ito, lalo’t DOH ang concerned agency?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano ang polisiya ng DOH, pero kaniya-kaniyang polisiya naman po iyan. Ang alam ko si Usec. Vergeire as Spokesperson is expected to give the public answer to their questions.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, balikan ko lang kanina, since nagtapos kayo sa question ni Joseph about corruption, because apparently, there is already a reaction mula po doon sa regional director ng LTO-Visayas. I remember, sir, kahapon po, you called him out to shape up. Let me just put his reaction. He said, Roque asked me to be fired after I discovered anomalies in the car registration process. He said, he discovered large scale tax evasion from distributors related to car registration. LTO-Vll Director Caindec is actually questioning your motivation daw, sir, for calling him out.
SEC. ROQUE: Malinaw po iyan. Okay, since Caindec brought out his own name, yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to probe po na kinikikilan niya iyong mga motorcycle distributors, and this is a matter of public document already, nang hindI po pumayag na mas mataas iyong kikil na ibibigay sa kanya, saka po siya nagkaroon ng kung anu-anong hadlang.
Now, I brought this attention to Asec. Galvante, pinayagan na po ang registration ng mga motorsiklo sa Cebu to be done outside of Cebu at lahat po halos ng mga dealers ng motorsiklo nagpapa-register na outside of Cebu. So that’s on the basis of affidavit, and since he is the one who spoke out, iyan po ang katotohanan.
Ano po ang motivation ko? The same motivation when I conducted a crusade against PhilHealth, the same motivation when I conducted a crusade against corruption in different GOCCs including, but not limited to government financial institutions. So malinaw naman po ako from the very beginning I stand for good government together with the President, so iyon po ang motivation. So I’m supported po by public documents and the corresponding charges will be charged. So, iyon po ang aking posisyon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, a few days before October, sir, kumusta po iyong preparation natin for the opening of classes? Tuluy-tuloy na po ba iyon or will there be any chance na ma-move po siya ulit?
SEC. ROQUE: Well, tuloy na tuloy na po iyan at ang Presidente na po ang nag-decide na October 5 po iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, since you spoke with the President last night, napag-usapan ninyo rin po ba on a personal note itong threat or itong EU planning to revoke our GSP privilege? Ano po iyong sintemyento ng Pangulo tungkol dito?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, hindi na bino-broadcast pero I can assure you maski wala akong speaking role on TV, about half of our meeting time is in response to my questions. I asked that he ratify my statement on EU, and he did. And he, of course, devoted a substantial period of time to express his view. Ang sabi niya mali nga na nanghihimasok itong European Union sa mga bagay na sakop ng soberenya ng bansa. Mahaba ang diskusyon ni Presidente tungkol kay Leila De Lima kung bakit hindi po siya talaga nakakulong as a political prisoner, kung hindi as a common criminal related to drug charges, the same thing with Maria Ressa. So my statements on the EU were completely ratified by the President yesterday; he completely agrees with my statements.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, my question is just about the UNGA speech. So, I was wondering, sir, if maybe recently you were able to talk to the President and ask him why he agreed this year to give a speech when in previous years he never did, baka you have new information on that?
SEC. ROQUE: Sinagot na po iyan kahapon ni Usec. Borje. There are matters po that are of profound significance to the international community kasama na po doon iyong COVID. Kaya magsasalita po sa kauna-unahang pagkakataon ang ating Presidente.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, walang bago pong sinabi si President about his motives?
SEC. ROQUE: Wala naman po. Ang diskusyon kahapon ay tungkol sa EU, tungkol sa nurses, sa Manila Bay at saka Speakership.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, next question. Because before si President was saying that he wouldn’t want to pay a reservation fee for vaccines to be developed by Western companies but we’ve also already set aside 1.5 billion for reservation fee which experts say actually refers to the advanced market commitment. So sir, the government already said we would contribute to the AMC if the COVAX facility. So, sir, how does the President’s remarks affect that commitment? Does it mean we will no longer contribute to the AMC of the COVAX facility?
SEC. ROQUE: No, we will cooperate po ano for… in connection with all multilateral efforts to ensure equitable sharing of a vaccine if developed. Pero gaya nga ng sabi ng Presidente, hindi siya naniniwala doon sa ginagawa ng ibang mga bansa (na) nagbabayad na ahead of time in the development of the vaccine to ensure that they get a supply. So, iyon po ang sinasabi ni Presidente na he is unwilling to do.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, last follow-up to that, sir. So, sir, you’re saying that for example Moderna or Pfizer if they developed a vaccine but asked for an AMC, the President will not want to pay that even if it means securing supply for the country of this very critical vaccine?
SEC. ROQUE: Well, ang style naman po ni Presidente kung hindi tayo magbabayad idinadaan po sa pagkakaibigan and that’s why he has fostered ties with all countries that are developing the vaccines including the United States for that matter.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, you think there’s a way for us to get the vaccine even if we don’t pay an AMC to these companies in the States?
SEC. ROQUE: Well, we don’t know if any company in the United States will in fact give us without payment of AMC but he’s sure that if it comes from Russia, if it comes from China, we can.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Thank you very much.
Okay… Well, iyon kay Caindec po ano nakapagtataka iyong LTO chief, iyong LTO regional director eh siya ngayon ang gumagalaw para sa BIR. Isipin ninyo taumbayan, bakit niya inilabas iyong BIR? Obviously because iyong mga motorcycle distributor nagsumbong nga, kaya nang nagsumbong bumawi. Nagsusumbong daw siya sa BIR … eh ‘di magsumbong ka sa BIR para mas maraming tax collection pero ang issue pa rin kurapsyon.
Zero corruption ang Presidente and huwag kang magkamali na gawin iyong mga ginawa ng ibang mga opisyal na hindi daw ako nagsasalita sa ngalan ng Presidente pagdating sa kurapsyon. Tingnan po natin… I will bring the matter up now to the top leadership.
Okay! So, wala na po tayo. I will see you Regional Director Caindec.
Okay, kung wala na po tayong mga tanong, maraming salamat po sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, USec. Rocky. Maraming salamat sa lahat ng nanood ng ating press briefing. I think our press briefing on Thursday will still be here in the NEB.
So, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, uulitin ko po: Ang mga corrupt, magtago na kayo, sisipain kayo ng Presidente sa gobyerno!
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)