Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



USEC. IGNACIO: Magandang araw. Patuloy po ang pagbibigay natin ng serbisyo at impormasyon, kasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Usec. Rocky, at magandang tanghali po sa inyong lahat. Sana po lahat po kayo ay malusog at matiwasay sa inyong mga tahanan.

Kagabi nga po ay kinausap ng ating Presidente ang ating mga kababayan at muli siyang nagpasalamat sa lahat sa kanilang kooperasyon sa panahon ng COVID. Nagpasalamat din po ang Presidente sa mga law enforcement agencies sa pananatili ng kaayusan. Inatasan ni Presidente ang PNP na gawing mas kumportable ang mga buhay ng mga kababaihan, mga bata at mga senior citizens sa panahon ng quarantine.

Kagabi rin ay sinabi ng ating Pangulo na wala na munang peace talks sa CPP-NPA-NDF. Inutos din ng Pangulo ang tuluy-tuloy na paghabol sa Abu Sayyaf sa kanilang pagpatay sa ating mga kasundaluhan.

Pumunta naman tayo sa magandang balita. Unang-una po, ang Pilipinas po sa ngayon ay na-maintain ang kaniyang credit rating na BBB+, – ano po ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay mataas po ang kumpiyansa ng mga magpapautang sa Pilipinas, at dahil dito, mas mababa po ang interes ang makukuha natin sa ating mga uutangin kung ikukumpara doon sa ating mga karatig-bansa.

At mabuting balita rin po, ang Piso po ngayon ay ang pangalawang pinakamalakas na currency sa Asia, next only to the Japanese Yen. Ang Piso po ngayon, ang palitan po sa dolyar ay 50.74, at ang palitan po sa Yen ay .4732.

Now, inatasan din po ng Pangulo ang FDA at ang DOST na dagdagan ang kanilang mga tao at mag-operate ng 24 oras. Ito po ay para sa mga proyekto na magbibigay solusyon sa ating problema sa COVID-19.

Nagbigay din po ng pabuya ang ating Presidente – 2o million – para sa sinumang Pilipino na makakabuo ng local respirator, na ang sabi niya ay dapat naman could outlast the life of the patient. Ito po ay dahil mayroong kakulangan talaga sa mga respirators.

Muli, inulit din po ng ating Presidente ang kaniyang direktiba na gamitin ang rapid test kits kahit wala pa pong mga validation. Sabi po ni Presidente, importante ang testing at dahil hindi pa sapat ang ating PCR testing, sagot na muna niya ang paggamit ng rapid test kits na gagamitin naman po in conjunction din with PCRs.

Balitang IATF naman po tayo: Naaprubahan po kahapon ng IATF ang Resolution #29. Ito po ay nagrerekumenda kung paano po ima-manage itong COVID-19. Itong resolusyon pong ito ay nagdi-direct na mag-explore at mag-utilize ng reversed transcription polymerase chain reaction test o PCR test sa lahat ng OFWs na umuuwi po galing sa mga high risk jurisdiction. Bagama’t ngayon po, lahat po ng mga bumabalik na OFWs ay ginagamitan na rin po ng rapid testing.

Naaprubahan din po kahapon ng IATF na mag-extend ng ECQ sa ilang mga bayan at mga probinsiya, at mag-impose ng GCQ sa iba pang mga probinsiya.

Now, babasahin ko na po ngayon kung ano iyong mga lugar na nasa ilalim po ng ECQ at nasa ilalim ng GCQ. Alam ko po lahat kayo ay nakikinig.

Now, nasa ilalim po ng ECQ pa rin, ibig sabihin po nasa ECQ pa rin po hanggang Mayo 15 ang NCR; ang Region III, except ang probinsiya po ng Aurora – uulitin ko po, ang Aurora, hindi na po nasa ilalim ng ECQ; GCQ na po ang Aurora. Ang Region IV-A (CALABARZON); ang probinsiya ng Pangasinan; ang Probinsiya po ng Benguet, kasama na po ang Baguio City; ang probinsiya ng Iloilo; ang probinsiya ng Cebu at ang Cebu City; at ang Davao City.

Uulitin ko po siguro ulit ang mga areas under ECQ: NCR, Region III – except Aurora, Region IV-A (CALABARZON), ang probinsiya ng Pangasinan, ang probinsiya ng Benguet kasama na po ang Baguio City, ang probinsiya ng Iloilo, ang probinsiya ng Cebu kasama po ang Cebu City, at ang Davao City.

Ang ibang mga lugar na hindi po kasama sa aking mga binasa, sila po ay mapapasailalim sa General Community Quarantine. Okay?

Ano naman po ang ibig sabihin ng General Community Quarantine? Ito po ay epektibo Mayo 1 hanggang May 15. Unang-una po, mayroon pong distinction iyong mga tinatawag na moderate at saka iyong mga low risk. Iyong mga low risk po, matapos ang Mayo 15, pupuwede na pong mawala sa quarantine. Iyong mga moderate areas po na nasa GCQ pa rin, dedesisyunan po iyan kung magpapatuloy pa sila sa GCQ.

Ano po ang ibig sabihin nito na para sa mga areas na nasa GCQ, at ito po ay importante dahil kapag ang Metro Manila at iba pang lugar na nasa ECQ ay maging GCQ, ang mga patakarang ito po ay magiging equally applicable: Una, ano pong ibig sabihin nito? Ang Department of Tourism po ay binibigyan ng awtoridad na gawin ang mga kinakailangang hakbang para mag-charter at pondohan ang sweeper flights para sa mga stranded na lokal na turista mula sa iba’t-ibang rehiyon pabalik po sa Metro Manila.

Now, simula Mayo 4, 2020 po, ang Higher Education Institutions ay pinayagan nang magbalik operasyon na may skeletal force sa mga lugar na hindi sa ilalim ng enhanced community quarantine para tapusin ang academic year 2019-2020 at para paghandaan ang flexible learning arrangement sa susunod na pasukan.

Now, mayroon din pong fake news na kumakalat po, na di-umano ay pumayag daw po natin ang Bitcoin lifestyle kung saan hinihikayat ng fake news na ito di-umano ang Presidente na matuto at ang bawat Pilipino ng Bitcoin lifestyle – fake news po iyan, fake news.

Now, under GCQ, ano ba ho ang mga industriya na pupuwede nang buksan? Well, ito po, mayroon po tayong slide diyan. Sisimulan po natin ang mga industriya na puwede nang buksan. Ang unang listahan po – ito po ay rekumendasyon ng Department of Trade and Industry. Hindi pa pormal na naaprubahan pero tingin ko po ay mayroon ng consensus ‘no so parang ito na po talaga iyan at mabuti nang mabigyan ng advance notice bagama’t sa susunod na briefing natin ay titingnan natin kung mayroon pang pagbabago. Pero ito na po iyong mga recommended industries. Hatiin po natin ito sa mga industriya na bukas sa ilalim ng ECQ at GCQ.

Unang-una, ang mga industriya pong ito ay bukas under ECQ and GCQ: Agrikultura, fisheries at ang buong entire chain po ng agrikultura at fisheries, kasama po ang manufacturing of feeds, fertilizers at pesticides.

Sa mga industriya po, iyong manufacturing and processing plants at ang entire value chain po nila including raw materials, inputs, including packaging and basic food products, essential products, medicine and medical supplies.

Lahat po ng pagkain, essential and hygiene products gaya po ng sabon, detergents, shampoo and conditioners, diapers, feminine hygiene products, tissues, wipes and toilet papers, at disinfectants. Iyong medicines and vitamins, iyong medical products gaya po ng PPEs, masks, gloves at iba pa, at ang pet food.

Kasama rin po na bukas sa ilalim ng ECQ at GCQ ang mga serbisyong hospital at ang mga klinika. Ang mga dentista po, papayagan po sa GCQ, at ang mga EENT clinics with strict health standards. Iyong mga retail establishments po kagaya ng groceries, supermarkets, hypermarts, convenience stores, public markets, pharmacists at drug stores.

Iyong food preparation and water refilling station po, iyong logistic service providers gaya cargo handling, warehousing, trucking, freight forwarding and shipping line.

Iyong delivery services po whether or not e-commerce platform, iyong in-house or outsource transporting only food, water, medicine, pet food, hardware products and other basic necessities. Iyong delivery services po, whether or not e-commerce platform, in-house or outsource for products other than above such as clothing and accessories and office supplies.

Ang mga bangko, ang capital markets per Section 5 of IATF Resolution 13 dated March 17, 2020.

Allowed din po sa ilalim ng ECQ at GCQ ang mga serbisyo gaya ng power, energy, water, IT, telecommunication supplies and facilities, waste disposal service at technical services ‘no. Iyong kuryente, iyong gaas, iyong steam at air conditioning supply.

Iyong postal and cleaner services, water collection, treatment and supply, waste collection, treatment and disposal activities except iyong mga material recovery, junkshops; iyong sewerage except po iyong pag-e-empty ng mga septic tanks. Iyong veterinary activities, iyong repair and maintenance of machinery and equipment, iyong repair of computers and personal and household goods, iyong services to buildings and landscape activities except landscape care.

Allowed din po sa kapareho ng ECQ at GCQ ang employment activities, iyong mga manpower services po for essential activities, iyong security and investigation activities, programming and broadcasting activities, rental and leasing activities except for entertainment and mass gathering purpose.

Accommodation na ginagamit po para sa quarantine para sa ating mga OFWs and Overseas Filipinos, as well as temporary accommodations for essential industries such as healthcare facilities, banks, BPOs, exporters and other frontline service sectors.

Iyong serbisyo po sa mga buildings and landscape activities except landscape care; iyong extraction of crude, petroleum and natural gas; iyong mga gasolinahan po; iyong laundry shops including self-service; at iyong mga funeral services.

Allowed pa rin po sa larangan ng exports sa ilalim ng ECQ and GCQ ang export companies with temporary accommodation and shuttle service, work-from-home; iyong Business Process Outsourcing companies with temporary accommodation and shuttle services po, work-from-home; ang mining at quarrying.

Ngayon ito na po iyong mga industriya na allowed sa GCQ na hindi po pinayagan sa ECQ. Ang mga industriyang pupuwede na po sa GCQ, other manufacturing activities, iyong mga beverages, both non-alcoholic and alcoholic drinks, cement and steel, electrical machinery, wood products, furniture, non-metallic products, textiles, wearing apparels, tobacco products, paper and paper products, rubber and plastic products, coke and refined petroleum products, other non-metallic mineral products, computer, electronics and optical products, electrical equipment, machinery and equipment, motor vehicles, trailers and semi-trailers, other transport equipment.

Allowed na rin po ang mga serbisyong ito under GCQ. Other services, malls and commercial center pero limited po ang opening. Ang puwede lang pong mag-operate sa ating mga malls ay mga hardware stores, clothing, accessories and non-leisure stores; kasama po siyempre iyong bukas under ECQ, iyong mga bangko, supermarket at hardware ‘no.

Iyong mga barbero po – tinanong po ito ni Joseph Morong – mga salon, spas and other personal care, recommended po ng DTI na buksan na pero mayroong strict health standards. Hindi ko po alam kung ito’y mababago bukas.

Wholesale and retail trade and repair of motor vehicles and motorcycles, construction and Build, Build, Build, forestry and logging, publishing activities, motion picture, video and television program production, sound recording and music publishing activities. Ibig sabihin iyong mga telenovela, dapat i-tape sa GCQ areas, hindi pa po pupuwede sa Metro Manila.

Advertising and market research, real estate activities except real estate buying and selling, other administrative office support and other business activities; legal and accounting, puwede na pong magbukas sa GCQ. Insurance, reinsurance and tension funding except compulsory social security, architecture and engineering activities, technical testing and analysis, scientific and research development, other professional, scientific and technical activities, social work activities without accommodation and government office and frontline offices. Ang lahat ng opisina po ng gobyerno, pupuwede nang magbukas under GCQ.

Ang hindi pa rin po pupuwede bagama’t mayroon nang GCQ ay ang entertainment related mass gatherings, not limited to theaters, cinemas, large concerts, festivals, carnivals, conventions, shows, clubs and pubs.

Ang mga gyms, fitness studios and sports facilities, ang business related mass gatherings including but not limited to trade shows, conferences, conventions, workshop at retreats, at ang politically-related mass gatherings including but not limited to election rallies, polling centers, parades, speeches and addresses.

Hindi pa rin po pinapayagan ang mga sports related mass gatherings including but not limited to trainings, games, tournament, and championship. Ang libraries, archives, museums and other cultural activities, gambling and betting activities, travel agency, travel operator, reservation services and related activities, at activities po ng mga membership organization.

Now ipapaskil po namin itong mga sektor na ito sa webpage hindi lang po ng Office of the Presidential Spokesperson, pati na po sa webpage ng PCOO at bibigyan po namin ang lahat ng media outlets ng kopya nang sila po ay makatulong po natin sa pag-disseminate kung ano na iyong mga industriyang bukas.

Okay, so let’s open the floor to questions.

Other matters nga pala po, iyong Balik-Probinsya natin, marami pong nagtatanong ‘no sa Balik-Probinsya programa na nilabas po ni Senator Bong Go. Huwag po kayong mag-alala, nagkakaroon na po talaga nang puspusang pagmi-meeting ngayon ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para po doon sa long term plans sa Balik-Probinsya.

Iyong mga gustong bumalik probinsya po ngayon, hahanapan po natin ng paraan iyan ‘no at mayroon namang existing program po ngayon. Pero huwag po kayong mawalan ng pag-asa dahil talaga pong sa mga panahon na napakahirap ng buhay dito sa mga siyudad, eh talaga pong tutulungan natin ang ating mga kababayan na nais umuwi sa kanilang mga kaniya-kaniyang mga probinsya para manirahan doon.

Okay, Trish Terada of CNN Philippines

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon po. Sec., when the President hinted about modified quarantine last night, will you please clarify for us kung ang ibig sabihin po ba nito is magkakaroon ng changes sa ECQ or Enhanced Community Quarantine before the 15th or is he talking about the scenario after May 15 or iyong tinutukoy na po ba ni Presidente ay iyong GCQ?

SEC. ROQUE: Ang tinutukoy po niya ay GCQ. Pero dahil mayroon na nga tayong nilabas na mga ilang mga polisiya under GCQ, eh papunta rin naman talaga sa GCQ ang mga lugar na nasa ECQ, provided na iyong mga kaso nga po ng COVID-19 ay hindi gaanong mabilis ang pagtaas at sapat ang kakayahan ng ating mga health sector na mabigay ng serbisyong medikal.

So ang tinutukoy po ni Presidente, talagang effective May 1 dahil sa GCQ we are partially open ‘no. So nagkakaroon nang malaking pagbabago dahil lahat ngayon ay nasa ECQ tayo. At come May 15, magkakaroon po ng desisyon kung iyong mga nasa ECQ ay magiging GCQ na rin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, just to set the record straight for everybody, so iyong mga residente na under ECQ iyong lugar nila, wala po tayong aasahang modification in the next days until May 15?

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Iyong mga lugar na under ECQ – as is, where is. At kung naalala ko ‘no, may mga ibang probinsiya na hindi na ngayon nasa ECQ na noong unang anunsiyo ay, sabi nga natin, subject to verification ‘no. So may mga ilang probinsiyang natanggal po diyan ‘no. Iyong Capiz at saka Aklan, naalala ko, isa iyan sa mga probinsiyang natanggal. Ang Davao del Norte at saka Davao De Oro ay natanggal na rin doon sa area ng ECQ. Pero, uulitin ko po, ang buong Iloilo ay kabahagi pa po sa ECQ.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, I’d like to ask about iyong sa case po ni AFP Chief of Staff General Santos, when he sought help from the Chinese Embassy with regard doon po sa gamot na supposedly nakatulong po sa kaniya gumaling from COVID-19. May na-violate po bang protocols when he did this? And at the same time po, may nakikita po ba iyong Malacañang o wala po bang nakikita na conflict of interest on the part of the Chief of Staff to do this amid iyong, of course, iyong stance natin for sovereignty? Is this ethical on his part?

SEC. ROQUE: I don’t think naman there was any evil motive behind the actions of our good General. Eh iyon po ang nagpagaling sa kaniya, so nais lang niya na sana na mapabilis iyong proseso na magamit din natin kung anuman iyong sa tingin niya ay nagpagaling sa kaniya.

Kaya nga po kahapon kasama na sa order ni Presidente, kinakailangan doblehin ang workforce ng FDA at ng Department of Science and Technology. Kasi po para din doon sa mga imbentor ‘no, lilinawin ko, ang FDA po, siya ang nag-a-approve at disapprove ng pagbebenta sa publiko. Pero ang paggawa po ng clinical studies, hindi po iyan katungkulan ng FDA. Kung pribado po iyan at may pera naman at kapital, sila po ang magku-commission ng mga pamantasan na gumawa ng clinical studies.

Pero kahapon nga po, ni-report din ni Secretary Dela Peña, iyong ilang mga gamot na gobyerno na po ang nagbayad para sa clinical studies ‘no, iyong coconut oil at iilang mga gamot na kabahagi po sa solidarity trials, pinondohan na po iyan ng ating gobyerno mismo.

So iyan po ang marching order ng Presidente ‘no, pabilisan natin iyong paggamit ng posibleng mga gamot, doblehin ang workforce ng FDA at ng DOST, at mayroon pa ngang pabuya ang Presidente, hindi lamang para sa makakadiskubre ng bakuna kung hindi, pati na rin sa makakagawa ng mga locally made respirators.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: But, Secretary, ito pong specific drug na ginamit po ni General Santos, nakapila na po ba siya (signal cut) …

SEC. ROQUE: … po sa FDA dahil ang pangako naman po ng FDA, mayroon tayong simplified process. Unang-una, kung mayroon na po iyang rehistro sa isang foreign country; at pangalawa, kung ito naman po ay classified as traditional medicine – mayroon po tayong ibang proseso ng pagrehistro niyan. So I would encourage siguro na itong mga ganitong gamot ay isumite na natin for registration sa FDA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Next question, si Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Galing kay Girlie Linao/FOCAP, ito po ang tanong niya: Reaction daw po to Justice Antonio Carpio’s suggestion for the Philippines to hold joint patrols with Vietnam, Malaysia and even Indonesia in the South China Sea. Ito po iyong quote ni Justice Carpio, “It is very unfortunate that China is doing this during this pandemic.” Sinabi po niya ito sa isang media forum, “We are battling a pandemic that came from China, and China is taking advantage of our difficulty right now. It’s time really to talk to our neighbors – Vietnam and Malaysia, and perhaps even Indonesia – that we should conduct joint patrols now. We will be sending a message that China cannot pick us out one by one. We are united.”

SEC. ROQUE: Suggestion well-taken, although we do not agree po with the personal opinions of Justice Carpio on what China is doing. But the suggestion on joint patrol is well-taken, it will be considered. Next question please, si Joyce Balancio.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, just to clarify doon sa mga listahan ninyo na still prohibited under ECQ and GCQ doon sa mass gatherings, kasama po iyong religious activities, pagsisimba po?

SEC. ROQUE: Kasama pa rin po ang pagsisimba – opo, kasama pa rin po.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. And then, Secretary, doon sa video na plinay [played] kagabi, I heard Secretary Duque was recommending to the President iyong pagkakaroon ng mobile clinics for LGU. Was it something recommended by the IATF and approved ba ito ni President Duterte?

SEC. ROQUE: Iyan po ay naging report lamang. But I can see the advantages of mobile clinics ‘no, so iyan po ay pinag-aaralan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. And then, you mentioned, sir, doon sa Higher Education Institutions, papayagan na sila, skeletal workforce this May. Mayroon na rin po bang final approval ang IATF when it comes to date or month ng opening of classes? Na-finalize na rin po ba iyan? Will it be August or September? Napag-usapan po ba ito?

SEC. ROQUE: Well, the September recommendation remains subject to final approval by the Department of Education.

JOYCE BALANCIO/DZMM: I’m asking, sir, because private school groups like Federation of Association of Private School Administrations, they said that they will start the school year in the usual month of June kahit po may ganiyan na tayong pronouncement na may recommendation to move it to a later date and they will implement a blended learning – paghahaluin po iyong online learning and traditional face to face. Is it something that the Palace is aware of? Or okay ba itong ganito or dapat hindi muna sila magpatupad ng ganiyan?

SEC. ROQUE: Malinaw po ang desisyon: Iyong mga higher education institutions, pupuwede lang po silang mag-skeletal force para po tapusin iyong academic year at para po doon sa tinatawag nilang – may bago na po silang tawag, hindi lang online – ang tawag nila ay “flexible learning”.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. So hindi po sila puwedeng mag-start ng kanila lang, ng opening ng classes ng June kahit sabihin natin, simula na lang through online modules?

SEC. ROQUE: Well, kung flexible po iyan, that may be covered by the directive on flexible learning. Pero iyong pagbubukas po na physical opening, hindi pa po pupuwede.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. So as long as online lang po, puwede silang mag-start ng classes kung gusto nila nang June? Tama, Sec?

SEC. ROQUE: Joyce, ako din I have to train myself to say “flexible learning” kasi mas malawak po iyong flexible kaysa sa online.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay, last na lang po from me, Secretary. Isa pong consumer group na nagsa-suggest kung puwedeng sagutin ng gobyerno iyong nakukonsumo ng mga mahihirap nating mga kababayan, iyong mga nasa 100 kwh or kilowatt hours, posible po ba ito or is the government looking into this suggestion?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po mayroong voluntary programs sa mga electric cooperatives na sinasagot voluntarily ng mga electric cooperatives iyan, pero under 50 ‘no and it’s on a voluntary basis. So iyang suhestiyon po siguro nila ay pag-aaralan, pero ngayon po ay walang ganiyang desisyon.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Dalawa po ang tanong ni Jopel Pelenio ng DWIZ. Marami pong mga senior citizens ang nagtatanong kung kailan daw po maibibigay iyong kulang na 1,000 doon po sa kanilang 2,000 monthly pension increase?

SEC. ROQUE: [OFF MIC] … sa kanila ano, at ang sagot po ay gumagawa po daw sila ng mga actuarial valuation na mas maaga kaysa doon sa kanilang original schedule para tingnan po kung kailan maire-release iyong 1,ooo na iyan. Huwag po kayong mag-alala, kinakalampag din po natin ang SSS diyan.

USEC. IGNACIO: Second question niya: Hindi daw po ba puwedeng maisama sa SAP ang mga SSS pensioner na tumatanggap lang po ng 1,500 hanggang 2,000 pesos na monthly benefits? Kasi Marami daw po sa mga small time pensioner na ito ang hindi pa rin nabibigyan ng tamang suporta ngayon ng kanilang mga kaanak dahil wala rin po silang kita o hanapbuhay dulot pa rin ng ECQ. May kaawa-awa nga daw pong lolo na nabilanggo dahil allegedly sa pag-aamok matapos na hindi raw po mapabilang sa SAP.

SEC. ROQUE: Talaga naman pong naiintindihan po natin ang hirap ng buhay ngayon ‘no. Ang orihinal na guidelines po ng ating DSWD ay iyong mga retirado na tumatanggap nga ng pension kahit gaano kaliit ay hindi dapat makatanggap. Pero mayroon naman po iyang case to case basis na evaluation ‘no. Eh kung ang natatanggap lang ng isang buong pamilya ay 1,ooo pesos na pension ng isang retirado, eh siguro naman po ay mapapasama na iyan.

So naiintindihan po namin ang inyong predicament, at makipag-ugnayan po tayo sa DSWD o di naman kaya sa aming tanggapan kung sa tingin ninyo ay entitled ang buong pamilya ninyo sa SAP bagama’t mayroong 1,000 or 2,000 na pension ang natatanggap ng isang miyembro ng inyong pamilya.

USEC. ROCKY: Bella Cariaso/Bandera, iyon daw pong nangyaring gathering ng mga naka-quarantine na OFWs ni Ms. Mocha Uson, hindi ba daw po maliwanag na pag-violate ng social distancing efforts ng government dito, especially na napaka-at risk ng mga OFWs sa COVID-19 dahil nanggaling sila sa iba’t-ibang bansa na there are cases of the deadly virus? Na-defeat din ang purpose ng quarantine which is to isolate everybody and ensure iyong mga possible po na nahawaan ay ma-identify? Can we educate even officials of government on how social distancing works? Wala bang liability si Ms. Uson dito? Salamat po.

SEC. ROQUE: Bella, si Binibining Mocha Uson po ay nagtatrabaho ngayon sa OWWA. So ipo-forward po namin itong information na ito doon sa OWWA Administrator at siya po ang bahalang magdesisyon.

USEC. IGNACIO: Iyong second po niyang tanong: Mayroon ding viral video ng supposed scene sa palengke ng Novaliches proper noong Sabado kung saan dagsa rin po ang mamimili. Apparently may mga hindi pa rin mahigipit na nagpapatupad ng social distancing especially sa Quezon City na more than 1,200 na po ang kaso ng COVID-19.

SEC. ROQUE: Well, mga kababayan uulitin ko po: Wala pa po tayong vaccine, wala pa tayong gamot para sa COVID-19. Mapapabagal lang po natin ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng social distancing at good hygiene.

So ang solusyon po dito ngayon, habang wala pang bakuna ay nasa ating mga kamay, social distancing, manatili po sa ating mga bahay-bahay at ito naman ay applicable even in areas na mayroong GCQ na pagdating ng Mayo 1.

Hindi po ibig sabihin na palibhasa GCQ na tayo, tigil na ang social distancing. This is a new normal po, social distancing. Kinakailangan i-deprive po natin ang COVID-19 ng isang host ‘no para hindi na po siya kumalat.

USEC. IGNACIO: Secretary, from Rose Novenario ng Hataw. Sinabi daw po ng IATF noong April 15 na may sapat na supply ng kuryente sa Luzon sa panahon ng Luzon-wide ECQ at libre daw po ang kuryente ng Marso at Abril sa mga nagkunsumo lang ng hanggang 50 kilowatt-hours sa mga electric cooperatives. Pero bakit mula nang ia-announce, ito lagi na lang pong nagba-brownout sa Oriental Mindoro na tumatagal ng hanggang 12 oras, halos araw-araw mula noong isang linggo at walang paliwanag ang Ormeco sa ganitong sitwasyon?

SEC. ROQUE: Nire-reiterate ko po na sapat ang supply ng kuryente. Pero pinagbigay-alam din namin sa DOE kung bakit ganito ang nangyayari sa Ormeco, hindi po dapat ganyan. Pagdating naman po doon sa libreng singil sa kuryente, iyan po ay voluntary na binibigay ng iba’t ibang electric cooperatives.

Pero huwag kang mag-alala, Rose, kakalampagin po namin ang DOE kung bakit ganyan ang Ormeco.

JOSEPH MORONG/GMA7: Iyon pong recommendation ng DTI na [garbled] desisyon iyong dadaanan niyan o iyan na iyon?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo subject to final approval na hindi po umabot kahapon ‘no, so inaasahan po namin na bukas ang magiging final approval niyan dahil ang meetings po ng IATF ay Mondays, Wednesday and Fridays. Pero kampante naman po si Secretary Lopez na more or less, wala naman pong malawakang pagtututol diyan. Kung mayroon man, siguro one or two items lang.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, so operationalized natin iyong mga pinayagan na mga industries under GCQ, maliwanag GCQ; ang ECQ wala muna tayong pakialam diyan kasi iyong Metro Manila, walang galawan, tama?

SEC. ROQUE: Yes, correct.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, for example, sir, you mentioned iyong mga malls papayagan itong retail, clothing, accessories, and non-leisure. So ibig sabihin iyong mga clothing brands can operate in the malls?

SEC. ROQUE: Puwede na po.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, puwede nang mamili ng mga damit iyong mga tao if they are able to, right?

SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa rekomendasyon ng DTI. So ang mangyayari po, ang mall, unang-una, ang mga restaurants take out pa rin, so wala pa ring kainan, wala pa rin pong sine, tapos iinitan po ang aircon ng hindi tumambay ang mga tao at mayroon pong compulsory temperature check at saka paggamit ng alcohol habang nasa mall tayo.

Tapos iyong mga supermarket, iyong mga bangko, iyong hardware at saka iyong mga retail clothes stores ang magbubukas. Sarado pa rin po iyong mga gaming, iyong mga pinupuntahan ng mga kabataan para sa video games at mga computer games. At sarado nga po, wala pa rin tayong buffet siguro diyan sa mga areas na iyan dahil magiging dahilan po iyan para magkumpulan ang tao.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon kahapon natin na question. Iong mga salons, mga barber shops, of course, they also have to earn itong ating mga kababayan under this industry – they will be allowed under GCQ?

SEC. ROQUE: Sa rekomendasyon po ng DTI, under very strict hygiene standards. Pero sa tingin ko po isa ito sa isyu na magiging sentro ng balitaktakan sa pagmi-meeting ng IATF bukas.

JOSEPH MORONG/GMA7: You also mentioned dental services.

SEC. ROQUE: Yes, bukas na po ang dental services, recommended open, yes.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may patanong lang iyong iba nating kasama. Halimbawa iyong mga mass gatherings obviously hindi siya allowed even in GCQs, pero sabi nitong [unclear] allowed 25 na mga bisita, halimbawa sa mga weddings, puwede ba iyon?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po bawal pa rin ang mass gatherings. Iyan po ang general rule so—I think 25, I guess depende rin kung gaano kalaki iyon, kung sa isang football field iyon na 25 can be allowed dahil may social distancing ‘no. Pero ang importante po ay huwag magkumpul-kumpulan dahil binibigyan po natin ng host ang COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, puwede bang sabihin LGU level power ito?

SEC. ROQUE: Anong LGU? Hindi po, ito ay desisyon na ng IATF na dapat ipatupad ng mga LGUs. Lilinawin ko po: Ang mga LGUs puwede silang magpataw ng mga parusa sa paglabag nitong polisiyang ito pero kailangang magpasa sila ng mga ordinansa.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong government functions in GCQs, like for example registration ng mga vehicle, iyong mga kailangan ng papel sa City Hall. Papaano po iyon sa GCQ areas?

SEC. ROQUE: Bukas na po iyan ‘no. So ang mga opisina ng gobyerno, kinakailangan mag-provide po kayo ng pamamaraan para magkaroon ng social distancing, siguro po ang pila ngayon parang pila sa supermarket, may mga upuan na malayo sa isa’t isa para po nga maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA7: Alright. So national agencies, sir, they will have to resume kanilang functions by May 1 ‘no?

SEC. ROQUE: Opo, opo—although May 1 is a holiday, so May 2 sila magbubukas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, in terms of the list lang, ang nakuha ko lang kanina iyong Aurora na hindi na siya ECQ but GCQ.

But before you have a whole section of provinces na i-evaluate kung continue ang ECQ or GCQ, I will just mention some: Abra, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Aklan. These provinces, ano iyong decision, sir, ECQ or GCQ?

SEC. ROQUE: GCQ na sila.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, ito ah, Abra hanggang Maguindanao iyong alphabetical list ko.

SEC. ROQUE: Actually, ang naalala ko lang from memory ha – sa Luzon, ang mga kinonsider na possible—ang hindi napasama lang ay Aurora kasi iyong Pangasinan at saka Benguet ay napasama pa rin.

Sa Visayas, ang posibleng mabago pa iyong Iloilo, Capiz, Aklan, Antique; ngayon Iloilo na lang ang napasailalim sa ECQ. At sa Mindanao, iyong Davao Del Norte at Davao De Oro, kasama na ang Davao City, pero ngayon Davao City na lang.

JOSEPH MORONG/GMA7: Davao City na lang ang ECQ, sir.

SEC. ROQUE: Opo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last na lang talaga. Perspective para doon sa ating mga kababayan: Tayo nasa ECQ, NCR ‘di ba; GCQ iyong mga medyo lumuluwag na. But, ito na iyon, ito na iyong sinasabi ninyo na magiging new normal. Wala na itong mas mabuti pang sitwasyon, GCQ na tayo until we discover a vaccine for COVID. Tama ba?

SEC. ROQUE: Parang ganoon ang ating hinaharap ngayon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Meaning, sir, kapag po iyong Metro Manila nag-move to GCQ, tingnan natin iyong ginagawa sa GCQ areas and we can learn from what they are doing and in terms of maybe stymie the spread of COVID, correct?

SEC. ROQUE: Tama po iyon, kaya nga po maski tayo ay nasa ECQ, pansinin pa rin natin kung ano ang nangyari sa GCQ dahil papunta rin naman tayo doon – hopefully.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate. Iyon daw pong sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public message na “There is no more peacetalks to talk about. I am not, I will never be ready for any round of talk sa CPP-NPA” ay baka daw po mas maging dahilan para umatake at manggulo ang rebeldeng grupo sa panahon na lumalaban ang pamahalaan sa COVID-19. Handa po ba ang gobyerno para harapin ang mga ganito, gayong batid po naman ng lahat na ang mga sundalo ay isa rin po sa mga frontliners na katulong ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic?

SEC. ROQUE: Kasi po ang problema, ang CPP-NPA nag-deklara ng unilateral ceasefire na hindi nila mismo sinusunod – so ano ang alternatibo ngayon? Wala na tayong ibang alternative kung hindi, itigil na nga po iyang ceasefire na iyan kasi wala namang kakayahan na ipatupad ni Joma Sison iyong sinasabi niya on the ground at wala po talagang isang salita itong kalaban nating ito. So, unfortunately wala pong ceasefire.

USEC. IGNACIO: From Arianne Merez ng ABS-CBN News online: AFP Chief General Santos wrote to the Chinese Ambassador for help in buying Caramycin tablet from China. Ginamit daw po niya ito noong nagka-COVID siya, pero hindi po ito FDA registered. How does the Palace view this act of General Santos?

SEC. ROQUE: He had no bad intentions – but the drug has to be registered with the FDA and according to the law, he did not commit any crime too dahil hindi naman siya nag i-import at hindi siya nagbebenta nitong drogang ito.

USEC. IGNACIO: Opo, from Vanz Fernandez ng Police Files: Will the government provide some financial aid to some lower income pensioners like SSS? They need medicine daw po for their maintenance.

SEC. ROQUE: Well, parang nasagot ko na po iyan. Maski 1,000, 2,000 hindi naman automatically disqualification iyan. Pupuwedeng case to case, kung iyan po talaga ang kita sa buong pamilya eh pupuwede naman pong makakuha pa rin sila ng SAP. At kung hindi po ako nagkakamali, iyong iba’t ibang mga pension na natatanggap ng ating mga senior citizen ay tuloy pa rin naman po iyan. Hindi po iyan dahilan, wala pong dahilan para matigil iyong pension na nakukuha nila sa lokal na pamahalaan at saka sa DSWD.

USEC. IGNACIO: From Celerina Monte ng Manila Shimbun: Does the Palace agree with the observation made by Justice Carpio and US Secretary of State Mike Pompeo among others that China is taking advantage of the corona virus pandemic to advance its territorial ambitions in the South China Sea, why or why not?

SEC. ROQUE: We do not agree with that conclusion. Although the current policy is we will defend all our national territory and our sovereign rights.

USEC. IGNACIO: From Jonna of FOCAP: What is the policy about condo management hiding the existence/presence of a positive COVID case in their compound or building? Can they be penalized by keeping residents uninformed about it? What’s the responsibility of the LGU in cases like this?

SEC. ROQUE: Well, mayroon po tayong batas, iyong RA11332. Ito po iyong “An act providing policies and prescribed in procedures on surveillance in response to notifiable diseases, epidemics and health events of public health concerns.” Isa sa prohibited acts po iyong unauthorized disclosure of private and confidential information, tampering of records and non-cooperation of person or entities identified as having the notifiable disease. Mayroon talagang obligasyon na ipagbigay-alam sa ating DOH or health authorities iyong mga mayroong sakit ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: May tatlo pong tanong si Mylene Alfonso ng Bulgar: Ano raw po ang maaaring parusa sa LGUs na hindi pa rin natatapos sa pamimigay ng first wave ng Social Amelioration Program na dapat po ay hanggang April 30 na lang?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po ano, nag-utos na po ang DILG, mayroon pong tatlong araw na lamang mula ngayong arawa ang lahat ng Local Government Units na ipamigay ang SAP. Pagkatapos po, magkakaroon na po ng ‘show cause order’ kung bakit hindi sila dapat panagutin administratively and criminally. Administratively and criminally, they may be held liable for dereliction of duty, which is a form of graft.

USEC. IGNACIO: May apila daw po ang 2.9 na milyon na kasapi ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw naibibigay ang unang bugso ng ayuda, samantalang na-extend na ulit po ang ECQ.

SEC. ROQUE: Kasama po iyan sa ipinag-utos ng ating DILG, iyong mga tricycle drivers, bagama’t DOTr ang nagre-regulate sa kanila, iyong SAP po ay nanggagaling din sa DSWD na naibigay na sa mga local na pamahalaan. So kasama po iyan sa direktiba, three days from today, otherwise show cause letter or face administrative and criminal sanctions.

USEC. IGNACIO: Pa-clarify din daw po, Spox, sa sinabi ng Pangulo kagabi na kung sino pa ang hindi nabibigyan kasi pabibigyan namin lahat. Ano po ang ibig sabihin ng Pangulo dito?

SEC. ROQUE: Kaya nga po nagkaroon ng order na within three days, lahat iyong mga lokal na pamahalaan kinakailangan ipamahagi na iyong mga natanggap na pondo para sa SAP. Lahat po ng na-identify beneficiaries, bibigyan po natin.

USEC. IGNACIO: From Willard Cheng ng ABS-CBN. Tungkol daw po sa nais ng DOLE na ipa-deport ang caregiver sa Taiwan na si Elenel Egot Ordidor dahil sa post niya na critical daw po sa Pangulo. Ano daw po ang status ni Ordidor at nasaan na siya? Bawal ba talaga ang ginawa ni Ordidor or may legal basis ba ito?

SEC. ROQUE: Well, unang-una siya po ay nasa Taiwan pa. Hindi pa siya nade-deport. Pangalawa po, mayroon po tayong batas na umiiral, iyong cyber libel at saka cyber-crime law at saka mayroon din po tayong Bayanihan Act. So pinag-aaralan po iyan ng ating mga awtoridad, parehong Department of Justice at saka iyong local labor attaché po doon po sa Taiwan na isang dating fiscal kaya alam po niya kung ano ang ating criminal law.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero ng Philippine Star: What did the President mean when he said last night that we might partially reopen soon? Is he referring to Metro Manila or entire Philippines? How soon? What will warrant such reopening?

SEC. ROQUE: Well, I already answered. Pero dahil nga po beginning May 1 mayroon ng GCQ, we have partially opened the economy.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero pa rin: Ano pong credit rater ang nagsabi na retained ng Philippines ang BBB+ rating? Kailan ito inilabas?

SEC. ROQUE: Well, halos lahat naman po pero iyong projection nga po, iyong mga karatig-bansa natin, bumaba na po ang kanilang credit ratings. Now, ang estimate po ng ating Department of Finance kung bababa man tayo ay very negligible po ang pagbaba natin.

USEC. IGNACIO: From Hannah Sancho ng SMNI: Pag-resume po ng utilities, pakiusap po ng mga kababayan natin, if puwede staggered daw po ang bills na hindi nabayaran nitong mga nakaraang buwan.

SEC. ROQUE: Well, may batas na po diyan, 60 days grace period. Kung kinakailangan pa pong mas mahaba, kinakailangan ng bagong batas.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano daw po mangyayari sa travel restriction sa foreign, domestic travel under GCQ?

SEC. ROQUE: Tuloy pa rin po, wala pa rin pong foreign travel allowed except iyon mga ina-allow po even under GCQ – iyong mga dayuhan na nais umalis, iyong mga diplomatic at government employees ng iba’t ibang mga bayan. Iyong papasok naman po, tanging mga Pilipino lang ang papapasukin, iyong mga kamag-anak na mga Pilipino, iyong mga OFWs natin at iba pang mga returning Filipinos.

USEC. IGNACIO: From Romblon News Network. Kung puwede daw pong palinaw lang, Spox, iyong mga government offices na magbabalik sa pasok, lahat ba ng opisina ng gobyerno ay magbubukas na o iyong frontline government offices lang daw po?

SEC. ROQUE: Sa GCQ, bukas na po ang gobyerno.

USEC. IGNACIO: Okay, iyon lang po ang mga katanungang, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Well, since wala ng katanungang, maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat, Pilipinas. And as usual, let’s all keep safe. Hanggang sa Huwebes po, ito po ang inyong Spox Harry Roque. Magandang umaga po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)