SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Pag-usapan po natin ngayon ang isyu ng budget, may mga nagtatanong kung magpapatawag ba ho ang Malacañang ng isang special session para maiwasan ang delay sa pagpasa ng budget.
Nag-isyu na po tayo ng statement tungkol dito ‘no, at ang sinabi po natin ay mataas po ang kumpiyansa ng Palasyo na may sapat pang panahon para magtapos po ang deliberation kaya walang dahilan para ito po ay ma-delay.
Para mas maunawaan po natin ito, tingnan po natin iyong dalawang kaso na sinayt [cited] ko doon sa ating press statement. Ang una po ay ang Tolentino vs. Secretary of Finance at ang pangalawa po ay ang Alvarez vs. Guingona. Ang parehong kaso po ay nadesisyunan ng ating Kataas-taasang Hukuman.
Iyong unang kaso po ay tungkol po dito sa pagpa-pass ng VAT ‘no, at ang sinasabi nila ay hindi raw nasunod iyong probisyon ng Saligang Batas na lahat po ng mga appropriations bill ay dapat nagmumula sa ating Kamara. Ito po ang sabi kasi ng Saligang Batas ‘no na lahat po ng appropriation bill, iyong mga revenue at tariff bills at iyong mga local bills ay dapat magmula sa House of Representatives at dapat mag-concur o propose ng amendment ang Senado.
Ang isyu: Kinakailangan ba hong mapasa on third and final reading bago po makaakto ang Senado? Ang sagot po ng Korte Suprema – hindi.
Dahil ang sabi po sa kaso ng Tolentino, kinakailangan lamang na maunang mag-file ng revenue or appropriation bill sa Mababang Kapulungan. Ibig sabihin, hindi iyong batas ang dapat maipasa ng Kamara kung hindi iyong bill lang, iyong panukalang batas lang po ay dapat maunang mai-file sa Saligang Batas. Ibig sabihin, maski hindi pa po nagti-third reading ang Kamara ay pupuwede naman pong ma-discuss na ng Senado iyong proposed appropriations bill.
At dito naman po sa kaso ng Alvarez, bagama’t ito po ay isang local bill pero pareho po ang rule na dapat magsimula o mag-originate sa Kamara. Ang sabi naman po ng Korte Suprema ay iyong pagpa-file sa Senado ng isang substitute bill habang inaantay pa iyong bill na galing sa Kamara ay wala pong nilalabag na probisyon ng ating Saligang Batas. At itong bill nga pong ito ay nakahain naman po sa Senado, naging dahilan kung bakit ang mga iba’t ibang mga komite ng Senado ay nagsimula na ng kanilang deliberasyon.
So uulitin ko po: Tingin ko po, bagama’t naipasa sa second reading at nag-recess o nag-adjourn ang ating Mababang Kapulungan ay hindi po maaantala ang pagdidinig sa mga komite ng Senado ng ating National Appropriations Bill dahil nadesisyunan na po iyan ng Kataas-taasang Hukuman sa kaso ng Tolentino at ng Alvarez.
Now, sa ibang bagay naman po. Iyong pagkatapos po ng panawagan ng ating Presidente na dapat mailibre na iyong Beep card – iyong Beep card lang po ha, hindi po iyong pamasahe – ay nagkaroon po ng katugunan na ang ating Department of Transportation. At ang sabi po ng DOTr, dapat libre na po ang Beep card. Okay? Iyan po ay nakalagay po sa isang issuance ng DOTr na nagbabawal sa lahat ng mga public utility vehicle na maningil ng Beep card. Ito po ay sa Memorandum Circular #2020-057 or Removal of Fees of AFCS Cards Charged to Commuters Apart From Fare Loading. Ito po ay epektibo na bukas, October 9, 2020. Kinakailangang walang gastusin ang pasahero maliban lamang sa kaniyang pamasahe sa tuwing sasakay sa pampublikong sasakyan. Ang polisiyang ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo at ni DOTr Secretary Arthur Tugade na huwag i-charge ang mga commuters ng halaga ng paggamit ng AFCS. Maraming salamat kay Presidente at kay Secretary Tugade.
Klaro po iyan ha, simula bukas a-nueve ng Oktubre, epektibo na po ang kautusan ng DOTr at LTFRB na ipinagbabawal ang PUV operators o kanilang AFCS providers na maningil ng anumang karagdagang fee or charge sa mga pasahero. Pamasahe lamang po ang kinakailangang bayaran ng pasahero kung siya ay sasakay ng pampubliko utility vehicles.
Bilang bahagi naman po ng pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan, naitanong po natin kahapon kay Secretary Liling Briones kung tuloy po iyong pagpapatupad ng ating sinulong sa 17th Congress na “Masustansiyang Pagkain Para sa Batang Pilipino.” Ito po iyong libreng masustansiyang pagkain para doon sa mga kulang sa timbang na mga estudyante sa public schools. Now, ang ating intensyon po na ginawa nating batas iyan ay dahil mga po ay napakadaming nagugutom sa ating mga kabataan at importante na mapakain sila kung hindi sa kanilang mga tahanan ay sa eskuwelahan.
Eh paano nga ba ho ngayong walang face-to-face na tinatawag ‘no. Ang sagot po ni Secretary Liling Briones, hinahatid po ng barangay sa mga malnourished na mga ma-aaral ang libreng at masustansiyang tanghalian sa kanilang mga bahay. At ito po ang ilang mga larawan na nagpapakita kung paano po naiimplimenta ang ating batas sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
Sa Region I po sa Urdaneta City, sila po ay nagdi-distribute ng mga milk packs. Ito po ay nagpapakita na ang mga barangay at mga teachers ay tulung-tulong na naghahanda ng milk packs na dini-deliver sa mga kabataan.
Ito po iyong kanilang distributions sa Dapitan City naman po ‘no – from Dagupan to Dapitan. At nagdi-distribute din po ang DepEd at saka ang DSWD dito po naman sa mga iba’t ibang beneficiaries ‘no. Ganiyan po ang nangyayari ngayon ‘no dahil wala pong mga face-to-face, hindi nakakakain sa eskuwelahan ang mga kabataan, dinadala na lang po sa kanilang mga bahay.
So kinagagalak ko pong ibalita sa inyo na bagama’t walang face-to-face, tuloy po iyong pagpapatupad ng ating batas na magpakain ng masustansiyang tanghalian sa ating mga kabataan.
So ngayon po, magkakaroon na po tayo ng meal supplementation para sa mga sanggol, anim na buwan hanggang 23 months, kasama na iyong mga ina, at patuloy po iyong pakain natin sa mga grade school students ng masustansiyang tanghalian.
Maraming salamat po sa DepEd at maraming salamat sa Pangulo dahil sinuportahan po ni Pangulo iyong batas na ito.
Balitang COVID-19 naman po tayo. Mayroon na po tayong 36,063,675 cases sa buong mundo at mayroon na po tayong 1,054,153 deaths. Nangunguna na pa rin po Estados Unidos – 7,546,488; ang deaths po ay 211,725. India po ay pangalawa – 6,757,131; ang deaths po ay 104,555. Ang Brazil po ay pumapangatlo – 5,694,000; ang deaths po nila ay 148,228. Sa Russia po – 1,242,258; 21,755 ang mga namatay. Sa Colombia – 877,683; 27,180 po ang namatay.
Sa Pilipinas, nakapag-test na po tayo ng halos apat na milyong mga Pilipino gamit po ang PCR test. Ang actual numero po ng mga na-test na natin ay 3,737,871. Ito po ay ginawa sa 107 licensed RT-PCR laboratories at 33 licensed GeneXpert laboratories.
Ang aktibong kaso po ng COVID sa ating bayan ngayon ay 49,989. Sa numerong ito, ang asymptomatic po ay 9.4%, ang mild ay talaga naman pong karamihan, 85.9%; ang severe ay 1.5% at ang kritikal ay 3.3%
Ang recoveries po natin, patuloy na tumataas, 273,723; ang mga namatay po ay 5,925 – nakikiramay po kaming muli.
Pagdating naman po sa ating mga critical care utilization rate, pagdating po sa ICU bed, ang mabuting balita po 54% pa po ang available; ang isolation beds po natin,55% pa ang available; ang ward beds natin, 50% pa ang available; at ang ventilators ay 77% pa po ang available. So hindi po tayo nasa kritikal. Okay.
Okay, so dito naman po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, walang iba kung hindi ang ating Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, Secretary Galvez. Is Secretary Galvez on the house?
SEC. GALVEZ: Yes, sir. Yes, Spox.
SEC. ROQUE: Yes, sir. Secretary Galvez, Chief Implementer, nasaan na po tayo sa laban natin sa COVID-19? The floor is yours, Secretary.
SEC. GALVEZ: So, on behalf of the National Task Force against COVID-19 headed by our chairman Secretary Delfin Lorenzana and Vice Chairman Secretary Eduardo Año, good afternoon po. Today, I will be providing you an overview of our National Action Plan Phase 3 (NAP 3).
During Phase 3, we will be looking forward in sustaining our gains from the previous National Action Plans while providing an equilibrium, both on our health safety and economic recovery in the implementation of our National Action Plan. During this phase, we assure the public that there would be no more tradeoffs. Phase 3 will be our transition plan to the new normal from the last quarter of this year rolling down the road towards the first quarter of 2021. It is anchored on effective risk management in managing our health risk while we are opening our restriction and economy and learn to live with the virus until the vaccine is available.
As to what NEDA has pointed out, for every week, that the community quarantine is imposed in the National Capital Region, around 0.10 to 0.28% is being shaved off to the national potential annual GDP growth of 6.5%. So, meaning every 0.1% is equal to P19.5 billion in lost value added or around P 63.4 billion in lost sales.
So, in order to be able to breathe life in our economy, we need to focus on these key areas:
First, we need to further strengthen our ‘prevent, detect, isolate, treat and recovery strategy’ particularly in the prevention and detection side.
Second, we need to strengthen our active case finding in our communities to proactively detect the possible cases even without testing. Ito, ginagawa na po natin ito na ang ating DOH ay bumababa na po sa mga barangay through our CODE teams. Sinimulan po natin ito sa mga barangay ditto sa Metro Manila.
Third, we have sufficient quarantine facilities where positive cases can stay until they fully recover. We must strictly implement the ‘no home quarantine policy’ which greatly reduce the active cases in Cebu, Navotas and other parts of NCR and other regions. Sa ngayon po ay ina-activate po natin ang expanded Oplan Gawad Kalinga dito po sa area ng Batangas at Cavite area.
And lastly, we have to continue our collaboration with the private sector considering that the private sector has been an invaluable partner of the government in building much needed COVID-19 infrastructure and a way forward towards full recovery. So, kanina po nakasama po natin sa programa, ingat lahat para po tayo maka-recover, so, nagkaroon po tayo ng programa po kanina with the private sector.
So, NAP 3 will help us transition to the new normal as I have said earlier. The plan’s third phase will provide us the necessary strategic systems and mechanisms that would enable to jumpstart our economy but at the same time continue to lower active cases until a vaccine is available.
I would like to remind everyone again that we cannot afford to be complacent. We have seen that if we have lower our guard cases will go up; the second wave is just around the corner, let us continue to observe the minimum health standard.
Ang sabi po sa atin ni Spox Harry Roque, ingat buhay para sa hanapbuhay, para ingat-angat tayong lahat.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: [Off mic] bakit mayroon pa ring mga nagsasabi na wala daw tayong plano sa COViD-19 eh pangatlong National Action Plan na po iyan. So, siguro po magbasa-basa ng peryodiko, manood ng balita nang malaman na pangatlo na pong stage o phase ang ating plano laban sa COVID-19.
Pumunta na po tayo sa ating open forum with Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Secretary Galvez.
From Jam Punzalan of ABS-CBN News Online, National Commission of Senior Citizens Chair Attorney Franklin Quijano urged authorities during a briefing to let the elderly go to malls and grocery store from 9 to 11 A.M. for their basic needs. Question: What are the odds that the IATF will allow this considering that older adults are at greater risk of more serious COVID-19 illness according to the WHO?
SEC. ROQUE: Unang-una, hindi po pinagbabawalan lumabas ang ating mga seniors para bumili ng kanilang necessities. Pupuwede po silang pumunta sa mga malls, sa groceries kahit anong oras. So hindi ko po maintindihan kung bakit kinakailangan aprubahan pa iyan ng IATF eh never po natin silang pinagbawal na lumabas para po sa kanilang basic necessities.
USEC. IGNACIO: Opo. How does the Palace feel about this considering that Filipinos have been on lockdown for about half a year and yet they are still afraid to go out? How do we allay their fears?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po si Presidente sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag na um-appear sa isang commercial ‘no na ang mensahe po ay ingat buhay para sa hanapbuhay. Matatagalan pa po siguro talaga itong COVID-19 pero ganoon pa man, alam na natin ang anyo ng sakit na ito; alam natin na pupuwede nating maiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan nang mananatiling malusog.
At sabi nga po ni Presidente: mask, hugas, iwas. So huwag po nating kakalimutan iyan at kapag tayo naman po ay nag-mask, hugas, iwas at nanatiling malusog, natutulog nang tama, kumakain ng masustansiya eh tayo naman po ay makakaiwas sa sakit na iyan para tayo po ay maghanapbuhay.
Hanggang hindi po naaalis ang takot sa mga puso natin, hindi po magiging normal ang ating mga buhay dahil habang hindi tayo naghahanapbuhay eh wala talaga tayong ikabubuhay.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyong basis lang po ng question ni Jam doon sa una niyang tanong, kasi daw po addition in SWS survey found out that most of Filipinos find it risky to go to the market and to their workplace because they might catch COVID-19.
Iyong pong third question niya: How do we plan to rescue the economy if people are afraid to even go to their workplace and buy their basic needs from their local palengke?
SEC. ROQUE: Well, kasama na po diyan iyong ating strategic communication plan na ingat buhay nga po para sa hanapbuhay ‘no. Medyo naantala lang po iyong pag-release ng pondo kaya umaasa tayo ngayon sa pag-i-air ng ad na iyan sa mga libreng spots na binibigay po ng KBP ‘no at nagpapasalamat po kami sa lahat ng miyembro ng KBP dahil wala pa po ng bayad eh iniere na nila. Pero ginagawan naman po ng paraan na mapabilis iyong pag-release ng public funds para ma-air na iyang ad na iyan at samantala po ang PTV-4 ini-air na po iyan, ini-air din natin iyan dito sa ating press briefing ‘no.
Pero ang mensahe po, nanggagaling na po iyan kay Presidente. Si Presidente na po ang nagsasabi sa taumbayan: Kinakailangan po pag-ingatan ang ating mga buhay para tayo’y maghanapbuhay – mask, hugas, iwas.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary
SEC. ROQUE: Joyce Balancio, please. Thank you po, Usec.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon, Secretary. Ang sabi po ng Department of Health, possibly next year magkaroon daw po ng measles or tigdas outbreak sa Pilipinas at alam natin ‘pag nangyari iyon sasabay po iyan sa COVID-19 pandemic. Now, the DOH said mayroon silang iro-rollout na immunization program this October pero ‘pag nagtanong po kayo sa mga magulang on the ground, marami po sa kanila natatakot na bakunahan iyong kanilang mga anak dahil nga po sa COVID-19.
So what is your message to the parents? And is President Duterte, does he have specific instructions or directives to prevent a measles outbreak?
SEC. ROQUE: Ang mensahe po ng Presidente: Mga magulang huwag po nating katakutan ang bakuna.
Itong bakuna naman po sa measles, isa na ito sa pinakaluma at pinakamaagang ginagamit na natin. Bakit pa po natin i-expose sa aberya ating mga minamahal sa buhay na mga chikiting eh samantalang mayroon naman po tayong tried and proven na bakuna laban diyan. Naiintindihan po namin ang takot ninyo sa panahon ng COVID-19 at dahil marami kasi talagang nagkalat ng lagim ‘no doon sa mga ibang mga bakuna. Pero itong measles naman po, matagal na pong ginagamit iyan so wala po kayong dapat ikatakot ‘no.
At pagdating naman po sa COVID-19, well ang mabuting balita po, tama po si Presidente. Tama po si Presidente nabasa ko po sa New Yorker Magazine na in fact sa Tsina mayroon nang ginagamit ang mga Tsino na vaccine bagama’t ito’y hindi pa officially approved ng health authorities ng Tsina at mayroon na pong natapos pala sa third clinical phase na vaccine sa Tsina ngayon.
So the President must have had his sources of information but he is correct – a vaccine is soon to be available.
So antay lang po nang konti, konting tiyaga at ang pangako naman ng Presidente, gagastusin po natin ang kaban ng bayan para mabigyan unang-una ang mga mahihirap ng bakuna laban sa COVID-19.
Meanwhile po, libre po ang vaccine o bakuna para po sa measles. Pabakunahan na po natin ang ating mga chikiting.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, si Health Secretary Francisco Duque, he was elected as this year’s Chair for the World Health Organization Regional Committee for the Western Pacific. Him being elected was actually unopposed by 37 member-states of the WHO. Any reaction to this, sir? Gaano kaimportante ang role ni Secretary Duque and iyong significance na Philippines ang Chair nitong WHO Regional Committee?
SEC. ROQUE: Well, our congratulations to Secretary Duque and my classmate in the Cabinet at ito po’y nagpapatunay na nagtitiwala po ang WHO sa kakayahan ni Secretary Duque.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Gaano kaimportante sir na Philippines ang napiling Chair nitong Regional Committee?
SEC. ROQUE: Siguro po kinikilala natin na sa region eh talagang ang response po natin sa COVID ay mukha naman pong epektibo at naniniwala po ang WHO na tama ang mga hakbang na ginagawa natin para labanan ang COVID-19 habang wala pang bakuna at habang wala pa pong gamot.
JOYCE BALANCIO/DZMM: All right. Last na lang po for me, Secretary. Sabi po ng Civil Service Commission, they’re planning to conduct the Civil Service exams via online. Handa na po ba tayo for this, Secretary? We know every year, thousands ang kumukuha ng Civil Service exams and we earlier noted—admitted na rin po ng Department of Education na iyong internet connectivity, it’s one of the main challenges of blended learning. Handa na po ba tayo for online Civil Service exams?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko po, kabahagi na iyan ng new normal ‘no. Hindi naman tayo puwedeng mag-antay ng bakuna at ng gamot bago tayo bumalik sa normal na buhay ‘no. So tingin ko po habang nandiyan ang teknolohiya gamitin natin lalung-lalo na napakadami po nating hinahanap na mga manggagawa sa gobyerno at napakarami ring nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So posible sir, kaya naman?
SEC. ROQUE: Kaya po iyan. Kakayanin po natin iyan. Kung kinakailangan nating kalampagin ang mga telecoms company gagawin po natin iyan dahil tinanong naman ni Presidente, “Ano bang problema ninyo?” Kulang daw ang telecoms tower. Ginawa ni Presidente, sinabihan lahat ng mga lokal na opisyales, “‘Pag hindi ninyo pinayagang tumayo iyan, lagot kayo sa akin!” So wala na pong magiging dahilan ang telecoms company kung hindi nila ma-improve iyong ating telecoms facilities at connectivity.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Joyce. Punta naman tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: May sinabi po si Senator Sotto na maaaring magpatawag ng special session ang Malacañang kung gusto nilang maipasa sa tamang oras ang 2021 National Budget, ito’y matapos suspendihin ni Congressman Cayetano ang sesyon hanggang November 16. Kinukonsidera ba ng Malacañang na option ang pagpapatawag ng special session para hindi daw po ma-delay ang pagpapasa sa national budget?
SEC. ROQUE: With all due respect, kaya po dinitalye natin iyong kaso ng Tolentino ‘no at saka ng Alvarez para ipakita na bagama’t na-approve sa second reading pa lamang ang panukalang batas na National Appropriations Bill sa Mababang Kapulungan eh pupuwede naman po magpatuloy ang Senado sa kanilang deliberations on the committee level ‘no.
So sa tingin ko po, hindi dapat masyadong maantala iyan sa pagdi-declare ng adjournment ng Kongreso kasi sang-ayon po dito sa desisyon na ito ‘no lalung-lalo na iyong Tolentino, puwede naman pong magpatuloy na ang Senado. In fact, iyong pag-file po ng substitute bill does not violate the rule na dapat mag-originate o magsimula sa Kamara de Representante ang appropriations bill.
Sabi nga dito po sa kasong ito, maski ibang-iba na iyong bill na naipasa ng Senado, wala rin pong epekto iyon dahil kinilala ng Korte Suprema sa kasong Tolentino na iyong mga—dapat magmula iyan sa Kamara dahil mas maraming ang kongresista na mas representatives sa mga pangangailangan ng kanilang mga constituents on a local level. Pero ang Senado kaya pupuwedeng baguhin altogether ng Senado iyang budget bill na iyan ay dahil mas malawakan naman ang prespektibo ng mga senador na halal ng buong bayan at hindi lang ng mga local constituents. Iyan po ay nakapaloob sa desisyon ng Tolentino versus Secretary of Finance.
Pero kung kinakailangan po talaga eh mayroon naman po ng December 14 ‘no na adjournment for Christmas ang Kongreso. Kung talagang kinakailangan, after the 14th, doon po magpapatawag ng special session. Wala naman pong prejudice iyan.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Para naman po kay Senator Lacson, dapat daw linawin ngayon ni Pangulong Duterte ang kaniyang posisyon kaugnay sa lumalalang bangayan sa Speakership post sa kongreso na nakakaapekto na sa timely passage ng 2021 national budget. Giit ni Senator Lacson ang clear signal mula sa Pangulo kung sino ba talaga mula kay Speaker Alan Peter Cayetano or Congressman Lord Allan Velasco ang dapat maupo sa puwesto ay makakatulong na hindi na lumala ang awayan sa kongreso?
SEC. ROQUE: Ulitin ko lang po, hindi po dapat maging dahilan ng pagkaantala ng national budget itong nangyari sa Kamara. Malinaw po ang desisyon ng Tolentino. It is not the law but the revenue bill which is required by the Constitution to originate exclusively in the House of Representatives. Iyong pagsasampa lang po ng panukalang batas, dapat nauna ang pagsasampa sa Kamara de Representante. At dahil ito naman po ay nasunod, wala pong hadlang, para magpatuloy ang deliberation ng Senado sa national budget bill. Ganoon pa man, in the same way na ang Presidente naman po ay nirerespeto ang indibidwal na opinion o boto ng mga miyembro ng Senado kung sino ang dapat maging Senate President, malinaw na malinaw ang mensahe ng Presidente. Iyan ay purely internal matter of the House of Representatives, bahala po ang mga representante ng ating mga taumbayan na maghalal ng kanilang lider diyan sa Kamara de Representante. Malinaw na malinaw po ang posisyon ng Presidente at malinaw rin po ang Constitution at ang jurisprudence tungkol dito sa bagay na ito.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po mula kay Evelyn Quiroz para po kay Secretary Carlito Galvez. Ang tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: As the Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19, have you encountered instances when LGUs have been reported to have refused in cooperating with the government’s programs and policies against the pandemic?
SEC. GALVEZ: Noong mga unang ano po natin sa NAP Phase 1, dahil nangangapa po tayo, talagang parang nagkaroon po ng talagang kanya-kaniya pong implementasyon. Pero sa ngayon po, maganda po ang naging ano po natin, because of we were able to localize iyong ating National Action Plan, doon sa phase 2 and at the same time, madalas na po tayong bumibisita sa mga LGU.
Sa ngayon po, medyo nabibigla nga po kami, dahil talagang kami pa ang nai-inspire dahil kasi iyong kanilang mga ginagawa po ay talagang hinihigitan pa po ang ating ginagawang implementasyon ng minimum health standard. Ang nakita lang po namin na isa sa pinaka-critical ay iyong mga lugar na talagang mayroon political bickering at saka malakas ang pulitika. Doon nagkakaroon ng malakas na infection, dahil kasi, there is no unity of effort. Pero kapag once na we are able to have iyong cohesion at na-unify namin iyong mga pulitika, at the same time, iyong lahat ng mga doctors and also all the stakeholders have work together nakita namin po na umaayos po iyong mga kaso. Iyon lang po ang nakita po namin. Sa ngayon po nakikita po namin, we would like to congratulate all the LGUs, kasi nakita po namin ginagawa po nila ang dapat po nilang magawa para mapigilan po ang ating pandemic.
TRICIAH TERADA/CNN PHIL.: Sir, first question. The President will have a full Cabinet meeting on Monday about the strategies for the economy. Noong last meeting po with the economic managers, nabanggit po ninyo na nag-present po sila ng current scenario natin. Sir, what were the scenarios presented by the economic team in pushing for further reopening of the economy and at the same time what are the latest economic projections should the businesses remain closed po?
SEC. ROQUE: I do not have the exact figures with me, napakahaba po ng presentation ni Secretary Chua ‘no. But the conclusion is, ang solusyon, ang epekto ng pandemya ay bumaba ang ekonomiya. At kapag bumaba ang ekonomiya, ibig sabihin mas maraming nagugutom, mas maraming walang trabaho, mas maraming hindi nakapag-aaral. Ang solusyon, ang tanging solusyon po, buksan pa po natin ng mas maluwag ang ating ekonomiya na pupuwedeng gawin naman kung pag-iingatan po ang buhay.
TRICIAH TERADA/CNN PHIL.: Sir, in what ways pa po natin nakikita ang puwedeng buksan iyong ekonomiya as we proposed?
SEC. ROQUE: Well, sa transportasyon po talaga, kasi iyong one meter rule na iyan, eh suma total po diyan, mga 30% lang ang transportation natin. So kinakailangan po natin ang 20% na buksan pa ang ekonomiya, kung mananatili po tayo sa GCQ. Dahil ang GCQ, ibig sabihin, eh 50% lang po ng ekonomiya ang nakabukas. At doon po sa mga datos ni Secretary Chua, pinakita niya na bagama’t GCQ ang Metro Manila, ang problema, 60% ng ekonomiya ay nasa Metro Manila. So, 50% pa lang ng Metro Manila ang nakabukas sa ngayon. So, pag-uusapan pa po pupuwede bang mas luwagan natin ang ating ekonomiya ng maging 75% man lang ang Metro Manila at iyong mga karatig na probinsiya kung saan ang bulto ng ekonomiya ay nakasalalay at ano iyong mga pamamaraan para mapatuloy na mapangalagaan ang kalusugan.
TRICIAH TERADA/CNN PHIL.: Sir, on another topic, the United Nations Human Rights Council has adopted a resolution seeking technical assistance to the Philippines amid the alleged killings and alleged rights abuses under the administration or Duterte administration. Sir, part po noong proposed technical assistance cover support for investigative and accountability measures, data gathering on alleged police violations and etcetera. Sir, are you open to this, is Malacañang open to this?
SEC. ROQUE: Well, to begin with, we are thankful for the UN Human Rights Council. Tama po naman iyong kanilang ginawang resolution at nagpapasalamat po kami dahil iyan po ay nagpapakita na nagtitiwala pa rin ang UN Human Rights Council sa mga institusyon para mapanagot po ang mga lumalabag sa karapatang pantao ng ating mga kababayan.
So, we will fully cooperate po with the UN Human Rights system dahil iyan naman po ang gusto natin. We are not saying, we are perfect, kaya nga kung gusto ninyo, huwag na ninyo kaming pulaan; tulungan na lang ninyo kami. At ito pong latest resolution ng UN Human Rights Council, nagbibigay ng technical assistance sa atin is very much appreciated.
TRICIAH TERADA/CNN PHIL.: Secretary, last na po. Iyon pong doon sa Twitter, may nagti-trend po, there is a movement called #LoveisNotTourism. Tinatanong po nila, what are the considerations as you discussed the proposal? And how soon could we see a resolution on this?
SEC. ROQUE: Huwag po kayo mag-alala, maghuhuramentado na ako sa IATF mamaya tungkol dito sa #LoveisNotTourism ‘no. Napakatindi po talaga ng lobby ng mga nag-iibigan at naiintindihan naman po natin iyan. Hayaan po ninyo, talagang mamayang hapon may meeting sa IATF, talagang sasabihin ko ‘Uy, mga kasama, kinakailangan aksiyunan na ito dahil walang tigil ang pagtatanong galing po sa #LoveisNotTourism!’
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong muna kay Gillian Cortez ng Business World. What is the Palace’ reaction to Senator Panfilo Lacson’s statement saying the budget is as good as reenacted? Because of the premature suspension of House sessions without submitting the 2021 budget with the Senate. He said, this is due to the time constrained. This will impose in the timeline to finish the budget before the year ends?
SEC. ROQUE: Well, pangatlong beses ko na pong uulitin ang Tolentino versus Secretary of Finance, hindi naman po dahilan para maantala iyong deliberations sa committee level sa Senado ng ating budget iyong nangyari sa Kamara de Representante. At sa tingin ko po, pagdating ng November 16 yata, ang sinabi ng House Speaker natin na ma-approve nila on 3rd and final reading ay may sapat pa rin naman pong panahon. Kung hindi, December 14 naman po iyong kanilang recess, puwedeng humingi ng special session para po matapos ang budget.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes, Secretary good afternoon. Would you have an idea kung ano ang laman noong ipinasang budget ng House of Representatives on second reading? Mayroon kasing concerns na baka naisaksak iyong mga insertions doon na controversial?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, iyan naman po ay naka-base po sa National Expenditure Plan. Ang Malacañang po, ang Ehekutibo ang nag-submit ng proposed budget. So, I understand there are 14 agencies that still have to be scrutinized. So iyong budget ng 14 agencies po is as proposed by the executive. Kaya po, mas dapat, huwag magkaroon ng dahilan na mag-alala, dahil ito naman po ay preparado nga po ng Malacañang na wala naman pong kinakatigan pagdating sa pagpupondo ng mga proyekto. At saka mayroon pong proseso na sinusunod.
Alam po ninyo, dahil ako po ay naging dating Congressman, ang proseso naman po diyan, walang project lalo na sa DPWH na ikukonsidera na hindi dumadaan unang-una sa Municipal and Provincial Development Council. Tapos pupunta po iyan sa Provincial Development Council, pupunta sa Regional Development Council, iyong RDCC. Sila po iyong magsasabi kung ire-recommend nga sa line agency na ma-include o hindi iyan. So ang problema po kaya siguro iyong iba nawawalan ng project, hindi kasi sila sumusunod doon sa proseso na dapat sina-submit sa Provincial at saka sa Regional Development Council, that’s a free legal advice from someone whose been in Congress on how to get projects, kinakailangan po sundin iyong proseso ng RDCC.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. May tanong po ako kay Secretary Galvez, if you may, Secretary Harry?
SEC. ROQUE: Yes, please. Secretary Galvez…
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, Secretary Galvez. For your information, may isang maliit na bayan sa Alabat Island, ito po iyong Perez na may populasyon na mga labinlimang libo. Pero ang impormasyon ko po ngayon, ako po ay tiga-Alabat Island, may tatlumpu’t pitong nag-positive sa COVID-19. Kausap ko po si Mayor Ferdinand Mesa ng Alabat na aking kamag-anak at nabanggit niya na baka sakaling magkaroon kayo ng tinatawag na emergency quarantine facilities para doon sa Alabat Island District Hospital. Baka raw po masuri ninyo sapagka’t kailangang-kailangan ngayon doon sa aming maliit na pulo ng Alabat. Salamat po.
SEC. GALVEZ: Opo, pupuntahan po namin kaagad. At madalas naman po kaming nag-uusap ng Mayor ng Alabat at nakapunta na po siya sa akin, sa opisina. At titingnan po namin at papuntahan namin po sa Regional Director po ng DPWH para makapag-ano po tayo kaagad ng mga quarantine facility po sa area. Tatawag po ako—
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po.
SEC. GALVEZ: …kay Secretary Villar.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you.
SEC. ROQUE: Iyan po si Mr. Aksyon Agad Secretary Galvez. Back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Question from Sam Medenilla: Ano po ang reaksiyon ni President Rodrigo Duterte sa suspension po ng plenary hearing sa House of Representatives during budget deliberations?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, naging kongresista rin ang Presidente so alam naman niya iyong mga maneuvers na ganiyan ‘no. So siya naman po ay naninindigan na it’s an internal matter in House of Representatives. At bilang isang abogado ‘no—kung hindi po ako nagkakamali, itong Tolentino vs. Secretary of Finance ay in fact nadesisyunan noong nandoon po sa Kongreso ang ating Presidente ‘no because this is 1994 and this was when VAT was passed.
So alam din po niya kung ano iyong naging ruling ng Korte Suprema na what is meant by origination is only that the budget bill must have been filed first in the House of Representatives and that is enough for the Senate to continue working on it maski wala pong ginagawa ang Kamara de Representante.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Sam: Is the government considering restructuring any of its loans for BBB projects because of the COVID-19. If yes, which projects will be affected by this?
SEC. ROQUE: Sa ngayon naman, wala pa akong nababalita na rini-restructure. In fact, nagdagdag pa po ng ilang mga projects na in-announce po natin noong kakalipas nating press briefing.
USEC. IGNACIO: Ang pangatlong tanong niya: May update na po kaya when the IATF will allow the entry of foreign nationals?
SEC. ROQUE: Well, let me clarify ‘no, nag-issue rin po si Commissioner Morente. The general rule is not allowed but they must present if there is a valid reason to enter, case to case basis po na dedesisyunan iyan at kinakailangan mag-apply ng entry visa sa ating konsulado abroad.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Punta tayo kay Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, first on the budget. Can you illustrate how important is the 2021 budget especially with reference to our COVID response? And do you agree with the statement of Senate President Sotto that it is already delayed?
SEC. ROQUE: Well, kung maantala man, maybe it’s a statement of fact. Pero iyon nga po eh, jurisprudence says, the Senate can continue deliberation, its own deliberations on the budget kasi hindi naman po iyan nakadepende sa pagtatapos ng budget sa House. In fact, ang sabi nga po dito sa desisyon na ito, iyong filing ng substitute bill sa Senate mismo which can be completely different from the version in the House is also constitutional kasi nga po, iba ang perspective ng mga senador – mas malawakan ang kanilang perspektibo, hindi localized.
So sa akin po, I speak as a Spokesperson and as a former professor constitutional law, wala pong hadlang para ipagpatuloy ng Senado ang kanilang deliberations.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon lang importance and then just a follow up on that statement. So ano ang procedure: The Senate proceeds with its own deliberations and then kailan sila magmi-meet ng Congress—House?
SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po kasi matuloy lang iyong mga deliberations sa komite. But admittedly po ‘no ang gray area is whether or not they can have plenary without receipt of the House version ‘no, the third and final reading, approved on third and final reading.
Pero ngayon po, nagsisimula pa lang naman ang Senate deliberations sa committee level, and that is what can continue. At sa tingin ko naman, hindi naman magtatrabaho ang Senado for the entirety of the break ‘no. So they will work until October 14, and possibly they could have committee hearings also during the break kasi hindi naman po iyan unprecedented ‘no.
Pero ang importante lang is when they have done or they have concluded with the committee hearings eh hindi sila makakaplenaryo nang walang bill approved on third and final reading na galing sa House of Representatives.
JOSEPH MORONG/GMA7: And that will come November 14, 15, 16, right? So delayed talaga.
SEC. ROQUE: Delayed po pero… again, maybe the practice is different in the Senate. But in the House po kasi, kapag iyan ay na-discuss na sa committee level, ayos na po iyan. Kumbaga, iyong plenary discussion, although it is the eventual decision of Congress, iyong much of the discussion has been already commenced and concluded sa committee level.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong sa first question, can you illustrate ng importance of the 2021 budget as far as iyong COVID response is concerned? ‘Cause I was going through sa NEP ng DBM and this includes among other things – medical assistance to indigent patients. So assistance doon sa mga mahihirap na mga magkaka-COVID, 17.3 billion that potentially can be affected by this delay.
So from the Malacañang side, how important is this budget? And if we don’t have this budget on time, what’s going to happen? And would you agree, sir, that Speaker Cayetano si holding hostage this 2021 budget?
SEC. ROQUE: I do not want to comment on that because the President does not want to interfere in internal matters. Pero gaya ng sinabi ko na po, napakaimportante nitong budget na ito kasi ito lang po iyong budget na nagkaroon na tayo ng COVID. At built in the 4.5 trillion budget are specific responses gaya ng sinabi mo ‘no, medical assistance to indigents, pondo para sa mga bagong hospital, pondo sa pambili ng mga PPEs at pondo pambili rin ng bakuna ‘no – siyempre may budget na diyan for bakuna. Although, hindi na natin inaantay iyan ‘no, mayroon na tayong scheme na anytime it’s available, pupondahan na iyan ng DBP at saka ng Landbank of the Philippines in the form of a loan para hindi tayo nakasalalay lang sa national budget.
Pero it’s a very important budget. It’s the first budget na kinonsidera ang COVID. Bagama’t mayroon na tayong Bayanihan I and Bayanihan II, iyong kabuuan ng ating stimulus package ay nandito po sa 2021 proposed national budget.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last question before I can go to Secretary Galvez, sa’yo po muna. Sir—okay, you’ve said that President Duterte will not interfere in the intramurals of the House of Representatives. But it is clearly, from your statements kanina, number one, it has delayed the budget; number two, it will affect iyong ating COVID response. I don’t think Malacañang can stand idly and manood na lamang doon sa nangyayari sa House.
Question ko sir: Will Malacañang just stand idly and watch the intramurals at the House of Representatives kahit pa may ganoong repercussion?
SEC. ROQUE: Well, to the extent na sinabi ko naman po na kung kinakailangan na magpatawag ng special session pagdating ng December 14, Malacañang will do it. Pero naniniwala po ang Malacañang talaga na ang issue of leadership is a purely internal affair of the House.
JOSEPH MORONG/GMA7: So the most, special session lang. Sir, can I go to Secretary Galvez?
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong report ng OCTA Research – nag-rebrand na sila, mayroon na yata silang kasamang UST so hindi na sila all UP OCTA, OCTA na lang – iyon pong attack rate, I think there are 11 cities or provinces that have an attack rate of higher than one; iyon ang ayaw natin, sir, ‘di ba? So what are we going to do about those areas? They said kailangan ng stricter measures. Papaano po iyong implementation on the ground NTF?
SEC. GALVEZ: Ang ginagawa natin doon is iyong mga areas na nakita natin na focused areas na matataas ang kanilang transmission; at the same time, nakikita natin na maraming new cases, pinupuntahan iyan ng CODE teams natin na binubuo ng DOH, majority ng DOH, at saka ng ating mga IATF and NTF composite teams.
Ang ginagawa po dito ay talagang nagba-barangay-barangay sila para magkaroon po ng tinatawag na active case finding o syndromic surveillance at para makita po kung ano po ang trend at bakit/saan nagmula iyong tinatawag nating frequency ng virus.
So ganoon po ang ginagawa po natin. And then also, nagkakaroon tayo ng tinatawag na massive support na tinatawag nating expanded Oplan Kalinga wherein ang ginagawa po natin, nakikita po natin kasi, karamihan po sa mga LGUs po ngayon, kinukulang po sila ng mga quarantine facility. So napu-force po sila ng tinatawag na more than 50% or 60% na naka-home quarantine.
So ngayon, ang ginagawa po natin, tinutulungan po natin lalo na ngayon sa area ng Batangas na mayroong 2,000 na mahigit ang naka-home quarantine. So pinu-pull out na po natin iyong mga naka-home quarantine at mayroon na po tayong more than 600 na nailagay po sa mga hotels at sa mga quarantine facility. Ganoon po ang ginagawa po natin. And then thirdly, ini-increase po natin iyong testing capacity niya.
So ang ginagawa po natin for example sa Batangas, noong dati mayroon lang siyang 200, ngayon ang ginagawa natin 1,500 a day so that iyong kaniyang positivity bumaba at the same time mahuli natin iyong mga tinatawag nating mga active, tinatawag nating close contact.
So ganoon ang mga istratehiya natin na talagang in-intensify po natin iyong tinatawag nating active case finding para makita po natin iyong magnitude ng contamination and at the same time, we isolate immediately all the positive and increasing also the capacities of their hospitals. Nakikita rin po namin iyong mga cities po na talagang umaangat ay mababa po iyong kanilang mga ICU beds at saka iyong mga isolation facilities.
So, ginagawa po ni Secretary Mark Villar ay nagkakaroon po kami ng massive construction ng mga facilities na sa ngayon po 638 facilities po na more or less 24,000 beds ang ginagawa po natin.
JOSEPH MORONG/GMA7: But will you, sir, increase iyong community quarantine nila? Ibig sabihin kung sila ay nasa GCQ – iyon pong mga mataas iyong attack rate ha, 11 iyon – so would you put them in a higher community quarantine or localized lockdown?
SEC. GALVEZ: Ang ginagawa po natin granular kasi iyong malakihang ECQ is not sustainable. Nakita natin presentation ng NEDA na napakalaki ng epekto kapag ginawa natin iyong tinatawag na parang ‘draconic’ lockdown. Nakita namin iyan sa Taguig na kung iyong buong BGC ang ating ni-lockdown, 16 to 19 billion ang mawawala sa 14 days. So ang ginawa po natin, ni-lockdown lang po natin iyong construction site. So granular po ang answer po natin, granular at saka tinatawag po natin iyong syndromic surveillance.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Secretary Galvez, thank you, sir. Secretary Roque, thank you for your time.
SEC. ROQUE: Okay. Pumunta tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong, although nasagot na ito, natanong na ni Trish Terada. From Julie Aurelio: What is the Palace’ reaction to the UN Human Rights Council resolution calling for technical assistance and capacity-building for domestic efforts on human rights and not an actual investigation on the Philippines?
SEC. ROQUE: Yes. Nagpapasalamat po kami muli dahil ito po naman ang kailangan natin, kung saan tayo nagkukulang; sabihin po nila kung saan tayo nagkukulang; at tulungan nila na mapagana pa nang mas efficient iyong ating sistema dito sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Second question ni Julie Aurelio: Iyon daw pong statement that senior citizens are not barred from going to malls and groceries to buy their basic needs. Is this still in line with the IATF policy of limiting the movement of senior citizens, minors and those with comorbidities amid the pandemic?
SEC. ROQUE: Yes. Ang general rule po manatili sa bahay, maging homeliners pero siyempre kung wala namang makakabili ng kanilang essentials eh puwede silang lumabas.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Mela Lesmoras please, of PTV-4.
MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Secretary Roque. My question is about UNHRC pa rin po. Sabi ni Philippine Permanent Representative to the United Nations Ambassador Evan Garcia, UN Human Rights body signals U-turn to the Philippines kasi nga mula sa mga batikos noon, ngayon ay kooperasyon. Do we agree with this at masasabi po ba nating connected iyong nagging participation ni Pangulong Duterte sa UN General Assembly sa panibagong development na ito? At idagdag ko na lang din Secretary Roque, ano pong reaksiyon natin sa mga dismayadong human rights groups dahil sa naging desisyon na ito at iyong iba sinasabi Philippines is not yet off the hook?
SEC. ROQUE: Unang-una, we agree wholeheartedly with the statement of Ambassador Garcia. We always welcome cooperation. Ang ayaw lang po ng Presidente iyong pula nang pula, wala namang solusyon ‘no at ito po ay nanggagaling pa doon sa kakilalang kalaban ng ating gobyerno. So we always welcome cooperation with the United Nations on a very important topic such as human rights.
Pangalawa po—iyong pangalawang tanong mo ay? Ang dami mong tanong kasi Mela eh.
MELA LESMORAS/PTV4: Doon sa mga bumabatikos at sabi pa nga ni Bayan Secretary General Renato Reyes, “Philippines not yet off the hook when it comes to human rights violations issues.”
SEC. ROQUE: Well, para sa kanila po, sorry na lang po sila.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Sir, last question lang. Puwede po sa inyo o kay Secretary Galvez. Nabanggit ninyo po, isa sa mga solusyong nakikita ng pamahalaan ay iyong pagri-reopening of the economy. May mga ina-eye po ba tayong particular businesses na maaari nang buksan pa o lakihan pa iyong operational capacity at anu-ano po kaya ito, sir?
SEC. ROQUE: Yes. Secretary Galvez, question for you.
SEC. GALVEZ: Sa ano po natin, tinitingnan po ni Secretary Lopez kung ano po iyong mga economy na nakakapagbigay po sa atin ng magandang revenue at the same time labor intensive. Kasi importante po, kapag ang isang business ay labor intensive ay magkakaroon po ng capacity iyong mga kababayan po natin na makabili ng mga commodities that will circulate iyong tinatawag nating money to the economy.
So iyon po ang ginagawa po natin na iyong atin pong mga economic areas that will greatly affect iyong ating economic gains at saka magkakaroon po ng tinatawag na impact sa employment and also sa ating recovery, iyon po ang binubuksan po natin.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much, Secretary.
SEC. ROQUE: Pero bago po tayo magpatuloy, kanina po medyo na-distract ako at naabala ako. Kakapasok pa lang pong balita: Pulse Asia released its survey results conducted face-to-face 1,200 respondents between September 14 and 20, 2020. This is the performance ratings of the National Administration on Selected Issues Regarding COVID-19.
Pagdating po sa controlling the spread of the novel coronavirus that causes COVID-19, the Filipino people gave the Duterte administration a mark of 84%. Doon naman po sa providing assistance subsidy to those who lost their livelihood and jobs because of the spread of the novel corona that causes COVID-19, the Duterte administration was also given by the people a grade of 84%.
Walo sa sampung tao po ang nagsabi na tama po at aprubado sila sa ginagawa ng IATF at ng gobyernong Duterte pagdating po sa COVID-19 – hindi po kasama diyan iyong mga kritiko siyempre ng gobyerno – at saka walo sa sampu rin po ang nagsasabing aprubado nila na iyong pagbibigay ng assistance and subsidy para po doon sa mga nawalan ng livelihood at jobs dahil po sa COVID-19.
Pilipinas, maraming salamat po sa binigay ninyong tiwala na naman sa ating Presidente matapos po ninyong binigyan ng 91% trust rating at 91% performance rating ang Presidente, 84% naman po ang binigay ninyo sa pagdating ng handling ng Coronavirus-19. We are humbled and we are further inspired to serve the Filipino people in this time of pandemic and crisis. Maraming, maraming salamat po.
Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Secretary, question po from Ace Romero para po kay Secretary Galvez: Given po the NEDA’s estimates about losses incurred during lockdown, will we see a fewer tightening of quarantine classifications or escalations under Phase 3 of the National Action Plan? If yes, will this not lead to a spike in infections given that more people will be allowed to go out?
SEC. GALVEZ: Ngayon po ang ginagawa po natin iyong massive information drive at saka iyong tinatawag na education sa ating mga tao kasi sa nakikita po namin, ang importante po talaga ay malaman po ng mga tao iyong kanilang awareness for self-protection at saka iyong health safety.
Nakikita po natin na kapag once na naging aware ang ating mga tao, they can go out now with confidence that they will not be infected by the virus. Iyon po ang pinakaimportante, iyong changing of the behavior. Nakikita po natin ang spike ng virus is not because we open the economy but the consciousness of the people, the lack of iyong tinatawag nating safety ng mga tao.
So, sa ngayon, tuluy-tuloy po ang pagtutulungan po ng ating private sector at saka iyong public sector so that we will inform the public to go out and with the caution that they should observe the minimum health standard.
Sa ngayon po, maganda po iyong ginagawa ng ating mga mayors specially sa NCR. Nakikita natin naka-maintain po ang GCQ sa kanila dahil napakataas pa rin po iyong kanilang active cases na more or less 20,000. So, ngayon ang ginagawa po nila in coordination with Secretary Mon Lopez, they are opening up iyong economy little by little at a controlled manner.
Actually, iyong GCQ sa Manila maikukumpara natin ito na ito ay mahigpit na GCQ, nasa GCQ na tayo—MGCQ na tayo considering that marami na po tayong nai-open na mga ekonomiya. Ngayon, ang sinu-solve po natin ngayon ay iyong i-increase po natin iyong transport dahil kasi po iyon ang limiting factor po natin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Yes. Wala na po tayong katanungan. Balik po tayo dito sa Pulse Asia rating. Iyong mga nag-disapprove po sa ginagawa ng gobyernong Duterte para ma-control ang COVID-19 ay 6%, kasama na po diyan kilala ninyo na kung sino. Tapos iyong mga disapprove doon sa pagbibigay ng assistance at subsidy doon sa mga nawalan ng trabaho dahil nga po sa corona-19 kasama na po diyan kilala ninyo na kung sino.
So, ang aking advice, tigil pulitika po. Tuloy lang natin ang tulong sa sambayanan. And with that, on behalf President Rodrigo Roa Duterte, again thank you very much, Philippines. Patuloy po ang paninilbihan ng Presidente, ng buong Gabinete at IATF sa inyo hanggang sa huli.
Maraming salamat po! Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)