Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas. Muli tayong nagbabalik sa ating tahanan dito sa New Executive Building para sa isang Palace press briefing.

Humarap kagabi po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan para sa kaniyang regular Monday Talk to the People Address. Ito ang ilang sa mga mahahalagang puntong kaniyang sinabi:

–          Sinabi ng Pangulo na tinitingnan niya ang posibilidad na gawing libre ang beep card. Nilinaw ni Presidente na tanging ang card, hindi iyong pamasahe, ang may posibilidad na maging free of charge.

–          Sinabi rin ng Presidente na ang pondo na nakalaan para sa COVID-19 response was spent wisely according to rules.

–          Ipinag-utos din ng Pangulo na sirain ang lahat ng nakumpiskang shabu at tinatagong shabu bilang ebidensiya sa mga akusadong drug personalities. Nagbigay ang Presidente ng isang linggong taning sa bagay na ito.

–          Inulat din kagabi sa Talk to the People Address ang pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan. Mamaya ay makakasama po natin ang ating idolo, si Education Secretary Liling Briones, para magdetalye at pag-usapan ito.

–          Kasama sa napag-usapan ang mabilis na pag-aapruba ng mga local government units sa application ng permits at clearances ng mga telcos. Mayroong 1,171 ang mga naaprubahan na.

Now, muli po tayong nagpapasalamat sa napakataas na trust rating at performance rating na ibinigay ng ating taumbayan dito po sa huling survey na face-to-face survey ng Pulse Asia. Kung ikukumpara po natin ang trust rating ng Presidente, tumaas po ito ng plus eight points mula noong last survey ng Pulse Asia noong Disyembre of 2019; at ang performance rate naman po niya ay tumaas ng plus four.

Ang trust rating po ng ating Bise Presidente, bumaba po ng two points at ang kaniyang performance rating ay bumaba naman po ng one point.

Balitang IATF na po tayo. Inendorso po ng IATF sa House of Representatives Committee on Transportation ang request ng mga local chief executives ng Metro Manila para sa Department of Transportation na ituloy ang pilot study ng motorcycle taxis pending enactment of the appropriate registration.

Isinumite ng Office of the President sa Kongreso ang unang report tungkol sa implementasyon ng RA 11494 o ng Bayanihan to Recover as One Act bilang pagsunod sa Section 14 ng nasabing batas. Muling nagpasalamat ang Pangulo sa Kongreso sa pagpasa ng RA 11494. Sa pamamagitan ng batas na ito, palalakasin natin ang ating mga nagawa na at ating mga kakayahan para ipatupad ang mga programa at mga proyekto.

To quote the President’s report, “To reduce the adverse impact of COVID-19, enhance the capacity of the Philippine health care system to control and eliminate COVID-19, accelerate recovery and bolster the resilience of the economy and enhance fiscal and monetary policies to sustain COVID-19 measures.”

Ito ang ilan sa mga salient points ng nasabing report: Nakipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development field office sa regional offices ng Department of Interior and Local Government at regional mechanisms ng Inter-Agency Task Force para malaman ang mga lugar na certified as ilalim ng granular lockdown para sa proper targeting ng low income family beneficiaries. Dahil bibigyan nga po natin ng ayuda iyong mga lokal na mga barangay or sitio or building na nagkaroon po ng lockdown.

Now, mula sa September 11 to 30 ngayong taon, nag-hire po ang Department of Health ng 8,980 human resources for health para sa priority health programs. Mahigit sampung libong nurse o 10,673 nurses ang nai-deploy sa primary care facilities para lumahok sa hospital-based and community-based COVID-19 responses habang mahigit apatnalibo o 4,276 other deployed human resources for health ay kasama rin po sa COVID-19 response.

Ini-report din po ng DOH na as of September 30, 2020, mayroon na tayong 17 bilateral partners para sa clinical trials. Nagpahayag din ang Pilipinas na interesado itong sumali sa WHO Solidarity Trial for vaccines at COVAX facility.

Para mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya, inaprubahan ng National Economic Development Authority noong August 19, 2020 ang revised list of infrastructure flagship projects sa ilalim ng ng Build, Build, Build program. Kasama rito ang pitong bagong infrastructure projects: ang National Broadband Program; Information and Communications Technology Capacity Development and Management Program; ang Water District Development Sector Program; ang National Irrigation Sector, Rehabilitation and Improvement Project; ang Balad-Balad Multi-Purpose Project Phase II sa Tarlac; ang Halaur River Multi-Purpose Project Stage II sa Iloilo; at ang Lower Agno Irrigation System Improvement Project.

Ini-report din ng Presidente sa Kongreso na as of September 30, mayroong 18,000,058,000 of the total Bayanihan grants ang nai-release na sa mga local government units. Nakikita sa infographics ang breakdown na ito. Mayroon pong food assistance; procurement of hospital equipment and supplies; other necessary COVID-related expenses; expenses to the construction, repair and maintenance of space and building to accommodate COVID-19 patients; procurement of medicines and vitamins; food, transportation and accommodation expenses of medical personnel and other LGU personnel directly involved in the implementation of COVID-19 related activities; procurement of PPEs; procurement of equipment, reagents and kits for COVID-19 testing; procurement of disinfectants; expenses for the purchase trial of tents, spaces for temporary shelters; expenses for the operation of stand-alone mobile testing laboratories; and expenses for training of personnel in the conduct of COVID-19 testing and other related trainings.

Eighteen billion fifty-eight thousand forty-six—teka ho ha. Ang liit kasi, hindi ko mabasa, ano ba iyan. Sa susunod pakilakihan. It’s 18,058,048,767.89. Pakilakihan lang po sa susunod.

As of October 2, 2020, mayroong US$91 billion … nine point…mayroon po tayong—again, pakilakihan po uli.

Mayroong US$9.91 billion ang na-secure ng Department of Finance na loans at private grants sa laban kontra coronavirus. Makikita sa infographics ang breakdown. Hindi talaga makita iyong breakdown, masyadong maliit. Please, next time—hindi rin po makikita ng televiewers iyan—pakilakihan po.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang global updates ayon sa Johns Hopkins: Higit tatlumpu’t limang milyon na po or 35,366,134 na kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroong higit isang milyong katao naman or 1,039,802 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos – 7,453,829 cases; with 210,127 deaths. India po ay pumapangalawa – 6,623,815 cases; 102,685 po ang mga namatay. Brazil – 4,915,289; 146,352 po ang namatay. Russia is at 1,219,796 cases; 21,372 po ang namatay. At ang sa Colombia po ay 862,158; 26,844 po ang namatay.

Sa Pilipinas po, mayroon na po tayong na-test na halos apat na milyon na po. The number now is 3,675,938 ang na-test na po natin using PCR sa 107 licensed RT-PCR laboratories at 33 licensed GeneXpert laboratories.

Ang aktibong kaso po natin ng COVID sa Pilipinas ngayon ay nasa 45,799. Sa numero pong ito, ang asymptomatic ay 9.2%, ang mild ay 85.6%, ang severe ay 1.6%, ang kritikal ay 3.6%. Ang recoveries po natin ay 273,123, samantalang ang deaths po ay 5,840.

At dito po nagtatapos ang ating presentasyon ngayong tanghali. Kasama po natin ang dalawang panauhin natin. Unahin po natin si Secretary Leonor Briones. Congratulations, Secretary Briones! Congratulations to the DepEd family and to the entire Philippines dahil nagwagi po tayo laban sa COVID nang tayo po ay nagbukas ng klase kahapon.

Kasama rin po natin si Agriculture Secretary Dar at congratulations po dahil siya po ay napili bilang Asia’s CEO 2020. Congratulations po at dito po sa parangal na ibinigay kay Secretary Dar, dalawa pong bagay ang nasabi ng board of judges: Unang-una po iyong katotohanan na bagama’t panahon ng pandemya lumaki po ang sektor ng agrikultura at naibalik po ang pananagutan sa isang perceived na graft-ridden department.

So, unahin po natin si Secretary Liling Briones. Ma’am, congratulations again! Pero can you brief us po to what extent po ang ating panalo laban sa COVID-19 kahapon? The floor is yours, Secretary Briones.

SEC. BRIONES:   Magandang tanghali sa nanunood ng programang ito. Magandang tanghali, Spokesperson Harry. Magandang tanghali naman sa mga press people, at sa aking fellow Cabinet member na si Secretary Dar.

Kami sa Department of Education ay talagang natutuwa sa success ng opening natin, pero hindi lamang ito dahil sa grabeng pagtrabaho ng Department of Education pero dahil sa support ng buong sambayanang Pilipino: Umpisa na ang Presidente na talagang nagbigay ng budget support; ang Secretary of Finance; ang members ng IATF na nagbibigay ng up to date data sa amin kung ano ng nangyayari sa coronavirus; at ang ating spokesperson, si Sec. Harry; ang PCOO; ang civil society; ang Church, lahat-lahat, ito ay isang national endeavor.

Alam na nating lahat na matindi ang debate dito maliban sa debate ng coronavirus. Ang debate naman ay kung bubuksan ba ang eskuwelahan even up to madaling araw ng October 5 ang dami pa ring efforts na tigilan ang pagbukas ng eskuwelahan, kaya ito ay isang malaking tagumpay. Dahil ang question dito kasi, spokesperson Harry, ay ready na ba tayo? Ang sagot ko niyan eh si Lapu-Lapu hindi naman nagtanong kung ready na siyang lumaban kay Magellan. Iyong ating mga rebolusyonaryo hindi naman nag-aksaya ng panahon kung reding-reding-ready na ba sila para ipagpatuloy ang rebolusyon. Nandiyan si Heneral Luna, nandiyan sila Andres Bonifacio, nandiyan si Sultan Kudarat. At saka sa mga probinsiya, nakita nila na kailangang gawin ang kailangang gawin ay gagawin.

Ngayon, ang sa enrollment naman natin Spox Harry, ang target, original target dahil nga sa epekto ng coronavirus at saka ang epekto din sa ekonomiya ay ang target natin ay 22.2 million. Pero ang ating enrollees ngayon ay 24,756,286 so, nag-exceed tayo sa ating target na inaprubahan ng NEDA for enrollment this year.

Sa public schools naman ay more than 99% ng numbers natin last year ay ating nakamit. Ang challenge at kami naman ay hindi natin ito itinatago, ni-report natin ito weekly. Nag-umpisa tayo ng less than 20% lang sa private sector ang nag-enroll last June eh ngayon ay umabot na ng 50%. Ito ay ang remaining challenge natin at alam natin na ito, Spox Harry at mga kababayan, ay konektado sa nangyayari sa ekonomiya. Ang malaking pagbaba ng enrollment ay nasa private sector at saka sa ating alternative learning system. Itong alternative learning system (ALS) program natin ay para sa mga nagtatrabaho, tapos pumapasok kung weekend; para sa mga out of school youth; etc.

So, may relasyon din sa pagkawala ng trabaho ang mga workers, hindi na sila nakaka-enroll dahil busy sila sa paghahanapbuhay. Kaya ito iyong remaining challenge sa atin. Ang ginagawa natin ay sinabi natin may existing policy tayo wala pa ang COVID ay kung maka-fulfill ang isang estudyante sa 80% of the requirements, tanggapin siya.

So, ang enrollment natin puwede up to November pero ang sinasabi namin, huwag silang maghintay hanggang November, itong mga natitira na hindi pa nakapag-enroll.  Ang importante, na-exceed natin iyong bagong target na sinet ng NEDA, halos 100%, 99.7% ang ating enrollees sa public sector nakabalik at ang sa private sector everyday may bagong nag-e-enroll at saka sa ALS. Samantalang dahan-dahan binubuksan ang ekonomiya, kitang-kita natin ang relasyon ng trabaho, ng employment sa pag-aaral ng mga bata lalo na iyong pumupunta sa mga private schools.

As expected, maraming mga tanong – maalaala ko iyong panahon ko sa UP ay iyong mga tao mag-e-enroll, iyong mga bata mag-e-enroll one day before doon na natutulog sa campus para makasiguradong maka-enroll – overall, mga 16,000 queries ang natanggap namin pero talagang every year nakakatanggap kami. May center nga kami para lamang tumulong sa mga may tanong patungkol sa enrollment. At saka Spox Harry, dahil ang ating approach dito ay tinatawag na blended learning, iba’t-ibang approach kino-combine natin, eh kung hindi puwede sa online dahil may online platform tayo na iyong DepEd Commons, mayroon din tayong sa telebisyon, mayroon tayo sa radyo at mayroon din tayo sa modules. Iyong modules naman, halimbawa sa NCR, ay halos lahat na-deliver na. Ang hindi pa nakakatanggap ng modules ay iyong mga late enrollees kasi humahabol pa lamang sila.

So, on the whole, maraming challenges, marami ring efforts na titigilan ang pag-umpisa ng klase pero sa tulong ng buong bayan, sa tulong ng pamahalaan, ng civil society, individual experts at saka mga civic organizations napagpatuloy natin ito at tuloy na ang classes. Hindi tayo matitigil, hindi tayo mapipigil dahil sa coronavirus.

Maalaala ko, nag-review ako ng kaunting history, spokesperson, maalaala ko na sa panahon ng rebolusyon, series of cholera epidemics noon. Maalaala natin mismo si Apolinario Mabini ay natumba siya ng cholera when he was in Hong Kong pero hindi naman napigilan ang ating Philippine Revolution. Kaya itong mga bagay na ito nagbibigay ng inspiration, tagumpay ito ng DepEd, hindi DepEd lamang, kung hindi ang buong bansa.

Maraming salamat Harry, for this opportunity.

SEC. ROQUE:  Thank you very much, Secretary Liling Briones; and congratulations for beating the destroyer – COVID-19.

Kasama po natin ngayon din ang ating isa pang kasama sa Gabinete, ang Asia’s CEO Awardee for this year, Secretary Dar.

Sec., napakababa raw po ng farm gate prices ng palay. Ano pong hakbang ang ginagawa natin para matulungan ang mga magsasaka? At pangalawa po is, iyong sa Rice Tariffication Law po, lahat po ng taripa ay dapat ibinibabalik sa mga magsasaka ng palay, ano na po ang mga bagay-bagay na naibalik natin sa mga magsasaka sang-ayon po sa rice liberalization law? The floor is yours, Asia’s CEO Awardee for this year, Secretary Dar.

SEC. DAR: Salamat po, Ka Harry, at thank you for your greetings. At maraming salamat sa imbitasyon po ninyo dito po sa iyong programa.

Let me first tackle iyong first concern, iyong pag-aaral ng PhilRice using iyong PRiSM ay halos nandoon sa presyo ng 18 to 19 pesos ang presyo ng palay doon sa mga major rice producing provinces.

Now, agree rin tayo na mayroong pagbaba ng presyo sa iba’t ibang probinsiya. Now, alam natin na mayroon na tayo nitong Rice Tariffication Law at part of ensuring rice security sa bansa. We only have about 86%, Ka Harry, iyong rice sufficiency level. So with Rice Tariffication Laws ay mayroon ng nakapasok na two million metric tons ng rice. So during this main harvest ay kinausap po natin, through BPI, ang mga nag-i-import ng bigas na huwag muna magparating ng bigas nitong major harvest season of the year which is now October and November. So hoping na wala munang darating.

At nandiyan po ang National Food Authority buying at the rate of 19 pesos per kilo of clean and dry palay at 14 percent moisture, Ka Harry. At they have about this year, from the seven billion peso budget nila at mayroon pa silang tatlong bilyon doon sa reserve nila ay they have ten billion pesos to buy palay. And they have now bought two million bags of palay and hoping that they can buy more. I think their target is eighteen million bags of palay.

So we are requesting iyong mga rice farmers na kung puwede ay ibenta po nila iyong mga palay produce nila sa NFA meanwhile. Now, nakikiusap rin tayo sa mga traders na huwag namang samantalahin itong panahon na ito, during pandemic, na malulugi ang mga rice farmers. So dapat mayroon kayong patriotism din na kahit—during this pandemic ay talagang tutulong tayo sa mga mamamayan, sa mga rice farmers po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat to Asia’s CEO Awardee for this year, Secretary Dar. Pumunta na po tayo sa ating forum. Sec. Liling and Sec. Dar, I hope you can join us for the open forum. Unang line of questioning po will be coming from Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Secretary Briones and Secretary Dar.

Question from Jam Punzalan ng ABS-CBN News Online: What is the Palace doing on allegations of corruption and mismanagement against IBC-13? The network’s employees union on Monday urged President Duterte to stop the corruption in IBC including the supposed to be illegal wage hike for officials and non-payment of P478 million in worker benefits and 146 million in VAT.

SEC. ROQUE: Well, we will defer the matter po sa PCOO dahil ang PCOO po ang nakakasakop sa IBC-13. Kung ang unyon po ay gustong mag-imbestiga ang Office of the President eh lumiham po kayo nang diretso sa Office of the President at makakarating naman po ang liham ninyo sa Presidential Management Staff.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: The IBC-13 workers union also claimed that Secretary Andanar made no action on the allegations despite repeated meetings and letters. Are there plans for any investigation or sanction against officials?

SEC. ROQUE: Same answer po. Kung hindi po kayo satisfied sa naging response ng PCOO, sumulat po kayo sa tanggapan ng Presidente at ipararating ko po iyan kay Usec. Quitain.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you po. Punta tayo kay Joyce Balancio, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Two questions for you and then I’ll go to DepEd Secretary Liling Briones.

For you Secretary Roque, can you give us more details about the meeting of President Duterte and Marinduque Representative Lord Allan Velasco last night? Who scheduled the interview and what was the purpose of the said meeting?

SEC. ROQUE: Well, I cannot give you more detail other than humingi po ng permiso si Congressman Lord Allan para tumakbo bilang Speaker at ang sagot po ng Presidente, “Karapatan mo iyan sang-ayon sa kasunduan ninyo kay Speaker Alan Cayetano.

Ang alam ko po, si Congressman Allan Velasco ang humingi ng meeting at napagbigyan po siya kagabi. Ito po ay matapos nakipagpulong ang Presidente sa ilang miyembro ng Gabinete at matapos po iyong kaniyang ulat sa bayan. So mga nagsimula po iyan mga halos alas diyes na kagabi.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Ah, parang po ba itong pagbibigay ng blessing ni Pangulong Duterte kay Congressman Velasco to still pursue the term-sharing agreement with House Speaker Cayetano?

SEC. ROQUE: Ayaw ko na pang mag-annotate, iyan lang po ang pinasabi sa akin sa taumbayan at I think people can make their own conclusions ‘no. Pero ang hirap po dito, inaakusahan na nga ako ni Congressman Leachon na mini-misquote ko daw ang Presidente – hindi po!

Kung ano lang ang sinabi ni Presidente, iyon lang po ang aking inuulit at kaya nga po I will refrain from annotating what has been said.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  On a different topic, Secretary, also para pa rin po sa inyo. President Duterte again vouched for the integrity and innocence of Health Secretary Francisco Duque in his public address last night. He said that he could not find a good reason to prosecute an innocent man. Now how will such statement, Secretary Roque, affect the ongoing investigation of the task force of the President himself created?

Si Justice Secretary Menardo Guevarra said in a Senate hearing that there are still possible big fish that can be sued after—or as they go along with this investigation. Such statements of the President, is it not premature yet Secretary at parang inaabsuwelto na niya si Health Secretary Francisco Duque and when in fact there is still an ongoing investigation?

SEC. ROQUE: Hindi naman po. Buo ang tiwala ni Presidente kay Secretary Duque at paulit-ulit po niya iyang sinasabi. Ganoon pa man, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasama na po ang Task Force on PhilHealth na nirirespeto naman po ni Presidente ang mga nagiging resulta ng imbestigasyon.

Abogado po kasi si Presidente at ang sinasabi niya paulit-ulit, wala po siyang nakikitang ebidensiya laban kay Secretary Duque na naging dahilan kung bakit patuloy po ang kumpiyansa niya at tiwala kay Secretary Duque.

Pero kung mayroong ebidensiya po, eh iyan po rin ang nangyari naman kay General Morales ‘no. Kampante si General Morales na dahil malapit siya sa Presidente at may tiwala sa kaniya ang Presidente ay magpapatuloy ang kumpiyansa niya sa kaniya ‘no. Pero noong lumabas po ang ebidensiya, hindi naman po nanghimasok ang Presidente. Sa ngayon po, patuloy ang kumpiyansa at tiwala ni Presidente kay Secretary Duque.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Can I go to Secretary Briones po?

SEC. ROQUE: Please, Secretary Briones…

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Secretary Briones after assessing our first day po ng pasukan kahapon, what are the adjustments na gagawin natin after seeing that some teachers also and some students are having challenges or experiencing challenges in this blended learning methods?

SEC. BRIONES: Joyce, bearing in mind that we have 61,000 schools all over the country – public and private – and we have reports from a number, maybe a few of them about difficulties, madaling nari-resolve. Kanina halimbawa sinabi ko 16,000 concerns ang natanggap, that is from June to the present.

Ang kahapon, ang concern na natanggap – kasi may Command Center kami – ay 96 all over the country from 61,000 schools. So the public can draw its conclusions.

Madali ngayon because of technology, may mga iba’t ibang lugar halimbawa sa Mindanao, halimbawa sa NCR, halimbawa sa Luzon, sa Visayas na kung mayroong mga complications nalalaman namin kaagad at saka iyong aming mga Regional Directors nandoon sila on the ground. Ang aming Central Office Directors, lahat kong mga Undersecretaries and Assistant Secretaries, they were scattered all over the country. Ako nandito naman sa Central Command natin dito sa National Capital Region kaya itong mga problemang ito nahaharap kaagad.

Ang nakikita namin kasi iyon ang tanong mo, ang nakikita namin na continuing challenge of course is connectivity. Pero kaya nga blended ang learning natin kasi kung hindi uubra ang isang paraan tulad ng connectivity, pero mayroon din kahapon makita ninyo sa isang lugar sa Nueva Ecija na naka-develop sila ng paraan na hindi na kailangan na pumapasok iyong mga servers ‘di ba. Mayroon nangyari din iyan sa Mindanao; sa Sarangani, sa province island ng Sarangani. Mayroon din sa Dumaguete nang hindi na sila umaasa sa mga servers ‘no.

So kaniya-kaniyang solve ng problema iyan because people are on the ground. Medyo suwerte ang DepEd dahil napaka-valuable ng education sa ating lipunan kaya lahat talagang nagtutulungan – ang government, ang civil society, ang mga professional groups. Eh hindi na kami humihingi, sila na mismo ang lumalapit. Sila na magsasabi na ito ang dapat ninyong gawin, wala kayong connectivity, ito mag-setup tayo ng ibang paraan.

Oo, at saka kung makita ninyo iyong… those of you who’ve been monitoring the entire opening ceremonies, ang mga host doon ay mga teachers mismo na nag-train ng mga named journalists and broadcasters na takot akong i-recite iyong mga pangalan nila, baka may ma-miss out ako kasi these are really professionals na napakagaling at kitang-kita na natuto naman iyong ating mga teachers.

So mas mabilis at madali ngayon ang ating response sa programang ito at umubra siguro Joyce iyong aming sinasabing ‘no one size fits all’ dahil mayroon talagang mga unusual situations. Ngayon ang aking Undersecretary nasa Batangas halimbawa kasi may problema doon iyong mga teachers daw na umakyat sa tuktok ng isang building makakuha ng signal. Eh ako din ay lumalabas din ng bahay, tayo naglalabasan ng mga bahay natin kung nagpuproblema tayo sa connectivity. At kaya we’re also looking for alternatives at maraming offers, maraming advice tungkol dito at nandiyan din ang ibang paraan. Iyon ang kabutihan ng may binuo ka na options, yes.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Secretary, paano naman po iyong cases ng mga estudyante na naka-modular learning pero iyong mga magulang nila ay wala ring competency para gabayan sila. Kasi iyong iba po ay hindi po nakapagtapos ng pag-aaral or wala po silang kakayahan para sila mismo iyong magturo sa kanilang mga anak. Papaano natin gagawin iyong adjustment na we can ensure na matututo pa rin po iyong mga anak nila?

SEC. BRIONES:  Na-recognize namin iyan, halimbawa, two or three months ago ay nag-set up na tayo ng parents academy, halimbawa, sa Kalinga Apayao para sa mga parents doon. Pati po down to the urban centers, Valenzuela has a very advanced parents academy. Ang tawag nila doon ay Nanay School na noon pa, wala pang coronavirus ay mayroon na  talaga silang programa para sa mga parents.

At tama ka, isa itong feature ng ating bagong pamamaraan na lumawak ang papel ng mga magulang. Dahil ang mga bata spent in great deal of time at home at saka kailangan makatulong sila sa pag-monitor. So may mga parent academies tayo na sini-set up at saka  hindi lamang sa mga lugar na ito – may urban, may island, may city kung saan talaga tinuturuan ang parents. Mayroon tayong video, halimbawa, sa Laguna na isang babae, isang asawa ng farmer, pito iyong anak, iba’t ibang grado iyong kaniyang mga anak at saka nag-undergo din siya ng exposure at training.

Iyong sa Sarangani naman, IP families. So iyong mother, hindi talaga nakapag-aral at saka iyong bata ngayon… at makikita natin, it’s a very moving experience. Medyo mahirap pero we had time during the interregnum, iyong bokasyon natin at saka hanggang sa opening ngayon na na-approve ni Presidente, na-declare ni President Duterte na talagang ihanda ang lahat. Isa sa paghahanda iyong sa parents at saka yaya, kuya, ate, iyong mga kasamahan sa bahay.

SEC.ROQUE:  Thank you, Joyce let’s go back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque, question from Ivan Mayrina of GMA7: The Commission on Audit or COA called up the Department of Health over 2.2 billion worth of medicines that either expired, near expiry or overstock. Any reaction or directive from the Palace on what the COA points out as excessive expenditure and a waste of public fund?

SEC. ROQUE:  Hiningan ko po ng panig ang DOH at sinagot naman po kami ni Undersecretary Vergeire. Sang-ayon po sa kaniya ang expired na gamot daw na hawak ng DOH ay umaabot lamang sa 30 million pesos. Bagama’t mayroon silang mga 1.2 billion na mga overstock or slow moving or idle pero hindi pa po expired at mayroon silang mga around 1.2 billion na near expiry. So, ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i-expire na, paki-distribute na po ng hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse ng magamit ng ating kababayan.

USEC. IGNACIO:  Question from Allan Nawal of PNA. For Secretary DAR: Ordinary palay remains at P13.50 per kilo, while on varieties at 16.00. Ang reason: Market is flooded with Vietnam rice. Ano daw po ang dapat gawin?

SEC. DAR:  Thank you, Usec. Rocky.  On top of having to sell this to the NFA various stations mayroon pang mga provincial local government units na bumibili din – Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte and many others. At iyon po ay tulung-tulong sila with NFA. Mayroon ding mga farmers’ federations na bumibili, ganoon din ang mga malalaking kooperatiba ng mga magsasaka and I am encouraging also iyong mga multinational companies, the big companies to buy rice for their employees from farmers’ cooperatives and associations para sa ganoon ay makatulong din po sila sa pagmintina ng malaking presyo ng palay during this pandemic.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque, question from GMA News Desk: Palace reaction on SWS survey saying hunger hits new record high at 30.7%?

SEC. ROQUE:  Talaga pong nakakalungkot iyan. Although, inaasahan po natin na temporary  iyan dahil nga po sa mga lockdown. Kagabi po nagkaroon ng napakahabang presentation si Secretary Karl Chua ng NEDA para nga po ipakita ang epekto ng pandemya sa ating mga  mamamayan. Tumaas po talaga ang pagkagutom, tumaas po iyong malnourishment ng ating mga kabataan at ito po ang dahilan niya kung bakit hinikayat nga po niya ang buong gobyerno na buksan pa lalo ang ating ekonomiya at importante na bigyan ng katugunan iyong kawalan ng transportasyon at ito po ang dahilan kung bakit nagpatawag po ang Presidente ng full cabinet meeting sa susunod na Lunes po, alas-kuwatro ng hapon para i-discuss pa po itong mga option para lalo pang buksan ang ekonomiya at bigyan ng kasagutan iyong kawalan ng transportasyon.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Sir, good afternoon.  Sir, doon po muna tayo sa Beep, sabi ni Presidente, he will talk to DOTr Secretary Art Tugade and he wants it free. Sir, in terms of costing, how much will this cost the government? Tapos ito po iyong Beep cards for EDSA carousel lang ‘no? And para sa guidance ng ating mga kababayan, from this day forth, libre na talaga as in wala na tayong—hindi na ito magiging parang back and forth na parang ngayon libre, biglang mamaya babaan lang iyong cost? Ano ba talaga, sir, iyong magiging kailangang asahan ng ating mga kababayan as far as that is concerned?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, nililinaw natin na iyong pagsingil ng kung hindi ako nagkakamali 80 pesos para sa Beep card, kasi kung bibili ka, parang may 100 peso load iyon, tapos 180 iyong cost. Iyon daw pong halagang iyan ay pinagkasunduan ng mga bus operators at ng provider. Ang DOTr po, sa pamamagitan po ng LTFRB, ay mayroon lang supervisory powers pero sila po ay diretsong nangontrata.

Ngayon, dahil sinabi na nga ni Presidente at sinabi ko rin po iyan sa press briefing natin kahapon na dapat maging libre ang Beep card ay kung pupuwede humanap ng pondo para ang gobyerno na lang ang bumili ng Beep card at maibigay ng libre sa mga mananakay. Pero alam ko rin po ngayon, iyong supplier ng Beep card ay nagsabi na mamimigay din sila ng mga, kung hindi ako nagkakamali, parang 127,000 na mga libreng Beep card sa mga pinakamahihirap na mga kababayan natin. Pero hintayin po muna natin kung ano pong hakbang na gagawin ng Department of Transportation lalung-lalo na ang LTFRB para ipatupad po iyong sabi ni Presidente na kung pupuwede humanap na tayo ng pondo para gobyerno ang bibili at ipamigay po sa mga mananakay natin.

JOSEPH MORONG-GMA7:  So right now, sir, we don’t know yet the cost kung magkano iyong kailangang i-shell out ng government?

SEC. ROQUE:  Well, 80 pesos po ngayon ang sinisingil nila for each Beep card. Pero alam po ninyo noong pakikipag-usap ko sa mga eksperto sa industriya. Alam mo iyang Beep card na iyan ay talaga namang hindi iyan iyong importante, dahil ang pagkita naman noong kumpanyang namimigay ng Beep card ay iyong kapag naglo-load ang mananakay, so mayroon silang kita. So,  titingnan nga po natin,  baka makuhang libre ng gobyerno iyan.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Sir, iyon pong kay Secretary Duque. We always hear the President parang absolving itong si Secretary Duque na parang hindi po ba ito judgment already that it will preempt iyong mga investigation? If not preempt, maybe discourage, if you were an investigator of the government and you hear the President saying right now, I mean, walang evidence against Secretary Duque. So does it not influence the investigations being done by the government on Secretary Duque?

SEC. ROQUE:  Going by precedence ‘no, ang precedence po natin talaga si General Morales. Napakataas din ng tiwala ni Presidente, wala siyang nakikitang ebidensiya. Pero kapag ikaw kasi ay abogado at hindi mo nakita ang ebidensiya, you will go by your overall assessment and right now ang overall assessment ni Presidente, full trust and confidence still with Secretary Duque. Pero siyempre as a lawyer, he is also open minded to the fact na mayroon siyang binuong task force mayroon po talagang kapangyarihang mag-imbestiga ang Senado at kung mayroon pong ebidensiya, titingnan ni Presidente ang ebidensiya.

Joseph, If I may add, by way of precedent with Morales incident, wala po, hindi niya ina-absolved, hindi niya dine-discourage iyong mga pag-i-imbestiga dahil iyan nga po ang nangyari kay General Morales.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Sir, answer lang the criticism, parang sinasabi nila parang masyadong malakas naman itong si Secretary Duque kay Presidente?

SEC. ROQUE:  Sabihin na lang natin, wala pa kasing ebidensiyang nakikita si Presidente at hinahayaan natin na iyong iba’t ibang ahensiyang nag-i-imbestiga na gawin ang kanilang trabaho.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Sir, can I go to Secretary Dar?

SEC. ROQUE:  Yes, please Secretary Dar.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Secretary Dar, good afternoon po.

SEC. ROQUE:  Good afternoon po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir, can you hear me, sir? Ang mga tiga-Quezon, sa CALABARZON, medyo umaaray sila kasi iyong bentahan yata ng fresh [unclear] na sinasabi—ano 12 to 14 pesos lamang iyong sa CALABARZON. But ang gusto ho sana ng mga farmers doon ay gawin na parang 18 to 22 pesos. Papaano po puwedeng—papaano po kaya puwedeng mangyari iyon na taasan iyong pagbili ng mga palay sa ating mga farmers kasi parang sobrang mura yata per kilo?

SEC. DAR: Joseph, nasabi ko na na at this point time NFA is buying full—I mean, in full-throttle and they are buying at 19 pesos per kilo, dry and clean, at 14 pesos moisture content. Now, ang aming datos ngayon for CALABARZON according to the study being made by PhilRice ay averaging 17 pesos per kilo, wet. Yeah, fresh ito, so mataas po ito so ganoon na… At ang—again, we are calling on the provincial governments to also help buy sa ating mga farmers.

Alam ninyo, let me give further data on NFA, they have ten billion now presently being used. After the use up of this ten billion ay magpapa-mill na sila at ibibenta para ma-roll over iyong ten billion na iyan.

Now, also let me mention na ang NFA must have a buffer stock good for 15 days minimum. Pero iyong seven billion nila na iyan ay kulang. You need one billion to secure and buy for one day. Now, if they are tasked or mandated to have a buffer stock good for 15 days, they need a budget of 15 billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kulang pa rin ba iyong buffer stock natin, sir?

SEC. DAR: The buffer stock that they are right now with the seven billion, that’s only good for seven days.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Ah, kalahati, sir.

SEC. DAR: Kalahati po.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sige, sir. Thank you for your time. Regards kay Secretary Briones. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Rose Novenario of Hataw: Sa kaniyang public address kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na lahat ng nakumpiskang shabu na itinatago bilang ebidensiya ay sirain sa loob ng isang linggo. Hindi po ba pagsaklaw sa kapangyarihan ng hudikatura bilang hiwalay na sangay ng gobyerno ang direktiba ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Hindi po. In fact, kakakonsulta ko lang po kay Court Administrator Raul Villanueva – iyan po iyong pinakamagaling kong kaklase sa UP College of Law 1990. At ang sabi po niya, nagkaroon na nga po ng direktiba ang Kataas-taasang Hukuman na dapat i-destroy na ang mga kumpiskadong mga droga as soon as it is inventoried. So hindi na po kinakailangang itago iyan para maiprisenta bilang ebidensiya ‘no dahil iyong imbentaryo na lang po, inventory report ang gagamiting ebidensiya.

So nagkakaisa po ang Hudikatura at ang ating Presidente sa layunin na sirain na kaagad ang pinagbabawal na droga dahil baka mabenta pa muli.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Sakaling katigan ng Korte Suprema ang kaniyang kautusan, paano makakasiguro na talagang sisirain ang ebidensiyang shabu at hindi iri-recycle lalo na’t malapit na ang eleksiyon at posibleng magamit ang drug money sa kampanya ng mga kandidato sa 2022?

SEC. ROQUE: Huwag po kayong mag-alala, ang pagsisira po ng mga drogang iyan ay gagawin ng Ehekutibo at ng Hudikatura. Kung wala po tayong tiwala sa mga drug enforcement agencies o kapulisan, magtiwala po tayo sa personnel ng mga Hudikatura.

Thank you, Usec. Rocky. Punta tayo kay Triciah Terada of CNN Philippines, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Secretary. Sir, my first questions or first set of questions are for you then I’ll go to Secretary Liling in a bit.

Sir, susundot lang ako nang konti doon sa Speakership row. Kasi nabanggit ninyo last  briefing na susubakan ninyo pong kausapin si Pangulo tungkol sa ilang paglilinaw doon po sa mga katanungan namin sa media tungkol doon sa Speakership row. By any chance sir, nakausap ninyo po ba si Presidente at natanong po ba kung ano po ang mangyayari by October 14, kung inaasahan po ba niya na magku-comply si Speaker Cayetano doon sa agreement at saka doon sa offer niya to resign?

SEC. ROQUE: Malinaw po ang naging kasagutan na ng Presidente: Iyan ay purely internal matter sa Kamara de Representante. Desisyon po iyan ng indibidwal na mga miyembro ng Kamara, so kahit anong gawin nila, basta may numero ay pupuwede.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, kagabi po sa talumpati ng Pangulo, the President said that he has not killed anyone and he has not ordered the killing of anyone. But if we are going to look back about the previous pronouncements of the President, especially noong panahon po noong pangangampaniya, before he… for example, he mentioned that he ordered killings of drug suspects among others, bad guys. Why did the President sort of somehow had a back track of his statements? Does this have something to do, sir, with being consistent with his statements before the United Nations that this administration values human rights?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi, ang mga pulitiko may mga sasabihin iyan because they know, patok. Pero mayroon din silang mga sinasabi na alam nila na ito ang pawang katotohanan. So bagama’t ang Presidente po ay makulay sa kaniyang pananalita, it is to actually generate attention and discussion lalung-lalo na pagdating sa kaniyang pet issue, iyong anti-drugs campaign.

Pero kagabi po, I think the President was speaking from the heart. Abogado po ang Presidente, paulit-ulit nating sinasabi iyan, at alam ninyo po iyong indoctrination sa law school ay matindi po iyon. Ang indoctrination, sumunod sa Saligang Batas, sumunod sa mga batas at ipinagbabawal ang pagpatay sa ilalim ng Saligang Batas at ng ating mga batas.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary. Sir, may I go to Secretary Liling?

SEC. ROQUE: Yes, please. Secretary Liling…

SEC. BRIONES: Hindi ko naririnig ang ano… ang sound ni Triciah.

SEC. ROQUE: Pakilakas lang, Triciah. Pati kami, hindi namin marinig, Triciah.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon po. Ma’am, I understand last night you explained that the victory of DepEd that you’re talking about is about rising above the discouragement from the groups pushing for an education freeze. But how do you wish to respond, ma’am, doon po sa mga nagsasabi that it’s too early to declare victory in terms of the success of blended learning?

SEC. BRIONES: We are not claiming success of blended learning which is a learning modality older than I am where various technics are utilized. And our teacher, even those who are retirable are familiar with blended learning. Right now, we are monitoring whatever is happening; pero iba iyong assessment.

So in a month or two, before the end of the year or even earlier, we will have a formal assessment. Pero iyong monitoring is there. And we resolve the problems, the challenges as they come; we don’t wait for the end of a particular period. Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary Liling. Thank you, Spokesperson.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Liling. And thank you, Trish. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Meg Adonis of Inquirer. For Secretary Briones: How can the DepEd ensure that the three million students who still haven’t enrolled for the school year will go back to school despite the challenges that the teachers, parents, students experienced yesterday such as connectivity problems and lack of modules?

SEC. BRIONES: We have been pointing out the drop in enrollment of those three million students can be directly correlated also with the state of the economy and employment because the drop in enrollment is in the private sector. And we believe that as the economy is gradually opened up, there will be more jobs, parents will be able to send their children.

Pangalawa, we are allowing even before coronavirus, we already have this policy for late enrollment. So they can enroll up to November kasi they can still cover 80% of the curricular requirements during that period.

So, kapag mag-improve na ang economy, mag-i-improve ang enrollment, mag-i-improve ang incomes and also, the children will be able to go back to schools lalo na sa private schools. Public schools walang problema dahil we even exceeded the targets for public schools, ang medyo bumaba is private sector learners.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya, Secretary Briones: What is the DepEd’s overall assessment of school opening, now that we’re on day two of the distance learning?

SEC. BRIONES:   Well, our overall assessment, judging from what happened yesterday and all over the country, is that the opening has been a success and we deal with the problems as they occur on a day to day basis. We are aware of what is happening all over the country because of our communications system and if there are any difficulties, we resolve them and we meet immediately.

So, our policy group is always there. They’re out in the field right now but for this briefing, we have three of my undersecretaries and regional director who are even here and who can also help answer your concerns.

Thank you.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you, Usec. Rocky and thank you, Sec. Liling. Melo Acuña, please. Melo?

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon. Can you now hear me?

SEC. ROQUE:   Yes, yes, we can hear you.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you. For Secretary Briones, interesado po akong malaman kung mayroon na pong sapat na facilities ang DepEd na ma-accommodate iyong mga lilipat mula sa private schools sapagkat marami po ang umalis sa private school system. Kaya po ba ng facilities at ng pondo ng Department of Education na matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante?

SEC. BRIONES: Right now, hindi masyado ang pressure sa facilities kasi wala namang physical, wala namang face-to-face na klase. So ito ngayon ang pinaghahandaan. Ang thinking namin, we have future’s unit in education, sa aming departamento eh baka mag-iba ang design ng ating mga school houses, hindi na kagaya ng dati, pero iyon kung magka-face-to-face na tayo. Right now wala namang face-to-face kaya iyong pressure and demand on classrooms is not yet very desperate.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:   Okay. For Secretary Dar, magandang hapon po. Ano po iyong specific programs na ipatutupad ninyo para umunlad ang performance ng agriculture sector sa nalalabing tatlong buwan ng taon lalo pa at may La Niña phenomenon?

SEC. DAR:   Maraming salamat, Carmelo. Alam ninyo, dito sa last three months of the year, mayroon pong additional funding na galing sa Bayanihan II which is complementing the regular programs natin sa Department of Agriculture.

You know, there are three major objectives palagi sa iba’t-ibang mga programa at proyekto. Number one, we have to increase the food sufficiency levels for all the commodity industries that we have – be it rice, corn, livestock, fisheries and other.

So, patataasin natin iyong ani at, of course, iyong pangalawa, iyong income enhancing projects, kagaya po iyong sa mga production market linkages, iyong mga pagbibigay ng food logistics, pagsi-set-up ng mga “Kadiwa ni Ani at Kita” and many other platforms kasi we need really to continuously link the producers to the consuming public. So, iyon ang pangalawa, iyong income enhancing projects, marami po iyan.

Pangatlo po, iyong social protection of our farmers and fisherfolk. So, mayroon tayong ibibigay na cash and food assistance na we have allocated four billion out of the Bayanihan 2, to give cash and food assistance sa mga hindi pa nabigyan ng social amelioration na mga, kagaya ng coastal fisherfolks, mga upland farmers, mga corn farmers, mga coconut farmers, and even indigenous people.

So, ito iyong three major sets of projects, so again, because of global distortions we need to produce as much food as we have. So, mayroon tayong campaign na “Go Local, Buy Local.”

SEC. ROQUE:   Melo, do you have another question?

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:   Opo. Yes… for you, Secretary Harry. Sinabi po ng World Bank sa kanilang report na kalalabas lang kaninang umaga na iyong impact ng COVID-19 sa kalakal ay matindi sapagka’t doon po sa mga na-survey nilang mga kumpanya, nababahala sila, mayroong uncertainty at general pessimism sa kanilang operations. Iyong mga employers saying, ito ang nararamdaman: Iyong lack of confidence will limit, according to the World Bank, additional investment and employment and may restrain growth. Ano po kaya ang puwede ninyong irekomenda sa IATF para matugunan ang reality na ito?

SEC. ROQUE:   Well, talagang iyong pessimism po talaga ay problema. Kaya nga po unang-una, mayroon na po tayong bagong mensahe galing kay Presidente. Pag-ingatan ang buhay para makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng mask, hugas at iwas.

Pangalawa po, iyan po ang dahilan kung bakit binubuksan na rin natin ang ekonomiya ‘no. Kung maaalala ninyo po, kahapon inanunsiyo natin na mas marami pang mga industriya na fully na binuksan na ng DTI maski tayo po ay nasa GCQ. At sa pagmi-meeting nga po ng Gabinete sa darating na Lunes pag-uusapan talaga kung pupuwede nang buksan ang ekonomiya dahil ang naging rekomendasyon naman po ni Secretary Karl Chua, basta po paghandaan natin iyong mga magkakasakit ng kritikal o kaya ng severe, eh pupuwede na po nating buksan ang ekonomiya at pinaghandaan naman po natin, pinalakas na natin ang ating mga hospital para kaya na nilang magbigay ng lunas at medical attention doon sa mga magkakasakit ng severe at saka critical. Pero alam naman po natin na karamihan talaga ay asymptomatic at mild, so ang pinu-push po talaga ng ating economic cluster ay para tuluyan nang buksan ang ating ekonomiya.

MELO ACUÑA. ASIA PACIFIC DAILY:   Maraming salamat po, Secretary Harry, Secretary Liling at Secretary Willie. Thank you very much.

SEC. ROQUE:   Thank you, Melo. We go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Secretary, tanong mula kay Maricel Halili ng TV5: Senator Lacson said the President is sending mixed signals about Secretary Duque. He said the President stated that he was giving the DOJ-led task force a freehand to conduct their investigation but he is saying another thing when it involves Secretary Duque. Ano raw po ba talaga?

SEC. ROQUE:   Nasagot ko na po iyan. Kumpiyansa pa po si Presidente kay Secretary Duque, dahil wala pa siyang nakikitang matibay na ebidensiya. Pero kagaya ng nangyari sa ibang opisyales, kapag may ebidensiya naman po hinahayaan na ang proseso na umusad.

USEC. IGNACIO:   From Julie Aurelio ng Inquirer: Can we get more details about President Duterte’s meeting with Marinduque Representative Lord Allan Velasco last night? What was the President’s objective in meeting Velasco?

SEC. ROQUE:   Nasagot ko na po iyan. Ang sabi niya noong humingi ng abiso si Congressman Lord Allan na tatakbo siya sa Speakership, karapatan mo iyan dahil sang-ayon iyan sa iyong kasunduan with Speaker Cayetano.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you, Usec. Punta naman tayo kay Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Hi, sir! Good afternoon!

SEC. ROQUE:   Good afternoon!

PIA RAÑADA /RAPPLER:   Sir, just to push more on the Speakership meeting. Sir, iyong statement po ni Presidente does it mean that—did he also make a commitment to help Representative Velasco get the needed numbers to win as Speaker?

SEC. ROQUE:   Pasensiya ka na, Pia, kasi talagang na-allergic na ako noong inakusahan ako ng isang kongresista of misquoting the President. Hanggang diyan lang po ako, I will not interpret it for anyone. I’ll let the public make their own conclusions. To seek the Speakership, I will just translate it, it’s your right. So, karapatan po iyan ni Congressman Lord Allan Velasco.

PIA RAÑADA /RAPPLER:   Okay. Sir, moving on. Just want to talk about the NICA budget hearing, sir, kasi during the NICA budget hearing, si NICA chief Alex Monteagudo was questioned for spreading false information on his Facebook account and he admitted to owning that account and he even said that he did post those things because he found them “informative.” So, sir, is this concerning to Malacañang, that the intelligence chief is falling prey to false information and even spreading it?

SEC. ROQUE:   Hindi ko po alam kung false information talaga, I have no basis for answering kasi hindi ko naman po alam kung anong nakasulat doon sa mga webpages na iyon.

PIA RAÑADA /RAPPLER:   Sir, siguro just to give you a background. It was basically a post accusing progressive lawmakers like Sarah Elago of being terrorists and members of the NPA and CPP. So, sir … but sir, can Malacañang give any assurance to citizens that social media false information won’t be used in intelligence reports? Is this something that the Palace can at least guarantee because Monteagudo is an appointee of the President?

SEC. ROQUE:   It’s the Constitution that guarantees free speech not the President.

PIA RAÑADA /RAPPLER:   But, sir, is false information, for the Palace, is false news on social media a good basis for intelligence reports and intelligence work?

SEC. ROQUE:   Well, iyon nga po hindi ko maintindihan kung ano iyong false. The false information of course is dependent on the person making a choice whether not it’s true or false. So, subjective po tingin ko niyan, so hindi po ako makasagot, it has to be on a specific issue.

PIA RAÑADA /RAPPLER:   So, sir, subjective meaning you don’t think that the social media media post accusing progressive lawmakers as terrorists is false? You think that those posts are actually true and accurate?

SEC. ROQUE:   Well, I’m not saying that po ano but number one, I do not know if he actually called them terrorists; number two, I don’t know the context by which he used them. Kasi kung talagang terorista sila, dapat sinasampahan ng kaso under the Anti-Terror Law.

PIA RAÑADA /RAPPLER:   Okay. So, sir, given that you don’t know much about the issue, will you at least clarify things with the NICA chief because, ayun nga, parang it’s making people fear that he could be using these tools in his intelligence work?

SEC. ROQUE:   I’ll try but already the judgment is with Congress. If Congress approves the budget of NICA nonetheless, I think the policymakers have given him their go signal.

PIA RAÑADA /RAPPLER:  All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE:   Thank you very much. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO:   Yes. Question from Jo Montemayor for Secretary Briones: Tuloy pa po ba ang subsidy for junior and senior high school enrollees in private school ngayong may pandemic.

SEC. BRIONES:   Tuloy. Ang sagot niyan ay tuloy, dahil nasa batas iyan at saka iyong benefits halimbawa, ilang buwan na wala tayong klase kasi March-April bakasyon tapos May, June dapat nag-umpisa na tayo. Ngayon, October lang tayo nag-o-opening schools. Tuloy ang lahat ng benefits, we spend 32 billion a month for the benefits and salaries of teachers and kung one year iyan, that’s P395 billion. Tuloy iyan dahil that’s provided by law.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you.

For Secretary Dar po, question from Ted Cordero ng GMA News Online: You mentioned earlier that you called on rice importers to bring rice abroad. Does the DA have the power to ban rice importation for a certain period? Won’t this violate the Rice Tariffication Law and how many metric tons of rice imports are we expecting to come this October harvest season against the expected to be harvested locally? How will preventing rice imports help in improving local rice prices?

SEC. DAR: Ganoon nga po ang ginagawa natin, Usec. Rocky. Kinakausap po natin iyong mga gustong mag-import kasi under the Rice Tariffication Law ay talagang it’s a free trade na iyan, liberalized nga ang tawag natin. So out of patriotism, iyon na lang ang ginagamit namin na dahilan. Nakikiusap po sa lahat ng traders na nag-i-import at tumutugon naman dito sa usapan na hindi muna magparating ang ating mga importers ng bigas during the harvest period kasi doon talaga babagsak masyado iyong presyo ng palay kung talamak iyong pagdating ng imports.

Now today two million metric tons have already arrived and maybe another one quarter nasa additionally 200,000 to 300,000 may yet arrive. And if that is the case, by the end of this year and with the harvest that we have locally plus the imports that we have, we will have a very rice secure country. Meaning, ang imbentaryo po natin walang pangamba, by the end of the year we have good for three months.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you.

SEC. ROQUE: I’m so sorry but we have exceeded our time. Marami pa bang tanong iyan?

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque and for Secretary Briones. Iyong kay Aileen Taliping daw po: Ano ang reaksiyon ng DepEd sa naging pahayag ni Cagayan Governor Mamba na walang ginagawa ang mga guro at sumusuweldo lang? Maraming guro ang sumama ang loob at kahit humingi daw po ng dispensa ang Gobernador ay hindi naging sapat dahil nasaktan sila sa naging pahayag nito. Do you agree po ba na walang ginagawa ang mga teachers? Tanong po ni Aileen Taliping for Secretary Briones.

SEC. ROQUE: Well, very briefly Secretary Briones po.

SEC. BRIONES: Hindi naman totoo na walang ginagawa ang mga teachers. Totoo na walang school for several months pero nag-undergo sila ng training. Iyong mga master teachers gumagawa ng mga modules at iyong kanilang mga superintendents nagri-report at nagmi-meet kasi winu-workout namin ang Learning Continuity Program. Hindi sila physically nagtuturo pero marami din silang pinapagawa namin para paghanda nitong October 5 opening natin. Mag-i-issue kami ng statement diyan.

SEC. ROQUE: Oo, sang-ayon po kami kay Secretary Briones. Hindi po kami naniniwala na walang ginagawa ang mga guro at nagpapasalamat nga po kami ngayon sa mga guro dahil ang tagumpay po nitong blended learning ay nakasalalay din sa kanila ‘no.

Yes, next question…

USEC. IGNACIO: Mayroon na lang po kayong dalawang tanong—

SEC. ROQUE: Pakibasa na pareho po.

USEC. IGNACIO: From Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Secretary Roque, can gyms and other sports club open? Can they conduct group classes like zumba, dance and yoga?

SEC. ROQUE: Okay. Ang gyms and fitness studios po 30% sa GCQ, 50% sa MGCQ. No group workouts like zumba. Ito po’y nasa isang DTI Memo 2020-52. Kung gusto ninyo pong mag-zumba, iyong ginagawa ko po dati noong panahon ng lockdown, sa internet na lang po at sa TV.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla: Reaction po ng Palace on the slowdown ng inflation in September na 2 to 3 percent from 2 to 4 percent last August.

SEC. ROQUE: Siyempre po nagagalak ang Palasyo at hindi po masyado tumaas ang mga presyo ng ating mga bilihin. We’re thankful for that.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, pasensiya na pero may pahabol po si Vanz Fernandez: Iyong ulat po na pinaka-latest SWS mobile phone survey, ang adult joblessness ay bumaba ng 39.5% sa buwan ng September kumpara noong nakaraang July na may 45.5 record high ng kawalan ng trabaho. Ibig sabihin, nakakabawi na ang unemployment sa bansa. Ano daw po ang reaction ng Palace?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, iba po kasi iyong classification o iyong definition ng SWS sa joblessness ‘no. Ang ginagamit po nating criteria para sa joblessness ay iyong walang trabaho, naghahanap ng trabaho at available po para magtrabaho. At sang-ayon po sa datos ng gobyerno, ito po ay nagkaroon ng record high na 17.7% noong Abril ng taong ito at bumaba naman po to 10% nitong buwan ng July.

So nagagalak po kami na habang binubuksan na natin ang ekonomiya, bumababa po iyong mga nawawalan ng trabaho pero determinado po ang administrasyong Duterte na buksan pa ang ekonomiya para magkaroon nang mas maraming trabaho ang lahat.

USEC. IGNACIO: May pahabol po si Joseph Morong, Secretary Roque, kung iyon daw pong massage ay mabubuksan na rin?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po sa MGCQ areas ‘no ay mayroon na pong massage pero hindi ko po sigurado sa GCQ ‘no. Ibi-verify ko po iyan ha.

Okay. Maraming salamat po. We’re out of time—

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Oo. Maraming salamat po Usec. Rocky. Pero I have one last question to Secretary Briones.

Ma’am, isa po doon sa batas na naisulong natin sa 17th Congress iyong libre at masustansiyang tanghalian para sa mga estudyanteng… dahil napakadami po ng mga malnourished na mga kabataan. Paano po ngayon iyang programang iyan ngayong walang face-to-face na sinasabi natin?

SEC. BRIONES: Kami ay humihingi ng tulong sa local government units at saka sa mga barangay officials. Tumutulong sila ng pag-deliver ng prepared food packs. Detalyado iyong pinalabas naming memorandum diyan para mapagpatuloy iyong—kasi kung kami lang Spox Harry ang tanungin sa DepEd, gusto namin lahat ng bata hindi lamang iyong mga undernourished and so on pero lahat ng bata pareho silang kakainin at idi-deliver iyan sa mga bahay-bahay nila. Maraming local governments ginagawa iyan pero gusto natin magiging nationwide.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. So napapatupad po ang batas ‘no maski walang face-to-face.

Now kay Secretary Dar naman po, mayroon pong suhestiyon dito na pinadala sa akin ang mga asosasyon ng government unions. Bakit hindi raw po natin ibigay iyong mga bigas na binibili ng NFA bilang kabahagi ng suweldo ng mga kawani ng gobyerno.

SEC. DAR: Well, ang mandato po Sec. Harry ng NFA is to buffer stock good for 15 days. Now beyond that, any decision to give rice to the teachers ay that has to be made by our President or other authorities.

SEC. ROQUE: Okay. Well, anyway doon po sa massage, ika-clarify po natin iyan ha. Ika-clarify po natin iyong massage.

Anyway, maraming salamat Secretary Dar at dahil wala na pong katanungan, maraming maraming salamat Secretary Liling Briones. Maraming salamat, Secretary Dar. Hindi ko lang po sila ka-eskuwela sa UP, sila po’y co-professors ko sa UP. Hindi ko po alam kung mas natutuwa ang mga estudyante natin na hindi na tayo nagtuturo sa UP. Maraming salamat po sa mga kasama natin sa—

SEC. DAR: Thank you, Sec. Harry. Mabuhay Sec. Liling.

SEC. ROQUE: Yes. Nagpapasalamat po kami sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps at siyempre po sa inyong lahat sa inyong panunood ng ating press briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing iyong pakiusap po ni Presidente na gawing libre ang BEEP cards, patunay na nakikinig sa taumbayan ang administrasyong Duterte at mayroon pong puso ang administrasyon ni Presidente Duterte.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)