SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Narito po tayo ngayon sa Baguio City, sa PTV Cordillera, para sa ating regular na press briefing.
Pinulong po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang inyong IATF kasama ang mga infectious diseases experts noong Sabado ng gabi, at ito ang ilan sa mga mahahalagang nangyari sa nasabing meeting:
- Kinansela ng Pangulo ang pilot face to face classes na ipatutupad sana sa Enero sa gitna ng banta ng COVID-19 new variant.
- Sinabi rin ng Presidente ang kaniyang suhestiyon na magkaroon ng isang panel na nakatutok at pag-aralan ang COVID-19 new variant.
- Ito naman ang ilan sa mga measures na in-adopt ng pamahalaan para hindi kumalat ang bagong coronavirus variants:
- Ang dalawang linggong extension ng travel ban sa UK na mag-i-expire sa December 31 2020. Ang inyong mismong Spox ang nagpanukala nito kay Presidente.
- Strict 14-day mandatory quarantine sa mga biyahero o pasahero na manggagaling sa mga bansa at lugar tulad ng Hong Kong, Singapore, Australia kung saan may nai-report ng mga bagong variant ng COVID-19.
- Travel restrictions sa mga bansang mayroong local transmission ng COVID-19 new variant.
- Inaprubahan din po ng Pangulo na lahat nang nagpositibo sa RT-PCR specimens galing sa mga pasahero mula UK ay ipadadala sa Philippine Genome Center Research Institute for Tropical Medicine at University of the Philippines National Institute for Health para sa genome sequencing splice.
- Ang rekumendasyon ni Dr. Jaime G. Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development, na palakasin ang genomic surveillance ay inaprubahan. Kasama sa target sequencing ng high risk groups ang clusters ng may mataas na kaso at clusters na mayroong increase severity at deaths.
- Binigyan din ni Presidente ng kahalagahan ang enhanced surveillance para ma-detect ang new strain at sinabing may malaking papel dito ang lokal na pamahalaan partikular ang mga mayor at mga barangay captains.
- Ang rekumendasyon naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bilisan ang pagkakaroon ng implementing rules and regulations ng Executive Order # 122 na nagpapalakas sa border control sa pamamagitan ng isang advanced passenger information system ay naaprubahan din.
Punta po tayo sa COVID-19 updates ‘no, ito po ang global update: Ayon sa Johns Hopkins, mahigit 80 million or 80,721,623 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,763,740 naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong 19.1 million na mga kaso at 333,069 deaths; pangalawa ang India at sumusunod po ang Brazil, Russia at France.
Dito po sa atin, mayroon po tayong 22,099 na mga aktibong kaso ayon sa December 27, 2020 datos ng Department of Health. Ang mga aktibong mga kaso, 90.1% ay asymptomatic, mild or moderate, samantalang 6.2 ay kritikal. Nasa 3.2% naman po ang severe; mahigit pitong libo or 7,635 naman po ang gumaling.
Ang buong bilang ng gumagaling ay halos nasa kalahating milyon na or 438,678 or 93.4% recovery rate. Samantala, malungkot nating binabalita na 9,109 na ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus, nasa 1.94% ang ating fatality rate – nakikiramay po kami.
Kumustahin naman po natin ang lagay ng ating mga ospital ‘no: Nasa 63% available pa po ang ating ICU beds; 69% available pa po ang isolation beds; 78% available po ang ating ward beds; at mayroon pa tayong 81% ventilators na available. Hindi po ibig sabihin na dahil marami pa tayong kama sa ICU at sa mga wards ay magpapabaya na tayo ‘no. Kinakailangan Happy New Year ang lahat, sundin lang natin ang sinasabi ng ating Presidente: Mask, Hugas at Iwas.
Anyway, nagkaroon lang po tayo ng technical glitch. Dapat kasama po natin ngayon si Fernando Zobel para pag-usapan iyong kanilang kontribusyon ng mga bakuna na galing sa AstraZeneca. Siguro po sa mga susunod na araw ay babalikan po natin si Mr. Fernando Zobel.
Anyway, dahil hindi po natin makakasama si Mr. Zobel, tumuloy na po tayo sa ating open forum kasama po ang ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps. Okay, simulan na po natin. Usec. Rocky, are you in the house?
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Merry Christmas po.
SEC. ROQUE: Merry Christmas and Happy New Year.
USEC. IGNACIO: Unang tanong po, mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer. Ito po ang tanong niya: What is Malacañang’s response to calls to expand the travel ban on arrivals from countries that have reported the new strain of the coronavirus?
SEC. ROQUE: Well, alam ko po ay nagpupulong ngayon ang IATF, so hindi ko po alam kung napag-usapan iyan. Pero whether be it bagong strain or lumang strain, talaga naman po ang panlaban natin diyan ay iyong 14-day quarantine at saka iyong mask, hugas at iwas.
Sa ngayon po, ang nadesisyunan ay iyong two-week extension na matatapos po iyan ng January 14 na travel ban sa lahat po ng manggagaling sa UK. Pero this is without prejudice naman po na pagbawalan din iyong pagdating ng mga pasahero galing po sa mga ibang bansa na mayroon ng bagong variant.
Pero antayin na lang po natin ang developments dahil ang sinasabi po ng Department of Health, habang wala naman pong community transmission ng bagong variants dito sa mga iba’t ibang mga bansa ay pupuwede naman pong 14-day quarantine at ito po ay regardless kung ano ang maging resulta ng kanilang PCR test.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi ang DOH and health experts say the ban is not necessary for now, but several lawmakers prefer to be on the side of caution. What is preventing the Palace daw po from imposing a travel ban on countries other than the UK that have the new coronavirus variant?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po, this is without prejudice naman po. Pero sa ngayon po, sa lahat ng mga bansa na mayroon nang nakapasok, nag-i-impose po tayo ng 14-day quarantine, mandatory po iyan, kahit ano po ang resulta ng PCR test. Ibig sabihin maski mayroong pong bagong strain galing sa mga lugar na iyan, hindi naman po iyan kakalat dahil mandatory silang ika-quarantine doon sa New Clark City.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Leila Salaverria: The Presidente said many have been vaccinated daw po with the Sinopharm vaccine. What is the Palace stand on this and what signal does it send that people are getting inoculated even before a vaccine has been authorized for use in the country? Is the acceptable to Malacañang, since the President knows about the unauthorized vaccinations? Ano ang gagawin ng Palace about it and when will it try to stop other officials from being vaccinated without FDA approval?
SEC. ROQUE: Okay. Sagutin po natin ito, hahabaan na natin ang sagot nang hindi na po paulit-ulit.
Unang-una po, hindi po ipinagbabawal ang batas natin ang magpaturok ng hindi rehistrado. Ang bawal po iyong distribution at iyong pagbibenta. So, ito naman po ay itinurok sa mga sundalo na pumayag.
Pangalawa, ang mensahe po ng Presidente sa sambayanan: Huwag na po kayong mainip, nandiyan na po ang bakuna. Ang Sinopharm po kasi ang kauna-unahang vaccine sa tingin ko sa buong mundo na binigyan ng Emergency Use Authorization sa Tsina dahil ito po iyong unang-unang natapos ang third clinical phase sa trial.
So ang sinasabi lang ng Presidente: Nandiyan na po ang bakuna, huwag na kayong mainip at huwag kayong magkaroon ng agam-agam kung hindi tayo makakuha ng mga western vaccines, kasi matagal na pong available iyan sa China. July pa lang po ng taon na ito, eh binibigay na po ang Sinopharm at ang Sinovac sa mahigit isang milyong katao na sa Tsina. So, ligtas naman po ito, kasama rito iyong mga kasundaluhan ng PLA, iyong People’s Liberation Army.
So iyon po ang mensahe ng Presidente: Nandiyan na ang bakuna; kung hindi tayo makakakuha ng western, nandiyan po ang Chinese.
At huwag naman po ninyong ipagkait sa ating mga sundalo kung nagkaroon sila ng proteksiyon. Tanggapin na lang po natin na importante na iyong ating kasundaluhan, iyong mga nagbabantay sa ating seguridad ay ligtas na sa COVID nang magampanan nila ang kanilang trabaho.
USEC. IGNACIO: Question from Jam Punzalan of ABS-CBN Online: The President said if the US fails to provide daw po COVID vaccines to the Philippines, he would terminate the VFA. Senator Lacson said this pronouncement is at the very least unfortunate, ‘I think there could be more diplomatic or at least a better way of asking a longtime ally to help us avail of the vaccines for our people without sending like we are blackmailing our way into it.’ She said, how does the Palace daw po react to this?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang Presidente pa rin ang Chief Architect ng ating foreign policy. So hindi po natin puwedeng ipagkait sa ating Pangulo iyong ganiyang desisyon.
Pero alam po ninyo, kung maalala ninyo, ako ay tumayong abogado doon kay Pemberton. Noong siya ay nabigyan ng pardon, siyempre masama din ang loob ko at noong pamilya. Pero inisip ko nga siguro kinailangang gawin ng Presidente iyon para masigurado nga na tayo ay makakuha ng bakuna ano. Pero hindi ata naging sapat iyon para tayo ay mabigyan ng bakuna. Kaya ang opinyon ko lamang ngayon sinabi ng Presidente ‘no na talagang pati VFA ay kakanselahin na niya kung hindi mabibigyan ng bakuna. Wala pong masama diyan, hindi po iyan blackmail, iyan po ang ibig sabihin ng independiyenteng panlabas na polisiya or independent foreign policy. Hindi po tayo sunud-sunuran, hindi po tayo didiktahan ng kahit sino.
Ang sinasabi ng Presidente, dahil tayo ay magkakaibigan, magtulungan tayo; kailangan namin ng vaccine, may vaccine kayo bigyan ninyo kami. Kinakailangan ninyo ang aming teritoryo para sa Visiting Forces Agreement, sige ibibigay namin iyan. Pero kung hindi naman ninyo kami bibigyan ng bakuna, eh di doon kayo mag-VFA sa mga bansang binigyan ninyo ng una na bakuna. ‘Di ba tama lang naman iyan. Oh, huwag naman po nating masamain iyan, dahil tapatan lang naman talaga ang Presidente, diretsong magsalita. Kung hindi sapat iyong mga iba niyang ginawa para ipagpatuloy iyong malapit na kaibigan, para magkaroon tayo ng bakuna, iyong pag-i-extend ng termination ng VFA at iyong personal kung opinyon na pati nga iyong kay Pemberton ‘no eh tama naman na sabihin na ni Presidente ‘enough is enough, walang bakuna, walang VFA.’
USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po mula kay Jam: DOST-PCHRD’s Dr. Montoya said it is acceptable for China’s Sinovac vaccine against COVID-19 to have 50% efficacy. Does the Palace share the same view? And if yes, what would you like to say to Filipinos who are wary about this efficacy rate?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo, ngayong nandiyan na ang mga bakuna, expected po iyan, labanan ng mga gumagawa ng bakuna at siyempre iyong mga ilan ay talagang pupuruhan iyong Tsina. Kasi iyong Tsina nauna talaga sila doon sa third clinical trial, pero iyon po iyong Sinopharm; ang Sinovac po patuloy pa rin ang proseso. Pero lilinawin ko lang po: Iyong 50%, hindi po tayo nagtalaga niyan; WHO po iyan.
Pangalawa, hindi naman po sinabi na ang Sinovac ay 50% efficacy lamang. Ang sabi po ay in excess of 50%. In fact, ang mga sinasabi po ng ilang mga hurisdiksyon na nagbigay na rin ng EUA ay umaabot sa 90 plus percent po iyan.
Now, ang alam ko po iyong Sinopharm na ginamit sa ilang ating kasundaluhan, hindi lang po iyan sa Tsina nabigyan ng EUA, parang nabigyan na rin po iyan ng EUA sa United Arab Emirates. At kung hindi ako nagkakamali, iyong mga leaders na doon ay nagpaturok na rin ng Sinopharm.
Basta ang balita po, nandiyan ang balita, nandiyan na po ang bakuna at kung hindi tayo mabibigyan ng mga western vaccines, nandiyan po iyong kaibigan at karatig bansa na Tsina na puwedeng magbigay ng bakuna. Iyon lang po iyon at nagkakaroon na po ng pulitika diyan. Sa Pilipinas po siyempre sinasabi, ‘Bakit tayo nahuhuli?’ Eh bakit sino ba ang nagsabi na mauna tayo, hindi naman natin sinasabing mauna talaga tayo. Sinasabi natin na siyempre uunahin noong mga bansang naka-develop ng bakuna iyong kanilang mga mamamayan – that’s understandable po.
Pero hindi po tayo magpapahuli dahil ang Presidente nga po, dahil sa kaniyang independent foreign policy, dati-rati hindi natin maasahan ang tulong sa Tsina, kung ayaw magbigay ng western, nandiyan po ang Tsina. Pero inaasahan po natin, lahat naman po sila magbibigay because ang law applicable po ngayon is the law of humanity in times of pandemic.
USEC. IGNACIO: Third question po niya: DILG Secretary Año said he knew some Cabinet officials and PSG members who have received COVID-19 vaccines even though the FDA has yet to approve any vaccine for local use. The sale of unregistered vaccines is prohibited according to the FDA. Is the President one of those who got vaccinated? If officials cannot follow FDA regulations, what does this say about the Cabinet? And how does the government expect the public to follow rules when they appear not to?
SEC. ROQUE: Question is misleading again po. Ang ipinagbabawal ay benta, wala pong bumili ng mga bakuna na naturok sa ating kasundaluhan. Hindi po ipinagbabawal ang pagturok maski hindi pa rehistrado, huwag lang ibenta; huwag i-distribute. Basahin po natin ang FDA law.
USEC. IGNACIO: Okay. I think, Secretary, si Joseph Morong na ba ang kasunod. Kung nandiyan na po sa vMiX natin si Joseph Morong.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, I just [garbled] from the point of the previous question ‘no: Will you confirm what Secretary Año said that some PSG members had been vaccinated?
SEC. ROQUE: I can only confirm what the President has said: Ilang sundalo ay nabakunahan na po.
JOSEPH MORONG/GMA7: And that includes PSG?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. But I stand by what the President says because after all, I speak for him – may mga sundalo na siyang nabakunahan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sundalo niya? So ibig sabihin PSG?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. I just quoted from what he said. I cannot add, I cannot subtract from what he said.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Also the President said na when he was talking to FDA Director General Eric Domingo, sabi niya, “Ako problemado. Puwede ba akong magpabakuna ulit kapag dumating na iyong Pfizer?” Focus on the “ulit”, what does the President mean? Nagpabakuna na siya?
SEC. ROQUE: I don’t think so ‘no kasi siguro mga apat na beses ko nang narinig kay Presidente iyan. Ang palagi niyang tinatanong ay kung magpapabakuna na ako ngayon, puwede pa ba akong magpabakuna later on ‘no. So I think that’s just another instance kung saan tinanong niya iyong tanong niya na paulit-ulit na tinatanong: ‘Kung magpapabakuna na ako ngayon, pupuwede pa bang mag-Pfizer?’
So ang sa akin po, wala po akong alam kung nabakunahan na siya pero I’m just putting in context na iyon po talaga iyong mga narinig ko sa bibig na ng Presidente, tinatanong niya kung magpapabakuna na siya, pupuwede pa bang magpabakuna ulit in the future. But I have no information, personal information kung nabakunahan na po ang Presidente.
JOSEPH MORONG/GMA7: We cannot say for the record, sir, that he has not been vaccinated yet?
SEC. ROQUE: As I said, I have no personal information, personal knowledge kung nabakunahan na siya o hindi.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, with regard to—okay, ang established ngayon, sir, is some Filipino soldiers have been vaccinated with Sinopharm. How was this decision made? Who made the decision? When was this done?
SEC. ROQUE: This must have been made by the soldiers ‘no and probably by their commanders kasi hindi naman po iyan makakarating sa sundalo kung walang go signal ng commanders. And I understand naman, this is voluntary; wala pong sapilitan. It was not mandatory – kung sino lang iyong gusto, pupuwede.
JOSEPH MORONG/GMA7: But it is government sanctioned, yes?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung government sanctioned. It’s a personal decision. Alam ninyo po, iyang desisyon kung magbabakuna o hindi is always a personal decision. Kahit ikaw po ay isang sundalo, kung ayaw mo talaga magpabakuna kahit anong brand ng bakuna iyan, hindi ka po mapipilit.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sinong nag-alok, sir?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po alam iyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kasi, sir, okay, right now, the status of Sinopharm – if iyon iyong binakuna sa mga sundalo natin – that is still unregistered. And the FDA already has a statement na it is illegal to import, distribute and dispense or administer unregistered drugs. So did we commit something illegal here?
SEC. ROQUE: I don’t think so because we personally contacted Dr. Domingo, and his view is hindi iligal na magpaturok ng bakuna na hindi pa registered sa Pilipinas; that’s a personal decision of the person.
JOSEPH MORONG/GMA7: Pero hindi ba siya, at the very least, dangerous because we have not known—we have not evaluated this vaccine yet, FDA natin?
SEC. ROQUE: Alam mo kasi mayroon naman evaluation na iyan sa Tsina at sa, if not mistaken, sa UAE. At isang milyon na nga mahigit ang naturukan ng Sinopharm ‘no. Kung titingnan ninyo po sa internet, may ganiyang anunsiyo na ang Sinopharm. So it is, kumbaga, the most widely used vaccine so far. So siguro iyon iyong dahilan kung bakit iyong mga sundalo na pumayag ay assured naman sila ‘no na one million people, in excess of one million people ay nabakunahan, wala namang nangyari sa kanila. Eh mas mabuting mayroon ng proteksyon kaysa wala.
I cannot really speak for them, but [overlapping voices] that this must have been [overlapping voices] of the soldiers dahil ang importante nga ngayon ay proteksyon laban dito sa virus na ito.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, is there a danger when we vaccinate the President with an unregistered vaccine like Sinopharm?
SEC. ROQUE: Again, that’s a speculative question because I do not know if he has been vaccinated. Moreover, I don’t think the President will allow any vaccine to enter his system unless he has considered it. But as I said, I cannot confirm nor deny and I must say, as far as I know, hindi pa siya nababakunahan. Kasi nga palagi niyang tinatanong, “Kapag ako magpabakuna now, puwede pa ba iyong mga ibang vaccine?” Kasi ang gusto nga niya: Isa dito, Tsina; isa dito, Rusya. Pero hindi nga alam kung puwedeng gawin iyon eh ‘no.
So hanggang hindi siya sigurado, ayaw muna siguro niya dahil gusto niya parehong Tsina at saka Ruso mayroon siyang bakuna.
JOSEPH MORONG/GMA7: You said kanina, sir, that the President will not allow a vaccine to enter his system unless he considered it. What do you mean by considered, that term?
SEC. ROQUE: Considered it as safe ‘no. Tinitingnan naman niya iyong mga datos din ‘no. Pero ang consideration nga niya, talagang gusto na niya. Pero gusto na niyang subukan iyong Tsina at saka ng Ruso, hindi nga lang siya sigurado kung pupuwede nga niyang subukan. Bakit? Kasi iyong Ruso, iyon iyong unang-una nagsabi, magpapatayo pa kami ng planta para mag-manufacture. Tapos ang Tsina naman, iyon iyong unang presidente nagsabing bibigyan namin kayo kapag kami ay naka-develop. Siyempre, utang na loob, eh gusto niyang i-accommodate pareho. Pero hindi nga siya sigurado kung pupuwede niyang tanggapin pareho iyong bakunang iyon kaya palagi niyang tinatanong: Puwede bang umulit kapag nakakuha na ng isa? That’s it, that’s the full story po as far as that’s concerned.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong naman po mula kay Sam Medenilla: May probisyon po kaya ng 2021 budget na na-veto po si Presidente Duterte; if yes, ano kaya ang mga nasabing provisions? Kailangan pa din kayang mag-comply sa 15 days publication requirement bago mag-take effect ang 2021 General Appropriations Act?
SEC. ROQUE: Ilang oras na lang po ‘no, dahil alas singko yata scheduled iyong signing. So between 12:31 and 5 o’ clock ay malalaman po natin kung magbi-veto ang Presidente at anong probisyon ang kaniyang maibi-veto. Antay na lang po tayo. It’s expected anytime now.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Napirmahan na kaya ni President Duterte ang law extending the effectivity of Bayanihan II Law?
SEC. ROQUE: Kung hindi po ako magkakamali, posible pong mapirmahan ngayong hapon din iyan ‘no dahil hindi naman po general—posible pong mapirmahan iyan ngayong hapon din.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, mukhang nasa vMix na rin si Triciah Terada. Kung nandiyan na po siya …
SEC. ROQUE: Okay. Triciah, go ahead please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hello! Good afternoon, Secretary.
Sir, first question: Aside from soldiers, mayroon na po bang ibang official or government officials na nabakunahan na alam ninyo po?
SEC. ROQUE: Ang alam ko lang kung ano iyong sinabi ni Presidente. I cannot add, I cannot subtract to what he uttered.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, following the logic na hindi po mali or hindi iligal na magpabakuna or magpaturok and ang mali is pagbili. Does it mean, sir, na for example any individual, any Filipino who’s capable of importing o magpadala ng bakuna dito pero hindi ibibenta tapos magpapaturok, puwede rin po iyon, sir?
SEC. ROQUE: Kung makakalusot po iyan ‘no. It has to be very small quantities, I suppose ‘no. Kasi kung commercial quantity iyan, that will have to require a license.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, hindi po ba siya counterproductive or parang contradicting sa ating message na iyon nga, dapat muna lahat ng papasok na bakuna or iyong tatanggapin mo lang na bakuna is already authorized by our FDA?
SEC. ROQUE: Alam mo, sinagot ko na iyan ‘no at paulit-ulit lang po iyang tanong na iyan. Ang importante po ay mayroong EUA iyan sa Tsina; ang importante ay hindi po iyan officially inangkat. Ang importante po ay hindi po iyan binenta, hindi po iyan dinistribute; mayroong nagbigay, mayroong tumanggap, tinurukan, full stop! Beyond that po, you can ask the same question, I’ll give you the same answer.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, do you have any information kung anong capacity nakuha po ito ng soldiers? Is it possible na nakuha nila ito under trials or clinical trials or some reasons?
SEC. ROQUE: No information on that.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Sir, we’re nearing the end of the year. Na-relay ninyo na po ba kay Pangulong Duterte iyong update sa telcos and may we know his reaction? Is he satisfied or not? Or if he is not, will we see a closure of any telco as he warned during his SONA?
SEC. ROQUE: Well, I’m still awaiting for the official evaluation to be submitted to the Office of the President coming from the NTC. So, if Commissioner Liel is watching our press briefing, hinihintay po ng Office of the President iyong evaluation na ipinangako ninyo po na isumite before end of the year.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, sir, with a few days left before the end of 2020, is it safe to say wala munang closure ng telcos at least for 2020?
SEC. ROQUE: I’m not the President, I cannot definitely say that. But what I can say is the President is awaiting the official evaluation from the regulatory body and as soon as it is submitted to him then I’m sure I can insist that he come up with a public reaction to the evaluation.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, ano pong update sa task force on the new strain? Who will lead the task force? And wouldn’t this be repetitive or redundant to what the DOH office on surveillance is already doing?
SEC. ROQUE: Well, wala pa pong update ‘no, that’s an idea expressed by the President two days ago. I don’t think it is redundant because many of the epidemiologists and the specialists don’t necessarily have to be from the DOH. We are exercising or practicing iyong whole-of-nation approach pagdating po dito sa dealing with the new strain of the virus.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last question. May address po ba si Pangulo mamayang gabi?
SEC. ROQUE: Sigurado po iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Okay, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Why did the President say na mayroon pong uniformed personnel nabakunahan? Sinabi po ni Secretary Duque na wala siyang information about it. Saan daw po galing ang information ng Pangulo?
SEC. ROQUE: I already answered that.
USEC. IGNACIO: Ano daw po ang aksiyon na gagawin ng government about it? Huhulihin ba ang involved sa vaccination since wala pa itong approval ng FDA?
SEC. ROQUE: As I said, hindi po iligal ang magpaturok.
USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez of GMA News Online: Why is the government even considering Chinese vaccines which are not only more expensive but are also a lower efficacy? Won’t this be a waste of money?
SEC. ROQUE: Linawin ko po: Kukuha po tayo ng bakuna kung saan mayroon tayong makukuhanan. Sa ngayon po, ang pinakamaaga na makukuha natin doon sa mga western vaccine is June, sana nga po matupad iyan. Pero kung makakakuha po tayo ng Chinese vaccine na mas maaga, bakit hindi?
At saka iyong presyo po, well, ayun nga po ano, may mga sundalo na nabakunahan wala naman pong bayad iyan, so huwag po tayong maniwala na may presyo na rin talaga itong mga Chinese vaccines na ito.
Sa panahon po ngayon na marami ng bakunang naglalabanan, huwag po kayong maniwala sa lahat ng naririnig ninyo. Sila-sila pong mga naggagawa ng mga bakuna nagsisiraan na hindi lang laban sa mga Chinese medicines pati po iyong mga western vaccines nagsisiraan din sila sa isa’t-isa.
So, tayo naman po mayroon po tayong FDA nag-i-evaluate po sila ng safety at ng efficacy.
USEC. IGNACIO: President Duterte daw po claimed last Saturday that many Filipinos including some from the military have already received COVID-19 vaccine from Sinopharm, kasama po ba ang Pangulo dito nagpa-inject ng vaccine from China?
SEC. ROQUE: Already answered na po iyan.
USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Reaksyon po sa sinabi ni Senator Pangilinan na mas maganda raw po kung ang China ang binantaan ni Pangulong Duterte na huwag magbenta sa Pilipinas nang mas mahal pero less than effective na COVID-19 vaccine sa halip daw po na balaan ang United States ng pagtanggal sa defense pact dahil sa bakuna? Pinalagan kasi ng ilang senador kasama po si Senator Pangilinan ang sinabi ng DOH na ang 50% efficacy rate sa COVID-19 vaccine ng China’s Sinovac Biotech ay pasok sa World Health Organization’s minimum requirement. Para daw po kasi rin kay Senator Zubiri, ang efficacy rate na 50% para sa bakuna laban sa coronavirus pandemic ay isang joke at totally unacceptable; habang para kay Senator Drilon, ang mababang efficacy rate ay hindi magtatatag ng public trust sa bakuna.
SEC. ROQUE: Kay Senator Pangilinan, buti na lang hindi ka Presidente. Kay Senator Zubiri at Senator Drilon, World Health po ang nagtatag ng ganiyang benchmark pero wala pong nagsasabi na ang Sinovac or ang Sinopharm ay 50% lang ang efficacy. Mas mataas po ang nari-record nilang efficacy, 90 plus prevent din po sa ilang mga bansa kung saan nagkaroon sila ng clinical trial.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Virgil Lopez: Did the President authorize daw po the vaccination of soldiers using Sinopharm vaccine?
SEC. ROQUE: I don’t think so po, it must have been the decision of the commanders and the soldiers.
USEC. IGNACIO: Ang tanong po ni Ace Romero ay nabanggit ninyo na kanina, iyong items na puwedeng i-veto … na-veto, 2021 Budget. Tanong na lang po mula po kay Celerina Monte: Ilang sundalo/pulis na sa Pilipinas ang nabakunahan gamit ang Sinopharm? May iba po bang official ang pamahalaan na nabakunahan? Tanong pa rin po niya: Kung kasama ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan.
USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Raul Dancel of Straits Times: With the Army confirming that some soldiers have been inoculated with unregistered vaccines, are we seeing a free for all when it comes to securing doses versus COVID-19? Is this something the government is allowing to play out?
SEC. ROQUE: It’s not a free for all po, ano. As I said, hindi pupuwedeng commercially distributed, commercially sold, commercially administered kung wala pong license galing FDA. Iyong isolated, well, sabi nga po ng FDA nga, kapag iyong pagturok na hindi naman commercially distributed, commercially sold eh hindi naman po iyan pinaparusahan o ipinagbabawal.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Pia Gutierrez. Nabanggit ninyo na rin po iyong ilan dito pero iyong tanong niya: Ilang mga sundalo na nabigyan ng Sinopharm vaccine? How much was spent? Saan daw po galing ang budget para dito? Sabi ng AFP, there was no AFP sanctioned vaccine program. Who authorized this?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po alam. Ang pagkakaalam ko ay wala pong bayad iyan.
USEC. IGNACIO: From Celerina Monte: How did the government able to acquire daw po Sinopharm vaccines which were injected to some soldiers? Were they purchased by the government or were they donated by the Chinese government?
SEC. ROQUE: Dahil hindi po iyan binayaran, it must’ve been donated. Hindi ko alam kung sino po nag-donate.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po mula kay Miguel Aguana ng GMA News: El Shaddai held a gathering last December 26 which Parañaque LGUs says has no permit and allegedly in excess of the 30% venue capacity rule has been violated. DILG has tasked the IATF COVID Shield to investigate alongside Parañaque LGU’s own probe. Ano po ang masasabi ninyo sa incident, paalala po perhaps on religious gatherings?
SEC. ROQUE: Well, hayaan na po natin na umusad iyong imbestigasyon at iyan naman po ay isang police matter, ‘no. Hindi na po iyan paghihimasukan ni Presidente. Ang Presidente lang po paulit-ulit na nagpapaalala, nandiyan pa po ang bakuna—alam ko nandiyan na nga iyong bakuna pero hindi pa nakakarating sa atin. Meanwhile, samantala po, kinakailangan mag-ingat pa rin dahil baka nga lalong nakakahawa itong bagong strain ng COVID. Ang panlaban natin habang hindi pa tayo natututukan ng bakuna: Mask, Hugas at Iwas.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyon lang po ang mga tanong na nasa akin. Hindi ko po alam kung sino pa ang nasa linya natin na mga reporters, kung pupuwedeng makapagtanong pa rin po sa inyo.
SEC. ROQUE: Mayroon pa bang nasa vMix?
USEC. IGNACIO: Wala na daw po, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Mukhang wala na yata ano? So, dahil wala na pong mga katanungan galing sa ating mga kasamahan, unang-una, may apologies to Mr. Fernando Zobel dahil po nagkaroon tayo ng technical difficulties. Siguro po sa mga susunod na mga pagkakataon we can invite you again.
At dahil wala na nga pong tanong, maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat po sa PTV Cordillera lalo na sa kanilang station manager at maraming salamat, Usec. Rocky.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Merry Christmas, Happy New Year! Nandiyan na po ang bakuna pero samantala, Mask, Hugas, Iwas pa rin tayo.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)