Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Naimbag nga aldaw, Cordillera. Magandang tanghali pong muli mula dito sa Baguio City. Maraming salamat pong muli sa PTV Cordillera.

Pinirmahan kahapon po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act # 11518 otherwise known as the 2021 General Appropriations Act. Ayon sa Pangulo, ang pagpirma sa 2021 GAA ay patunay sa kahalagahan ng aktibong kolaborasyon ng Ehekutibo at Lehislatura lalo na sa panahon kung saan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan ang nakataya, pinapakita nito kaya naman pala nating isantabi ang pulitika.

Dagdag pa ng Presidente, dahil sa pagpirma sa pambansang budget ay maipagpapatuloy natin ang Build Build Build Program, mapapasigla muli ang industry at service sectors, at mabibigyan suporta ang ating mga social services projects.

Ang bawat sentimo sabi ng Pangulo ay gagastusin para tiyakin ang pagbangon ng bansa sa susunod na taon.

Bilang bahagi ng kaniyang constitutional mandate na lahat ng batas ay tapat na maipatupad, pinag-aralan ng punong ehekutibo ang mga probisyon ng ating pambansang budget at sinabject [subjected] sa direct veto ang mga probisyon kontra sa nakasaad sa ating Saligang Batas. Antabayanan na lamang natin ito ‘no sa Official Gazette.

Ilan sa dinirect [direct] veto ng Presidente ay ang may kinalaman sa use of income ng ilang departamento at ahensiya. As a general rule, all income of agencies shall accrue to the general fund of the national government unless otherwise authorized by a separate substantive law. Ibig sabihin lang po nito, dapat lahat ng kinita ng mga ahensiya ay pumasok sa national treasury at kinakailangan ang paggastos dito ay sang-ayon sa national budget.

So iyong mga probisyon ng budget bill na nagsasabi na pupuwedeng gastusin ng ilang mga ahensiya ang kanilang income, iyan po ang na-subject sa direct veto.

Nais din ng Presidente ang mahigpit na pagpapatupad ng cash budgeting system at ang pagsisiguro na magagamit nang wasto ang pondo ng taumbayan at maiwasan ang duplication of funding tulad sa paggamit ng infrastructure-related expenses, pagpapatupad ng financial assistance sa mga lokal na pamahalaan, pagpapatupad ng rice subsidy at agarang pagbibigay at paggamit ng disaster funds.

Nagpahayag din Pangulo na kailangang i-observe ang umiiral na mga batas, polisiya at mga regulasyon ng  mga procurement-related provisions, pagbibigay ng allowances at benefits, paggamit ng quick response fund, pagtukoy ng program beneficiaries, pagtatayo ng evacuation  centers, pagpapatupad ng service contracting, pagpondo ng foreign-assisted budgets at  iba pa.

Muling nagpapaalala si Presidente na ang national budget ay shared fiscal responsibility. Hinimok niya ang Kongreso na kailangang tama at transparent ang pag-manage ng pondo ng taumbayan base sa sound fiscal policies.

Nagbigay din si Presidente ng kaniyang regular Talk to the People. Pero bago pa tayo pumunta roon, isa sa pinayl [filed] na mga probisyon sa budget ay iyong tinatawag na new budgetary items. Nakasaad po sa veto message ng Presidente na iyong mga bagong proyekto po na hindi po napasama sa National Expenditure Plan [NEP] at hindi po dumaan doon sa proseso na dapat na-discuss po iyan sa provincial planning at doon sa tinatawag nating Regional Development Councils, ito po ang naging probisyon ‘no: Therefore, these new budgetary items shall be subject to the national government’s cash programming, the observance of prudent and responsible fiscal management applicable rules and regulations during budget execution and approval by the President based on the program priorities of government. The DBM shall inform the agencies of such budgetary items and require the submission of the revised agency performance targets among other supporting documents as may be applicable.

Importante po kasi ito dahil ito po ay mga proyekto na hindi po napasama sa proposal ng Ehekutibo sa Kongreso. Ito po ay mga proyekto na ipinasok mismo sa Kongreso, hindi naman po vineto ‘no. Pero ang sabi lang po, dapat ito po ay sang-ayon doon sa ating government cash programming at iba pang mga probisyon ng ating batas. Ang implementation ng mga projects na ito ay subject pa rin po sa approval ng ating Presidente based on program priorities of the government.

Now, kahapon po ay natuloy din ang Talk to the People address ng ating Presidente kung saan kaniyang inanunsiyo ang risk level qualifications para sa buwan na Enero sa susunod na taon. Mananatiling nasa General Community Quarantine or GCQ ang National Capital Region, Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte. Samantalang ang mga lugar na hindi nabanggit ay nasa Modified General Community Quarantine or MGCQ.

COVID-19 updates po tayo ‘no. Ito po ang global updates sang-ayon sa Johns Hopkins: Higit 81 million or 81,217,213 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,772,325 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroong mahigit 19.2 million na mga kaso at 334,618 deaths; pangalawa po ang India; sumusunod po ang Brazil, Russia at France.

Dito po sa ating bayan, mayroon po tayong 22,746 na mga aktibong kaso ayon sa December 28, 2020 datos ng Department of Health. Nasa 766 ang naitalang mga bagong kaso kahapon. Sa mga aktibong kaso, 90.3% ay asymptomatic, mild or moderate; samantalang 6% ay kritikal; nasa 3.2% naman po ang severe; nasa 438,718 naman po ang gumaling or 93.2% recovery rate. Samantalang malungkot naming binabalita na 9,124 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus, nasa 1.94% po ang fatality rate – nakikiramay po kami.

Kumustahin naman po natin ang lagay ng ating ospital: Nasa 62% pa rin po ang available na ating mga ICU beds; 68% po ang available sa ating mga isolation beds; 78% naman po ang available sa ating mga ward beds; at mayroon tayong 80% available na ventilators.

On other matters, may nagsasabing nasa huli na naman po daw ang Pilipinas pagdating sa pagbibigay ng bakuna – hindi po totoo iyan. Tulad ng aking sinabi, natural lamang na nauuna ang mga mayayaman na bansa dahil sila po iyong nagbigay ng pondo para ma-develop nga po iyong mga vaccine na iyon. So ngayon po, mayroon na pong 8.15 billion doses of vaccines have already been set aside. And I quote, “Rich countries have accumulated extensive supply deals.” Ibig sabihin, na corner po talaga ng mga mayayaman iyong 8.5 billion na vaccine. Uunahin siyempre ng mga bansang mayayaman kung nasaan ginagawa ang mga bakunang ito; sila ang nagpupondo nga ng paggawa ng bakuna.

Dagdag ng Bloomberg – ito po ay galing sa Bloomberg ‘no: “That speed has been financed in part by rich countries like the United States whose Operation Warp Speed program have subsidized development and manufacturing of half a dozen Novel vaccines. Wealth has moved those countries to the front of the line. It has allowed some to hedge their bets by securing doses from a variety of manufacturers.”

Balikan po natin iyong timeline ‘no, pero huwag po kayong mag-alala kasi mayroon namang programa rin po ang WHO at marami po tayong mga hakbang na ginagawa na kumuha nga po ng vaccine doon sa mga bansa na hindi naman ganoon kayaman gaya ng Tsina, Russia at India.

Pero balikan po natin ang timeline ng ating National Vaccination Roadmap ‘no: Sa unang bahagi pa lang ng 2021, inaasahan na darating na ang bakuna sa Pilipinas. Sana po, makarating nga po ng Pebrero pero iyan po ang ating target, pero hindi po lalampas sa unang quarter na hindi po darating ang bakuna.

Alam natin na bago ang first shipment, may pre-work na nangyayari – kinakausap ang manufacturer, advanced discussions, pagpirma ng agreement – at ang mga ito ay kasalukuyan nang nangyayari. Hindi naging pabaya ang inyong pamahalaan sa bagay na ito. Sabi nga po ng ating Vaccine Czar, hindi po matatapos ang Enero next year na hindi natin maisasara ang mga kontrata para sa 150 million doses po ng bakuna.

Malaki nga po ang tinaas ng ating ranking pagdating sa COVID-19 resilience ha. Tignan ninyo po ito: Dati-rati ay nasa 46th spot po tayo; ngayon po, nasa 35th spot na tayo ngayong buwan. Basta tuloy lang po ang pagsunod natin sa pakiusap ng Presidente – Mask, Hugas at Iwas.

Dito po tayo nagtatapos ng ating presentasyon.

Kasama po natin ngayon ang man of the hour, siyempre po walang iba kung hindi si DBM Secretary Wendel Avisado. Sec., siyempre po napirmahan na po, naging batas na po ang ating proposed 2021 budget. Ano po ang salient features ng ating budget? At tama ba ho iyong aking mga sinabi pagdating po doon sa veto message ng ating Presidente? Secretary Wendel Avisado, the floor is yours.

Secretary Wendel? Okay, habang kinukontak pa natin si Secretary Wendel Avisado, siguro tuloy na tayo sa ating open forum. Ititigil na lang natin ang open forum kapag nakontak na natin si Secretary Wendel Avisado.

Usec. Rocky, ang ating unang tanong, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, good afternoon po.

Ang unang tanong po ay mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer. Ito po tanong niya: The PSG has confirmed that its personnel got the COVID-19 vaccine, did the President authorize this and was this the Sinopharm vaccine? May we know daw po who donated the vaccine and how did the donor daw po get into a position to offer this to the PSG?

SEC. ROQUE: Tapos na po iyang usapin na iyan, nag-issue na po ng statement ang ating Hepe ng PSG at ang sinabi po niya, ang kalusugan po ng Presidente ay is a matter of national security. Minabuti po nila na bakunahan na iyong mga taong nakapaligid at nagbabantay sa ating Presidente.

Wala pong ginastos na pera galing sa kaban ng bayan dito kaya wala pong nalabag na prayoridad na ating sinabi sa publiko ‘no. Ang prayoridad po natin ay nananatiling kapareho pa rin – iyong mga mahihirap, iyong mga matatanda, iyong mga frontliners both health and otherwise.

Dahil hindi naman po ito ginastusan galing sa kaban ng taumbayan, wala pong paglabag dito sa prayoridad na pinaninindigan natin hanggang ngayon.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ni Leila: What are the terms and conditions of their vaccination? What does the donor get in return?

SEC. ROQUE: Wala po kaya nga po iyan donasyon na wala po iyang kundisyones at iyan po ay galing sa vaccine na ginawa po ng Tsina. I think sinabi naman po ng Presidente eh Sinopharm po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Will the use of the Sinopharm vaccine in the country give it an edge daw po when it comes to getting approval from the FDA and when it comes to deciding which vaccine the government will procure?

SEC. ROQUE: Wala po ‘no, lahat po iyan dadaan po sa proseso na ang sabi po ng FDA ay kinakailangan ipakita nila iyong EUA nila sa ibang bansa at ang pagkakaintindi ko naman po itong Sinopharm mayroong EUA galing sa Tsina, galing po sa UAE kung hindi ako nagkakamali. Lahat naman po iyan dadaan sa proseso, wala pong favoritism.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, I think si Melo Acuña po ng Asia Pacific Daily sa vMix po.

SEC. ROQUE: Go ahead, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Good afternoon, Usec. Let me ask you a different question.

Ano pong naging epekto ng COVID-19 at ng serye ng natural calamities sa ating bansa at sa ating mga mamamayan? At sa ganitong pagkakataon, may nakikita ba kayong liwanag para sa susunod na taon?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po natin naging epekto na ng COVID at ng mga sakuna ‘no. Talaga pong nagkaroon tayo nang negative growth sa ating ekonomiya – masakit po iyan – malaki po iyong pagbaba ng ating ekonomiya. Pero iyan naman po ay kuwento rin nang buong mundo ‘no, wala naman pong mundo na puwedeng magsabi—walang bansa sa planetang ito na magsasabi na hindi sila naapektuhan ng COVID ‘no.

Pero ang mabuting balita naman po, ang sabi ng mga economic managers the worst is over and we can only go up from the bottom ‘no at inaasahan po natin na magkakaroon pa rin tayo nang V-shape recovery at inaasahan natin na itong pag-rollout nga po ng bakuna, ito po ang talagang solusyon para sa COVID nang tayo po ay makabalik na sa dating panahon bago po tayo tinamaan ng COVID ‘no.

So inaasahan naman po natin na makakabangon tayo at tayo naman po ay mga Pilipino, sanay po tayo na tayo po ay paminsan-minsan natitisod pero tayo po’y tumatayo at lumalaban pa rin.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Secretary, iyong aking dalawang tanong ay para kay Secretary Avisado. Iiwanan ko na siguro at nang maitanong ninyo, baka isahan lang iyong ating vMix kaya hindi siya makapasok.

Gusto ko lang malaman kung na-account ba ng DBM iyong [garbled] budgetary appropriation at kung ito ba ay naibalik sa National Treasury, sino ang may access dito? Iyan ang una.

Pangalawa: Sa pagsasara ng pintuan ng negosasyon sa CPP-NDF-NPA, mayroon pa po kayang budget ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process? May pondo pa kaya para matustusan iyong decommissioning process para sa MILF?

Iyon po ang aking mga tanong na iiwanan and thank you, Secretary, for the privilege. Happy New Year!

SEC. ROQUE: Well, iyong pangalawang tanong ninyo po, sisiguraduhing—sigurado po iyan, may pondo po tayo para sa decommissioning dahil prayoridad po ng Presidente iyong pagpapatupad ng BARMM Law ‘no. At iyong unang tanong ninyo po siguro ‘pag nandiyan na si Secretary Avisado.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: The President said there is no hard evidence that lawmakers in the PACC list he read last night are corrupt. Despite the lack of evidence, why did the President feel it was necessary to broadcast the list?

SEC. ROQUE: Sinabi naman po niya ‘no, freedom of information ‘no. Ito po ay report na galing sa PACC, opisyal na na-receive ng Palasyo. Ito po’y naging public document at bagama’t sinabi nga po niya na mayroong presumption of innocence at hindi pa po napapatunayan ang kanilang pagkakasala ay minabuti rin po niya na basahin iyan kasi nga po ang pula ng media dati bakit hindi binasa iyong mga pangalan ng congressmen. So kayo namang mga kasama sa media ‘no “damn if you do, damn if you don’t” – noong hindi brinodkast, pinulaan na ang mga maliliit lang daw ang tinitira natin ‘no. Ngayong brinodkast, bakit pa raw brinodkast … naku, napakahirap talaga ng lagay ng isang pinuno ng bayan na ito.

Pero tapos na po iyan, sinabi po ni Presidente the right of the people to information.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Representative Teddy Baguilat said the PACC list part of a diversionary tactics kasi mayroong smuggled/unregistered Sinopharm vaccines at ginawang guinea pigs ang soldiers. What can you say about this?

SEC. ROQUE: Siya po ang nagda-diversionary tactic. Sagutin na lang po former Congressman Baguilat at narito po tayo sa Cordillera ngayon ‘no so sagutin ninyo lang po kung hindi totoo na nanghihingi kayo ng tongpats, sabihin ninyo po ‘no. Pero huwag na po natin palitan pa ang issue – ang issue po: Nakikuntsaba ba kayo sa inyong district engineer para magkaroon ng tongpats sa mga kontratista ninyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Sinabi ng Filipino Nurses United na parang inapi naman nila iyong health workers, talagang ipinakita nila na hindi priority matapos bakunahan ang ilang sundalo. Ano po ang gusto ninyong sabihin sa mga Pilipinong nagsasabing tila po may nauna at may nagsolo sa bakunahan kontra COVID-19 kahit pa ang motto ng gobyerno ay ‘Heal as One’?

SEC. ROQUE: Wala pong katuturan iyang pagpupulang iyan, talaga lang po siguro galing iyan sa mga nais nang matigil ang termino ng Presidente ‘no.

Uulitin ko po: Basta ang ginamit kaban na galing sa taumbayan, susundin natin iyong prayoridad na naianunsiyo na natin – simula po iyan iyong mga mahihirap, iyong mga frontliners, mga kasundaluhan at mga kapulisan. Unang-una, doon sa ating mga hierarchy of priorities, nandoon naman talaga ang kasundaluhan.

Pero ito po, hindi po ginastusan ito nang pampublikong pondo so wala pong problema diyan. Okay.

Okay, si Triciah Terada ang susunod po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, nasagot na po kanina iyong information na tungkol doon sa PSG. But I think while it’s true that it’s a personal decision to get vaccinated, much of the process is still in question. Paano po daw ito na-import, itong bakuna na ‘to in the first place and if we take into consideration ito pong FDA Act of 2009, basahin ko lang, sir, ‘no: “The manufacture, importation, exportation, sale, offering of sale basically of any health product that is adulterated/unregistered and misbranded is prohibited.” Sa tingin ninyo po, sir, wala pa rin po bang nalabag na batas dito and, sir, iyon po ay kung paano po na-import ito?

SEC. ROQUE: Iyan naman po ay advice din ng FDA ‘no, hindi po krimen kung ang isang tao ay magpapaturok ‘no – siya po’y personal na desisyon iyan. Basta hindi po iyan officially, commercially ipinasok sa ating bansa at binenta, wala pong paglabag. At saka nasagot ko na iyan kahapon, Trish; paulit-ulit lang tayo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, sir, the importation first: Paano po siya nakalusot? Who authorized this?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung paano iyan nakalusot.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, si Pangulo po ba nakarating sa kaniya itong mga reactions, mostly negative about nangyari dito po sa PSG vaccination? What did he say about it?

SEC. ROQUE:  Wala naman pong negative information. Kasi hindi naman ipinagkakait ng taumbayan na bigyan ng kasiguraduhan na iyong nagbabantay kay Presidente ay hindi manghahawa kay Presidente. Iyon lang po ang gustong mangyari ng Presidential Security Group: Pangalagaan ang kalusugan ng Presidente. Wala pong Pilipinong nagmamahal sa bayan ang nais na mahawa ng PSG ang ating Presidente. Ganoon lang po iyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Pero sir, si Pangulo po, wala po siyang reaksiyon sa mga naging komento o reaksiyon ng publiko tungkol po dito sa pagpapabakuna ng PSG?

SEC. ROQUE:  Wala po. Ang alam lang ng Presidente nabakunahan, ibig sabihin nandiyan na ang bakuna. So mga Pilipino, mga kababayan, nandiyan na po ang bakuna, huwag na kayong mainip. Kaya nga po samantala, mask, hugas, iwas, dahil nais ng Presidente abutan kayo ng bakuna.

Pangalawa, nandiyan na nga po, kahit hindi magbigay iyong mga western companies na iyan, iyong ating kaibigan na Tsina, nandiyan po, mayroon sila mga ating kaibigan; India, ating kaibigan; Russia nandiyan din. So, huwag kayong mag-alala, bagama’t na-corner na ng mga mayayaman, ng mga western na mga bansa iyong bakuna na ginawa ng kanilang mga bayan, eh mayroon naman tayong makukuha, iyong ating mga tinatawag nating mga kapit-bansa na developing countries din kagaya natin. So, iyon lang po iyong punto ng Presidente.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, iyong pagbasa po ng list ng lawmakers na allegedly involved in corruption. Ano po iyong nagpabago sa desisyon ng Pangulo, because I remember before, he had been very clear na hindi niya babasahin, because there’s insufficient evidence and number 2, he respect the separation of powers and he is leaving it to the Ombudsman as the best authority to handle the investigation? Kung wala pong ebidensiya, is this somehow a trial by publicity?

SEC. ROQUE:  It is not a trial by publicity dahil nilinaw po ni Presidente – they have the presumption of innocence and these are people who are being investigated. So, hindi naman sinasabing nagkasala na, pero mayroong imbestigasyon na ongoing dito sa mga ito. Bakit siya nagbago, sabi nga niya, freedom of information; pangalawa,  eh kayo din naman dito sa Malacañang Press Corps, noong hindi niya binasa, di ba, binanatan din ninyo ang Presidente na bakit parang selective ang  binabasa, iyong mga maliliit lang. So, iyon lang po, you can’t please everyone, pero sinabi na nga ni Presidente, freedom of information, it was officially received by his office then he can reveal it to the public.

USEC. IGNACIO:  Secretary, I think papasok na po, nandito na po si DBM Secretary Wendel Avisado, Secretary?

SEC. ROQUE:  Yes, Secretary Avisado. Ano po ang salient features ng ating 2021 Budget Law, at ano po iyong mga ilang punto na sinabdyek ng ating Presidente sa veto at iyong mga kinakailangang aprubahan pa ng ating Presidente? The floor is yours, Secretary Avisado.

USEC. IGNACIO:  Secretary, babalikan na lang po natin si Secretary Avisado. Kunin ko na lang po muna ang tanong muna ni Kris Jose ng Remate: Ano po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ng ACT Teachers Partylist Group na panlilihis daw po sa kapalpakan sa pagtugon sa COVID-19 at ang kontrobersiya sa pagpapabakuna ng mga sundalo, ang dahilan ng biglaang pagpapangalan ni Pangulong Duterte sa mga Congressmen na sabit umano sa korapsiyon base sa listahan ng Presidential Anti-Crime Commission.

SEC. ROQUE: Alam ninyo iyong partylist group na iyan – ano ulit iyan? ACT Teachers Partylist ba iyan?

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary Act Teachers Partylist Group.

SEC. ROQUE:  Eh kasama po iyan ng Makabayan bloc.  So, isang bloke po iyan na walang ginawa kung hindi banatan at banatan ang ating Presidente. Hindi na kailangang bigyan ng reaksiyon iyan. Susmaryosep, hindi po kinakailangan ng diversionary tactic ng Presidente sa isang bagay na siya mismo ang nagsabi! Bakit kami magpapalihis eh nanggaling mismo sa bibig ng Presidente iyan? Alam ninyo ang Presidente, hindi po iyan nagpapaliguy-ligoy. Binanggit nga niya iyong mga pangalan ng kongresista; hindi pa sila nagkakasala, kaya imbestigahan pa.

Pero ang mensahe sa mga kongresista at sa mga DPWH, shape up, dahil the good days are over. Alam po ninyo iyong kaniyang sinabi na iri-revamp niya lahat ng Des (District Engineers), napakalaki po ng magagawa niyan sa pagbawas ng korapsiyon diyan sa DPWH, kasi nga po ang mga DEs iyan po ay sumusunod sa mga kongresista. Kaya nga po iyong ilang mga reklamo ay nakikialam doon sa kung sino ang maa-assign na DE sa kanila, dahil kapag hawak ng isang kongresista ang DE, siyempre mabibigay ang gusto ng kongresista. So, mabuting panimula po iyan, and as far as I know, this is the first time in Philippine history that a President dared to actually touched this institutional source of corruption.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Hi, sir! Happy New Year. Mukhang sa Baguio ka na mag-New Year?

SEC. ROQUE:   Happy New Year! Go ahead, please.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyon munang sa community quarantines. What was the basis for selecting these provinces and areas to be put under GCQ? Kasi parang sila na lang lagi iyong nakalagay doon sa GCQ?

SEC. ROQUE:  Opo, pareho pa rin po iyan. Iyong ating average daily attack, iyong two week attack rate at saka iyong critical care capacity.  Iyong mga ibang lugar sa probinsiya, mostly it’s critical care capacity, kasi alam naman natin na, for instance sa Iligan ‘no, eh iilan lang naman po ang mga ospital doon, karamihan dinadala pa sa Cagayan De Oro. So iyon lang po iyan. Hindi po tayo nagbabago ng criteria for classification.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ano iyon, sir, ulit, sorry?

SEC. ROQUE:   Hindi po tayo nagbabago ng criteria for quarantine classification, it remains the daily attack rate, two week average attack rate and the critical care capacity.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Yeah. Sir, iyon pong mga areas that are near the NCR, iyon pong mga status nila in terms of the number of COVID cases, they are fine? They do not merit a GCQ?

SEC. ROQUE:   Ibig sabihin po, either bumaba na iyong attack rates sa mga areas nearby Metro Manila or bumaba rin iyong kanilang critical care capacity [needs] or both. Dahil kapag hindi naman po iyan bumaba, hindi po talaga ibaba iyan sa GCQ.      

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, going back lang doon sa issue of Sinopharm. Sir, parang kahapon, medyo labo-labo tayo ah. Kasi ang sinasabi po ninyo kahapon is that you don’t know if that was government sanctioned, and now here comes the Philippine Army Spokesperson and the Chief saying the order came from the President and which one is it, sir? Ano ba talaga iyong pinakakuwento ng bakunahan na iyan, and you said it’s a donation. Is it a donation from China?

SEC. ROQUE:   Well, unang-una hindi ko alam kung ano ang sinabi ng mga Spokesperson. I cannot speak for the Armed Forces, because I am not their Spox. So, iyon lang po iyon.  So, kapag hindi ko alam ibig sabihin ko – hindi ko alam! So tanungin natin iyong mga nakakaalam.

JOSEPH MORONG/GMA7:  So sir, ang sabi po nila, for example, si Presidente iyong nag-utos ng vaccination sa soldiers?

SEC. ROQUE:  They must be privy to that information, I am not! Alam naman ninyo talagang mayroong national security aspect iyang mga communications between the Armed Forces and the President. I maybe the Presidential Spox, pero hindi po ako nanghihimasok sa mga bagay-bagay that involves national security.    

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, you mentioned it’s a donation. Donation from Chinese government?

SEC. ROQUE:  Well, it was not paid for. So it is a donation, but that’s all that I know.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, kasi naman eh mukhang si Presidente naman has no qualms of revealing this information, but why parang maingat sa pagdi-disclose ng mga circumstances when the President already himself revealed itong situation na ito?

SEC. ROQUE:  Iyon nga po, kaya nga po when the President has spoken, as Spox, I cannot add, I cannot subtract. Let what the President said remain.

JOSEPH MORONG/GMA7:  And you cannot say, sir.

SEC. ROQUE:  I do not presuppose for Spokesperson.

JOSEPH MORONG/GMA7:  And you cannot say, sir, directly if it’s a donation from the Chinese government?

SEC. ROQUE:   Hindi ko po alam.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Will there be any problem if it’s a Chinese donation?

SEC. ROQUE:   I don’t know po kasi that’s a speculative question on something that I said, I know nothing about.

JOSEPH MORONG/GMA7:  So what do you know lang, sir, iyon lang po ang sinabi ni Presidente?

SEC. ROQUE:    Kung ano po ang sinabi ng aking amo, iyon lang po. I cannot add, I cannot subtract.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sige, sir, I will let you go for the meantime. But can we wait for Secretary Avisado if ever, if he’s coming in?

SEC. ROQUE:   Yes, please, oo. Next question please.  

USEC. IGNACIO:   Okay. Kasama na po natin si DBM Secretary Wendel Avisado. Good afternoon, Secretary!

SEC. ROQUE:    Go ahead, Secretary Avisado, the floor is yours. Salient features po ng ating budget at saka iyong mga salient features ng veto message ng ating Presidente. The floor is yours, Secretary Avisado.

USEC. IGNACIO:   Secretary, habang hinihintay pa po natin si Secretary Avisado, ito po muna ang tanong ni Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Secretary Duque said the Philippine will be banning daw po the entry of travelers from 20 countries where the new variant of the COVID-19 virus has been reported. Which countries are those exactly?

SEC. ROQUE:  Hihintayin po natin ang desisyon ng Presidente, magpapalabas po ng something in writing ang Office of the President.

Ang alam ko po, highly recommended ng IATF at ng DOH iyong travel bans sa mga bansa na mayroon ng new variants; pero ang sabi po ng Presidente kinakailangan kahit sinong Filipino na nais makauwi dapat makauwi. Eh, imposible po iyan kung magkakaroon tayo ng travel ban.

So hintayin na lang po natin kung ano pinal na desisyon ng ating Presidente at magpapalabas naman po yata within the day ng isang written Executive Order or Administrative Order para dito.

USEC. IGNACIO:   Opo. Ang second question po niya: Secretary Duque also said that the OFWs will be exempt from this travel ban, what about other Filipinos from those countries and their non-Filipino spouse or children?

SEC. ROQUE:    Kaya nga po hintayin na lang po natin kung ano iyong ii-issue ng Palasyo ‘no either today or in the next few days.  I was not physically present but I was on Google Meet po, so nandoon din ako sa meeting kahapon at alam ko po apat na tao ang nag-push ng travel ban sa mayroon ng bagong corona strain variant. Iyan po si Dr. Cervania(?); si Secretary Duque who said it twice in the beginning and in the end; si Secretary Leonor Briones.

Pero at one point sabi ni Presidente, let me sleep on it pero bago po matapos nagkaroon na naman ng passionate plea si Secretary Duque na kinakailangan talagang mag-travel ban exempting Filipino nationals and that is where we left off kahapon doon sa pagpupulong but I understand that the Office of the President is now drafting guidelines. So, hintayin na lang po natin iyong guidelines.

If you ask me, is there now currently a travel ban? My answer is “no”. Will there be? “Perhaps.” Anong detalye? Let’s wait for it.

USEC. IGNACIO:   Sumunod pong tanong—

SEC. ROQUE:    Ang travel ban lang po ngayon ay doon sa UK sa ngayon ‘no. Pero will there be in the future for the countries na mayroong variant strain, it has been highly recommended and a decision is forthcoming. Sandali lang po dahil kinakailangan ma-implement din iyong sabi ni Presidente na walang Pilipino na nais umuwi na dapat pigilan umuwi and of course when you talk of travel ban, walang flights. Paanong mangyayari diyan? So, hintayin lang po natin ang guidelines.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman po mula kay Ace Romero: If President is for access to information, will he now heed calls by various sectors to release copies of his SALN? Will he now authorize the Ombudsman to release them to dispel notions that there is lack of transparency regarding this matter?

SEC. ROQUE:    Alam ninyo naman po na mayroong procedure na sinabi ang Ombudsman, sumunod lang po tayo doon sa procedure.

USEC. IGNACIO:   Opo. Question mula naman po kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government pursue an investigation on the alleged involvement of lawmakers in DPWH corruption? Your comment daw po to—

SEC. ROQUE:    Ang sabi po ng Presidente, well,  ipinauubaya po niya iyan sa Ombudsman. So, he ha—ang naunang deklarasyon niya he will forward the information provided to him by the PACC to the Ombudsman for investigation.

USEC. IGNACIO:   Opo. Your comment daw po to lawmakers who have decried the unfair and malicious allegations against them.

SEC. ROQUE:    There was nothing unfair, there was nothing malicious kasi inulit-ulit po ni Presidente, hindi pa naman po sila proven guilty at hindi po namili ang Presidente. Kung ano lang iyong ini-report sa kaniya ng PACC, iyon lang po ang isinapubliko ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO:   Ang sunod po niyang tanong: Would the Palace advise the public to just wait for FDA-approved COVID vaccines instead of getting unregistered products? Isn’t the Palace concerned about the possible emergence of black market for the rich and powerful depriving poor and vulnerable sectors of vaccine?

SEC. ROQUE:    Wala pong rich and powerful na nakakuha ng bakuna, PSG lamang. Ginagamit lang po iyan ng mga kalaban ng gobyerno para sabihin na iyong mga rich and powerful na naman ang nauna. Hindi po. Iyong vaccine na ipamimigay natin sa taumbayan na ginagamit ang ating pera, wala pa pong nakakarating sa Pilipinas na iyan, okay? Wala pong bayad iyong itinurok sa mga PSG. At ang sabi ko nga, ulitin ko lang po, huwag na nating masamain iyan dahil iyan naman po ay magriresulta sa mabuting kalusugan ng ating Presidente, and let’s close that issue at that.

USEC. IGNACIO:   Have you—

SEC. ROQUE:    Kung nais ninyo po—kung mayroon kayong problema na ayaw ninyong pangalagaan ang kalusugan ng Presidente, we respect your opinion. But as far as the PSG is concerned, and I fully support the decision of the PSG, they will do anything and everything to protect the health of the President. Tanggapin o hindi ng mga kalaban, that’s that!

USEC. IGNACIO:   Opo. Iyong third question ni Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Have you been inoculated with COVID-19 vaccine? If not yet, would you accept any vaccine offer even without FDA approval?

SEC. ROQUE:    I will wait po for my doctor’s advice because I have diabetes and I have a heart condition.

USEC. IGNACIO:   Mula po kay Rosalie Coz ng UNTV News: Ano po ang official statement ng IATF regarding sa bagong travel ban na ipinatutupad sa mga bansang may confirmed new strain ng corona virus?

SEC. ROQUE:    Ulitin ko po, hintayin po natin ang guidelines ng Malacañang. It was highly recommended and everyone agreed that it should not cover Filipino citizens. Pero when you talk of travel ban kasi hindi pupuwedeng selective. Parang sa UK, may travel ban tayo ngayon, walang flight na makakapasok sa UK, galing sa UK, pati iyong mga nag-transit hindi papapasukin. So, iyon lang po ang inaayos.

Naintindihan ng Presidente po iyong recommendation and it has been accepted and it is being considered pero binabalanse po iyong karapatan ng mga Filipinong makauwi lalo na kung wala naman silang trabaho at wala naman silang dahilan para manatili sa ibang bansa. Hintayin lang natin iyan.

As I said po, we have central news—well, my office is the only one authorized to issue any information relating to COVID. So, hintayin ninyo pong mag-issue tayo ng anunsyo kung ito po ay epektibo na iyong travel ban sa iba pang mga bansa na may new variants. Mayroon na pong inihahanda ang Office of the President, hintayin ninyo lang po ang ating official pronouncement.

At uulitin ko po, ito po ay apela sa lahat, ‘no lalo iyong mga kasama ko sa gobyerno, may dahilan po kung bakit nais ng Presidente na central po sa opisina natin ang pag-release ng impormasyon para nga po maiwasan ang kalituhan. Nakikiusap po ako, and I’m reiterating, there is an Executive Order in this regard, let’s honor it, let’s be one team.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, may tanong po si Tina Mendez ng Philippine Star: If Secretary Roque’s claims walang ginastos na public fund sa vaccine na ginamit for PSG soldiers, hindi ba ito nag-constitute ng violation of Republic Act 3019 or Anti-Graft Practices which prohibits government personnel from accepting gifts or donations from private persons or groups?

SEC. ROQUE:  Ako po ay abogado. Hindi po iyan absolute, iyong mga tokens po pinapayagan naman lalo na kung panahon ng Pasko. Puwede pong tokens.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary—

SEC. ROQUE:    Iyong mga walang masyadong halaga, ibig sabihin.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tingnan natin, i-try po muna natin kung nasa vMix pa rin si Joseph Morong, may karagdagang tanong daw po siya sa inyo. Joseph?

SEC. ROQUE:  At saka si Secretary Avisado, if we can contact Secretary Avisado via vMix.

USEC. IGNACIO: Yes, opo.

SEC. ROQUE: Yes, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, okay, since we’re waiting for Secretary Avisado. Sir, kanina in-announce na po ni Secretary Duque na there’s a ban, and now you’re saying that one is not valid.

SEC. ROQUE: Well, okay, all I’m saying is, mayroon pa pong guidelines na binubuo. I was in the meeting yesterday, at iyan nga po ang pinagtatalunan ng lahat. Mayroon bang naging desisyon other than, ang sinabi ni Presidente – dalawa po ang narinig ko sa kaniya ‘no – iyong pagkatapos po ng pangatlong recommendation na magkaroon ng extended travel ban, ang sabi niya, “I will sleep on it.” Bago po magtapos, nagkaroon ng impassion plea uli si Secretary Duque, hindi po siya sumagot na.

And what I understand now is, the Office of the Executive Secretary is drafting guidelines that would conform to what the President said na walang Pilipino na nais umuwi na pupuwedeng pigilan. So if you’re asking kung mayroon nang directive po sa BID, wala pa po sa ngayon ‘no. Hinihintay po natin ang guidelines which could be issued as early as today.

JOSEPH MORONG/GMA 7: So, sir, ang proper attitude diyan, towards that news is that as of now, wala pang travel ban and we will wait for your final word, correct?

SEC. ROQUE: Yes, please. Wait for the written guidelines from the Office of the President.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, just a little bit on you said token. Iyon pong vaccine is a token?

SEC. ROQUE:  I don’t think it’s of much value anyway ‘no. So iyong mga little value—

JOSEPH MORONG/GMA 7: Wow!

SEC. ROQUE:—sa mga special occasion. I’m not arguing, so iyon lang po ang nakasaad sa batas. But it’s not an absolute value.

JOSEPH MORONG/GMA 7: You don’t see that as a valuable—

SEC. ROQUE:  Kasi kung ganoon nga, iyong aking birthday cake na natanggap doon sa aking mga tauhan, that constitutes graft and corruption, eh hindi naman po.  Iyong mga of little value po.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Yeah, but’s a vaccine for a number of people, soldiers, PSG – it’s a token?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo po, I’m not debating. I’m just restating what the law says.

JOSEPH MORONG/GMA 7: So iyon pong—well, as far as you’re concerned, token iyong vaccine?

SEC. ROQUE:  It’s not of much value.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. We leave it at that. We’ll wait for Secretary Avisado, sir. Thank you.

SEC. ROQUE: Secretary Avisado? Wala. Well, alam ninyo po, three times na natin trina-try, talagang may problema po sa vMix ‘no. Actually, ako rin po ay nahihirapan minsan pumasok sa vMix ‘no. So I always say sa PTV 4 kapag vMix ay mahirap akong ma-interview ‘no. But let’s hope po na sana po ay we can use other mediums for video conferencing other than vMix.

Anyway, nandiyan naman po si Usec. Rocky. Usec. Rocky, sana po masabihan ang PTV 4, if we could have other medium other than vMix.

Anyway, tapos na po tayo sa ating briefing. I’m so sorry, Secretary Avisado, that we could not put you on the air. We will attempt po siguro another means of contacting you, perhaps sa Laging Handa po tomorrow na hosted by Usec. Rocky. They can call you ‘no, on another medium other than vMix.

Meanwhile po, nagpapasalamat tayo sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat, Secretary Avisado. Pero bago po tayo magtapos, Merry Christmas and Happy New Year po. PTV-Cordillera, mayroon din pong request dito, lagi din po kayong manood ng Kangrunaan a Damag, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 to 5 P.M.; at laging manood tuwing Biyernes, para sa makabuluhang diskusyon, Isyu@Serbisyo, alas singko po dito sa PTV-Cordillera.

So, Pilipinas, this will be our last presidential briefing before 2021. Alam ko po naging mahirap sa atin ang 2020, pero kapag ang araw naman po ay lumubog, sisikat din po iyan bukas. At ang pangako po sa lahat nang nakaraang Pasko ay ang pag-asa na ang darating na 2021 will be a lot better than 2020.

Pilipinas, Happy New Year to all of you.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)