Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Puyat po tayo ngayon dahil alas dos y media na tayo nakabalik sa Maynila galing sa Davao kung saan ginawa iyong pinakahuling Talk to the People ng ating Presidente. I’m sure puyat din po iyong mga kasama natin sa Malacañang Press Corps dahil pinanood po nila ng alas dose ng gabi ang Talk to the People.

Pero para doon sa mga hindi nakapanood po ng Talk to the People, ito po iyong ilang mga sinabi ng ating Pangulo:

  • Una, nagbigay ng salita ang Pangulo tungkol po sa isyu ng PSG. Pinagbawalan po niya na um-appear sa Senado ang PSG. Para kay Presidente, itong bagay pong ito, to quote, “Is a matter of self-preservation.”
  • Pinag-utos din po ng Presidente ang pagpapaliban sa 2021 contribution hike para sa mga miyembro ng Philippine Health Corporation or PhilHealth. Sabi ng Presidente, walang pagtataas sa kontribusyon na mangyayari sa gitna ng pandemya at maghahanap ng pondo ang pamahalaan para ma-recover ang scheduled hike na nakasaad sa batas.

Bilang pangunahing awtor po ng Universal Health Care sa Mababang Kapulungan ng 17th Congress, kaya nga po ang tawag diyan Universal Health Care – hindi po natin inaasa iyan, ang buhay ng libreng paggamot at libreng gamot sa mga premiums lamang. Kung kulang po ang premiums, talaga pong tutustusan ng gobyerno kaya po Universal Health Care at hindi medical insurance ang tawag sa PhilHealth.

  • Ipinag-utos din po ng Presidente sa hepe ng Bureau of Internal Revenue or BIR, Attorney Cesar Dulay, na balasahin ang mga personnel ng ahensiya dahil sa mga iregularidad.
  • Muling nagpapaalala si Presidente sa mga biyahero na nakikikuntsaba sa mga tauhan ng airports at seaports na hindi sumusunod sa quarantine at testing requirements.

COVID updates naman po tayo. Sang-ayon po sa Johns Hopkins, higit 86.6 million na o 85,604,744 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,851,153 katao naman po ang binawian na ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados na mayroong mahigit 20.7 million na mga kaso at 353,131 deaths. Sumusunod pa rin po ang India, Brazil, Russia at ngayon po, United Kingdom na at hindi France.

Mayroon tayong 21,219 na mga aktibong kaso dito po sa Pilipinas sang-ayon po sa January 4, 2021 datos ng Department of Health. Sa mga aktibo pong mga kaso, 90.8% ay asymptomatic, mild or moderate, samantalang 9% ay severe or critical. Ang buong bilang ng gumaling ay nasa 448,279 or 93.63 recovery rate. Samantalang malungkot naming binabalita na 9,263 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nasa 1.93 pa rin po ang fatality rate, nakikiramay po kami.

Ito naman po ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of January 4, 2021: Makikita po natin sa infographics na bagama’t pababa ay nag-plateau na po iyong pagbaba. At kung makikita ninyo, may isang petsa nga na tumaas pa ang mga kaso ng COVID-19. Ang ibig sabihin po nito, mayroon po tayong continuing plateauing of cases sa nationally and in NCR. The decrease health seeking over the holidays, there may be undetected cases po ‘no na dapat mai-add dito; so mag-ingat pa rin po tayo. Bagama’t ang datos ay bumaba, eh kasi nga po Pasko, mas kakaunti ang nagpa-test.

Now, ito naman po ang confirmed COVID-19 average—ang death po, ang average death by weeks of death as of 4 January 2021: Nakikita po natin na pababa pa rin po ang mga datos ng mga numero ng mga namamatay. Same decreasing national trend for deaths especially in NCR and Region VII. New deaths are coming from other regions po pero pababa po siya.

Now, makikita naman po natin sa susunod na mga slides ang regional health care utilization rates ‘no. Bagama’t mababa pa rin po ang ating mga utilization rates, tumataas po ang utilization ng Region XI, ng Region II at ng CAR. Iyan po iyong top 3 na tumataas ang utilization rate.

Ito naman po ang health system capacity indicators: Ang total bed capacity po natin ay mayroon po tayo ngayong 23% of authorized bed capacity o approved bed capacity; ang ward beds po natin ay nasa 7,298, nadagdagan po ng 34; ang isolation beds natin – 15,848, nadagdagan po ng 444; at ang ICU beds natin ay 2,047, nadagdagan po ng 90 beds; ang ating mechanical ventilators po ay 2,031 – nadagdagan po ng 45 units.

Pagdating naman po sa isolation, nationally po ang ating mga TTMFs ay nasa 11,548; nabawasan lang po ng dalawa. Sa Luzon po – 2,361; sa NCR – mayroon po tayong 4,788; sa Visayas – 56,705; at sa Mindanao ay 53,031.

Okay, sa mga laboratoryo naman po at kasama po natin ngayon ang ating Testing Czar, mayroon na po tayong 199 labs. Accumulative number of tests conducted po ay nasa 6,822,163 – tumaas po ito ng five percent; ang ating positivity rate po ay 8.4%, pero ang 7-day average po natin ay 21.675 or 35%.

Okay, on another matters: Pinirmahan po ng Presidente ang Republic Act #11509 or ang Doktor Para sa Bayan Act na nag-i-establish ng medical scholarship and return service or MSRS program para sa mga karapat-dapat na mag-aaral na gustong mag-aral ng medisina. Binibigyang prayoridad ng batas na ito ang mga kwalipikadong aplikante sa mga bayan na walang doktor ng gobyerno or government physicians para matiyak na magkaroon ng at least one doctor bawat munisipalidad sa bansa.

Pinirmahan din po ng Pangulo ang batas ukol sa alternative learning system sa basic education para sa mga out of school children and special cases and adults kasama rito po ang indigenous peoples. Ito ang Republic Act # 11510. Ginagarantiya ng batas na ito ang equitable access para sa lahat ng mga learners kasama ng mga learners na nakatira sa mga lugar na mahirap maabot at iyong ibang conflict-affected communities.

Isa rin sa pinirmahan ni Presidente ang Republic Act #11511 kung saan inamyendahan ang Section 2 ng Republic Act # 10068 o iyong Organic Agriculture Act of 2010. In-update ang Section 2 at idinagdag ang pagtaas ng kikitain ng mga magsasaka at pag-promote ng food self-sufficiency sa declaration of policy.

At panghuli, pinirmahan ni Pangulo ang Republic Act #11517 kung saan pinahihintulutan ang Presidente ng Pilipinas na pabilisin ang processing at issuance ng national at local permits, licenses, certification sa panahon ng national emergency. Kasama rito ang pag-accelerate at streamline ng regulatory processes and procedures para sa mga bago at pending applications at renewals ng permits, licenses, clearances at iba pa; pagsuspinde at pag-waive ng requirements para sa pag-secure ng mga dokumento aking nabanggit. So ito po iyong Anti-Red Tape Law. Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.

Kasama po natin ngayon walang iba kung hindi ang ating Testing Czar na Deputy Chief Implementer din po ng National Task Force, wala pong iba kung hindi ang ating suki, si Secretary Vince Dizon. The floor is yours, Secretary Vince Dizon. Ano na po ang latest sa NTF at sa ating testing initiatives?

SEC. DIZON: Maraming salamat po, Spox Harry. Happy New Year po sa ating lahat. Magbibigay lang po tayo ng maikling update tungkol sa mga kababayan natin na sa kasalukuyan ay ni-require nating mag-mandatory 14-day quarantine dahil nga sa pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa.

Unang-una po siguro bago tayo magbigay ng update para po maintindihan at maunawaan ng ating mga kababayan, kailangan po nating gawin ito dahil kailangan nating pigilan sa lubos ng ating makakaya ang pagpasok nitong bagong variant ng COVID-19 sa ating bansa. Kaya po mabilis na nagdesisyon ang ating mahal na Pangulo na mag-impose po ng mga travel ban at ng mandatory quarantine na 14 days sa lahat ng mga Pilipinong umuuwi, at pati mga dayuhan na pinayagang pumasok galing sa mga iba’t ibang bansang mayroong bagong variant ng COVID-19 para mapigilan ang pagpasok.

Sa kasalukuyan po ay mayroon ng 21 na bansa na nakikita ninyo po ngayon. Ito ang mga listahan ng mga bansa na kailangang mag-mandatory 14-day quarantine pagpasok nila sa Pilipinas. Pero inaabisuhan po sana natin ang lahat ng ating mga kababayan na manggagaling sa mga bansang ito, kung hindi naman po importante at urgent ang inyong pag-uwi eh baka po mas maganda ipagpaliban po muna ang inyong pag-uwi sa Pilipinas para na rin po hindi ho kayo mahirapan at kailangan mag-14-day quarantine. Pero kung kayo po talaga ay kailangang umuwi eh pasensiya na lang po, hinihingi po natin ang inyong pag-iintindi at pasensiya, kailangan po talaga nating gawin ito. Pero pipilitin naman po natin na maayos at mabuti naman po ang inyong kalalagyan kapag po kayo ay nagma-mandatory 14-day quarantine.

Mayroon din po tayong update. Simula po noong nag-ban tayo noong December 22, nagsimula sa bansang United Kingdom, 3,684 na po ang dumating simula December 22 hanggang January 3 – 74 po ang nagpositibo base sa ating testing at 3,610 naman po ang negative. Ang positivity rate po noon ay 2%, mababa naman po siya. Pero hindi po talaga natin kayang itaas ang risk para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas kaya po talaga kahit na po mag-negative eh kailangan pa rin nating i-quarantine ang ating mga kababayan nang 14 days.

So ang mga specimen po na ito na nakuha natin sa ating mga kababayan na nanggaling doon sa 21 countries ay pinadala na po natin sa Philippine Genome Center ng UP at sa RITM para po pag-aralan ito para malaman po natin kung mayroon pong new variant dito sa mga nagpositibong 74. Magbibigay po kami nang madalas na update tungkol sa lagay ng ating mga kababayan na inaalagaan po natin ngayon.

Mayroon din pong mga issue na lumabas tungkol sa accommodation. Nais po namin lang klaruhin ito para malaman ng ating mga kababayan, lalo na iyong mga may planong umuwi. Puwede pong libre ang pipiliin nilang hotel pero po kailangan po mag-stay sila sa mga hotels na napili na po ng ating Bureau of Quarantine at ng ating Task Force ‘no. Ito po ang mga example ng mga libreng hotel: Ito po ang Nice Hotel sa Caloocan dito sa Manila; mayroon naman po tayo iyong Summit Ridge sa Tagaytay, libre din po ito; Canyon Cove sa Batangas kasama din po iyong Canyon Woods sa Tagaytay; Apollonia Hotel sa Pampanga para sa Region III.

Pero makikita ninyo naman po, hindi naman po ito 5-star hotel dahil siyempre po ‘no hindi naman po kakayanin ng gobyerno natin na mag-provide ng 5-star hotel accommodation. Pero ina-assure po natin ang ating mga kababayan na ang lahat ng mga accredited hotels ay malinis, maayos. At kung mayroon pong mga problemang nararanasan ang ating mga kababayan ngayon eh sana po ay i-report ninyo lang po ito at tutulungan po natin kayo at aaksiyunan po natin nang mabilis ang mga problemang mai-encounter ninyo sa mga hotels na ito.

Ngayon kung mayroon naman po tayong mga kababayan, lalo na po iyong ating mga non-OFW na umuuwi, puwede naman po kayong makapili nang mas magagandang hotel pero ito po ay kailangan bayaran ninyo na po nang buo at hindi na po kayang sagutin ng ating gobyerno. Halimbawa po dito ay ang Ascott sa Makati, ang Discovery Primea, mga 5-star hotel po iyan at 4-star hotel; ang Conrad Hotel sa Pasay City; ang Seda sa Vertis North sa Quezon City; at mayroon din po tayo sa Tagaytay, iyong Quest Hotel sa Tagaytay. So total po, 120 hotels po tayo ngayon, mayroon pong mga ipu-provide ng gobyerno nang libre, mga 2-star at 3-star pero iyon naman pong mga 4-star at 5-star ay kailangan pong bayaran ng ating mga kababayan.

Ang last na lang po sa testing, nasabi na rin po ni Spox Harry, nasa 6.83 million na po ang test natin, halos 7 million na tayo and very confident po tayo na maaabot na natin sa loob ng first quarter ng 2021 ang sampung milyong target nating tests na tinarget natin noong nakaraang taon.

Maraming salamat po at sana po tuluy-tuloy lang ang ating pag-iingat. Kagaya po ng sinasabi ng ating Pangulo at ni Spox Harry – mask, hugas, iwas. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Dizon. Ako na po siguro unang magtatanong ‘no. Iyong saliva test po na mas mura, kailan po kaya iyan magagamit? Dahil alam naman natin na ang palaging nagrireklamo rin ang PRC dahil doon sa hindi nababayaran na PCR test nila ay mas makakatulong po itong saliva test dahil ito po ay napakamura compared sa PCR test. Kailan po kaya ito mapapatupad?

SEC. DIZON: Alam ninyo po last year pa po iyan sinabmit sa ating mga regulatory agencies para i-approve at i-validate itong prosesong ito. Nauna na po diyan ang application ng Philippine Red Cross at alam naman po natin na napakalaki po ng naging tulong nila sa testing natin at nauna po nilang sinabmit iyan. Alam ko po, ito ay ongoing ang validation pero sana po lalo na sinabi na ng ating Pangulo na dapat bilisan na natin ang validation nito, eh sana po bilisan na po ng ating regulatory agencies at validation agencies under the Department of Health ang pagpapalabas ng guidelines dito para magamit na natin itong saliva test.

Dahil alam ninyo, Spox Harry ‘no, tama po ang ating mahal na Pangulo, hindi po biro ang ma-PCR test at ma-swab nang ilang beses – masakit po iyan, very invasive. Tayo po mismo, ako po mismo halos naka—mahigit trenta na akong PCR test at hindi po siya komportable at may kasakitan po iyan at sana napakalaki po nang maitutulong ng saliva test. So sana bilisan na natin na mapalabas ito and sana sa loob ng linggong ‘to, sa susunod na linggo ay lumabas na.

SEC. ROQUE: Last na lang po sa akin, galing sa akin Sec. Dizon ‘no. Iyong pooled testing na PCR na nais din natin na maaprubahan, ano na pong status niyon dahil madi-divide by 4 o 5 iyong cost ng PCR kung maaprubahan po itong pooled testing?

SEC. DIZON: Finally po lumabas na ang guidelines for pooled testing. Ito po ay naaprubahan na ng ating DOH at ngayon siya ay pools of 5, limang specimen kada test so, makakatipid po tayo ‘no. Limang specimen so divided by 5 iyong magiging cost na lang ng PCR test kapag ito ay papasok sa guidelines. Sa loob po ng guidelines ng DOH, ito po ay maaari nating gamitin sa mga sitwasyon na mababa ang incidence ng potensiyal nang pagkakahawa ng COVID-19. So puwede po natin gamitin iyan sa ating mga OFWs, nakita po natin ‘no 2% lang on average ang ating positivity rate sa ating mga OFWs.

Puwede rin po gamitin natin sila sa ating mga areas na mababa ang positivity rate pero kapag mataas po ang positivity rate eh hindi po ito magagamit dahil masasayang lang po ang mga pinu-pool test natin dahil mataas po ang tiyansa na mayroon pong magpupositibo. So puwede na po siyang gamitin at malaki pong bagay ito at mapapababa ang cost ng PCR at mapapadami pa po natin ang mga nagti-test.

SEC. ROQUE: Oo. Pero ngayon po, sa NCR at nationally mababa na po ang ating positivity rate ‘di ba po?

SEC. DIZON: Mababa na po. Tumaas po siya noong ating holidays dahil nga po konti ang ating testing noong ating holidays. Pero aasahan na po natin na dadami po ulit ang ating testing ngayong linggong ito at sa mga susunod na linggo. And bababa naman po iyan ‘no hopefully. Pero tuluy-tuloy pa rin po tayo sa mataas na testing natin at pipilitin pa nating pataasin iyan lalo na ngayon na approved na ang pooled testing at hopefully, sa mga susunod na araw at linggo, maa-approve na rin ang saliva test.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince Dizon. At ngayon naman po pumunta na tayo sa ating open forum with our colleagues in the Malacañang Press Corps na equally puyat. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. And good afternoon din po kay Secretary Vince Dizon.

Tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Batay po sa mga pahayag ng Pangulo daw kagabi, tutol siya sa pagdinig o gagawing imbestigasyon ng Kongreso sa PSG vaccination. Ibig po bang sabihin, ititigil na rin ang ginagawang imbestigasyon ng NBI, AFP at FDA kaugnay nito at ligtas na ba ang PSG personnel sa anumang pananagutan?

SEC. ROQUE: Iyan po ay desisyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ‘no. Kagabi po bagama’t 11:30 na kami umalis ng Davao, kasama po namin sa eroplano si General Jess Durante, ang Hepe ng PSG at ang dahilan kaya siya’y umuwi ng Maynila ay dahil po sa imbestigasyon ng AFP. Pero ngayon lang po napanood ko sa Laging Handa, iyong Spokesperson ng AFP, si General Arevalo na nagsasabi na hindi na raw po itutuloy ng AFP ang imbestigasyon ‘no. So iyan po ay desisyon ng iba’t ibang ahensiya; so pakitanong lang po sa NBI, pakitanong sa FDA kung magtutuloy pa sila ng kanilang imbestigasyon.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Rosalie Coz: Maaari raw maglabas ang FDA ng special permit para sa PSG hinggil sa paggamit ng COVID-19 vaccine na wala pang Emergency Use Authorization. Inutusan ba ng Pangulo ang FDA na gawin ito kahit tapos na ang vaccination? Kung hindi, ano ang gusto ng Presidenteng gawin ng FDA hinggil sa PSG vaccination?

SEC. ROQUE: Ang Presidente po, wala. Tinanong lang ng Presidente kung may paraan ba para magamit for instance ng PSG ‘no dahil hindi naman lahat ng PSG naturukan pa. So wala pong gustong mangyari ang Presidente pero if I were to be asked for an opinion ng PSG, I would seriously advice PSG na sundin iyong sinabi ni Usec. Domingo, mag-apply ng special permit nang sa ganoon maturukan iyong lahat ng miyembro ng PSG.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Trish Terada, please, of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, clarify ko lang po iyong doon sa gag order ni Pangulo sa PSG pertaining to the investigation kasi nabanggit ninyo po kanina na it’s up to the agencies kung itutuloy nila iyong investigation. But should they continue or proceed with the investigation, papayagan po ba ng Pangulo iyong PSG na lumahok doon sa probe, for example, ng NBI or FDA?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, there’s no gag order. The President has said that he will invoke executive privilege and forbid his security group from attending the Senate hearing, so it’s not really a gag order ‘no. Now as far as the other agencies of the executive branch are concerned, as I said, that is at the discretion of the investigating agencies.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So kumbaga, sir, the order only pertains doon po sa Senate investigation but they can still participate doon po sa NBI and other agencies who may be doing an investigation. Tama po ba?

SEC. ROQUE: If the agencies so decide to proceed with their investigation, I don’t see any reason. As in fact, sabi ko nga, kasama nga namin sa eroplano si Jess Durante and he was going to appear in the AFP investigation which did not push through anymore.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Sir, why did the President suddenly take back his statement na binanggit niya po noong December 26 which you mentioned po, sir, na he said, “Halos lahat ng sundalo natusukan na. I have to be frank. I have to tell the truth. I will not poise a lie. Sabihin ko sa inyo marami nag”—sinabi niya po directly kay Director Domingo na, “Sabihin ko sa iyo marami ang nagpa-injection dito sa Sinopharm.” And last night he said, he doesn’t really know if the PSG were injected with the vaccine. So ano po talaga, sir, iyong kumbaga alam ng Pangulo about this?

SEC. ROQUE: Ang alam lang niya after the fact, na nagpaturok na sila. Pero hindi po nagpaalam, hindi nagbigay ng consent. Nabalitaan na niya na maraming nagpaturok kaya sabi niya c’est la vie. Kung gusto nilang gawin iyon para sa kanilang buhay at para magawa ang katungkulan nila, desisyon nila iyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, with regard to the argument of self-preservation, does this mean that anyone who may have access to the vaccine regardless if it’s authorized or not may use it so long as it’s not up for sale or not advertised and they won’t be held accountable po?

SEC. ROQUE: No. The context by which the President said that pertains particularly to PSG alone. So hindi po iyan magagamit sa lahat ng sitwasyon. Sinabi po ni Presidente iyan po ay self-preservation ng PSG dahil sa kanilang katungkulan na kinakailangan protektahan ang Presidente at hindi nila magagawa iyon kung hindi nila puprotektahan ang sarili nilang mga buhay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, on another topic. Reaction lang po doon sa sinasabi ng OCTA Research survey saying that only 25% of their respondents at least are willing to be vaccinated.

SEC. ROQUE: I cannot respond because I do not know the methodology and I do not know about the track record of the entity that conducted the survey. I have not even seen that survey.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last question for you before I go to Secretary Dizon. Sir, iyong comment ninyo na lang po siguro doon po sa revived proposal for a new franchise for ABS-CBN because Senator Ralph Recto said that this proposal will only be passed if they had a support or it’s backed by Malacañang.

SEC. ROQUE: Well, again, I beg to differ; that is a sole constitutional prerogative of Congress which must originate from the House of Representatives.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary. Can I go to Secretary Vince Dizon, please?

SEC. ROQUE: Please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Secretary Vince. Happy New Year po! Sir, very briefly lang, sir, ‘no. You mentioned earlier iyong 120 hotels or at least iyong options ng mga babalik dito sa bansa. But can you just walk us very briefly through the process of mandatory quarantine lalo na, sir, iyong mga papasok sa bansa kasi marami po iyong nagtatanong, how exactly will the process be?

Can they can go on their own to their hotels or to their quarantine facilities using their own vehicle or will the government be providing a shuttle that will bring them to their location and do they have to book hotels in advance?

SEC. DIZON: Unang-una po ‘no, kapag ang ating mga kababayan ay pauwi, ini-encourage na natin sila na mag-prebook kung gusto nilang mag-prebook na ng hotel. Pagdating po nila sa Pilipinas, sila po ay automatically ay isu-swab test sa airport upon entry. Iyon pong mga specimen nila ay dadalhin po sa ating mga laboratoryo at iti-test. Ngayon po on average, 24 hours sometimes even less na lang po ang turnaround time natin for test results.

Pagdating po nila, tatanungin po sila ng ating one stop shop sa mga airports natin kung sila ay mayroon nang hotel. Kung sila po ay wala, papipiliin po sila. Kung gusto nila iyong libreng hotel, may ia-assign po na hotel sa kanila base sa mga hotels na nakuha na ng ating gobyerno para sa ating mga returning Filipinos at OFWs – iyon po ay libre. Pero kung gusto po nila nang mas magandang accommodation, kailangan po silang pumili sa list of accredited hotels ng ating Bureau of Quarantine at doon po sila kailangan magbayad nang buo.

Para po sa transportation, hindi po sila puwedeng pumunta on their own. Either magpu-provide po ng transportation ang ating authorities sa airport or kung sila po ay pre-booked at mayroong na-arrange sa kanila, papayagan naman po silang gumamit ng hotel-provided shuttle. So iyon po ang process sa airports. Thank you po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary Vince. Thank you, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Back to Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question mula po kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Ang tanong po para kay Secretary Roque and para rin daw po kay Secretary Vince Dizon. Ito po ang tanong niya: What is the national government’s policy on the planned procurement of LGUs of COVID-19 vaccines for their own localities? Will LGUs be allowed to use their local disaster risk reduction and management funds for the procurement of vaccines?

SEC. ROQUE: Si Secretary Vince po muna.

SEC. DIZON: Opo. Maraming salamat po, Spox Harry, Usec. Rocky. Para po sa ating mga local government units ‘no, unang-una po napakaimportante po ng role ng ating mga LGUs hindi lang sa bakuna kung hindi dito sa buong response natin sa COVID-19 kaya nagpapasalamat tayo sa kanilang leadership at sa kanilang partnership.

Puwede pong mag-avail ng vaccines ang ating mga LGUs pero ito po ay kailangan gawin through a tripartite system or agreement between iyong vaccine manufacturer, iyong LGU at ng national government dahil po ang mga vaccine manufacturers ngayon sa buong mundo, ang polisiya po nila ay nakikipag-deal lang po sila sa mga national governments.

Dahil po unang-una, very, very limited po ang supply ng vaccines at ikalawa siyempre po ‘pag gobyerno, special po iyong presyo ‘no, mas mababa po ang presyo. Kaya mayroon naman pong sistema through the vaccine cluster sa pamumuno ni Sec. Galvez para sa LGUs at para na rin sa mga private companies. Katulad kahapon po nagsalita po ang Ayala Corporation dito sa briefing at ganoon din po ang sistema ng mga private companies. Mayroon pong tripartite agreement at iyon din po ang susundin natin sa ating mga LGUs.

SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, iyong tanong din, para sa inyo rin po daw?

SEC. ROQUE: Well, ang tanong po kung magagamit nila iyong calamity funds nila. Mayroon pa po tayong pending na public health crisis. Pero ang ginagawa po ng mga iba’t ibang pamahalaan ay doon sa budget na in-approved nila para sa taong ito ay naglagay na rin po sila ng budget para sa mga bakuna.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on the PSG first. Sir, yesterday during your press briefing, you said about the PSG – Haharap po ba sila sa mga imbestigasyon? “Siyempre po! Wala po tayong tinatago.” Then hours later the President orders the PSG not to participate in a Senate hearing on this matter. So, sir, is the President hiding something and why not be transparent to the public, sir, the Senate hearing?

SEC. ROQUE: The President invokes executive privilege which is in the Constitution in prohibiting iyong PSG po, in appearing sa Senado. Pero marami pa pong imbestigasyon diyan – NBI, FDA, AFP. Well, kagaya nga po ng sinabi ko kanina, handa pong humarap si General Durante doon sa AFP pero kinansel naman ang hearing. So, iyong mga hearings ng ehekutibo can continue and of course we expect the PSG to appear and cooperate.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Pero, sir, the President will explicitly order the PSG to cooperate with executive agencies who are going to investigate their vaccination?

SEC. ROQUE: He does not have to. Kinailangan lang niya na i-articulate na he is invoking executive privilege in forbidding them from appearing in the senate.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir, the Senate hearing. But I am talking about the executive agencies probe. Will he actually also order them explicitly to participate in those probes for the sake of transparency.

SEC. ROQUE: He does not have to. They all belong in the executive branch of government. As I said, it will—

PIA RAÑADA/RAPPLER: So they will, they will participate in those probes?

SEC. ROQUE: I think they will because there is no order from the President not to participate.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, moving on. The President sounded frustrated also about Pfizer being the only firm to apply for an EUA. Sir, how will the government make sure that more pharmaceutical companies apply for EUA?

SEC. ROQUE: I actually clarified this with Usec. Domingo. And an alternative would be the procuring entity to apply for the EUA because under the FDA rules, it’s either the manufacturer or the procuring entity, the DOH in this instance, in which case if the DOH will apply, then we would need the assistance of our diplomatic missions in the place where they are manufactured to present or to procure the necessary documents and data that will be required by the FDA.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, do we have a timeline on which pharmaceutical firms we will expect to have an application for an EUA in the coming days?

SEC. ROQUE: Right now, we are expecting in a day or two, I believe another western company to apply for an EUA. Let’s hope that they will because that’s the declaration of Usec. Domingo himself and Secretary Galvez. As to the rest, I have made a suggestion that the procuring entity should take steps to apply for the EUA itself, so that the others can already export their vaccines and we can use them here with an EUA. We have to understand that there is probably hundred plus countries right now and all these jurisdictions, you are probably required to apply an EUA and I see no reason why they should in fact prioritize the Philippines. That is why there is that provision in the FDA law which allows the procuring entity itself to apply for the EUA.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, lastly the President yesterday said that the PSG should be considered an exception to the list, iyong priority least for vaccines because their job description daw required them to mingle with the crowd, etc. But, sir, how about, sir the health workers? I mean, don’t they actually merit more of an exception because they actually face COVID-19 everyday; it’s their job to be on the frontlines in the health sector. So, sir, how about this, like what is the President’s priorities? Is it for the health workers or for his PSG? And will the President find a way to make sure that vaccines get go the health workers first and not necessarily his PSG first?

SEC. ROQUE: Pia, your question is misleading because the vaccine used on the PSG was not paid for by using public coffers. If public coffers are used, then the priority as we have spelled out will be implemented; first priority will be medical frontliners. So nothing has changed, the list of priorities remains. But I add that the men in uniform from the police and Armed Forces also form part of the first list of priorities.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Will the President ask for a special permit from FDA for health workers, even a small group, like maybe identified the most vulnerable health workers?

SEC. ROQUE: I don’t think it’s necessary because we are taking steps to ensure that the vaccine will come very soon.

USEC. IGNACIO: Follow up from Leila Salaverria of Inquirer: Given the President’s warning to the Senate and directive it to the PSG, what happens to the other probes being conducted by the NBI and FDA on the use of unauthorized COVID-19 vaccine? Will the PSG no longer cooperate with these other inquiries? Will Malacañang honor and abide by the findings of these other bodies should it find the PSG liable for the vaccination?

SEC. ROQUE: Usec. Rocky, asked and answered.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: If the PSG will coordinate with other probes, why will the Senate inquiry be treated differently?

SEC. ROQUE: Because the concept of executive privilege arises from separation of power and the fact that the President must be allowed to make correct, even if unpopular decisions.

USEC. IGNACIO: If the Palace says the PSG vaccination is justified, why it is still reluctant to disclose the source of the vaccines?

SEC. ROQUE: Because he simply does not know.

USEC. IGNACIO: From Jo Montemayor of Malaya: Since the NBI po is investigating the PSG vaccine mess, should the Senate and House be investigated also for the alleged use of unlicensed vaccines after Senator Lacson and Representative Romualdez were previously reported to have been vaccinated?

SEC. ROQUE: That’s a matter for both the Senate and the House to decide. Hindi po nanghihimasok sa mga bagay-bagay na iyan ang Presidente.

USEC. IGNACIO: Question from MJ Blancaflor of Daily Tribune: Does the President’s pronouncement last night send a message to the FDA, Customs and NBI’s Special Action Unit to stop its investigation on the use of unregistered COVID-19 vaccines by the PSG?

SEC. ROQUE: Malinaw po ang mensahe ni Presidente, para po iyan sa Kongreso.

USEC. IGNACIO: Second question po ni MJ Blancaflor: Granted that the PSG vaccinated themselves to protect the President from being infected with COVID-19, does smuggling vaccine and illegally administering merit an investigation too?

SEC. ROQUE: That’s asked and answered na po. In fact, that has been asked and answered for at least four press briefings already. Let’s move on please.

USEC. IGNACIO: Question po ni Virgil Lopez ng GMA News online, nasagot na ninyo, Secretary. And second question niya: May we get daw po details on President Duterte’s meeting with MNLF founding Chairman Nur Misuari in Davao city yesterday?

SEC. ROQUE: Again, I was not privy and probably covered by executive privilege.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Mayroon pang question, Usec? Wala na kasing magtatanong.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Melo Acuña ng Pacific Daily: Do we have exact figures daw po about the Chinese POGO workers in the Philippines? Has the government instituted mechanism to find out where they are? What mechanisms have we to find out if they are overstaying?

SEC. ROQUE: I do not have the numbers. But I could inquire from PAGCOR because they are a regulatory body. But I do know malaki na po ang nawalang mga POGO, marami na pong umalis sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero para po kay Secretary Roque: You have repeatedly said that the President’s duty is to enforce or implement the law, noting that he is the Chief Executive. How will you reconcile your previous statement with the President’s remarks about giving exception to the PSG members even if there is nothing in the FDA law exempting the situations they were into?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo hindi na ako magdadagdag, hindi na ako magbabawas. Ang sinabi po ni Presidente, self-preservation iyan, naintindihan niya and he appreciates it. Full stop! Kung mayroon pong gustong magpatuloy ng imbestigasyon, dito po sa Ehekutibo, hindi po pinipigilan ng Presidente. Ang sabi lang niya, wala pong matter in aid of legislation sa bagay na ito at hindi niya naiintindihan kung bakit gusto pa mag-imbestiga ng Senado. Full stop po.

USEC. IGNACIO: Question po mula kay Ian Cruz ng GMA 7. Kung ihihinto na raw po ng AFP ang imbestigasyon nila kaugnay sa bakuna ng PSG, hindi po ba maaapektuhan ang ginagawang imbestigasyon ng NBI at FDA?

SEC. ROQUE: Hindi po siguro dahil hindi iba namang ahensiya ng gobyerno iyan; may sariling legal charter po ang NBI.

USEC. IGNACIO: Second question po niya, reaksiyon ninyo raw po sa pahayag ni Senator Ping Lacson, I quote, “It is awful that the Senate hearing wants to focus on investigating the PSG personnel who allowed themselves to be inoculated instead of asking why we have no vaccines yet unlike many other countries. Let’s ask again who dropped the ball.”

SEC. ROQUE: I partially agree with him dahil ang dapat pag-usapan natin ay hindi iyong kung sino ang nabigyan sa PSG. Ang dapat talagang pinag-uusapan, kailan darating ang bakuna; paano natin madi-distribute iyan. At hindi naman po tayo nagkukulang diyan, doon sa pagsabi sa plano ng gobyerno.

Mayroon pong magandang balita: Mas maaga po yata darating ang bakuna, pero hindi ko pa po puwedeng masabi kung kailan talaga. Pero ito po’y isang katugunan sa hiling ng Presidente na nais niyang mapabilis pa iyong proseso ng pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.

Hindi naman po tayo nahuhuli. Inisa-isa po natin ang ating mga karatig-bansa dito sa Southeast Asia, Singapore lang po ang nakapagsimula na. Ang lahat ng ating mga kasama sa ASEAN ay magsisimula pa rin ng first quarter, kasabay lang po natin. At tanggapin natin na talagang mauuna iyong mga bansa gaya ng Estados Unidos, United Kingdom, Canada dahil sila po ang nagbayad para ma-develop iyong mga bakunang iyan.

Pero ganoon pa man, nandiyan din po iyong ating mga bakuna na ginagawa ng ating mga karatig-bansa na kasama nating hindi masyadong mayaman, mga bakuna na gawa po ng Tsina at ng India na magagamit na rin po natin sa lalong mabilis na panahon.

USEC. IGNACIO: For Secretary Vince Dizon, although nasagot na rin niya, basahin ko na lang po baka may maidagdag pa siya: Ano na po ang update ukol sa saliva testing para sa COVID-19? Gaano po kaapektibo at ka-economical ang saliva testing kumpara daw po sa RT-PCR test?

SEC. DIZON: Ang saliva test po ay ginagamit na sa ibang bansa simula noong nakaraang taon. At kagaya ng sinabi kanina, matagal nang inaplayan ito, halimbawa, nanguna diyan ang Philippine Red Cross. Kaya natutuwa tayo na sana sa lalong madaling panahon ay malabas na ang validation nito at magamit na ng ating mga kababayan dahil unang-una, mas mura ito; ikalawa, ito ay mas madali para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang question naman po ni Maricel Halili ng TV 5 for Secretary Roque, nasagot ninyo na rin po about PSG.

From Tina Panganiban Perez of GMA7 para po kay Secretary Roque: How soon daw po will the IATF come up with guidelines about procurement of provinces of their own COVID vaccines? Will they be allowed to use their calamity funds?

SEC. ROQUE: Nasabi na po iyan, nasagot na po iyan ni Secretary Vince Dizon. Kinakailangan po iyan ay tripartite agreement dahil G to G pa rin ang pagbibili po ng mga bakuna.

Sa calamity funds, theoretically pupuwede po. Pero ang alam ko ang naging patakaran ng mga nagsabi na bibili sila, nagkaroon sila ng specific item in their budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Additional question po ni Ian Cruz, although nasagot na rin ni Secretary Roque about doon sa OCTA Research survey na only 25% sa NCR daw po ang willing magpa-vaccinate.

SEC. ROQUE: Taliwas po kasi iyan doon sa—

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Ace Romero, nasagot ninyo na rin po tungkol doon sa saliva-based testing.

From Johnna Giolagon ng … para kay Secretary Dizon po: Do we allow now? There have been private condo owners renting out their units especially during the holidays. Are they liable for anything? Will they be liable for any penalty?

SEC. DIZON: Sa ngayon po ay hindi po natin pinapayagan iyan. Ang pinapayagan lang po natin ay iyong mga accredited ng ating Bureau of Quarantine at ng National Task Force.

SEC. ROQUE: Well, I can state po na halos wala na pong Airbnb na natira kasi lahat po ng alam kong mga condominium corporation ay ipinagbawal na rin po ang Airbnb ‘no sang-ayon na rin sa pag-uutos ng ating DOT ‘no.

So ang ginawa po nila, nagkaroon po ng mga resolutions na nagsasabi na kinakailangan minimum of six months po ang pag-upa. Meaning, iyong mga daily or iyong mga weekly na umuupa ay ipinagbabawal na rin po. So that’s actually a moot and academic question dahil halos decimated na po ang iyong Airbnb business.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Ace Romero para kay Secretary Roque: Who is the western company that will file for EUA at kailan daw po?

SEC. ROQUE: Eh ang sabi po kahapon ay two to three days. Antayin na lang po natin.

USEC. IGNACIO: Question naman po mula kay Leila Salaverria: How will the deferment of the PhilHealth contribution hike be implemented if this is not provided for in the UHC (Universal Health Care)?

SEC. ROQUE: Alam ninyo, as primary author of that law, mali po iyan. Hindi po ibig sabihin palibhasa nakasulat sa batas na mayroong pagtaas ay malalabag ang batas kung hindi magkakaroon ng pagtaas. Ang buong konsepto po ng Universal Health Care, kung hindi sapat ang premiums, tutustusan po ng gobyerno. Otherwise, it will be called medical insurance. Iyon po ang pagkakaiba.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Iyan po ang mga questions na nakuha natin ngayong araw.

SEC. ROQUE: Well, since wala na po tayong mga katanungan, nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. At siyempre, maraming salamat po kay Secretary Vince Dizon. It is an honor to be co-chairman of Vince Dizon fans club.

At maraming salamat po sa ating mga kababayan sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating press briefing. Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Pilipinas, parating na ang bakuna, abutin sana natin ang bakuna. Samantala ngayon kinakailangan – Mask, Hugas, Iwas.

Happy Three Kings sa inyong lahat. Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)