SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas.
Narito po kami ngayon sa kapitolyo ng Catanduanes, sa Virac, ito po ang maituturing na ground zero ng Super Typhoon Rolly. Kasama po natin ngayon ang aking matalik na kaibigan, si Governor Joseph Cua ng Lalawigan ng Catanduanes.
Kasama rin po natin ngayon ang kongresista ng Lone District of Catanduanes, Honorable Hector S. Sanchez; at si Honorable Jose J. Tevez ng TGP Partylist. Kasama rin po natin ngayon ang Mayor ng Virac, si Honorable Sinforoso Sarmiento, Jr.; at siyempre po iyong ating nakakausap noong tayo po ay nakapag-contact sa Catanduanes sa Camp Aguinaldo, si Brig. Gen. Adonis Bajao. Sir, ang sarap ng feeling na nakikita ka in person. At ganoon din si Mr. Jessar Adonardo, DRRMC OCD Region V Division Chief na nakausap din po namin kayo through link up ‘no. Kasama rin po natin ang PNP Regional Director Bartolome Bustamante, Commodore Giovanni Bergantin, and NFA Regional Director Edna De Guzman.
Patuloy po ang tulong ng national government sa Catanduanes. As of November 5, 2020, 6 A.M., ang report ng Department of Social Welfare and Development, mahigit 26.6 million assistance ang naipaabot sa mga apektadong lugar sa NCR, sa Region II, Region III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, Region VII and CAR ng DSWD, mga lokal na pamahalaan at mga non-governmental organizations. Nasa 138,209 katao ang nasa evacuation centers.
Samantalang ang Department of Health ay mayroong 540,440 worth of hygiene kits at collapsible water drinking containers at 402,741 worth of medicine for allocations sa mga lokal na government units as of November 5, 2020, 8 A.M.
Naglaan ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation ng mahigit 592 million pesos bilang indemnification fund para sa 32,761 na magsasaka dito sa Bicol kung saan ang kanilang insured crops ay nasira ni Super Typhoon Rolly. Makakakuha sila ng 10,000 hanggang 15,000 na insurance claims.
Minobilize [mobilized] ng Department of Energy ang Task Force Kapatid nakarating sa Region VIII Electric Cooperative Task Force Kapatid sa Albay and the rest are being dispatched to the Bicol area, particularly dito po sa Catanduanes, para matulungan maibalik po ang ilaw at kuryente dito sa rehiyon. Makakasama natin ngayon po via Zoom si Usec. Fuentebella para bigyan tayo ng detalye rito.
Inaasahan naman na darating anumang oras ngayon, alas dose ng tanghali, ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard. May dala po siya—dito po sa Catanduanes iyan darating. May dala po siyang kargang 60 tons na relief goods and supplies.
Patuloy ang ginagawang road clearing operations ng Department of Public Works and Highways. Ayon kay Secretary Villar, as of November 5, apat na national roads sa Bicol Region ang nanatiling sarado dahil sa collapsed road slow protection, natumbang mga puno at poste ng kuryente.
May kinalaman po rin kay Rolly, mayroong calamity loan ang Pag-IBIG para sa mga miyembro nito ‘no. Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan Program, lahat ng mga eligible members ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang total Pag-IBIG regular savings. Maaaring i-avail ang calamity loan within 90 days mula sa idineklarang state of calamity sa kanilang mga lugar. Ang loan ay payable sa loob ng dalawampu’t apat na buwan kung saan deferred ang unang payment, ang initial payment ay due sa pangatlong buwan pagkatapos ma-release ang loan.
Samantala, nilagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte kahapon ang Executive Order # 118 na inatasan ang Department of Health sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade Industry na tiyakin na ang COVID-19 test at test kits ay accessible at affordable. Ang DOH, kasama ang DTI, ang magdi-determine, magpu-formulate at magpapatupad ng price range para sa COVID-19 testing na isasagawa sa mga ospital, laboratoryo at iba pang mga pasilidad, kasama na ang mga test kits na gagamitin. Magiging kasama sa price range sa standards at requirements para mabigyan ng lisensiya at accreditation ang mga ospital, mga laboratory at iba pang mga pasilidad na magiging COVID-19 testing centers.
Ang hindi pagsunod sa price range ay puwedeng maging basehan para sa pagtanggal ng lisensiya o accreditation. Hintayin na lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOH at ng DTI lalung-lalo na kung magkano itong price range na ito.
Now, dahil po narito tayo sa Catanduanes, hindi na po muna tayo magku-COVID-19 report dahil nag-COVID-19 report naman po sila kanina sa Laging Handa.
Governor Cua, ano po ang mga assessment ninyo pagdating dito sa perwisyong dinulot nitong Super Typhoon Rolly sa inyong probinsiya dito sa Catanduanes? The floor is yours, Governor.
GOVERNOR CUA: Thank you, Secretary Harry Roque. At unang-una, nagpapasalamat kami kay Presidente dahil sa kaniyang quick response sa sinapit namin dito sa Bagyong Rolly na super typhoon talaga na masasabing pinakamalakas na nangyari sa Catanduanes sa istorya ng bagyo at malakas pa sa Yolanda.
Normally, kapag after typhoon, napapansin kami ng national agency o national government after may signal na kami or may network ‘no, kumbaga nahuhuli kami ng isang linggo at kung saan ang atensiyon ng national government ay nandoon sa Albay at Camarines Sur kung saan kapag binagyo kami, may bagyo din sa kanila pero sa amin ang pinakamalakas.
Pero itong nakaraang Bagyong Rolly, talagang nagpadala kayo kaagad, Sec. Harry, ng VSAT na kung saan after typhoon kaagad nalaman ninyo ang kalagayan namin. At least, kaagad ay nagpadala kayo ng mga ayuda tulad ng mga relied goods at mga…nandito na iyong mga personnel para tulungan kami. Kaya salamat po, Presidente at Sec. Harry, sa inyong quick action.
Ang report ko po ay sa ngayon po updated report, affected families, 35,222 ano. Total number of individuals affected in the province is 142,478. At ang damage naman sa mga bahay na kung saan maraming natumbang bahay, totally damages houses are 10,448; total number of partially damaged houses is 19,262. At nagkaroon kami ng evacuees, total number of evacuees in government designated evacuation center is 7,814; total number of evacuees in private households, 45,886 – ito po ang isang dahilan kung bakit kakaunti ang aming casualty dahil maraming tumulong na private houses na kinupkop iyong mga hindi na-evacuate ng ating order na mag-force evacuation.
At nagpapasalamat kami sa PNP, sa Philippine Army at sa mga barangay officials na kung saan natulungan tayo sa preemptive evacuation na kung saan kakaunti ang ating casualty. Ang ating casualty ngayon is total of six only ‘no – three from Virac, one from San Miguel, one from Gigmoto and one from San Andres – and total number of missing person is one.
Sa agriculture product, ang total damage natin sa agriculture is about 1.4 billion kung saan mas malaki ang pinsala sa abaka industry dahil kami po ang pinakamalaking abaka producer sa buong Pilipinas. A total of 1.2 billion 96 million.
–
Sa imprastruktura naman, total damages to government-owned infrastructure, national agencies and provincial agencies and department, a total of more or less, one billion.
Sa ngayon po, out of 11 towns, tatlo na lang ang impassable to all type of vehicles due to landslide – ang Municipality of Bato, San Miguel, Baras at San Andres.
Sa ngayon po ang water supply is still down, ang power supply po at 90% pa damaged ang ating electrical post at so far nakapag-release na tayo ng more than 3,000 relief goods at ongoing pa ngayon at tuloy pa rin ang clearing operation ng PNP Engineering at Philippine Army at hopefully within one or two days all 11,000 ng daan will be passable.
Iyon lang po at sa ngayon po medyo may problema tayo sa communication at sa Virac pa lang mayroong signal ang Smart at Globe.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Governor. Kasama rin po natin si Congressman Hector Sanchez, congressman of lone district of Catanduanes. Sir, ang tanong ko po, binabalangkas pa po ngayon ang Pambansang Budget for 2021, hindi naman po inaasahan itong aberyang ito na mangyayari sa Catanduanes. Kung kayo po ay magkakaroon ng pagkakataon na humingi ng karagdagang pondo na pupuwede sanang i-discuss sa BiCam, magkano po ito at saan ninyo po gagamitin itong mga pondong hihingiin ninyo?
CONG. SANCHEZ: Salamat po, Secretary. At unang-una po gusto ko pong magpasalamat sa ating mahal na Pangulo dahil sa napakabilis na assistance na ibinigay ng national government. Salamat po, mahal na Pangulong Duterte!
Iyong bilang isang mambabatas po, iyon po ipapakiusap po natin sa BiCam na ang mga dapat na ma-restore kaagad dito iyong mga government facilities like hospital, ang kapitolyo dahil sobra ang damage at ito pong mga pangangailangan po natin na basic needs like ito pong electricity, of course, under ng NEA pero siyempre matatagalan po ito dahil 90% ang damage ng ating kuryente. At the same time, tubig maybe sa LWUA at ito po ay matatagalan bago din magkaroon ng tubig ang bayan ng Virac at ang iba pang mga munisipyo.
Secretary, of course, with your help sa BiCam sana po dati po naman kayong congressman at ngayon po eh kayo po ay makakatulong po sa ating mahal na Pangulo kung paano mai-expedite itong mga pangangailangan sa aming probinsiya na sinalanta nitong Bagyong Rolly.
Marami pong salamat, Secretary!
SEC. ROQUE: Kasama rin po natin ng isang dating vice governor at ngayon po ay Party-list congressman ng TGP Party-list. Sir, napansin ko walang tubig, anong tulong po ang hihingin ninyo at kung magkakaroon po ng pagkakataon maipasok pa sa BiCam para sa National Budget, anong tulong po ang hihingin ninyo pagdating dito sa problema ng tubig dahil completely wala po kayo ngayong tubig dito sa Catanduanes.
CONG. TEVES: Thank you po, Mister Secretary, at sa ating Pangulo. Bilang dating Vice Governor po ng Catanduanes, lahat dito sa Probinsiya ng Catanduanes, 11 municipalities po ito, lahat dito ay may LWUA kaya lang ang problema natin dito if kung may LWUA ito, wala naman silang sariling pera sa ngayon kaya sa totoo lang po sumulat ako kay Secretary Wendel Avisado na kung pupuwede ito pong Typhoon Rolly, lahat ng tinamaan at nagkaroon po ng signal number 5, kung pupuwede po ito ay bigyan ninyo ito ng one month internal revenue allotment tulad ng ginawa natin dati sa pandemic na nagbigay po kayo ng one month salary, one month Internal Revenue Allotment sa buong LGUs, sa buong Pilipinas.
Kaya nakikiusap po ako na kung pupuwede lahat na biktima ng Typhoon Rolly na nagkaroon ng signal number 5, baka pupuwedeng magkaroon tayo rito ng one month Internal Revenue Allotment. Iyon lang po, kasi napakahirap sa nakikita ko ang estado ng aming probinsiya sa dahilang kung patuloy po tayo na magkakaroon ng ganitong sitwasyon siyempre hindi naman araw-araw magpapadala rito ng tulong na galing sa DSWD o national agency pero kaya naman siguro ito na mapasukan ang bayan ng mga mayors kung ito ay mayroon lamang pondo.
Napakinggan ko po iyong sinabi ng ating butihing governor na talagang ubos na po iyong pondo ng buong Catanduanes, ibig sabihin po ang probinsiya po ubos na. Governor and mayor, wala na pong pagkukunan ang mga lokal na executive dito sa probinsiya. Hindi lang po ito sa Catanduanes kung hindi sa buong biktima po ng Typhoon Rolly na tinamaan ng signal number 5.
SEC. ROQUE: Okay. Congressman, kasama po natin ngayon via Zoom si Budget Secretary Wendel Avisado. Sir? Secretary Avisado? Mayroon lang pong delay pero kasama po natin si Budget Secretary Wendel Avisado. Sir?
Okay, habang naghihintay po tayo kay Secretary Wendel Avisado, dalawa po ang nakausap natin noong tayo po ay nasa operations center ng NDRRMC, si Brigadier General Adonis Bajao. Sir, ano naman po ang partisipasyon ng ating Hukbong Sandatahan dito sa Catanduanes na talaga naman pong noong kami po ay pa-landing eh nakita namin sa ere na parang wala ho yatang bahay na natira rito. Halos wala nang puno na nabuhay matapos ang bagyong ito?
BGEN. BAJAO: Sir, ang tungkulin po ng ating Philippine Army ay bumuo kaagad ng Task Force Sagip para sa ating early response po dito sa paparating na bagyo noong hindi pa po ito nag-landfall. Kaya ang nangyari po ay nakalatag na po ang lahat ng ating mga tropa sa palibot ng isla ng Catanduanes at naka-detalye ito sa ating Provincial Disaster Risk Reduction Management Council at sa mga munisipyo na rin kung saan mayroon tayong mga teams na naka-deploy po doon.
Kaya pagkatapos po ng landfall ay ito na pong mga teams na ito ang binuo natin para sa search, rescue and retrieval operations kasama na po ang ibang law enforcement agencies lalo na ang ating kapulisan. Kaya pagkatapos noon ay nag-report kaagad tayo dito sa ating PDRRMC, sa ating emergency operations center under ng Incident Command Post para makuha kaagad natin ang tamang larawan sa nangyaring kaguluhan o sakuna sa pagpunta dito ng Bagyong Rolly. Kaya po noong nag-usap na po tayo, sir, noong November 2 ay naibigay namin kaagad sa inyo ang report dahil dito kaagad muna kami nag-report, at sa pamamagitan ng ating kasundaluhan at kapulisan, at dito na rin po sa PDRRMC ay nakuha natin ang tamang mga datos.
Pagkatapos po noon ay in-occupy na natin ang airport po nang sa ganoon doon na po papasok ang ating mga ayuda o relief supplies at kasama ng ating mga heads ng agencies of government para makatulong na po dito. So, ang Philippine Army po ay tumulong sa search, rescue and retrieval at sa pagbubukas ng mga daungang pandagat o panghimpapawid upang makapasok ang mga ayuda at tulungang mapalakas pa ang ating mga government institutions sa pagpapatayo ng ating ICP at nang maka-function na po ulit tayo at matulungan ang marami nating kababayan.
Iyon lang po, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, General Bajao. At siyempre po, kasama rin natin, ang nakausap natin din sa Camp Crame, wala pong iba kung hindi si Mister Jessar Adornado, DRRMC-OCD Region V. Nagpapasalamat nga pala po kami sa OCD at saka sa DICT, sila po ang responsable kung bakit tayo nakaka-live coverage ngayon broadcast dito galing sa Catanduanes bagama’t wala pong ilaw, walang TV at walang internet.
So, Mister Adornado, ano na po ang mga hakbang ginawa po natin dito sa DRRMC-OCD dito po sa Probinsiya ng Catanduanes at talaga namang wala po talaga yatang nakatayong structure bukod dito sa mga made of semento na pati iyong mga semento, iyong mga terminal na nakita ko, iyong terminal ng transportasyon eh lahat wala ring bubong at iyong ospital badly damaged. So, ano pong initial na aksiyon na ginawa ng ating NDRRMC.
OCD DIC CHIEF ADORNADO: Maraming salamat po, Secretary Roque. Sa part po nung November 1 noong nag-landfall po ako sa Bicol Region specifically sa Catanduanes, nag-utos kaagad ang aming butihing Director at Usec. Jalad na kapag puwede na kaagad, November 2, lilipad kami dito para magkaroon ng contact mismo kay Governor Cua. Nag-establish kami kaagad kami ng assessment sa Virac Airport command and Control. So iyon po ang ginawa namin dito.
At mayroon ding ipinadalang OCD VSAT Team kung sana na-connect namin si Governor Cua o iyong buong Catanduanes po sa NDRRMC. Nagkaroon din po tayo, sir, ng delivery ngayon ng [unclear] mayroon na po tayo diyan good for 2,500 families and additional 1,000 po ngayon for families at may darating pa po. Nagkaroon din tayo, sir, ng mga aerial drops ng relief items na hindi pa po puwedeng puntahan via road. At kahapon po inayos din natin through IMT ang ating debris clearing team nagkaroon tayo ng priorities po specifically doon sa baba na tinamaan na ating maa-access via land iyong mga lugar na iyon.
Ngayon po ang gagawin naman po natin is continue po ngayon ang ating coordination, hindi po natin iiwan ang Catanduanes, nandito lang po tayo talaga pong Tindog Catanduanes, Tindog Bicol po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. At siyempre gusto ko rin pong tanungin si PNP Regional Director Bartolome Bustamante. Unang-una, nagpapasalamat po kami at iyong early evacuation ng ating mga kababayan dito sa Catanduanes ay dahilan kung bakit nabawasan ang ating casualty dito ‘no.
Sir, kumusta na po ang kundisyon noong mga evacuees natin at saan po ngayon nananatili iyong mga nawalan ng mga tahanan?
PNP REGIONALDIRECTOR BUSTAMANTE: Good afternoon, sir. Salamat, sir, sa pagbisita sa Catanduanes, sir.
Iyong ating kapulisan sa Catanduanes headed by Col. Bryan Castillo bago pa man po mag-landfall iyong ating bagyo, sir, ay katulong na ng ating Provincial Disaster Risk Reduction Management Office to the municipal level po iyong ating Provincial Director at saka iyong ating Chief of Police po natin. Sa katunayan po niya, mayroon po tayong 752 po na pulis na naki-station po dito sa Catanduanes at nakita po natin iyong extend po ng damage, so last Monday po during our conference, si Chief PNP, General Cascolan po ay dumating sa Albay para po i-assure po iyong PRO 5, Bicol Region police na marami pong resources na puwedeng ibigay dito.
Naka-standby po dito iyong ating Police Provincial IV-A, IV-B at saka PRO 8 kung kinakailangan po ng personnel. So dito po sa sa Camp Ola po sa headquarters po ng PRO 5, mayroon po kaming standby na 800 po dito, 800 pa po ang standby warm bodies po dito na kung kinakailangan po at tatakbo po dito para po magdagdag ng personnel for search recovery and retrieval operations, pati po road clearing.
Katunayan po niyan, kahapon po ay nag-deploy po ng isang company, ng road clearing company para po makatulong sa DPWH. Sila po ay may dalang chain saw, pala, para po po makatulong sa agarang pagbubukas po ng mga saradong kalsada.
At aside from that po, sila po ay ngayong araw po ay dumating po iyong isang platoon ng Special Action Force para naman po sa karagdagang law enforcement operations na katulong po ng ating kapulisan dito sa Catanduanes, para po to enhance po iyong reinforcement at to prevent any looting po sa ating mga malls and supermarkets po dito sa lugar.
So doon po sa Port of Tabaco, mayroon po tayong Maritime Group na may staging area po doon, iyong mga kababayan po natin na gustong mag-donate po dito at iiwan na po doon. At nagbanggit na po si Governor po kanina na may mga detailed po doon na katuwang na from the provincial government of Catanduanes na katulong po ng ating kapulisan from the Albay Police Provincial Office at saka po iyong Maritime Group.
So… katunayan po niyan, ang Region I po, ang PRO I nagbigay na po sila ng worth 100,000 na dadalhin po sa Bicol at sizeable portion po niyan dadalhin po sa Catanduanes. Ang PRO 2 puro bigas, PRO 7 po isang barko, dumating na po sa Legazpi at most of the bulk po ay dadalhin po dito courtesy po ng PRO 7; at saka PRO 9 po, nagbigay din po ng tulong through our Rektang Bayanihan PNP Food Bank.
So, lahat po ito ay ipa-facilitate po ng ating kapulisan at lahat po ng kapulisan sa buong Pilipinas ay tatanggap po ng tulong para po sa Bicol region, kaya mga kababayan po natin na gustong tumulong, puwede pong i-drop off po sa mga police stations at sigurado po na itong tulong na ito ay makakarating po dito sa Bicol region, lalung-lalo na po sa Catanduanes.
SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, PNP Regional Director Bustamante. Nandiyan na ba sa linya si either USec. Jalad or Secretary Avisado?
Usec. Jalad, sir, nandito po kami ngayon sa Catanduanes. Unang-una salamat po, because you made possible this broadcast at saka iyong mga nauna nating broadcast at parating na rin po iyong isang BRP Gabriela Silang na dala-dala ang 60 tons of relief goods. Pero nandito po si Governor.
Ang tanong po ni Governor, paano daw po sila makaka-tap doon sa sinasabi ni Secretary Avisado na 3.6 billion pondo po ng NDRRMC that ako naman po ay talagang I can give my testimony na talagang halos wala pong nakatayong istraktura dito sa Catanduanes, dahil talagang naging ground zero po siya. Tinatanong po niya ngayon paano po makaka-tap doon sa 3.6 billion na sinabi ni Secretary Avisado na pondo pa ng OCD?
Hindi pa tayo nakakapag-establish ng koneksyon. What about si Secretary Avisado? Wala. Well anyway, subukan pa rin natin silang makontak. USec. Rocky, simulan na natin ang open forum.
Hi, Usec. Wimpy Fuentebella. Can we have an update po kung ano iyong progress na po para mabuhay na muli ang kuryente rito sa Catanduanes at generator power lang po talaga dito sa kapitolyo. The floor is yours, Usec. Wimpy Fuentebella.
May problema sa mga koneksyon. Ganito na lang po kung sinong makapasok, sabihin lang po ninyo and we will give way to you. If you can hear me USec. Rocky, let’s begin our open forum.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Question mula po kay Leila Salaverria ng Daily Inquirer: What does the government think of senators’ proposal to realign the 19 billion NTF-ELCAC anti-insurgency funds to more disaster relief and COVID-19 measures in the 2021 budget? Congress has the power of the purse. If Congress pursues the realignment, will Malacañang still post any objection? How necessary is the NTF-ELCAC budget to the administration in 2021?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po hindi naman po kinakailangang i-realign dahil iyong ELCAC na pondo po ay pupunta doon sa area na mayroong insurgency problem ‘no. Dahil alam naman natin na kinakailangan magkaroon ng pag-unlad para mawala na iyong problema pagdating sa insurgency. At itong mga nasalanta ng bagyo po, they will be beneficiaries of the ELCAC funds. So hindi na po kinakailangan mag-realign diyan, ipatuloy lang po natin na pondohan iyong mga ELCAC programs at malaking pondo po ay pupunta po dito sa mga Bicolandia at Catanduanes kung saan aktibo naman po talaga ang mga insurgents.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joyce Balancio: Reaction po ng Palace on SWS survey showing 82% or 4 out of 5 adult Filipinos said that their quality of life has worsened in the past 12 months.
SEC. ROQUE: Ay siyempre po nalulungkot tayo diyan ‘no, pero iyan naman po ay dahil sa pandemya ‘no. So tingin ko naman po from now on bubuti na po ang buhay natin, palabas na po ang bakuna at natututo na rin tayong mabuhay bagama’t nandiyan ang COVID-19.
Nandiyan na po ngayon sa linya si Secretary Wendel Avisado. So with your kind indulgence Secretary Wendel, ang tanong po nila—sinabihan ko na po sila na hindi pupuwedeng mag-transfer directly from the national government to the local government dahil ubos na po ang calamity fund ng Catanduanes. Pero ano po iyong mga ahensiya muli kung saan sila pupuwedeng humingi ng QRF dahil talaga pong nasalanta po talaga ang Catanduanes at wala po silang natira nang calamity fund. The floor is yours, Secretary Wendel; at nandito po si Governor Cua na magtatanong din po sa inyo.
DBM SEC. AVISADO: Salamat, Spox Harry. Ganito po ‘no, sa level ng mga LGUs ang tawag diyan sa pagsagot nila sa mga kalamidad, calamity fund. Dito naman sa national level, ang tawag natin diyan National Disaster and Risk Reduction Management fund or NDRRM.
So lahat ng mga LGUs na nasalanta ay pupuwede po silang matulungan kagyat ng iba’t ibang ahensiya na may tinatawag na Quick Response Fund. Alin-alin po itong ahensiyang ito? Department of Agriculture, mayroon silang nakalaan na 1.5 billion; DepEd – 2.1 billion; DOH – 600 million; OCD – 250 million; DPWH – 1 billion; DSWD – 1.25 billion; National Electrification Administration – 100 million. Ito po nakasaad sa General Appropriations Act ng 2020 so ‘pag iyan po na-deplete, ang gagawin po nila ay magri-request po sila ng replenishment na ginagawa naman natin.
Ang estado po ng ating NDRRM fund sa ngayon, may balanse po siyang 3.6 billion. Bago lang natin in-augment ito na 5 billion tapos po mayroon din tayong contingency fund na 10.1 billion. So ito po iyong pupuwedeng magamit ng ating national government subalit hindi po ito pupuwedeng idirektang release sa mga local government units dahil po kapag ganito ang sitwasyon, lahat ng request ay dadaan po sa Office of Civil Defense ‘no kasi sila naman iyong namamahala ng lahat ng mga request patungkol sa… iyong after effects of the disaster or natural calamity.
Iyon pong sa mga departamento, mga ano po iyon, quick response lang po iyon. Pero iyong pangmatagalan at mga permanent structures na kailangan i-rehabilitate o i-reconstruct, dadaan po iyan sa—batas din po iyan sa NDRRMC through the Office of Civil Defense. Bukas nga po magkakaroon yata kami, nandiyan si Undersecretary Ric Jalad ng emergency meeting ang National Risk Reduction and Management Council. So iyon po ang ating pagkukunan ng pondo kapag ganitong klaseng sitwasyon po. Salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you, Secretary Avisado. At I think ready na po to join us si Usec. Ric Jalad. Usec. Jalad, may tanong po si Governor Cua sa inyo. Ito po si Governor Cua.
GOVERNOR CUA: Good afternoon po, Usec. Ric Jalad. Sana po iyon nga, dahil po napakalakas ng damage na nangyari sa aming probinsiya na kung puwede makahingi kami ng pondo para matulungan kaming ma-rehab ang aming probinsiya dahil depleted na po ang aming calamity fund ano. Dahil po aside from pandemic, a week after tumama iyong Bagyong Quinta, ito namang Super Typhoon Rolly ang talagang tumama sa amin na kung saan nga, siguro na-witness naman ni Secretary Harry Roque kung ano ang extent ng damage sa amin. Kaya kailangang-kailangan namin ang tulong ng national government sa pamamagitan ng OCD na nasabi nga Secretary Wendel na talagang hindi kami puwedeng mabigyan nang direkta sa LGU kung hindi po dumaan sa OCD.
USEC. JALAD: Yes. Governor, good afternoon. Ganoon din sa ating lahat ng mga nandito ano.
So tama po iyong sinabi ni Secretary Avisado na iyong access doon sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund ay dadaan po sa amin pero [garbled]. It is the Office of the President. Si Presidente mismo must approve; iyong magbibigay, mag-i-issue ng SARO ang DBM. So ang kinakailangan lang diyan [garbled] is a request from the—any agency is actually ang puwedeng mag-access niyan.
Sa ngayon ang ginagamit ng national government agencies ay iyong kanilang mga Quick Response Funds at iyan ay nakakarating doon sa mga lugar na naapektuhan in the form of relief goods at saka iba pa ‘no. In other words in kind dahil [garbled] doon sa [garbled] itong Quick Response Fund at na allocated sa mga iba’t ibang ahensiya ay hindi puwedeng ilipat. Maibibigay nila iyan in the form of relief goods, in the form of services at iyan naman ay nangyayari na ngayon ano. Limang flights ng Philippine Air Force aircraft ang na-dispatch at may Ro-Ro and land transportation to deliver family food packs galing sa DSWD at iyong iba po naman ay nagpadala rin ‘no, hindi lang DSWD.
So again, iyong access ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund ay kinakailangan natin ang request diyan. At amin kaagad i-process iyan para maaprubahan ni Presidente and kung ang basis—kung ang dahilan ay depleted na iyong local DRRM fund, siyempre sasabihin din doon kung—babanggitin din doon ano kasi tinitingnan din naman iyan ng Department of Budget and Management. And iyong paggamit talaga ng balanse ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management fund ay isa sa pag-uusapan ngayong hapon sa response cluster meeting namin and ganoon na rin doon sa full council meeting na mangyayari bukas.
Kasi ang nakikita ko is [garbled] iyong Quick Response Fund ng iba’t ibang ahensiya and mag-allocate na rin tayo doon, hindi lang sa mga pagbibigay ng mga pagkain saka tubig at [garbled] kung hindi anumang interventions for the early recovery of [garbled]. And habang pinaplano iyong full rehabilitation [garbled].
GOV. CUA: So, puwede na po akong magpadala ng letter requesting support or funding for the rehabilitation of our damaged infrastructure?
USEC. JALAD: Definitely, Gov., at tutulungan kayo ng aming division chief na nandiyan, si Mr. Jessar Adornado, kung ano ang mga dokumento na kinakailangan. Dahil ito naman ay para sa rehabilitation recoveries, so meaning mayroon kayong sapat na panahon para planuhin so that iyong mga kinakailangang dokumento ay nandiyan.
SEC. ROQUE: Okay. Si Usec. Fuentebella is on the line. Sir, kailan aasahan ng mga taga-Catanduanes na bumalik ang kuryente po dito sa Catanduanes?
USEC. FUENTEBELLA: Okay, maraming salamat po sa inyo, sa mga pumunta sa Catanduanes, sa ating mga kapatid sa Catanduanes.
We were able to send already teams na mga linemen papunta sa Bicol Region; nandiyan na sila sa Albay. At nakapag-coordinate na rin tayo sa general manager and officers, president ng First Catanduanes Electric Cooperative. So, number one, ang update po diyan, nagpadala si Secretary Cusi ng coordinator ng Department of Energy diyan mismo sa Catanduanes. He’s on his way there para mag-coordinate doon sa pag-assess, alamin kung ano ang kalagayan ng mga tao, ng mga equipment.
And these are the following that we have already gathered as of last night: Number one, all employees and board of directors and officers of the FICELCO are all safe; number two, about the distribution system, 60% of the posts or the structures are toppled, ibig sabihin talaga pong nasira and 30% are leaning poles; number three, only the buildings are slightly damaged; number four, iyong tao namin ay hahanapin na iyong mga operator ng diesel plant at saka ng hydro plant kasama iyong National Power Corporation; number five, we are already purchasing the supplies para pagdating diyan ng mga linemen natin at saka ng Task Force Kapatid ay diri-diretso na iyong trabaho.
And the good thing is, ang RoRo natin ay umaandar na. We can transfer, we can already send our materials and our people. So we have an estimate of 500 linemen going to Bicol Region. Iyong request po ni Congressman Sanchez and ni Governor Cua na Meralco contingent ay nandiyan na rin at pupunta, bibiyahe by Saturday, papunta diyan – 50 katao pang dagdag po iyon. So, with all these, kapag nandiyan na iyong mga materials, iyong grupo ng Task Force Kapatid ay pupunta na po sa First Catanduanes Electric Cooperative diyan sa Catanduanes.
So, once they are there, the materials are there, with the number, we are expecting one to two weeks na mapapailawan na iyong Virac and the other vital installations. So, the key here is to purchase right now the equipment and facilities. And NEA Administrator Masongsong is already in Camarines Norte, matutulog sa Camarines Sur, and he will find a way to go there and converse sa ating mga officials diyan. But Jimwel Balunday is already on his way there. He has his own satellite phone and he will be coordinating with the Department of Energy every 6 and 7 P.M. to check on the power plant, the construction and rehabilitation of the distribution lines and the supply of petroleum products – gasoline at diesel. We were also able to talk to our representative there, si Jerry Cua.
So that’s it, Mr. Governor, Congressman and to the people of Catanduanes.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Kasama rin po natin from the PIA Marlon Lotore, who will act as our moderator for the questions from the local media. Question from the local media, please?
MODERATOR: Salamat, Secretary Roque. From the media, I would like to ask Juris Alcopara for the first question sa ating mga resource persons.
JURIS ALCOPARA: Good afternoon. Sec. Governor Cua said yesterday that we need at least 500,000 food packs for our Catanduanon families na greatly affected by Typhoon Rolly. Iyong ibinibigay po na food packs ng DSWD, it only lasts for two to three days per family, kaya kulang iyong isang beses lang na mabibigay ito per household. As of now, nasa 10,000 pa lang po ang naibibigay na food packs sa probinsiya and knowing na marami pang lugar, particularly in Bicol na nangangailangan din. Can you assure Catanduanons if this number will be provided for us or at least ensure na masu-sustain, that there will be no food shortage for Catanduanon families?
SEC. ROQUE: Hindi po papayagan ni Presidente Duterte na magkulang ang pagkain at tubig sa Catanduanes, iyan po ang pangako ng Presidente. Sa katunayan 60 tons po of relief goods ay naririyan na, nagdadaong na po ngayon sa puerto kung mayroon po tayong cameraman sa PTV 4, kung pupuwede kuhaan na ninyo ng larawan iyong barko, iyong Gabriela Silang nagdadala po ng relief goods dito.
Bukod pa po rito, in-assure po ako ni Secretary Tugade na naalis na po iyong lumubog na RoRo, so magagamit na po natin ang puerto dito sa Catanduanes. So tuluy-tuloy na po ang pagpasok ng relief goods, kasama na po ang pagkain at tubig. Uulitin ko po, hindi papayagan ni Presidente Duterte na magutom at mawalan ng tubig ang mga Catanduanes. Bukas na po ang kumbaga infrastructure para maparating dito ang relief goods na kinakailangan ninyo.
JURIS ALCOPARA: Okay. Sec., as we speak, marami pang impassable roads po sa Catanduanes, madami pa pong lugar na still isolated and some can only be reached by motorcycles. Their supplies po like food, shelter materials, medicines are running out. Marami pa din pong tumbang poste, puno, debris and landslide at post as barriers po to mobility. Now, if relief goods are also forthcoming, how can they reach the recipients po if ganiyan iyong road conditions natin? So, sa ngayon, ilang barangay pa lang po kasi iyong nahahatiran natin ng tulong because of this. So, if we will rely on the available personnel and equipment po locally, kakayanin po kaya namin? What can you do po to ask the DPWH to address this pressing concern?
SEC. ROQUE: Unang-una, kasama rin po natin dito si Commodore Giovanni Bergantin ng Coast Guard. Sir, anong air power assets para doon sa mga lugar na hindi mapuntahan dahil sarado ang mga kalye?
COMMODORE GIOVANNI BERGANTIN: Mayroon po tayong dalawang chopper ng Coast Guard, at sa katotohanan po kanina pong umaga ay nagsimula na po tayo sa pag-distribute ng mga relief goods. And sa ngayon po, mayroon po tayong ginagawang [unclear] operations ng chopper po natin.
SEC. ROQUE: At kahapon lamang o noong isang araw, noong last press briefing natin, ako po iyong naghanap kay Secretary Bello at nangako po si Secretary Bello ng pondo para sa 5,000 TUPAD, iyong cash for work para nga po malinis ang mga daan nang makarating po sa mga liblib na lugar ang relief goods. Pero nandito din po si Mr. Adornado ng DRRMC to assuage iyong fears na baka hindi makarating iyang relief goods sa mga liblib na mga lugar.
OCD DIV. CHIEF ADORNADO: Don’t worry po, number one, kasama po natin ang Philippine Air Force dito. Mayroon po tayong tatlong chopper po, naghahanap po sila ng mga landing sites sa lahat po ng mga isolated areas. Specifically din po iyong ating debris clearing team, kahapon po naayos na natin, talaga pong sinikap nila na at least maging one lane passable ang national roads which is matatapos nila, I think, ngayong gabi. After po niyan, lahat po puwede na po, by foot. So lahat po iyan madadalhan po natin, wala pong maa-isolate.
Mayroon din pong programa ang provincial government through the help of Coast Guard via a sea naman po. So talagang lahat po iyang kasuluk-sulukan ay mapupuntahan po natin iyan, may additional manpower tayo from Philippine Army at lalo na po na mayroon Police Regional Office V. So, iyan po ang update po diyan, Ma’am.
Q: Catanduanes is the abaka capital of the Philippines. Now after Typhoon Rolly, sa partial report po ‘no, more than one billion pesos na po ang inabot na pinsala ng abaka industry sa aming probinsiya. Main livelihood po ng Catanduanons ang pag-a-abaka. How can you help us po in the rehabilitation of our abaka industry? And anong support po kaya ang mai-o-offer ng government para po sa posible o iyong pansamantalang hanapbuhay ng aming mga kababayan na doon lang po talaga umaasa para mabuhay?
SEC. ROQUE: Mayroon pong programa ang Department of Agriculture na magbibigay ng ayuda kahit papaano doon sa mga magsasaka na nasalanta ng bagyong ito. At bukod pa diyan, mayroon po talaga silang programa para sa kumbaga rehabilitation ng mga nasirang mga pananim. At I’m sure it’s only a matter of time before Secretary Dar will announce kung ano talaga iyong package na ibibigay nila dito sa Catanduanes in particular.
Pero sa ngayon po, mayroon din po tayong 592 million in crop insurance ‘no na maibibigay sa ating mga magsasaka. Ito po ay between 10 to 15,ooo para po doon sa mga magsasaka na nawala ang kanilang mga pananim.
Q: Thank you, sir. Thank you, Sec. Harry, for the assurance.
SEC. ROQUE: Oo. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary Roque, dalawa po iyong tanong ni Joyce Balancio ng ABS-CBN. Reaksiyon din po daw sa Philippines ranked 12 out of 144 countries that are considered as safest countries in the world with their citizens saying they feel secured and they have confidence in the police.
SEC. ROQUE: Nagpapasalamat po kami sa ating taumbayan at kahit papaano po ay kinilala po nila iyong prayoridad ng ating Pangulo na panatilihin talaga ang peace and order sa ating lipunan. Maraming, maraming salamat po at ito pong kumpiyansa na binigay ninyo sa pamamagitan ng survey na ito ay patunay na patuloy po tayong nagsusulong na maibalik po talaga ang peace and order sa ating komunidad.
USEC. IGNACIO: Second question po niya on SOGIE Bill. A lawyer from Coalition of Concerned Families of the Philippines told congressmen in a hearing that LGBTQ+ under SOGIE Bill will become a super special elite class because while it upholds and protect rights of the LGBTQ+, it discriminates the rest of the classes in community. Does the Palace agree? The President is supportive of the LGBT+, but how should we balance this?
SEC. ROQUE: Malinaw na malinaw po ang paninindigan ng ating Presidente, naniniwala po siya na lahat po ng Pilipino ay pantay-pantay anuman ang kanilang kasarian.
Pero hinahayaan na po natin sa Kongreso kung ano ang magiging pinal na bersiyon ng SOGIE Bill. Ang Presidente naman po ay nagsabi ‘no, pagdating sa civil [garbled] na tinatawag, iba po ito sa same sex marriage ‘no. Hindi po sang-ayon ang Presidente sa same sex marriage. Whether be it church or civil, hindi po siya sang-ayon. Pero sang-ayon po siya na magkaroon ng batas para magkaroon ng batas na iiral doon sa relasyon ng kaparehong kasarian.
At dahil nga po itong SOGIE Bill naman ay tinataguyod din ang karapatan na maging pantay-pantay ang lahat ng Pilipino, suportado rin po iyan ng Presidente. Pero ang detalye po ay iniiwan natin o iniiwan ng Presidente sa Kongreso.
MODERATOR: Yes. Sec. Harry, kasama rin natin ngayon mula dito sa kapitolyo si Jinky Tabor ng GMA.
JINKY TABOR/GMA: Magandang hapon, Sec. Question from the news desk, we go to Albay. Iyong investigation po as far as the landslide that occurred there, verified na po ba ito na quarry ang talagang reason?
SEC. ROQUE: As far as I know po, nagpapatuloy po ang imbestigasyon ‘no. Iyan naman po ang ipinangako ni Secretary Cimatu kay Presidente. Nag-iimbestiga po sila ngayon kung anong kinalaman ng quarry doon sa pagbagsak ng lahar. At inaantay naman ni Presidente ang report ni Secretary Cimatu.
USEC. IGNACIO: Secretary, ang question po ni Harlene Delgado ng UNTV ay natanong na po ni Leila Salaverria about iyong budget ng NTF ELCAC. Tanong po ni Trish Terada: Just to confirm, sir, will the President’s address push through tonight?
SEC. ROQUE: [off mic] dahil magpupulong po muli ang ilang miyembro ng Gabinete kasama po ang inyong abang lingkod mamayang gabi po. So time permitting, baka matuloy po iyong kaniyang Address to the Nation, but time permitting.
Yes, punta tayo uli kay Marlon.
MODERATOR: Yes, Sec. Harry. Tawagin ko naman ngayon mula rito rin sa kapitolyo, si Mr. Fernan Gianan ng Catanduanes Tribune.
FERNAN GIANAN/CATANDUANES TRIBUNE: Magandang hapon po, Mr. Secretary. Ang pangunahing pangangailangan po ngayon ng mga nasalanta, lalo na iyong mga nawalan ng bubong, ay iyong G.I. sheets. Kulang na kulang po ngayon ang…ang alam ko nga ay nagkaubusan na. Paano po mapa-prioritize iyong cargo niyan galing Maynila?
SEC. ROQUE: Oo. Usec. Jalad, perhaps you can help answer the question. Kinakailangan daw po nila ng G.I. sheets. Ang tanong po: paano natin mapaparating dito ang G.I. sheets? Pupuwede ba hong gamitin ang quick response fund ng OCD para magpadala dito ng G.I. sheets sa Catanduanes at iba pang area na nasalanta ng Bagyong Rolly?
USEC. JALAD: Puwede po iyan ano, but pag-uusapan namin dito sa response cluster meeting kasi para walang duplication, kasi ang DSWD ay mayroon ding emergency shelter assistance. Well, iyong local government units ay mayroon ding quick response funds so iyong kuwan, talagang kasama ito sa pag-uusapan namin ngayong hapon para maayos kung sino ang magbibigay ng mga sumuporta na ganiyan.
SEC. ROQUE: So hayaan ninyo po, iyong mga taga-Catanduanes at Bicolandia, aabangan po natin ang magiging resulta ng pag-uusap nila at iaanunsiyo naman po natin kaagad kung ano ang magiging desisyon sa pagpupulong na iyan.
Ibabalita ko rin po na nanggaling na dito sa Catanduanes si DSWD Secretary Bautista. Siya po ang pinakaunang miyembro ng Gabinete na nakatapak po sa Catanduanes, dala-dala po ang relief goods; at mas marami pang relief goods ang dumating na ngayon sa puerto ng Catanduanes. Maraming salamat, Secretary Bautista.
Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, ang first question ni MJ Blancaflor, natanong na rin po ni Joyce Balancio na tungkol sa SWS survey. Ang second question po niya, ano daw po an activities ni President Duterte this week?
SEC. ROQUE: Halos every hour po ang kaniyang meeting sa Malacañang. Nakita ko po ang kaniyang kalendaryo ‘no. So punung-puno po ng meetings si Pangulo sa Malago Clubhouse sa Malacañang.
KAREN CANON/BICOL.PH: Good afternoon, Secretary. Clarification lang po. Doon sa shelter assistance ng DSWD, ano po ba ang ibibigay? Financial assistance po ba doon sa mga nawalan ng bahay?
SEC. ROQUE: Usec. Jalad, can you answer the question? Doon sa shelter assistance daw po ng DSWD, ano ang ibibigay, pera ba ho or in kind?
Naku, walang audio ‘no. Well, ang sa tingin ko po ‘no, it can be cash. Pero kung talagang ang—ayan na yata.
USEC. JALAD: Sec. Harry, puwedeng combination ho ng cash at saka in kind; puwede ring cash lang, puwede ring in kind or in a construction materials, but isa iyan sa pag-uusapan namin ngayon. Mas maganda nga sa tingin ko is cash na lang para sila na lang ang bumili diyan ng materyales, ang problema is baka walang supply ng materyales. So, maaaring may mga iba pang pangangailangan iyong ating mga kababayan na puwede rin nilang gamitin doon iyong cash. So, it could be a combination or it could be cash only.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. May isa pang question? Go ahead.
Q: Last lang po. Projection natin na 100% power restoration sa province?
SEC. ROQUE: Usec. Fuentebella, kailan po ang projection na 100% power back in Catanduanes po?
USEC. FUENTEBELLA: Yes, Sec.? Ano po iyon? Sorry medyo garbled.
SEC. ROQUE: Kailan daw po ang forecast ninyo na magiging 100% back ang power sa Catanduanes.
USEC. FUENTEBELLA: Okay. We are attempting under the order ni Secretary Cusi na before Pasko, bago mag-Pasko. So, we are working double time, we need to purchase first our list, iyong listahan natin ng mga kailangang bilhin bago natin mapadala ang mga tao doon (weak signal) hospital and vital installations and the commercial areas—
SEC. ROQUE: Pero iyan naman po ay 100%, hindi naman po ibig sabihin walang partial. Magkakaroon naman po ng martial, huwag kayong mag-alala. So, partial naman pong mari-restore iyan. Hindi naman po ibig sabihin na dalawang buwan na completely wala kayong kuryente, magkakaroon naman po, unti-unti.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, question from Melo Acuña, mayroon po siya ditong tatlong tanong para sa inyo: What specific programs would the government implement to address the need for housing in areas like Catanduanes, Albay and other typhoon-devastated areas?
SEC. ROQUE: (OFF MIC) po iyan, ‘no. Mayroon pong QRF ang DSWD for housing at the same time, ang NHA po, I’m sure magkakaroon din po iyan ng programa pero sa mga lugar na kagaya ng Catanduanes, kinakailangan po talaga ng tulong.
Now, nasabi ko na rin kanina na iyong Pag-IBIG po mayroon din po silang calamity fund, iyong calamity loan na 80% of their savings, so malakihan pong halaga rin ang pupuwede nilang mautang sa Pag-IBIG. Pero hayaan ninyo po, makikipag-ugnayan din tayo sa NHA para maitanong kung pupuwede silang tumulong din sa pagpapatayo ng mga bahay na nasalanta dito sa Catanduanes at sa iba pang lugar ng Bicol
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: What countries and international organization have sent assistance for typhoon victims?
SEC. ROQUE: Siguro mas updated si Usec. Jalad. Ang alam ko lang po ay UN at saka EU. Usec. Jalad, may mga ibang bansa na ba ho raw na nagbigay ng tulong para sa mga biktima ng Typhoon Rolly?
USEC. JALAD: Kahapon Sec. Harry ay nagkaroon kami ng Zoom meeting with the Secretary General of ASEAN at executive director ng AHA Center na base sa Jakarta, Indonesia. Initially, mayroon tayong puwedeng gagamitin, actually, in country na iyon, mga relief goods na nandito sa Camp Aguinaldo, Quezon City. But in addition to that, ang ating Foreign Affairs ay in contact na rin with possible donors and iyong UN-ODS ay nag-express na rin, nag-relay na rin ng intention ng ibang bansa para tumulong. Isa rin iyan sa pag-uusapan namin bukas sa full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ang additionally, Sec. Harry, karagdagang sagot doon sa tanong kanina tungkol sa programa tungkol sa bahay, iyong emergency shelter assistance natin ay start-up lang iyan. And kasama doon sa mga programa na buuin ng NDRRMC iyong doon sa pagpaplano ng rehabilitation ng recovery ay iyong possible na ma-PPAs o programs, projects and activities na manggagaling sa NHA – it could be resettlement, it could be replication of the houses.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, question from Melo Acuña pa rin po: Any statement daw po from the Office of the President on the American Presidential Elections?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Naghihintay lang tayo ng opisyal na results. Bagama’t ang obserbasyon po ng Palasyo, sana po matutunan din natin na magkaroon ng eleksiyon na walang nasasaktan, walang namamatay at bagama’t parang natuto naman po ang mga Amerikano doon sa allegation ng fraud, pero sana po sa eleksiyon natin ganoon din, na mapayapa at mahinahon ang lahat.
MODERATOR: Secretary, we also have with us Mister Edsel Estuye ng Far East Broadcasting Company (FEBC) – Philippines. Sir?
EDSEL ESTUYE/FEBC: Good afternoon, Sec., from First Response Radio 98.5. Sir, ano po ang dapat gawin ng mga relief private organizations na dadating dito sa Virac? May process o protocol po ba na dapat nilang sundin? Sino po ang ahensiya na dapat nilang puntahan?
SEC. ROQUE: Si Governor Cua po ang sasagot niyan.
GOV. CUA: Iyong tanong po sa health protocol?
EDSEL ESTUYE/FEBC: Relief operations
GOV. CUA: Ah, donations, sorry. Sa donation po is nag-create kami ng team and then in fact may base kaming ginagawa kung saan you can get in touch. Kung ang donation po is from Manila, we appointed two persons at may private warehouse tayo doon owned by our company na iyon na ang magko-coordinate sa logistics.
And then pagdating naman sa Tabaco, nag-usap na kami ni RD Bustamante na tutulong ang pulis at bukas po magpapadala kami ng isang van na kung saan kung sino man ang magpapadala ng mga donation whether in kind po ano, in kind po ang pinag-uusapan natin kasi kung pera po, pinost din namin iyong account ng kapitolyo sa Landbank pero kung in kind iyon nga iyong sinabi ko kanina na sa Manila nagbigay tayo ng contact person at nag-allocate tayo ng warehouse na kami na ang magshi-shipout from Manila to Catanduanes.
And then iyong galing mainland po, na-coordinate namin kay RD sa PNP na sila ang mag-facilitate. We will provide the container van na doon na lang ilagay para hindi na mahirapan iyong magdo-donate.
EDSEL ESTUYE/FEBC: Governor, sino po in particular na point person ang kukontakin ng partnership?
GOV. CUA: Actually, kini-create pa lang namin. Ang problema ngayon sa Tabaco is wala pang signal ang Smart at saka Globe but in the next few days baka magkaroon ng signal, we will post kung sino po ang contact person from PNP personnel and from capitol.
EDSEL ESTUYE/FEBC: Thank you very much, Governor. Sec./Usec., one last question. Since iyong First Response 98.5 pa lang po naka-broadcast ngayon dito sa Catanduanes, ano po ang gusto ninyo pong ipaabot na mensahe sa mga Catanduanon?
SEC. ROQUE: Sa mga taga-Catanduanes, unang-una, hindi po kayo pababayaan, hindi kayo kalilimutan ng ating Presidente. Narito po tayo ngayon sa ground zero para ipakita ang suporta ng Presidente sa lahat ng mga naging biktima ng super Typhoon Rolly. Lahat po ng mga pangangailangan ninyo sisikapin natin na dalhin dito by air, by land, by sea. At huwag po kayong mag-atubili dahil ang Presidente po walang pulitika iyan, lahat po ng mga nangangailangan ay bibigyan ng tulong.
May tanong si Congressman Teves para kay Secretary Avisado. Secretary Avisado, Congressman Teves here.
CONG. TEVES: Good afternoon po, Secretary. Tanong ko lang po kung lahat po ng pangangailangan ng province of Catanduanes, na mga funding assistance tulad ng mga projects na hinihingi po ng ating Congressman at ng ating Governor dito eh susuportahan ninyo po sa BiCam?
DBM SEC. AVISADO: Ay, opo naman! Ito na nga po ang sinabi ko noong nagpulong kami with the President na ‘kako, dumating itong sakunang ito, itong kalamidad na ito sa gitna ng pagsisikap ng Kongreso na maipasa iyong budget natin para sa susunod na taon.
Kaya na nga po sinabi ko rin na iyong mga talagang permanent infrastructure na kailangan ipalit natin doon sa mga nasira eh pagsisikapan po natin na mai-shepherd natin sa Kongreso hanggang doon sa bicameral conference committee para po kung puwedeng maisalin natin ‘no iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa mga lugar na nasalanta ng Super Typhoon Rolly.
Kaya po makakaasa po kayo, 100% po suporta namin diyan at hindi po namin aayawan iyan. Talagang kung ano po iyong kinakailangan ng mga taumbayan, iyan po talaga ang kagustuhan ng Pangulo – na ibigay sa ating mga mamamayan ang mga pangangailangan nila lalo’t higit naapektuhan sila nitong Super Typhoon Rolly. So makakaasa po kayo.
SEC. ROQUE: Secretary Avisado, nahihiya silang magtanong. Ako na po ang magtatanong para sa kanila. Bagama’t nagpapasalamat po sila sa mabilisang pagdating ng relief goods, marami pong pangangailangan na hindi lang po relief goods. So ang tanong nila, posible ba ho raw makatanggap sila ng immediate cash assistance na subject to liquidation dahil hindi lang po relief goods na pagkain at tubig ang pangangailangan ngayon dito? Mayroon ba hong ganoong facility na puwede nilang i-tap in terms of immediate cash assistance?
DBM SEC. AVISADO: Titingnan po natin sa level ng direktiba ng ating Pangulo kung mayroong ma-declare na—pagmi-meeting-an nga po kasi bukas iyan ng NDRRMC among others the declaration of national calamity in the areas covered by … or affected by Super Typhoon Rolly. At pagka nagkaganoon po, mayroon pong mga issuances na gagawin diyan na kung saan gagawa ng paraan na kung puwede makadirektang bigay, dagdag ayuda ang national government sa mga local government units po. Ini-expect na po iyan, inaaral na po iyan. At kung anuman po ang magiging resulta niyan, malalaman at malalaman ng ating mga kababayan diyan, una mismo sa Catanduanes at sa ibang probinsiyang nasalanta ng Super Typhoon Rolly po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Avisado. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary Roque, tanong mula kay Joseph Morong: Would a Biden presidency be good or bad for the Philippines?
SEC. ROQUE: Kahit sino pong manalo, wala pong problema ang ating Presidente. We can work with any president because we have had a long history of very close friendship with the United States.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Regarding the COVID-19 vaccine. Will it be free also for those who can afford the vaccines?
SEC. ROQUE: Bakuna para sa mga [garbled] tayo po ang magbabayad nang libreng bakuna para sa mga 4Ps beneficiary, 20 million ang numero po na bibigyan initially nang libreng bakuna. Pero sang-ayon nga po doon sa Universal Health Care Law na ating isinulong, hahanap pa rin po tayo ng paraan para mabigyan pa nang mas maraming libreng bakuna ang ating kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tatlong huling tanong na lang po ang—mula pa rin kay Joseph Morong: Regarding the price cap, what happens to the prevailing price range of accredited laboratories, clinics? What is a reasonable price range?
SEC. ROQUE: Hayaan muna natin pong pag-usapan iyan ng DOH, ng DTI. Ang nakasaad lang po doon sa pinirmahang EO ng Presidente, kapag hindi sumunod ang isang laboratory o ospital doon sa price range, mari-revoke po ang kanilang accreditation as a licensed PCR laboratory.
USEC. IGNACIO: Last two questions Secretary Roque. From Sam Medenilla: Nakapag-submit na po kaya ang Office of the President nang latest report to Congress on the implementation of Bayanihan II? If yes, will this be made available po kaya sa public at sa media?
SEC. ROQUE: Sam, pinost ko po iyon kahapon sa heads up ‘no, iyong ating Viber group ng Malacañang Press Corps ‘no. Naka-post na po iyan, nai-submit na po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Last question mula po kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we confirm if President Duterte will meet with suspended Immigration officers next week?
SEC. ROQUE: Hindi ko po mabibigyan ng kumpirmasyon iyan dahil nandito po ako sa Catanduanes bagama’t mamaya po papunta po ako para makipagpulong din kay Presidente.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Bago po tayo magtanong, Mayor… we have Mayor Sarmiento who is the mayor of Virac ‘no. Nasa ilalim po ng lokal na pamahalaan din ang tubig kung hindi ako nagkakamali ‘no. Ano po ang status ng assessment ninyo pagdating doon sa nasirang mga imprastraktura sa tubig dito sa Virac City?
VIRAC MAYOR SARMIENTO: Talaga pong down pa po ang supply ng Virac Water System dito sa Virac. In terms naman po ng pondo na maitutulong natin dahil sa lawak ng devastation ano, mula sa source hanggang sa mga pipelines ay talagang medyo wala na pong maitutulong ang munisipyo ng Virac sa ating water district, talagang aasa kami sa itutulong ng kapitolyo at siyempre doon din po sa itutulong ng national government para naman mabigyan nang malinis na tubig na talagang kailangang-kailangan ng ating mga kababayan dito sa Virac, Catanduanes.
SEC. ROQUE: Anyway, nasabi naman po kanina ni Congressman Sanchez na ito’y isa sa mga karagdagang line item appropriation na susubok na ipasok sa bicam po ng national budget ‘no dahil hindi naman inaasahan na talagang masisira ang imprastraktura ng tubig dito sa Catanduanes.
So wala na po tayong mga katanungan. Mga kaibigan—
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po si Prince Golez ng Pulitiko. Ang tanong po niya: The Hotel Sales and Marketing Association said at least 20 hotels accommodating Overseas Filipino Workers as quarantine facilities have not been paid by the Overseas Workers Welfare Administration for their services. It will be difficult for these hotels to provide OFWs necessary supplies if they do not get paid. The group said OWWA owe them these accommodations establishment about 250 million.
SEC. ROQUE: Usec. Jalad, alam ko po mayroon din kayong kinalaman pagdating doon sa mga temporary housing or quarantine facilities. Usec. Jalad… alam ko mayroon ding kinalaman [overlapping voices] ninyo para dito sa mga temporary facilities na ginagamit natin ‘no. Paano po iyong proseso para mabayaran daw iyong mga ginamit na isolation facilities ng OWWA?
USEC. JALAD: Well, pagka OWWA Secretary ay ito iyong mga OFWs ano na dumating sa bansa at pagdating nila ay automatic ay sina-subject sa hotel quarantine. So OWWA ho ang may responsibility na bayaran iyong mga hotels, sila ho kasi ang nagkontrata niyan.
Ang Office of Civil Defense ay may mga kinukontrata na mga hotels para doon sa mga—iyong mga aggressive community testing ng National Task Force, mga health responders as well as COVID suspects and positives ang hinu-hotel diyan.
Mayroon din tayo para doon sa mga mega treatment at saka testing facilities, iyong mga health responders natin naka duty diyan sa mga quarantine facilities at saka big swab areas ‘no. Sila ay accommodated din sa hotels at kasi hindi safe na sila ay umuwi sa kanilang mga pamilya sa kani-kanilang mga bahay, so iyon po ang ating binabayaran.
Ngayon kung magkakaroon ng request ang OWWA for fund augmentation ay through the Bayanihan II funding ay kailangan ay may approval iyan ng Presidente at kanila dapat na i-submit iyong kanilang request coming through the Office of Civil Defense.
SEC. ROQUE: Okay. Anyway ipararating po natin iyan sa OWWA Administrator Hans Cacdac. So wala nang tanong, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, wala na pong tanong Secretary Roque. Salamat po.
SEC. ROQUE: Okay. Dito sa local media, wala na ring tanong? Well kung wala na pong tanong, maraming salamat po sa local media dito sa Catanduanes. Maraming salamat sa mga men and women comprising the Malacañang Press Corps.
Maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – si Governor Joseph Cua, Congressman Lone District of Catanduanes Hector Sanchez, TGP Partylist Congressman Jose Tevez, Virac Mayor Sinforoso Sarmiento, ang ating Brigadier General Adonis Bajao, Jessar Adornado ng DRRMC, PNP Regional Director Bartolome Bustamante, Commodore Giovanni Bergantin, NFA Regional Director Edna de Guzman at siyempre po sa buong sambayanang Pilipino. Salamat po sa pagsama ninyo sa atin dito ngayon sa Catanduanes.
Ako po’y nasa Catanduanes kasama po ang ating buong opisina … pero nandito po tayo sa Catanduanes para makipagkapit-bisig sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo at paalalahanan sila, hindi po sila nalilimutan ng ating Presidente at pangunahing prayoridad po natin maparating ang lahat ng mga pangangailangan ng mga kapatid natin dito sa Catanduanes.
Sa ngalan po ng ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte – Catanduanes, Bicol, hindi po kayo papabayaan ng ating Presidente.
Magandang hapon po sa inyong lahat. Reporting live from Catanduanes, Harry Roque po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)